Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ipinasa ang pananaliksik na ito na may pamagat na Suliraning


kinakaharap ng ating bansa : “Unemployment” dapat bigyang pansin
ay tinapos ng mag-aaral mula sa seksyon na IV – St. Titus ng Flos Carmeli
Institution of Quezon City upang mapunan ang mga rekawayrment para sa
ikalawang markahan ng asignaturang Filipino sa ilalim ng pagtuturo ni Bb.
Jessilyn Ranges.

_____________________

Gng. Brenilda Medina


(Punong-Guro)

_____________________________

Bb. Jessilyn Ranges


(Guro sa Filipino)
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO”


A. INTRODUKSYON

B. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

C. SAKLAW AT LIMITASYON

D. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”


A. KONKLUSYON

B. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
A. INTRODUKSYON

Sa ating panahon ngayon, mulat na ang marami kung ano ang mga
kinakaharap na mga pangunahing suliranin ng bansa. Isang halimbawa na
lamang ang aking paksa na unemployment. Ang suliranin na itoay makikita
sa kahit anung sulok ng ating bansa. Kaakibat nito ‘di lamang ang
kakapusan sa pera kung hindi, mga iba’t ibang suliranin pa na epekto nito.
Mas mainam kung ang bawat suliranin ay ating bibigyang pansin at
palawakin natin ang kaalaman ukol dito, kung ano ang mga maaring sanhi o
mga maaring solusyon na ating maisagawa upang matugunan ito.

B. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang paksang para sa mag-aaral ay naglalayong magbigay ng


kaalaman kung bakit mahalaga ang pag-aaral natin at paghahanda parasa
ating kinabukasan. Ito ay kasabay na ring nagbibigay ng impormasyon
upang mamulat ang kabataan ngayon sa mga problema ng ating lipunan, di
lamang patungkol sa unemployment, kung hindi din sa mga problema at
suliraning kaakibat nito na nais mabigyang solusyon ng gobyerno.

Para naman sa mga walang trabaho, ito ay nagbibigay ng ilan sa


mga kaalaman na maaari nilang magamit upang maghanap ng solusyon sa
kani kanilang problema ukol sa paghahanap ng hanapbuhay. Ito din ay
maaring maglinaw sakanila ng mga dahilan sa kanilang suliranin na ayon sa
iba’t ibang pag-aaral na naisagawa.

Para sa may mga hanapbuhay,ito ay nagbibigay daan sakanila upang


bigyan nila ng importansya ang kanilang trabaho, gaano man kalaki ang
sahod ditto o gaano man kaliit. Ang pananaliksik na ito ay tila nagsasabi na
mas dapat nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang hanapbuhay at lalong
pagbutihin ang ipinapakita dito.
C. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay sasaklaw sa mga sanhi at epekto ng pagiging


unemployed ng isang Pilipino. Kasama din sa pananaliksik na ito ang mga
solusyon na isinasagawa gobyerno upang matugunan ang suliraning ito.

D. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

 Unemployed (walang trabaho) – naghahanap at handang magtrabaho


pero walang mapasukan.

 Trabaho(hanapbuhay) –

 Populasyon – Bilang ng tao sa isang naturang lugar.

 Labor export - Ang pabubukas ng pinto para sa mga trabaho ng ating


manggagawa sa ibang bansa ay may malaking tulong sa ating
ekonomiya. Isang pagkakataon ito para sa ating mga manggagawa na
mapabuti ang pamumuhay ng kanilang pamilya dahil sa mataas na
sahod na kanilang tatanggapin.

 Paglinang sa lokal na pinagkukunan - Dapat matutuhan ng mga


negosyante ang paghanap ng pamalit sa mga imported na materyales
mula sa ating mga lokal na materyales upang ang pagtatrabaho ng
ating mga manggagawa ay ‘di maantala.

 Pagdaragdag ng gastos ng Pamahalaan para sa mga Proyekto - Kapag


malaki ang kakulangan sa trabaho, malaki ang maitutulong ng
pamahalaan upang magkaroon ng trabaho ang mga manggagawa. Ang
pagsasagawa ng mga proyektong imprastaktura ng pamahalaan at
pagbibigay suporta sa mga proyekto ng pribadong sektor ay
magbubukas ng pinto sa mga manggagawa na may mapasukang
trabaho.

