Bangkay Bust

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Bangkay Bust

Buod: Mahuhuli si Julius ng mga aswang sa isang bangkay bust operation na isinasagawa nila.

Susubukan niya ngayong makatakas mula sa mga aswang ngunit hinahabol din siya ng kanyang

nakaraan.

Tagpo: Sa isang warehouse na may lamesa kung saan may bangkay na nakapatong.

Mga tauhan:

Pangunahing tauhan:

Julius - Nanhuhukay ng bangkay para ito’y basbasan para makaganti sa mga aswang na kumain sa

kanyang girlfriend na si Jessica.

Aswang #1 (Halimaw) - ang pinuno ng tatlong aswang sa grupo.

Aswang #2 (Cadaver-eater) - ang bangis ng grupo ng tatlong aswang.

Aswang #3 (Cadaver-eater) - ang sikmura ng grupo ng tatlong aswang.

Minor tauhan:

Undercover Bangkay Operative - undercover na bangkay para mahuli si Julius.

[Patakbong papasok si JULIUS sa loob ng warehouse kung saan may bangkay na

nakalapag sa isang lamesa.]


JULIUS: Lumayo kayo kundi bubuhasan ko tong bangkay!

[Maglalabas si JULIUS ng bote ng bendisyon at maghahanda nang ibuhos sa bangkay sa

lamesa ngunit biglang pipigilan ang kamay niya ng bangkay at susunggaban siya.]
JULIUS: Bitawan mo ko! Demonyo!
U. B. 0. : Hawak ko na yung suspek!

[Mabubuhusan ang bangkay ng bendisyon at masusunog ito. Tatakbo si JULIUS paalis

ngunit papasok bigla ang mga iba pang aswang at mapapatigil siya.]
ASWANG 1: Sa tingin mo ba makakatakbo ka?
ASWANG 3: Baba mo yung bendisyon!

ASWANG 2: Pag bilang namin ng tatlo dapat nakababa na ang bendisyon!

ASWANG 3: Isa!

ASWANG 2: Dalawa!

[Ibababa ni JULIUS ang bendisyon sa sahig]

ASWANG 1: Isipa mo ngayon papunta sakin.

[Sisipain ni JULIUS ang bote ng bendisyon papunta kay ASWANG 1. Pupulutin naman ni

ASWANG 1 ang bendisyon at ibubulsa.]


ASWANG1: Kita niyo mga bata, nakikinig naman pala siya.
ASWANG 2: [Maglalabas ng radyo] Nahuli na namin ang suspek. Tikbalang units

standy by.

[Biglang maglalabas ng baril si JULIUS at tututukan ang mga ASWANG.]

JULIUS: Wag kayong lalapit!


ASWANG1: Ano gagawin mo? Walang kwenta baril mo laban sa aswang.
ASWANG 3: Di ka narin pwedeng tumakbo!
ASWANG 2: Nakapaligid na sila sa labas, diba boss?

ASWANG 3: Boss pwede na ba namin kainin to?

ASWANG 2: Oo nga, mas masarap daw pag buhay!

JULIUS: Ano ba gusto niyo sakin? Atay ko? Laman loob?

ASWANG1: Gusto lang namin tigilan mo na yung mga bangkay. Alam namin ikaw

yung nagbabasbas sa kanila kaya hindi namin sila makain. Nandito kami para bigyan ng hustisya ang

mga aswang na nagugutom dahil sa mga kalokohan mo, kriminal.

JULIUS: Dapat sa inyo magutom! Wala ba kayong respeto sa patay o sa mga

pamilya ninakawan niyo?!


ASWANG1: Wala nang kaluluwa ang patay.
ASWANG 3: Oo nga! Mga kaha nalang yan! Kaha ng kay sarap na sarap na bituka!

ASWANG 2: Wika nga nung babaeng biniktima ni boss nung isang gabi, “magmove on

ka na”.

