Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 55

GUIMARAS STATE COLLEGE

GRADUATE SCHOOL

"KADALASAN NG PANONOOD NG KOREAN DRAMA AT IMPLUWENSIYA NITO SA


MGA MILLENIALS"

PROPOSAL NA PANANALIKSIK
Iniharap
Sa mga Guro ng
Paaralang Gradwado
Guimaras State College
Buenavista, Guimaras

Bilang Bahagi ng Pagtupad


sa mga Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Kursong
Master ng Edukasyon Medyor ng Filipino

ni

YVETTE M. NUFABLE
AGOSTO 2018
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang Pananaliksik na ito na pinamagatang ”KADALASAN NG PANONOOD


NG KOREAN DRAMA AT IMPLUWENSIYA NITO SA MGA MILLENIALS”, na
inihanda at iniharap ni YVETTE M. NUFABLE, bilang bahagi sa pagtupad sa mga
gawaing kailangan sa pagtamo ng kursong Master ng Edukasyon Medyor ng
Filipino ay pinagtibay.

Komite sa Riserts

ROGELIO T. ARTAJO, Ph.D.


Tagapangulo
ROGELIO M. BORRO, Ph.D. LILIAN DIANA B. PARRENO, Ph.D
Kagawad Kagawad

RUBY D. CATALAN, Ph.D. ERLY M. MARTIR, Ph.D.


Kagawad Kagawad

GENALYN L. MOSCAYA, Ph.D.


Tagapayo

PANEL OF ORAL EXAMINERS


Pinagtibay ng Komite ng Pananaliksik na _____________.

ROGELIO T. ARTAJO, Ph.D.


Tagapangulo
ROGELIO M. BORRO, Ph. D. LILIAN DIANA B. PARRENO, Ph. D.
Kagawad Kagawad

RUBY D. CATALAN, Ph. D. ERLY M. MARTIR, Ph. D.


Kagawad Kagawad

GENALYN L. MOSCAYA, Ph.D.


Tagapayo
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi sa pagtupad sa mga gawaing


kailangan sa pagtamo ng Kursong Master ng Edukasyon Medyor ng Filipino.

Comprehensive Examination passed on July 16, 2018.

ELY M. MARTIR, Ph.D.


Dekano

August 19, 2018


Date of Oral Examination
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

PASASALAMAT

Wala nang kasintamis pa sa tagumpay na naging bunga ng pinagpagurang

mga araw, pinagpuyatang mga gabi, pinaglaanan ng pera, pawis at oras. Mas lalong

makabuluhan ang tagumpay na ito dahil sa walang kapantay na suporta at mga

matulunging kamay na iniabot upang maging maayos at magaan ang pananaliksik.

Ang mananaliksik ay nagpapasalamat sa mga taong naging bahagi upang

maging matagumpay ang pag-aaral na ito. Ang taos-pusong pagtanaw ng utang na

loob sa mga nag-aambag at nagbahagi ng kanilang kaalaman at tulong upang maging

mas makabuluhan ang isasagawang pananaliksik .

Kay Dr. Rogelio T. Artajo, pangulo ng GSC sa mga kaalamang ibinahagi, sa

pagbibigay suhestiyon at sa walang sawang suporta at pagtulong upang matapos ang

pananaliksik na ito.

Kay Dr. Rogelio M. Borro , Dr.Ruby D. Catalan, Dr. Lilian Diana B. Parreno sa

pagtulong at paggabay at paglaan ng oras upang maibahagi ang mahahalagang

impormayon at kaalaman na nagamit sa buong pananaliksik.

Kay Dr. Erly M. Martir, Dekano ng Paaralang Graduado, sa kanyang walang

humpay na tiyaga at paghahandog ng talino sa pamumuno ng kolehiyo upang

mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon;

Kay Dr. Genalyn L. Moscaya, guro sa pananaliksik at tagapayo, sa kanyang

panghihikayat, matiyagang paggabay , mga mungkahi at pagtatama sa isinagawang

pag- aaral.
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Kay Dr. Wilson F. Tosino, sa kanyang taos – pusong suporta at bukas palad

na pagtulong at paghikayat upang malagpasan ang hamon na ito.

Sa mga itinuturing kong hiyas na sina James, Valerie,Maebelle, Jerome at

Dylan Neo, na nagbigay inspirasyon at pag-unawa sa mga panahong nawalan na ako

ng oras sa kanila. Sa aking mga kapatid na naglaan ng oras at suporta , sa mga kaklase

kong tumulong upang mas maging magaan para sa akin ang mga gawain;

Sa mga kapwa naming mga mananaliksik na nagbigay ng lakas ng loob at

humikayat na ipagpatuloy at huwag sumuko sa hamon at pakikibaka na matapos nang

maayos ang pag-aaral;

At higit sa lahat, sa Dakilang Maykapal na siyang dahilan ng lahat na ito, ang

lumikha at nagbigay buhay sa lahat ng nilalang; ang pangunahing pinagkukunan ng

lakas at pananalig ng mananaliksik sa bawat gawain, sa kanya ibinabalik ang lahat ng

tagumpay at papuri.

Maraming Salamat po!

YVETTE M. NUFABLE
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

PAMAGAT NG PANANALIKSIK i

DAHON NG PAGPAPATIBAY ii

PASASALAMAT iv

TALAAN NG NILALAMAN vi

TALAAN NG MANGHAD xiii

TALAAN NG LARAWAN xi

KABANATA

1 INTRODUKSYON

Banghay at Batayan ng Pag-aaral 1

Paglalahad ng Suliranin 3

Paglalahad ng Haypotesis 4

Teoretikal na Balangkas 5

Konseptwal na Balangkas 7

Kahalagahan ng Pag-aaral 7

Katuturan ng mga Katawagan 8

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral 10

2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura 11
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Ang kasaysayan ng Teleserye 11

Katangian ng Korean Drama 12

Millenials: Isang Pagpupukaw 12

Kaugnay na Pag-aaral 13

Banyaga 13

Lokal 17

3 DISENYO AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Disenyo at Layunin ng Pag-aaral 22

Mga Tagatugon 23

Kagamitan sa Pagtitipon ng Datos 23

Paraan ng Pag-aaral 24

Pang-istadistikang Pagtalakay ng mga Datos 25

TALASANGGUNIAN 29

MGA APENDISE 30

A Instrumento ng Pananaliksik 31

B Mga Liham para a Presidente 35

C Liham para sa Statistician 36

D Liham para sa mga Guro 37

E Liham para sa Principal 38

F Curriculum Vitae 39

G Validity Test Result 40


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

TALAAN NG MANGHAD

Manghad Pahina

1 Pamamahagi ng mga Tagatugon 23


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

TALAAN NG LARAWAN

Larawan Pahina

1 Kaugnayan ng lebel ng kadalasan ng

Panonood ng Korean Drama 7


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Kabanata 1

INTRODUKSIYON

Banghay at Batayan ng Pag-aaral

Hindi na bago ngayon sa karamihan partikyular na sa mga kababayan

nating mga Pilipino ang pagkahumaling sa iba’t-ibang teleserye na pinapalabas

sa isa’t ibang istasyon ng telebisyon. Hindi na rin iba na ang buhay natin ay

maihahalintulad sa isang teleserye, may komedya, minsan aksyon, minsan din

naman ay katatakutan at kadalasan ay drama.

Ang salitang teleserye ay karaniwang ginagamit bilang pangkalahatang

katawagan para sa mga Filipino soap operas sa telebisyon, bagaman naging

opisyal lamang ito noong taong 2000 nang unang inere ng ABS-CBN, isang

Filipino network, ang teleseryeng pinamagatang Pangako Sa’yo. Sa kabilang

dako, tinatawag din naming “teleovelas” ang mga Filipino soap operas. Ngunit,

mula noong taong 2010, opisyal nang ginagamit ng GMA network ang teledrama

bilang pagkakakilanlan sa kanilang Philippine TV Series na may kinalaman sa

drama (Clake, 2008).