 Paghikayat sa mga Mamumuhunan - Ang pamumuhunan ay mahalaga


sa ating bansa maging ito ay lokal o dayuhan upang palawakin ang
pagtatayo ng negosyo,industriya, at pagawaan namagbibigay ng
trabaho sa ating maraming manggagawa.

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Tinitignan ang taas ng sahod sa trabaho


2. Bigat ng trabaho ang iniisip
3. Mga gradweyt na walang trabaho
4. Mga ‘di nakakatapos ng pag-aaral
5. Paano nila natutustusan ang pang araw-araw na gastusin?
6. Mga babaeng pumapasok sa prostitusyon
7. Mga gumagawa ng krimen
8. Mayroon bang solusyon dito ang gobyerno?
9. Laki ng populasyon
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O
LITERATURA
A. Unemployed

Noong nakaraang taon, nasa 11.4% ang annual average ng


unemployment rate. Pero sa kalagitnaan ng taon, binago ng National
Statistical Coordination Board (NSCB) ang depinisyon ng “walang trabaho”
(unemployed). Datirati, sila yaong mga manggagawa na walang trabaho na
di na naghahanap ng trabaho dahil sa paniwalang wala namang
mapapasukan, masama ang panahon, may pansamantalang karamdaman o
may hinihintay na aplikasyon. Sa kasalukuyang depinisyon ng gubyerno,
ang mga walang trabaho ay yaong naghahanap at handang magtrabaho
pero walang mapasukan.
Kahit iniulat ng gubyerno ang “kumikinang” na 7.9% paglago sa
gross domestic product (GDP) sa pangalawang kwarto at dalawang
magkasunod na panahon ng “higit sa karaniwang paglago”, hindi ito
sinabayan ng katumbas na pagdami ng tunay na trabaho o disenteng sahod.
Kahit mistulang paborable ang paglago, ang empleyo ay nagrehistro lamang
ng 1.2% paglago noong Abril 2010 mula sa nakaraang taon, na ni hindi
masabayan ang paglaki ng pwersang paggawa o ng populasyong nasa-edad
nang magtrabaho. Patuloy na tumaas ang disempleyo sa 4.7 milyon noong
Abril 2010 at ang tantos ng disempleyo na 11.6% ay ang pinakamalala sa
Asya. Nawalan naman ng 802,000 trabaho ang sector ng agrikultura noong
Abril.
Imbes na bilang ng hanapbuhay ang lumago kasabay ng paglago ng
ekonomiya ay ang pagtaas sa tubo ng Top 1,000 na korporasyon mula
P116.4 bilyon noong 2001 sa P686.3 bilyon noong 2007. Ang kakayahang
tumubo o tantos ng tubo kumpara sa kita ay tumaas din mula 3.2% noong
2001 hanggang 11.7% noong 2007. Nagkaroon ng pagbaba sa tubo sa
P415.1 bilyon noong 2008, malamang dahil sa pandaigdigang krisis
pangekonomya, subalit nagkaroon pa rin ng 7.02% kakayahang tumubo
katapat ng 0% pagtaas ng sahod.
B. Ano ang kalagayan ng mga unemployed?

Hindi mapagtakpan ng mga estadistika at boladas ang dinaranas na


kahirapan ng mamamayang Pilipino. Sa pagtatapos ng 2005, lalo pang
tumindi ang paghihikahos ng mamamayan na pinapatunayan sa patuloy na
pagtaas ng tantos ng kawalang hanapbuhay at paglaki ng bilang ng
mamamayang hindi na nabubuhay sa disente at makataong pamantayan.

Walang kasing lala ang kalagayan sa empleyo ng bansa. Sa datos


mismo ng gubyerno, tinatayang mahigit 1 sa bawat 10 mamamayan ang
walang trabaho. Noong nakaraang taon, nasa 11.4% ang annual average ng
unemployment rate. Pero sa kalagitnaan ng taon, binago ng National
Statistical Coordination Board (NSCB) ang depinisyon ng “walang trabaho”
(unemployed). Datirati, sila yaong mga manggagawa na walang trabaho na
di na naghahanap ng trabaho dahil sa paniwalang wala namang
mapapasukan, masama ang panahon, may pansamantalang karamdaman o
may hinihintay na aplikasyon. Sa kasalukuyang depinisyon ng gubyerno,
ang mga walang trabaho ay yaong naghahanap at handang magtrabaho
pero walang mapasukan. Kaya naman sa pagtatapos ng taon, inulat ng
gubyerno na 7.7% na lamang ang unemployment rate na epektibong
bumura sa 1.5 milyong Pilipino na di na ibinibilang na walang trabaho.

