Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF LAPU-LAPU CITY
Pusok National High School
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IX (EKONOMIKS)
S.Y. 2018 – 2019
Pangalan_________________________________Taon at Seksiyon_____________Petsa_______Iskor_____
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at piliin ang pinakatamang sagot. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Pinag-aralan sa larangan ng ekonomiks kung paano matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga
prodyuser?
A. Supply B. Prodyuser C. Ekwilibriyo D. Demand
2. Ano ang tawag sa matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded o dami ng demand?
A. Supply Function B. Demand Schedule C. Demand Function D. Supply Schedule
3. Alin ang mahalaga sa mga nagsusuplay ng mga produkto at serbisyo?
A. Kapag ang presyo ay mababa.
B. Kapag ang demand ng mamimili ay tumaas.
C. Kung ang bawat demand ng mamimili ay mababa ang presyo.
D. Kung ang presyo ng bawat demand ng mga produkto at serbisyo ay makatarungan sa mga suplayer.
4. Ano ang kahulugan ng demand?
A. Tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.
B. Tumutukoy sa produktong kahalili ng mga pangangailangan ng mga konsyumer.
C. Tumutukoy sa dami ng bilhin ng mga prodyuser.
D. Tumutukoy sa mga produktong bilhin ng mga suplayer.
5. Anong batas na nagpapaliwanag at nag-uugnay sa pagbaba ng presyo ay dahilan sa pagtaas ng dami ng mamimili?
A. Quantity Demand B. Supply C. Prodyuser D. Demand
6. Ano ang ipinahiwatig kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula sa itaas at pababa na siyang nagpapakita ng
downward sloping?
A. Walang kaugnayan ang presyo at demand C. Negatibo ang ugnayan ng presyo sa dami ng demand
B. Walang pagbabago ang presyo ayon sa demand D. Positibo ang ugnayan ng presyo sa dami ng demand
7. Anong tawag sa talaan na nagpapakita ng dami ng demand na kaya at gustong bilhin ng mamimili sa iba’t ibang
presyo?
A. Batas ng Demand B. Demand Schedule C. Batas ng Supply D. Supply Schedule
8. Anong tawag sa konsepto na nagpapaliwanag na kapag mataas ang presyo ng mga produkto, ang mamimili ay
hahanap ng pamalit na mas mura ang presyo?
A. Substitution Effect B. Income Effect C. Demonstration Effect D. Demand Effect
9. Ito ay kurba na halos bertikal na nagpapakita ng di-gaanong makatugon ang konsyumer sa pamamagitan ng pagbaba
ng bilang ng demand sa pagtaas ng presyo tulad ng presyo ng bigas. Anong kurba ang ipinahiwatig sa unahan?
A. Proportional Curve B. Direct Curve C. Demand Curve D. Curve
10. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto.
Ano ang ipinahiwatig sa sitwasyong nabanggit?
A. Panlasa B. Kita C. Okasyon D. Inaasahan
11. Alin sa mga sumusunod ang dahilan sa pagbabago ng kurba ng demand?
A. Pagdami ng mamimili C. Pagpapanic buying
B. Pagkakagusto ng isang produkto D. Lahat ng nabanggit
12. Ang paglipat ng kurba ng demand mula kanan patungong kaliwa ay nagpapahiwatig ng___________________.
A. Pagbaba ng demand B. Pagtaas ng demand C. Pagbaba ng supply D. Pag-angat ng kita
13. Anong tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kasabay sa pagtaas ng kita ng tao?
A. Complimentary goods B. Inferior goods C. Normal goods D. Substitute goods
14. Anong uri ng elastisidad na ang value ay mahigit sa isa sa pagtugon ng mga konsyumer sa bawat porsiyento ng
pagbabago ng presyo tulad ng pagdami ng pamalit na produkto na tuna sandwich ay papalitan ng egg sandwich, biscuit o
biskotcho?
A. Unitary B. Elastik C. Perfectly inelastic D. Perfectly elastic
15. Ang pagtugon ng konsyumer sa porsiyento ng pagbabago ng presyo na ang value ay katumbas ng 1 ang nakuhang
kompyutasyon na nangangahulugan na maliit lamang ang porsiyento na kinukonsumo ng konsyumer tulad ng kandila,
kendi, posporo, asin at iba pa. Anong tawag sa elastisidad ng demand na ito?
A. Perfectly elastic B. Perfectly inelastic C. Unitary D. Elastic
16. Anong elastisidad na handing tumanggap ang mga konsyumer ng pagbabago ng presyo halimbawa ng gamot na kahit
mataas ng presyo ang mga nagbibili, bibilhin pa rin ang takdang dami na gamot na kailangang inumin ng pasyento o
konsyumer?
A. Perfectly elastic B. Perfectly inelastic C. Unitary D. Elastic
17. Anong batas ang nagpapaliwanag na kung mataas ang presyo marami ang nagsusuplay at kapag ang presyo ay
mababa kakaunti ang nagsusuplay?
