Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

6

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon sa University of Chicago (2013), ang tulog ay nakatutulong sa madaling

pagkatuto ng ibat ibang komplikadong gawain. Ayon kay Howard Nus Baum (2012), sa

pamamagitan ng pagtulog nagpag-tibay nito ang mga kakayahan na natutunan sa loob ng

isang araw. Ipinakita nito na maaari ngang mayroong koneksyon ang pagtulog at

pagkatuto sa gawain at maging sa paga-aral ng lengwahe. Ayon naman kay Daniel J.

Denoon ng Web MD Health News (2014), ang isip ng tao na kulang sa tulog ay mas

nagtatrabaho ng mabigat ngunit mas kakaunti naman ang nagagawa nito. Naipakita rin

nya sa “Sleep for Science” na ang kakulangan sa tulog ay nakakaapekto ng perpormance

ng mga mag-aaral sa kanilang gawaing pang-paaralan. Sa pagsusuri sa pitumpot siyam

(79) na mag-aaral kung saan ang ilan ay pinatulog ng siyam (9) na oras at ang iba naman

pinapatulog lamang ng 6.7 na oras. Sinabi ng mga guro na ang mga nasa limitadong tulog

ay may madalas nakakatulog sa klase at problema sa atensyon at konsentrasyon. Mas

nagkakaroon ng problema sa gawain ng mga mag-aaral kulang sa tulog kung ikukumpara

sa mga nakatulog ng mahimbing. Ang oras ng pagtulog ay nagbabago habang sila ay

nagkakaedad,ito ay ayon kay Dr.Maria Melendres,Pediatric Pulmonologist at sleep taong

(2013).Para sa Preschooler tatlo hanggang limang taong gulang kinakailangan ng 10

hanggang 13 oras na pagtulog ayon sa National Sleep Foundation.Ang mga batang nasa

ganitong edad ay kinakailangan matulog ng mas maaga kumpara sa mga toodler,dahil

hindi na sila gaanong natutulog sa hapon,ayon din kay Melendres .Samantalang ang nasa
school age children‟ 6 hanggang 13 taong gulang ay inirerekomenda ng National Sleep

Foundation ang 9 hanggang 11 oras ng pagtulog sa mga school age children tuwing

gabi.Ito ang mga panahon na ang mga bata ay nananaginip ng masasama,gaya ng

pagiging takot sa dilim,ayon kay Melendres ang mas batang school age children ay may

malawak na imahinasyon ,Teenager 14 hanggang 17 taong gulang madalas mabigo ang

mga teenager na sundin ang 8 hanggang 10 oras na pagtulog tuwing gabi.

You might also like