Pero kahit pilipitin ng ganito ang datos, hindi mapagtakpan ng


gubyerno ang malubhang suliranin ng kawalan ng trabaho. Katunayan, sa
ilalim ngayon ng administrasyong Arroyo umabot sa pinakamalala ang
rekord sa disempleyo sa tanang kasaysayan ng bansa.

Pinalubha pa ito ng patuloy na pagbagsak sa kalidad ng mga trabaho


sa Pilipinas. Ibayong lumala ang kakulangan sa trabaho (underemployment
rate) na naging 21% noong 2005 mula sa 17% lamang noong 2004.
Malaking bilang ng mga may empleyo ang patuloy pa ring naghahanap ng
dagdag na trabaho o mapagkakakitaan. Pinakamatinding kakulangan ito sa
trabaho mula 1988. Lumiit din ang bilang ng mga sahurang manggagawa
(wage and salary workers) ng 156,000 habang sumirit ang mga sariling
kayod (own account and unpaid family workers). Lumilitaw na halos kalahati
ng umiiral na trabaho sa bansa ay sariling kayod, mababang pasahod,
pansamantala, walang katiyakan at “impormal

Kakarampot kung nadadagdagan man ang mga trabahong nalilikha ng


atrasado at ampaw na ekonomya. Karamihan sa mga bagong trabaho ay
nasa agrikultura at serbisyo partikular sa kalakalan gayundin sa
transportasyon at komunikasyon. Gayunman, karamihan sa mga ito ay may
mababang pasahod o kung relatibong mataas man, walang katiyakan sa
trabaho. Sa pagmamanupaktura, halos 17,000 lamang ang nalikhang
bagong trabaho na ibayo pang nagpaliit sa bahagi ng pagmamanupaktura sa
kabuuang empleyo. Ang sabsektor ng pagmamanupaktura na humihigop ng
mga manggagawa sa kalunsuran ay patuloy pang lumiit sa 9.5% na bahagi
na lamang sa kabuuang empleyo ng bansa at itinuturing na pinakamaliit
nitong tantos sa nakaraang apat na dekada.

Sa kabila ng mga salamangka, mismong mga datos ng gubyerno sa


empleyo ang nagpapahiwatig sa tindi at lubha ng kawalan at kakulangan sa
trabaho. Kapag pinagsama ang tantos sa unemployment (11.4%) at
underemployment (21%), lilitaw na 32.4% ng kabuuang lakas paggawa o
mahigit 3 sa bawat 10 manggagawa ang wala o kulang ang trabaho. Ito ay
batay sa lumang pamantayan ng gubyerno sa pagsukat ng lakas-paggawa.
Pero kahit sa lumang pamamaraan ng pagsukat, hindi nito isinama bilang
lakas-paggawa ang maraming mamamayan na epektibong nagmemenos sa
malubhang datos sa disempleyo. Kahit ito ay hindi naman talaga
nagpapakita ng tunay na lala ng kawalan at kakulangan ng trabaho sa
Pilipinas. Pero higit pa sa mga datos, ang aktwal na ginagawa ng mga
manggagawa para mabuhay ang nagpapakita sa tindi ng disempleyo.
Pinakamalala ito mula ng mapabagsak ang diktadurang Marcos dalawang
dekada na ang nakaraan. Wala nang mapagpilian ang milyun-milyong
mamamayan kundi mangibang bansa para doon humanap ng trabaho.
Tinatayang aabot na sa 8 hanggang 9 na milyong Pilipino (10% ng
populasyon) ang migrante.

C. Anu-ano ang mga Sanhi ng suliranin?

1.Tinitignan ang taas ng sahod sa trabaho

Nagiging rason din mababang sweldo nila mula sa kanilang karera


kung magtatrabaho sila sa ilalim ng gobyerno. Halimbawa na lang ay ang
mga nakapagtapos ng nursing, may ibang mas pinipiling mag-apply at
magtrabaho sa isang call center kaysa magsilbi sa mga pampublikong
ospital dahil sa maliit na sahod mula sa gobyerno.

2. Bigat o dami ng trabaho ang iniisip

3. Mga gradweyt na walang trabaho

Una hindi demand ang kanilang trabaho sa lokal o sa ibang bansa,


ikalawa nawawalan ng gana, ikatlo hindi angkop ang kurso na kanilang
kinukuha, ikaapat kakaulangan ng kaalaman upang pumasa sa mataas na
kalidad ng mga manggawa sa ibang bansa.

