Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

‘’Buhay sa Likod ng Manibela’’

ni: Rio Regine C. Cuba

Sa iyong edad ngayon, kaya mo kayang gawin ang lahat at magsakripisyo alang-alang sa
pamilya mo?
Isang butihing ama si ‘’Wilmer Colegado’’ 49 na taong gulang, ‘’Mang Wilmer’’na kung
tawagin ng mga kakilala niya. Apat ang anak niya at nasa bahay lang ang asawa. Kaya niyang
gawin ang lahat para sa pamilya . Isa siyang drayber ng motorcab, na sa araw- araw inspirasayon
niya ang mga anak.
Ang Pilipinas ay may 199,950 kilometro (124,240 milya) ng mga daan, at sa habang ito
39,590 kilometro (24,600 milya) ay nailatag. Noong 2004, iniulat na ang kabuuang haba ng buong
pinag-ugnay na daan na hindi mabilisang daanan ay nasa 202,860 kilometro. Sa habang ito, 15%
ay mga pambansang daan (national roads), 13% ay mga panlalawigang daan (provincial roads),
12% ay mga daang panlungsod/pambayan (city/municipal roads), at 60% ay mga daang barangay
(barangay roads).
Isa sa mga ‘’drayber ‘’ si Mang Wilmer na kumakayod araw-araw mabigyan lang ng
magandang buhay ang pamilya. Sa umaga siya ang naghahanda nang pagkain para sa mga anak at
tsaka siya’y bumayihe para kikita ng malaking pera para sa mga gastusin at pangangailangan nang
pamilya, kahit na pagod na pagod na siya sa kanayanag trabaho hindi siya kailanman sumuko sa
laban ng buhay sapagkat lagi niyang iniisip ang kapakanan ng mga anak niya. Inspirasyon niya
ang mga ito sa bawat araw ng pagmamaneho niya.Matapat siya sa kanyang serbisyo kahit na isang
drayber lang siya ang importante para sa kanya ay ang makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang
mga anak.. Gabi na siyang makauwi sa bahay bitbit ang supot na may lamang ulam at bigas para
sa hapunan.
May mga panahon pa nga na may mga pasaherong hindi nagbabayad ng eksaktong
pamasahe, balewala na lamang ito sa kanya, bagkus nagpapasalamat siya sa mga ito. Umulan at
umaraw man walang tigil sa pagmamaneho si ‘’Mang Wilmer’’, dahil naniniwala siyang dadating
din ang araw na malalampasan ang mga hirap niya sa buhay at mapalitan ng maginhawang
pamumuhay. Binigo man siya ng kapalaran ng ilang beses ngunit patuloy siyang bumabangon dala
ang ngiti sa mga labi nang may pag-asa.
Nagpapasalamat siya sapagkat nabiyayaan siya ng mga anak na mga masisipag at mabubuti
sa pag-aaral. Ito ang lakas niya para patuloy na sumabak sa hamon ng buhay. Hanggang sa ang
pangalawa nitong anak ay nakapag-aral ng kolehiyo sa isang unibersidad sa Ozamiz.
Biruin mo isa lang siyang drayber na may ambisyon para sa mga anak, ngunit tinahak niya
ang daan patungo sa hirap, pawis at pagod para lang makapagtapos ang anak, sa tulong nang
kanyang asawa na kaagapay niya ano mang oras. Para sa kanya de-baling siya’y magkakaundagaga
sa pagmamaneho matustusan lang niya ang lahat ng mga pangangailangan ng pamilya.
Nadapa man siya ilang beses, ngunit hidi ito ang dahilan para siya’y sumuko, bagkus
ginawa niya itong motibasyon at ang mga anak niya bilang inspirasyon para siya’y patuloy sa
pamamasada sa daang kaliwa’t- kanan na hindi alam kung sa bandang kantong may nag- aabang.
Bawat- araw ay mahalaga sa kanya, ginagawa niyang ang lahat alang- alang sa mga anak, sinugal
niya lahat , halos hindi na siya makakain at makakapagpahinga, ang mahalaga maitaguyod niya
ang pamilya sa marangal niyang trabaho bilang isang ‘’drayber’’.

May awa ang Diyos at ang lahat ng sikap, pagod, pawis, hirap na dinanas niya napalitan
ng saya sa mga labi, pag-asang makikita mo sa kanyang mga mata ang araw na pinakahihintay
niya ito ay ang makita ang anak na nakatoga at naglalakad sa entablado. Biruin mo isang
‘’drayber’’ nakapagtapos nang kolehiyo sa kanyang anak sa kursong ‘’Business Administration
major in Financial Management sa isang unibersidad sa lungsod ng Ozamis City.
Sa kasalukuyan, ang anak na niya ang nagtatrabaho para matustusan ang
pangangailangan, Hindi niya sukat akalain na sa pamamasada niya’y makapagpatapos siya ng
kolehiyo na tutulong sa kanya. Ang anak niyang nagtatrabaho ngayon ang siyang nag sususento
para sa pag-aaral ng mga kapatid niya. Mahirap man ang buhay ngunit hindai ito hdalang upang
matupad ang mga mithiin ni ‘’Mang Wilmer’’ para sa kanyang mga anak, ‘’pag may tiyaga, may
nilaga’’.
Hanggang ngayon pa rin ay nagmamaneho siya nang may masayang ngiti at umaasang
ang ibang anak niya naman ang makikita niyang makapagtapos ng pag-aaral. Ang trabaho niya
ang siyang bumubuhay sa kanyang pamilya at kahit na mahirap ang buhay, hindi sumuko si Mang
Wilmer sa mga pagsubok na dumating sa kanya at ipinauubaya niya ito sa Panginoong Diyos.
Laking pasasalamat niya na sa kabila nang lahat ng sakripisyo niya para sa pamilya ay natupad
ang lahat na inaasam niyang pangarap para sa mga anak.
Walang madali sa lahat ng aspeto nang ating buhay, lahat ng mga bagay ay ating
pinaghirapan, dugo’t pawis ang ating pinuhunan. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pangarap sa
pamilya, diskarte at kanya-kanyang plano para makatakas sa madilim na kulungan na siyang
kahirapan. Kailanman ay hindi hadlang ang pagiging mahirap sa taong malawak ang kaisipan at
sa mga taong may responsibilidad sa kanyang ginagawa.
Hindi mo malalaman ang tunay na dahilan sa mundong iyong ginagalawan. Hindi mo
makakamit ang tagumpay kung nakaupo’t nakatunganga ka lang diyan. Maging instrumento ka sa
nakararami at inspirasyon dito sa mundong ibabaw. Kung kayang gawin ng iba, bakit hindi mo
subukan at nang malaman mo?
Masasabing mahirap ang maging isang ‘’drayber’’ tulad nila na pumapadyak sa takbo ng
buhay. Kinakailangan nilang magpagod araw-araw upang kumita lamang ng pera para buhayin
ang pamilyang kanilang mahal at higit na pinahahalagahan. Mababakas din sa kanilang gawain na
sila ay namumuhay ng marangal dahil sa nagtatrabaho sila ng tama at hindi gumagawa ng krimeng
labis na makasasama sa lipunan. Nasilayan ang mumunting buhay ng isang drayber – kung paano
sila umaksyon sa takbo ng buhay.

You might also like