Professional Documents
Culture Documents
Unang Markahang Pagsusulit 8
Unang Markahang Pagsusulit 8
Unang Markahang Pagsusulit 8
Department of Education
Central Visayas, Region VII
DIVISION OF SIQUIJOR
District of Lazi
LAZI NATIONAL AGRICULTURAL SCHOOL
Tigbawan, Lazi, Siquijor
FILIPINO 8
UNANG MARKAHAN
I. Piliin ang wastong sagot para sa mga sumusunod. Isulat lamang ang letra sa iyong sagutang papel.
Bumaba sa bundok si Maria Makiling upang tumulong sa mahihirap na tao. Ngunit ang
matatapang at mga sakim na lalaki ay sinamantala ang kanyang pag-alis. Umakyat sila sa bundok
at itinakas nila ang mga luya ni Maria Makiling. Ang mga luyang ito ay magiging ginto kapag
dinikdik. Nagulat ang matanda sa ibaba ng bundok nang malamang pinagnakawan ng
masasamang lalaki ang diwata. Nag-alala sila na baka hindi na sila tulungan ni Maria Makiling
dahil sa ginawang kasamaan ng tao.
21. Anong uri ng kuwento ang tungkol kay Maria Makiling?
a. alamat b. epiko c. kuwentong-bayan d. pabula
22. Anong uri ng tao ang nagsamantala sa pag-alis ni Maria Makiling?
a. matatanda at masasamang loob c. maliliksi at mararahas
b. malalakas at mapagsamantala d. matatapang at sakim
23. Aling pangyayari ng magkakasunud-sunod sa talata?
1. Nagulat ang matanda sa pagnanakaw ng mga lalaking sakim.
2. Ninakaw ang mga lalaking matapang at sakim ang mga luya ni Maria
Makiling.
3. Bumaba sa bundok si Maria Makiling.
4. Umakyat sa bundok ang mga lalaki.
a. 1-2-3-4 b. 3-4-2-1 c.2-3-1-4 d. 4-3-1-2
24. Alin sa mga ito ang idyoma?
a. Nagbabatak ng buto c. Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa
b. Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot d. Pag di ukol ay di bubukol
25. Sabi ni Julia sa asawa, "Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako tulungan, aangat ang ating kabuhayan."
a. Mananaga si Julia c. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi
b. Pupukpukin ni Julia ang bato d. Tatagain ni Julia ang bato
26. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka
nila.
a. Magsabi ng katotohanan b. Maglaro sa buhanginan c. Magsinungaling d. Magpatiwakal
27. Napauwi kaagad galing sa Estados Unidos si Ricardo dahil nabalitaan niyang ang asawa niya ay naglalaro ng
apoy.
a. Nagluluto b. Nagpapainit c. Nasunugan d. Nagtataksil sa kanyang asawa
28. Isang uri ng panitikan na tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay o pook.
a. Tula b. Epiko c. Talata d. Alamat
29. Binubuo ito ng mga lipon ng pangungusap na magkakaugnay.
a. Tula b. Epiko c. Salaysay d. Alamat
30. “Lumapit ditong tumatakbo ang bata”. Ang pangungusap ay isang halimbawa ng
pang-abay na _________.
a. pamaraan b. panalungat c. pananhi d. panlunan
31. Ang mga sumusunod ay katangian ng epiko maliban sa isa.
a. Pagkabuhay na muli ng bayani
b. Pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita
c. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan
d. Patuloy na pakikipagdigma ng bayani
32. Bakit may taglay na supernatural o di-pangkaraniwang kapangyarihan ang mga
pangunahing tauhan sa epiko?
a. Dahil isinilang sila na may taglay na kapangyarihan. c. Dahil sila ay pili ng mga diwata.
b. Dahil sila ay anak ng mga diwata. d. Dahil sila ay saad ng kasaysayan.
33. Sino ang may-akda sa tulang Pag-ibog sa Tinubuang Lupa?
a. Jose Rizal b. Andres Bonifacio c. Apolinario Mabini d. Juan Luna
34. Dito nakasaad ang katapusan ng alamat na maaaring masaya o malungkot.
a. Panimula b. Gitna c. Wakas d. Banghay
35. Saang bahagi ng alamat nakasaad ang mga mahahalagang pangyayari sa alamat?
a. Panimula b. Gitna c. Wakas d. Banghay
36. Sa anong bahagi ng alamat nakasaad ang mga tauhan at pook?
a. Panimula b. Gitna c. Wakas d. Banghay
37. Ang sumusunod ay mag layunin ng talata maliban sa
a. mang-aliw b. magbigay impormasyon c. magbigay argumento d. magbigay kalituhan
38. Ito ang pangwakas na bahagi ng isang komposisyon o talata.
a. Talatang Panimula b. Gitnang Talata c. Talatang Pabuod d. Talatang Ganap
39. Isang teknik sa pagpapalawak ng paksa na pagdaragdag ng kahulugan sa salita.
a. Depinisyon b. Pagkokompara c. Pagsusuri d. Pananaliksik
40. Teknik sa pagpapalawak ng paksa kung saan kailangang gamitin ang limang pandama.
a. Depinisyon b. Paghahambing c. Pagsusuri d. Pananaliksik
41. Isang maikling katha na binubuo ng mga lipon ng pangungusap na magkakaugnay.
a. Pangungusap b. Talata c. Paksa d. Simuno
42. Tumutukoy ito sa ayos at nagsisilbing gabay sa komposisyon o talata.
a. Banghay b. Balangkas c. Kaisahan d. Diwa
43. Teknik sa pagpapalawak ng paksa sa pamamagitan ng pagkokompara ng mga salita, tao o bagay.
a. Depinisyon b. Paghahambing c. Pagsusuri d. Pananaliksik
44. Ito ay binubuo ng simuno at pang-uri at mayroon itong isang buong diwa.
a. Pangungusap b. Talata c. Paksa d. Simuno
45. Ito ang tinaguriang maromansang epiko ng mga Malay.
a. Bidasari b. Hinilawod c. Si Adlaw at Bulan d. Pinang
46. “Hindi siya natulog ng maaga kaya nahuli siya sa klase.” Ang sinalungguhitan ay nagpapahayag ng
a. Sanhi b. Bunga c. Pang-abay d. Pandiwa
47. “Gabi na siyang umuwi kaya siya pinagalitan ng kanyang ina.” Ang sinalungguhitan ay nagpapahayag ng
a. Sanhi b. Bunga c. Pang-abay d. Pandiwa
48. Teknik sa pagpapalawak ng paksa na nangangailangan ng masususing paggamit ng obserbasyon.
a. Depinisyon b. Paghahambing c. Pagsusuri d. Pananaliksik