at sa mga panicking baliktad matulig dahil sa pangambang ipot ay mahulog.
Sa bawat kuliling nitong kampanilyang
lagi na lang hilo’t parang nahihibang na kahit ng santong pinta sa larawa’y nagngiting demonyo sa banal na ingay.
Ang iba’y naghikab na parang buwaya
sa bawat pagpalad ng mamisong ostya, at kahit ang lasa’y sadyang naiiba kainin mon a lang sa abulo’y nagmula.
Para ng palitaw ang nasa upuan
matapos mabasa itong kasulatan, O Diyos na dakila’y ako’y kahabagan ipot ng paniki’y aking naluhudan.
Sa di pagsalansang ng sking isipan
sa bitumen kalmeng pulupot sa kamay, kung Kaylan namuti ang buhos sa pilak saka naiwika yaong kaligtasan! Sadyang di mawari ang katotohanan sa budhi ng taong krus ang kasuotan pa’no maliligyas tanang kasalanan kung sadyang kapalit salaping sukaban!
O, at “pis bi wid yo’y tagal ng naukit
sa puso ng taong punong hinanakit, kahit sa kalaba’y piliting isambit ng makarating ka sa pintuang langit
At bago lumisan sa pook dasala’y
isiping mabuti kung may pinawalang barya sa abuloy bago ka mamatay ito raw ay susi sa kabilang buhay! Isang beses sa isang Linggo, Madalas tayong magkatagpo Nakaupo ka sa bandang dulo, Masayang kumakanta at tumutugtog ang piano.
Minsan ako’y kuntento na,
Sa malimit na pagmamasid sa iyong mukha. Sa iyong pagtugtog at pagkanta, Puso ko’y tila ba’y hinahalina
Minsan nama’y nahuhuli kitang nakatingin,
Ewan ko ba kung ano ang dapat gawin. Naiisip ko nab aka ito’y hindi naman para sa’kin, Pero hindi ko pa rin maiwasan ang kiligin.
Hindi ko lubos na maunawaan,
Bakit puso ko’y binibigyan mo ng kasiyahan. Sapat na saking na malayo ika’y pagmasdan, Sa kabilang banda sa loob ng Simbahan.