Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 1

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGGAMIT NG

TAGLISH SA PAKIKIPAGTALASTASAN NG MGA MAG-AARAL

NG JUNIOR HIGH SCHOOL NG THE PLEASANT MOUNT

SCHOOL

Isinumite nina:
Calinao, Francyne
Castillo, Jhade Rozette
Garcia, Cleoheart
Manzano, Vince
Tagalog, Raffy

Isinumite kina:
Buban, Michael D.
Tagalog, Renz Vincent E.
THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 2

KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Sa kabantang ito tatalakayin ang Sanligan ng pag-aaral, Balangkas Pang-

teoretikal, Balangkas Pangkaisipan, Paglalahad ng suliranin, Haka ng pag-aaral,

Sakop at Limitasyon, Kahalagahan ng pag-aaral, at Kahulugan ng mga

katawagan. Maaring magdulot ng pagbukas ng isipan sa mga mag-aaral na

mahilig gumamit ng Taglish sa pakikipagtalastasan.

Sa ating bansa ay mayroon lamang dalawang opisyal na itinalaga na wika.

Ang una ay ang orihinal na wika ng mga Filipino. Ang ikalawa naman ay ang Ingles

bilang unibersal na wika. Ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging

wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ito ay ginagamit sa opisyal na

komunikasyon ng estado ng mga mamamayan. Sa mga namumuno unang

nagmumula ang paggamit ng wikang Taglish. Sa araw-araw na pag-gamit ng

dalawang wika na ito ay umusbong ang Taglish.

Kadalasan na mga nagsasalita ng Taglish ay ang mga mayayaman o mga

nasanay sa pag gamit ng dalawang wika. Ang wikang conyo ay kilalang-kilala sa

mga kabataan. Karaniwan itong naririnig sa pang-araw-araw na pag-uusap sa mga

estudyante ng high school at college na nag-aaral sa mga mamahaling kolehiyo

at unibersidad. Ito ay naging higit pa sa isang wika, dahil ang termino ay ginamit
THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 3

upang mailarawan ang mga tao bilang conyo, dahil ang mga taong ito ay

nagsasalita ng wikang ito at may ilang mga katangian. Ito ay napapanahon sa mga

pinakabagong mga gadget. Hindi alam kung paano sumakay sa pampublikong

transportasyon, at hindi kayang makihalubilo sa mga tao na hindi kayang gumamit

ng wika na kanyang ginagamit. Mas gusto ng mga kabataan ngayon na

makipagusap gamit ang kanilang mga gadyet kaysa makipagusap ng personal

dahil malinaw nilang naipapahayag ang kanilang damdamin sa kanilang kausap

gamit ang orihinal na wika o unibersal na wika. Madami ding gumagamit ng

Taglish sa pakikipagtalastasan, katulad na lamang sa mga paligsahan. Ginagamit

nila ito upang mailahad nila ng maayos at produktibo ang kanilang mga kasagutan.

Lahat ng tao ay may iba't ibang istilo ng pagsasalita. Maraming tao ang

gumagamit ng parehong mga wika na Ingles at Tagalog.

Ito ay karaniwang ginagamit sa Internet, lalo na sa bagong henerasyon.

Maraming tao ang gumagamit ng ganitong istilo lalo na sa Kalakhang Maynila at

nagiging impluwensiya sa maraming bahagi ng bansa.


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 4

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa Mga Salik Na Nakakaapekto sa Pag-

gamit ng Taglish sa Pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Junior High School

ng The Pleasant Mount School. Maraming mga kabataan lalo na ang mga mag-

aaral ang gumagamit ng taglish sa pakikipagtalastasan sa kanilang kapwa kamag-

aral. Ginagamit din nila ito kapag sinasagot ang tanong ng kanilang mga guro sa

paaralan pero habang nagsasalita, madalas nating marinig ang salitang “English

po…” lalung-lalo sa asignaturang ingles. Kahit sinabi na iyon nakakapag taglish

parin ang isang mag-aaral.

Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing

instrumento at midyum ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento,

maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na

pangangailangan ng tao. Kaya naman, hindi maikakaila ang katotohanan na ang

wika ay magsisilbing tulay ng komunikasyon ng mga tao upang makaagapay sa

lipunang ginagalawan. Sa panahon natin ngayon halos lahat ng kabataang nag-

aaral sa mga eskuelahan ay gumagamit ng taglish bilang pangunahin midyum.

