Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 297

Maybe This Time

by SiMarcoJoseAko

Can love truly change the past? #BSS4

=================

Bachelor Stories Series 4: Maybe This Time

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works


from or exploit the contents of this in any way. Please obtain permission from the
author.

Started: October 2014-February 2015 (COMPLETED)

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Prologue

Sana lahat ng naghihintay, binabalikan.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" Masungit na tanong ko sa lalaking kakapasok lang


sa bahay namin. Prente siyang umupo sa sala namin habang nilalaro ang bola ng
basketball na hawak n'ya. Naka-jersey uniform siya at nakasuot ng isang nike shoes.
Marahil ay maglalaro na naman sila ng kapatid ko ng basketball.

"Dunno." Bored n'yang sagot sa akin at tsaka ipinatong ang mga paa n'ya sa maliit
na lamesa sa may harapan n'ya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo 'no? Hindi ka man lang marunong mahiya sa may-ari ng
bahay." Naiinis kong sabi sa kanya.

"Bakit? Ikaw lang ba ang may-ari ng bahay na 'to?" Nanghahamon n'yang sabi sa akin.

"Kahit na! Dapat marunong kang mahiya kapag nasa bahay ka ng may bahay!" Naiinis ko
pa rin na sabi sa kanya.

"Sus, ikaw dapat ang mahiya. Bisita ako dito kaya dapat inaalok mo ako ng kahit
ano. Akala ko pa naman uso dito sa Pilipinas ang hospitality, hindi naman pala.
Tss." Saad n'ya at tsaka ako inirapan.
"Umalis ka dito! Isusumbong kita kay Mommy kapag hindi ka umalis!" Sabi ko pa.

"Di magsumbong ka, samahan pa kita diyan eh." Sagot naman n'ya sa akin. May maid na
lumapit sa kanya at inalagay sa harapan n'ya iyong orange juice na hiningi n'ya
kanina.

"Nakakanis ka!" Singhal ko sa kanya.

"Sa gwapo kong mukha naiinis ka?" Nakangisi n'yang sabi.

"Ginagalit mo ba ako?" Nakasimangot kong tanong sa kanya. Pinakatitigan ko siya sa


itim na itim n'yang mga mata at ganoon din ang ginawa n'ya. Ngumisi siya ng
nakakaloko at tsaka sumagot sa tanong ko.

"Bakit naman kita gagalitin? Ang sabihin mo, kinikilig ka lang sa akin." Nakangisi
niyang sabi sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter One

ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Hoy, namboboso ka na naman diyan!" Sabi ko sa maputing batang nakaupo sa isang


mahabang upuan na nasa tapat lang ng basketball court ng aming private subdivision.
Nakasuot pa ito ng jersey uniform at marahil ay kakagaling lang sa pagbabasketball.

"Hindi ah." Kaswal n'yang sagot at tsaka pinakatitigan ang sexy'ng babae na dumaan
sa may harapan namin. Tinignan ko naman siya at nakita kong kagat-kagat niya iyong
ibabang labi niya habang sinusundan ng tingin ang babaeng kita na ang kaluluwa sa
sobrang ikli ng shorts na suot nito.

"She's so sexy, I'm going to court her when I turn thirteen." Narinig kong sabi
niya sa hangin.
"Ang bata-bata mo pa, pero ang landi-landi mo na." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Pakielam mo ba? Ang sexy kaya noong babae, palibhasa ikaw pandak tapos maliit pa
boobs mo." Sabi niya sa akin. Bigla namang uminit ang mukha ko sa sinabi niya at
pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa inis.

"Ang bastos mo! Siyempre, eleven pa lang ako. Girl pa lang ako hindi pa ako lady!"
Sagot ko sa kanya.

"Sinasabi mo bang kapag naging lady ka na papatulan kita? Sus. Kahit pa lumaki
'yang boobs mo at kuminis pa 'yang legs mo, hinding-hindi kita papatulan." Seryoso
n'yang sabi sa akin. Nilaro-laro n'ya iyong bola ng basketball na hawak n'ya at
patuloy na tumitingin sa mga babaeng dumadaan sa may harapan namin.

"May sinabi ba akong patulan mo ako kapag naging lady na ako?! Hinding-hindi rin
kita papatulan kahit pa ikaw na lang ang lalaki sa mundo!" Naiinis kong sabi sa
kanya.

"Sus, baka nga crush mo na ako ngayon." Sabi n'ya pa.

"Hindi kita crush 'no! Tutuparin ko muna ang pangarap kong maging presidente ng
buong Pilipinas bago mangyari ang lahat ng 'yon!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi mangyayari ang lahat ng 'yon, baka nga mas lalo pang bumagsak ang ekonomiya
ng Pilipinas kapag naging presidente ka. Bobo ka pa naman." Diretso niyang sabi sa
akin. Lalo akong nainis sa sinabi n'ya.

"I am not stupid! Kung bobo ako, dapat hindi ako ang Top 1 sa class namin!" Sagot
ko sa kanya.

"Oh talaga? Top 1 ka? Hindi naman halata sa mukha mo." Sagot n'ya. Bigla siyang
ngumiti ng makita n'ya si Michelle sa harapan namin. Mas matanda siya sa akin ng
limang taon pero para na siyang eighteen dahil sa pananamit n'ya at makapal n'yang
make up. Mas lalong ngumisi si Travis ng makita n'ya ang sexy'ng legs ni Michelle
at ang cleavage nito na kulang na lang ay tuluyan ng ibuyangyang ang kanyang boobs
sa buong mundo.

"Hi Michelle!" Sabi ni Travis sa kanya. Lumingon naman si Michelle kay Travis at
binigyan ito ng malagkit na tingin at ngiti.

"Hi baby boy!" Nakangiting bati n'ya kay Travis at parang sinasadyang ipakita pa
nito ang boobs niya. Ngumisi naman si Travis at kinagat ulit ang ibabang labi n'ya.

"She has a big tits." Sabi n'ya pagkaalis ni Michelle sa harapan namin.
"Ang manyak-manyak mo. Siguro kapag nagkaroon ka na ng wife, marami ang magiging
baby mo." Sabi ko sa kanya.

"Ano naman ang problema roon? Gwapo naman ako tsaka mayaman kami, tsaka gusto kong
kumalat ang magandang lahi namin sa buong Pilipinas kaya magpapalahi lang ako."
Sagot niya sa akin. Inirapan ko naman siya sa naging sagot niya.

"Kawawa naman 'yong magiging wife mo. Aanakan mo lang ng aanakan, hindi ka marunog
maawa." Sabi ko sa kanya.

"Masarap namang gawin 'yon, kaya ayos lang." Sabi n'ya sabay kindat sa akin.

"Travis!" Nanlalaking-matang sigaw ko sa kanya. Humalakhak lamang siya sa naging


reaksyon ko. Saan n'ya ba natututunan ang mga ganoong bagay? Siguro sa mga pinsan
n'ya rin na kaugali n'ya.

"Talaga naman, nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya nga gusto ko nang lumaki agad,
para makapang-chicks na ako." Nakangising sabi niya.

"Wala ka na ba talagang iisipin kung hindi ang mambabae?" Kunot-noo kong tanong sa
kanya.

"Meron naman, basketball tsaka babae." Sagot n'ya sa akin. Pinapaikot niya iyong
bola sa kanang hintuturo niya.

"Bakit hindi mo na lang ituon ang sarili mo sa pag-aaral? Para naman may future ka.
Hindi 'yong puro bulakbol ka lang at pinapasakit mo lang ang ulo ng Mommy at Daddy
mo." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Sus, chicken lang naman 'yon. Proud pa nga sa akin si Mommy dahil gwapo na ako,
matalino pa, sporty pa! Ikaw? Sabi mo lang na matalino ka, na hindi ko naman alam.
Ikaw lang ata nakakaalam na matalino ka eh." Mapang-asar n'yang sabi sa akin.

"Ang mean mo." Nakanguso kong sabi sa kanya. Sa tuwing makikita ko kasi siya,
walang araw na hindi niya ako nilait, inasar, ginalit, ininis at kung ano pa man.
Ako ang gusto n'yang laging pinag-titripan at ginagalit. Buti na lang at laging
naroroon si Din at Heena para ipagtanggol ako sa impaktong 'to.

"Hindi ah, nagsasabi lang ako ng totoo." Sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng
tingin.

"I hate you." Sabi ko sa kanya.

"Bakit gusto mong maging Presidente ng Pilipinas? Alam mo namang mahirap dito pero
gusto mo pa rin maging Presidente." Kunot-noo niyang tanong. Tumingala naman ako sa
medyo papalubog ng araw. Ala-singko y media na kasi ng hapon at kapag ganitong oras
ay papalubog na ang araw.

"Gusto kong maging Presidente eh, pakielam mo ba?" Ikaw? Bakit ayaw mong
magpakatino?" Tanong ko sa kanya.

"Sa ayaw kong maging matino eh, pakielam mo ba?" Nakangisi niyang sagot sa akin.
Ginaya niya pa iyong tono ng pananalita ko kanina. Umirap lamang ako sa hangin.
Wala talaga akong mapapalang matino kapag itong pangit na 'to ang kasama't kausap
ko. Buti pa si Allen at Alex, kahit paano may magandang nasasabi sa buhay.

"Alam mo, ang sarap mo kutusan. Iyang ugali mo, ugaling kalye." Sabi ko sa kanya.

"Atleast totoo akong tao, hindi ako nagpapanggap. Ikaw? Pinipilit mong maging
perpekto sa harap ng mga magulang mo kahit alam mo naman sa sarili mong hindi mo
kaya." Seryoso niyang sagot sa akin. Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Excuse me, hindi ko pinipilit maging perpekto. Tanggap ako ng mga magulang ko
kahit na hindi ako perfect. Ikaw nga diyan, lagi mong pinapasakit ang ulo ng Mommy
mo. Kaya ka laging napapagalitan ni Tito Trav dahil pasaway ka." Tinaasan ko siya
ng kilay pagkasabi ko noon.

"Ganoon talaga kapag pogi, pinapagalitan din." Taas-noo niyang sabi. Bakit ba ang
taas ng tingin niya sa sarili n'ya? Oo, aaminin kong may itsura nga siya. May
pagka-mestizo kasi siya katulad ng Daddy n'ya at matangos din ang kanyang ilong.
Manipis ang mapupula niyang mga labi na bagay na bagay sa mukha n'ya. Pero ang
pinakagusto ko sa kanya ay iyong mga mata niya. Mapupungay kasi ang mga mata niya
at tila ba may gustong sabihin 'yon kapag tinitigan mo.

"Oh? Sana nainform mo akong lahat ng pogi ay pinapagalitan." Sabi ko sa kanya.


Sumimangot lang siya. Halatang naasar na siya.

"Bakit? Chicks ka ba para sabihin ko sa'yo lahat ng alam ko? Kung may malaki kang
boobs, makinis na legs at kung matangkad ka. Baka pwede pa." Sabi n'ya pa sa akin.
Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Talagang iniinis ako ng mokong na
'to eh.

"Maganda nga sila, wala namang alam." Sabi ko sa kanya.

"Insecure ka sa kanila 'no?" Nakangising sabi niya.

"Hindi ah! Bakit naman ako ma-iinggit kung alam ko namang mas lamang ako sa
kanila?" Seryoso kong sabi sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang umakbay sa akin.
Naramdam ko tuloy iyong balat niya sa balat ko. Medyo pawis pa siya kasi nga
kakagaling lang niya sa pag-babasketball pero kahit na ganoon, hindi siya mabaho.
Sa katunayan nga, mabango pa rin siya kahit na pawisin pa siya.
"Alam mo, Jeorge. Kahit pa magpaganda, magpasexy at kahit pa ikaw ang
pinakamatalinong babae dito sa buong Pilipinas o sa buong mundo, hindi kita
papatulan. Kaya h'wag ka nang umasa, okay?" Sabi niya at tsaka siya humalakhak.
Siniko ko naman ang tiyan niya ng pagkalakas-lakas kaya natigilan siya sa pagtawa.
Napahawak siya sa tiyan niya at halatang nasaktan siya sa nagawa ko.

"Bagay lang sa'yo 'yang pangit ka! Feeling mo naman patay na patay ako sa'yo.
Kinamumuhian nga kita kasi ang bad mo na, ang ugly mo pa. You're so maniac at
bastos pa." Maarte kong sabi sa kanya.

"S—Shit, ang sakit!" Sabi n'ya habang nakahawak sa tiyan niya. Namimilipit siya sa
sakit.

"Tignan mo! Ang bad ng nalabas sa mouth mo! Isusumbong talaga kita kay Tito Trav at
Tita Celestine mamaya!" Sabi ko sa kanya.

"Magsumbong ka! Wala akong pakielam sa nararamdaman mo, patay ka sa akin mamaya.
Ang sakit!" Sabi pa niya habang namimilipit sa sakit. Wala sa sarili naman akong
napangiti. Ang makita siyang ganito na nasasaktan ay isang malaking bagay na sa
akin. Kulang pa nga 'yan sa mga pinaggagawa n'ya sa akin eh! Sa dami ng nagawa
niyang atraso, hindi na magawang bilangin ang mga iyon gamit ang daliri ko.

"Ang pangit mo kahit kailan, Ravis. Sarap mong videohan habang nasasaktan ka ng
ganyan, sayang at hindi ko dala 'yong phone ni Mommy." Mapang-asar kong sabi sa
kanya. Tumayo na ako at tsaka ko siya tinignan ng masama.

"Gaganti ako sa'yo! Tatandaan mo 'yan, sasaktan din kita." Seryoso niyang sabi sa
akin. Pinakatitigan ko naman siya sa mata at sinabi ang mga salitang hindi
magpapatulog sa kanya ngayong gabi.

"Let us see kung sino ang mas masasaktan sa ating dalawa, Travis Kiel Montemayor
Jr."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Two

TWO

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


"Jeorge, h'wag kang masyadong lalayo. Okay?" Paalala sa akin ni Mommy pagkapasok
namin sa malaking entrada ng bahay nina Ravis. Mayroon kasi ngayong party sa kanila
at imbitado ang mga magulang ko. Matagal na kasing magkakilala ang mga magulang ko
pati na rin ang mga magulang ni Ravis kaya sa tuwing may party ay nagkikita kami.

Luminga-linga ako para hanapin sina Din. Panigurado kasi akong nandito sila,
birthday kasi ngayon ni Ravis. Hindi naman ako nabigo at nakita ko silang nakaupo
sa isang round table. Nakita ko si Din, Rissa, Xander, Symon, Shaun, Rissa, Aivan
at Axcel kaya agad akong lumapit sa kanila.

"Hi Din!" Nakangiti kong bati sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at pinaupo ako
sa tabi ni Xander.

"Akala ko hindi ka na makakapunta, nakakainis nga si Heena eh. Hindi siya pumunta
kasi may lakad sila." Sabi sa akin ni Din pagkaupo ko.

"Akala ko pa naman nandito siya." Nakanguso kong sagot sa kanya. Luminga-linga


naman ako para hanapin si Travis pero hindi ko siya makita.

"Nasaan si Ravis?" Tanong ko sa kanila.

"Malay ko." Masungit na sagot ni Axcel sa akin. Si Xander at Symon naman ay parang
hindi narinig ang tanong ko.

"Nasa kwarto n'ya ata." Sagot ni Din sa akin. Paano ko mababati ang pangit na 'yon
kung nasa kwarto siya? Hindi ba dapat nandito siya sa baba? Siraulo talaga 'yong
Ravis na 'yon.

"Gusto mo puntahan natin siya sa taas? Hindi ko pa kasi siya nababati." Sabi ko kay
Din.

"Ikaw na lang, nabati ko na siya kanina. Hintayin na lang kita dito." Sagot naman
niya sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako at tsaka tumayo. Pumasok ako sa loob ng
bahay nila at umakyat sa taas. Kilala naman kasi ako nang mga maids nila kasi lagi
kaming magkakasama kaya ayos lang siguro sa kanila.

Hindi na ako kumatok at dirediretso akong pumasok sa loob ng kwarto ni Travis.


Nadatnan ko siyang walang suot na pang-itaas at may kausap sa telepono n'ya.
Napataas ang kilay ko sa nadatnan ko.

"What the hell are you doing here in my room?" Masungit n'yang tanong sa akin.

"Dinadalaw ka." Kaswal at simple kong sagot.

"Babe, I'm gonna call you later. Bye." Rinig kong sabi niya bago ibaba ang
telepono. Napataas naman ang kilay ko. Ang landi talaga ng lalaking 'to kahit
kailan.

"Bawal ang pangit dito sa kwarto ko." Sabi n'ya sa akin tsaka humiga sa kama n'ya.

"Di pwede pala ako dito? Hindi naman kasi ako pangit." May kumpiyansa kong sabi sa
kanya. Ginawa naman n'yang unan iyong dalawa n'yang kamay kaya lumantad ang makinis
at maputi n'yang kili-kili. Maraming beses ko nang nakitang nakahubad si Travis
kaya hindi na ako naiilang na makita siyang ganito. Minsan pa nga naka-brief lang
siya kapag maliligo kami sa swimming pool nina Axcel eh.

"Hindi pa rin, maliit boobs mo eh." Sabi n'ya sabay tingin sa may dibdib ko.
Inirapan ko lang siya. Sanay na naman kasi ako sa kanya.

"Bakit ayaw mong bumaba? Birthday mo ah." Sabi ko sa kanya sabay upo sa may dulo ng
kama n'ya. Tinignan ko naman ang paligid ng kwarto n'ya na panay designs ng mga
bahay, airplaine, buildings at kung anu-ano pa.

"Boring. Hindi na naman ako seven years old na kailangan pang mag-party." Walang
gana n'yang sabi sa akin.

"Kahit na, dapat naroroon ka pa rin sa baba. Nakakahiya sa mga bisita mo." Kaswal
kong sabi sa kanya. Tumayo naman ako para tignan ang mga pictures n'ya sa may
gilid. May mga trophy rin at medals na marahil ay napanalunan n'ya sa
pagbabasketball o hindi naman kaya ay mga awads n'ya sa school.

"Hindi ko naman sinabing pumunta sila dito, sila ang kusang pumunta kaya sila ang
magdusa." Kaswal n'yang sabi sa akin. Bigla naman akong napaharap sa kanya at tsaka
ko siya pinaningkitan ng mata.

"Siraulo ka talaga 'no? Siyempre, dapat may konsiderasyon ka rin! Birthday mo,
dapat nasa baba ka para batiin sila at i-appreciate ang pagpunta nila dito. Hindi
'yong nandito ka at nakikipaglandian sa telepono!" Naiinis kong sabi sa kanya. Sino
ba naman kasing matinong tao ang magdadahilan ng ganoon? Sila pa raw magdusa! Anong
klaseng dahilan 'yon? Kung batukan ko kaya siya ng ilang ulit?

