Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.2
Panitikan : Panitikan sa Panahon ng Amerikano - Balagtasan
“DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY ANG PANLILIGAW
SA PAG-AARAL?” ni RAFAEL A. PULMANO
Wika : Pagsang-ayon at Pagsalungat
Bilang ng Araw : 8 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IIc-d-24)


 Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggan

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IIc-d-25)


 Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng
Balagtasan

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IIc-d-24)


 Naipaliliwanag ang mga eupimistiko o masining na pahayag na
ginamit balagtasan

PANONOOD (PD) (F8PD-IIc-d-24)


 Naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng bawat kalahok sa
napanood na balagtasan

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IIc-d-25)


 Nangangatuwiranan nang maayos at mabisa tungkol sa iba’t ibang
sitwasyon

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIc-d-25)


 Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng
paglalahad na may pagsang-ayon at pagsalungat

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIc-d-25)


 Nagagamit ang mga hudyat ng pagsangayon at pagsalungat sa
paghahayag ng opinyon

Ikalawang Markahan | 21
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IIc-d-24)


 Nakabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggan

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IIc-d-25)


 Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng
Balagtasan

II. PAKSA

Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano –


Balagtasan
“DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY
ANG PANLILIGAW SA PAG-AARAL?” ni RAFAEL A. PULMANO

Wika : Pagsang-ayon at Pagsalungat

Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na


Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, http://ofw-
bagongbayani.com/b-aral_ligaw.html
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : SCHOOL CRASH

Pagsamahin ang mga ideya o salitang magkakaugnay at bumuo ng


kaisipan tungkol dito. Gawing clue ang mga kulay/ hugis upang maging
direksyon ito sa pagsasama ng mga ideya.

Ikalawang Markahan | 22
Panliligaw Panliligaw Pag-aaral

Pag-aaral Pagsabayin

fliptop
tula
Pagsalungat Pagsalungat

awit

balagtasan aral landi

Pagsang-ayon sawi

3. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano –
Balagtasan
“DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY
ANG PANLILIGAW SA PAG-AARAL?” ni RAFAEL A. PULMANO

Wika : Pagsang-ayon at Pagsalungat

4. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : POSTANONG
Bumuo ng mga pokus na tanong hinggil sa mga inilahad na aralin gamit
ang poster sa ibaba.

tanong tanong

2.2

Ikalawang Markahan | 23
POKUS NA TANONG NG ARALIN 2.2
 Bakit mahalagang pag-aralan ang Balagtasan bilang akdang
pampanitikang Pilipinong lumaganap noong Panahon ng Amerikano?

 Bakit mahalagang makilala ang mga hudyat sa pagsang-ayon at


pagsalungat sa pagpapahayag?

 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.

 Pagpapanood/pagpapakinig ng halimbawang balagtasan.

ANALISIS

1. Isa-isahin ang katwiran ng dalawang panig sa napakinggan


/napanood na balagtasan.

2. Kaninong opinion o panig ang higit na makatwiran? Patunayan.

3. Ano-anong mga katanungan ang ipupukol mo sa iyong katunggali


kung ikaw ang nasa balagtasan?

4. Batay sa napanood na genre ng panitikan, bumuo ng mga


katanungan hinggil dito at subukang ipasagot sa kapwa kamag-
aaral.

 Pagbibigay ng Input ng Guro


ALAM MO BA NA…

Noong Marso 28, 1924, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas,
nagpulong ang ilang mga nangungunang manunulat sa Instituto de
Mujeres,(Women's Institution) kalye ng Tayuman, Tondo, Maynila, Pilipinas
para maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa Abril 2, 1925.[2]
Tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang gusaling iyon.
Dito nila nalikha ang konsepto ng balagtasan nang may mga ilang
nagmungkahi ng makabagong duplo.

Noong Abril 6, 1924, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang


balagtasan sa Instituto de Mujeres,ito ay sina Rafael Olay laban kay
Ikalawang
Tomas deMarkahan | 24 V. Hernandez laban kay Guillermo Holandez. [2]
Jesus,Amado
Sa mga lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute), at
Florentino Collantes(Kuntil Butil), isang rin manunula sa Bulacan ang
Noong Abril 6, 1924, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang
balagtasan sa Instituto de Mujeres,ito ay sina Rafael Olay laban kay Tomas
de Jesus,Amado V. Hernandez laban kay Guillermo Holandez. [2] Sa mga
lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute), at Florentino
Collantes(Kuntil Butil), isang rin manunula sa Bulacan ang nakatanggap ng
pinakasiglang tugon mula sa madla. "Bulalak ng Lahing Kalinis-linisan" ang
pamagat ng kanilang paksang kanilang pinagtalunan na sinulat nilang
pareho.Ang dalawang ito ang nanomina sa panglawang paghaharap.