JULIUS: Mga walang hiya kayo! Kahit ang patay may halaga parin! Hindi niyo

maiintindihan yun’ dahil mga katas kayo ng dilim!

ASWANG1: At ano mapapala mo sa pagbabasbas mo? Sino ka si Panday? Pedro

Penduko?

ASWANG 2: [Tatawa] Siguro may agimat to, ang tapang niya di tulad ng mga ibang

naging ulam natin.

ASWANG 3: Sige na boss! Isang kagat lang naman.


AS WANG 1: Tumahimik nga kayong dalawa, hindi pa natin yan pwede kainin. Sabi ng

korte ng mga maligno na kailangan muna siya ihusga... pagkatapos pa siya kakainin.

JULIUS: Anong korte?


ASWANG1: Aswang kami hindi hayop, bata.

ASWANG 3: Siyempre may sariling sistema rin and lipunan ng mga aswang.

ASWANG 2: Ano ba tingin mo samin?

ASWANG 2: Ang mga tulad namin [tuturo kay ASWANG 3] ginugutom mo. Excuse me,

hindi lahat ng aswang halimaw na pwedeng mag-abang lang ng pagkain sa labas.

AS WANG 3: Oo nga! Kami pa yung walang hiya? Mas maaksaya kaya kayong mga tao!

Cremation? Kami ba sinusunog namin yung mga palay niyo?


ASWANG 2: Tapos yang mga embalsamo na yan! Ayaw rin namin ng preservatives sa

pagkain.

ASWANG 3: Alam mo buti nalang andito ka boss!

ASWANG 2: Oo nga! Kung hindi dahil sa mga halimaw na tulad niyo, malamang wala

na kaming makakain!

JULIUS: Akala ko dugo lang sinisipsip niyo.


ASWANG1: Sige na, sige na. Mamaya niyo na ko puriin. Hulihin niyo na muna ‘yan.

[Lalapit ang mga ASWANG para hulihin si JULIUS]

JULIUS: Teka! ... Diba gutom na kayo?


ASWANG 2: Manahimik ka na nga.

ASWANG 3: Oo! [Babatukan siya ni Aswang 2]

JULIUS: Pano kung... Magpustahan muna tayo?


ASWANG 2: Ano nanaman pinagsasabi neto boss?

ASWANG 3: Basta bituka mo yung premyo.


ASWANG1: Teka... Manahimik kayo. Tuloy.

JULIUS: Magpustahan tayo, kung nanalo ako pakawalan niyo ko pero kung natalo

ako edi kainin niyo na ko.

ASWANG 3: Mukhang magandang ideya to boss. Tara! Tara!


ASWANG 2: Pinapatagal mo lang yung tinatadhana sayo tao.

JULIUS: Natatakot ba kayo baka matalo ng tulad ko?

ASWANG 3: Iniinsulto mo ba kami ulam?!

ASWANG1: Matapang, sige pagbibigyan ka namin. Maglalaro tayo!

ASWANG 2: Boss, hindi ba magtataka si Kapitan Kulam kung kinain natin siya?

ASWANG1: Sabihan nalang natin na nanlaban siya. May baril namang hawak.

ASWANG 3: [Maglalabas ng radyo] O’ sige. Bilisan na natin boss, nangangalay na raw

yung mga mananaggal patrol sa labas.

ASWANG 2: [Maglalabas ulit ng radyo] All units, hintay lang. Kinulong ng suspek ang
sarili niya sa loob.

ASWANG1: O’ sige, kayong dalawa. [kay ASWANG 2&3] Bigyan niyo siya ng

pagsubok.

[Magkukumpol sina ASWANG 2&3 at mag-uusap ng saglit.]

JULIUS: Ano ang hamon niyo?


ASWANG 2: Magbibigay kami ng tatlong tanong, kailangan tama lahat ng sagot na

bibigay mo. Kahit isang mali lang, talo ka na sa hamon.