Ayon kay Heyman (2001), ang Philippine Drama o mas kilala bilang

teleserye o teledrama, ay maaaring i-uri sa iba’t ibang anyo at genre. Ang

teleserye/teledrama ay isang uri na napapanood sa telebisyon na karaniwang


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

hindi makatotohanan o walang pawing pruweba na masasabing ito ay totoo.

Dagdag ni Karney (2009), na may paghahambing ang Teleserye sa mga

klasikong soap operas at telenovelas pagdating sa katangian at pinag-ugatan.

Gayun pa man, habang tumatagal ay nagbabago at nagkakaroon ito ng sariling

katangian na malimit na inilalarawan sa makatotohanang pakikipagkapwa ng

mga Pilipino.

Isinaad ni Michael Richards (2000) sa aklat na TV in Contemporary Asia

noong 1997, nagkaroon ng matinding kompetensiya sa pagitan ng mga

programang pambalita ng ABS-CBN at ng bagong-labas na Mexica novela na

Marimar. Gayundin, ang nasabing programa ay ang dahilan kung bakit

pansamantalang naging una sa television rating s ang RPN9, ang istasyong

nagpalabas ng nasabing telenovela (Danny, 2010).

Matapos ang pamamayagpag ng mga Mexicanovela sa Pilipinas,

nagkaroon naman ng panibagong kinababaliwan ang mga Pilipino. Ito ay walang

iba kundi ang Chinovela na pinasimulan ng Kapamilya Station. Meteor Garden

ang unang Chinanovela na naipalabas sa Pilipinas. Talagang minahal ng mga

Pilipino ang mga karakter ditto. Ang Flower 4 o mas kilala sa tawag na F4 ay

sinubayayan ng husto at isama pa ang babaeng bida sa palabas na ito. Kakaiba


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

talaga ang palabas na Meteor Garden kaya naman kinagat ito ng mga

manonood.

Noong 2003, ang mga programang pantelebisyon ay nagkaroon ng

malaking pagbabago nang pinagtuunan ng pansin ng nga networks ang mga

palabas at seryeng ginawa ng mga bansang mas nalalapit sa Pilipinas tulad ng

Taiwan at South Korea. Kaya, naipakilala sa mga Pinoy ang “Asianovelas” o Asian

soap opera na nagsimula sa hit Taiwanese drama series na, “Meteor Garden,” na

naisahimpapawid noong Mayo 2003. Sa parehong taon, ang Hallyu o Korean

Wave ay sumikat din sa bansa. Simula noon, patuloy ang Asianovela craze at

naging mas popular ang mga ito ng ipakilala ang mga Korean dramas sa

Philippine TV.

Kung isinalin man ang mga palabas na ito sa Tagalog o pinanood ng may

subtitle na Ingles, ang mga Pilipino ay labis na naaliw sa mga bidang Chinese at

Korean na hindi lamang may mga chinitong mata, cute dimples at mala-

porselanang balat kundi dahil nagtataglay din sila ng magagandang hitsura at

hindi maikakailang charisma. Sa kabila ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili

nitong mga “teleserye” o TV series, drama at anthologies, ang mga Pilipino ay

hindi pa rin mapigilan na mabighani sa K-Drama at musikang K-Pop. Sa

katunayan, ang ebolusyon ng K-Pop at K-Drama sa Pilipinas ay umabot na


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

ngayon online kung saan maraming mga tagahangang Pilipino ay nakatuon sa

mga partikular na artistang Korean o drama na nagsimula nang lumalaki.

Kung ang mga Amerikano ay mahilig sa TV series tulad ng popular

na “Grey’s Anatomy” at “Game of Thrones,” ang mga Pilipino naman ay gustong-

gusto manuod ng mga tinatawag natin na soap opera o TV Drama

o “telenovelas” na pinapalabas tuwing hapon o gabi sa TV. At kabilang sa

tagalong na sinusubaybayan na mga programa ng mga Pilipino ay ang mga

Korean drama series na isinalin sa wikang Tagalog.

Maaaring ito ay makasaysayang drama o mga nakabatay sa mga komiks,

supernatural drama, o dramas ng mga kuwentong pag-ibig. Maraming Pilipino

ang naghihintay sa araw at oras kung kailan ito ipapalabas. Ngunit bakit ba

gustong-gusto ng mga Pilipino ang mga K-Drama at musikang K-Pop? Ano nga

ba ang meron sa kanila at bakit tayo nahuhumaling dito?

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang kadalasan ng

panonood ng korean drama at impluwensiya nito sa mga millenials sa Mataas na

Paaralang Nasyonal ng Miagao, Miagao Iloilo, taung panuruan 2018 – 2019.

Bilang pagtitiyak, ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na

katanungan:
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

1. Ano ang kadalasan ng panonood ng Korean drama ng mga millenials

sa kabuuan at kung ipapangkat ayon sa kanilang kasarian, estado

pang-ekonomiko at kakayahang akademiko?

2. Ano ang ebalwasyon ng mga millenials sa Korean Drama sa kabuuan

at kung ipapangkat ayon sa kanilang kasarian, estado pang-

ekonomiko, kakayahang pang-akademiko?

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa kadalasan ng panonood

ng Korean drama ng mga millenials kung ipapangkat ayon sa kanilang

kasarian, ,estado pang-ekonomiko at kakayahang akademiko?

4. Ano ang lebel ng impluwensiya ng panonood ng Korean drama ng mga

millenials sa kabuuan at kung ipapangkat ayon sa kanilang kasarian,

estado pang-ekonomiko at kakayahang akademiko?

5. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa lebel ng impluwensiya ng

panonood ng Korean drama ng mga millenials kung ipapangkat ayon

sa kanilang kasarian, estado pang-ekonomiko at kakayahang

akademiko?

Paglalahad ng Haypotesis

1. Walang makabuluhang pagkakaiba sa kadalasan ng panonood ng

korean drama ng millenials kung ipapangkat ayon sa a. kasarian b. status

pang-ekonomiko c. kakayahang akademiko.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

2. Walang makabuluhang pagkakaiba sa lebel ng impluwensiya ng panonood ng

korean drama ng millenials kung ipapangkat ayon sa a. kasarian b. status pang-

ekonomiko c. kakayahang akademiko.

Teoretikal na Balangkas

Ang Xenosentrismo ay ang pagtangkilik ng kulturang hindi atin. Ito ay

bunga ng pagkakaroon ng Kolonyalismo sa ating mga Pilipino na kung saan

tinatanggihan natin ang mga bagay na may tatak Pilipino at mas handa nating

tanggapin at tangkilikin ang mga bagay na hindi sariling atin.

Dahil sa kasaysayan nating lagi tayong sinasakop ng ibang mga bansa

(Espanya, Japan, at Amerika), nagiging mas mababa ang tingin natin sa ating

mga sarili na tinuturing natin na mas maganda ang kultura, mga kaugalian, at

mga tradisyon ng ibang mga bansa. Iniisip din natin na mas mahina tayo sa

ibang bansa dahil sa mga karahasan na naranasan natin sa ating mga

mananakop. Noong mga panahon tayo ay sinakop ng mga Kastila, wala pa

tayong konkretong kultura bilang isang bayan kaya mas madaling naipasok ng

ating mga mananakop ang kanilang mga kultura at tradisyon at mas madali natin

itong natanggap sa ating lipunan.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Naipapalaganap din ng ating media ang ganitong pag-iisip. Madalas na

ipinapakita sa ating media na ang mga mapuputi, matatangkad at matatangos

lamang ang mga ilong ang itinuturing magaganda/pogi. At dahil dito, para sa

ating mga Pilipino, maaring ang tingin natin sa mga taong maiitim, hindi

matatangkad at mga pango ang ilong ay mga pangit. Dahil sa xenosentrismo,

nababawasan ang pagtangkilik ng ang ating kultura, musika, literatura, at ang

ating mga sining dahil mas tinatangkilik ng mga Pilipino kung ano ang meron sa

ibang mga bansa. Isa ding epekto ay ang emigration o ang paglipat ng ibang

mga tao sa bansa para doon na tumira. Dahil dito, nawawalan tayo ng mga

magagaling na mga manggagawa, na maaaring magpabagal ng pag-unlad ng

Pilipinas. Nawawala din ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino dahil sa mas

lalong pagtangkilik ng mga Pilipino sa kultura ng ibang mga bansa.

