Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 134

Ang Pakikipag-ugnay ng mga Pilipinong Muslim sa Batangas sa

kanilang mga
Ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano.

Masteradong Tesis
Na Iniharap sa
Kagawaran ng Sikolohiya
Pamantasang De La Salle - Maynila

Para Isakatuparan ang


Pangangailangan upang Makamit ang Titulong
Masterado ng Agham sa Sikolohiyang Panlipunan-at-Kalinangan

Raymond Charles Real Anicete


Agosto 2008
PASASALAMAT

Taos-pusong pinasasalamatan ng mananaliksik ang mga sumusunod:

Sa Dakilang Arkitekto ng Santinakpan, ang Panginoong Maykapal sa Kanyang lubos na


Kabutihan at Pagmamahal. Salamat din sa Kanyang Inang si Mariang Birhen sa walang
pagod Nitong pagbabantay at pag-aaruga.

Sa aking Mommy sa kanyang walang sawang pagmamahal at pagmamalasakit. At kay


Ding, sa kanyang pagsama sa unang araw ng pangangalap ng datos sa komunidad ng mga
Muslim.

Sina Dr. Madelene Sta. Maria, Dr. Roberto “Bobby” Mendoza, Prop. Mayette Lapeña, at
Dr. Zeus “Bathala” Salazar sa kanilang pag-unawa, paggabay, at pagmamalasakit sa
buong proseso ng pananaliksik. At kay Ate Fem ng CLA office sa kanyang walang
sawang pagtitiwala at pag-uudyok sa mananaliksik na tapusin na ang kanyang masterado.

Sina Ali Muhammad, Imam Arab, Ate Mila, Kuya Mamarinta, Ate Jing, Darwisa, at iba
pang mga naging mabuting kaibigan at kakilala ng mananaliksik mula sa komunidad ng
mga Muslim sa Batangas.

Sina Dr. July Teehankee at Dr. Benedict Lamberte sa kanilang malugod at bukas-palad
na pagtulong sa mananaliksik sa post-editing phase ng pananaliksik.

At kay Bb. Jane Lim Ty, sa kanyang pagtulong at pagmamalasakit sa buong panahon ng
pangangalap at pagsusuri ng datos, at panahon ng pagsusulat ng panghuling manuskrito
ng pananaliksik. Salamat sa pag-aaruga at PAGMAMAHAL. Paalam.

At para sa iba pang mga tumulong at nagmalasakit na hindi na nabanggit. Ipagpala nawa
kayo ng Poong Maykapal!
APPROVAL SHEET

This thesis hereto entitled:

“Ang Pakikipag-ugnay ng mga Pilipinong Muslim sa Batangas sa Kanilang mga Ka-


Komunidad na Pilipinong Kristiyano”

Prepared and submitted by Raymond Charles R. Anicete in partial fulfillment of the


requirements for the Degree of Master of Science in Psychology, major in Applied Social
Psychology and Cultural Psychology has been examined and is recommended for
acceptance and approval for FINAL THESIS DEFENSE.

Prof. Madelene A. Sta. Maria


Adviser

Approved by the Committee on FINAL THESIS DEFENSE with a grade of PASSED on


August 11, 2008.

Prof. Roberto M. Mendoza


Chair

Prof. Ma. Angeles G. Lapeña Zeus A. Salazar, PhD


Member Member

Accepted in partial fulfillment of the requirement for the Degree of Master of Science in
Psychology, major in Applied Social Psychology and Cultural Psychology.

Exaltacion Lamberte, PhD


Dean
College of Liberal Arts
ABSTRAK

Ang kasalukuyang pananaliksik ay nakatuon sa mga teorya at pag-aaral ukol sa


pakikipag-ugnay ng mga grupo sa isa’t-isa. Ang kasalukuyang pag-aaral ay tumuon sa
kalikasan ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang ka-komunidad na Kristiyano
sa lungsod ng Batangas. Tatlong na malalimang panayam ang isinagawa, na kung saan
apat ang kabuuan na mga naging tagapagbatid (edad 16-59; 2 babae at 2 lalaki). Bukod
at bago pa magsagawa ng mga malalimang panayam, nagsagawa ang mananaliksik ng
nakikiugaling pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan sa ilan pang mga miyembro ng
komunidad na Muslim sa lungsod ng Batangas. Dahil ginamit ang estilong etnograpikal,
ang mga karagdagang pamamaraan ay isinagawa upang mas maunawaan ang kalikasan
ng pakikipag-ugnay at pati na rin para maunawaan ang konteksto ng mga Muslim sa
lungsod ng Batangas. Mula sa mga datos ay lumitaw ang pitong kategorya, a.)
Panlipunang Identidad, b.) Mga Kadahilanan ng Pakikipag-ugnay ng mga Muslim, c.)
Mga Uri ng Pakikipag-ugnayan (Pakikipag-ugnayan), d.) Mga Gawain na nagpapatatag
sa Ugnayan , e.) Balakid sa Pakikipag-ugnayan , at f.) Paraan para sa Pagre-Resolba ng
mga Alitan. Mula dito ay nakabuo ng isang modelo na magbibigay larawan sa kalikasan
ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang ka-komunidad na Kristiyano.
NILALAMAN

PASASALAMAT i

APPROVAL SHEET ii

ABSTRAK iii

NILALAMAN iv

Kabanata I
Panimula
Panimula 1
Kaugnay na Literatura 6
Teorya ng Panlipunang Identidad 6
Superordinate and Subordinate Identidad/Kategorya 11
Dual o sabay na kategorisasyon o identipikasyon ng 15
Superordinate at Subordinate na kategorya/identidad
Panganib sa Identidad ng Subgroup 17
Mga Lapit sa Pagsusuri ng Hidwaan at Pagkakasundo 19
Ang Panukala ng Pakikipag-ugnayan 23
Konseptwal na Balangkas 30
Kahalagahan ng Pag-aaral 31
Paglalahad ng mga Suliranin 31
Depinisyon ng mga Termino 32
Saklaw at Delimitasyon 32

Kabanata II
Kaparaanan
Disenyo ng Pag-aaral 34
Mga Tagapagbatid 35
Instrumento 36
Pamamaraan ng pagkalap ng mga Datos 36
Pagsusuri ng mga Datos 38

Kabanata III
Kinasapitan
Paglalarawan ng Konteksto at ng mga Tagapagbatid 40
Maikling Pagpapakilala sa komunidad na Muslim
sa lungsod ng Batangas 40
Pagpasok sa larangan 44
Pakikipag-ugnay 50
Mga Panlipunang Identidad 50
Panlahatang Panlipunang Identidad
(i.e., Superordinate na Identidad ng isang Muslim) 51
“Lahat naman tayo ay Pilipino” 51
Pagkatao (Shared Humanity) 53
Pang-partikular na Panlipunang Identidad
(i.e., Subordinate na Identidad ng isang Muslim) 54
“Tunay na Muslim” 54
Identidad ng isang partikular na grupo (hal., Maranao) 60
Mga Kadahilanan ng Pakikipag-ugnay ng mga Muslim 62
Sosyal/Interpersonal 62
Hanapbuhay 63
Makahanap ng makakatulong para
sa pagpapa-unlad ng komunidad na Muslim 63
Paghahangad ng buhay na mapayapa
sa komunidad na tinirahan 64
Maipakita ang kagandahan ng Islam para makahikayat 64
Mga Uri ng Pakikipag-ugnayan (Pakikipag-ugnayan) 65
Bilang Magkasintahan 65
Bilang Magkapitbahay 66
Bilang Magka-komunidad 67
Bilang Magkaibigan/Magkapamilya 67
Mga Gawain na nagpapatatag sa Ugnayan 70
Pagpapakita ng Pakikisama 70
Pagsasagawa ng mga proyekto na
makakatulong sa pamumuhay ng mga ka-komunidad 71
Pagkakaroon ng kababaang-loob at kabutihang-loob 72
Pagrespeto sa Paniniwala ng Iba 72
Pagbabahagi ng mga Kaalam ukol
sa Islam, para sa kaliwanagan ng
ka-komunidad na Kristiyano 73
Pagbabahagi ng mga Kaalaman ukol
sa mga bagay-bagay na maaaring
makatulong sa ka-komunidad na Kristiyano 74
Pag-aasikaso sa mga bisita o pagpapakita ng Hospitalidad 75
Pagiging bukas para sa pakikipag-Ugnay o
Ugnayan sa Ibang-grupo 77
Paggawa ng mga bagay na matuwid 78
Balakid sa Pakikipag-ugnayan 78
Hindi Magandang Karanasan sa Ibang-grupo 79
Hindi Magandang Pananaw sa Ibang-grupo (i.e., Kristiyano) 80
Maling Persepsyon ng mga Kristiyano
sa mga Muslim
(i.e., pagtitipo/pag-uuri, pagkakaroon ng pagkiling) 80
Paraan para sa Pagre-Resolba ng mga Alitan 82
Mabuting Pakikipag-usap 82
Pagtulong ng asosasyon ng mga Muslim
at ng barangay sa pag-aayos ng mga Alitan 83
Mga Magagandang Kinahinatnan ng Ugnayan 85
Pagtibay ng Samahan 85
Pagkakaroon ng Pagtutulungan at Kooperasyon 85
Magandang Pakiramdam 86
Pagbabago ng tingin sa mga Muslim ng mga Kristiyano 87
Pagkakaroon ng Magandang Pananaw
sa mga Kristiyano ng mga Muslim 89
Pagrespeto sa kultura at relihiyon ng mga Muslim 89

Kabanata IV
Pagtatalakay
Kalikasan ng Pakikipag-ugnay 91
Mga Panlipunang Identidad 91
Mga Kadahilanan ng Pakikipag-ugnay ng mga Muslim 96
Mga Uri ng Pakikipag-ugnayan (Pakikipag-ugnayan) 98
Mga Gawain na nagpapatatag sa Ugnayan 100
Balakid sa Pakikipag-ugnayan 101
Paraan para sa Pagre-Resolba ng mga Alitan 102
Mga Magagandang Kinahinatnan ng Ugnayan 103
Modelo ng Pakikipag-ugnay 104

Kabanata V
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
Buod 108
Konklusyon 110
Rekomendasyon 111

Sanggunian 112

Mga APENDIKS
Gabay na palatanungan 116
Talaan ng Pagbisita ng Mananaliksik 118
Kabanata I
Panimula

Panimula

Sinasabing ang ating lipunan ay bihira na masasabing magkakawangis o


magkakahawig (Hornsey at Hogg, 2000-b). Ang mga grupo na nakapa-loob at
gumagalaw dito ay iba-iba ang identidad base sa kalinangang kanilang pinanggalingan.
Bunga nito, iba-iba rin ang kanilang mga halagahin, paraan ng pagkilos, at pagtingin sa
lipunang kanilang ginagalawan. Hindi mahirap isipin na ang mga pagkakaibang ito ay
maaaring humantong sa mga hidwaan sa pagitan ng mga grupo. Sa konteksto ng
Pilipinas, ito ay isa sa mga bansa na patuloy pa rin na nakakaranas ng hidwaan (Sta.
Maria, 2001). Partikular na naapektuhan ng hidwaan ay ang Mindanao, na kung saan
nasaksihan at patuloy na nasasaksihan ang mga sigalot na namamagitan sa pagitan ng
mga Muslim, lumad, at Kristiyanong settlers dito. Ayon kay Mercado (2004), mayroong
apat na salik na nakakagatong sa hidwaan sa Mindanao. Ang mga salik na ito ay
historical, ekonomiko-pulitikal, sosyo-kultural, at relihiyon.

Ang hidwaan sa Mindanao ay nagsimula bago pa man ng dekada-60 (Canoy,


1987), ngunit ang pagpatay sa 28 na bagong kasali ng hukbong katihan (i.e., army) na
mga Muslim (i.e., Jabidah Massacre) sa isla ng Corregidor noong Marso, 1968 ang
nagpa-liyab sa indignasyon ng mga Pilipinong Muslim. At ang armadong pakikidagma
ngang ito ay tumagal ng tatlong dekada. Ang nasabing masaker ang nagpasingaw sa
kinukupkop na galit ng mga Muslim mula sa maraming taon ng pagpapabaya ng
gobyerno, di-magandang pagtrato, at diskriminasyon. Ang mga aktibistang Muslim ay
nagprotesta sa Maynila upang ipahiwatig ang kanilang galit sa gobyerno. Ito rin ang
panahon na kung saan nabuo ang mga samahang Muslim, tulad ng Moro National
Liberation Front, na ang layunin ay kabakahin ang kawalang-katarungan na sa tingin nila
ay gawa ng pamahalaan Pilipinas. Sa huli, in-invoke nila ang tawag para sa kasarinlan o
“self-determination,” na magkaroon ng hiwalay na estadong Muslim sa Mindanao. Ang
mga lumalaban ng digmaang ito ay kinabibilangan ng mga militar, sisesyunistang
Muslim, rebeldeng komunista, at mga paramilitary na grupo ng mga may-ari ng
trosohan, at mga lokal na lider ng Kristiyano at Muslim. Magpasa-hanggang ngayon ay
patuloy pa rin ang mga tunggalian sa ilang lugar sa Mindanao. Ang mga lokal na
mamayan ang naiipit sa nagaganap na hidwaan. Sila ang nakakaramdam sa epekto ng
ilang dekadang hidwaan.

Sa perspektibong Muslim, may tatlong pinanggagalingan ng hidwaan


(Mercado, 2004). Una ay ang konsepto nila ng territorial jurisdiction, na kung saan
hindi nila tinitingnan ang pagkakahati ng bansa ayon sa rehiyon, probinsiya,
munisipalidad, at mga barangay. Ang mga tradisyunal na Muslim ay patuloy pa rin ang
pagtingin sa pagkakahati ng teritorya sa pamamagitan ng mga ponampongs o sultanato,
na kung saan ay mula pa raw kay propetang Muhammad. Ang ikalawa ay ang kalikasan
ng awtoridad. Kung ang konstitusyon ng Pilipinas ang pinahahalagahan ng mga
mamamayan, para sa mga Muslim naman ay ang mga Islamiko at mga nakagawiang
(custom) mga batas ang kanilang sinusunod. Ikatlo, ang konsepto ng mga Muslim ng
pribadong pag-aari. Kung ang estado ang siyang nagbibigay ng pribadong pagmamay-ari
ng lupa sa mga mamayan, para naman sa mga Muslim, ang lupa ay isang komunyal na
pagmamay-ari. Ang mga nabanggit na paniniwala o perspektibo ay maaaring kakaiba sa
paniniwala at perspektibo ng iba, kaya, maaaring humantong ito sa hidwaan.

Maraming ang mga paraan upang maresolba ang mga hidwaan. May mga
istratehiya na galing sa Kanluran tulad ng peacemaking, peacebuilding, mediation,
negosasyon, at peace process (Saunders, 1999; Christie, Wagner, and Winter, 2001)
Ngunit sa karanasan naman sa Pilipinas, sa tulong ng mga NGO, civil society, at pati na
rin ng mamamayan nasasaayos ang mga hidwaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga
consensus-building sa lokal at pambansang “agenda” ukol sa kapayapaan at pag-unlad,
hanggang sa pagdedeklara ng mga mamamayan ng Peace Zones sa kanilang mga lugar
(Evangelista, 2001; Pawid, 2001), at pati na rin ang paggamit ng mga katutubong
pamamaraan ng pagreresolba ng hidwaan (Alejo, 2001). Ang huli ay naka-batay sa
kultural, espiritwal, at salik-panrelihiyon.
Sa pagresolba o pagsasaayos ng mga hidwaan, sinasabi ng literatura na ang
pantaong dimensiyon dapat ang maging sentro ng peacemaking at pagtatayo ng isang
mapayapang lipunan (Saunders, 1999). Maaaring ang mga gobyerno lang ang puwedeng
sumulat ng mga kasunduang pang-kapayapaan, ngunit tanging ang mga mamamayan lang
din lamang ang puwedeng pag-ibahin ng isang ugnayang may hidwaan tungo sa
mapayapang ugnayan. Tanging ang mga tao lamang ang maaaring magpabago sa isang
relasyong may hostilidad tungo sa isang relasyon ng pakikipagkasundo. Ang “human
dimension” ng hidwaan ay masasabing pinaka-totoo at mas masalimuot kaysa sa mga
dimensiyong diplomatiko o huridikal (i.e., pormal na “peace process”: isang operasyunal
na balangkas na pagpapayapa”; Saunder, 1999). Ang pakikipagkasundo o “making
peace” ay nangangailangan ng pagbabago ng relasyon ng mga grupo. Ito ay nakakamit
sa pamamagitan ng isang dinamikong interaksyon sa pagitan ng mga grupong kalahok.
Ayon kay Saunders (1999), ang kailangan pagtuunan ng pansin ay ang kabuuan ng
interaksyon ng mga grupo. Sa pamamagitan ng pagsaliksik sa mga relasyon na nagiging
mitsa ng hidwaan, maaaring mabago ito ng tao sa paraang makakalikha ito ng mga
kapasidad at ugnayan na kailangan sa pagbuo ng isang mapayapang lipunan.

Ngunit hindi lahat ng ugnayang Muslim-Kristiyano ay masasabing


nababalutan ng tunggalian o hidwaan. Ayon kay Ibrahim (1998), ang dayalog sa pagitan
ng mga Muslim at Kristiyano ay sing-tanda rin ng relihiyong Islam. Makikita raw sa
Qur’an mismo ang mga berso ukol sa dapat na magandang pakikipag-ugnay ng mga
Muslim sa mga Kristiyano. Binanggit din ni Mercado (2004) na may mga pagkakataon
na namumuhay ng tahimik at matiwasay ang mga Muslim at Kristiyano sa isang
komunidad. Ayon sa kanya, ito ay nakita sa mga komunidad sa baryo at kalunsuran, na
kung saan mayroong dayalog at pakikipag-ugnayang nagaganap sa pagitan ng mga
magkakapit-bahay. Sa mga baryo, binanggit ni Mercado (2004) na matagal ng
nakikipamuhay ang magkakapit-bahay na Muslim at Kristiyano. Ang nagpabago lang
daw dito ay ang pagpasok ng mga pundamentalistang Muslim na nanggatong sa dating
matiwasay na ugnayan ng dalawang grupo. Sa mga kalunsuran naman, ang pagiging
malapit ng mga magka-kapitbahay/magka-komunidad sa isa’t-isa ay nangangahulugang
mas maraming interaksyon ukol sa negosyo, edukasyon, panlipunang-buhay, at
komunikasyon ang nagaganap. Ang mga interaksyon o ugnayang ito ay nakakalikha ng
mga dayalog sa iba’t-ibang antas, na sa kinalaunan ay maaaring makatulong sa
pagpapanatili ng magandang relasyon sa pagitan ng dalawang grupo. Ang mga enclaves
ng mga Muslim tulad ng sa Golden Mosque sa Quiapo, Maharlika Village sa Bicutan
(i.e., Blue Mosque), at ang Salam Mosque sa Culiat ang maaring magpakita ng pagpasok
ng mga grupong Muslim sa kalunsuran, na kung saan karamihan sa mga naninirahan ay
mga Pilipinong Kristiyano. Ayon ulit kay Mercado (2004), may mga salik na nagtatatag
ng mapayapa at matiwasay na ugnayan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa
Kalakhang Maynila. Ang mga ito ay salik sosyo-ekonomiko, pangangailangang
mamuhay kasama ang ibang grupo (necessity of living together), edukasyon, at
kabahaging oportunidad o shared opportunities. Dagdag pa ni Mercado (2004), ang
kalunsuran (city) ay maaaring maging catalyst ng dayalogo sa pagitan ng mga relihiyon.
Una, ang pluralismo ng kalunsuran ay maaaring magdikta sa mga miyembro ng iba’t-
ibang relihiyon na mamuhay ng mapayapa sa piling ng isa’t-isa. Ikalawa, ang mga
imagery ng mga naninirahan sa kalunsuran ay nagiging urban na, bagkus nakakalimutan
na nila ang kanilang nakaraan, na nababalot ng kalinangan ng kanilang mga tribo (tribal
past).

Ayon kina Cameron, Rutland, at Brown (2007), dahil sa mga maka-bagong


trend ng globalisasyon, interconnection, at modernisasyon nababago ang iba’t-ibang
aspeto ng buhay sa lipunan. Lumalaki at nagiging masalimuot ang mga tinatawag na
networks of exchange. Bunga nito, pati ang pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa’t-isa ay
lumalaki at lumalawak na rin, na may kaakibat na positibo at negatibong kahihinatnan.

Ang pakikisalamuha o interaksyon ng tao sa kanyang kapwa ay naka-batay sa


kanyang panlipunang identidad o “social identity” (Hornsey at Hogg, 2000-b). Ito ang
pang-sariling konsepto ng isang indibidwal na nagmula sa kanyang persepsyon/pagtingin
ng kanyang ugnayan sa isang grupo. Dito niya binabatay kung paano siya kikilos, mag-
iisip, at pati na rin dadamhin depende sa sitwasyon o grupong kanyang kasalukuyang
kinakaharap. Sa kanyang panlipunang identidad din siya nakakakuha ng mga positibong
emosyon gaya ng pagtingin sa sarili o “self-esteem.” Dahil nga sa ang sarili o “self” ay
nakabatay sa identidad ng sariling-grupo (ingroup), kailangan na mapangalagaan ito at
panatiliing iba sa iba pang grupo. Minsan ang pagpapayabong sa sarili o “self” o dili
kaya ang pagkakaroon ng “distinctiveness threat” ay maaaring humantong sa
pagkakaroon ng pag-uuri o pagtitipo (stereotyping), pagkiling (bias), prehuwisya
(prejudice) at diskriminasyon ng ibang-grupo (outgroup), na maaari namang humantong
sa hidwaan sa pagitan ng mga grupo (Hornsey at Hogg, 2000-b).

Bunga ng mga hidwaang tulad ng mga nag-ugat sa pagkakaroong ng pag-uuri


o pagtitipo, pagkiling, prehuwisya, at diskriminasyon, ang tunguhin dapat ay pag-aralan
kung paano ito mareresolba o maaayos, o dili kaya’y maiiwasan. Dahil sinasabi ngang
ang largabistang ating ginagamit sa pagsulyap sa mundo’t lipunan ay ang identidad na
mula sa ating grupong kinabibilangan, marapat na sa relasyon ng mga grupo tayo
magtuon upang maka-diskubre tayo ng mga paraan upang mabawasan o tuluyan ng
maglaho ang mga hidwaan. Sinasabi ngang ang ating lipunan ay hindi homogenous
sapagkat ito’y binubuo ng iba’t-ibang mga “subgroup” (Hornsey at Hogg, 2000-b).
Nahahati o nakapa-loob ang mga tao sa iba’t-ibang mga “subgroup”, na nagbibigay
depenisyon base sa pagtatalaga ng papel ayon sa sariling-grupo (intragroup role
assignments) o dili kaya’y ng mas malawak na pagiging bahagi sa isang panlipunang
kategorya (social category membership) na base sa propesyon, estadong pang sosyo-
ekonomiko, kasarian, relihiyon, etnisidad, at iba pa. Nagkakaroon ng isang
oryentasyong-intergroup, na kung saan nakikibahagi ang isang grupo o indibidwal sa
katangian ng ibang mga grupo (i.e., subgroup o subrordinate na identidad/kategorya; hal.
pagiging Muslim) o sa isang mas malawak na kategorya (i.e., superordinate na
identidad/kategorya; hal. pagiging Pilipino). Bunga nito, mabibigyan kahulugan natin
ang ugnayan-sa-pagitan ng mga grupo (intergroup relations) bilang ugnayan sa pagitan
ng mga subgroup, na nakapaloob sa isang mas nakaka-saklaw na superordinate identity
group. Ito ngayon ay sinasabing modelong three-way lateral at hierarchical group
relation (Hornsey at Hogg, 2000-b). Ang pagkiling nang masyado sa superordinate o sa
subordinate na identidad ng sarili ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng pag-uuri o
pagtitipo, pagkiling, prehuwisya, diskriminasyon - at sa kinalaunan – sa hidwaan sa ibang
grupo. Kung ganito, may mga lapit na maaaring gamitin sa pagsasaayos ng mga
hidwaan: asimilasyon, multikulturalismo, modelong common ingroup identity, at
modelong mutual intergroup differentiation. Ang dalawang huli ay bahagi ng sosyo-
sikolohikal na lapit, at may kaugnayan sa konsepto ng pakikipag-ugnayan o contact. Ang
pakikipag-ugnayan ay nakakatulong maaayos ang mga hidwaan ng grupo sa isa’t-isa,
dahil napapa-bulaan ang mga negatibong stereotypes at atitud tungkol sa ibang-grupo, at
sa kinalaunan ay maaaring maiwasan ang mga hidwaan (Hornsey at Hogg, 2000-b;
Hornsey, 2000-a).

Ang pokus o tuon ng pag-aaral na ito ay alamin kung paano at bakit


nakikipag-ugnay ang mga Pilipinong Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na
Pilipinong Kristiyano sa lungsod ng Batangas. Inalam kung anu-ano ang mga uri ng
pakikipag-ugnay o “contact” na ginagawa ng mga naging tagapagbatid, at kung anu-
anong mga proseso o aspetong kognitibo, behebiyoral, at apektibong nagaganap sa loob
ng nasabing pakikipag-ugnay. Dahil sa paniniwala na may bigat ang panlipunang
identidad nila bilang mga Muslim, inalam kung paano nakaapekto ang kanilang pagka-o-
pagiging Muslim sa nasabing tema ng pakikipag-ugnay. At, inalam kung tunay ngang
nakatulong ang kanilang pakikipag-ugnay sa mga ka-komunidad nilang Kristiyano sa
pagbaba o pag-elimina ng mga pag-uuri o pagtitipo, prehuwisya at pagkiling na
namamagitan sa dalawang grupo. Sa pang-huli, inalam ang mga epekto ng kanilang
pakikipag-ugnay sa mga Kristiyano.

Kaugnay na Literatura

Ang tuon ng pag-aaral na ito ay ang pakikpag-ugnay ng mga Pilipinong


Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na mga Pilipinong Kristiyano sa Batangas. Kung
kaya mahalagang alamin ang mga naisulat na pag-aaral ukol sa pakikipag-ugnayan,
partikular ang panukala ni Allport ukol sa contact o pakikipag-ugnayan. Ngunit bago ito,
kailangang maunawaan muna ang perspektibo ng mga naging tagapagbatid bilang
miyembro ng isang relihiyo-etnikong grupo, kaya minarapat na simulan ang pagsusuri ng
literatura sa teorya ng panlipunang identidad o social identity. At mula sa pang-
indibidwal na tuon, tutungo ang pagsusuri sa konteksto ng grupo. Dito ay tatalakayin ang
paraan ng pagsiyasat sa ugnayan ng mga grupo sa isa’t-isa sa pamamagitan ng mga
konsepto ng superordinate at subordinate na kategorya o identidad. Kasunod na pag-
aaralan ay ang dual o sabay na pagkategorisa sa superordinate at subordinate na
kategorya/identidad at ang panganib sa identidad ng mga grupo o subgroup. At sa
panghuli, tatalakayin ang mga lapit na ginagamit upang suriin at maisaayos ang mga
hidwaan sa pagitan ng mga grupo. Mula dito ay itu-tuon ang pansin sa pakikipag-
ugnayan, na siyang paksain ng kasalukuyang pag-aaral.

Teorya ng Panlipunang Identidad

Ang teorya ng panlipunang identidad ay binuo ni Henri Tajfel at John Turner


noong 1979, upang maintindihan ang sikolohikal na basehan ng intergroup
discrimination (Social identity theory “http://www.tcw.utwente.nl”, walang petsa). Ayon
sa teoryang ito, ang isang tao ay hindi lamang mayroong iisang personal self lamang,
bagkus maraming selves o sarili na nagkokorespunde sa bawat grupo na kanyang
kinabibilangan. Ayon dito, ang iba’t-ibang uri ng konteksto ay maaaring magbunsod sa
isang indibidwal na mag-isip, kumilos, at rumamdam base sa kanilang personal,
pampamilya o pambayang “antas ng sarili.” Sa madaling salita, ang panlipunang
identidad o social identity ay ang pang-sariling konsepto ng isang indibidwal na nagmula
sa kanyang persepsyon/pagtingin ng kanyang ugnayan (perceived membership) ng mga
panlipunang grupo. Maaari din na ito ay isang indibidwal na persepsyon na nagbibigay-
katuturan sa ating pagka “tayo”, na kaugnay ng kahit na anumang grupo na sa tingin natin
na tayo’y kabilang. Ang social identification ay isang persepsyon ng pagkaka-isa sa
isang grupo ng mga indibidwal (Ashfort at Mael, 1989). Ito’y kakaiba sa personal na
identidad o personal identity, na kung saan ito naman ay pumu-pook sa kaalaman tungkol
sa sarili, na nagmumula sa bukod-tanging katangian ng isang indibidwal.

Ayon sa pag-aaral nina Tajfel at Turner noong 1985 (nasa Ashfort at Mael,
1989), ang tao ay may pagkiling na i-ayon ang kanyang sarili at ibang mga tao sa iba’t-
ibang panlipunang kategorya, tulad ng pagiging miyembro ng isang grupo, religious
affiliation, kasarian o gender, at edad o age cohort. Ito’y sa kadahilanang ang
pangangailangan ng tao na makilala o maunawaan ang kanyang sarili ay nakahabi na sa
grupong kanyang kinabibilangan (Christie, Wagner, at Winter, 2001). Ang pagsali sa
isang grupo ay maaaring makakalikha ng ingroup/self-categorization at enhancement, na
kung saan maaari ito humantong sa pagpabor sa sariling-grupo sa kapinsalaan naman ng
ibang-grupo (Hornsey, 2000-a). Dahil sa pagkategorisa ng isang indibidwal sa kanyang
sarili bilang miyembro ng isang grupo ay maaaring makahantong sa pagpapakita ng
pagbibigay pabor sa nasabing sariling-grupo. Pag na-kategorisa na ng isang indibidwal
ang kanyang sarili sa isang grupo, maghahangad na siya ng positibong pagtingin sa sarili
sa pamamagitan ng paghahambing (i.e., sa isang positibong paraan) niya sa kanyang
sariling-grupo sa ikunukumparang ibang-grupo. At dahil sa positibong pagkakaiba na
ito, ang pag-unawa ng isang tao kung sino siya ay hindi na lamang sa pamamagitan ng
“ako,” bagkus, pati na rin ng “kami.” Ang teorya ng panlipunang identidad ay
masasabing may parehong kinalaman sa sikolohikal at sosyolohikal na aspeto ng pagkilos
ng isang grupo.

Ayon sa perspektibo ng teorya ng panlipunang identidad, ang tao ay nauudyok


na ikategorya niya ang kanyang sarili sa isang grupo dahil sa dalawang rason: una, para
mabawasan ang kanyang subhetong pag-aalinlangan (subjective uncertainty) (tingnan
sina Hogg, in press-b; Hogg at Abrams, 1993; Hogg at Mullin, 1999; nasa Hornsey at
Hogg, 2000-b), at ikalawa, upang palaganapin ang kanyang positibong pagtingin sa sarili
(tingnan sina Abrams at Hogg, 1988; Long at Spears, 1997; Rubin at Hewstone, 1998;
Turner, 1982; nasa Hornsey at Hogg, 2000-b). Sa una, may pangangailangan ang tao na
iwasan ang anumang di-kasiguruhan o pag-aalinlangan tungkol sa kanyang sarili, kung
sino siya, kung paano siya kikilos, at kung papaano kikilos din ang ibang tao. Sa ikalawa
naman - bilang may kinalaman o kaugnayan sa ibang tao – may pangangailangan din ang
tao na makaramdam ng mabuti ukol sa kanyang sarili.

Ang teoryan ng panlipunang identidad ay binubuo ng tatlong (3) elemento:


kategorisasyon, identipikasyon, at paghahambing (social identity
“http://psychology.anu.edu.au”, walang petsa). Ukol sa unang elemento, sinasabing kina-
kategorisa ng tao ang mga bagay sa paligid niya upang maunawaan niya ang mga ito. Sa
katulad na paraan, kinakategorisa din niya ang ibang tao, kasama ang sarili niya, upang
maunawaan niya ang kanyang lipunan at mundo. Kinakategorisa natin ang mga bagay sa
lipunan sapagkat ito ay may silbi sa atin. Kapag itinakda natin ang isang tao o grupo sa
isang kategorya (hal., guro), ang tao o grupo na yun nagka-kahulugan sa atin. Kaya
kapag nakita natin ang ating guro sa labas ng konteksto ng silid-aralan o paaralan, hindi
ito normal o pangkaraniwan sa atin dahil hindi ito umaayon sa ang ating nabuong
kategorya ukol sa kanila (i.e., na nasa loob lamang ng silid-aralan o paaralan). Sa
parehong paraan, may mga bagay tayo na nalalaman tungkol sa ating mga sarili sa
pamamagitan ng pag-alam sa kung ano o saang kategorya tayo nabibilang. Naitatakda
natin kung anong uri ng pagkilos ang ating ipapakita kung alam natin kung saang grupo
o kategorya tayo kabilang.

Ang ikalawang elemento teoryang Social Identity ay ang identipikasyon.


Ayon dito, tayo ay nakiki-ugnayin (relate) sa mga grupo na sa tingin natin ay kabilang
tayo. Ang identipikasyon ay may kaakibat na dalawang pakahulugan: una, minsan ay
tinitingnan natin ang ating sarili bilang miyembro ng isang grupo o pangkat; at ikalawa,
tinitingnan natin ang ating sarili bilang isang unique na indibidwal. Sa una, nag-iisip tayo
ayon sa linyang “kami” kontra “kanila”, at sa huling paraan naman, nag-iisip tayo sa
linyang “ako” kontra “siya.” Ang paraan o linya ng pag-iisip ng ganito (i.e., bilang
miyembro ng isang pangkat o bilang isang bukod tanging indibidwal) ay maaaring
magbago o magpapalit-palit depende sa sitwasyong kinahaharap ng indibidwal. Ang
mahalaga lamang na malaman ay ang paraan ng pag-iisip bilang isang miyembro o kasapi
ng isang grupo at/o bilang isang indibidwal ay parehong bahagi ng tinatawag na self-
concept. Ayon dito (at tulad na rin sa nabanggit na sa itaas), panlipunang identidad
(social identity) ang tawag natin kung ang paraan ng pag-iisip bilang isang miyembro o
kasapi ng isang grupo, at personal na identidad (personal identity) ang tawag natin kung
ang paraan ng pag-iisip natin ay bilang isang bukod tanging indibidwal.

Ang pangatlo at panghuling elemento ng teoryang Social Identity ay ang


paghahambing. Sinasabing ang pagkakaroon ng isang positibong konsepto ng sarili ay
bahagi ng isang normal na sikolohikal na proseso ng isang tao. Upang maging maayos
ang ating pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mundo, dapat ay maganda ang pagtingin
natin tungo sa ating mga sarili. At sa mga kadahilananang ito, ang ideya ng social o
panlipunang paghahambing ay, upang masuri nating mabuti ang ating mga sarili ay
inihahambing natin ang ating mga sarili sa ibang mga tao na katulad o may pagkakatulad
din sa atin. Ayon nga kina Tajfel at Turner, ikinukumpara ng mga miyembro ng isang
grupo ang kanilang grupo sa iba, ito ay upang (i.e., sa isang positibong paraan)
mabigyang depenisyon o kahulugan nila ang kanilang grupo. At mula dito, bilang
implikasyon, nakikita rin nila ang kanilang mga sarili sa isang positibong paraan. Sa
madaling salita, inihahambing ng mga tao ang kanilang grupo sa ibang mga grupo, upang
sumalamin din ito (i.e., sa isang positibong paraan) sa kanilang mga sarili. Dalawang
ideya ang maaaring sumunod mula dito, ang positibong pagka-iba (distinctiveness) at
negatibong pagka-iba (distinctiveness) (social identity, http://psychology.anu.edu.au,
w.p.). Ang ideya sa una ay may motibasyon ang tao na tingnan ang kanilang sariling
grupo bilang mas magaling o mas nakaka-angat kaysa sa kapareho o katulad (ngunit mas
mababa o inferior) na grupo. Ang ideya naman ng huli ay, may tendensiya ang mga
grupo na maliitin ang pagkakaiba nila sa ibang mga grupo (i.e., kung sa tingin na hindi
sila nakakalamang sa dimensiyong pinagbabatayan) upang mas pabor pa rin ang
pagtingin nila sa kanilang mga sarili. Kaugnay nito, kung hindi man nila kaya paliitin
ang pagkakaiba nila sa ibang grupo, maaaring pumili ang nasabing grupo ng ibang
dimensyon na pagbabatayan ng kanilang paghahambing sa ibang grupo, na kung saan, sa
dimensyong ito ay alam nila na mas higit o mas magaling sila kaysa sa nasabing ibang-
grupo. Ang mga proseso ng positibo at negatibong pagkakaiba ay pumapasok sa
konsepto ng panlipunang pagkamalikhain. Sinasabi nito na pumipili ang mga grupo ng
mga dimensyong mas magpa-pabor o mas makaka-angat sa kanilang grupo.

