BALITA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 84

August 31

Salpukan ng motor at dump truck: 2 dedo

CAVITE, Philippines — Dead-on-the-spot ang dalawang sakay ng isang motorsiklo makaraang kapwa
magulungan ng nakasalpukang dump truck habang bumabagtas sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy.
Panapaan 5, Bacoor City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Supt. Vic Cabatingan, hepe ng pulisya dito, ang mga biktima na sina Raymond Manaloto, 24,
merchandizer at angkas na si Joko De Jose, 22, aircon installer. Hawak naman ng pulisya ang driver ng trak na
si Charlie Hamito, 34, ng Navotas Fishport Complex, Navotas City.

Sa ulat ni P/SMS Feliciano Garcia III, dakong alas-11:40 ng gabi habang magkaangkas ang mga biktima sa
isang puting motorsiklo na Suzuki UD110 (9748 VP) at bumabagtas sa lugar nang salpukin sila ng kasalubong
na Sinotruck Howo 76 dump truck. May kabilisan umano ang takbo ng truck kung kaya hindi napansin ng driver
ang kasalubong na motorsiklo dahil sa may kadiliman pa sa lugar. Tumilapon ang dalawa sa harapan ng trak at
sa kamalasan ay nagulungan pa sila ng trak sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Wala namang maipaki-tang driver’s license ang driver ng truck na nakarehistro sa Aeon Supply Chaim
Solutions.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property ang driver ng
trak.

Ama pinagsasaksak ng gunting ang anak!

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kritikal ang isang 19-anyos na estud-yante matapos gripuhan
ng gunting ng sariling ama na naghamon ng duwelo sa Brgy. Alangan, Magsingal, Ilocos Sur kamakalawa.

Sa report ng pulisya, umuwing lango sa alak si Felix Tab, 56-anyos at napagdiskitahang hamunin ng away ang
anak na si James Tab; kapwa ng nasabing lugar. Dahil sa kakulitan ng ama, binato siya sa mukha ng anak na
mas ikinagalit ng una.

Dito nagdilim ang paningin ng ama at inundayan ng dalawang saksak ang anak gamit ang 5-pulgadang gunting.

Isinugod ng mga sumaklolo ang nakababatang Tab sa Magsingal District Hospital subalit kalaunan ay inilipat
sa Gabriela Silang General Hospital sa Vigan City dahil sa maselan nitong kalagayan.

Sumuko naman sa mga nagrespondeng pulis ang nakatatandang Tab matapos ang krimen. Ayon sa pulisya, sa
tuwing lasing ay naghahanap umano ng gulo ang suspek.

Kidapawan City isinailalim sa state of calamity

MANILA, Philippines — Isinailalim na nitong Huwebes ang lungsod ng Kidapawan sa state of calamity
makaraang aprubahan ng konseho ang rekomendasiyon ng city disaster risk reduction and management
council dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Nakapaloob sa Resolution Numbers 17 at 18 na inaprubahan ang pagsa-sailalim ng state of calamity sa


lungsod.

Nabatid na umabot sa 235% ang pagtaas sa kaso ng nasabing sakit na naitala sa lungsod simula Enero 1-
Agosto 21, 2019. May 686 na kaso ng dengue ang naitala sa Kidapawan City kumpara sa 190 sa kaparehong
panahon noong 2018.

Dahil dito, lumagpas na sa Dengue Epidemic Thres-hold ang bilang ng kaso sa 10 barangay ng lungsod na
kinabibilangan ng: Poblacion, Birada, Amas, Balindog, Lanao, Sudapin, Manongol, Paco, Magsaysay at
Singao. Dalawa ang naitalang namatay dahil dito sa Poblacion at Barangay Birada.

Dahil sa pagkadeklara ng state of calamity, inaasahang magpapalabas na ng P2.8 Million na pondo ang
CDRRMC.

Samantala, kinuswes-tiyon ni Councilor Lauro Taynan kung saan napunta ang Quick Response Fund dahil
wala na umanong magagamit sa state of calamity matapos na noong ikalawang quarter ng taon ay nagdeklara
rin sila ng state of calamity dahil sa El Niño.
4 bulagta sa Bulacan shootout

MALOLOS CITY, Philippines — Apat na hinihinalang drug pusher ang napatay ng mga otoridad sa
magkakahiwalay na buy-bust operation na nauwi sa shootout sa siyudad ng San Jose del Monte at bayan ng
Pandi at San Rafael, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan provincial director ang mga napatay na suspek na sina Jay-R
Ansiboy; isang alias Romel Banay; Amador Medina at Reynaldo del Rosario.

Napatay sina Ansiboy at alias Romel matapos makipagbarilan sa mga pulis dakong ala-1:00 ng madaling sa
isinagawang buy-bust sa Brgy. Gaya-Gaya sa siyudad ng San Jose del Monte habang napatay naman si
Medina dakong alas-2:30 ng madaling araw sa isinagawang buy-bust sa Brgy. Masagana, bayan ng Pandi.

Dakong alas-4:40 naman ng madaling araw nang mapatay si del Rosario matapos makipagbarilan sa mga pulis
sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Marongquillo, San Rafael.

Narekober sa mga napatay ang 31 plastic sachet ng shabu, isang plastic sachet ng marijuana, tatlong cal .38
revolver, isang improvised shot gun, isang Yamaha Aerox motorcycle at buy-bust money.

Samantala, nasakote rin ang 15 pang drug pu-shers sa magkakahiwalay na operasyon sa mga ba-yan ng
Baliwag, Marilao, Meycauayan, San Jose del Monte City at Santa Maria; pawang sa lalawigan.

Task Force ‘Oink Oink’ binuo vs ‘Swine Fever’ sa Isabela

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Upang masiguro na walang papasok na livestocks at karne ng baboy
na apektado ng “African Swine Fever” sa mga pamilihang bayan sa lalawigang ito, itinatag ng lokal na
pamahalaan ang Task Force ‘’Oink Oink” na magsisilbing tagamasid sa mga backyard hog raisers at
tagabantay sa mga entry point ng lalawigan.

Ito ay alinsunod sa executive order na nilagdaan ni Governor Rodito Albano III para maiwasan o mapigilan ang
pagkakaroon ng African Swine Fever sa mga alagang hayop sa buong Isabela matapos mapabalita ang
nasabing sakit ng baboy sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Retired P/Brig. Gen. Jimmy Rivera, ang task force commander, naglagay sila ng hiwalay na
checkpoint sa bayan ng Cordon para bantayan ang mga papasok na hayop at karne ng baboy mula sa mga
katabing lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya kabilang na rin ang Ifugao.

Naglatag din ng ikalawang checkpoint sa bayan ng San Pablo para harangin ang mga baboy o karne mula
naman sa lalawigan ng Cagayan sa hilagang bahagi ng lalawigan.

Ayon pa kay Rivera, ang mahaharang na mga livestocks na walang mga kumpletong dokumento sa mga
nailatag na checkpoints ay pababalikin kung saan nanggaling at hindi papapasukin sa lalawigan.

Sa kasalukuyan, wala pang namomonitor na nakapitan ng nasabing virus sa mga baboy sa Isabela.

Manila Bay sinira ng health-care waste

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Department of Health (DOH) na isa sa mga nakasira sa Manila Bay ang
mga health-care waste na basta na lamang itinatapon.

Ayon kay DOH Environmental and Occupational Health Cluster head engineer Gerardo Mongol, isa ang mga
clinic, ospital at ilan pang health-care facilities ang siyang pangunahing nakasisira sa baybayin ng Maynila.

Paliwanag ni Mongol, hindi lamang sa kabahayan ang pinanggagalingan ng mga basura kundi maging sa mga
ospital.

Lumilitaw na karamihan sa mga health-care waste ay nanggagaling sa Region 4A na malapit sa baybayin.


Kabilang dito ang Cavite, Rizal at Laguna na marami ang squatters dahil walang maayos na palikuran. Marami
ding ospital ang matatagpuan sa nasabing lalawigan.

Ayon pa sa DOH, ang mga lugar ng Cavite, Rizal at Laguna ang may pinakamalaking ambag ng health-care
waste sa Manila Bay.
Sa Department of Environment and Natural Resources- DOH Administrative Order 2005-2, pp nito ang DOH 4-
A na itala kung anu-anong ospital ang hindi sumusunod sa waste management at ayon pa rin ay Mongol,
marami pa ring ospital ang hindi maayos ang pagtatapon ng kanilang health-care waste.

Binigyan diin naman ni Dr. Marilou Espiritu, Non-Communicable Disease cluster head na maliwanagan dahil
may protocol ang mga ospital kung paano madi-dispose ang basura.

Mga babaeng bilanggo, tuturuang kumita sa loob ng selda – Mayor Joy

MANILA, Philippines — Tuturuang kumita sa loob ng Camp Karingal sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, oras na makalipat na sa kanilang bagong gusali ang mga female
inmates, agad bibigyan ng kaalaman ang mga itong manahi para kumita habang nasa loob ng kanilang selda.

“Once the inmates from our female dormitory in Camp Karingal move into their new building, we will train them
to join our pool of sewers and help them earn an income,”sabi ni Belmonte.

Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte nang bisitahin ang kanilang booth ng business partner niyang si Looie
Lobregat na Linea Etnika line na nagbebenta ng mga quality Filipino craftsmanship sa Arte Fino fair
sa Rockwell hanggang sa linggo.

“ Thank God when you’re an advocate of something, profits are secondary; fulfillment comes when we are able
to convince people to support local artisans and preserve dying indigenous textile industries. With this type of
advocacy, local sewers earn a living from manufacturing these products for us,” dagdag ni Belmonte.

Ang inmates sa Female Dormitory ay takdang ilipat bago matapos ang taong ito sa mas malawak na gusali sa
loob din ng Kampo Karingal.

Pinaslang na BuCor official, keeper ng GCTA records

MANILA, Philippines — Lumalabas na tagapangalaga ng mga dokumento na may kaugnayan sa records ng


Good Conduct Time Allowances (GCTA) ang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na tinambangan at
napatay noong nakaraang Martes sa Muntinlupa City.

Gayunman, naniniwala ang pulisya na walang kaugnayan sa pagkapaslang ni BuCor Administrative Office III
Ruperto Traya Jr. ang kanyang puwesto.

Nabatid na taong 2016 nang maitalaga si Traya sa Inmates Documents Processing Section sa BuCor main
office kung saan nasa pangangalaga niya ang mga records ng GCTA ng mga bilanggo maging ang mga
dokumento sa pananalapi ng ahensya.

Noong nakaraang Martes, tinambangan at pinagbabaril ng isang hindi nakilalang salarin si Traya sa parking
area sa Amparo Street, Brgy. Poblacion sa Muntinlupa.

Gayunman hindi naman umano si Traya ang pumipirma o nag-aapruba ng mga GCTA at tanging
tagapangalaga lang siya, ayon sa Muntinlupa City Police.

Napag-alaman na may tinutumbok na silang motibo sa pagpaslang dito pero hindi na nila ibinunyag ito.

Pangunahing tinitignan umano nila ang posibleng pagkakasangkot ng biktima sa operasyon ng iligal na droga
noon pang nasa Leyte ito nakatalaga.

1,000 palaka ikinalat sa brgy. sa Quezon City vs dengue

MANILA, Philippines — Idinipensa ng isang barangay sa Quezon City ang kanilang proyektong pagpapakalat
ng 1,000 palaka sa lugar para malabanan ang paglaganap ng dengue.

Ayon kay Chairman Allan Franza ng Brgy. Old Balara na galing ang mga palaka sa Baras , Rizal at wala itong
bayad saka ikinalat noong Agosto 22.

Nilinaw pa nito na ang mga ikinalat na palaka ay hindi ‘cane toads na mapanganib dahil sa nagtataglay ng
lason.

Binira rin ng chairman ang mga batikos na makakasira sa ecosystem ang naturang proyekto.

“Paano makakasira sa ecosystem e wala na ngang ibang palaka. From the very beginning, wala na ditong
ecosystem kaya siguro lumaganap ang lamok at dengue,” dagdag pa ng chairman.
Bukod sa pagpapakawala sa mga palaka, binanggit nito na pinalakas din nila ang cleanup drives at massive
information disemmanation kung paano malalabanan ang dengue.

Pabor din umano ang mga residente sa pagpapakawala sa mga palaka sa mga estero at kanal, dahil na rin sa
mataas na kaso ng dengue sa kanilang barangay.

Pinalayang convicts ibalik sa Bilibid - Palasyo


MANILA, Philippines — Dapat ibalik sa National Bilibid Prison ang mga pinalayang preso na convicted sa
heinous crime.

Sinabi ito ng Malacañang matapos mapaulat na halos 2,000 bilanggo sa NBP ang nakinabang sa Good
Conduct Time Allowance (GCTA) Law kabilang ang ilang drug lords.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing sa Beijing, malinaw ang batas ukol sa
GCTA na hindi kasama rito ang mga nahatulan sa karumal-dumal na krimen.

“Obviously, dapat makabalik sila sa kulungan until they serve the full term of their service,” sabi ni Panelo.

Batay sa datos ng Bureau of Corrections, lumitaw na sa 22,049 persons deprived of liberty (PDL) o preso na
nakalaya na mula 2014 hanggang 2019 dahil sa GCTA, 1,914 sa kanila ang nahatulan dahil sa nagawa nilang
karumal-dumal na krimen tulad ng pagpatay at panghahalay.

Sa mga nahatulan dahil sa heinous crime, 797 ang sangkot sa pagpatay, 758 sa rape, 274 sa robbery with
violence or intimidation, 48 sa droga, 29 sa parricide o pagpatay ng kaanak, lima sa kidnapping with illegal
detention, at tatlo sa arson.

Sabi ni Panelo, batay sa batas ay hindi dapat kasamang pinalaya ang mga preso na nakagawa muli ng krimen,
habitual delinquents, escapees at nakagawa ng heinous crime.

Magugunitang inutos kamakailan ni Pangulong Duterte na huwag palayain si ex-Calauan mayor Antonio
Sanchez dahil convicted ito sa rape-slay case ng UP students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong
1993.

China nagmatigas, arbitral ruling sa West Philippine Sea ‘di kinikilala

MANILA, Philippines — Nagmatigas pa rin ang China na hindi nito kikilalanin ang arbitral ruling ng Permanent
Court of Arbitration (PCA) sa pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa meeting ni Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping, iginiit ng huli na hindi nila kinikilala ang
nasabing ruling at walang magbabago sa kanilang posisyon.

“President Xi reiterated his government’s position of not recognising the arbitral ruling as well as not budging
from its position,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sa halip ay payag ang China na gumawa ng Code of Conduct sa South China Sea para maresolba ang
problema sa pinag-aagawang isla.

“Chinese President Xi agreed with President Duterte that there is a need for the formulation of the Code of
Conduct and it should be crafted within the last remaining years of PRRD,” sabi ni Panelo.

Nagkasundo rin umano ang dalawang lider na “mutual trust and good faith” ang basehan ng ugnayan ng
Pilipinas at China sa pagtrato ng South China Sea issue habang ipinagpapatuloy ang dialogue para sa
payapang pagresolba ng hidwaan.

Magugunitang naipanalo ng Pilipinas noong 2016 ang kaso sa PCA sa The Hague kung saan ipinawalang
bahala ang pagkuha ng China sa soberenya ng halos lahat ng isla sa South China Sea.

Paliwanag pa ni Panelo, na bagamat hindi nagkasundo sina Duterte at Xi sa nasabing usapin ay pumayag
naman ang Chinese president sa joint gas exploration.

Matapos ang bilateral meeting, sinaksihan nina Duterte at Xi ang paglagda sa 6 na kasunduan sa pagitan ng
Pilipinas at China.

Trillanes, 4 pa kinasuhan ng kidnapping


MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong kidnapping with serious illegal detention ng PNP-Criminal
Investigation and Detection Group sa Department of Justice si dating senador Antonio Trillanes IV at apat
na iba.
Ang kidnapping with serious illegal detention ay isang non-bailable offense.

Bukod kay Trillanes, kasama rin sa kaso sina Fr. Albert Alejo, Atty. Jude Sabio, isang “Sister Ling” ng Convent
of Cannussian Sisters sa Makati City at isang hindi pa nakikilala batay na rin sa reklamo ni Guillermina Lalic
Barrido, 43, ng Davao del Norte.

Sa affidavit ni Barrido, sinabi nito na nakatanggap siya ng plane ticket mula kay Alejo mula General Santos City
patungong Manila noong 2016.

Sinundo umano siya nina Alejo at Sabio at dinala sa Convent of Cannussian Sisters sa Makati kung saan siya
kinulong mula Disyembre 6-21, 2016.

Matapos ang nasabing petsa ay inilipat naman siya sa Holy Spirit Convent nina Alejo, Sabio, Sister Ling, at
isang nagpakilalang staff ni Vice Pres. Leni Robredo.

Dagdag pa ni Barrido, paulit-ulit din siyang tinatawagan ni Trillanes at pinagbantaan umano na hindi siya
maaaring umalis hanggat hindi pinipirmahan ang isang affidavit.

Nabatid na hindi ito ang unang pagsasampa ng kaso ni Barrido laban kay Trilanes.

Lumilitaw na 2017 nang humingi ng tulong si Barrido kay noo’y Justice secretary Vitaliano Aguirre II dahil
sa mga natatanggap na death threats mula sa senador.

Sa katunayan nag-alok pa sa kanya si Trillanes ng P1 million upang idawit si Pangulong Duterte sa killings ng
Davao Death Squad.

Mariin namang itinanggi ni Trillanes ang kasong kidnapping na isinampa sa kanya.

Base sa impormasyon ng senador, nagboluntaryo umanong tumestigo laban kay Pangulong Duterte ang
sinasabing biktima ng kidnapping pero butas-butas ang kuwento at nanghihingi umano ng pera kapalit ng
kanyang salaysay kaya hindi natanggap na testigo. Joy Cantos, Malou Escudero

2 Pinoy seamen patay sa Mexico bar attack


MANILA, Philippines — Dalawang Filipino seafarers ang kabilang sa 26 mga nasawi sa sinunog na bar sa Port
of Coatzacoalcos, Veracruz, Mexico noong Agosto 27.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs matapos matanggap ang ulat mula sa Philippine
Embassy sa Mexico.

Nakikipagtulungan na ang embahada ng Pilipinas sa Mexico sa mga awtoridad at sa agency ng mga Pinoy
seamen upang maiuwi ang kanilang bangkay sa Pilipinas.

Sa pahayag ni Veracruz State Governor Cuitlahuac Garcia, sinabi nito na ang pag-atake ay sanhi ng awayan
ng dalawang magkaribal na gang sa lugar.

Tiniyak din ng gobernador na papanagutin ang mga responsable sa krimen.

Nagpahayag naman agad ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng dalawang Filipino seafarers na hindi pa
inilalabas ang mga pangalan.

Sedition case vs Leni, 35 pa tuloy - DOJ


MANILA, Philippines — Tuloy ang kasong sedition na isinampa laban kay Vice Pres. Leni Robredo at ilang taga
oposisyon matapos ibasura ng DOJ panel of prosecutors ang motion to dismiss ng mga ito kaugnay sa
umano’y planong destabilisasyon sa administrasyong Duterte na ibinunyag ni whistleblower Peter Joemel
Advincula.

Sinabi ng DOJ panel na sapat ang mga ebidensya na naisumite ng PNP-Criminal Investigation and Detection
Group para suportahan ang reklamo at walang nakikitang dahilan para isuspinde ang isinasagawang
proceedings.

Pinangalanan ng CIDG sa kanilang isinumiteng charge sheet sa kasong sedition, inciting to sedition, cyber libel,
libel, estafa and obstruction of justice si Robredo at 35 iba pang personalidad.

Kabilang sa inireklamo sina dating senator Antonio Trillanes IV; Jonnell P. Sangalang; Eduardo Acierto;
Senators Ana Theresia N. Hontiveros-Baraquel at Leila de Lima; Integrated Bar of the Philippines (IBP)
president Abdiel Fajardo; IBP president Domingo Egon Cayosa, dating SC spokesman Theodore Te; lawyers
Minerva Ambrosio, Serafin Salvador, at Philip Sawali.
Kinasuhan din sina senatorial candidates Samira Gutoc-Tomawis, Paolo Benigno A. Aquino, lawyer Lorenzo
“Erin” R. Tañada III, Gary Alejano, Florin Hilbay, Romulo Macalintal, at Jose Manuel Diokno.

Nahaharap din sa kaso sina Yolando Villanueva Ong, Fr. Flaviano Villanueva, Fr. Albert E. Alejo, Fr. Robert
Reyes, Bro. Armin A. Luistro, Cubao Diocese Bishop Honesto F. Ongtioco, retired Novaliches Bishop Teodoro
Bacani Jr., Caloocan Bishop Pablo Virgilio S. David, former Catholic Bishops’ Conference of the Philippines
(CBCP) president Archbishop Socrates Villegas, publicist Boom Enriquez, Vicente R. Romano III, Danilo
Songco at film actor/activist Joel Saracho.

Patay sa dengue, 882 na


Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 31, 2019 - 12:00am
MANILA, Philippines — Umakyat na sa 882 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na dengue.

Ayon sa Department of Health-Epidemiology Bureau, ang nasabing bilang ay naitala mula January 1 hanggang
August 10, 2019.

Sa nasabi ring petsa ay nakapagtala ang DOH ng 208,917 kaso ng dengue.

Lubhang mataas ito kumpara sa 102,298 kaso sa parehong petsa noong 2018.

Sa rekord ng DOH, mula lamang August 4-10 o sa loob lang ng 6 na araw ay may naitalang 12,802 kaso ng
dengue.

Ang Western Visayas ang may pinakamataas na kaso na 36,476 at may 166 na nasawi.

Sumunod ang Calabarzon, 27,091 cases at 88 ang nasawi.

Kabilang sa mga rehiyon na lagpas na sa epidemic threshold ng dengue ang Calabarzon, Mimaropa, Region V,
Region VI, Region VIII, Region IX, RegionX, Region XII, BARMM at National Capital Region.

August 30
Security forces ng UP, handang sanayin ng PNP

MANILA, Philippines – Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na isalang sa pagsasanay ang mga
miyembro ng security force ng University of the Philippines (UP) upang masugpo ang kriminalidad kabilang ang
pagkalat ng illegal na droga sa campus ng unibersidad.

Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na nakakatanggap sila ng impormasyon na ang mga
krimen sa UP Diliman sa Quezon City, UP Los Baños tulad ng mga kaso ng robbery, rape at iba pang uri ng
petty crime ay hindi nairereport sa mga awtoridad.

No less than the chairman of the Commission on Higher Education said that there are problems inside (UP
Diliman), especially the proliferation of illegal drugs, pahayag ni Albayalde.

Una nang inamin ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera, dating UP
professor na wala umanong kakayahan ang security forces sa UP upang maresolba at matugunan ang mga
nangyayaring krimen sa UP campuses.
Inihayag nito na una na niyang ipinanukala ang pagrerebyu sa kasunduan sa pagitan ng UP at Department of
National Defense (DND) na nagsasaad na hindi puwedeng pumasok ang mga sundalo at pulis sa UP
campuses ng walang koordinasyon.

Samantalang una nang pinalagan ng mga estudyante at professor sa UP ang planong deployment ng mga
sundalo at pulis na isa umanong uri ng militarisasyon para mapigilan ang recruitment sa mga estudyante ng
mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa UP campus gayundin ang kriminalidad.

Naniniwala naman si de Vera at Albayalde na masyadong malaki ang UP Diliman sa Quezon City at UP Los
Baños campuses para imonitor ng UP Police.

“They (UP Police) are not intelligence trained, they don’t even have a police power to investigate and to file
cases. It’s only the PNP which has that powers,” ayon kay Albayalde kaya mas nangangailangan ang mga ito
ng tulong ng security forces ng pamahalaan.

Clearing ops sa dagat at ilog ikinasa rin; Di lang sa kalye

MANILA, Philippines – Bukod sa clearing operations sa kalsada, nagkasa rin ang Pamahalaang Lungsod ng
Navotas ng paglilinis sa lahat ng obstruksyon sa dagat at ilog na kanilang sakop dahil sa kontaminasyon sa
tubig.

Napag-alaman buhat sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mataas ang antas ng
‘fecal coliform’ sa Bangkulasi River na kumukonekta sa Manila Bay. Isa itong uri ng bacteria na nagmumula sa
dumi ng tao o hayop na labis na mapaminsala sa mga lamang-dagat.

Katuwang ang DENR sa pangunguna ni Asst. Secretary Rico Salazar, nagsagawa na ng paglilinis ang
pamahalaang lungsod sa Bangkulasi River kung saan inilipat ang mga bangka ng mga mangingisda sa
Navotas Fish Port.

“Noong nakaraang linggo, nagsagawa kami ng dayalogo kasama ang mga mangingisdang maaapektuhan ng
clean-up drive. Ipinaliwanag namin kung bakit kailangan nilang ilipat ang kanilang mga bangka sa Navotas Fish
Port,” ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco.

Nangako si Tiangco na gagawin ng pamahalaang lungsod ang makakaya nito para malinis ang ilog at
mapaunlad ang kalidad ng tubig nito.

Kamakailan, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na napakahalaga ng paglilinis ng Bangkulasi


segment sa Manila Bay Rehabilitation Program, at nagtakda siya ng palugit hanggang December para
magkaroon ng malaking pagbabago ang nasabing ilog

EDSA hindi akma sa ‘one way’ traffic-MMDA

MANILA, Philippines – Kinontra ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang
panukala ng isang engineer firm na gawing ‘one-way traffic’’ ang EDSA na kailangan pa umano ng dagdag na
mga pag-aaral.

Sinabi ni EDSA Traffic supervisor Edison Nebrija na hindi idinisenyo ang EDSA para sa one-way traffic at
nangangailangan ng matinding pag-aaral para gawing ‘one-way’ ang trapiko, gayundin ang C5 Road.

Kailangan rin na ikunsidera ang pagkakaroon ng MRT sa EDSA na nagbababa ng pasahero sa magkabilang
panig at dulo ng EDSA.

Unang ipinanukala ni Fernando Guevarra, pangulo ng Guevarra & Partners Inc. na gawing eksklusibo na ‘one-
way’ patungong South ang EDSA habang ang C5 naman ay ‘one-way’ patungong North naman.

So hindi ko alam on how they would do it. If there will be complete revamp or rerepasuhin po natin ang mga
franchises ng mga bus na iyon,” ayon kay Nebrija.

Dapat din umanong ikonsidera ang kalituhang mangyayari sa mga pasahero na araw-araw dumaraan sa EDSA
at C5.

Palasyo kumambyo, hindi raw tinanggap ang sorry sa 'Recto Bank incident'
MANILA, Philippines — Nag-iba ang tono ng Malacañang ngayong araw nang sabihing hindi nila tinatanggap
ang tawad na hinihingi ng Chinese ship owner na nakabangga't nakapagpalubog sa bangka ng mga
mangingisdang Pinoy sa Recto Bank noong ika-9 ng Hunyo.

"Tayo lang naman, we appreciate the fact that they apologized. Hindi natin, 'yung sinabi mong tinanggap," ani
presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing sa PTV Biyernes sa Beijing, China.
Aniya, para naman daw kasi sa mga mangingisda ang hinihinging apology kung kaya't hindi nila 'yon maaaring
tanggapin.

"Hindi naman accepting 'yon. Ang sabi ko, 'We are pleased to note that..."

'Yan ang kanyang sinabi kahit na nabanggit niya ngayong linggo na tinatanggap ng Palasyo ang kanilang sorry.
"Tinatanggap namin ang paumanhin na ipinaabot ng may-ari ng sasakyang pandagat sa ating mga
mangingisda kaugnay ng insidente," sabi niya sa Inggles.

Sa kabila ng pagsabi na walang pagtanggap na ginawa ang gobyerno ng Pilipinas, nilinaw ni Panelo na ang
tinatanggap nila ay ang katotohanan na nagpadala ng liham.

Ipinadala sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing ang liham ni Chen Shiqin, presidente ng Guangdong Fishery
Mutual Insurance Association, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa kabila ng hindi raw pagtanggap ng Palasyo, ilang beses namang nag-iba ang kumambyo ang spokesperson
habang umuusad ang press briefing.

"I asked the president himself. Ang sabi ko, 'May letter of apology dito,' ganito, ganyan. 'Okay ba sa iyo 'yon
mister president?' 'Ah, okay na 'yan.'"

Una nang sinabi ng Chinese Embassy sa Pilipinas na nangingisda sa Recto Bank ang "Yuemaobinyu 42212"
nang mabangga ang Gem-Ver 1.
'Yan ay kahit na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang nasabing lugar, kung saan tanging
mga Pilipino lang ang dapat makinabang ayon sa Article XII Section 2 ng Saligang Batas:
"The State shall protect the nation’s marine wealth in its archipelagic waters, territorial sea, and exclusive
economic zone, and reserve its use and enjoyment exclusively to Filipino citizens."

Una nang sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na hindi rin nila tinanggap ang
paumanhin.

"Hoy, mga tanga! Ni-note ko lang 'yung apology ng mga Tsino. Hindi ko tinanggap. Hindi ako mangingisda," ani
Locsin.

Nagpahiwatig na rin ng kanilang disgusto sa nasabing liham ang Bagong Alyansang Makabayan at fisherfolk
group na Pamalakaya, at sinabing hindi ito sapat.

"Kahit na binanggit ng Tsinong may-ari ng bangka na hindi sinasadya ang banggaan sa Recto Bank, walang
sinasabi [sa sulat] na inabandona nila ang mga Pilipino sa laot," sabi ni Renato Reyes Jr., secretary general ng
Bayan.

"Walang paumanhin sa hindi pagbibigay ng tulong. Bakit naman?"

Tutulong kung gusto magkaso

Samantala, kinumpirma naman ni Panelo na tutulong ang gobyerno upang makuha ng 22 mangingisda ang
danyos perwisyos na ipinangako ng nakadisgrasya sa kanila.

"Sa mga mangingisda, kung nakikinig kayo, pwede namin kayong tulungan na maghain ng inyong claim, at
kung interesado kayong maghain ng kasong kriminal, tutulong kami," pagpapatuloy ng tagapagsalita.

Tinayak ni Panelo na sa korte ng Pilipinas nila hahabulin ang mga Tsino.

Nang tanungin kung anong kaso ang maaaring ihabla sa kanila, ito ang kanyang sinabi: "Oh eh 'di reckless
imprudence resulting to damage to property."

GCTA law 'wag sisihin, magagamit para i-revive ang bitay — senador

MANILA, Philippines — Binalaan ni Sen. Leila de Lima ang publiko sa pagkukundena sa Republic Act 10592,
na nagdadagdag sa good conduct time allowance, na nag-aawas sa sintensya ng isang taong nakulong dahil
sa mabutong asal sa kulungan.
Humaharap sa kontrobersiya ang batas matapos maibalita ang posibleng paglaya ng convicted rapist at
mamamatay tao na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez kaugnay ng GCTA.
Paliwanag ni De Lima, maganda ang intensyon ng batas ngunit "pilit na binabaluktot" upang ikondisyon ang
publiko sa pagbabalik ng bitay.

"Mukhang sinasabotahe nila yung batas para isulong nila ang death penalty. Ginalit na naman nila ang mga tao
para mas katanggap-tanggap ang death penalty. Devious minds!" sabi ni De Lima sa isang pahayag Biyernes.
Wika pa niya, maaaring ginamit lang ang pag-aanunsyo ng pagpapakawala kay Sanchez bilang bahagi ng
isang "propaganda blitz" para suportahan ng taumbayan ang death penalty.

Nakatanggap ng pitong parusa ng reclucion perpetua si Sanchez dahil sa rape-slay ng UP Los Baños students
na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.

Una nang sinabi ni ng Department of Justice na plano nilang suspindihin ang pagproproseso ng mga
GCTA hangga't ma-review ang guidelines ng Bureau of Corrections.
Dahil dito, bumuo ang DOJ at Department of the Interior and Local Government inter-agency committee.
"Maayos ang layunin ng R.A. 10592. Pero, dahil sa kapalpakan ng ilang opisyal, sinadya man o hindi, pilit
nilang binabaluktot ang tunay na diwa ng batas na yan," dagdag pa ng senadora, na nakakulong din.

Maliban sa pagiging kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, kilalang tutol si De Lima sa panunumbalik ng
parusang kamatayan.

Dati nang nananawagan si Duterte, sampu ng kanyang mga kaalyado, na maibalik ang bitay.

Drug lords, 'heinous crime' convicts napalaya ng GCTA

Samantala, isiniwalat kamakailan ng BuCor na aabot sa 1,914 inmates na nakulong para sa "heinous crimes"
ang maagang pinakawalan matapos ipatupad ang RA 10592.
'Yan ay kahit sinasabi ng batas na hindi dapat saklaw ng GCTA ang mga nagsasagawa ng karumal-dumal na
krimen:

"[R]ecidivists, habitual delinquents, escapees and persons charged with heinous crimes are excluded from the
coverage of this Act."

Gayunpaman, walang klarong pakahulugan sa heinous crimes simula nang masuspinde ang pagpapatupad ng
death penalty taong 2006.
Ayon kay BuCor legal chief Frederic Anthony Santos, tanging numero lang ang maaari nilang ilabas pagdating
sa mga napakawalan at hindi kasama ang mga pangalan.

"Numbers lang, walang pagkikilanlan. Baka hunting-in pa ng complainant. [Hindi] puwedeng sabihin [ang] mga
pangalan maliban na lang kung may utos ng korte," sabi ni Santos sa ulat ng News5.
Kasama sa mga napalabas ay nagkasala kaugnay ng:

 pagpaslang (797)
 panghahalay (758)
 robbery with violence or intimidation (274)
 parricide (29)
 kidnapping with illegal detention (5)
 destructive arson (3)

Kahapon, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na apat na Chinese drug lords ang napakawalan sa Bilibid
ngayong Hunyo lamang.
Pinakawalan daw sila sa kostodiya ng Bureau of Immigration para sa posibleng deportation.

Pero binago bahagya ni Lacson ang sinabi niyang datos at ginawang lima sa panayam ng dzBB kanina.

"Bukod sa lima, may tatlo pa, isa na-release sa Davao Penal Colony. Taiwan drug lord naman yan. Tapos
meron sa Palawan, 2 pa, drug lord din, na-release noong April," wika ni Lacson.

'Chinese installations sa West Philippine Sea, sana ipatanggal ni Duterte'

MANILA, Philippines — Maliban sa paninindigang pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea, hiniling
ng Bayan Muna party-list kay Pangulong Rodrigo Duterte na isulong na rin ang pagpapatanggal ng mga
istrukturang militar sa mga inaangking bahura ng bansa.

"Dapat i-demand na rin niyang buwagin ng China ang military installations nila sa mga reefs natin na paglabag
sa desisyon ng tribunal," wika ni Neri Colmenares, Bayan Muna chair, sa isang pahayag sa Inggles.

Ito ang panawagan ng progresibong grupo kay Duterte matapos niyang makipag-usap kay Chinese president Xi
Jinping Huwebes sa isang bilateral meeting.

Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na matatag na nanindigan si Duterte kahapon kaugnay ng
2016 arbitral ruling, na nagbibigay ng sovereign rights sa Maynila sa 200-nautical mile exclusive economic zone
nito.
Isinalarawan daw ni Duterte ang arbitral award ng Permanent Court of Arbitration bilang "pinal, may bisa at
hindi na maaapela."
Pero ayon kay Colmenares, sana raw ay iginiit na ni Duterte ang claims sa West Philippine Sea noong unang
pagbisita pa lang sa Tsina, kaysa sa ikalima.

"Kung sa simula't simula pa lang ay inilaban na ni Pres. Duterte ang ating tribunal victory, sana'y hindi na
naitatag ng Tsina ang pitong military bases sa mga bahura ng Pilipinas," dagdag ng militanteng lider.

Ang pitong Philippine-claimed reefs na tinutukoy ng Bayan Muna ay ang: Mischief Reef, Johnson South,
Cuarteron, Fiery Cross, Subi Reef, McKennan Reef at Gaven Reef.

"Matapang na tumindig ang Vietnam sa island building ng Tsina kahit na wala silang naipanalong tribunal
decision. Tayo pa na nanalo, tayo pa 'yung astang talo," dagdag ni Colmenares.

Xi hindi nagpatinag kay Duterte

Sa kabila ng diumano'y paninindigan ni Duterte na sa Pilipinas ang West Philippines Sea, naging matigas
naman si Xi na kanila ito.

"Pinanghawakan ni president Xi ang posisyon ng gobyerno niya na hindi kilalanin ang arbitral ruling," sabi ni
Panelo.

Matatandaang binalewala rin ng 2016 PCA ruling na kanila ang buong 3.5 million square kilometer South China
Sea gamit ang nine-dash line claim..

Gayunpaman, sinabi ni Panelo na nagkasundo sina Duterte at Xi na hindi magiging hadlang sa


pakikipagkaibigan ng Tsina at Pilipinas ang magkataliwas na pananaw sa teritoryo.

"Iisa sila sa pananaw na ang alitang ito ay hindi ang kabuuan ng Philipine-Chinese bilateral relationship,"
patuloy pa ng tagapagsalita ni Digong.

Ayon naman kay Jay Batongbacal, director ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law
of the Sea, hindi na kagulat-gulat ang muling pag-itsapwera ni Xi sa arbitral ruling.

"Ang mabilis na pagtutol ni Xi sa award ay inaasahan," sabi ng maritime expert sa panayam sa PSN.

"Ang anumang ibang posisyon ay makikita bilang kahinaan at makokompromiso ang interes ng Tsina."

Tulungan sa pagpapaunlad

Kaiba sa sinabi ni Duterte na sa Pilipinas ang West Philippine Sea, iniangat naman daw ng presidente ang
posibleng joint exploration nito ng Tsina at Pilipinas para sa likas yaman.

Nobyembre 2018 nang lagdaan ng Maynila at Beijing ang isang memorandum of understanding sa
pakikipagtulungan sa "oil and gas development."

"Sa parte ni president Xi, sinabi niyang ang nilikhang steering committe ang dapat maghanda ng programa para
diyan," sabi ni Panelo.

Una nang sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na labag sa 1987 Constitution ang nasabing joint
exploration at "exploitation."
Ayon naman kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, minamadali na ni Duterte ang
joint development sa dahilang "natutuyo" na ang Malampaya gas field sa Palawan.

Sabi naman ni Batongbacal, magbubukas pa naman daw ang oil and gas deal ito ng mga panibagong round ng
negosasyon sa pagitan ng dalawang partido at petroleum industry nominees.