Noong taong 2006 ay humigit kumulang 13,000-15,000 na registered


nurses ang pumunta sa ibang bansa para magtrabaho. Sa Pilipinas ay
kulang ng mga bakanteng trabaho para sa kanila kung kaya’t madalas
nagkakaroon ng job mismatch. Ang ibang gradweyt na nars ay nagiging
crew na lang sa fastfood chain o saleslady sa isang department store.

Ayon sa Commission on Higher Education, noong 2009 humigit


kumulang na 900,000 ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Samantala, ang
bilang ng mga nagbubukas na trabaho sa bansa nitong 2009, ayon sa
Department of Labor and Employment ay 20,000- 30,000 lamang. Dahil
hindi balanse o pantay ang ratio ng mga nagsipagtapos sa bilang ng mga
nagbukas na trabaho, napipilitang pasukin ng mga iilang graduate ang mga
trabahong taliwas sa kursong tinapos nila.

4. Mga ‘di nakatapos ng pag-aaral

Karamihan sa kabataan ngayon ay ‘di naka-tapos sa pag-aaral. Ito ay


sanhi ng madaming mga dahilan.

Una: Kakapusan sa buhay.

Maraming mag-aaral ang nais makatapos ng pag-aaral, ngunit sanhi


ng kakapusan sa pang-tustos dito, ‘di nila nakakamit ang nais na
diploma. May 80 milyon na ang bilang ng mga tao sa Pilipinas. Ayon sa
isang pag-aaral ng IBON Foundation, may 88 porsiyento ng 80 milyong
taong ito-samakatwid ay 70.4 milyon-ang nasa ibaba ng tinatawag na
poverty line.

Ang palaki nang palaking populasyon ng Pilipinas ang lagi't laging


pinagbubuntuhan ng sisi sa paglala ng kahirapan sa bansa. Kaya
naman hindi nakapagtatakang si Kinatawang Lagman ay makaisip ng
ganitong panukalang batas.

Datapwat ang isang karaniwang manggagawa'y kumikita lamang ng


P300 sa kasalukuyan. May 15 porsiyento ng buong populasyon natin
ang mga manggagawa sa mga pabrika.

Ang mga nagtatrabaho sa mga sakahan ay higit pang masasahol


ang dinaranas: ang mga manggagawang-bukid kadalasa'y wala pang
P100 ang sinasahod sa isang araw, habang ang mga nakikiparti sa ani
ay umaani na ang kita sa pagbebenta ng kanilang inani ay hindi rin
sumasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.

Ikalawa: Kawalan ng interes.

Ang mga mag-aaral ay kadalasang nababaling ang atensyon sa


ibang mga bagay. Saklaw na nito ang pagkahumaling sa mga laro sa
kompyuter,ang paglalakwatsa o ‘di kaya’y sadyang katamaran ng
estudyante. Ang mga bagay na ito ay lubhang naka-aapekto sa mag-
aaral. Marahil ay mas mabigyan niya ito ng atensyon at maisip na ito
na lamang ang pagtuunan ng pansin.

Ikatlo; Maagang pagbubuntis.

Isa sa mga tinuturong dahilan ng pagbubuntis ng mga batang


babae ang kakulangan ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa
pakikipagtalik. Partikular sa Pilipinas, ang partuturo ng sex education
sa mga paaralan ay isang isyu na patuloy na pinagdedebatehan.
Bagamat malakas ang panawagan ng iba’t ibang sektor ng lipunan
para sa sex education, ang simbahang Katoliko at ibang
konserbatibong grupo ay mahigpit itong tinututulan.

Ayon sa 1995 sensus, mga 1.8 kalalakihan at 670,000 kababaihan


na may edad 15-24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik. Ayon naman sa
World Health Organization,21% ng mga Pilipinong kababaihan ay
nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa POPCOM, ang mga
batang ina ay bumubuo ng 30% na pagbubuntis, 17% ng mga kaso ay
hinimuk ng aborsyon,12% ng normal na panganganak,6% ng
boluntaryong aborsyon.Sa datos naman noong 2009, halos 3.6 milyon
ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan, pito sa sampung
buntis na babae ay hindi bababa sa 19 ang edad.
Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis ay
sinasabing sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng
bansa. Ang lumulobong populasyon at kawalan o limitadong kakayahan
ng mga kabataan na suportahan ang kanilang mga anak ay isa sa mga
nagiging dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa madaling sabi,
ang mga kabataang maagang nabubuntis ay ‘di na napagpapatuloy ang
kanilang pag-aaral na nagsasanhi ng ‘di nila pagkahanap ng
magandang hanap buhay upang matustusan ang pangangailangan nila
at ng kanilang anak.