"Di sila ang pumunta dito sa kwarto ko kung gusto nilang ma-appreciate ko ang
pagpunta nila. Papagurin pa nila ako, aba." Sabi niya. Napahawak naman ako sa ulo
ko at pinipigilan ko na sugurin siya at sakalin. Kahit kailan talaga, hindi
marunong mag-isip.

"Alam mo, masasakal na kita sa katangahan mo. Minsan nga pairalin mo 'yang kakaunti
mong alam. Hindi 'yong puro katangahan at basketball lang ang iniisip mo." Naiinis
kong sabi sa kanya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Pupunta-punta ka dito tapos ikaw naman maaasar."
Sabi n'ya sa akin.
"Gusto lang kitang batiin ng Happy Birthday." Seryoso kong sabi sa kanya. Mayroong
kaming gift nina Mommy at Daddy sa kanya pero may ginawa pa rin ako para sa kanya.
Kahit kasi lagi n'ya akong inaasar, itinuturing ko pa rin siyang kaibigan.

"Sus, akala ko pa naman kung ano. Sige na, lumabas ka na at kakausapin ko pa 'yong
mga babes ko." Sabi n'ya sa akin. Sinimangutan ko naman siya sa inasal n'ya. Hindi
man lang siya nag-thank you!

"May regalo kami nina Mommy at Daddy sa'yo, pero ginawan kita nang isa pang regalo.
Wala pa akong pera kaya ito lang ang nakayanan ko." Sabi ko sa kanya sabay abot ng
anklet na ginawa ko. Nagpaturo ako sa Kuya ko na gumawa noon para sa kanya.
Nakikita ko kasing may suot na anklet si Kuya at ang pogi n'yang tignan kapag may
anklet.

Tinignan naman n'ya iyon at sinusuri na para bang tanga. Oo, mukha kasi talaga
siyang tanga sa paningin ko. Alam n'yo 'yon? Tipong wala pang ginagawa sa'yong
masama ang isang tao pero naiinis ka na agad sa kanya? Ganoon lagi ang pakiramdam
ko kay Travis kapag nakikita ko ang mongoloid n'yang mukha.

"Nice, unique." Rinig kong sabi n'ya habang nakatingin doon sa anklet na ginawa ko
para sa kanya.

"Nag-effort ako para diyan 'no." Sabi ko sa kanya. Lumapit naman ako sa kanya at
kinuha ang anklet na ginawa ko.

"Ako ang mag-susuot sa'yo." Sabi ko sa kanya at tsaka ako umupo sa harapan n'ya.
Kinuha ko naman iyong paa n'ya at tsaka ko ipinatong sa hita ko. Isinuot ko sa
kanya ang kulay itim na hinaluan ng blue na anklet na ginawa ko. Dahan-dahan kong
tinali iyon ng matantya kong sakto na at hindi na iyon matatanggal pa.

"Looks cool." Rinig kong sabi n'ya pagkatapos kong isuot sa kanya.

"Mayroon din ako n'yan, ito oh." Sabi ko sabay pakita sa kanya ng bracelet ko na
katulad ng kanya.

"Cool, pang-couple." Sabi n'ya sa akin. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo
sa mukha ko at pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko dahil sa sinabi n'ya.

"Pang-couple ka diyan!" Sabi ko sa kanya pero parang wala siyang pakielam sa sinabi
ko dahil busy siya na tignan ang anklet na ginawa ko para sa kanya. Wala sa sarili
naman akong napangiti. Atleast nagustuhan n'ya ang iniregalo ko sa kanya.

"Alam mo, Jeorge. Kung malaki lang talaga 'yang boobs mo tsaka medyo matangkad ka.
Pwede na kitang maging syota." Sabi n'ya sa akin. Napakunot naman ako ng noo.

"Syota?" Kunot-noo kong tanong.


"Oo, syota, girlfriend." Kaswal n'yang sabi sa akin.

"Ayoko nga! Tsaka bakit ba ang hilig mo sa malalaki ang boobs? Magbago ka na nga,
Travis!" Nakasimangot kong sabi sa kanya. Minsan tuloy naiinis na ako sa kanya.
Lagi n'ya kasing sinasabi sa akin na ang liit ng boobs ko. Noong tinanong ko naman
si Mommy kung bakit maliit ang boobs ko, sabi n'ya bata pa raw ako at hindi pa ako
nagdadalaga. Mag-iistart lang lumaki 'yon kapag naging teenager na ako.

"Lalaki lang ang may alam kung bakit mahilig kami sa malaki ang boobs. Tsaka bakit
ako magbabago? Sa ganito na ako, ano ang magagawa ko?" Sabi n'ya at tsaka muling
humiga sa kama n'ya.

"Pwede ka namang magbago kung gugustuhin mo. Nakaka-turn off ka kaya! Puro boobs na
lang 'yang nalabas sa bibig mo. Paano kung malaki nga ang boobs, hindi naman babae?
Gusto mo pa rin?" Tinaasan ko na siya ng kilay. Nakita ko naman ang pagngiwi n'ya
sa sinabi ko.

"Siyempre, hindi! Babae lang ang papatulan ko." Bigla siyang tumayo pagkasabi n'ya
noon. Pumunta siya sa may malaki n'yang aparador at kumuha ng damit.

"So hindi ako babae, ganoon?" Magkasalubong na ang kilay ko ngayon. Para kasing
ipinaparating n'ya na hindi ako babae eh.

Bigla siyang humalakhak sa sinabi ko. May nakakatawa ba? Nagtanong lang naman ako
ah?

"You never failed to amuse me, Jeorge." Nakangiti n'yang sabi. Nagulat ako ng bigla
n'yang hubarin iyong itim na pantalon n'yang suot. Nanlaki ang mata ko nang makita
kong naka-puti lang siyang brief. Napalunok ako nang makita kong parang may tent
doon.

"A—Ang bastos mo!" Sabi ko sabay talikod. Narinig ko lang na tumawa siya.

"Ayan tapos na, pwede ka nang humarap." Sabi n'ya kaya humarap na ulit ako sa
kanya. Nagpalit pala siya ng suot. Naka-itim na siyang tokong shorts at ngayon ay
nagsusuot siya ng isang polo shirt na puti.

"Magsasabi ka kapag maghuhubad ka sa harapan ko, okay?!" Galit kong sabi sa kanya.

"Sure, basta ba maghuhubad ka rin sa harapan ko eh."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


=================

Chapter Three

THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"H'wag mo sabi akong itulak! Ano ba!" Naiinis na sigaw ni Heena kay Axcel. Kanina
pa sila nag-aaway at wala naman kaming magawa para pigilan silang dalawa.

"Tinulak ba kita?! Nakita mo bang ako ang tumulak sa'yo?!" Ganting sigaw ni Axcel
kay Heena. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila at nag-suswimming. Weekend at
wala kaming pasok lahat kaya bonding at relax time naming lahat.

"Kids behave." Natatawang sabi ni Xander sa kanilang dalawa. Sinamaan lang ni Heena
at Axcel ng tingin si Xander.

"Hoy, ang taba mo." Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita sa may likuran ko.
Si Travis na naka-trunks lang.

"Excuse me, hindi ako mataba!" Sabi ko sa kanya sabay irap. Tinawanan niya lang
ako.

"Mataba ka kaya, tignan mo oh. Labas 'yong mga bilbil mo." Mapang-asar niyang sabi
sa akin.

"Bilbil mo mukha mo! Palibhasa ikaw payatot." Ganti ko sa kanya. Ngumisi lang siya
sabay tingin sa akin.

"Kahit ano talaga gawin mo, ang liit pa rin ng boobs mo." Nakangising sabi niya sa
akin habang nakatingin sa may dibdib ko. Bigla namang uminit ang ulo ko at agad ko
siyang sinugod pero lumangoy lang siya nang lumangoy.

"Bwisit ka, Ravis!" Naiinis kong sigaw sa kanya nang hindi ko siya mahabol. Tawa
lang siya ng tawa.

"Nakakainis nga 'yang mga Montemayor na 'yan." Sabi bigla ni Heena sa gilid ko.
Nakasuot siya ng kulay itim na one-piece samantalang ako naman ay kulay pink. Umupo
kaming dalawa sa gilid ng pool at tsaka inilublob iyong mga paa namin.

"May araw din sa akin 'yang Ravis na 'yan!" Naiinis kong sabi kay Heena.
"May araw din sa akin 'yang Axcel na 'yan!" Sabi naman n'ya.

"Paano kaya kung mag-plano tayo? Tipong habang tulog sila eh tatakpan natin ng unan
'yong mukha nila para hindi na sila makahinga." Sabi ni Heena sa akin. Nanlaki
naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Ang brutal mo naman masyado, Heena." Sabi ko sa kanya. Ngumuso lamang siya sa
naging komento ko sa sinabi niya. Tinignan namin sila na masayang naghaharutan sa
pool. Nasa pool sina Travis, Symon, Shaun, Axcel, Aivan, Xander at Rissa na kanina
pa nila kinakawawa. Hindi kasi maagaw ni Rissa iyong bola sa kanila.

Narinig ko naman ang pagtawa ng isang bata at biglang pagyakap nito sa may likuran
ko. Si Francisco na nakangiti sa amin ni Heena.

"Hi baby boy!" Sabi ni Heena sabay kaway kay Francisco. Tumawa naman ito at tsaka
yumakap kay Heena.

"Ang cute-cute niya talaga 'no? Sana nga lang hindi siya magmana sa mga Kuya't
pinsan niya." Sabi ko kay Heena. Tumango naman siya sa sinabi ko.

"Ang cute mo, siguradong g'wapo ka rin paglaki mo. Basta, gentleman ka ah? Tapos
h'wag kang mang-aaway ng babae, h'wag kang mag-papaiyak ng babae, be generous hindi
katulad ng mga Kuya mong madadamot at masasama ang ugali. Okay?" Sabi ni Heena kay
Francisco habang nilalaro ito. Magiliw namang tumawa si Francisco na para bang
naiintindihan 'yong sinabi ni Heena.

"Hoy! Bitiwan mo 'yang kapatid ko! Mahawa pa sa'yo nang kaartehan 'yan!" Biglang
sumulpot sa gilid namin si Axcel.

"Excuse me, kung may mahahawa sa akin 'tong kapatid mo. Katalihunan at kabaitan
'yon hindi mga katangahan mo!" Ganti ni Heena kay Axcel. Magsasalita sana ako pero
nagulat ako nang may biglang tumulak sa akin mula sa likod.

Nabigla ako sa pagkakatulak sa akin kaya nakainom ako ng tubig ng bumagsak ako sa
swimming pool. Buti na lang at marunong lumangoy, dahil kung nagkataon. Baka
nalunod na ako at namatay.

"Stupid!" Sabi ni Travis sa akin sabay halakhak. Agad naman akong umahon sa tubig
at pinipigilan ko ang pag-iyak ko. Nilapitan ako ni Din at Rissa pati na rin ni
Heena.

"Ravis! Are you fool?! Bakit mo tinulak si Jeorge?! Paano kung malunod siya sa
ginawa mo?!" Galit na sigaw ni Din kay Travis. Natigilan naman ito sa pagtawa pati
na rin sina Shaun, Xander, Aivan, Axcel at Symon na nag-uusap.

"Think Ravis, think!" Sabi naman ni Heena habang hinahagod ang likuran ko dahil
nauubo ako. Bigla namang lumabas si Tita Freen at Tito Levinn.
"What happened?" Seryosong tanong ni Tito Levinn sa mga boys. Lumapit naman si Tita
Freen sa akin.

"Are you okay, hija?" Tanong niya. Tumango lamang ako bilang sagot.

"Si Kuya Travis po kasi, tinulak bigla si Jeorge sa pool!" Sumbong ni Rissa kay
Tito Levinn. Napayuko naman si Travis sa pagsusumbong ni Rissa.

"Follow me boys." Mariin at seryosong sabi ni Tito Levinn.

"Ikaw naman kasi, ang tanga-tanga mo." Narinig ko pang sabi ni Xander kay Travis
bago nila sundan si Tito Levinn.

"Magpatuyo muna kayo, kakain na muna tayo. Okay?" Sabi ni Tita Freen sa amin.
Tumango naman kami at sumunod kay Tita Freen.

"Hayaan mo, gaganti tayo sa mga boys." Seryosong sabi ni Din habang papasok kami sa
loob.

"Oo nga, namimihasa na sila lagi." Nakangusong sabi ni Heena sa akin.

"Sa susunod, dapat makasama na sa atin si Felice para kahit papaano, lima na tayong
babae. Sila kasi marami eh, tapos may mga kaibigan pa sila." Sabi naman ni Rissa.
Nagtawanan lang kami sa sinabi niya. Para kasing sasabak kami ng giyera.

"O, ayan maayos na ang buhok n'yo." Nakangiting sabi ni Tita Freen habang inaayos
niya ang mga buhok naming tinalian niya.

"Tita, bakit wala kang anak na girl?" Kunot-noong tanong ni Din kay Tita Freen.

"Puro boys kasi ang binigay sa akin ni Papa God kaya wala akong anak na girl. Kaya
ngayon, kayo muna ang anak ko. Okay ba 'yon?" Sabi niya sa amin. Nagngitian naman
kaming apat at tsaka tumango.

Sabay-sabay naman kaming bumaba pagkatapos naming magbihis sa itaas. Kakain na kasi
kami at medyo nagugutom na rin kami dahil kanina pa kami nag-suswimming.

Nadatnan namin silang anim na nakaupo na sa harapan ng lamesa at mukhang hinihintay


na lang kami. Binuhat ni Tita Freen si Francisco at tsaka umupo sa tabi ni Tito
Levinn.

"Napagsabihan ko na sila." Sabi ni Tito Levinn kay Tita Freen.


Tinignan ko naman si Travis na nakayuko lang at tikom ang bibig. Hah! Hindi pala
tatalab ang kapilyuhan n'ya kay Tito Levinn eh. Akala mo kung sino, kay Tito Levinn
lang pala siya tiklop.

"Let's eat." Saad ni Tito Levinn kaya nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami
habang nakain pero si Aivan at Axcel ay kinakausap ang Mommy nila.

"Mommy, pwede ba kami mamaya manood ng movie?" Tanong ni Aivan kay Tita Freen.

"Sure, baby." Sabi naman ni Tita Freen. Sumilay naman ang ngiti sa mukha ni Aivan.
Natapos kaming kumain ng hindi nag-iingay ang mga boys. Nagpahinga lang kami saglit
bago umakyat sa theater room nila. Nagpadala na rin si Tita Freen ng ilang snacks
para sa amin para mayroon kaming kinakain habang nanonood.

Medyo nagulat kami ng hindi umalma ang boys na kami ang pipili ng aming panonoorin.
Napili naming panoorin ang How To Train Your Dragon. Napanood ko na 'yon pero hindi
ko lang natapos.

"Basta mamaya, kami pipili ng panonoorin ah!" Sabi ni Xander sa amin. Tumango
lamang kaming mga babae.

Tinignan ko naman si Travis na kanina pa tahimik at seryoso lang na nanonood sa


harapan. Nagsimula na ang palabas at lahat kami ay tahimik ng nanonood. Katabi ko
si Din at Symon sa malaking couch nila Axcel habang ang iba naman ay nasa lapag.

Nasa kalagitnaan na nang palabas ng biglang magpalit ng pwesto si Symon at Travis


kaya siya na ngayon ang katabi ko. Wala namang nakapansin noon dahil lahat sila ay
tutok na tutok sa pinapanood namin.

"Oy." Narinig kong tawag niya sa akin. Sigurado ako na ako ang tinatawag niya dahil
binulong niya 'yon sa tenga ko. Naramdaman ko tuloy 'yong mainit niyang hininga at
medyo nakiliti ako.

"Oy, Jeorge." Bulong niya pa rin sa akin.

"Nanonood ako, h'wag kang istorbo." Masungit kong sabi sa kanya.

"May sasabihin ako." Pagpupumilit pa niya.

"Kung mayroon kang sasabihin, sabihin mo na ngayon. Pwede mo namang sabihin sa


akin." Sagot ko sa kanya. Narinig ko siyang bumuga ng hangin.

"Ano..." Bigla akong napalingon sa kanya. Hindi niya kasi maituloy ang sasabihin
niya.
"Ano?" Kunot-noo kong tanong.

"Sorry." Mahina niyang sabi kaya hindi ko naintindihan.

"Ano? Orry?" Tanong ko.

"Bingi naman nito." Narinig ko siyang bumubulong-bulong.

"Ano'ng sabi mo?!" Medyo naiinis ko nang sabi.

"Shhh." Suway naman ni Din sa akin.

"Sorry kanina, 'yong ginawa ko sa'yo. Sorry, hindi ko naman talaga intensyon na
itulak ka. Dapat talaga gugulatin lang kita pero natulak kita, dumulas kasi 'yong
kamay ko." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Sorry na, hindi ko na uulitin 'yon. Kapag nainis na lang ulit ako sa'yo." Saad
niya pero hindi ko gaanong narinig ang huli niyang sinabi.

"Maniwala akong hindi mo na uulitin. Iyang ugali mong 'yan? Sus." Sabi ko sa kanya
sabay irap.

"Ang sungit nito, akala mo maganda." Narinig ko na naman siyang bumubulong-bulong.

"Bakit ka ba bulong ng bulong?! Mangkukulam ka ba?!" Naiinis ko nang sabi sa kanya.

"Ako? Mangkukulam? G'wapo ko namang mangkukulam." Sabi niya sabay ngisi. Inirapan
ko lang siya. Ayan na naman siya sa ugali niya.

"Sorry na talaga. Hindi na ulit kita itutulak sa pool, magpapaalam na ako kapag
itutulak kita." Sabi niya sabay ngisi.

"Bwisit ka rin 'no? Mag-sosorry ka tapos uulitin mo rin naman pala." Inirapan ko
ulit siya ng bongga.

"Ito naman, hindi na mabiro. Kikiss na nga lang kita." Sabi niya at tsaka ako
biglang hinalikan sa pisngi.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


=================

Chapter Four

FOUR

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Narinig mo ba 'yon? May kaklase tayong Montemayor!" Narinig kong sabi nang isa
kong classmate. Agad naman akong napalingon sa pwesto nila at pulos mga kalandian
lang sa buhay ang pinag-uusapan nila.

"Ano'ng sabi mo?" Agad kong tanong sa babaeng nagsalita kanina. Tinaasan naman n'ya
ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

"What?" Maarte nitong sabi sa akin.

"Tagalog na nga hindi mo pa naintindihan? Sabi ko ano'ng sinabi mo." Maarte ko rin
na sabi sa kanya.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Kasalanan ko ba kung bingi ka?" Maarteng sagot
niya sa akin at tsaka ako inirapan. Aba't!

"Kinakausap kita ng maayos tapos ganyan ka makasagot? Tinuruan ka ba ng past school


mo ng good manners and right conduct? O sadyang wala ka lang talaga ng manners sa
katawan?" Naiinis kong sabi sa kanya. Kapag ganito pa namang may gusto akong
malaman, desperada ako.