"Malayo-malayo pa bago tayo bago dumating sa kongretong kasunduan," sabi niya.

10 milyong Pinoy malakas tumoma


MANILA, Philippines – Aabot sa 10 milyong mga Filipino o 55.7 percent ng populasyon ng Pilipinas ay “binge
drinker” o malakas uminom ng alak.

Sa pag-aaral ng Food and Nutrition Institute ng Department of Science and Technology, lumalabas na
pinakamalakas umanong uminom ang mga nasa edad 20 hanggang 29.

Nasa 68.7% ng manginginom ay lalaki, habang 29.5% ang babae.


Ang karaniwang dahilan umano ay impluwensiya ng barkada, gustong makalimot sa problema, pantanggal
stress at pantanggal gutom kapag walang makain.

Pero paalala ng FNRI, nagdudulot ng iba’t ibang sakit ang sobrang pag-inom ng alak gaya ng liver cirrhosis,
kawalan ng gana na puwedeng humantong sa malnutrition o panghihina at obesity o labis na pagtaba. Madalas
ding dahilan ng krimen o aksidente ang pagkalango sa alak.

Sa parehong pag-aaral din, pabata naman nang pabata ang mga Pilipinong nahuhumaling sa paninigarilyo.

Sinabi ni Dr. Imelda Agdeppa, DOST-FNRI assistant scientist, unti-unting bumababa ang bilang ng mga adult
smoker ngunit nadiskubre na mas maraming bata na edad 10 taong gulang ay naninigarilyo na.

Dahil dito, inirekomenda ng DOST ang lalo pang pagpapataas sa “sin tax” sa mga alkohol at sigarilyo para hindi
makabili ang mga kabataan.

4 Chinese drug lords pinalaya ng BuCor


MANILA, Philippines – Apat na Chinese drug lords ang pinalaya umano ng Bureau of Corrections (BuCor)
nitong nakaraang Hunyo.

Ito ang ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson base sa nakuha niyang kopya ng mga bilanggo na nakalaya mula sa
New Bilibid Prison (NBP) at apat sa mga ito ay Chinese drug lords na nahatulan dahil sa iligal na droga.

Sabi pa ni Lacson, nakapiit ang mga dayuhan sa Building 14 ng Maximum Security Compound ng Bilibid at
inilipat sa Bureau of Immigration and Deportation.

Hindi naman tiyak ni Lacson kung pinakawalan ang apat dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Dahil dito, nais alamin ng senador kung ano ang naging basehan ng BuCor sa pagpapalaya sa apat na
Chinese.

Nais ding malaman ni Lacson kung may pananagutan ang BuCor sa muntik nang pagpapalaya kay dating
Calauan mayor Antonio Sanchez na ngayon ay nawawala na aniya ang release order.

Dagdag ni Lacson, kung paniniwalaan ang pahayag ng mga miyembro ng pamilya ni Sanchez, mayroong isang
release order na inilabas noong Agosto 20 kung saan nakapag-fingerprint na umano si Sanchez.

Dagdag pa ni Lacson, kanyang aalamin kung may kapalit na halaga ang pagpapalaya sa mga bilanggo o
dumaan ba talaga sila sa tamang proseso.

Mga guro walang kulong at penalty sa ‘no homework’ bill


MANILA, Philippines – Inamin ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na nagkamali siya sa panukalang
pagmultahin ang mga guro ng P50,000 at makulong ng hanggang 2 taon sa “no homework bill” sa mga
estudyante tuwing weekend.

Alinsunod sa nasabing panukala ay ipinagbabawal sa mga guro sa elementarya at high school na bigyan ng
assignment ang kanilang mga estudyante para gawin ng mga ito sa kanilang tahanan tuwing Sabado at Linggo.

Humingi ng sorry si Vargas na sinabing ang nasabing probisyon sa penalty ng mga guro ay para sa isang
panukalang batas na ipinahahanda niya sa kaniyang mga staff na kasabay ng bill sa pagba-ban ng mga
homework.

Aminado naman ang solon na nagkaroon lang ng kalituhan na isang ‘honest mistake’ na kaniyang
pinaninindigan at hindi isang criminal law kung saan ay dapat walang magiging multa ang mga guro sa no
homework bill.

Inihayag nito na isinulong niya ang homework ban tuwing weekends upang bigyan ng oportunidad ang mga
estudyante na iukol ang oras sa entrepreneurship skills, sa kanilang pamilya at mga kaibigan gayundin para
lumahok sa sports competitions at mga artistic workshops.

2-3 oras na paggamit ng gadget, nakakasira ng utak


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Neurological Association (PNA) na hindi lamang migrane ang
nakukuhang sakit sa madalas at matagal na oras na paggamit ng gadget kundi nakakasira din ito ng utak dahil
sa radiation.

Sinabi ni Dr. Martha Lu-Bolanos, head ng Headache council ng PNA, ang 2 hanggang 3 oras na paggamit ng
gadget ay masama sa kalusugan.
Anya, may 12 milyong Pilipino sa ngayon ang may sakit na migrane kaya dapat pagtuunan ng pansin ang sakit
na ito dahil maaari itong mag-trigger sa stroke o seizure.

Bukod sa gadget, sinabi ni Dr Regina Macalintal-Canlas, president ng Philippine Headache Society, na ilan ding
ugat ng pagkakaroon ng migrane ng isang tao ang pagkahilig sa matamis na pagkain tulad ng chocolates,
cheesy foods, red wine, pagkain ng Chinese soups at mga pagkain na madaming vetsin, namana mula sa
magulang, kulang sa tulog, sobra sa tulog, stress, depress, madaming iniinom na gamot at ang blood pressure
ay umabot na sa 180/100.

30 percent anya ng mga taong may sakit na migrane ay dulot ng stress.

Ang Migrane ay isa sa top 10 most disabling disorder worldwide na higit na nakakaapekto sa mga young at
middle-age women.

Murang liver transplant isinulong


MANILA, Philippines – Inihayag ni Sen. Bong Go na dapat nang matuldukan ang problema ng mga Filipino sa
mataas na bayarin sa mga highly specialized medical procedures, kagaya ng liver transplant sa bansa.

Sa isang pulong kasama ang ilang opisyal ng gobyerno at private healthcare practitioners, hinimok ni Sen. Go
ang mga ito na magkaloob ng trainings sa healthcare professionals at ayusin ang koordinasyon sa mga
kinauukulang health agencies at private health institutions upang maharap ang nasabing isyu.

Natukoy sa meeting na ang kakulangan sa highly specialized medical equipment, kakulangan ng training para
sa liver transplantation ng medical personnel at mahal na gamot ay kabilang sa pangunahing dahilan kung kaya
napakamahal ng liver transplant procedure sa bansa

Dahil sa mga problemang ito kaya ang mga pasyente ay mas pinipiling sumailalim sa mas murang medical ope-
rations sa ibang bansa, kagaya sa India.

Inihalimbawa ni Go ang kaso ng dalawang sanggol na may biliary atresia, sina Eren Arabella Crisologo at
Dionifer Zephaniah Itao, na dinala sa India para sa operasyon sa tulong na rin mismo niya at ni Pangulong
Rodrigo Duterte.

“Sa kasamaang palad, nagkaroon ng kumplikasyon si baby Eren kaya hindi na-survive ang operasyon,” ang
gunita ni Sen. Go.

Ang biliary atresia ay isang bihirang kondisyon kung saan ang bile duct ng pasyente ay barado kaya naapek-
tuhan ang liver.

Kapag apektado na ang atay, nangangailangan na ang isang pasyente ng transplant.

Tumatama ang biliary atresia sa mga sanggol.

“Kung mayroon sana tayo dito sa Pilipinas na mga kailangang equipment, mas maraming well-trained
specialists at mas murang operasyon, hindi na sana kailangan magpagamot pa sa ibang bansa ang mga
pasyenteng ito,” ani Go.

‘Designated Survivor’ sa Pinas itinulak


MANILA, Philippines – Isinulong ni Sen. Panfilo Lacson ang pagkakaroon ng “reserba” pang lider ng bansa
sakaling mapahamak ang Vice President, Senate President at House Speaker na kahalili ng Pangulo.

Isinampa ni Lacson ang Senate Bill 982, na tinaguriang “Designated Survivor” Bill bunga na rin ng patuloy na
pagtaas ng banta ng terorismo sa iba’t ibang panig ng mundo, mga kalamidad at “exceptional circumstances”.

Anya, walang pinipiling lugar, okasyon at oras ang terorismo.

Ayon kay Lacson, maraming mga pagkakataon na magkakasama sa mga okasyon ang Pangulo, mga
miyembro ng gabinete at mga lider ng Kongreso.

Sa State of the Nation Address, taun-taon nagsasama-sama ang President, Vice President, Cabinet members,
mga opisyal ng AFP, PNP, mga local government officials at miyembro ng diplomatic corps.

Nakasaad sa panukala na kapag ang lahat ng mataas na lider ng bansa ay nasa isang pagtitipon, dapat may
aatasan ang Pangulo na nakahandang pamalit sa mga ito, at nakatago sa isang ligtas na lugar para mamuno
sa bansa sakali man na silang lahat ay mapahamak nang sabay-sabay.

Matitigil lamang ang pagganap bilang pinuno ng pamahalaan ng “Acting President” 90 araw matapos na
maluklok sa puwesto ang bagong Pangulo.

Burukrasya, red tape natuldukan sa Malasakit Center - Bong Go


MANILA, Philippines – Natuldukan sa pagtatayo ng Malasakit Center ang burukrasya at red tape sa paghingi ng
tulong sa gobyerno ng mga mahihirap na Pilipino sa kanilang pagpapagamot.

Ayon kay Sen. Bong Go, dati-rati ay napakaraming ‘forms’ at requirements ang kailangang sagutin at dalhin
para makahingi ng kapiranggot na medical assistance sa gobyerno.

Sinabi ni Go, nakita niya at ni Pangulong Duterte ang ugat ng problema kaya itinatag nila noong 2017 ang
Malasakit Center na isang ‘one stop shop’ upang padaliin at pabilisin ang pagbibigay ng tulong sa mga
kapuspalad na nangangailangan.

Anya, hindi dapat pahirapan pa ang isang Pilipino sa paghingi na ayudang medikal dahil pera naman ng taong
bayan ang ibinabalik sa kanila ng pamahalaan.

Pahayag pa ni Go, ang Malasakit Center ay walang hinihinging requirements o pasasagutang mga forms, at
walang pinipili kung ikaw ay pro o anti-Duterte.

“Basta ang mahalaga ikaw ay Pilipino, sapat na requirement yun para ikaw ay tulungan sa Malasakit Center ”
dagdag pa ng senador.

Senado kumilos vs plastic pollution


MANILA, Philippines – Mas pinaigting pa ng Senado ang panawagan para mabawasan ang plastic pollution sa
bansa sa pamamagitan ng panukalang nagre-regulate, kung hindi man tuluyang pag-ban, pag-import,
produksyon at consumption ng single-use plastics.

Sa Senate bill 40 o ang Single-Use Plastics Regulation and Management Act of ?2019 ni Sen. Francis
Pangilinan, dini-discourage nito ang bawat Filipino mula sa paggamit ng disposable plastics tulad ng grocery
bags, food packaging, films at bags, water bottles, straws, stirrers, styros, cups, sachets at plastic cutlery.

Sa sandaling maisabatas, maoobliga ang mga food establishments, tindahan, mga palengke at retailers na
mag-ban ng single-use plastics kung hindi ay pagmumultahin sila o ikakansela ang mga business permit.

Habang bibigyan naman ng incentives ang mga indibidwal, kumpanya at kooperatiba na maglalagay ng
alternatibo sa paggamit ng single-use plastics.

Kamakailan ang condiment maker na NutriAsia Inc. ay nagbukas ng refilling station sa Metro Manila at sa iba
pang refilling initiatives sa buong Central Luzon para mabawasan ang paggamit ng plastic bottles at sachets.

Ang buyers ng mga produkto ng NutriAsia ay maaaring muling magamit ang kanilang malinis na plastic bottles
sa pamamagitan ng pag-refill ng mga condiments tulad ng toyo, suka at mantika sa Bring Your Own Bottle
booths ng kumpanya.

‘No smoking’ sa Malacañang


MANILA, Philippines – Mahigpit nang ipinagbabawal ang manigarilyo sa lahat ng empleyado at bisita ng
Malacañang.

Ipinatupad sa buong Malacañang complex ang ‘no smoking ban’ matapos maglabas ng memorandum ang
Office of the Executive Secretary.

Nakasaad sa memo na walang itinalagang smoking areas sa buong Malacañang complex kaya mahigpit na
ipinagbabawal na ang manigarilyo.

Una nang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order 26 noong May 16, 2017 para sa smoke-free
environment sa mga public at enclosed places bukod sa Tobacco Regulation Act of 2003 para sa nationwide
ban ng smoking sa lahat ng public places.
August 29
PNP-HPG pinalakas ang deployment sa EDSA

MANILA, Philippines – Upang makatulong na maibsan ang malalang daloy ng trapiko, nagdeploy ng
karagdagang mga tauhan ang PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa kahabaan ng EDSA.

Sinabi ni PNP-HPG Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz, aabot na sa 171 HPG traffic enforcers ang nakadeploy
sa EDSA matapos na magdagdag pa sila ng 62 tauhan.

“Actually di naman ito balik-EDSA, hindi naman umalis ang HPG sa EDSA, mina-maximize lang natin yung
presence ng HPG personnels or patrollers sa EDSA. They are supposed to be patrolling the highways, they are
not authorized to be assigned here in the headquarters,” ani Cruz.

Sinabi ni Cruz na nagdagdag lang sila ng puwersa sa EDSA para paigtingin pa ang presensya sa naturang
pangunahing highway para makatulong sa pagpigil ng krimen, makahuli ng mga kinarnap na behikulo, hulihin
din ang mga pasaway sa trapiko, mapigilan ang highway robbery at hijacking.

Ayon kay Cruz, bukod sa mga PNP-HPG traffic enforcers na ipinakalat sa EDSA ay mayroon ding 20 patrol
cars, 36 motorcycle riders na magbabantay dito mula alas -5 ng umaga hanggang ala-1 ng madaling araw
kinabukasan.

Inihayag ng opisyal na may nakadeploy ding mga PNP-HPG personnels sa ibang mga pangunahing highway
sa Metro Manila pero ang pokus ng kanilang pagpapatrulya ay sa EDSA na buhol-buhol ang daloy ng trapiko.

Sinabi nito na kailangan 95 % ng mga PNP-HPG personnels ay nasa highways para mangasiwa sa daloy ng
trapiko.
“Yun ang trabaho naming magpakita ng kalsada anytime of the day,” ani Cruz na sinabi pang mahigpit nilang
imomonitor ang mga traffic enforcers na magdadaya ng oras at hindi poposte sa kanilang duty.

VP Robredo naghain ng kontra-affivadit sa 'sedition' charge


MANILA, Philippines — Isinumite na ni Bise Presidente Leni Robredo ang kanyang counter-affidavit sa mga
hinaharap na kaso, kasama ang sedisyon, sa Department of Justice.

Ang reklamo ay kaugnay pa rin ng diumano'y plano nila ng mga lider-oposisyon na patalsikin sa pwesto si
Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama't kasama sa 35 respondents sa parehong kaso, una nang nag-apply si Peter Advincula, alyas "Bikoy,"
sa witness protection program para tumestigo laban sa mga kapwa akusado dahil nalalaman niya diumano sa
"Project Sodoma," na nagpakalat daw ng "Ang Totoong Narcolist" videos na nag-uugnay kay Pangulong
Rodrigo Duterte, kanyang mga kamag-anak at kaalyado sa illegal drug trade.
Bilang tugon, nanindigan si Robredo na walang katotothanan ang paratang ni Advincula na nagkasama sila sa
isang "ouster meeting" at electoral campaign ng Otso Diretso sa Ateneo de Manila University noong ika-4 ng
Marso, 2019.

"It was impossible for me to be in ADMU, at around 4:00 PM in the afternoon, much less in Leon Hall, as I
attending official events held at the City of Bocaue and Municipality of Bustos Bulacan Province the whole day
of March 4, 2019," paliwanag ng ikalawang pangulo sa 50-pahinang dokumento.

Itinala rin niya kung saan siya pumunta mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-singko ng araw na iyon:

 Dr. Yanga's Colleges Inc. ("DYCI") sa MacArthur Highway, Wakas, Bocaue, Bulacan
 Ahon Laylayan Koalisyon Bulacan Proovincial Panning Session sa covered court ng Martha Estate,
Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan
 dayalogo kasama ang mga lider-kababaihan sa Bustos Municipal Hall, Bustos, Bulacan

"Upon conclusion off the said events, I was again accompanied by my staff back to my residence at around
6:30 in the evening," dagdag ni Robredo.

Dati nang itinanggi ng ADMU na merong nangyaring ouster meeting sa kanilang pamantasan.
Unang beses lang daw nakita ni Robredo si Advincula nang maibalitang humarap siya sa Integrated Bar of the
Philippines noong ika-6 ng Mayo.

Matatandaang inihain ng Philippine-National Police-Criminal Investigation Group ang kaso Hulyo ngayong taon.
Maliban sa sedisyon, humaharap din sina Robredo, Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Risa Hontiveros, atbp. pa
sa reklamong inciting to sedition, libelo, cyberlibel, obstruction of justice at estafa. — may mga ulat mula kay
Kristine Joy Patag

Palasyo tinanggap ang 'Recto Bank apology'; Mangingisda 'di ito kinagat

MANILA, Philippines — Tinanggap ng Malacañang ang tawad na hiningi ng may-ari ng bangkang Tsinong
nakabangga't nakapagpalubog sa sinasakyan ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank nitong Hunyo.

Sa isang pahayag, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo natutuwa sila't inako ng ship owner ang
responsibilidad sa insidenteng naglagay sa 22 Pinoy sa bingit ng kamatayan.
"Tinatanggap namin ang paumanhin na ipinaabot ng may ari ng sasakyang pandagat sa ating mga
mangingisda kaugnay ng insidente," ani Panelo sa isang pahayag sa Inggles.

Ikinalulugod din ng gobyerno ang "pagpapakumbaba" ng may-ari at pagkilalang kailangang nilang magbayad
ng danyos perwisyos sa naabala.

Ipinadala sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing ang liham ni Chen Shiqin, presidente ng Guangdong Fishery
Mutual Insurance Association, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sinasabing miyembro raw ng grupo nila ang may-ari ng Chinese vessel, na una nang pinangalanan bilang
"Yuemaobinyu 42212" ng Chinese Embassy, na umararo sa Gem-Ver 1.

Dati nang sinabi ng kanilang embahada na naroon ang mga Tsino para mangisda, kahit na nasa loob ng
exclusive economic zone ng Pilipinas ang Recto Bank.

Bilateral talks sa Tsina

Inilabas ang paumanhin nang tumulak si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Tsina para sa kanyang
ikalimang pagbisita roon.
Ngayong araw, Huwebes, nakatakdang magharap sina Duterte at Chinese president Xi Jinping para isang
bilateral meeting.

"Inaasahang dadalhin ni presidente Duterte sa kanyang bilateral talk kay president Xi ang desisyon ng
Permanent Court of Arbitration sa The Hague, na bumabalewala sa pang-angkin ng Tsina kaugnay ng EEZ ng
Pilipinas at West Philippine Sea," dagdag ni Panelo.

Pag-uusapan din daw ang code of conduct at "framework" ng posibleng joint exploration ng West Philippine
Sea sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

Militanteng mangingisda 'di kumbinsido

Samantala, tinawag namang "long overdue," 'di sinsero at 'di katanggap-tanggap ng isang fisherfolk group ang
paumanhin ng mga Tsino.

"Gawa-gawang statement lang 'yan para pabanguhin sina Duterte at ang Tsinong nang-argabyado para
palabasin na meron talaga silang ginagawa pagdating sa hinihinging katarungan ng mga Pilipinong
mangingisda," wika ni Fernando Hicap, pambansang tagapangulo ng Pamalakaya.

Giit ni Hicap, hanggang sa ngayon ay talamak pa rin daw ang Chinese Coast Guard at banyagang mga barko
sa katubigan ng Pilipinas.

Ikinagalit din nina Hicap ang posisyon ng Chinese association na aksidente at hindi sinasadya ang nangyari sa
Recto Bank.

"Walang sorry na makatatanggal sa takot na dinanas ng mga Pilipinong mangingisdang iniwan para mamatay
ng Chinese vessel, hindi rin maibabalik ng papel na 'yan ang mga nasira ng Chinese reclamation at poaching
sa West Philippine Sea," sabi pa ni Hicap.

Aniya, kating-kati na raw ang mga oligarkong tsino na "dambungin" ang likas-yaman ng West Philippine Sea,
bagay na nailantad sa paglagda sa terms of reference ng Philippines-China joint gas and oild exploration.

Maliban sa pagbabayad ng danyos sa "Recto 22," sinabi ng Pamalakaya na makababawi lang ang Tsina kung
ititigil nila ang pag-ookupa ng Philippine fishing waters at rerespetuhin ang karapatan ng Pilipinong
mangingisda sa West Philippine Sea.

Makabayan kay Lorenzana: Ugat ng rebelyon kilalanin, peace talks ituloy

MANILA, Philippines (Updated, 4:25 p.m.) — Imbis na basta kundenahin ang mga rebeldeng komunista bilang
terorista, sinabi ng progresibong Makabayan bloc na dapat tugunan ang mga kadahilanan ng pag-aarmas ng
mga ito.

"Kinikilala namin na nakaugat sa lehitimong karaingan ng milyung-milyong mahihirap at inaaping Pilipino ang
armadong pakikibaka ng [Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front]
na dapat tugunan sa pamamagitan ng usaping pangkapayapaan, hindi gamit ang all out war," paliwanag ng
grupo sa isang joint statement.

Ito ang kanilang tugon sa hamon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Martes na kundenahin ang
CPP-NPA upang hindi na "i-redtag" at gawing target ng anti-insurgency campaign ang ligal na Kaliwa.
"Kundenahin ang CPP-NPA, itigil ang mga ginagawa nila. Kundenahin 'yung armadong pakikibaka at ititigil
namin ang ginagawa namin," sabi ni Lorenzana sa Inggles sa budget hearing sa Kamara.

"Paano namin kayo ilalayo sa komunistang grupo na ito?"

Aniya, tahimik daw kasi ang mga militanteng party-list groups sa tuwing nanununog ng mga kagamitan ang
NPA.

Kilala ang NPA sa panunugnog ng mining equiment sa kanayunan bilang pagpaparusa sa mga tinatawag
nilang "mapaminsala" at "abusadong" mineral extraction ng ilang kumpanya.

Pero paliwanag ng Makabayan, kundinahin man nila o hindi ang NPA, walang karapatan ang Department of
National Defense na ilagay ang buhay nila sa panganib lalo na't wala naman silang armas.

"'[P]orke ba hindi kami sang-ayon sa'yo at sa institusyong kinakatawan mo ay may karapatan ka nang i-red-tag
kami at ilagay sa peligro ang aming buhay?" sabi pa ng Makabayan.

Ayon sa Article 3 Section 18 ng 1987 Constitution, hindi maaaring magpasa ng batas na magpaparusa sa tao
dahil lang sa pulitikal na paninindigan.
Kinabibilangan nina Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, Eufemia Cullamat, ACT
Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas at Kabataan partylist Rep. Sarah Elago ang mga
kinatawan ng Makabayan bloc sa Kamara.

'Banta sa kaligtasan'

Pangamba ng grupo, patuloy na mailalagay sa peligro ang buhay ng mga aktibista at kritiko ng gobyerno kung
hindi ititigil ng pamahalaan ang red-tagging.

Sa kanyang dissenting opinion sa kasong Zarate vs. Aquino III, tinukoy ni Supreme Court Associate Justice
Marvic Leonen sa pamamagitan ng isang journal article ang red-baiting bilang:
"[T]he act of labelling, branding, naming and accusing individuals and/ or organizations of being left-leaning,
subversives, communists or terrorists (used as) a strategy...by State agents, particularly law enforcement
agencies and the military, against those perceived to be ‘threats’ or ‘enemies of the State.'"

"Kapag tumutol sila, nagsiwalat ng katiwalian at lumaban sa mga mapang-aping polisiya, tatawagin silang
komunista o terorista, tulad ng ginagawa nila ngayon sa Makabayan bloc," dagdag ng grupo.

Sabi nila, halos "death warrant" na raw sa buhay ng tao ang ma-red tag.

Aniya, ganito raw ang nangyari kay Bai Leah Tumbalang, 45-anyos na Lumad leader at Bayan Muna organizer,
nang barilin siya sa Valencia City, Bukidnon noong ika-23 ng Agosto.

Bago raw siya patayin ng mga pinaghihinalaang state agents ay dumanas daw siya ng red-tagging dahil sa
pagtatanggol sa kanilang lupang ninuno at karapatang magpasya sa sarili: "Ganito madalas ang pattern kapag
siniraan at ni-redtag ng militar at pulis ang mga aktibista."

Barko nagliyab sa dagat, 3 patay


MANILA, Philippines – Tatlo katao ang kumpirmadong patay nang masunog ang pampasaherong barko habang
nasa laot sa Zamboanga del Norte, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Commander Armand Balilo ang mga nasawi na sina
Chloe Labisig, isang taon at anim na buwang toddler; Danilo Gomez Sr., 60 at isa pang pasahero.

Umaabot naman sa mahigit 200 pasahero ang nailigtas at marami pa ang missing sa naturang trahedya.

Sa naunang impormasyon, biglang nagliyab ang MV Lite Ferry 16, isang roll-on-roll-off (Ro-Ro) vessel na
malapit na sana sa daungan ng Dapitan City.

Dahil sa laki ng apoy ay nagtalunan ang ilang mga pasahero sa barko habang ito ay nasusunog dahil sa
nerbiyos at labis na panic.

Dakong alas-11:00 umano ng gabi nang mangyari ang sunog at himbing na himbing na ang lahat sa pagtulog.
Nagising na lamang ang mga pasahero sa alarma ng barko na nasusunog na ang bahagi nito.

Ang barko ay umalis dakong alas-6:00 kamakalawa ng gabi mula sa Samboan, Cebu City at patungo ng
Dapitan City.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa engine room.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang rescue operation sa mga pasaherong tumalon sa barko at kasalukuyan pang
nawawala.

Sa report mula sa PCG, nasa 137 lahat ang sakay ng barko at 109 dito ay mga adults, 24 ang mga bata at apat
naman ang mga infants.

Ayon naman kay Lt. Junior Grade Cherry Rose Manaay, chief ng PCG sa Dapitan City, ang nasabing barko ay
overloaded dahil nasa 245 ang lulan nito gayong 137 lamang ang kapasidad ng barko.

Digong sa militar: NPA tapusin na!


MANILA, Philippines – Mariin ang utos ni Pangulong Duterte sa militar na tapusin na ngayon ang communist
insurgency sa bansa upang hindi na ito magiging problema ng susunod na henerasyon.

Nagbabala rin ang Pangulo sa publiko na asahan na ang kaunting kaguluhan sa susunod na mga buwan dahil
sa paiigtinging giyera ng gobyerno sa mga rebeldeng NPA lalo sa kanayunan.

“I am telling the military, kindly end it now. We can’t afford to pass it in the next generations. It has to be now,”
wika ng Pangulo sa 31st anniversary ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa Quezon City.
Sinabi ng Pangulo sa mga benipisyaryo ng agrarian reform program na huwag magpapauto at magpapadala sa
paghimok ng CPP-NPA.

“Ito namang mga rabble-rouser na komunista, walang ginawa kung hindi magbola ng tao, promising number
one ‘yang land reform. So ang dapat gawin talaga ng gobyerno is to take away from them the richest issue of
them all, land,” wika pa ng Pangulo.

Aniya, manatili ang land reform program ng gobyerno kahit wala na ang communist movement.

May-ari ng Chinese boat nag-sorry sa Pinoy fishermen

MANILA, Philippines – Humingi na ng sorry ang may-ari ng Chinese vessel na bumangga at nagpalubog sa
fishing boat ng mga Pinoy fishermen sa Recto Bank.

Isang letter of apology ang ipinadala kay DFA Sec. Teddy Locsin ng owner ng Yuemaobinyu 42212 na
bumangga sa Gem-Ver fishing boat noong hatinggabi ng Hunyo 9 sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Nakasaad sa sulat na hindi daw sinadyang banggain ang bangka at aksidente lamang ito.

“We believe that, although this accident was an unintentional mistake of the Chinese fishermen, the Chinese
fishing boat should however take the major responsibility in the accident,” nakasaad pa sa sulat.

Ang sulat ay nagmula sa isang asosasyon sa China kung saan miyembro ang may-ari ng fishing vessel.

Hinimok din sa sulat na maghain ng apela ang “Philippine side” para sa civil compensation.

Inaasahan namang tatalakayin ni Pangulong Duterte ang nangyari sa Recto Bank sa pakikipag-usap nito kay
Chinese President Xi Jinping sa pagbisita nito sa China. Rudy Andal

NFA kinastigo ng Senado sa imbak na imported rice

MANILA, Philippines – Kinastigo kahapon ng ilang senador ang pamunuan ng National Food Authority (NFA)
dahil sa mga naka-imbak pa ring imported na bigas at hindi pagbili ng palay mula sa mga magsasaka.

Napagsabihan nina Senators Cynthia Villar at Sen. Imee Marcos ang NFA dahil sa hindi pagbili ng palay sa
mga magsasaka gayong bahagi ito ng kanilang mandato.

Hinala nina Villar at Marcos, sinasadya ng NFA na patagalin ang pag-iimbak ng bigas para palitawin na nabulok
saka iyon ibebenta nang mura sa paboritong rice trader.

Dati na umanong ginagawa ng NFA ang nasabing kalakaran lalo na noong hind pa pumapasa ang Rice
Tariffication Law.

Sa timbre kay Marcos, nasa 9 na milyong bags ng imported rice ang hindi inilalabas ng NFA.

Giit nina Villar at Marcos, dapat ibenta ito ng NFA para magkaroon ito ng pera na pandagdag sa annual
budget bukod pa sa P7 bilyong ibinibigay ng gobyerno para ipambili ng palay mula sa mga magsasaka.

Inamin ni NFA Administrator Judy Carol Dansal na may 4-na milyong bags ng imported rice ang kanilang imbak
pero sinisikap daw nila iyong ibenta.

Sinabi naman ni Villar na banas na banas na ang mga magsasaka dahil sinasabi ng NFA na mataas ang
moisture content ng kanilang palay kaya hindi binibili.

Ayon pa kay Villar, kahit basa ang palay dapat bilhin ng NFA dahil utos ni Pangulong Duterte na tulungan ang
mga magsasaka.

Mandatory ‘neutral desks’ pirmado na ni Duterte


MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang batas na nag-uutos sa mga paaralan na
magkaroon ng neutral desk o arm chairs para sa mga estudyanteng right-handed at left-handed.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11394, sa unang taon ng implementasyon ng batas, dapat magkaroon na agad
ang bawat paaralan ng neutral desks na katumbas ng 10 porsyento ng populasyon ng kanilang mga
estudyante.

Saklaw ng batas ang lahat ng educational institutions, pribado o pampubliko mang mga paaralan.
Noong Agosto 22, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang nasabing panukalang batas at nakatakda itong maging
epektibo 15 araw matapos ang official publication.

Sanchez dapat lalaya sa August 20

MANILA, Philippines – Pinatutsadahan kahapon ni Sen. Panfilo Lacson si Bureau of Corrections chief Nicanor
Faeldon sa gitna ng isyu tungkol sa muntik nang paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Nabunyag na may release order na para kay Sanchez na ang petsa ay August 20 pero hindi ito natuloy
makaraang mapabalita ito sa media.

Iginiit ni Lacson na mukhang mula sa pagpapalabas ng mga smuggled goods sa Customs, ngayon naman ay
pagpapalabas ng mga convicts sa BuCor ang nangyayari.

Kaya tanong ni Lacson, kung nalipat na ba ang “tara system” mula sa Bureau of Customs na dating
pinamumunuan ni Faeldon, sa BuCor kung saan siya ang head sa ngayon.

Matatandaang napalitan sa Customs si Faeldon matapos makalusot sa ahensiya ang multi-bilyong pisong
halaga ng shabu at nabulgar na patuloy na umiiral na “tara system.”

Sinabi naman ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na kung hindi naireport ng media malamang ay
nakalaya na si Sanchez.

Ayon pa kay Drilon, pagtutuunan nila ng pansin sa isasagawang pagdinig ng Senado kung paano kinu-compute
ang good conduct allowance at kung paanong si Sanchez ay kinunsidera na nakapagsilbi na ng katumbas sa
49 na taon sa bilangguan.

Sakit sa atay magagamot na sa Pinas


MANILA, Philippines – Magagamot na sa Pilipinas ang mga pasyenteng may sakit sa atay.

Ito ang sinabi ni dating Health Secretary at organ transplant surgeon Dr. Enrique Ona ng National Kidney
Transplant Institute sa symposium tungkol sa “Rebirth After Liver Transplant and Pallative Care of Liver
Diseases” sa NKTI sa Quezon City.

Sinabi ni Ona na may hanggang tatlong liver disease patients ang sumasailalim sa transplant kada taon na
karamihan ng mga liver donor sa NKTI ay mga brain dead o mga pasyenteng dinala sa ospital dahil nabiktima
ng aksidente.

Sa Pilipinas, aabutin ng P3 milyon ang budget na kailangan sa liver transplant, mas mataas ito sa P1.5 milyon
sa India kaya maraming Pilipino na may sakit sa liver ang nagpapa-liver transplant sa India dahil mura ang
operasyon doon.

Sinabi ni Dr. Siegfredo Paloyo, NKTI transplant surgeon, na mas madami anyang pasyenteng may liver
diseases ang matutulungan sa Pilipinas kung mababawasan ang gastusin sa paglaban sa sakit, dadami ang
organisasyon na naglalaan ng financial help at dadami ang bilang ng mga liver donor.

Ayon kay Dr. Joy Varghese, director ng Department of Hepatology and Transplant Hepatology ng Gleneagles
Global Health City-India, may 90 percent na ng mga may liver disease sa kasalukuyan ang kanilang
napapagaling dahil sa liver transplantation.

Hindi anya dapat matakot ang mga liver donor dahil isa lamang sa 8 segment ng liver ang ibibigay sa isang
pasyenteng may sakit at makaraan ang isang buwan ay mag-reregrow ang liver o balik na sa normal ang laki
nito makaraan ang transplant.

Iceland binira ni Digong sa abortion


MANILA, Philippines – Binuweltahan ni Pangulong Duterte ang Iceland dahil sa pagpayag nito sa abortion
gayung nanguna sa pagbatikos sa kanyang war on drugs na nagresulta daw sa extra judicial killings.

Magugunitang nanguna ang Iceland sa isang resolusyon sa UN Human Rights council na imbestigahan ang
Duterte government dahil sa drug war killings.

“Do you know that in Iceland they allow abortion up to six months? You have one more month and you have the
principle of intrauterine life that if you give birth at six months the baby will survive,” wika ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Duterte, mahigpit ang pagtutol nito sa abortion na naging legal sa Iceland noong 1975.
“Itong mga Iceland, palibhasa ice ang kain wala namang tubig ‘yan eh. Bobo ang mga p___ina. Pagka walang
hiya itong mga puti talaga tapos tinuturuan ako kung ano ang gawin ko. I am sorry for you. That’s why you’re
condemned there in the ice forever. I hope you will freeze in time,” wika pa ng Pangulo.

Lagman walang malasakit - Go


MANILA, Philippines – Naniniwala si Sen. Bong Go na kawalang malasakit sa taongbayan, pagiging manhid at
pagiging maramot ang nangingibabaw kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman kaya nito sinisilip at nais
paimbestigahan ang Malasakit Center program ng gobyerno.

“Kung gusto mo, palitan mo na lang ang mga ito ng sarili mong programa. Pangalanan mong ‘Manhid Center’,
‘Maramot Center’---bagay na bagay sa kawalan mo ng malasakit sa ating mga kababayan,” pahayag ni Go sa
kanyang privilege speech sa Senado.

Iginiit ni Sen. Go na si Lagman at hindi ang Malasakit Centers ang gumagamit sa pagbibigay ng medical
assistance para sa pampulitikal na interes.

Aniya, si Lagman ay kagaya rin ng iba pang pulitiko na nagbibigay o humihingi ng endorsement letter sa
barangay bago tumulong sa mga pasyente.

May inilabas siyang kopya ng endorsement letter mula sa opisina ni Lagman na ibinibigay sa mga pasyente
para ipakita sa mga ospital.

“Balita ko pinapupunta mo pa sa bahay mo ang mga tao para mag-avail ng benefits o assistance,” ani Go.

“Now, that is partisan politics,” ang mariing pahayag ni Go sabay sabi pang “Never ako nag-require ng ganyan.
Never ko pinagpilian ang taong tutulungan ko.”

Sa isang pagdinig ng Kongreso, tinanong ni Lagman ang mga opisyal ng PCSO kung ano ang legal na
basehan nito para magbigay ng pondo sa Malasakit Centers. Hiniling din niya sa PCSO na i-validate kung
epektibo nga ba ang Malasakit Centers at imbestigahan ito sa umano’y pagiging partisan.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop para sa mga nangangailangan ng medical at financial assistance. May
41 Malasakit Centers nang naitatayo sa iba’t bang pampublikong ospital sa bansa.

Nagkakahalaga ang panibagong furniture set ng P4,800 kumpara sa isang pirasong armchair na aabot sa
P900.

Aabutin ng P114,000 ang mga silid-aralan na bibigyan ng 23 lamesa na may kasamang 46 na upuan, lamesa at
upuan ng guro.

Mas mahal ito kumpara sa P44,500 na nagagastos noon para sa 45 armchairs at lamesa't upuan para sa guro.

Kakailanganin ng DepEd ng karagdagang P80.9 bilyon sa susunod na limang taon para mapalitan ang mahigit
18 milyong armchair sa 707,600 classrooms sa buong bansa.
August 28

Naarestong lider ng CPP-NPA sa Metro Manila nagre-recruit, maghahasik ng terorismo

MANILA, Philippines – Aktibo sa pagpapalaganap ng komunismo at nagre-recruit partikular na ang mga


kabataan kabilang ang mga estudyante sa mga unibersidad ang nasakoteng lider ng Communist Party of the
Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa operasyon sa Quezon City kamakalawa.