Sinasabing ang teoryang panlipunang identidad ay may mahalagang ambag sa


sikolohiyang-panlipunan. Ito ay pinapag-aralan sa iba’t-ibang mga larangan tulad ng
mga pananaliksik ukol sa prehuwisya, pag-uuri/pagtitipo (stereotyping), negosasyon, at
paggamit ng wika (social identity, http://www.tcw.utwente.nl, w.p.). At tulad ng
nabanggit na sa itaas, dahil sa pagkategorisa ng isang indibidwal sa kanyang sarili bilang
miyembro ng isang grupo, maaaring humantong ito sa pagkiling, pag-uuri/pagtitipo,
diskriminasyon, hidwaan, at maaari rin itong humantong sa karahasan (Ashfort, B., at
Mael, F., 1989; Christie, Wagner, and Winter, 2001). Sumasambulat ang hidwaan at
karahasan kung ang dalawa o maraming grupo ay may iba’t-ibang identidad, na kung
saan nakikita nila ang ibang-grupo bilang banta sa patuloy na pananatili ng kanilang
grupo. Sa pag-aaral ni Murphy (nasa Christie, D. et al., 2001), ang panlipunang identidad
o social identity ay maaaring humantong sa pagkiling tungo sa sariling grupo, na kung
saan sa kaso ng kasarian o gender ay nagiging salik sa karahasan bunga ng pagiging
kontra gay o lesbian.

Sinasabing ang mga hidwaang naka-ugat sa identidad ay sentral sa maraming mga uri ng
karahasan, tulad ng hidwaang etniko (Christie, et al., 2001). Ito ay nakita sa mga
hidwaan sa Bosnia, Croatia, Hungary, Moldova, at Slovakia (Le Blanc, 2001). At sa pag-
aaral ni Druckman (2001), ginamit niya ang teoryang panlipunang identidad at teoryang
self-categorization bilang pagpapaliwanag kung bakit ang maka-bayang sentimyento o
nationalistic sentiments ay maaaring humantong sa digmaan. Dito sinaad ni Ross (1991)
na itinataguyod ng panlipunang pakikipag-ugnayan (i.e., kooperasyon na ipinapakita ng
mga miyembro ng isang grupo, na pinasidhi o pinalakas pa ng pamimilit sa pagsunod sa
mga pamantayan ng grupo) ang hidwaang etnosentrismo. Na kung saan ito ay na
nagiging kritikal na tipak o pundasyon ng magandang relasyon sa loob ng sariling-grupo
(ingroup), ngunit antagonismo o hostilidad naman sa ibang-grupo (outgroup).

Binigyang linaw sa bahaging ito ng kaugnay na literatura kung ano ang teorya
ng panlipunang identidad at ang pagkakaiba niya sa personal na identidad. Binanggit na
ang panlipunang identidad ay ang pansariling konsepto ng isang indibidwal na nagmula
sa kanyang persepsyon o pagtingin ng kanyang ugnayan sa grupo o mga grupo na
kanyang kinabibilangan. May halaga na magkaroon ng panlipunang identidad ang isang
tao sapagkat mayroon siyang pangangailangan na maunawaan ang kanyang sarili base sa
grupo o pangkat na kanyang inaaniban. At base sa teorya, nauudyok ang isang tao na
ikategorisa niya ang kanyang sariling grupo upang mabawasan ang kanyang subhetong
pag-aalinlangan at upang palaganapin din ang kanyang positibong pagtingin sa sarili.
Nabanggit din sa literatura na binubuo ng tatlong elemento ang teorya ng panlipunang
identidad, ito ay ang kategorisasyon, identipikasyon, at paghahambing. Lahat ay
mahahalagang konsepto upang maunawaan kung paano ang konsepto ng sarili ng tao,
bilang bahagi ng lipunan, ay gumagalaw o gumagana. At sa panghuli, mahalaga na
maunawaan ang nasabing teorya para matugunan ang mga di-magagandang penomena na
namamagitan sa mga grupo sa lipunan, tulad ng prehuwisya, stereotyping, pagkiling,
hidwaan, at maaaring pati karahasan. Lahat ay sinasabing maaaring naka-ugat sa
identidad, partikular ang panlipunang identidad. Sa kasalukuyang pag-aaral na ito,
mahalaga ang konsepto ng panlipunang identidad sapagkat ang magiging mga
tagapagbatid ay miyembro ng isang partikular na relihiyo-etnikong grupo (i.e., Pilipinong
Muslim). Ang kanilang panlipunang identidad – na nakaugat sa kanilang pagiging
Muslim, miyembro ng isang partikular na tribo o grupong-etniko, nagmula sa Mindanao,
o dili kaya’y pagtingin bilang mga Pilipino – ay mahalagang tingnan upang mas
maunawaan kung ano ang role o papel nito sa pakikkipag-ugnay sa kanilang ka-
komunidad na Kristiyano sa Batangas. Maaring makita ito sa sikolohikal na proseso ng
pakikipag-ugnay (i.e., kognitibo, beheybyoral o pagkilos, at apektibo).

Superordinate and Subordinate na Identidad/Kategorya

Sinasabing ang mga grupo, mga organisasyon, at mga lipunan ay bihira na


masasabing magkakawangis o magkakahawig (Hornsey at Hogg, 2000-b). Kadalasan ay
nahahati o napapa-loob ang mga ito sa iba’t-ibang mga subgroup, na nabibigyang
depenisyon ng intragroup role assignments o dili kaya’y ng mas malawak na social
category membership na base sa propesyon, estadong pang sosyo-ekonomiko, kasarian,
relihiyon, etnisidad, at iba pa. Masasabi na nagkakaroon ng isang intergroup na
oryentasyon kapag nakikibahagi ang isang grupo o indibidwal sa katangian ng ibang mga
grupo o sa isang kategorya (hal. nakikibahagi sa katangian ang mga sikolohista sa mga
sosyolohista sapagkat pareho silang kabilang sa kategorya ng agham-panlipunan). Sa
madaling salita, maaaring mabigyan ng kahulugan ang ugnayan ng dalawang grupo
bilang relasyon sa pagitan ng mga subgroup, na nakapaloob sa isang mas nakaka-saklaw
na superordinate identity group. Kaya ayon kina Vescio, Hewstone, Crisp, at Rubin
(nasa Hornsey at Hogg, 2000-b), itong three-way lateral at hirarkikal na pakikipag-
ugnayan ng mga grupo (tingnan ang dayagram 1) ay sinasabing hindi madaling ma-
saklaw sa pamamagitan lamang ng isang tipikal na binary na sariling-grupo – ibang-
grupo (ingroup-outgroup) na pagtingin.

Relasyong Superordinate at Subordinate


Identity/Category

Superordinate Identity
(Hal. Social Scientist)

Subordinate Identity Subordinate Identity


(Hal. Sikolohista) (Hal. Sosyolohista)

Dayagram Blg. 1

Ang superordinate na identidad ay dapat tingnan bilang bukal ng positibong


identidad, na hindi nakakalikha ng kontradiksyon sa mga pinahahalagahang katangian ng
subgroup na identidad (Hornsey at Hogg, 2000-b). Upang mapaganda ang relasyon sa
pagitan ng mga subgroup, mahalaga na i-engganyo ang mga grupong ito na ituon ang
kanilang pagkakatulad o pag-uunawaan sa pamamagitan ng pag-tuon sa kanilang
superordinate na identidad o kategorya. Halimbawa, sa pagitan ng mga Pilipinong
Muslim at Pilipinong Kristiyano, may kagalingan kung hindi lamang nila titingnan ang
kanilang mga sarili ayon sa pagkaka-sapi nila sa relihiyong kanilang kinabibilangan (i.e.,
subgroup na identidad), bagkus ay dapat tingnan din nila ang kanilang mga sarili sa isang
superordinate na kategorya, tulad ng pagiging Pilipino nila. Ang ganitong paraan o
estratehiya ay maaari lamang gumana kung ang kategoryang superordinate ay maayos
ang pagkaka-banghay o pagkaka-paliwanag at malinaw ang pagkakaiba nito. Dahil
kapag ang kategoryang superordinate ay masyadong inklusibo (i.e., masyadong malawak
ang saklaw o sakop; hal. kababaihan, tao), ang kategorisasyon sa superordinate na antas
na ito ay maaaring mas maka-engganyo ng mas agresibong pagtatangka na mas
protektahan at palakasin ang subgroup distinctiveness ng nga grupo. Ngunit, maaari rin
namang ang paradox ng superordinate na identidad ay, kahit na sabihing ang
identipikasyon sa superordinate na grupo ay nakakapag-bigkis sa mga subgroup upang
maging isang makapangyarihang kabuuang sikolohikal, maaari ring makapamuksa ito sa
mga mapapag-kakilanlan at mahahalagang identidad na nakapaloob sa kanilang mga sari-
sariling subgroup o sariling-grupo (Hornsey at Hogg, 2000-b). Kung gagamitin ang
halimbawa sa itaas, hindi rin mainam na dapat ituon ng isang Pilipinong Muslim at/o
Pilipinong Kristiyano ang kanilang pansin sa kanilang pagka-Pilipino lamang at
balewalain ang identidad ng kanilang mga sariling-grupo (i.e., ang pagka-Muslim o
pagka-Kristiyano nila). Kapag ganito ang nangyari, ang identidad ng kanilang subgroup
ay maaaring maanod at tuluyan na lamang ma-balewala.

Sa mga eksperimental na pag-aaral ukol sa superordinate at subgroup na


identidad at pagkiling, ang mga kalahok ay kinategorisa (i.e., pinagana) sa superordinate
at/o subordinate na kategorya at tiningnan ang epekto nito sa kanilang pagkiling sa
ibang-grupo. Nung ang superordinate at subordinate na mga identidad ng mga kalahok
ay pinagana ng magkasabay, ang sariling-grupong pagkiling ay naging bale wala o di-
agad mapapansin (Hornsey at Hogg, 2000-B). Ngunit nung kabaligtaran ang ginawa,
(i.e., nung ang mga kalahok ay kinategorisa esklusibo sa superordinate na antas lamang
at ang kanilang mga subgroup na hangganan o kategorya ay binalewala o tinabunan) ang
antas ng intersubgroup na pagkiling ay naging lubhang mataas. Ang resulta ng mga pag-
aaral na ito ay tugma sa paniwala na kapag binigyan ng lubhang pagpapahalaga ang
pagkaka-iba ng mga grupo ay maaring maging makitang/mataguriang mapanganib o
banta ito sa pagkakaiba (distinctiveness) ng identidad ng mga subgroup. Ang mga pag-
aaral na tulad nito ay maaaring masabing paunang ebidensyang eksperimental ng
multikulturalismo (tingnan ang paksa ng multikulturalismo sa ibaba). Base sa mga pag-
aaral tulad nito at sa iba pang mga pag-aaral ukol sa pulitikal at sosyo-sikolohikal na mga
modelo ng intergroup relations, naniniwala sina Hornsey at Hogg (2000-b) na kapag
kinilala ang mga pagkakaibang base sa mga kategorya o category-based ay maaaring
maging prerequisite ito sa isang matiwasay na ugnayan ng mga grupo. Dagdag pa nila,
ang pagwaksi o pagtabon sa mga pagkakaiba-iba ng mga grupo ay maglalagay sa
panganib sa pangangailan ng mga tao na magkaroon ng isang distinktong identidad ang
kanilang sariling-grupo (i.e., subgroup). Bagkus, mas dapat na alagaan at payabungin pa
ang mga distinktong identidad ng mga subgroup sa loob ng konteksto ng superordinate
na identidad, na kung saan rin ang mga grupo ay nagkakaroon ng isang
kumplementaryong papel o role sa halip na isang kompetetibong ugnayan. Ang tunguhin
dapat ay magkaroon ng dual o pandalawahang kategorisasyon o identipikasyon ang tao,
na kung saan parehong ang superordinate at subgroup na identidad ay sabay na
binibigyang pagkilala at itinataguyod.

Ayon sa seksyong ito ng pagsusuri ng literatura, maaaring tingnan ang


relasyon ng mga grupo sa isa’t-ida sa isang three-way lateral at hirarkikal na paraan. Ito
ay ang pagtingin ng isang grupo sa kanyang sarili bilang bahagi ng isang nakakasaklaw
na superordinate na kategorya/identidad at/o ng isang partikular na subgroup na may
sariling subordinate na kategorya/identidad. Ang relasyon at pakikipag-ugnay ng isang
grupo sa ibang mga grupo ay mas madaling maunawaan kung gagamitin ang ganitong
pagdalumat, kumpara sa isang binary (i.e., sariling-grupo – ibang-grupo) na paraan,
sapagkat sa pamamagitan ng mga konsepto ng superordinate at subordinate na mga
kategorya/identidad ay maaaring mas madaling makita ang pagkakatulad, pagkakaisa at/o
pagkakaiba (distinctiveness) ng mga grupo. Ang aktibasyon o pagpapa-gana ng
superordinate at/o subordinate na mga kategorya/identidad ng isang grupo ay tinalakay.
Ito ay mahalaga sapagkat nakita kung ang kinahihinatnan ng mga ito ba ay etnosentrismo,
pagkiling, prehuwisya, at/o diskriminasyon tungo sa ibang grupo, o dili kaya ay
solidaridad o kaisahan. Ang dual o sabay na kategorisasyon o identipikasyon ng
superordinate at subordinate na kategorya/ identidad ay tatalakayin sa susunod na
seksyon ng pagsusuri ng literatura. Ang mga konsepto ng kategoryang superordinate at
subordinate ay mahalaga sa pag-aaral na ito sapagkat inilarawan ng mga ito ang ugnayan
ng mga grupo sa isa’t-isa; kung paano rin maaaring magkaroon ng hidwaan at kung
paano rin maaaring magkaroon ng mabuting ugnayan sa pagitan ng mga grupo.
Dual o sabay na kategorisasyon o identipikasyon ng Superordinate at Subordinate na
kategorya/identidad

May benepisyo ang dual na kategorisasyon sa pagbuo ng maayos na relasyon


sa pagitan ng mga grupo, na kung saan sabay na pinapagana ang superordinate at
subordinate na mga identidad (Hornsey at Hogg, 2000-b; Hornsey, 2000-a). Ang mga
benepisyong ito ay maaaring ibanghay sa dalawang lebel o antas: una, maaaring mai-
bahagi ang mga benepisyo ng isang grupo sa ibang-grupo; ikalawa, mapo-protektahan
ang pagkakaiba ng mga grupo.

May mga pag-aaral na nagsasabing balakid ang pagtuon sa mga subgroup na


identidad o kategorya sa larangan ng negosasyon (Grant, 1990; Horwitz at Berkowitz,
1990; Rothbart, 1993; Rothbart at Hallmark, 1988; at Stephenson, 1981; nasa Hornsey at
Hogg, 2000-b). Ngunit tulad sa pag-aaral nina Hornsey at Hogg (2000-b), may ibang
mga ebidensya na nagpapakita na upang maging matagumpay ang pagsasa-ayos ng
sigalot sa pagitan ng mga grupo, hindi lamang ang isang binabahagingang superordinate
na depinisyon ng dalawang grupo ang dapat tunguhin. Kailangan ding bigyang
importansya o pagkilala ang mga depinisyon sa antas ng mga subgroup, na kung saan ang
mga isyu at kadahilanan ng pagsisimula ng nasabing sigalot ay salient, makabuluhan, at
makatotohanan sa lipunan (Eggins at Haslam, 1998; nasa Hornsey at Hogg, 2000-b).

Ayon sa pag-aaral nina Gaertner, Rust, Dovidio, Bachman at Anastasio noong


1994 (nasa Hornsey at Hogg, 2000-a), ang mga estudyanteng naglarawan sa kanilang
mga sarili bilang mga Amerikano (kategoryang superordinate) at bilang miyembro rin ng
isang etnikong grupo (kategoryang subordinate) ay nagpakita ng mas mababang antas ng
intergroup bias kaysa sa mga estudyanteng naglarawan sa kanilang mga sarili base
lamang sa kanilang subordinate category membership. At ayon naman sa survey na pag-
aaral nina Huo, Smith, Tyler at Lind noong 1996 (nasa Hornsey at Hogg, 2000-a), ang
mga trabahador na naglarawan sa kanilang mga sarili bilang miyembro ng kanilang
etnikong grupo at pati na rin sa kanilang superordinate na grupo (i.e., “work
organization”) ay mas nagpamalas ng atitud na harmonious tungo sa iba, kaysa dun sa
mga hindi naglarawan sa kanilang mga sarili sa kanilang superordinate na grupo.

Sa sariling eksperimental na pag-aaral nina Hornsey at Hogg (2000-a),


kinumpara nila ang mga pagkilos ng iba’t ibang grupo (i.e., kinategorisa sa apat na
paraan: bilang mga indibidwal, bilang miyembro ng isang subgroup, bilang miyembro ng
superordinate na mga grupo, at bilang parehong miyembro ng superordinate at subgroup
na mga grupo na sabay na pinagana o in-activate). Napagtanto nila na yaong mga
esklusibong kinategorisa sa antas ng superordinate ay nagpakita ng mas malakas na
identipikasyon sa kanilang sariling mga subgroup, at nagpakita rin ang mga ito ng mas
mataas na antas ng intersubgroup na pagkiling kaysa dun sa mga esklusibong
kinategorisa lamang sa kanilang mga subgroup na antas. Ngunit yaong mga kinategorisa
sa parehong-at magkasabay-superordinate at subgroup na kategorya ay nagpakita ng mas
mapagkalinga at mapagbigay na atitud tungo sa ibang-grupo o outgroup.

Sa mga pag-aaral ukol sa mga pagsasanib o “merger” ng mga kumpanya o


korporasyon, nakita ang kahalagahan ng dual na identipikasyon o kategorisasyon
(Hornsey at Hogg, 2000-b). Sa mga kritikal na unang yugto ng pagsasanib, benepisyal
kung papanatilihin ang mga naunang subgroup na identidad o hangganan ng dalawang
korporasyon, habang sa parehong pagkakataon ay itinatalaga naman ang bagong
pinagsanib o merged na identidad ng bagong korporasyon. Ang ganitong paniwala, na
kung saan ang identidad ng mga grupo (i.e., ng dalawang kumpanya/korporasyon) sa
simula ay dapat maging hiwalay muna bago paunti-unting bumuo ng isang bago at pinag-
isang corporate identity, ay suportado sa mga pag-aaral tulad ng kina Schoennauer noong
1967, at Van Leeuwen, Van Knippenberg, at Ellemers noong 2000 (Ayon kina Hornsey
at Hogg, 2000-b).

May malakas na kognitibong katuwiran o cognitive justification kung bakit


ang dual o sabay na kategorisasyon ay nagiging mabisang paraan sa pagpapa-bawas ng
pagkiling. Ayon kay Doise (1978; nasa Hornsey at Hogg, 2000-a), kapag ang dalawang
kategorisasyon ay nagtagpo, ang pagbibigay-diin o aksentuwasyon sa mga pagkakaiba ng
dalawang kategorya sa isang banda ay mapapahina sa pagbibigay-diin o aksentuwasyon
naman sa kanilang pagkakatulad sa isa namang banda.

Bagaman ang modelo ng dual na kategorisasyon ay nag-eendorso ng


paniniwala na ang pagkakaiba ng mga grupo ay hindi nangangahulugang magre-resulta o
hahantong agad sa intergroup na diskriminasyon, kinikilala rin na sa ibang mga
konteksto o pagkakataon ay kailangan ding mas bigyan ng bigat, diin o halaga ang
superordinate na identidad kaysa sa subgroup na identidad (tingnan ang pag-aaral
tungkol sa diskusyon ukol sa mga “stepfamilies” nina Gaertner et al, 1999; nasa Hornsey
at Hogg, 2000-b). Bilang karagdagan, may mga sitwasyon na kung saan dapat mapanatili
ang pantay-na-timbang sa pagitan ng pagpapanatili ng pagkakaiba ng mga grupo at sa
pagtitiyak na ang pagkakaiba na ito ay hindi hahantong sa etnosentrismo o sa masyadong
makitid na pagbabantay sa intergroup boundaries (Brewer, 1997; Fowers at Richardson,
1996; nasa Hornsey at Hogg, 2000-b). Sa madaling salita, sa mga partikular na kritikal
na dimensyon o pagkakataon, ang pagkilala sa mga pagkakaiba ng mga grupo ay dapat
nasa konteksto ng kabatiran o kamalayan ng mga pagkakapareho.

Bilang kaugnay at espesipikong parte ng sinundang seksyon (i.e.,


superordinate at subordinate na kategorya/identidad), tinalakay sa bahagi ng pagsusuri
ng literaturang ito ang benepisyo ng dual o sabay na kategorisasyon o identipikasyon ng
superordinate at subordinate na kategorya/identidad. Dalawa ang maaaring maging
benepisyo nito: una ay maaaring maibahagi ang mga benepisyo ng isang grupo sa ibang
grupo, at ikalawa ay maprotektahan ang pagkakaiba ng mga grupo. Binanggit din ang
mga pag-aaral ukol sa dual o sabay na kategorisasyon, na kung saan nagresulta ang mga
ito sa mas magandang ugnayan ng mga grupo. Mahalaga ang konsepto ng dual o sabay
na kategorisasyon sa pag-aaral na ito sapagkat maaaring malaman kung ang mga
magiging tagapagbatid bay a gumagamit ng ganitong istratehiya o hindi sa pakikipag-
ugnay nila sa mga ka-komunidad nilang mga Pilipinong Kristiyano sa Batangas. Mainam
tingnan kung hindi lang ang pagiging Muslim (i.e., subordinate na identidad) ng mga
tagapagbatid ang nakapa-loob sa kanilang panlipunang identidad, datapwat ang pagiging
Pilipino (i.e., superordinate na identidad) ba din ba nila ay mayroong papel sa kanilang
pakikipag-ugnay.

Panganib sa Identidad ng Subgroup

Ang paliwanag ukol sa panganib ay maaaring maging isang tiyak na paraan


upang ipaliwanag kung kailan at kung papaano ang paghahangad ng pagkakaiba o
“distinctinctiveness” ay maaaring maging mapamuksa (Hornsey at Hogg, 2000-b). Ang
paghahangad ng “distinctiveness” ay nagiging agresibo kung ito ay napapa-loob sa
konteksto ng panganib sa identidad o “identity threat.” Ang panganib sa identidad ay
maaaring payak na dahilan o basic cause ng hidwaan sa pagitan ng mga subgroup na
nakapa-loob sa isang superordinate na konteksto. Ito’y maaaring mag-udyok ng mga
kilos na naka-tuon sa pag-protekta sa panlipunang identidad ng isang subgroup. Ang
panlipunang identidad o social identity ay manganganib kung mayroong posibilidad ng
pagkawala ng estado o loss of status ng grupo, o ang pagkakaroon ng kawalan ng
posibilidad ng pag-angat sa mababang estado ng grupo, o ang pagkakaroon ng kawalan
ng panlipunang-kasiguraduhan o social uncertainty dahil sa pagkakabatay sa hindi
malinaw na hangganan o boundaries ng mga grupo, o pagkakaroon ng mababang
entitativity (i.e., ang persepsyon sa isang grupo bilang isang dalisay na organismo o pure
entity), o ang pagkakaroon ng mahinang pagkaka-pakahulugan at hindi malinaw na
ingroup prototype.

Ang panganib sa identidad ng subgroup ay sinasabing pinaka-hadlang sa


pagkakasundo sa lipunan (Hornsey at Hogg, 2000-b). Dagdag pa nga nina Hornsey at
Hogg (2000-b), ang panlipunang-pagkakasundo ay mas matatamo sa pamamagitan ng
pagpapanatili, at hindi pagpapahina, ng identidad ng mga subgroup, at mailugar rin sila
sa konteksto ng isang mapag-buklod na superordinate na identidad. Ang mga
pagkakaayos ng lipunan na nakaka-banta sa isang panlipunang identidad ay maaaring
lumikha ng mga depensibong reaksyon na maaari namang magresulta sa isang hidwaan.
Maski ang perspepsyon ng panganib ay nakakapagpa-igting ng pagkaka-isa ng
subgroup, nakakapagpa-hasa ng hangganan ng mga grupo o intergroup boundaries,
nakakapagpa-igting ng mga atitud at pagkilos na etnosentriko, nakaka-hadlang sa
identipikasyon sa superordinate na grupo, at nakakalikha ng isang mas-polarisadong
ingroup prototype. Kapag may persepsyon na ang panganib sa panlipunang identidad ay
umiiral, mas madaling makita na ang goal relations ay zero-sum (i.e., na kung saan ang
natanggap o nawala ng isang tao ay eksaktong balanse sa natanggap o nawala naman ng
isa pang tao), kaya mas nagkaroon ng lehitimisasyon ang pagkakaroon ng kompetisyon
sa pagitan ng mga grupo ukol sa estado, prosperidad, at iba pa (Hornsey at Hogg, 2000-
b). Isang halimbawa, kakumpetensya (i.e., zero-sum) ang tingin ng mga taong may
xenophobic-racist na pananaw sa mga dayuhan o imigrant na grupo. Ang alternatibong
halimbawa naman dito ay ang pagkakaroon ng pananaw na ang mga dayuhan o imigrant
na grupo bilang tagapagdala ng kayamanan at trabaho sa tinitirhang lipunan –
tinataguriang nonzero-sum. Sa unang halimbawa, maaaring ganito ang pananaw ukol sa
mga dayuhan dahil sa ang kanilang panlipunang identidad ay nanganganib dahil sa
kawalang-kasiguraduhan sa larangan ng ekonomiya at kultura, at maaaring sa paghina ng
estado ng kanilang grupo kumpara sa pag-asenso naman ng mga dayuhan o imigrant na
grupo. Ang halimbawang ito ay nakita sa pag-aaral nina Hogg at Hornsey noong 1998
(nasa Hornsey at Hogg, 2000-b).

Ipinaliwanag sa seksyong ito kung paano ang paghahangad ng pagkakaiba o


distinctiveness ay maaaring maging mapamuksa kung mag-uudyok ito ng mga kilos
upang protektahan ang panlipunang identidad ng isang grupo. Ang pagprotekta sa
panlipunang identidad ay bunsod ng persepsyon o totoong panganib o threa” dito. Ang
pagkawala ng estado, kawalan ng posibilidad ng pag-angat mula sa mababang estado,
pagkakaroon ng kawalan ng posibilidad ng panlipunang-seguridad, o ang pagkakaroon ng
mababang entitativity ang mga sinasabing dahilan kung bakit posibleng manganib ang
panlipunang identidad. Binanggit pa na ang panganib sa identidad ng isang grupo ay
sinasabing pinaka-hadlang sa pagkakasundo s lipunan, na sa kinalaunan ay maaaring
humantong sa hidwaan. Kaya ayon kina Hornsey at Hogg (2000-b) na ang panlipunang-
pagkakasundo ay mas matatamo sa pamamagitan ng pagpapanatili – at hindi pagpapahina
– ng identidad ng mga grupo, na kung saan dapat ito ay nakapaloob sa isang mapang-
saklaw at mapang-buklod na superordinate na identidad. Mahalagang maunawaan ang
panganib sa identidad sa pag-aaral na ito upang makita ang mga mekanismo na
nakapaloob sa sariling-grupo, kung paano nito pinoprotektahan at pinapanatili ang
kanyang integridad, sa konteksto ng ibang-grupo at ng lipunang kanyang ginagalawan.
At sa pamamagitan din nito ay mauunawaan ang mga dahilan kung bakit napapag-kaisa
nito ang mga indibidwal sa isang grupo, ngunit nagiging hadlang naman sa ugnayan nila
sa ibang-grupo; ang pagkakaroon ng solidaridad ng sariling-grupo ngunit maaaring
magbunsod ng etnosentrismo naman tungo sa ibang-grupo.

Mga Lapit sa Pagsusuri ng Hidwaan at Pagkakasundo

Ayon kina Hornsey at Hogg (2000-b), may dalawang lapit sa pag-aayos ng


mga hidwaan sa pagitan ng mga grupo. Ang unang lapit ay nakabatay sa mga
perspektibo na mula sa agham-panlipunan (hal., asimilasyon at multi-kulturalismo). Ang
ikalawang lapit ay galing sa mga sosyo-sikolohikal pag-aaral ng pakikipapag-alaman ng
mga grupo intergroup contact at panlipunang pagkakasundo o social harmony (hal.,
ang Common Ingroup Identity Model at ang Mutual Intergroup Differentiation Model).
Ang huli ay umiikot sa konsepto ng ugnayan at pakikipag-alaman o contact.

Ang asimilasyon ay isang popular na lapit na ginagamit sa agham-pampulitika


upang mabawasan ang hidwaan sa pagitan ng grupo (Hornsey at Hogg, 2000-b). Dito ay
ine-engganyo ang mga miyembro ng magka-tunggaling grupo ipaliwanang ang kanilang
katapatan sa antas ng superordinate lamang. Ibig sabihin ay hinihikayat ang mga
subgroup na pumaloob sa isang superordinate grupo. Ang teorya ng asimilasyon ay
naka-pako sa isang simple ngunit nakaka-akit na lohika: ito ay kapag nabanggit ang
kategoryang superordinate ng mga subgroup, lahat ng magiging interaksyon sa loob ng
sistema ay nagiging likas na intragroup, bagkus lahat ng mga problematikong hangganan
ng mga subgroup ay nawawala.
Ayon kina Moghaddam at Solliday (1991; nasa Hornsey at Hogg, 2000-b),
may dalawang (2) konseptuwalisasyon sa asimilasyon: una, ay ang asimilasyong melting-
pot, at ikalawa, ay ang asimilasyon ng minoridad na grupo. Ang asimilasyong melting-
pot ay inaakalang gumagana sa isang bukal o likas na paraan. Ang paniniwala sa melting-
pot ay sa pamamagitan ng binabahagingang mga plano at intensibong panlipunang
interaksyon, ang mga luma o dating etnikong katapatan o loyalties ay natutunaw. At
pagkatapos nito ay nabubuo ang isang bagong lipunanng binubuo ng mga magkakauring
grupo. Sa asimilasyon ng grupong minoridad naman ay ang mga hindi-dominanteng
subgroup ay inaangkin ang wika, halagahin at sistema ng dominanteng grupo. Sa
pulitikal na pananaw ang dalawang konseptuwalisasyong ito ay magkaiba, ngunit
masasabing pareho pa rin ang pilosopiya nila. Na kung saan para sa isang malaking
panlipunang organismo o entidad, ang pagkakaroon ng subgroup na identipikasyon ay
sumasalamin sa isang problematiko at may pagkamurang baytang ng pag-unlad
(Frederickson, 1999; Moghaddam at Solliday, 1991; nasa Hornsey at Hogg, 2000-b).
Kaya para sa mga naniniwala sa asimilasyon, bigyan lang ng tamang panahon kaakibat
ang tamang institutional na panghihimok, ang mga identidad ng subgroup ay mawawala
o maglalaho na lamang. Sa paglaho ng mga ito, ang matitira na lamang ay isang
nagkakaisa at magka-uring buod o “core,” na kung saan ang kalikasan ng relasyon sa
pagitan ng mga indibidwal ay tanging intragroup, o dili kaya’y interpersonal na lamang.

Iba naman ang paniniwala ng multikulturalismo kumpara sa nabanggit nang


asimilasyon. Pinakikiwari ng multikulturalismo na ang mga etnikong identidad ay hindi
matatakasan at ito’y pundamental sa konsepto ng ating sarili (Hornsey at Hogg, 2000-b).
At dahil nga dito, ang mga indibidwal ay nahihikayat na panatiliin ang kultura o
kalinangan ng kanilang grupo. Sa halip na tabunan ang mga etnikong identidad, ang
tunguhin ng multikulturalismo ay panatilihin ang integridad nito, at anyayahan ang mga
etnikong grupo o subgroup na makisalamuha at mabuhay ng matiwasay sa isa’t-isa.
Bilang kritisismo naman dito, maaaring sabihing dahil sa pag preserba at pagpapa-igting
ng mga etnikong ay sinasang-ayunan ng multikulturalismo ang separatismo at
pagkakahiwalay ng mga grupo (tingnan sina Brewer, 1997; Frederickson, 1999; Sears,
Citrin, Cheleden, at van Laar, 1999; nasa Hornsey at Hogg, 2000-b). Ngunit ayon naman
sa mga nagtataguyod ng multikulturalismo, ipinapanukala nila na kung ang isang
indibidwal nakakaramdam ng seguridad sa kanyang kultural na identidad ay magiging
mapagbigay at mapagpahintulot din sila sa ibang grupo o ibang kultura (hal., C. Taylor,
1992; nasa Hornsey at Hogg, 2000-B). O dili kaya’y, kung ang integridad ng kultura o
kalinangan ng isang indibidwal ay nanganib, ay mas hindi sila nahihikayat na maging
mapagpahintulot din sa ibang kultura (Berry, Kalin, Taylor, 1977; nasa Hornsey at Hogg,
2000-b).

Sa larangan naman ng pananaliksik ng sikolohing-panlipunan at pakikipag-


alaman ng mga grupo, ang modelong Common Ingroup Identity ang isang paraan na
makakatulong sa pagresolba ng hidwaan sa pagitan ng mga grupo. Minumungkahi ng
modelo na ang pakikipag-alaman ay makakatulong kung mababago nito ang
representasyon ng isang indibidwal ng katipunan o aggregate mula sa dalawang
magkahiwalay na grupo (i.e., “kami” at “sila”) tungo sa isang superordinate na grupo
(“tayo”) (Gaertner, Dovidio, Anastasio, Bachman, at Rust, 1993; Gaertner, Dovidio, at
Bachman., 1996; Gaertner, Dovidio, Nier, Ward, at Banker, 1999; nasa Hornsey at Hogg,
2000-b). Para pa rin sa modelo, ang hangganan ng mga subgroup ay hindi kailangang
tuluyan ng tanggalin. Sa halip, ito lamang ay tinatabunan ng isang mapag-bigkis at
mapag-habing superordinate na identidad. Ang induksyon ng magkakaparehong pang-
grupong identidad ay maaaring makamit kung papatingkarin ang umiiral nang
superordinate na identidad, o dili kaya ang pagpapakila ng ibang mga salik (hal.,
parehong paniniwala, o mga layuning superordinate) na mas makaka-dagdag o
makakapagpa-taas sa persepsyon ng pagiging puro o dalisay na organismo (i.e.,
entitativity) ng superordinate na grupo (Gaertner, Dovidio, at Bachman., 1996; nasa
Hornsey at Hogg, 2000-b).

Ang isa pang paraan sa paggamit sa konsepto ng pakikipag-ugnayan na


maaaring makatulong sa pag-resolba ng mga hidwaan sa pagitan ng mga grupo ay ang
modelo ng Mutual Intergroup Differentiation (Hornsey at Hogg, 2000-b). Para sa ibang
mananaliksik ng kategorisasyon, ang pamumugad ng subgroup na identidad sa
superordinate na identidad ay makakatulong sa pagkakaroon ng mga magandang
ugnayan sa pagitan ng mga grupo. Ayon sa modelo, sa maraming tagpuan ng mga iba’t-
ibang grupo may mga mga historikal at sosyolohikal na dahilan na nagbabatid na hindi
maaaring kalimutan o balewalain na lamang ang mga dating pinahahalagahang
panlipunang-kategorya o social category. At kapag ito ay tinangkang gawin ay maaaring
magpahiwatig ng panganib sa identidad ng grupo. May dalawang metodo ang modelo ng
modelo ng Mutual Intergroup Differentiation para mapaliit ang panganib. Una, sa halip
na iwaksi ang pagkakaiba ng mga estado ng mga grupo, ang mga larangan ng kagalingan
ng bawat grupo ay dapat na kilalanin, ngunit dapat ding pantay ang halagahin o value na
ibinibigay sa mga dimensiyon na nagpa-pabor sa parehong grupo (tingnan sina Dovidio,
Gaertner, at Validzic, 1998; nasa Hornsey at Hogg, 2000-b). Ikalawa, ang sitwasyon ng
pakikipag-ugnayan ay dapat naka-istruktura na kung saan ang pagka-bukod-tangi ng mga
orihinal o dating grupo ay nape-preserba o napapanatili. Dahil sa kanyang pagbibigay
diin sa pag-preserba o pagpapanatili ng identidad ng mga subgroup at ang pagbawas sa
panganib, ang modelo ay masasabing nakikibahagi sa mga teoretikal na pagpapalagay ng
multikulturalismo.

