Kwento Ni Mabuti

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SURING BASA : ANG KWENTO NI MABUTI

PAGKILALA SA MAY AKDA:

Si Genoveva Edroza-Matute (Enero 3, 1915 – Marso 21, 2009) ay isang bantog kuwentistang Pilipino. Isa
rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at
mga asignaturang pang-edukasyon.

Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang
Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas)
noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining
(Panitikan) noong Pebrero 1992

Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng
kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong
nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong
1961.

Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig
ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa
Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P.
Press.

Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.

MGA TAUHAN SA KWENTO:

Mabuti - isang guro. may mabuting pananaw sa buhay. hilig magsabi ng "mabuti" kaya siya binansagang
mabuti ng mga mag-aaral.mayroong malaking pangarap para sa kanyang isang anak.

Fe- estudyante ni Mabuti. nakita nya si mabuti na umiiyak sa silid-aklatan kung saan umiiyak din sya
doon.hindi naman sa kanya sinabi ni mabuti ang problema dahil sabi nya ay bata pa si Fe.
BUOD NG KWENTO

Ang kwento ni mabuti ay isang maikling kwento tungkol sa guro at ina na binansagan ng kanyang mga
mag.aaral na Mabuti. ang kwento ay ikinikwento ng kanyang mag.aaral na si Fe na nakita niyang umiiyak
sa sulok ng silid-aklatan kung saan nag-usap sila tungkol sa problema ni Fe. nang tinanong na ni Fe ang
problema ni Mabuti ay hindi sinabi ni Mabuti ang problema dahil alam nya na hindi pa ito mauunawaan
ni Fe.mayroong isang anak na babae si mabuti kung saan may malaking pangarap siya para sa anak.
gusto niyang maging mang-gagamot ang anak. nagkuwento pa si mabuti ng tungkol sa mga kaligayahan
nya sa anak. isang araw, nabalitaan ni fe na namatay ang tatay ng anak ni mabuti. ibinurol ito sa ibang
bahay na hindi tinitirhan ni mabuti at ng kanyang anak. noon ay naunawaan ni Fe ang lihim na
kalungkutan ni mabuti.

ARAL NG KWENTO:

Sa karakter ni mabuti ay masasalamin natin ang isang malakas na tao. hindi ipinapakita ni mabuti sa
iba ang kanyang kalungkutan dahil gusto niyang ang makita sa kanya ng iba o ng kanyang mga estudyante
ay kabutihan o pagiging positibo. sa panahon ngayon, napakaramin problema ang kinahaharap nating
mga tao. kakambal na yan ng buhay. ang mga mahihina ay malulungkot at mawawalan ng pag-asa. ang
iba nga ay nagpapakamatay pa. ngunit sa kwentong ito ay nakita natin si mabuti na malakas nyang
nilabanan ang kalungkutan at mga problema nya sa buhay. hindi siya pinanghinaan ng loob. bagkus
patuloy siyang nagpapatuloy sa buhay at nagagawa pa niyang mangarap ng mataas para sa kanyang
anak. maiintindihan natin sa kwentong ito na hindi tayo dapat madaig ng mga problema sa ating buhay.
tignan natin ang mundo bilang isang paraiso na puno ng kagandahan at kabutihan.unawain natin na
normal sa tao ang kalungkutan at sa pagtanggap sa kalungkutang iyon ay makakamit natin ang
kaligayahan na matagal na nating inaasam.

You might also like