Sa press briefing sa Camp Crame, ibinulgar ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed For-
ces of the Philippines (AFP) na nagpaplano ring maghasik ng terorismo ang naarestong si Esterlita
Suaybaguio, gumagamit ng mga alyas na Nali, Loida at Ester, 60, at Secretary ng Metro Manila Regional Party
Committee.

Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na isang malaking dagok sa CPP-NPA ang
pagkakaaresto kay Suaybaguio.

“Malaki ito (Suaybaguio). Remember she is the Secretary in Metro Manila Regional Party Committee, she is a
party leader, malaking tao ito especially dito sa Metro Manila considered a wide area,” ani Albayalde.

Bandang alas-2 ng madaling araw noong Lunes nang masakote ang suspect matapos na ituro ng tipster sa
Unit 9 H, 9th Floor Tower 5, Escalades Condominium Compound, 20th Avenue, Cubao, Quezon City.

Nakumpiska mula sa suspect ang isang cal 9 MM, isang magazine na may walong bala, isang hand grenade at
sari-saring mga subersibong dokumento.

Sinasabing aktibong nagre-recruit sa Metro Manila ang nasabing lider ng CPP-NPA at bukod dito ay sangkot
din ito sa pagpapalaganap ng komunismo.
Water allocation sa Metro Manila at karatig lalawigan, itinaas na

MANILA, Philippines – Itinaas na ng National Water Resources Board (NWRB) sa 40 cubic meters per second
mula sa dating 36 cms ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ito ay bunsod na rin sa patuloy na pagtaas ng water level sa mga dam sa Luzon lalo na ang Angat dam sa
Bulacan na nagsusuplay ng 90 percent ng tubig sa Kalakhang Maynila.

Sa ulat ng NWRB, nasa 40 cubic meters per seconds na ang water allocation nila sa bawat bahay sa
Kalakhang Maynila at karatig lalawigan na sinusuplayan ng dalawang water concessionaire na Manila Water at
Maynilad Water.

Gayunman, nilinaw ng NWRB na sa darating na Setyembre pa sisimulan ang pagpapatupad ng taas ng water
allocation.

Magugunitang ibinaba ng ahensiya sa 36 cms ang alokasyon ng tubig noong summer season dulot ng
pagbaba ng water level sa mga dam kaya’t naipatupad noon ang rotational supply ng tubig.

Binigyang diin ng NWRB na hindi pa tuluyang maibabalik sa 48 cms ang normal water allocation dahil hindi pa
tuluyang nakakarekober ang water supply ng mga dam sa bansa.

Babuyan sa Quezon City, ipasasara

Bago pa mahawa sa iba, idispatsa na!

MANILA, Philippines – Nagbanta ang Quezon City Veterinary Office na ipasasara nila ang mga piggery sa
lungsod dahilan sa ilang kaso ng pagkamatay ng ilang baboy sa Rodriguez Rizal na katabi lamang nito.

Sinabi ni Veterinary Office head Dr. Ana Cabel, bibigyan ng anim na buwan ang piggery owners sa QC para i-
relocate o ibenta agad ang kanilang mga alagaing baboy bago pa man mahawa sa anumang uri ng sakit na
dinaranas ng ilang piggeries sa Ro-driguez Rizal.

Nilinaw naman ni Cabel na wala silang kukumpiskahing mga alagaing baboy kundi aabisuhan lamang ang mga
may-ari na ilipat sa ibang lugar o maagang ibenta ang alaga hangga’t wala pang kaso ng pag-usbong ng sakit
sa mga babuyan sa lungsod.

Idinagdag pa nito na patuloy na nag-uusap ang mga stakeholder at brgy. officials hinggil sa kalagayan ng mga
piggeries sa QC sa utos na rin ni Mayor Joy Belmonte.

Mahigit anim na libong kilo ng hot meat ang nakumpiska sa boundary ng QC at San Mateo Road kamakalawa.

Nilinaw din ni Cabel na wala pang kaso ng pagkamatay ng mga baboy sa lungsod.

School desks na pwede sa parehong kaliwete at right-handed oobligahin na

MANILA, Philippines — Mababawasan na ang kahirapan ng mga kaliwete sa mga pampubliko at pribadong
eskwelahan, salamat sa panibagong batas.

Pinirmahan na kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11394 noong ika-22 ng Agosto na
isinapubliko ngayong araw.

Kikilalanin ang batas bilang "Mandatory Provision of Neutral Desks in Educational Institutions Act."

"Idinedeklara ng Estado bilang polisiya ang pantay na pag-unlad ng mga estudyante, pati na ng mga kaliwete,"
sabi ng dokumentong nilagdaan ni Duterte sa Inggles.

"Upang maabot ito, oobligahin ng Estado ang mga institusyong pang-edukason na magbigay ng nararapat na
naaayon na mga armchairs para matugunan ang pangangailangan ng mga kaliweteng estudyante."

Sa committee report na isinumite ng Committee on Education, Arts and Culture noong ika-6 ng Pebrero,
tumutukoy ang mga "neutral desks" sa mga:
"[T]able or armchair that is suitable for both right-handed and left-handed students."

Ang mga nasabing paaralan ay kinakailangang magbigay ng neutral desks na katumbas ng 10% ng populasyon
ng mga estudyante isang taon matapos maipatupad ang batas.

Nagmula ang panukala sa House Bill 8654 na inihain ni Antipolo Rep. Cristina Roa-Puno na ipinasa ng Kamara
noong Disyembre 2018. Iniangkop naman ito sa kahalintulad na Senate Bill 2114 ni Sen. Sonny Angara.
Inamyendahan naman ng Senado ang panukala noong ika-27 ng Mayo nang ipasa ito sa ikatlo at huling
pagbasa ng upper house, bagay na sinang-ayunan ng Kamara noong ika-3 ng Hunyo.

'Matagal nang hinihintay na batas'

Ikinatuwa naman ng mga nagsulong nito at ng Department of Education ang desisyon ng presidente.

Ayon kay Angara, matagal nang hinihintay ng mga kaliwete ang batas na ito lalo na't sumasakit daw ang likod,
leeg at balikat ng mga nasabing estudyante sa tuwing pinipilit magsulat sa mga regular na armchair.

"Mahigit-kumulang sampung porsyento ng population ay kaliwete at dahil ang karamihan ng mga gamit,
kasama na dito ang mga desks sa paaralan, ay naka disenyo para sa mga right-handed," sabi ng senador sa
isang pahayag Miyerkules.
"[K]ailangan pa nila mag adjust dahil hindi naman sila sanay gumamit ng kanang kamay nila."

Lumalabas din daw sa mga pag-aaral na mas mabagal magsulat ang mga kaliwete sa tuwing gumagamit ng
mga right-handed desks, kung kaya't lugi raw sila sa mga pagsusulit na inoorasan.

Suportado ang plano ng DepEd

Ayon naman kay Education Undersecretary Alain del Pascua, tumatalima ang bagong batas sa five-year plan
ng ahensya na palitan ang mga lumang armchair ng mga panibagong "furniture set" na binubuo ng isang
lamesa at dalawang upuan.

Ang disenyo raw ng mga nasabing furniture set ay swak para magamit ng parehong kaliwete at right-handed.

Dagdag ni Pascua, mas magbibigay daw ang panibagong kaayusan ng "flexibility" at mas malawak na platform
upang ligtas na makagamit ng mga tablet at laptop.

May-ari ng Chinese vessel na nakadisgrasya sa 'Recto Bank 22' nag-sorry

MANILA, Philippines — Pormal nang humingi ng tawad ang may-ari ng Chinese vessel na nakabangga ng mga
mangingisdang Pinoy sa Recto Bank ilang buwan na ang nakararaan, ayon sa liham na inilathalata ng
Department of Foreign Affairs, Miyerkules.

Matatandaang nangyari ang insidente sa loob ng Philippine exclusive economic zone noong ika-9 ng Hunyo,
dahilan para lumubog ang Gem-Ver 1 na may lulang 22 Pilipino.
Inilabas ng DFA ang liham, na nagmula sa isang Chinese "association" sa Twitter ngayong hapon.

"Ang may ari ng bangkang Tsino, sa pamamagitan ng aming Asosasyon, ay labis na humihingi ng tawad sa
mga mangingisdang Pilipino," sabi ng liham sa Inggles.

Hindi naman tinukoy kung anong asosasyon ang nabanggit sa sulat. Inisalin din ng isang embahada ang
nasabing liham, na hindi klaro kung Embahada ng Tsina.

"Buti na lang at walang namatay. Nagsisisi ako na dapat pang mangyari ito at ipinaaabot namin ang aming
simpatya sa mga Pilipinong mangingisda," dagdag ng sulat.

Ayon sa imbestigasyon, nakarehistro ang bangkang Tsino sa Guandong at miyembro raw ng nasabing
asosasyon ang shipowner.

Humihingi na rin daw ang asosasyon ng karagdagang impormasyon mula sa may-ari ng bangka, kapitan at
crew nito at nakapaghanda na ng "accident investigation report."

Matatandaang sinabi ng crew ng Gem-Ver 1 na tinakbuhan sila ng mga Tsino matapos mangyari ang insidente
habang madilim pa.

Sinaklolohan naman daw sila ng mga mangingisdang Vietnamese na nasa paligid kinalaunan.

Nasa loob din ng West Philippine Sea ang Recto Bank, na kasalukuyang pinag-aagawan ng Tsina, Pilipinas at
iba pang claimants sa Asya.

'Hindi sinasadya pero pananagutin'

Sa kabila ng pag-araro sa bangkang Pinoy at pag-abandona sa 22 mangingisda, nanindigan ang Tsinong


asosasyon na hindi sinasadya ang insidente.
"Sa ngayon, kahit na naniniwala kaming hindi sinasadya ang pagkakamali, dapat akuin ng Chinese fishing boat
ang responsibilidad sa aksidente," dagdag ng liham.

Suwestyon ng asosasyon sa panig ng Pilipinas, maghain ng apela para sa danyos perwisyos na nakabatay sa
aktwal na pinsala.

"Uudyukin ng aming asosasyon ang may-ari ng bangkang pangisda na makipag-ugnayan sa panig ng Pilipinas
upang mapabilis ang claim sa compensation nang naaayon sa procedures ng insurance claim," pagtatapos ng
sulat.

Nakatakdang makipag-usap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyales ng Tsina at naniniwalang


makikinig ang kanilang panig oras na banggitin ang arbitral ruling.

"Alam mo naman, lagi nilang sinasabing kaibigan natin sila at pwedeng makipag-usap tungkol sa kahit ano ang
magkakaibigan," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

Matatandaang kinatigan ng Permanent Court of Arbitration ang claims ng Pilipinas kontra Tsina sa West
Philippine Sea noong 2016.

Gayunpaman, matatandaang sinabi ni Duterte na hindi pipigilan ng gobyerno ng Pilipinas na mangisda ang
mga Tsino sa EEZ ng bansa.

Ro-Ro mula Cebu nagliyab sa gitna ng dagat, 2 patay


MANILA, Philippines — Patay ang dalawa katao Miyerkules ng umaga matapos tupukin ng apoy ang isang roll
on, roll off na barko bago makarating sa kanilang paroroonan sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.

Umabot sa 102 ang na-rescue, isa rito wala pang malay alas-otso ng umaga, matapos magliyab ang MV Lite
Ferry 16 bandang hatinggabi.

Nasunog ito 1.5 nautical miles mula sa Pulauan Port, Dapitan, ayon sa Philippine Coast Guard.

"Nasusunog na barko! Tumigil ang aming ferry para subukang sumaklolo," sabi ni Allan Barredo sa Inggles
sa Facebook kaninang umaga.

Digong haharangin ang ‘pork’ sa 2020 national budget

MANILA, Philippines – Gagamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang veto power upang alisin ang mga ‘pork
barrel’ na isisingit sa proposed 2020 national budget.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng ulat na ang proposed P4.1 trilyong
national budget para sa 2020 ay may nakasingit na mga pork.

Magugunita na nabalam ang pagpasa ng 2019 budget ng ilang buwan matapos kwestyunin ang mga alokasyon
at sinasabing pork insertion ng Kongreso.

Isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) noong Agosto 20 ang proposed 2020 national
expenditures program (NEP) matapos aprubahan ito ni Pangulong Duterte at buong gabinete noong Agosto 5.

Ayon sa ulat, hiniling ng DBM sa mga mambabatas na magsumite ng kanilang listahan ng mga proyekto para
sa kanilang distrito na nakasama sa 2020 national budget. Napaulat din na nasa P35 bilyon na pork barrel
funds ng mga senador at kongresista ang nakapaloob sa 2020 budget.

Idineklara ng Korte Suprema noong November 2013 na labag sa Konstitusyon ang Priority Development
Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund.

Ulat ng The Freeman, nagmula ang vessel sa Samboan wharf sa Cebu at patungo sana ng Dapitan.
Lulan nito ang 136 pasahero at 38 crew members at kadete. Natapos ang rescue operations sa loob ng apat na
oras.

"Walang Coast Guard. Isipin mo 'yon, 40 minuto lang kami mula sa Dapitan," dagdag ni Barredo sa kanyang
social media post.

Makeup classes kailangan - DepEd


MANILA, Philippines – Kailangang magsagawa ng makeup classes ang mga paaralang nagsuspinde ng pasok
dahil sa masamang panahon o di kaya’y mga panahon ng holiday.

Ito’y dahil sa may apat na araw na walang pasok ngayong buwan ng Agosto.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, batay sa kanilang class calendar, kinakailangang may minimum na
200 days na klase ang mga bata kada school year.

Paliwanag niya, may allowance naman sila na 6-10 days na tinatawag nilang ‘buffer days’ at inilalaan sa mga
panahon ng sakuna, biglaang kanselasyon ng klase at iba pa.

Sakaling lumampas na ang bilang ng mga suspensiyon ng klase ay kinakailangan nang magsagawa ng make-
up classes ang mga bata upang mabawi ang mga araw na wala silang pasok.

Maaari rin namang i-adjust ng mga guro ang makeup classes kung ang performance naman ng mga bata sa
pagsusulit ay maayos ngunit ang bottom line pa rin nito ay kung may natutunan ba ang mga mag-aaral sa
school year.

Ngayong buwan ay tatlong araw na walang pasok dahil sa paggunita ng bansa sa Eid’l Adha, Ninoy Aquino
Day at Araw ng mga Bayani, habang wala ring pasok kahapon sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na
lalawigan dahil sa masamang panahon na dala ng bagyong Jenny.

Pacquiao hinamon ang lahat ng mayayaman

MANILA, Philippines – Hinamon ni Sen. Manny Pacquiao ang lahat ng mga mayayaman sa bansa na
magkusang loob sila at mag-ambag-ambag upang tulungan ang lahat ng mga mahihirap.

“I’m praying to God na lahat ng mga mayayaman, lahat ng mga may pera ambag-ambag tayo kusang
kawanggawa tayo. Tulungan natin yong mga mahihirap bigay tayo kung ano yong mga tulong na magawa
natin. Yong pera natin hindi yan natin madala sa libingan. We will depart alone,” sabi ni Pacquiao sa
interpelasyon niya sa talumpati ni Sen. Bong Go tungkol sa mga bumabatikos sa mga itinatayong Malasakit
Centers.

Ayon pa kay Pacquiao, hindi siya maramot na tao na nagtatago ng kayamanan dahil hindi rin niya madadala
ang kanyang pera kapag namatay na siya.

“Hindi ako greedy person na itatago ko yong yaman ko. Pag namatay ako hindi ko madadala yan. We came to
this world naked, and we will depart alone and naked. Wala tayong madadala. Iiwanan nating lahat yan,” ani
Pacquiao.

Idinagdag pa nito na sayang lamang ang pera kung nakatago sa bahay o sa bangko sa halip na itulong sa
kapwa.

Revilla kinontra na makadalo ng sesyon si de Lima


MANILA, Philippines – Tinawag kahapon ni Sen. Bong Revilla na double standards ang isinusulong na
makalaya si Sen. Leila de Lima upang magampanan niya ang kanyang trabaho bilang senador.

Ayon kay Revilla, walang pinagkaiba ang sitwasyon nila ni de Lima at lalabas na mabibigyan ito ng special
treatment kung papayagan na makapag-participate sa sesyon.

Bagaman at nakasuhan dahil sa akusasyon na nakinabang sa kanyang pork barrel funds, sinabi ni Revilla na
“politically motivated” ang kanyang mga kaso at may mga tumutol din na makasali siya sa sesyon ng Senado
kabilang si de Lima na nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan sa loob ng bilangguan.

Nauna rito, walong dating senador ang nagpahayag ng suporta na payagan si de Lima na magampanan ang
kanyang trabaho bilang mambabatas na ibinoto ng nasa 14 milyong Filipino noong 2016 elections.

Kabilang sa lumagda sa petisyon sina dating Senators Rene Saguisag, Wigberto “Ka Bobby” Tanada Sr.,
Sergio “Serge” Osmena III, Antonio “Sonny” Trillanes IV, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, Mar Roxas,
Francisco “Kit” Tatad, at Benigno S. Aquino III.

Puwersa ng PNP sa Negros Oriental pinadadagdagan


MANILA, Philippines – Sa gitna ng posibilidad na madagdagan pa ang mga napapatay sa Negros Oriental,
iginiit kahapon ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Philippine National Police na dagdagan pa ang kanilang
puwersa sa nasabing probinsiya.

Sa pagdinig kahapon ng Senate Committees on Public Order and Dangerous Drugs at Justice and Human
Rights, lumabas na 5 na ang napapatay sa 15 indibiduwal na nakatakda umanong likidahin dahil sumusuporta
sila New People’s Army.

Ayon kay dela Rosa, nakita mismo ng mga tao na may pinapatay na pulis sa harap ng istasyon kaya umusbong
ang vigilante group.
Umapela si dela Rosa sa PNP na tiyaking hindi mapapatay ang iba pang nasa hit list ng Kawsa Guihulnganon
Batok Komunista o KAGUBAK na ang ibig sabihin ay “people of Guinhulgan against communism.”

Kabilang sa mga napatay na sina Atty. Anthony Trinidad, 53, na binaril kasama ang kanyang asawa ng mga
hindi pa nakikilang mga salarin.

Ayon kay Guihulngan City Police chief Police Lt/Colonel Bonifacito Tecson, bukod kay Trinidad, napaslang din
si Heide Malalay Flores na pang-11 sa hit list, Roberto Caday, pang-12 at Boy Litong at kanyang anak.

Dagdag pa ni Tecson na noong lumabas ang hit list karamihan sa mga nasa listahan ay nagtungo na sa
kanilang istasyon para itanggi na sinusuportahan nila ang NPA.

Sinabi ni dela Rosa na dahil nagkakaroon ng pagkukulang ang mga pulis, inilalagay na ng ilang indibiduwal ang
batas sa kanilang mga kamay.

Dalawang batalyon ang tinanggal sa Negros Oriental noong nagkaproblema sa Marawi at hindi na sila naibalik
kaya nagkulang ang puwersa ng PNP.

Digong biyaheng China ngayon ; Kakausapin si Xi sa arbitral ruling

MANILA, Philippines – Nakatakdang tumulak ngayong hapon patungong China si Pangulong Duterte para sa
kanyang official visit mula Agosto 28-September 2.

Ang pagbisita ng Pangulo sa Beijing, Guangzhou at Foshan sa People’s Republic of China ay sa imbitasyon ni
Chinese President Xi Jinping.

Siniguro ng Malacañang na sa ikalimang pag-uusap nina Pangulong Duterte at Pres. Xi ay isusulong na niya
ang Hague ruling sa South China Sea.

“Remember that I said before that there will be a time when I will invoke the arbitral ruling. This is the time that’s
why I’m going there,’” wika ng Pangulo kamakailan.

Bukod sa arbitral ruling sa South China Sea ay igigiit din ng Pangulo ang 60-40 na hatian sa joint oil exploration
sa Reed bank.

Nilinaw din ng Pangulo na hindi giyera ang nais ng Pilipinas sa paggiit ng arbitral ruling kundi isang maayos na
settlement.

Nakatakda ring manood ng laban ng Gilas Pilipinas ang Pangulo kontra sa Italy sa FIBA basketball upang
magbigay ng ‘moral booster’ sa mga Pinoy cagers.

Documentary stamp tax sa diploma, transcript, affidavit pinatatanggal na


MANILA, Philippines – Aprubado na ng House committee on ways and means ang panukalang nagtatanggal ng
Documentary Stamp Tax (DTS) sa diploma, transcript at iba pang records.

Sa budget briefing ng komite, nag-mosyon si Baguio Rep. Mark Go na alisin ang DTS sa mga non-monetary
documents tulad ng diploma para sa 1.2 milyong nagtatapos sa kolehiyo kada taon, transcript of records ng
may 2 milyong Senior High School graduate kada taon at iba pang certification sa paaralan.

Kasama rin ang Oath of Office ng 650,000 opisyal ng barangay at iba pang elective officials, Good Moral
Standing Certificate na hinihingi ng Philippine Regulations Commission na kinukuha ng mga propesyunal kada
tatlong taon, Affidavit of Loss at iba pang Certificates/Notarized Documents, Proxies, Certificate of No Marriage
Record at Baptismal Certificate.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng komite, mababawasan ng P450 milyon ang kita ng gobyerno
mula sa DTS.
August 27
PNP handang makipagdiyalogo sa UP students

MANILA, Philippines — Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na makipagdiyalogo sa mga lider ng
mga estudyante sa University of the Philippines (UP ) kaugnay ng planong deployment ng mga pulis at sundalo
sa unibersidad.

Ito ang binigyang diin kahapon ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac sa gitna na rin ng pag-
alma ng UP students na kung saan hinamon pa ng mga lider ng iba’t ibang mga organisasyon dito ng debate
ang mga opisyal ng PNP at AFP.

Binigyang diin ni Banac na kailanman ay hindi panghihimasukan ng PNP ang kalayaan ng mga mag-aaral na
magpahayag ng kanilang saloobin at opinyon sa loob ng pamantasan.

“A civil and healthy dialogue is precisely what we want.

The PNP does not intend to encroach on academic freedom. However, our call for access to campuses will
remain,” pahayag ni Banac.

Binigyang diin ni Banac, suportado naman nila ang panawagan ng mga estudyante para sa isang sibilisado at
makabuluhang mga talasan subalit kaila-ngan nilang tiyakin na hindi maaabuso ang karapatan ng mga mag-
aaral para sila’y mahikayat sa armadong kilusan ng CPP- New People’s Army (CPP-NPA.

Una nang sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na nais lamang nilang pigilan ang recruitment ng
CPP-NPA sa mga kabataang estudyante kaya pinaplano ang deployment ng mga pulis sa unibersidad.
DepEd pabor sa panukalang pagbabawal ng 'homework' tuwing Sabado, Linggo
MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Department of Education ang suwestyong pigilin ang pagbibigay ng mga
takdang-aralin sa mga estudyante mula pre-school hanggang sekundarya.

"Ang gusto natin, lahat ng pormal na pag-aaral, assignment, project, whatever, gagawin sa loob ng
eskwelahan," sabi ni Leonor Briones, kalihim ng Edukasyon sa isang panayam sa radyo Martes.
Ito'y kaugnay ng inihaing House Bill 3883 ni Quezon Rep. Alfred Vargas at HB 3611 ni House Deputy Speaker
Evelina Escudero.
Sa bill ni Vargas, pagbabawalan ito mula elementarya hanggang hayskul habang pagbabawalan naman ng bill
ni Escudero ito mula kindergarten hanggang ika-12 na baitang.

Kaiba sa panukala ni Escudero, nais patawan ni Vargas ng P50,000 multa at isa hanggang dalawang taong
pagkakakulong ang mga teacher na lalabag dito.

Layunin daw nitong madagdagan ang oras ng pahinga at pakikipag-usap sa magulang ng mga bata at tuwing
weekends.

"Pag-uwi nila, libre na sila, free time nila to be with their parents, with their friends," paliwanag ni Briones.

Maliban sa dagdag na work load habang walang pasok, pagbabawalan din ng HB 3611 ni Escudero ang
pagpapauwi ng mga aklat sa batang kinder hanggang ika-6 baitang.

Saklaw nito ang parehong pampubliko at pribadong mga paaralan.

Pilipinas ika-3 may pinamataas na kaso ng tigdas sa mundo — WHO

MANILA, Philippines — Pinangalanan ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng tigdas sa buong mundo
nitong nagdaang taon sa pagtataas nito sa buong mundo, ayon sa ulat ng World Health Organization.

Ang ulat ay batay sa Measles Rubella Update ng WHO nitong Agosto 2019, kung saan pasok ang Pilipinas sa
10 bansang nangunguna sa sakit mula Hulyo 2018 hanggang Hunyo 2019.
Umabot sa 45,847 kaso ang naibalita sa Pilipinas sa panahong ito.

Sa inilabas na report, sinasabing naitala ang pinakamalaking bilang ng measles cases sa bansa Pebrero
ngayong taon.

Sa isang ulat ng Philstar.com nitong Agosto, sinasabing 477 na ang namamatay sa sakit ngayong 2019.
Matatandaang nagdeklara ng measles outbreak ang Department of Health sa Metro Manila, Central
Luzon at iba pang mga rehiyon dahil sa pagkalat ng sakit.

Tumataas sa buong mundo

Samantala, hindi lang sa Pilipinas sumirit ang tinamaan ng sakit nitong mga nagdaang buwan.

"In the first six months of 2019, reported measles cases are the highest they have been in any year since 2006,
with outbreaks straining health care systems, and leading to serious illness, disability, and deaths in many parts
of the world," sabi ng WHO.

Tatlong beses na mas mataas ang bilang ng mga kaso ng sakit mula nang magsimula ang 2019 kumpara ng
parehong panahon noong 2018.

Nanguna sa mga bansang apektado ng tigas ang Madagascar (150,976) at Ukraine (84,394), na sinundan
naman ng Nigeria, India, Kazakhstan, Democratic Republic of Congo, Yemen, Myanmar at Georgia, na pare-
parehong sumailalim sa mayor na "outbreak."

Naitala naman ang pinakamataas na kaso ng tigdas sa Estados Unidos sa loob ng 25 taon.

Usapin ng bakuna

"The largest outbreaks are in countries with low measles vaccination coverage, currently or in the past, which
has left large numbers of people vulnerable to the disease," paliwanag ng WHO.

Dalawang dose ng bakuna ang kinakailangan upang malabanan ang tigdas, bagay na may ligtas at mabisa
naman daw.

Sa tantya ng WHO at UNICEF, 86% ng bata ang nakatatanggap ng unang dosage ng bakuna habang 69% lang
sa ikalawa — dahilan para hindi makatanggap ng bakuna ang 20 milyong bata taong 2018
Para sa mga taong bibisita sa mga bansang kalat ang tigdas, inabisuhan ng WHO ang publiko na
magpabakuna 15 araw bago bumiyahe.

"[E]veryone 6 months and older should be protected against measles prior to travel to an area where measles is
circulating."

Negros 'kill list' vs mga iniuugnay sa NPA kinundena sa Senado

MANILA, Philippines — Ikinabahala ng mga senador ang pagpapakalat ng listahan ng grupong Kawsa
Guihulnganon Batok Kumunista (Kagubak) na direktang nagbabanta sa buhay ng ilang personalidad kasunod
ng kaliwa't kanang patayan sa isla ng Negros nitong mga nagdaang buwan.

Lumalabas kasi na lima sa 16 nasa listahan ang napatay na, kabilang ang isang human rights lawyer,
pagbabahagi ng Philippine National Police sa pagdinig ng Senadongayong Martes.
Kasama sa listahan ang abogadong si Anthony Trinidad, na pinagbabaril nitong Hulyo sa Guihulngan City,
Negros Oriental.
Kinastigo ni Sen. Risa Hontiveros ang listahan ng grupo, na ipinakakalat lang daw basta-basta sa Negros.

"'Yang mga Kagubak na 'yan, dapat talaga hindi pinapayagang kumilos, hindi pinapayagang gumawa ng
listahan, hindi pinapayagang pumatay ng mga tao sa listahan, even bismirching their reputation," ayon kay Sen.
Risa Hontiveros sa kanina.

"Freely daw pong ikinakalat 'yung mga leaflet na 'yan noong Kagubak na 'yan, 'yung kanilang deadly na
listahan."

Anti-communist hit-list?

Una nang isinapubliko ng grupong Defend Negros # Stop the Attacks Network ang nasabing listahan, na
naglalaman ng mga nasabing pangalan:

 Rose Sancelan (alyas JB Regalado)


 Jessica Villarmente
 Carlos Villarmente
 Allen Alvarez
 Marilous Alangilan
 Noning Estrada
 Amy Rabor
 Josephine Saguran
 Brix Nuevo
 Mario "Marok" Ricablanca
 Heidi malalay Flores
 Roberto Caday
 Allan Archebuche
 Anthony Trinidad
 Boy Litong (at kanyang anak na "SPARU" member)

Ayon kay PLTCOL Bonifacio Tecson ng PNP, kasama na sa mga namamatay sa listahan sina Trinidad, Caday,
Flores si Litong at kanyang anak.

Sa listahan, na nakasulat sa wikang Bisaya-Cebuano, sinasabi na "hindi na sila makakaabot ng 2018 [nang
buhay] kahit sila'y magtago."

"Ito ang mga pangalan ng mga promoprotekta sa NPA sa lungsod natin ng Guihulngan na pumatay ng mga
inosenteng magsasaka at sibilyan," paliwanag ng listahan.

Kung isasalin sa wikang Inggles, nangangahulugan ng "Cause of Guihulnganon Against Communism" ang
grupong Kagubak. Nakatala rin sa listahan ang ilang diumano'y biktima ng NPA.

Hindi rin napigilan nina Hontiveros at Sen. Ronald "Bato" dela Rosa, dating hepe ng PNP, na manggalaiti dahil
hindi raw kilala ng pulisiya at ng lokal na gobyerno ng Guihulngan ang Kagubak.

"Isipin mo, libreng-libre sila magpalabas ng hit list na ganoon? Sino sila para maggawa ng ganun? At papatayin
pa?" sabi ni Dela Rosa, na chair ng komite.

'EJK tumaas dahil sa MO 32'


Ayon sa grupong Defend Negros #StopTheAttacks Network, umabot na sa 87 sibilyan ang napapatay sa isla ng
Negros simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinasabing nasa 42 sibilyan pa lang daw ang napapatay nitong Nobyembre 2018.

Nitong Hulyo, 21 ang napatay sa loob lamang ng 10 araw — kabilang ang isang taong-gulang sanggol.

Hindi naman ikinatuwa ni Ariel Casilao, convenor ng Defend Negros Network, ang halos pagdoble ng EJK sa
lugar.

"Bakit wala tayong naririnig tungkol sa pananagutan ng pulis at militar sa Senate procedings na ito?" tanong ni
Casilao sa Inggles, na dating kinatawan ng Anakpawis party-list.

Giit pa ng grupo, umakyat ng 350% ang pagsirit ng extrajudicial killngs sa isla simula nang ipatupad ng
Memorandum Order 32 sa Negros, Samar at Bikol.

Nanindigan din sina Casilao na ang SEMPO o Synchronized Enhanced Managing Police Operations ang kumitil
sa buhay ng 20 sibilyan.

Bahagi ng SEMPO ang Oplan Sauron 1 at Oplan Sauron 2 ng PNP, na nauna nang ikinamatay ng mga
sinasabing ilang magsasaka sa isla.

Kwinestyon din ni dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, convenor din ng grupo kung bakit wala sa
pagdinig ang mga kamag-anak ng mga namatay sa Oplan Sauron noong Disyembre at Marso.

"Bakit walang kinatawan ang mga organisasyong pinanggalingan nila? Hindi ba't karamihan sa kanila ay mga
organisadong pesante, aktibista at human rights defenders?" ani Taguiwalo.

Humingi ng proteksyon sa PNP nang buhay pa

Samantala, umamin naman si Tecson na una nang lumapit sa kanya ang ilang personalidad na nasa listahan.

"Halos magkapareho 'yung ano nila sir, salita, na hindi sila supporters ng NPA. And then nagpa-blotter sila,
considering na natakot sila na mamatay sila," wika ng pulis.

Ilan sa mga humingi ng tulong ay sina Trinidad, ang dalawang Villarmente, Flores, Alvarez at Sancelan.

Hindi raw sila agad nabigyan ng proteksyon dahil "mauubos" daw ang kanilang mga pulis.

Nanawagan na rin si Dela Rosa sa Commission on Human Rights na magpadala ng mga dagdag na tauhan sa
Negros sa pag-asang mababawasan ang pagpatay doon..

Kaltas sa suweldo ng government workers lilimitahan


MANILA, Philippines — Upang matiyak na hindi mauubos sa utang, nais ni Sen. Leila de Lima na limitahan ang
kakaltasin sa suweldo ng isang empleyado ng gobyerno.

Nakasaad sa “Minimum Take Home Pay Act” na hindi dapat bumaba sa 40% ang maiuuwing suweldo ng isang
empleyado sa loob ng isang buwan.

Sinabi ni de Lima na maraming empleyado ng gobyerno ang kinakapos at napipilitang mangutang kahit pa
mataas ang tubo.

Pero dahil walang pumipigil sa pangungutang, kalimitan ay wala ng naiuuwing suweldo ang isang empleyado.

Binanggit ni de Lima ang kautusan ng Department of Education (DepEd) na nagtakda ng minimum take home
pay na P5,000 para sa mga guro kasabay ang paglimita sa payment deductions mula sa kanilang suweldo.

Sa panukala, bukod sa hindi dapat bumaba sa 40% ng suweldo ang take-home pay ng isang empleyado
uunahin ding kaltasin ang para sa BIR, GSIS, Home Development Mutual Fund at PhilHealth.

Bibigyan din ng prayoridad ang kaltas sa mutual benefits associations, thrift banks at non-stock savings at loan
associations ng pinapatakbo para sa benepisyo ng mga government employees; associations o cooperatives
na inorganisa at pinapatakbo ng mga government employees.

ACT-CIS nagpasalamat kay Duterte sa Sanchez case


MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pasasalamat ang ACT-CIS Partylist kay Pangulong Rodrigo Duterte
matapos nitong iutos sa Department of Justice na pigilin ang paglaya ng convicted rapist at murderer na si
dating Calauan Laguna mayor Antonio Sanchez.
Inayunan ni ACT-CIS Rep. Eric Yap ang paninindigan ni Duterte na hindi dapat isama sa mga pinapalaya nang
maaga sa ilalim ng Republic Act 10592 ang mga bilanggong gumawa ng karumal-dumal na krimen.

Naunang naghain si Yap ng resolusyon sa House Committee on Justice na humihiling na rebyuhin ang
nasabing batas at rebisahin ang Implementing Rules and Regulation o IRR nito.

“Dapat kapag heinous crime ang kaso ay tapusin ng convict ang sentensiya niya at huwag payagang lumaya pa
ito,” sabi ni Yap.

Ang napaulat na pagpapalaya kay Sanchez ay umani rin ng galit ng publiko na nag-viral pa sa iba’t ibang site
ng social media.

Bong Go sa Batang Pinoy athletes: ‘Lumayo kayo sa droga’

(Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2019 - 12:00am


MANILA, Philippines — Nanawagan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga kabataan na umiwas
sa bawal na mga gamot para hindi masira ang kanilang kinabukasan.

Ginawa ni Go ang pahayag sa opening ceremony ng Philippine Youth Games–Batang Pinoy 2019 National
Championships na idinadaos sa Puerto Princesa, Palawan.

Kasabay nito, sinabi ng senador na isinusulong niya sa Senado ang pagtatatag ng National Academy of Sports
for High School (NASHS).

Sa naturang panukala, bibigyan ng scholarships ang mga potensiyal na atleta. Suportado ito ng Department of
Education (DepEd) at ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Para din kayong nag-aaral ng high school, kaya lang may curriculum po na kasama na rin po ’yung pagiging
atleta ninyo. Magiging iskolar po kayo. Suportado po ito ng DepEd at kasama rin po ang PSC,” ani Go.

Ipinaalala ni Go sa mga batang atleta na seryoso si Pangulong Duterte na sugpuin ang illegal drugs.

“Galit si Pangulong Duterte sa mga kriminal. Galit din po ako sa mga kriminal. Galit si Pangulong Duterte sa
mga durugista. Galit din po ako sa mga durugista,” ayon sa senador.

“Huwag po kayong tumikim ng droga. Kayo ang future natin. Kapag pumasok kayo diyan, wala na, sira na ang
inyong pamilya,” diin ni Go.

Digong sa mga Pinoy:‘Be everyday heroes’


MANILA, Philippines — Hinimok ni Pangulong Duterte ang taumbayan na maging bayani sa pamamagitan ng
pagtulong sa mga nangangailangan.

“Be everyday heroes’, mensahe ng Pangulo sa National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani, Taguig City
bagamat hindi ito nakarating.

Humalili sa Pangulo si House Speaker Alan Peter Cayetano, na nanguna sa flag ceremony at pag-alay ng
bulaklak sa Tomb of the Unknown Soldier.

Sa kanyang pahayag, hinimok ng Pangulo ang taumbayan na pagnilayan ang kabayanihan ng mga taong
nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at demokrasya.

Hinimok din niya ang publiko na kilalanin at gunitain ang iba pang bayani ng bansa na tila hindi nabibigyan ng
pansin.

Ayon sa Pangulo, hindi nagtatapos sa mga bayaning makikita sa pera at estatwa ang bilang ng mga nakipag-
laban para sa kalayaan ng bansa.

Digong ‘no show’ sa Heroes Day rites

MANILA, Philippines — Hindi nakadalo kahapon si Pangulong Duterte sa paggunita ng National Heroes’ Day sa
Taguig City dahil masama ang kaniyang pakiramdam, ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go.
Ayon kay Go, hindi maganda ang pakiramdam ni Duterte matapos magtrabaho ng hanggang pasado alas-4:30
ng madaling araw nitong Lunes.

Aniya, hindi lamang talaga maiiwasan para sa isang 74 na taong gulang na indibidwal gaya ng Presidente ang
makakaramdan ng hindi maganda.

Dagdag pa ni Go na galing ang Pangulo sa Davao noong nagdaang weekend at hindi rin natapos ang kaniyang
trabaho roon.

Sunod-sunod umano ang mga pulong ng pangulo, kabilang ang pulong nito kay Moro National Liberation Front
founding chairman Nur Misuari.

Pero sinabi ni Go na hindi dapat mabahala ang publiko sa lagay ng Pangulo dahil “in good shape” naman.

