Professional Documents
Culture Documents
Naratib Report PATASERYE
Naratib Report PATASERYE
Ang pagiging guro sa mga mag-aaral ng ika-21 siglo ay hindi madali. Ito’y isang
malaking hamon na kinakailangan makasabay ang mga guro sa agos ng globalisasyon at sa mga
makabagong teknolohiya na magagamit at makatutulong tungo sa mabisang pagkatuto ng mga
mag-aaral.
Bunsod nito, ang Tagamasid Pansangay sa Filipino lungsod ng Navotas na si Dr. Rico
Tarectecan ay pinangunahan ang pagbibigay ng seminar o PATASerye’ 2018 para sa mga guro
sa Filipino, na ginanap ang unang bahagi noong Nobyembre 17, 2018 sa Paaralang Elementarya
ng Daanghari.
Ang ikalawang araw naman ay noong Disyembre 1, 2018. Nagsimula ang programa sa
pag-awit ng pambansang awit na sinundan naman ng isang mataimtim na panalangin, pagkanta
ng awit ng Navotas, pagsayaw ng pampagpasigla at pagpapanuod ng bidyo ng mga larawan ng
kaganapan sa unang araw ng seminar. Ang mga ito’y sinundan ng pagbibigay ng panimulang
mensahe ni Dr. Rico C. Tarectecan (Tagamasid Pansangay sa Filipino lungsod ng Navotas).
Winika niya ang mga paksang tatalakayin, layunin ng PATASerye 2018’ , at ang iba pang mga
aktibidad ng kagawaran na may kinalaman sa pagpapataas ng antas ng kalidad ng pagtuturo ng
mga guro sa Filipino. Kasunod nito ay pinakilala ng guro ng palatuntunan ang unang
tagapanayam para sa araw na iyon.
Matapos ang kanyang lektyur ay nag-workshop na ang mga guro. Ang gawaing iyon ay
bubuo ang mga guro ng halimbawa ng kagamitang panturo, tulad ng iba’t ibang panitikan.Sa
kasalukuyan ng worksyap, ang tagapanayam ay nagbigay ng kanyang opinyon at mungkahi, isa
rito ay paglikha muna ng Alamat ng Navotas at saka bubuo ng iba’t ibang gawain at mga
paksang maaring ikonekta. Sa pagpapatuloy, ang mga likha ng mga guro ay agad na sinuri,
binigyan ng komento kung paano ito higit na maiaayon sa pagkatuto ng mga mag-aaral at
nagkaroon ng malayang tanungan nang sa gayon ay mabigyang linaw ang mga katanungan sa
isip ng mga guro.