JULIUS: Aba, napakadaya naman! Isang mali lang talo na ko?
ASWANG1: E’ kung ayaw mo maglaro, dadalhin ka nalang namin sa korte.

JULIUS: Sige na nga...

ASWANG 3: Ang unang tanong. Sa tuwing umuulan habang may araw, anong nilalang

daw ang kinakasal?

JULIUS: Tikbalang!

ASWANG 3: Ha! Mali! [Susugod kay JULIUS]

ASWANG 2: [Pipigilan si ASWANG 3] Tama siya...

ASWANG 3: Bakit kasi yun yung tanong! Lahat ng tao alam yon!

ASWANG 2: Stupido! Ikaw nagbigay nung tanong!

ASWANG1: Kumalma kayo. Unang tanong palang yan, bigyan niyo pa ng isa.

ASWANG 2: Mula sa isa sa mga alamat ng Bataan, anong insekto ang sinasabing

nagmula sa bituing nasa noo ng isang prinsesa?

JULIUS: Bubu- [Lalaki bigla ang mukha ni ASWANG 3 at mapapnsin ni JULIUS]

Teka, mali pala yun... [Mag-iisip] Gagam [Lalaki ulit ang mukha ni ASWANG 3 sa tuwa at muling

mapapansin ito ni JULIUS] Parang hindi e... Hmm.. .[Susubukan pa ni JULIUS magsabi ng ibang

pangalan ng insekto para makita kung tama ito base sa mukha ni ASWANG 3. Gigitna naman sa

kanila si ASWANG 2]
ASWANG 2: [Kay ASWANG 3] Yung mukha mo halata!
ASWANG 3: Mukha mo halata!

ASWANG 2: Umayos ka nga!


AS WANG 3: Pano ako aayos?! Gutom na gutom na ko! Pinatulan ko na nga yung

alitaptap sa labas!

ASWANG 2: Edi’ tumalikod ka para di ka niya makita!


JULIUS: Pwede na ba kong sumagot...?

ASWANG 2: Ano sagot mo?

JULIUS: Alitaptap... ?

[Titinginan si ASWANG 2&3]

ASWANG 3: Nandadaya ka!


ASWANG 2: Stupido!

ASWANG1: O’ sige. Ako nang magbibigay ng tanong. Anong nilalang ang kadalasang

naririnig sa mga alamat. Tulad ng alamat ng pinya at ng dagat.

ASWANG 2: Humanda ka! Si boss na yung magtatanong! Wala ka nang takas!

[Mapapaisip ng malalim si JULIUS. Patlang.]


ASWANG1: Sirit?
JULIUS: Hint?

ASWANG 2: Di niya alam boss!

ASWANG 3: Buti nalang hindi utak kakainin ko!

ASWANG1: O’ sige pagbibigyan kita. Isa siya sa mga pinakamalaking nilalang sa

mundo natin.

[Magugulat ang dalawa at hahatakin si ASWANG 1]

ASWANG 2: Boss, bakit tinulungan mo siya? Isang tanong na lang ang kailangan niya

para matalo ang hamon.


ASWANG 3: Oo nga! Ay aw niyo bang kumain?
ASWANG1: Wag kayong mag-alala. Ako bahala dito, alam ko kung paano mag-isip

‘tong taong to’. Pabayaan niyo siya sakin.

JULIUS: Alam ko na!

[Haharap muli ang tatlong ASWANG sa kanya]


ASWANG1: Ano?
JULIUS: Bungisngis.

ASWANG 1: Mali ka. Higante ang sagot.

ASWANG 2&3: [Magugulat] Ang galing mo boss! Naloko mo siya!

JULIUS: E’ isa parin namang higante ang Bungisngis.

ASWANG 3: Wala! Akin na atay mo!

ASWANG1: [Pipigilan si ASWANG 3.] Pabayaan mo muna. Hindi masarap ang

katawang takot, maniwala ka.

ASWANG 3: Gutom na talaga ko e’.