Sa harap nito’y inihayag ng senador na tuloy ang biyahe ng Pangulo sa China para sa nakatakdang working
visit nito mula Agosto 28-September 2.

Assignment tuwing weekend ipagbabawal


MANILA, Philippines — Maaaring ipagbawal na ang pagbibigay ng mga assignment sa mga estudyante tuwing
weekend.

Ito ay sa sandaling maisabatas na ang mga panukalang inihain nina House Deputy Speaker Evelina
Escudero at Quezon Rep. Alfred Vargas.

Sa House Bill 3611 ni Escudero, magkakaroon ng no-homework policy ang Department of Education mula
kinder hanggang high school.

Ito ay dahil nababawasan umano ang oras nang pagpapahinga at pag-uusap ng mga estudyante at mga
magulang tuwing weekends.

Bawal ding iuwi ng estudyante ang kanyang mga libro sa bahay kaya magiging magaan na ang dala nilang
school bag.

Habang sa House bill 3883 ni Vargas, ipagbabawal lamang ang pagbibigay ng homework kapag weekend.

Papatawan ng P50,000 multa at isa hanggang dalawang taong kulong ang mga guro na magbibigay ng
assignment kapag weekend.

Layon nito na masiyahan ang mga estudyante sa kanilang libreng oras tuwing weekend at kalidad na oras para
sa kanilang mga pamilya.

Pinas wala pang opisyal na bayani


MANILA, Philippines — Kasabay nang pagdiriwang ng National Heroes’ Day, wala pang opisyal na bayani ang
Pilipinas.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, marami ang hindi nakakaalam na simula nang ideklara ang kalayaan ng Pilipinas,
wala pang opisyal na idinideklarang bayani ang gobyerno kahit pa itinuturo sa mga paaralan na bayani sina
Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pa.

Ayon pa kay Marcos, inirekomenda ng Philippine National Heroes Committee ang ilang tao na matawag na
bayani noong 1995, kabilang sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo
H. del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino at Gabriela Silang.

Pero ang isyu aniya ay nauwi sa debate ng regional interest at hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon.

Inihayag din ni Marcos na ang nag-iisang panukalang batas na naglalayong ipaproklama sa national
government na national hero si Jose Rizal ay inihain ni Bohol congressman Rene Relampagos noong 2014.

Pero hanggang noong Enero 2017 ay nananatiling “pending” sa committee on revision of laws sa House of
Representatives ang panukala.

Sinabi ni Marcos na ang mayroon lang tayo sa ngayon ay mga “implied heroes” kahit pa may mga opisyal na
araw para alalahanin ang mga sinasabing bayani.

Sakaling mabuhay ang usapin tungkol sa mga national heroes, nais niyang isama sa listahan si Macario Sakay.
Si Sakay aniya ang unang pangulo ng Tagalog Republic na nakipaglaban sa mga Kastila at mga Amerikano
noong mga unang bahagi ng 20th century.

Sanchez mabubulok sa Bilibid

MANILA, Philippines — Posibleng mabulok na sa New Bilibid Prison (NBP) si dating Calauan mayor Antonio
Sanchez na gumahasa at pumatay kay Eileen Sarmenta at pumatay kay Allan Gomez na kapwa UP students
noong 1993.

Ayon kay Justice spokesman at Undersecretary Mark Perete, hindi na ipoproseso ang karpeta o record ni
Sanchez kaugnay ng Good Conduct Time Allowance.

Malinaw anya sa batas na hindi nito sakop ang mga bilanggo na sentensyado sa heinous crime. Si Sanchez ay
sentensyado ng pitong life sentence.

Dahil sa probisyong ito ay posibleng mabawasan ang 11,000 bilanggo na unang napaulat na posibleng
makalaya sa pamamagitan ng GCTA.

Tiniyak ni Perete na sasalain at bubusisiing mabuti ang mga nag-apply upang makinabang sa GCTA ang
karapat-dapat.

Kinokonsidera rin ng DOJ ang posibleng pagpapalaya sa mga matatanda na matagal na ring nakakulong.

Mas makabubuti na makapiling at makasama ng matatandang preso ang kanilang pamilya sa labas sa sandali
ng kanilang panahon sa mundo.

Utos sa DOJ at BuCor Sanchez ‘wag palayain - Digong

MANILA, Philippines — Inutos na ni Pangulong Duterte sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of


Corrections (BuCor) na tiyaking hindi makalalabas ng kulungan si dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Sa panayam kay Sen. Bong Go sa pagdiriwang ng National Heroes day sa Libingan ng mga Bayani, sinabi
nitong nagbigay na ng direktiba ang Pangulo kina DOJ Secretary Meynardo Guevarra at BuCor Chief Nicanor
Faeldon na huwag i-release ang convicted rapist at murderer na si Sanchez na una ng napaulat nuong isang
linggo na posibleng makalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa GCTA, umiikli ang panahon na dapat ilagi ng isang bilanggo sa kulungan dahil ibinabawas ang mga
panahon na naging mabuti siya o nagpakita ng “good conduct.”

Binigyang diin ng Senador na pinag-aralan ng Pangulo ang Republic Act 10592 at malinaw aniyang hindi
saklaw na mabigyan ng karapatang makalaya ang mga presong nahatulan ng guilty dahil sa heinous crime.

Bunsod nito, bumuo na si Guevarra ng task force na magre-review sa guidelines sa pagbibigay ng GCTA.

Plano ni Guevarra na matapos ang pag-review sa loob lamang ng 10 araw para hindi maapektuhan ang mga
bilanggong valid o karapat-dapat namang mapagkalooban ng GCTA lalo na ang mga presong nagbago na sa
loob ng kulungan.

Una dito’y nagpahayag na ng pagkagalit ang Presidente sa mga napaulat na posibleng maging malaya si
Sanchez na lumikha ng public outrage.

Nasentensiyahan si Sanchez at anim pa niyang bodyguard dahil sa panggagahasa at pagpatay kay Eileen
Sarmenta at pagpaslang kay Allan Gomez.

Kapwa estudyante ng UP-Los Baños, Laguna ang dalawa nang maganap ang krimen.

August 26

China nag-eespiya sa Pinas – AFP ; Sa pagdaan ng warships nang walang paalam


MANILA, Philippines — May duda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-eespiya ang China kaya
namamataan ang dalawang warship nila sa Sibutu strait malapit sa Tawi-Tawi.

Sinabi ni Wesmincom Commander Lt. General Cirilito Sobejana, na lahat ng malalaking barko mula sa iba’t
ibang bansa ay doon dumadaan sa Sibutu strait na hindi naman tinututulan subalit kailangan lang na masiguro
ang kanilang kaligtasan.

Paliwanag pa ni Sobejana, mayroon din mga tinatawag na “innocent passage” doon kung saan dapat ay tuwid
lang ang pagdaan ng mga barko habang patungo sa bansang pupuntahan nila maliban na lamang umano kung
masama ang panahon.

Subalit sa kaso umano ng mga warships ng China, naniniwala siya na hindi ito innocent passage dahil
pinapatay nila ang kanilang automatic identification system o IAS at hindi rin sumasagot sa tuwing tinatawagan
sila ng AFP.

Dahil dito kaya naniniwala si Sobejana na pag-eespiya ang pakay ng China sa pagdaan sa Sibutu strait at hindi
innocent passage ang nangyayari at mayroon silang intensyon.

May reserbasyon na rin umano ang AFP kung papayagan pa ang Chinese warship na dumaan sa teritoryo ng
Pilipinas dahil na rin sa kakulangan sa koordinasyon.

75 kaso ng leptospirosis sa Calabarzon naitala

MANILA, Philippines — Umaabot sa 75 kaso ng leptospirosis ang naitala ng Department of Health (DOH)-
CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Sinabi ni DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo na iwasan ang maglakad sa tubig lalo
ngayong tag-ulan at may baha upang hindi makapitan ng sakit na leptospirosis.

“Kailangan din nating uminom ng prophylaxis gaya ng docycyline bago tayo lumusong sa tubig upang
makaiwas sa impeksyon na dala ng leptospirosis,” ani Janairo.

Naililipat ang sakit na leptospirosis sa balat na may sugat kung naglalakad sa mga lugar na may tubig na
posibleng kontaminado ng ihi ng isang hayop partikular ang daga.

Paalala ni Janairo, nakamamatay ang sakit na leptospirosis kaya payo nito na agad na magpakonsulta sa
doktor kung tayo ay nakakaranas ng lagnat, panginginig ng katawan o ‘chills’, pananakit ng ulo, binti, kalamnan
at kasu-kasuan, namumula ang mga mata, naninilaw ang balat at nahihirapang umihi.

Sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), 75 na kaso ng leptospirosis ang naitala sa
Calabarzon mula Enero 1, 2019 hanggang Agosto 17, 2019 kung saan may 12 ang namatay.

P16 bilyon kailangan sa mandatory ROTC sa senior high

MANILA, Philippines — Mangangailangan ang gobyerno ng tinatayang P16 bilyon para maipatupad ang
mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa senior high school students.

Paliwanag ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-List Rep. Jericho Nograles, mayroong 4 milyong grade
11 at 12 students sa buong bansa.

Sa naturang bilang dapat umano ang mga estudyante ay mayrong sinturon, t-shirts, pantalon at iba pang
kailangan sa ROTC training na tinatayang nagkakahalaga ng P4,000 ng uniporme kada estudyante.

Kaya sa kabuuan ay tinatayang P16 bilyon ang magagastos dito subalit ang malaking kwestyon ay sino ang
magbabayad nito.

Muling inihain ni Nograles ngayong 18th Congress ang mandatory ROTC training para sa senior high students
sa public at private schools.

Subalit paliwanag ng kongresista, ang gawing mandatory ang ROTC ay para sa national defense hindi lamang
tungkol sa pag-aaral dahil ang layon nito ay mabigay ang tamang bilang ng reservist na kailangan ng AFP.

Sa kasalukuyan, ang reservist umano ay nasa 70,000 lang at 120,000 ang aktibong sundalo, malayo sa
kailangan ng Department of National Defense na isang milyon.

HRET chair pinag-i-inhibit sa electoral protest case


MANILA, Philippines — Pinag-i-inhibit sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) si Oriental
Mindoro 1st district Rep. Paulino Salvador Leachon dahil sa electoral protest na nakasampa laban sa kanya.

Ayon kay Marilou Morillo, kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas sa unang distrito ng Oriental Mindoro noong
nakaraang May 2019 elections, sa ngalan ng integridad at delicadeza, dapat mag-inhibit si Leachon sa HRET.

Si Leachon ay itinalagang chairman ng HRET sa Kamara.

Sa 68 pahinang electoral protest sa HRET na inihain ni Morillo laban sa kongresista noong Hulyo, sinabi niya
na mayroong mga hindi maipaliwanag na technical errors ng mga vote counting machines o VCM at mga
depektibong SD card na nagresulta sa pagka-delay ng pagsusumite ng resulta ng eleksyon mula sa precinct
level hanggang sa Provincial board of canvassers.

Giit niya, dahil sa mga technical errors ng VCMs, naging kaduda-duda ang resulta ng eleksyon kung ito ba ay
intensyunal sa layong mamanipula ang eleksyon pabor kay Leachon.

Tanong pa ni Morillo, paano masisiguro ang integridad at walang kikilingan ang desisyon ng HRET kung si
Leachon na chairman nito ang siyang didinig ng kaso laban sa kanya.

Pinuna rin ni Morillo na matapos ang pagsusumite ng kanilang protesta laban kay Leachon ay nagmamadali
umano itong makuha ang posisyon sa HRET.

Sa isinumiteng electoral protest sa HRET, hiniling ni Morillo ang vote recount at pagbawi sa proklamasyon kay
Leachon bilang representante sa unang distrito ng Oriental Mindoro.

LPA posibleng maging bagyo

MANILA, Philippines — Isang panibagong bagyo ang inaasahang papasok ngayong araw at magpapaulan sa
bansa.

Ayon sa PAGASA, malaki ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA)
na posibleng makaapekto sa Northern at Central Luzon.

Huling namataan ang LPA 1,695 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Posibleng sa Martes o Miyerkules sa susunod na linggo maging ganap na bagyo ang LPA na tatawaging
“Jenny.”

Patuloy namang magdadala ng maulap na papawirin at manaka-nakang pag-ulan at pagkidlat ang habagat sa
mga lugar ng Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Region, Zambales, Bataan, Metro
Manila, CALABARZON at MIMAROPA.

Ilang lugar sa Metro Manila, probinsiya mawawalan ng kuryente

MANILA, Philippines — Pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at
ilang karatig na lalawigan ngayong linggo bunsod ng maintenance works na isinasagawa ng Manila Electric
Company (Meralco).

Sa advisory ng Meralco, ang mga pagkukumpuni ay isasagawa mula ngayong Lunes, Agosto 26, hanggang sa
Linggo, Setyembre 1.

Kabilang sa apektado ay ilang lugar sa mga lungsod ng Caloocan, Makati, Mandaluyong, Manila, Pasay,
Marikina, Pasig at Quezon, gayundin ang ilang lugar sa mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon.

Ilan sa mga aktibidad na isasagawa ay paglalagay ng mga bagong pasilidad, line reconductoring works,
preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco substations, paglilipat ng mga pasilidad, pagpapalit
at paglilipat ng mga poste, at conversion ng mga pasilidad.

ROTC hirit gawing optional

MANILA, Philippines — Kontra si Sen. Imee Marcos upang gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training
Corps (ROTC).

Sinabi ni Sen. Imee, nasubukan na noong araw ng kanyang ama na gawing mandatory ang ROTC sa college
subalit nagdesisyon na gawing optional na lamang ito noong 1980.

Wika pa ni Marcos, hindi lamang sa pagsusundalo sa pamamagitan ng ROTC maipapakita ang pagmamahal sa
bayan.
Aniya, mas mabuting gawing optional na lamang ang ROTC kaysa ipilit muli itong gawing mandatory.

Idinagdag pa ni Marcos, mababa ang enrollees sa ROTC kaya mas mabuting tumulong na lamang ang
mamamayan sa recruitment sa mga gustong pumasok upang mag-sundalo.

Camp Emilio Aguinaldo ng AFP papalitan ng Camp General Luna

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang pagpapalit ng pangalan ng Armed Forces of the Philippines
(AFP) headquarters na Camp General Emilio Aguinaldo sa General Antonio Luna.

Ang hakbang ni Pimentel ay bilang pagbibigay karangalan kay Antonio Luna.

Sa House Bill 4047 ni Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, layon nito na amyendahan
ang Republic Act 4434 o ang 1965 na batas na nagpapalit ng pangalang Camp Frank Murphy sa Camp
General Emilio Aguinaldo.

Inihain ang panukala noong Agosto 20 subalit inilabas lang ito sa gabi ng paggunita ng National Heroes day.

Sa ilalim ng panukala, si Luna ay inilarawan ng mga historian bilang pinakamagaling at may kakayahang
Filipino general noong Philippine-American war.

Si Luna ang noon ay Chief of staff ng Philippine Revolutionary Army ng 134 araw habang nasa kasagsagan ng
giyera hanggang sa brutal siyang patayin noong Hunyo 5,1899 sa edad na 32.

Dahil dito kaya nararapat umanong bigyan ng pagkilala si Luna dahil sa pagiging makabayan niya.

Kasong libelo vs Tulfo tambak na ; Ex-DOJ chief dumagdag

MANILA, Philippines — Natatambakan na ng mga kasong libelo ang kolumnistang si Ramon Tulfo at isa sa
mga dumagdag pa ang isinampa laban sa kanya ni dating Department of Justice secretary Vitaliano Aguirre
dahil sa umano’y malisyoso at nakakasirang kolum ng una at Facebook page noong Abril.

Si Aguirre ay humihingi ng P150 million moral damages at mahigit P50 million sa exemplary fees at attorney’s
fees mula sa mga kinasuhan.

Sa kolum ni Tulfo sa Manila Times noong Abril 11, inakusahan niya si Aguirre na protector umano ng human
trafficking syndicate sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa isa pang kolum noong Abril 13, sinabi ni Tulfo na tumatanggap umano si Aguirre ng pera mula sa naturang
sindikato kahit nagbitiw na ito bilang kalihim.

Sa isa pang kolum noong Hulyo 30, binanggit ni Tulfo na lumobo sa kasalukuyang administrasyon ang small-
town lotteries para mapagbigyan umano ang ilang tao na kasama na si Aguirre.

Sinabi rin ni Aguirre na ang mga isinulat ni Tulfo ay pawang “defamatory” Facebook posts kung saan inulit ang
mga nakakasirang alegasyon noong April 9, April 13 at June 8.

Sinabi ni Aguirre na may itinatagong galit ang kolumnista sa kanya dahil noong kalihim pa siya ng DOJ ay
tinanggihan niya ang request ni Tulfo na i-consolidate ang lahat ng libel cases na pending sa mahigit 70
prosecutors offices sa buong bansa.

2 puganteng Koreano timbog sa NAIA

MANILA, Philippines — Dalawang puganteng Koreano ang nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration
(BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa ulat nitong Biyernes.

Ayon kay BI Port Operations Chief Grifton Medina ang dalawa na magkahiwalay na naaresto sa NAIA Terminal
3 Bureau’s Border Control and Intelligence Unit (BCIU) ay may mga derogatory records.

Unang naaresto si Kim Sungwa, 26, habang papasakay ng Air Asia flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Wanted sa Korea si Sungwa sa kasong fraud at may dalawang standing warrant of arrest na inilabas ng Korean
court.

Habang naharang naman nang dumating sa NAIA si Kim Sung Young, 53, mula Saigon, Vietnam sakay ng
Cebu Pacific.
Wanted rin si Young sa kasong fraud na nagkakahalaga ng 20-milyong won na umano’y gumamit pa ng ibang
passport upang makapasok sa bansa.

Sinabi ni Medina na ang pagkakaaresto sa mga pugante ay sa pakikipagtulungan ng BI at Interpol na hulihin


ang mga kriminal na lalabas at papasok sa bansa.

Kapwa idineport sa Seoul, Korea ang dalawa matapos makipag-ugnayan ang BI sa Korean embassy.

2 bigtime ‘tulak’ dakma sa buy-bust

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng dalawang sinasabing bigtime ‘tulak’ ng droga matapos
masakote sa isinagawang drug-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
sa Brgy. Pinagbuhatan Pasig, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Director III Joel Plaza, Regional Director ng PDEA, ang nadakip na sina Ryan Chui Caiton, at Julius
Paya Villanueva, pawang 29-anyos at residente ng naturang lugar.

Ayon kay Leveret Lopez, District Officer ng Eastern District ng PDEA, dakong alas-5:30 ng hapon nang
nakipagtransaksyon si Caiton sa isa nilang tauhan na tumayong buyer ng shabu sa gasolinahan sa Urbano
Ave., sa nasabing barangay.

Habang nagkakaabutan ng shabu at pera ang magkabilang panig ay agad na nagsilabasan ang mga naka-
kubling PDEA agent at dinakma ang mga nabanggit na suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000, drug
paraphernalia, isang cellular phone, isang pulang Mitsubishi Galant (UBZ 69), isang weighing scale, isang black
pouch, isang asul na Chituma motorcycle, at boodle money.

Nabatid na dati nang nakulong si Caiton matapos masangkot sa droga pero nakalaya sa pamamagitan ng ‘plea
bargaining agreement.’

Itinanggi naman ng mga suspek na sa kanila ang nakuhang droga at sasakyan.

Dalagita ni-rape, 3 suspek arestado

MANILA, Philippines — Sa kalaboso ang bagsak ng tatlong lalaki kabilang ang isang binata na itinuturong
gumahasa umano sa isang dalagita at ang dalawa pa na umano’y kasabwat nito nang gawin ang krimen nang
lasingin nila ang biktima sa isang bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa at child abuse ang suspek na si Marc Jayson Basco, 21,
estudyante, nakatira sa G. Marcelo St., Brgy. Maysan habang accessory sa krimen sina Raul Aniban, alyas
“Ogard”, 31, binata, isang travel organizer, nakatira sa No. 75 De Galicia St., Brgy. Maysan at Jayson Galoso,
21, estudyante.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, alas-5:30 kahapon ng madaling araw nang ipaaresto ni Bienvenido Picardal
Jr. ang tatlong suspek dahil sa panggagahasa sa kanyang dalagitang anak na itinago sa pangalang “Vina”.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang magpunta ang biktima sa isang kaibigan na
itinago sa pangalang “Donna” kung saan dito ay inaya ni Galoso ang dalawa sa bahay ni Aniban dahil may
selebrasyon umano.

Gayong tumanggi ang dalagita na uminom ng alak ay napilit siya umano ng mga suspek kung saan dakong
alas-9:00 ng gabi ay unang umuwi ang kaibigang si Donna.

Dakong alas-11:00 ng gabi nang malasing ang dalagita at dito ay dinala siya sa isang kuwarto ni Aniban
makalipas ng ilang sandali ay pumasok si Basco at saka ginahasa ang biktima.

Ala-1:00 ng madaling araw nang ihatid ni Aniban ang dalagita sa kanyang bahay sakay ng isang tricycle.

Dito na ipinagtapat ng dalagita ang nangyari sa kanya sa mga magulang na agad na iniulat ito sa kanilang
barangay at nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo.

Electrician nasabugan ng circuit breaker


MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na electrician ang pinangangambahang mawalan ng paningin matapos
masabugan sa mukha ng circuit breaker na kanyang kinukumpuni sa loob ng isang hotel sa Pasay City,
kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Geral Danday, binata, empleyado ng AYG Electrical Contractor, at nakatira sa No.
4844 Camisa St., Old Sta. Mesa, Manila.

Alas-3:30 ng hapon kinukumpuni ni Danday ang isang circuit breaker sa electrical room na nasa Ground Floor
ng Midas Hotel sa may Service Rd. sa Roxas Blvd., Pasay kasama ang helper na si Plenio Bardaje nang
biglang sumabog sa mukha ni Danday ang circuit breaker at napuruhan ang kanyang mata.

Mabilis na isinugod ang dalawa sa nabanggit na pagamutan at nilapatan ng lunas.

‘Gun-for-hire’ todas sa barilan

MANILA, Philippines — Todas ang isang sinasabing ‘gun-for-hire’ nang makipagpalitan ng putok sa mga
otoridad na rumesponde sa sumbong ng isang babae ng pangongotong sa kanya, kamakalawa ng umaga sa
Malabon City.

Ang suspek na ‘di na umabot pang buhay sa pagamutan ay si Richard Delos Reyes, alyas “Taguro/Mata”, nasa
hustong gulang, obrero at nakatira sa Damata Compound, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.

Nabatid na ang napaslang ay nakatala na drug user sa illegal drug watchlist sa lungsod at may dating kasong
murder bilang isang hired killer ngunit na-dismiss ng korte.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga nang rumesponde ang mga tauhan ng Malabon City Police sa sumbong ni
Josefina Nual, 45, at mister niyang si Ramir Nual, ng pagbabanta sa kanila at pangongotong ng suspek.

Nang dumating sa bahay ng suspek ang mga pulis sa may M. Aquino St., sa Brgy. Niugan, bumunot umano ng
baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ang mga alagad ng batas at tinamaan ng bala si Delos Reyes.

Isinugod pa rin ng mga pulis sa Ospital ng Malabon ang suspek ngunit hindi na umabot nang buhay.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 baril na may lima pang bala.

Natuklasan din sa kanyang wallet ang limang maliit na plastic sachet ng shabu.

Janitress kakasuhan ng abortion

MANILA, Philippines — Isang 36-anyos na janitress ang nakatakdang kasuhan ng pulisya makaraang aminin
ang ginawang pag-inom ng gamot pampalaglag sa kanyang sanggol na dahilan ng pagkakaratay niya sa
pagamutan, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Article 258 (Abortion) ng Revised Penal Code si Delasaly Albano, may-
asawa at nakatira sa Blk 23 Lt 17 Socialized Tanza Homes, Brgy. Tanza 1, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-2:30 ng hapon nang mapansin ng mister ni Delasaly na si Jonjon Albano,
isang jeepney driver, na maputla at nanghihina ang misis sa loob ng kanilang bahay.

Dinala ni Jonjon si Delasaly sa Navotas City Hospital at nang kapanayamin ng nurse ay dito nadiskubre ang
ginawang pag-inom ng abortion pills ng ginang para malaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Nagulantang din naman si Jonjon sa nadiskubre dahil sa hindi niya alam na buntis ang kanyang misis.

Sinampahan ng reklamo ng kinatawan ng Department of Social Welfare and Development na si Denmark


Estaris si Delasaly makaraang maiulat ang ginawang paglaglag sa sanggol.

Mga tindahan ng imported meat products sa Maynila, pinasasara

MANILA, Philippines — Pinasasara ni Manila Mayor Isko Moreno sa Bureau of Permits and Licenses Office
(BPLO) ang mga meat shops sa lungsod na nagbebenta ng mga imported na karne.
Ang kautusan ni Moreno ay bunsod ng pagkakasabat ng 65-kilo ng illegal Chinese meat ng mga tauhan ng Ve-
terinary Inspection Board-Special Enforcement Squad at National Meat Inspection Service (NMIS) kamakalawa
ng hapon sa Aranque Market sa Binondo, Manila.

Ang mga nakumpiskang karne ng baka, baboy at peking duck mula China ay mahigpit na ipinagbabawal.

“Ang lahat ng tindahan na magke-cater ng iligal na karne, lalo na ‘yang galing sa China na hindi allowed,
babala ko po sa inyo, iwi-withdraw namin ang business permit ninyo,” ani Moreno.

Nanawagan din si Moreno sa mga importers na huwag dalhin sa Maynila ang mga iligal na karne dahil ang
kalusugan at buhay ng publiko ang nakasalalay dito.

Pinahahanda rin ni Moreno sa Manila City Legal Office ang kaso laban sa mga meat shops.

Trike driver tiklo sa P1.3 milyong shabu

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 20-anyos na tricycle driver na itinuturong ‘tulak’ ng droga matapos
masakote at makumpiskahan ng higit sa P1-milyong halaga ng shabu sa isinagawang joint anti-drug operation
ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region at Manila Police District-Station 3 sa Quiapo,
Maynila, kahapon ng hapon.

Himas-rehas na ngayon ang suspek na si Saiben Alamada, alyas “Saiben” residente ng Globo de Oro St.,
sakop ng Barangay 384, Quiapo, Maynila.

Nakuha sa kanya ng mga pulis ang dalawang transparent plastic bags na naglalaman ng shabu na may
katumbas na halagang P1,360,000.

Sa ulat, dakong alas 2:30 ng hapon kahapon (Agosto 24) nang maaresto sa panulukan ng Quezon Boulevard
at Escaldo St., sa Quiapo ang suspek.

Bukod sa iligal na droga, kinumpiska din ang kanyang cellphone at bogus money at isang P1,000 bill na ginamit
sa buy-bust operation.

Motorista bulagta sa pulis-Maynila sa road rage

MANILA, Philippines — Patay ang isang driver matapos siyang barilin sa ulo ng isang lasing na pulis-Maynila
makaraang magkainitan dahil sa away-kalsada sa Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Sanchez, 40-anyos, ng B2 L16, Woodstar Bend St. Rosewood Village,
Brgy. Niog 2, Bacoor City habang ang suspek ay natukoy na si P/Senior Master Sgt. Herbert Salazar,
nakatalaga sa Jose Abad Santos Police Station 7 ng Manila Police District.

Ayon kay Cavite Police Director Col. William Segun, dakong ala-1:50 ng madaling-araw nang maganap ang
insidente sa Brgy. Niog 2 matapos na sitahin ni Sanchez ang lasing na si Salazar na noon ay nakikipag-inuman
sa kanyang mga kaibigan sa kalsada.

Sinabi pa ni Segun na bumaba ang biktima mula sa kanyang minamanehong sasakyan at kinompronta ang
pulis at mga kasama dahil sa pagharang sa daraanan dahilan para umabot sila sa mainitang pagtatalo at
mauwi sa suntukan.

Mabilis na tumakbo ang biktima upang makaiwas sa lasing na pulis papasok ng kanyang bahay subalit hinabol
pa rin siya at saka binaril nang malapitan sa noo dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa follow-up operation, naaresto ng Bacoor City Police Mobile Patrol Unit ang suspek na nakapiit ngayon sa
city police station detention cell at inihahanda ang kasong murder laban sa kanya.

2 bangka nagsalpukan: 4 patay!

MANILA, Philippines — Apat ang patay habang dalawa pa ang nawawala matapos magbanggaan ang
dalawang bangka noong Sabado ng gabi sa Rio Grande de Mindanao, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Akir, Jowaina Saling, Ustadz Elmie Norodin at ang driver ng isang
bangka na si Pudi Giadel.

Ang mga bangkay nina Akir, Saling at Norodin ay natagpuan sa Lugay-lugay, Cotabato City kahapon ng umaga
habang ang katawan ni Giadel ay nakitang lulutang-lutang sa baybayin ng Barangay Bucana sa Cotabato City.
Samantala, patuloy na pinaghahanap ng search and rescue team ang mga nawawalang sina Sidik Esmael at
Pude Guiarel, pawang taga-Brgy. Katidtuan sa nasabing bayan.

Ayon kay Sultan Kudarat Municipal Administrator Sultan Banjoe Mampun, galing umano ang isang bangka sa
lungsod lulan ang 10 katao at pagsapit nila sa Brgy. Bulibod ay aksidenteng nakabanggaan ang kasalubong na
bangka sakay ang tatlo katao na sina Tato Sultan, Pasita Akir at Kura Akir na kapwa nakaligtas, bago mag-
alas-9:00 ng gabi. Rhoderick Beñez

Engkwentro: NPA dedo, 7 sugatan

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) habang pitong kasama nito
ang sugatan na kasalukuyang nasa kustodya ng militar sa dalawang magkasunod na engkuwentro sa Brgy.
Bagacay at Cogon, Ozamiz City, Misamis Occidental kahapon ng umaga.

Base sa report ng 10th Infantry Battalion, alas-5:50 ng umaga nang maganap ang unang engkuwentro sa Brgy.
Bagacay matapos isinumbong ng mga residente sa militar ang presensya ng mga armadong lalaki sa kanilang
bayan.

Inabot ng 10 minuto ang sagupaan na ikinasawi ng isang rebelde. Sinundan pa ito ng sagupaan sa Brgy.
Cogon kung saan isang NPA at dalawang sundalo ang sugatan.

Naaresto ang pitong sugatang rebelde matapos silang maharang ng tropa ng 2nd PNP Mobile Force Company.
Sinabi ni Lt. Col. Ray Tiongson, 10th-IB commander, nakumpiska nila sa dalawang operasyon ang isang M16
rifle, apat na caliber .45 pistol, pitong hand grenade, tatlong motorcycle improvised explosive components at
mga pagkain.
August 25

Pamilya Sarmenta at Gomez tatakbo sa korte

MANILA, Philippines — Nakatakdang maghain ng petisyon sa korte ang pamilya nina Eileen Sarmenta at Allan
Gomez upang harangin ang posibleng paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez dahil sa
Republic Act 10592.

“Magsusulat pa rin po kami ng petisyon ng request na hindi siya palalabasin but we have to consult our lawyer
kasi, gusto namin in black and white na nagpetisyon kami hindi lang dito sa mga interviews,” pahayag ni Clara
Sarmenta, ina ni Eileen.

Inamin ni Ginang Sarmenta na nagdudulot sa kanila ng matinding bangungot ang ulat na posibleng makalaya si
Sanchez.

Sinabi rin ni Iluminada Gomez, ina ni Allan, na kahit sinabi ni Pangulong Duterte na hindi makakalaya si
Sanchez ay hindi pa rin sila makuntento dahil may impluwensiya at backer si Sanchez.

Ipinagtataka rin ni Sarmenta kung bakit tanging ang pangalan lamang ni Sanchez ang palaging binabanggit sa
11,000 bilanggo na posibleng makalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA) sa ilalim ng RA 10592.

“Hindi ako nakatulog ng tatlong araw... ngayon lang ako nakapahinga. Sa dinami-dami na prisonero na 11,000,
bakit si Sanchez ang binanggit nila dyan? ‘Yan po pinagtataka namin eh,” sabi ni Sarmenta.

Sinabi rin niya na bumabalik na naman sa kanila ang sakit na naramdaman 26 na taon na ang nakakaraan
dahil sa pagbuhay sa isyu at sa posibilidad na makalaya ang gumawa ng karumal-dumal na krimen sa kanilang
anak.

“It’s so ironic na sana nakaka-move on na po kami after 26 years and alam niyo naman 26 years is too long to
bring back the pieces of life we went through, ngayon bumalik na naman,” wika niya.

Nagbigay din ng reaksyon si Sarmenta sa sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa na maaring bigyan ng ikalawang
pagkakataon si Sanchez katulad ng iba pang bilanggo na posibleng makalaya dahil sa RA 10592.

Ayon kay Sarmenta, hindi dapat bigyan ng ikalawang pagkakataon ang katulad ni Sanchez na isang halimaw at
salot sa lipunan.

Binanggit din ni Sarmenta na nabawasan ang hirap at sakit na kanilang ipinaglalaban matapos tiyakin ni
Duterte na hindi makakalaya si Sanchez.

“Mahal na Pangulo nating Duterte, nagpapasalamat kami,” sabi ni Sarmenta.

Nakatakdang imbestigahan ng Senado kung papano kinuwenta ang GCTA ni Sanchez sakaling kasama nga ito
sa listahan ng 11,000 bilanggo.

Balak din ng ilang senador na amyendahan para matiyak na hindi makalaya ang mga katulad ni Sanchez na
gumawa ng karumal-dumal na krimen.

Justice system magiging katawa-tawa ; Kapag nakalaya si Sanchez

MANILA, Philippines — Walang tiyansa na makalaya pa si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez
dahil isa itong convicted rapist at murderer, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang DILG, na pinamumunuan ni Secretary Eduardo Año, ang nangangasiwa sa Bureau of Jail Management
and Penology (BJMP), na siya namang namamahala sa city, district, at municipal jails sa buong bansa.

Sinabi ni Año na 7-life sentence ang hatol kay Sanchez at nakagawa pa ng kasalanan habang nakakulong at
kung mapapalaya ito ay magiging katawa-tawa naman ang batas at sistema ng hustisya sa bansa.

Nanindigan rin si Año na dapat na panagutan ni Sanchez ang kanyang nagawang karumal-dumal na krimen at
pagsilbihan ang kanyang sentensiya, hanggang sa kahuli-hulihang minuto ng buhay nito.

“Sanchez committed rape and double murder. He was responsible for the death of two bright university
students. Allowing him to get out early is a mockery of the law and justice system,” aniya pa. “Kailangan niyang
panagutan hanggang sa huling minuto ang hatol sa kanya. He must serve his entire sentence. Kapag pinalaya
natin ‘yan ng maaga, we would have punctured a hole in our own justice system.”
Nauna rito, nilinaw ng DOJ na hindi kuwalipikado si Sanchez na makalaya sa ilalim ng GCTA Law o ang
Republic Act No. 10592.

Matatandaang si Sanchez ay hinatulang makulong ng pitong habambuhay sa piitan dahil sa panggagahasa at


pagpatay sa UPLB student na si Eileen Sarmenta at pag-torture at pagpatay kay Allan Gomez, noong 1993.

Clemency para sa babaeng convict lang - Locsin

MANILA, Philippines — Kung si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin ang tatanungin,
nais niya na mga babaeng convict lamang ang mabigyan ng “clemency” o mapalaya ng pamahalaan.

Ito ang reaksyon ng kalihim sa kanyang Twitter post ukol sa isyu ng pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna
mayor Antonio Sanchez base sa “Good Conduct Time Allowance (GCTA)” na inaprubahan noong 2013.

“F... that. They should all rot in their cells. Only women should get clemency,” ayon kay Locsin.

Kinontra rin ni Locsin ang komento ni Sen. Leila de Lima na nagsabing isang “propaganda blitz” ang isyu kay
Sanchez para isulong ang pagpapasa sa batas sa parusang kamatayan.

Iginiit ni Locsin na ang pagpapalutang ng GCTA law ay para pabilisin lang ang pagpapalaya sa dating alkalde
na nahatulan ng pitong habambuhay na pagkakulong sa panggagahasa at pagpaslang kay Eileen Sarmenta at
Allan Gomez noong 1993.

“No. It was meant to railroad his release and present a fait accompli,” punto ni Locsin.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi kuwalipikado si Sanchez na mapalaya sa
GCTA law dahil sa kinakaharap niyang mga “heinous crimes.”

Sanchez hindi takot sa death penalty - Drilon

MANILA, Philippines — Hindi kayang pigilan ng death penalty si dating Calauan, Laguna mayor Antonio
Sanchez na isakatuparan ang ginawang krimen.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagsilbing Justice secretary noong nililitis pa ang kasong
panggagahasa at pagpatay ni Sanchez kay Eileen Sarmenta at pagpaslang kay Allan Gomez, ilang beses
niyang nakaharap si Sanchez at walang basehan ang sinasabing mapipigilan ng death penalty ang ginawang
krimen ni Sanchez.

Mismong ang huwes aniya na nagbaba ng hatol kay Sanchez ay tinawag ang kaso na isang “plot hatched in
hell.”

“Are they telling me that if there was death penalty, Sanchez would not have committed the crime? I saw him
face to face and there’s nothing that can support that conclusion. As the judge said, this is a plot hatched in hell.
That conclusion that if there was death penalty, Sanchez could not have committed his crime, has absolutely no
basis. No. I confronted him on a number of times,” sabi ni Drilon.

Sen. Go kay Lagman: ‘Wag maging anti-poor


MANILA, Philippines — Bukas si Sen. Bong Go sa panukala ni Albay Rep. Edcel Lagman na imbestigahan ng
Kamara ang mga Malasakit Center sa bansa na nakikinabang sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes
Office (PCSO).

“If they want to investigate this, I have no objection. Para po ito sa tao kaya kung gusto nila malaman paano ito
nakakatulong, welcome po sila na silipin ang operasyon ng Malasakit Center,” sabi ni Go.

“Wala pong pinipili ito, para po ito sa bawat Pilipinong nangangailangan. Do not be anti-poor. Huwag po natin
ipagkait ang tulong at pagmamalasakit natin sa ating mga kababayan. Pera niyo po ito, ibinabalik sa inyo sa
pamamagitan ng maayos na serbisyo,” saad pa niya.

Nauna rito, sinabi ni Lagman na mas marami ang bilang ng mga nagkakasakit kaysa sa mga nabibigyan ng
tulong. Magagamit umano bilang partisan tool ang Malasakit Center kaysa isang medical outlet.