"Sino ka ba? Akala mo naman kung sino ka! Pakielam ko ba sa'yo? Mind your own
business." Sagot nito sa akin. Sasagot na sana ako ng may umakbay sa akin at bigla
akong halikan sa pisngi.

"Hi bae, kaklase pala kita." Nakangisi niyang sabi. Agad ko siyang sinabunutan
dahil sa ginawa n'ya.

"Aray ko! Shit, you stubborn woman!" Reklamo n'ya habang sinasabunutan ko siya.

"Hayop ka! Hindi ka na nagbago!" Naiinis kong sabi sa kanya at tsaka ko tinigilan
ang pagsabunot sa kanya.

His hair is very messy yet he looks so damn good and I really hate it!

"Tang ina, sakit mo manabunot!" Naiinis niyang sabi sa akin. Inirapan ko siya ng
bongga.

Ilang taon na rin ang lumipas at hindi pa rin nawawala sa landas ko si Travis. It's
my first day of being a high school student and I should be excited but it was all
vanished when I heard I have a classmate whose surname is a Montemayor. Isa lang
naman kasi ang Montemayor na ka-level ko at walang iba kung hindi si Travis na
walang ginawa kung hindi asarin ako.

"Minumura mo ba ako?!" Galit kong sigaw sa kanya.

"May sinabi ba akong 'tang ina mo Jeorge'? Assuming ka masyado!" Galit din n'yang
sigaw sa akin habang hinihimas 'yong ulo niya. Siguro masakit nga ang
pagkakasabunot ko sa kanya at hindi ako satisfied na masakit lang. Gusto ko masakit
na masakit.

"Hindi ako assuming! Magpapalipat ako ng section kay Daddy! Ayokong maging kaklase
ka!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Di lumipat ka! Pakielam ko ba sa'yo, ano ka ba? Chicks? Akala mo naman ang ganda
mo!" Naiinis din n'yang sabi sa akin.

Natigilan naman ako saglit. First section ang section ko at hindi ako pwedeng
lumipat ng section dahil kailangan kong maging top 1. Kung hindi naman ako lilipat,
pagtyatyagaan ko ang kademonyohan ni Travis sa loob ng sampung buwan. Ughh, I hate
this! I really hate this!

"Bwisit!" Sabi ko at tsaka ko siya tinalikuran at bumalik sa upuan ko. Mga


nakanganga lang ang mga kaklase ko sa napanood nilang pag-aaway namin ni Ravis.
Sino ba naman kasing hindi magugulat na may nag-aaway na agad kahit pa first day of
school pa lang?

Nakita ko namang umupo siya sa kasama ng mga lalaki sa may likuran na malapit lang
din sa akin. Iniripan ko siya nang lumingon siya sa pwesto ko.

My highschool life will be damned as hell!

LUMIPAS ang mga araw at wala akong natandaang nagkasundo kami ni Travis. Pulos kami
away at pagtatalo dahil halos lahat ng gawin ko ay kontra siya. I even punched him
in front of my teacher kaya pinatawag si Mommy sa office. Napuno kasi ako sa pang-
aasar n'ya na maliit pa rin ang boobs ko kahit teenager na ako. Nagalit noon si
Daddy dahil kababaeng tao ko raw ay nakikipag-away ako sa lalaki at ang malala pa,
sa isang Montemayor pa. Kaya ganoon na lang kasagad ang pagkamuhi ko sa kanya.
Hindi ko na pinapatulan ang mga pang-aasar n'ya at dinadaan ko na lang siya sa
talino kaya minsan natatapakan ko na ang ego n'ya na mas matalino ako kesa sa
kanya. Wala namang kaso sa kanya iyon at mas lalong wala akong pakielam kung
matapakan ko pa ang ego n'ya. Matalino rin naman siya, hindi nga lang maikakailang
mas matalino ako sa kanya. Lagi akong top 1 ng klase habang siya naman ay laging
pasok sa top 5. Naiirita rin ako sa kanya kapag maraming babae ang lumalapit sa
kanya. Oo, g'wapo nga siya. Pero ang nakakainis lang, pinagkakalandakan n'yang
gwapo talaga siya. Hindi man lang ata nauso sa kanya ang salitang, humble.

"Hindi pumasok si Travis?" Tanong ko kay Mae pagkapasok ko sa loob ng classroom


namin. Wala kasing maingay ngayon.

"Pumasok, pero nasa office. Nagcomplain kasi iyong si Mr. Montelban. Nahuli n'ya
kasing naghahalikan si Travis at Chelle kaya ayon, nasa detention office siya ."
Sagot sa akin ni Mae. Lihim naman akong napangiti sa sarili ko dahil sa balita sa
akin ni Mae. Ang agang pampa-good vibes.

Nagsimula ang klase na walang maingay at reklamo nang reklamo. Lagi kasing
nagrereklamo si Travis sa mga itinuturo nang teacher namin. Lagi siyang nagtatanong
kung totoo ba raw ang itinuturo nito sa amin at hindi kami nito niloloko. Minsan,
ang sarap na niyang sapakin sa sobrang katangahan niya. Pero aaminin ko, naninibago
ako na walang maingay sa paligid.

"Jeorge, tara na! Break na tayo." Anyaya sa akin ni Mae. Tumango naman ako at agad
na inayos ang gamit ko.

"Ilang oras ba raw doon si Travis?" Tanong ko kay Mae habang papunta kami sa
cafeteria.

"Hanggang hapon ata." Sagot naman n'ya sa akin. So it means, hindi siya makakapag
break? Patay gutom pa naman si Travis.

"Hanggang sa mag-uwian? Nagbago na ba ang policy ng school?" Tanong ko. Dapat kasi
five hours lang ang maximum sa detention office.

"Hindi pa nagbabago. Sadyang ang marami lang ang reklamo para kay Travis kaya
hanggang hapon siya sa detention office." Seryosong sagot sa akin ni Mae. Nagkibit-
balikat na lang ako.

Hanggang sa nasa cafeteria na kami at kumakain ay naiisip ko si Travis. Baka kasi


nagugutom na siya at gutumin pa naman siya lalo na at payatot pa siya. Ibinaling ko
na lang sa iba ang atensyon ko at hindi na siya inisip pa.

Natapos ang klase namin hanggang sa mag-uwian na. Nagmadali kong inayos ang mga
gamit ko at tsaka lumabas.

"Mae, mauna ka nang umuwi. May dadaanan pa ako!" Paalam ko sa kanya at agad na
tumakbo papuntang detention office.

Kakalabas lang ni Travis sa detention office ng makarating ako roon. Bakas sa mukha
n'ya ang pagkairita at inis.

"Tang ina, babawi ako sa inyo." Sabi n'ya sa sarili habang inaayos iyong bag n'ya.
Baliw na siguro 'to.

"Hoy." Tawag ko sa kanya. Agad naman s'yang lumingon sa pwesto ko. Nagsalubong agad
ang mga kilay n'ya nang makita n'ya ako.

"Ginagawa mo dito? Lalaitin mo na naman ako?" Iritado niyang sabi sa akin.

"Hindi, pagod ako at wala akong time para laitin 'yang mga katangahan mo." Sabi ko
sa kanya at tsaka ako lumapit.

"Tss." Iyon lang ang sinabi n'ya at tsaka nagsimulang maglakad. Badtrip nga siguro.

Agad ko naman siyang hinabol. Nagmadali akong pumunta rito tapos iiwan n'ya lang
ako? Aba. Minsan na nga lang ako maawa sa kanya, babaliwalain pa n'ya.

"Ravis! Bagalan mo nga ang paglalakad mo!" Sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako
makasabay sa kanya nang paglalakad. Ang lalaki kasi ng hakbang niya tapos ang bilis
pa. Tumigil siya saglit at tinignan ako ng diretso sa mga mata.

"Ano bang ginagawa mo dito? Mang-lalait ka lang naman." Saad n'ya. Hindi ko siya
sinagot. Bigla ko na lang hinawakan ang kamay n'ya at hinatak siya papunta sa
garden ng school kung saan pwedeng tumambay.

"Tang ina, Jeorge. Gutom na ako! Gusto ko nang umuwi!" Reklamo n'ya sa akin habang
hatak-hatak ko siya.

"H'wag kang magreklamo diyan, minsan lang ako maawa sa'yo." Sagot ko naman sa
kanya. Nakarating kami sa garden at kakaunti na lang ang mga estudyante roon. Uwian
na kasi at marahil ay nagsiuwian na ang lahat.

"Umupo ka." Utos ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at iritado lang akong
tinignan.

"Sabi ko umupo ka! Ang kulit, kainis." Sabi ko sa kanya. Nakasimangot naman siyang
umupo sa bench na malapit sa amin. Agad ko namang kinuha ang lunch ko sa bag at
inilapag iyon sa harapan n'ya. Bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Ano 'to?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

"Malamang pagkain." Sarkastikong sabi ko sa kanya. Muli n'yang ibinaling ang mga
mata niya sa pagkaing nasa harapan n'ya. Binuksan n'ya iyon at nakita kong
napakagat siya sa ibabang labi n'ya nang makitang ulam at kanin iyon.

"Here." Sabi ko sa kanya sabay abot ng kutsara at tinidor ko. Sinadya kong hindi
kainin ang lunch ko kanina para sa kanya. Hindi ko alam pero naaawa talaga ako sa
kanya. Hindi naman porket maldita ako, wala na akong awa sa iba. Tao pa rin naman
siya kahit papaano.

Agad siyang sumubo pagkaabot ko sa kanya nang kutsara't tinidor. Sunod-sunod ang
kanyang pagsubo at halatang gutom na gutom.

"Alam mo, minsan tanga ka rin 'no? Hindi mo man lang chineck kung may lason 'yan o
wala." Sabi ko sa kanya na nagpatigil naman sa kanya.

"Joke lang, walang lason 'yan." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Sigurado kang walang lason 'to? Kapag ako namatay, dadalawin kita!" Sabi n'ya.

"Oo, walang lason 'yan pero sa susunod lalagyan ko na."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Five

FIVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Bakit ang bait mo ata sa akin ngayon? Di ka nagsusungit ah." Sabi ni Travis sa
akin habang puno pa ng kanin ang bibig n'ya.

"Mabait naman talaga ako, sa iyo lang hindi." Sabi ko sa kanya. Inilabas ko naman
ang snickers ko sa bag. Mahilig kasi ako sa chocolates at orange.

"Mabait? Ano ba definition mo ng mabait? Iyon bang nanlalait ng kapwa, nananabunot


ng walang dahilan, o nananakal na lang kapag naiinis?" Sarkastikong sabi n'ya sa
akin. Inirapan ko lang siya sabay kagat sa snickers ko.

"Mapang-asar ka kasing unggoy ka! Kung hindi mo ako inaasar lagi tsaka pinag-
titripan, hindi kita lalaitin, sasabunutan at sasakalin!" Sagot ko sa kanya.

"Sarap mo kasing asarin, pikon." Sabi n'ya sabay subo nang kanin. Aba't! Hindi ba
n'ya alam na pagkain ko ang kinakain n'ya ngayon? Kung ipaluwa ko kaya sa kanya ang
kinain niya. Bwisit na lalaking 'to!
"Hindi ako pikon! Kung sipain kaya kita diyan?" Mataray kong sabi sa kanya. He
suddenly smirked.

"Kabayo ka na pala ngayon." Natatawa n'yang sabi pero sa pagtawa n'yang iyon ay
bigla siyang napaubo. Napatingin naman ako sa kanya dahil sunod-sunod ang pag-ubo
n'ya. Nabulunan ata siya at ito na ata ang matagal ko nang pinakahihintay, ang
mamatay siya sa harapan ko! Lihim akong tumawa sa sarili ko. Kung videohan ko kaya
ang pagkamatay ni Travis? Good idea! Baka mamaya mag-trending pa ang pagkamatay ni
Travis. Pero dahil mabait ako, lumapit ako sa kanya at tsaka siya binatukan ng
pagkalakas-lakas. Inabutan ko siya ng bote ng tubig pagkatapos ko siyang batukan.

"Papatayin mo ba ako?!" Galit n'yang sigaw niya sa akin.

"Aba, iniligtas na nga kita lahat-lahat, ikaw pa galit?" Sabi ko sa kanya at tsaka
ko siya tinaasan ng kilay.

"Bakit mo ako binatukan?! Dapat ang likuran ko ang hahampasin mo para hindi na ako
mabulunan!" Galit pa rin niyang sigaw sa akin habang matalim na nakatingin sa akin.

"Aba, malay ko ba na ganoon 'yon. At tsaka magpasalamat ka na nga lang! Buti nga
niligtas pa kita!" Sabi ko sa kanya at tsaka ko siya inirapan.

"Tang ina, malas siguro nang magiging boyfriend mo." Pabulong n'yang sabi pero
hindi pa rin iyon nakaligtas sa tenga ko.

"Hoy, Travis Kiel Zaragosa Montemayor Jr. Para sabihin ko sa'yo, swerte ang
magiging boyfriend ko! Beauty with brain kaya ako. Palibhasa ikaw, mga tipo mo
'yong mga malalaki 'yong boobs at tsaka wala namang laman ang utak!" Inis kong sabi
sa kanya. Naku talaga, kapag dumating ang araw na may pagkakataon akong patayin
siya. Gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Hayop na 'to!

"Swerte? May utak ka nga, flat chested ka naman. Tsaka ano lalamasin sa'yo nang
magiging boyfriend mo? Tignan mo nga 'yang dibdib mo, kung hindi lang mahaba 'yang
buhok mo pagkakamalan ka nang lalaki." Kaswal n'yang sabi sa akin. Bigla namang
umakyat ang dugo sa mukha ko at pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa
galit.

"Bakit ba napakabastos n'yang bibig mo?! Pulos boobs na lang lagi ang nasa isip mo!
Bakit hindi ka magsyota ng aso! Walo pa boobs noon, magsawa ka kakadede!" Inis kong
sigaw sa kanya.

"Di ikaw magsyota ng aso. Minsan nga, Jeorge, paganahin mo 'yang utak mo. Tsaka
itong tinatawag mong bastos kong bibig, maraming kayang paligayahin 'yan."
Nakangisi n'yang sabi sa akin na may kasama pang kindat. Walang sabi-sabing kinuha
ko iyong baunan ko sa harapan n'ya pati na rin ang tubigan ko. Ako na nga itong
concern sa kanya ako pa 'tong lalaitin niya! Arghh. Bwisit!
"Hoy, hoy! Saan ka pupunta?" Tanong niya nang iwan ko siya roon pagkatapos kong
ilagay sa bag ko iyong baunan at tubigan ko.

"Don't talk to me! Asshole!" Sigaw ko sa kanya at tsaka ako naglakad ng mabilis
papalayo sa kanya. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang maabutan niya ako.

"Pa-chicks talaga kayong mga babae eh 'no? Gusto n'yo 'yong nilalandi pa kayo at
sinusuyo." Sabi niya sa akin. Binalingan ko siya saglit ng tingin.

"Sinabi ko bang landiin mo ako at suyuin?! Lubayan mo ako!" Inis ko pa rin na sabi
sa kanya. Pagkatapos niya akong insultuhin at laitin? Bwisit siya!

"Sus, pakipot ka pa eh. Tara ililibre kita!" Sabi n'ya at tsaka niya biglang
hinawakan ang kamay ko at hinatak ako papalabas ng school. Nadatnan naman namin
iyong driver ni Daddy na naghihintay sa labas.

"Kuya Bert! Wait lang ah, idedate ko lang 'tong dalaga n'yo." Sabi ni Travis kay
Kuya Bert na driver ni Daddy.

"Ingatan mo 'yan! Lagot tayo pareho kay Sir Gerry kapag sinaktan mo 'yang dalaga
n'ya." Natatawang sabi naman ni Kuya Bert. Nag yes-sir sign lang siya kay Kuya Bert
at tsaka ako dinala sa isang coffe shop na malapit lang sa school na tanaw ni Kuya
Bert.

"Di ba mahilig ka sa chocolate? Chocolate flavor na lang oorderin ko sa'yo." Sabi


n'ya at tsaka dumiretso sa counter. Naiwan naman akong nakatanga sa isang lamesa.
Umupo na lang ako at hinintay siya. Tutal naman libre niya at tsaka chocolate naman
'yon. Mahina kasi ako pagdating sa chocolate.

Wala pang ilang saglit na paghihintay ko ay dumating na siya dala ang dalawang
large chocolate shake. Inilapag niya iyong isa sa harapan ko pero hindi ko iyon
pinansin. Galit nga kasi ako sa kanya, hindi ba?

"Oy, h'wag ka nang mainis diyan. Ayan na oh, nilibre na kita ng chocolate shake."
Sabi n'ya pero hindi ko pa rin siya pinansin. I even crossed my arms around my
chest para mas mukhang naiinis pa rin ako sa kanya.

"Arte talaga nang mga babae, asar." Rinig kong bulong n'ya sa sarili pero narinig
ko pa rin. Minsan talaga, tanga ko si Travis eh. Bubulong na lang, naririnig ko pa.

"Hndi ko naman kasi sinabing dalhin mo ako dito at ilibre." Mataray kong sabi sa
kanya.

"Sorry." Bigla naman akong napalingon sa kanya. Nakayuko siya nang sinabi niya iyon
at para bang nahihiya dahil nag-sorry siya.
"Ikaw naman kasi ang may kasalanan, asar-talo ka rin kasi kaya ka naiinis sa akin."
Sabi niya sa akin. Ayos na eh, nag-sorry na siya pero sa huli ako pa rin ang
sinisi.

"Okay, pagbibigyan kita ngayon." Sabi ko at tsaka ko kinuha ang chocolate shake sa
may haparan ko. Kanina pa ako natatakam na inumin 'to at hindi ko na kayang tiisin
pa.

"Bibigay ka rin pala." Sabi n'ya at tsaka rin uminom sa shake na nasa harapan niya.

"Alam mo magkakasundo tayo kung hindi ka lang talaga bastos at siraulo." Sabi ko sa
kanya habang nainom siya sa shake niya.

"Bah, hindi ka naman chicks para magbago ako. Kung ano ako, 'yon ako." Sabi niya sa
akin. Umorder pa siya nang dalawang slice nang cake para sa aming dalawa kaya mas
lalo akong natuwa sa kanya. Big time ang unggoy!

"Minsan, kahit wala ka pang ginagawa sa akin. Naaasar agad ako sa pagmumukha mo.
Ewan ko ba. Ang pangit mo lang talaga sa paningin ko." Sabi ko sa kanya sabay subo
ng chocolate cake na inorder niya. Sinimangutan niya lang ako dahil sa sinabi ko.

"Minsan, nakakainis 'yang pagiging prangka mo. Sarap mong sakalin!" Inis niyang
sabi sa akin.

"Aba, totoo naman 'yong sinasabi ko. Mas mabuti na 'yong totoo kang tao kesa
nagpapakaplastik ka. G'wapo ka sana eh, nakakaturn off lang talaga 'yang ugali mo."
Kaswal kong sabi sa kanya.