A. Batas ng Supply B. Batas ng Demand C. Batas ng Tao D. Batas ng Abogado
18. Hindi lamang presyo ang nakapagbabago ng supply, may iba’t ibang salik na nakapagbabago nito. Isa na rito ang
angkop na pangangailangan ng mga prodyuser at magsasaka, ang pag-ulan ay siyang daan sa pagkakaroon ng
masaganang ani. Anong salik ang nakaapekto nito?
A. Ekspektasyon B. Teknolohiya C. Klima o Panahon D. Subsidy
19. Ito ay paraan na ginagamit upang masukat ang magiging pagtugon ng quantity supplied sa tuwing may pagbabago sa
presyo?
A. Price elasticity ng demand B. Price elasticity ng supply C. Quantity demand D. Quantity supply
20. Kapag kakaunti ang salik na gagamitin ay nagpapakita ng matalinong pagpapasya ngunit nakabuo pa rin ng maraming
produkto, ito ay nangangahulugan na ang suplayer ay nagpapakita na _____________________________.
A. Matibay B. Matagumpay C. Effective D. Efficient
21. Ang isang matalinong pagpapasiya ay nagpapakita na maging handa sa anumang inaasahang balakid tulad ng
kalamidad, krisis sa ekonomiya upang hindi maapektuhan ang produksiyon. Anong katangian ang ipinakita ng isang
matalinong suplayer?
A. Nakikipagsapalaran B. Handa sa inaasahan C. Mapagsamantala D. Masigasig
22. Ang isang kalagayan sa pamilihan na nagpapakita ng dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga
konsyumer at handa at kayang ipagbili ng produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho. Anong tawag nito?
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Ekwilibriyong dami D. Ekwilibriyong supply
23. Ang bawat pagbaba ng presyo ay nangangahulugan naman ng pagtaas ng quantity demanded, ito ay masasabing ang
Qd ay isang dependent variable samantala ang P ay independent variable. Ano ang tawag nito?
A. Mathematical schedule B. Mathematical demand C. Mathematical equation D. Disequation
24. Anong tawag sa sitwasyon kung saan mas malaki ang dami ng demanded kaysa dami ng produkto nais i-supply?
A. Surplus B. Shortage C. Supply D. Support Supply
25. Anong tawag sa sitwasyong nagpapakita na mas malaki ang dami ng produkto na isusupply kaysa dami ng demand?
A. Shortage B. Surplus C. Supply D. Supply curve
26. Sa pamilihan inilarawan ang mga paninda ni Mang Berto na malakas ang benta ng lugaw sa panahon ng tag-ulan
ngunit matumal naman ito sa panahon ng tag-init? Ano ang ipinahiwatig nito?
A. Labis B. Kulang C. Sakto D. Surplus
27. Naubos kaagad ang paninda ni Mang Kiko nang bilhin ng turista ang kanyang panindang siopao.
A. Labis B. Kulang C. Sakto D. Surplus
28. Ang sitwasyong nagkakasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang Php 50 at sa dami ng tsokolate ay
nagpapatunay na ___________________.
A. shortage B. sakto C. labis D. ekwilibriyo
29. Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng pagkontrol sa presyo ng mga bilihin at ito ay isinasagawa ng National Price
Coordinating Council. Anong tawag sa ipinatupad ng pamahalaan?
A. Price Support B. Price Control C. Price Ceiling D. Price Floor
30. Kung ang presyo ng isang produkto ay labis na mataas at hindi makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa
mapang-abusong gawi ng mga may-ari, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Dito pumapasok
ang pamahalaan sa pakikialam sa pagpepresyo sa mga produkto sa pamilihan. Anong tawag sa patakaran sa pagtatakda
ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
A. Price Ceiling B. Price Floor C. Clearing Price D. Price Support
31. Aling istruktura ng pamilihan na kung saan ang pinakamabisang halimbawa ay ang pamahalaan na siyang kumukuha
ng mga serbisyo ng mga sundalo, guro, pulis at bumbero?
A. Monopolyo B. Monopsonyo C. Oligopolyo D. Oligopolista
32. Alin sa mga sumusunod na mga salik ang nakaapekto sa demand ng mga mamimili maliban sa kita?
A. Presyo B. Ekspektasyon C. Panlasa D. Lahat ng nabanggit
33. Anong tawag sa mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser?
A. Talipapa B. Tabo Banay C. Simbahan D. Pamilihan
34. Kailan masasabi na ang pamilihan ay may ganap na kompetisyon?
A. Maging malaya sa paglabas at pagpasok sa industriya
B. Hinahadlangan ng mga prodyuser ang mga kalabang negosyante
C. Walang sapat na kaalaman sa mga negosyo
D. Walang pagkakatulad ang kanilang negosyo
35. Ang lugar na ideneklarang nasa state of calamity ay may 60-araw bilang price freeze. Anong ahensiya ang
