Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Radio Broadcasting Script

Maria : Haler!!! We’re back


Gracie : At nagbabalik na nga po kami dito na tayo sa Story ni Benedict at Racquel.
Rohanisah : At ito po ang Kwento nila Benedict and Racquel. Nagtext po pala si Benedict sa atin
at ang sabi ay..
Maria : At sabi niya…Good evening po, Sa inyo. Benedict po pala ito. Patawagan naman po ang
Ex ko, One year napo kasi ang nakalipas. Pero siya pa rin ang nilalaman ng puso ko. Racquel po
ang pangalan niya. Eto po ang number niya…Sana po ay matawagan niyo.
(Calling and Ringing)
Maria : One Year nang nakalipas pero di parin nakaka-move on.
Gracie : May mga ganun talaga, Maria.
Maria : Oo naman, Ako nga ilang years eh!
Gracie : Oh’di ba, sobrang daming case na naganyan sa Let’s Talk About Ex eh.
Rohanisah : May iba nga Dekada.
Maria : Ay oo! Totoo yan.
(Sumagot na)
Maria : Hello?!
Racquel : Hello?
Maria : Hi good evening! Ahmmm... Racquel, ikaw ba’to?
Racquel : Opo.
Maria : Racquel, Hi good evening! Ito si Kitty. Kasama ko yung friends ko dito, sina Rose at May.
Rohanisah : Hello po
Gracie : Hello din po.
Maria : May gusto lang akong itanong sa’yo. Kilala mo ba si Benedict?
Racquel : Huh?
Maria : Si Benedict.
Racquel : Opo
Rohanisah : Ka ano-ano mo si Benedict?
Racquel : Ahhh…Dating kaibigan.
Gracie : Kaibigan lang?
Racquel : Ahhh.. Ex.
Maria : Sabi niya, one year na daw ang nakalipas mula nung maghiwalay kayo? Tama?
Racquel : Opo.
Maria : Pero hanggang ngayon daw ikaw parin ang nilalaman ng puso niya. Gusto lang sana
kitang tanungin… ikaw ba? Mahal mo parin ba siya?
Racquel : Ahhh.. Dati oo
Rohanisah : Ngayon?
Racquel : May iba na eh…
Rohanisah : May iba ka na…
Gracie : May bagong boyfriend o may bagong manliligaw?
Racquel : Manliligaw palang po.
Rohanisah : Manliligaw pa lang so single ka pa ngayon?
Racquel : Oo
Rohanisah : Ah, salamat Racquel tatawagan ka namin uli mamaya.
Gracie : So, ayan po narinig po natin na may bagong manliligaw si Racquel. Tawagan po natin si
Benedict.
( Calling )
Maria : Hello! Benedict
Benedict : Ah, Hello po
Maria : Narinig mo ba yun? Single pa rin daw siya hanggang ngayon.
Gracie : Pero may nanliligaw na sa kanya.
Rohanisah : Oo nga.
Gracie : balik na muna natin si Racquel.
Maria : Hello ate Racquel.
Racquel : Po?
Maria : May papakausap lang ako sa’yo. Eto yung friend namin.
(Ipinausap naming ang dalawa)
Benedict : Hello?
Racquel : Hello?
Gracie : Si Benedict yan.
Racquel : Ahh ganun, saan mo nakuha number ko?
Benedict : Ah wla. Kaibigan lang source.
Racquel : Ahhh… Kamusta?
Benedict : Ok lang. Ikaw ba?
Racquel : Okay lang din. Okay lang naman
Benedict : Matagal na rin eh noh? One Year.
Maria : Hep! Okay na! Sisingit muna ako. Matanong ko lang, Ano ba ang nagging dahilan ng
hiwalayan ninyong dalawa?
Benedict : Ahhh.. Ano nga ba???
Racquel : Ano
Rohanisah : Sino ang nakipaghiwalay?
Racquel : Ako.
Gracie : Bakit?
Racquel : Oras. Oras. Siguro nawalan ng oras. Ganun.
Maria : Pero wala namang third party?
Racquel at Benedict : wla naman po.
Maria : Okay, so One year na ang lumipas. For sure, sa isang taon nayon ay marami nang
nangyari sa kanya-kanyang buhay. Ikaw ba kuya, nagkagirlfriend kaba?
Benedict : wla po.
Maria : Wla, okay. Buti nang malinaw. Sige.
Gracie : So single ka sa loob ng one year?
Benedict : Opo
Rohanisah : Eh si ate? Ikaw ate? Nagka-boyfriend kaba nung naghiwalay kayo?
Racquel : Ahh. May mga manliligaw na pero wala pa rin.
Gracie : Wala, So what? Sa one year nayun single ka din?
Racquel : Opo
Maria : Okay. Pero ngayon, sabi mo may nanliligaw sa’yo? Tama ba?
Racquel : Opo.
Maria : Ano ang status nitong manliligaw mo ngayon? Nasang stage na sya? Malapit mo na
bang sagutin o getting to know palang?
Racquel : Malapit na dahil sobrang close na rin po.
Rohanisah : So malapit mo nang sagutin. So too late na pala para kay kuya?
Gracie : O may chance pa ba kay kuya?
Racquel : Ayaw ko rin po paasahin yung manliligaw ko kasi gusto ko na rin po siya.
Maria : Oh, so okay gusto mo rin siya. Eh si kuya? Si kuya Benedict, ano ang nararamdaman mo
para sa kanya?
Racquel : Okay lang naman din po tayo. Okay lang maging kaibigan na lang.
Gracie : Kung halimbawa liligawan ka ni kuya Benedict ngayon at magsisimula na siyang
manligaw, papayag kaba? O ire-reject mo na agad?
Racquel : Hindi na po.
Rohanisah : Hindi na. Pero kailangan mong maging honest, kesa magpaasa ka pa nga.