Dahil sa mga nakikita ng mga mananaliksik sa paligid nila naisip na alamin

ang mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng taglish sa pakikipagtalastasan ng

mga mag-aaral ng Junior Highschool ng the Pleasant Mount School


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 5

Balangkas Pangteoretikal

Ang mga mananaliksik ay naghanap ng iba’t-ibang teorya sa internet at

nakahanap sila ng isang teorya na makakatulong sa kanilang pag-aaral at iyon

ang Communicarion Accommodation Theory (CAT). Ang teoryang ito ay ginawa

ni Howard Giles, isa siyang propesor sa kommunikasyon sa Unibersidad ng

California. Ipinapaliwanag ng teoryang ito na ang mga tao ay may tendensiyang

gumaaya sa paraan ng pagsasalita para matanggap

Ayon sa nilathala ni Arnel B. Mahilom, Tinatalakay rin ng teoryang ito ang

interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay ang

tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo,

halimbawa, ang Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil

sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang nagging

kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles.

Makakatulong ang teoryang ito sa pagaaral ng mananaliksik hinggil sa

paggawa ng paunang talatanungan para malaman kung ano ang isa sa mga

pangunahing salik na nakakaapekto sa paggamit ng taglish sa

pakikipagtalastasan
THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 6

Balangkas Pangkaisipan

Ang pananaliksik na may paksa na “Mga Salik Na Nakakaapekto sa Pag-

gamit ng Taglish sa Pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Junior High School

ng The Pleasant Mount School” ay binigyan ng Konspetong Konseptwal upang

higit na maintindihan at malaman ang patutunguhan ng pag-aaral na ito:

LAGAK PROSESO BUNGA

1. Mga salik na Pagbibigay ng Malalaman ang


nakakaapekt paunang resulta ng epekto
o sa paggamit talatanungan at sa paggamit ng
ng Taglish sa pagkuha nito sa Taglish sa
taga-tugon. pakikipagtalastasa
pakikipagtala
Pagkatapos, n ayon sa
stasan.
gagawin ang pinal
pagsasagawa ng
na talatanungan
sarbey.
na sasagutan at
kukunin muli sa
taga-tugon

Tugon

Ang lagak ay ang mga pinagbatayan ng mga mananaliksik sa gagawing

pananaliksik at kabilang ang mga pangunahing salik na nakakaapekto sa

paggamit ng Taglish sa pakikipagtalastasan. Sa proseso ng pananaliksik,

nabibilang dito ang pagsasagawa ng paunang sarbey (Ranking na sarbey) at

pangalawang sarbey (Tseklis na sarbey) at Pagtukoy sa mga nakakaimpluwensiya


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 7

sa mga pangunahing salik na nakakaapekto sa paggamit ng Taglish sa

pakikipagtalastasan. Sa bunga nakasaad na ang makabuluhang epekto ng mga

pangunahing salik na nakakaapekto sa paggamit ng Taglish sa

pakikipagtalastasan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may paksang “Mga Salik na Nakakaapekto sa

Paggamit ng Taglish sa Pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Junior High

School ng The Pleasant Mount School” ay naglalayong sagutin ang mga

sumusunod na suliranin:

1. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng mga taga tugon ng

Taglish sa pakikipagtalastasan?

2. Mga pangunahing salik sa paggamit ng taglish sa pakikipagtastasan ayon

sa :

3. May makabuluhan bang epekto ang paggamit ng taglish ng mga mag-

aaaral sa pakikipagtalastasan.
THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 8

Haka ng Pag-aaral

Ang paghihinuha ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay, may

makabuluhang epekto ang paggamit ng taglish sa pakikipag-talastasan ng mga

kabataan sa iba halimbawa, mas masasabi ng mga kabataaan ang kanilang

damdamin kapag gumagamit ng taglish at dahil naman sa paggamit ng taglish

natutulungan ang mga kabataan na matuto ng wikang Ingles nang paunti-unti.

Saklaw at Lawak ng pag-aaral

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay malaman ang Mga salik na nakakaapeto

sa paggamit ng taglish sa pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Junior High-

school ng The Pleasant Mount School.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa paaralan ng The Pleasant Mount

School. Dito rin kumuha ng mga tagatugon ang mga mananaliksik. Ang mga

tagatugon ay nagmula sa Baitang 7,8, 9 at 10. Kukuha ng tig labinglima sa bawat

baitang ang mga mananaliksik. Kung ipagsasama lahat, 120 ang mga tagatugon.