Pero paglilinaw ng senador, walang partisan o political consideration sa pagbibigay ng tulong mula sa Malasakit
Center.

“Walang partisan o political considerations, walang pinipili na tutulungan, hindi kailangan ng anumang
endorsement letter o ID mula sa politiko,” sabi ni Go.
Ayon pa sa senador, ginawa ang Malasakit Center initiative para mabigyan ng mabilis, maayos at maaasahang
serbisyong medikal ang lahat ng Pilipino.

Unang vape death naitala sa Amerika

MANILA, Philippines — Isang pasyenteng naiulat na nagkaroon ng sakit sa baga dahil sa paggamit ng vape
ang ikinokonsiderang kauna-unahang pagkamatay sa Amerika gamit ang alternatibong uri ng paninigarilyo na
tinatawag na vape o e-cigarette.

Ayon sa Illinois Department of Public Health, ang pasyente ay naospital matapos magkasakit dahil sa vape
pero hindi inilabas ang pangalan, edad, eksaktong araw ng kamatayan at kung taga-saan.

Napaulat na sinabi ng mga opisyal ng Centers for Disease Control and Prevention noong Biyernes na nasa 193
katao sa 22 states ang mayroon ng malubhang sakit sa respiratory dahil sa vaping.

Karamihan umano sa mga nagkasakit ay mga teenagers o adults na gumagamit ng electronic cigarette o ibang
uri ng vaping device.

Pinaniniwalaan na ang electronic cigarettes ay mas ligtas sa kalusugan kumpara sa regular na sigarilyo pero
nagbabala na ang mga health officials na delikado ito lalo na sa mga gumagamit na kabataan.

Natuklasan na ang ilang produkto ay may mga delikadong sangkap kabilang ang mga flavoring chemicals at
oils.

Matatandaan na nagbabala noong nakaraang taon ang mga opisyal ng Department of Health laban sa
paggamit ng vape o e-cigarette matapos masabugan ang isang 17-taong gulang na lalaki.

3 teenager dinukot, ginawang NPA rebels

MANILA, Philippines — Tatlong kabataang lalaki ang dinukot para puwersahin umanong maging kasapi ng
rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ito ang ibinulgar ni 1st Lt. Amadeuz Celestial, Civil Military Operations Officer ng Army’s 60th Infanty Battalion
(IB), matapos dumulog sa tropa ng militar ang mga magulang ng mga tinedyer na nagmamakaawang tulungan
silang maibalik ng buhay ang kanilang mga anak.

Sinabi ni Celestial, base sa salaysay ng mga magulang ng mga menor de edad na ang insidente ay naganap
kamakailan pero hindi agad ng mga ito naireport sa mga awtoridad sa pag-asang naimbitahan lamang at
ibabalik ng mga rebelde ang kanilang mga anak.

Ayon sa mag-asawang Emerito at Marife Tanoko, puwersahang tinangay ng mga rebelde ang kanilang
dalawang anak na lalaki na edad 17 at 16 patungo sa kabundukan ng Laak, Compostella Valley.

Inireport rin ni Larry Masalote na ang kaniyang 17 anyos na anak ay binihag ng NPA kasama ang magkapatid
na Tanoko.

Inamin ng mga magulang ng mga biktima na natakot silang magsuplong agad sa mga awtoridad dahil baka
patayin ang kanilang mga anak.

“The local government of Laak is already assisting the families of the kidnapped teenagers,” anang opisyal.

Puslit na smartphones nakumpiska sa NAIA

MANILA, Philippines — Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International
Airport ang may 825 smuggled branded smartphones at mga aksesorya nito na mahigit sa P15 million ang
halaga.

Sinabi ni NAIA Customs District Collector Mimel Talusan na ang mga smartphones ay dumating sa paliparan
galing South Korea noon pang nakaraang buwan.

Ayon kay Talusan, ang mga smartphones ay dineklarang used cell phones at inilagak sa TMW warehouse ilang
metro ang layo sa NAIA Terminal 1. Hindi agad nila ito kinumpiska dahil hinihintay pa nilang mag-file ng entry
ang importer/broker ng nasabing kargamento.

Sabi ni Talusan na sinamsam nila ang mga smartphones na Samsung S10 plus, Samsung S9 plus, Samsung
S10, Samsung Note 9, Note 10, LG, Samsung A5, Samsung A7, Iphone 8, Samsung earphones at airpords
dahil ang mga ito ay used phones ayon sa pagkaka-deklara kaya kailangang kumuha ang may-ari nito ng
permiso mula sa National Telecommunication Communication para payagan silang makalabas sa bureau.
‘Malamang hindi sila payagan for security reasons dahil nga segunda mano ang mga smartphones baka
magkaroon ng aberya ang mga celphones at ang mga taong gagamit nito ang mapinsala. Baka bigla na lamang
sumabog ang mga baterya nito habang may ginagamit ang cellphone.’ ani Talusan.

Tindahan ng puslit na karne ipapasara ni Isko

MANILA, Philippines — Ipapasara ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga tindahan na nagbebenta ng karne at
meat products na naipuslit mula sa bansang Tsina.

Ito ang naging banta ni Moreno kasunod ng magkakasunod na pagkakakumpiska sa nakalipas na mga linggo
ng ilegal na meat products sa anaging operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Veterinary Inspection Board
(VIB) at National Meat Inspection Service (NMIS).

Kahit aniya, may iba pang produktong legal na ibinebenta ang isang establsiyemento, kung mahuhulihan ng
ilegal na produkto ng karne ay madadamay na rin.

“Lahat ng tindahan na magki-cater ng ilegal na karne lalo na galing China na hindi allowed, i-withdraw na ang
business permit ng mga ‘yan. We will continuously protect the interest of the public especially since pagkain
‘yan,” anang alkalde.

“Isara na lang ang buong negosyo kasi magpapalusot lang nang magpapapalusot ang mga ‘yan. Tutal mahilig
sila sa ilegal,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, iniutos na rin ng alkalde ang pagtatag ng special enforcement squad na tututok lamang sa
kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa pagkalat at pagbebenta ng hot meat, double dead o ‘botcha’.

Japanese national nagbigti ; Namatayan ng asawa

MANILA, Philippines — Sinasabing hindi na nakayanan ng isang Japanese national ang pangungulila sa
namatay niyang asawa kaya pinili na lamang nitong wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan nang
pagbibigti sa loob ng inuupahang condominium unit sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City kamakalawa.

Kinilala ng Marikina City Police ang biktima na si Hisashi Onodera, 70, ng Room 1008, 10th floor Cordova
Tower Marquinton Residences, Cirma St., Brgy. Sto. Niño.

Isang suicide letter naman ang nadiskubre ng mga awtoridad mula sa silid ng biktima.

Lumilitaw na nagawa umanong kitlin ng biktima ang sariling buhay dahil sa labis na pangungulila sa kanyang
asawa na binawian ng buhay noong Abril 10, 2019 na nagdulot upang magkaroon siya ng depresyon.

Katiting na rolbak sa susunod na linggo

MANILA, Philippines — Makakaranas ng maliit na pagbaba sa presyo ng petrolyo ang mga motorista at iba
pang komukonsumo ng petrolyo sa bansa ngayong darating na linggo, ayon sa mga oil experts.

Base ito sa pagtataya sa presyo ng petrolyo sa international market kabilang na ang Mean of Platts Singapore
(MOPS). Ibinase rin ito sa antas ng kalakalan sa pangmundong merkado mula Agosto 19 hanggang 22.

Ibinabase ang presyo ng petrolyo sa Pilipinas sa MOPS bilang benchmark. Ito ang arawang average ng
transaksyon sa diesel at gasolina.

Sa pagtataya ng independent oil player na Jetti, maaaring maglaro mula P.10-P.15 sentimos kada litro ng
diesel at P.20-P.25 sa kada litro ng gasolina ang maaaring ibaba. Tinataya naman na nasa P.10-P.15 sentimos
kada litro ang ibababa sa kerosene.

Maaari pa namang mabago ang ibababa sa presyo ng petrolyo depende sa kalakalan at ibabase sa cut-off
nitong Biyernes (Agosto 23) na hindi agad nakasama sa komputasyon.

Karaniwang isinasagawa ang pagbabago sa presyo ng petrolyo tuwing Martes ngunit may ilang mga kompanya
ng langis ang nauuna na sa kumpetisyon.

Sa datos buhat sa DOE, nasa P4.85 kada litro sa gasolina at P3.45 sa kada litro ng diesel na ang kabuuang
itinaas sa presyo mula nitong Enero 2019.
Rampa ng NAIA binaha

MANILA, Philippines — Binaha ang rampa ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 4 hanggang sa
domestic hangar ng iba pang mga eroplano na naging dahilan para hindi makalipad at makaalis ang mga ito
patungong sa mga probinsiya kahapon ng umaga.

Ayon kay Manila Internationa Airport general manager Ed Monreal, nagkaroon ng ‘flush flood’ na umabot
hanggang tuhod ang tubig baha pero agad naman itong naapula nang humupa ang malakas na ulan dulot ng
masamang panahon.

Sinabi ni Monreal na bumalik agad sa normal ang domestic flight operations nang unti-unting mawala ang tubig-
baha sa rampa ng nasabing terminal.

Nagkaroon din ng mga diverted flights ang mga domestic aircraft sa Clark International Airport pero agad
naman silang bumalik sa NAIA nang mawala na ang sama ng panahon at balik normal ang operasyon.

Humihingi ng paumanhin si Monreal sa mga pasaherong naapektuhan ng biglang pagbaha sa old domestic
airport at agad naman niyang pinasusuri ang nasabing aberya sa kanyang mga tauhan.

Granada sa dump site natagpuan

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng isang backhoe operator ang isang granada habang naghahakot ng mga
basura sa isang dump site sa Brgy. San Miguel, Pasig City kamakalawa ng hapon.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Pasig City Police na, dakong alas-4:00 ng hapon, naghahakot ng basura
ang backhoe operator na si Prado Toribio sa IPM Dump Site, Sandoval Ave., Brgy. San Miguel nang makita
ang naturang pampasabog.

Kaagad naman niya itong ipinaalam kay Francisco delos Reyes na siyang manager ng dumpsite, at siyang nag-
report ng insidente sa Pasig Police.

Rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-5 at Explosive and Ordnance Division
(EOD) ng Pasig Police at nirekober ang pampasabog na nang busisiin ay natukoy na isa palang stun grenade
o flashbang.

Pulis sentensiyado sa investment scam ; Mga kabaro ang biktima

MANILA, Philippines — Isang pulis na sangkot sa isang multi-million investment scam na bumiktima sa ibang
mga miyembro ng pulisya ang sinentensiyahan ng minimum na tatlong buwan hanggang anim na taong
pagkabilanggo makaraang mapatunayang nagkasala sa walong kaso ng estafa sa pamamagitan ng false
pretense at fraudulent misrepresentation.

Kinilala sa hatol na isinulat ni Quezon City Regional Trial Court Branch 10 Presiding Judge Editha Mina-Aguba
noong Agosto 23 ang nasentensiyahang akusado na si Senior Police Officer 1 Honorio Negrito, 52, na inatasan
din ng korte na magbayad ng P18-milyong danyos-pinsala.

“Isa itong klasikong kuwento ng isang investment program na umano’y nangangako ng umano’y pagbabalik ng
puhunan at nag-aalok ng mataas na tubo sa loob ng napakaikling panahon na sa sobrang husay ay nagiging
hindi kapani-paniwala,” sabi ni Aguba sa kanyang hatol.

Lumabas sa imbestigasyon na biniktima ni Negrito ang mga bagitong pulis at kahit ang mga ranking police
officer na ang ilan ay namuhunan ng halos P1 milyon mula sa kanilang retirement funds.

Si Negrito na nagsimula sa naturang negosyo noong 2005 ay nangako umano ng high-interest, high income
returns sa kanyang mga investor.

Para sa P100,000 investment, nangako si Negrito ng P6,000 per month returns para sa isang takdang
panahon.

Naaresto ang akusado noong Hunyo ng nakaraang taon nang ipalabas ng korte ang warrant laban sa kanya na
may piyansang P400,000.

Dahil sa baha operasyon ng PNR suspendido

MANILA, Philippines — Suspendido pansamantala ang operasyon ng mga tren ng Philippine National Railways
dahil na rin sa mga naranasang mga pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila na dulot ng malakas na pag-ulan
kahapon ng umaga.
Sa inisyung paabiso ng PNR, nabatid na dakong alas-7:00 ng umaga nang simulang ipatigil ang
operasyon para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Ipinaliwanag ni PNR Spokesperson at Operations Manager Joseline Geronimo na umabot ng 24-pulgada ang
baha sa ilang istasyon ng kanilang tren sa Maynila at Makati City kaya lubhang mapanganib kung itutuloy pa
nila ang kanilang biyahe.

May isa rin aniyang tren ang nagkaaberya sa bahagi ng Pedro Gil sa Maynila dahil sa naputol na kable ngunit
kaagad din naman itong nasolusyunan.

Siniguro naman ni Geronimo na kaagad nilang ibabalik sa normal ang kanilang operasyon sa sandaling
humupa ang mga pagbaha at matiyak nilang maayos at ligtas nang makakabiyahe ang kanilang mga tren.

Quezon City Hall may ‘All Gender’ CR na ; Para sa LGBT community

MANILA, Philippines — Mayroon na ngayong “All Gender” restrooms para sa mga miyembro ng LGBT
(Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community sa Quezon City hall compund.

Kahapon, nilagyan na ng QC Hall General Services Division ng “All Gender” sign ang mga naitalagang CR sa
city hall compound para magamit ng mga miyembro ng LGBT.

Ang hakbang ay bilang pagtalima ng Quezon City government sa City Ordinance 2357-2014 na kilala sa tawag
na Quezon City Gender-Fair Ordinance.

Sa ilalim ng batas na ito, ang lahat ng government agencies, private offices, commercial at industrial
establishments ay dapat na maglaan ng all-gender toilet rooms para sa LGBT community.

Ang QC Gender-Fair Ordinance ay naglalaan ng isang komprehensibong anti-discrimination policy batay sa


Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE).

Una nang sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na poprotektahan ang kapakanan ng mga miyembro ng
LGBT community mula sa mga lumalapastangan sa kanilang karapatan.

Ang lunsod ang unang nagtaguyod ng ordinansa sa buong bansa na nangangalaga sa kalagayan ng LGBT
community at si Belmonte ang nangunang ipasa ang naturang batas noong siya ay Vice Mayor pa lamang nito
noong 2013.

P4 milyong marijuana sinunog sa Cordillera

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Sinilaban ng mga awtoridad ang may halos P4 milyong halaga ng tanim na
marijuana na binunot sa dalawang plantasyon sa Brgy. Ngibat, Tinglayan, Kalinga kamakalawa.

Sinabi ni Cordillera Police Director Brig. General Israel Ephraim Dickson na ang 19,800 fully grown marijuana
plants ay nadiskubre sa pinagsamang 1,800 sq.m na lawak na lupain at nagkakahalaga ng P3,960,000, base
sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board. Naunang sinira ng pulisya ng Benguet ang P120,000 halaga ng katulad
na pananim sa Brgy. Palina, Kibungan.

Sa Bontoc, Mountain Province, nasa P1.2 milyong halaga naman ng 10 marijuana bricks ang nasamsam sa
turistang si Mark Daniel Isidro ng Tondo. Galing sa Kalinga si Isidro nang harangin ng pulisya ang sinasakyan
niyang jeepney sa Brgy. Tocucan matapos siyang isuplong ng isang impormante.

3 katao na dinukot, ibinaon ng NPA

MANILA, Philippines — Narekober na ang tatlo katao kabilang ang isang sundalo at retiradong pulis na dinukot
ng New People’s Army (NPA) pero pawang nakabaon na sa lupa ang kanilang bangkay na nahukay ng militar
sa Brgy. Digongan, Kitaotao, Bukidnon kamakalawa.

Kinilala ang mga bangkay na sina Sgt. Reynante Havana España, 42, nakatira sa San Francisco, Agusan del
Sur, at nakadestino bilang sundalo sa Surigao del Sur; Joel Rey Galendez, 43-anyos, isang retiradong pulis ng
Bunawan Agusan del Sur at Dionisio Camarillo Havana, 37, ng Sto. Nino, Carmen, Davao del Norte.

Sa ulat sa 10th Infantry Division ng Philippine Army, sa tulong ng mga miyembro ng Komiting Rebolusyonaryo
sa Municipalidad na kumalas sa NPA, nadiskubre ang pinagbaunan ng mga bangkay ng tatlo.

Nabatid na hanggang noong Hulyo ay nakapagbigay pa ng pera ang pamilya ng tatlong biktima sa NPA sa pag-
aakalang buhay pa ang mga ito.
Ang mga biktima kasama ang isang menor-de-edad ay sakay ng isang behikulo mula sa Cagayan de Oro City
noong Agosto 22, 2017 nang harangin at kidnapin ng mga rebelde sa Sitio Nabunturan, Brgy. Digonga,
Kitaotao.

Call center agent na dadalo sa hearing, itinumba!

MANILA, Philippines — Hindi na nakadalo sa pagdinig sa korte sa kasong may kinalaman sa away sa lupa ang
isang babaeng call center agent matapos na pabulagtain ng riding-in-tandem habang naghihintay ng
masasakyang tricycle sa Purok Gemilina, Brgy. San Miguel Odaca, Digos City, Davao del Sur, Biyernes ng
umaga.

Kinilala ang biktima na si Estrella Baisak Camallere, 50-anyos at call center agent ng IBEX sa Lanang, Davao
City.

Sa pagsisiyasat nina P/Senior Master Sgt. Reagan Patricio at P/Staff Sgt. Joel Ong ng Digos City Police, alas-
8:10 ng umaga pasakay ng tricycle ang biktima at papunta sa Camallere sa Regional Trial Court Branch 18 ng
Digos City para dumalo sa pagdinig nang biglang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa
motorsiklo saka siya binaril sa ulo.

Tinamaan sa tenga ang biktima sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis na tumakas ang mga
suspek. Narekober sa crime scene ang bala ng kalibre .45 na pistola na ginamit sa krimen.

2 ‘drug trafficker’ huli sa P4 milyong shabu

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang umano’y bigtime drug trafficker na high value target (HVT)
matapos silang masamsaman ng mahigit P4 milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang
magkakahiwalay na operasyon nitong Biyernes ng gabi at Sabado ng madaling araw sa Cebu City.

Sa ulat, unang nasakote sa Sitio Bato, Brgy. Ermita bandang alas-7 ng gabi ang suspek na si Ludevico
Abadiez, 39 anyos, nasa drug list ng pulisya at kilalang drug pusher sa kanilang lugar. Nakumpiska sa kanya
ang 520 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,536,000 at isang cal .38 pistol.

Lumalabas na nakakabenta umano si Abadiez ng isang kilo ng shabu kada linggo. Sa isa pang operasyon,
nasakote nitong Sabado ng alas-4 ng madaling araw ang isang alyas “Delta” sa anti-drug operation sa Brgy.

Pasil at nakumpiskahan ng P1,054,000 halaga ng shabu. Patuloy pa ang dragnet operation ng pulisya laban sa
mga kasamahan ng suspek.

Army vs NPA: 2 sundalo, 2 rebelde utas

MANILA, Philippines — Dalawang sundalo at dalawang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army
(NPA) ang napaslang makaraang magkasagupa ang kanilang tropa sa liblib na lugar sa Brgy. Olera, Calbayog
City, Samar nitong Biyernes.

Ayon kay Major Bard Caesar Mazo, spokesman ng 8th Infantry Division (ID) ng Philippine Army (PA), dakong
alas-7:15 ng umaga nang maka-engkuwentro ng 43rd Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebelde na
pinamumunuan ni Ka Salvador Nordan alyas “Badok” at “Gahi” sa ilalim ng NPA sub–regional committee
emporium sa nasabing lugar.

Sinabi ni Mazo, kasalukuyang nangongolekta ng revolutionary tax ang mga rebelde sa mga sibilyan sa lugar
nang masabat ng mga sundalo hanggang sa magkasagupaan. Aniya, minalas na napaslang sa engkuwentro
ang dalawang sundalo habang dalawa rin ang nalagas sa hanay ng mga rebelde.

Tumagal ng dalawang oras ang umaatikabong sagupaan hanggang sa mabilis na nagsitakas ang mga rebelde
bitbit ang mga nasugatan nilang kasama.

Narekober naman ng mga sundalo sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang M14 rifle na gamit ng
dalawang napatay na rebelde.
August 24

Higit P12-M halaga ng shabu nasamsam sa 2 Pampanga buy-bust


Aabot sa mahigit P12 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa Pampanga
matapos ang 2 magkahiwalay na buy-bust operations.

Noong Biyernes ng gabi ay natimbog ng Police Regional Office 3 sa Barangay Cabalantian, Bacolor,
Pampanga ang mga drug suspect na sina alyas "TJ," misis niyang si alyas "Marissa," at 3 iba pa.

Ayon sa regional drug enforcement unit (RDEU) ng Pampanga police, supplier ng droga ang 5 sa Bacolor,
Angeles, San Fernando, pati na rin sa Bulacan.

Hindi inakala ng pulisya na higit 1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7.4 milyon ang makukuha
sa mga suspek.

"Nu'ng pumayag sila na mag-deliver ng 25 grams, naghanda kami ng marked money na P20,000. Pero we
were surprised na more than 25 grams ang dala nila," ani Police Col. Rhoderick Armamento, hepe ng
Pampanga RDEU.

Nitong linggo lang, inaresto rin ang isa pang drug group na nahulihan naman ng 800 gramo ng hinihinalang
shabu na may street value na P5 milyon.

Mahaharap ang mga inarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Barilin ‘yan sa ulo — locsin

“SHOOT the shit in the back of the head.”

Ito ang galit na pahayag kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin
Jr. kaungnay nang balitang makakalaya ang convicted rapist at murderer na dating Calauan, Laguna mayor
Antonio Sanchez.

Sa Tweet ni Locsin, dapat aniyang mamatay sa loob ng selda si Sanchez.


“Shoot the shit in the back of the head. Anything less is a sellout.

Anything less clear is the same,” sabi pa sa kanyang Tweet.

Noong Martes, sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) at Department of Justice na kasama si Sanchez sa
11,000 bilanggo na posibleng mapalaya sa susunod na dalawang buwan matapos ang recomputation alinsunod
sa good conduct time allowance (GCTA) alinsunod sa Republic Act 10592.

“We are not throwing away the unprecedented gigantic political capital of two landslide electoral victories—
essential for major reforms—for this sick caricature of an hijo de puta. Period,” dagdag pa ng kalihim ng
Department of Foreign Affairs (DFA).

Nagbigay din ito ng reaksyon sa naging pahayag ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na dapat bigyan ng
second chance si Sanchez dahil ito ang nilalaman ng batas.

“He won’t be the first to be shot to pieces behind bars. No loss, no regrets, no nothing,” sabi pa nito.

Aniya, mainit na usapin ngayon ang pagpatay, at para sa kanya, ngayon ang tamang oras para may patayin.

“People today talk a lot about killing but nobody kills when killing needs to be done. Fucking fairies. All talk,”
dagdag pa ni Locsin.

Naunang lumabas ang ulat na kasama umano si Sanchez sa 11,000 bilanggo na nakatakdang lumaya ito sa
dalawang buwan matapos magkaroon ng recomputation sa Good Conduct ans Time Allowance (GCTA) sa bisa
ng Republic Act 10592.
Ngunit mariin itong pinabulaanan ni BuCor Director General Nicanor Faeldon, na ayon dito hindi puwedeng
makalaya si Sanchez, dahil may ilan pa itong kasong kinasasangkutan tulad ng droga sa New Bilibid Prisons.
(Armida Rico)

Locsin kinampihan sa pagsikreto ng protesta

NANINIWALA si Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra na may sapat na rason si
Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa hindi pagsasapubliko nito sa detalye ng diplomatic
protest na inihain laban sa China.

Kamakailan lamang ay naghain ng diplomatic protest si Locsin laban sa China kasunod ng pag-ulit-ulit
na paglalayag ng kanilang mga barkong pandigma sa mga territorial water ng bansa ng walang
anumang pahintulot mula sa gobyerno.

Subalit, tumanggi si Locsin na isapubliko ang detalye ng isinampang protesta.

Isko bumuo ng squad vs botcha

IPINAG-UTOS ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang pagbuo ng isang special
enforcement squad na tututok sa kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa ‘botcha’ o hot meat.

Sa isang mission order, inatasan ni Moreno ang Veterinary Inspection Board (VIB) Special Enforcement
Squad na magsagawa ng maigting na routine at strike operation sa Maynila.

Ang enforcement squad ang magbeberipika ng mga establisimyento na sangkot sa food trade sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng inspeksiyon, at quality control procedure.

“You are further directed to effect the seizure, confiscation, examination, disposition and disposal of
merchandise found to be illegal, and recommend the filing of appropriate cases for prosecution before the
proper court in the City of Manila,” ayon kay Moreno.

Sanhi ng bagong likha na squad ay magiging tuloy-tuloy ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa
illegal sale, manufacturing, processing at distribusyon ng mga double dead na mga karne ng baboy, baka,
poultry product, fish at aquatic product, at milk at dairy product.

Itinalaga ni Moreno si veterinarian Dr. Nicanor Santos Jr. bilang chief ng VIB Special Enforcement Squad.
(Juliet de Loza-Cudia)

Kaso ng leptospirosis sa Calabarzon 75 na

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal,


Quezon) ang mga residente sa rehiyon matapos na umabot na sa 75 ang bilang ng naitalang kaso ng
leptospirosis.

Sinabi ni DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo na iwasan ang maglakad sa tubig
lalo ngayong tag-ulan at may baha upang maiwasan na makapitan ng sakit na leptospirosis.

“If we have no business to go outside our homes, it is best to stay inside and be safe. Hindi tayo
nakakasiguro na ang dadaanan natin ay hindi baha at lalong hindi tayo nakakasiguro na malinis ang
tubig nito dahil sa mga basurang nakakalat sa paligid. Mas makabubuti nang umiwas at kung lalabas
naman makabubuting magsuot ng bota at siguraduhin na walang sugat o anumang gasgas ang ating
paa o binti dahil dito maaaring makapasok ang bacteria na nagdudulot ng leptospirosis,” paalala ni
Janairo.
“Kailangan din nating uminom ng prophylaxis gaya ng docycyline bago tayo lumusong sa tubig
upang makaiwas sa impeksyon na dala ng leptospirosis,” dagdag pa nito.

Naililipat ang sakit na leptospirosis sa balat na may sugat kung naglalakad sa mga lugar na may tubig
na posibleng kontaminado ng ihi ng isang hayop partikular ang daga.

Paalala ni Janairo na nakamamatay ang sakit na leptospirosis kaya payo nito na agad na
magpakunsulta sa doktor kung tayo ay nakakaranas ng lagnat, panginginig ng katawan o ‘chills’,
pananakit ng ulo, binti, kalamnan at kasu-kasuan, namumula ang mga mata, naninilaw ang balat at
nahihirapang umihi.

Sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), may kabuuang 75 na kaso ng
leptospirosis ang naitala sa CALABARZON mula Enero 1, 2019 hanggang Agosto 17, 20119 kung saan
may 12 namatay.

Nanguna ang Rizal sa may pinakamataas na naitalang kaso na 34 at 7 ang namatay; sumunod ang
Cavite kung saan 18 at 2 ang namatay; Laguna na 24 at 1 ang namatay; Batangas – 9 at 2 ang namatay
habang wala namang naitalang anumang kaso sa Quezon. (Gene Adsuara)

10% pay increase ‘di sapat — ACT

Hindi kuntento ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa inilaaang budget na P31 bilyon para sa umento
sa sahod ng 1.2 milyong empleyado ng gobyerno.

Ayon sa ACT, lumilitaw na 10 percent lamang ang itataas sa suweldo ng mga empleyado ng gobyerno.

“A meager 10% pay increase is not what President Duterte promised us. ‘A little bit bigger than before’ as the
President put it in his last SONA does not mean it’s better and sufficient. Such will neither give due recognition
to the significant work teachers and other rank-and-file employees do nor will it ‘tide us over’ in this economy,”
ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio.

Sa kanilang komputasyon, lalabas na P2,075 lamang ang magiging umento sa suweldo ng mga entry-level
public school teacher.

Mas malaki pa aniya ang P2,592 pay increase na ibinigay ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997 na
may inflation rate pa noon na 5.1%.

Nanindigan si Basilio na hindi makasasapat ang salary increase para maibalik ang dating halaga ng suweldo na
pinaliit dahil sa mga inflation sapul noong 2018.

Binanggit pa ni Basilio na ang makikinabang lamang sa 10% accross-the-board increase ay ang mga mataaas
na opisyal ng gobyerno at hindi ang mga nasa mababang salary grade.

“A dramatic increase in the pay of civilian rank-and-file employees would serve as a stop-gap measure in the
ever widening gap between the salaries of ordinary employees- which make up the overwhelming majority of
public sector workers and that of top officials,” ani ni Basilio.

Mga worker ng Nutriasia-Campos nagpasaklolo kay Duterte

NANAWAGAN ang Center for Trade Union and Human Rights sa mga opisyal ng gobyerno, kabilang
na kay Pangulong Rodrigo Duterte, na palayain ang 17 manggagawa ng NutriAsia na umano’y iligal na
inaresto ng mga awtoridad noong nakaraang buwan.

Ang mga manggagawa ng pabrikang minamay-ari ng mga Campos ay nagsagawa ng strike noong
Hulyo 6, 2019 dahil sa labor-only contracting, illegal deduction ng sahod, forced overtime,
underpayment ng overtime pay at harassment at fabrication ng kaso laban sa ilang miyembro ng
unyon.

Ang welga ay binuwag ng mga security guard at upahang tao at gumamit ng bulldozer para mawalis
ang mga nagpoprotesta. Inaresto din ng Cabuyao police ang 17 striker, 14 kalalakihan at 3 kababaihan
kung saan ilan umano sa mga babae ay tsinansingan pa ng mga pulis.

Ang mga inarestong manggagawa ay kinasuhan ng arson, serious and slight illegal detention,
malicious mischief, robbery, grave coercion at theft. Inilipat sila ng Provincial Jail sa ilalim ng Bureau of
Jail Management and Penology kahit walang court order umano.

Nakakulong pa rin ngayon ang 17 manggagawa dahil sa pinataw sa kanila ang P700,000 piyansa para sa
pansamantalang kalayaan na hindi naman nila kayang bayaran.

Ito rin ang hinaing ng mga manggagawa sa NutriAsia plant sa Marilao, Bulacan nang mag-strike sila
noong 2018.

Ang kanilang manifesto ay kanilang ipinarating kay Pangulong Duterte, Labor Secretary Silvestre
Bello, Justice Secretary Menardo Guevarra, Philippine National Police chief General Oscar Albayalde,
Commission on Human Rights at sa mismong may-ari ng NutriAsia na si Joselito Campos Jr.

Brazilian president tiklop sa bantang sanction dahil sa Amazon fire

NAPILITANG maglabas ng decree si President Jair Bolsonaro ng Brazil upang pahintulutan ang mga
sundalo sa pagsugpo ng wildfire sa Amazon.

Ginawa ito ni Bolsonaro matapos siyang balaan ng France at Ireland na hindi nila lalagdaan ang trade
deal kung walang gagawing hakbang ang kanyang gobyerno para puksain ang apoy sa Amazon jungle.

Pinaniniwalaan na sinadya ang sunog upang mapakinabangan ng mga magsasaka ang makakalbong
kagubatan.

Matatandaang sinuportahan ni Bolsonaro ang pagtagpas ng mga puno sa ilang bahagi ng Amazon
upang magamit sa agrikultura at pagmimina, pero sinalubong siya ng batikos dahil parang nagbigay na
siya ng go signal sa pagsira ng rainforest.

Ilan sa sanction na posibleng kaharapin ng Brazil ay ang ban sa importasyon ng karneng baka patungo
sa European Union.

Sa isang televised message nitong Biyernes, sinabi ni Bolsonaro na ang forest fire ay nangyayari rin sa
ibang panig ng bansa at hindi dapat ito gamiting dahilan para magpataw ng sanction sa Brazil.

Guanzon kay Cardema: Hindi siya victim, corrupt ‘yan!

MATIGAS ang paninindigan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa laban
kay dating National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema na tumatayong kinatawan ng Duterte
Youth Party-list group.

Sa isang panayam sa GMA 7, sinabi ni Guanzon na hindi siya makikipag-ayos kay Cardema na tinawag niyang
sinungaling, matanda, trying hard, mapagpanggap.

“Ba’t kami magbabati? I don’t even know him. ‘Wag siya magpakita sa akin, baka suntukin ko siya,” dagdag
nito.

Sinabi pa ni Guanzon na ang mga taong katulad ni Cardema ay wala dapat sa gobyerno.

“I don’t want him to look like the victim here, eh siya itong nagte-threaten as iha-harm ako, papatayin niya ako,
mga pamangkin ko. Iyong nagba-bribe ng commissioners, hindi ‘yan victim, corrupt ‘yan. Iyan ang mga taong
hindi dapat nakaupo sa puwesto,” hirit pa ni Guanzon.
Fever surveillance lanes, itinatag sa Quezon City : Dahil sa paglala ng dengue at leptospirosis

MANILA, Philippines — Mayroon na ngayong fever surveillance lanes sa mga barangay sa Quezon City.

Ito ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ay upang matamang mabantayan at masuri agad ang iba’t
ibang uri ng mga sakit na dumadapo sa mga komunidad lalo na ang kasong dengue, leptospirosis, viral
illnesses at iba pang sakit na madalas umuusbong kapag tag-ulan.

Anya, inatasan niya si QC Healh Officer Dra. Esperanza Arias na round the clock na subaybayan ang mga
health centers at bigyan ng kagyat na pangangailangang medikal ang mga nagkakasakit.

“Our health department is ready to address illnesses, including leptospirosis, that may peak during rainy
season. Aside from our strengthened awareness campaign, our health centers have protocols in place to treat
patients who have contacted leptospira,” pahayag ni Belmonte.

Idinagdag pa nito na kailangan ding palagiang makipag-ugnayan ang mga health centers sa mga barangay
officials upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng iba’t ibang sakit.

Batay sa tala ng QC Health Department (QCHD), may 160 kaso ng leptospirosis at may 21 nasawi mula
January 1 hanggang August 17 ngayong taon.

Gayunman, sinabi ni Arias na ang naturang kaso ng leptospirosis ay may 62 percent drop mula sa 432 cases
na may 60 nasawi sa kaparehong period ng 2018.

African student inaresto sa rape

ANGELES, Philippines — Isang estudyanteng African national ang inaresto habang isa pang kasama nito ang
tinutugis matapos silang ireklamo ng panggagahasa ng isang 20-anyos na dalaga na kanilang niyaya sa
inuman sa Hadrian II Street, Mt. View, Barangay Balibago, sa lungsod noong Huwebes ng madaling araw.

Sa report sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Maj. Dickson Tolentino, kinilala ang nadakip na
suspek na si Daniel Sumbo, 29, binata at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar habang nakatakas
ang isa pang suspek na kinilala lamang sa alias “Cope”.

Ang dalawa ay inireklamo ng isang jobless na dalaga ng Brgy. Capaya II.

Sa ulat, pasado alas-2:00 ng madaling araw, niyaya ni Sumbo ang biktima na uminom sa kanyang tinutuluyan.
Nang malasing ng alak ang biktima, dito na sinamantala ng mga suspek upang isagawa ang makamundong
pagnanasa.

Matapos ang pangyayari, nakatakas at nakauwi sa kanilang bahay ang biktima hanggang sa magsumbong sa
kanyang ina.

Humingi sila ng tulong kay Kagawad William Meneses kung kaya agad nagsagawa ng manhunt operation
dahilan upang madakip ang suspek na dinala sa Police Station 4.

90-days suspension vs Gov. Catamco, isinilbi

MANILA, Philippines — Isinilbi na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 90-days
suspension order laban kay North Cotabato Governor Nancy Catamco sa mismong opisina nito sa Provincial
Capitol, Amas, Kidapawan City noong Huwebes.

Ang suspension order ay tinanggap ng kapatid ng gobernadora na si Dr. Aldrin Catamco alas-4 ng hapon.

Matatandaang isinasangkot ang gobernadora sa graft at malversation charges kaugnay sa diumano’y pagsu-
supply ng overpriced fertilizers sa Poro, Cebu noong 2004, noong panahon na hindi pa siya nasa pulitika.
Kasama sa mga idinadawit sa nasabing kaso ay ang dating alkalde na si Orville Fua ng Lazi, Siquijor. Ang kaso
ay inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

Ika-5 obispo sa Malolos, itinalaga ng Vatican

MALOLOS CITY, Bulacan - Pormal nang umupo sa Katedral-Basilika ng Immaculada Concepcion de Malolos si
Bishop Dennis Villarojo bilang ikalimang obispo ng Diyosesis ng Malolos.

Ito’y matapos hirangin siya ni Pope Francis noong Mayo 14, 2019 at pormal nang itinalaga nitong Miyerkules
(Agosto 21, 2019) sa kapistahan ni San Pius X na patron ng bagong obispo.
Ang seremonya ng pagtatalaga kay Bishop Villarojo ay pinangunahan nina State of Vatican Ambassador to the
Philippines-Apostolic Nuncio Gabriele Giordano Caccia at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa mensahe ng pasasalamat, sinabi ni Bishop Villarojo na nang makita niya ang bagong coat-of-arms ng
Diocese na kanyang pamumunuan at ang logo ng lalawigan ng Bulacan, napansin niya ang tatlong mga
bulaklak na sumisimbolo sa “Bulak”.

Dahil dito, nangako ang bagong obispo na magi-ging simbolo ang mga Bulak na ito upang “pahirin ang luha ng
mga naghihirap at pahirin ang dugo ng mga nasasaktan”.

Sinaksihan ang makasaysayang araw ng pagtatalaga ng mga mana-nampalatayang Bulakenyo ng mga opisyal
ng pamahalaan sa pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Iniabot naman ni Bulacan Gov. Daniel Fernando kay Bishop Villarojo ang ceremonial key ng lalawigan bilang
pagsalubong sa magiging “bagong ta-hanan” nito bilang ikalimang obispo.

Yasay nagpiyansa

MANILA, Philippines — Humarap mismo sa korte si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay at
naglagak ng P240,000 piyansa para sa mga kasong paglabag sa General Banking Law at New Central Bank
Law.