ASWANG 2: Bugbugin kaya muna natin! Diba nga mas masarap daw pag tinetenderize

yung kame.

JULIUS: Pano ko alam hindi niyo lang ako niloloko! Hindi nga inexplain ng

maayos kung paano yung magiging pusta at paano tayo magpupustahan. Bat’ biglang naging trivia

game to’.

ASWANG 1: Matuwa ka nga, buhay ka pa hanggang ngayon. Kung ibang aswang


kaharap mo, malamang bukas na yung bituka mo ngayon.
JULIUS: Pano ko malalaman na tutuparin niyo yung usapan natin kung manalo man

ako?

ASWANG 2: Mananalo ka ba?

ASWANG 3: Kung kainin ko kaya yang paa mo ngayon!

ASWANG1: Easy lang kayong dalawa, masyado niyo kasi tinatakot ‘tong bata e\

[Haharap kay JULIUS] Ikaw naman, dapat siguro maalala mo na wala ka ngayon sa posisyon para

humingi ng kahit ano. Baka nalilimutan mo na kaya ka lang humihinga e’ dahil gusto ko pa.
JULIUS: [Patlang] Ano susunod niyong hamon?
ASWANG1: Oras mo naman para magtanong sa amin. Kung hindi namin masagot ‘ edi

may oras ka pang bumawi. Mag-isip ka na.

[Magkukumpulan ang tatlong ASWANG.]

ASWANG 2: Boss, sigurado ba kayo na itutuloy pa natin tong’ larong to’?


ASWANG1: Bakit naman hindi?

ASWANG 3: Masyado na tayo natatagalan. Hindi ba magtataka yung mga ibang aswang

units sa labas?

ASWANG 1: Hindi yan’. Alam nila kung gaano ka importante ang misyon na ito, hindi

sila mang-iistorbo. Kailangan lang natin mag report kada minuto para malaman nila na maayos ang

lahat. Claro?
ASWANG 2: Opo boss!
ASWANG1: Sige [Hahawakan sa balikat si ASWANG 2] Magradyo ka ngayon sa mga

units natin sa labas, sabihin mo hindi pa natin kailangan ng tulong nila. Masyado pang delikado

ang ating sitwasyon.


ASWANG 2: Sige po! [Maglalabas ng radyo at makikipag-usap]
ASWANG 3: Boss, bakit ba ulit natin to’ ginagawa?

ASWANG1: Dahil gusto ko pa ng ibang impormasyon.

ASWANG 3: Tulad ng?

ASWANG1: Pano kung hindi lang siya yung nandyan na nambabasbas ng mga

bangkay? Pano kung marami pala sila... Siya yung susi sa kaalaman... Sasayangin lang ba natin para

lang makalipas gutom?


ASWANG 3: Hindi po.
JULIUS: Handa ang tanong.

ASWANG 2: Sagutan na natin.

ASWANG 3: Ano ang tanong?

JULIUS: Sinturon ni San Juan, di mahawak-hawakan.

[Mag-iisip ang tatlo]

ASWANG 3: Alam ko na! Pancit Canton!


JULIUS: Mali.

ASWANG 2: Seryoso ka ba? Pano yun naging Pancit Canton?

ASWANG 3: Eh kasi di mahawak-hawakan eh. Malamang malangis siya! Tapos

sinturon daw, kaya naisip ko parang pancit lang.

ASWANG 2: Tonto! Ang tamang sagot ay alambre! Kaya di mahawakan kasi pwede

siya masugatan diba?!

JULIUS: Maliparin.
ASWANG 2: [Tungo kay ASWANG 3] Ikaw kasi! Ginulo mo pag-iisip ko!
AS WANG 3: Tigilan mo nga ko! De bale, kaya to’ ni boss.

AS WANG 2: Oo nga boss! Kaya mo to! [Tungo kay JULIUS] Magpaalam ka na sa mga

santo mo, siguradong sigurado kami makukuha to’ niya to’.