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa taglish. Marami Gumagamit

ang mga mananaliksik ng makabagong teknolohiya upang makasaliksik ng mga

impormasyon. Ang ginamit ng mga mananaliksik para malaman kasagutan ay

deskriptib sa paraang ebalwatib.


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 9

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagtukoy at paglutas ng mga

suliranin na may paksang “Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag-gamit ng Taglish

sa Pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Junior High School ng The Pleasant

Mount School” at makakatulong ng malaki sa mga sumusunod:

1.Guro- Makakatulong ito sa mga guro dahil mas mapapadali ang kanilang pag

talakay sa mga Aralin, at mas mabilis na maunawaan ng mga mag-aaral ang

kanilang leksyon. Nagiging epektibo ito dahil naipapaliwanag nila ng maayos at

malinaw ang kanilang gustong sabihin sa mga mag-aaral.

2.Mag-aaral- Mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman ng mga magaaral

ang mga salik na nakakaapekto ng paggamit ng Taglish. Sa panahon ngayon

madami na ang nagtuturo at gumagamit ng Ingles na nagiging dahilan ng

pagsasalita ng Taglish. Hindi man nila masabi ng tuluyan ang kanilang

ipinaparating gamit ang salitang Ingles, kaya gumagamit sila ng Taglish sa

pakikipagtalastasan.

3.Magulang- Ito ay nagsisilbing paalala sa mga magulang na may malaki silang

tungkulin sa pagbibigay kahalagahan at paggabay sa pag-aaral ng kanilang mga

anak. Maunawaan na ang pananaliksik na ito ay upang mabatid nila ang mga

pananaw ng kanilang mga anak sa Wikang Filipino.


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 10

4.Mananaliksik- Makakatulong ito sa mga mananaliksik upang mas mabigyan sila

ng kaalaman at maging gabay ito sa kanilang maayos na pananaliksik.

5.Mamamayan- Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magamit ng maayos

ang pag sasalita ng Taglish. Mapapadali ang pakikipag komunikasyon ng mga

mamamayan sa isa’t isa dahil sa paggamit nito. Mas naiilahad nila ang kanilang

gustong sabihin sa kanilang kausap.

6.Lingwista- Ang pag-aaral na ito ay kapakipakinabang sa mga lingwista

sapagkat matutulungan sila nito na magkaroon ng mas malalim sa kaunawaan sa

taglish.

Kahulugan ng Katawagan

Binibigyang katuturan ang sumusunod na mga katawagan ayon sa

pagkakagamit sa pag- aaral at pananaliksik na ito.

1.Taglish- Pinagsamang Tagalog at Ingles

2.Mamamayan- Tumutukoy sa tao o sa grupo ng mga tao sa isang yunit ng

pamayanan.

3.Internet- Ito ay isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang

mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa

ibat-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono,

satellites, at ibang komonikasyon na hindi gumagamit ng cable wires na kung saan

ang mga ibat-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 11

4.Conyo- Ito ay isang pamamaraan ng komunikasyon kung saan pinaghahalu-

halo ang salitang Ingles at salitang Filipino.

5.Kabataan- Tumutukoy sa pangkalahatng mga bata na nakatira sa isang lupain.

Ito ay maaaring tumukoy din sa mge menor de edad.

6.Multilinggwalismo- Ito ay ang paggamit ng higit sa isang wika.

7.Balarila- Tumutukoy din ito sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa

wastong paggamit (ayon sa balarila).

8.Kamangmangan- Isang hindi kaaya-ayang katawagan para sa katangian ng

isang tao o indibidwal na hindi marunong bumasa o sumulat.

9.Wika- Salitang Kastila na tumutukoy sa wika. Ito ay ginagamit sa

pakikipagtalastasan. Ang lenggwahe o wika ay koleksyon ng tunog, simbolo at

kaugnay na bantas upang magpahayag ng kaisipan.

10.Acronym (Akronim)- Ginagamit ang mga letra na nagrerepresenta sa isang

salita o tumatayo bilang kapalit ng salita para mabasa ng tao at di madaling

makalimutan.
THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 12

KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na literatura at pag-

aaral na nakasaad sa mga sumusunod na talata.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang Sistema ng

mgasagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting

paglilinang sa loob ng maraming daangtaon at nagbabago sa bawat henerasyon,

ngunit sa isang panahon ng kasaysayan ito ay tinutukoy na isang set ng hulwaran

ng gawi ng pinag-aralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat

kasapi ng pangkat o komunidad. Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabanata 2001)

sapagkat ang pilipinas multilinggwal at multicultural ang ating mga watak-watak na

isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa midyum ng wikang Filipino.