Isinangkot si Yasay sa di umano’y sabwatan ng ilang opisyal ng Banco Filipino na nangyari noong 2003
hanggang 2006.

Giit naman ni Yasay, naging opisyal siya ng naturang bangko taong 2009.

Inaresto noong Huwebes ng hapon (August 22), si Yasay sa bahay nito sa Makati City at dinala sa Manila
Police District (MPD) Heaquarters.

Ngunit, Huwebes ng gabi, dinala ito sa Manila Doctors Hospital dahil sa paninikip ng dibdib at mataas na blood
pressure.

Pinayagan naman ito ng doktor na humarap sa korte ngunit kinailangan na bumalik sa ospital.

Samantala, tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Bangko Sentral hinggil sa kaso ni Yasay sa katuwiran
na masampahan sila ng kaso dahil sa paglabag sa subjudice rule.

‘No garage, no permit’ ordinance sa Marikina, pinuri ng DILG

MANILA, Philippines — Pinapurihan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo
Año ang ‘no garage, no permit ordinance’ ng Marikina City na nakatulong ng malaki na linisin at paluwagin ang
mga kalsada.

Sinabi ni Año na ang pagpasa ng Marikina City ng ordinansa na nagbibigay pahintulot sa mga motorista na
gamitin ang mga kalsada ng mga subdivision at ordinansa na nag-uutos na “no garage, no permit” ay lubhang
kinakailangan upang mabigyang-lunas ang matagal ng suliranin sa trapiko ng Metro Manila.

“Upang maibsan ang malalang trapiko sa bansa, kinakailangang manindigan at magpakita ng political will ang
mga pamahalaang lokal sa pagsasabatas ng mga bagong polisiya at pinupuri namin ang Marikina City sa
pagtugon dito,” sabi ni Año.

Ang ‘no garage, no permit ordinance ‘ay ipinatupad ng Marikina City at alinsunod sa ilalim ng polisiyang ito,
hindi gagawaran ng pamahalaang lungsod ng permit ang mga negosyo na hindi makakapagbigay ng
karampatang pasilidad sa parking.

“Hinihikayat din natin ang lahat ng mga LGU sa bansa na sundan ang ginagawa ng Marikina City at maging
matapang sa pagpapasa ng kanilang mga ordinansa,” dagdag niya.

Bukod dito, kamakailan lamang ay naglabas ng ordinansa ang Marikina City na nagbubukas ng mga pribadong
subdivision upang payagan ang publiko na makadaan at gamitin ang kanilang mga kalsada.

7 suspek sa Chiong sisters rape-slay, makikinabang sa GCTA-DOJ

MANILA, Philippines — Maaaring makinabang din sa ‘good conduct time allowance’ (GCTA) si Francisco Juan
“Paco” Larrañaga at anim pang nakulong sa pagdukot at pagpatay sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline
Chiong sa Cebu noong 1997.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra dahil nananatili pa rin sa ilalim ng kustodiya ng Pilipinas
ang pagkakakulong ni Larrañaga sa Spain.

Si Larrañaga ay kasalukuyang nakapiit sa Spain sa pamamagitan ng Transfer of Sentence Agreement dahil sa


kanyang dual citizenship.

“Yung pinag-uusapan ay kung saan mai-imprison yung person. So, in this case meron tayong agreement with
Spain kaya doon s’ya pero yung substantive law that will govern is still the Philippine law. So, in my opinion, he
will still benefit (from the increased GCTA) because he was tried, prosecuted and sentenced under Philippine
laws,” ani Guevarra.

Paliwanag ni Guevarra, hangga’t eligible ang isang preso sa ipinatutupad na batas, maaari itong makinabang.

Aniya, hindi mahalaga kung ang inmate ay isang high profile o hindi hanggat kuwalipikado sila, sisiyasatin ang
kanilang GCTAs.

Lalabag sa RA 10592 tanggal sa puwesto

MANILA, Philippines — Matatanggal sa puwesto at habambuhay na hindi na puwedeng magtrabaho sa


gobyerno bukod pa sa multang P100,000 ang ipapataw sa sinumang opisyal at empleyado ng gobyerno na
lalabag sa kontrobersiyal na Republic Act 10592, ang batas na posibleng maging daan sa paglaya ng nasa
11,000 bilanggo kasama si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Sa Section 6 o Penal Clause ng batas na ipinasa noong 2013, pinatitiyak na maipatutupad nang maayos ang
batas at may kaakibat na parusa sa mga lalabag.

Ipinaalala ni Sen. Nancy Binay na ang anumang pagkakamali sa pagkuwenta ng Good Conduct Time
Allowance (GCTA) ay maaaring maging daan para sa kawalan ng hustisya.

Sabi ni Binay, dapat maging maingat ang Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and
Penology (BJMP) sa pagkuwenta ng GCTA dahil posibleng may mapalayang bilanggo kahit hindi naman pasok
sa RA 10592.

Kapag nagkamali sa kuwenta, hindi na ito maaring i-revoke o bawiin.

Anya, dapat bigyang pansin din ang iba pang kaso na nabigyan ng Credits for Preventive Imprisonment (CPI) at
GCTA dahil maraming interpretasyon sa “good behavior.”

Sen. Go kay Sanchez: Baka umikli pa buhay mo sa labas


MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Sen. Bong Go si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na
manatili na lamang sa loob ng kulungan dahil posibleng mapatay lamang ito sa labas.

Ayon kay Go, hindi na dapat mangarap pang lumaya si Sanchez at dapat ay ipagpatuloy na lamang nito ang
pagbabayad sa kanyang mga kasalanan.

“Mr Sanchez, ‘wag ka nang mangarap na makalaya pa. Ipagpatuloy mo na lang pagbayaran ang mga kasa-
lanan mo dyan sa loob, kaysa lumabas ka, baka umikli pa ang iyong buhay,” sabi ni Go.

Noong 1995, si Sanchez ay na-convict sa kasong rape at murder kay Mary Eileen Sarmenta at pagpatay din sa
boyfriend nitong si Allan Gomez, kapwa estudyante ng UP-Los Baños.

Nahatulan si Sanchez ng 7 counts ng reclusion perpetua o 280 taon pagkakakulong.

Nagkaroon ng posibilidad na makalaya si Sanchez matapos itaas ang “good conduct time allowances (GCTA)
sa ilalim ng Republic Act 10592 kung saan maaring mabawasan ang taon na ilalagi sa loob ng bilangguan ng
mga presong nagpakita ng “good conduct.”

Nilinaw naman ni Go na hindi nag-aplay ng executive clemency si Sanchez at nakasama ang pangalan nito sa
listahan ng nasa 10,000 inmates na maaaring makinabang sa RA 10592.

Ayon kay Go, kinakailangan ng masusing pag-aaral sa kaso ni Sanchez at dapat ay matiyak na hindi siya
basta-basta makalalaya.

Southern Leyte vice governor ipinatawag ng Ombudsman sa rape case

MANILA, Philippines — Sa gitna ng mainit na isyu tungkol kay ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez
dahil sa rape-slay kay Eileen Sarmenta noong 1993, isang mataas na pinuno ng Southern Leyte ang haharap
sa Office of the Ombudsman sa Visayas dahil sa kasong rape.
Nakatakda ang pagdinig ng Ombudsman sa kaso ni Vice Gov. Christopherson Yap sa Agosto 28.

Nilalaman ng isang affidavit ang umano’y panghahalay ni Yap sa isang 17 taong gulang na dalaga noong 2016.

Ayon sa biktima, nangyari ang panggagahasa sa kanya ni Yap sa loob ng sports utility vehicle nito.

Isinalaysay niya na hindi naririnig ang kanyang sigaw ng pagsaklolo dahil nakatodo ang volume ng radyo at
nakasarado ang pintuan ng sasakyan.

Dagdag niya, tinangka ulit ni Yap na gahasain siya sa loob ng isang banyo makalipas ang dalawang linggo
subalit sa pagkakataong ito, pinigilan ng kanyang pinsan ang bise gobernador kaya hindi naisagawa ang
krimen.

Si Yap ay naging gobernador noong 2017, isang taon matapos maakusahan ng rape nang palitan niya ang
dinismis na si Governor Damian Mercado.

Nitong 2019 elections, nanalo si Mercado bilang governor at vice governor naman si Yap.

China visit ni Duterte tuloy

MANILA, Philippines — Tuloy si Pangulong Duterte sa August 28 hanggang Setyembre 1 para sa kanyang
ikalimang pagbisita sa China.

Ang biyahe ng Pangulo ay dahil na rin sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping kung saan magkakaroon
ng bilateral meeting ang dalawang lider.

Kaugnay nito’y inihayag ni Chief of Presidential Protocol Robert Borje na wala namang naka-schedule na one-
on-one meeting sina Pangulong Duterte at ng kanyang counterpart.

Ito na ang ika-8 pagpupulong nina Duterte at Xi na dito’y inaasahan ding ilang kasunduan at memorandum of
understanding ang lalagdaan.

Ilan dito ay ang agreement na may kinalaman sa education, science and technology, economic at social
development.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Meynardo Montealegre, inaasahang matatalakay sa bilateral meeting ng
dalawang Presidente ang tungkol sa pagpapalakas pa ng functional cooperation at mutual interest ng Pilipinas
at China.

Sinabi rin ni Montealegre, wala naman silang nadinig na komento ang China ukol sa plano ng Pangulo na
talakayin ni Pres. Xi ang arbitral ruling.

Manonood din ang Pangulo ng laro ng Gilas Pilipinas laban sa Italy sa 2019 Fiba World Cup.

Hindi naman matutuloy ang pagpunta ng Pangulo sa Fujian province kaugnay sa inagurasyon ng isang school
building bilang pagkilala sa kanyang ina na si Soledad.

BIR chief nagsampa ng libel, cyber libel vs Tulfo

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong ‘libel’ at ‘cyber libel’ sa piskalya ng Quezon City ang
kolumnistang si Ramon Tulfo dahil sa mga serye ng kolum nito na bumabatikos sa Bureau of Internal Revenue
(BIR) at kay BIR commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay.’

Sa reklamo, sinabi ng BIR chief na “false, reckless, and defamatory” ang mga bintang ng kolumnista laban sa
kanya sa serye ng mga kolum nito sa Manila Times kung saan inilarawan umano siya bilang isang “matakaw” at
“korap” na opisyal ng gobyerno na labis umanong nakasira sa kanyang pagkatao.

Kasama rin sa reklamo sina Manila Times President and CEO Dante F.M. Ang 2nd, at mga editors na sina
Rene Q. Bas, Blanca C. Mercado, Nerilyn A. Tenorio, Leena C. Chua, Arnold Belleza at Lynette O. Luna.

Humihingi si Dulay ng danyos na P20 milyon na aniya ay ibibigay naman niya para sa mga batang may
kapansanan sa L’Arche (Ang Arko ng Pilipinas, Inc.).

Hiniling din ni Dulay na maglabas ang korte ng “precautionary hold departure order” (HDO) laban kay Tulfo.

Ang reklamo ay patungkol sa serye ng mga artikulo ni Tulfo, partikular sa naging desisyon ng BIR sa mga kaso
ng Del Monte Philippines at Mighty Corporation kung saan nagpahayag ng kanyang opinyon si Tulfo na may
nangyaring “aregluhan” na milyong halaga ang nasasangkot.
Ang mga artikulo ay lumabas din sa “online edition” ng Manila Times, sa ‘Facebook account’ nito at maging sa
FB account ni Tulfo, na naging ‘viral’ umano at napabalita sa buong mundo.

Bunga nito, kahit umano mga kaibigan at miyembro ng kanyang pamilya sa labas ng Pilipinas ay tumawag sa
kanya upang alamin ang buong pangyayari.

Una nang nagsampa ng tatlong bilang ng libel at cyber libel laban kay Tulfo si Executive Secretary Salvador
Medialdea kung saan P140-milyon ang hinihingi nitong danyos-perwisyo.

Digong galit, hindi payag sa Sanchez release

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Palasyo na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay tutol na ma-
kalaya si convicted rapist at murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez gamit ang bagong
batas na Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sinabi ni Sen. Go sa isang panayam kahapon, hindi sang-ayon ang Pangulo na makinabang sa bagong batas
si Sanchez dahil sa GCTA.

“I cant speak in behalf of the President, pero kami nung nag usap kami ng Pangulo talagang nagalit din siya at
sinabi niya di rin siya sang-ayon at may mga sinita din siya na batas na minimum, in short ayaw din nya, galit
po sya,” wika pa ni Sen. Go.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi kuwalipikado na makinabang sa Republic
Act 10592 o Good Conduct Time Allowance Law si Sanchez.

Aniya, maliwanag ang letra ng batas sa Good Conduct Time Allowance na ang mga nahatulan ng hukuman na
gumawa ng karumal-dumal na krimen tulad ni Sanchez ay hindi puwedeng makinabang sa binabanggit na
batas.

Ayon kay Panelo, dating defense lawyer ni Sanchez, suportado ng Palasyo ang Department of Justice sa
inilabas na direktiba na dapat maging maingat ang Bureau of Corrections sa mga convicted criminals na
isasailalim sa ebalwasyon para makinabang sa GCTA.

Inihayag ni Panelo na handang sundin ng Executive Department ang letra at espiritu ng batas kung sino ang
kuwalipikado at hindi kuwalipikado sa GCTA Law.

Nauna ng niliwanag ng Korte Suprema na binigyan lang ng hudikatura ng interpretasyon ang Implementing
Rules and Regulation (IRR) ng Good Conduct Time Allowance Law.

Ayon kay SC Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka, ipinaliwanag lamang nila ang RA 10592 kung saan itinaas
ang good conduct time allowance ng mga preso na maaaring ipatupad sa sinumang bilanggo.

Ang tanging naging usapin anya ay kung retroactive ba ang GCTA o ang makikinabang lamang ay ang mga
masesentensyahan sa panahong ipinasa ang batas.

Binawi na ng BuCor ang unang pahayag na kasama si Sanchez sa 11,000 preso na posibleng makalaya dahil
sa GCTA.

Sinabi ni BuCor Director General Nicanor Faeldon, mahigit sa 49 ang criteria na dapat masunod bago
mabigyan ng GCTA ang isang bilanggo.

Isa lamang anya dito ang malabag ay hindi na kuwalipikado ang bilanggo na mabawasan ng taon na dapat
nyang gugulin sa Bilibid.

Dahil dito, sa unang tingin pa lamang anya sa record ni Sanchez ay hindi na ito kuwalipikado dahil sa bad
conduct nang mahulihan ito ng shabu at mamahaling mga kagamitan sa kanyang kubol.
AUGUST 23

Anti-dengue operation sa Quezon City, pinangunahan ni Mayor Joy Belmote

MANILA, Philippines – Pinangungunahan kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang anti dengue
operation sa Brgy. West Fairview sa Quezon City.

Namahagi rin si Belmonte sa barangay health center at barangay hall ng mga gamit para sa paglilinis ng
kapaligiran at pamuksa laban sa mga lamok tulad ng oliset nets at mga gagamiting insect repellant para sa
spraying activities.

Unang isinailalim sa clean up drive ang West Fairview Elementary School.

Ayon kay Mayor Belmonte, pinalawak pa nila ang anti-dengue operation kasunod ng mataas na bilang ng
tinatamaan nito sa lungsod lalo na sa Fairview.

Anya ,susunod sa operasyon kontra dengue ang iba pang lugar sa QC na may mataas din ang kaso ng sakit
na dengue tulad ng barangays Payatas, Commonwealth, Holy Spirit, Batasan, Pasong Tamo, Bagong
Silangan, Bagbag, Tandang Sora at Tatalon.

Sa rekord ng QC Health department, nakapagtala sila ng may 3,502 kaso ng dengue mula Enero hanggang
Agosto 10 ngayong taon at 29 na ang nasawi sa dengue sa lungsod.

Gayunman, sinabi ni Belmonte na mas mababa naman ang bilang ng kaso ng dengue sa QC ngayon ng may
15 percent kung ikukumpara sa kaparehong period noong 2018.

Sanchez release nag-viral : Galit ng netizens bumuhos

MANILA, Philippines – Kumalat sa social media ang mga pagkondena ng maraming netizens sa napipintong
paglaya umano sa bilangguan ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na convicted sa karumal-
dumal na panggagahasa at pagpatay sa isang estudyante ng University of the Philippines-Los Baños noong
1993, at pagpapahirap at pagpatay sa kasama nito.

Kinukwestiyon ng mga netizen kung paano magiging kuwalipikado sa good conduct ang dating alkalde gayung
nakumpiskahan din ito ng P1.5 milyong halaga ng shabu na itinago pa nito sa imahe ng Blessed Virgin Mary sa
kanyang selda sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong 2010.

Bukod dito, nahulihan din ito ng airconditioning unit at flat-screen TV sa isang raid naman noong 2015.

“Masakit basahin. Dapat habambuhay makulong si Sanchez,” ayon sa Facebook post ni Law professor Tony La
Viña.

“Good behavior daw?” ayon naman kay dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo sa kanya ring FB
account. “Another travesty of justice is ongoing under this administration,” aniya pa.

Sa isang petisyon naman sa change.org, nais nitong maipatupad ang pitong habambuhay na pagkabilanggo
na ipinataw ng hukuman kay Sanchez.

Maging ang pamilya ng mga biktima ay una na ring nagulantang sa umano ay biglaan at mabilisang takbo ng
pangyayari.

“Bumalik lahat ng sakit, ‘yung nakaraan, sumariwa lahat sa akin... Hanggang ngayon, di pa namin siya
nakikitaan ng pagsisisi... Walang remorse sa kaniyang ginawa,” ani Ma. Clara Sarmenta, ina ni Eileen.

Sanchez hindi lalaya’ – Bucor

MANILA, Philippines – Hindi pa tuluyang makakalabas ng bilangguan si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio
Sanchez makaraang sabihin ng Bureau of Corrections (BuCor) na hindi pa siya maaaring maging kuwalipikado
sa “good conduct and time allowance (GCTA)”.

Sa pulong-balitaan na ipinatawag ni BuCor Director General Nicanor Faeldon sa New Bilibid Prisons, sinabi
niya na kabilang ang pagkakadiskubre ng P1.5 milyong halaga ng iligal na droga sa selda ni Sanchez noong
2010 na dahilan para hindi ito makasama sa mapapalaya.

Sinabi pa ni Faeldon na maraming ulat ng hindi magandang asal ng dating alkalde sa bilangguan ang nakara-
ting sa kanya na siyang kakaltasin sa kanyang oras sa “good conduct”. Kasama rin dito ang pagkakadiskubre
ng ‘flat-screen television’ at air-conditioning unit sa kanyang selda noong 2015.
“Preliminary, kasi marami siyang involvement sa some not good behavior eh baka hindi nga siya
qualified That’s really the probability,” ayon kay Faeldon.

Nahatulan si Sanchez ng pitong bilang ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong noong 1995 dahil sa
pagpatay kina Allan Gomez at Eileen Sarmenta na ginahasa rin ng dating alkalde at ng mga tauhan
nito. Hinatulan rin siya ng dalawang reclusion perpetua ng Korte Suprema noong Agosto 1999 dahil sa
pagpatay sa mag-amang Nelson at Rickson Peñalosa.

Pruweba nasaan?

Samantala, humihingi ngayon ng ebidensya ang ina ni Eileen na si Clara Sarmenta ng pagiging matino ni
Sanchez sa bilangguan.

“Kailangan talaga naming makita, bigyan kami ng copy ng computation ng proof na well-behaved,” giit ni
Sarmenta.

“Paano naging good behavior, hindi naman niya sinunod lahat ng patakaran tulad ng may aircon, may
cellphone, to top it all off, may shabu sa statue ni Mama Mary. Paano siya entitled sa batas?” tanong pa niya sa
pamahalaan. Binanggit pa niya na, bagaman hindi sila umaasa sa danyos pinsala na ipinataw kay Sanchez,
wala rin itong binayaran sa kanila.

Sinabi pa niya na unti-unti na silang nakakarekober sa trahedya sa kanilang pamilya ngunit muling nanariwa
ang naghihilom na nilang sugat nang mabalitaan ang planong pagpapalaya sa dating alkalde na gumahasa at
nagpapatay sa kanilang anak na kung nabubuhay ay 48-anyos na sa darating na Setyembre 16.

Prison Record Bubusisiin

Samantala, inihayag ng Department of Justice na aalamin nila ang prison record ni Sanchez upang malaman
kung kuwalipikado itong makalaya bunsod na rin ng ipinakitang maayos na pag-uugali sa loob ng kulungan.

Ayon kay DOJ Undersecretary at spokesperson Markk Peret, pag-aaralan nila ang good conduct time ng mga
high-profile at heinous crime convicts matapos na umani ng batikos ang umano’y posibleng paglaya ni
Sanchez.

Bagama’t posibleng makinabang si Sanchez at iba pa sa programa, kailangan pa ring marebisa ang record
kung karapat-dapat ang mga ito sa ipinatutupad na batas.

Kung makumpirma ang mga napaulat na mga paglabag ni Sanchez sa kulungan, dito isasagawa
ang evaluation at re-evaluation ng monitoring team at malalaman kung kuwalipikado ito.

Magkakatalo sa computation

Ayon naman kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magkakatalo na lamang sa computation ng bilang
ng taon na dapat ibawas sa sentensiya ni Sanchez.

“Hindi na kakayanin pa ng apela o ng anumang intervention kung lalabas na talagang kuwalipikado si Sanchez
para makabenepisyo sa Republic Act 10592,” sabi pa ni Panelo na abogado ni Sanchez noong panahong
nililitis ito.

Wika ni Panelo, bahala na ang BUCOR kung paano ire-recompute ang pagbabawas sa sentensya ni Sanchez
na umano’y nagpakita ng good behavior dahilan para makasama ito sa mga umano’y nakatakdang
lumaya matapos ang mahigit dalawang dekada.

May 29, 2013 nang lagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang Republic Act 10592 na nagbabawas ng
15 araw kada buwan sa kulungan ng isang inmate na nagpapakita ng good behavior.

Senate, House Probe

Samantala, takda na ring imbestigahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nakaambang paglaya ni
Sanchez.

Sinabi kahapon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na papaimbestigahan niya sa kinauukulang komite ng
Senado ang Board of Pardons and Parole (BPP) upang malaman kung papaano ang ginawang pagkuwenta sa
“good conduct allowance” ni Sanchez.

Ikinagulat ni Drilon, dating Chief Justice nang masentensiyahan si Sanchez, kung papaano nakasama ang
pangalan ng dating mayor sa mga posibleng makalaya dahil sa “good conduct” kahit pa pitong termino na may
40 taong pagkabilanggo ang sentensiya sa kanya.
Pinaiimbestigahan na rin ni House Committee on Justice Vice chairman Alfredo Garbin ang napipintong
pagpapalaya kay Sanchez.

Ayon kay Garbin, kailangang tiyakin na naipatutupad nang tama ang Republic Act 10592 o ang conditional
expanded Good Conduct Time Allowance (GCTA) at tanging mga karapat-dapat na inmates lang ang
makakapag-avail nito. Doris Franche, Rudy Andal, Malou Escudero, Gemma Garcia.

Bato na-high blood sa hearing ng panukalang ibalik ang ROTC


MANILA, Philippines – Nagalit at na-high blood kahapon si Senador Ronald “Bato” de la Rosa sa pagdinig ng
Senate committee on Basic Education, Arts and Culture na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian
matapos siyang patutsadahan ng isang estudyante tungkol sa pahayag niya na pumapabor sa posibleng
paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Habang binabasa ni Raoul Manuel ang position paper ng National Union of Students of the Philippines (NUSP),
binanggit nito na baka mahirapan na i-uphold ang batas at rights awareness sa hanay ng mga public officials
lalo na kung may senador na pabor na mabigyan ng isa pang pagkakataon na makalaya ang isang rapist na
mayor habang ang mga mahihirap ay madaling matokhang.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Dela Rosa na maaring mabigyan ng “second chance” si Sanchez
kung nagbago na ito.

Agad na nagpanting si Dela Rosa sa sinabi ni Manuel at tinanong kung kasama ba ang kanyang statement sa
pagdinig ng panukalang ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Sinabi rin ni Dela Rosa na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Manuel na ang ROTC ay misrepresentation ng
nationalism.

Kinuwestiyon din ni Dela Rosa kung totoong kinatawan ng mga estudyante si Manuel.

Hinala rin ni Dela Rosa, pinipersonal siya ni Manuel at dapat umano itong matutong rumespeto sa isang
senador.

Hiniling naman ni Senator Pia Cayetano na tanggalin sa record ng pagdinig ang mga sinabi ni Manuel na hindi
kasama sa isyu ng ROTC.

Sumabat na si Gatchalian at ipinasumite na lamang kay Manuel at sa iba pang grupo ng mga estudyante ang
kanilang position papers tungkol sa ROTC.

Hiniling din ni Cayetano kay Gatchalian na paalalahanan ang mga bisita na huwag lumihis sa topic at huwag
aksayahin ang oras ng komite.

Ayon pa kay Dela Rosa, hindi naman siya ang gumawa ng batas na maaaring maging daan para makalaya si
Sanchez.

Sa huli ay humingi ng tawad si Manuel at nangako na hindi na mauulit ang nangyari sakaling muling imbitahan
sa pagdinig.

Sa huling bahagi ng pagdinig ay nagpalabas ng isang video si Gatchalian tungkol sa junior ROTC Amerika pero
nagpaalam na si Dela Rosa at hindi na ito napanood dahil hina-high blood na umano siya.

‘Walang banta sa paglaya ng 11,000 preso’ - PNP


MANILA, Philippines – Walang nakikitang banta sa seguridad ang Philippine National Police kaugnay ng
napipintong pagpapalaya sa tinatayang 11,000 bilanggo sa National Bilibid Prison (NBP).

“Ipinauubaya namin ang usapin sa tamang diskresyon ng korte at batas. Pagkaraang mapagsilbihan nila ang
kanilang oras sa kulungan, naniniwala kaming hindi sila magiging banta sa seguridad,” pahayag ni PNP
Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac.

Sa kabila nito, sinabi ni Banac na sakaling gumawang muli ng krimen ang nasabing mga preso ay handa nilang
muling arestuhin ang mga ito at panagutin sa batas.

Ginawa ni Banac ang pahayag bilang reaksyon sa napaulat na napipintong pagpapalaya sa 11,000 inmates
dahil sa binagong patakaran sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa ilalim ng Republic Act 10592 na
nagpapaikli ng sentensya ng mga nasentensyahang preso na nagpakita ng magandang pag-uugali sa
bilangguan.

Pag-angkat ng baboy bawal sa ilang lalawigan


MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinagbawal ang pag-angkat o pagpasok ng baboy sa ilang lalawigan
kasunod ng ulat ng pagdami ng mga namamatay na alagang baboy dahil sa hindi pa natutukoy na sakit.

Ilang quarantine checkpoint ang ipinuwesto sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan matapos iutos ng provincial
government ang temporary ban sa pagpasok ng mga baboy mula sa ibang lalawigan bilang pag-iingat.

Sa Guiguinto, Bulacan, pansamantalang isinara ang mga timbangan o lagakan ng baboy mula sa ibang mga
lalawigan.

Ang Bulacan ang nagsusuplay ng hanggang 60 porsiyento ng baboy sa Metro Manila.

Ipinagbawal na rin ng provincial government ng Bohol ang pagbiyahe at pagpasok ng mga baboy at karne kung
walang health certificate, shipping permit at meat inspection certificate.

Sa Cebu, isang task force ang binuo para maiwasang magkahawaan ng sakit ang mga baboy.

Sinusuyod naman ng lokal na Department of Agriculture at veterinary office ng Pampanga sa mga babuyan
para malaman kung may mga apektadong baboy.

Inaasahang malalaman na sa Setyembre ng Department of Agriculture (DA) ang resulta ng isinagawang


pagsusuri sa blood samples ng mga baboy na namatay sa ating bansa lalo na sa Luzon.

Ito ang sinabi ni DA spokesperson Noel Reyes makaraang maipadala na ng ahensiya sa Europa ang mga
blood samples na hinihinalang nagtataglay ng virus na pumatay sa mga alagaing baboy sa ating bansa.

Ex-DFA chief Yasay dinakip


MANILA, Philippines – Nakakulong ngayon sa Manila Police District-Criminal Investigation and Detection Unit si
dating Department of Foreign Affairs Secretary at dating Security Exchange Commission Chairman Perfecto
Yasay matapos itong arestuhin sa kanyang bahay sa Makati City kahapon ng hapon.

Sa ulat ng MPD-PIO, dakong alas-3 ng hapon nang dakpin sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila
Regional Trial Court Branch 10 laban kay Yasay sa kanyang bahay sa Unit 4905 Milano Residences, Century
City Road, Barangay Poblacion, Makati City.

Bago ang pag-aresto, lumutang sa tanggapan ng CIDU si Atty. John Irvin Velasquez, kinatawan ng Bangko
Sentral ng Pilipinas at humiling ng police assistance upang maisilbi ang warrant laban sa 73-anyos na si Yasay.

Sa record ng kaso, si Yasay kasama ang 5 iba pa ay nagsabwatan umano upang makapangutang ng
P350,000,000 sa Banco Filipino para sa Tierrasud Incorporated na ginagarantiyahan ng real properties na pag-
aari ng Tropical Land Corporation.

Nang makuha na ang salaping inutang, hindi inireport ng mga akusado ang naturang loan na naganap noong
2001 hanggang 2009.

Sa kanyang panig naman, mariing itinanggi ni Yasay ang alegasyon at nanindigan na hindi siya magpipiyansa
dahil kailangang kuwestiyunin niya ang maling pagsasangkot sa kanya sa kaso.

Meron bang 'heinous crime' sa ngayon? SC nagpaliwanag

MANILA, Philippines — Matapos dumistansya ng Korte Suprema sa posibleng paglaya ng isang convicted
rapist-murderer, naungkat ngayong Biyernes kung meron nga umiiral na pakahulugan sa "heinous" o karumal-
dumal na krimen sa ngayon.

Sa Republic Act 10592 kasi, na gagamitin para malaman kung makalalaya si ex-Calauan Mayor Antonio
Sanchez, sinasabing hindi eligible para sa pinalawig na good conduct time allowance ang mga napatunayang
gumawa ng "heinous crimes."
"[R]ecidivists, habitual delinquents, escapees and persons charged with heinous crimes are excluded from the
coverage of this Act."

Binabawasan ng GCTA ang sintensyang ipinapataw sa isang krimal kaugnay ng mabuting asal na ipinamalas
sa loob ng kulungan.

Kung sa lagay ni Sanchez, humaharap siya sa pitong counts ng reclusion perpetua (hanggang 40 taong
pagkakakulong) dahil sa panghahalay at pagkamatay nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez, mga estudyante
ng UP Baños, noong 1993.
Pinarusahan din siya ng karagdagang dalawang reclusion perpetua para sa isa pang murder case taong 1999,
kung kaya't 360 taong pagkakakulong ang kanyang hinaharap. Ayon sa Revised Penal Code, sabay-sabay na
sine-serve ng nahatulan ang kanyang sentensya at hindi siya maaring lumagpas ng 40 na taon sa piitan.
Walang 'heinous crime' sa ngayon

Isinalarawan sa RA 7659, o death penalty law, ang pakahulugan ng heinous crime, na noo'y pinarurusahan ng
kamatayan.

"[T]heir inherent or manifest wickedness, viciousness, atrocity and perversity are repugnant and outrageous to
the common standards and norms of decency and morality in a just, civilized and ordered society."

Ilan sa mga heinous crimes na dating pwedeng patawan ng bitay ay ang:

 treason
 qualified piracy
 murder
 kidnapping and serious illegal detention
 rape na ginawa gamit ang deadly weapon
 panghahalay ng dalawa pataas na katao at pagkamatay (homicide) ng biktima dahil dito
 atbp.

Sa kaso ni Sanchez, napatunayan ang kanilang paggamit ng baril at pagkamatay ng biktima habang siya'y
gina-gang rape, na pasok sa lumang depenisyon ng heinous crime.

Gayunpaman, na-repeal at na-amyendahan ang RA 8177 at RA 7659 taong 2006, dahilan para masuspinde
ang pagpapatupad ng bitay.
Simula nito, walang aktibong batas na nagbibigay pakahulugan sa heinous crime sa kasalukuyan.

Depenisyon 'mauuwi sa executive'

Sa isang press conference kanina, sinabi ni Supreme Court spokesperson Brian Hosaka na ilalagay na nila sa
kamay ng ehekutibo kung bibigyan ng GCTA ang mga presong gumawa ng karumal-dumal na krimen.

"[T]hat goes into the implementation already of the RA 10592, so perhaps we will just have to wait for that
particular branch of government, in this case, the executive, to determine that."

Nang tanungin ng media kung gagamitin ang lumang depenisyon kahit suspendido ang death penalty, eto ang
sinabi ni Hosaka: "I would have to defer that to the branch of government who would be determining the good
conduct time allowance."

Matatandaang una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi sakop ng RA 10592 ang mga
gumawa ng heinous crimes.

Mga baril ng security firms ipinasusuko


MANILA, Philippines – Binalaan kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang mga security agencies na
isurender ang mga matataas na kalibre ng mga armas o tuluyan nang huminto sa kanilang operasyon.

“We will issue cease to operate and we will not renew their licenses to operate. Magsasagawa tayo ng Oplan
Tokhang sa mga ahensiya ng mga security firm kapag hindi nila isinuko ang mga high powered firearms,”
pahayag ni PNP-Civil Security Group (PNP-CSG) Director Police Brig. Gen. Roberto Fajardo.

Ang hakbang ay matapos na maagawan ng mga rebeldeng New People’s Army ang limang guwardiya ng AY76
security agency ng Minergy Power Corporation sa Brgy. Quezon, Balingasag, Misamis Oriental ng limang AK
47 assault rifle noong Agosto 19, 2019.

Sinabi ni Fajardo na patuloy pa ang masusing imbestigasyon sa posibleng kapabayaan ng mga security guard
na nagbabantay sa nasabing pasilidad.

Police state?: P8-bilyong 'surveillance budget' para sa 2020 kwinestyon


MANILA, Philippines — Ipinasisilip ngayon ng isang mambabatas ang panukalang P8.28 bilyong pondo na
gagamitin sa diumano para sa "paniniktik" ng gobyerno sa 2020.

Pangamba ni House Deputy Minority Leader Carlos Zarate (Bayan Muna party-list), itratransporma nito ang
bansa sa pagiging police o military state.

"Kailangang masilip nang husto ang panukalang national budget, lalo na't banta sa karapatang pantao ang
surveillance budget," wika ni Zarate sa isang pahayag Biyernes sa Inggles.

Ibinatay nila ito sa panukalang P4.1-trilyong national budget na isinumite ng Department of Budget and
Management sa Kongreso para sa taong 2020 na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang
Gabinete.
Ayon kay Zarate, gagamitin ang intelligence at confidential expenses sa nasabing Budget of Expenditures and
Sources of Financing, na kalakip ng National Expenditure Program, para sa surveillance.
Ipinagtanggol naman ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang paglobo ng pondo.
"Mahirap magtanggol ng bansa... kailangan mo ng pera, tao, makina at teknolohiya. Malaking pera ang
kakailanganin," ani Panelo sa isang press briefing.

"Hindi ko alam eksakto ang dahilan, pero kung tatanungin mo ako, gagamitin ko ang sentido de komon ko at
sasabihing kailangan ng pera kung gusto mong tiyakin ang seguridad ng bansa."

P4.5 bilyon para sa OP

Sa P8.28 bilyon, sinasabing P4,786,652,000 ang ilalaan ng administrasyong Duterte sa gastusing intelligence.

Mas mataas ito nang bahagya sa inilaan noong 2019.

Sa halagang ito, P4.5 bilyong pera para sa paniniktik ang mapupunta sa Office of the President: P2.25 bilyon
para sa intelligence funds at isa pang P2.25 bilyon para sa confidential funds.

"Ang [OP] ang isa sa mahuhusay na tanggapang kayang magsiguro sa security ng bansa," sabi ni Panelo nang
tanungin kung bakit hindi ito idiniretso sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Tiniyak naman ng Palasyo na iingatan nila ang P4.1 trilyong pera at gagamitin ito nang maayos.

Pondong paniktik sa mga departamento

Maliban sa pondong planong igugol sa OP, makatatanggap din ng intelligence funds ang iba pang ahensya ng
pamahalaan.

 Department of Interior and Local Government-Philippine National Police (P 806.02 milyon)


 Department of National Defense-Armed Forces of the Philippines (P1.70 bilyon
 Department of Trnsportation, na may hawak sa Philippine Coast Guard (P10 milyon)
 iba pang executive offices (P590 milyon)

Hahatiin naman ang intelligence funds ng DND-AFP sa ganitong paraan:

 Office of the Secretary (P10 milyon)


 Philippine Army (P444 milyon)
 Philippine Air Force (P17 milyon)
 Philippine Navy (P39.7 milyon)
 General Headquarters (P1.18 bilyon)

Plano namang gumastos ng gobyerno ng P3,497,132,000 para sa confidential expenses, na mas mataas
inilaan noong 2018 at 2019.

Narito ang mga confidential funds sa mga ahensya:

 Department of Environment and Natural Resources (P13.95 milyon)


 Department of Foreign Affairs (P50 milyon)
 DILG (P80.6 milyon)
 Department of Justice, kasama ang Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation (P357.64
milyon)
 DND (P23 milyon)
 DOTr kasama ang PCG (P6.67 milyon)
 Commission on Audit (P10 milyon)
 Ombudsman (P33.7 milyon)
 Commission on Human Rights (P1 milyon)

Para sa HSA, anti-subversion law?

Duda naman si Zarate sa tunay na layunin ng pagdagdag ng mga nabanggit na pondo.

Sabi ng kinatawan ng Bayan Muna, ginagawa ito kasabay ng itinutulak na pag-amyenda sa Human Security
Act, anti-subversion law at militarisasyon ng mga kampus.

"De facto martial law sa buong bansa ang mangyayari sa atin nito," sabi ng Davao-based solon.
Sa nais amyendahan na HSA, gusto raw ng administrasyon na ipiit ang mga pinaghihinalaang terorista ng
hanggang 60 na araw kahit walang kaso at pagpapatagal ng wire tapping sa mga suspek sa hanggang
dalawang buwan.