Dahil sa matagumpay na pagtanggap ng publiko kina De Jesus at


Collantes, naghanda ang nag-organisa ng mga ilang pang mga balagtasan
na kinakasangkutan ng dalawa. Dahil sa talino ng dalawa naghanda sila ng
balagtasan na walang iskrip noong Oktubre 18, 1925 sa Olimpikong
Istadyum sa Maynila upang lalo pa silang masubok.[1] Ang naging paksa
nila ay "Ang Dalagang Filipina: Noon at Ngayon." Kinuha ni De Jesus ang
panig ng kababaihan noon samantalang pinili ni Collantes naman ang
kababaihan ngayon. Sa katapusan ng balagtasan, nanalo si De Jesus at
tinanghal na Unang Hari ng Balagtasan.
Pagkatapos ng pagtatanghal nila De Jesus at Collantes noong 1925
hanggang lumipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging sikat ang
balagtasan sa Pilipinas at ninanais ng mga manunula ang titulong Hari ng
Balagtasan.[1] Dahil sa kasikatan ng ganitong anyo ng panitikan, nagkaroon
ng ibang kahintulad na patulang pagtatalo sa ibang wika mula sa Pilipinas
katulad ng Ilokano at Kampampangan maging wikang Ingles o Kastila.
Naimbento ng mga Ilokano ang bukanegan bilang pagkilala kay Pedro
Bukaneg, isang Ilokanong makata. Samantalan, nagkaroon naman ng
crisotan ang mga Pampango na hinango nila mula sa manunula at
dramatistang si Juan Crisostomo Soto.

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Balagtasan

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : DAHON NG KAALAMAN


Piliin ang mga angkop na dahong nagtataglay ng kaalaman sa
aralin pagkatapos ay bumuo ng kaisipan gamit ang napiling dahoon.

katwiran Fliptop
Makaluma
Balagtasan Balagtasan
opinyon
aliwan kultura

Ikalawang Markahan | 25
Pagsagot sa pokus na tanong: Ang balagtasan ay isang genre ng
pantikan na naglalahad ng katwira at nagging aliwan ng mga Filipino
noong Panahon ng mga Amerikano.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : ASK ME A QUESTION


Panonood/ pakikinig sa isang halimbawa ng balagtasan pagkatapos ay
bubuo ang mga mag-aaral ng katanungan tungkol sa
napakinggan/napanood at susubukang sagutin (pangatwiranan) ng
kamag-aaral.

EBALWASYON

Magbigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng alinman sa


ibaba sa pamamagitan ng isang debate.
a. Dapat bang itigil o ipagpatuloy ang pag-implementa ng K-12
Kurikulum?
b. Alin ang higit na matimbang, Kagandahang panloob o
Panlabas?

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG DEBATE


Maayoa na inilahad ang katwiran - - - - 4
Magkakaugnay ang mga katwiran sa paksa- - - 3
Tikas, tindig at paninindigan - - - - - 3
Kabuuan - -10

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

Ikalawang Markahan | 26
IV. KASUNDUAN

1. Gumawa ng pakikipanayam sa mga taong may sapat na


kaalaman sa Balagtasan o nakasali na sa isang balagtasan.

2. Magsaliksik sa mga kalahok at papel na kanilang ginagampanan


sa isang balagtasan.

