Intro

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

INTRO:

SUSPECT 1 (mastermind) : OH. KELANGAN MADAMING MAKAKUHA SAYO NYAN BUKAS. * sabay abot ng
ilang pakete ng droga*

SUSPECT 2: MALAKI LAKI KIKITAIN NATEN DITO BOSS.

SUSPECT 1: BASTA SIGURADUHIN MONG WALANG MAKAKAKITA SAYO. *Hithit sigarilyo*

SUSPECT 3: YUNG PURSYENTO KO HA! MAAYOS BIGAYAN!

*SIRENS WHALING*

*action music*

SUSPECT 2: MAY MGA PARAK! LINISIN NYO YAN! * tarantadong tinuro yung mga pakete ng shabu*

SUSPECT 1( mastermind ): TAGO! BILIS!!!

POLICE 1: MOVE! MOVE!

Binuksan ng malakas ang pinto. Natagpuan ang tatlong suspect sa kanilang hideout.

POLICE 2: TAAS ANG KAMAY! WALANG KIKILOS NG MASAMA.

SUSPECT 3: PANO NA BOSS?!

Walang palag na sumunod at itinaas ng tatlo ang kanilang kamay.

Dali- daling kinapkapan ng pulis ang tatlo habang tinututukan ang mga ito ng baril.

*ilang pakete ang nakuha sa kanila*

SUSPECT 1(MASTERMIND): WALA AKONG KINALAMAN DITO SIR!


POLICE 2: SAN NYO TO NAKUHA?! SINO ANG PROMOTOR NETO?!

SUSPECT 3: TULAK LANG AKO! DI AKO GUMAGAMET NYAN SIR.

SUSPECT 2: NAPASAMA LANG PO AKO SAKANILA DAHIL SA HIRAP NG BUHAY SIR.

POLICE 2: WALA TALAGANG GUSTONG UMAMIN HA!

POLICE 1: IPOSAS NA YAN! SA PRESINTO NALANG KAYO MAGPALIWANAG!

SUSPECT 1 (MASTERMIND): *naglabas ng baril at itinutok sa mga pulis* SIGE!!! MAGKAKAALAMAN


TAYO DITO!
*Pinagtulungan namang bugbugin ng s2 at s3 ang dalawang pulis habang nakatutok ang baril ng suspect
1 sa mga pulis. Nang makahanap ng tiyempo ay tumakbo na palabras ang mga suspect.

*SUSPECT 2 POINT OF VIEW*

Napahiwalay sa ibang kasama. Mabilis na tumatakbo papalayo sa mga pulis habang hinahabol sya ng
mga ito.

Di naglaon ay nahuli siya.

POLICE 2: DAPA! DAPA!

POLICE 1: ASAN NA YUNG MGA KASAMA MO?!

SUSPECT 2: NANDON PO SIR! * turo sa kabilang eskinita habang nanginginig*

Agad hinabol ng police 1 ang ibang suspect.

SUSPECT 2: SIR WALA TALAGA AKONG KINALAMAN DITO. GUSTO KO NA TALAGANG MAGBAGO KASO SA
HIRAP NG BUHAY DITO SA TRABAHONG ITO AKO NAPAKAPIT SIR! * UMIIYAK HABANG PUMAPALAG*

POLICE 2: HUWAG KANG PUMALAG!!!

*PUTOK NG BARIL*

Pinutukan ng police 2 ang suspect 2 ng tatlong beses.

*ADIK, HUWAG TULARAN*

Nahuli naman ang suspect 1 at 3 nang hindi dumadanak ang dugo dahil hindi na pumalag ang mga ito.

SCENE 1 (BAHAY):

Mapayapang umaga sa isang payak na tahanan. Si nanay ay nanonood ng tv.

Reporter: Talamak na ang issue ng EJK na nangyayari sa ating bansa. (chorvaness)

Nanay: Grabe!! Di mo na alam ang Sistema ng gobyerno at lipunan ngayon. Sobrang dami ng
nangyayaring krimen sa bansa. Delikado na talaga ang panahon ngayon. *PINATAY ANG TV*

*Pumasok si tatay na galit*

Tatay: ASAN NA YUNG YOSI KO DITO. *habang tumutungga ng gin*

Nanay: PURO KA NALANG BA BISYO?!