AS WANG 1: Sirit. Ano?


[Magugulat sina ASWANG 2&3]

JULIUS: Ahas.
ASWANG1: Sabi na nga ba.

ASWANG 2: Bakit di mo niyo po sinagot?!

ASWANG 3: Oo nga! Nakakain na sana tayo.

ASWANG1: Pasensya na mga kapatid, nilamon ako ng kaba. Di ko kinaya kung

magkamali rin ako ng sagot.

ASWANG 2&3: Hindi po sir, okay lang yan. Babawi nalang tayo.
JULIUS: Susunod na tanong.

ASWANG 3: Bat’ ka ulit magtatanong?

JULIUS: Nakatatlong tanong kayo ah.

ASWANG 2: Tatlo kasi tatlo kami, eh ikaw mag-isa ka lang.

ASWANG1: Oo nga, kung more than one edi dapat sabi ko tanongs imbis na tanong.

JULIUS: Ano ang susunod kong hamon?

ASWANG 2: Oo nga sir, ano na susunod nating gagawin?

ASWANG1: Bato pik.

ASWANG 3: Bato pik po sir?

ASWANG 2: Sigurado po ba kayo?


AS WANG 1: Oo naman. Bakit hindi. [Tuturo si ASWANG 3]

[Mapipilitan maglaro ng bato pik. Gagawa ng bato sa kamay pero may isang daliring

nakataas si ASWANG 3]
JULIUS: Ano yan? Bato ba yan?
ASWANG 3: Dila ng manananggal! [Gagalawin ang nakalawit na daliri.]

JULIUS: Kailan pa nagkadila ng manananggal ang bato pik?!

ASWANG 3: Hindi ka ba marunong maglaro ng bato pik?

ASWANG 2: Yung dila ng manananggal makakapatay sa panday, yung panday

makakatunaw nung bolo, yung bolo makakaputol nung dila ng manananggal.

JULIUS: Asan yung bato?!


ASWANG1: Pabayaan niyo na, ibang pagsubok nalang.

JULIUS: Alam niyo, pare-pareho lang kayo!

ASWANG1: [Mapipikon] Seryoso ka ba sa sinasabi mo?

JULIUS: May halimaw, may kumakain lang ng bangkay, may laman-lupa... Pero

lahat kayo tinutulak lang ng gutom.

ASWANG 3: Manahimik ka nga ulam! Nakakapikon ka na!


ASWANG1: Alam mo yung problema niyong mga tao? Ang alam lang ng tao ay

aswang. Aswang ako, aswang siya, aswang yung may mahabang dila na lumilipad sa labas, aswang

din yung gumagapang sa bubong. Hindi nila alam na may iba’t ibang klase ng aswang. Pero alam mo,

iba ka. Hindi ka tulad nilang mga ignorante diyan. Alam mo kung ano klaseng aswang kami, sa totoo

lang nakakatouch nga eh.


JULIUS: Ano na gagawin mo sakin?
AS WANG 1: Marami kang alam, masasayang lang rin yan sa mundo niyong mga tao.

Wala namang naniniwala sayo diba? Sira ulo ka pa nga raw. Pero alam naman nating kung para kanino

‘tong ginagawa mo diba. Jessica pangalan niya diba?

JULIUS: [Babarilin ni JULIUS si AS WANG 1 at itutumba naman siya ng dalawa

pang ASWANG.] Paano mo kilala si Jessica?!


ASWANG 2: Boss okay ka lang?
JULIUS: Paano mo- [Biglang hahawakan ang mukha nito ng isa sa mga ASWANG

para Hindi makapagsalita.]

ASWANG 1: Oo, wag kayo mag-alala. Ikaw, [Kay ASWANG 3] Lumabas ka muna.

Sabihin mo na nakakulong parin yung suspek at posibleng may hinohostage siyang kapwa aswang para

maging maalanganin sila sa pagpasok dito.