LINANGIN

Ikalawang Markahan | 27
I. LAYUNIN

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IIc-d-24)


 Naipaliliwanag ang mga eupimistiko o masining na pahayag na ginamit
balagtasan

PANONOOD (PD) (F8PD-IIc-d-24)


 Naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng bawat kalahok sa
napanood na balagtasan

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IIc-d-25)


 Nangangatuwiranan nang maayos at mabisa tungkol sa iba’t ibang
sitwasyon

II. PAKSA

Panitikan :Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano –


Balagtasan
“DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY
ANG PANLILIGAW SA PAG-AARAL?” ni RAFAEL A. PULMANO

Wika : Pagsang-ayon at Pagsalungat

Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na


Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, http://ofw-
bagongbayani.com/b-aral_ligaw.html
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari

 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano –

Ikalawang Markahan | 28
Balagtasan

“DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY


ANG PANLILIGAW SA PAG-AARAL?” ni RAFAEL A. PULMANO

Wika : Pagsang-ayon at Pagsalungat

AKTIBITI

3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : KAPAG MAY KATWIRAN,
IPAGLABAN MO!
Pipili ng sitwasyon ang mga mag-aaral at magbibigay ng
pangangatwiran mula rito.

Binigyan ka ng trabaho ng iyong


May magandang pagkakataon kakilala na may malaking sweldo
sa iyo sa ibang bansa, alin ang subalit okupado nito ang oras
pipiliin mo? ng iyong pag-aaral.

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.

 Pagtatanghal ngisang balagtasan ng ilang piling mag-aaral

DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY ANG PANLILIGAW SA


PAG-AARAL?
Mula sa panulat ni:
RAFAEL A. PULMANO

LAKANDIWA DAPAT (Unang Tindig)


Isang mapagpalang araw ang malugod
na handog ko Nang ang tao sa daigdig ay nilikha ng
Sa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong Maykapal
mundo Magkasamang nilangkapan ng damdamin
Mayrong isang email message na at isipan Ikalawang Markahan | 29
natanggap ang lingkod nyo Kung di dapat pagsabayin ang mag-aral at
Apurahang naghahanap ng sagot sa manligaw
tanong na 'to: Sana'y isip na lang muna ang sa tao'y
LAKANDIWA Ganito ang natutuhan sa minsang
Napakinggan nating lahat ang katwirang pagkakamali
pumapanig Ngunit kayong di pa huli, wag sayangin ang
Na DAPAT daw pagsabayin, pag-aaral at sandali
Ikalawang
pag-ibig Markahan | 30 Pag-aaral ay tapusin, panliligaw ay madali
Sunod nating tatawagin upang dito'y Lalo't ikaw'y tagumpay na't limpak-limpak
humagupit ang salapi.
DAPAT (Ikatlong Tindig)
Pag-aaral, panliligaw, kapag sabay na Ang hirap sa gumagawa ng mali at nagsisisi
nagtagpo Ginagawang pamantayan ang nangyari sa
Maski harangan ng tabak ay tiyak na sarili
mabibigo Gayong noongIkalawang Markahan
kabataan siya mismo |ay31
Higpitan man ng magulang at bantaan ng rebelde
paghinto At hindi nya alintana ang magulang na
Tatakas at magtatanan, magkikita nang nagsabi.
Di hadlang ang kahirapan kung hangad Ngunit iyang panliligaw ay di dapat ginagapos
ay edukasyon Walang taong nag-aaral na ang puso'y di
Di sagabal ang itsura o ang utak na tumibok
Hindi pwedeng paghintayin ang pag-ibig pag
mapurol
Ikalawang Markahan | 32 kumatok.
Subalit ang panliligaw na kapatid ng
bulakbol HINDI DAPAT
Maternity sa halip na college degree ang Ang mag-aral at manligaw kung parehong
 Pangkatang Gawain

Ikalawang Markahan | 33
1 Mungkahing Estratehiya 2 Mungkahing Estratehiya
GAME SHOW NOON TIME SHOW
Family Feud It’s Showtime!
Ipaliwanag ang mga Ipaliwanag ang mga masining na
eupemistikong ginamit sa pahayag na ginamit sa
balagtasan balagtasan

3 Mungkahing Estratehiya
TALK SHOW
4 Mungkahing Estratehiya
MOCK TRIAL
Aquino & Abunda Today
Bigyang katwiran kung bakit
Ipaliwanag ang papel na
hindi dapat pagsabayin ang pag-
ginagampanan ng bawat kalahok
aaral at panliligaw.
sa napanood na balagtasan.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailanga
Mahusay n ng
Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman naiparating ang nilalaman o
mga Kaisipan o ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitaan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
ang pamamaraang ang ginamit ng
pamamaraang ginamit ng pamamaraang pangkat sa
ginamit ng pangkat sa ginamit ng presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon ng pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
(3) ang bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)

Presentasyon ng bawat pangkat.

Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.
ANALISIS

Ikalawang Markahan | 34
1. Batay sa iyong napanood na pangkatang gawain at balagtasan,
isa-isahin ang mga masisining na pahayag at ipaliwanag kung
paano ito nakatulong upang maging maganda ang balagtasan.

2. Ano-anong eupemistikong pahayag ang maari mong itumbas sa


salitang panliligaw, pagbubulakbol, at mabasted?

3. Paano nagwawakas ang isang balagtasan? Ano ang papel na


ginagampanan ng isang lakandiwa sa bahaging ito?

 Pagbibigay ng input ng guro.

ALAM MO BA NA…

BALAGTASAN
Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig
ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas,
inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan
ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng
pananalitang may mga tugma sa huli.
Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may
dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw at isang
tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae).
Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang
mananalo.
Inaasahan ang panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng
mga patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay libangan sa
pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas
ng isip, at mala-teatrikong at dramatikong pagpapahayag.
Maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay ng aliw sa mga manonood,
nagkaroon ang balagtasan ng isang mas mataas na pampolitika at
panlipunang tungkulin.[2] Binibigay ng mga sumasali sa balagtasan ang
kanilang saloobin tungkol sa kasalukuyang pangyayari at suliranin katulad
ng ginagawa ng mga kolumnista at patnugot ng isang pahayagan.[2] Ilan sa
mga balagtasan nina De Jesus at Collantes ang mga pampolitikang paksa
katulad ng "Koalisyon at Kontra Koalisyon" na tumutukoy sa masiglang
kampanya ng noong Pangulong Manuel Quezon upang pag-isahin ang lahat
ng partidong pampolitika sa ilalim ng Partido Nacionalista na siyang partido
na pamahalaan noon.

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Balagtasan
ABSTRAKSYON

Ikalawang Markahan | 35
Mungkahing Estratehiya : BALAGTASAN ITO!
Bumuo ng lagom ng konseptong natutunan sa aralin sa tulong mga
mga susing salitang taglay tauhan sa isang balagtasan.

Lakandiwa Eupemismo
2 panig Matalinhagang
pangangatwiran salita

Salamin ng kultura at
kasaysayan

Pagsagot sa pokus na tanong: Mahalagang pag-aralan at kilalanin ang


balagtasan bilang isang genre ng paitikan na binubuo ng lakandiwa at 2
panig na nagbibigay ng kanyakanyang katwiran gamit ang
matatalinhagang pahayag at eupemismo dail ito ay salamin ng ating
kultura at kasaysayan.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : VENN DIAGRAM


Gumawa ng hambinga’t contrast sa Balagtasan at Fliptop bilang anyong
patula.

Balagtasan Fliptop

pagkakatulad

EBALWASYON

Ikalawang Markahan | 36
Panuto : Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang letra
ng tamang sagot.

1. "Tumigil na kayong dal'wang umuusok na ang tuktok


Sumapit na ang sandali upang tayo'y magkatapos
Igagawad ko ang hatol, ngunit bayang nanonood,
Palakpakan muna natin ang makatang nagpanuntok!" Ang tauhang
nagsasalita sa balagtasan ay ang ____________________.
a. lakandiwa
b. lakambini
c. Unang Panig (dapat)
d. Ikalawang Panig (Di Dapat)

2. "Vanesa:Ang edukasyon ay para sa lahat,


Ito’y aming tutuparin na tapat
Bibigyan pangarap ang bawat Pilipinong bata,
Para sa kinabukasang walang problema
Tulad ng Europe, East Asia, Amerika at iba pa,
Ang total number of years ng primary education ay dapat
labindalawa
Oras na ng pagbabago,
Pilipinas nalang ang inaantay ng mundo
Yjuv: Ako po’y lumaki sa probinsya,
Probinsyang dukha.
Nanay ko, tatay ko, magsasaka.
Sapat na kita nila,
Upang kami’y makatuka.
Pagdadagdagan pa ng dalawang taon,
Naku! Tuition fee ko!
Paghihirap nila madagdagan pa.
Isipin mo, ang dalawang taon na iyon,
Pwede nang dalawang tao sa kolehiyo ngayon.
Ang K+12 ay magastos sa parte ng gobyerno,
At lalong mas magastos sa parte ng pamilya ko!" Ano ang
paksa ng dalawang nagbibigay ng kani-kanilang katwiran ?
a. Pataasan ng edukasyon
b. Mas nakalalamang ang edukasyon sa pribadong paaralan
c. Pagbabago ng kurikulum patungong K 12
d. Probema ng gobyerno ang mga mag-aaral