nagsasagawa nito?
A. DOLE B. BFAD C. DTI D. DOTC
36. Anong tawag sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa produkto at serbisyo sa pamilihan?
A. Price Floor B. Price Support C. Price Ceiling D. Price stabilization
37. Bakit kailangang mapanatili ang sapat na supply ng mga produkto sa pamilihan?
A. Upang maging masagana ang bawat mamamayan sa kanilang pangangailangan.
B. Upang matustusan ang mga pangangailangan ng mga konsyumer at hindi sumobra o kumulang ang supply.
C. Upang matiyak na tama lamang ng kanilang pangangailangan.
D. Upang ang bawat mamamayan ay masigurong ligtas sa anumang kakulangan ng mga pangangailangan at kagustuhan.
38. Kapag humingi ng dagdag na sahod ang mga manggagawa, ano ang mangyayari sa supply ng produkto?
A. Bababa ang supply B. Mananatili ang supply C. Tataas ang supply D. Walang pagbabago sa supply
39. Ang kape at asukal ay magkomplimentaryong produkto, tumaas ang presyo ng asukal. Ano ang mangyayari sa supply
ng kape?
A. Bababa ang supply B. Mananatili ang supply C. Tataas ang supply D. Walang pagbabago sa supply
40. Aling estruktura ng pamilihan na kakaunti ang prodyuser at halos magkapareho ang produkto at serbisyo na
ipinagbili?
A. Oligopolyo B. Monopolyo C. Monopsonyo D. Monopolistiko
41. Ang mga sabong pampaligo tulad ng Safeguard, Dove, Tender Care, Lux, Camay at iba pang tatak ay pare-pareho
lamang na nakalilinis sa katawan, kaya kahit anong brand name ang gagamitin ng mga tao tiyak na lilinis ang kanilang
katawan. Ito ay halimbawa ng__________________.
A. Oligopolyo B. Monopolyo C. Monopsonyo D. Monopolistiko
42. Ang estruktura ng pamilihan na iisa ang konsyumer tulad ng serbisyo ng pulis, guro, sundalo, doctor at iba pa para sa
pagkakaloob serbisyong panlipunan. Anong tawag sa estrukturang ito?
A. Monopsonyo B. Monopolistiko C. Monopolyo D. Oligopolyo
43. Paano mo masosolusyonan ang suliranin ng kakapusan ng supply na lokal na produkto sa pamilihan?
A. Sa pamamagitan ng pagbantay ng mga dayuhang produkto na hindi papasok sa pamilihan
B. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produktong mula sa sariling bansa
C. Sa pamamaraang paggamit ng maayos sa mga produktong likha ng Pilipino
D. Lahat ng nabanggit
44. Bakit mawalan ng interes ang mga magsasaka na magtanim ng palay sa kanilang sakahan?
A. Masyadong mababa ang equilibrium price ng mga produktong palay sa pamilihan
B. Mataas ang gastusin at nahihirapan ang mga magsasaka sa pagbenta ng kanilang ani sa sakahan
C. Hindi makabawi ang mga magsasaka sa kanilang puhunan sa pagtatanim ng palay
D. Ang mga magsasaka ay pawing mga propesyonal at hindi nahalina sa gawaing sakahan
45. Paano maiiwasan ang mataas na inflation?
A. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa lahat na produkto sa pamilihan
B. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng price stabilization program
C. Sa pamamagitan ng pagbabawal ng pagtaas ng presyo ng mga import product
D. Ipinagbawal ang pagpasok ng mga produktong dayuhan
46. Kung ang Price Support ay para sa magsasaka para kanino ang Price Control?
A. Konsyumer B. Prodyuser C. Pamahalaan D. Suplayer
47. Alin sa mga sumusunod ang hinahangad ng mga negosyante sa estruktura ng pamilihan?
A. Malaki ang puhunan B. Tumaas ang kita C. Maraming manggagawa D. Tanyag sa bansa
48. Bakit ang mga negosyante sa estrukturang monopolistikong kompetisyon ay isang monopolista?
A. Dahil siya ay may kakayahang magpalit ng manggagawa
B. Dahil siya ay may kaalaman sa pagplano ng negosyo
C. Dahil siya ay may kapangyarihan sa paglikha ng mga produkto
D. Dahil siya ay may kakayahan g itakda ang sariling presyo
49. Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng pamilihan kung saan ipinapakita
ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser sa sitwasyong ito, ano ang ipinahiwatig kapag ang pamilihan ay may kinikilala
bilang modelo o ideal?
A. Perfectly Competitive Market C. Kompetisyon
B. Imperfectly Competitive Market D. Malayang kompetisyon
50. Alin sa mga sumusunod ang konsepto ng Price Taker sa estruktura ng pamilihan?
A. Ang Prodyuser at konsyumer ay humahadlang ng mga suplayer
B. Ang Konsyumer at prodyuser ay umaayon lamang sa takbo ng presyo sa pamilihan
C. Ang Konsyumer at prodyuer ay nagkakasundo sa anumang pagbabago ng produkto
D. Walang karapatan ang konsyumer at prodyuser sa pagpepresyo

