Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

 1.

Ang Pamimili ng Angkop na Kagamitang Panturo at Mga Hakbang sa Paghahanda ng mga kagamitang Panturo

 2. Ang Pamimili ng Angkop na Kagamitang Panturo 1. Kilala ko ba ang aking tuturuan?        Gulang
Kasarian Pangangailangan Kahandaan Kakayahan Pag-uugali Kultura, atbp.

 3. Ang Pamimili ng Angkop na Kagamitang Panturo 2. Anong uri ng pagtugon at awtput ang aasahan ko sa mag-
aaral?  Piliin ang paksang naaayon sa kanyang pangangailangan  Magdisenyo ng pamamaraang magpapabilis
sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto  Tukuyin ang pantulong na kagamitan  Ihanda ang kagamitang magagamit
sa pagtataya ng pagtuturo-pagkatuto

 4. Ang Pamimili ng Angkop na Kagamitang Panturo 3. Saan magaganap ang pagtuturo? Gaano katagal?  Sa loob
o labas ng silid-aralan  Mga kagamitan  Ang panahon at oras na ilalaan sa aralin o gawain

 5. Ang Pamimili ng Angkop na Kagamitang Panturo 4. Anong metodo ang aking gagamitin? Piliin at ihanda ang
mga metodong makapagpapayaman ng interaksyon at karanasan

 6. Ang Pamimili ng angkop na Kagamitang Panturo 5. Ano-anong kagamitan ang angkop sa aking layunin?   
 Natutugunan ang layunin ng pagtuturo Nakapupukaw ng interes Madaling makuha at ihanda Hindi masyadong
mahal

 7. Mga Hakbang sa Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo 1. Tukuyin kung anong uri ng kagamitang panturo
ang kailangan. a. Sino-sino ang aking tuturuan? b. Ano-ano ang inaasahan ko sa kanila? c. Saan at gaano kahaba
ang panahong gugugulin sa pagtuturo? d. Ano-anong metodo ang aking gagamitin? e. Paano ko matitiyak ang
pagiging epektibo ng aking kagamitan?

 8. Mga Hakbang sa Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo 2. Itala ang mga pangunahing kaisipan ng aralin.
Tukuyin ang pangunahing kaisipan ng aralin. Ang mga ito’y makatutulong upang mapili at maihandang mabuti
ang mga kagamitang gaganyak sa mga magaaral upang makilahok sa mga gawain.

 9. Mga Hakbang sa Paghahanda ng mga kagamitang Panturo 3. Bumuo ng patnubay o “visual plan” para sa
bawat pangunahing kaisipan. a. Magkaroon ng sapat na oras sa paghahanda at maglaan din ng sapat na panahon
para sa pagrebisa at pagpapakinis kung kinakailangan. b. Makipag-ugnayan sa mga taong may sapat na kaalaman
sa paghahanda at pagdidesenyo ng mga kagamitan upang makakuha ng sapat na kahandaan.

 10. Mga Hakbang sa Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo 4. Muling suriin ang balangkas upang matiyak na
nasusunod ang mga pamantayan sa paghahanda at pagdidisenyo. Gamitin ang limang katanungan sa
pagpaplano ng kagamitan upang masuri ang iyong mga balangkas o "sketch". Maaaring baguhin kung
kinakailangan.

 11. Mga Hakbang sa Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo 5. Isaayos ang mga binalangkas na kagamitan.
Isaayos ang mga kagamitan ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga gawain. Lagyan ng bilang ang bawat isa upang
masiguro ang kaayusan nito.

 12. Mga Hakbang sa Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo 6. Maaaring magkaroon ng try out para matiyak
ang kabisaan ng mga ito. 7. Pagkatapos ng try out, isagawa agad ang pagpapakinis kung may dapat baguhin.

You might also like