Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral

Tauhan:

 Crisostomo Ibarra
- Isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga
kabataan ng San Diego.

 Maria Clara
- Ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay
Padre Damaso.

 Kapitan-Heneral
- Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka- ekskomunyon si Ibarra.

 Padre Salvi
- Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

 Paring Dominikano
- Na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Padre Sibyla.

 Alkalde
- Nangako sa Kapitan Heneral na pangangalagaan niya si Ibarra.

 Sinang
- Kaibigan ni Maria Clara sa San Diego.

Tagpuan:

 Sa bahay ng pamilya Orenda

Banghay:

Pagkadating ng Kapitang-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila
na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso.
Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na
siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral;. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.
Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad sina Padre Sibyla,Padre Salvi , Padre Manuel Martin at iba pang mga prayle.
Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa Heneral maliban kay Padre Sibyla samantalang si Padre Salvi naman halos mabali na ung
baywang sa pagkakayuko…Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Pari Sybila at Padre Salvi na
may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa heneral ay sina kapitan tiyago at Maria.
Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nagpaalam at pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya , maaring nautas na si
Ibarra si Padre Damulag. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria na kagyat namang tumutol.
Samantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa Heneral. Napansin ng Heneral na
medyo nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na
samahan siya nito sa paglilibot.
Hindi matiis ni Padre Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excomulgado. Pero,hindi siya pinapansin nito at sa halip sinabi ng
Heneral na ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusata na gumaling ito kaagad. Napamaang ang mga prayle at sabay sabay na
nagpaalam at isa isang umalis Na may sama ng loob sa general Hindi nila matanggap Na dahil lang Kay padre damaso ay naging
malamig Na ang pagtanggap sa kanila ng general . Nakasalubong nila si Ibarra! Ngunit hindi sila nagkakibuan. Maliban sa mga
tinginang makahulugan.
Pagkakita ng Heneral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang
pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumulgado ni Ibarra.
Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid.
Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra
sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw sa buhay,
nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Iminungkahi niya itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa
Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa
bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito.
Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya.
Nang maalala niya si Maria, kaagad itong naghanda at sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at
itagubilinang paparoonin sa kanya si Kapitan Tiyago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si
Ibarra at umalis na. Kapagdaka,tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na
hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang
mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.
Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si
Tiyago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na manunungangin.Nagprisinta pa
ang Heneral na maging ninong sa kasal.
Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi
binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang nagsalita at Sinabi niya Kay Ibarra na isulat na lamang niya ang gusto niyang sabihin
Kay maria Clara sapagkat papunta sila sa dulaan. Umalis so ibarra Na nagtataka at ibinulong sa sarili "ano ang ibig sabihin nito
nganong saba mansi mikha?”
Tunggalian:
Tao laban sa tao
-ang mga korporasyon ng mga prayle ang makakalaban dahil sa kanila uri at kayamanan.

Suliranin:
-ang paggaling ni padre damaso, mahihirapan siyang maglayag pabalik sa espana.

Simbolismo:
Excomulgado - tinatawag na ekskomulgado kung lalaki o ekskomulgada kapag babae

Mensahe/Aral:
Iba ang naging pakikitungo ng Gobernador Heneral sa mga pari at ipinapakita rito na talagang galit siya sa mga pari. Ngunit ng kausapin
niya si Ibarra ay naging mahinahon ang kaniyang pagsasalita.

You might also like