Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Batas Tydings–McDuffie

Ang Batas Tydings–McDuffie (opisyal na pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas;


Pampublikong Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong Ika-24 ng Marso taong
1934 ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na nagkaloob ng nagsasariling
pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) pagkatapos ng
sampung taon.
Noong 1934, pinamunuan ng Pilipinong politikong si Manuel L. Quezon ang "misyong
pang-kalayaan ng Pilipinas" sa Washington, D.C. na nagtagumpay sa pagpapatibay
ng Kongreso sa batas na ito.Kabilang sa mga probisyong tinutulan ng misyong
pangkalayaan ni Manuel L. Quezon ang pananatili ng base militar sa Pilipinas;ang
walang katiyakang kapangyarihang taglay ng High Commissioner na itatalaga sa
Pilipinas; at ang limitasyon kaugnay sa pagpasok ng mga Pilipino sa U.S.A..

Kasaysayan
Nagpunta si Manuel L. Quezon sa Washington DC nang hindi maaprubahan ang Batas
Hare–Hawes–Cutting. Nahikayat niyang bumuo muli ang Kongreso ng Amerika ng
isang batas para sa kalayaan ng Pilipinas. Ito ay ang Batas Tydings–McDuffie na
sinulat nina Senador Millard Tydings at Congressman John McDuffie. Noong 24 Marso
1934, nilagdaan ni Pangulong Franklin Roosevelt ang batas na ito. Pinagtibay ito ng
Lehislatura ng Pilipinas noong 1 Mayo 1934.

Layunin ng Batas
Ang ilan sa probisyon ng Batas Tydings–McDuffie ay ang mga sumusunod:

 Pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt na iiral ng sampung taon bago matamo


ang ganap na kalayaan ng Pilipinas.
 Pagkakaroon ng isang Kumbensyong Konstitusyunal na may mga delegadong
Pilipino na babalangkas sa Saligang Batas ng Pilipinas.
 Paghahalal ng taumbayan ng mga kinatawan sa senado at kongreso
 Pagkakaloob ng kalayaan ng Pilipinas matapos ang 10 taong pamahalaang
Komonwelt
 Pangangasiwa ng Estados Unidos sa ugnayang panglabas, taripa, at iba pang
bagay na may kaugnayan sa pananalapi

Paghahanda ng Konstitusyon
Isa sa mga itinadhana ng Batas Tydings–McDuffie ay ang pagkakaroon ng
isang konstitusyon para sa Komonwelt. Nagkaroon ng halalan para pumili ng mga
delegadong susulat nito. Sinimulan ng kumbensiyon noong 30 Hulyo 1943 at si Claro
M. Recto, isang kilalang iskolar, abogado at manunulat, ang nahalal na pangulo nito.
Hangad ng mga delegado na magsama ng mga probisyong pabor na pabor sa
damdaming Pilipino ngunit di nila ito magawa. May mga kondisyong ibinigay ang
Amerikano. Isa na rito ang pagtatamasa ng Amerikano ng karapatang sibil na nararapat
lamang sana sa mga Pilipino. Isa pa ring kondisyon ay ang patuloy na pagkontrol
ng EU sa pakikipag-ugnayang panlabas at usaping pananalapi.
Pinagtibay ng mga mamamayan ang Konstitusyon noong 14 Mayo 1935. Noong 16
Hunyo 1935, nahalal na pangulo si Manuel L. Quezon at si Sergio Osmeña naman ang
Pangalawang Pangulo.
MGA BATAS NA MAY KINALAMAN SA PAGSASARILI NG ATING
BANSA:

1. PHILIPPINE ORGANIC ACT OF 1902 (BATAS COOPER)


Unang batas na nagbigay karapatan sa mga Pilipino na
nagsimulang magpakita ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa
Estados Unidos na itinakda ni Henry Allen Cooper.
2. PHILIPPINE AUTONOMY ACT OF 1916 (BATAS JONES)
Ikalawang batas tungo sa pagsasarili ng Pilipinas kung saan
inilunsad ang tatlong sangay ng pamahalaan.
3. HARE – HAWES CUTTINGS
Ang Hare – Hawes Cuttings at Batas Tydings – Mc Duffie ay
halos may parehong mga probisyon tungkol sa paglaya ng
Pilipinas subalit tinutukoy sa Batas Hare – Hawes Cutting ang
ilang usapin tulad ng pananatili ng base military,
4. PHILIPPINE INDEPENDENCE ACT OF 1934
Ang Batas Tydings – Mc Duffie ay isang batas pangkalayaan
ng Pilipinas na inindorso ni Manuel L. Quezon.

You might also like