Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Planning for a living rosary

I. Tatawagin ang atensyon ng bawat YG sa pagtugon ng isang Ave Maria clap


II. Kahalagahan ng Rosario sa aking buhay?
III. Bibigyan ng 3 minuto pananahimik para sa pag iisip ng mga sariling intensyon.
IV. Magdarasal ng Banal na Rosario
a) Misteryo ng Tuwa ang gagamitin
b) Sa bawat misteryo babasahin ang mga salita na pwede nilang pagnilayan.
c) Aawit ng isang awit kay maria bago dumango sa mga susunod na misteryo
d) Sa maayos na pagdaloy ang bawat isa ay mamumuno ng pagdarasal sa
pamamagitan ng pagpapasa ng kandila sa mga susunod na sisimbolo na
bawat isa sa atin ay liwanag ng pag-asa sa kaharian ng diyos
V. At sa pagtatapos mag aalay ng isang awit para kay maria

MGA MISTERYO NG TUWA


1) Ang Pagpapahayag sa Mahal na Birheng Maria
i. Alalahanin kung paanong naging tao ang anak ng diyos sa
pakikipagtulungan ni Maria ng Nazaret, sa kanyang pakikiisa,
nasimulan ang pagliligtas sa atin ni Hesus, na nagkatawang taong
Anak ng Diyos
2) Ang pagdalaw ni Maria kay Elisabet
ii. Alalahanin ang paglalakbay ni Maria sa Judea upang dalawin si
Elisabet at ang tatlong buwan niyang pamamalagi roon upang
makatulong. Magkasama ang dalawang babaeng nagbigay puri sa
Panginoong kaloob sa kanila ng kanyang mga biyaya
3) Ang Pagsilang ni Hesus
iii. Alalahanin ang pagsilang ni Hesus, ang pinakamahalagang saglit sa
kasaysayan ng sangkatauhan. Isinilang sa isang hamak na sabsaban sa
Betlehem. Ang nagkatawan taong Anak ng Diyos ay unang sinamba
nina Maria at Jose at ng mga pastol
4) Ang pag-alalay kay Hesus sa templo
iv. Alalahanin kung paanong dinala nina Maria at Jose si Jesus sa templo
upang ialay sa Panginoon alinsunod sa kautusan. Ang gayong pag-
aalay ay simbolo ng buong buhay ni Hesus at isang propesiya ng
kanyang kamatayan sa krus.
5) Ang pagkakatagpo kay Hesus sa templo
v. Alalahanin ang malaking tuwa nina Maria at Jose nang matagpuan si
Hesus sa templo pagkatapos ng tatlong araw na paghahanap at
pagdarasal. Pagkakataon din ito para ipaalala kay Maria at Jose ang
kanyang misyon.

You might also like