Ayon sa seksyong ito, may dalawang lapit na puwedeng na maaaring gamitin


upang maisaayos ang mga hidwaan sa pagitan ng mga grupo. Ang unang lapit ay mula sa
perspektibo ng agham-panlipunan. Ito ay kinabibilangan ng asimilasyon at
multikulturalismo. Ang pokus ng asimilasyon ay i-engganyo ang pagtuon ng katapatan
ng mga grupo sa antas ng superordinate lamang, habang ang antas ng subordinate na
kategorya ay tinatabunan o bina-balewala. Ang rationale nito ay mapag-isa ang mga
grupo sa ilalim ng isang superordinate na kategorya, at iwaksi ang sinasabing mapag-
hating mga subordinate na identidad. Ang pokus naman ng multikuluralismo ay ang
kabaligtaran ng asimilasyon, na kung saan may kahalagahan ang pagpapa-tatag ng mga
subordinate na hangganan o identidad. Para dito, sa halip na tabunan ang mga etnikong
identidad, ang tunguhin dapat ay ang pagpapanatili ng mga ito habang nakikisalamuha sa
iba pang mga grupo na may sarili din nilang mga identidad. Ang ikalawang lapit ay
batay sa sosyo-sikolohikal na pag-aaral ng pakikipag-ugnayan ng mga grupo. Dito
nakapaloob ang mga teorya ng Common Ingroup Identity at Mutual Intergroup
Differentiation.
Sa una, ang pokus ay ang pagpapa-igting ng pagtuon at pagpapatingkad ng
mga grupo sa superordinate na identidad na nagbubuklod sa kanila, habang ang kanilang
mga subordinate na identidad ay tinatabunan. Tulad ng asimilasyon, ang tunguhin nito
ay mapag-isa ang mga grupo sa ilalim ng saklaw ng kanilang superordinate na identidad.
Sa magkaibang paraan, ang kabaligtaran naman ang tuon ng multikulturalismo. Ang tuon
nito ay ang pagpapaigting at pagpapahalaga sa mga subordinate o etnikong identidad.
Sinasabi nito na magkakaroon lamang ng magandang ugnayan ang mga grupo sa isa’t-isa
kung ang kanilang mga subordinate na identidad o hangganan ay hindi nanganganib na
matabunan ng iba. Ang ikalawang uri ng lapit (i.e., sosyo-sikolohikal) ay tumutuon sa
pakikipag-ugnay o contact ng mga grupo. Na kung saan sinasabi na paraan para
mabawasan o maresolba ang mga hidwaan na namamagitan sa mga grupo. Mahalaga ang
seksyong ito sa pag-aaral sapagkat tinalakay ang mga kaparaanan ng pagsasaayos ng mga
hidwaan na maaaring mamagitan sa mga grupo. Partikular na mahalaga dito ay ang lapit
ng sosyo-sikolohikal sapagkat tinalakay dito ang konsepto ng pakikipag-ugnay bilang
isang mabisang paraan ng pagsasaayos ng ugnayan ng mga grupo. Mas tatalakayin ng
mas masinop ang paksa ng pakikipag-ugnay sa susunod at huling seksyon ng pagsusuri
ng literatura.

Ang Panukala ng Pakikipag-ugnayan

Sinasabing nagsimula magsi-teorya ang mga siyentipikong panlipunan


tungkol sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga panlipunang grupo noong pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Watson 1947, Williams 1947, nasa Pettigrew,
1998). Ngunit ang panukala ni Gordon Allport – na kanyang isinulat noong 1954 sa
librong The Nature of Prejudice – ang masasabing naging pinaka-maimpluwensiya, dahil
dito idinitalye ang mga kondisyon kung paano magiging mabisa ang pakikipag –ugnayan
ng mga grupo sa pag-bawas ng prehuwisya sa pagitan ng dalawang o higit pa sa
dalawang grupo (Pettigrew, 1998). Naniniwala si Allport na sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan ng mga grupo sa isa’t-isa, ang mga negatibong stereotype at atitud
tungkol sa ibang-grupo ay napapa-bulaanan (Hornsey at Hogg, 2000-b; Hornsey, 2000-
a). Nakatanggap ng malawakang atensyon ang panukalang ito ni Allport dahil sa
kanyang di-karaniwang teoretikal na istatus at importansya sa paggawa ng mga polisiya
sa iba’t-ibang larangang panlipunan, tulad ng distinksyon sa pagitan ng racial na
desegregasyon at integrasyon sa mga eskuwelahan (Pettigrew 1975, nasa Pettigrew,
1998).

Nilinaw ni Pettigrew (1998) na may mga kondisyon na nakaka-impluwensiya


sa reaksyon ng tao ukol sa ugnayan. Ayon sa kanya, mayroong apat (4) na kondisyon
para mas maging mabisa ang pakikipag-ugnayan ng mga grupo: una, sa isang sitwasyon,
dapat pantay ang istatus ng dalawang grupo; ikalawa, dapat pareho ang layunin ng
dalawang grupo; ikatlo, dapat ay may kooperasyon sa pagitan ng mga grupo; at pang-
huli, dapat ay may suporta ito ng mga awtoridad, batas, o kagawian.

Yung una, idiniin ni Allport na dapat pantay ang kalagayan ng bawat mga
grupo kapag papasok sila sa pakikipag-ugnayan. Subalit hindi rin lagi pantay o iisa ang
pagkaunawa ng lahat ng mga grupo ukol sa pantay na kalagayan, sapagkat maaaring iba-
iba rin ang kanilang pagka-dalumat dito. Ikalawa, sa pagtulong sa pagpapa-baba ng mga
prehuwisya ng mga grupo sa isa’t-isa, nararapat na ang pakikipag-ugnayan ay
mangangailangan ng aktibo at maka-layuning pagkukusa. Sa madaling salita, ang
paghahangad ng iisa o magkaparehong layunin ay lubos na makakatulong sa proseso ng
pakikipag-ugnayan. Ikatlo, kaugnay ng paghahangad ng parehong layunin, mahalaga na
ito’y makuha sa pamamagitan ng kooperasyon o pagtutulungan, at bagkus, hindi sa
pamamagitan ng kompetisyon sa pagitan ng mga grupo. At ikaapat, kung ang pakikipag-
ugnayan ng mga grupo ay may hayag na pahintulot ng lipunan, ito ay mas nagiging
katanggap-tanggap at mas nagkakaroon ito ng positibong epekto. Sinasabing ang suporta
ng awtordidad ay nakakalikha ng norms of ng pagpapahintulot. Ayon sa mga pag-aaral
nina Landis, Hope, at Day (1984), Morrison at Herlihy (1992), at Parker (1968), nakita na
may importansya ang suporta ng awtoridad (batas o kagawian) sa mga larangan ng
negosyo, relihiyon, at military (nasa Pettigrew, 1998).

Ang panganib sa panukala ni Allport ay maging masyadong malawak ang


listahan ng mga kondisyon ng contact o pakikipag-ugnayan. Ito ay magiging delikado
sapagkat sa pagpapalawak at pagdami ng mga kundisyon ay maaaring maraming ibang
mga sitwasyon ng pakikipag-ugnayan ng mga grupo ang hindi na puwedeng mapabilang
sa saklaw ng panukala na ito ni Allport. Halimbawa, ayon kay Pettigrew (1998), sa pag-
aaral sa Alemanya nina Wagner at Machleit (1986), ang pakikipag-ugnayan ng mga
grupo ay magiging positibo kung ang mga grupong kalahok sa ay may iisang wika, dapat
boluntaryo ang kanilang pakikipag-ugnayan, at kapag ang kapag ang ekonomiya ng
lipunang kanilang kinabibilangan ay maunlad. Sa pag-aaral naman daw sa bansang
Israel, ayon daw kina Ben-Ari at Amir (1986), dapat ang paunang pananaw ng bawat
grupo sa isa’t-isa ay hindi gaanon ka-negatibo para maging maayos ang pakikipag-
ugnayan at unang ugnayan. At, sa pag-aaral naman ni Cook (1978) sa Estados Unidos,
idiniin niya na ang pag di-pagpapa-totoo sa mga pag-uuri/pagtitipo ay mahalaga. Dahil
sa panganib ng pagpasok ng maraming mga kondisyon para sa pakikipag-ugnayan,
maaaring mawala ang atensyon mismo sa panukala ng pakikipag-ugnayan ni Allport
(Pettigrew, 1998, pah. 4). Ang problema kasi sa ibang mga may akda ay napapagpalit
nila ang pag-intindi sa diperensya sa pagitan ng mga nagpapagaan na kundisyon at mga
esensyal na kundisyon. Ang mga kundisyon na naiambag ng ibang mga mananaliksik
(i.e., Wagner at Machleit, Ben-Ari at Amir, at Cook) sa itaas ay maaaring nagpapadali
lamang, at iba sa esensyal na mga kundisyon na inilatag ni Allport mismo.

Ang isang problema sa orihinal na haypotesis o panukala ni Allport ay


maaaring ito nga ay makaka-hantong sa positibong pagbabago sa relasyon ng mga grupo,
ngunit, hindi nilinaw nito kung paano nagaganap ang nasabing pagbabago. At dahil dito,
binanggit ni Pettigrew na dapat ay mas magkaroon ng eksplisit na espesipikasyon ng
proseso upang ang nasabing teorya ay mas maging malinaw. Kaugnay nito, ayon kay
Pettigrew, may apat na magkakaugnay na proseso na gumagana sa isang pakikipag-
ugnayan at namamagitan upang magkaroon ng pagbabago ng atitud o pag-uugali: una,
ang pagtuklas o ang pag-alam tungkol sa ibang-grupo; pangalawa, ang pagbabago ng
pagkilos; pangatlo, paglikha o pagsisimula ng mga emosyunal na ugnayan; at pang-apat,
ang muling pagtatahasa (appraisal) ng sariling grupo.
Ukol sa pagtuklas o ang pag-alam tungkol sa ibang-grupo, sinasabing ang
prosesong ito ang pinaka-malaking paraan o daan para ang pakikipag-ugnayan ay
magkaroon ng epekto. Kung ang mga bagong kaalaman o impormasyon ay maitatama
ang mga dating negatibong pananaw patungkol sa ibang-grupo, ang pakikipag-ugnayan
ay makakapagpa-bawas ng prehuwisya at maaaring makapagpa-bago ng pag-uugali ng
isang grupo tungo sa ibang-grupo. Halimbawa, sa pag-aaral nina Stephan at Stephan
(1984, nasa Pettigrew, 1998), ang pakikipag-ugnayan ng mga estudyanteng Anglo (i.e.,
Caucasian) sa kanilang mga Meksikanong kamag-aral, na kung saan nagkaroon ng mga
bagong kaalaman ang una ukol sa huli , ay humantong sa mas positibong atitud patungkol
sa kanilang mga Meksikanong kamag-aral. Ika nga ng mga estudyanteng Anglo
“ignorance … promotes prejudice.” Ngunit, sinasabing pagtuklas o pag-alam tungkol sa
ibang-grupo ay isa lamang sa mga proseso para maging matagumpay ang pakikipag-
ugnayan.

Ang sunod na proseso ng pagbabago na gumagana sa isang pakikipag-


ugnayan ay ang pagbabago ng beheybiyor o pagkilos. Masasabing ang pakikipag-
ugnayan ay nagsisilbing di-mapanganib na paraan ng pagbabago ng pagkilos. At. ang
pagbabago ng pagkilos ay kadalasang nauuna sa pagbabago ng pag-uugali. Ang proseso
ding ito ng pagbabago ng pagkilos ay natutulungan kung ang pakikipag-ugnayan ay
nagiging paulit-ulit, sa madaling salita ay may kadalasan ang kontak ng mga grupo sa
isa’t-isa. Ang kadalasang pakikipag-ugnayan ay nakakalikha ng isang komportable at/o
tamang pakiramdam. Ito rin ay maaaring humantong sa pagkagusto sa mga kasapi ng
ibang grupo. Ang pakiramdam ng pagiging komportable at pagkagusto sa ibang grupo ay
mas napapagyabong pa ang mga positiong epekto ng kontak o pakikipag-ugnayan
(Pettigrew, 1998).

Ang ikatlong proseso na nabanggit ni Pettigrew (1998) na gumagana sa isang


kontak o pakikipag-ugnayan ay ang paglikha o pagsisimula ng mga emosyunal na
ugnayan. Sinasabing ang emosyon ay kritikal sa pakikipag-ugnayan. Ang tuluy-tuloy na
pakikipag-ugnayan ay kadalasang nakakapagpa-baba ng pagkabahala. Ngunit kung hindi
maging maganda ang karanasan ng pakikipag-ugnayan, kabaligtaran ang maaaring
mangyari, na kung saan mas tumataas ng pag-aalala o pagkabahala. Dito sa prosesong ito
ay nakikitang mahalaga ang papel ng empathy. Halimbawa, sa pag-aaral nina Batson
(1997, nasa Pettigrew, 1998), ang pagkakaroon ng empathy sa isang stigmatized na
kasapi ng isang ibang-grupo (hal., isang taong may AIDS, taong palaboy, o isang dating
napatunayang mamamatay-tao) ay maaaring mailipat ang nasabing empathy o positibong
pag-uugali sa grupong kinabibilangan ng taong ito. Natagpuan din na mahalaga sa
proseso ng paglikha o pagsisimula ng mga emosyonal na ugnayan ang pakikipag-
kaibigan. Sa pag-aaral ni Rippl (1995, nasa Pettigrew, 1998), nakita na ang pakikipag-
kaibigan ng mga taga Silangan at Kanlurang Alemanya ay lubos na nakatulong sa
pakikipag-ugnayan ng mga miyembro ng dalawang grupo. Sa madaling salita,
masasabing may halaga ang intimacy sa pakikipag-ugnayan. Samakatuwid, ang kontak o
pakikipag-ugnayan ay kinapapalooban ng mga proseso ng kognisyon at emosyon.

Ang pang-apat at panghuling proseso ng pagbabago ay ang muling


pagtatahasa ng sariling grupo. Ang mas pinapaburang pakikipag-ugnayan ay
nagbabahagi ng pagkaunawa hindi lamang sa mga sariling-grupo, bagkus pati na rin sa
mga ibang-grupo. Ang mga kagawian ng sariling-grupo ay hindi lang ang tanging paraan
ng pangangasiwa ng panlipunan. Ang ganitong dalumat ay maaring magpanibagong-
hubog ng pananaw ng sariling-grupo, at maaaring magpahina ng isang makitid-na-paraan
ng pagtingin sa ibang-grupo. Sa pag-aaral nina Wilder at Thompson (1980) ukol sa
kontak sa pagitan ng sariling-grupo at ibang-grupo, nakita na sa pagbaba ng pakikipag-
ugnayan sa sariling-grupo ay bumaba rin ang pagkiling sa ibang-grupo. Kaugnay nito,
nakita sa isang pag-aaral na may direkta o positibong relasyon ang pagkiling ng sariling-
grupo sa kanyang pagiging prominente sa mga kasapi ng naturang grupo (Mullen, Brown,
Smith, 1992, nasa Pettigrew, 1998).

Sa mga pag-aaral ukol sa panukala ng pakikipag-ugnayan, sinasabi ni Amir na


nagbabago ang relasyon sa pagitang ng mga grupong-etniko dahil sa kanilang pakikipag-
ugnayan sa isa’t isa. Ngunit ang mga pagbabagong ito ay hindi sa iisang direksyon
lamang. Kapag may mga “favorable” na kundisyon ang pakikipag-ugnayan, ito ay
makakapagpa-baba ng mga prehuwisya. Ngunit kung ang pakikipag-ugnayan ay may
mga kundisyong sinasabing “unfavorable,” ito naman ay makakapagpa-taas ng
prehuwisya at tensiyon sa pagitan ng mga grupo. Ang mga atitud tungo sa ibang
etnikong grupo ay maaari ring magbago ng kanilang kasidhian (intensity), at maaaring
pumuok lamang sa mga espisipikong lugar ng etnikong atitud at hindi lahatin ang mga
aspeto ng relasyon ng mga grupo.

Ayon naman kina Brown, R., Eller, A., Leeds, S., at Stace, K. (2007) na ang
dami ng beses ng pakikipag-ugnay sa isang indibidwal, na miyembro ng ibang-grupo, ay
may kaugnayan din sa mas magandang atitud tungo sa grupo mismo ng nasabing
indibidwal sa kabuuan. Mahalagang binanggit din na ang pakikipag-ugnay o pakikipag-
ugnayan ay nakita na may kakayahang mag-predict ng atitud. Sa isang bahagi ng
kanilang pag-aaral, natagpuan na mas maganda ang kinahinatnan ng pakikipag-ugnay sa
isang indibidwal nung nakita na tipikal siya ng kanyang sariling-grupo, kaysa kung hindi
siya tipikal ng kanyang sariling-grupo. Sa huli, sumang-ayon ang mga may-akda sa
haypotesis ni Allport na ang pakikipag-ugnay ay makakatulong sa pagpapa-ayos at
pagpapaganda ng atitud ng mga grupo sa isa’t-isa, lalu na kung makikita ang isang
indibidwal bilang representative ng kanyang grupo.

At nasuportahan nina Wilder at Thompson (1980) ang haypotesis ng


pakikipag-ugnayan ni Allport sa kanilang pag-aaral. Ito ay kung saan napatunayan na
ang paulit-ulit (repeated) na pakikipag-ugnayan sa ibang-grupo, sa ilalim ng mga
“favorable” na kondisyon, ay mas makakapagpa-baba ng intergroup na pagkiling (bias)
kaysa kung isang beses lang naganap ang pakikipag-ugnayan. Napatunayan din na ang
pagbawas ng pakikipag-ugnayan sa sariling-grupo, bagkus ang pagtaas naman ng
pakikipag-ugnayan sa ibang-grupo, ay makakapagpa-baba ng intergroup na pagkiling.

Binanggit sa seksyong ito ng pagsusuri ng literatura ang panukala ni Allport


ukol sa pakikipag-ugnayan o contact hypothesis. Dito sinaad na ayon sa panukala, mas
naisasaayos at napapaganda ang ugnayan ng mga grupo kung may pakikipag-ugnayan o
contact na nagaganap sa pagitan nila. Ang pakikipag-ugnayang ito ay sinasabing
maaaring makapagwaksi sa mga negatibong pagtitipo o pag-uuri at atitud, prehuwisya,
pagkiling, at diskriminasyon na namamagitan sa pagitan ng mga grupo. Nilahad din sa
seksyong ito ang mga kondisyong kailangan upang maging matagumpay ang pakikipag-
ugnayan. Ang mga ito ay a.) dapat pantay ang istatus ng dalawang grupo; b.) dapat
pareho ang layunin o tunguhin ng dalawang grupo; c.) dapat din ay may kooperasyon sa
pagitan ng mga grupo; at d.) dapat may suporta ang pakikipag-ugnayan mula sa
awtoridad, batas, at kagawian. Binanggit din ang panganib ng masyadong paglawak ng
listahan ng mga kondisyon ng pakikipag-ugnayan sapagkat maaaring mawalang
katuturan ang panukala dahil sa sobra nitong pagiging inklusibo ng hangganan o saklaw
nito. Inilahad din sa seksyong ito ang mga magkakaugnay proseso na nakapaloob sa
isang pakikipag-ugnayan. Ang mga ito naman ay a.) ang pagtuklas o pag-alam tungkol
sa ibang-grupo; b.) ang pagbabago ng pakilos; c.) ang paglikha o pagsisimula ng mga
emosyunal na ugnayan; at d.) ang muling pagtatahasa o appraisal ng sariling grupo. Sa
huli, binanggit ang mga pag-aaral na may kaugnayan sa panukala ng pakikipag-ugnayan,
na kung saan nakita ang pagsang-ayon ng mga ito sa orihinal na panukala ni Allport.
Mahalaga ang pagtatalakay sa seksyong ito ng panukala ng pakikipag-ugnayan sapagkat
ito ang pinaka-tema ng kasalukuyang pag-aaral. Dinitalye dito ang mga kondisyon at
mga proseso na nakapa-loob sa pakikipag-ugnayan ng mga grupo sa isa’t-isa. Dahil dito,
sinikap ng mananaliksik na malaman kung may mga katuturan ba ang mga kaalamang ito
pagpumasok at sinimulan na ang pagkalap ng datos mula sa mga Pilipinong Muslim na
tagapagbatid. Bagamat ang naging tuon ng kasalukuyang pag-aaral ay ang pakikipag-
ugnay lamang ng mga tagapagbatid – at hindi ang pakikipag-ugnayan ng dalawang grupo
sa isa’t-isa – mahalaga pa rin malaman kung ano ang mga gumagana at nakapaloob sa
isang sitwasyong contact.
Konseptwal na Balangkas

Relasyong Superordinate at Subordinate Identity/Category

Superordinate Identity
(Hal. Pagiging Pilipino o
Batangueño )

Subordinate Identity Subordinate Identity


(i.e., Pilipinong Muslim) pakikipag- (i.e., Pilipinong
ugnay Kristiyano)

Dayagram Blg. 2

Ang pag-aaral na ito ay sinuri ang pakikipag-ugnay ng mga Pilipinong


Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano sa Batangas. Ang
pinag-tuonang pansin ng mananaliksik ay tanging ang pakikipag-ugnay lang ng mga
Pilipinong Muslim, na kung saan pumasok sa ugnayang ito ang kanilang panlipunang
identidad base sa kanilang pagiging Muslim (Ashfort at Mael, 1989. Ang panlipunang
identidad na ito ay naka-impluwensiya sa paraan ng kanilang pakikipag-ugnay sa
kanilang mga ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano. Ngunit bilang isang Pilipino rin –
na maaaring sabihing bilang kanilang superordinate na identidad (Hornsey at Hogg,
2000-b) – inalam kung naka-apekto nga ito sa kanilang pakikipag-ugnay. Tulad ng
nabanggit na, ang pag-aaral na ito ay tumuon sa pakikipag-ugnay lamang ng mga
Pilipinong Muslim sa kanilang ka-komunidad na Kristiyano sa Batangas, datapwat, hindi
nito pinag-aralan ng buo ang pakikipag-ugnayan ng dalawang grupo. Sa madaling salita,
hindi pinag-tuonang pansin ang pakikipag-ugnay ng mga Pilipinong Kristiyano sa
Batangas sa kanilang mga ka-komunidad na Pilipinong Muslim. Dahil dito, makikita na
ang arrow ay nakaturo lamang tungo sa direksyon o panig ng mga Pilipinong Kristiyano,
sa halip na sa dalawang panig. Pagkatapos ng pangangalap at pagsusuri ng datos, ang
konseptwal na balangkas o modelo sa itaas ay napalitan. Makikita ito sa ibaba.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, maaaring malaman kung ano ang maaaring maging


impluwensiya ng panlipunang identidad, superordinate at subordinate na
kategorya/identidad sa pakikipag-ugnay ng sariling-grupo tungo sa ibang-grupo. Ang
ganitong pag-aaral ay maaaring maka-dagdag kaalaman sa larangan ng sikolohiyang
panlipunan, at pati na rin sa mga partikular na larangan tulad mga pag-aaral ukol sa
hidwaan sa pagitan ng mga grupo, hidwaang etniko, at conflict resolution. Makakatulong
din sa larangan ng mga pag-aaral ukol sa conflict resolution at dayalogo sa pagitan ng
mga pananampalataya (interfaith dialogue) dahil susuriin ang mga epektibong mga
pamamaraan na ginagawa ng mga magiging tagapagbatid sa kanilang pakikipag-ugnay,
na nag-resulta sa mga positibong kinahinatnan.

Sa isang pragmatikong paraan naman, ang mga datos sa pag-aaral na ito ay


maaaring gamitin ng komunidad (i.e., lungsod ng Batangas; Muslim at Kristiyano) at
mga pinuno ng nasabing komunidad upang maunawaan ang mga uri ng pakikipag-ugnay
na maaaring magdulot ng benepisyo, upang mas maging maaayos ang relasyon ng
dalawang komunidad (i.e., Muslim at Kristiyano) sa isa’t-isa.

Paglalahad ng mga Suliranin


1. Ano ang mga kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga Pilipinong Muslim sa
kanilang mga ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano sa Batangas?

2. Ano ang mga uri ng pakikipag-ugnay na isinasagawa ng mga Pilipinong Muslim


sa kanilang mga ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano sa Batangas?
3. Ano ang mga kognitibo, beheybyoral, at apektibong proseso na nakapa-loob sa
pakikipag-ugnay sa ibang grupo (i.e., Pilipinong Kristiyano sa Batangas)?

4. Ano ang mga positibo at negatibong kinahihinatnan ng pakikipag-ugnayan sa mga


Pilipinong Kristiyano sa Batangas?

Depinisyon ng mga Termino

Contact o Pakikipag-ugnayan – Interaksyong isinasagawa ng mga grupo sa isa’t-isa, na


ang layunin ay mas mapabuti ang relasyon nila sa isa’t-isa. (Hornsey at Hogg, 2000-b;
Hornsey, 2000-a)

Ang “contact” sa pag-aaral na ito ay tutuon sa mga interaksyon o


pakikisalamuhang isinasagawa ng mga Pilipinong Muslim tungo sa kanilang mga
kababayan, kapit-bahay o ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano sa lungsod ng
Batangas, na ang layunin ay mas mapabuti ang relasyon nila sa isa’t-isa. Sa kadahilanang
ang “contact” lang na nagmumula sa mga Muslim ang susuriin, ang salitang “pakikipag-
ugnay” (i.e., sa halip na pakikipag-ugnayan) ang siyang gagamitin ng may-akda.

Social Identity o Panlipunang Identidad - ang pang-sariling konsepto ng isang


indibidwal na nagmula sa kanyang perceived membership ng kanyang grupong
kinabibilangan. (social identity, w.p.)

Sa pag-aaral na ito, ang social identity o ang panlipunang identidad ay tutukoy


sa pagka-Muslim ng mga tagapagbatid, na maaaring makita sa kanyang paraan ng pag-
iisip, gawi o kilos, at paraan ng pagdamdam.
Saklaw at Delimitasyon
Ang pag-aaral na ito ay tutuon sa mga miyembro ng komunidad na Muslim sa
lungsod ng Batangas, na ang pokus ay ang kanilang pakikipag-ugnay sa mga
Kristiyanong ka-komunidad. Dahil sa isa pang nais pag-tuonan ng may-akda ay kung
paano nakaka-apekto ang panlipunang identidad na Muslim sa pakikipag-ugnay ng mga
tagapagbatid, hindi tutuon ang pag-aaral na ito sa mga ugnayan o “contact” na
isinasagawa ng kanilang mga counterpart na Kristiyano. At sa kadahilanan rin na ang
tuon lamang ay sa mga Pilipinong Muslim na naninirahan sa lungsod ng Batangas, hindi
masasabing ang mga magiging resulta ng pag-aaral na ito ay puwedeng i-generalize sa
ibang grupong Muslim na naka-paloob sa ibang konteksto (hal., sinasabing mayoryang
grupo sa isang lugar, naninirahan sa isang lugar na may hidwaan tulad ng digmaan, at iba
pa).

Base sa mga suliranin ng pag-aaral at dahil na isang kwalitatibong metodo ang


gagamitin sa pag-aaral na ito, hindi pagtutuunan ang mga tema o konsepto na maaaring
sagutin lamang ng isang kwantitatibong pag-aaral tulad ng kawsalidad, korelasyon, at iba
pa.
Kabanata II

Kaparaanan

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay isang deskriptibo at eksploratoryong pag-aaral na


isinagawa upang malaman ng mananaliksik ang mga 1.) kadahilanan kung bakit
nakikipag-ugnay ang mga Pilipinong Muslim sa Batangas sa kanilang ka-komunidad na
Pilipinong Kristiyano; 2.) uri ng contact o pakikipag-ugnay na kanilang isinasagawa; 3.)
kognitibo, beheybyoral, at apektibong proseso na nakapaloob sa pakikipag-ugnay; at ang
mga 4.) negatibo at positibong kinahihinatnan ng pakikipag-ugnay. Dahil sa ang uri ng
pananaliksik ng pag-aaral na ito ay diskreptibo at eksploratoryo, at dahil na rin sa ito ay
mula sa perspektibo ng sikolohiyang panlipunan-at-kalinangan, pinili ng mananaliksik na
gamitin ang kwalitatibong kaparaanan. Ang mga karanasan, paniniwala, halagahin,
saloobin, at mga kaalaman ng mga tagapagbatid tungkol sa pakikipag-ugnay sa kanilang
mga ka-komunidad na Kristiyano ay kinuha sa pamamagitan ng mga metodo ng
pakikipanayam, nakikiugaling pagmamasid, at pakikipag-kuwentuhan (Mortel, 2004).

Dahil layunin ng pag-aaral na tuklasin ang mga pangkalinangang identidad o


kategoryang ginagamit ng mga naging tagapagbatid, upang maisaayos ang kanilang kilos
at mabigyang kahulugan ang kanilang mga naging karanasan sa pakikipag-ugnay, ay
gumamit ng estilong etnograpiya ang mananaliksik. Ang etnograpiya ay sinasabing estilo
ng pagsasagawa ng pananaliksik na naglalayong maunawaan ang pagpapakahulugang
panlipunan-at-kalinangan ng mga tao sa isang tagpuan sa pamamagitan ng malapitang
pagmamasid o pakikiugali sa tagpuang ito, at higit sa pagiging isang katipunan ng mga
panuntunan upang magsagawa ng pananaliksik (Brewer, 2000, nasa Mortel, 2004). Ang
larangan ng mga naging tagapagbatid na Muslim ang siyang nagsilbing laboratoryo sa
estilong etnograpikal na ito. Bagaman estilong etnograpiya ang ginamit sa pag-aaral,
hindi nagsagawa ng totoong etnograpiya ang mananaliksik sapagkat ito ay kadalasang
tumatagal ng 6 na buwan pataas. Tulad na ng nabanggit na sa itaas, gumamit ng mga
pamamaraang ginagamit sa isang etnograpikal na pag-aaral, tulang ng pakikipanayam,
nakikiugaling pagmamasid, at pakikipag-kuwentuhan, ang mananaliksik.

Mga Tagapagbatid

Ang mga piniling tagapagbatid ay mga babae at lalaking Pilipinong Muslim


na kasalukuyang naninirahan sa lungsod ng Batangas. Ang mananaliksik ay gumamit ng
non-probability purposive sampling technique at chain referral technique sa pagkuha ng
mga tagapagbatid para sa pag-aaral. Ang unang technique ay isinagawa dahil may mga
batayan (criteria) na ginamit ang may-akda na nagsilbing panuntunan sa pagtanggap at
pagpili ng mga naging tagapagbatid. Ang mga naging tagapagbatid sa pag-aaral ay
nakatugon sa mga sumusunod na batayan:

1. Orihinal na nagmula(i.e., ipinanganak, lumaki, o nanirahan dati) sa


Mindanao.
2. Ngayon ay naninirahan na sa Batangas nang hindi bababa sa isang taon.
3. Personal na nakaranas ng pakikipag-ugnay sa kanyang ka-komunidad na
Pilipinong Kristiyano sa Batangas. Ito ay maaaring naganap o nagaganap
sa konteksto ng trabaho, negosyo, paaralan, palakasan o isports,
panlipunang pangyayari (social events) o gawain (social activities), at iba
pa.
4. Nasa edad 16 pataas.
5. May abilidad na makipagtalastasan o makipag-usap sa Tagalog.

Ang chain referral technique naman ay ginamit din dahil umasa ang
mananaliksik sa referral ng mga naging tagapagbatid upang makahanap at makapili pa ng
mga bagong tagapagbatid. Ang pangunahing nagsagawa ng referral para sa
mananaliksik ay ang kanyang tulay. Pinili ng mananaliksik na maging tulay ang pinuno
ng asosasyon ng mga Muslim sapagkat malakas ang kanyang network sa nasabing
komunidad, at dahil na rin kilala ng pamilya ng mananaliksik ang naging tulay.

Instrumento

Ang pag-aaral ay gumamit ng semi-structured na gabay na palatanungan para sa


pakikipanayam. Ang mga tanong na isinama dito ay nanggaling sa mga datos na natipon
mula sa pagsusuri sa mga dating pananaliksik at sa isinagawang [mga] paunang
pakikipanayam ng mananaliksik. Ang gabay na palatanungan ay kinapalooban ng mga
tanong na may kaugnayan; sa kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga tagapagbatid; sa
uri o mga uri ng pakikipag-ugnay; sa mga prosesong sikolohikal (i.e., kognitibo,
beheybyural, at apektibo) na nakapaloob sa pakikipag-ugnay; at sa mga kinahihinatnan
(i.e., negatibo at positibo) ng pakikipag-ugnay. Nagdagdag ng tanong ukol sa karanasan
ng hindi pagkakaunawaan at paraan ng mga pagresolba ng mga ito. Ito ay idinagdag ng
mananaliksik sapagkat nakita niya habang nakikipanayam siya na kailangan ito para sa
pag-aaral

Pamamaraan ng pagkalap ng mga Datos

Ang mananaliksik ay naghanap ng isang tulay o key informant mula sa


komunidad ng mga Muslim sa lungsod ng Batangas. Ang nahanap at napiling tulay ay
may sapat at supisyenteng social network (i.e., ng mga Pilipinong Muslim sa Batangas)
na tumulong na maipakilala ang mananaliksik sa iba pang mga naging tagapagbatidl na
pasok sa mga batayan ng pagpili ng mga kalahok ng pag-aaral.

Nagsimula ang mananaliksik sa pagkalap ng datos sa pamamagitan ng


pagsasagawa ng nakikiugaling pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan. Sa nakikiugaling
pagmamasid, binigyang pansin ng mananaliksik ang lugar, tauhan, at mga gawain ng mga
naging tagapagbatid. Iba ang nakikiugaling pagmamasid sa ordinaryong pagmamasid
sapagkat sa una ang isang mananaliksik ay hindi lamang nagtatala ng kanyang mga
obserbasyon, bagkus siya rin ay pumapasok mismo sa sitwasyong kanyang pinag-aaralan
(Mortel, 2004). Sa madaling salita ay ang isang mananaliksik ay nagkaka-papel sa loob
ng lipunan-at-kalinangang pinag-aaralan. Naging hindi madali ito sa karanasan ng
kasalukuyang mananaliksik sapagkat walang handang (available) papel siya sa
komunidad na kanyang pinapag-aralan. Kaya, sinadya at kinusa na lamang ng
mananaliksik na tumulong sa pamamagitan ng pagbabantay ng tindahan ng ilang sa mga
naging tagapagbatid. Dahil dito, nakita ng mananaliksik ang pang-araw-araw na buhay
ng mga tagapagbatid, ang kanilang mga nagiging karanasan, ang kanilang mga nagiging
pakikipag-ugnay sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Bukod sa pagbabantay at
pag-istambay sa mga tindahan, may isa pang unspoken na papel ang mananaliksik sa
komunidad ng mga Muslim, at ito ay ang isang pagiging mag-aaral o estudyante ng
Islam. Ang papel na ito ay halintulad sa mga nais matuto ukol sa Islam, tulad ng mga
nagba-Balik Islam. Sa katunayan, ilang beses na ngang napagkamalang Balik Islam ang
mananaliksik. Bilang paraan ng pakikiugali ng mananaliksik sa kanyang mga naging
tagapagbatid, ay nagpatubo pa siya mismo ng mahabang bigote at balbas bilang pakikiisa
sa preference ng mga Muslim. Maaaring sabihing simple at trivial na bagay lamang ito,
ngunit kinakitaan ng silbi ng ito mananaliksik, sapagkat naramdaman agad niya na
tanggap siya ng mga Muslim sa komunidad, base sa mga naging pakikitungo sa kanya ng
mga ito.

Kasabay ng pagsasagawa ng nakikiugaling pagmamasid, nagsagawa din ng


mga pakikipag-kuwentuhan ang mananaliksik sa mga naging tagapagbatid. Ito ay
isinagawa bago pa man sinimulan ng mananaliksik ang recorded (i.e., gamit ang tape
recorder) na panayam. Ang pagkakaiba ng pakikipag-kuwentuhan sa pakikipanayam ay
may aspeto ng pakikisangkot ang una. Sa pakikipag-kuwentuhan, hindi lamang ang mga
tagapagbatid ang siyang nagbibigay ng impormasyon sa isang pag-uusap. Ang
mananaliksik ay malaya ding magkuwento o magbahagi ng mga bagay na sa tingin niya
ay makakatulong sa diskurso nila ng tagapagbatid. Kaya, hindi lamang ang mga naging
tagapagbatid ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan at kaalaman, ang mananaliksik
ay nagbahagi din base sa kanyang kaalaman at kalinangan pinanggalingan
Ang huling pamamaraang ginamit ng mananaliksik ay ang pakikipanayam.
Sinimulan lamang ng mananaliksik ang pormal na pakikipanayam sa mga tagapagbatid
pagkatapos ng isang buwan na niyang pagsasagawa nakikiugaling pagmamasid at
pakikipag-kuwentuhan. Ito ay sinadya ng mananaliksik para makilala muna niya ng
lubusan ang kalinangan ng mga tagapagbatid, at para na rin maitatag ang pakikipag-
palagayang-loob. Ang pagkakaroon ng palagayang-loob sa pagitan ng mga tagapagbatid
at mananaliksik ay inasahang mas nagpa-bukas sa mga naging tagapagbatid na
magbahagi ng lubos at wasto sa mananaliksik. Sa pakikipanayam, gumamit ng tape
recorder ang mananaliksik para ang mga na-transcribe na panayam ay masuri.