5. Paano natutustusan ang pang araw-araw ng gastusin?

Kailangan ng isang ordinaryong pamilya ng P858 para mairaos ang


pangangailangan sa araw-araw. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan
(Bayan) lumala na nang husto ang nararanasang kahirapan ng buhay sa
kasalukuyan. Sa isang artikulong sinulat ni Danilo Araña Arao sa Bulatlat
nitong Hunyo, makikitang ang isang pamilyang may dalawang magulang at
apat na anak-ang karaniwang pamilyang Pilipino-ay nangangailangan ng
P594 sa isang araw upang mabili ang lahat na pangangailangan. Gumamit si
Arao ng datos mula sa National Wages and Productivity Commission para sa
artikulong nasabi.

6. Mga babaeng pumapasok sa prostitusyon

Sanhi nga nang pagkawala ng pinagkukunan ng hanap buhay,


maraming kababaihan ang nahihikayat na pumasok sa prostitusyon.

Ayon sa The International Labor Organization(ILO) at The Coalition


Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP), umabot ng kalahating
milyon ang bilang nga mga prostitutes sa Pilipinas, noong taong 1993 at
1994, at 400,000 naman noong 1998. Ang prostitusyon ay nakaaapekto sa
turismo lalong-lalo na sa Pilipinas, mas kilala ito sa tawag na “Sex Tourism”
kung saan ang pagbibigay aliw ang dinarayo ng mga tao. Ang prostitusyon
sa Pilipinas ay kumekeyter sa mga lokal na kostomer at mga dayuhan na
siya namang madalas na maging kliyente ng mga nasabing prostitutes.
Kahit na ipinagbabawal ang mga ganitong gawain, hindi maiiwasan ang mga
ito. At kahit marami na ang mga nahuhuli, hindi pa rin nasusupil ang
prostitusyon.

7. Mga gumagawa ng Krimen

8. Mayroon bang solusyon dito ang gobyerno?

Ang ating pamahalaan ay ‘di lamang nagbibigay ng mga hanapbuhay


sa ilalim ng kanilang administrasyon. Sila din ay nangangasiwa ng mga
programa upang matulungan ang iba na matuto ng mga kakayahan na
kakailanganin sa paghahanap ng trabaho. Sila din ay nangangasiwa sa mga
proyekto na makakatulong sa mga di nakapagtapos na ipagpatuloy ang
kanilang pag-aaral.

9. Laki ng populasyon

Ang laki ng populasyon ay nagiging sanhi din ng unemployment. Sa


dami ng bilang ng tao,hindi lahat ay nabibigyan ng trabaho. ‘di nagiging
balanse ang ratio ng bilang ng trabaho sa bilang ng taong nais
maghanapbuhay.

May 80 milyon na ang bilang ng mga tao sa Pilipinas. Ayon sa isang


pag-aaral ng IBON Foundation, may 88 porsiyento ng 80 milyong taong ito-
samakatwid ay 70.4 milyon-ang nasa ibaba ng tinatawag na poverty line.

Ang palaki nang palaking populasyon ng Pilipinas ang lagi't laging


pinagbubuntuhan ng sisi sa paglala ng kahirapan sa bansa. Kaya naman
hindi nakapagtatakang si Kinatawang Lagman ay makaisip ng ganitong
panukalang batas.
Sa isang pag-aaral ng dalawang Pilipinong siyentipiko noong 1983,
napatunayang ang lahat ng yamang likas ng Pilipinas ay may kakayahang
bumuhay ng hanggang sa 500 milyong tao. Kayrami nang mga sumunod na
pagsusuri sa ating problema sa populasyon, subalit magpahanggang ngayo'y
walang nakapagpapabulaan sa pag-aaral na isinagawa noong 1983.