3. Alin sa sumusunod na taludtod sa balagtasan ang eupemistiko?

Ikalawang Markahan | 37
Subalit ang panliligaw na kapatid ng bulakbol
Maternity sa halip na college degree ang katugon!
a. panliligaw
b. bulakbol
c. maternity
d. college degree

4. – 5. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa


masining na pahayag sa ibaba?
(4)Ang mahuli sa pantalan, ang daratna'y baling sagwan!
(5)Ang lumakad nang matulin, malalim kung masugatan!

a. Maiiwan ng barko ang hindi agad pumunta sa pier.


b. Dapat ay magmamadali sa pag-aasawa kung hindi ay baka
maging matandang dalaga.
c. Magsuot ng tsinelas upang di masugatan ang paa.
d. Ang Sinumang nagmamadali sa pagkamit ng anumang bagay
ay maaring magkamali dahil sa maling desisyon sa buhay.

SUSI SA PAGWAWASTO
1.A 2.C 3.B 4.B 5.D

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

IV. KASUNDUAN

1. Isa-isahin ang mga kaisipang iyong natutunan sa mga binasang


balagtasan.

2. Ano ang iyong saloobin tungkol pagkauso ng Fliptop at pagkalaos


naman ng balagtasan?

Ikalawang Markahan | 38
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIc-d-25)


 Nagagamit ang mga hudyat ng pagsangayon at pagsalungat sa
paghahayag ng opinyon

II. PAKSA

Wika : Pagsang-ayon at Pagsalungat


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Alma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Mga Hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

AKTIBITI

3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: KOMENTARYONG PANRADYO

Ikalawang Markahan | 39
 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.

ANALISIS

1. Tungkol saan ang napakinggang diyalogo?


2. Alin ang mga salitang ginamit bilang hudyat sa pagsang-ayon? Sa
pagsalungat?
3. Kailan ginagamit ang hudyat sa pagsang-ayon at pagsalungat?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon


Sa Pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang
pagsalungat o pagsang-ayon.

PAHAYAG SA PAGSANG-AYON – ito ay nangangahulugan din ng


pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o deya.
Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay
kabilang sa pang-abay na panang-ayon gaya ng:

- Bilib ako sa iyong sinasabi na - sang-ayon ako


- Ganoon nga - sige
- Kaisa mo ako sa bahaging iyan - lubos akong nanalig
- Maasahan mo ako riyan - oo
- Iyan din ang palagay ko - talagang kailangan
- Iyan ang nararapat - tama ang sinabi mo
- Totoong - tunay na

PAHAYAG SA PAGSALUNGAT– ito ay pahayag na nangangahulugan ng


pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang
mga pang-abay na pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag na ito. Sa
pagsalungat nang lubusan ginagamit ang mga ss:

- -Ayaw ko ng pahayag na - hindi ako naniniwala riyan


- -Hindi ako sang-ayon dahil - hindi ko matatanggap ang iyong sinabi
- -Hindi tay magkasundo - hindi totoong
- -Huwag kang - ikinalulungkot ko
- -Maling mali talaga ang iyong - sumasalungat ako sa

Sanguunian: Pinagyamang Pluma, Alma M. Dayag, et. Al.

Ikalawang Markahan | 40
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : ARRANGING IDEAS


Pagsunod-sunurin ang mga larawan sa ibaba upang makabuo ng
konsepto ng araling tinalakay.

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2. Mahalagang makilala ang mga


hudyat sa pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag upang
maiwasan ang di pagkakaunawaan sa pagpapahayag ng damdamin.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : ON MY OWN


Magbigay ng iyong opinion kaugnay sa ilang makabago at
makalumang kaugaliang bahagi ng kulturang Filipino.

1. Magiliw na pagtanggap sa panauhin. Ang mga bagong gamit at


magandang kubyertos ay karaniwang ipinapagamit lamang sa mga
bisita.