"Gusto rin nilang ibaba sa P500,000 kada araw ang multa para sa wrongful arrest. Sa paglala ng human rights
sa bansa, pwedeng damputin na lang ng PNP at AFP ang sinuman kung makuha nila ang amendments na ito,"
sabi pa ni Zarate.
AUGUST 22

Pag-angkat ng baboy ipinagbawal sa ilang lalawigan


Pansamantalang ipinagbawal ang pag-angkat o pagpasok ng baboy sa ilang lalawigan kasunod ng ulat ng
pagdami ng mga namamatay na alagang baboy dahil sa hindi pa natutukoy na sakit.

Ilang quarantine checkpoint ang ipinuwesto sa iba't ibang bayan sa Pangasinan matapos ipag-utos ng
provincial government ang temporary ban sa pagpasok ng mga baboy mula sa ibang lalawigan bilang pag-
iingat.

Sa Guiguinto, Bulacan, pansamantalang isinara ang mga timbangan o lagakan ng baboy mula sa ibang mga
lalawigan.

Ang Bulacan ang nagsusuplay ng hanggang 60 porsiyento ng baboy sa Metro Manila.

Ipinagbawal na rin ng provincial government ng Bohol ang pagbiyahe at pagpasok ng mga baboy at karne kung
walang health certificate, shipping permit at meat inspection certificate.

Sa Cebu, isang task force ang binuo para maiwasang magkahawaan ng sakit ang mga baboy.

Sinusuyod naman ng lokal na Department of Agriculture at veterinary office ng Pampanga sa mga babuyan
para malaman kung may mga apektadong baboy.

Magkakaroon naman simula Lunes ng mga quarantine checkpoint sa iba't ibang lugar sa Quezon City.

Inihayag noong Lunes ni acting Agriculture Secretary William Dar na nakatanggap sila ng ulat ukol sa pagtaas
ng bilang ng mga baboy na namamatay sa ilang lugar sa bansa.

Isasailalim ang mga namatay na baboy sa lab exam para matukoy kung ano ang ikinamatay ng mga ito.

Tiniyak naman noong Miyerkoles ni Agriculture spokesperson Noel Reyes na ligtas ang mga ibinebentang
karne ng baboy sa merkado.

Ilang doktor dismayado sa di pagbalik ng Dengvaxia registration


Dismayado ang isang grupo ng mga doktor sa pagtanggi ng Department of Health na bigyan muli ng certificate
of product registration ang dengue vaccine na Dengvaxia.

"Hindi ba tayo nakokonsensiya na inaalis natin 'yong isang paraan para mailigtas natin ang ating mga bata sa
kamatayan o sa sakit ng dengue dahil sa isang technicality?" ani Dr. Lulu Bravo ng grupong Doctors for Truth
and Public Welfare (DTPW).

Ibinasura nitong Huwebes ng DOH ang apela ng French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur para
bigyan ulit ng certificate of product registration ang Dengvaxia.

Ipinaliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi isyu sa kaso ang bisa ng gamot kundi sa
kabiguan ng Sanofi na magsumite ng mga dokumento.

"The efficacy of the Dengvaxia itself is not an issue in this case," ani Duque.

"Ito po ay ni-revoke dahil sa patuloy na paglabag doon po sa kondisyon... kinakailangang magsumite sila ng
post-marketing surveillance report," paliwanag ni Duque.

Apat na dokumento ang dapat sana'y ipinasa ng Sanofi sa Food and Drug Administration (FDA), na
magsisilbing mga ulat para malaman ang estado ng bakuna lalo at bago pa lang itong develop o gawa, pero 3
lang ang isinumite ng kompanya.

"Magsusumite sila sa FDA kapag may na-identify na change, safety update, risk update," ani Health Assistant
Secretary Charade Grande.

Sa isang pahayag, sinabi ng Sanofi na bagaman hindi sila sang-ayon sa desisyon ng DOH, nagpapasalamat pa
rin sila dahil malinaw na walang kinalaman ang bisa ng bakuna sa desisyon.

Pag-aaralan daw ng kompanya ang mga susunod na hakbang.

Binawi noong Pebrero ng FDA ang certificate of product registration ng Dengvaxia. Kasunod ito ng pagbunyag
ng Sanofi na maaaring magdulot ang bakuna ng malubhang sintomas kapag ibinigay sa mga taong hindi pa
nagkakaroon ng dengue.

Nilinaw naman ni Duque na puwedeng mag-aplay ang Sanofi ng bagong certificate of registration.

Nagdeklara noong Agosto 6 ang DOH ng national dengue epidemic kasunod ng patuloy na pagtaas ng bilang
ng mga kaso ng dengue sa bansa.
184 Chinese na-dengue; maruming paligid, naipong tubig sinisi
Nasa 184 manggagawang Chinese sa GN Power Coal Plant sa Mariveles, Bataan ang tinamaan ng dengue
mula pa noong Enero, ayon sa pamunuan ng planta.

Ayon sa tala ng planta, aabot sa 120 Chinese workers at dalawang Pinoy ang nagkaroon ng dengue simula
Pebrero hanggang Abril, dahilan para magdeklara ng outbreak ang provincial health office ng Bataan sa planta
noong Mayo.

Samantala, aabot naman sa 64 Chinese at apat na Pinoy ang natamaan ng ikalawang outbreak mula Hunyo
hanggang Agosto.

Ayon kay Dr. Rosanna Buccahan, pinuno ng Bataan Provincial Health Office, stagnant water o naipong tubig sa
tinitirhan ng mga manggagawa ang posibleng dahilan ng kanilang sakit.

"Upon investigation nakita namin 'yung difference noong kanilang accommodation… Comparing to the other
accommodations doon sa mga Pinoy, medyo talagang may mga stagnant water dito sa sa level 2 and 3 (ng
planta) na tinitirhan ng mga Chinese,” ani Buccahan

Aabot sa 1,000 Chinese workers ang nagtatrabaho sa planta, at naninirahan sila rito habang hindi pa tapos ang
kanilang proyekto.

Sa ilalim ng engineering, procurement, and construction nagtatrabaho ang mga Chinese workers, at trabaho
nilang mag-supervise sa mga Pinoy construction worker na nagtatrabaho sa lugar.

Sa unang outbreak pa lang, namili na raw ang kompanya ng fogging at health equipment tulad ng thermal
scanner at mga dengue test kit upang agad ma-detect ang dengue sa mga empleyado.

Ayon kay Roberto Racelis, Jr., Community Relations Vice President ng GN Power, walang naitalang kaso ng
dengue ang planta sa nakalipas na linggo.

Kasama ang mga kaso ng GN Power sa 989 kaso ng dengue sa Bataan simula Enero hanggang Agosto. Pero
mas mababa ito ng 21 porsiyento kumpara sa parehong mga buwan noong 2018.

Nakikipagtulungan na rin ang GN Power sa paglilinis at fogging sa Barangay Alasasin na nakakasakop sa


kanila.

NLEX Balagtas Northbound, bukas na

MANILA, Philippines — Isa na namang magandang balita para sa mga motorista matapos na pormal nang
buksan ang North Luzon Expressway (NLEX) Balagtas Northbound Entry.

Pinangunahan nina Sec. Mark A. Villar, ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Bulacan Gov.
Daniel Fernando at Luigi Bautista, presidente at general manager ng NLEX Corporation ang pagbubukas ng
NLEX Balagtas northbound kamakalawa ng hapon. Ang nasabing proyekto na nagkokonekta sa Plaridel
Bypass Road sa NLEX upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Sta. Rita Exit at Daang Maharlika
partikular na sa Plaridel at Guiguinto ay makababawas sa trapiko ng 30 porsyento habang mapapabilis naman
ang biyahe ng 50 porsyento patungong Pampanga.

Nagpasalamat si Fernando sa proyekto at sinabing isa itong biyaya para sa mga mamamayan ng Bulacan.

Ayon kay Villar, ang nasabing kalsada na tinawag niyang proyekto ng bawat isa ay isang halimbawa ng epekto
ng “Build Build Build” Program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gabriela, Bayan Muna atbp. ‘persona non grata’ sa Cagayan Valley

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Tuluyan nang idineklarang “persona non grata” sa ilang lugar ng
Cagayan Valley (Region-2) ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kabilang
na ang kanilang mga front organizations tulad ng militanteng grupong Gabriela at Bayan Muna, ayon sa
5th Infantry Division (5ID) na nakabase sa Gamu, Isabela kahapon.

Ayon sa militar, ang buong lalawigan ng Cagayan, 10 barangay sa Isabela, dalawang bayan sa Nueva Vizcaya
at isang barangay sa Quirino ay pawang nagdeklara ng “persona non grata” laban sa NPA at sa mga grupong
sumusuporta sa kilusan.

Ang naturang mga barangay sa Isabela ay ang Brgys. Dicamay Uno, Dos, at Sta. Isabel sa bayan ng Jones;
Brgy. Palacian sa San Agustin; Brgy. San Francisco Sur ng San Guillermo; Brgy. San Miguel, Benguet at Brgy.
Babaran, Echague; Brgy. Sta Isabel Sur at Brgy. Isabel Norte ng Ilagan City; habang sa Quirino ay nagdeklara
rin ng persona non grata sa NPA ang Brgy. La Conwap, Nagtipunan at Brgy. Namal, Asipulo sa Ifugao. Bawal
na ring pumasok ang NPA sa buong bayan ng Quezon at Ambaguio sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Bukod sa NPA, kabilang pa sa mga idineklarang persona non grata sa mga nabanggit na lugar ay ang mga
grupong Gabriela, Bayan Muna, Kabataan, Karapatan, Anak Pawis, Anak Bayan at Dagami na sinasabing mga
front organization umano ng mga rebelde.

Kidnapping tumaas dahil sa POGOs

MANILA, Philippines — Tumaas ang mga insidente ng kidnapping for ransom (KFR) sa bansa kaugnay ng
pagdami ng Philippine Offshore Ga-ming Operators (POGOs) na aabot sa 200,000 Chinese ang mga
empleyado.

Ito ang inamin ni PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Spokesman Police Lt. Colonel Elmer Cereno.

“Consequently, it can also be attributed to the increasing numbers of Phi-lippine Offshore Gaming Operators
(POGO) opera-ting in the Philippines. As of June 9, 2019, there were 56 licensed POGOs in the country, that
employs an estimated 100,000 to 250,000 Chinese nationals. Yet, there were numbers (more or less 30) of
illegal POGOS operating in the country,” pahayag ni Cereno.

Kaugnay nito, dahilan sa pagtaas ng KFR na may kinalaman sa casino gam-bling operations, sinabi ng opisyal
na magdedeploy sila ng dalawang teams sa itatayong mga satellite offices malapit sa mga hotel at pasilidad ng
mga casino na karaniwan ng dinaragsa ng mga turista.

Simula noong 2017, nakapagtala ang PNP-AKG ng 53 kaso ng kidnapping na may kinalaman sa pagkakalulong
sa casino habang nasa 120 Chinese kidnappers naman ang nasakote na responsable sa pagdukot sa 57
biktima na karamihan ay kanilang kababayan.

“The deployment of intelligence operatives is part of our pro-active measures to address this problem,” ayon pa
kay Cereno.

Samantalang ang mga nakidnap ay mga biktima ng Chinese loan shark syndicate kung saan ang modus
operandi ay pautangin ang mga ito nang panlaro sa casino at kapag walang maibayad ay kinikidnap, tino-
torture na ang video ay ipadadala sa pamilya ng mga ito para magbayad ng ransom.

Kaugnay nito, nakikipagkoordinasyon na ang PNP-AKG sa kanilang mga dayuhang counterpart at mga
ahensya ng pamahalaan kaugnay ng mga insidente ng kidnapping sa bansa.

Marcos: Recruitment ng Kaliwa lalakas 'pag pinapasok ang AFP, PNP sa eskwela

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang senador na huwag ituloy ang planong pagpapapasok ng mga
militar at pulis sa mga eskwelahang balwarte ng aktibismo.

Imbis na mapigilan ang recruitment sa mga maka-Kaliwang grupo, lalo lang daw itong lalakas kung babantayan
ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang bawat galaw ng mga estudyante sa mga
paaralan.

"Ano yan garison?! Tiyak na ang daming sasaling estudyante sa mga 'progressive organizations' kung ilalagay
mo ang mga pulis at militar sa mga unibersidad," sabi ni Sen. Imee Marcos sa isang pahayag.
"Imbes na bigyan mo ng solusyon, lalu mo lang pinalala ang sitwasyon sa mga paaralan."

Unang ipinalutang sa Senado ang planong pagpapapasok ng PNP sa Polytechnic University matapos
magreklamo ang ilang magulang sa hindi pag-uwi ng mga anak matapos ma-recruit sa mga militanteng grupo.
Bilang tugon, nagkasa naman ng "walkout protest" ang mga estudyante sa iba't ibang panig ng bansa nitong
Martes sa dahilang paglabag daw ito sa "academic freedom."
Sa ulat naman ng Davao Today, sinabi naman ni Davao City Police Office director Alexander Tagum na plano
nilang magtalaga ng "police intelligence" sa loob ng limang eskwelahan para i-monitor ang aktibidad ng mga
grupong kanyang iniugnay sa Communist Party of the Philippines at New People's Army.
Sabi pa ni Marcos, oras na "sakupin" ng armadong pwersa ng gobyerno ang mga eskwelahan ay patutunayan
lang nilang tama ang mga "NPA recruiter."

"Hayaan nating mag-organisa nang malaya ang mga estudyante. Ito lang ang paraan para mahasa nila ang
kanilang paninindigan at pag-alam ng tama sa mali," dagdag pa niya sa hiwalay na pahayag sa Inggles.
Inudyok naman niya ang kabataan na makiisa na lang sa sa mga programa ng Sangguniang Kabataan at
National Youth Commission kaysa labanan ang gobyerno.

Human Security Act

Bagama't ipinatupad at inamyendahan ni Ferdinand Marcos, ama ni Imee, ang Anti-Subversion Law of 1957 na
nagbabawal sa pagsali sa CPP, inirehistro ng baguhang senador ang kanyang pagtutol sa mga panawagang
buhayin ito.
Matatandaang nanawagan si Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año
na maibalik ang batas upang kontrahin ang pagrerekluta ng mga rebeldeng komunista sa hanay ng kabataan.
Matapos kasing ma-repeal ang batas, hindi na itinuturing na krimen ang pagsali rito.

Sumalungat dito si Marcos at sinabing palakasin na lang ang Human Security Act of 2007 sa pamamagitan ng
Senate Bill 630, upang maparusahan ang rebelyon at insureksyon nang "walang diskriminasyon" sa ideolohiya,
relihiyon at pulika.

BuCor: Ex-Mayor Sanchez posibleng 'di mapalaya sa dami ng violations

MANILA, Philippines — Tiniyak sa publiko ni Bureau of Corrections director general Nicanor Faeldon na
isasama nila sa review ang mga "kalokohang" ginawa ni ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez sa kulungan bago
desisyunan kung bibigyan siya ng good conduct and time allowance.

Sa pamamagitan ng Republic Act 10592, magagamit ang GCTA upang mapababa ang sintensya ng inmate
dahil sa mabuting asal sa loob ng kulungan.

Pero sa isang press conference Huwebes, sinabi ni Faeldon na posibleng 'di makatikim ng kalayaan si
Sanchez.

"I am assuring you, at the first glance of his records here, he may not qualify for GCTA kasi marami rin siyang
violation [sa loob ng kulungan]," ani Faeldon.

Humaharap sa pitong counts ng reclusion perpetua (40 taong pagkakakulong) ang dating alkalde sa pagpatay
sa dalawang University of the Philippines Los Baños students at paghalay sa isa sa mga ito noong taong 1993.

Una nang ibinalita ng Department of Justice na posible siyang mapalaya, kasama ng hanggang sa 11,000
inmates matapos ilapat retroactively ang RA 10592.
Bumuhos ang galit sa social media kasunod ng nasabing ulat.

Mga paglabag

Pero ano nga ba ang mga ginawa niyang violations sa piitan?

Nahahati ang mga reklamo sa isyu ng iligal na droga at maluhong pamumuhay sa kulungan.

Kinasuhan si Sanchez noong 2006 matapos makitaan ng shabu at marijuana sa loob ng selda sa New Bilibid
Prisons.
Taong 2010 naman nang mahulihan siya ng isang kilong shabung nagkakahalaga ng P1.5 milyon na kanyang
itinago sa raw sa loob ng imahen ng Birheng Maria.
"Although na-dismiss 'yan sa korte, but as far as the bureau is concerned, nahuli 'yan doon sa kanyang kubol.
So he has violated that," wika pa niya.

Nakumpiska rin ang air conditioning unit at telebisyong flat-screen sa kanyang kubol noong 2015, sa ulat ng
GMA.
"Nagtayo ka ng luxurious na kubol mo diyan. Good behavior ba 'yon samantalang 'yong kasamahan mo,
natutulog doon sa butas-butas?" dagdag ni Faeldon.

"Those are records that will definitely disqualify you for [a] certain period of time na hindi ka entitled sa good
conduct time allowance. Hindi lang si Sanchez. Marami 'yan dito."

Siniguro naman ng BuCor na nakakulong pa rin si Sanchez magpahanggang sa ngayon. Hindi pa rin daw nila
inaasikaso ang kanyang mga papeles.

Una nang sinabi ng mga otoridad na uunahin nilang asikasuhin ang mga dating-dati pa nakakulong bago yaong
mas bago.

Drug lords, kumakanlong sa kanila walang GCTA

Samantala, sinigurado rin ng BuCor chief na hindi nila pabababain ang sintensiya ng sinumang
mapatutunayang may kinalaman sa kalakalan ng droga.

"Sigurado ako, I will not allow computation of good conduct to anybody who has participated in the selling of
drugs, or provided sanctuary, or supported, or provided harbor to any drug peddlers while they're here."

Good conduct? Panelo tahimik sa inasal ng dating kliyenteng rapist sa preso


MANILA, Philippines — Sa kabila ng iba't ibang violation na ginawa ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez
habang nakakulong, 'di masabi ng Palasyo kung nararapat siyang palayain.

Una nang naiulat na posibleng maisama si Sanchez sa 11,000 preso na mapapalaya matapos ilapat
retroactively ang Republic Act 10592, na nag-aawas sa sintensya ng convict batay sa mabuting asal ng preso.
"I don't think that's for me to respond because there is a law eh," sabi ni presidential spokesperson Salvador
Panelo, na tumayong abogado ni Sanchez noong 1993.
Pinatawan ng pitong terms ng reclusion perpetua si Sanchez kaugnay ng paggahasa at pagpatay sa UP Los
Baños students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Hindi makapagkomento si Panelo kung nagpamalas o hindi ng "good conduct" ang dating kliyenteng rapist
sapat para mapalaya kahit nahulihan siya ng P1.5 milyong halaga ng shabu sa kanyang selda taong 2010.
"As I said, hindi namin turf 'yan. Turf 'yan ng DOJ [Department of Justice]. Kung ano ang batas, dapat sundin
nila 'yon," sabi niya.

Ayon sa mga otoridad, itinago raw ng dating Calauan mayor ang droga sa loob ng imehen ng Birheng Maria.

Bukod pa rito, nakumpiska rin ang isang air conditioning unit at telebisyong flat-screen sa sa kanyang selda
noong 2015, ayon sa ulat ng GMA.

Nahulihan din daw siya ng shabu at marijuana habang nasa loob ng Bilibid, ayon sa ulat ng The STAR noong
2006.
Sa kabila ng "hindi pagkasigurado" sa asal ni Sanchez sa kulungan, sinabi ni Panelo na dapat walang paglabag
ang inmate habang nakakulong para masabing merong good conduct.

"Kasi kapag sinabing good conduct, wala kang infraction. Kasi even inside the Bureau of Prisons, there are
regulations. So if you violate that, there is an infraction," dagdag ng tagapagsalita.

Nanindigan din siya na wala siyang kinalaman sa posibleng paglaya ng kriminal dahil naipasa ang RA 10592
noong panahon ni dating Pangulong Beningo Aquino III.

Usapin ng 'second chance'

Kahapon, matatandaang sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa na okey lang na mapalaya si Sanchez basta't
mapagdesisyunan ng Board of Pardon and Paroles.

"[W]hy not?" sabi ni Dela Rosa sa panayam ng ANC. "They deserve a second chance in life."
Maliban pa rito, nanindigan si Bato na nagbago na raw si Sanchez matapos ipasok sa rehas. Makatutulong din
daw ito para mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.

"According to some correction officers, nagbait na raw... changed man na talaga siya," dagdag ng senador.

Ayaw namang magsalita ni Panelo kung deserve ni Sanchez ng ikalawang pagkakataon sa buhay.

"Hindi ko alam eh. Kasi, since I do not know kung good behavior siya doon o hindi," dagdag niya.

Ayon naman kay Edre Olalia, president ng National Union of People's lawyers, sana'y tignan pa ng gobyerno
ang ibang salik pagdating sa pagkwe-kwenta sa GCTA: pagsisisi, paghingi ng tawad sa biktima, atbp.

Gayunpaman, mapakikinabangan naman daw ng ibang preso ang umiiral na batas, lalo na kung hindi sila "latak
ng lipunan" gaya ni Sanchez.
Matatandaang sinabi ni Clara Sarmenta, ina ni Eileen, na hindi pa humihingi ng tawad ang inmate at hindi pa
nagbabayad ng danyos perwisyos.

Tinutulan din ni Sen. Risa Hontiveros at Sen. Franklin ang posible niyang paglaya.

'Di pa pinal

Sa kabila ng inaning pagkundena, sinabi ng Palasyo at Bureau of Corrections na hindi pa naman tiyak ang
kasasapitan si Sanchez sa ngayon.

"Si Sanchez is not yet released, we've not even reviewed his papers," sabi ni Faeldon.

Dagdag pa ni Faeldon pag-aaralan din nila ang reaksyon ng ilan patungkol sa mga paglabag na ginawa ni
Sanchez habang nasa karsel.

"Those are records that will definitely disqualify you for a certain period of time na hindi ka entitled sa good
conduct time allowance," paliwanag niya.
"Hindi lang si Sanchez, marami 'yan dito."

Total ban sa online gambling

Giit ng China sa Pinas

MANILA, Philippines — Mismong ang China na ang nanawagan sa gobyerno ng Pilipinas na ipagbawal ang
lahat ng uri ng online gambling kung saan sangkot ang mga Chinese nationals.

Ginawa ng China ang panawagan sa gitna ng desisyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation
(PAGCOR) na isuspendi ang pagbibigay ng lisensiya sa mga aplikante ng Philippine Offshore Gaming Ope-
rations (POGO).

Sa isang press briefing sa Beijing, nagpahayag ng pag-asa si Chinese Ministry Spokesman Geng Shuang na
mas palalakasin pa ng gobyerno ng Pilipinas ang pagtugis sa mga kriminal kabilang ang mga online gambling.

Binanggit din ni Shuang na ang pagpapalakas ng law enforcement ay makakatulong para sa pagpapatatag ng
bilateral relations, katahimikan at stability sa rehiyon.

Ang transcript ng briefing ni Shuang ay inilabas ng Chinese Embassy sa Manila.

Nauna ng inihayag ng embahada ng China na ilegal ang sugal sa kanilang bansa at ang mga nais magsugal ay
kinakailangan pang magbiyahe sa ibang bansa.

‘Panelo walang kinalaman’ – DOJ

Sa paglaya ng convicted rapist at murderer na dating mayor

MANILA, Philippines — Tila agad ipinagtanggol ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Presidential
Spokesperson Salvador Panelo nang sabihin niya na wala itong kinalaman o sinuman sa nakatakdang
pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay sa pangamba ng ilan na maaaring may kinalaman si Panelo sa
pagpapalaya kay Sanchez.

Matatandaan na si Panelo ay isa sa mga counsel ni Sanchez na convicted rapist at murderer sa kaso ng
pagpatay sa UP Los Baños student na si Eileen Sarmenta at kasama nitong si Allan Gomez noong 1993.

Ayon kay Guevarra, ang Bureau of Corrections ang nagre-recompute sa good conduct time allowance o GCTA
ni Sanchez.

Paliwanag ni Guevarra, mapapalaya si Sanchez dahil nasakop ito ng 2013 law na nagtataas sa GCTA at ruling
ng Korte Suprema sa “retroactivity” ng GCTA na inilabas noong Hunyo, para sa persons deprived of liberty o
PDL.

Ani Guevarra, nagkataon lamang na isa si Sanchez sa mga makikinabang sa pagpapatupad ng batas.

Dagdag pa ni Guevarra, ang proseso ng pagpapalaya sa mga PDL ay alinsunod sa itinaas na GCTA
na ginagawa sa pamamagitan ng “first in, first out basis” na nagsimula sa mga kaso mula 1993.

Ayon kay Guevarra, base kay Bucor Director General Nicanor Faeldon na nasa dalawang daan PDLs ang
maaaring makalaya kada araw.

Sinabi pa ni Guevarra, hindi na rin kailangan ang approval ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapalaya si
Sanchez at may 11,000 preso dahil sa kanilang GCTA.

Nahatulan ng 7 term ng reclusion Perpetua si Sanchez noong 1995 ng korte. Rudy Andal

13 convicts na tumestigo vs De Lima lalaya rin?


MANILA, Philippines — Posibleng mapalaya rin ang 13 convicts na tumestigo kay Senador Leila De Lima na
ngayon ay nakakulong sa Camp Crame kasabay ng pahayag na hindi ito ‘ reward’.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang sinumang nakulong bago ang 2013 ay sakop
ng recomputation ng Good Conduct Time Allowance. Sakaling kuwalipikado ang 13 convicts, posibleng
mapalaya rin ang mga ito.

Nilinaw ni Guevarra na ang batas ang magpapalaya sa mga convicts at hindi ang Pangulong Duterte.
Kabilang sa mga convicts na tumestigo laban kay De Lima at ngayo’y nakakulong sa New Bilibid Prison dahil
sa illegal drug trade ay sina Nonilo Arile, convicted sa murder at kidnapping; Jojo Baligad, convicted sa murder;
Herbert Colanggo, convicted sa kasong robbery with homicide; Engelberto Durano, convicted sa
kasong frustrated murder at murder; Rodolfo Magleo, convicted sa kidnapping for ransom; Vicente Sy,
convicted sa kasong illegal sale and delivery of methamphetaminehydrochloride (shabu); Hans Tan, convicted
sa robbery at direct assault with murder; Froilan Trestiza, convicted sa kasong kidnapping; Peter Co, convicted
sa illegal sale kasong delivery of methamphetaminehydrochloride (shabu); Noel Martinez, convicted
sa kidnapping for ransom; Joel Capones, convicted sa homicide; German Agojo, convicted sa illegal sale and
delivery of methamphetamine hydrochloride (shabu) at Jaime Patcho, convicted sa kidnapping for ransom

‘Noy absent sa death anniversary ni Ninoy


MANILA, Philippines — Nabigo si dating Pangulong Benigno Aquino III sa seremonyas ng paggunita sa ika-36
na anibersaryo ng pagkamatay ng ama niyang si dating Benigno Aquino Jr. dahil mayroon siyang sakit, ayon sa
kapatid niyang actress-host na si Kris Aquino.

Sa panayam sa Manila Memorial Park, sinabi ng aktres na hindi niya hayagang masasabi sa publiko kung ano
ang sakit ng kanyang kapatid.

“May sakit siya. Hindi siya okay. Wala ako sa lugar para masabi kung ano ang diperensiya sa kanya dahil nasa
kanya iyon,” patungkol ng batang Aquino sa 59-anyos niyang kapatid.

Noong panahon ng kanyang pagkapangulo, hayag na malakas manigarilyo si Aquino at nagkaroon ng mga
tsismis hinggil sa kanyang kalusugan.

Sa pagpapahiwatig ng pamahiin, ibinahagi ni Kris na ninerbiyos siya noong Martes ng gabi nang masira ang
suot niyang pulseras.

“But kinabahan ako kagabi dahil nagsusuot ako ng isang bracelet, hindi ako makakilos, nasira iyong bracelet,”
sabi niya sa mga pamilya, kaibigan at supporter.

Binanggit niya na hindi madali ang nagdaang tatlong taon mula nang matapos ang termino ng kanyang kapatid.

“So, um, these 3 years have been tough on him. I’m sure dad will forgive me if I make this about Noy. Hindi
dapat kinu-crucify ang naging mabuting tao (Someone who has been good should not be crucified),” sabi niya.

Nahaharap si Aquino sa ilang mga kaso kabilang ang hinggil sa disbursement acceleration program at sa
dengvaxia vaccine at sa SAF 44 sa Mamasapano.

Chinese ships sa Ayungin Shoal inaalam pa ng DND


MANILA, Philippines — Inaalam pa ng Department of National Defense ang napaulat na pag-aaligid ng mga
barko ng China sa Ayungin Shoal kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hinihintay pa ng kaniyang tanggapan ang report ukol dito.

Una rito, iniulat ng AFP Western Command ang panibagong presensya ng mga barko ng China kabilang ang
Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal simula pa noong Agosto 1 kung saan minomonitor umano ang galaw
ng militar ng bansa na nagbabantay sa mga inookupa nitong isla sa lugar.

Ang Ayungin Shoal ay kabilang sa mga isla na inookupa ng Pilipinas sa West Philippine Sea na binabantayan
ng ng tropa ng Armed Forces of the Philippines sa BRP Sierra Madre, ang lumang barko na ginawa ng mga
itong himpilan sa isla.

Sa ulat ng militar, naispatan ang mga barko ng Chinese Coast Guard sa lugar umpisa noong Agosto 1 sa loob
ng tatlong araw bago ito nawala matapos na maubusan ng supply at muling nagbalik dito.

Expanded anti-wiretapping law di gagamitin vs oposisyon - PNP


MANILA, Philippines — Hindi dapat lagyan ng kulay-pulitika dahil hindi naman gagamitin ng mga intelligence
operatives ng Philippine National Police ang expanded anti-wiretapping law laban sa oposisyon o mga kalaban
ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak kahapon ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa gitna na rin ng pagsusulong na
palawakin ang nasasaklaw sa batas ng anti-wiretapping law.

Inihayag ni Albayalde na suportado ng PNP ang hakbanging palawigin pa ang nasasaklaw ng wiretapping law
upang epektibong matugunan ang problema kontra sa terorismo at iba pang seryosong banta sa pambansang
seguridad.
Sinabi pa ni Albayalde na kailangan din ng kautusan ng korte bago magsagawa ng wiretap ang mga awtoridad
laban sa mga banta sa pambansang seguridad bilang bahagi ng protocol.

Malasakit Center binuksan sa Pasig

MANILA, Philippines — Dinaluhan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagbubukas sa Rizal
Medical Center sa Pasig City ng Malasakit Center na inaasahang makapagbibigay ng maayos, mura at
dekalidad na healthcare sa mga residenteng mahihirap. Ang nasabing opisina ang ika-41 sa buong bansa,
pang-18 sa Luzon at ikaanim na Malasakit Center sa Metro Manila.

Ang okasyon ay pinangunahan nina Secretary Michael Lloyd Dino ng Office of Presidential Assistant for the
Visayas (OPAV), Pasig City Mayor Vico Sotto at Congressman Roman Romulo. Ang OPAV ang nagsilbing
partner ng Office of the Special Assistant to the President sa paglulunsad at pagtatayo ng mga Malasakit
Centers noong si Go ay nasa executive branch pa. Dumalo rin si Department of Health (DOH) Secretary
Francisco Duque III.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan nag-oopisina ang mga kinatawan mula sa DOH, Philippine
Charity Sweepstakes Office (PCSO), PhilHealth at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layon nito na mapabilis ang pahingi ng financial at medical assistance ng mga pasyente sa mga nasabing
tanggapan. Nilagyan din ito ng express lanes para sa senior citizens at persons with disabilities. Baboy sa
‘Pinas, safe – DA

Baboy sa Pinas Ligtas

MANILA, Philippines — Ligtas ang mga produktong baboy sa Pilipinas kaya ligtas itong kainin.

Ayon sa Department of Agriculture, walang outbreak ng African swine fever sa Pilipinas kaya walang dahilan
para tumamlay ang bentahan ng karne ng baboy sa ating bansa.

Sinabi ni Noel Reyes, spokesperson ng DA, ligtas na kainin ang karne ng baboy sa Pilipinas.

Bagaman mayroon anyang report na may ilang lugar sa Luzon na namatay ang alagaing baboy, patuloy naman
anyang inaalam ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito at isasailalim sa confirmatory laboratory tests.
AUGUST 21

SAF commander, patay sa tauhan : Sa loob mismo ng kampo sa Taguig

MANILA, Philippines – Patay ang isang opisyal ng PNP-Special Action Force (SAF) makaraang barilin ng
kanyang tauhan sa gitna ng kanilang pagtatalo sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City, kamakalawa ng
hapon.

Nakilala ang nasawi na si P/Maj Emerson Palomares, 30, commanding officer ng 125 SAC, SAF Camp
Bagong Diwa.

Nadakip naman ang suspek na tauhan na si P/MSgt. Sanwright Lobhoy, 41, tauhan ni Palomares.

Sa ulat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), naganap ang insidente dakong alas-4:40 ng
hapon sa loob ng opisina mismo ni Palomares.

Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Palomares at Lobhoy hanggang sa bumunot ng
baril ang huli at paputukan ang kanyang opisyal.

Sinisilip ang anggulong selos sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon posible umanong nagselos si Lobhoy sa kanyang commander nang malamang
tinawagan ng kanyang misis ang nasawing police major.

Tumawag naman ang misis kay Palomares nang hindi makontak ang mister at itanong kung nasaan ito. Nakita
ni Lobhoy sa call registry ng cellphone ng misis na pinaniniwalaang ugat sa selos.

Isinugod sa Parañaque Doctors Hospital si Palomares ngunit nalagutan ng buhay dakong alas-5:23 ng hapon
sa naturang pagamutan.

Dinakip naman ng mga kasamahang pulis si Lobhoy na isinasailalim na imbestigasyon habang nahaharap din
siya sa kasong murder.

UP students, mga guro nag-walkout sa klase : Protesta sa pagpasok ng pulis, militar sa campus

MANILA, Philippines – Libong mga mag -aaral at guro ng University of the Philippines (UP) sa Diliman Quezon
City ang nag-walkout sa kanilang klase para tutulan ang planong pagpasok sa campus ng mga pulis at militar.

Ayon kay UP Student Regent Isaac Punzalan, ang protesta ay pagpapakita lamang na ang kanilang campus ay
isang zone of peace laban sa mga ahente ng pamahalaan.

“If not for the military of the students, we have nothing. Any effort to uproot our academic freedom to critically
engage our society can only benefit those in power who want to escape accountability,” pahayag ni Punzalan .

Una nang inerekomenda ni Senador Bato dela Rosa na payagan ang pulis at militar na magsagawa ng
‘indoctrination’ sa mga mag-aaral sa mga state universities at colleges upang maiwasan ang pagsapi sa mga
komunistang grupo.

Hinamon din ni Punzalan si Dela Rosa at PNP sa isang debate upang pag-usapan ang planong pagpasok ng
AFP at PNP sa UP campus.

58-tons beam ng Skyway 3, bumagsak : Trapik sa NLEX tumukod

MANILA, Philippines — Bumagsak ang 58-toneladang coping beam ng ginagawang Skyway Stage 3 sa bahagi
ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Quezon City, habang iniinstala kahapon ng madaling araw na nagdulot
ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Nabatid na pasado alas-2:00 ng madaling araw nang kumalas ang coping beam mula sa hook nito habang
iniinstala at tuluyang bumagsak sa bahagi ng NLEX-Camachile ngunit inabot pa ng ilang oras bago ito tuluyang
natanggal.

“Noong maiangat nagkaroon ng problema doon sa lifting log pero ‘yun ay nasa design naman... Wala namang
may gusto, bumigay ‘yung lifting log at ‘yan ang nangyari,” ayon sa rigging engineer na si Reggie Garcia.

Sanhi nito, nagsikip ang daloy ng trapiko sa magkabilang lanes ng NLEX patungong Balintawak at Camachile.

Mabuti na lamang at wala namang iniulat na namatay o nasaktan sa naturang insidente.


Kaagad naman umanong nagpadala ang NLEX ng traffic at safety teams sa lugar upang siyang mangasiwa sa
daloy ng trapiko at tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista.

Humingi naman ang NLEX ng paumanhin sa mga motorista dahil sa abalang idinulot ng insidente.

Ex-Duterte Youth lawyer: 'Impeachment vs. Guanzon walang batayan'

MANILA, Philippines — Hindi kinampihan ng dating abogado ng Duterte Youth party-list ang planong
pagpapatalsik ni dating National Youth Commission chair Ronald Cardema kay Commission on Elections
commisioner Rowena Guanzon.

Sa isang pahayag Miyerkules, sinabi ni attorney Larry Gadon na hindi niya matutulungan ang dating kliyente
para ma-impeach mula sa pwesto.

"Hindi pwedeng ipa-impeach si Com. Rowena Guanzon dahil lang sa pag-intindi at paglapat niya ng batas sa
Party-list at age limitation nito kung youth party-list representative ka," ani Gadon sa Inggles.

"Sadyang walang grounds para sa impeachment kontra sa sinasabi ni Cardema."

Una nang kinansela ng Comelec First Division ang nominasyon ni Cardema nitong Agosto matapos maghain
ng substitution kasunod ng pag-atras ng limang nominado ng nasabing party-list.
Ilan sa mga reklamong hinaharap niya ay ang pagiging "overaged" para maging kinatawan ng kabataan sa
Kamara.

Siya'y 34 na kahit dapat 25 hanggang 30-anyos lang ang mga nauupong youth representative sa House of
Representatives, ayon sa Section 9 ng Republic Act 7941.
Matatandaang sinabi ni Roland Cardema na posibleng mapa-impeach si Guanzon kung may tutulong sa kanila.
Sa panayam ng ANC, sinabi ni Cardema na meron silang "malalakas" na ebidensya laban kay Guanzon pero
hindi niya ito ipinakita sa telebisyon.

Hindi naman na daw nagulat si Guanzon sa planong pagpapa-impeach sa kanya.

"Sabi ko sa inyo maghahain siya ng impeachment complaint eh. Betrayal of public trust ba na i-disqualify siya
dahil masyado na siyang matanda?" ani Guanzon sa isang tweet.
"Gumaganti lang 'yan kasi naunsyami ang pangarap niyang magkamal ng milyong pork barrel funds."

Ikinalungkot naman ni Gadon ang bangayan nina Cardema at Guanzon, na pareho niyang kaibigan.

"Nalulungkot ako sa mga sinasabi ni Cardema laban kay Guanzon na sa tingin ko'y walang batayan at
nagmumula sa misguided na galit at emosyon," dagdag ni Gadon.