"Bakit? Ano bang mali sa ugali ko?" Tanong niya.

"Sobra 'yang pagiging bastos mo." Sabi ko sa kanya.

"Iyon lang?" Tanong niya sa akin.

"Hindi, marami pa. Tinatamad lang ako sabihin sa'yo sa sobrang dami." Saad ko sa
kanya.

"Tss." Iyon lang ang tugon niya sa akin. Pinakatitigan ko naman siyang maigi. May
itsura naman talaga siya at patunay na roon na maraming babae ang nahuhumaling sa
kanya kahit pa bata pa lang siya. Sa katunayan, maraming higher years ang patay na
patay sa kanya. G'wapo naman talaga kasi si Travis. Maputi at matangos ang ilong na
nakuha n'ya kay Tito Trav. Maganda rin ang mga mata niya at bagay na bagay sa kanya
ang makapal niyang kilay. Pero ang mga mapupulang labi niya ang talagang nagdadala
sa kanya. Sa sobrang pula kasi nang mga labi niya ay aakalain mo talagang
nakalipstick siya. Minsan nga, naiingit ako kasi ang pula-pula ng labi niya
samantalang sa akin sakto lang.
"Cute ka naman pala talaga." Mahina kong sabi sa kanya. Nakita kong ngumisi siya sa
akin.

"Cute naman talaga ako, sino bang nagsabihing hindi?" Tanong niya.

"Ako rin." Sagot ko sa kanya.

"Baliw ka na." Saad niya habang umiiling-iling pa. Hindi ako sumagot, tinaasan ko
lang siya ng kilay.

"Alam mo Jeorge, darating ang time na maiinlove ka sa akin. I'll make you fall in
love with me, deeply." Banta niya sa akin.

"Baka mamaya niyan, ikaw ang ma-inlove sa akin? Mag hinay-hinay ka sa mga sinasabi
mo, Montemayor. Baka mag-backfire lahat ng sinasabi mo." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ah, tsaka kung mangyari man 'yon. Sisiguraduhin kong patay na patay ka na sa
akin." Dagdag pa niya.

"Duh, as if naman na mangyayari lahat ng 'yon. Ni boses mo pa nga lang, kinaiinisan


ko na. Ang mainlove pa kaya sayo? Feeling ka na naman, Ravis." Sabi ko sa kanya
sabay irap.

"Hindi, gagawin ko talaga 'yon. I'll make you fall in love with me then I'll make
you scream my name in bed!"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Six

SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Bakit ba kasi natin sila panonoorin? Sigurado namang talo sila!" Naiinis na sabi
sa akin ni Heena. Nandito kasi kami ngayon sa court ng village namin. Maglalaro
kasi sina Axcel, Aivan, Xander, Travis at Shaun nang basketball. Kalaban nila iyong
mga schoolmate rin namin na tiga rito lang din sa village namin.
"Ang nega mo naman! Malakas kaya ang team Montemayor!" Pagmamalaki naman ni Din.
Marami nang tao sa loob ng court at hindi ko alam kung paano nila nalamang may laro
ang mga Montemayor.

Nalagpasan ko na ang unang taon ng highschool at ngayon ay grade eight na ako. Ako
pa rin ang nangunguna sa klase at walang pwedeng umangkin ng posisyon ko. Sa
kasamaang palad, kaklase ko pa rin si Travis at walang araw kaming hindi nag-away.
Hindi pa rin kasi siya nagbabago at ganoon pa rin ang ugali niya. Ngayon nga lang,
panay ang girlfriend niya na akala mo ay nagpapapogi sa kanya. Feeling naman niya
ang g'wapo-g'wapo niya kapag marami na siyang naging girlfriend. If I know, pasikat
lang talaga siya.

"Bakit ba kasali pa d'yan si Axcel? Hindi naman magaling 'yan!' Ani ni Heena na
magkasalubong ang mga kilay na nakatingin kay Axcel.

"Hoy, dapat nga sinusuportahan mo 'yan. Fiancé mo na kaya siya!" Paalala sa kanya
ni Din. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Heena dahil sa sinabi ni Din.
Natawa lang kami ni Rissa sa naging reaksyon nito.

Panay ang cheer ni Din sa mga pinsan niya samantalang kami ay pinapanood lang sila.
Bakit ba ang hilig ng mga lalaking maglaro ng basketball? Puro shoot lang naman ng
bola tapos pagpapawisan pa sila. Hindi ba sila nababahuan sa sarili nila kapag
pinagpapawisan sila? Tapos magdidikit pa 'yong mga balat nila habang pawis na
pawis. Yuck! Ma-imagine ko pa lang na balat ko ang dumidikit sa mga pawisan nilang
balat, nandidiri na ako.

Nag-umipasa na ang laro. Sa kabilang team ang bola kaya naman todo bantay ang mga
Montemayor boys sa ring ng kalaban. Tinignan ko si Travis na seryosong binabantayan
'yong kalaban nilang kasing height niya. Kahit kasi 13 yrs. Old pa lang si Travis,
matangkad na ito. Actually, lahat silang magpipinsan matatangkad. Miski nga si Din
at Rissa ay parehong matatangkad.

Naghihiyawan sa buong court at marami pang dumarating para manood sa laban nila.
Naagaw ni Travis ang bola kaya bigla akong napatayo. Ewan ko ba, parang kinabahan
ako bigla at parang mayroon bumubulong sa isip ko na kailangan niya iyong i-shoot
ang bola para sa akin. Hindi naman niya ako binigo sa hiniling ko.

He shoot the ball! Napasigaw ako ng wala sa oras. Ang galing!

"Di ba? Sabi ko naman sa'yo magaling ang mga pinsan ko eh." Sabi pa ni Din sa amin.
Si Heena ay nakasimangot lang habang nanonood. Nag-away na naman ba sila ni Axcel?

Tumagal ang laro at mas lalo akong kinakabahan. Kakatapos lang kasi ng third
quarter at 78-82 ang score. Lamang ang kalaban ng apat na puntos.

"Hoy Ravis! I-shoot mo 'yang bolang hawak mo! Kung hindi sasakalin kita hanggang sa
mamatay ka!" Sigaw ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at ang mokong,
kinindatan pa ako!

"#12 Montemayor shoot the ball for three points!" Naghiyawan ang mga babaeng patay
na patay kay Travis. Lumingon naman siya sa pwesto ko at ningitian ako ng pamatay
niyang ngiti. Inirapan ko lang siya.

Oo na, magaling na siya!

"Heena, hindi mo man lang ba i-checheer si Axcel? Bigyan mo naman ng inspirasyon!"


Sabi ni Din. Umismid lamang si Heena at mataray na umirap kay Axcel.

"Kung magaling talaga siya, hindi na niya kailangan pa ng inspirasyon." Mataray


nitong sabi sa amin.

"Magiging asawa mo 'yan, kaya dapat proud ka sa kanya!" Pang-aasar pa ni Din.

"Asawa his face, over my sexy and gorgeous body? Hell, no!" Mariin nitong giit.
Natatawang napailing na lamang ako.

Muli akong bumaling sa court at nakita kong naagaw ni Axcel ang bola mula sa
kalabang team pero nagulat ako ng bigla siyang mabunggo ng isa pang kalaban dahilan
para bumagsak siya. Napangiwi ako ng makita kong nasaktan ng sobra si Axcel.

"Hoy Axcel Vinn Montemayor! Tumayo ka nga diyan! Parang hindi ka lalaki ah! Mahiya
ka naman at nandito ang fiancée mo at nanonood sa'yo! H'wang kang lalampa-lampa at
talunin mo 'yang mga unggoy na 'yan!" Nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Heena.
Halos rinig na rinig sa buong court ang pagsigaw niya.

"Bati na ba tayo kapag naipanalo ko 'tong larong 'to?" Sigaw naman pabalik ni
Axcel. Kaya pala, may away ang dalawa. Hindi naman agad nakasagot si Heena.

"Huy, um-oo ka na!" Sabi namin kay Heena.

"Ipapanalo ko 'tong larong 'to basta ba bati na tayo!" Sigaw pa ni Axcel. Napuno ng
tuksuhan ang buong court.

"Pumayag ka na kasi!" Sabi ko pa kay Heena.

"Oo na! Payag na ako! Bati na tayo basta ipanalo mo 'yang larong 'yan!" Sigaw ni
Heena kay Axcel. Sumilay naman ang ngiti sa mukha ni Axcel.

Nagpatuloy ang laro at masasabi kong parang magic words ang mga sinabi ni Heena at
nakalamang ang mga Montemayor. Pinanood ko naman si Travis at nakangisi lang siya
sa mga babaeng nanonood sa kanya.
"Pasikat." Bulong ko sa sarili ko.

Natapos ang laro at panalo ang mga Montemayor. Lamang sila ng sampung puntos sa
score na 102-92.

"Tara, lapitan na natin sila!" Sabi ni Din sa amin. Wala naman kaming nagawa kung
hindi ang lapitan din sila.

"Nice bro's!" Sabi ni Din sabay apir sa mga pinsan n'ya.

"Hoy, galing ko 'no?" Nagulat ako ng biglang umakbay sa akin si Travis.

"Travis!" Agad ko siyang itinulak ng malakas. Agad kong kinuha ang towel at alcohol
ko sa bag.

"Arte." Sabi ni Travis sa akin.

"Bwisit ka, alam mo 'yon?! Kita mong pawis ka tapos aakbay ka sa akin!" Inis kong
sigaw sa kanya.

"Mabango pa rin naman ako kahit pawis ah?" Sabi niya sa akin.

"Mabango? Amuyin mo nga 'yang sarili mo ng malaman mo kung gaano ka kabaho!" Inis
ko pa rin na sigaw sa kanya. Inamoy naman niya ang kili-kili niya at tsaka tumawa.

"Medyo lang naman, arte mo." Sabi niya sabay hablot sa pet bottle na hawak ko.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang buksan niya iyon at walang sabi-sabing inuman
'yon.

"Bwisit ka!" Gigil na gigil kong sigaw sa kanya. Humalakhak lamang siya na para
bang walang nangyari. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pinipigilan kong
sakalin siya.

"Ang arte mo talaga. Mag-hahalikan din naman tayo pag dating ng panahon tapos
matitikman mo 'yong laway ko tapos matitikman ko rin 'yang laway mo. We are going
to share our salivas, you know." Kaswal niyang sabi na para bang wala lang sa kanya
iyon.

"Maghunos-dili ka nga sa mga sinasabi mo! As if naman na makikipaghalikan ako


sa'yo! In your ugly face!" Mariin kong sagot sa kanya.

"Talaga naman, tsaka alam mo naman siguro 'yong sex hindi ba? Gagawin din natin
'yon!" Nakangisi niyang sabi. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Kadiri ka!"

"Kadiri, sus baka nga masarapan ka kapag natikman mo na ako!" Nakangisi pa rin
n'yang sagot sa akin. Wala na ba siyang matinong sasabihin?

"Hoy, tama na 'yan! Tara na sa bahay n'yo Axcel. Paniguradong nagluto si Tita Freen
nang meryenda natin." Nakangiting sabi ni Din.

"Ang bastos mo talaga kahit kailan 'no? Wala ka na bang inisip kung hindi ang
ganyan? Hindi mo ba inisip na maaari mo akong mabastos sa mga sinasabi mo? Matuto
ka namang rumespeto!" Naiinis kong sabi sa kanya. Pinupuno talaga ako ng Montemayor
na 'to eh.

"Bastos nakahubad, special dog style!" Sabi niya sabay hagalpak ng tawa. Nakitawa
rin sina Xander, Shaun at Aivan. Si Axcel naman ay busy'ng nakikipag-usap kay
Heena.

"Gago!" Sabi ni Din kay Travis sabay batok sa kanya.

"Aray! Inaano ba kita?!" Naiinis na sabi ni Travis kay Din. Pinaningkitan naman
siya ni Din ng mga mata.

"Sinisigawan mo na ako? Kung isumbong kaya kita kay Tito Levinn?" Pananakot ni Din.
Hindi naman nakasagot si Travis sa sinabi ni Din. Hah! Buti nga sa kanya.

Iniripan ko lang siya ng bongga at tsaka sumabay kay na Din at Rissa maglakad
pabalik sa puting Van na ginamit namin para makapunta dito. Nauna na kaming sumakay
kesa sa kanila.

"Sy, gumising ka na. Tapos na ang laban." Sabi ni Din sa kapatid n'ya. Mas ginusto
kasi ni Symon ang matulog na lang kesa sa manood. Hindi rin naman daw kasi siya
kasali sa laro. Sumakay na rin sina Xander, Travis at Shaun sa may likuran kaya
pinaandar na ni Mang Joe ang sasakyan.

Bigla akong nagulat ng tumabi sa akin si Travis.

"Nang-aasar ka talaga eh 'no?" Inis kong sabi sa kanya.

"Hindi ah, wala na talagang pwesto kaya dito ako umupo." Prente n'yang sabi sa
akin. Lumingon naman ako at halos gusto ko na siyang sapakin ng makita kong maluwag
ang sasakyan.

"Niloloko mo ba ako?" Inis ko pa rin na tanong sa kanya. Magkasalubong na ang mga


kilay ko sa sobrang inis ko sa kanya.
"Hindi ah, loyal kaya ako magmahal."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Seven

SEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko na
nakikipag-halikan sa kung sinong babae sa may tagong lugar ng school. Hindi ko alam
kung ano ang gagawin ko o sasabihin ko dahil ngayon ko lang siya nakitang lumalandi
nang ganito. Oo, malandi naman talaga siya pero mas malandi siya ngayon.

"Hmmmn." Ungol noong babae habang hinahalikan ni Ravis ang leeg n'ya. Bigla ay
parang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa nakikita ko ngayon. Nakita ko
ang mga malalanding kamay ni Travis na lumanding doon sa boobs noong kahalikan n'ya
at mas lalong nanlaki ang mga magaganda kong mata nang mariin niya iyong pisilin.
Parang awtomatikong namang kumilos ang katawan ko at lumapit sa kinaroroonan nila.

"Ravis!" Inis kong sigaw sa kanya. Halos mapatalon naman silang dalawa sa gulat
dahil sa lakas ng pagsigaw ko. Agad ko siyang nilapitan at walang sabi-sabing
piningot ang kanyang tenga.

"Tang ina—ARAY!" Inis niyang sabi nang bigla ko siyang hilahin palayo sa babaeng
kalampungan n'ya.

"Aray ko naman! Tang ina, Jeorge. Masakit!" Reklamo niya habang kinakaladkad ko
siya papunta sa may garden ng school. Binitiwan ko naman din agad iyon ng makalayo
kami roon.

"Section XIII: School Disciplinary Measures. Article 37: Immoral Acts, such as
petting, necking, and pre-marital sex and possession of obscene or ponographic
material. Students who will caught doing those major offenses will automically
dismiss from the school!" Dirediretso kong sabi sa kanya pagkabitiw ko sa tenga
niya na ngayon ay namumula na.

"Wala namang taong nakakakita sa amin ah!" Mariin n'yang giit habang hawak n'ya ang
tenga niya na pulang-pula na ngayon.
"Wala?! Ano'ng tawag mo sa akin?! Hayop?!" Inis na inis kong bulyaw sa kanya.
Nagsalubong bigla ang mga makakapal n'yang kilay.

"Bakit ka ba nakasigaw?! At ano bang problema mo kung makilaghalikan man ako sa


kung sinu-sinong babae?!" Mariing giit n'ya. Bigla naman akong natigilan dahil sa
sinabi n'ya.

Bakit nga ba ako nangingielam kung makipaghalikan siya sa kung sinong babae diyan
sa tabi-tabi? Pakielam ko ba sa malanding lalaking 'to.

"A—Ano." Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko naman talaga alam
ang sasabihin ko sa kanya. Ano? Sasabihin kong bigla na lang akong nainis dahil
nakita ko siyang nakikipaglampungan sa kung sinong babae n'ya? Aba! No way! I am
not going to tell him my own reason. Ano pang isipin ng impaktong 'to kapag sinabi
ko sa kanya 'yon. Stupido pa naman siya.

"Ano?! Give me your fvcking valid reason!" Naiinip at iritado n'yang sabi sa akin.

"W—Wala! Sa akin na lang 'yon!" Saad ko at tsaka ko siya tinalikuran. Mabilis akong
naglakad palayo sa kanya pero hindi pa ako nakakalayo ng bigla ay hablutin niya ang
braso ko at tsaka ako hinatak papunta sa may bakanteng classroom sa may likod ng
garden na hindi na masyadong pinupuntahan ng mga estudyante.

"Alam mo bang nabitin ako dahil sa ginawa mo?!" Inis n'yang sabi habang nakatingin
s'ya sa akin ng matalim. Aba, may nalalaman pa siyang pabitin-bitin? Kung ibitin ko
kaya siya nang buhay? Tutal naman, wala siyang alam kung hindi ang manglandi lang
ng manglandi.

"P—Pakielam ko kung mabitin ka! Aba, Montemayor. Dapat nga magpasalamat ka pa sa


akin dahil kung hindi kita hinatak doon sa kalampungan mo, baka mabuntis mo 'yon ng
wala sa oras! Di naging batang ama ka? Kawawa naman 'yong magiging anak mo! Wala ka
na ngang maipapakain sa kanya, binigyan mo pa siya nang tatanga-tangang ama! Isipin
mo nga ang mga posibleng mangyari kung natuloy 'yong ginagawa n'yong katangahan
doon! God, Ravis. Hindi ko alam na ganyan ka pala talaga katanga!" Dirediretso kong
sabi sa kanya at tsaka ako pasimpleng tumalikod sa kanya. Napahawak din ako sa
sentido ko at bewang ko para mas epektibo ang pag-acting ko. Wala lang talaga kasi
ako masabi sa kanya dahil hindi ko naman alam ang sasabibihin ko sa kanya. Acting
ko lang talaga ang lahat ng 'yon para mas mukhang tama pa rin ako kahit na alam
kong mali ako. Madali pa namang maniwala ang mga tulad n'yang uto-uto sa ganitong
pag-acting ko. Madali naman kasing utuin ang mga tulad n'yang walang alam kung
hindi ang lumandi.

"Anak?! What the hell are you talking about?! Naghahalikan lang kami tapos
magkakaanak agad?! Tang ina, ibang klase!" Sarkastikong sabi n'ya. Muli ko siyang
hinarap at tsaka binatukan ng pagkalakas-lakas.

"Ganoon na rin 'yon! Siyempre, kapag hinahalikan mo na siya maarouse ka na. Kung
saan-saan lalanding 'yang mga kamay mo tapos huhubarin n'yo 'yang mga damit n'yo
tapos ano..." Bigla akong natigilan. What the hell I am talking about? Am I talking
about having sex? You are so stupid, Jeorge!

"Tapos ano?" Tanong niya at tsaka siya unti-unting ngumisi.

