Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buwaya ng Pamahalaan

Buwaya, isang nilalang na kilala sa pagiging mabagsik at matapang. Isang nilalang na


kinatatakutan ng lahat. Ngunit, pagdating nga sa usaping pulitika; Ano na nga ba ang imahe ng
buwaya?

Isang pagbati ng magandang araw mga kaklase, sa ating guro na sina Bb. Catherine
Candido at Bb. Joan Baranda at sa mga nakikinig.

Minsan ba naitanong na ninyo sa inyong sarili kung saan napupunta ang inyong pera? Kung
ito ba'y napupunta sa mabuting kamay o sa bulsa ng isang kawani ng pamahalaan?. Paano kung
sabihin kong sa bulsa lamang ng isang halang na kawani napupunta ang perang pinaghirapan at
pinagpaguran ng bawat Pilipino, di ba nakayayamot pakinggan!

Korapsyon, iyan ang sistemang talamak sa ating pulitika, isang sistema na nagdudulot ng
kahirapan ng bawat isa. Kung iisipin, ang isyu na iyan ay deka-dekada nang problema, mula sa
unang republika hanggang sa kasalukuyan.

Ngunit, bakit kaysa itinagal na ng ating panahon, ang problema ng korapsyon sa ating
bansa ay 'di pa rin masupil? Ang problema ba ay nasa mga ordinaryong Pilipino o nasa mabagal
na aksyon?

Milyun-milyon na salapi ang nababalitaang nawawala sa bawat ahensya sa ating bansa na


sana ay magiging pondo ng bansa para sa iba't ibang gawain tulad ng agrikultura at edukasyon.
Pero, nasaan na ba ang mga naglalahong pera na yun, kung iyon lang ang tanong marahil lahat
tayo isa lang ang sagot; SA KORAP NAPUNTA!

Marami namang mga napatunayan na nagkasala ng korapsyon, mga naikulong pero sadya
nga bang marami lang ang buwaya sa pulitika o ang buong pulitika mismo ang buwaya. Hindi ko
lubos-maisip na hanggang saan katibay kaya ang sikmura ng mga pulitikong huwad ang katauhan,
mga pulitikong hangad ay kapangyarihan at kayamanan at hindi ang serbisyong bayan, hanggang
saan kaya nila kayang tiisin na ang kanilang sariling lipi ay nalulugmok sa kahirapan habang sila
ay nagpapalaki lamang ng tiyan.

May pag-asa pa bang malunasan ang sakit na ito sa panahong ito, may pag asa pa bang
maibalik sa mga ordinaryong Pilipino ang perang kanilang pinagpuyatan, may pag-asa pa ba tayo?
Sana, may sapat na kagamitan para sa edukasyon, sana lahat ay may trabaho, sana lahat ay may
pagkakataong makapagtapos, sana lahat tayo ay di nagdudusa sa walang hanggan na kahirapan.

Sana, isang malaking sana na nga lang ba ang ating pangarap para sa bayan, puro sana na
lang ba ang kayang bigkasin ng mga tulad kong naghihikahos at hanggang sana na lang ba
magtatapos ang ating mithiin. Ngunit, kung walang korapsyon, lahat ng hiling matutupad, lahat ay
may trabaho, lahat ay nag-aaral at lahat ay kayang umahon sa kahirapan. Subalit ang pagsupil sa
korapsyon ay isa ring malaking SANA.

Hindi ko alam kung kaya pa nating gamutin ang korapsyon sa ating bansa, hindi ko alam
kung kaya pa nating iahon ang ating bansang sinilangan. Hanggang kailan pa bang mag-
mimistulang pagong sa pag-aksyon ang pamahalaan, kapag wala na bang pera ang kaban o kapag
wala na talagang pag-asa. Ang korapsyon ay hindi dapat panghabangbuhay na isyu, dapat unti-
unti na nating burahin ito sa imahe ng ating bansa.
Walang tamang gamot para sa korapsyon, walang tamang formula para sa korapsyon. Isa,
isang bagay lamang ang kailangan para masupil ang korapsyon at iyon ay ang mga PILIPINO.
Tayo mismo ang susupil sa katiwalian, nasa ating kamay magmumula ang tadhana ng ating bansa,
nasa ating simpleng mamamayan magmumula ang kapangyarihan.

Tayong mga ordinaryong Pilipino ang magluluklok ng bagong kawani para sa pinag-
aagawang upuan, tayo ang magdedesisyon kung sino ang karapat-dapat umupo. Huwag nating
sayangin ang pagkakataon na iyon dahil sa isang maliit na pasya malaki ang magiging kapalit.

Isaisip ang ating mithiin, isipin ang mga bagay na dapat tinatamasa ng lahat at hindi lamang
ng isa. Isapuso ang mga paghihirap ng bawat isa, ang mga Pilipinong naghihirap mag-trabaho para
sa kanilang pamilya at kailangan pa hatian ang bayan ng kanilang kakarampot na suweldo. At higit
sa lahat, isagawa ang lahat, pumili ng karapat-dapat para sa pwesto at di magpalinlang sa
mabubulaklak na salita ng mga kandidato. Gawin natin ito para sa sarili, para sa kaniya at para sa
atin, dahil dito magmumula ang sandatang hinubog ng ating mga pangarap at ng ating mga
panambitan. Isang sandatang kikitil sa korapsyon sa ating bansa.

You might also like