Pagsusuri ng mga Datos

Naging palatandaan ng mananaliksik na sapat na ang mga nakalap na datos ng


umuulit-ulit na lamang ang mga nagiging sagot ng mga naging tagapagbatid sa
pakikipanayam. Sa madaling salita, ang datos ay umuulit na lamang. Ito ay nangyari sa
huling dalawang tagapagbatid (transcribed na panayam). Nang mangyari ito ay
ipinagpatuloy na lamang ng mananaliksik ang pagsasagawa ng nakikiugaling
pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan upang mas makapag-palutang pa ng ilang mga
kaalaman na hindi na kayang palitawin pa ng pakikipanayam – dahil sa nakabatay o
nakapadron ito sa nabuong gabay na palatanungan. Ang pagsasagawa ng nakikiugaling
pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan ay mas nakapag-palabas pa ng mga bagong
kaalaman.

Tinukoy ang mga lumitaw na kategorya at tema mula sa mga naka-siping


obserbasyon, paglalarawan, pakikipag-kuwentuhan, at naka-transcribe na mga panayam.
Ang mga lumitaw na kategorya’t tema ang nagpakita ng kalikasan ng pakikipag-ugnay ng
mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano, buhat sa mga panlipunang
identidad tungo sa mga magandang kinahinatnan ng ugnayan.

Pagkatapos ng pagtukoy sa mga posibleng mga kategorya, na nakapasok sa


kalikasan ng pakikipag-ugnay ng mga naging tagapagbatid, nagsagawa ng analisis upang
alamin ang pagkakasunod-sunod o paderno ng mga kategoryang ito sa bawat isa (Diestro,
2007). Upang mas malinawan ang pag-aanalisa at mas magka-hubog ang mga nakitang
kategora ay binalikan ng paulit-ulit ng mananaliksik ang datos, pati na rin ang mga
nakaraang pag-aaral. Mula dito, lumitaw ang isang modelo na maglalarawan sa
pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano.

Para sa pagpapatibay ng datos, nagsagawa ng isang triyanggulasyon ang


mananaliksik, o ang pagsiyasat kung ang mga nakalap ngang datos ay tugma sa realidad
sa pamamagitan ng paggamit ng isa pang pamamaraan. Dito, nagsagawa ng isang FGD
ang mananaliksik. Dahil sa hirap makahagilap ng mga tagapagbatid na maaaring umupo
sa isang sesyon bilang isang grupo, ay tatlo lamang ang naimbitahan ng mananaliksik
para dito. Maaaring ang kahirapan sa paghagilap na ito ay nasa kalikasan ng mga
tagapagbatid, na kung saan sila ay mga negosyante na pala-palaging may mga lakad.
Magkagayunpaman, sa nasabing FGD ay diniskas ng mananaliksik isasa ang mga
kategoryang lumabas at nabuo. Bukod dito, ipinakita sa kanila ang nabuong modelo ng
pakikipag-ugnay. Tinanong sa mga naging tagapagbatid ng FGD kung tama ba ang mga
kinalabasan ng mga kategorya at modelo. Binigyan sila ng pagkakataon sa sumalungat,
mas magpaliwanag, o sumang-ayon sa mga kinalabasang resulta. Sa kahulihan, sumang-
ayon ang mga mananaliksik sa mga kategoryang lumitaw na naglalarawan sa kalikasan
ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano, pati
na rin sa nabuong modelo. Ang kinasapitan ay matutunghayan sa susunod na kabanata.
Kabanata III
Kinasapitan

Sa kasalukuyang pananaliksik, may apat na tanong na tinangkang sagutin.


Una, ano ang mga kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga Pilipinong Muslim sa
kanilang mga ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano sa Batangas? Ikalawa, ano ang
mga uri ng pakikipag-ugnay na isinasagawa ng mga Pilipinong Muslim sa kanilang mga
ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano sa Batangas? Ikatlo, ano ang mga kognitibo,
beheybyoral, at apektibong proseso na nakapa-loob sa pakikipag-ugnay sa ibang grupo
(i.e., Pilipinong Kristiyano sa Batangas)? At ika-apat at panghuli, ano ang mga positibo
at negatibong kinahihinatnan ng pakikipag-ugnayan sa mga Pilipinong Kristiyano sa
Batangas? Upang maunawaan ng lubos ang mga kasagutan ng mga tagapagbatid na
Muslim sa mga nasabing mga tanong, pati na rin sa mga karagdagang datos mula sa
nakikiugaling pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan, marapat na ilarawan muna ang
konteksto kung saan sila kumikilos. Ang huling bahagi ng kabanata ay paglalahad ng
mga mismong kasagutan ng mga tagapagbatid tungkol sa kanilang pakikipag-ugnay sa
kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano.

PAGLALARAWAN NG KONTEKSTO AT NG MGA TAGAPAGBATID

I. Maikling Pagpapakilala sa komunidad na Muslim sa lungsod ng Batangas

Ang komunidad ng mga Muslim sa lungsod ng Batangas ayon sa naging tulay


ng mananaliksik ay binubuo ng isang-libong pamilya. Karamihan daw sa mga ito ay
miyembro ng grupong Maranao. Ang mga Maranao ay isang etno-linggwistikong
grupong Muslim. Tinatawag silang “people of the lake” dahil orihinal na naninirahan sila
sa lawa ng Lanao, at sa islamikong lungsod ng Marawi, kapitolyo ng lalawigan ng Lanao
del Sur. Sila rin ang sinasabing grupong Muslim na may pinaka-malaking populasyon,
umabot ng humigit-kumulang na 840,000 na katao noong papatapos na ang ika-20 siglo
(maranao, http://www.maranao.com, w.p.). Sinasabi rin na ang pamilyang Maranao ay
kadalasang malaki, na kung saan ang pagkakaroon ng 10 miyembro lamang sa isang
pamilya ay itinuturing na maliit. Ang deskripsiyong ito ukol sa laki ng pamilyang
Maranao ay napatutohanan din ng mananaliksik buhat sa kanyang ginawang mga
nakikiugaling pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan sa mga naging tagapagbatid na
Maranao. Tulad din sa nakasaad sa ilang babasahin ukol sa pamumuhay ng mga
Maranao, natagpuan din ng mananaliksik na halos sa lahat ng Maranao na nakadaupang-
palad niya sa lungsod ng Batangas ay mga negosyante, maging malaki o maliit man ang
mga negosyong ito.

Bukod sa mga Muslim, may 3000 mga Badjao din daw na naninirahan sa
lungsod ng Batangas. Bagama’t hindi daw talaga Muslim ang mga Badjao (ayon sa ilang
mga naging tagapagbatid) ay ang asosasyon pa rin ang nangangalaga sa kanila. Tulad ng
nabanggit sa itaas, karamihan sa mga nakilalang Muslim (i.e., Maranao) ng mananaliksik
ay pawang mga negosyante. Nagmamay-ari sila ng iba’t-ibang tindahan, at karamihan
dito ay tindahan ng mga cellphones at mga damit. Ayon sa isang imam, 30 ang bilang ng
mga tindahan na pagmamay-ari ng mga Muslim sa buong poblasyon ng lungsod ng
Batangas. Bagamat ang bilang na ito ay parang maliit base sa personal na obserbasyon
ng mananaliksik, sapagkat maraming mga maliliit na tindahan sa bangketa na ang
nagtitinda ay mga Muslim din.

Sumesentro sa mosque ang pakikipag-ugnayan ng mga grupong Muslim sa


isa’t-isa sa lungsod ng Batangas. Dalawa ang mosque sa nasabing lungsod, ito ay
matatagpuan sa barangay Malitam at barangay Duluan. Ang pinaka-malaking mosque sa
dalawa ay yaong nasa barangay Malitam. Ang imam na namamahala dito ay si Imam
Arab Maguindanao, na isang Maranao. Ang mosque ay matatagpuan sa tabi ng ilog
Calumpang, at pinalilibutan ito ng mga bahay ng mga pamilyang Muslim. Dalawang
taon na ang mosque sa Malitam. Tinatayang 20 pamilyang Muslim ang naninirahan sa
paligid ng mosque, at limang taon na rin ang pinaka-unang bahay ng isang pamilyang
Muslim sa nasabing lugar.

Masasabing hindi gaano kalakihan ang mosque sa barangay Malitam. Iisang


palapag lamang ito. Dalawampu’t-isang hakbang (ng paa) ang haba nito, at 15 hakbang
naman ang lapad. Sa unahang taas ng loob ng mosque ay may nakasabit na maliit na
pisara na may mga naka-guhit na sampung orasan (nahahati sa dalawang hanay; lima sa
itaas at lima din naman sa ibaba). Ang bawat orasan ay nakaturo sa iba’t-ibang oras ng
pagsamba ng Muslim sa loob ng isang araw. Sa pagitan ng dalawang hanay ng mga
orasan ay nakasulat ang mga salitang “isha” (7:15 ng gabi), “subah”(4:30 ng umaga, bago
magbukang-liwayway), “luhor” (12:00 ng hapon, tanghali), “asar”( 3:30 ng hapon), at
“magrib”( paglubog ng araw), na nangangahulagang mga oras ng pagsamba ng Muslim
(mapapansin na pagbinaybay ang mga unang titik ng mga salitang ito ay mabubuo ang
salitang “ISLAM”). May nakasulat sa taas ng pisara na “oras ko mga wakto”, na ang ibig
sabihin daw ay “oras ng pagsamba”. Nakasulat naman sa kanang bahagi ng pisara
(patayo) ang mga salitang “bang” at “qamat”. Makikita sa ibaba ang loob ng mosque sa
Malitam sa araw ng sambayang (i.e., Biyernes; pagsamba).

Larawan 1: Loob ng Mosque ng Malitam habang may Sambayang (qamat)

Nahahati sa dalawang bahagi ang loob ng mosque. Ang unang bahagi (nasa
harapan) ay lugar na kung saan sumasamba ang mga kalalakihan. Sa likod at ikalawang
bahagi naman ay kung saan sumasamba ang mga kababaihan at ilang mga batang paslit.
Nahahati ang dalawang bahagi ng isang “divider” na gawa sa kahoy at kurtina. Mababa
lang ang “divider” kaya makikita ang nasa kabila kung tatalon ang isang tao (para makita
ang nasa kabila).

Tuwing araw ng Biyernes ang pagsamba ng mga Muslim, na kung saan ito ay
tinatawag na araw ng sambayang o pagsamba, nagsisimula ang pagsamba ng eksaktong
alos-dose ng tanghali sa pamamagitan ng isang bang o “Muslim call to prayers”.
Kadalasan ay isang imam ang namumuno sa sambayang, ngunit puwede rin siyang mag-
atas ng tao na siyang mamumuno sa pagsamba. Pagkatapos ng qamat, o yaong pagtayo,
pagyuko at pagtirapa ng mga mananampalatayang Muslim bilang pagpapakita ng
kanilang buong submisyon kay Allah, ay magsisimula ng magbigay ng pangangaral ang
imam. Dahil karamihan sa mga mananampalataya sa mosque ng Malitam ay mga
Maranao, salitang Maranao (na may konting kasamang salitang Arabo) din ang ginagamit
sa pagbibigay ng pangangaral o sermon. Tumatagal ng halos 30 to 35 na minuto ang
pangangaral ng imam sa mga mananampalataya. Pagkatapos nito ay sabay-sabay na
mananalangin ang mga mananampalataya kasama ang imam, at gagawin ulit nila ang
qamat. Kadalasan ay tumatagal ng 45 na minuto hanggang isang oras ang buong
sambayang tuwing Biyernes.

Mayroon ding asosasyon ng mga Muslim sa lungsod ng Batangas. Ito ay may


ugnayan sa mas malawak pa na asosasyon ng mga Muslim sa buong lalawigan ng
Batangas, na kung saan ang kasalukuyang presidente nito ay matatagpuan sa Lipa. Ang
pamunuan ng asosasyon ng mga Muslim sa lungsod ng Batangas ay binuburo ng
presidente, bise-presidente, chairman (namamahala sa mosque), kalihim, ingat-yaman, at
mga miyembro ng board. Ang kasalukuyang presidente ng asosasyon ay si Ali
Muhammad (i.e., tulay ng mananaliksik), at ang bise-presidente naman ay si Jamil (na
siyang tumatayong chairman din). Dalawang taon ang pag-upo sa katungkulan ng mga
ito. Ayon sa pahayag ng isang tagapagbatid, pati na rin sa personal na pagmamasid ng
mananaliksik, ay may gusot ukol sa pamunuan ng asosasyon ng mga Muslim sa lungsod
ng Batangas. Apat daw ang nagko-contest sa pagka-presidente. Bunga nito,
pansamantalang ang presidente ng asosasyon ng mga Muslim sa buong lalawigan ng
Batangas ang siya munang humahawak sa pamunuan ng asosasyon sa lungsod ng
Batangas.

Bagamat ganito ang kasalukuyang konteksto ng asosasyon ng mga Muslim sa


lungsod ng Batangas, patuloy pa rin ang pagsasakatuparan ng mga obligasyon o mandato
nito. Ayon sa isang pinuno, dalawa raw ang pinaka-mandato ng asosasyon, ito ay ang
pagpapaulad ng komunidad na Muslim at “peace and order”. Pagdating sa pagpapaunlad
ng komunidad na Muslim, katuwang ng asosasyon ang lokal na pamahalaan ng lungsod
ng Batangas. Katulong ng asosasyon ang alkalde at kongresista ng distrito sa pagkuha ng
mga pondo para sa iba’t-ibang mga proyekto, tulad ng pabahay, pagpapagawa ng kalsada
at kanal sa lugar ng mga Muslim, at iba pa. Sa mandato naman ukol sa “peace and
order”, kasama naman ng asosasyon ang lokal na barangay kung may aayusin silang mga
gusot o alitan sa pagitan ng mga komunidad na Muslim at Kristiyano. Ngunit ayon sa
isang pinunong Muslim, ay bihira daw mangyari ang alitan sa pagitan ng mga Muslim at
Kristiyano sa lungsod ng Batangas. Kadalasan lang daw na pinagmumulan ng away sa
pagitan ng mga Muslim at Kristiyano ay ang paglalasing at pagwawala ng iilang mga
Kristiyano.

II. Pagpasok sa larangan

Buwan ng Mayo ng magsimulang mangalap ng datos ang mananaliksik ukol


sa pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano
lungsod ng Batangas. Ang naging tulay (i.e., key informant) ng mananaliksik para
makapasok sa komunidad ng mga Muslim sa Batangas ay si Ali Muhammad, isang
Maranao na negosyante, na ilang taon ng namamalagi sa lungsod ng Batangas. Siya ay
isa sa mga pinuno ng asosasyon ng mga Muslim sa Lungsod ng Batangas. Bukod dito, si
Ali ay asawa ng kaibigan ng nanay ng mananaliksik, na si Ate Mila. Dahil dito
masasabing naging maalwan ang naging pagpasok ng mananaliksik sa komunidad ng
mga Muslim.
Unang sinamahan ang mananaliksik ng kaibigan ng nanay niya sa bahay ni
Ali sa dati nitong bahay sa Bauan, Batangas. Dahil sa Linggo ang araw na iyon ay
masyadong abala si Ali sapagkat inaasikaso niya ang kanyang mga puwestong tindahan
(i.e., sa mga bayan ng Bauan at Lemery, Batangas). Ngunit hindi naman nasayang ang
punta ng mananaliksik sa bahay ni Ali sapagkat nakilala niya (mananaliksik) ang kapatid
nitong lalaki na si Mamarinta. Si Mamarinta ay dalubhasa sa pag-aaral ng Islam kaya
siya na muna ang nag-bigay ng parang “primer” o paunang aral sa mananaliksik ukol sa
kultura at teolohiya ng komunidad na gustong pasukan nito. Tumagal ng tatlong oras ang
pagtuturo at pagku-kuwento ni Mamarinta kaya masasabi na nagkaroon ng paunang ideya
ang mananaliksik tungkol sa kalinangang Muslim. Makikita ang mapa ng lalawigan ng
Batangas sa ibaba.

Larawan 2: Mapa ng lalawigan ng Batangas


Pagkatapos ng mga halos dalawang linggo, ay muling binalikan ng
mananaliksik si Ali. Ngunit sa pagkakataong ito ay sa tindahan naman ng huli sa Bagong
Palengke (i.e., J. Pastor Memorial Market), lungsod ng Batangas. Biyernes ng araw na
iyon, araw ng sambayang (i.e., pagsisimba) ng mga Muslim. Pagkatapos ng ilang saglit
sa tindahan ni Ali ay sinamahan niya ang mananaliksik na pumunta sa mosque ng
barangay Malitam. Bukod sa mosque sa may baranggay Duluan, ay ito lang ang mosque
na matatagpuan sa lungsod ng Batangas. Ito ang mas pinalaki sa dalawang nasabing
mosque. Ito rin ay napapalibutan ng mga bahay ng komunidad na Muslim, na ang
karamihan ang hango sa grupong Maranao. Makikita ang mapa ng lungsod ng Batangas
sa ibaba (ginuhitan ng pulang paribilog ang barangay ng Malitam).
Larawan 3: Mapa ng mga barangay sa lungsod ng Batangas

Ipinakilala ng tulay na si Ali ang mananaliksik sa imam ng nasabing mosque


na si Imam Arab Maguindanao. Minsan ay Ustadz Arab din ang tawag sa kanya ng mga
tao dahil sa kanyang pagtuturo ng mga aral at turo ng Islam sa kanila. Bukod sa imam,
ipinakilala din ng tulay sa ibang mga Muslim sa lugar ang mananaliksik. Kaya sa mga
sunod na balik ng mananaliksik sa lugar ay kilala na siya ng mga tao dun, at alam na rin
kung ano ang kanyang pakay.

Isa’t kalahating buwan na pabalik-balik ang mananaliksik sa tindahan ni Ali,


tindahan ng pamilya ni Imam Arab (sa kalye ng D. Silang sa lungsod ng Batangas), at
mosque ng barangay Malitam. Halos kilala na siya ng ilang mga Muslim sa komunidad
sapagkat halos tuwing araw ng Biyernes, araw ng Sambayang siya pumupunta dito, na
kung saan maraming matatagpuang mga Muslim sa lugar. Ang halos lahat ng oras na
ginugugol ng mananaliksik sa mga nasabing lugar ay ang kanyang pagmamasid-masid at
pakikipag-kuwentuhan sa mga taong matatagpuan niya dito. Ngunit ang kadalasang
nakaka-usap niya ay si Imam Arab na madalas sa kanilang tindahan o dili kaya naman ay
sa mosque ng Malitam.

Ang pagbisita, pakikipag-kuwentuhan, pagsama tuwing sambayang, at


pagsama sa pagbabantay ng tindahan ay pinapalagay na mga paraan para mapalapit ang
kalooban ng mga tagapagbatid sa mananaliksik. Ito ay ginawa ng mga halos isang
buwang bago isinagawa ang unang “recorded” na pakikipanayam. Ang mga gawaing ito
ang nagbigay ng pagkakataon para sa mananaliksik at mga naging tagapagbatid para
makilala ang isa’t-isa, at sa huli ay magkaroon ng pagkakataon para magkapalagayang-
loob. Kaya sa tuwing darating ang mananaliksik ay nagbabatian ang mga ito, at agad na
itinuturo o sinasabi kung saan matatagpuan ang mga palagiang pakay na mga tao nito
(i.e., ang tulay na si Ali at ang imam ng mosque ng Malitam – Imam Arab). Maging sa
tuwing magsisimula na ang sambayang ay laging iniimbitahan ng mga tagapagbatid at
ibang ka-komunidad nilang Muslim ang mananaliksik na pumasok din sa loob ng
mosque. Sa huli, naging makabuluhan ang pagbisita, pakikipag-kuwentuhan at pagsama
sa sambayang at sa pagbabantay ng tindahan sapagkat nakilala ng mga tagapagbatid, at
iba pang ka-komunidad nilang Muslim, ang mananaliksik. Naging malinaw sa kanila na
ang pakay ng mananaliksik ay magsaliksik tungkol sa buhay nila sa komunidad.
Larawan 4: Mosque sa Barangay Malitam

Mula sa mga nakilala at nakagaanang-loob na Muslim ng mananaliksik ay


pumili ito ng mga makakapanayam. Sa bahay at mga tindahan kadalasang ginanap ang
pakikipanayam. Ito kasi ang kumportableng lugar sa mga tagapagbatid, dahil laging dito
sila matatagpuan. Sinasadya lagi ng mananaliksik ang mga tagapagbatid sa mga bahay at
tindahan nila. Ito ay dahil nasaksihan ng mananaliksik na mahirap magtakda ng
eksaktong oras at lugar sa mga tagapagbatid sapagkat lagi silang umaalis, at may
paniniwala sila na walang eksakto sa buhay sapagkat lahat ay naka-depende sa biyaya at
kagustuhan ni Allah. Kaya sa tuwing magtatakda ang mananaliksik ng muling pagkikita
nila ng mga tagapagbatid ay hindi makapagsabi lagi ang huli ng eksaktong araw.
Kadalasan nilang sinasabi na “si Allah lang ang makakapag-sabi kung kailan tayo muli
magkikita”. Ang mga ibinahaging karanasan at kuwento ng mga tagapagbatid ay
nakabatay sa gabay palatanungan na makikita sa Apendiks. Nagbigay din ng mga
karagdagang tanong ang mananaliksik, na hindi matatagpuan sa gabay na palatanungan,
sa mga tagapagbatid para sa mga ilang paglilinaw.
Larawan 5: Ang tulay (nasa kaliwa ng larawan) at ang imam ng mosque ng Malitam

Sa kabuuan ng pangangalap ng datos, dalawa ang naging papel ng


mananaliksik kaugnay sa mga naging tagapagbatid. Una, naging kinatawan siya ng
kultura’t kalinangan ng mga ka-komunidad nilang Kristiyano. Sa mga naging
kuwentuhan ng mananaliksik at ng mga naging tagapagbatid ukol sa mga tema ng
relihiyon, halagahin, paniniwala at “customs” ng bawat isang grupo, ay kadalasang
tinatanong ng mga tagapagbatid kung mayroong bang katulad o kaparehong gawain din
ang mga ka-komunidad nilang Kristiyano. Halimbawa ay ang pagtatanong ni Imam Arab
kung mayroon din bang kaugalian ang mga Kristiyano sa Batangas ng paghahanda o
pagpapakain sa mga ka-komunidad/kapit-bahay ng isang indibidwal o pamilya bilang
pasasalamat sa Diyos. Itong paghahanda at pagpapakain ng mga Muslim sa kanilang
mga kapit-bahay ay personal na nasaksihan ng mananaliksik. Dito binanggit ng
mananaliksik na mayroon ngang katulad na gawain ang mga Kristiyano sa Batangas,
partikular ang paghahanda ng isang pamilya kung nagpapa-Poon sila. Ang Poon ay ang
Mahal na Poong Santa Krus ng Bauan. Hinihiram ang Mahal na Poon mula sa simbahan
ng isang araw at gabi para paglamayan at dasalan. Ginagawa ito bilang pasasalamat ng
isang pamilya sa mga biyaya na kanilang natatanggap mula sa Diyos. At ang pagpapa-
Poon ay may kasamang paghahanda at pagpapakain para sa mga kapit-bahay at ka-
komunidad. Bukod sa halimbawang ito, sa tuwing may nagaganap na pakikipag-
kuwentuhan at may pangangailangang ng paglilinaw ukol sa kultura at paniniwala ng
mga Kristiyano, ang mananaliksik ang laging tinatanong ng mga naging tagapagbatid.

Ang ikalawang naging papel ng mananaliksik, at ang masasabing pinaka-


mahalaga, ay ang pagiging mag-aaral nito ng kultura’t kalinangang Muslim. Ang
kadalasang sitwasyon o “format” tuwing nagkakaroon ng pakikipag-kuwentuhan ang
mananaliksik sa mga tagapagbatid ay isang guro/paham-mag-aaral na ugnayan. Ito ay
kadalasang nangyayari kapag nakikipag-kuwentuhan ang mananaliksik kay Imam Arab.
Si Imam Arab ay isa ring ustadz o guro, at itinuturing niya ang mananaliksik bilang isang
naghahanap o nananaliksik ng karunungan ukol sa Islam. Dumating pa ang punto na
handa niyang ipabasa ang kanyang sariling Qur’an (i.e., nakasalin sa Filipino) sa
mananaliksik, para raw mas ganap na maunawaan ng huli ang mga turo ng Islam.

Pakikipag-ugnay
Sa bahaging ito ng kabanata tatalakayin ang kalikasan ng pakikipag-ugnay ng
mga tagapagbatid na Muslim sa Batangas sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano
batay sa kanilang paglalahad sa mga isinagawang pakikipanayam, nakikiugaling
pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan.

I. Mga Panlipunang Identidad

Lahat ng mga naging tagapagbatid na Muslim ay may mga panlipunang


identidad na na nabuo na nagku-korespunde base sa grupong kanilang kinabibilangan.
Dito nakabatay kung paano sila kikilos sa kanilang lipunang kinabibilangan at kung
paano sila makikipag-ugnay o makikisalamuha sa mga taong nakapaligid sa kanila.
Lumabas mula sa datos na may dalawang punong kategorya ng panlipunang identidad
ang mga naging tagapagbatid, ito ay ang panlahatang panlipunang identidad (i.e., ang
superordinate na identidad ng isang Muslim) at ang pang-partikular na panlipunang
identidad (i.e., subordinate na identidad ng isang Muslim). May mga nakapaloob pa na
mga espesipikong kategorya sa bawat punong kategoryang ito, na mas magbibigay linaw
sa kung paano mag-isip ang mga naging tagapagbatid at kung paano sila kumilos at
makisalamuha sa iba (i.e., ka-komunidad na Kristiyano). Ang mga ito ay makikita sa
baba.

a. Panlahatang Panlipunang Identidad (i.e., Superordinate na Identidad ng isang Muslim)

Ang panlahatang panlipunang identidad ay ang panlipunang identidad ng mga


Muslim na kung saan nakikita nila ang kanilang mga sarili bilang ka-bahagi o ka-
miyembro ng isang mas malaking grupo. Sa grupong [o mga grupong] ito ay ka-
miyembro o kabahagi nila ang iba pang grupo ng mga tao, tulad ng mga Kristiyano,
Badjao, o dili kaya ng buong sangkatauhan. Ang kalikasan ng mga grupong ganito ay
naka-depende sa uri ng mga grupong binabanggit. Ayon sa datos ng pananaliksik, may
dalawang uri ng panlahatang panlipunang identidad ang mga naging tagapagbatid na
Muslim, ito ay ang paniniwala na “Lahat naman tayo ay Pilipino” at ang
nakikibahaging pagkatao. Mas ipapaliwanag ito sa ibaba.

i. “Lahat naman tayo ay Pilipino”

Ang mga naging tagapagbatid ay may paniniwala na sila ay kabahagi ng isang


malaking grupo, at ito ay ang kapilipinuhan. Naniniwala sila na bagama’t sila’y mga
Muslim at kabilang sa isang etno-linggwistikong grupo, tulad ng grupong Maranao, ay
kabilang din sila sa bansang Pilipinas, bagkus sila ay mga Pilipino. Ang ganitong
pagtingin ng mga Muslim sa kanilang mga sarili ay nag-uugnay o naglalapit sa kanila sa
iba pang mga Pilipino, tulad ng mga Pilipinong Kristiyano. Makikita ito ay makikita sa
mga sipi sa ibaba, na nagmula sa isang pakikipanayam [transcribed] at sa isang
obserbasyon/pakikipag-kuwentuhan.

Ganon na nga po, ah, ang nagiging negatibo diyan yung hindi nila matanggap,
ang Muslim hindi nila matanggap. Minsan mayroon sila na “ah Muslim yan,
masama ganito ganon mga traydor yan.” Kasi ang kasabihan nga nila sa
Muslim ay sa patalikod pag ginaganon kayo ng Muslim [patalikod ang pag-
traydor ng mga Muslim]. Yun ang negatibo. Na dapat unti unti mo ipa ano
iparating, ipahiwatig sa kanila na pareho lang tayong Pilipino. Wala sa ating
iba, ang ating religion, ang ating Allah, isa lang. Nasa tao nga yung, kung
pano mo iaccept yun at pano mo sila pakikitunguhan. Yun din ang igaganti
sayo. (Lalaki, 34 na taong gulang, amirsab (misyunero) at tindero, Maranao)

Naikuwento ng mananaliksik kay “A” (ang tulay) na may tatlong kalalakihang


Samal siya kanina bago mag-sambayang sa may mosque. Dagdag pa nito na
napansin na magaling mag-Tagalog ang tatlong nabanggit. Sabi naman ni
“A” na “lahat naman tayo ay Pilipino.” (Ika-23 ng Mayo)

Bukod sa paniniwala at pagtingin ng mga naging tagapagbatid na sila ay mga


Pilipino rin, bagkus hindi naiiba sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano, ay nakita
rin sa datos na may mga kostumbre na pagka-kapareho ang mga Muslim at Kristiyano.
Kahit na nagkakaiba ang kanilang mga relihiyon ay may pagkakatulad sila sa kanilang
kalinangan, partikular sa pagbibigay sa kapwa bilang pasasalamat sa kanilang lumikha.
Ang sipi sa ibaba, mula sa pakikipag-kuwentuhan ng mananaliksik sa isang tagapagbatid,
ang maglalarawan ng pagkakatulad na ito.

Tinanong naman ni “I.A.” (i.e., imam ng mosque sa Malitam) sa mananaliksik


kung mayroon ding ganito [ipinaliwanag ng imam na ang dahilan ng
paghahanda at pagpapakain sa iba ng mga Muslim ay bilang pasasalamat sa
mga biyaya mula kay Allah] sa kultura ng mga Kristiyano. Binanggit ng
mananaliksik na katulad ito ng pagpapa-Poon ng mga Katoliko sa kanilang
lugar (i.e., Bauan, Batangas). Ang pagpapa-Poon ay ang pagpapatira ng isang
pamilya sa kanilang bahay sa Mahal na Poong Santa Krus. Dito ay
nagpapakain din ang pamilya sa ibang tao na dadalaw sa kanilang bahay at
magdadasal habang andun ang Mahal na Poong Santa Krus. Ito ay bilang
pasasalamat din sa Diyos sa mga biyayang kanilang natanggap o natatanggap.
Katulad ng sa ginagawa ng mga Muslim, ito rin ay pagpapakita ng
pagbabahagi sa kanilang mga kapwa sa mga biyayang kanilang natanggap.
Makikita sa mukha ni “I.A.” ang pagka-mangha at pagkatuwa sa kuwentong
ito ng mananaliksik. Sa tingin ng mananaliksik ay ito’y marahil sa nakita ni
“I.A.” na mayroong pagkakatulad pala ang kultura at gawain ng mga
Kristiyano at Muslim. Dahil dito ay maaaring makita ang magkatulad na
halagahin ng dalawang grupo ukol sa relihiyon, pagpapasalamat sa biyaya ng
Maykapal, at pagbabahagi ng biyaya sa kanilang kapwa. (Ika-2 ng Hunyo)

ii. Pagkatao (Shared Humanity)

Ang isa pang uri ng panlahatang panlipunang identidad ay ang pagkatao o


shared humanity. Lumitaw mula sa datos na naniniwala ang mga naging tagapagbatid
na Muslim na sila at ang kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay parehong mga
tao. Ang pagkaka-pareho ng mga Muslim at Kristiyano bilang mga tao ay
nangangahulugang pagkakaroon ng pagbabahagian ng mga aspeto ng pagkatao ang isa’t-
isa. Ang ibig ipakahulugan nito ay may mga aspetong pagkakatulad ang mga Muslim at
Kristiyano dahil pareho silang mga tao. Sa datos ng pananaliksik ay makikita ito sa
aspeto ng pag-uugali. Makikita sa ibaba ang mga halimbawang sipi nito, mula sa
dalawang panayam.

Ay wala po, kasi po ano, kung ano po yung ugali ng Christian ganon din po
yung ugali naming mga Muslim. Yung pagkakaiba lang po, iba yung
sinasamba nila iba yung sinasamba namin. Hindi po [din] kami kumakain ng
baboy, kumakain po sila ng baboy, yun lang po pinagkaibibahan namin. Pero
sa ugali parehas lang po, na marunong din makisama yung Christian,
matulungin, maalalahanin, maano sa kapwa, ganon din po yung mga Muslim.
(Babae, 16 na taong gulang, tindera, Tausug)

Ay yung nasa isip namin ay kuwan, yung mga Batangueno ay ok lang naman.
Parang ganon din sa Muslim, kasi karamihan sa Muslim, na mayroon ding
pride tulad din nila. So ibig sabihin nun, pare pareho lang kasi tayo puro tao
nagkakaiba lang ng salita dahil pinag iba iba ng Diyos ang salita. So wala
kaming masasabi sa Batangeno kundi mabubuti naman. (Lalaki, 48 na taong
gulang, imam at ustadz, Maranao)

b. Pang-partikular na Panlipunang Identidad (i.e., Subordinate na Identidad ng isang


Muslim)

Ang pang-partikular na panlipunang identidad ay ang panlipunang


identidad ng mga Muslim na kung saan nakikita nila ang kanilang mga sarili bilang
distinkto at iba sa iba pang mga grupo. Ang pagkakaibang ito ay bunga ng kanilang
sariling kultura’t kalinangan, na kung saan kabilang dito ang relihiyon at etno-
linggwistikong grupong kanilang kinabibilangan. Ayon sa datos ng pananaliksik, may
dalawang uri ng pang-partikular panlipunang identidad ang mga naging tagapagbatid na
Muslim, ito ay ang konsepto ng “Tunay na Muslim” at ang pagkakaroon ng distinktong
identidad ng isang partikular na grupo. Mas ipapaliwanag ito sa ibaba.

i. “Tunay na Muslim”

Ang unang pang-partikular na panlipunang identidad na lumabas mula sa


datos ng pag-aaral ay ang konsepto ng “Tunay na Muslim”, at ito rin ay maaaring
tawagin na “Totoong Muslim [o Islam]”. Ang panlipunang identidad na ito ay may mga
kaakibat na paniniwala at halagahin na maaaring gumabay sa isang Muslim sa kanyang
pakikipag-kapwa sa ibang tao, partikular ang mga ka-komunidad niyang Kristiyano. Para
sa mga naging tagapagbatid ay hindi lahat ng mga sinasabing Muslim ay maaari ng
tawaging “Tunay na Muslim”. Ang mga tao lang daw na maaaring tawaging “Tunay na
Muslim” ay yaong mga sumusunod sa utos ni Allah at turo ng Islam. Ang mga “Tunay
na Muslim” daw ay yaong mga hindi gumagawa ng mga bagay na masama o immoral.
Makikita ito mula sa mga sipi sa ibaba, mula sa pakikipag-kuwentuhan ng mananaliksik
sa mga naging tagapagbatid.

Napunta sa Islam ang kuwentuhan ng tatlo (ie., ng mananaliksik, ng tulay, at


ng isa sa asawa ng tulay habang nagtatanghalian). Sinabi ni “A” na ang
“tunay na [Muslim]” ay “kapag sinusunod mo ang utos ni Allah” daw. Para
sa kanya ay imoral ang isang Muslim kung hindi nito sinusunod ang mga turo
ng Islam. Sa pagkakataong ito ay tinanong na ng mananaliksik ang mga
salitang nakita niya kanina sa mosque na hindi niya maintindihan, tulad ng
bang, qamat, isha, at iba pa. Sinagot naman ni “A” ang mga katanungan ng
mananaliksik. (Ika-23 ng Mayo)

Binanggit din ni “I.A.” na matatawag lang ang isang Muslim na “tunay na


Muslim” kapag sinusunod niya ang mga turo ng Islam at ni Allah. (Ika-24 ng
Mayo)

Pagkatapos ng “recorded” na pakikipanayam ay nakipag-kuwentuhan pa ng


konti ang mananaliksik kina “A.M.” (isa sa asawa ng tulay) at amirsab (i.e.,
isang pinunong Muslim). Nais linawin ng “M” kung ano ang ibig sabihin ng
konsepto ng “totoong Muslim”. Ayon sa amirsab, ang “totoong Muslim” daw
ay ang taong sumusunod sa utos ni Allah. (Ika-27 ng Hunyo)

Ayon sa mga naging tagapagbatid, ang isang “Tunay na Muslim” daw ay


yaong nagsasagawa ng mga ritwal na inuutos sa turo ng Islam tulad ng pagsa-salah (i.e.,
pagdarasal). Nasa ibaba ang sipi ukol dito.