Kung dati ang kolonyalismo ay nagagawa sa paraan ng pag sakop sa

isang lugar, ngayon ay gumagamit na ng "soft" na kapangyarihan kung saan

nagiging makapangyarihan ang isang bansa sa kultural na paraan, tulad ng

"Hallyu" ng South Korea. Dati ang pag-iisip sa makakanluranin ay bilang ang

dapat na huwaran. Ngayon naman sa Asia, lumalaganap ang Orientalismo o ang

pag tingin na na ang mga Asyanonong bansa ay mas mataas. Isa

sa nangunguna rito sa pananaw ng iba ay ang Korea, sa pagitan ng

kanilang pagpapalaganap ng kultura sa kabuuhan ng mundo.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Iba't iba ang epekto ng kolonyalismo at xenocentrismo. Sa ekonomikal na

perspektibo, nawawalan ng benta ang mga produkto ng mga Pilipino. Kasabay,

lalong bumababa ang pagtingin ng mga Filipino sa kanilang produkto at Kultura.

Dahil dito, paunti-unting nawawala ang kultural na identidad ng mga Filipino.

Konseptwal na Balangkas

Malayang Baryabol Di-Mayalang Baryabol

Respondent Profile Kadalasang panonood ng


Korean drama
Kasarian
RERE
Estadong Pang-ekonomiko

Kakayahang Pang-
akademiko

Ebalwasyon ng mga
Millenials sa Korean
drama

Larawan 1. Kaugnayan ng lebel ng kadalasan ng panonood ng Korean drama

ng mga millenials sa kabuuan at kung ipapangkat ayon sa kanilang kasarian,

estado pang-ekonomiko at kakayahang akademiko.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga magulang. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang magabayan ng

mga magulang bilang nakakatanda sa pamilya ang kanilang mga anak at

malaman agad nila kung anu-ano ang mga posibleng dulot at epekto nito sa

kanilang mga anak.

Sa mga mag-aaral. Sa mga mag-aaral naman, ito ay may malaking maitutulong

sapagkat dito nila malalaman ang mga ibat-ibang epekto nito sa kanila bilang

estudyante at paano makipaghalubilo sa mga posibleng dulot nito sa kanilang

pag-aaral.

Sa mga guro. Magagabayan nila ang kanilang mga estudyante partikyular na sa

mga mahihilig manood ng ibat-ibang teleserye. Makakatulong din ang pag-aaral

na ito upang mas lalung maintindihan at maipaliwag ang mga mabubuting dulot

at magagandang resulta ng panoood ng teleserye.

Sa kasalukuyang mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magiging

basehan ng mga susunod ng mga mananliksik at pwedeng gawing kaugnay na

literatura sa kanilang mga susunod na pananaliksik.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Katuturan ng mga Katawagan

Binibigyang-katuturan konseptwal at operasyonal ang mga sumusunod na

mga katawagan ayon sa pagkagamit nito sa pag-aaral at pananaliksik na ito para

mas lalong maging malinaw at maintindihan.

Kadalasan – bilang ng ulit ng pagbalik-balik, pagkakaulit-ulit, o repetisyon

ng iisang pangyayari sa loob ng nakalaang dami ng panahon o oras. (Wikipedia)

Sa pag-aaral na ito ang salitang kadalasan ay ginamit bilang batayan ng

panonood ng mga millenials ng Korean drama.

Panonood – subaybayan ng tingin ang isang pangyayari o pagtatanghal.

(UP Diksiyunariong Filipino)

Sa pag-aaral na ito ginamit ang salitang panonood bilang batayan sa gagawing

pananaliksik

Korean Drama – ito ay mga drama pangtelebisyon at pampelikula na

gawa mula sa South Korea. Maaaring ito ay nasa ibat-ibang istasyon ng

telebisyon. (https://brainly,ph)

Sa pag-aaral na ito ang mga Korean Drama ay ginamit bilang mga panunuorin

ng mga mag-aaral

Impluwensiya – isang lakas, puwersa o kapangyarihang nakapagpapabago

na nagmumula sa labas ng isang tao o isang bagay. Maaari itong sinadyang

binalak ng iba o maaari ring resulta na hindi binalak na naganap dahil sa ibang

mga kaganapan. (https://brainly,ph)


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Sa pag-aaral na ito ang salitang impluwensiya ay tumutukoy sa epekto ng

panonood ng Korean drama ng mga mag-aaral

Millenials – tawag sa mga ipinanganak pagkatapos ng 1981. Tinatawag na

generation Y or Net generation. (Strauss at Howe, 1987)

Sa pag-aaral na ito ang millenials ang pangkat ng mga mag-aaral na

pagtutuunan ng pansin sa gagawing pananaliksik

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga kabataang Pilipinong

itinuring na millenials na may gulang na 15-16 na taon sa Mataas na Paaralang

Nasyonal ng Miagao na manonood at sumusubaybay sa mga Korean

drama/telenobela ipinalalabas sa telebisyon. Dito lamang nagbigay pansin ang

mga mananaliksik sapagkat limitado lamang ang kanilang mga datos na nakuha

at nakalap upang maisagawa ang pananaliksik na ito.

Ang instrumentong gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang talatanungan na

gagawin ng mananaliksik. Ito ay dadaan sa balidasyon para matiyak ang

pagiging balido at pagkamapanaligan ng ginawang talatanungan.

Para sa istadistikang pagsusuri ng mga datos, gagamitin ang Mean at Standard

Deviation, Frequency , Percentage, T-test, at ANOVA.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Makikita sa bahaging ito ang mga teorya at pag-aaral ng mga dalubhasa

patungkol sa pagkahumaling ng mga Pilipino at mga estudyanteng tinaguriang

millenials sa mga Telenovelas lalong-lalo na sa Koreanovela, at upang

mabigyang-linaw ang nilalaman ng pag-aaral na ito.

Kaugnay na Literatura

Kahalagahan ng Telenovelas sa buhay ng Tao

Sinabi ni Wilbur Schramm (1961) na karamihan sa mga kabataan

ay natutuwang manood ng telebisyon dahil ang panonood ay nakakapagbigay

aliw at nakakatanggal ng pagod at mga suliranin, ngunit para naman sa ibang

kabataan ang panonood ng telebisyon ay nagbibigay ng kalituhan dahil nagiging

dahilan upang mahirapan sa paghihiwalay ng realidad sa pinapanood. May isang

dahilan ukol sa relasyon ng bata sa pinapanood na mas importante pa sa ibang

salik na nagpapakita ng epekto ng panonood ng telebisyon. Ito ay ang

koneksiyon o kaugnayan sa pagkato o pag-uugali ng karakter na napapanood ng

mga bata na nagiging dahilan kung bakit mas nahihikayat ang mga kabataan na

manood. Ang telebisyon ay may malaking gampanin sa pagkatuto ng isang

indibidwal lalo na sa mga kabataan. Nagiging dahilan din ang telebisyon sa

pagkatuto ng isang indibidwal ng mga hindi magagandang pag-uugali kagaya


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

lamang ng pagiging bayolente dahil sa mga palabas na napapanood na may

ganitong tema. Gayunpaman may mga naidudulot ding kabutihan ang panonood

ng telebisyon kung saan mas pinipili ng maraming kabataan ang manatili sa loob

ng mga tahanan upang manood kaysa ang lumabas na maaari pang maging

dahilan ng kapahamakan. Nakatutulong din ang panonood ng telebisyon upang

magkaroon ng mas magandang relasyon sa pamilya o kaibigan.

