Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SURING BASA

SA MAIKLING
KUWENTONG

“MABANGIS NA
LUNGSOD”
Ipinasa ni:
Michelle O. Villareal
10-Tranquility

Ipinasa kay:
Bb. Catherine Candido
Guro sa Filipino

I. PAMAGAT, MAY AKDA, GENRE

Ang pamagat ng maikling kuwento ay “Mabangis na Lungsod”. Ginawa ni Efren Abueg ang
kuwentong ito upang ipakita ang ibang lugar na naghihirap, kung gaan o pinaghihirapan ng mga tao ang
pagkita ng pera. Marami sa mga mababangis na lugar ay kalimitang mahirap. Ito ay hindi piksyon na
tumatalakay sa totoong buhay ng tao na namumuhay ng mag-isa at ang pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan sa kuwento.
II. BUOD

Ang kuwento ay umiikot sa batang si Adong na gumigising ng maaga at nagtutungo sa Quiapo


upang mamalimos para siya ay magkaroon ng pagkain na kanyang maipantatawid gutom. Si Adong ay
labindalawang taong gulang. Sa murang edad ay naranasan na ni Adong ang kahirapan ng buhay. Namuhay
rin siya ng walang mga magulang na mag-aaruga sa kaniya. Ngunit nagugulat ang mga namamalimos sa
tapat ng Simbahan ng Quiapo kapag dumarating na ang mayabang at nagpapaka-haring si Bruno. Lahat sila
ay natatakot kay Bruno. Lahat ng kanilang napapalimos ay napupunta lamang kay Bruno. Si Bruno ang
nakikinabang ng lahat ng mga ito.

III. PAKSA

Lahat ng tao ay may kontribusyon sa ating komunidad. At tayo ay may mapagpipilian kung ano ang
gusto natin. Hindi tayo pinipilit ng Diyos na gawin ang gusto Niya. Binibigyan tayo ng pagkakataon na
gawin ang kung anuman ang gusto nating gawin. Lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan at hindi
nagbibigay ang Diyos ng problema na hindi natin kayang lampasan, Ang kuwento ay umiikot sa buhay ni
Adong sa tapat ng Simbahan ng Quiapo na kung saan siya ay inaabuso at inaapi.

IV. BISA ( SA ISIP, SA DAMDAMIN )

Ang kuwentong ito ay may bisa sa isip kung saan tunay na naipahayag ang mga gawi ng tao sa
Quiapo at tunay na masasalamin ang Quiapo sa kuwento. Inilarawan sa kuwento ang araw-araw na
pamumuhay ng mga taong namamalimos sa Quiapo, ang mga gusali, ang lagusan sa ilalim ng lupa, ang
mga tindahan at ang mga tao na pumupunta sa simbahan. May bisa ng damdamin din ito kung saan
talagang mararamdaman sa kuwento ang lungkot na nadarama ni Adong sa tuwing siya’y gigising ng mag-
isa, ang sakit na kaniyang natatamasa sa tuwing siya’y sasaktan ni Bruno, ang gutom na kaniyang
nadarama sa tueing kumakalam ang kaniyang sikmura at ang takot na kaniyang nararamdaman sa tuwing
makikita niya si Bruno.

V. MENSAHE

Lahat ng tao sa mundo ay pantay-pantay. Sa ating lipunan, mayroong mga mahihirap na patuloy na
humihirap at may mga mayayaman na patuloy na yumayaman. Dahil ditto may mga tao na gumagamit ng
dahas upang makuha o makamit ang ninanais. Isipin natin sa mundong ito na may kapuwa tayong
nangangailangan ng ating tulong. Bilang anak ng Diyos na ibinigay ang sarili para sa sangkatauhan, dapat
din nating ibigay ang ating sarili para sa iba, tulungan natin ang mga nangangailangan ng ating tulong.
Huwag nating gamitin ang ating lakas upang saktan o apihin ang iba.

VI. TEORYANG GINAMIT

Ang kuwentong “Mabangis na Lungsod”, ay gumamit ng teoryang realism dahil tinalakay nito ang
pamamaraan ng pamumuhay sa Quiapo. Tinalakay din dito ang kahirapan na nararanasan ng mga tao at
ang diskriminasyon na natatamasa ni Adong kay Bruno. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pa ang
kinakaya-kaya.

You might also like