"Tapos..." Hindi ko magawang maituloy ang sasabihin ko. Alangan namang sabihin ko
ang susunod na dapat mangyari? Duh, nakakahiya naman kung sa tulad ko pang maganda
at matalinong babae manggagaling ang ganoong bagay.

"Basta mabubuntis mo siya tapos!" Sabi ko na lang sa kanya. Biglang nagsalubong ang
mga kilay ko nang ngumisi lang siya ng nakakaloko. Aba, may gana pa pala siyang
ngumisi sa mga panglalait ko sa kanya?

"Kung ikaw kaya ang buntisin ko? It's a good idea, huh." Sabi n'ya kaya naman
biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Shut up your filthy mouth, Ravis!" Galit kong bulyaw sa kanya. Hayop na 'to! Ako
pa ang balak n'yang buntisin. We're just both grade 9 yet he has the guts to say
that stupid idea of him.

"Why? Ayaw mo ba ang naiisip ko? You and me, both naked in my bed." Nakangisi
n'yang sabi sa akin. He even bite his lower lip na para bang naiimagine n'ya talaga
ang sinasabi n'ya. Agad namang kumulo ang dugo ko dahil sa mga katangahang nalabas
sa bibig n'ya.

"Asshole!" Inis kong bulyaw sa kanya at tsaka ko siya tinalikuran. Arghh, I can't
even imagine that stupid scenario. That arse and me? Naked in the bed? God, I
wanted to vomit because of that stupid idea!

"At saan ka pupunta?" Biglang iniharang ni Travis ang matipuno n'yang katawan sa
may harapan ko.

"H'wag mo akong subukan, Ravis. Makikita mo ang hinahanap mo!" Sabi ko at tsaka ko
siya tinignan ng matalim. Para namang wala lang sa kanya iyon at ngumisi lang siya
ng nakakaloko.

"Di ipakita mo kung ano ba ang hinahanap ko." Nakangisi n'yang sabi. Dinadaan
talaga ako sa tangkad ng lalaking 'to eh. Palibhasa ay 5'7 na siya kahit pa 14 yrs.
Old lang siya. Samantalang ako, 5'4 lang.

"Isa, Ravis!" Inis kong sabi sa kanya nang hindi pa rin siya umaalis sa
pagkakaharang niya sa daraanan ko. Hindi siya sumagot, nakatingin lamang siya sa
mukha ko o mas magandang aminin kong sa mga labi ko.

"Dalawa! Hindi ka aalis?" Ngayon ko lang pinagsisihan na kung bakit ko pa siya


hinila roon sa kalampungan niya. Sana pala, hinayaan ko na lang siyang mabuntis
iyon!
"Bakit naman ako aalis? Tsaka bakit ka ba aalis? Dalawa lang naman tayo rito at
walang pwedeng umistorbo sa atin dito." Nakangisi niyang sabi. Bigla naman akong
kinilabutan sa mga pinagsasasabi n'ya.

"A—Ano ba Travis!" Nauutal ko nang sabi. Ang lapit na n'ya kasi sa akin at ramdam
ko na rin ang mainit n'yang hininga sa mukha ko. Napaatras naman ako dahil palapit
siya nang palapit sa akin.

"Ano'ng ano ba?" Nakangisi pa rin n'yang sabi.

"I—Isusumbong kita kay Daddy!" Sabi ko pa sa kanya.

"Go ahead, gusto mo samahan pa kita eh." Saad n'ya at tsaka siya ngumisi pa nang
mas nakakaloko. Mas lalo naman siyang lumapit kaya wala akong magawa kung hindi ang
umatras lang ng umatras hanggang sa hindi ko na namalayan na tumama na ang likuran
ko sa isang lamesa.

"R—Ravis."

"Tangna, bakit ba ako naaattract diyan sa mga labi mo?" Mahina at medyo paos niyang
sabi sa akin. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi n'ya. Hindi agad ako nakasagot
at para akong napipi dahil nakatingin lang siya sa mga labi ko.

"Damn that pinkish lips of yours. I want to make them sore." Mahina ngunit mariin
n'yang sabi. Agad ko siyang itinulak pero hinuli n'ya lang ang mga kamay ko at
pinuwesto iyon sa matipuno n'yang dibdib. Tila ba nanghina ang buo kong katawan sa
ginawa n'yang iyon. Diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko at ganoon din
ako.

Nagkaroon ako nang pagkakataon na matitigan ang g'wapo niyang mukha. Oo, inaamin
kong g'wapo siya at sa tingin ko ay siya ang pinaka-g'wapo sa kanilang magpipinsan.
Iba kasi ang dating ni Travis sa akin kahit pa makulit siya, bastos at malandi.
Kahit na ganoon ang kanyang ugali, hindi mo pa rin maitatanggi na mayroon siyang
angking kag'wapuhan na wala sa mga pinsan n'ya. Mayroon din namang mga itsura ang
mga pinsan n'ya katulad na lang ni na Aivan, Axcel, Xander, Symon, Kuya Greg at
pati na rin ang mga bata n'yang pinsan pero iba talaga ang dating n'ya sa akin.

Iba ang dating ni Travis sa akin. Maamo ang mukha n'ya pero sa likod ng kaamuhang
n'yang iyon, taliwas naman ang ugali n'ya sa kanyang itsura. Pero kahit na ganoon,
marami pa ring babae ang nabibiktima sa maamo n'yang mukha at ipinapangako ko sa
sarili ko na hindi ako magiging isa sa mga babaeng mabibiktima n'ya.

Nabalik lang ako sa sarili nang magsalita siyang muli. "Damn, I can't resist it
anymore." And with that, his lips suddenly claimed mine.

****
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Eight

EIGHT

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Arggh! Bwisit! Bwisit! Nakakaasar!" Inis na inis akong nagsisisigaw sa loob ng


kwaro ko habang ikinukwento sa kanila ang nangyari kahapon. Gusto ko ngayong
manabunot, manapak, manipa at pumatay sa sobrang inis!

"Hayaan mo na 'yon, Jeorge. Parang kiss lang, diring-diri ka naman masyado." Ani ni
Din sabay kagat sa mansanas na hawak n'ya.

"Parang kiss lang?! Hindi n'ya lang ako hinalikan! He even put his filthy tongue
inside my mouth! I wanted to vomit that time! Fvck that arse! At alam mo ba kung
ano pang dahilan kung bakit ako inis na inis at galit na galit sa kanya ngayon?!"
Gigil kong saad kay Din. Kumunot naman ang noo niya.

"What?" Tanong nito.

"He even said na hindi lang daw dila niya ang ipapasok niya sa akin! Soon, I'll
find out kung ano pa raw ang ibang bagay na ipapasok niya sa akin at hindi ako
ganoong katanga tulad niya para hindi maintindihan ang gusto niyang sabihin! He
even cupped my boobs!" Inis na inis kong sabi sa kanila. Nagtawanan naman silang
apat sa sinabi ko. Mas lalo lamang akong napasimangot dahil ayaw nilang matigil sa
pagtawa.

"Ravis is on the way!" Saad ni Heena sabay halakhak.

"May araw talaga sa akin 'yong gagong 'yon! I can't even believed that I lost my
first kiss to that asshole! Gosh, kung alam n'yo lang kung gaano ko siya
kinamumuhian!" Iritable ko pa ring sabi sa kanila. Sinadya ko talagang sila ang
papuntahin dito sa bahay namin dahil paniguradong kapag ako ang pumunta sa kanila,
makikita ko lang ang demonyong 'yon at baka mawala ako sa sarili ko't mapatay ko
lang siya nang wala sa oras!

"Grabe, gusto kong matawa sa inyong dalawa. Paano na lang kung kayo ang
magkatuluyan?" Saad ni Din sabay halakhak.

"Mas pipiliin ko na lang ang mamatay kesa makatuluyan 'yang Travis na 'yan!" Sagot
ko naman sa kanya. Tumawa lang sila nang tumawa hanggang sa tumigil na sila.
"Okay, okay. Kaya talaga kami nandito para sabihin sa'yo mag momovie marathon tayo
sa bahay!" Sabi ni Din sa akin.

"Ayoko." Diretso at walang pag-aalinlangan kong sagot sa kanya.

"Ang KJ mo naman!" Sabi naman niya.

"Ayoko,dahil paniguradong naroroon si Ravis. Sa tingin mo kaya kong harapin ang


lalaking 'yon pagkatapos ng ginawa niya sa akin?!" Masungit kong sabi sa kanya.
Maisip ko pa lang ang mukha ni Travis, nanggigigil na talaga ako. Tipong wala pang
ginagawang masama sa iyo ang isang tao, naaasar ka na agad.

"Hindi mo naman siya makikita dahil sa kwarto ko tayo manonood. Pinayagan na ako ni
Mommy na manood tayo roon. Tsaka, hindi natin papapasukin ang mga boys." Sabi ni
Din.

"Paano kung magpumilit?" Tanong ni Heena.

"Siyempre, depende na sa'yo kung papapasukin mo ba o hindi!" Kaswal na sagot ni Din


sabay kagat sa mansanas na hawak niya.

She's right, it's still depends on you kung papapasukin mo ba siya o hindi. I'll
always remind myself na kahit kailan, hinding-hindi ko siya papapasukin!

Bigla akong napailing. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Damn, dahil iyon sa bwisit na
Travis na 'yon!

"Oh ano, Jeorge? Gora na?" Tanong ni Din. I just rolled my eyes at her. Ano pa nga
bang magagawa ko kung hindi ang pumayag.

"Oo na, wala na naman akong magagawa!" Sabi ko na lang.

"Yes!"

TAHIMIK at walang maingay sa loob ng bahay nina Din pagkapasok namin sa loob. Lihim
naman akong nagpasalamat sa sarili ko dahil wala ang mga boys na maiingay.
Dumiretso kami sa may kusina dahil sabi ng mga maid ay naroroon daw sa kusina si
Tita Lilet.

"Hi, Mommy! What are you doing?" Bati ni Din kay Tita Lilet at tsaka ito humalik sa
pisngi. Ganoon din ang ginawa namin.

"Ginagawan ko kayo ng meryenda para mamaya. Kamusta na kayo? Ang gaganda n'yo na."
Nakangiting sabi ni Tita Lilet.

"Thank you po, Tita. Kayo rin lalong gumaganda at bumabata." Magiliw na sabi ko.
Natawa lang si Tita Lilet. Kinurot ko naman ang pisngi ni Anthony na tahimik na
kumakain ng cake sa may gilid ni Tita Lilet. Puno ng icing ang mukha ni Anthony
pero ang cute-cute pa rin niya.

"O siya sige, umakyat na kayo sa itaas at ipapadala ko na lang ang mga pagkain
doon." Sabi ni Tita Lilet. Tumango lamang kami at tsaka umakyat sa itaas.

"Mukhang magiging peaceful ang araw nating ito ah!" Sabi ko kay Din.

"Oo, walang mga magulo." Sagot naman ni Din. Ngumiti ako nang maluwag dahil hindi
ko makikita ang mongoloid na mukha ni Travis.

Maluwag ang ngiti sa mukha ko nang buksan ni Din ang pinto nang kwarto niya at doon
ay tumambad sa amin ang mga lalaking panay mga walang saplot sa katawan at mga
nakahiga sa kama habang nanonood ng NBA. Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko dahil
agad na nakita nang mga magaganda kong mata ang demonyong kinamumuhian ko.

"Hi Girls!" Bati ni Xander sa amin.

"Ano'ng ginagawa n'yo dito sa kwarto ko?!" Inis na tanong ni Din sa kanila. Wala
namang sumagot kay Din kaya mas lalo itong nabwisit. Napadako naman ang atensyon ko
kay Travis na ngayon ay nakatingin sa akin. Bigla niya akong kinindatan kaya naman
inirapan ko siya ng bongga. Akala naman niya ang g'wapo niya!

Wala na kaming nagawa kung hindi ang pumasok sa kwarto ni Din at pakisamahan silang
lahat. Naroroon si Axcel, Aivan, Shaun, Xander, Allen, Alex at ang demonyong si
Travis. Si Symon naman ay natutulog sa kwarto niya at walang ganang makihalubilo sa
kanila.

"Ang sesexy namin 'no?" Sabi ni Xander sabay pose na parang model. Tinaas taas pa
niya ang braso niya at pinipilit lumabas ang muscles niya. Napairap na lang ako sa
hangin ng wala sa oras.

"Gago, mas macho ako sa'yo!" Sabi naman ni Travis at itinulak si Xander. Nahulog
naman sa kama si Xander at agad na tumayo at binanatan si Travis. Para silang sira
na nagwrewrestling sa kama ni Din. Nakipag-wrestling na din sina Aivan, Axcel at
pati na rin sina Allen at Alex. Napailing na lang kami.

"Boys will be boys." Saad ni Heena.

"Boys behave!" Suway ni Din sa kanila. Tumigil naman sila pero naghaharutan pa rin
at nagtatawanan. Hindi na ata talaga magiging maayos ang araw namin basta't kasama
namin 'tong mga gunggong na 'to.
Isinalang na ni Din ang movie na panonoorin namin. Insidious 1 ang panonoorin namin
at sabi niya ay nakakatakot daw iyon.

"Duwag ka hindi ba? Bakit ka manonood niyan?" Biglang sabi ni Travis sa may gilid
ko. Napalingon naman agad ako at hinanap si Rissa na kanina lang ay katabi ko.

"Baka ikaw ang duwag." Masungit kong sagot sa kanya sabay irap.

"Hindi ah, hindi naman ako duwag. Matapang kaya ako." Saad pa n'ya.

"Matapang? Who knows?" Masungit ko pa ring sabi.

"Sungit mo. Kulang ka sa halik 'no?" Nakangisi niyang sabi. Binalingan ko naman
siya ng tingin at pinagsisisihan ko 'yon dahil ang lapit lang pala ng mukha niya sa
mukha ko. Agad din akong nag-iwas ng tingin.

"Shut up, Travis Kiel." Mariin kong sabi sa kanya. Nagsimula na ang palabas pero
hindi ako makapag-concentrate sa panonood. Sino ba naman kasing hindi macoconcious
kung may lalaking nakatitig sa'yo nang malapitan, hindi ba?

"You've said my whole name." Nakangiti at seryoso niyang sabi.

"Pakielam mo? Wala ba akong karapatan na sabihin ang buo mong pangalan?" Tinaasan
ko siya ng kilay para mas magmukhang mataray pa ako sa kanya.

"Nah, iba ang epekto sa akin kapag ikaw nagsasabi ng buo kong pangalan. Tinatayuan
ako." Diretso at walang sabi-sabi niyang sabi. Nanlaki naman ang mga mata ko at
agad na humarap sa kanya. Tinampal ko iyong bibig niya.

"Bastos!" Mahina kong sabi sa kanya. Baka kasi marinig pa nila ni Din ang pinag-
uusapan namin ng impaktong 'to eh.

Humalakhak lang siya pagkatampal ko sa bastos niyang bibig.

"Hindi ba't sabi ko sa'yo na kapag bastos, nakahubad special dog style? Gusto mo
turuan kita ng iba't ibang sex style? Marami akong alam." Sabi niya. Ayaw talaga
ako tantanan nitong Montemayor na 'to eh. Isa na lang talaga at bibigwasan ko na
siya.

"Tigilan mo ako, Travis." Mariin at galit kong sabi sa kanya.

"Aba, buti nga tuturuan pa kita eh. Iyong iba nga naghahanap pa ng trainor para
maturuan ng iba't ibang posisyon sa sex. Ako libre ko na lang inooffer sa'yo ayaw
mo pa. Pa-chicks ka talage eh 'no? Hindi ka naman maganda." Kaswal at diretso
niyang sabi sa akin. Nagsalubong naman ang kilay ko sa mga sinasabi niya.
Seriously, kanino ba talaga n'ya nalalaman ang mga ganoong kababuyan sa katawan?!

"Wala akong pakielam sa mga posisyong alam mo, Montemayor. Kung gusto mo, 'yong aso
na lang namin ang turuan mo. I'm pretty sure na willing magpaturo sa'yo ang aso
namin. Mukhang type ka pa naman n'on." Sagot ko sa kanya. Nakita ko namang
napangiwi siya sa sinabi ko.

"Damn your imaginations, Jeorge. Sinong tao ang makikipagsex sa hayop?!" Gulat na
tanong niya pero nakaminimize pa rin ang boses niya. Tipong ako lang ang
nakakarinig.

"Pwede ba, Travis. Minsan nga tagalugin mo na lang ang word na sex. Nakakaasiwa
pakinggan lalo na kapag ikaw ang bumabanggit." Iritado kong sabi sa kanya.

"Tagalugin? Di magiging kant—" Agad kong tinakpan ang bibig n'ya bago pa niya
maituloy ang sasabihin niya.

"Ibig kong sabihin, pagtatalik. Hindi 'yang nasa madumi mong isip!" Inis kong sabi
sa kanya.

"Ah, lilinawin mo kasi." Nakangisi niyang sabi.

"Letche!" Saad ko sabay irap sa kanya. Mahina lang siyang humalakhak sa naging
reaksyon ko.

"Pero seryoso, ayaw mo talagang magpractice ng mga posisyong alam ko? Ako naman
'yong magiging trainor mo."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Nine

NINE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Excited na talaga ako!" Tuwang-tuwang saad ni Din habang nagtatatalon sa ibabaw ng


kama niya. Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil mag-oovernight kami para bukas.
"Parang hindi ka pa nakakapunta ng Baguio." Ani ni Heena habang kumakain ng pizza
na pinadelivery namin.

"Nakapunta na ako 'no! Excited lang ako dahil kumpleto tayo!" Nakangiting sabi ni
Din sa amin. Bukas na kasi ang fieldtrip ng school namin at napagpasyahang na sa
Baguio ang maging destinasyon namin ngayong taon.

"Ikaw lang ata ang excited. Ayaw ko ngang makasama iyong Travis na 'yon tapos
pinili n'yo pang sa iisa na lang tayong kwarto mag-stay sa loob ng tatlong araw."
Iritable kong sabi sa kanila. Hiniling kasi nila sa school administration na pag-
isahin na lang kami ng kwarto kahit pa magkakaiba kami ng year level. Pumayag naman
ang school sa hiniling nilang iyon. Pabor din kasi sa amin 'yon para maging safe
kaming lahat. Mayroon kasing inatasan si Tito Levinn na magbantay sa amin at baka
raw kung anu-anong kabalastugan ang gawin nila na ikapahamak namin.

"Masaya kaya 'yon! Tatakutin natin 'yong boys!" Sabi pa ni Din.

"Tatakutin? Baka nga tayo ang matakot sa kanila. Mukha pa lang nila, nakakakilabot
na." Sagot ko kay Din. Ngumuso naman siya sa naging sagot ko. Totoo naman kasi ang
sinasabi ko. Lalo na 'yong Travis na 'yon. Subukan lang talaga akong asarin ng
Travis na 'yon at walang pag-aalinlangan ko siyang ihuhulog sa bangin sa Baguio!