Dagdag ni Karney (2009), na may pagkakahambing ang Teleserye sa mga

klasikong soap operas at telenovelas pagdating sa katangian at pinag-ugatan.

Gayun pa man, habang tumatagal ay nagbabago at nagkakaroon ito ng sariling

katangian na malimit na inilalarawan sa makatotohanang pakikipagkapwa ng

mga Pilipino. Ipinapalabas ang teleserye limang beses sa isang linggo, at

madalas pang inuulit tuwing sabado at linggo. Nakakaakit ito ng malawak na

manonood kabilang na ang mga bata at matatanda pati narin ang mga

kababaihan at kalalakihan lalo na’t ito ang may pinakamataas na kinikita sa

Philippine television. Tumatagal ito ng tatlong buwan hanggang isang taon, o

mas matagal pa, depende sa kagustuhan ng madla.

Ang mga teleserye ay kasalukuyang ginagawa ng ABS-CBN, samantalang

Dramaseryes naman para sa TV5 Philippines at Teledramas naman para sa GMA

Network. Ang mga ito ay karaniwang co-produced ng TAPE Inc., at ng isang film

studio, VIVA Entertainment.Mayroon ding ibang anyo ang Philippine Drama.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Kabilang na dito ang “serials” at “anthologies” na karaniwang ipinapalabas

linggu-linggo. Ang mga dramang ito ay ineere ng may hangganang bilang ng

mga episodyo na karaniwang tumatagal ng isang season depende sa kagustuhan

ng madla ( Gottman, 2009).

Malaking palaisipan sa mga mananaliksik ang pagbilis ng paglitaw ng mga

Soap Opera o kilala sa ating bansa na "Telenobela". Ang telenobela ay isang

melodramatic fiction na palabas na kadalasang ineere sa Latino-Amerikano na

mga bansa noong unang panahon. Ang mga palabas na ito ay ineere sa gabi,

anim na araw sa isang linggo at nakakaanyaya ng maraming manonood, iba't iba

man ang edad at kasarian. Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan.

Korean TV Dramas at Marami pa, Ang Paglaganap ng mga KOreano sa Pilipinas

Ayon kay Meinardus, 2005, isa sa mga iskolar, nagsimula ang

operasyon ng mga Koreanong kumpanya dito sa Pilipinas noong

1980’s. sa dekada ring ito nagsimula angtinatawag na Korean wave. Ito

ay ang pagtaas ng bilang ng mga turista at imigranteng Koreanosa banda,

maging ang ga popularidad ng mga Koreanong palabas at musika. Ito ang

nagdulot ng migrasyon sa Pilipinas ng mga Koreanong nagmamay-ari ng mga

pagawaan at ang kanilang mga tauhan. Noong 1990’s, nahigitan pa ng mga

Koreano ang mga Hapon sa bilang ng mga bumibisita sa Pilipinas.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Noong 2006, ayon kay Palatino, 2007 at Dela Cruz, 2007 (Wikipilipinas,

2007), ang mga Koreano pa rin ang nangunguna sa bilang ng mga bumisita sa

Pilipinas at pagdating na rin sa kanilang mga foreign investments. Mahigit na

570,000 na mga Koreano ang bumisita sa Pilipinas noong 2008 at nahigitan pa

ang Amerika na may overseas na manggagawa at residente. Sa ngayon, 42

flights mula South Korea ang dumarating sa Pilipinas kada linggo.

Ang mga paboritong destinasyon ng mga Koreano dito sa Pilipinas ay Maynila,

Baguio, Cebu, Davao, Dumaguete at Boracay.

Ayon naman kay Wilson, 2008, ang ilan sa mga Koreano ay pumupunta sa

Pilipinas upang magtayo ng negosyo. Marami nang makikitang Koreanong

kainan, grocery stores, beauty parlors, hotels, resorts, at bars. Ang mga ito ay

makikita sa maraming bahagi ng Pilipinas, mula Luzon hanggang Mindanao. Ang

Pilipinas ay isa na rin sa mga pinakatanyag na lugar para sa mga Koreanong

magreretiro. Gusto nila dito dahil mainit ang panahon buong taon at mura ang

mga golf courses at apartments. Ayon sa Wikipedia, 2009, ang trend ng mga

South Korean na mag-aral sa Pilipinas ay nagsimula noong 1960’s. noon, ang

South Korea ay isa pa lamang sa mga mahihirap na bansa at ang Pilipinas naman

ay pangalawa sa mauunlad na bansa sa Asya sumunod ang Japan.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Nakatakdang mangyari ang pagtaas ng popularidad ng Korean TV sa

Dramas sa Pilipinas. Kasabay ng pagdami rin ng mga Koreanong naninirahan sa

ating bansa ay nagkaroon ng malaking epekto sa industriya ng “Enterntainment”.

Sa kasalukuyan ang industriya ng musika sa ating bansa ay napapalibutan na ng

mga Korean Pop (Kpop) na pinangungunahan ng grupong 2NE1 at WonderGirls.

Sa grupong 2NE1 nabibilang si Sandara Park na kung saan ay isa sa mga kilala at

sikat na artista sa ating bansa. Sa ngayon, ang Boys Over Flowers ay ang isa sa

mga paboritong palabas ng mga Pilipino. Ang mga kababaihan ay lubusan ng

nahulog ang loob sa mga miyembro ng Korean F4 lalo na kina Lee Min Ho at Kim

Bum.

Dahil dito hindi maiiwasang magkaroon ng pagkukumpara sa pagitan ng

mga artista sa Pilipinas at South Korea. Ang patalastas na pinagbibidahan nina

Lee Min Ho at Sandara Park ay nailabas na sa Korea noong nakaraang mga

buwan. Ang nasabing patalastas para sa OB’s Cass Beer na kung saa nagkaroon

ng “kissing scene” sa pagitan ng dalawang artista ang nagdulot ng pagkaingit at

pagkatuwa na rin ng mga tagahanga nilang Pilipino. Matapos ang ilang lingo ay

si Kim Bum naman ang pumunta sa ating bansa para sa isang patalastas na

gagawin nila ni Maja Salvador para sa RC Cola. Ang tema nito ay magkakaroon

ng “Romantic Theme”. Ang mga pangyayaring ito ang hudyat na pagsisimula ng


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

pagkakaron ng magandang samahan ng dalawang bansa lalo na sa industriya ng

“enterntainment”.

Maraming nagsasabi na ang Korean Invasion ay kasalukuyan ng

naiimpluwensiyahan ang ating bansa. Tumaas na rin ang bilang ng mga

Koreanong nag-aaral sa mga unibersidad at paaralan sa ating bansa. Ang mga

magasin ng mga Koreano at maging ang kanilang mga musika ay maaari na rin

mabili sa mga malls sa ating bansa. Marami na rin ang mga grocery stores at

mga restaurants na pinapatakbo ng mga Koreano.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyagang Pag-aaral

Gottman (2009), nagsimula ang pagpapalabas ng mga Soap Opera sa

Pilipinas noong ang Gulong ng Palad ay unang narinig sa radio noong taong

1949. Lalo pa itong lumawak pati na rin sa telebisyon noong early 1960s. Ang

kauna-unahang Philippine Soap Opera ay ang Hiwaga sa Bahay na Bato noong

1963, na ipinalabas ng ABS-CBN. Liwanag ng Pag-ibig, Prinsipe Amante, at iba

pang mga soap operas na sumunod.

