Rosas Na Digma2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Julius N.

Jalosjos

BSEd- Science 2

Pamagat: Rosas ng Digma ni Danny Fabella

Sanggunian:

http://judemangilog.wordpress.com/2014/03/23/lyrics-of-rosas-ng-digma-attugon/

Buod: Rosas ng Digma


Lyrics: Danny Fabella
Sumibol sa isang panahong marahas
Bawat pagsubok ay iyong hinarap
At hanga't laya'y di pa nakakamtan
Buhay mo'y laging laan
Namumukadkad at puno ng sigla
Tulad mo'y rosas sa hardin ng digma
At di maiwasang sayo ay humanga
Ang tulad kong mandirigma
Ako'y nangangarap na ika'ay makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas di malalanta
Ang kulay mong angkin singtingkad ng dugo
Nagbibigay buhay sa bawat puso
Tinik mo'y sagisag ng tapang at giting
Sa laranga'y kislap ng bituin
Ako'y nangangarap na ika'ay makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas di malalanta
Gaya ng pag-ibig na alay ko sinta

II
Uri ng Panitikan:

Patula- ang mga liriko ay may tugma at sukat.

Istilo ng paglalahahad:

Mabagal ang melodiyang ginamit upang mabigyang diin ang mensaheng nais
ipahahiwatig ng kanta.

Tayutay:

 Pagtutulad- tulad moy rosas sa hardin ng digma. Ang babae ay nahahalintulad sa


isang rosas na namumukadkad sa kabila ng dahas ng digmaan sa tulong ng
pag-aalaga ng taong nag mamahal sa kanya.

 Pagwawangis: “ Ang kulay mong angkin singtingkad ng dugo” kinumpara ang kulay
sa isang dugo kaya ito ay naging halimbawa ng pagwawangis.

 Pagmamalabis: “Hinding-hindi kukupas di malalanta” binigyang kalabisan ang


kagandahan na ito raw ay hindi malalanta, ngunit alam natin na ang kagandahan ay
kumukupas sa ating pagtanda

Dulog

 Realismo: pinapakita sa awit ang katutuhanan na kahit sa kabila ng digmaan may


pag-ibig kang matatagpuan at ang pag-ibig ay walang pinipiling panahon mapa
masaya man o malungkot mapa digmaan man o sa panahon ng kapayapaan.

 Imahismo: may mga bahagi ng kanta kung saan binibigyan ng diskription ang babae
na nakakapukaw sa imahinasyon ng tagapakinig.
Halimbawa “Sumibol sa isang panahong marahas
Bawat pagsubok ay iyong hinarap
At hanga't laya'y di pa nakakamtan
Buhay mo'y laging laan”

 Romantisismo: ang awit ay naglalahad ng pagmamahal sa kanyang iniirog,


pagmamahal na nais niya makamit sa kabila ng digmaang kanilang hinaharap,
pagmamahal na gustong makamit kahit pa ang panahon na ang hadlang at
nagpapahayag rin ito ng paghanga sa katapangang taglay ng kanyang sinisinta.

Galaw ng Pangyayari

Sakto lamang ang pag-awit, tama lamang ang bilis nito upang mabigyan ng diin ang
mga nais ipahatid ng awit at tama lamang upang madama ng mga nakikinig ang
sakit ang saya na nadarama ng may akda.

Bisang Pampanitikan

 Bisa sa isip- tinatatak ng kanta sa isipan ng tagapakinig na ang pagmamahal ay


walang pinipiling panahon at walang pinipiling lugar. Na ang nagmamahal ay
matapang at kayang makipaglaban makamit lamang ang masayang wakas.
Pinapakita na lahat ng tao ay may karapatan na mag mahal kahit ano pa ang kanilang
kalagayan sa buhay at pinapaalam sa atin na sa pag-ibig hindi lang dapat ang lalaki
ang kailangan makipaglaban kundi pati na ang babae, dahil kailangan ang dalang tao
na nagmamahalan na magkaisa upang makamit ang ninanais na kaligayahan.
 Bisa sa Damdamin- pinapadama ng kanta ang labis na pagmamahal. Pagmamahal na
gustong matamasa ng karamihan pero madarama mo rin ang sakit at pighati sapagkat
madarama mo ang pagdurusa at sakrepisyo ng taong nagmamahal. Na sa
pagmamahal kailangan may magsakripisyo at may kailangan magparaya dahil sa
lahat ng panahon puro ligaya ang mararanasan dahil darating ang panahon na
kailangan mong masaktan upang masukat kung hanggan saan mo kayang
makipaglaban.

 Bisa sa Kaasalan- pinapakita ang asal na mapagmahal at ugaling kayang magtiis.


Pinapakita ng lalaki na ang kanyang pagmamahal sa babae ay tutuo at kaya niyang
maghintay hanggang dumating ang panahon na pwede na silang magsama na wala
ng digmaan na hahadlang at ugaling kayang mag-tiis kahit ano pa ang sakit na
kanilang maranasan.

 Bisa sa Lipunan- pinapakita kung ano ang nadarama ng mga sundalo ng bayan kung
sila ay malayo sa piling ng kanilang sinisinta.

You might also like