Nang tinanong ng mananaliksik kay Ate Jing kung ano ang “tunay na Islam”
ay sinabi ng huli na ito raw ay mga Muslim na sumusunod sa turo ng Islam, sa
turo ni Allah. Halimbawa nito ay ang mga “tunay na Muslim” daw ay
nagsasagawa ng salah o pagdarasal tuwing Wakto (i.e., oras ng pagdarasal ng
mga Muslim). (Ika-19 ng Hulyo)

Ang isang “Tunay na Muslim” daw ayon sa mga naging tagapagbatid ay


yaong sumusunod sa mga kostumbre ng Islam tulad ng pagsusuot ng mga tamang
pananamit at tamang pagkilos. Ang mga halimbawang sipi ay makikita sa ibaba.
Kasi po nakipagkaibigan po ako sa kanila ganon parin po yung ugali ko,
simula po nun pumunta ako dito na tinuruan ako ng kapatid ni Tita Jing na
paano talaga yung tunay na Muslim yung naglalagay ng ganyan pag umaalis,
yun po. Kasi dati po hindi ako ganon. (Babae, 16 na taong gulang, tindera,
Tausug)

Tinanong ng mananaliksik kung ano ang pananaw ni “I.A.” sa mga Muslim na


umiinom ng alak. Sagot naman ni “I.A.” ay ang mga ito raw ay
naiimpluwensiyahan ng satan (i.e., demonyo). At para sa kanya, hindi niya
tinuturing na mga tunay na Muslim ang mga ito. (Ika-2 ng Hunyo)

Ang “tunay na Muslim” [ayon kay I.A.] ay kailangang lahat ng [kanilang]


kilos, itsura, gawi ay dapat limitado o kontrolado. Limitado o may
“parameters” batay sa turo ng Islam o utos ni Allah. Ang pagkakaroon ng
limitasyon daw ay parang pagtitimpi, na kung saan ay dapat daw gawin para
makaiwas sa mga gawaing masasama. Halimbawa [ayon kay I.A.] ay ang
tamang pananamit ng mga tao, na kung saan ay makakatulong sa tao upang
maiwasan ang imoralidad (i.e., ang mga mahalay na pananamit ay makaka-
udyok sa tao na gumawa ng kasalanan o imoralidad, kaya dapat ito limitahin o
kontrolin). (Ika-25 ng Hulyo)

Tulad na ng nabanggit sa itaas, para sa mga tagapagbatid ay hindi matatawag


na “Tunay na Muslim” ang isang tao kung hindi niya sinusunod ang utos ni Allah at ng
turo ng Islam. At kung ganito raw ang mangyayari ay maaaring sabihing isang Tausug,
Maranao, at/o iba pang uri ng grupo lamang ang isang tao. Dito nakita na hindi
awtomatik na ang isang tao ay matatawag na Muslim. At kung hindi nagampanan ng
isang tao ang mga utos at turo ng Islam ay maaari lamang siyang i-identify bilang
miyembro ng kanyang grupo (i.e., etnolinggwistikong grupo) at hindi bilang isang
“Tunay na Muslim”. Makikita ito mula sa mga sipi sa ibaba galing sa isang transcribed
na panayam at sa isang pakikipag-kuwentuhan.
Oo. Pero alam mo pagka di mo dinadala [ang turo ng Islam], di ka religious,
di ka parin matatawag na Muslim. You are Maranao or Tausug. Ikaw ay
inalam mo na, talagang sumunod ka na sa utos ng Diyos, ginawa mo ang
pinapagawa Niya sa’yo, dun ka matatawag na Muslim. Hindi porke ikaw ay
pinanganak na Maranao o Tausug, Maguindanao etc. etc. hindi ka matatawag
na Muslim. Yun lang ang pagka dun sa bata pa, nagkakainuman (i.e., bisyo ng
ilang Muslim), hindi nila alam ang gagawin nila. (Lalaki, 48 na taong gulang,
imam at ustadz, Maranao)

Napag-usapan ulit ng mananaliksik at ni “I.A.” ang tungkol sa Islam. Sabi ni


Imam Arab na kapag hindi raw sumunod sa utos ng Diyos ang isang Muslim
ay hindi raw Muslim ang taong ito, at hindi rin dapat na sabihing/tawaging
Muslim. Maaaring tawagin siyang miyembro ng kanyang grupo/tribo tulad ng
Maranao, Tausug, Samal, at iba pa. Ngunit hindi Muslim ang dapat na itawag
sa kanya. (Ika-25 ng Hunyo)

Ang turo ng Islam ay nagsisilbing impluwensiya sa pagbuo ng pang-


partikular na panlipunang identidad ng mga Muslim, partikular ang “Tunay na
Muslim”. Gaya nga ng mga nabanggit sa itaas, ang isang “Tunay na Muslim” ay yaong
mga taong sumusunod sa utos ni Allah, yaong mga sumusunod sa turo ng Islam. Sa turo
ng Islam, ayon sa mga naging tagapagbatid, ay makikita ang pinaka-impluwensiya sa
isang Muslim para gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa, para makipag-ugnay ng
maganda sa iba.

Sabi ni imam: “Kung gaano mo kamahal ang sarili mo ay dapat ganoon mo


din kamahal ang ibang tao. Lahat ng tao ay dapat mahal mo, anupaman ang
relihiyon niya.” (Ang mga ito raw ay turo mula sa Qur’an) (Ika-2 ng Hunyo)

Ang gawain ng magandang pakikipag-kapwa sa iba, partikular sa kanilang


mga ka-komunidad Kristiyano, ay may eskatolohikal (i.e., teolohiya ng end of days o
pagkaligtas ng tao sa araw ng paghuhukom ng Diyos) na aspeto. Matindi ang paniniwala
ng mga naging tagapagbatid na kapag gumawa ng mabuti ang isang Muslim sa kanyang
kapwa ay bibiyayaan siya ni Allah ng kaligtasan sa araw ng kapangukom (i.e., salitang
Maranao) o araw ng paghuhukom. Ang mga “Tunay na Muslim” na gumawa ng
maganda sa kanyang kapwa habang noong siya ay nabubuhay pa sa lupa ay papapasukin
ni Allah sa sorga (i.e., salitang Maranao na ang ibig sabihin ay paraiso). Ito ay makikita
mga sa sipi sa ibaba.

Tinanong ng mananaliksik kung ano ang pinaka-nag-iimpluwensiya sa


pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa ibang mga tao, lalu na sa mga hindi
Muslim. Sabi ni “I.A.” na si Allah daw ang pinaka-impluwensiya nila (i.e.,
Muslim). Ang gantimpala daw ni Allah ng pagpunta sa paraiso (sorga) ang
nag-uudyok sa mga Muslim na makipag-ugnay at makisalamuha sa kanilang
kapwa. (Ika-25 ng Hulyo)

Hindi pwede. Ang mismong sasama sa atin ay yung mga ginawa nating
kabutihan. Yun lang talaga yung makakasama sa atin. Kaya kinakailangan sa
atin ay makagawa tayo ng magaganda. Na magugustuhan ng mga tao. Hindi
tayo pwedeng gumawa ng mga masama, dahil pag tayo’y gumawa ng masama
sa kapwa ay sigurado pag dating natin sa kabilang buhay ay parusa ang abot
natin wala tayo sa paraiso. Naintindihan mo ang magiging paksa. Pero pag
tayo naman ay gumawa ng kabutihan sinusunod natin ang utos sa atin,
sigurado yan, yan ay makakapagligtas, yaan ang daan ng Ama papunta ng
paraiso. (Lalaki, 34 na taong gulang, amirsab at tindero, Maranao)

Bukod sa para mailigtas ang sarili sa araw ng kapangukom, ang isa pang
dahilan kung bakit dapat maganda ang pakikipag-ugnay ng isang Muslim sa ibang tao ay
upang mailayo ng una ang huli mula sa impiyerno.

Sabi ni “I.A.” na responsibilidad ng isang “totoong Muslim” na ituro sa iba


ang tamang landas. Ang tamang landas ay ang siyang itinuturo ng Islam.
Dapat isipin daw ng isang “totong Muslim” kung papaano ilalayo ang
kanilang kapwa tao sa impiyerno, at bagkus ay itungo siya papuntang sorga
(paraiso). Ayon kay “I.A.”, ang pagkamakaawain ay ugaling pinahahalagahan
at kinawiwilihan ni Allah. (Ika-26 ng Hunyo)

Maliban sa paniniwala sa araw ng kapangukom, ang isa pang turo sa Islam


na nakaka-impluwensiya sa pang-partikular na panlipunang identidad ng mga
Muslim ay ang konsepto ng Ehsan (o ihsan sa ibang pagbaybay). Ito ay ang mga
responsibilidad o obligasyon ng isang Muslim sa kanyang kapwa, maging Muslim o
miyembro man ng ibang relihiyon ito. Ang pagkakaroon daw ng ehsan ng isang Muslim
ay isang obligasyon ayon sa turo ng Islam. Bukod dito, ang pagkakaroon ng ehsan ang
makakatulong sa isang Muslim na makapasok sa sorga (paraiso) sa araw ng
kapangukom.

Sabi ni “A.J.” na mas matindi raw ang [ehsan] at “sabar” (i.e., pagtitimpi)
kesa ordinaryong pagsa-salah (pagdarasal) ng limang beses sa isang araw
tuwing wakto. Dagdag pa ni “A.J.” na “hindi kaya ng pagsa-salah lamang na
masagip ang isang tao at bagkus ay makapunta siya sa sorga.” … Ang
pagkakaroon daw ng [ehsan] at “saba” ay lubos na importante sapagkat
makakatulong daw ang mga ito sa isang Muslim upang makapunta sa sorga
(paraiso). (Ika-19 ng Hulyo)

Maraming mga lumabas na pakahulugan sa ehsan ang iba’t-ibang naging


tagapagbatid. Ayon sa isang imam, ang ehsan daw ay ang mabuting pakikipag-kapwa sa
ibang tao bunga ng mabuting pag-uugali. Makikita ito sa mga sipi sa ibaba, mula sa
isang pakikipag-kuwentuhan (Ika-25 ng Hulyo).

Sinabi naman ng mananaliksik na ang nahanap niyang konsepto na


nangangahulugang mabuting pakikipag-kapwa ay ang “ehsan”. Sumang-ayon
dito si “I.A.”. Sabi ni “I.A.” na ang “ehsan” daw ay salitang Arabo. Ang
katumbas na salitang ito raw sa Maranao ay “kambilang nga tao”, na ang ibig
sabihin ay “nabibilang ka sa tao [at hindi sa mga hayop]”. Ang ibig sabihin
daw nito ay “magandang ugali ng tao” o “pagpapaganda ng ugali tungo sa
kapwa, sa ibang nilalang, at maging kay Allah”. Dagdag pa ni “I.A.” na dapat
daw ay “pare-pareho ang turing sa lahat ng tao, kahit iba ang relihiyon, at
walang sini-sino.”

Ukol naman sa salitang Maranao na “kambilang nga tao” ay ang ibig sabihin
daw nito ay dahil sa nabibilang daw tayo sa grupo ng mga tao ay dapat
pagpapaka-tao din ang ating gawin. Dagdag pa ni “I.A.” na ang mabuting
pag-uugali na dapat na ipakita sa kapwa ay nangangahulugang sa lahat ng tao,
maging Muslim man o hindi.

Ayon naman sa isang tagapagbatid, ang ehsan daw ay ang “pagmamahal at


pagbibigay sa kapwa”. Makikita ang mga sipi sa ibaba, mula sa pakikipag-kuwentuhan
sa nasabing tagapagbatid.

Ang pagkakaroon naman ng [ehsan] ay nangangahulugang “pagmamahal at


pagbibigay sa kapwa”. Ang mga gawaing ito ay dapat ialay sa kapwa maging
Muslim man ang mga ito o hindi. Kinakailangan magkaroon ng [ehsan] ang
isang Muslim para makumbinse niya ang ibang mga tao na hindi mga Muslim
na mabuti pala ang Islam. Dagdag pa ni “A.J.” na “kung hindi maganda o
mabuti ang ipinapakita ng ibang tao na iba ang relihiyon sa iyo ay dapat
gantihan mo sila ng kabutihan”. (Ika-19 ng Hulyo)

Magkaiba man ng kaunti sa eksaktong pakahulugan ang iba’t-ibang mga


tagapagbatid ukol sa konsepto ng ehsan, lumalabas pa rin na ito ay ang konsepto na may
kaugnayan sa mabuting pakikipag-kapwa ng isang Muslim sa ibang tao, maging Muslim
man o hindi.

ii. Identidad ng isang partikular na grupo (hal., Maranao)


Ang isa pang pang-partikular na panlipunang identidad na lumabas mula
sa datos ng pag-aaral ay ang identidad ng isang partikular na grupo. Sa kasalukuyang
pananaliksik ang karamihan sa mga naging tagapagbatid ay miyembro ng grupong
Maranao. Ang pagiging Maranao ng mga tagapagbatid ay nangangahulugang mayroon
silang sariling kalinangan na maaaring iba o distinkto sa iba pang grupong Muslim tulad
ng mga Tausug, Maguindanao, at iba pa. Ito ay makikita sa sipi sa ibaba na mula sa
pakikipag-kuwentuhan ng mananaliksik sa isang babaeng Tausug ukol sa pagkakaiba ng
mga Maranao sa Tausug sa pagreponde sa paghalay sa kanilang ma ka-grupong babae.

Sinabi ni “AJ” (i.e., isa sa asawa ng tulay) na kapag ni-rape ang isang babaeng
Tausug ay gaganti raw ng matindi ang grupo nito. Napaka-halaga at sagrado
raw ng tingin ng mga Tausug sa kanilang kababaihan, at kapag ang mga ito
[kababaihan] ang inalipusta o niyurakan ang puri ay kadalasan daw na buhay
ang kabayaran (i.e., paghihiganti sa pamamagitan ng pagpatay). Nagkuwento
si “AI” ng isang pagkakataon na kung saan ay “hinanting” (hunting) ng isang
lalaking Tausug ang isang tao na nanghalay sa isang babaeng Tausug. Nang
makita daw ang salarin ay pinatay ito ng nasabing lalaking Tausug bilang
paghihiganti. Ngunit, dagdag pa ni “AJ” na iba ang mga Maranao, sapagkat
nadadaan daw sa kompromiso (i.e., pagbabayad ng pera) kung may nagawang
hindi maganda sa kanila ang ibang tao. Ani pa ni “AJ” na bukas o “open” ang
mga Maranao sa usapan at pakikipag-kasundo kapag sila ay na-agrabyado, di
tulad daw ng mga Tausug na kung “buhay ang inutang ay buhay din ang
kabayaran.” (Ika-19 ng Hulyo)

Pagdating sa pakikipag-ugnayan o pakikisalamuha sa ibang mga tao, mayroon


ding partikular na paniniwala ang mga Maranao. Dito ipinakita ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng empathy kung nais magkaroon ng magandang pakikipag-ugnay sa ibang
mga tao, lalu na yaong mga hindi ka-grupo. Ito ay makikita sa sipi sa ibaba, na mula sa
pakikipag-kuwentuhan ng mananaliksik sa isang imam.
Tinanong ng mananaliksik na kung mayroon bang turo o aral mula sa kulturang
Maranao ukol sa pakikipag-kapwa sa ibang tao (i.e., kasama ang mga hindi
Muslim). Sabi ni “IA” na may mga turo daw sa kanila ang mga matatanda na
“kung makikisalamuha at makikipag-kaibigan ka sa ibang tao ay kurutin mo ang
sarili mo, at kung ano ang maramdaman mo ay yaon din ang mararamdaman ng
iyong kapwa.” (Ika-25 ng Hulyo)

II. Mga Kadahilanan ng Pakikipag-ugnay ng mga Muslim

Base sa mga datos ng ginawang pananaliksik ay may iba’t-ibang dahilan ng


pakikipag-ugnay ng mga naging tagabagbatid sa kanilang mga ka-komunidad na
Kristiyano sa Batangas, batay na rin sa kanilang mga sariling naging mga
pangangailangan at karanasan. Ang mga ito ay makikita sa ibaba.

a. Sosyal/Interpersonal

Ang isa sa dahilan o layunin ng mga tagapagbatid para makipag-ugnay sa


kanilang mga ka-komunidad, partikular sa mga Kristiyano, ay ang sosyal/interpersonal
nilang pangangailangan na makakilala at makipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ay lalu na
kung bago pa lamang sa isang lugar ang isang Muslim, at wala pa gaano siyang kilala
dito. Makikita sa ibaba ang sinabi ng isang tagapagbatid tungkol dito.

Yung pamangkin ko po kasi yung anak ni Tita na bunso, yung si Fatima po,
ayun po, pinakilala po ni Fatima sa akin ng mga batang iyon. Sabi po ni Tita
para daw po may kasama ako dito. Tapos yun nakipagkilala po sila sa akin.
Dahil po doon kaya po naging magkaibigan kami. (Babae, 16 na taong gulang,
tindera, Tausug)
Pagkatapos ng ilang panahon ng pagsasama sa mga bagong naging kaibigang
sa lugar ay mas lumalim ang naging ugnayan ng tagapagbatid sa kanyang mga naging
kaibigang Kristiyano sa kanilang lugar sa Batangas. Ang mga dating simpleng
pakikipag-usap lamang ay napalitan ng mas “intimate” na paraan ng pakikipag-
kuwentuhan. Makikita ulit ito sa sinabi ng tagapagbatid.

Wala, tungkol lang po sa ano [yung pinagku-kuwentuhan naming], yun, yung


mga crush nila sinasabi nila sa akin kasi po sa kanila po ako lang yung
matanda. (Babae, 16 na taong gulang, tindera, Tausug)

b. Hanapbuhay

Ang sumunod na dahilan ng pakikipag-ugnay ng mga naging tagapagbatid sa


kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay dahil sa hanap-buhay. Karamihan sa
mga nakilalang Muslim ng mananaliksik sa lungsod ng Batangas ay pawang mga
negosyante. May mga tindahan sila ng sari-saring bagay, mula cellphones hanggang
mga sapatos. Naka-sipi sa baba ang pahayag ng isang tagapagbatid.

Ah ito naman ay nakarating kami dito sa Batangas na sa di sa aming sariling


pag isip, gawain, kundi ang nagpalaki sa amin dito mismo ang kami kasapi ng
(hindi itinuloy). Yan ang dahilan nandito kami, yan ang tinatawag na kasama
rin yan sa hanapbuhay. Naghahanap buhay at pano gumaganap ang (… hindi
maintindihan …), pano maligtas ang mabuti paano, maipagbawal ang
masama. (Lalaki, 34 na taong gulang, amirsab (misyunero) at tindero,
Maranao)

Makikita rin sa sipi ng mananaliksik sa kanyang pagmamasid ang pinag-


uusapan ng isang magkaibigang Maranao at Kristiyano ukol sa kung paano sila
makakakuha ng proyekto na pareho nilang puwedeng pagkakitaan.
Pinag-usapan nila [“A”, na isang Maranao, at “D”, na isang Kristiyano] kung
paano makakagawa ng project [sa construction] para pagkakitaan (Ika-23 ng
Mayo)

c. Makahanap ng makakatulong para sa pagpapa-unlad ng komunidad na Muslim

Ang isa pang dahilan ng mga naging tagapagbatid sa kanilang pakikipag-


ugnay sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay upang makahanap sila ng mga
taong maaaring makatulong sa kanila upang mas mapaunlad pa nila ang kalagayan ng
kanilang mga kapwa Muslim sa Batangas. Makikita ito sa sipi ng mananaliksik mula sa
kanyang ginawang pagmamasid.

Nag-uusap sina “A” [Muslim] at “D” [Kristiyano] tungkol sa pag-debelop ng


“area” ng mosque dito sa barangay Malitam. Pagagawaan daw ng madrasah
(i.e., Islamikong paaralan) sa tabi ng mosque, at patatambakan ng lupa ang
paligid nito para ito ay patagin. Binanggit naman ni “D” ang mga tao sa
pamahalang lungsod ng Batangas na maaaring lapitan para sa mga
kakailanganin para dito. (Ika-23 ng Mayo)

d. Paghahangad ng buhay na mapayapa sa komunidad na tinirahan

Ang isa pang nakitang kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga naging


tagapagbatid na Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay ang
paghahangad nila ng buhay na mapayapa sa komunidad na kanilang tinitirahan. Ang
mga tagapagbatid ay lahat ay dayo sa probinsiya ng Batangas, at halos lahat ay galing
at tubong Mindanao. Dahil sila ay maituturing na dayo sa Batangas, at hindi lumaki
kasama ang mga nakatirang Kristiyano dito, ay may pangangailangan silang mamuhay
ng tahimik kasama ng mga huli. Ang halimbawa nito ay makikita sa sipi sa baba, mula
sa panayam sa isang imam.
Unang una dahil sa kami ay Maranao, ang layunin namin ay kapayapaan, ang
mga Muslim kapayapaan ang layunin e [kaya] pumunta kami dito sa Maynila,
sa Batangas upang mamuhay ng mapayapa. (Lalaki, 48 na taong gulang, imam
at ustadz, Maranao)

e. Maipakita ang kagandahan ng Islam para makahikayat

Ang panghuling kadahilang nakita ng mananaliksik sa pakikipag-ugnay ng


mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay upang maipakita nila ang
kagandahan ng kanilang relihiyon sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Ang
kadahilanang ito ay buhat o galing sa paniniwalang Islam ng mga tagapagbatid, na kung
saan responsibilidad nila bilang mga “Tunay na Muslim” na makahikayat ng mga
maaaring sumunod sa turo ng Islam (i.e., maging Muslim) para mailigtas pagdating sa
araw ng kapangukom. Ayon sa isang tagapagbatid ay ang paghikayat ay magagawa sa
pamamagitan ng mabuting pakikipag-kapwa at pagpapakita ng kabutihang asal sa ibang
tao. Makikita sa ibaba ang mga halimbawang sipi ukol dito, mula sa pakikipag-
kuwentuhan ng mananaliksik sa isang imam (Ika-25 ng Hulyo).

Sabi pa ni “I.A.”: “Kung ikaw talaga ay totoong Muslim ay dapat ipakita ang
kagandahan ng Islam sa ibang tao. Dahil sa oras ng paghuhukom ay baka
masisi ka ng iba (i.e., mga hindi Muslim) dahil hindi mo ipinakita ang
kabutihang asal na siyang turo ng Islam.” Bagkus, para kay “I.A.” ay
responsibilidad ng isang totoong Muslim na mahikayat ang ibang tao [hindi
Muslim] sa Islam, dahil sa araw ng paghuhukom ay tatanungin ka ni Allah
kung nagawa mo ba ang responsibilidad mo na ituro ang tamang daan ng
Islam sa mga hindi nakakaalam nito.

Dagdag pa ni Imam Arab: “Kapag nakita ng mga tao ang isang tunay na
Muslim ay hindi nila (i.e., Muslim) kailangan pang gumamit ng salita para
mahikayat ang mga tao tungo sa Islam.”
III. Mga Uri ng Pakikipag-ugnayan (Pakikipag-ugnayan)

Bukod sa mga nabanggit sa itaas na dahilan ng pakikipag-ugnay, lumabas din


sa pananaliksik ang mga uri ng ugnayan sa pagitan ng mga naging tagapagbatid na
Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Apat ang uri ng mga pakikipag-
ugnayan ng mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ang ihahayag sa
ibaba.

a. Bilang Magkasintahan

Ang unang uri ng pakikipag-ugnayan na lumabas sa pananaliksik ay ang


romantikong relasyon ng dalawang magkasintahan, ang isa ay Muslim, samantalang
Kristiyano naman ang isa. Halimbawa nito ay ang isang naging tagapagbatid, na
dalagang Tausug. Ang nasabing tagapagbatid ay nagkaroon ng kasintahang Kristiyano.
Naging posible ang nasabing relasyon dahil sa pagiging bukas ng bawat sa relihiyon ng
kasintahan. Makikita ang maikling sipi sa ibaba, mula sa panayam sa nasabing
tagapagbatid.

Nagkaroon din po ako na boyfriend na Christian … Okay naman po yung


relasyon namin, tanggap naman niya po na Muslim ako. (Babae, 16 na taong gulang,
tindera, Tausug)

b. Bilang Magkapitbahay

Ang sumunod na uri ng pakikipag-ugnayan na lumabas sa pananaliksik ay ang


bilang magkapitbahay. Kadalasan ito ang uri ng ugnayan na namamagitan sa mga
tagapagbatid at ng kanilang ka-komunidad na Kristiyano. Marahil dahil sa ang mga
tagapagbatid ay nakatira sa isang komunidad na ang karamihang nakatira ay mga
Kristiyano. Ang ganitong uri ng ugnayan ay kakikitaan ng pagtutulungan ng mga kapit-
bahay, at ang halimbawa nito ay ang sipi mula sa panayam sa isang naging tagapagbatid.
Tulad ng kasi nagtitinda kami halimbawa nakikita nila kami, minsan may
bumibili sa amin, minsan nakita nila na nakatira kami doon, halimbawa may
tatanungin sila, sumasagot naman kami ng maayos. Tapos naging
magkakaibigan kami tulad ng kapitbahay namin sa Malitam ganyan ang
nangyayari.

Kami naman halimbawa kung kailangan namin yung mga [tulong] marami
diyan, tulad ng kailangan namin sa mga barangay na fund kukuha kami doon,
katulad din ng meron din kaming hihiraman sa kapitbahay namin na meron
silang hihiraman, merong gawaing nagpapatulong kami o merong kailangan
nila kami, dun kami nagkakaugnay. (Lalaki, 48 na taong gulang, imam at
ustadz, Maranao)

c. Bilang Magka-komunidad

Ang isa pang uri ng pakikipag-ugnayan na lumitaw mula sa pananaliksik ay


ang ugnayan bilang magka-komunidad. Ang partikular na pakikipag-ugnayan na ito ay
mas malawak kaysa sa bilang magkapitbahay sapagkat kasama dito ang ibang mga ka-
komunidad ng mga Muslim na hindi mismo nila kalapit sa tirahan. Sa madaling salita,
kasama dito ang mga ka-komunidad na Kristiyano ng mga Muslim sa iba’t-ibang
larangan ng komunidad, tulad ng tindahan, palengke, barangay, at iba pa. Makikita sa
ibaba ang halimbawa ng pakikipag-ugnayan ng isang lider Muslim sa kanyang mga ka-
komunidad na Kristiyano sa barangay, mula sa pagmamasid ng mananaliksik.

Sa palagay ng mananaliksik ay Kristiyano ang mga ito (i.e., dalawang lalaking


dumalaw sa tindahan ng lider na Muslim) at miyembro ng sangguniang
barangay sa Malitam (may suot na “t-shirt” na may nakalagay na “councilor”
ang isa sa mga nasabing lalaki, at lagi na ring nakikita ng mananaliksik ito na
humihimpil sa barangay hall). Mukhang may kailangan silang ilapit kay “A”
kaya sila nandoon. Sa basa ng mananaliksik ay hihingi ang mga ito ng tulong
tungkol sa isang bagay, o dili kaya ay may isasangguni ang mga ito kay “A”.
Dati pa kasi tumutulong sa barangay ng Malitam si “A” (ayon na rin kay “A.
M.”, isa sa asaw ni “A”). (Ika-18 ng Hunyo)

d. Bilang Magkaibigan/Magkapamilya

Ang huling uri ng pakikipag-ugnayan na nasaksihan ng mananaliksik ay ang


ugnayan bilang magkaibigan o magkapamilya. Pinagsama ang dalawang kategoryang ito
sapagkat nakitang tumutulay lamang sa isang spektrum ang mga nasabing uri ng
ugnayan. Sa dulo ng ispektrum ay ang bilang magkaibigan. Dito kadalasan nagsisimula
ang isang papalalim na ugnayan sa pagitan ng mga tagapagbatid na Muslim at kanilang
mga ka-komunidad na Kristiyano. Makikita ito sa sipi sa ibaba, na mula sa isang
panayam.

Tulad ng, minsan kasi may mga kaibigan kami na minsan namamasyal
sa amin o kaya kami ang namamasyal sa kanila pag may kailangan
kami sa kanila. Tulad din nila pag may kailangan sila sa amin
namamasyal din sila sa amin, yun naguusap usap kami ng magandang
pag uusap. (Lalaki, 48 na taong gulang, imam at ustadz, Maranao)

Ang ugnayang magkaibigan ay tumatawid papuntang magkapamilya kapag


nakaramdam na ng pakikipag-palagayang loob ang dalawang tao. Ang ganitong uri ng
ugnayan ay masasabing mas malalim kaysa sa dalawang taong magkakilala lamang. Ito
ay nasaksihan ng mananaliksik habang siya’y nakikiugaling pagmamasid. Halimbawa
nito ang ugnayan ng isang Kristiyano sa tulay ng mananaliksik. Ang dalawa ay matagal
ng magkakilala, kaya “brother” na ang tawag nila sa isa’t-isa.

Ang tawag ni “D” (Kristiyano) kay “A” (Muslim) ay “brother”. "Brother


din ang tawag ni “A” kay “D”. (Ika-23 ng Mayo)
Ang ugnayan bilang parang magkapamilya ay nasaksihan din ng mananaliksik
sa ugnayan ng isang tagapagbatid sa kanyang tinderang Kristiyano. “Tatay” ang tawag
ng tinderang Kristiyano sa kanyang amo na Muslim. Ito ay makikita sa sa sipi sa ibaba
mula sa pagmamasid ng mananaliksik.

Habang nakikipag-kuwentuhan ang mananaliksik kay Imam Arab ay lumapit


sa kanila ang tindera nilang si Ingrid. Sabi nito kay Imam Arab na “Tatay,
tinatanong po nila [dalawang babae na bumibili ng cellphone] kung magkano
daw po ang idadagdag [bayad] nila kung i-swap nila itong cellphone nila para
sa dito [tinitindang cellphone nina Imam Arab]?” (Ika-15 ng Hulyo)

Ang ugnayan bilang parang kapamilya ay personal na naranasan ng


mananaliksik habang siya ay nagmamasid kasama ang kanyang tulay. Ito ay makikita sa
mga sipi sa ibaba.

Ngunit nang nasa may pinto na siya ng mosque at isinusuot ang kanyang
sapatos ay hinabol at pinigil siya ni Ali. May dala-dalang mga “styropor” ng
pagkain si Ali at sinabing “brother kunin mo itong pagkain”. Hindi na
nakatanggi pa ang mananaliksik at malugod na kinuha ang pagkain,
pagkatapos ay nagpasalamat siya. Muli, nadama na naman ng mananaliksik
ang malugod ng pagtanggap at magandang pakikipag-kapwa sa kanya ng mga
Muslim. (Ika-13 ng Hunyo)

Pagkatapos ng ilang sandali ay lumabas na rin ng mosque si Ali. Nang makita


nito ang mananaliksik ay binati agad niya ng “musta na brother?” Kinamusta
naman din siya ng mananaliksik at sinabing “ayos naman po.” Pagkatapos ng
sandaling kumustahan ay inalok ni Ali ang mananaliksik kung gusto nitong
sumabay sa kanya pabalik ng Bagong Palengke [para sa pag-uwi], angkas sa
kanyang motor. Malugod namang pumayag ang mananaliksik sa imbitasyon
ni Ali. (Ika-18 ng Hulyo)
Dumating ang mananaliksik sa tindahan ni Ali sa may Bagong Palengke ng
1:47 ng hapon. Natagpuan niya dito si Ali. Sinabi ni Ali na “ano ang
mapaglilingkod ko sa iyo brother?” Kinamusta rin ng mananaliksik si Ali, at
habang ginagawa niya ito ay kumuha ng isang upuan si Ali para magamit ng
mananaliksik. Pagkatapos nito ay pareho silang naupo. Binanggit ng
mananaliksik na hanggang itong linggo na lang daw ang ginagawa niyang
pananaliksik at nais sana niya na linawin ang ilang bagay ukol sa asosasyon
ng mga Muslim sa lungsod ng Batangas. Tumungo [ng ulo] naman si Ali at
nakinig sa mga naging tanong ng mananaliksik. (Ika-21 ng Hulyo)

IV. Mga Gawain na nagpapatatag sa Ugnayan

Ang bahaging ito naman ay tutukoy sa mga lumabas na mga gawain na


masasabing nagpapatatag o nagpapatibay sa ugnayan ng mga Muslim sa kanilang mga
ka-komunidad na Kristiyano. Iisa-isahin ang mga lumutang na mga gawain.

a. Pagpapakita ng Pakikisama

Ang unang gawain na masasabing makakatulong sa pagpapa-tatag ng ugnayan


sa dalawang grupo ay ang pagpapakita ng pakikisama. Kailangang makiramdam o
makibagay ang isang tao sa iba para maiwasan ang mga hindi inaasahang hindi
pagkakaunawaan. Makikita sa ibaba ang dalawang halimbawa mula sa isang
tagapagbatid.

Sa pag ugnay naman sa mga kapatid na Kristiyano ay nasa pakikisama lang


yan. Pag pumunta ka sa isang lugar ang pakay mo ay kabutihan talagang
marami kang makukuhang kaibigan. Pero pag pakay mo ay karanasan na
talagang hindi mabuti. Yan lang ang nag aano sa mga kapatid, di marunong
makisama makibagay, tsaka wag lang gumawa ng kaguluhan, kinakailangan
lagi natin isipin ang kabutihan hindi yung puro masama. (Babae, 59 na taong
gulang, negosyante, Balik Islam)

Balik Islam, dati akong Kristyano, so I’m very friendly to them, and ganon din
sa Muslim kasi kailangan lang e pakisama, kumbaga, pakisama. Sino man siya
ano man siya marunong ka mag adjust ng sarili mo. Yun ang importante diba.
(Babae, 59 na taong gulang, negosyante, Balik Islam)

Hindi lang ordinaryong pakikisama ang kailangan para sa isang maayos na


ugnayan sa isang ka-komunidad na Kristiyano. Ayon sa isang tagapagbatid, mayroong
tinatawag na katamtaman na pakikisama. Ito ay ang hindi pag-kunsinti sa mga
nakikitang masasamang ginagawa ng mga ka-komunidad, ngunit hindi rin namang ganap
na pag-kondena sa kanila. Kumbaga nga ay hinay-hinay lang na pagpapaala-ala sa kanila
[ka-komunidad] sa mga nakikitang mali nilang ginagawa. Makikita sa ibaba ang
halimbawa nito, mula sa nasabing tagapagbatid.

Ang pag uugnay naman may dahilan yan, kumbaga gumagawa tayo ng paraan
pano natin makakausap yung mga kapatid natin na Kristyano kapatid natin na
Muslim, tapos yun, kumbaga sabi ni Ate na yun kinakailangan marunong tayo
makisama. Halimbawa kung ano nga ang, tapos sinasabi nila gumagawa sila
ng masama katulad ng nag aano [umiinom] sila ng alak, nagaano siya ng
masama, wag mong masyadong idiin sa tao, kinakailangan lahat, diyan kayo
magkakasundo e. Pero pag nakita mo siya’y umiinom ng alak o kaya
gumagawa ng iba, sugal, dapat ano, e talagang magaaway kayo.
Kinakailangan unti unti wag mong biglain, na sabi mo pare, bawal ang inom,
masama yan. E siguradong magaaway kayo. Kinakailangan yung katamtaman
lang na pakikisama, yung “pare, ayos yan” kumbaga pagbigyan mo pero
kausapin mo rin na mapaalis yung mga ganyang bisyo na masasama. Kaya
dapat dinadahan dahan lang. Diyan natin makakasundo ang mga tao. (Lalaki,
34 na taong gulang, amirsab (misyunero) at tindero, Maranao)
b. Pagsasagawa ng mga proyekto na makakatulong sa pamumuhay ng mga ka-
komunidad

Ang pagsasagawa ng mga proyekto para bilang pagtulong sa ibang mga tao sa
komunidad ay isang gawain na nagpapatatag sa ugnayan ng mga tao sa komunidad.
Tulad ng nabanggit sa unahan, mahalaga sa tao ang paghahanap-buhay. Ito ay isang
dahilanan ng pagsisimula ng ugnayan sa iba. Makikita sa ibaba ang halimbawa nito na
ibinahagi ng isang tagapagbatid.