ASWANG 3: Yes sir! [Lalabas]
ASWANG1: [Haharap kay JULIUS] Natakot mo ko dun ah, akala ko isa ka sa mga

mokong hinahaluan ng asin yung mga bala. Nakakairita lang talaga ang mga taong tawag lang samin

“aswang”, ang dami darning klase tapos aswang lang tawag.


ASWANG 2: Patayin na ba natin boss?
ASWANG1: Wag na muna.

JULIUS: Sagutin mo ko! Paano mo kilala si Jessica?!

ASWANG1: Sige, magkekwento muna ako, [tatawa] Sa isang maliwanag, at mainit na

gabi nakita ko siyang malungkot na malungkot. Mukhang niloko... parang ginago... parang biniktima.

[Mapapatahimik si JULIUS] Ayun si Jessica, Si Jessica ang jowa ni Julius. Kyut noh?
Pero si Julius, may ginawang hindi tapat sa kanyang sinta.
ASWANG 2: Ano po boss?

ASWANG 1: Nahuli siyang may kasamang ibang babae... Grabe, kahit kami hindi

namin kayang mangaliwa sa mga mahal namin. Kasi syempre iba samin patay na nga [patlang] pero

grabe parin. [Patlang] Mukhang pareho lang yata tayo nambiktima.

ASWANG 2: Grabe talaga boss, di mo na alam kung sino mapagkakatiwalaan mo.

Parang lahat nalang ng tao may tinatago.

ASWANG 1: Hindi lang tao. [Ilalabas ang bendisyon at babasbasan si ASWANG 2,

sisigaw si ASWANG 2 at mamatay.]

[Magugulat si JULIUS]

ASWANG 1: Kala mo anino e\ Dikit ng dikit, kabwisit.

JULIUS: Teka... Bakit?

ASWANG 1: Sa aming tatlo, ako lang ang hindi gutom. Kasi pumapatay ako, di tulad ng

mga kauri niya [tuturo ang bangkay ni ASWANG 2] na umaasa sa aming mga halimaw na bigyan sila

ng makakain. Nakakahiya. Aminando pa silang mahina sila. Ano ba ko? Yaya nila? Sawang-sawa na

‘kong maglingkod sa mga mahihina. Sira talaga ang sistema eh, pinapahirapan yung malakas at may

kaya kasi may mga mahihina. Bakit hindi nalang sila matuto.

JULIUS: Ano na piano mo sakin?

ASWANG 1: Julius, wagkamagalala. Ikaw ang tutulong sa akin tanggalin ang mga

katulad niya sa lipunan natin. Tutulungan mo kong ibalik ang mga halimaw sa tuktok ng bayan.

Binibigyan na kita ng pagkakataon maipaghiganti ang ala-ala ni Jessica. O’ diba? Win-win. JULIUS:

At paano ka nakakasiguro na tutulungan kita?


[Papasok si ASWANG 3]
AS WANG 3: Sir! Naasikaso ko na yung na- [Makikita ang bangkay ni AS WANG 2]

Anong nangyari?!

ASWANG 1: [Sasaksakin si JULIUS sa bandang tiyan] Tingin mo makakalusot ka sa

ginawa mo?! [Haharap kay ASWANG 3] Simulan mo na siya, nanlalaban na.

ASWANG 3: Talaga boss? [Lalapitan si Julius para sisipsipin ang dugo. Bigla naman

siyang bebendisyonan ni ASWANG L Mamamatay.]

ASWANG 1: Pasensya ka na, medyo napalalim kalmot ko. [Titingnan yung sugat] Sa

tingin ko may sampung minuto ka pa. Kaya mamili ka na, maiwan dito at tuluyan kang mabibigo sa

hinahanap mong hustisya para kay Jessica o sasama ka sakin.


JULIUS: [umiigik]

ASWANG 1: Sagot!

[umiigikparin si Julius na parang may sagot]

DILIM.

You might also like