Bionote No Allan Martinez

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Bionote no Allan Martinez

Mas kilala bilang Allan Martinez sa mundo ng larangan ng mga


abogado, Si Allan Martinez ay isang magaling na abogado sa
aming pamilya at kilala din siya sa lahat dahil kahit anong kaso
ay nalulutasan niya ito malaki man o maliit.

Lumaki siya dito sa Ayungon Negros Oriental kung saan lumaki


siya na walang wala rin sa mga panahon na bata pa siya. Sa
kanyang pagtatapos ng pag-aaral sa kursong Law sa Siliman
University sa Dumaguete City naging kilala na siya sa aming
lugar.

Noon na bata pa siya marami siyang pinagdadaanan at sa


kanyang murang edad noon nagtratrabaho na siya para may
makain at matustusan ang kanyang pangangailangan sa kanyang
pag-aaral, nasubukan niya ang pagtanim ng palay at tumutulong
din siya sa kanyang mga magulang kahit mosmos pa lamang
siya. Nagsikap siya ng mabuti para maging matagumpay ang
kanyang pag-aaral. Sa kanyang pagkokoleheyo nagsikap parin
siya upang makapag-aral ng koleheyo tinulungan din naman siya
sa kanyang mga magulang pero di parin sapat para sa kanyang
pangangailangan at sa awa ng Diyos nakapagtapos siya ng Law
sa Siliman University.
Noong tao ng 2005 ikinasal siya ni Gen Martinez at nagkaroon
sila ng dalawang anak na lalaki. Sa larangan ng pah-aabogado ay
hindi madali lalong-lalo na sa tulad niya na kapos at walang
pangangailangan noon. Hanggang ngayon kilala parin siya at
tumutulong sa mga nangangailangan lalong-lalo na sa mga
kapos palad din at hindi parin siya nagbabago hanggang ngayon
at lumilingon parin siya sa kanyang pinangagalingan.

Masaya na siya kung ano ang meron siya ngayon, kahit di


madali ang kanyang pinagdadaanan nagawa niya paring
makapagtapos sa kanyang sariling sikap.
Abstract
Ang Wastong Pagamit ng Teknolohiya sa mga Mag-aaral
Sa panahon ngayon hindi na bago sa atin ang teknolohiya dahil
gamit na gamit na ito sa lahat at lalong-lalo na sa mga mag-
aaral, ito ang mabisang o mapadaling paraan sa mga mag-aaral
sa pagawa ng takdang aralin at iba. Ngunit sa makabagong
paraan na ito marami din sa mga mag-aaral na hindi nila ito
ginagamit sa wastong paraan dahil marami sa ating mag-aaral
na pinabayaan nalang nila ang kanilang pag-aaral at nakatutok
nalang sa kanilang mga gadget at hindi na nakatutok sa kanilang
pag-aaral.

Mga Susing Salita: Dapat gamitin natin sa wastong paraan ang


pagamit sa teknolohiya dahil kung gagamitin natin ito sa tama o
sa wastong paraan magiging mapabuti ang ating pag-aaral at
nakakatulong din ito sa ating pag-unlad sa ating buhay.
Buod
Noli Me Tangere
Pagkatapos ng pitong taong pag-aaral sa Europa ay bumalik sa
Pilipinas ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra. Dahil dito’y
naghandog ng piging si Kapitan Tiyago kung saan inanyayahan
niya ang ilang kilalang tao sa kanilang lugar.

Sa piging ay hinamak ni Padre Damaso si Ibarra ngunit sa halip


na patulan ay magalang na lamang itong nagpaalam sa
kadahilanang siya ay may mahalaga pang lalakarin.

Si Ibarra ay may magandang kasintahan, siya si Maria Clara na


anak-anakan ni Kapitan Tiyago. Dinalaw ni Ibarra ang dalaga
kinabukasan pagkatapos ng piging.

Inalala nila ang kanilang pagmamahalan at maging ang mga


lumang liham bago pa mag-aral sa Europa si Ibarra ay muling
binasa ni Maria Clara.
Sa daan bago umuwi si Ibarra ay inilahad ni Tinyente Guevarra
ang sinapit ng ama ng binata na si Don Rafael Ibarra na noon ay
isang taon nang namayapa.