D. Mga solusyon sa unemployed

Technical Education and Skills Development Agency o TESDA

Ito ay unang naitatag bilang batas ng dating Pangulo na si Ginoong


Fidel V. Ramos ng ika-Agosto 25, 1994. Ang pagsasama-sama ng National
Youth Council (NMYC), Department of Labor and Development (DOLE), The
Bureau of Technical and Vocational Education (BTVE) Department of
Education, Culture and Sports (DECS), Bureau of Local Employment (BLE)
ang nagbigay daan upang mabuo ang TESDA. Ang batas na ito ay may
layunin na paigtingin ang partisipasyon at pagtutulungan ng pamahalaan,
industriya , teknikal, bokasyonal at pribadong sektor para iangat ang antas
ng mga kakayahan at bigyang kaalaman ang bawat manggagawang
Pilipino.

Alternative Learning System

Sa Pilipinas, ang mga batang walang kakayahan na makapasok sa


paaralan ay binibigyan ng pagkakataon ng Department of Education. Ikaw
ay magsasanay sa loob ng 10 buwan o maaring higit pa at pagkatapos nito
ay bibigyan ka ng “Accreditation & Equivalency Test”. Dito malalaman
kung ang iyong natutunan ay katumbas ba ng diploma sa mababa o
mataas na paaralan. Sa mga edad na 12 pababa,ito ay katumabas ng
diploma para sa elementarya at sae dad 15-16 naman,ito ay katumbas ng
diploma para sa hayskul.

Ang pagkuha ng Alternative Learning System ay may dalawang


paraan. Sa pamamagitan ng modules o sa pamamagitan ng internet. Isa
sa kilalang personalidad na nakinabang ditto ay ang tanyag na
boksingerong si Manny Pacquiao. Siya ay nakatapos lamang ng unang
antas ng hayskul at kumuha ng ALS at nakamit ang diploma para sa
hayskul na nagbigay daan sakanya upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa
kolehiyo.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
60% sa mga walang trabaho na aking nasarbey ay nagsabi na ang ‘di
nila pagtatapos ng pag-aaral ang nagging dahilan kung kaya’t wala silang
nahanap na maayos na trabaho. 40% naman ang nagsabi na hindi angkop
ang kurso nila sa mga trabahong maari nilang pasukan.
30% sa may mga trabaho ang nagsabi na ang kasalukuyang
pinapasukan nilang trabaho ay hindi angkop sa kanilang natapos na kurso.
Karamihan sakanila ay pumapasok sa mga hanapbuhay na ‘di angkop sa
kanilang kurso dahil mas malaki ang sahod na makukuha nila dito. 70%
naman sa aking nasarbey ang nagsabi na angkop naman sa kanilang kurso
ang trabahong kanilang pinapasukan ngayon.
KABANATA V
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. KONKLUSYON

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakatulong ang paglago ng


ekonomiya sa paglutas sa mga problema ng mga walang trabaho. May mga
pagkakataon na may bakante ngang trabaho ngunit ‘di naman angkop sa
natapos o kaalaman ng isang manggagawa. Sa madaling sabi, maraming
bagay ang saklaw ng unemployment. Madami ang maaring sanhi nito at
nakapagdudulot din ito ng mga hindi magagandang epekto. ‘di lamang sa
isang indibidwal kung hindi damay na din ang madaming bilang ng taong
nakapaligid sa kanya.

B. REKOMENDASYON

Dapat bawat isa sa atin ay magsikap na mapaganda ang hinaharap at


buhay ng bawat isa. Ang ating pamahalaan ay ginagawa na ang mga
hakbang na dapat nilang gawin upang matulungan ang malaking bilang ng
mga Pilipinong kumakaharap sa unemployment. Amg dapat ay, wag nating
i-asa ang lahat sa tulong ng iba. Dapat tayo ay may sarili ding kusa upang
mapa-unlad natin di lamang ang buhay natin kung hindi pati na din ang
bansa. Sa pamamagitan ng pagsisikap ng bawat isa, makakatulong sa pag-
ahon natin sa bawat problema at krisis na ating kinakaharap.
BIBLIOGRAPIYA

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Teenage_pregnancy

http://www.tesda.gov.ph/page.aspx?page_id=10

http://www.scribd.com/doc/22839994/Thesis-Filipino-2

http://www.google.com.ph/#q=pananaliksik+sa+pagkawala+ng+interes+sa
+pag-aaral&hl=tl&ei=AwSaTNLgHILfcaL-
iNoH&start=10&sa=N&fp=ea825986733ab442

http://karapatanmanggagawa.wordpress.com/kasaysayan/

http://tl.wikipedia.org/wiki/KrimenFC:\Windows\hinhem.scr

You might also like