“Markets are usually a good way to organize economic activity”


-Nicholas Gregory Mankiw

Prepared by: Quality Assured by:

IVY L. TUÑACAO & MARY GRACE T. PESTILLOS DIOGE D. TORING


AP/ESP Teachers Subject Coordinator
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF LAPU-LAPU CITY
Pusok National High School
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP IX
S.Y. 2018 – 2019
Pangalan_________________________________Taon at Seksiyon_____________Petsa_______Iskor_____

Direksiyon: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa sumusunod ang tunay na
diwa nito, maliban sa?
A. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
B. Ingatan ang interes ng marami.
C. Itaguyod ang karapatang-pantao.
D. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.
2. Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?
A. Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino B. Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao
C. Mula sa kaisipan ng mga pilosopo D. Mula sa Dios
3. Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “ First Do No Harm” sa mga medical na doctor?
A. Gawin lagi ang tama C. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba.
B. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit D. Ingatan na huwag saktan ang tao
4. Paano sinikap n gating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat mamamayan?
A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan.
B. Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas.
C. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan.
5. Alin sa sumusunod ang hindi umaayon sa Likas na Batas Moral?
A. Pagkaltas ng SSS, PAG-IBIG, at buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon.
B. Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar.
C. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili.
6. Sa paanong paraan natutuhan ang Likas na Batas Moral?
A. Ibinubulong ng anghel C. Naiisip lamang
B. Itinuturo ng bawat magulang D. Sumisibol mula sa konsensiya
7. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
A. Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
B. Nag-iiba ang likas na batas moral batay sa kultura at kinagisnan.
C. Ang likas na Batas Moral ay para sa lahat.
D. Maraming anyo ang likas na batas moral.
8. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil ____________________________.
A. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon.
B. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.
C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan.
D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang.
9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
A. Ito ay ayon sa mabuti C. Makapagpapabuti sa tao
B. Walang nasaktan D. Magdudulot ng kasiyahan
10. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
A. May pagsaklolo sa iba C. Pagkampi sa tao
B. Pagiging matulungin sa kapwa D. Tunay na pagsunod s autos ng Diyos.
11. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa?
A. Karapatan B. Isip kilos-loob C. Kalayaan D. Dignidad
12. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na
kailangan niya sa buhay.
B. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan.
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito.
D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagawa ng moral na kilos.
13. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (iwasan) ang isang gawain. Alin sa sumusunod
Ang hindi ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
14. Ano ang buod ng talata?

Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan,
pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap
isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga
obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.
A. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
B. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
C. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumupad ng tungkulin.
D. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ang indibidwal ang sarili.
15. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
A. Iniwasan ni Mila ang kumain ng karne at matatamis na pagkain
B. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Rosa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso
C. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
D. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljeinski sa Peru para sa mga batang kalye.
16. Anong karapatan ang ipinahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?

Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay nanilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma.
Namumuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing matanggap niya ang
kaniyang pensiyon mula sa Social Security, naglalakad siya ng higit sa isang milya upang ibigay niya ang
kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan. (tithing).

A. Karapatan sa pribadong ari-arian C. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar.


B. Karapatan sa buhay D. Karapatang maghanapbuhay
17. Anong karapatan na batay sa encyclical na “ Kapayapaan sa Katotohanan” ( Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan?

Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takas an ang kalupitan ng mga
sundalo ng Islamic State.

A. Karapatang mabuhay
B. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
C. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
D. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
18. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?

Ang panawagan sa karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa
trabaho, sa pamilyaa, sa kultura - ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay,
ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi
maipagtanggol nang may mataas na antas na determinasyon. (Pacem in Terris)

A. Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.


B. Isang panloloko at paglabag sa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa aborsiyon
C. Kailangang gamitin ng lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas at plano na nagtataguyod ng paglabag sa
Karapatan sa buhay.
D. Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.
19. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?

 Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain


 Gabayan ang mga anak para makaiwas sapanganib
 Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
 Pag-iwas sa eskandalo