"Bakit naman kasi ang laki ng galit mo kay Ravis. Pwede mo namang h'wag na lang
siyang pansinin.Kahit pa lagi ka n'ong kinukulit. Ikaw din kasi ang may kasalanan,
kung hindi mo pinapatulan ang pang-aasar n'ya. Hindi ka n'ya aasarin lalo!" Sabi ni
Din sa akin. Tumango naman si Heena at Felice sa sinabi niya.

"Paanong hindi ko siya papatulan? Puro kabastusan kaya nalabas sa bibig n'on!"
Angal ko sa kanila.

"Kahit na. Cold treatment lang, makikita mo. Hindi ka na niyan kukulitin. Ganoon
naman kahinaan ng mga lalaki eh. Kapag hindi mo pinansin, tatahimik na lang 'yan
dahil wala namang pumapansin." Dagdag pa ni Din. Sumang-ayon naman si Heena at
Felice sa sinabi ni Din. Hmpf. Wala na naman akong kakampi! Nasaan na ba kasi si
Rissa?

"Paano ko i-cocold treatment 'yong isang 'yon? Alam mo namang sobrang kulit n'on at
sino'ng hindi mabubwisit sa sobrang kakulitan n'ya? Eh miski nga si Tito Trav hindi
kinakaya ang kakulitan n'ya. Kay Tito Levinn nga lang ata siya takot." Sabi ko pa.

"Ano ka ba! Takot din siya kay Tita Freen tsaka sa Mommy n'ya. Miski nga kay Mommy
takot din siya eh. Kaya ikaw, dapat i-under mo si Travis. Tignan mo si Tito Levinn,
tiklop pag dating kay Tita Freen. Naalala mo ba noong minsan nandoon tayo? Nagalit
si Tita Freen kay Tito Levinn at hindi makasagot si Tito Levinn! Ganoon dapat!"
Sabi pa ni Din. Napakunot naman ang noo ko.

"Siyempre, kaya takot si Tito Levinn kay Tita Freen kasi asawa n'ya iyon. Eh hindi
ko naman asawa si Travis at maisip ko pa lang na asawa ko siya, pakiramdam ko
mababawian na ako ng buhay." Sabi ko sa kanila. Tumawa naman si Felice sa sinabi
ko.

"Di paano si Heena? Fiancé na n'ya si Axcel!" Natatawang sabi ni Din. Tinawanan
naman namin si Heena na napasimangot.

"Tigilan n'yo ako diyan. Hindi ako makakapayag na magpakasal sa Montemayor na


'yon." Ani niya. Tinawanan lang namin siya.

Masaya ako dahil naging mga kaibigan ko sila. Nailalabas ko kung sino ako at kung
ano ako. Kung mayroon man kaming mga tampuhan. Hindi namin iyon ipinagpapabukas pa.
Pinag-uusapan namin agad iyon at agad kaming nagkakabati. Kami-kami na lang kasi
ang tunay na magkakaibigan. May mga lumalapit nga sa amin pero para lang sumikat o
hindi naman kaya ay makalapit sa mga Montemayor boys. Alam na namin kung sino ba
talaga ang gustong makipag-kaibigan sa amin o hindi. Basta masaya na ako na sila na
lang ang mga kaibigan ko. Kuntento na ako kung ano'ng mayroon ako.

MAAGA kaming gumising kinabukasan para hindi ma-late sa call time ng school. Halos
lahat sila ay excited samantalang ako ay hindi. Alam ko naman kasing sisirain lang
'yon ni Travis pero kahit papaano ay excited din ako dahil balak kong gantihan si
Travis ngayon lalo na't sa iisang kwarto lang kaming lahat matutulog.

"Ang aga naman nitong fieldtrip na 'to." Ani ni Xander habang humihikab pa. May
suot itong itim na hoodie at halatang inaantok pa. Alas-singko pa lang kasi ng
umaga at hindi pa sumisikat ang araw. Nasa sala na si Aivan, Axcel, Shaun, at
Symon. Si Travis naman ay nagpaiwan sa van para matulog. Inaantok pa raw kasi siya.

"Din, na-check mo na ba ang mga gamit mo?" Paalala ni Tita Lilet kay Din.

"Yes, Mommy. Na-check ko na rin po 'yong mga gamit ni Sy." Sagot naman ni Din kay
Tita Lilet. Inaayos naman ni Tita Lilet ang mga pagkaing dadalhin namin sa loob ng
tatlong araw. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at sinugurado kong dala ko lahat ng
kailangan ko. Nagdala na rin ako ng extra napkin dahil mayroon ako ngayong monthly
period. Sana nga lang ay makisama naman ang period ko para maenjoy ko ang Baguio.

"Alright, ipalagay n'yo na kay Ben iyong mga gamit n'yo sa likod ng van. Din ang
mga pinaalala ko sa'yo ah? Tignan mo itong kapatid mo at baka magkulit na naman
'yan." Sabi ni Tita Lilet. Sumimangot naman si Symon sa sinabi nang Mommy n'ya.
Nagsisakayan na sila sa loob habang ako naman ay may nakalimutang dalhin. Nagpaalam
lang ako saglit kay Tita Lilet pagkatapos kong kunin ang naiwan kong gamit.
Nakasakay na silang lahat at ako na lang ang hindi pa kaya agad akong sumakay.

"Teka, wala ng upuan?" Tanong ko sa kanila.

"Bulag ka ba? Si Travis wala pang katabi." Masungit na sabi sa akin ni Axcel na
katabi naman ni Heena.

Napasimangot naman ako. Mukhang pinagkakaisahan ako ng mga pangit na 'to! Sinubukan
kong makipagpalit ng pwesto kay Xander pero siya ay ayaw din at wala akong nagawa
kung hindi ang tabihan si si Travis na ngayon ay tulog na tulog. Tinignan ko naman
siya at may suot siyang kulay gray na hoodie na mayroong tatak na trival. Mahina
siyang humihilik at mukhang puyat na puyat pa. Mayroong nakasabit na kulay puting
headphones sa leeg n'ya. Umandar na ang sasakyan at mahaba pa naman ang biyahe kaya
isinuot ko sa tenga ko iyong kulay pink kong earphones. Matutulog muna ako at
mahigit tatlong oras din ang biyahe. Ipinikit ko na ang mga mata ko hanggang sa
hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

NAGISING ako ng maramdaman kong may mahigpit na nakayakap sa akin. Ang sarap sa
pakiramdam at para akong lumulutang. Ang bango rin ng nakayakap sa akin at gustong-
gusto ko ang amoy niya. Hindi matapang, sakto lang at panlalaking-panlalaki. Bigla
akong natauhan. Panlalaki? Agad akong nagmulat ng mga mata at halos manlaki ang
mata ko nang makita ko ang mukha ni Travis na sobrang lapit sa mukha ko. Agad ko
siyang tinulak at walang sabi-sabing sinabunutan.

"Aray ko! Tang ina naman!" Reklamo niya na halatang nagising dahil sa ginawa ko.

"Bakit mo ako niyakap?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Tang ina! Pwede mo naman akong gisingin at tanungin n'yan hindi ba? Hindi 'yong
sasabunutan mo ako!" Iritable niyang sagot sa akin. Pinaningkitan ko naman siya ng
mga mata.

"At ikaw pa ang may ganang magalit?! Ikaw na nga itong nanyakap, ikaw pa tong
galit!" Inis kong saad.

"Paanong hindi kita yayakapin eh ang likot mo matulog! Mag-isip ka nga! Lagi mo
bang tingin sa akin manyak?! Tang ina, ayos sana kung may mamanyakin ako sa'yo eh!
Tignan mo nga 'yang boobs mo! Ni wala ka nga atang cleavage tapos ikaw pa ang may
ganang magalit!" Sabi niya sa akin. Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya.

Niyakap niya ako dahil malikot ako matulog? Oo, alam kong malikot akong matulog
pero bakit kailangan niya akong yakapin? At ano ang karapatan niyang sabihan akong
walang cleavage?! Kainis! Sinasabi ko na nga ba't masisira lang ang fieldtrip kong
ito eh! Bwisit!

"Oh ano? Natigilan ka? Kasi narealize mong hindi kita minamanyak?! O narealize mo
rin na wala ka talagang cleavage?" Galit pa rin niyang sabi sa akin.

"Hoy, tumigil na nga kayo diyan! Mahaba pa ang biyahe natin at natutulog pa kami
dito!" Sigaw ni Xander sa may unahan. Sumimangot lamang ako bilang tugon.

"Mananabunot, wala namang dahilan." Rinig kong bulong ni Travis sa may tabi ko
habang inaayos iyong magulo na talaga niyang buhok.

"May sinasabi ka?!" Inis kong bulyaw sa kanya.


"Bakit?! Narinig mo bang may sinasabi ako?!" Inis niyang sagot sa akin.

"Oo! Narinig kong bumubulong ka!" Sabi ko naman sa kanya.

"Kung narinig mong bumubulong ako, hindi na bulong 'yon!" Sagot naman niya sa akin.
Aba, may gana pa pala niya akong pilosopohin?

"Alam mo, Travis. Wala akong matinong mapapala sa'yo." Walang pag-aalinlangan kong
sabi sa kanya.

"Bakit, ako ba may mapapala sa'yo?" Masungit niyang sabi sa akin. Napataas naman
akong kilay sa sinabi niya.

"Maraming mapapala sa akin, hindi lang kita bibigyan ng pagkakataan para maranasan
iyon." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"H'wag kang magsalita nang tapos diyan dahil baka kapag tinikman kita d'yan,
mapaungol ka na lang sa sarap."

"Travis!"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Ten

TEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Boys ano ba?! Kanina pa kayo harutan ng harutan diyan ah!" Inis na inis na sabi ni
Din sa mga boys. Kanina pa kasi sila sa loob ng CR at sabay-sabay silang mga
naligo. Halos mag-iisang oras na silang naliligo at wala kaming marinig sa loob ng
CR kung hindi mga tawanan, murahan at kung anu-ano pa. If I know, mga
nagpapalakihan lang 'yan ng mga birdy nila.

"Bah, mag-hintay kayo diyan sa labas!" Rinig kong sigaw ni Xander mula sa loob at
tsaka kami nakarinig ng ilang tawanan at kalabugan.
"Bwisit, kanina ko pa gustong maligo! Ang tatagal!" Inis na inis na sabi ni Din sa
sarili. Mayroong anim na kama sa loob ng kwarto na tinutuluyan namin. Eleven naman
kaming magkakasama kaya mayroong isang magsosolo ng kama at sana ay ako iyon.

"Hayaan mo na sila, maiinis ka lang kapag pinatulan mo pa sila. Knowing how stupid
and naughty they are." Masungit namang sabi ni Heena. Si Rissa naman ay nagbabasa
lang ng libro habang kakwentuhan si Felice.

"Bakit pa kasi tayo pumayag na kasama sila sa kwarto. Ayan tuloy, tayo ang
nagdudusa." Sabi ko sa kanila habang kumakain ng dried mango. Sumimangot lang si
Din sa sinabi ko.

Kanina, wala kaming ibang ginawa kung hindi mamasyal, mag-picture, kumain at kung
anu-ano pa. Lahat ng pwede naming gawin ay ginawa na namin kaya pare-pareho kaming
mga pagod ngayon. Wala namang ibang ginawa ang boys kung hindi guluhin kami at
mambabae. Lalo na si Travis na walang ibang ginawa kung hindi ang manlandi ng kung
sinu-sino. Miski nga mas matanda sa kanya, nilalandi niya na rin at gusto ko na
siyang sakalin sa mga pinaggagagawa niya.

"Tangna, ang sarap maligo!" Sabi nila pagkalabas nila ng banyo. Mga panay wala
silang suot na pang-itaas at ang iba sa kanila ay mga nakaboxer shorts lang. Bigla
akong napasulyap kay Travis at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Itinaas
niya ang dalawa niyang braso at kunwaring nag-popose na parang model habang
nakangisi. Agad ko naman siyang inirapan sa ginawa niyang iyon.

"Feeling mo naman ang macho." Sabi ko sa sarili ko sabay kagat sa dried mango ko.

"Hoy, pabulong-bulong ka pa diyan. Kunwari ka pa, binobosohan mo lang ako." Sabi ni


Travis na bigla na lang sumulpot sa may harapan ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay
at tsaka siya pinakatitigan. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging kulay pink
na boxer shorts lang ang suot niya. Mayroon pa 'yong tatak na hello kitty at hindi
ko napigilan ang hindi matawa sa itsura niya ngayon. Kalalaking tao, suot-suot na
boxers, pink!

"Tinatawa-tawa mo diyan?" Kunot-noo niyang tanong sa akin. Magkasalubong din ang


mga kilay niya tanda na naaasar siya sa pagtawa ko.

"Pakielam mo kung tumawa ako?" Sabi ko ng matigil ako sa pagtawa. Tinaasan ko ulit
siya ng kilay.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" Inis niyang tanong.

"At bakit ko aaksayahin ang tawa ko sa isang tulad mo? Sino ka ba? Chicks ka ba?"
Dirediretso kong sabi sa kanya. Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi ko. Hah!
Akala niya!

Pinakatitigan niya lang ako habang mga makakapal niyang kilay ay magkasalubong.
Nakita kong biglang namula ang mukha niya at agad na tumalikod. Napakunot naman ako
ng noo sa inasal niyang iyon.

"Ayusin mo nga lang shorts mo! Kita na panty mo, hindi mo pa alam." Iyon lang ang
sinabi niya at tsaka umalis sa may harapan ko. Agad namang nanlaki ang mga mata ko
at tumingin sa shorts ko.

"Hayop ka, Travis!" Inis kong sigaw sa kanya. Bwisit na 'yon! Ako pa raw ang
namboboso eh siya nga 'tong naninilip. Kainis, bwisit! Kung bibigyan lang talaga
ako ng pagkakataon na pumatay, naku. Walang pag-aalinlangan ko siyang papatayin!

LUMABAS na kami ng kwarto namin pagkatapos naming kumain. Sa labas kasi naming
napagpasyahang kumain at gusto rin naman naming maranasan ang mag-dinner dito sa
Baguio. Masasarap kasi ang pagkain dito at talaga namang babalik-balikan mo.

"Ano ba?! Give some manners naman, boys! Para kayong mga hindi kumain ng ilang
lingo sa mga inaasta n'yo!" Inis na inis na sabi ni Din. Wala na ata siyang gagawin
ngayon kung hindi ang sawayin ang mga pasaway na lalaking 'to.

"Xander, ano ba?! Pagkain ko sabi 'yan eh!" Sigaw ni Travis kay Xander ng kumuha
ito sa plato ni Travis. Napapatingin na nga sa amin 'yong ibang mga kumakain sa
sobrang ingay nila.

"Oh, h'wag ka ng magwala diyan at iyo na 'to." Sabi ko sa kanya sabay lagay sa
plato niya ng ulam na gusto niya. Natigilan naman siya at tsaka napatingin sa akin.

"Salamat." Sabi niya at tsaka nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko naman ang pamumula
ng pisngi ko. Nag-thank you lang siya pero pakiramdam ko ay may ibang kahulugan na
iyon. Gumising ka nga, Jeorge!

Hindi ko na lang ulit siya pinansin hanggang sa matapos kaming lahat kumain.
Marahil ay gutom na gutom sila at halos punong-puno ang lamesa namin ng pagkain.
Saglit kaming nagpatunaw ng pagkain hanggang sa mapagpasyahan naming bumalik na at
matulog.

Katabi ni Xander matulog si Symon at si Axcel at Aivan naman ang magkatabi. Si


Shaun ang katabi ni Travis matulog. Gusto ni Din na mayroon siyang makatabi matulog
at pinili niya si Heena. Si Felice at Rissa naman ang matutulog na magkatabi kaya
ang ibig sabihin lang n'on ay ako ang magsosolo nang isang kama. Naghilamos lang
ako saglit at tsaka nagpalit ng pantulog. Hindi kasi ako sanay ng hindi
naghihilamos kapag matutulog na.

Isinuot ko lang saglit ang earphones ko at tsaka humiga na. Ipinikit ko na ang mga
mata ko at hinayaan ko lang ang sarili ko na balutin ng antok hanggang sa makatulog
ako.

NAALIMPUNGATAN ako ng may maramdaman akong mainit na bagay na tila ba nakayakap sa


akin. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at pinakaramdaman ang sarili ko.
Napatingin ako sa may tiyan ko at nakita kong may nakayakap sa akin. Agad akong
bumangon at akmang titili na ng takpan niya ang bibig ko.

"Shhhh. Si Travis 'to." Rinig kong sabi bulong niya sa may tenga ko. Nakapatay na
ang ilaw kaya hindi ko siya gaanong makita.

"Tatanggalin ko 'tong kamay ko sa bibig mo basta h'wag kang sisigaw, ha? Magigising
sila kapag sumigaw ka." Bulong pa rin niya at tsaka niya dahan-dahang inalis ang
kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Agad ko naman siyang sinapak at sinabunutan,

"Hayop ka, ano'ng ginagawa mo dito!" Mahinang sabi ko sa kanya.

"Aray ko naman, grabe 'yang kamay mo manakit ah!" Iritado niyang sagot sa akin
habang hawak-hawak niya iyong buhok niya.

"H'wag mong ibahin ang usapan! Ano'ng ginagawa mo dito sa kama ko at bakit ka dito
natutulog? At tsaka bakit mo ako yakap-yakap?! Gusto mo bang sapakin kita?!" Inis
na inis kong sabi sa kanya.

"Tangna, paano ko masasagot 'yang mga tanong mo. Dinaig mo pa teacher natin sa
kakatanong." Ani niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin kahit alam kong hindi niya
kita iyon.

"Umalis ka rito! Doon ka sa kama n'yo." Inis ko pa ring sabi sa kanya.

"Ayoko, mas malaki 'tong kama mo tsaka mas masarap ditong matulog. Kung gusto mo
ikaw na lang tumabi kay Shaun." Sabi niya at tsaka muling humiga sa kama ko. Aba't!

Walang sabi-sabi ko siyang itinulak dahilan para mahulog siya mula sa kama.

"Aray ko, tang ina!" Rinig ko pang sabi niya.

"Serves you right!" Sabi ko sa kanya at tsaka humiga. Pero nagulat ako ng tumayo
siyang muli at siksikin ako. Hinatak niya 'yong kumot ko kaya hinatak ko rin.
Naghatakan kami hanggang sa mapagod kaming dalawa.

"Ang arte mo naman kasi masyado, pwede namang tabi na lang tayo matulog!" Sabi niya
at tsaka siya nagkumot gamit ang kumot ko. Naramdaman ko naman bigla iyong mainit
niyang katawan. Wala kasi siyang saplot na pang-itaas at nakasando lang ako.

"Bakit ba kasi gusto mo pa dito?! Ako ang nauna dito!" Mariin kong giit sa kanya.