Ang mga “soaps” ay karaniwang ipinapalabas tuwing umaga, ngunit

noong 1996, naurong ang pagpapalabas ng mga soap opera sa gabi dahil sa

popularidad na nakuha ng isang Mexican telenovela na pinamagatang Marimar


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

na inere ng RPN 9 dito sa Pilipinas. Ito ang naging simula ng pagkasikat ng mga

telenovelas sa Pilipinas. Ang mga malalaking TV networks ay sinunod din ito sa

pamamagitan ng pagpapalabas ng mga local at foreign telenovelas sa kani-

kanilang mga napiling oras.

Noong taong 2000, gumawa ng marka ang ABS-CBN noong ipinalabas nila

ang Pangako Sa ‘Yo, kilala bilang kauna-unahang opisiyal na teleserya, at ang

Kay Tagal Kang Hinintay. Ang mga teleseryeng ito ang nagtakda ng pamatayan

para sa mga kasalukuyang produksiyon ng teleserye sa Pilipinas. Itong bagong

genre ay naging sikat sa buong bansa, at ang popularidad nito ay kumalat pa

maging sa ibang bansa. At dahil dito, ang mga soap operas na ipinapalabas sa

telebisyon ay karaniwan nang tinatawag na telenobela/teleserye habang ang

GMA Network naman ay tinawag ang kanilang mga soap operas na teledrama

Ang Fillenials at Inaasahan sa Bayan

Nabuo ang salitang Millenials noong 1987 nina William Strauss at Neil

Howe. Ito ang mga ipinanganak noong 1982 at nasa yugto ng young

adulthood sa taong 2000. Sa taon ring ito nagsimulang makilala ang media na

maiuugnay sa bagong milenyo na akmang-akma sa pumapagitang taon

ng Millenials. Sa Pilipinas, tinawag na Fillenials ang mga kabataang sumasakop

sa naturang henerasyon.
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Dagdag pa nina Strauss at Howe, taglay ng Millenials ang matinding

kamalayan sa komunidad sa loob at labas ng kanilang bansa. Ayon naman ay

David Burstein taglay ng mga ito ang pragmatikong idealismo na may malalim na

pagnanasa na maging maayos at payapa ang mundo.

Sa pamamagitan ng Social Media ay nagkakaroon ng ganap na kamalayan

ang kabataan sa mga nangyayari sa loob at labas ng ating bansa at karamihan

sa mga ito ay pinipiling makisangkot sa pinakamalikhaing pamamaraan sa

pagpapaskil ng saloobin at opinyon sa mga isyu ng ating bayan.

Sapagkat kakambal ng mga ito ang media, kailangang mapaigting

ang Multimedia Education sa ating bansa. Sa isang pananaliksik, tinalakay ni

Indyer (2014) sa ikalawang Catholic Media Summit sa Nigeria na kinakailangan

umano na isama sa kurikulum sa buong mundo ang Media Education dahil na rin

sa isa ito sa kasanayan na kailangang hubugin sa mag-aaral. Ang silid-aralan ang

tamang lugar upang maituro sa kabataan ang wastong paggamit ng multimedia.

Sinabi pa niya na dapat tuluran ang bansang Australia dahil ito ang kauna-

unahang bansa na mandatoryong nagtalaga ng Media Education sa kurikulum.

Habang sa Asya, nakatutuwang isipin na Pilipinas ang unang bansa na

nagpatupad ng integrasyong ito sa larangan ng edukasyon.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Kaugnay ng mga nabanggit na pag-aaral, makatutulong sa Millenials ang

panukala ng Partnership for 21st Century Skills (P21) ang isang balangkas na

naglalaman ng mga kasanayang dapat hubugin sa mag-aaral sa ika-21 siglo.

Ito ang “Communication Skills,” “Information, Media and Technology Skills,”

“Learning and Inovation Skills” at “Life and Carrer Skills.” Ang mga kasanayang

ito ang inaasahan na mahubog sa sa mag-aaral sa ika-21 siglo. Sa pagsisimulang

ito ng P21, malaki ang naging kapakinabangan nito sa larangan ng edukasyon at

ginagamit na ito sa buong mundo (Bilbao&Corpuz, 2012).

Dahil sa higit na nakikita ng mga ito ang hinaharap ay binuo ang konsepto

ng Digital Media Classroom na naglalaman ng makabagong teknolohiya na

makatutulong sa pag-aaral ng mga bata, paghubog sa pagkamalikhain at kritikal

na pag-iisip ng mag-aaral kasabay ang pagpapahalaga sa integridad at

pagtanggap ng responsibilidad sa epektibong paggamit nito. Kaya kinakailangan

na bihasa ang mga guro para maisakatuparan ang mga layuning ito. Binigyang-

diin sa konseptong ito na ang digital media ay isang midyum ng pagtuturo na

maaaring magamit sa hindi tamang pamaaran kaya’t mahalaga na maging

maingat sa paggamit nito.

Ayon din kay Paraluman R. Giron, ang Millenials ay na nasa panahon ng

paggamit ng teknolohiya at ang paraan ng kanilang pagkatuto ay nasa paraang


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

biswal, interaktib at kinababagutan ang tradisyunal na pagtuturo. Idiniin niya na

ang pagamit ng teknolohiya ay isang pambihirang kagamitang panturo sa

kasalukuyan ngunit hindi kailanman man nito mapapalitan ang mga guro para sa

mas mataas na kalidad ng edukasyong matutuhan ng mag-aaral.

Kinakailangang ang mga guro ay makaagapay sa mag-aaral sa

kasalukuyan dahil ang mga ito ay mabilis na mapunta ang tuon sa ibang mga

bagay lalo’t kung hindi nila gusto ang pamamaraang kanilang nakikita at ang

paggamit ng teknolohiya ang pinakamabisang paraan upang makuha natin ng

buo ang kanilang atensyon sa pag-aaral (Nevid, 2011).

Bilang pagtatapos, makikita mula sa mga paglalarawang nabanggit

sa Millenials ang kanilang mga mithiin at inaasahan sa bayan. Ang maging

malaya, mapakinggan ang kanilang tinig, makisangkot sa pangyayari sa

kapaligiran at maging kapaki-pakinabang na mamamayan. Ang pangunahin at

pinakamabisang kasangkapan sa pagsasakatuparan nito ay ang pagsandig sa

makabagong teknolohiya. Positibo at punong-puno ng pag-asa ang ipinapakita

ng mga ito kaya’t hindi na rin dapat pang pagdudahan ang pahayag na “The

millenials will save us all.”

Lokal na Pag-aaral

Tinalakay muna namin ang mga katangian ng K-drama. Sinimulan itong

i-broadcast sa Korea sa radio, ngunit kalaunan ay sinimulan na ring i-broadcast


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

sa telebisyon. Dumating naman ito sa Pilipinas sa taong 2003 sa GMA, na ang

unang ipinalabas ay Bright Girl. Hanggang ngayon sa 2017, ang pumapatok parin

ang mga K-drama sa mga Pinoy, at ang pinakapatok na kategroya sa mga Pinoy

ay romansa. Ito ay ilan sa mga K-drama na pinalabas na sa Pilipinas. Ang Boys

Over Flowers ay ipinalabas sa ABS-CBN noong 2009. Ipinapalabas naman na

ngayon sa parehong channel ang Legend of the Blue Sea, at nakatakda namang

ipalabas din doon ang Weightlifting Fairy Kim Bok Joo.

Ayon sa isang artikulo, ang maaaring dahilan ng pagkahilig ng mga Pinoy

sa K-drama ay dahil sa masining nitong pagkwento ng istorya. Sa katunayan,

mas nakatuon ang mga K-drama sa pagkwento ng istorya kesa sa mismong mga

kaganapan sa istoryang iyon. Nakita naman namin sa isang artikulo, ang mga

katangian kung bakit pumapatok ang mga K-drama di lamang sa Pilipinas, kundi

sa buong mundo.