A. Karapatan sa buhay C. Karapatang pumunta sa ibang lugar


B. Karapatang magpakasal D. Karapatang maghanapbuhay
20. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas
ng pamumuhay?
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang maghanapbuhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
21. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa:
A. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
B. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa.
C. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
D. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.
22. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa:
A. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakikilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kanyang pulidong trabaho.
Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhenyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito
paano mas mapatibay at mapaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
B. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilaan sa loob ng isang silid para sa buong
maghapong pagtatapos ng isang obra.
C. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa
kaunting barya na ibinigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang
makatapos.
D. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng
kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon siyang naiwang utang at hindi mabayaran. Bilang kapalit, si
Anthony ay magtatrabaho rito ilang taon.
23. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama?
A. Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
B. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
C. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
D. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang sarili.
24. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa at pag-unlad ng agham at teknolohiya?
A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain.
B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
C. Nagkaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
D. Nababago ang kahulugan ng tunay na paggawa.
25. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang
paggawa?
A. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buoli at nilalapatan ng modernong disenyo.
B. Si Rene na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit
ng mga banyaga.
C. Si Romeo na nag-eeksport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.
D. Si Sheila na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak
sa buong mundo.
26. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang
kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
B. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapwa.
C. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit
27. Ano ang obheto ng paggawa?
A. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga
produkto
B. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
C. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
D. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.
28. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
A. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
B. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
D. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
29. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi kasangkapan ang tao sa kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang
makamit ang kaniyang kaganapan.
B. Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang mga
kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
C. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya ang
Kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kanyang kapwa
D. Kapwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang lahat ng
kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
30. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunan na dimensiyon ng paggawa?
A. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
B. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
C. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa ating kapwa.
D. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga nilikha ng kapwa.
31. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
A. Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang
panlahat.
B. Isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa ito.
C. Maaring tawaging bayanihan, damayan, o kawanggawa.
D. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan kapwa.
32. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapatdapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapwa?
A. Bolunterismo B. Dignidad C. Pakikilahok D. Pananagutan
33. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
A. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
B. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
C. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
D. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
34. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
A. Pananagutan B.Tungkulin C. Dignidad D. Karapatan
35. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
A. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
B. Mas higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili.
C. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
36. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado kundi yaong iba na hindi mo tinulungan.
Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
B. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
C. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong
Kapwa sa mga sandaling iyon.
D. Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
37. Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
A. Tuwing Sabado at Linggo ay tinulungan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aral sa kanilang lugar upang
matutong bumasa at sumulat.
B. Si Jerick ay pumunta sa bahay-ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
C. Tuwing eleksiyon ay siniseguro ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang karapat-dapat na mamuno.
D. Sumali si Darlyn sa paglinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili
ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapitbahay.
38. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na
may sakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis at sako na paglalagyan ng basura. Ano ang
kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
A. Impormasyon B. Konsultasyon C. Sama-samang Pagkilos D. Pagsuporta
39. Anu-ano ang dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagmamahal, Malasakit, at Talento C. Talento, Panahon, at Pagkakaisa
B. Panahon, Talento, at Kayamanan D. Kayamanan, Talento, at Bayanihan
40. Ano ang makakamit n gating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagkakaisa B. Kabutihang Panlahat C. Pag-unlad D. Pagtataguyod ng Pananagutan
41. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasya at malayang pagsasakilos ng
kaniyang pinili at ginusto nang may pananagutan ditto?
A. Kagalingan mangatwiran at matalas na kaisipan
B. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
C. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
D. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
42. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay sa mundo
(life-world) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan?
A. Makiangkop B. Makialam C. Makipagkasundo D. Makisimpatiya
43. Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galling
sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha,
paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?
A. Hilig B. Kasanayan (skills) C. Pagpapahalaga D. Talento
44. Sa teoryang Multiple Intelligence ni Dr. Howard Garner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan,
iba’t iba ang talino o talent. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino
o talentong ipinagkaloob sa iyo ng may kaugnayan sa pagpili ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin
B. Pagtuunan ng pansin at palaguin
C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
45. Ano ang dapat na maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa pagpipiliang kurso para sa nalalapit na
Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng mga kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
46. Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na
suportahan siya. Kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang
institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalaala daan upang maging gabay niya.
Anong pansariling salik ang isinagawa ni Clara?
A. Katayuang pinansiyal B. Hilig C. Mithiin D. Pagpapahalaga
47. Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa negosyong ipinundar
simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng
pag-aaral sa kolehiyo. Siya ay saksi sa kasipagan at bukas-palad ng kaniyang mga magulang. Sa kanyang propesyon
ngayon dala niya ito lalo na kapag may mga mahirap siyang pasyente sa probinsiya kapag nagdaraos sila ng medical
mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso?
A. Hilig B. Pagpapahalaga C. Katayuang pinansiyal D. Kasanayan
48. Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational book, kasabay din nito pagguhit at
minsan pagsusulat.Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumasali sa mga paligsahan sa paaralan at nanalo. Kaya sa
pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kanyang propesyon, ang
maging Journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Cecil ang tagumpay ng
kaniyang piniling hanapbuhay?
A. Kasanayan B. Hilig C. Mithiin D. Pagpapahalaga
49. Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa gusto niyang kursong Engineering at
mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman, ang kanilang lokal na pamahalan ay nanghihikayat ng mga
potensiyal na mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. Sila ay sasailalim sa
6-month training at pagkatapos ay may naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kanyang pagsasarili, naisip niyang ito
ang magiging daan tungo sa kaniyang magandang pangarap para sa kaniyang sarili at pamilya. Pumayag siya at naging
desido sa kaniyang desisyon na piliin ito. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa kaniyang naging
desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan?
A. Katayuang Pinansiyal B. Mithiin C. Pagpapahalaga D. Kasanayan
50. Alam ni Diane ang kaniyang galling at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay namana
niya sa kanyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang
kanilang pagtatapos sa Junior High ( Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kanyang pipiliing kurso.
Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo pa siya naman ay bukas pagdating sa komunikasyon sa mga nais
niyang kuning propesyon. Kahanga-hanga si Diane dahil siya ay may matatag na loob na magpasya para sa kaniyang
sarili. Anong pansariling salik ang maging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
A. Mithiin B. Kasanayan C. Pagpapahalaga D. Hilig

“ Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa”

Prepared by:

IVY L. TUÑACAO & MARY GRACE T. PESTILLOS


AP/ESP Teachers

Quality Assured by:

DIOGE D. TORING
Subject Coordinator

You might also like