Noong unang panahon mayroon lamang dalawang taong nakatira sa Albayarzon na tinatawag ngayong Albay ang dalawang taong iyon ay ang magkasingtahang si Maria at Yonnoy silang dalawa ay naiwan sa liblib na malawak na lugar at naging malapit sa isat isa. Hindi nila alam kung bakit sila lamang dalwa ang tao sa lugar na iyon kaya gumawa sila ng paraan kung paano makakakuha ng pagkain, si Yonnoy ay nakakita ng isang halamang puno ng gulay kaya agad niya itong niluto at tinanim ang buto upang dumami ang kanilang makain inalagaan nilang dalawa ang lugar na iyon. Isang araw ay nakaramdam ng sakit ng tyan si Maria yun pala ay siyay nag dadalang tao at tuwang tuwa si Yonnoy nung sinabi ni Maria ito sa kanya. At pinangalanan nila ang kanilang anak na Mayon siya ay napakabait tinutulungan niya ang kanyang mga magulang sa pagpapaganda ng kanilang lugar. Isang gabi biglang umingay ang lugar yun pala ay madaming dumating na mga masasamang tao na hindi alam nang mag-asawa pinrotektahan ni mayon ang kanyang mga magula gumawa ito ng parang kweba a walang makakakita sa kanila at sumilip si Mayon sa itaas ng kweba sa tulong ng kanyang mga magulang binuhat nila si mayon at nakita siya ng mga mananakop at natamaan ng maraming bala si mayon at biglang umalis lahat ng taong nakapatay kay mayon inilibing nila si mayon sa ilalim mismo ng kweba. Isang araw may napansing kakaiba ang magasawa biglang lumaki ang kwebang pinaglibingan ni Mayon at nahimatay sila parehas dahil pagod at lungkot at sabay pumutok ang kwebang tinawag ngayong bulkan at ang usok nito ay parang imahe ng magulang ni mayon kaya tinawag ang kwebang yon ng Bulkang Mayon.