Isyu ng 'pangingikil'

Nitong Sabado, inakusahan ni Cardema si Guanzon ng pagpapadala ng "bagman" upang maningil ng pera
kapalit ng accreditation ng kanilang party-list, na nanalo ng seat sa Kamara.

"Kakasuhan namin kayo ng pangingikil kapalit ng aming accreditation," ani Cardema. "Pinapalabas niya na siya
ang biktima, kami sa Duterte Youth ang biktima."

Aniya, ilang buwan na raw silang "hawak sa leeg" ng commissioner.


Nagpakita naman siya ng censored screenshots ng mga mensaheng ipinadala diumano ng emisaryo ni
Guanzon. Itinanggi naman ni Guanzon ang mga akusasyon.

"Ang sabi ni Cardema nanghihingi ako ng 2 milyon sa kanya. Duda nga akong meron siyang P500k sa bank
account niya," sabi Guanzon.
Hindi rin daw naniniwala si Gadon na may kapasidad ang Comelec commissioner na mang-extort.

"Pareho kaming magkaibigan nina Cardema at Guanzon pero hindi ako naniniwalang mangingikil siya para
paboran si Cardema. Hindi niya ugali 'yon," sabi ng Gadon.

Aniya, kaysa manira siya ng imahen ay meron naman daw ibang pwedeng gawing procedural remedies.

"'Yung pagiging mainitin ng ulo ni Cardema at 'out of line' statements niya ang dahilan bakit ko tinanggian ang
kaso niya nang tawagan niya ako sa telepono... Naaawala ako sa kanya at good luck sa susunod niyang legal
move."

Dating tumayong abogado si Gadon para sa Duterte Youth noong pinag-iisipan nilang kasuhan ang aktor na si
Jim Paredes kaugnay ng "bullying" issue sa Edsa Shrine.
Parehong kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Gadon at Cardema.

Duterte kinilala ang sakripisyo ni Ninoy sa 'pagbabalik ng demokrasya'

MANILA, Philippines — Sinariwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ala-ala't legasiya ni Benigno "Ninoy"
Aquino ngayong araw sa pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day.

'Yan ay kahit una nang sinabi ni Duterte na "very good" ang martial law ng diktador na si Ferdinand Marcos, na
kilalang karibal ni Aquino sa pulitika.
"Ngayong araw, inaalala natin ang importanteng papel ni Benigno S. Aquino, Jr. sa pagbabalik ng mga
demokratikong institution mahigit tatlong dekada na ang nakararaan," sabi ni Duterte sa isang pahayag sa
Inggles.

"Binago ng kanyang mga sakripisyo ang landas ng bansa at nagpapatuloy na sinisilaban ang kabayanihan ng
taumbnayan."

Dagdag ng presidente, nawa'y maging tanda ang araw na ito ng pangakong proprotektahan ang mga
kalayaang nararanasan ng mga Pilipino.

Sana raw ay mahimok ng "remarkable" na buhay ni Ninoy ang mga kapwa niya opisyal ng gobyerno na
maglingkod nang may dangal at integridad.

"Sana'y gabayan tayo ng kanyang halimbawa upang iangat at protektahan ang mga pinakabulnerable sa ating
lipunan at siguruhing makikinabang ang mga Pilipino sa kalayaan, demokrasya at rule of law."

PDP-Laban, Ninoy at Marcos

Samantala, matatandaang sinuportahan ni Digong ang senatorial candidacy ni Imee Marcos, anak ni
Ferdinand, nitong nakaraang 2019 midterm elections.

Tumakbo ang nakababatang Marcos bilang guest candid'ate sa ilalim ng Partido Demokratikos Pilipino–Lakas
ng Bayan, na partidong pulitikal ni Duterte.

Itinayo ni Aquino ang Laban, na 'di lumaon ay nakipag-kaisa sa PDP ni Aquilino "Nene" Pimentel Jr.

Pormal na naging PDP-Laban ang grupo noong 1986 at tumakbo sa snap elections laban kay Marcos.

Naging mahalagang lunduyan noon ng paglaban kay Marcos ang nasabing partido, na nakiisa sa nangyaring
People Power.

Sa kabila ng lahat ng ito, ginagamit ni Duterte ang katagang "dilawan," kulay na ikinakabit kay Ninoy, bilang
atake sa oposisyon at kamag-anakan ni Aquino sa kasalukuyan.

Tulad ni Makoy, kilala rin si Duterte sa pagdedeklara niya ng martial law sa Mindanao. — may mga ulat mula
kay Alexis Romero

Panelo itinangging may kinalaman sa posibleng paglaya ng convicted rapist

MANILA, Philippines — Nanindigan si presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi siya nakialam sa
napipintong posibleng paglaya ni ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez, na napatunayang nagkasala sa
panghahalay at pagpaslang taong 1995.

Matatandaang naging bahagi ng defense counsel ni Sanchez si Panelo noong 1993, na nahatulan ng pitong
terms ng reclusion perpetua sa panggagahasa sa University of the Philippines — Los Baños student na si
Eileen Sarmenta at pagkamatay ni Allan Gomez.

Depensa ni Panelo, matagal na siyang umatras bago pa man i-apela ang kaso.

Presidential spokesman Salvador Panelo on claims he had a hand in the impending release of convicted rapist
& murderer Antonio Sanchez: Mukhang masyadong malayo naman yun, 27 yrs ago pa ako abogado nun dati,
nagwithdraw na ako even before the appeal

"Mukhang masyadong malayo naman yun, 27 yrs ago pa ako abogado nun dati, nagwithdraw na ako even
before the appeal," sabi ni Panelo sa isang phone patch interview.

"'[D]i na kailangan [ng] kahit sinong tao mag-intervene o lumakad."


Una nang iniulat ni Justice Secretary Menardo Guevara na maaari siyang makalabas matapos ilapat
retroactively ng Korte Suprema ang isang batas noong 2013 na nagtataas sa "good conduct time allowance."

Ito rin ang kinumpirma ni Bureau of Corrections director general Nicanor Faeldon sa panayam ng DZMM.
"Maaaring makakasama siya [Sanchez] sa more or less 11,000 na mga person deprived of liberty na
makakalabas in the next 2 months," wika niya.

Aniya, maaaring umabot sa 200 PDL ang mapakawalan araw-araw kaugnay nito.
Nang tanungin si Panelo kung anong tingin niya sa posibleng paglaya ni Sanchez, ito ang kanyang sinabi:
"Kailangan nating sumunod sa rule of law," sabi niya sa Inggles.

Bagama't wala raw siyang kinalaman dito, aminado naman si Panelo na matutuwa siya oras na nakalabas ng
kulungan si Sanchez.

"Gaya ng mafi-feel ng sinumang dating nag-abogado, matutuwa [ang] isang abogado na yung kliyente niya 27
years ago makakalaya na [at] magkakaroon na ng kanyang bagong buhay," dagdag ng tagapagsalita ng
presidente.

Sanchez may kapit sa itaas?

Hindi naman kinagat ng pamilya ng isa sa mga biktima ang ideyang malinis ang kamay ni Panelo.

"Gusto po naming malaman ng publiko, na si Secretary Panelo ay isa pong legal counsel ni Sanchez. Kaya
baka masyado po siyang malakas kasi meron po siyang backer, backer na napakalakas sa ating pamahalaan,"
sabi ni Clara Sarmenta, ina ni Eileen sa isang radio interview.

Ipinagtataka raw nina Sarmenta kung paano ang naging proseso dahil dapat daw ay sinasabihan ang mga
naargabyadong partido kung nag-aapply ng parole ang nagkasala, maliban sa paglalathala sa pahayagan.

Maliban dito, hanggang sa ngayon ay hindi pa raw humihingi ng tawad at walang pinakikitang pagsisisi ang
convict.

"Siyempre bilang ina ng biktima, ako'y nagulantang sa balitang 'yan kasi, kagabi pagdating ko ang bumungad
sa asawa ko at sa akin ay baka nga makalaya na si Sanchez," dagdag niya.

Balak daw ng kanilang panig na magtungo sa Board of pardons and Parole upang siguruhin kung naghain ng
aplikasyon si Sanchez.

Samantala, pinabulaanan naman ni Guevarra na may kinalaman si Panelo sa nangyayari.

"Walang dahilan para maniwala akong nakialam ang sinuman, pati si Sec. Panelo," sabi ng DOJ secretary.

Meron naman daw kasing tala ang New Bilibid Prison sa good conduct ng mga PDL at tanging "ministerial" lang
daw ang pagkwekwenta ng GCTA. — may mga ulat mula kay Alexis Romero

Digong sa foreign vessels: ‘Magpaalam muna bago dumaan sa Philippine waters’

MANILA, Philippines – Binalaan kahapon ni Pangulong Duterte ang lahat ng foreign vessels na dadaan sa
territorial waters ng Pilipinas na dapat magpaalam muna.

Ginawa ng Pangulo ang babala sa gitna ng mga ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ilang
warships ng China ang walang paalam na dumaan sa Sibutu Strait sa Mindanao malapit sa Tawi-Tawi island at
nagpapatay pa ng automatic identification system.

May ulat din na isang Chinese Coast Guard ang namataan kamakailan malapit sa Ayungin Shoal sa West
Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, simula ngayon ay inaabisuhan nila ang lahat ng foreign
vessels na magpasabi at kumuha ng clearance sa kaukulang government authority bago ang planong pagdaan
sa territorial waters ng Pilipinas.

“To avoid misunderstanding in the future, the President is putting on notice that beginning today, all foreign
vessels passing our territorial waters must notify and get clearance from the proper government authority well in
advance of the actual passage. Either we get a compliance in a friendly manner or we enforce it in an unfriendly
manner,” sabi ni Panelo.

Aniya, ang utos ng Pangulo ay itaboy ang mga foreign vessels na walang pahintulot na pumasok sa territorial
waters ng Pilipinas kahit na ito ay mula sa isang kaibigang bansa tulad ng China.
Pero nilinaw ni Panelo na ang Philippine Coast Guard ang magpapatupad nito at hindi militar.

10 days leave sa namatayan isinusulong


CEBU, Philippines – Isinusulong na sa Senado ang panukalang mabigyan ng 10 araw na leave na may bayad
ang lahat ng mga empleyado sa pribado at pampublikong sektor na mamamatayan ng mahal sa buhay.

Nakasaad sa “‘Bereavement Leave Act of 2019” ni Sen. Grace Poe, na ang pagkawala ng isang mahal sa
buhay ay nagdudulot ng matinding lungkot na nakakaapekto sa emosyonal at pisikal na aspeto ng isang tao at
hindi nakakapagtrabaho ng maayos.

May mga pagkakataon din aniya na inaabot ng matagal na panahon o taon bago tuluyang maka-recover ang
isang tao sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay.

Pero dahil sa trabaho, ang isang namatayan ay walang magawa kung hindi bumalik kaagad sa opisina o
tanggapan kahit nagluluksa pa.

May mga kompanya aniya na nagbibigay ng “bereavement leave” na kalimitan ay tumatagal lamang ng mula 3
hanggang 5 araw na hindi sapat para makapagluksa, makadalo sa burol at libing ang isang namatayan.

Ang “Bereavement Leave” ay ibibigay sa isang namatayan ng “immediate family member” katulad ng asawa,
magulang, anak, kapatid, o kamag-anak na hanggang third degree of consanguinity o affinity.

Ang 10 araw na leave ay hindi maaring ibawas sa leave na ibinibigay na sa isang empleyado.

P4.1-T national budget sa 2020 isinumite na sa Kamara


CEBU, Philippines – Isinumite na kahapon ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang
panukalang P4.1 Trilyon 2020 national budget.

Nakasaad sa 2020 National Expenditure Program (NEP) na inihanda ng Malakanyang, na malaking bahagi nito
ay inilaan sa sektor ng social services o 37.2%; 28.9% ang para sa economic services at 18% ang inilaan sa
general public services.

Habang mayroong alokasyon na 11% o P451 bilyon para sa pagbabayad ng utang at 4.8% para sa defense o
P195.6 bilyon.

Kabilang naman sa top 10 departments na popondohan ng malaki ay ang Department of Education (kasama na
ang SUCs, CHED at TESDA) na may P673-B; DPWH (P534.3B); DILG (P238B); DSWD (P195B); DND
(P189B); DOH (P166.5B); DOTR (P147B); DA (P56.8B); Hudikatura (P38.7B) at DENR (P26.4B).

Kabilang sa mga prayoridad na pagkagastusan sa susunod na taon ay ang Build, Build, Build Program;
Universal Health Care Act na may alokasyong P166.5B at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na
P108.B.

LGBTQ Commission pinag-aaralan ni Digong - Go


MANILA, Philippines – Commission upang mai-promote at maprotektahan ang kapakanan ng nasabing hanay.

Siniguro din ni Sen. Go na suportado ni Pangulong Duterte ang LGBTQ community matapos makipagpulong ito
sa LGBTQ advocates sa Malacañang.

Si Sen. Go ang namagitan upang makipagpulong ang LGBTQ advocates sa pangunguna ni Boobsie Savares
kasama si 1st District of Bataan Rep. Geraldine Roman at Gretchen Diez, ang transwoman na pinagbawalang
gumamit ng female CR sa isang mall sa Quezon City.

Ipinabatid ng Pangulo sa nasabing sector na isusulong nito sa Kongreso na maaprubahan ang SOGIE (Sexual
Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill na magbibigay proteksyon sa karapatan ng bawat
indibidwal na walang diskriminasyon.

Kabilang din sa napag-usapan ang panukalang bumuo ng isang commission para sa LGBTQ habang hindi pa
nakakapasa ang SOGIE law.

Pabor din ang Pangulo na magkaroon ng 3rd CR na para lamang sa mga LGBTQ community upang hindi na
maulit ang nangyari kay Diez.

“We are all equal under the law and it is our duty in this institution to ensure that all Filipinos—regardless of
their age, sex, religion, ethnicity or gender orientation—are treated equally and justly,” wika ni Go. Rudy Andal

120 Chinese workers nagka-dengue


MANILA, Philippines – Umabot sa 120 Chinese workers na nagtatrabaho sa isang coal plant ang nagkasakit ng
dengue sa Mariveles, Bataan.

Ayon kay Dr. Rosanna Buccahan, hepe ng Bataan Provincial Health Office, buwan ng Mayo nang una nilang
matanggap na may 96 Chinese workers ang nagkaroon ng dengue kaya’t agad silang umaksiyon.

“Nagkaroon kami ng 3 cycles ng fogging operation sa area. At the same time, tinuturuan natin sila kung paano
maglinis ng kanilang accommodation. Pati yung kanilang mga CR...kung paano sila magkaroon ng better
hygiene para hindi sila kagatin ng lamok,” sabi ni Buccahan.

Pero matapos ang dalawang buwan, naulit umano ito at nagkaroon ng 24 bagong kaso ng dengue sa hanay ng
mga Chinese worker.

Nasa 989 ang dengue cases na naitala sa buong Bataan mula Enero hanggang Agosto 15, 2019. Mas mababa
pa ito ng 21 porsyento kumpara noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Nagkakaroon ng HIV dumarami dahil sa karayom

MANILA, Philippines – Nababahala si Cebu Rep. Eduardo Gullas sa pagdami ng nagkakaroon ng HIV dahil sa
pagtuturok ng ilegal na droga.

Base sa datos ng DOH, aabot na sa 2,199 drug users ang namumuhay ngayon na may HIV dahil sa paghahati
o pagse-share ng needle o karayom para gamitin sa pagtuturok.

Lumalabas din sa ulat na halos lahat o 99% ng mga nabanggit na tao ay nakuha ang HIV sa pamamagitan ng
pagse-share ng panturok ng droga mula Enero 1984 hanggang April 2019 sa Central Visayas na kinabibilangan
ng Cebu at mga karatig lalawigan.

Sa naturang bilang 2,071 ay mga lalaki habang 128 ang mga babae kaya nagpasaklolo ang kongresista sa
PDEA para mapigilan na ang pagtangkilik sa isang injectible na Opioid painkiller na kalimitang ginagamit doon
sa kabila ng pag-ban dito ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Ikinakabahala rin ng kongresista ang ulat ng United Nations Office on Drugs and Crime na bukod sa HIV, lantad
din sa iba pang mga sakit ang mga nagse-share ng karayom tulad ng hepatitis, tuberculosis at iba pang
infectious diseases.

Honest, incorruptible bagong depinisyon ng ‘na-duterte’


MANILA, Philippines – Kung binigyan ng kahulugan ng online Urban dictionary ang salitang ‘naduterte’ na
‘naloko’ o naisahan ng isang traditional politician ay maglalabas naman ng ibang kahulugan dito ang
Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa magiging bersyon ng Palasyo ang magiging kahulugan
ng ‘na-duterte’ ay honest, incorruptible, politically willed person, courageous, selfless at transparent.

Sabi ni Panelo, hindi naman malinaw na ang tinutukoy na Duterte sa urban dictionary ay si Pangulong Duterte o
sinumang miyembro ng Duterte family.

Aniya, itatanong niya sa Pangulo kung ano magiging reaksyon nito sa salitang naduterte sa online Urban
dictionary.

Pagsibak sa Nueva Ecija governor inutos ng Ombudsman


MANILA, Philippines – Inatasan ng Office of the Ombudsman ang Department of Interior and Local Government
(DILG) na ipatupad ang kanilang desisyon na nagtatanggal sa puwesto kay Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali
matapos mapatunayang guilty umano sa illegal na paggamit ng kanyang pork barrel noong ito ay congressman
pa.

Bukod sa pagpapatanggal bilang gobernador, kasama rin sa November 14, 2016 decision na pirmado ni Graft
Investigator and Prosecutor Karla Maria Barrios ang perpetual disqualification o pagbabawal kina Umali at
Renato Manantan na makahawak ng posisyon sa gobyerno habambuhay

Pinakakansela rin ng Ombudsman ang lahat ng benepisyo at retirement pay nila Umali at Manantan kaugnay
ng paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act.

Si Manantan ay executive director ng Department of Agriculture sa Region 3 samantalang si Umali


ay congressman ng third district of Nueva Ecija nang mangyari ang inaakusang krimen.

Aabot sa 7,920 bottles ng liquid fertilizer ang binili sa halagang P1,500 bawat bote subalit napatunayan sa
imbestigasyon na P150.00 lamang ang presyo nito kada isa.
Inaasahan na rin ng Ombudsman na kakanselahin ng Comelec ang certificate of candidacy ni Umali noong May
2019 dahil wala umano itong bisa mula’t mula dahil sa naging desisyon ng anti-graft investigator.

Carpio tinanggihan ang CJ post


MANILA, Philippines – Tinanggihan ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang
awtomatikong nominasyon bilang chief justice.

“I am declining because there are only 8 days left from the vacancy to my compulsory retirement,” ani Carpio.

Isa si Carpio sa pinakamatagal na nagserbisyo bilang Supreme Court justice at nagpalakas din ng adbokasiya
sa Philippines’ territorial claims ng South China Sea.

Nabatid na tinanggihan din ni SC Associate Justice Mario Victor Leonen ang nomination sa top post.

Nakatakda naman hanggang Martes ang aplikasyon at pagtanggap ng nominasyon ng pwesto.

Posibleng pumalit kay Bersamin sina Carpio, Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas-Bernabe,
Leonen at Francis Jardeleza.

Magreretiro sa Setyembre 26 si Jardeleza.

'Crop insurance' kontra sakuna itinulak sa Senado para sa rice farmers


MANILA, Philippines — Upang maibsan ang epekto ng mga sakuna sa mga nagbubungkal ng lupa, layon ni
Sen. Francis "Kiko" Pangilinan na obligahin ang National Food Authority na bigyan ng insurance ang lahat ng
magsasakang nagtatanim ng palay at iba pang pananim na importante para sa seguridad sa pagkain.

"Di mabubuhay ang Pilipino nang walang bigas. Pero ang mga magpapalay natin baon sa utang at hikahos
lalo... tuwing may disaster," sabi ni Pangilinan sa isang pahayag Martes.
Layon ng Senate Bill 35, o Expanded Crop Insurance Act of 2019, na amyendahan ang mga kasalukuyang
batas dahil tanging 'yung mga kumukuha ng production loans lang daw ang binibigyan ng crop insurance.

"Isang pansagip sa kanila ay ang magkaroon sila ng crop insurance. Ito ay isa sa ating mga panukala para
maiahon ang mga nagpapakain sa atin," dagdag niya.

Ito ang isinasaad ng naturang panukala:

"Participation in the insurance for palay and other crops determined to be essential for food security shall be
compulsory upon all farmers.

"In case farmers are financially incapable, the National Food Authority (NFA) shall secure crop insurance for
them."

Kabilang sa kailangang tiyakin ng NFA para sa mahihirap na magsasaka ay ang insurance premium kung sa
magiging benepisyaryo sila ng proceeds ng hindi bababa sa 50% para sa lahat ng iba pang pananim.

Sabi ni Pangilinan, kahit na 25% ng lahat ng trabaho ay nanggaling sa agrikultura ay magsasaka pa rin daw
ang pinakamahihirap sa Pilipinas.

Lumalabas na may pinakamataas na poverty incidence ang mga magbubukid sa 34.3%, ayon sa mga datos ng
pinagsamang Family Income at Expenditure Survey and Labor Force Survey noong 2015.
Matatandaan ang pag-aray ng maraming magsasaka ng palay bunsod ng pagbaba ng farm gate
prices matapos ipatupad ang Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law.
Una nang sinabi ng Department of Agriculture na magbibigay sila ng P1.5 bilyong pautang sa mga magsasaka
upang mabawasan ang impact ng pagbagsak ng mga presyo.
Makatatanggap naman ng P5 milyong halaga ng farming equipment at makinarya ang 947 rice-producing
towns taun-taon matapos likhain ng RA 11203 ang Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Kasama sa mga nabanggit ang tillers, traktora, seeders, threshers, rice planters, harvesters at irrigation pumps.

Libu-libong estudyante nag-walk out para itaboy ang PNP, AFP sa eskwela

MANILA, Philippines — Nagsilabasan sa kani-kanilang mga silid-aralan ang libu-libong estudyante sa buong
Pilipinas bilang pagkundena sa planong pagpapapasok ng mga pulis at militar sa mga eskwelahan.

Ito raw ang kanilang pagkilos laban sa panawagan ng ilang opisyal ng gobyerno na masuyod ng mga alagad ng
batas ang mga paaralan dahil sa recruitment ng ilang "maka-Kaliwang" grupo.

Sa kanilang inilabas na pahayag kahapon, sinabi ng grupong UP Rises Against Tyranny and Dictatorship na
banta ito sa "academic freedom" sa mga eskwelahan.
"With the proposed intervention of the police and military in state universities including the University of the
Philippines, such act is expected to lead to mass surveillance and monitoring on the students, faculty members,
and officials, especially those who choose to take a stand and voice out the real state of our nation," sabi nila.

Sa Unibersidad ng Pilipinas — Diliman pa lang kanina, tinatayang nasa 5,000 ang dumalo bandang 11:30 a.m.
sa makasaysayang A.S. Steps ng Palma Hall.
NOW HAPPENING: WALKOUT SA KLASE!

Students walked out of their classes to defend academic freedom and fight against the state's desperate
attempte to forcibly enter our university!

"Hamon sa kabataan na labanan ang tumitinding pasismo at tumindig para sa karapatan at kinabukasan,"
banggit naman ng League of Filipino Students sa hiwalay na pahayag.

Ayon sa "protest map" na inilabas ng Youth Act Now Against Tyranny, lumalabas na nilahukan ito ng mga
estudyante mula Luzon hanggang Mindanao..

In-endorso rin ng mga student regent ng UP at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinasang nasabing pagkilos, na
tinawag din nilang "Araw ng Pagluluksa."

Luzon

Sa Kamaynilaan, naglunsad ng mga "decentralized" o hiwa-hiwalay na aksyon sa iba't ibang pribado at


pampublikong eskwelahan.

KASALUKUYANG NAGAGANAP:

Kilos protesta sa CAS GATE, UP MANILA #DefendUP #HandsOffOurYouthpic.twitter.com/cbLX2Kr5Hc


— UP Manila CAS Student Council (@UPMCASSC) August 20, 2019

Nagsanib-pwersa naman sila sa paanan ng Mendiola, Maynila bandang ala-una ng hapon at Liwasang
Bonifacio pagdating ng alas-tres.

Nagmartsa papuntang Liwasang Bonifacio, Maynila ang iba’t ibang progresibong grupong nanawagan na itigil
na ang mga patayan sa ilalim ng administrasyong Duterte at umano'y militarisasyon sa mga paaralan at
kanayunan

Sa UP Baguio, makikita naman ang pagbarikada ng mga estudyante sa kanilang eskwelahan.

UP Baguio students build a human barricade as a symbollic action to defend their university and other state
universities and colleges against campus militarization.

ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!

Visayas

Kaugnay ng mga aktibidad, opisyal ding sinuspinde ang mga klase sa UP Visayas sa Iloilo, UP Miag-ao at UP
Tacloban.
Sa UP Visayas, makikita naman sa overhead shot na ito ng mga nag-walkout na estudyante.

Makikita naman sa video na inilabas ng opisyal na publikasyon ng UP Cebu kung paanong lumalabas mula sa
kani-kanilang classroom ang mga kabataan.

Mindanao

Hindi naman nakaligtas mula sa mga protesta ang Davao City, na kilalang tirahan ng Pangulong Rodrigo
Duterte.

Puno't dulo ng mga protesta

Matatandaang sumang-ayon ang presidente ng PUP sa mga mungkahi na papasukin sa kanilang eskwelahan
ang mga pulis matapos ireklamo ng ilang magulang ang "pagkawala" ng kanilang mga anak matapos sumali sa
mga militanteng organisasyon.
Gayunpaman, ilan sa mga binanggit na "nawawalang" estudyante ay lumabas din sa social media at sinabing
hindi sila "kinidnap" at "pinipilit" ng Kaliwa, gaya na lang ni Alicia Lucena.
Sa ulat ng Davao Today nitong Biyernes, sinabi naman ni Davao City Police Office director Alexander Tagum
na plano nilang magtalaga ng "police intelligence" sa loob ng limang eskwelahan para i-monitor ang aktibidad
ng mga grupong kanyang iniugnay sa Communist Party of the Philippines at New People's Army.
Una na ring nanawagan si PNP chief Gen. Oscar Albayalde na ma-review ang Soto-Enrile Accord, na
kasunduang nilagdaan para pigilan ang presensya ng mga armadong pwersa ng gobyerno sa Unibersidad ng
Pilipinas
AUGUST 20

807 na ang namatay sa dengue sa Pilipinas mula Enero

MANILA, Philippines — Inatasan na ng Department of Health ang mga regional directors nito na i-"localize" ang
kanilang pamamaraan upang masugpo ang epidemyang nararanasan ng bansa.

Umabot na sa 188,562 na kaso ng dengue ang naitatala mula ika-1 ng Enero hanggang ika-3 ng Agosto batay
sa Dengue Surveillance Report na inilabas ng DOH.

Lagpas doble 'yan sa 93,149 kasong naitala sa parehong panahon noong 2018, ayon sa ulat ng The STAR.
Sa bilang na 'yan, 807 ang kumpirmadong patay, na mas mataas sa 497 sa parehong panahon noong 2018.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo, kinakailangang analaisahin ng mga rehiyon, sa pamamagitan ng
localization, kung ang mga lugar ay may "clustering," "high attack rate" at "case fatality rate" upang makagawa
ng stratehiya.

Nasa ilalim ng epidemic threshold level ang mga sumusunod na lugar:

 Calabarzon
 Mimaropa
 Bicol
 Western Visayas
 Eastern Visayas
 Western Mindanao
 Central Mindanao
 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Natanggal sa listahan ang National Capital region at Ilocos sa mga alert level, ngunit naisama naman ang
Caraga.

Paliwanag ni Domingo, mas mababa sa alert level ang bilang ng dengue cases sa NCR at Locos sa linggong
saklaw ng ulat.

Karamihan sa mga ito ay edad lima hanggang siyam na taong gulang, na bumubuo ng 43,047 o 23% ng
kabuuang bilang.

Samantala, nagdeklara na rin ng state of calamity sa Southern Leyte kaugnay ng dengue.

Reaksyon ng Dengvaxia makers

Sa kabila ng mga debate sa Dengvaxia vaccine, na bakunang pipigil sana sa dengue, binuksan ng Sanofi
Pasteur ang linya ng kanilang komunikasyon sa mga Pilipino bunsod ng mga insidente.

"It breaks our hearts to see the situation and that is why we really want to get involved. We need to support the
people of this country through different initiatives and one of them being starting with this session," ani Jean-
Antoine Sinsou, general manager ng Sanofi Pasteur.

(Nadudurog ang puso namin na makita ang nangyayari at gusto naming makatulong. Kailangan naming
suportahan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng iba't ibang inisyatiba at isa na rito ay ang pagsisimula ng
sesyon na ito.)

Matatandaang tuluyan nang pinagbabawalan ng Food and Drug Administration ang Dengvaxia sa
Pilipinas nitong Pebrero matapos nilang bigong makapagsumite ng mga "post-approval commitment
documents."
Idinadawit din ng ilang magulang at ng Public Attorney's Office ang Dengvaxia sa pagkamatay ng ilang bata na
naturukan nito.

Sa pagbubukas ng kanilang komunikasyon sa publiko, sinabi ni Zinsou na direktang sasagutin ng kanilang


medical team ang katanungan ng publiko sa pamamagitan ng kanilang website.
Maliban sa Dengvaxia, tumatanggap din daw sila ng ibang tanong pangkalusugan.

"We saw the direct impact was the drop in the vacination coverage and as a consquence we’ve seen measles
outbreaks and lot of kids hosptialized, some kids dying from measles, a preventable disease," sabi ni Zinsou.

(Nakita namin na direktang epekto ito ng pagbaba ng mga nababakunahan at dahil dito nakita natin na dumami
ang tigdas, dumami ang naospital, 'yung ibang bata namatay sa measles na kaya namang maagapan.)
Misyon daw ng kanilang kumpanya na walang magdurusa sa mga sakit na kaya namang mapigilan ng mga
bakuna. — James Relativo at may mga ulat mula kay Sheila Crisostomo

Mga pasyenteng may leptospirosis dumarami


MANILA, Philippines — Napaulat na tumataas umano ang bilang ng mga kaso ng sakit na leptospirosis sa
bansa.

Ayon sa iniulat sa Department of Health, umabot sa 1,030 ang kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang
Hunyo 9 ng taong ito na mas mataas nang 41% kaysa sa bilang na naitala sa kahalintulad na mga buwan ng
nakaraang taon. Sa bilang na ito, 339 ang laboratory-tested at 77 ang positibo sa leptospirosis. May naitalang
93 ang namatay sa naturang sakit.

May mga edad na mula isa hanggang 88 taong gulang ang mga biktima ng leptospirosis. Mayorya ay mga
lalake (872 o 85%). Karamihan ng mga kaso ay mula sa Western Visayas (221), Caraga (162), at Region XI
(86).

Nauna rito, pinayuhan ng DOH ang publiko na magmatyag sa mga sintomas ng leptospirosis kapag lumulusong
sila sa baha lalo na kung tag-ulan.

Pay rules para sa August holidays inilabas ng DOLE


MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer sa pribadong
sektor hinggil sa tamang pasuweldo sa kanilang mga manggagawa na magtatrabaho sa mga idineklarang
holiday sa buwan ng Agosto.

Kasunod ng Proclamation No. 555, s. 2018 at No.789, s.2019, na nagdedeklara sa Agosto 12 at 26 bilang mga
regular holiday para sa paggunita ng Eid’l Adha at National Heroes Day at ng Agosto 21 bilang special non-
working holiday para sa pag-alala sa pagkamatay ni dating Senador Ninoy Aquino, nagpalabas si Labor
Secretary Silvestre Bello III ng isang advisory na nagtatakda ng tamang panuntunan sa pagpapasuweldo para
sa mga nasabing holidays.

Nagpaalala si Bello sa mga employer na sundin ang mga sumusunod na formula sa pagkalkula ng sahod ng
mga manggagawa para sa Agosto 12 at 26 – regular holidays:

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo para
sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance [(Arawang suweldo + COLA)] x 100%];

Kapag pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng 200 porsiyento ng kanyang suweldo
para sa isang araw para sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA (Arawang suweldo +
COLA) x 200%.

Sen. Go sa PhilHealth ‘Ibalik, tiwala ng bayan’


MANILA, Philippines — Nanawagan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga opisyal ng Philippine
Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ayusin ang kanilang trabaho at pagseserbisyo upang muli silang
pagkatiwalaan ng taongbayan.

Hinamon ng senador ang bagong liderato ng ahensiya na huwag nang hayaang makalusot pa ang mga ghost
claim at huwag masayang ang pera ng gobyerno para sa taongbayan.

“Hindi na dapat magpatuloy ang anomalya sa PhilHealth. Sabi nga ng ating Pangulo, hindi tayo papayag, not
even a whiff of corruption. Dapat managot ang dapat managot,” aniya.

Sinabi ni Sen. Go na magpapatuloy ang joint inquiry ng Senate blue ribbon at health committees hinggil sa
korupsyon at umano’y pagkilos ng “mafia” sa nasabing ahensiya.

“Gusto ko marinig kung papaano nakalusot ang mga fraudulent claims, ghost payments at upcasing sa
ahensya. Mayroong kutsabahan diyan between officials at mga hospital. ‘Yan ang gusto kong marinig sa
PhilHealth,” dagdag ng senador. “Wala akong pakialam, masagasaan na ang masagasaan,” ang mariing
pahayag ng senador.

Aminado si Go na ikinainis niya ang pagtuturuan ng mga opisyal na dumalo sa Senate hearing dahil halata ang
kutsabahan sa pagitan ng mga PhilHealth at mga service providers kaya dapat managot ang mga dapat
managot.

DOLE idiniin ang awtoridad sa working permit ng dayuhan

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sila lang ang may
awtoridad na magbigay ng working permit sa mga dayuhang nais magtrabaho sa Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng kalituhan dulot ng kwestyonableng pagdami ng Chinese workers sa bansa.

“Iisa lang naman ang nagbibigay ng permit. Ang Department of Labor (and Employment). Yung binibigay ng
Bureau of Immigration, temporary lang yon. Special working permit,” ani Bello.

Pinapayagan umano ng batas na BI ang magbigay ng special working, gayundin yung sa Department of
Justice, mayroon din silang kapangyarihan mag-issue ng permit na tinatawag na anti-dummy law.

Sa isang statement kamakailan, sinabi ng Chinese Embassy na iligal sa kanilang bansa ang anumang uri ng
pagsusugal.

Pero sa kabila nito, nabatid na lumobo sa higit 100,000 ang bilang ng foreign workers sa mga Philippine
offshore gaming operation (POGO) hubs, kung saan karamihan ay mga Chinese.

Samantala, nagpahayag ng paniniwala si Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman Andrea
Domingo na hindi banta sa seguridad ng bansa ang (POGO).

Sa Report to the Nation forum ng National Press Club, sinabi ni Domingo na, bilang isang dating intelligence
officer at commissioner ng Bureau of Immigration, tiwala siya na hindi banta sa bansa ang pagdami ng mga
POGOs na malapit sa mga base militar sa bansa.

Aniya, sa panahon ngayon, ang social media ang nakabantay at hindi na kailangan pa ng napakaraming katao
para lamang mag-espiya. Nagkataon lang din na napuwestong malalapit sa strategic locations ang mga
nasabing POGOs.

Unemployment benefit puwede nang kunin sa SSS


MANILA, Philippines — Maaari nang magtungo ang mga unemployed members ng Social Security System sa
alinmang sangay ng SSS sa Pilipinas at ibang bansa para makuha ang kanilang unemployment separation
benefit.

Ang unemployment benefit ay isa sa mga benepisyung laan sa mga miyembro sa ilalim ng Republic Act 11199
o Social Security Act of 2018.

Ang lahat ng member-applicants ay maaaring mabigyan ng cash benefit na kasinghalaga ng kalahati ng


kanilang average monthly salary credit (AMSC) para sa maximum period na dalawang buwan.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, sa pamamagitan ng benepisyung ito,
ang mga miyembro kasama ang mga kasambahay at overseas Filipino workers (OFWs) ay pinagkakalooban ng
dagdag na social security protection.

Anya, kung halimbawa ang isang miyembro ay may sahod na P10,000 kada buwan sa huling buwan sa
trabaho, ang cash assistance nito ay aabutin ng P5,000 kada buwan o kabuuang P10,000 para sa dalawang
buwang maximum period.

Ang mga benepisyaryo ay hindi hihigit sa 60 taong gulang mula nang mawalan ng trabaho.

Ayon kay Ignacio, dapat ang SSS member ay nakapagbayad ng may 36 monthly contributions sa loob ng 12
buwan bago naalis sa trabaho.

Ang Involuntary separations mula March 5, 2019 onwards ay may unemployment insurance.

Diplomatic protest vs Chinese warships isasampa ng DFA


MANILA, Philippines — Inutos kahapon ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang
pagsasampa ng isa pang diplomatic protest kaugnay sa pagdaan ng mga barkong panggiyera ng China sa
karagatan ng Pilipinas.

Sa isang tweet sa Office of Asia and Pacific Affairs ng DFA, sinabi ni Locsin, “Magsampa ng diplomatic protest
laban sa mga Chinese warship. Wala nang diplomatic crap. Sabihing sa atin ito, tapos. Trespassing sila. Kung
ginagawa na natin, gawin uli, Hindi tayo mauubusan at huwag maghintay ng formal intel. Trespassing sila.”

Sa isang pagdinig sa Senate committee on foreign relations, sinabi ni Locsin na agad niyang inutos ang
pagsasampa ng protesta nang ireport ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang umano’y presensiya ng
Chinese military at research ships sa karagatan ng Ilocos Norte at Sibutu Strait malapit sa Tawi-Tawi mula
noong nakaraang buwan.

Inamin kamakailan ni Lorenzana na naiinis ito sa pagdaan ng mga Chinese warship nang hindi pinasasabihan
ang mga awtoridad ng Pilipinas.
“Wala naman sila ginagawang masama na umatake sa atin or whatever... nakakainis lang dahil tubig natin at
warships sila, buti sana kung civilian, pinapatay pa identification system, so nakakainis lang,” sabi pa ni
Lorenzana.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Cirilito
Sobejana, ilang Chinese warship ang naglayag sa Sibutu Strait nang mahigit tatlong ulit nitong Agosto. Dalawa
pang pagpasok ng mga barkong Chinese ang dumaan noong Hulyo.

You might also like