"Sa gusto kong makatabi ka eh!" Sagot naman niya sa akin. Bigla naman akong
natigilan sa sinabi niyang iyon. Gusto niya akong makatabi? Bakit?
"Tumahimik ka na lang diyan at matulog. Arte-arte mo." Sabi niya at tsaka tumalikod
sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pa sa sinabi niya. Basta ang alam ko lang, ang
bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ako sanay na mayroong lalaking katabing matulog, unless mga kapatid ko 'yong
lalaki. Pero si Travis, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko
ang gaan-gaan ng loob ko at ang sarap sa pakiramdam na katabi ko siya. Hindi ko
alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman ko at ayoko nang ganoon. Ayokong
maramdaman 'yon pero pigilan ko man, iyon talaga ang nararamdaman ko ngayon.

Sinubukan kong matulog pero hindi ako makatulog. Nag-iba ako ng pwesto pero hindi
pa rin talaga ako makatulog at hindi na ata ako makakatulog pa kahit ano ang gawin
ko. Tumalikod ako kay Travis at tsaka ko ipinikit ang mga mata ko. Pero lumipas ang
ilang minuto ganoon pa rin, hindi pa rin dahil mayroong bumabagabag dito sa dibdib
ko.

Bigla ay naramdaman kong may biglang yumakap sa akin mula sa likuran at bigla kong
naramdaman ang kakaibang pakiramdam, parang mayroon kuryenteng dumadaloy sa sistema
ko ng magdikit ang mga balat namin ni Travis. Humigpit ang pagkakayakap niya at
alam ko sa sarili ko na sobrang lapit namin sa isa't isa. Akmang magsasalita ako ng
bigla siyang bumulong sa may tenga ko.

"Just sleep, Jeorge. Just sleep with me." Paos niyang sabi. Parang awtomatiko
namang bumigay ang katawan ko sa boses niyang iyon. Pumikit ako at doon lang ako
nakaramdam ng antok.

Nakatulog ako na ang nasa isip ko ay matulog lang ng ganito, kasama siya.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Eleven

ELEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Hindi sila matigil sa pagtaawa hababang nasa loob na kami ng van at papauwi na.
Simula pa noong nakaraang araw, wala silang ibang ginawa kung hindi pagtawanan kami
ni Travis. Panay mura naman si Travis sa kanila dahil ayaw talaga nilang tumigil sa
pagtawa.

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to!" Sisi sa akin ni Travis. Tinaasan ko naman siya ng
kilay. Aba, ang kapal naman ng mukha niyang magreklamo. Ako nga dapat ang
nagrereklamo ngayon dahil niyakap niya ako noong nakaraang gabi. Nahuli kasi nila
kaming magkayakap ni Travis at pinicturan nila kami. They even posted it on
facebook!

"Excuse me, kasalanan ko?! Sino bang tanga ang pumunta sa kama ko at niyakap na
lang ako bigla?! Gago ka pala eh!" Singhal ko sa kanya. Kapal ng mukha ng tontang
'to!

"Nagpayakap ka naman!" Sagot niya sa akin. Saglit akong natigilan at muli siyang
tinaasan ng kilay. Dapat hindi mawala ang pagiging mataray ko para matakot siya sa
akin.

"Hindi ako nagpayakap, sadyang inaantok lang ako at wala na akong pakielam pa sa
paligid ko. At ang kapal rin pala ng pagmumukha mong sadyang makapal na. Ikaw pa
ang may ganang magreklamo? Aba, Travis. Ako ang babae sa ating dalawa at hindi
ikaw! Unless, pusong babae ka." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Pusong babae! Baka gusto mong pasukin ka nitong Junior ko! Maghinay-hinay ka sa
mga sinasabi mo, Jeorge." Banta niya sa akin. Walang sabi-sabi ko naman siyan
sinapak at sinabunutan.

"Bastos ka talagang lalaki ka!" Sabi ko habang kinakalbo ko ang mahaba niyang
buhok.

"Hoy, tumigil nga kayo diyan! Walang araw na hindi kayo nag-away." Rinig kong sabi
ni Xander. Nakita kong lumipad ang middle finger ni Travis sa ere. Humalakhak
lamang si Xander.

"Tang ina talaga, magtitimpi ako ngayon." Rinig kong bulong ni Travis pagkatapos ko
siyang sabunutan.

"May pabulong-bulong ka pang nalalaman diyan!" Inis kong sabi sa kanya. Hindi siya
sumagot at nakita ko lang ang pagyukom ng mga palad niya at pagtatagis ng bagang
niya. Pinipigilan talaga niya ang sarili niya.

Buong biyahe ko siyang hindi pinansin dahil naiinis lang ako kapag kakausapin ko
siya. Makita ko pa nga lang ang mukha niya, naaasar na ako. Kausapin pa kaya siya?
Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga
nadaraanan namin. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang
ako na si Travis at ako na lamang ang nasa loob ng sasakyan.

Saglit ko siyang pinakatitigan at napansin kong mukha siyang anghel at inosente


kapag tulog. Tipong parang hindi siya nagsasalita nang kung anu-anong mga bastos na
bagay. Ganoon ang itsura niya kapag natutulog pero kapag gising na siya,
kabaligtaran na ang lahat ng iyon. I sighed.

"Hoy unggoy, gumising ka na." Sabi ko at tsaka ko siya niyugyog. Umungol lamang
siya sa pagyugyog kong iyon.

"Aba,tulog mantika pala ang unggoy na 'to." Sabi ko sa sarili ko. Wala sa sariling
napangiti ako ng may maisip ako bigla. Agad kong inilabas ang pentel pen ko sa bag
at tsaka ko inilabas ang ispirito ni Michael Angelo sa katawan ko.

LUMABAS ako sa van na ngiting-ngiti. Hindi talaga mawala ang ngiti sa mukha ko lalo
na't naipakita ko na naman ang galing ko sa art. I am pretty sure na magmumukha
talaga siyang aso sa ginawa ko sa kanya. Tumawa ulit ako na parang sira.

"Hi girls!" Ngiting-ngiti kong bati sa kanila. Napakunot naman ang mga noo nila
dahil kakaiba talaga ang ngiting ipinapakita ko sa kanila.

"Bati na kayo? Bakit parang ang saya mo ata?" Tanong sa akin ni Din. Ngumiti naman
ako sa kanya.

"Hindi pa, pero masaya lang ako. Bawal ba? Mayroon na bang batas na nagbabawal
maging masaya? Aba, kapag nakagraduate talaga ako ng Law, sisiguraduhin kong
mapapatalsik sa kongreso ang gumawa nang batas na 'yon!" Nakangiti ko pa ring sabi.
Nakatitig lang silang lahat sa akin at sinuklian ko lang sila ng matamis at maganda
kong ngiti.

"Naninibago kami sa'yo, Jeorge." Sabi ni Heena sa akin. Katabi niya si Axcel na
pasimpleng tumitingin sa kanya at inaamoy iyong buhok niya.

"Ano ba kayo! Sabihin n'yo lang kung mas lalo akong gumanda. Dami n'yo pang
sinasabi." Sabi ko sabay halakhak. Nakita ko naman silang napailing. Naghintay lang
ako ng ilang minuto at inaabangan kong lumabas ng sasakyan si Travis the great
stupid. At hindi naman niya ako binigo dahil ilang minuto lang ay lumabas na rin
siya.

"Tang ina, pare! Ano'ng nangyari sa'yo?!" Sabi bigla ni Xander sabay hagalpak ng
tawa. Napatingin naman sila kay Travis at sabay-sabay na naghalakhakan. Si Xander
nga napapaluhod na sa sobrang tawa eh. Ako naman, nakangiti lang sa kanya.

"Mga problema niyo?" Tanong ni Travis sabay lapit sa amin. Nakakunot lang ang
kanyang noo at magkasalubong ang makakapal niyang mga kilay. Wala naman silang
ginawa kung hindi ang tumawa lang ng tumawa. May napapatingin na nga rin sa amin na
ibang estudyante sa school at pinagtitinginan at pinagbubulungan siya. Iyong iba
nga napapatawa na rin dahil sa gwapo niyang mukha eh.

"Tang ina! Ano bang mga problema n'yo?!" Inis na singhal ni Travis sa kanila na
walang tigil sa pagtawa. Bigla naman siyang napatingin sa akin at ningitian ko lang
siya sabay talikod at sipol na para bang wala akong ginawa.

"Guys, una na ako ah? Nandyan na pala si Mang Bert." Sabi ko sa kanila. Muli kong
sinulyapan si Travis at ningitian siya ng bongga. Tumalikod na ako at naririnig ko
pa rin ang pagtawa nila. Hanggang sa makasakay ako sa kotse namin. Nakita kong
inabutan ni Din si Travis ng salamin at agad na napatingin sa akin.

"Jeorge!" Inis na sigaw niya at mabilis na tumakbo sa pwesto ko pero pinaandar na


ni Mang Bert ang sasakyan.

I opened the window of our car and I looked at him and I raised my middle finger to
him. Serves you right, Travis demon!

MAAGA akong nagising kinabukasan para pumasok sa school. Naabutan ko si Mommy't


Daddy pati na rin ang kuya ko at ang kapatid ko pang lalaki na nasa lamesa na.

"Good morning, family!" Masayang bati ko sa kanila. Ginawa ko na lang family para
hindi na ako mahirapan na banggitin ang mga pangalan nila pati na rin kay na
Mommy't Daddy. Nakakatamad din kayang magsalita.

"Ang ganda ata ng gising mo?" Sabi ni Daddy sa akin. Umupo naman ako sa tabi ni
Mommy at hinalikan siya sa pisngi.

"Maganda kasi ang anak n'yo kaya maganda rin ang gising." Nakangiting sagot ko kay
Daddy. Mahina namang tumawa si Mommy at ang dalawa kong bwisit na kapatid ay
sinimangutan lang ako at kinontra. Bakit ba ganoon ang mga kapatid na lalaki sa
mundo? Kapag sinabi mong maganda ka, kokontra sila at sasabihing 'hindi naman'.
Nakakaimbyerna lang hindi ba? Pwede namang sabihin na lang nila na, 'oo'. Simpleng-
simple lang, tinatatamad pa sila.

"Anak may boyfriend ka na ba?" Biglang tanong sa akin ni Mommy. Natigilan naman si
Daddy sa pag-inom sa kape niya.

"Ano ka ba, Mommy. Hindi ba't sabi ko sa'yo na magiging Presidente muna ako ng
Pilipinas bago mag-boyfriend?" Nakangiti kong sagot kay Mommy. Nilagyan ko ng ham,
bacon, hotdog at dalawang tasty bread ang plato ko.

"Anak, matagal pa 'yon. Baka hindi ka na mabuntis noon." Sabi ni Mommy sa akin.

"Hayaan mo na siya, baby. Gusto niya iyon." Sabi naman ni Daddy. Minsan, gusto kong
masuka sa tawagan ng mga magulang ko. Baby? Kadiri lang hindi ba? Ang tatanda na,
baby pa rin ang tawagan. Duh.

"Pero anak, gusto kong makita ang mga magiging apo ko sa'yo." Sabi ni Mommy sa
akin.

"Mommy, fourteen years old pa lang ako. Apo na agad iniisip n'yo? Grabe ka naman,
My! Gusto mo na ba akong mahiwalay sa inyo? Ayaw n'yo na ba sa akin, My? Buntis ka
na ba ulit Mommy at ayaw mo na sa akin?" Medyo naluluha kong sabi. Pero dahil
masaya ako ngayon, bigla akong ngumiti sa kanila at nagsabing. "Joke lang." Sabay
ngiti ng bongga.
Buong umaga lang kaming nagkwentuhan at ng matapos na kaming kumain. Sumabay na
kami kay Daddy papasok sa school. Kiniss ko lang ang dalawa kong poging kapatid
bago humiwalay sa kanila.

Lahat ata ng taong makasalubong ko ay ningitian ko na. Iyong iba nga muntik pang
himatayin sa sobrang pagngiti ko. Ewan ko ba, simula kasi kahapon hindi na nawala
iyong ngiti sa mukha ko. Ang laki talaga ng epekto sa akin ni Travis at napapangiti
niya ako ng ganito. Dadalasan ko nga ang pantitrip sa kanya.

Nakangiti akong pumasok sa classroom namin. I even greeted them, 'Good morning
classmates' which is unusual. Halos lahat kasi sa room tinarayan ko na, mapababae
man o mapalalaki. Lalong lalo na si Travis.

Umupo na ako sa upuan ko ng may bigla akong maramdamang malambot na bagay sa upuan
ko. Agad akong napatayo at nagtatakang napatingin sa isang brown envelope na nasa
upuan ko. Kinuha ko iyon at napakunot ang noo ko ng may mabasa akong 'Bed me,
please' sa labas ng envelope. Binuksan ko naman iyon at halos mapatili ako ng
makita kong isang gamit na condom ang laman ng envelope. Agad na umakyat ang dugo
sa ulo ko at wala sa sariling napasigaw.

"Travis!"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Twelve

TWELVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Jeorge, mayroon ka na bang kapartner para sa prom night?" Tanong sa akin ni Mae
habang pareho kaming kumakain. Senior highschool na kami at dalawang taon na lang
ay gagraduate na kami sa highschool.

"Inaaya nga ako ni Ian Somerhalder pero tinaggihan ko muna. Si Alex Pettyfer naman
pinipilit ako, konti pilit na nga lang niya, papayag na ako. Pero ito namang si
Chris Evans, bigla na lang susulpot at aayain akong maging partner niya. Ang hirap
kayang mamili sa kanilang tatlo." Sagot ko kay Mae na sinimangutan naman ako dahil
sa naging sagot ko sa kanya. I checked some of my notes. Mamaya kasi ay may quiz
kami sa Physics at balak ko sanag i-perfect ulit.
"Kung mangangarap ka na lang, sana naman 'yong medyo nasa realidad." Ani ni Mae.

"Ito naman, hindi ka na mabiro. Pero wala pa, ayoko rin namang umattend sa prom
night na 'yan. Kung available sana si Kuya Greg, siya ang yayayain ko. Kaso may
fiancée na eh. Kainis." Sabi ko habang binubuklat iyong notebook ko sa Physics.

"You mean, 'yong pinsan nina Travis na g'wapo? Crush ko rin 'yon!" Sabi ni Mae.
Bigla ko naman siyang sinabunutan.

"Crush na nga lang, aagawan mo pa ako? Bwisit ka rin eh 'no." Inis kong sabi sa
kanya at tsaka ko siya inirapan.

"Grabe ka naman, Jeorge! Di si Travis mo na lang ang patulan mo, tutal naman
destiny kayo ng dalawang 'yon eh. Tignan mo, apat na taon mo na siyang kaklase!"
Sabi ni Mae sa akin. Sumimangot naman ako bigla. Napahiwalay kasi si Mae ng section
last year kaya hindi ko siya kaklase. Iniyakan ko pa 'yong panot na teacher namin
para kunin si Mae pero ang walanghiyang si Travis, kinontra na naman ako. Hindi ko
talaga makakalimutan kung paano niya ako barahin sa lahat ng bagay. Bwisit! Wala
man lang magawang matino sa buhay.

"Don't say bad words, please." Sabi ko sa kanya sabay irap. Tinawanan lang niya
ako. Nasa cafeteria kami't kumakain at nag-rereview na rin para sa quiz namin
mamaya. Kasalukuyang kumakain ako ng may biglang mahagip ang mga magaganda kong
mata.

"Stupid asshole." I muttered to myself. Napatingin naman si Mae sa tinitignan ko.

"Ang sarap lang nilang buhusan ng mainit na tubig 'no?" Inis kong sabi kay Mae
habang nakatingin kay Travis na nakikipaglampungan sa girlfriend niyang blonde.
Kunot noong tinignan naman ako ni Mae sa sinabi ko sa kanya.

"Alam mo minsan, Jeorge. Napagkakamalan kitang may gusto kay Travis. Lagi ka na
lang kasing naiinis at nagagalit kapag nakikita mo siyang may kalandian." Sabi sa
akin ni Mae. Sinamaan ko naman siya bigla ng tingin.

"Bigyan mo naman ako ng class, Mae! Ang ganda-ganda ko at ang tali-talino,


ipapartner mo ako sa tulad niya? Duh. Kung kasing brain wave niya sana si Axcel at
Aivan sa katalihunan, di sana pinatulan ko pa siya kahit papaano." Sabi ko kay Mae
sabay irap.

"Ang ganda mo ha!" Sarkastikang sabi niya sa akin. Napatingin naman ulit ako kay na
Travis. Nakaakbay siya roon sa girlfriend niyang blonde na sixth year na ata.
Hinahalik-halikan niya iyong leeg noong babae at halatang-halata namang gustong-
gusto niya ang ginagawa ni Travis sa kanya. Wala man lang silang class at dito pa
sa cafeteria naglalampungan.

Biglang napalingon si Travis sa pwesto ko at bigla niya akong kinindatan. Inirapan


ko naman siya ng bongga. Dukutin ko kaya 'yang mga mata niya? Bwisit na lalaking
'to. Ang landi-landi. Nakikipaglampungan na nga sa girlfriend niya, nangingindat
pa.

"Hi. Pwedeng makiupo?" Bigla naman kaming napalingon ni Mae sa boses ng isang
lalaki.

"Hindi—" Sasagot na sana ako ng bigla namang magsalita si Mae.

"Sure!" Nakangiting sabi niya. Umirap naman ako sa hangin. Naramdaman ko ang pag-
sipa ni Mae sa tuhod ko sa ilalim ng lamesa. Nang tignan ko naman siya, nakangiti
lang siyang nakatingin kay Ronald. Isa sa basketball player at heartthrob ng school
namin si Ronald at crush na crush siya ni Mae.

"Ayos lang ba sa inyo na sumabay ako kumain? Wala kasi akong maupuan." Sabi ni
Ronald sa amin.

"May magagawa pa ba kami?" Pabulong at pataray kong sabi. Naramdaman ko ulit ang
pagsipa ni Mae sa ilalim ng lamesa. Sasabunutan ko talaga 'tong babaeng 'to mamaya!

"Ano ka ba, ayos lang 'yon." Ngiting-ngiting sabi ni Mae.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may umupo sa tabi ko at akbayan ako. Walang
sabi-sabi ko siyang siniko. Nakita ko namang namilipit siya sa sakit.

"Grabe ka naman ka-sweet sa akin!" Reklamo niya habang hawak 'yong tiyan niya.

"Pwede ba, Travis. Ayokong mahawaan ng virus ng kung sinong impakto na bigla na
lang tumabi sa akin." Mataray kong sabi sa kanya.

"Nagpaparinig ka ba?" Tanong niya sa akin. Bigla ay gusto ko siyang batukan ng


malakas dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi pa ba malinaw na siya ang tinutukoy ko?

"Nasa sa'yo na lang kung nagpaparinig nga ba ako o hindi." Sagot ko naman sa
kanya.