Pahayag na pagsalungat: _________________________________________


Pahayag na pagsang-ayon: ______________________________________

2. Mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan. Inaalok sila ng upuan


lalo sa mga pampublikong lugar o sasakyan

Pahayag na pagsalungat: _________________________________________


Pahayag na pagsang-ayon: ______________________________________

3. Panliligaw o pagpapaligaw gamit ang text message o chat.

Pahayag na pagsalungat: _________________________________________


Pahayag na pagsang-ayon: ______________________________________

Ikalawang Markahan | 41
EBALWASYON

Isulat ang kung ang may salungguhit ay nagpapahayag ng

pagsang-ayon at kung pagsalungat.

1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay ditto sa


mundo.

2. Maling mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na


iyan.

3. Kaisa ako sa lahat ng pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.

4. Ayaw kong maniwala sa mga sinsabi niyang ginawa iya para sa kanyang
asawa.

5. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t dapat simulant ito sa sarili.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A 2. A 3. B 4.A 5. B

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN

1. Sumulat ng maikling usapan tungkol sa pagbubukas ng bagong


taong Panuruan 2017-2018 at ang mga bagong
patakaran/alituntunin sa paaralan. Gamitin sa mga diyalogo ang
mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat.

2. Humanda sa pagsulat ng awtput, magdla ng puting papel.

Ikalawang Markahan | 42
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIc-d-25)


 Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng
paglalahad na may pagsang-ayon at pagsalungat

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.2


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.,
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : IDEYA SA CARTOON
Maglahad ng sariling opinyon na may pagsang-ayon at pagsalungat
mula sa mapipiling larawan sa ibaba.

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.

Ikalawang Markahan | 43
 Pagbibigay ng input tungkol sa paglalahad ng pagsang-
ayon at pagsalungat.

ALAM MO BA NA…

EDITORYAL
Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng
kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang
paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng
publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang:
1. Magpabatid
2. magpakahulugan,
3. magbigay-puna,
4. magbigay-puri,
5. manlibang at
6. magpahalaga sa natatanging araw.

Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at


pagkalito ng tao sa isang isyu. Nagbibigay-pakahulugan din ang isang
editoryal sa balita o kaganapan upang bigyang-linaw sa kahuluguhan ng
pangyayari.
Nagbibigay-puna ang editoryal sa layuning magkaroon ng pagbabago
para sa pakinabangan ng nakararaming tao. Ang pagtuligsa ay hindi
kailangan makasakit ng damdamin ng kapwa. Pumupuri ang editoryal kung
may dapat pahalagahan. May mga editoryal naman na ang pagkakasulat ay
nanlilibang subalit taglay nito ang mahalagang opinyon.
Paglalahad. Ito ay isang uri ng editorial. Ipinaaalam ang isang
pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang
bunga ng pangyayari.

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangulong_tudling

 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S

GOAL Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang


tiyak na uri ng paglalahad na may pagsang-ayon
at pagsalungat.

Ikalawang Markahan | 44
Ikaw ay naatasang sumulat ng isang
ROLE
EDITORYAL na naglalahad ng pagsang-ayon at
pagsalungat hinggil sa napili mong larawan sa
unang gawain.

AUDIENCE Mga guro at kapwa kamag-aaral.

Magkakaroon ng patimpalak sa may


SITUATION
pinakamagandang editoryal na itatampok sa
pahayagan ng inyong paaralan.

P R O DU C T Editorial na naglalahad ng pagsang-ayon at


pagsalungat.

S T A N D AR D

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG EDITORYAL


Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Binubuo ng magkakaugnay at maayos na
mga pangungusap.

Nagpapahayag ng sariling palagay o


kaisipan tungkol sa napiling paksa/larawan

Gumamit ng hudyat sa pagsang-ayon at


pagsalungat.

Taglay ang lahat ng katangian ng isang


mabuting editorial

LEYENDA
5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay

4 – Mahusay 1 – Sadyang di- mahusay

3 – Katamtamang Husay

Ikalawang Markahan | 45
 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagbasa ng ilang mag-aaral na kinakitaan ng kaakit-akit na


editoryal.

IV. K A S U N D U A N

1. Sumulat ng isang diyalogo na ang paksa ay tungkol sa inyong


paaralan.

2. Magsaliksik sa mga sarswela na umusbong noong panahon ng


Amerikano.

Ikalawang Markahan | 46

You might also like