Ayon sa Tinyente, pinaratangan ni Padre Damaso si Don Rafael


na isang Erehe at Pilibustero dahil hindi umano ito nagsisimba
at nangungumpisal. Nangyari ang lahat ng ito matapos
ipagtanggol ni Don Rafael ang isang bata sa kamay ng isang
kubrador na aksidenteng nabagok ang ulo kaya namatay.

Dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaroon ng imbestigasyon


habang nakakulong ang Don. Nagsilabas din ang ilan sa mga
lihim na kaaway ni Don Rafael at pinaratangan pa ng kung anu-
ano.

Labis na naapektuhan ang kanyang ama sa mga pangyayaring


iyon kaya naman habang nakakulong, siya ay nagkasakit at iyon
ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Di pa nakuntento si Padre Damaso at ipinahukay ang labi ni Don


Rafael upang ipalipat sa libingan ng mga Instik. Dahil sa malakas
na ulan ng panahong iyon, sa halip na mapalipat ay itinapon n
lamang ang bangkay sa lawa.

Imbes na maghiganti, ipinagpatuloy ni Ibarra ang nasimulan ng


kanyang ama. Nagpatayo siya ng paaralan sa tulong ni Nol Juan.

Noong babasbasan na ang paaralan ay muntikan ng mapatay si


Ibarra kung hindi lamang siya nailigtas ni Elias.

Sa halip na si Ibarra ay ang taong binayaran ng lihim na kaaway


ng binata ang siyang namatay.

Muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata. Hindi na sana


ito papansinin ni Ibarra ngunit ng kanyang ama na ang
hinahamak nito ay ‘di siya nakapagpigil at tinangkang sasaksakin
ang pari. Napigilan lamang siya ng kasintahang si Maria Clara.

Talumpati
Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw
Pa Rin Ang Pag-Asa
Iba na talaga ang mga kabataan ngayon mga salitang halos araw
araw mong maririnig mula sa mga matanda. Sa dyip, sa kalye, sa
palengke. Halos nakakabingi na nga ‘di ba?

Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang kabataan ng


makabagong henerasyon na maraming alam sa bagong
teknolohiya, maraming pangarap sa buhay, maraming nais
maabot.

Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon.


Marami sa atin ang hindi nakakakita nun dahil inaasahan nating
maging pareho sila ng kabataan noon. Hindi pa ipinapanganak,
nakakulong na sa ating mga ganito, ganun.

Ano sa tingin mo kaibigan? Hindi ba pwedeng hayaan natin


silang mamuhay sa mundo na kinamulatan nila? Mahirap.
Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa mundong ibang-iba na
rin.

Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa


rin nila ang pag-asa. Hindi man sa paraan na ating nakikita, pero
malay mo, balang araw, mas magiging maliwanag ang mundo
dahil sa kanila.
Panukalang Proyekto

Pamagat ng Proyekto: Pinamagatang "Tawag ng Kabataan" ang


gawaing ito ay tululungan natin ang mga kabataan na nawala
ang landas sa buhay.

Kategorya ng Proyekto: Ang gawain ng mga kabataan ay bigyan


sila ng trabaho sa barangay o bigyan sila ng atensyon upang
hindi mawala ang kanilang landas sa buhay.

Petsa: Gaganapin sa September 21, 2019 bilang paalala na ang


kabataan ay pag-asa ng bayan.

Rasyonal: Upang bigyan ng pansin ang mga kabataan na hindi


pa huli ang lahat upang magbago at hindi mawala ang kanilang
landas. Tulungan natin ang kanilang mga sarili upang umayos
ang ating kabataan.

Benebisyong Dulot ng Proyekto: Ang benebisyong dulot ng


proyekto na ito ay upang wala ng mga kabataan sa atin na
tumatambay at umiinom ng alak sa labas at wala na ring
kabataan na nawawala ang landas.
Katitikan ng Pulong sa Paaralan
Petsa: July 19, 2018
Lugar ng Pulong: Silid Aralan

Mga Dumalo
1.Parents
2.Student

Daloy ng Usapan

Panimula

1.Panalangin
2.Pagpatibay ng Katitikan
3.Iba pa

PANIMULA:
Pagkatapos ng panalangin ay sinimulan na nila ang pagpupulong
at nagpulong sila tungkol sa makakatulong sa ating paaralan at
sa mga studyante.
Tayo na't Magsulat
At
Umunawa

By: Jamaica M. Martinez

You might also like