Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Suyuan sa Tubigan

Ni: Macario Pineda

1. Pilang - Dalagang pamangkin ni Ka-Albina. Pinsan ni Nati. Mahiyain at Maganda.


2. Pastor - Binata. Isa sa magsusuyod sa tubigan ni Ka-Teryo. May gusto kay Pilang.
3. Ore - Binata. Anak ni ka-Inso. Isa sa magsusuyod na may gusto kay Pilang.
4. Ka-Albina - Tiya ni Pilang at ina ni Nati.
5. Milyo - malapit na kaibigan ni Ore.
6. Pakito - nalapit na kaibigan ni Pastor.
7. Ka-Ipyong - kamag-anak ni Ka-Teryo at Ka-Albina.
8. Ka-Punso - isa sa mga pinakamatanda. Ginagalang ng mga kasama.

TEMA

 Ang kuwentong Suyuan sa Tubigan ay tumutukoy sa ordinaryong pamumuhay ng mga


magsasaka at karaniwang gawain sa pagsasaka. Maliban dito ay mapapansin na may
pagkaromansa ang kuwento dahil sa nagaganap na suyuan sa pagitan ng mga dalaga't binata. Sa
gitna ng kuwento ay magkakaroon ng paligsahan na tila naglalaban sa puso ng isang dalaga at sa
wakas ng kuwento ay tila magbabago ang ihip ng hangin. Samakatuwid, ang kuwento ah tungkol
sa kayang gawin ng isang tao upang makuha ang pagtingin ng kaniyang minamahal.

TUNGGALIAN

 Ang tunggalian sa kuwento ay sa pagitan ni Pastor at ni Ore na parehong may pagtingin kay
Pilang. Sa bawat suyuan ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng karibal. Tao laban sa tao ang
mababasa sa kuwento na nagkaroon ng pagtutunggali kung saan ay nagkasubukan sila sa pag-
aararo, nagpakita ng bilis sa pagbubungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Pareho silang hindi
sumuko at nagpakitang gilas sa mga dalaga lalo na kay Pilang.

KAKALASAN

 Isa sa dahilan ng tunggalian nina Pastor at Ore ay ang pag-ibig nila kay Pilang, pareho silang
nagpakitang gilas sa dalaga at pilit na nakipaglaban hanggang sa huli. Sabay sa pagpilantik na
kanilang kalabaw upang magpatuloy sa pag-aararo. Dahil tila mas matikas ang kalabaw ni Pastor
ay iniwan niya si Ore at hanggang ang kalabaw na lamang niya ang sumuko at tumigil sa sobrang
pagod, hingal at pagbula ng bibig ng kanyang kalabaw.

WAKAS

 Sa huling bahagi ng kuwento ay makikita na tinawag na sila ni Ka-Punso upang magminindal,


makikita rin na tinanggap ni Ore ang kanyang pagkatalo at inaming malakas ang kalabaw ni
Pastor. Habang papalapit sa Pastor sa mga kasamahan ay nakangiti lamang siya dahil sa
pagkapanalo pagkatapos ay kumain na siya katabi ang mga dalaga samantalang si Ore naman na
tahimik sa isang tabi ay nilapitan ni Pilang upang abutan ng makakain at doon ay naibsan ang
kaniyang pagod dahil ramdam. Iyang siya ang nagwagi sa puso ni Pilang.

INTERTEKSTO

 Kung inyong mapapansin, hindi na bago ang mga ganitong kuwento na ating nababasa na
pawang pamumuhay ng mga magsasaka at kanilang gawain, gayundin ang pagsusuyuan ng mga
dalaga't binata. Ang Florante at Laura ay maihahambing ko sa kuwentong ito kung saan ay may
umiibig na handang hamakin ang lahat, pilit na nakikipaglaban at hindi sumusuko makuha
lamang ang pag-ibig ng kanyang minamahal.

KONTEKSTO

 Ang kuwento at teoryang sosyolohikal dahil ito ay naglalarawan sa pangaraw-araw ng


pamumuhay ng mga magsasaka tulad ng pag-aararo gamit ang mga kalabaw.
 Maaring ito rin ay teoryang Romantisismo dahil ang kuwento ay tungkol sa pag-iibig ng
dalawang lalaki sa isang babae na kung saan ay nagpagalingan sila upang makuha ang loob ng
babae. Nagpapakita ito ng katangiang pagiging pursigido dahil nagpamalas sila ng kanilang
kakayahan at katangian upang makuha ang loob ni Pilang.

You might also like