Professional Documents
Culture Documents
Bio Note
Bio Note
Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal
o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at / o
sa gig). Kadalasan na may makikitang bionote sa likuran ng pabalat ng libro na may kasamang larawan ng
awtor o ng may-akda.
Kapag inilalarawan ang taong paksa ng bionote ay kadalasan ng nasa dalawa hanggang tatlong
pangungusap lamang. Ang bionote ay dapat na isang impormatibong talata na siyang nagpapaalam
sa mga mambabasa o makikinig kung sino ang taong paksa ng bionote o ano-ano ang mga nagawa ng
paksa bilang propesyunal. Nagbibigay rin ito ng mga karagdagang impormasyon may kinalaman sa paksa
at kaganapang tatalakayin.
Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata
lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang
panauhin o bilang propesyunal.
Dapat din na batid ng lahat na iba ang bionote sa curriculum vitae, resume, at biodata. Ang mga
personal na impormasyon kagaya ng ngalan, timbang, tangkad, kapanganakan, lugar ng kapanganakan,
edad at kasarian ay karaniwan ng hinihingi sa mga resume, cv at biodata.
Ito ay para ipaalam sa iba / lahat ng manonood, mambabasa at / o makikinig ang kredibilidad sa
larangang kinabibilangan na siyang tatalakayin sa isang kaganapan
Para rin ipakilala ng may akda ang kaniyang sarili sa mga mambabasa
Katangian ng Bionote
Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng mga balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote
Mahalagang Paalala:
Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal profile ng isang indibidwal, tulad ng kanyang
academic career at mga academic achievements, at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
Nilalaman ng Bionote
Ang bionote ay ambag sa mga larangang kinabibilangan gaya ng mga kontribusyon at mga
adbokasiya.
Mahalagang Ideya!
Maituturing na marketing tool ang bionote. Ito ay ginagamit upang itanghal o ipahayag ang pagkilala at
natamo ng isang indibidwal. Dapat lahat tayo ay may matapat sa pagbabahagi ng mga impormasyon at
kinokondena dapat ang mga fake news.
brainly.ph/question/811802
brainly.ph/question/444743
brainly.ph/question/672746
4.4