Sa makatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin

ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Ayon sa pahayag ni Bienvenido Lumbera (2013), hindi epektibo ang

paggamit ng Taglish sa pakikipag-usap. Natural lamang sa taong malimit o sanay

na magsalita ng Ingles na gumamit ng Taglish sa mga impormal o mga magagaan

na mga pakikipagtalastasan. Limitado lang ang sakop ng wikang Taglish.

Isang paraan lamang ng “pagpapahayag ng damdamin” ang Taglish.

Samakatuwid, mas maganda pang gamitin ang Filipino o Tagalog bilang midyum
THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 13

ng pakikipagtalastasan dahil bukod sa ginagamit ng mga tao ang kanilang orihinal

na wika, mas napapahayag nila ang kanilang mga saloobin. At para mas maging

epektibo ang paggamit ng Filipino, kailangan dapat isaalang-alang ng mga tao ang

paggamit ng humpas ng kamay at ang emosyon ng ating mukha para madaling

malaman ng mga tao ang mensahe at damdamin na nais iparating.

Ang artikulo naman ni Sara Boydon noong Agosto 10, 2014 sa Tomasino

Web ay nagpapahayag na ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat maalala

tuwing buwan ng Agosto o tuwing may okasyon lamang dahil ito ang sumisimbolo

na tayo ay mga Pilipino at nararapat lamang na hindi natin ito makalimutan dahil

lamang sa mga bakas na naiwan ng mga dayuhan sa ating bansa. Dapat lamang

na palaging gamitin, tangkilikin, at pagyamanin ang wikang kinagisnan upang hindi

ito mawala sa sirkulasyon ng patuloy na pag-ikot ng mundo. Dahil itinatanag

angwikang Filipino upang maging ilaw tungo sa pagkakaisa, kapayapaan, at

pagkakaintindihan ng bawat mamamayan.

Ayon kay Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle,

“Kapag walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung iisipin natin, kung walang

lipunan, walang transaksiyon, wala tayong ekonomiya. “Ang wika umano ay isang

paraan ng paggawa ng transaksyon. Binanggit din niya na lahat ng nangyayari sa

ekonomiya ay base sa kung paano mo ito naintindihan kung kaya’t dapat ay

maipahayag mo rin ng malinaw sa iba ang iyong naintindihan tungkol doon. Dahil
THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 14

dito, masasabi na ang wikang pambansa ay may malaking papel na

ginagampanan sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Ayon kay Jose Laderas Santos, tagapangulo ng komisyon sa Wikang

Filipino (KWF) malaki ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pang-araw-araw

na gawain ng bawat Pilipino. Gawin na lamang na halimbawa ang pagbili ng isang

ordinaryong Pilipino sa tindahan. Ang ginagamit na wika sa transaksiyong ito ay

Filipino. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa

at nagkakaroon ng satispaksyon sa pagitan nila dahil natamo nila ang

pangangailangan ng bawat isa.

Ayon kay Bernard Macinas, komisyner ng KWF mula sa Bicol, ang bawat

bansa ay may sariling wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo sa landas

ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagmamahal. Kapag ito’y natamo,

magkakaroon ng katahimikan at kaayusan ang isang bansa. Masasabi rin na ang

katiwasayan ng isang bansa ay isa ring salik sa pag-unlad ng ekonomiya nito.

Kapag nagkakaroon ng kaayusan ang isang bansa ay maaiwasan ang gulo at mas

mapapaunlad pa lalo ang kanilang ekonomiya.


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 15

Sintesis ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na nabanggit sa kabanatang ito ay tungkol sa Mga Salik na

Nakakaapekto sa Pag-gamit ng Taglish sa Pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral

ng Junior High School ng The Pleasant Mount School. Ang mga sumusunod na

pahayag ay nagpapakita ng mga relasyon ng buong pag-aaral sa nasabing

pananaliksik sa kabanata.

Ayon sa artikulo ng Varsitarian na may pamagat na “Wikang Filipino:

Kumusta na?” Marami ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na

pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa

Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang

nasusulat dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang

pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng Taglish o

paghalo ng Filipino at Ingles.

