Halimbawa NG Tula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

GURO, NASA LANGIT ANG IYONG PARAISO

Hatinggabi, nagbabasa sa malamlam na ilawan,


naglalamay samantalang ang iba ay nahihimlay,
samantalang ang marami’y nasa binggo, nagsusugal,
nasa sine, nasa “night club”, naglalasing, nagsasayaw.
Madalas na malipasan ng gutom sa di-pagkain
sa oras na kailangan… pagkabigat na gawain!
Hanggang doon sa tahana’y dala-dala ang iksamen,
kaya’t siya kung matulog ay hatinggabing malalim.

At lalo nang ang isipa’y gulung-gulo, naghihirap


kung sa kanyang pagtuturo’y pasakit ang niyayakap
pagkatapos na gampanan ang tungkuling iniatas,
ang kataway’s nanghihina’t ang tinig ay nababasag.

Ang marami’y natutuyo at ang tungo’y sa libingan,


lalo na kung sa iskwela’y mga batang walang galang
ang palagi nang kaharap sa umaga’t maghapunan,
mga batang di na kayang patuwirin ng magulang.

Ang sariling kabutihan ay kanilang nililimot,


pinapatay ang damdamin nitong dibdib sa pag-irog,
sa gawaing pagtuturo ang diwa ay nakabalot,
at ang pintig nitong puso’y di pansin ang lumuluhog.

Natutuwa kung marinig ang papuring walang laman:


“Kung ikaw ma’y nagsasalat sa salapi’t karangyaan,
nasa iyo namang lahat ang papuri at parangal
pagka’t tapat kang maglingkod sa bayan mong minamahal.”

Nagagalak pag narinig ang pangakong di-natupad:


“Ang sahod mong kakarampot, may pag-asang magkadagdag
pag dumating ang panahon na ang kaban ay bumigat.”
O pag-asang naluluoy at sa hangi’y lumilipad!
AGAW-DILIM
Namatay ang araw
sa dakong kanluran,
nang kinabukasa’y
pamuling sumilang,
ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw
ay bukod-tangi kang di ko na namasdan?
Naluoy sa hardin
ang liryo at hasmin,
Mayo nang dumating
pamuling nagsupling,
ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw
dalawang Mayo nang nagtago sa akin?

Lumipad ang ibon


sa pugad sa kahoy,
dumating ang hapon
at muling naroon,
ngunit ikaw, buhay, ano’t hangga ngayo’y
di pa nagbabalik at di ko matunton?
GUBAT
Malawak na dibdib
ng sangkalikasan
may pusong maliblib
ng kahiwagaan;
madawag sa tinik
ng kasiphayuan;
mababa, matarik
ang mga halaman;
may mahalumigmig
na himig ng buhay.
May sapa at batis
na umaaliw-iw
sa kristal na tubig
ang buntong-hinaing;
sarisaring tinig
ng galak at lagim;
may lamig at init
ng dusa at aliw.

Anupa’t kinapal
na napakalawak
ang kahiwagaang
hindi madalumat;
sa sangkatauhan
ay guhit ng palad
ng bawat nilalang
ang nakakatulad;
ganda’t kapangitan
ang buhay sa gubat.
MAY MGA TUGTUGING HINDI KO MALIMOT

O may mga tugtog na nagsasalita,


malungkot na boses ng nagdaralita;
pasa-bahay ka na ay nagugunita’t
parang naririnig saanman magsadya.
Langitngit ng isang kaluluwang sawi,
panaghoy ng pusong nasa pagkalungi;
laging naririnig sa bawat sandali
ang lungkot ng tugtog na mapawi’y hindi.

Ikaw baga’y daing ng nakaligtaan?


Ikaw baga’y hibik ng pinagtaksilan?
Matutulog ako sa gabing kadimlan
ay umuukilkil hanggang panagimpan.

Oo, mayr’ong tugtog iyang mga b’yoling


tila sumusugat sa ating panimdim;
bawat isang tao’y may lihim na daing,
pinakakatawan sa b’yoling may lagim.

Sa lahat ng gabi sa aking pag-uwi,


kung ako’y hapo na na makitunggali,
ang bawat tugtugi’y kalulwa ng sawi
ako’y dinadalaw sa bawat sandali.

May isang tugtuging hindi ko malimot,


kinakanta-kanta sa sariling loob;
hiniram sa hangin ang lambing at lamyos,
awit ng ligayang natapos sa lungkot
Isang Dipang Langit
Ako’y ipiniit ng linsil na puno Kung minsan, ang gabi’y biglang
hangad palibhasang diwa ko’y piitin, magulantang
katawang marupok, aniya’y pagsuko, sa hudyat – may takas! – at asod ng
damdami’y supil na’t mithiin ay supil. punlo;
Ikinulong ako sa kutang malupit: kung minsa’y tumangis ang lumang
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; batingaw,
lubos na tiwalag sa buong daigdig sa bitayang moog, may naghihingalo.
at inaring kahit buhay man ay patay.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon
Sa munting dungawan, tanging abot- –
malas bilangguang mandi’y libingan ng
ay sandipang langit na puno ng luha, buhay;
maramot na birang ng pusong may sampu, dalawampu, at lahat ng taon
sugat, ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
watawat ng aking pagkapariwara.
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, hirap
sa pintong may susi’t walang at batis pa rin itong aking puso:
makalapit; piita’y bahagi ng pakikilamas,
sigaw ng bilanggo sa katabing moog, mapiit ay tanda ng di pagsuko.
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
Ang maghapo’y tila isang tanikala at di habang araw ang api ay api,
na kala-kaladkad ng paang madugo tanang paniniil ay may pagtutuos,
ang buong magdamag ay kulambong habang may Bastilya’y may bayang
luksa gaganti.
ng kabaong waring lungga ng
bilanggo. At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang
Kung minsa’y magdaan ang payak na luha,
yabag, sisikat ang gintong araw ng
kawil ng kadena ang kumakalanding; tagumpay…
sa maputlang araw saglit ibibilad, layang sasalubong ako sa paglaya!
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

You might also like