Mayroon kaming, ngayon, may isinasagawa kaming proyekto, ako, may plano
ako, pero actual na maggagawa yung pagtutulong dun sa mga bata o masa na
lalo mapalapit sila na nagtutulungan ang Muslim at Christian. Oo pwede
doon magtrabaho ang Christian, kasi diyan sa environment namin diyan sa
[barangay Malitam] ang daming kailangan ng [work training] kasi maraming
mga walang trabaho. Kagaya ng mga Badjao, walang mga trabaho. Kailangan
more na i-ano mo sila, more na magkatrabaho na maayos para hindi na
magpapaligoy sa daan. Nakausap ko ang isang konsehal, "pag may
pagkakataon kunin mo ang iba sa kanila at [i-training] mo para matututo yun"
[konsehal]. Yun siguro ang pagkakakataon na ang Muslim at ang Kristyano
magkasama sama sa isang trabaho. (Babae, 59 na taong gulang, negosyante,
Balik Islam)

c. Pagkakaroon ng kababaang-loob at kabutihang-loob

Ang pagkakaroon ng kababaang-loob at kabutihang-loob ay sinasabing


makakatulong sa pagpapatatag sa ugnayan ng dalawang grupo. Ang mga ito ay
tumutukoy sa pakikitungo sa ibang tao, partikular sa mga hindi ka sariling-grupo.
Makikita sa ibaba ang isang sipi nito mula sa obserbasyon at pakikipag-kuwentuhan ng
mananaliksik sa isang imam.
Nagdiskas si “I.A.” tungkol sa Islam. Binanggit ni “I.A.” ang tungkol sa
pangangailangan sa pagkakaroon ng tao ng kababaang-loob. Ito raw ay
kailangan para sa pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa, lalu na sa mga hindi
niya ka-grupo. Mahalaga raw ang pagwawaksi ng “gap” sa pagitan ng mga
grupo ng tao. Halimbawa nito ay sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano.
Dagdag pa niya na mahalaga rin sa tao ang pagkakaroon ng kabutihang-loob,
ito’y para raw maayos ang pakikipag-kapwa sa iba. (Ika-23 ng Mayo)

d. Pagrespeto sa Paniniwala ng Iba

Ang lutang na pagkakaiba ng mga Muslim at Kristiyano ay ang relihiyon.


Itong bagay na ito ang maaaring maging salik ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang
grupo. Kaya ayon sa isang tagapagbatid, magkaiba man ang paniniwala ng dalawang tao
ay maiiwasan pa rin ang alitan basta handa silang magbigay ng respeto sa isa’t-isa. Ang
halimbawa nito ay makikita sa sipi sa ibaba, mula sa pagmamasid at pakikipag-
kuwentuhan ng mananaliksik sa kanyang tulay at sa isang asawa nito.

Sa huli, biniro ni “A” ang mananaliksik na sana balang-araw ay mag Balik


Islam na din ito. Ngumiti lang ang mananaliksik. Bigla namang sinabi ni
“A.M.” na hindi daw dapat maging pilitan ang pag “convert”, bagkus ay dapat
magkaroon ng respeto sa iba’t-ibang pananampalataya ng bawat tao. Dagdag
pa ni “A.M.” na kahit kailan daw ay walang mananalo kapag ang mga
relihiyon na ang naging paksa ng debate o argumento. Ang mahalaga lang
daw ay ang respeto sa kanya-kanyang paniniwala ang isa’t-isa. (Ika-23 ng
Mayo)

e. Pagbabahagi ng mga Kaalam ukol sa Islam, para sa kaliwanagan ng ka-komunidad na


Kristiyano

Isang gawain na maaaring makatulong sa pagpapatatag o pagpapatibay ng


ugnayan ng dalawang grupo ay ang pagbabahagi ng mga kaalam ukol sa Islam ng mga
Muslim, para sa kaliwanagan o kaalaman ng ka-komunidad nilang hindi pamilyar dito.
Ang pagkakaroon ng karunungan sa relihiyon o kalinangan ng isang tao ay makakatulong
sa mas maayos na unawaan sa pagitan ng mga grupo. Makikita sa ibaba ang ilang sipi
mula sa obserbasyon at pakikipag-kuwentuhan ng mananaliksik sa mga naging
tagapagbatid.

Tinuruan ni “I.A.” ang mananaliksik tungkol sa Islam. Sabi niya na may


dalawang importanteng pista o okasyon raw ang mga Muslim, ito ay ang “eid
il-ftr” at “eid il-adha”. Sabi niya na ang “eid il-ftr” ay okasyon na kung saan
ang mga Muslim ay may obligasyong magpakita ng kawang-gawa sa ibang
tao, ang mga ito man ay Muslim o hindi. Ang okasyong ito ay ginaganap
pagkatapos ng Ramadam, na banal na buwan para sa mga Muslim. Sa
panahon ng Ramadam ay nagtitika ang mga Muslim, na kung saan hindi sila
kumakain, umiinom, nakikipag-talik sa buong araw, mula pagsikat hanggang
sa paglubog ng araw. Maski raw ang pagnanasang sekswal ay ipinagbabawal.
Ang “eid il-adha” naman ay nagaganap dalawang buwan at labing-limang
araw pagkatapos ng “eid il-ftr”. (Ika-23 ng Mayo)

Nang bumalik si “A” ay niyaya nito ang mananaliksik na pumunta sa ISCAG


(Islamic Studies Call & Guidance - Philippines). Ito ang malaking Islamic
center na matatagpuan sa Cavite. Dito raw maganda magsagawa ng
pakikipanayam, at marami matutunan tungkol sa Islam. Sasakay daw sila sa
motorsiklo niya (“A”). Pumayag namang sumama ang mananaliksik sa
imbetasyon ni “A”. Dito muli naramdaman ng mananaliksik ang pagiging
bukas-palad at mapagbigay ni “A”. (Ika-23 ng Mayo)

Sinabi ni “I.A.” na papayagan daw niyang ipabasa ng Quran sa mananaliksik.


Ngunit seryoso niyang [“I.A.”] pinaalalahanan ito na dapat dalisay lang ang
intensyon ng mananaliksik sa pagbabasa nito. Sa pakiwari ng mananaliksik,
ang ibig sabihin ni “I.A.” ay dapat walang masamang intensiyon o “ulterior
motives” ang mananaliksik kapag babasahin niya ang Qur’an. Bukod dito,
nakaramdam ng kagalakan at karangalan ang mananaliksik sapagkat
pagkatapos ng isang buwan ng pakikipag-ugnay kay “I.A.” ay
pinagkatiwalaan siya [mananaliksik] nitong ipabasa ang sagradong libro nila
[Muslim]. Hindi kailanman hiniling ng mananaliksik kay “I.A.” na ipabasa sa
kanya ang banal na Qur’an, kaya isang pagtitiwala ang dating nito sa
mananaliksik. (Ika-26 ng Hunyo)

f. Pagbabahagi ng mga Kaalaman ukol sa mga bagay-bagay na maaaring makatulong sa


ka-komunidad na Kristiyano

Isa pang pagbabahagi na maaaring makatulong sa pagpapatatag ng ugnayan


ng mga grupo ay ang pagbabahagi ng mga kaalaman ukol sa mga bagay-bagay na
maaaring makatulong sa ikagiginhawa ng kapwa. Makikita sa ibaba ang isang sipi na
nagpakita ng pagbabahagi ng isang tagapagbatid ng kanyang nalalaman para makatulong
sa kanyang ka-komunidad.

Galing lang sa lagnat si ”D” (Kristiyano). Nagpakonsulta daw siya kay Dr.
Gonzalez. Ikinuwento ni ”D” (Kristiyano) ang kanyang karanasan sa lagnat.
Binanggit naman ni “A” (Muslim) ang kanyang mga sakit tulad ng
altapresyon, ubo, at diyabetes. Sa pag-uusap nila, sinuhestiyon ni “A”
(Muslim) ang isang parteng ng punong saging na mainam isama sa mga lutuin
sapagkat ito raw ay nakakagaling sa sakit na diyabetes. Napunta dito ang pag-
uusapan sapagkat nabanggit ng mananaliksik na may sakit din ang kanyang
ina ng diyabetes. (Ika-23 ng Mayo)

g. Pag-aasikaso sa mga bisita o pagpapakita ng Hospitalidad

Itong partikular na gawaing ito ay personal na nasaksihan ng tagapagbatid ng


ilang ulit. At sa obserbasyon ng mananaliksik ay ito nga ay nakakatulong sa
pagpapatibay ng ugnayan ng mga Kristiyano sa mga ka-komunidad nilang Muslim.
Ito ay maaaring makita sa pagkain/inumin, akomodasyon, at pagtugon sa mga
espisipikong pangangailangan. Makikita sa ibaba ang ilang mga halimbawa na mula
sa obserbasyon at pakikipag-kuwentuhan ng mananaliksik sa mga naging
tagapagbatid.

Naupo lang ang mananaliksik sa isang monobloc na upuan na


inihandog ni “I.A.” sa tabi (labas) ng pinto ng mosque. Inanyayahan ni
“I.A.” ang mananaliksik kung gusto niya pumasok, ngunit dahil sa
nahihiya pa ang mananaliksik ay sa labas na lang muna nga ng pinto
siya umupo para magmasid. Para sa mananaliksik ay ito’y isang
pagpapakita pa rin ng maluwag na pagtanggap ni “I.A.” sa
mananaliksik. (Ika-23 ng Mayo)

Hinainan ang mananaliksik at si ”D” (Kristiyano) ni Ali ng Coke,


tinapay, at kape. Ipinabili pa ni “A” ang kanyang batang anak (nasa
edad 7 – 10) ng nasabing Coke at tinapay. (Ika-23 ng Mayo)

Naghanda ng tanghalian para kina Ali (tulay) at sa mananaliksik si


“A.M.” (isa sa asawa ni Ali). Pagdating ng pagkain ay sumalo na rin sa
kainan si “A.M”. Malugod na niyaya nina Ali (tulay) at “A.M.” (isa sa
asawa ni Ali) ang mananaliksik para kumain. Hindi pa gusto kumain
ng mananaliksik dahil busog pa siya, ngunit ayaw naman niyang
tanggihan ang maayos na alok nina Ali (tulay) at “A.M.” kaya malugod
na rin siyang pumayag. Sa imbetasyong sa pagkaing ito ay
naramdaman ng mananaliksik ang kagaanang-loob sa mag-asawa
dahil sa kanilang bukas-palad na pagtanggap sa kanya. (Ika-23 ng
Mayo)

Niyaya ni “A” (tulay) ang mananaliksik na kumuha ng pagkain. Nang


maramdaman ni “A” (tulay) na medyo nahihiya ang mananaliksik sinabi
niyang parang “charity” daw ito, at para sa lahat ng tao hindi lang para
sa mga Muslim na nandoon. Ganito rin ang sinabi ng isang lalaki na
kasama ni “A” (tulay) sa mananaliksik. Kaya pumayag na rin ang
mananaliksik. Si “A” (tulay)mismo ang kumuha ng pagkain at Zesto
para sa mananaliksik. Malugod naman itong tinanggap ng
mananaliksik kahit na medyo nahihiya pa rin siya, kasi sa isip niya na
marami pang tao ang mas puwedeng pagbigyan nito, tulad ng iba
pang mga Muslim na nakatira sa paligid ng mosque. Dito
naramdaman ng mananaliksik ang hospitalidad na ginagawa ng mga
Muslim, partikular para sa kanya. Sa pakiwari ng mananaliksik ay ito’y
pagpapakita ng kanilang (Mosque) bukas-palad sa ibang tao na hindi
nila ka-relihiyon. (Ika-30 ng Mayo)

Nagpaalam muna ang mananaliksik kay “I.A.” (imam) kung puwede


siyang pumasok at manood sa loob ng mosque habang ginaganap ang
sambayang. Sagot ni “I.A.” (imam) na pangiti na “bakit naman hindi”.
(Ika-13 ng Hunyo)

Habang nag-uusap ang dalawang lalaking Maranao, ang amirsab, at


ang mananaliksik ay naglabas ng apat na tasang kape ang asawa ng
isang lalaki. Natawa ang amirsab at ang mananaliksik sapagkat
pangatlong pa-merienda na ito nila sa loob lang ng isang oras, sa iba’t-
ibang bahay ng mga Muslim. Sabi ng amirsab sa mananaliksik na
“ganyan talaga sa aming mga Muslim”. Ibig sabihin nito ay magaling
sa hospitalidad ang mga Muslim. Inaalagaan talaga nila ang kanilang
mga bisita. (Ika-27 ng Hunyo)

h. Pagiging bukas para sa pakikipag-Ugnay o Ugnayan sa Ibang-grupo

Ang isa pang gawain na maaaring makapagpa-tatag sa ugnayan ng mga grupo


ay ang pagiging bukas para sa pakikipag-ugnay. Ang pagiging bukas sa pakikipag-ugnay
ay para na ring bukas sa mga magiging posibilidad na maaaring magmula sa pakikipag-
ugnay sa ibang grupo. Sa karanasan ng isang tagapagbatid, ito ay nakita sa larangan ng
pakikipag-kaibigan at pakikipag-kasintahan. Makikita ito sa ibaba.

Sabi ko wala akong magawa kung ayon ang gusto nila. Kung bakit
hindi naman masama makipagkaibigan sila sa akin. Wala naman
mawawala kung makipagkaibigan sila. Ganon lang po sabi ko. (Babae,
16 na taong gulang, tindera, Tausug)

M: Pero kung ikaw papipiliin walang problema? (Pinapag-hiwalay ng


magulang ang tagapagbatid sa kanyang Kristiyanong kasintahan)
D: Opo. Wag lang po siya kumain ng baboy.
M: Ah okay so pwede ka magka boyfriend na Kristyano basta wag lang
siya kumain ng baboy?
D: Opo.
(i.e., M: Mananaliksik; D: Tagapagbatid na Babae, 16 na taong gulang,
tindera, Tausug)

i. aggawa ng mga bagay na matuwid

Ang panghuling gawain na maaaring magpapatatag sa ugnayan ng mga


Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay paggawa ng mga bagay na
matuwid.

Distributor din siya (“A”) ng NFA rice sa ilang lugar sa lalawigan ng


Batangas. Sabi ni “A” ay hindi niya hinahaluan ang Sinandomeng rice
ng NFA rice na kanyang tinitinda, sapagkat para sa kanya ay tulong na
niya ito para sa bayan. (Ika-23 ng Mayo)

Binanggit sa kuwentong ito ni “A.J.” (asawa ng tulay, tindera) na may


mga tinda sila ng mga pares ng sapatos na hindi magkakapantay ang
haba (i.e., dahil hindi ito ang mga eksaktong mga kapares). Ngunit
sinabi niya na hindi daw nila itinago ang impormasyong ito mula sa
mga tao na bumibili ng kanilang mga paninda. Ayaw daw nilang
maging mandaraya sa kanilang pagtitinda sa mga tao. Ngunit sa
kabila ng impormasyong ito, na sinabi sa mga bumibili ng kanilang
mga paninda, ay tinanggap at binili pa rin ito ng mga tao. (Ika-19 ng
Hulyo)

V. Balakid sa Pakikipag-ugnayan

Makikita sa ibaba ang mga lumitaw na mga balakid sa pakikipag-ugnayan ng


mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Sa partikular na pananaliksik
na ito ay ang karanasan ng mga Muslim ang pinagtuunan ng pansin. Ang mga balakid na
ito ay nakakahadlang sa maayos na pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang mga ka-
komunidad na Kristiyano. Ngunit base sa mga nakalap na panayam at kuwento mula sa
mga tagapagbatid ay hindi nito (i.e., mga balakid) tuluyang kayang iwaksi ang
pagkakaroon ng maayos o matatag na pakikipag-ugnay sa pagitan ng mga grupo.

a. Hindi Magandang Karanasan sa Ibang-grupo

Isa sa mga balakid sa pakikipag-ugnayan ng mga Muslim sa kanilang ka-


komunidad nilang Kristiyano ay ang pagkakaroon nila ng mga hindi magandang
karanasan o hindi pagkakaunawaan sa ibang grupo, partikular ang ka-komunidad nilang
Kristiyano. Ngunit ayon sa mga naging salaysay ng mga tagapagbatid, ang mga hindi
magagandang karanasan ay puwedeng lampasan. Sa madaling salita, hindi pa rin
mapipigil nito ang pakikipag-ugnay nila sa mga ka-komunidad nilang Kristiyano. Sa
ibaba makikita ang ilang halimbawa mula sa mga ginawang pakikipanayam.

Nung bumili po ako ng pagkain, (ano nangyari?) nun padaan po ako sabi
po sa akin ng mga lalaki, di nag aano po siya (i.e., lalaking Kristiyano) ng
tubig, sabi po niya, hay nako sana mabasa yung dumadaan. E ako lang
po yung dumadaan, tapos nainis po ako. Sabi ko ako ba yung
pinariringgan mo? Wala naman akong ginawa sayo. Sabi niya oo kasi daw
halos daw lahat ng kaibigan niyang lalaki ako lang daw yung pinapansin
siya hindi pinapansin. Parang nagselos po siya sa akin. (Babae, 16 na
taong gulang, tindera, Tausug)

Ah sa tagal ko dito ay wala pa naman sa mga kapitbahay namin. Wala


namang nangyari. Nung lang unang una pa nga kaming tumira dito,
minsan minsan, may mga hindi maiwasan na yung mga kabataan
[Kristiyano] o kaya yung medyo mahihirap [squatter] ay pwede nilang
kunin yung hindi sa kanila. Tulad ng pagka tama ng typhoon, mga
[sinampay na damit] namin na lumipad ay tinanguhan [kinuha] ng mga iba
[kapit-bahay na Kristiyano], hindi naman lahat. Pero nabawi naman.
(Lalaki, 48 na taong gulang, imam at ustadz, Maranao)

Oo dito sa lugar. Kung minsan may mga nagrereport diyan na may


nagsusuntukan na teenager, ganon lang. Yung sympre pagsigahan [siga],
“ah matapang kami, Christian kami, anong maging Muslim kayo!” (Babae,
59 na taong gulang, negosyante, Balik Islam)

b. Hindi Magandang Pananaw sa Ibang-grupo (i.e., Kristiyano)

Ang isa pang lumitaw na balakid sa isang maayos na ugnayan sa pagitan ng


mga tagapagbatid sa kanilang mga ka-komunidad nilang Kristiyano ay ang hindi
magandang pananaw nila sa mga ito. Ang pagkakaroon nito ay sinasabing
nakakahadlang o nagsisilbing balakid sa isang maayos na pakikipag-ugnay. Ngunit tulad
ng nabanggit sa itaas, ang mga pananaw na ito ay hindi kayang tuluyang iwaksi ang
pagkakaroon ng maayos o matatag na pakikipag-ugnay sa mga ka-komunidad na
Kristiyano ng mga Muslim. Sa ibabang sipi, makikita ang hindi magandang pananaw ng
isang imam sa mga ka-komunidad na Kristiyano dahil sa di-magandang pagkilos (i.e.,
pag-inom ng alak) at di-maayos na pananamit ng mga ito.
Sa akin, sa akin lang isip, ang ano ko lang na hindi nakakabuti o hindi
maganda, yung ano lang naman yung, pag iinom ng alak, kasi pag
nakakainom ng alak, iba na ang kwan niya, ang isip niya kumbaga
dapat meron nagwawala meron naman dinadaan sa tulog. Pangalawa
yung sa, sa Islam kasi kailangan ang mga babae ay naka sapin
nakabalot ang mga katawan nila, kasi para hindi makita ng mga tao,
mga kalalakihan na makagawa sila ng mga kamalian o ano yun
kalandian ba yun. Yun. (Lalaki, 48 na taong gulang, imam at ustadz,
Maranao)

c. Maling Persepsyon ng mga Kristiyano sa mga Muslim (i.e., pagtitipo/pag-uuri,


pagkakaroon ng pagkiling)

Ang mga huling “set” na balakid sa pakikipag-ugnay ay ang pagkakaroon ng


mga maling persepsyon, pagkaunawa, o pagkiling ng mga Kristiyano laban sa mga
Muslim. Sa ibaba makikita ang tatlong mga halimbawa nito, mula sa pakikipanayam at
pakikipag-kuwentuhan ng mananaliksik sa mga tagapagbatid.

Ang hirap naman sa ganyan, kaya minsan kasi Christian, mga reporter
tsaka mga Muslim hindi magkakasundo baka may gumawa ng krimen
na animo ay Muslim, sabihin nila Muslim hindi itinutukoy kung siya ay
Maguindanao Tausug o Maranao. Pagka sinasabi, minsan sa balita, ito
si “krimen” nanghostage ang Muslim. Masyado. Ang ibig sabihin sa
Muslim, damay lahat. Buong Muslim. Lahat ng Muslim ay nadamay.
Kinakailangan diyan pag ka may gumawa ng krimen ay tukuyin kung
ano siya Maranao Tausug o kung ano siya, Maranao o Maguindanao.
(Lalaki, 34 na taong gulang, amirsab at tindero, Maranao)

Kaya siguro hindi maintindihan ng karamihan. Ang Muslim kasi pag


sinabi Muslim, sumusunod ka sa batas ng Islam. Pag yung mga iba na
kumbaga, sabihin na natin, Moros ka na nagalit sila. Yung hindi
nakakaintindi. Parang sa atin hindi natin masabi ang ___ sa ano no,
yung mga propesyonal yan, pero iba naman sa Muslim. Pero iba
talaga sa Muslim. Pag tinawag mo sila na Moros ay talagang aawayin
ka. Ganon na nga po, ah, ang nagiging negatibo diyan yung hindi nila
matanggap, ang Muslim hindi nila matanggap. Minsan mayroon sila na
“ah Muslim yan, masama” ganito ganon mga traydor yan. Kasi ang
kasabihan nga nila sa Muslim ay sa patalikod pag ginaganon kayo ng
Muslim. Yun ang negatibo. Na dapat unti unti mo ipa ano iparating,
ipahiwatig sa kanila na pareho lang tayong Pilipino. Wala sa ating iba,
ang ating religion, ang ating Allah, isa lang. Nasa tao nga yung, kung
pano mo iaccept yun at pano mo sila pakikitunguhan. Yun din ang
igaganti sayo. (Babae, 59 na taong gulang, negosyante, Balik Islam)

Patuloy na nagkuwentuhan ang mananaliksik at ang tatlong


kalalakihang Samal. Itinuloy nila ang pakikipag-kuwentuhan ukol sa
Islam, pati ang mga kaguluhan sa Mindanao. Binanggit ng isa sa mga
lalaki na hindi raw tama minsan ang nababanggit sa media ukol sa
Islam at mga Muslim. Para sa kanya ay may pagkiling ang ibang mga
mamamahayag, lalu na kung ang istorya ay tungkol sa mga Muslim na
nasasangkot sa gulo. Dito raw ay laging binabanggit o ikinakabit ang
salitang “Muslim” sa mga nagiging suspek (hal., pusher na Muslim).
Ngunit bakit daw kung Kristiyano ang gumawa ng kamalian ay hindi
naman ito binabanggit na Kristiyano (hal., pusher na Kristiyano). (Ika-
23 ng Mayo)

VI. Paraan para sa Pagre-Resolba ng mga Alitan

Pagkatapos tanungin ng mananaliksik ang mga naging tagabagbatid tungkol


sa mga naging alitan o hindi- pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Muslim at ng kanilang
mga ka-komunidad na Kristiyano ay isinunod naman ang katanungan ukol sa mga
paraang ginamit upang maresolba ang mga naging alitan. Makikita sa ibaba ang ilang
kategorya na lumitaw mula sa kasagutan sa nasabing tanong, pati na rin sa mga
oberserbasyong ginawa ng mananaliksik.

a. Mabuting Pakikipag-usap

Ang pinaka-palagiang nauulit na konsepto kapag ang paraan na ng pagresolba


ng mga alitan ang pinag-uusapan ay ang pagsasagawa ng mabuting pakikipag-usap. Sa
ibaba makikita ang tatlong halimbawa nito, mula sa pakikipanayam at
pagmamasid/pakikipag-kuwentuhan.

Una una idadaan natin yan sa Santong dasalan. Alam mo yung mga
tao talaga meron yang parang sapan, yung dugo niya kumukulo pagka
ano palalamigin natin yun idadaan natin sa usapan kasi lahat naman
ng kwan [alitan o hindi pagkakaunawaan] nadadaan naman sa usapan
yan. Bago pumutok o lumaki, dapat idaan na sa magandang usapan
yan. At kung sino ang tama, siya ang gawing tama, at kung sino ang
mali, aminin niya ang pagkakamali niya. Kay Maranao ka man, kay
Christian ka man, yan ang gagawin. Kumbaga sa sasakyan pag ikaw
ay, ang sasakyan na dumadaan papunta sa silangan yun isa naman
ay papunta sa kanluran pag hindi nagbigay ng lugar talagang
magkakabanggaan yan. Dapat maglugar ang bawat isa. (Lalaki, 48 na
taong gulang, imam at ustadz, Maranao)

Tinanong ng tulay na si “A” [parang irita ng konti] sa kanila (taga-singil


sa biniling motorsiklo) kung bakit hindi pa niya nakukuha ang plaka ng
kanyang motorsiklo. Mahinahong sagot naman ng isa na dahil daw
hindi pa nakakabayad si “A”. Sagot naman ni “A” na nagsara na yung
opisina nila kaya hindi na niya alam kung saan siya magbabayad. Sa
kinalaunan ay nagkaunawaan din sila. Aasikasuhin na lang daw ni “A”
ang tungkol sa bayad sa motorsiklo pati ang sa plaka nito
kinabukasan, sapagkat may kinakausap pa nga siya ngayon tungkol
sa isang problema ng mga Muslim sa Batangas. Sabi ng isang
matandang Muslim (na kasama ni “A”), na sinang-ayunan din naman
ng lalaking naka-motorsiklo (Kristiyano), na walang problema na hindi
kayang maayos ng isang mabuting usapan. (Ika-18 ng Hunyo)

Kinamusta ng mananaliksik si “A” tungkol dun sa “problema” ng mga


Muslim sa ibang tao na kanyang binanggit noong isang araw. Sabi
naman ni “A” na naayos na daw yung naging problema. Nadaan na
daw sa mabuting usapan. (Ika-24 ng Hunyo)

b. Pagtulong ng asosasyon ng mga Muslim at ng barangay sa pag-aayos ng mga Alitan

Ang ikalawang tema na nakita ng mananaliksik na paraan sa pagreresolba ng


mga alitan, at maski pagtugon sa mga problema ng ibang tao, ay ang importansya ng mga
lider na Muslim sa kanilang komunidad. Sila ang nagsisilbing taga-pagitan ng kanilang
mga ka-grupo sa mga ka-komunidad nilang Kristiyano kapag may mga problema o
pangangailangan na lumilitaw. Ang mga lider din ang nagsisilbing mga sumbungan ng
mga kasama niyang mga Muslim kapag nagkakaroon ng mga problema o alitan ang mga
ito sa ibang tao, partikular sa mga ka-komunidad nilang Kristiyano. Kadalasan ay
katulong at katuwang ng mga lider na Muslim ang barangay sa pagsasaayos ng mga
alitan sa pagitan ng komunidad na Muslim at komunidad na Kristiyano sa Batangas.
Makikita sa ibaba ang halimbawa ng mga ito, mula sa panayam at pagmamasid ng
mananaliksik.

Hindi kasi yung asawa ko hindi isa siya sa pangulo sa Batangas.


Pinuntahan ho siya, nagsumbong ng pangyayari, nagkaroon ng
amicable settlement. Na naayos ho yun, sympre negosyo eh hindi
sinadya. Di ko alam kung ano talaga pero nun huli na nagkaayusan
dahil sa police na e. Usually ganon sa negosyo eh. (Babae, 59 na
taong gulang, negosyante, Balik Islam)
Sa obserbasyon ng mananaliksik ay puntahan ng mga tao si “A” kung
may problema siya. Maaaring dahil kasalukuyang pinuno siya ng
asosasyon ng mga Muslim sa lungsod ng Batangas. At sa tingin pa ng
mananaliksik ay parang “coordinator” of “facilitator” si “A” dahil sa dami
siguro ng kanyang mga “network” ng kakilala. Ang “network” na ito ay
nasa linya ng negosyo, pulitika, at iba pa. Dahil dito, siya (marahil) ang
“go-between” sa pagitan ng mga Muslim sa iba pang mga tao sa
komunidad. (Ika-30 ng Mayo)

Ayon sa tulay na si “A”, sa “peace and order” (i.e., na isa sa tungkulin


ng asosasyon ng mga Muslim sa lungsod ng Batangas) naman daw ay
ang pagpapayapa kung mayroong mga kaguluhan sa pagitan ng mga
Muslim at kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Kalakip sa
gawaing ito ang pagsasaayos ng mga hindi pagkakaunawaan sa
dalawang nasabing grupo kung mayroong mga pagkakataon ng hindi
pagkaka-intindihan. Nadadaan naman daw sa mabuting usapan ang
mga gusot o alitang ito. (Ika-21 ng Hulyo)

Halimbawa ng karanasan ng alitan sa pagitan ng mga Muslim at mga


ka-komunidad nilang Kristiyano ay ang paglalasing at pagwawala raw
(ayon kay “A”) dati ng huli. Dahil sa mga insidente ng paglalasing at
pagwawala ay nagkaroon ng mga pagkakataon ng pag-aaway at
tensiyon sa pagitan ng mga dalawang grupo. Ang asosasyon ng mga
Muslim, kasama ang pamunuan ng barangay (i.e., sa Malitam), ang
umayos sa mga away na ito. (Ika-21 ng Hulyo)

VII. Mga Magagandang Kinahinatnan ng Ugnayan

Ang panghuling punong kategorya na lumitaw mula sa pananaliksik ay ang


mga magagandang kinahinatnan ng ugnayan sa pagitan ng mga tagapagbatid na
Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. May anim na lumitaw na kaakibat
na kategory ang nasabing punong kategorya. Ang mga ito ay ilalahad sa ibaba.

a. Pagtibay ng Samahan

Ang unang lumabas na magandang kinahinatnan ay ang pagtibay ng samahan


ng mga Muslim at Kristiyano. Ayon sa mga tagapagbatid, bunga ng masasabing
magandang pakikipag-ugnay at pakikisalamuha nila sa kanilang mga ka-komunidad na
Kristiyano ay tumibay ang samahan nila sa isa’t-isa. Halimbawa nito ay ang pahayag ng
isang dalagang Tausug ukol sa estado ng samahan nila ng ibang mga dalagang Kristiyano
sa may Bagong Palengke, Lungsod ng Batangas.

Tumibay po [samahan] … Kasi po hanggang ngayon di parin kami


(i.e., kaibigang mga dalagang Kristiyano) nagkakalayo, wala parin
pong kumakalas samin kahit isa. (Babae, 16 na taong gulang, tindera,
Tausug)

b. Pagkakaroon ng Pagtutulungan at Kooperasyon

Ang ikalawang nakitang magandang kinahinatnan ng ugnayan ng mga naging


tagapagbatid na Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay ang
pagkakaroon ng pagtutulungan at/o kooperasyon sa isa’t-isa. Isang halimbawa nito na
lumabos mula sa datos ay ang pagtutulungang naganap sa pagitan ng asosasyon ng mga
Muslim at mga ka-komunidad nilang Kristiyano sa barangay Malitam. Dahil maganda
ang naging ugnayan ng dalawang grupo noong mga lumipas na panahon ay hindi nag-
atubili ang mga Kristiyano sa komunidad na makisangkot at tumulong sa proyekto na
pinasimulan ng mga Muslim.

Nagtutulong sila. Pag may project kami kagaya ng project namin sa


Malitam pag kailangan mo yung [tulong ay] nagtutulong sila. Kagaya
nung nag operate kami ng gabi nandun sila so maganda ang naging
resulta. (Babae, 59 na taong gulang, negosyante, Balik Islam)

c. Magandang Pakiramdam

Sa buong pananaliksik ay dito sa bahaging ito lamang ng resulta lumabas ang


aspetong apektibo. Dito ay lumabas ang mga saloobin at damdamin ng mga naging
tagapagbatid na Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano, at nakita ang
pang-emosyunal na kinahinatnan ng kanilang ugnayan. Bagamat hindi masasabing
komprehinsibo ang lumabas na apektibong datos ay masasabing mahalaga pa rin ito
sapagkat sinalamin nito ang emosyon ng mga naging tagapagbatid na Muslim. Makikita
sa ibaba ang ilang mga halimbawa, mula sa mga isinagawang panayam.

Masaya po. Pero minsan po pag nag kakainggitan, kasi minsan po kung
binigyan po ako ng isa kong kasama tapos wala po sila, minsan naiinggit po
sila. Masaya. Hindi ko alam, basta Masaya lang talaga. Ano po, natuwa po
kasi meron din pong, nagulat din po ako kasi po nagulat po ako kasi may
naging kaibigan po ako agad dito kahit na di pa po nila ako masyadong kilala.
Yun po, natutuwa po ako kasi dumadami po yung kaibigan ko. (Babae, 16 na
taong gulang, tindera, Tausug)

Ah sympre masaya kasi itong mundo kapag marami kang kalaban parang
impyerno yun. Pero ang dito sa mundo natin pagka yung kapitbahay mo o
yung mga taong magiging kaibigan mo, marami kang kaibigan, wala kang
kaaway parang nasa paradise ka sa mundo, hindi naman natin masasabi na
paradise na iyon na kwan, pero maganda ang pamumuhay mo. Yon. (Lalaki,
48 na taong gulang, imam at ustadz, Maranao)

Nakakatuwa. Ako I’m happy na makakasama ko yung mga yan sa


environment namin. Nakakatuwa na makita mo magkakasama ang Muslim at
Christian na parang walang nangyayari. As usual lang sila, di ba nakakatuwa
sa feelings mo, ganon ako, ganon ako. Sa akin lang yun di ko alam yung
feelings ng iba … Maganda pakikisama talagang pag nakikita mo walang
alitan walang awayan talagang napakaganda. Napakaganda talaga. (Babae, 59
na taong gulang, negosyante, Balik Islam)

d. Pagbabago ng tingin sa mga Muslim ng mga Kristiyano

Nakita sa bahagi ng mga balakid sa pakikipag-ugnayan ang pagkakaroon ng


maling persepsyon ng ilang mga Kristiyano sa mga Muslim, kung saan maaaring
nagaganap ang pagtitipo/pag-uuri, at pagkakaroon ng pagkiling ng una sa huli. Ngunit sa
kabila ng bagay na ito ay lumabas din sa datos na dahil sa magandang ugnayan ng
dalawang grupo ay nagbago ang dating hindi magandang pananaw ng mga Kristiyano sa
kanilang mga ka-komunidad na Muslim. Napansin din ng mananaliksik na may
kahalagahan o significance sa kanila ang pagbabagong tingin sa kanila ng mga
Kristiyano. Ito ay marahil sa paglipana ng mga maling persepsyon ng mga Kristiyano sa
Muslim, partikular na nabanggit sa itaas ay yaong dahil sa mali at may pagkiling na
pagbabalita sa media. Mas makikita ang pagbabagong tingin na ito sa pamamagitan ng
mga sipi sa ibaba, na mula sa mga naging panayam.

Ang totoo niyan, nun una kaming tumira diyan sa Malitam, parang
nababaguhan sila sa mga Muslim. Nun medyo tumagal na kami diyan sa
Malitam ay nakita nila na ang Islam pala ay hindi masama ang ugali kaya sila
ay nakipagkaibigan na sa amin. Na nalaman nila na nahuli nila ang ugali
namin na hindi kami basta makikipagaway kundi kami aawayin. Yun lang.
(Lalaki, 48 na taong gulang, imam at ustadz, Maranao)

Oo kasi ganun nga yung una naming, nun gumagawa pa kami ng simbahan
namin ang parang tingin namin sa kanila ay doon mismo sa dinadaanan
malapit sa tinatayo naming simbahan ay palagi silang naglalasing sila doon
ngayon ay mula ng naitayo na namin at nakita na nila ang ugali namin ay
parang wala ng naglalasing doon, kung naglalasing man sila ay doon na sila sa
bahay. Kaya okay na yun. (Lalaki, 48 na taong gulang, imam at ustadz,
Maranao)

Kinakailangan kayo magpakita ng kagandahan. Pero kasi yung iba hindi pa


nakakarating sa Mindanao, akala nila yung mga Muslim masasama. Yun pala
yung ito sa San Pascual kami marami kami nakasama sabi nila mga Muslim
pala hindi pala porke’t Muslim ay masama, yung mga Muslim pala sa balita
balita lang yun. Dahil pag nakakausap mo sila ng maayos ay maayos pala
silang kaibigan. Pero yun sinasabi nila, magandang kaibigan masamang
gawain. E papaano naman kahit sino naman na pagka inaway mo nalang kahit
Kristyano ka o Muslim pagka inaabuso ka ay lalabanan mo e. Ganon naman
talaga yun e. Pero ito kaya sa San Pascual, mga Muslim pala hindi masasama,
sa balita kasi masasama. (Lalaki, 34 na taong gulang, amirsab at tindero,
Maranao)

Mga ganyan, kagaya ng sinasabi ko, ang akala nila mga Muslim ay masasama.
E hindi pala. Kaya hindi natin masabi na talagang marami sila pinagbago.
Kagaya ng sabi nila ___ na nakita nila kabutihan kaya kinakailangan kung
may kapwa tayo Muslim kinakailangan gumawa ng kabutihan para hindi ma
ano sa atin. Tapos yung sa atin, Batangeno, isa sa pinagbago nila na yung sabi
nila na ___ pero nun dumating sa kanila ang mga Muslim na lagi nila
nakakasama hindi pala masama yung mga Muslim. Kumbaga sa unti unti nila
pagkilala hindi pala masama ang Muslim. Ang tunay na Muslim naman kasi
hindi magawa ang kasalanan e masahol. Lagi namang ginagawa ay kabutihan.
(Paalala: Patuloy at paulit-ulit na pag-giit at ng tagapagbatid sa "maling"
impresyon ng mga Kristiyano sa kanila) (Lalaki, 34 na taong gulang, amirsab
at tindero, Maranao)

e. Pagkakaroon ng Magandang Pananaw sa mga Kristiyano ng mga Muslim


Dahil sa resulta ng mga magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang grupo ay
nakita sa datos na nagkakaroon ng magandang pananaw ang mga Muslim sa kanilang
mga ka-komunidad na Kristiyano. Bunga na rin ito ng mas nagkaroon ng pagkakataon na
magkakilalanan ang dalawang grupo sa isa’t-isa. Makikita ang dalawang halimbawa ng
mga pagkakaroon ng magandang pananaw sa mga susunod na dalawang sipi.