Gracie: At saka, sayang naman kasi yung nanligaw sa kanya. Di ba? Nag-effort na rin yun eh! At
saka bagong pag-ibig bagong chapter na ito. Siguro, sayang kasi bakit pinaabot pa ng isang
taon?
Maria : Oo. Kuya, bakit nga ba kailangan umabot ng isang taon bago ka magparamdam kay ate?
Benedict : Nagsawa ako noon. Binigyan ko siya ng oras para sa sarili nya siyempre. Pero
sinubukan ko naman lahat eh, Sinubukan ko ang lahat para makalimutan siya agad.
Maria : so ibig sabihin kuya sa loob ng one year tri-ny mo rin siyang kalimutan? At
magpakabuhay single? Neto mo lang na realize na mahal mo pala siya? Tama ba?
Benedict : Opo
Maria : Kaya lang it’s too late na.
Benedict : Ah, Okay lang naman po. Naintindihan ko naman po. May gusto lang po akong
sabihin pa sa kanya.
Maria : Oh sige, ganito na lang, sabihin mo na lang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. Siguro
alam nito na hindi pa talaga ito ang right time para sa inyo or hindi pa napapanhaon na
magkabalikan kayong dalalwa. Pero sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya go!
Benedict : Ah Hello Racquel hi! Sana ngayon, sana masaya ka na ngayon. Sana napapasaya ka ng
lalaking nanliligaw sa’yo. Kahit sino man yan. Maraming salamat kasi nakilala kita. Naging parte
ka ng buhay ko. Yun lang ok na. Minahal kita ng sobra, binigay ko ang lahat kasi sa isang side na
rin na di na rin ako nagsisisi kasi Binigay ko ang lahat sayo. Lahat ng pagmamahal. Alagaan sana
ka niyang mabuti. Sana wag niyang gawin yung mga nakukulang ko na nagawa ko sayo. Ayaw
kong makasira sa isang relationship, Tulad ng nangyari sa atin. Maraming salamat sa lahat.
Maria : Ate, ano ang gusto mong isagot sa mga sinabi ni kuya Benedict? Ano ang gusto mong
sabihin sa kanya?
Racquel : Thank you din sa lahat. Ano. Dumating ka rin ganun dahil kung hindi dahil sayo na
hindi rin ako nagging ganito, nagging matured. Subukan mo na rin akong kalimutan. Pakasaya
ka na rin, hanap ka rin ng iba.
Maria : Masakit man na kailangan niyong magpaalam sa isa’t isa pero iyon ang dapat gawin sa
ngayon. Una sa lahat may magiging soon-to-be boyfriend si ate. Tapos, sabi nga niya na wala na
siyang feelings para sayo. Siguro, it’s time kuya Benedict to let go of your feeling para kay ate
Racquel.
Gracie : Wag kang mag-alala kasi makakahanap ka rin ng tamang tao para sa iyo and who know
malay natin hindi natin masasabi kasi hanggang’ hindi pa ikinakasal ang isang tao hindi pa
ending yan eh. Di ba? Marami pang pwedeng mangyari. Pero sa ngayon hindi talaga pwedeh
Rohanisah : Atleast nasabi niyo na sa isa’t isa ang lahat ng nilalaman ng puso niyo.
Maria : Wala na ba kayong gusto pang sabihin?
Benedict : Wala na po.
Maria : Haayy! Masakit to para sa part mo Kuya Benedict. Kasi, ine-expect mo na baka sakaling
may second chance pero wala. And at the same time, masakit din naman ito sa part ni ate na
kailangan ka niyang saktan sa ganting paraan. Hindi niya din to gusto
Benedict : Naiintindihan ko naman po. Okay lang. Tatanggapin ko lang po.
Racquel : Ingat ka palagi.
Benedict : Tatanggapin ko yun.
Rohanisah : Hangga’t may buhay may pag-asa. Marami pang pwedeng mangyari sa inyong mga
love story. Who knows? Baka sa huli kayo parin. Who knows baka magkaroon kayo ng kanya-
kanyang buhay. Sa ngayon masakit man ito sa inyong dalawa pero yun ang kailangan gawin..
Maria : Maraming salamat sa pagshare ng love story ninyo ha.
Benedict : Ok lang po
Gracie : Kaya mo yan, be strong okay?
Benedict : Opo naman
Maria : Alright maraming salamat sa inyong dalawa. May sasabihin kayo Rose at May?
Gracie : I love you goodbye!hahahaha
Maria, Gracie & Rohanisah : HAHAHHA
Maria : Hay!
Gracie : Ganun talaga! Anyway maraming salamat!
Maria : Thank you soo much
Rohanisah Thank you din!
Gracie oh diba masakit alam mo?
Maria : Hay nakakalungkot noh?
Rohanisah : I’m sure silang dalawa nasaktan. Pero mabuti na rin ito na malinaw ang lahat ng
mga tanong. Dahil may closure na.
Maria : Correct!
Gracie : At sana, sana naman ay maging maganda ang love story ni Ate, kasi mamaya nilaban-
laban niya yun tapos HaHHAHAHHA
Maria : Waley naman pala. HAHAHHA
Gracie : Saka naman pala di ba. Soo goodluck sa love story nilang bago. I wish you all the best
Maria Okay. Ayan. Diyan po nagtatapos ang ating Kwentuhan. At bago tayo mag good bye
pakinggan niyo ito na ni request ni Jade
( Kanta )
Maria : Ang ganda ng music noh? At diyan mo nagtatapos ang ating programa BYE!
Lahat : BYE!!!

You might also like