Ayon kila Charche C. Punay Jr., Joshua Abraham L. Mosca, at Dominic

Elijah M. Malonzo Maaaring maganda pakinggan ang Taglish sa pakikipag-usap

ngunit kung oobserbahan nang maiigi ay wala naman talaga itong halaga. Kung

iisipin ay isang napadaan na pampadagdag na wika lamang ang Taglish. Maaari

at dapat itong wakasin ang paggamit nito. Bunsod din ng paggamit ng Taglish,

unti-unting nalilimutan ng mga tao ang Filipino. Bakit kailangan pang gumamit ng

ibang wika kung mayroon naman tayong opisyal at orihinal na wika?


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 16

Itinakda ng Pangulong Macapagal-Arroyo (2004) ang pagbabalik sa

paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Sa kanyang pasinayang talumpati

noong nasabing taon, sinabi niyang nakatutulong sa mga Pilipino ang kagalingan

sa pagsasalita ng Ingles, bukod pa sa pagiging mabisa umano nito sa pagkatuto

ng mga estudyante. Pinabulaanan naman ito ni Nadera. Aniya, mali ang

paniniwala na tanging wikang Ingles lamang ang nagsisilbing susi sa kaunlarang

pang-ekonomiya.

Ayon kay Kenyaf (2016) sa artikulo ng academia.edu sa kaniyang

isinasagawang pananaliksik na mas hinihikayat ng mga nakakatanda na magsalita

ng wikang ingles ang mga bata kaysa sa wikang Filipino ngunit hindi naman lahat

ng tao sa paligid ng bata ay nagsasalita ng wikang ingles, maaring makarinig rin

ang bata ng mga salitang Filipino na makakaapekto sa pag-gamit ng wika ng isang

bata ang resulta nito ay ang paghalo halo ng wikang Ingles at Filipino na tinatawag

din na salitang conyo.

Ayon kay Mische, ang pinagsamang Tagalog at Ingles, na mas kilala bilang

Taglish ay ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa maraming sitwasyon.

Kadalasang mapapansin ito sa media-telebisyon, pag-aanunsiyo at ibang pang

mga kondisyon malayo sa mga napakapormal na pangyayari kung saan purong

Tagalog at Ingles lamang ang ginagamit. Ang pinaghalong anyo ng Tagalog at

Ingles ay orihinal na tinawag bilang “mix-mix” o “halo-halo”, naging Engalog o

Englog at pagkatapos ay Taglish. Sa totoo lang, ang madalas na pag-gamit ng


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 17

Taglish ay isang balakid upang mabatid kung ano talaga ang taal na Tagalog at

kung ano ang hiniram lamang o nagmula sa wikang Ingles.

Isa si Gumperz sa mga nagpasimula at nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng

Taglish. Sa palagay ng mga mananaliksik, ang mga iminungkahing mga

kadahilanan at kaparaanan ng Taglish ni Gumperz ay para lamang sa berbal na

pakikipagkomunikasyon o pagsasalita sapagkat noon ay mas mahigpit ang

pagpapatupad ng pag-gamit ng iisang wika sa mga talakayan sa paaralan.

Sinuring mabuti ng mga mananaliksik ang mga pahayag upang kanilang mabatid

ang kaibahan nito sa mgasusunod na literatura.


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 18

KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Tatalakayin sa kabanatang ito ang, Disenyo ng pananaliksik, , kalahok sa

pag-aaral, pinagkuhanan ng datos, patakaran ng pag-aaral, istatistikong ginamit.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang uri ng pananaliksik na ginamit ng mga mananaliksik ay diskriptibong

pananaliksik para malaman ang mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng

taglish sa pakikipagtalastasan ng mga mag-aaaral ng Junior Highschool ng The

Pleasant Mount School. Diskriptibong uri ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral

na ito sapagkat, para malaman ang mga variable na kinakailangan sa pag-aaral

na ito.

Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga taga-tugon ng mga magsasaliksik ay nagmula sa paaralan ng The

Pleasant Mount School. Ang mga kalahok na tutugon sa talatanungan ay nagmula

sa ika-7 baitang hanggang ika-10 baitang. Ang paaralan na ito ay mayroon tig-2

pangkat bawat baitang. Ang mga mananaliksik ay kukuha ng tig-15 tagatugon sa

bawat pangkat ng bawat baitang. Kung ipagsasama-sama ang mga tagatugon sa

bawat pangkat ng bawat baitang mayroong 30 tagatugon lamang. Pero, mayroong

4 na baiting at iyon ay ika-7 baitang hanggang sa ika-10 baitang. Kung

ipagsasama-sama lahat mayroong 120 tagatugon ang mga mananalikisik.


