Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kwentong Bayan:

Bakit mas maliwanag ang ARAW kaysa BUWAN?


Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae.
Maganda ang kalooban ni Araw ang mas matandang kapatid pero si buwan ay
malupit at hindi tapat. Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit.
Nagbigay siya ng brilyante kaya Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay
Buwan dahil hindi kasing ganda ang kalooban nito. Galit nag alit si Buwan. Dahil
dito, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya ng isang brilyante ng Diyos.
Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi
kasing liwanag ng brilyante ni Araw. Mas lalong nagalit si Buwan.

Nagdikit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwanag ay tinatawag


na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

Aral:

1. Iwasan ang pagiging mainggitin sa kapwa. Maging mabuti sa lahat ng


pagkakataon dahil ito ang nais ng Diyos.
2. Ang pagiging mainitin ay walang mabuting maidudulot bagkos ito ay
magdadala sa atin ng kapahamakan.
3. Kung may nais na maabot o makuha sa buhay, ang pinakamahusay na
paraan ay pagtrabahoan ito ng mabuti, pagpaguran, pagsumukapan at hindi
kunin sa mabilis at masamang paraan.

You might also like