Noli Me Tangere - Kabanata 23 ANG BANGKAY

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 23: ISANG BANGKAY

Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may
iba’t ibang taong kasama. Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang Ospital,
malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-
iikasiyam na may kausap na tila estudyante.
Si Basilio ay di din nanonood. Nagrerepaso siya sa bahay. Hindi na nag-sasama sa mga
kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa pagkakaalila. Pinag-aralang mabuti ang
pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na noon ay lalong naging mahirap pakibagayan. Kung
minsan ay mahal na mahal nito si Basilio at kung minsa’y nilalait. Pabigat nang pabigat ang
karamdaman nito.
Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa
lalawigan o nasa paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda. Si Simoun at
si Padre Irene lang naman ay walang itinatagubilin kay Basilio kundi ang pagalingin ang
maysakit, pagtiisan ito sa pag-aalaga.
Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Mula nang magkita sila sa San Diego ay noon
lamang sila nagkaharap. Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malubha, ani Basilio. Malala na
raw ang kalat ng lason sa katawan. Tulad daw ng Pilipinas, ani Simoun.
Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa pamahalaang Kastila dahil
ang hindi kakampi sa kanila ay ituturing na kaaway na dapat patayin. Inatasan ni Simoun
si Basilio na itakas si Maria Clara mula sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang
buong lungsod.
Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si Maria Clara. Naroon siya sa
kumbento upang makibalita kaya niya nabatid. Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham
na padala ni PadreSalvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa niyon kay Kapitan Tiyago na
nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria Clara.
Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala sa pag-aaral ang isip ni Basilio.
Ang naglaro sa isip ay ang kahabag-habag na buhay nina Ibarra at Maria Clara.
Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang pangyayari sa Kabanata 23 ng Noli Me Tangere.

--Si Simoun ay hindi naparoon sa dulaan.


--Alas 7 ng gabi-makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama
--Alas 8 ng gabi - Nakita ni Makaraig na paligid-ligid sa Kalye Ospital na malapit sa Kumbento ng Sta.
Clara
--Alas 9 ng gabi -Nakita ni Camaroncocido na nakikipag-usap sa tila isang estudyante at binayaran ang
tiket nito
--Hindi pumasok si Basilio sa dulaan
--Si Kapitan Tiago ay naging masungit at laging bugnot.
--Pinagtitiisan ni Basilio ang pananakit at pagmumura ni Kap. Tiago sa tuwing kaunti ang binibigay ni
Basilio na apiyan.
--Tinatawag naman ni Kap. Tiago si Basilio na anak kapag naliliwanagan.
-- Hindi miminsang naisip ni Basilio na pabayaan nang lumubha ang karamdaman ni Kap. Tiago at
hayaan nang mamatay para di na magsakit.
-- Naisip ni Basilio si Juli
-- Binabawasan ni Basilio ang hinihithit na apiyan ni Kap. Tiago ngunit kapag umaalis si Basilio ay
may nagbibigay ng labis na apiyan kay Kap. Tiago.
--Ang mga dumadalaw lamang sa bahay ay sina:
-Simoun-bihirang dumalaw
-Padre Irene-nagbibilin na higpitan ang pangangalaga kay Kap. Tiago
--Nang gabing itinatanghal ang “Les Cloches de Corneville”, nag-aaral si Basilio sa harap ng 1
matandang mesa.
--“Medicina Legal y Toxicologia” ni Doktor Mata-tanging aklat na ginagamit ng propesor, ang hiram
na bahagi ng aklat na ito ay ang binabasa ni Basilio -- Walang sapat na salapi upang mabili dahil:
-Bawal ng mga tagasuri sa Maynila at kailangang suhulan ang maraming kawani para maipasok
kaya malaking halaga ang hinihingi ng mga nagtitinda ng aklat.
-- Nagtungo si Simoun sa kinaroroonan ni Basilio. “Kamusta ang ating maysakit?”-Simoun
-- “Ang tibok ng puso ay babahagya-ang pulso ay mahinang-mahina, walang kagana-gana sa pagkain,
pinagpapawisan nang katakut-takot sa madaling araw. Ang buong katawan ay nakalatan ng lason,
maaaring mamatay bukas o makalawa”-Basilio
-- “Katulad ng Pilipinas! “ -Simoun
-- “Ang lalo pang nakapagpapahina sa kanya ay ang mga bangungot, ang kanyang mga pagkatakot .”-
Basilio
--“Katulad ng Pamahalaan!”-Simoun
-- “May ilang gabi nang nagising siyang walang ilaw at ang akala ay nabulag na siya, minura ako,
dinukot ko raw ang kanyang mga mata. Ako’y pumasok na may dalang ilaw at ako’y ipinagkamali kay
P. Irene at tinawag akong tagapagligtas.”-Basilio
-- Tumugtog ang 10:30 sa orasan
--“Hindi mo binubuksan ang mga aklat na ipinadala ko sa iyo.. .sa loob ng 1 oras ay magsisimula ang
himagsikan…Kapag kami’y nagtagumpay, lahat ng taong hindi tumulong sa amin bagaman may
kayang dumamay ay ituturing naming kaaway ”
--Si Simoun ay naparoon para sa 2 bagay:
--Ang kamatayan ni Basilio o ang
--Hinaharap ni Basilio
--“Sa piling ng Pamahalaan o sa amin”-Simoun
--“Mayroon akong hukbo at mga taong pinamamahalaan; ilan ay sinabi kong ang himagsikan ay utos
ng heneral; iba naman ay pinapaniwala kong mga prayle ang may kagagawan, iba pa’y inakit sa
pamamagitan ng mga pangako ng mapapasukan ng salapi; lalong marami ang nagsipagkilos upang
makapaghiganti.” -Simoun
--“At ano ang kailangan kong gawin?”-Basilio
-- “Sa dahilang pamamahalaan ko ang kilusan ay hindi ko maiiwan ang alin mang labanan. Ang
kaguluhan ay nasa iba’t ibang pook. Panguluhan mo ang paggiba ng pintuan ng Sta. Clara at kunin mo
roon ang isang tao na liban sa akin at kay Kapitan Tiago ay ikaw lamang ang makakakilala. Si Maria
Clara!”
--“Namatay na si Maria Clara! Kaninang mag-iikaanim ng hapon lamang. Kaninang hapon itinugtog
ang kanyang agunyas.” – Basilio
--Naalala ni Simoun na siya’y nakarinig ng mga tugtog ng agunyas nang mga sandaling paligid-ligid
siya sa kumbento.
--“Kaawa-awang tao!”- Basilio
--Inisip niya ang kapalaran ni Simoun at ni Maria Clara
--Ang isa’y binata, mayaman, bihasa, malaya, nakapagpapasiya sa sariling kabuhayan at may
magandang kinabukasan
--Ang ikalawa’y babaing kasing ganda ng 1 pangarap, malinis lipos ng pananalig at walang kamalayan
sa lakad ng kamunduhan.

You might also like