Mabait po, mabait, marunong po sila makisama, maaalalahanin, at saka


masarap pong kasama, yung marunong tumupad sa usapan, tsaka yung
mahilig sila magbigay. Kahit ano po, pagkain man o damit man, o basta po
kailangan ng katawan ng tao. Ganon po yung mga Kristyano. (Babae, 16 na
taong gulang, tindera, Tausug)

Ah ang Christian (R: yung maganda), ay very friendly sila. Ay Batangueño …


O well, ang hindi maganda, alam mo naman ang yung pakisama mo, siguro
doon sa taong kasama mo, pero sa akin, sa akin ha, sa aking pananaw, lahat ng
taong nameet ko sa Batangas ay okay sa akin. Maayos. (Babae, 59 na taong
gulang, negosyante, Balik Islam)

f. Pagrespeto sa kultura at relihiyon ng mga Muslim

Ang panghuling magandang kinahinatnan ng ugnayan ng mga Muslim sa


kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay ang pagrespeto ng huli sa kultura at
relihiyon ng una. Ang pagkakaroon ng bukas na isip ng mga Kristiyano ang kalimitang
nakikitang dahilan sa pagrespetong ito. Makikita sa ibaba ang ilang maikling sipi ukol
dito.

Maganda po, kasi mas lalo po ako nakilala ng Muslim na Maranao, at tsaka
ginagalang po nila. Ginalang po nila ako kasi nagsuot ako ng ganon (belo)…
Maganda daw po … Yung parang nagulat po sila, yung parang nakakita daw
po sila ng taga ibang bansa daw po! Kasi nga po nagsuot daw po ako ng
ganon. Nung una daw po kasi di ako nagsusuot ng ganon. Kasi mula ng
napatagal ako dito eh nagsuot ako ng ganon. Kaya nanibago po sila sa akin.
(Babae, 16 na taong gulang, tindera, Tausug)

Okay naman po yung relasyon [magkasintahan] namin, tanggap naman niya


po na Muslim ako. (Babae, 16 na taong gulang, tindera, Tausug)
Kabanata IV
Pagtalakay
Sa bahaging ito ng papel, tatangkaing linawin ang mga lumabas sa kinasapitan
gamit ang mga teorya na natalakay na sa Kabanata I. Bukod pa dito, iuugnay ang mga
nakaraang pananaliksik na magbibigay ng suporta o pagsalungat sa mga umusbong na
kategorya. Sa huli, inaasahan na makakapag-bigay ng ambag ang kasalukuyang
pananaliksik sa diskurso ukol sa pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa mga Kristiyano,
partikular sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano.

Kalikasan ng Pakikipag-ugnay

Ang kalikasan ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang mga ka-


komunidad na Kristiyano sa Batangas ay tatangkaing ipaliwanag sa pamamagitan ng
pitong punong kategorya na lumitaw mula sa mga ginawang panayam, nakikiugaling
pagmamasid, at pakikipag-kuwentuhan; ito ay ang mga panlipunang identidad, mga
kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim, mga uri ng pakikipag-ugnayan
(Pakikipag-ugnayan), mga gawain na nagpapatatag sa ugnayan, mga balakid sa
pakikipag-ugnayan, mga paraan para sa pagre-resolba ng mga alitan, at mga
magagandang kinahinatnan ng ugnayan. Gagamitin ang mga nakaraang pananaliksik na
natalakay na sa unang kabanata, pati yaong mga bagong literatura para mas mabigyang
linaw ang mga nasabing punong kategorya.

I. Mga Panlipunang Identidad

Ang unang punong kategorya na lumabas mula sa datos ng pananaliksik ay


ang mga panlipunang identidad ng mga Muslim. Ayon kina Tajfel at Turner (1979), ang
tao raw ay hindi lamang may iisang sarili, bagkus maaaring marami ito [sarili] base sa
mga grupong kanyang pinaniniwalaan [perceived] na siya ay kabilang. Ang mga
identidad mula sa mga sariling ito ay maaaring magtakda sa isang tao kung paano siya
mag-iisip, kikilos, at dadama. Ito ay tinatawag na panlipunang identidad. Dagdag pa nila,
ang tao ay may pagkiling na i-ayon o ibahagi ang kanyang sarili pati ang ibang mga tao
sa iba’t-ibang panlipunang kategorya (hal., relihiyon, kasarian, karera) para ito ay mas
magkaroon ng kahulugan at saysay sa kanya. At sa pakikipag-ugnay ng tao sa kanyang
kapwa tao ay dala-dala niya ang kanyang [mga] panlipunang identidad. Bagkus, ayon
kina Hornsey at Hogg (2000-b), ang ugnayan ng mga tao o grupo ng tao sa isa’t-isa ay
nagkakaroon ng isang intergroup na oryentasyon. Sa oryentasyong ito ay maaaring
tingnan ng isang tao ang kanyang sarili bilang bahagi ng isang grupo na may sariling
identidad (i.e., subordinate na kategorya/identidad), o dili kaya bilang bahagi ng isang
mas nakakasaklaw na grupo, na kung saan kabahagi o kasama niya ang ibang tao/grupo,
na may partikular din na identidad (i.e., superordinate na kategorya/identidad). At mula
sa lumabas na datos mula sa pananaliksik, hindi lamang iisa, bagkus marami ang
panlipunang identidad ng mga Muslim sa konteksto ng kanilang pakikipag-ugnay sa
kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Ang mga panlipunang identidad na ito ay
hinati sa dalawang kategorya. Ang unang kategorya ay ang panlahatang panlipunang
identidad (i.e., ang superordinate na identidad ng isang Muslim), na ang identidad ng
isang Muslim ay kabilang siya sa isang nakaka-saklaw na grupo, na kung saan kasama
niya sa nasabing grupo ang mga ka-komunidad niyang Kristiyano. Ang ikalawang
punong kategorya ay ang pang-partikular na panlipunang identidad (i.e., subordinate
na identidad ng isang Muslim), na ang tingin naman ng isang Muslim ay mayroon siyang
distinktong identidad na kaiba sa kanyang mga ka-komunidad na Kristiyano.

Mula sa datos ng pananaliksik, lumabas na may dalawang panlahatang


panlipunang identidad ang mga Muslim; ang paniniwala na “Lahat naman tayo ay
Pilipino”, at ang pagkatao. Sa una, naniniwala ang mga naging tagapagbatid na Muslim
na sila ay Pilipino, at ang kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay kapwa Pilipino
din nila. Nakaakibat dito na ang mga naging tagapagbatid ay nakikibahagi sa karanasan,
halagahin, maging sa kasaysayan ng sang-kapilipinuhan. Ang pananaw na ito ay
nakatulong sa pagwaksi ng “sila-kami” na pag-iisip, bagkus ay nakatulong ito sa
pagkakaroon ng sense o pakiramdam ng pagkakaisa. Ito ay sang-ayon sa pag-aaral nina
Hornsey at Hogg (2000-b), na ang pagkakaroon at pag-eengganyo sa isang superoridnate
na identidad, tulad ng sense of nationality, ay maaaring maging positibo sa ugnayan ng
dalawang grupo sapagkat maitu-tuon ang kanilang (i.e., Pilipinong Muslim at Kristiyano)
atensyon sa kanilang mga pagkakatulad. Sa kaso ng pananaliksik, lumitaw na ang
pakiramdam at paniniwala ng mga Muslim na sila rin ay Pilipino, tulad ng kanilang mga
ka-komunidad na Kristiyano, ay naka-impluwensiya sa kanilang pakikipag-ugnay sa mga
ito. Naramdaman ng mga Muslim na hindi sila kahiwalay sa kanilang mga ka-
komunidad na Kristiyano, kaya ang pakikipag-ugnay sa huli ay hindi imposible sapagkat
pareho silang mamayang Pilipino.

Ang ikalawang panlahatang panlipunang identidad ay ang pagkatao ng


mga naging tagapagbatid sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Naniniwala ang
mga naging tagapagbatid na may pagkaka-pareho sila sa kanilang mga ka-komunidad na
Kristiyano sapagkat pareho naman silang tao. Partikular, naniniwala ang mga naging
tagapagbatid na Muslim na may pagkakatulad sila sa kanilang mga ka-komunidad na
Kristiyano sa aspeto ng pagkatao. Ito ay tugma sa sinabi ni Mercado (2004) na maaaring
maging “common denominator” ang nakikibahaging pagkatao ng lahat ng mga grupo,
maski na magkakaiba sila ng relihiyon. Bagkus daw ay ang nakikibahaging pagkatao ng
mga grupo ay na umaagpaw o lumalampas pa kesa sa mga doktrinal na pagkakaiba nila.

Maaaring maraming mga pagkakapareho sa aspeto ng pagkatao ang mga


Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano dahil pareho silang tao, ngunit ang
lumitaw sa datos ng kasalukuyang pag-aaral ay ang aspeto ng pag-uugali. Binanggit ng
mga naging tagapagbatid na Muslim na kahit daw magkaiba ang relihiyon, kultura, at
ibang paniniwala at halagahin nila sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay may
mga pagkakatulad pa rin sila sa ugali, sapagkat pareho lamang silang mga tao. Kung
may di-magandang pag-uugali raw ang mga Kristiyano ay mayroon din silang mga
Muslim, at kung may kabutihan din na pag-uugali ang mga Kristiyano ay mayroon din
sila. Bagamat masasabing masyadong malaki at masaklaw ang identidad o kategoryang
ganito ay nakita pa rin sa pag-aaaral na may impluwensiya ito sa pakikipag-ugnay ng
mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano.

Ayon ulit kina Hornsey at Hogg (2000-a; 2000-b), sa pagtuon sa


superordinate na identidad/kategorya ay dapat huwag balewalain ang identidad ng
sariling-grupo. Ang pag-pabor o pagtuon lamang panlahatang panlipunang identidad
o superorinate na identidad ng isang grupo ay maaaring magpa-anod at magpalusaw sa
kanilang subordinate na identidad. Kailangan din daw na bigyan ng halaga ang identidad
ng sariling-grupo. Dito nakita mula sa kinasapitan ng pag-aaral na may lumitaw din na
mga subordinate na identidad, at ito ay tinawag na pang-partikular na panlipunang
identidad.

Ang unang pang-partikular na panlipunang identidad na lumabas sa pag-


aaral ay ang konsepto ng “Tunay na Muslim”. Dito ay obligasyon ng mga Muslim na
sumunod at tupdin ang mga turo ng Islam para sila matawag na “Tunay na mga Muslim.”
Kasama dito ang pagsunod ng mga Muslim sa ritwal, gawain at kostumbre ng kanilang
relihiyon. Ang partikular na panlipunang identidad na ito ay mula sa kalinangang
Muslim, partikular sa kanilang relihiyon (i.e., turo ng Islam). Ayon sa turo ng Islam,
responsibilidad ng mga Muslim na magkaroon ng magandang pakikipag-ugnay sila sa
kanilang kapwa, maging Muslim man ang mga ito o maski miyembro pa ng ibang
relihiyon. Ang turo ng Islam din ang sinasabing pinaka-impluwensiya ng mga naging
tagapagbatid para makisalamuha o makipag-ugnay sila sa kanilang mga ka-komunidad na
Krisitiyano. Sa madaling salita, bilang mga “Tunay na Muslim” ay responsibilidad
nilang maging mabuti sa kanilang kapwa at makipag-ugnayan sa mga ito ng mabuti.

Lumitaw sa kasalukuyang pag-aaral na ang mga mahahalagang konsepto mula


sa turo ng Islam, na nakaka-impluwensiya sa pang-partikular na panlipunang
identidad ng mga Muslim, ay ang eskatolohiyang konsepto o paniniwala ng mga Muslim
ng araw ng kapangukom [at sorga] at ang konsepto ng ehsan. Ang una ay tumutukoy sa
paniniwala ng mga Muslim na kapag gumawa sila ng kabutihan sa lupa, kung saan
kalakip ang mabuting pakikipag-ugnay o pakikipag-kapwa sa ibang tao, ay ililigtas sila ni
Allah pag dumating na ang araw ng kapangukom o paghuhukom. Ang pangako ng
pagpunta sa sorga o paraiso ang makakamit ng mga taong maliligtas sa araw ng
kapangukom na ito. Ang konsepto naman ng ehsan ay ang obligasyon o responsibilidad
ng mga Muslim sa kanilang mga kapwa. Ayon sa mga naging tagapagbatid, ang kanilang
kapwa ay ang lahat ng tao, Muslim man o hindi. Datapwat, may obligasyon ang mga
Muslim ng magpakita ng kabutihang ugali sa lahat ng tao, sapagkat ito ay ayon sa turo ng
Islam, sa utos ni Allah. Ayon din sa ehsan, bilang mga tao ay dapat magpaka-tao ang
mga Muslim sapagkat nabibilang sila sa hanay ng mga tao, o ang tinatawag na
“kambilang nga tao” ng mga Maranao. At kapag ginawa niya ang mga bagay na ito ay
maaari na siyang tawaging “Tunay na Muslim” at mayroon na siyang pagkakataon na
mailigtas sa araw ng kapangukom, at bagkus ay makapasok sa sorga. Bilang
paglalagom, ang pang-partikular na panlipunang identidad na “Tunay na Muslim” ay ang
siyang maaaring gumabay at mag-impluwensiya sa isang Muslim na makipag-ugnay sa
kanyang mga ka-komunidad na Kristiyano. At ang pagiging isang “Tunay na Muslim”
ay mula sa turo ng Islam, partikular ang konsepto ng ehsan at ang pagnanais ng mga
Muslim na mailigtas at makapunta sa sorga pagdating sa araw ng kapangukom.

Bukod sa konsepto ng “Tunay na Muslim”, nakita sa datos ng pag-aaral na isa


pang pang-partikular na panlipunang identidad ang identidad ng isang partikular
na grupo. Ito ay may kahalagahan sa pakikipag-ugnay ng mga naging tagapagbatid
sapagkat nagkakaroon sila ng paderno o template sa pakikipag-ugnay base sa kalinangan
ng kanilang mga sariling-grupo. Ang kalinangan ng grupo ng mga naging tagapagbatid
ay may mga paniniwala ukol sa kung ano dapat na tingin sa iba at kung paano
pakikisamahan ang iba. Ang turo mula sa kalinangang Maranao ay na dapat magkaroon
o matuto ang tao ng empathy o ang pagtingin mula sa punto-de-bista ng ibang tao upang
maiwasan ang mga bagay na makakapinsala sa kanilang ugnayan. Maski ang pagiging-
bukas ng mga Maranao sa isang kompromiso, kung may nagawang hindi maganda sa
miyembro ng kanilang grupo, ay masasabing maaaring makatulong sa kanilang
pakikipag-ugnayan sa ibang mga grupo. Ang siyang mga paniniwalang ito ay nakatatak
sa kamalayan at dala-dala ng mga naging tagapagbatid sa kanilang pang-araw-araw na
buhay, lalu na sa kanilang pakikipag-ugnay[an] sa ibang grupo.

Bilang pang-wakas sa punong kategorya ng mga panlipunang identidad,


nakita ng mananaliksik na sabay na pinapagana ng mga naging tagapagbatid ang kanilang
[mga] panlahatang panlipunang identidad at [mga] pang-partikular na panlipunang
identidad. Ayon kina Hornsey at Hogg (2000-a; 2000-b) ay ito ay tinatawag na dual o
sabay na kategorisasyon ng superordinate at subordinate na identidad ng isang grupo, na
kung saan nakita na ito ay may benepisyo sa ugnayan ng dalawang grupo. Sa
kasalukuyang pananaliksik halimbawa ay sabay na tinitingnan ng mga naging
tagapagbatid ang kanilang mga sarili bilang parehong Pilipino at Muslim. Walang
nakikitang kontradiksyon sa mga panlipunang identidad na mga ito ang mga
tagapagbatid. Bagamat hindi kayang patunayan ng kwalitatibong pag-aaral na ito ang
kawsasyon at korelasyon ng pagpapagana ng sabay sa mga panlipunang identidad ng mga
tagapagbatid na Muslim sa pagpapabawas ng mga pag-uuri/pagtitipo, pagkiling at
prehuwisya sa ibang grupo, ay lumabas pa rin na may pagbabago ng pananaw mula hindi
maganda tungo sa maganda ang mga grupo ng Muslim at Kristiyano (i.e., ayon sa mga
tagapagbatid na Muslim).

II. Mga Kadahilanan ng Pakikipag-ugnay ng mga Muslim

May limang kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang mga


ka-komunidad na Kristiyano ang lumabas mula sa kasalukuyang pag-aaral, ito ay ang
kadahilanang sosyal/interpersonal, para pang-hanapbuhay, para makahanap ng
makakatulong para sa pagpapa-unlad ng komunidad na Muslim, ang paghahangad ng
buhay na mapayapa sa komunidad na tinirahan, at ang maipakita ang kagandahan ng
Islam para makahikayat.

Ukol sa sosyal/interpersonal, may pangangailangan ang mga tao na makipag-


ugnayan sa iba, at ito ay lumabas mula sa kasalukuyang pag-aaral. Lalu na kung ang
isang indibidwal ay baguhan pa lamang sa lugar at wala pa siyang gaanong kakilala
dito. Ang pakikipag-ugnay sa kapwa ay maaaring magdulot ng kagalinangan sa isang
indibibdwal sapagkat napupunuan nito ang aspeto ng pagkatao ng pangangailangan sa
ibang tao. Sa kasalukuyang pag-aaral, napunuan ng samahan ng barkadahan ang pang-
sosyal/interpersonal na pangangailangang ito.

Ang isa pang kadahilanan ng pakikipag-ugnay ay ang hanapbuhay.


Karamihan sa mga naging tagapagbatid ay mga Maranao, at kilala ang mga ito sa
pagiging mga negosyante. Ang isa sa rason kung bakit sila dumayo sa Batangas ay
upang makapag-hanapbuhay. Sa paghahanapbuhay ay kailangan nilang makipag-ugnay
sa mga tao sa lugar, partikular ang mga ka-komunidad nilang Kristiyano. Ang ka-
komunidad nilang mga Kristiyano ang kadalasang parokyano nila sa kanilang negosyo,
at ang iba naman ay kasama pa nila mismo sa paghahanapbuhay.

Ang isa pang kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang


mga ka-komunidad na Kristiyano ay para sa pagpapaunlad ng sariling-grupo, ang
komunidad ng mga Muslim sa Batangas. Masasabing dayo lamang ang mga Muslim sa
lungsod ng Batangas, at masasabing hindi pa ganoon ka-develop o kaunlad ang
kanilang komunidad sapagkat nagisisimula pa lamang silan mamirmi sa nasabing lugar.
Kailangan nilang ayusin ang ibang mga infrastruktura, mga proyekto na makakatulong
sa kanilang komunidad para umunlad. Ang halimbawa nito ay ang pagpapatayo ng
mga mosque at madrasah. Dahil dito, kailangan nila ng tulong sa mga tao ng lugar para
maisakatuparan ang mga ito. Bagkus, kailangan ng mga Muslim ng tulong sa kanilang
mga ka-komunidad na Kristiyano, partikular sa mga tanggapan na makakatulong dito
tulad ng lokal na pamahalaan, at iba pa.

Ang isa pang kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang


mga ka-komunidad na Kristiyano ay ang paghahangad nila ng buhay na mapayapa sa
komunidad na kanilang tinitirahan. Gaya ng nabanggit na, halos dayo lang ang
karamihan sa mga Muslim sa lungsod ng Batangas. Hindi sila sa lugar na ito lumaki.
Ang karanasan ng lugar at ang kalinangan ng mga taong naninirahan dito ay hindi pa
nila ganap na gamay. At ang maaaring bunga nito ay ang pagkakaroon ng mga alitan o
hindi pagkakaunawaan. Dahil dito, kailangang makipag-ugnay ang mga Muslim sa
kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano para makaiwas sa mga nasabing posibleng
di-pagkakaunawaan, at mamuhay ng mapayapa sa komunidad na kanilang piniling
tirahan. Masasabing lubos na mahalaga ang pagkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng
mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano sapagkat pinili ng una ang
manirahan at maghanapbuhay sa nasabing lugar. At mas magiging maayos ang
kanilang paninirahan dito kung maayos at mapayapa ang kanilang ugnayan sa kanilang
mga bagong ka-komunidad.

Ang panghuling kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang


mga ka-komunidad na Kristiyano ay upang maipakita nila ang kagandahan ng kanilang
reliyon sa mga ito, ang Islam. Ang pangangailangang ito ay impluwensiyan ng
kanilang identidad bilang Muslim, na kung saan ipinag-uutos sa turo at kalinangang
Muslim na dapat makipagmuhay ang mga Muslim sa ibang tao, hindi lamang para sa
kanilang pansariling pagkaligtasan, bagkus ay para sila’y makahikayat ng mga
posibleng aanib sa kanila. Ang pagpapakita ng kagandahan ng Islam ay hindi
kinakailangan ng pangangaral lamang, mahalaga na dapat na isabuhay ito sa
pamamagitan ng mabuting asal at magandang pakikipag-kapwa o pakikipag-ugnay sa
ibang tao, partikular sa mga ka-komunidad na hindi Muslim.

Sa pangkalahatan, ang mga kadahilanang ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim


sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay katulad sa binanggit ni Mercado
(2004) na mga salik na maaaring magpalapit at magpasaayos ng ugnayan sa pagitan ng
mga Muslim at Kristiyano. Ang mga salik na ito ay salik sosyo-ekonomiko,
pangangailangang mamuhay kasama ang ibang grupo (necessity of living together),
edukasyon, at kabahaging oportunidad o shared opportunities. Dagdag pa niya, at
nakita rin ito sa kasalukuyang pananaliksik, naging catalyst ang kalunsuran (o bayan) sa
dayalogo o ugnayan sa pagitan ng mga relihiyon. Ang pamumuhay nila sa iisang lugar
ang siyang nagbukas ng mga pagkakataon para sa kanilang pakikipag-ugnayan, na
maaaring magresulta ng magandang relasyon ng isa’t-isa.

III. Mga Uri ng Pakikipag-ugnayan (Pakikipag-ugnayan)

May apat na uri ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga Muslim at ka-


komunidad nilang Kristiyano ang lumabas sa pag-aaral. Ang mga ito ay bilang
magkasintahan, bilang magkapitbahay, bilang magka-komunidad, at bilang
magkaibigan/magkapamilya.
Ang unang uri ay bilang magkasintahan. May mga pagkakataon na ang
dalawang miyembro ng magkaibang komunidad (i.e., Muslim at Kristiyano) ay
pumapasok sa isang romantikong relasyon. Bagamat masasabing hindi ito common ay
hindi rin ito masasabing imposible. Masasabing hindi madali na pumasok sa ganitong
ugnayan sapagkat magkaiba ang kalinangang pinanggagalingan ng dalawang grupo. May
mga paniniwala at halagahin na ang bawat grupo na masasabing hindi ganoon katugma sa
isa. Lumabas mula sa datos ng pag-aaral na kailangan magkaroon ng kompromiso,
“arrangements”, ng pagrespeto sa kalinangan ng isa’t-isa upang gumana ng maayos ang
ganitong uri ng pakikpag-ugnayan.

Dahil sa magkalapit-bahay ang mga Muslim sa kanilang ka-komunidad na


Kristiyano ay nabubuo ang uri ng pakikipag-ugnayan bilang magkapitbahay.
Nagkakaroon ng mga pagkakataon na puwede o maaaring magkaroon ng ugnayan ang
bawat isa dahil magkalapit lang ang kanilang tinitirahang bahay. Bunga nito, lumabas sa
datos na nabubuo ang pagkakaunawaan at pagtutulungan sa bawat isa.

Ang ikatlong uri ng pakikpag-ugnayan sa pagitan ng mga Muslim sa kanilang


mga ka-komunidad na Kristiyano ay ang bilang magka-komunidad. Ang pinagkaiba
lamang nito sa bilang magkapitbahay ay saklaw ng bilang magka-komunidad ang
ugnayan ng lahat ng tao na kanyang nakakadaupang-palad sa komunidad. Dito ay
pumapasok ang mga ugnayan sa barangay, sa mga nakakasalamuha sa tindahan/negosyo,
at iba pa. Masasabing general ang tipo ng uri ng pakikipag-ugnay na ito di tulad sa iba
pang mga nabanggit, dahil dito maaaring pumasok ang lahat ng ugnayan sa mga ka-
komunidad na hindi pasok sa iba pang mga uri (hal., bilang magkasintahan). Dahil dito,
ito ang maaaring sabihing pinaka-marami sa uri ng pakikipag-ugnayan dahil sa lawak ng
range na maaaring pumasok dito. Kung magka-ganito man, ito rin ang mas magbibigay
sa isang muslim ng maraming posibilidad na pagkakataon ng interaskyon sa mga ka-
komunidad na Kristiyano, na maaaring mag-resulta ng mas pagkakaunawaan sa pagitan
ng dalawang grupo.
Ang pinakahuling uri ng pakikipag-ugnayan, at masasabing mas malalim
kaysa sa mga nabanggit na, ay ang bilang magkaibigan/magkapamilya. Tumatawid ang
ganitong uri ng ugnayan sa isang ispektrum mula magkaibigan papuntang magkapamilya.
Maging ang pagiging bilang magkaibigan ay masasabing mas malalim kaysa sa mga
magkakilala pa lamang, sapagkat may konotasyon ang una na mayroon ng mga
namagitan na karanasang pinagdaanan, at pinagbahagiang halagahin at paniniwala ang
bawat isa. Ang kabilang dulo naman ng ispektrum ay ang bilang magkapamilya. Ito ay
may konotasyon na “kabilang ka na sa amin” na atitud na turingan ng bawat isa.
Kadalasan nangyayari ito sa taong kaibigan na o yaong taong napalapit na sa iyo, sa kung
anupamang rason. Maaaring ganitong uri ng pakikipag-ugnayan din ang lumabas kung
nais na ipakita o iparamdam ng isang panig na kabilang o hindi naiiba mula sa kanila
ang isa pang panig.

Sinabi ni Mercado (2004) na sa mga kalunsuran, ang pagiging malapit ng mga


magka-kapitbahay/magka-komunidad sa isa’t-isa ay nangangahulugang mas maraming
interaksyon o ugnayan ang nagaganap. Dahil dito, ang mga interaksyon o ugnayang ito
ay nakakalikha ng mga dayalog sa iba’t-ibang antas, na sa kinalaunan ay maaaring
makatulong sa pagpapanatili ng magandang relasyon sa pagitan ng dalawang grupo. Ito
ay nakita sa kinalabasan ng pag-aaral, dahil sa mga ugnayang nagaganap sa iba’t-ibang
antas. Ang mga ugnayang ito ay masasabing maaaring makatulong sa pagkakaroon at
pagpapanatili ng isang magandang relasyon sa pagitan ng mga Muslim at ka-komunidad
nilang Kristiyano.

IV. Mga Gawain na nagpapatatag sa Ugnayan

May siyam na lumabas sa datos ng pananaliksik na maaaring magpapatatag sa


ugnayan ng mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Ang mga ito ay
Pagpapakita ng Pakikisama, Pagsasagawa ng mga proyekto na makakatulong sa
pamumuhay ng mga ka-komunidad, Pagkakaroon ng kababaang-loob at kabutihang-loob,
Pagrespeto sa Paniniwala ng Iba, Pagbabahagi ng mga Kaalam ukol sa Islam, para sa
kaliwanagan ng ka-komunidad na Kristiyano, Pagbabahagi ng mga Kaalaman ukol sa
mga bagay-bagay na maaaring makatulong sa ka-komunidad na Kristiyano, Pag-aasikaso
sa bisita o pagpapakita ng Hospitalidad, Pagiging bukas para sa Pakikipag-Ugnay o
Ugnayan sa Ibang-grupo, at ang Paggawa ng mga bagay na matuwid. Para mas madaling
maisalarawan ang mga ito sa bahaging ito ng pagtatalakay, hahatiin ang mga ito sa tatlo
base sa kanilang mga tuon.

Ang una ay may tuon sa pagpapakita ng kabutihan, na mula sa asal ng sarili,


sa ibang tao, partikular sa mga ka-komunidad na Kristiyano. Ang mga kabilang dito ay
ang Pagpapakita ng Pakikisama, Pagkakaroon ng kababaang-loob at kabutihang-loob,
Pagiging bukas para sa Pakikipag-Ugnay o Ugnayan sa Ibang-grupo, at ang Paggawa ng
mga bagay na matuwid. Ang nilalayon ng mga bagay na ito ay upang magkaroon ng
isang maayos na relasyong sa ibang tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
magagandang asal. Partikular na nais bigyan ng pansin ay ang Paggawa ng mga bagay na
matuwid ng mga bagay na matuwid. Ito ay kahawig sa lumabas sa pag-aaral ni Salazar
(1999) ukol sa pagkakaugnay-ugnay ng mga dalumat mula sa kartilya ni Emilio Jacinto.
Dito sinaad niya na ang pagpapairal daw ng tuwid (i.e., ang paghahangad, pagsasagawa
at pagpapairal ng tuwid at tama) at tama ay magaganap lamang sa lebel ng kapwa tao at
lipunan. Binanggit din niya na ang katuiran ay gawad ng Langit, at ito ay hindi naiiba sa
nakita ng mananaliksik sa pag-aaral, sapagkat ang paggawa ng mga bagay na matuwid ay
buhat o galing sa pang-panlipunang identidad ng mga Muslim na “Tunay na Muslim”.
At ang pang-partikular na panlipunang ito ay mula o nabuo dahil sa turo ng Islam, turo na
lahat ng biyaya ay mula kay Allah, maski ang magandang pag-uugali ng mga tao. Sa
madaling salita, ang paggawa ng bagay na matuwid (na mula sa turo ng Islam at
nakakabit sa identidad na “Tunay na Muslim”) ay maaaring makatulong sa maayos na
pakikipag-kapwa sa ibang tao, bagkus ay magpapatatag sa kanilang ugnayan.

Ang ikalawang tuon ay patungkol sa mga gawain ng mga Muslim na


makakatulong sa kanyang kapwa, partikular sa mga ka-komunidad nilang Kristiyano.
Kabilang dito ang Pagsasagawa ng mga proyekto na makakatulong sa pamumuhay ng
mga ka-komunidad, Pagbabahagi ng mga Kaalam ukol sa Islam, para sa kaliwanagan ng
ka-komunidad na Kristiyano, at ang Pag-aasikaso sa bisita o pagpapakita ng
Hospitalidad. Ang mga nabanggit na gawain ay may aspetong pagpapaginhawa at
kontribusyon sa kapwa. Naisin ng mga ito na hindi lamang ang mga sarili ang mabigyan
ng ginhawa, bagkus ang tuon ay papalabas, papuntang ibang tao. Bunga nito,
napapatatag nito ang ugnayan ng dalawang grupo.

Ang ikatlong tuon ay patungkol sa aspeto ng kalinangan, kung saan kabilang


ang relihiyon. Kabilang dito ang Pagrespeto sa Paniniwala ng Iba, at ang Pagbabahagi ng
mga Kaalam ukol sa Islam, para sa kaliwanagan ng ka-komunidad na Kristiyano. Dito
lumilitaw na mahalaga ang indibidwal na kalinangan ng mga grupo, lalu na ang mga
paniniwala ukol sa relihiyon. Ang pagrespeto sa relihiyon ng iba, pati na rin ang
pagbabahagi ng sariling relihiyon (dahil sa paniniwala na benepisyal ito sa iba) ay
nakikitang mga gawain na maaaring mas magpapatatag sa ugnayan ng mga Muslim sa
kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano.

V. Balakid sa Pakikipag-ugnayan

May tatlong nakitang balakid sa pakikipag-ugnayan ang mananaliksik sa


kasalukuyang pag-aaral, ito ay ang Hindi Magandang Karanasan sa Ibang-grupo (i.e.,
Kristiyano), Hindi Magandang Pananaw sa Ibang-grupo (Kristiyano), at ang Maling
Persepsyon ng mga Kristiyano sa mga Muslim (i.e., pagtitipo/pag-uuri, pagkakaroon ng
pagkiling).

Ang mga balakid na ito ay nakaka-apekto sa pakikipag-ugnayan ng mga


Muslim at Kristiyano, dahil naiimpluwensiyahan nito ang karanasan at pananaw ng mga
tao sa grupo. Ngunit base na rin sa mga naging tagapagbatid, ang mga balakid na ito ay
hindi awtomatikong nakakasira sa ugnayan ng dalawang grupo, sapagkat malakas at
malaki ang probabilidad na ito ay maisaayos ng mga miyembro ng grupo, lalu na kung
nanaiisin talaga nila. Ito ay sa pamamagitan ng mga gawain na nagpapatatag sa
ugnayan ng dalawang grupo, at pati na rin ang mga paraan ng pagreresolba ng mga
alitan na ginagamit ng mga grupo. Nakita mula sa mga naging tagapagbatid na ang
kadalasang binabanggit nilang balakid sa pakikipag-ugnay sa mga Kristiyano ay ang
pagkakaroon ng mga ito ng maling persepsyon ukol sa mga Muslim. Bagamat salient
ang isyung ito, nalalagpasan pa rin ito ng mga Muslim, dahil na rin sa palagian nilang
pakikipag-ugnay sa mga Kristiyano, na kung saan napapa-bulaanan nila ang mga maling
persepsyong ito sa kanila.

VI. Paraan para sa Pagre-Resolba ng mga Alitan

May dalawang nakitang paraan para sa pagre-resolba o pagsasaayos ng mga


alitan o gusot sa pagitan ng mga Muslim at ang kanilang mga ka-komunidad na
Kristiyano. Ang mga ito ay ang Mabuting Pakikipag-usap at ang Pagtulong ng asosasyon
ng mga Muslim at ng barangay sa pag-aayos ng mga alitan. Tulad ng sinabi ni Saunders
(1999), na ang pantaong dimensiyon ang dapat na maging sentro ng pakikipag-kasundo at
pagpapayapa sa pagitan ng dalawang grupo, sa halip ang mga makro na institusyon tulad
ng gobyerno, nakita sa pag-aaral na ang ugnayan at pakikipag-ugnayan grupo sa isa’t-isa
ang siyang nagiging behikolo ng pagreresolba ng mga alitan o gusot na namamagitan sa
kanila.

Sa una, naging mahalaga ang mabuting pakikipag-usap ng mga miyembro ng


komunidad na Muslim at Kristiyano sa isa’t-isa upang ma-plantsa ang anumang hindi
pagkakaintindihan. Ito ay karaniwang makikita na nasa lebel ng indibdwal. Kapag
mayroong hindi pagkakaunawaan ang isang Muslim sa isang ka-komunidad niyang
Kristiyano ay kadalasang idinadaan niya ito sa mabuting pakikipag-usap sa huli.
Malakas ang paniniwala ng mga naging tagapagbatid sa kapangyarihan at bias na
mabuting pakikipag-usap upang mapahupa, bagkus hindi pa mapalala ang isang di-
pagkakaunawaang sitwasyon.