Walang masama sa paglilibang. Hindi ito isang escapist act. May silbi at

gamit ang isang Korean telenovela, o anumang pelikulang nakatatawa, o

anumang akdang pansumadali’y magpapatawa sa iyo.

Sa hirap ng buhay, e ano ba naman kung marinig mo ang sarili na sa loob

ng tatlumpung minuto, bawasan mo pa nang dahil sa sangkatutak na komersyal,

mula Lunes hanggang Biyernes, ay napapahagalpak ka ng tawa. Pagkatapos

naman niyon ay babalik ka sa iyong pagiging katulong, tindera, labandera,

sekretarya, guro, researcher, etsetera, etsetera. Hindi kayang tabunan, iwaksi ng


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

30 minuto, o mas kaunti pa dahil sa sangkatutak na komersyal, ang tunay na

realidad ng iyong mismong buhay. Kaysarap marinig ang iyong sariling boses na

napahahagikgik ka, napahahagalpak ka ng tawa. Sa pangkalahatan kung gayon,

mahalaga’t kapaki-pakinabang na aktibidad ang panonood ng K-dramas. Hindi

lang ito paglilibang kundi edukasyonal pa nga: pag-aaral tungkol sa buhay,

pagiging malay sa iba’t ibang kultura.

Hindi man malawak at malalim ang kaalamang naihahatid sa

pamamagitan ng telenovelas, sapagkat nakapaloob ang telenovelas sa pop

culture at sa midyum ng TV, mas buhay na buhay na nailaladlad ang kultura, na

ang impact at impluwensya ay singlakas, kung hindi man mas malakas pa nga

kaysa mga librong nakapaloob sa isang pormal na sistema ng edukasyon. At sa

isang mahirap pa ring bansang tulad ng Pilipinas kung saan ang edukasyon,

kahit pa sa primarya man lang, ay isa pa ring pribiliheyo sa halip na pantay na

karapatan ng mga mamamayan, ang napakapopular na telenovelas, sa puntong

ito ng ating buhay-bansa ay K-dramas, hindi lang enterteynment ang

telenovelas, isang paaralan na rin ito sa katunayan.

Ayon kay Kim (2007), makikita rin ang popularidad nito maging sa United

State, Mexico, at pati rin sa ibang bansa sa Asya gaya ng China, Japan, Vietnam,

Taiwan, at Mongolia. Ang pagiging popular ng mga palabas na ito ay siyang

nagbukas ng pintuan sa Pilipinas para sa pagsikat din ng ilan pa sa mga bagay

na nagmula sa Korea gaya ng kanilang pananamit, pagkain, ‘hair-go’, produkto,


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

pelikula, awitin o kanta, at sayaw na ipinapakita sa bawat ‘episode’ ng mga

palabas. Sa katunayan, kapansin-pansin ang pagiging popular ng mga ito sa

Pilipinas lalo na ng mga awitin at sayaw na tinawag na “K-Pop” ng mga Pilipino.

Nagkaroon na ng mga ‘fan club’ ang ilan sa mga sikat na artista mula sa mga

palabas at mga ‘boy band’ o ‘girl band’ mula sa Korea. Naging daan din ito sa

paggawa ng sariling grupo ng mga Pilipino, “P-Pop” kung tawagin, na gumagawa

din ng kanilang sariling awitin at sayaw gaya ng Xlr8, at Down to Mars.

Ang pag-usbong at popularidad ng Korean pop culture ay unang tinawag

ng mga Chinese bilang “Hallyu” noong 2006 na nangangahulugang “Korean

wave” (Korean Times, 2005)

Ang Pagkakaiba at pagkakapareho sa kultura at Ugali ng Pilipino at Koreano

Marami ang pagkakaiba at pagkakapareho sa ilan sa kultura at paguugali

ng mga Pilipino at Koreano. Ilan sa mga pagkakaiba na nakalap mula sa palabas

ay:

Una, ibinida sa orihinal na bersyon (Korean) ang ilan sa mga lugar na

maipagmamalaki ng bansa gaya ng Jeju Island, samantalang sa Pilipinas naman

ay mga lugar gaya ng Taal Volcano, Luneta Park at Boracay. Ito ay makikita sa

mga bahagi kung saan nililibot ni Yoo Rin at Jasmine ang mga turista sa kanilang

Bansa. (My Girl)

Ikalawa, ang mandarin oranges ay isa sa mahahalagang prutas ng South

Korea at sa Pilipinas naman ay mangga.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Ikatlo, naipakita ang pagiging madalasin ng Pilipino, at malaking

pananalig sa Diyos.

Ikaapat, isa sa mga pinagmamalaki ng Pilipinas ay ang mga pangaral na

nakukuha mula sa mga beauty pageants samantalang sa larangan ng sports na

Tennis naman para sa mga Koreano.

Ikalima, ang paraan ng pagbibigay ng galang ng mga Koreano ay ang

pagtungo samantalang sa Pilipinas naman ay pakikipagkamay.

Ayon kay Joey Abacan ng GMA Network Vice President of Program

Management. “Ang mga Pilipino ay minamahal ang mga drama at mga istorya na

nakakahalintulad sa istorya ng buhay nila. Kalimitan, ang Korean Drama ay isa sa

ating sandigan upang tumakas at mapagalaw. Bukod sa makabagbagdamdaming

plot lines, ang produksyon ay talagang isang biswal na karanasan sa mga lugar

na ang karamihan sa atin ay hindi pa napupuntahan.”

“Ang Koreanovelas ay nagbibigay sa mga manonood ng iba’t ibang istilo

ng pagkukuwento mula sa karaniwang Filipino soap opera o ‘teleserye’. Mula

noon gang Korean Drama ay nai-ere lamang ng dalawang oras sa isang lingo,

kung ihahambing sa Filipino na tatlompung minuto.” (Reymundo, ABS-CBN Vice

President for Program Acquisition)

“Tulad natin ang mga Koreano na masikhay na naisalin ang mga ideya, at

ideyal ng romance sa mga soap opera. Ito marahil ang isang pangkulturang

tagpuan na dapat ating titigan sa pag-unawa, hindi lamang sa phenomenon ng


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Koreanovela sa Filipinas, kundi pati na rin sa mga Teleserye. Sa proseso ng

pagsasalin-sa pamamagitan ng pagpili sa mga Koreanovela, hanggang sa pag

aangkat, hanggang sa dubbing o Tagalisasyon-nag-uugnay, nagsasanib ang mga

kultura ng Korea at Filipinas dahil sa malaong pagkahumaling sa romance. Isa

itong henerikong katangian (genric quality) na madalas nadadaan-daanan

lamang sa usapin ng pagtanggap (reception) ng mga Filipino sa Koreanovela.”

(Louie Jon A. Sanchez, 2016)

Dahil sa mas lubos na tinatangkilik ng mga kabataan ang mga dayuhang

pelikula sa ngayon, isa na rin itong akto ng pagsuporta sa produkto ng

iba(Iraula, 2012)

Ayon kay Fanny A Garcia, “Sa K-dramas, alam na alam naman ng mga

manonood na K-dramas ang pinapanood nila bago, habang, at matapos ang

panonood. At ang malay na pakakaalam na telenovela lang ang pinapanood ay

ang siyang marker ng manonood na hindi naman talaga totoo ang kanyang

pinanonood. Ang mas malaking problema ay kung ang midya, sa pangkalahatan,

ay nag-aalok sa kanya ng mga ideyang malatelenovela sa pagiging fantastic.

