Abortion

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tagumpay ang Irish government sa katatapos lamang na referendum para sa

legalisasyon ng aborsyon.Sa isang makasaysayang referendum, umabot sa 1.4 million


ang bumoto pabor sa pag-repeal sa 8th amendment ng kanilang konstitusyon o
abortion ban habang 723,000 ang kontra.Sa ilalim ng eighth amendment, ang isang
hindi pa ipinapanganak na bata ay may pantay na karapatang mabuhay gaya ng mga
nagbubuntis at pinapayagan lamang ang aborsyon kapag nalagay sa peligro ang buhay
ng isang babae maliban kung ginahasa o nagkaroon ng abnormalidad sa
pagbubuntis.Pero sa ilalim ng panukala, bibigyan na ng karapatan ang kababaihan na
magdesisyon kung ipalalaglag ang bata sa sinapupunan sa kahit anong
sitwasyon.Naganap ang makasaysayang botohan, tatlong buwan bago ang pagbisita ni
Pope Francis sa Ireland.Indikasyon din ito na humihina na ang katolisismo sa Ireland
bukod pa sa legalisasyon ng same-sex marriage sa naturang bansa.

Dahilan ng aborsyon sa Pilipinas


May mga nagsasagawa ng aborsyon para maligtas ang buhay ng inang nagbubuntis na
nasa panganib. Ang pagiging ilegal nito ang dahilan kung bakit lalong naging
mapanganib at nakamamatay pa nga ang aborsyon sa Pilipinas, lalo na sa higit sa
kalahating milyong Filipina na gustong magpa-abort, hindi dahil sa simpleng ayaw
nilang mag-anak, kundi dahil sa napakaraming kadahilanang emosiyonal, pisikal at
pinansiyal.
Mariing ipinapaalala ng mga doktor kung gaano kaselan ang aborsyon, lalo’t may Iba-
ibang pisikal na epekto ito sa bawat babae. Hindi “simpleng solusyon” ito, na pakiwari
ng iba. Mahalagang makipag-usap at kumunsulta sa mga espesyalista, health
professionals, at doktor na magsasagawa ng aborsyon, para malaman ang mga
posibleng epekto nito—pisikal at emosiyonal—sa kalusugan.
Sinumang nagbabalak ng aborsyon ay kailangang mapaliwanagan ng mga panganib at
epekto ng aborsyon sa kanilang kalusugan at well-being, at mabigyan ng impormasyon
tungkol sa mga tulong na maaari niyang hingin pagkatapos ng procedure, tulad ng
gamot at counselling.
Pero dahil nga ito ay ilegal sa Pilipinas, walang access ang mga kababaihan sa
ganitong impormasyon. Kapag ang pagbubuntis mo ay delikado, at kailangan talagang
alisin ang bata, walang magawa ang ina kundi ilagay ang sarili sa bingit ng panganib at
pagpapatuloy ng high-risk pregnancy.

You might also like