Ang ikalawa, lumabas sa pananaliksik na ang kadalasang takbuhan ng mga


Muslim (maski ng ibang mga ka-komunidad na Kristiyano), kapag mayroon silang alitan
o hindi pagkakaunawaan (sa mga ka-komunidad na Kristiyano), ay ang kanilang
asosasyon. Ang asosasyon ng mga Muslim ang nagsisilbing representative ng
komunidad na Muslim. Mandato ng nasabing asosasyon na gabayan at tulungan ang
kanilang kapwa Muslim kung may may mga nagiging suliranin ito. Binibigyan ng
komunidad na Muslim ng kapangyarihan na mamagitan sa kanila ang asosasyon lalu na
kung sa tingin nila ay hindi nila kaya (bilang indibidwal) na solusyunan ang mga
problemang kinahaharap. Ang asosasyon din ang nagsisilbing tulad ng mga komunidad
na Muslim sa kanilang ka-komunidad na Kristiyano at pati sa lokal na pamahalaan.
Kapag nagkakroon ng hindi pagkakaunawaan o alitan sa komunidad na Muslim ay
kadalasang ipinapatawag at sinasangguni ng lokal na pamahalaan ang asosasyon ng mga
Muslim. Katuwang ng asosasyon sa gawaing ito ang barangay. Kadalasan kapag may
alitan na nagaganap sa pagitan ng dalawang komunidad, ang asosasyon ng mga Muslim
at ang barangay ang siyang unang nag-uusap para lutasin ito. Sila rin ang pumapagitan sa
mga nagtutunggaliang panig. Sa madaling salita, ang pagtutulungan ng asosasyon ng
mga Muslim at ng barangay ang siyang nagiging tulay o paraan sa pagsasaayos ng mga
alitan sa pagitan ng komunidad na Muslim at Kristiyano, lalu na kung hindi kayang
solusyunan ang mga alitan sa pang-indibidwal na lebel.

VII. Mga Magagandang Kinahinatnan ng Ugnayan

Ayon kay Saunders (1999) kadalasan, ang pakikipagkaskundo ay


nangangailangan ng pagbabago ng relasyon ng mga grupo. Base sa lumabas sa pag-aaral,
nagbabago ang mga relasyon dahil sa resulta ng pakikipag-ugnay ng dalawang grupo.
Nagkakaroon ng mga magagandang kinahinatnan, nagbago ang mga relasyon, at ito ay
nakita sa kasalukuyang pag-aaral. May anim na nakitang magandang kinahinatnan ng
ugnayan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano. Ang una ay ang pagtibay ng samahan
ng mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano bunga ng pakikipag-ugnay
nila sa isa’t-isa. Ikalawa, nagkakaroon ng pagtutulungan at kooperasyon bunsod ng
pakikibahagi nila sa isa’t-isa, at pag nagnanais na magtagumpay ang ibang grupo. Ikatlo,
nagkaroon ng magandang pakiramdam ang mga Muslim bunga ng kanilang magandang
pakikisalamuha sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Ito ang tanging
apektibong aspeto na nakita mula sa pag-aaral. Ikaapat, nagkaroon ng pagbabago ng
tingin sa mga Muslim ang mga Kristiyano. Matatandaan na isa sa naging balakid ng
pakikipag-ugnay ay ang maling perspesyon ng mga Kristiyano sa mga Muslim. Dahil sa
ugnayang naganap at nagaganap sa pagitan ng dalawang grupo, ang mga hindi tamang
persepsyon ay nababago. Mas nakikilala na ngayon ng mga Kristiyano kung sino talaga
ang mga Muslim. Ikalima ay ang pagkakaroon ng magandang pananaw sa mga
Kristiyano ng mga Muslim. Tulad ng ikaapat, dahil sa magandang ugnayan ng mga
Muslim at Kristiyano ay nakita ng mga Muslim ang mga masasabing magagandang ugali
ng mga Kristiyano. Ang patuloy na pakikipag-ugnay ang mas nagpapaigting sa
magandang pananaw na ito. At ika-anim at panghuli ay ang pagrespeto sa kultura at
relihiyon ng mga Muslim ng mga Kristiyano. Dahil na nga rin sa patuloy na ugnayan ng
dalawang grupo, mas nakilala at naunawaan ng lubos ng mga Kristiyano ang mga
paniniwala, halagahin, at kostumbre ng mga Muslim. Ang pag-unawang ito ang nag-
udyok sa pagrespeto sa kalinangan ng mga Muslim ng mga Kristiyano.

Modelo ng Pakikipag-ugnay

Sa bahaging ito ay ilalarawan ang nabuong modelo ng pakikipag-ugnay ng


mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Nakita sa kasalukuyang pag-
aaral na may dalawang punong panlipunang identidad na mayroon at pinapagana ang
mga Muslim. Ang una ay ang panlahatang panlipunang identidad (i.e., superordinate
na identidad ng mga Muslim) na siyang kinapapalooban naman paniniwala na “Lahat
naman tayo ay Pilipino” at ng pagkatao. Ang mga panlahatang panlipunang identidad
na mga ito ang siyang nagpapa-isip sa mga Muslim na hindi sila naiiba sa kanilang mga
ka-komunidad na Kristiyano. Bagkus, pareho sila ng mas masaklaw na [mga] grupo.
Ang ikalawang panlipunang identidad naman ay ang pang-partikular na panlipunang
identidad (i.e., subordinate na identidad ng mga Muslim), na siyang kinapapalooban
naman ng konsepto ng “Tunay na Muslim” at ng pagkakaroon ng identidad base sa
partikular na grupo na kanilang kinabibilangan (hal., Maranao, Tausug). Ang
panlipunang identidad naman na ito ang nagdi-distinkto sa mga Muslim sa ibang mga tao
o grupo, partikular sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Nabuo dahil at
naimpluwensiyahan ang identidad ng mga Muslim (i.e., “Tunay na Islam”) sa kanilang
relihiyon, ang turo ng Islam. Ang identidad nilang ito ay nag-uudyok at gumagabay sa
kanilang mga pagkilos at pakikipag-ugnay sa ibang mga grupo. Ang nakitang talagang
nakaka-impluwensiya sa pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang mga ka-
komunidad na Kristiyano ay ang turo ng Islam. Dito pumapasok ang paniniwala ng mga
Muslim sa araw ng kapangukom (paghuhukom) at pagpunta sa sorga (paraiso) kung ang
isang tao raw ay mabuti ang pakikipag-ugnay sa kanyang kapwa, maski sa hindi kapwa
Muslim. Kasama din sa turo ng Islam ang konsepto ng ehsan, na nangangahulugang ay
ang mabuting pakikipag-kapwa, pagtrato ng maganda sa iba, pagpapakita ng mga
magagandang ugali sa ibang mga tao.

Nakita ng mananliksik na sabay na kinakategorisa o pinapagana ng mga


Muslim ang kanilang mga panlahatang panlipunang identidad at pang-partikular na
panlipunang identidad sa kanilang pakikisalamuha, pakikiharap, at pakikipag-ugnay sa
kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano.

Lumabas sa pag-aaral ang mga kadahilanan ng pakikpag-ugnay ng mga


Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano. Ito ay nakitang nai-
impluwensiyahan ng kanilang mga panlipunang identidad. Lumitaw din na may apat na
uri ng pakikipag-ugnay ang mga Muslim sa kanilang mga Kristiyano. Ang uri ng
pakikipag-ugnay na ito ay bunga ng mga lumabas sa kadahilanan ng pakikipag-ugnay.
Ang mga pakikipag-ugnay ay napapatatag dahil sa mga gawaing nakakapag-patibay dito
tulad ng pagpapakita ng pakikisama, at iba pa. Ang mga gawaing nagpapatatag sa
ugnayan na ito ay impluwensiya o bunga ng mga panlipunang identidad ng mga Muslim.
At ang mga nasabing gawain ay siyang puwede ding makatulong sa pagbasag sa mga
balakid ng pakikipag-ugnayan. Ang mga balakid na ito ay kinabibilangan ng mga di-
magandang karanasan at pananaw ng mga Muslim at Kristiyano sa isa’t-isa. Tulad ng
nabanggit na, ang mga balakid ay puwedeng mawaksi sa pamamagitan ng mga gawaing
nagpapatatag sa ugnayan, o dili kaya ng mga paraan ng pagresolba ng mga alitan. Ito
ay kinabibilangan ng pagsasagawa ng mga mabuting pag-uusap, o kaya’y ang pagtulong
(o pagtutulungan) ng asosyon ng mga Muslim at ng barangay sa pag-aayos ng mga alitan.
Nakita sa pag-aaral na kahit na may mga balakid sa pakikipag-ugnay ay puwede pa rin
itong maresolba at mawaksi. At kapag ganito ang nangyari, ang pakikipag-ugnayan ng
mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay magre-resulta ng mga
magagandang kinahihinatnan.

Ang mga magagandang kinahinatnan ng ugnayan sa pagitan ng mga Muslim


at Kristiyano ay mas nagpapa-igting sa pakikipag-ugnayan at relasyon ng dalawang
grupo. Bunga nito, may posibilidad sa huli na ma-reinforce ang mga panlipunang
identidad ng mga Muslim. Makikita sa ibaba ang nabuong modelo ng pakikipag-ugnay.
DAYAGRAM BLG. 3:
MODELO NG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG MGA TURO NG ISLAM
PILIPINONG MUSLIM SA KANILANG MGA KONSEPTO NG EHSAN
KA-KOMUNIDAD NA PILIPINONG KRISTIYANO
PANINIWALA SA ARAW NG
KAPANGUKOM ( PAGHUHUKOM )
AT SORGA ( PARAISO )

SABAY NA
KATEGORISASYON

PANLAHATANG PANLIPUNANG IDENTIDAD PANG-PARTIKULAR NA PANLIPUNANG IDENTIDAD


( i.e. , SUPERORDINATE NA IDENTIDAD NG ISANG MUSLIM ) ( i.e. , SUBORDINATE NA IDENTIDAD NG ISANG MUSLIM )
" LAHAT NAMAN TAYO AY PILIPINO " " TUNAY NA MUSLIM "
NAKIKIBAHAGING PAGKATAO ( SHARED HUMANITY ) IDENTIDAD NG ISANG PARTIKULAR NA GRUPO
( HAL. , MARANAO )

ANG MGA MAGAGANDANG KINAHINATNAN


NG UGNAYAN AY MAS NAGPAPA-IGTING
SA MGA PANLIPUNANG IDENTIDAD

MGA KADAHILANAN NG ( PAKIKIPAG-UGNAYAN ) MGA GAWAIN NA NAGPAPA-TATAG


PAKIKIPAGUGNAYAN NG MGA MUSLIM URI NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA UGNAYAN
SOSYAL / INTEPERSONAL BILANG MAGKASINTAHAN PAGPAPAKITA NG PAKIKISAMA
HANAPBUHAY BILANG MAGKAPITBAHAY PAGSASAGAWA NG MGA PROYEKTO NA
MAKAHANAP NG MAKAKATULONG PARA SA BILANG MAGKA-KOMUNIDAD MAKAKATULONG SA PAMUMUHAY NG
PAGPAPA-UNLAD NG KOMUNIDAD NA MUSLIM MGA KA-KOMUNIDAD
BILANG MAGKAIBIGAN /
PAGHAHANGAD NG BUHAY NA MAPAYAPA SA PAGKAKAROON NG KABABAANG-LOOB
MAGKAPAMILYA
KOMUNIDAD NA TINIRAHAN AT KABUTIHANG-LOOB

MAIPAKITA ANG KAGANDAHAN NG ISLAM PAGRESPETO SA PANINIWALA NG IBA


PARA MAKAHIKAYAT PAGBABAHAGI NG MGA KAALAMAN UKOL
SA ISLAM, PARA SA KALIWANAGAN NG KA-
KOMUNIDAD NA KRISTIYANO
PAGBABAHAGI NG MGA KAALAMAN UKOL
SA MGA BAGAY-BAGAY NA MAARING
MAKATULONG SA MGA KA-KOMUNIDAD
NA KRISTIYANO
BALAKID SA PAKIKIPAG-UGNAYAN
PAG-AASIKASO SA MGA BISITA O PAGPAPAKITA
HINDI MAGANDANG KARANASAN SA
NG HOSPITALIDAD
IBANG GRUPO ( i.e. , KRISTIYANO )
PAGIGING BUKAS PARA SA PAKIKIPAG-UGNAY
HINDI MAGANDANG PANANAW SA IBANG
GRUPO ( i.e. , KRISTIYANO ) O UGNAYAN SA IBANG GRUPO
MALING PERSEPSYON NG MGA KRISTIYANO PAGGAWA NG MGA BAGAY NA MATUWID
SA MGA MUSLIM ( i.e. , PAGTITIPO / PAG-
ANG MGA MAGAGANDANG UURI, PAGKAKAROON NG PAGKILING )
KINAHINATNAN NG UGNAYAN
AY MAS NAGPAPA-IGTING NG PARAAN NG PAGRESOLBA NG MGA
PAKIKIPAG-UGNAYAN NG ALITAN
DALAWANG GRUPO
MABUTING PAKIKIPAG-USAP
PAGTULONG NG ASOSASYON NG MGA
MGA MAGAGANDANG KINAHINATNAN MUSLIM AT NG BARANGAY SA PAG-AAYOS
NG UGNAYAN NG MGA ALITAN
PAGTIBAY NG SAMAHAN
PAGKAKAROON NG TULUNGAN O
KOOPERASYON
MAGANDANG PAKIRAMDAMAN
PAGBABAGO NG TINGIN SA MUSLIM NG MGA
KRISTIYANO
PAGKAKAROON NG MAGANDANG PANANAW SA
MGA KRISTIYANO NG MGA MUSLIM
PAGRESPETO SA KULTURA AT RELIHIYON
NG MGA MUSLIM
Kabanata V
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Tatalakayin sa bahaging ito ang buod ng kasalukuyang pananaliksik.


Babalikan din ang mga suliraning tinugunan o sinagot sa pag-aaral upang gamiting gabay
sa pagbu-buod. Bilang pagtatapos, maglalahad ng konklusyon at rekomendasyong
pinapalagay na makakatulong sa kasalukuyang diskurso ng kalikasan ng pakikipag-ugnay
ng mga Muslim sa kanilang ka-komunidad na Kristiyano.

Buod

Tinugunan sa kasalukuyang pananaliksik ang mga sumusunod na suliranin


upang malaman at maunawaan ang kalikasan ng pakikipag-ugnay ng mga Pilipinong
Muslim sa kanilang ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano:

1. Ano ang mga kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga Pilipinong Muslim sa kanilang


mga ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano sa Batangas?

2. Ano ang mga uri ng pakikipag-ugnay na isinasagawa ng mga Pilipinong Muslim sa


kanilang mga ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano sa Batangas?

3. Ano ang mga kognitibo, beheybyoral, at apektibong proseso na nakapa-loob sa


pakikipag-ugnay sa ibang grupo (i.e., Pilipinong Kristiyano sa Batangas)?

4. Ano ang mga positibo at negatibong kinahihinatnan ng pakikipag-ugnayan sa mga


Pilipinong Kristiyano sa Batangas?

Lumitaw mula sa kasalukuyang pananaliksik na ang mga kadahilanan ng


pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay para sa
sosyal/interpersonal na pangangailangan, para sa hanapbuhay, para makahanap ng
makakatulong para sa pagpapa-unlad ng komunidad na Muslim, dahil sa paghahangad ng
buhay na mapayapa sa komunidad na tinirahan, at dahil para sa maipakita ang
kagandahan ng Islam para makahikayat. Ngunit bukod sa mga ito, lumabas mula sa
pananaliksik na ang mga ito ay naaapektuhan ng mga panlipunang identidad ng mga
Muslim. Partikular ayon sa mga naging tagapagbatid, ang pinaka-nakakaimpluwensiya
raw sa kanila sa pakikipag-ugnay sa kanilang mga ka-komunidad na Kristiyano ay ang
kanilang relihiyon. Sa turo daw ng Islam ay inaatasan sila na gumawa ng mabuti at
makipag-kapwa ng maayos sa ibang mga tao.

Ang mga panlipunang identidad ang maaaring sabihing kognitibong aspeto ng


pakikipag-ugnay ng mga Muslim. Ang mga panlipunang identidad na ito ang siyang
maaaring magdikta o gumabay sa mga Muslim kung paano sila mag-iisip at kikilos,
bagkus nakaka-apekto ang kognitibong aspetong ito sa behebyoral na aspeto ng isang
Muslim. Halimbawa, kapag kinakategorisa ng mga Muslim ang kanilang sarili sa
identidad ng Muslim o “Tunay na Muslim” ay kikilos sila na naaayon dito. Ang mga
sinasabing panlipunang identidad ng mga Muslim ay sabay nilang pinapagana.
Pinapagana ang panlahatang panlipunang identidad sabay sa pang-partikular nilang
panlipunang identidad. Ibig sabihin halimbawa, ang tingin nila sa kanilang mga sarili ay
“Tunay na Muslim” ngunit isa pa ring Pilipino. Dahil sa sabay na pagpapa-gana sa mga
ito, walang nakikita o nararamdamang kontradiksyon ang mga Muslim sa kanilang
identidad na pinanghahawakan.

Ang mga uri ng pakikipag-ugnay na lumitaw mula sa pananaliksik ay ang mga


sumusunod: bilang magkasintahan, bilang magkapitbahy, bilang magka-komunidad, at
bilang magkaibigan/magkapamilya. Ang mga nasabing uri ng pakikipag-ugnay ay
nabubuo ayon sa mga pangangailangan ng isang Muslim, na makikita sa mga binanghay
na kadahilanan ng pakikipag-ugnay.

Gaya ng nabanggit sa taas, ang kognitibong aspeto ng panlipunang identidad


ay nakaka-impluwensiya sa aspetong beheybyoral. Ito ay makikita sa mga lumitaw na
gawain na nagpapatatag sa ugnayan ng mga Muslim at ka-komunidad nilang
Kristiyano, na kung saan ay impluwensiya rin ito ng mga panlipunang identidad ng mga
Muslim.

Walang malinaw na apektibong proseso na lumabas mula sa kasalukuyang


pananaliksik. Ang tanging masasabing apektibong aspeto lamang dito ay ang
pagkakaroon ng magandang pakiramdam ng mga Muslim dahil sa mga magagandang
kinahinatnan ng ugnayan nila sa mga ka-komunidad nilang Kristiyano.

Hindi nakita ng mananaliksik sa pag-aaral ang mga negatibong


kinahihinatnan ng pakikipag-ugnay ng mga Muslim sa kanilang mga ka-komunidad na
Kristiyano. Bagamat lumabas sa pag-aaral ang mga balakid sa pakikipag-ugnayan, ay
hindi pa rin tuluyang puwedeng sabihin na negatibong kinahinatnan na ito sapagkat ito
ay puwede pang mawaksi at mabago sa pamamagitan gawaing nagpapatatag at mga
paraan ng pagresolba ng mga alitan.

Natugunan ang suliranin ukol sa positibong kinahinatnan ng pakikipag-ugnayan


nang lumabas mula sa pag-aaral ang mga magagandang kinahinatnan ng ugnayan sa
pagitan ng mga Muslim at ka-komunidad nilang Kristiyano. Sa madaling salita, ang mga
positibong kinahinatnan ng pakikipag-ugnayan ay nung magkaroon ng pagtibay ng
samahan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano, nung magkaroon ng pagtutulungan at
kooperasyon, nung magkaroon ng magandang pakiramdam, nung magbago ang tingin ng
mga Kristiyano sa mga Muslim, nung magkaroon naman ng magandang pananaw ang
mga Muslim sa Kristiyano, at nung magkaroon ng pagrespeto sa kultura at relihiyon ng
mga Muslim ang mga Kristiyano.

At panghuli, nakita sa pag-aaral na ang mga magagandang kinahinatnan ng


ugnayan sa pagitan ng dalawang grupo ay nagpapa-igting sa pakikipag-ugnayan o
relasyon ng dalawang grupo, at pati na rin sa mga panlipunang identidad ng mga Muslim.
Konklusyon

May limang na konklusyong nabuo batay sa pagtalakay ng mga datos. Ang


una ay, ang anumang alitan sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano ay hindi dahil
sa relihiyon nila. Hindi nila pinaglalabanan ang teolohiya ng kanilang mga relihiyon.
Ang nakitang alitan nila ay mula sa pag-uuri/pagtitipo, prehuwisya at pagkilng ng isang
[at/o parehong] grupo sa isa’t-isa. Ang mga maling pananaw na ito ukol sa ibang-grupo
ay maaaring mawaksi sa pamamagitan ng mga gawaing nagpapatatag sa ugnayan.

Ang mabuting pakikipag-ugnay o pakikisalamuha ng mga Muslim sa kanilang


mga ka-komunidad na Kristiyano ay hindi lamang para sa mga praktikal na
pangangailangan, mas matimbang na kadahilanan ay dahil sa ito ay turo at impluwensiya
ng Islam (i.e., araw ng kapangukom at ehsan).

Ang mga panlipunang identidad ay nakakatulong sa mga Muslim sa kanilang


pakikipag-ugnay sa mga Kristiyano. Dito nila binabatay ang kanilang pag-iisip at
pagkilos. kKinakateogisa o pinapagana ng mga Muslim ang dalawang panlipunang
identidad nila, bilang ka-miyembro ng mga ka-komunidad nilang Kristiyano at/o bilang
distinktong miyembro ng isang grupo.

May benepisyo ang sabay na kategorisasyon sa pagbuo ng maayos na relasyon


sa pagitan ng mga grupo, na kung saan sabay na pinapagana ang superordinate
(panlahatang panlipunang identidad) at subordinate (pang-partikular na panlipunang
identidad) na mga identidad. Ang sabay na kategorisasyon ng mga panlipunang
identidad ay nakakatulong upang mapababa ang pag-uuri/pagtitipo, prehuwisya, at
pagkiling sa ibang grupo sapagkat maski nakikita nila (Muslim) ang kanilang mga sarili
bilang distinkto, ay nakikita rin nila ang kanilang mga sarili bilang kabahagi ng isang mas
nakakasaklaw na grupo, na kung saan maaaring kabilang ang ibang grupo (Kristiyano).
Ang mga magagandang kinahitnan ng ugnayan sa pagitan Muslim at
Kristiyano ay nagpapatatag sa kanilang relasyon o pakikipag-ugnayan. Bukod dito,
pinapatibay din nito ang mga panlipunang identidad ng mga Muslim.

Rekomendasyon

Sa kabuuan ng pag-aaral ay masasabing hindi pa rin ganap na mauunawaan


ang kabuuan ng pakikipag-ugnayan ng mga Muslim at Kristiyano sapagkat ang tinukoy o
pinag-tuunan lamang ng pansin ng kasalukuyang pananaliksik ay ang mga Muslim, ang
kanilang pakikipag-ugnay. Hindi binigyang tuon sa pag-aaral na ito ang panig ng mga
ka-komunidad nilang Kristiyano. Kaya marapat lamang na sa mga susunod na pag-aaral
ay bigyan ng diin o tuon ang parehong panig, upang tuluyang maunawaan ang buong
kalikasan ng kanilang pakikipag-ugnayan. Mahalagang makita rin ang “view of the
other” ng mga Kristiyano sa mga Muslim sa konteksto ng pakikipag-ugnay.

Ang pagpapalit-palit ng identidad o pagpapagana/pagka-kategorisa mula


superordinate (o panlahatang panlipunang identidad) patungong subordinate (pang-
partikular na panlipunang identidad) (vice-versa) ay maaaring suriin pa. Maaring alamin
kung anong konteksto o sitwasyon mas ginagamit ang isang identidad kumpara sa isa.
Maaari ring siyasatin din sa mga susunod na pag-aaral ang mga ginagamit na
panlipunang identidad ng mga Kristiyano, sa kanilang relasyon sa mga ka-komunidad
nilang mga Muslim.

Binanggit sa mga nakaraan pag-aaral na ang dami o frequency ng pakikipag-


ugnay o contact sa pagitan ng mga grupo ay nakaka-baba sa mga negatibong pananaw ng
dalawang grupo sa isa’t-isa. Dahil dito, mainam din na magsagawa ng isang
kwantitatibong pag-aaral sa hinaharap para ma-measure kung may korelasyon ang dami
ng pakikipag-ugnay sa pag-baba ng mga negatibong pananaw sa pagitan ng mga grupo.
Sanggunian:
Al-Lahim, H., at Murad, M. (1995). The principles of Islam. Cooperative Office for Call
and Guidance in Al-Batha, Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.

Amir, Y. (1969). Contact hypothesis in ethnic relations. Psychological Bulletin. 71, 5,


319-342.

Ashfort, B., at Mael, F. (1989). Social identity theory and the organization. Academy
Manangement Review, 14, 1, 2-39.

Brown, R., Eller, A., Leeds, S., at Stace, K. (2007). Intergroup contact and intergroup
attitudes: A longitudinal study. European Journal of Social Psychology. 37, 4,
692-703. Abstrak na nakuha noong ika-29 ng Nobyembre, mula sa APA PsyNET
database.

Cameron, L., Rutland, A., at Brown, R. (2007). Promoting children’s positive intergroup
attitudes towards stigmatized groups: Extended contact and multiple classification
skills training. International Journal of Behavioral Development. 31, 5, 454-466.
Abstrak na nakuha noong ika-29 ng Nobyembre, mula sa APA PsyNET.

Canoy, R. R. (1987). The quest for Mindanao independence. Mindanao Post Publishings,
Cagayan de Oro City, Philippines.

Christie, D., Wagner, R.V., at Winter, D.D. (2001). Peace, conflict, and violence: peace
psychology for the 21st century. Prentice-Hall Inc., New Jersey USA.

Diestro, J. M. A. (2007). Ugnayan at pakikilahok: tungo sa pulitikal na pagsasalipunan


ng kabataang Pilipino. Isang masteradong tesis.
Druckman, D. (2001). Nationalism and war: a social-psychological perspective. Na nasa
Christie, D., Wagner, R.V., at Winter, D.D., Peace, conflict, and violence: peace
psychology for the 21st century. Prentice-Hall Inc., New Jersey USA.

Hornsey, M., at Hogg, M. A. (2000-A, February). Subgroup relations: a comparison of


mutual intergroup differentiation and common ingroup identity models of
prejudice reduction. Personality and Social Psychology Bulletin, 26, 2, 242-256.

Hornsey, M., at Hogg, M. A. (2000-B). Assimilation and diversity: an integrative model


of subgroup relations. Personality and Social Psychology Review, 4, 2, 143-156.

‘Izz al-din Ibrahim (1998). Islamic-Christian Dialogue: A Muslim view. Muslim-


Christian Dialogue: Promise and Problems, (pinatnugutan nina Bryant, M. Darrol
at ni Ali S. A.), Paragon House, U.S.A., 15-27

Le Blanc D. (2001). Identity-based conflicts. Hinugot noong ika-16 ng Nobyembre, 2007,


mula sa http://www.christianitytoday.com/ct/2001/july8/6.44.html.

Maranao. (w.p.). Hinugot noong ika-2 ng Hulyo, 2008, mula sa


http://www.maranao.com/index.php?option=com_content&task=view&id=145&I
temid=1

Mercado, L. (2004). Inter-religious Explorations: the challenge and rewards of inter-


religious dialogue. Logos Publications, Inc. Manila.

Neuman, W. L. (2003). Social research methods: Qualitative and quantitative


approaches. Allyn and Bacon, Boston, Massachussetts.

Pettigrew, T. F. (1998). Intergroup contact theory. Annual Review of Psychology, 49, pg.
65, 21 pgs. Hinugot noong Ika-9 ng Nobyembre, 2007, mula sa ProQuest
database.
Salazar, Z. A. (pat.) (2004). Sikolohiyang panlipunan-at-kalinangan: panimulang
pagbabalangkas ng isang larangan. Palimbagan ng Lahi, lungsod Quezon.

Salazar, Z. A. (1999). Ang kartilyani Emilio Jacinto at ang diwang Pilipino sa agos ng
kasaysayan. Palimbagan ng Lahi, lungsod Quezon.

Saunders, H. H. (1999). A public peace process: sustained dialogue to transform racial


and ethnic conflicts. Macmillan Press Ltd., London, UK.

Schraw, G., Wadkins, T., at Olafson, I. (2007). Doing the things we do: a grounded
theory of academic procrastination. Journal of Educational Psychology, 99, 1, 12-
25.

Social identity theory. (w.p.). Hinugot noong Hulyo, 2007, mula sa


http://psychology.anu.edu.au/groups/categorisation/NLR_socialidentity.php.

Social identity theory (w.p.). Hinugot noong ika-16 ng Nobyembre, 2007, mula sa
http://www.tcw.utwente.nl/theorieenoverzicht/Theory%20clusters/Interpersonal%
20Communication%20and%20Relations/Social_Identity_Theory.doc/.

Sta. Maria, M. A. (2001). Conflict and conflict resolution in the Philippines: proceedings
of the 1st southeast asian conflict studies network (sea-csn)-Philippines national
workshop, Cebu city, Philippines, ika-28-30 ng Set., 2001. Southeast Asian
Conflict Studies Network (SEA-CSN).

Wilder, D. A. at Thompson, J. E. (1980). Intergroup contact with independent


manipulations on in-group and out-group interaction. Journal of Personality and
Social Psychology. 38, 4, 589-603.
APENDIKS

Gabay na palatanungan

1. Ano ang mga kadahilanan ng pakikipag-ugnay ng mga Pilipinong Muslim sa


kanilang mga ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano sa Batangas?
a. Kailan po kayo nagpunta dito sa Batangas, at saan po kayo nagmula sa
Mindanao?
b. Ano po ang (mga) kadahilanan/rason kung bakit napapunta dito sa Batangas?
c. Sino po ang mga taga-rito sa Batangas ang mga una ninyong nakilala?
d. Ano po ang mga ) kadahilanan/rason kung bakit kayo nakikipag-ugnay sa inyong
mga kapit-bahay/kakomunidad? (May nadudulot ba po itong sa inyo, o sa inyong
pamilya?)
e. Bakit mahalaga na makipag-ugnay kayo sa mga ka-komunidad ninyong
Kristiyano dito sa Batangas?

2. Ano ang mga uri ng pakikipag-ugnay na isinasagawa ng mga Pilipinong Muslim sa


kanilang mga ka-komunidad na Pilipinong Kristiyano sa Batangas?
a. Ang po ang mga sitwasyon na kung saan kayo ay nagkakaroon ng
pagkakataong makipag-ugnay sa mga ka-komunidad/kabarangay/kababayan
ninyo dito sa Batangas?

3. Ano ang mga kognitibo, beheybyoral, at apektibong proseso na nakapa-loob sa


pakikipag-ugnay sa ibang grupo (i.e., Pilipinong Kristiyano sa Batangas)?
a. Ano ang unang impresyon ninyo sa mga ka-komunidad ninyong Kristiyano?
Ano ang mga maganda at di-magandang impresión ninyo sa mga Kristiyano?
(kognitibo)
b. May mga pagbabago ba po sa inyong mga dating paniniwala ukol sa mga
Kristiyano (o Batangueño) simula ng lumipat kayo dito? (kognitibo)
c. Ano ang mga ginawa ninyo para mas mapalapit ang ugnayan ninyo sa inyong
mga bagong kapit-bahay/kakomunidad? Paano ninyo napapatibay ang
relasyon? (beheybyoral)
d. Ano po ang inyong mga naramramdaman habang kayo ay nakikisalamuha sa
inyong mga kapit-bahay/kakomunidad? (Ito po ba ay dati na ninyo ring
nararamdaman bago pa kayo lumipat dito sa Batangas, o dati ng
pakiramdam)? (apektibo)

4. Ano ang mga positibo at negatibong kinahihinatnan ng pakikipag-ugnayan sa mga


Pilipinong Kristiyano sa Batangas?
a. Ano po ang mga magagandang resulta o kinahinatnan ng inyong pakikipag-
ugnay o interaksyon sa mga taga-rito sa Batangas? (Ano po ang mga ito, paki-
paliwanag?)
b. May mga pagkakataon po ba na hindi naging maganda ang resulta ng inyong
pakikipag-ugnay o interaksyon sa mga taga-rito sa Batangas? (Ano po ang
mga ito, paki-paliwanag?)

5. May mga pagkakataon po b ana nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan


ninyo at ng mga ka-komunidad ninyong Kristiyano? (i.e., Magbigay ng halimbawa,
ilahad)
a. Ano ang (mga) kinahinatnan nito?
b. Paano ito naresolba?

\
APENDIKS

Talaan ng Pagbisita ng Mananaliksik

Petsa Buod ng Pangyayari

Ika-23 ng Mayo, 2008 Pakikipag-tagpo sa Tulay at pagsama sa


sambayang. Pakikipagkilala sa ilang
miyembro ng komunidad na Muslim sa
Malitam.

Ika-24 ng Mayo, 2008 Pagpunta sa tindahan ni Imam Arab;


nagsagawa ng nakikiugaling pagmamasid
at pakikipag-kuwentuhan.

Ika-30 ng Mayo, 2008 Pagpunta sa mosque ng Malitam para sa


araw ng sambayang. Pagsasagawa ng
nakikiugaling pagmamasid at pakikipag-
kuwentuhan kina Imam Arab at tulay na si
Ali.

Ika-2 ng Hunyo, 2008 Pagpunta sa tindahan ni Imam Arab sa


may kalye ng D. Silang, lungsod ng
Batangas. Pagsasagawa ng nakikiugaling
pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan.

Ika-9 ng Hunyo, 2008 Pagpunta sa tindahan ni Imam Arab sa


may kalye ng D. Silang, lungsod ng
Batangas. Pagsasagawa ng nakikiugaling
pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan
kina Omar at Ingrid.
tumuloy sa loob ng mosque para sa
sambayang.

Ika-18 ng Hunyo, 2008


Ika-13 ng Hunyo, 2008 Pagpunta sa mosque ng Malitam para sa
araw ng sambayang. Pagsasagawa ng
nakikiugaling pagmamasid at pakikipag-
kuwentuhan kina Imam Arab at tulay na si
Ali. Unang pagpasok sa loob ng mosque.
Nag-wudhu muna ang mananaliksik bago
Pagpunta sa tindahan ni Imam Arab sa
kalye ng D. Silang, lungsod ng Batangas.
Ngunit wala doon si Imam kaya tumuloy na
lang ang mananaliksik sa tindahan at bahay
ni Ali sa may Bagong Palengke. Doon ay
nagsagawa siya ng nakikiugaling
pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan kay
Ali at sa pamangkinnitong si Darwisa.

Ika-20 ng Hunyo, 2008 Pagpunta sa mosque ng Malitam para sa


1 raw ng sambayang. Pagsasagawa ng
nakikiugaling pagmamasid at pakikipag-
kuwentuhan kina Imam Arab. Ito ang
araw na dumalaw ang presidente ng
asosasyon ng mga Muslim ng buong
l alawigan ng Batangas sa mosque sa
Malitam.

Ika-24 ng Hunyo, 2008 Pagpunta sa bahay at tindahan ni Ali. Doon


ay isinagawa ang unang recorded na
pakikipanayam. Si Darwisa ang unang
kinapanayam.

Ika-25 ng Hunyo, 2008 Nagsagawa ng recorded na pakikipanayam


kay Imam Arab sa kanyang tindahan sa
may kalye ng D. Silang.

Ika-26 ng Hunyo, 2008 Pagpunta sa tindahan ni Imam Arab sa


may kalye ng D. Silang, lungsod ng
Batangas. Pagsasagawa ng nakikiugaling
pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan
kay Imam Arab.

Ika-27 ng Hunyo, 2008 Pagpunta sa bahay at tindahan ni Ali para


sa isang recorded na pakikipanayam. Ang
nakapanayam ay si Ate Mila at ang isang
amirsab. Pagkatapos ay nakipag-
kuwentuhan din sa isa pang asawa ni Ali
na si Ate Ping. Pumunta sa bahay ng isang
Maranao na lalaki kasama ang amirsab.
Nakipag-kuwentuhan sa tatlo pang lalaking
Maranao na Muslim bago tumulak
papuntang mosque para sa sambayang.

Ika-15 ng Hulyo, 2008 Pagpunta sa tindahan ni Imam Arab sa


may kalye ng D. Silang, lungsod ng
Batangas. Pagsasagawa ng nakikiugaling
pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan
kay Imam Arab.
Ika-18 ng Hulyo, 2008 Pagpunta sa mosque ng Malitam para sa
araw ng sambayang. Pagsasagawa ng
nakikiugaling pagmamasid at pakikipag-
kuwentuhan kina Imam Arab at tulay na si
Ali.

Ika-19 ng Hulyo, 2008 Pagpunta sa bahay at tindahan ni Ali.


Doon ay nagsagawa ng nakikiugaling
pagmamasid at pakikipag-kuwentuhan
kasama si Ate Jing at Ate Myra – asawa ng
kapatid ni Ali.

Ika-21 ng Hulyo, 2008 Pagpunta sa bahay at tindahan ni Ali.


Doon ay nagsagawa pakikipag-
kuwentuhan kasama si Ali.

Ika-25 ng Hulyo, 2008 Pagpunta sa mosque ng Malitam para sa


araw ng sambayang. Pagsasagawa ng
nakikiugaling pagmamasid at pakikipag-
kuwentuhan kina Imam Arab.

Ika-27 ng Hulyo, 2008 Pagpunta sa mosque ng Malitam para sa


isang FGD kasama si Imam Arab at
dalawa nitong kapit-bahay.

You might also like