Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KOLOKYAL AY SALITANG HINDI PORMAL

Sulating Di-pormal o Impormal


Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay
ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda.
Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang
ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa
kanyang pagkatao.
Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at
kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan
ng may akda.

Kolokyal.

Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,


maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?

Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

You might also like