Tatay: ANO BANG PAKE MO?!


Nanay: DI MO NGA MAGAWANG MAGTRABAHO PARA SA PAMILYA NATEN TAPOS PURO PA BISYO YANG
INATUPAG MO!!!! YUNG ANAK NATEN! DISINWEBE ANYOS NA! DI MO MAN LANG NAPAG-ARAL NG
KOLEHIYO! NANGAKO KA NA MAGANDANG BUHAY ANG IBIBIGAY MO SAMEN! PERO ANO??

Tatay: WAG MOKO PAGSALITAAN NG GANYAN. Akmang sasakalin ang nanay ngunit napigilan ito ng
anak.

Anak: Lagi nalang kayo nag-aaway! At ikaw tay! Kung di mo magawang magtrabaho para saming pamilya
mo AKO NALANG HAHANAP NG PAGKAKAKITAAN MAKARAOS LANG KAMI! WALA KANG KWENTA.

SCENE 2 (SIMBAHAN ):

Anak: Panginoon, kayo na pong bahala sa amin. Sa magiging buhay namin. Bigyan nyoko ng lakas ng
loob harapin lahat ng problemang kinakaharap ko.

SCENE 3 ( SA LABAS NG BAHAY)

Lumapit ang mga kaibigan ni Pat sakanya.

Arvin ( mastermind): OH PRE! MUKHANG PROBLEMADO KA AH

Crizzelo: Oo nga. Problema mo boi?

Pat: Ah, wala.. Nag-iisip lang ako ng pagkakakitaan para makaraos.

Arvin: *ngumisi* Gusto mo ba ng pagkakakitaan pre? Hahahaha

Pat: Oo sana eh..

Arvin: * nilabas ang kanyang bulto bultong pera* Nakita mo ba to? * mayabang na binibilang* Kung
meron ka nito, makakabili ka ng mga magagandang damit. Matutulungan mo pa ang nanay mo.

Crizzelo: Oo nga pre. Diba gusto mo makapagcollege? Pwede mong mapagaral sarili mo.

Pat: *namangha* Pano ka nagkaraon ng ganyang kadaming pera?

Arvin: Madali lang. Magbebenta ka lang neto. * ipinakita ang pakete ng shabu habang pinipitik*

Crizzelo: Malaki kikitain dito boi. Di ka lugi. Yayaman ka pa hahahha

Arvin: Ano bata? Magbenta kalang. Kahit wag ka na gumamit. Pero pwede den. Sarap kaya sa
pakiramdam. * nakangiti habang inaabot ang pakete kay pat*

Dahil sa pagkumbinsi ng dalawa kay Pat ay napilitan itong pumayag. Inabot ni pat ang pakete at
tinitigan ito.

Arvin: *hinawakan ang ulo ni pat at hinawi hawi ang buhok neto*YAN ANG GUSTO KO SAYO BATA!
*hithit yosi*
PLAYS MUSIC (Hari ng tondo)

*walang salita dito. Acting lang. Sa part na to// parang magiging music video.*

Moment to ni pat. Ipapakita na kung kani-kanino na siya nagaalok. San san na nya nilalako ganern.

SCENE 4:

*MAY KUMAKATOK SA BAHAY*

Dali daling binuksan ni Nanay ang pinto.

Someone: Aling Gloria yung anak nyo po natokhang! Nakahandusay na sa labas.

PLAYS MUSIC (NOREM)

*wala ng salita ditto. Acting nalang kasi may music// sa part na to parang magiging music video*

Tumakbo si aling Gloria palabas. Natagpuan ang katawan ng anak na duguan. Naroon din ang mga
pulis at ibang suspect na nakaposas.

Lumuhod si Gloria para hagkan ang anak.// cut na banda dito

SCENE 5:

La ding salita, acting lang. Tuloy paden yung music.

Nakapayong na black sila jo saka Baldwin dito tila nagluluksa ganern.

Tas ipapakita ditto na nasa rehas si Arvin saka Crizzelo.

Last scene nasa libingan. Ipapakita yung lapida ni Patrick tubice.

The end.

You might also like