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 19

Instrumentong ginamit

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sariling talatanungan para malaman

ang mga salik na nakakaapekto sa pag-gamit ng taglish sa pakikipagtalastasan ng

mga mag-aaral ng Junior high school ng The Pleasant Mount School.

Gumawa ng paunang talatanungan na naglalaman ng mga posibleng

pangunahing salik na nakakaapekto sa paggamit ng taglish sa

pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral .Matapos pasagutan at makuha ang datos,

gagawin itong batayan para gawin ang pinal na talatanungan na siyang ipapasagot

muli at kukunin ang datos.

Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga taga-tugon ng mga magsasaliksik ay nagmula sa paaralan ng The

Pleasant Mount School. Ang mga kalahok na tutugon sa talatanungan ay nagmula

sa ika-7 baitang hanggang ika-10 baitang. Ang paaralan na ito ay mayroon tig-2

pangkat bawat baitang. Ang mga mananaliksik ay kukuha ng tig-15 tagatugon sa

bawat pangkat ng bawat baitang. Kung ipagsasama-sama ang mga tagatugon sa

bawat pangkat ng bawat baitang mayroong 30 tagatugon lamang. Pero, mayroong

4 na baiting at iyon ay ika-7 baitang hanggang sa ika-10 baitang. Kung

ipagsasama-sama lahat mayroong 120 tagatugon ang mga mananalikisik.

Patakaran ng Pag-aaral
THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 20

Ang mananaliksik ay nag-isip ng tatlong Paksa na maaring maging sentro

ng kanilang pag-aaral. Ang kanilang mga naisip na paksa ay kanilang

dedepensahan sa kanilang tagapayo at ilang guro sa The Pleasant Mount School.

Pagkatapos suriin ng mga tagapayo at ilang guro ang mga paksa, sisimulan na

nila ang pag-aaral.

Ang napiling paksa ay ano ang “Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag-gamit

ng Taglish sa Pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Junior High School ng

The Pleasant Mount School”. Pagkatapos pag-aralan ng mga mananaliksik ang

kanilang paksa, dahil dito nalaman nila kung ano ang ilalagay sa kanilang

talatanungan para malaman ang “Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag-gamit ng

Taglish sa Pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral ng Junior High School ng The

Pleasant Mount School”.

Pagkatapos gawin at ayusin ang nilalaman ng talatanungan, ito ay pinasagutan

sa mga taga-tugon. Ang mga mananaliksik ay pupunta sa bawat silid ng mga

tagatugon o pupuntahan sila sa oras ng pagkain o uwian para ibigay ang

talatanungan para sagutan, pagkatapos sagutan ang talatanungan kukunin ito

agad ng mga mananaliksik at susuriin.

Istatistikong Ginamit

Ang mga Instrumentong ginamit sa pag-aaral ay ang mga sumusunod:

Frequency. Ginamit ito upang matukoy ang bilang ng mga tagatugon sa

pamamagitan ng purposive sampling.


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 21

Weighted Mean. Ginamit ito upang matukoy ang limang epekto ng social

networking sites sa apat na pangunahing asignatura.

∑𝒇𝒙
𝑾𝑴 =
𝑵

Na Kung Saan:

∑fx = pinagsama-samang marka ng mag-aaral/tagatugon

N = kabuuang bilang ng mag-aaral/tagatugon

Pearson’s r. Ugnayan sa pagitan ng mga hanay ng datos ay isang sukatan

ng kung gaano magkakaugnay ang mga ito. Ang pinaka-karaniwang sukatan ng

ugnayan sa istatistiko ay ang Pearson Correlation. Ang buong pangalan ay ang

Pearson Product Moment Correlation o PPMC. Ipinapakita nito ang linear na

relasyon sa pagitan ng dalawang set ng data. Ginamit ito upang malaman ang

pagkakaugnay ng General Average ng mga mag-aaral mula sa Epekto ng piling

Social Networking Sites sa apat na pangunahing asignatura.

𝑛(∑ 𝑥𝑦)−(∑𝑥)(∑𝑦)
r=
√[𝑛∑𝑥 2 −(∑𝑥)2 ] [𝑛∑𝑦 2 −(∑𝑦)2 ]

Na Kung saan:

r = Pearson r Correlation coefficient

N = Number of value in each data


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 22

∑𝑥𝑦 = Sum of the product of paired scores

∑𝑥 =Sum of x scores

∑𝑦 = Sum of y scores

∑𝑥 2 = Sum of squared x scores


THE PLEASANT MOUNT SCHOOL 23

You might also like