Sa pangkalahatan kung gayon, mahalaga’t kapaki-pakinabang na

aktibidad ang panonood ng K-dramas. Hindi lang ito paglilibang kundi

edukasyonal pa ang: pag-aaral tungkol sa buhay, pagiging malay sa iba’t ibang

kultura. Hindi man malawak at malalim ang kaalamang naihahatid sa


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

pamamagitan ng telenovelas, sapagkat nakapaloob ang telenovelas sa pop

culture at sa midyum ng TV, mas buhay na buhay na nailalahad ang kultura na

ang impact at impluwensiya ay sinlakas, kung hindi man mas malakas pa nga

kaysa mga librong nakapaloob sa isang pormal na sistema ng edukasyon. At sa

isang mahirap pa ring bansang tulad ng Pilipinas kung saan ang edukasyon,

kahit pa sa primary man lang, ay isa pa ring pribiliheyo sa halip na pantay na

karapatan ng mga mamamayan, ang napakapopular na telenovelas, sa puntong

ito ng ating buhay-bansa ay K-dramas, hindi lang enterteynment ang

telenovelas, isang paaralan na rin ito sa katunayan.”


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Kabanata 3

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Ang kabanata 3 nagtataglay ng disenyo ng pag-aaral at layunin, paraan

ng pag-aaral, mga tagatugon sa pag-aaral, mga kagamitan sa pagtitipon ng

mga datos at ang pang-istadistikang pagtatalakay ng mga datos.

Disenyo at Layunin ng Pag-aaral

Ang gagamitin sa pag-aaral na ito ay pamaraang palarawan upang

matukoy ang kadalasan ng panonood ng Korean drama at impluwensiya nito sa

mga millenials.

Ayon kay Sevilla (2000), ang palarawang paraan ng pananaliksik ay isang

disenyo para sa mananaliksik upang makakalap ng mga impormasyon tungkol sa

kasalukuyang kalagayan. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay

mailarawan ang kalikasan ng isang sitwasyon habang ito ay nagaganap sa

panahon ng pag-aaral. Tinangkang ipakita sa pamamaraang ito ang isang

tumpak ng larawan ng kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay.

Ito ang gagamitin na pamamaran sa pag-aaral dahil ito ay umaakma sa

pagtukoy kadalasan ng panonood ng mga Korean drama at impluwensiya nito sa

mga millenials.
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Mga Tagatugon ng Pag-aaral

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa

Ikasampung grado ng Mataas na paaralang Nasyonal ng Miagao, taong

panuruan 2018-2019. Ang mananaliksik ay magsasagawa ng purposive sampling

upang matugunan ang pangangailangang datos sa pananaliksik

Manghad 1: Pamamahagi ng mga Tagatugon ayon sa seksyon

Kinabibilangan seksyon Frequency Porsyento


Prudence 49 20.85%

Simplicity 46 19.57%

Understanding 46 19.57%

Humility 48 20.44%

Patience 46 19.47%

Kabuuan 235 100%

Mga Kagamitan sa Pagtitipon ng Datos


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Ang datos sa pag-aaral na ito ay titipunin sa pamamagitan ng

talatanungan na inihahanda ng mananaliksik. Ito ay ipasusuri sa mga eksperto

sa wika upang maging balido na gagamitan ng Eight- Point Criteria for content

Validity by Good and Scates. Ang talatanungang ito ay ipapasailalim sa reliability

at testing. Ang talatanungang ito ay binubuo ng tatlong bahagi. Ang unang

bahagi ay ang mga personal na salik. Ang Ikalawang bahagi ay ang kadalasan ng

panonood ng korean drama, at Ikalong bahagi ay ang impluwensiya ng korean

drama sa mga millenials.

Upang mataya ang impluwensiya ng panonood ng Korean drama,

gagamitin ang sumusunod na iskala:

Iskala Deskripsyon

4 . 20 - 5 . 00 - Lubhang nakakaimpluwensiya

3 . 50 - 4. 19 - Nakakaimpluwensiya

2 . 60 - 3 . 49 - Bahagyang nakakaimpluwensiya

1 . 80 - 2 . 59 - Di nakakaimpluwensiya

1 .00 - 1 . 79 - Lubusang di nakakaimpluwensiya

Ang tugon ng mga tagatayang “Lubhang nakakaimpluwensiya” at

Nakakaimpluwensya” ang Korean drama ay nangangahulugang may malaking

impluwensya ang kadalasang panonood ng Korean Drama ng mga Millenials. Ang

tugong “Di nakakaimpluwensya” at “Lubusang di nakakaimpluwensiya” ay


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

nangangahulugang hindi na impluwensiyahan ang mga millenials sa panonood

ng Korean drama sa kadahilanang hindi sila mahilig manood nito.

Paraan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagtitipon ng

mananaliksik ng lahat ng kakailanganing datos sa pamamagitan ng

pagpapasagot sa mga talatanungan.

Ipapasuri ng mananaliksik ang gagawing instrumento sa mga eksperto o

dalubhasa sa riserts para sa balidasyon nito.

Hihingi ng pahintulot ang mananaliksik sa Punongguro upang maisagawa

ang pag-aaral at makipag-ugnayan sa mga tagapayo at sa mga mag-aaral

mismo na siyang mga tagatugon ng nasabing pag-aaral.

Pang-istadistikang Pagtatalakay ng mga Datos

Ang pang-istadistikang pagtatalakay ng mga datos ng gagamitin sa pag-

aaral na ito ay Mean at Standard Deviation, frequency distribution, percentage,

t-test, at ANOVA

Mean (Katampatang –tuos). Gagamitin upang malaman ang dalas ng

panonood ng korean drama.

Standard Deviation – ang gagamitin upang masukat ang impluwensiya ng

panonood ng korean drama sa mga millenials.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Frequency Distribution – ang ginamit sa pagkuha ng kabuuang bilang ng

mga tagatugon.

Percentage - ang ginamit upang malaman kung ilang porsyento ng

tagatugon ang kabilang sa pangkat.

T-test – ang gagamitin upang malaman kung may makabuluhan ang

pagkakaiba ang dalas ng panonood ng korean drama kung ipapangkat ayon sa

kasarian, status-ekonomiko at kakayahang pangakademiko.

ANOVA - ang gagamitin upang malaman kung may makabuluhang

pagkakaiba sa impluwensiya ng Korean drama sa mga millenials.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Talasanggunian

Danny, F.P. (2010), Ang Mga Epekto ng Teleserye sa mga Mag-aaral:

Washington, DC: Heritage Foundation

Di-nalathalang Tesis, SIPC-WVCST, Miagao Campus. Miagao, Iloilo

Gottman, JM (2009). Tungkol sa Soap Opera ng Pakikipag-ugnayan:

Ekspiremental Pagsisiyasat. Oxford, England: Elsevier

Heyman, Muling (2001). Observation ng Ilang mga Salungatan:. Klinikal Mga

Aplplication Assessment, Soap Opera, Melodrama at Teleserye” Sikolohikal

Assessment 13: 5-35

Ang Mundo ng Telenovela:Telenobela ang mundo ng telenobela

blogspot.com/2008/ang-mundo—ng-telenobela.html

Epekto ng Panonood ng mg teleserye sa mga Mag-aaral ng

GenSantos…plus,goggle.co.112593432520782173978/post/Rmmdfkesfk3

Saranghae. Korea?Bakit Maraming Pilipino ang Nahuhumaling

sa…philippinesone.com/saranghae-korea-bakit-maraming-pilipino…

Epekto ng Panonood ng Kurean Drama sa Self-image, Ideal Self

by…prezi/fyedglgnhye6/epekto-ng-panonood-korean-draBlock B: Korean

Drama – Filipino sa Pisay! Fdilipinopshsmc.blogspot.com/2017/05/block-b-

korean-drama.html
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Anak ngTundun: A Fillenials at Inaasahan sa bayan. Dayangdunya.

Blogspot.com/2016/10/ang filllllllllllllenials-at-inaasahan-sa …

Xenocentrism: Valuing Other Cultures More Than Your Own ThoughtCo,

http:www.thoughtc0.com>xenocentrism

Millenials: Depination & Characteristics of Generation Y,

wwwwlivescience.com/38061_melllinias_generation –y html
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

MGA APENDISE
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

A. Personal na Datos

Pangalan: ___________________________________ (optional)

Kasarian:

Lalaki

Babae

B. Status Pang-ekonomiya:

Mataas (Php 40,000 – pataas)

Katamtaman (Php 39,999 – 15, 000)

Mababa (Php 14,999 – pababa)

C. Kakayahang Pang-akademiko

Napakataas 90 - 100

Mataas 85 – 89

Katamtaman 80 - 84

Mababa 75 - 79

Napakababa below 75
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

II. Iskala ng Pagtataya sa kadalasan ng panonood ng Korean drama sa

mga Millenials

Panuto: Paki – tsek ng kahon na naaayon sa inyong napiling sagot sa bawat


aytem. Ang mga pagpipilian ay:

Palagi (5 beses sa isang Linggo )

Madalas (4 – 3 beses sa isang Linggo )

Minsan ( 2 – 1 beses sa isang Linggo )

Hindi ( 0 )
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

III. Iskala ng Pagtataya sa Impluwensiya ng Korean drama sa mga

Millenials

Panuto: Paki – tsek ng bracket na naaayon sa inyong napiling sagot sa bawat


aytem. Ang mga pagpipilian ay:

5 - Lubusang Sang-ayon (LS)


4 - Sang-ayon (S)
3 - May Agam-agam (MA)
2 - Di-Sang-ayon (DS)
1 - Lubusang Di-Sang-ayon (LDS)

Naiimpluwensiyahan ako ng Korean Drama (LS) (S) (MA) (DS) (LDS)


sa pamamagitan ng…. 5 4 3 2 1
1.Pagkakaroon ng pananalig sa Diyos

2 Nagiging matalas ang pag-iisip

3.Nadadagdagan ang mga napupulot kong


magagandang aral(moral lesson)
4.Marunong na sa pakikipaghalubilo sa kapwa

5.Lalong naging mapagmahal sa pamilya

6.Naiuugnay sa sariling mga karanasan ang mga


pangyayari
7.Nagiging mapag-isa at hindi nakikihalubilo sa iba

8.Nakakaunawa sa kalagayan ng ibang tao

9.Nagiging matatag sa pagharap sa mga pagsubok


sa buhay
10. Nagiging aktibo sa mga gawain sa paaralan
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

11.Nakapagbibigay kasihayan sa ibang tao

12. Nagiging matapat kahit sa maliit na bagay

13. Nagiging mabait na indibidwal

14. Nagiging mas mabait at maunawain sa kapwa

15. Nagiging mas mabait sa mga taong minamahal


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Agosto 4, 2018

DR. ROGELIO T. ARTAJO


Presidente
Guimaras State College

Ginoo:

Pagbati !

Ako po ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol sa


“Kadalasan ng Panonood ng Korean Drama at Impluwensiya nito sa mga
Millenials,” sa unang taon ng Guimaras State College – Palaca Damilisan
National High School Miagao Campus,taong panuruan 2018-2019, bilang bahagi
ng pagtupad sa mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng Kursong Master ng
Edukasyon Medyor sa Filipino .

Kaugnay nito, ako po ay humihingi ng pahintulot na


makapagsasagawa ng nasabing pag-aaral.

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong positibong pagtugon


sa aking kahilingan. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

YVETTE M. NUFABLE
Mananaliksik
Pinansin:

GENALYN L. MOSCAYA, Ph.D.


Tagapayo

Pinagtibay

ROGELIO T. ARTAJO, Ph.D


President GSC
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Agosto 4, 2018

DR. ROGELIO M. BORRO


Statistician
Guimaras State College

Ginoo:

Pagbati !

Ako po ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol sa


“Kadalasan ng Panonood ng Korean Drama at Impluwensiya nito sa mga
Millenials”, sa unang taon ng Guimaras State College – Palaca Damilisan
National High School Miagao Campus,taong panuruan 2018-2019, bilang bahagi
ng pagtupad sa mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng Kursong Master ng
Edukasyon Medyor sa Filipino .

Kaugnay po nito ako po ay humingi ng inyong tulong na maging


statistician sa aking gagawing pananaliksik.

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong positibong pagtugon


sa aking kahilingan. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

YVETTE M. NUFABLE
Pinansin: Mananaliksik

GENALYN L. MOSCAYA, Ph.D.


Tagapayo

Pinagtibay:

ROGELIO T. ARTAJO, Ph.D


President GSC
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

__________________
____________________
____________________

Mahal na Ginoo/Ginang:

Pagbati !

Ako po ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol sa


“Kadalasan ng Panonood ng Korean Drama at Impluwensiya nito sa mga
Millenials”, sa unang taon ng Guimaras State College – Palaca Damilisan
National High School Miagao Campus,taong panuruan 2018-2019, bilang bahagi
ng pagtupad sa mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng Kursong Master ng
Edukasyon Medyor sa Filipino .

Kaugnay nito, ako po ay humihingi ng pahintulot na makapagsasagawa


ng pag –aaral sa mga tagatugon na nabanggit para sa kakailanganing datos ng
aking gagawing pag-aaral.

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong positibong pagtugon sa


aking kahilingan. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

YVETTE M. NUFABLE
Pinansin: Mananaliksik

GENALYN L. MOSCAYA, Ph.D.


Tagapayo

Pinagtibay:

LYDIO T.TERRE, JR.


OIC/Principal I
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Agosto 4, 2018

LYDIO T.TERRE, JR.


OIC/Principal I
Miagao National High School
Igtuba, Miagao, Iloilo

Ginoo:

Pagbati !

Ako po ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol sa


“Kadalasan ng Panonood ng Korean Drama at Impluwensiya nito sa mga
Millenials,” sa unang taon ng Guimaras State College – Palaca Damilisan
National High School Miagao Campus,taong panuruan 2018-2019, bilang bahagi
ng pagtupad sa mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng Kursong Master ng
Edukasyon Medyor sa Filipino

Kaugnay nito, ako po ay humihingi ng pahintulot na makapagsasagawa ng


nasabing pag –aaral.

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong positibong pagtugon sa


aking kahilingan. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

YVETTE M. NUFABLE
Pinansin: Mananaliksik

GENALYN L. MOSCAYA, Ph.D.


Tagapayo

Sinang-ayunan:

LYDIO T.TERRE, JR.


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

OIC/Principal I

CURRICULUM VITAE

I. PERSONAL CIRCUMSTANCES

Name : Yvette M. Nufable

Date of Birth : February 05, 1968

Place of Birth : Miagao, Iloilo

Permanent Address : Nico Street, Miagao, Iloilo

II. EDUCATIONAL ATTAINMENT:

 Tertiary Level

Bachelor of Secondary Education


Major in Filipino
Minor in Social Science
La Paz, Iloilo City

 Secondary Level

Southern Iloilo Polythecnic College


Igtuba, Miagao, Iloilo

 Elementary Level

Miagao Central Elementary School


Ubos Ilawod, Miagao, Iloilo

 Position Held

Teacher II
Miagao National High School
Igtuba, Miagao, Iloilo

 Eligibility and Awards


 PBET passer
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

Validity Test Result

Eight – Point Criteria for Content Validation by Good and Scates

CRITERIA VALIDATORS
1 2 3 4
1. Are the questions/statements on the
subject?
2. Are the questions perfectly clear and
unambiguous?
3. Do the questions get at something stable,
something relatively deep-seated, well
considered, something non-superficial and
non-empirical but something which is typical
for the individual or of situation?
4. Do the questions pull? That is, will they be
responded to by a large proportion of
respondents to permit it to have validity?
5. Do the responses show a reasonable range
of variation?
6. Are the information’s obtained consistent?
7. Are the items sufficiently inclusive?
8. Are there possibilities of external criteria to
evaluate the questionnaire?

VALIDATORS:
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL

You might also like