"Pare, andito ka pala. Hindi kita nakita, ang liit mo kasi." Biglang sabi ni Travis
kay Ronald. Nakita ko namang nagsalubong ang mga kilay ni Ronald at halatang hindi
nagusuthan ang sinabi ni Travis. Magka-teammates kasi sila ni Ronald at parehong
miyembro ng basketball team ng school.

"Masama bang sumabay sa kanilang kumain?" Tanong ni Ronald.

"Hindi naman, ayoko lang na pinopormahan mo 'tong asawa ko." Rinig kong sabi niya.
Napataas naman ako ng kilay at napalingon sa kanya. Sino ang tinutukoy niyang asawa
niya?
"May girlfriend ka hindi ba?" Sabi ni Ronald.

"Hindi ah, friends lang kami n'on." Sagot naman ni Travis. Gusto kong sapukin siya
bigla sa sinabi niyang iyon. Friends tapos hinahalikan niya? Wow ha!

"Bakit 'yong aso namin, friends rin naman kayo ah? Bakit hindi mo siya hinahalikan
kapag pupunta ka sa bahay?" Tanong ko kay Travis.

"Tangna talaga nito mambara eh." Rinig kong bulong niya pero hindi ko gaanong
naintindihan. Wala rin naman akong pakielam sa sinabi niya.

"Pare, marami namang lamesa ah? Bakit dito mo pa napiling kumain?" Tanong ni Travis
kay Ronald. Nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Well, wala rin
naman akong pakielam kung mag-away sila. Magkakaroon ba ako ng isang milyon kapag
pinigilan ko silang mag-away? Hindi naman, diba? So, bakit ko sila pipigilan mag-
away? Duh. You should make sense.

"Sa gusto ko rito, pakielam mo ba pare?" Maangas na sagot ni Ronald. Nakita ko


naman ang pagyukom ng mga palad ni Travis at pagtatagis ng mga bagang niya. Naiinis
na 'yan, alam ko. Ganyan kasi siya kapag inaasar ko at binabara ko.

"Nagtatanong lang naman ako, bakit ang angas mo?" Maangas ding sabi ni Travis kay
Ronald.

"Guys, hindi naman kayo nag-aaway hindi ba?" Sabi bigla ni Mae. Bigla ko tuloy
gustong tapalan ang bibig niya sa pagsasalita. Ayaw niya bang makakita nang
nagbubugbugan? Ako nga gustong-gusto ko eh.

"Naangasan ka ba sa akin?" Mayabang na sabi ni Ronald. Biglang tumayo si Travis at


tumayo rin si Ronald. Nagsukatan sila ng tingin at bigla nilang nakuha ang atensyon
ng ilang estudyanteng mga kumakain.

"Ang yabang mo ah." Sabi ni Travis sabay tulak sa dibdib ni Ronald. Ganoon din ang
ginawa niya at wala pang ilang saglit ay bigla na lamang sinapak ni Travis si
Ronald. Naghiyawan ang ilang mga estudyante roon at ang mga babae ay puro
nagsisitilian. Walang nagtangkang umawat sa kanila at ayaw nilang tumigil sa
pagsasapakan habang nagmumurahan.

"Awatin n'yo, awatin n'yo!" Sigaw ng isang studyante. Tinignan ko naman sila at
nakahiga na si Ronald sa sahig habang sinasapak siya ni Travis.

"Ano ka ba, Jeorge! Awatin mo nga sila!" Sigaw ni Mae sa akin.

"Bah, bakit ko sila aawatin kung sila itong basta na lang nagsuntukan? Pakielam ko
ba sa dalawang 'yan. Kung pwede nga lang, bibigyan ko pa sila ng kutsilyo at tsaka
sila magpatayan d'yan." Masungit kong sagot kay Mae. Nakita kong biglang may
lalaking lumapit at tinulungan si Ronald na sapakin si Travis. Napataas ako ng
kilay. Aba, hindi na pwede 'yan.

Walang sabi-sabing lumapit ako roon at bigla silang sinigawan ng pagkalakas-lakas.


Tumigil naman sila sa pagsasapakan at tila ba nagulat silang lahat sa pagsigaw kong
iyon. Aba, dapat lang silang tumigil dahil sila mismo ang babanatan ko kapag hindi
sila tumigil. Lumapit ako kay Travis at tsaka ko siya hinila papaalis sa lugar na
'yon.

"Alam mo, napakainitin ng ulo mong 'yan! Hindi ba pwedeng kausapin mo siya ng
matino?! Hindi 'yong magsasapakan pa kayo!" Inis kong sabi sa kanya.

"Tang ina nang gagong iyon eh! Ang angas-angas, akala mo kung sinong magaling!"
Inis na sagot sa akin ni Travis habang pinupunasan iyong dugo sa gilid ng labi
niya.

"Sino ba naman kasing may sabing lumapit ka sa pwesto namin?! Hindi ba't may
kalampungan ka ng babae roon?!" Inis ko ring sabi sa kanya.

"Pakielam mo ba kung lumapit ako sa'yo! Masama ba?! May nagsasabi bang bawal
lumapit sa'yo?!" Galit niyang sigaw sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa
pagsigaw niyang iyon. Aba, ako na nga 'tong nagligtas sa kanya siya pa 'tong galit?
Ang kapal lang talaga ng mukha ng Montemayor na 'to!

"At bakit mo ako gustong lapitan?!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Lumapit sa'yo 'yong gagong 'yon eh! Ayokong may ibang nalapit sa'yong lalaki kung
hindi ako lang dapat! Tatandaan mo 'yan, Jeorge!"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Thirteen

THIRTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Aray ko naman!" Inis na reklamo niya sa akin ng bigla kong diinan ang bulak na
mayroong alcohol sa sugat niya. Napadpad kaming dalawa sa may garden dahil ayaw
niyang pumunta ng clinic para ipagamot ang mga sugat niya sa mukha. Naawa naman ako
kaya ginamot ko siya, buti na lang lagi akong may balak bulak at alcohol.

"Aaray-aray ka diyan! Sino bang tanga ang nakipagsuntukan? Tonta ka talaga eh 'no?"
Sabi ko sa kanya at tsaka ko muling diniinan ang bulak sa gilid ng labi niya.
Napahiyaw naman siya sa sakit.

"Isa pa! Makikita mo, hahalikan na kita." Sabi niya at akmang hahalikan ako.
Binatukan ko naman siya ng malakas.

"Sino'ng tinakot mo? Ako? Aba, Travis. Dapat ang iniisip mo ngayon, 'yang mukha
mong puro pasa! Paano ka magpapaliwanag kay Tito Trav? Sasabihin mo na naman na
nakipagsuntukan ka sa kung sino? Di binugbog ka na naman ng Daddy mo?! Alam mo
minsan, iisipin kong bata ka lang na nakulong diyan sa katawan mong 'yan sa sobrang
immature mo. Umayos ka nga, binata ka na at hindi ka bata. Pwede ka ng makabuntis
ng kung sinong babae diyan sa kanto!" Inis ko pa rin na sabi sa kanya habang
ginagamot ang mukha niya. Sumimangot naman siya sa sinabi kong iyon.

"Kaya ko ng makabuntis? Di subukan natin para makasigurado." Sabi niya sa akin


sabay ngisi. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na matitigan ng malapitan ang mukha
niya.

Bakit ganoon? Kahit puro gasgas at pasa na ang mukha niya, ang gwapo pa rin niya.

"Gago!" Sagot ko naman sa kanya. Humalakhak lamang siya sa sinagot kong iyon.

"Tang ina, ang ganda mo talaga. Kaya kita gustong inaasar eh." Nakangisi niyang
sabi sa akin habang nakatingin sa may labi ko.

"Kailangang may mura bago ako puruhin?" Mataray kong sabi sa kanya. Kumuha ako ng
band aid sa pouch ko kung saan naroroon lahat ng medical aids ko.

"Dami mo namang arte." Sabi niya sa akin.

"Ganoon talaga, dapat maarte ka. Alangan namang bigay agad? Siyempre dapat pakipot
muna bago mo ibigay." Sagot ko sa kanya habang nilalagyan siya ng band aid sa
mukha.

"Teka, Travis. Umayos ka h'wag kang ngumiti! Nilalagyan kita ng band aid!" Inis
kong sabi sa kanya ng bigla siyang ngumiti.

"Sorry baby." Medyo nakangisi niyang sabi. Hindi ko na lang pinansin ang tinawag
niya sa aking baby. Ganoon naman talaga 'yan, lahat na lang tinawag na baby.
Kalalaking tao, ang dami-daming baby.

"Bakit ba baby lahat ang tawag mo sa mga babaeng trip mo?" Iritable kong sabi sa
kanya pagkalagay ko ng band aid sa gilid ng mukha. Lalagyan ko rin ang gilid ng
labi niya at sa may bandang sentido niya.

"Ano gusto mong itawag ko? Adult? Ang pangit naman kung tawag ko sa'yo adult. Tsaka
ikaw lang kaya ang babaeng binigyan ko ng endearment. Pasalamat ka nga baby tawag
ko sa'yo, hindi chuchu." Saad naman niya. Pinisil ko naman bigla iyong ilong niya.

"Palagay mo sa akin? Aso? Gago ka talaga, Montemayor." Mataray kong sabi sa kanya.
Humalakhak lamang siya sa sinabi kong iyon.

"God, I really enjoyed talking to like this. You always make me happy, Jeorge."
Nakangiti niyang sabi sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Naramdam
ko bigla ang pagbilis ng bwisit kong puso. Jusko! H'wag mong sabihin Jeorge na
nagpapaapekto ka sa mga pinagsasabi ng malanding nasa harapan mo?

"Ang dami mong alam!" Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

"Siyempre! Squat position, sultry saddle, bed position, sixty—" Bigla kong
pinasakan ng bulak ang bibig niya. Wala talaga akong matinong mapapala sa bibig ng
Travis na 'to. Inayos ko na ang mga gamit ko at agad na tumayo. Baka kanina pa
naroroon si Mang Bert at hinihintay ako.

"Iwan na kita diyan." Sabi ko sa kanya at tsaka nagsimulang maglakad papaalis sa


kinaroroonan niya.

"Oy teka, iiwan mo agad ako?" Bigla niya akong hinabol at dahil sa matangkad siyang
tao at mahahaba ang kanyang mga binti, naabutan niya ako.

"Oo, bakit?" Mataray kong sagot sa kanya.

"Iiwan mo ako? Nag-eenjoy na nga ako kasama ka tapos iiwan mo naman ako. Ako na
lang ba ang mag-aadjust lagi sa relasyon nating 'to? Palagi na lang ba ako ang
masasaktan sa ating dalawa? Ako na lang ba lagi, Jeorge? Sawang-sawa na ako sa
relasyon nating 'to Jeorge, ako na lang lagi ang nasasaktan at lagi na lang ako ang
nagpaparaya. Ayoko na, Jeorge. I'm breaking up with you." Madrama niyang sabi.
Walang sabi-sabi ko naman siyang sinapak.

"Aray ko naman! Nag-jojoke lang naman ako, pero kung gusto mo totohanin natin? Kaso
siyempre dapat mahal natin ang isa't-isa. Ang galing ko talaga mag-isip 'no?"
Nakangisi niyang sabi.

"Whatever, Travis." Sabi ko sa kanya at tsaka ako umirap sa hangin at muling


nagpatuloy sa paglalakad.

"H—Hoy!" Sabi niya at pilit akong sinasabayan maglakad. Nakasukbit na sa may


likuran niya iyong bag niya.
"Mag date muna tayo, h'wag ka na munang umuwi. Ipagpapaalam kita kay Mang Bert.
Sige na." Sabi niya sa akin habang naglalakad ako.

"Tigilan mo ako, Travis. Alam ko 'yang hilatsa ng bituka mo. Kung wala kang
pagtitripan, h'wag ako." Sabi ko sa kanya. Sinasabayan pa rin niya ako sa
paglalakad.

"Sige na kasi, Jeorge. Buti nga hindi na kita inaasar, date lang naman 'yon. Sa
McDonalds o kaya Jollibee, wala pa kasi akong allowance. Hindi pa ako binibigyan ni
Daddy dahil pinaiyak ko si Shaun kahapon. Kapag may badget na ako sa mamahaling
restaurant na kita dadalhin." Dirediretso niyang sabi.

"Mag ipon ka muna, mag-aaya ka ng date wala ka naman palang badget." Mataray kong
sabi sa kanya.

"Sige na, gusto lang kitang makasama ngayon. Hindi mo ba ako pagbibigyan?" Seryoso
at halos nagmamakaawa na niyang sabi. Napatigil naman ako bigla sa sinabi niyang
iyon. Tipikal na galawan ni Travis, halatang pinagtitripan lang ako nito.

"Ayoko." At tsaka ko siya muling tinalikuran. Mukha niya!

PINAPANOOD kong mag-basketball ang dalawa kong kapatid sa may half court na
ipinagawa ni Daddy sa may malapit sa pool. Mas matanda sa akin ng dalawang taon si
Kuya Jake at college na siya next year. Si Eugine naman ay mas bata sa akin ng
dalawang taon pero mas matangkad pa siya sa akin na siyang kinaiinis ko. Mga wala
silang baro at gustong-gusto nilang maglaro ng basketball. Ibinaba ko naman iyong
librong binabasa ko at lumapit sa kanila.

"Sali ako." Sabi ko sa kanila. Kunot noong tinignan naman nila ako.

"Ikaw? Sasali ka sa amin? Sa arte mong 'yan?" Masungit na sabi sa akin ni Eugine.
Sinimangutan ko lang siya.

"Sige, sali ka. Mukhang may alam ka naman sa pagbabasketball at lagi mo kaming
pinapanood." Sabi ni Kuya sa akin. Ngumiti naman ako ng pagkaluwag-luwag sa kanila.
Ipinasa sa akin ni Kuya ang bola at tsaka ko iyon diniribol. Tuwang-tuwa akong
nakipaglaro sa kanila hanggang sa pati rin ako ay pawisan na rin. Hindi man lang
ako makashoot dahil lagi nilang inaagaw sa akin ang bola. Ang tatangkad naman kasi
nila.

"Bano mo maglaro, Ate." Sabi sa akin ni Uge. Inirapan ko lamang siya. Kapag talaga
ako natutong mag-basketball, paiiyakin ko silang dalawa!

Nagpahinga kami saglit sa may tabi ng pool. Alas-singko na ng hapon at makulimlim


na ang kalangitan. Nagpunas ako saglit ng pawis ko at tsaka kami pumasok sa loob.
Dumiretso naman silang dalawa sa itaas habang ako ay sala kung saan naroroon si
Mommy't Daddy na parehong nanonood ng isang teleserye. Tumabi ako kay Daddy at
katulad ni Mommy ay niyakap niya rin ako.
"Amoy pawis ka na." Sabi sa akin ni Daddy.

"Daddy naman! Nakikiamoy ka na nga lang, nagrereklamo ka pa. Pagtyagaan mo na."


Sagot ko sa kanya. Narinig ko lang ang pagtawa nilang dalawa. Magsasalita pa sana
ako ng biglang may napakapamilyar na boses ang nagsalita sa may likuran namin.

"Soon to good evening, Tita and Tito!" Agad akong napalingon sa lalaking nagsalita.
Tila ba uminit bigla ang ulo ko ng makita ko ang impakto niyang mukha.

"What are you doing here?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Tita oh! Si Jeorge, crush ako." Sabi ni Travis kay Mommy. Tinignan naman ako ni
Mommy at tila ba sinasabing magbehave ako.

"Oh hijo, bakit ka naparito? Ang Daddy mo? Kamusta na?" Ani ni Daddy kay Travis na
umupo sa may harapan ko.

"Ayos lang po, Tito. Si Daddy? Ayun laging high blood kay Shaun, ang kulit eh."
Natatawang sagot ni Travis kay Daddy. Mahina namang tumawa si Mommy sa naging sagot
ni Travis. Asshole!

"Ikaw talagang bata ka, oo. Wala ka pa rin pinagbago, Travis." Sabi ni Mommy.

"Mas lalo po ba akong gumuwapo, Tita?" Nakangiting tanong ni Travis kay mommy. Ang
kapal lang talaga ng mokong na 'to! Nakita ko namang napatingin siya sa gawi ko at
bigla akong kinindatan. Inirapan ko naman siya.

"G'wapo ka naman talaga, mas gwapo ka pa roon sa Daddy mo." Sabi naman ni Daddy
sabay halakhak.

"Talaga po, Tito?" Nakangiting sabi ni Travis. If I know, nag-papahumble lang siya
sa Daddy ko. Baka nga sa loob-loob niyan, nagsisigaw na 'yan sa sobrang kayabangan.

"Nag-aaral ka naman bang mabuti? Si Jeorge, kamusta naman bilang kaklase?" Sabi ni
Mommy.

"Oo naman po Tita! Nag-aaral akong mabuti para sa magiging future ng pamilya ko. Si
Jeorge po? Mabait po iyan hindi nangangagat sa room. Minsan lang." Sagot ni Travis
kay Mommy. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Di ano'ng sadya mo rito, hijo?" Sabi ni Daddy. Tinignan ko naman si Travis at
hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.
"Actually po Tito, Tita. Kaya po ako naririto ay dahil gusto ko pong ipaalam sa
inyo na inaya po ako ni Jeorge na maging partner niya sa prom night." Nakangisi
niyang sabi.

"What?!"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Fourteen

FOURTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Hija, andyan na ang sundo mo." Sabi sa akin ni Mommy na nakasilip ng bahagya sa
pinto ng kwarto ko. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Prom night namin ngayon
at ang walang hiyang si Travis ang kapartner ko. Nautakan na naman ako ng hinayupak
na 'yon kaya siya ang naging partner ko. Agad kasing pumayag si Mommy't Daddy noong
sinabi ni Travis na inaya ko siyang maging kapartner ko. Kapal ng mukha!

"Susunod na po ako." Sagot ko. Tumayo na ako at hinawakan ko ang light green tube
gown ko. Pinagawa talaga iyon ni Mommy para sa akin at binagay niya ang kulay ng
gown ko sa kaputian ko. Para raw mas lalong lumabas ang pagiging maganda ko.

"Anak, ang ganda mo ngayon." Nakangiting sabi ng Daddy pagkababa ko. Sinimangutan
ko naman siya.

"Ngayon lang, Dad?" Nakanguso kong tanong. Humalakhak naman siya at tsaka ako
hinalikan sa pisngi. Hinatid nila ako palabas ng bahay namin kung saan naroroon na
ang isang puting van na malamang ay kina Travis.

"Anak, make sure na ihahatid ka ni Travis dito ah?" Paalala sa akin ni Mommy. Iyon
kasi ang napagkasunduan nila at hindi man lang nila ako pinagsalita. Ang mga
magulang ko tuloy ay naniwala kay Travis na ako ang nag-aya sa kanya. Gosh,
gustong-gusto ko siyang sakalin pero hindi ko magawa dahil nasa harapan kami ng mga
magulang ko.

Humalik muna ako kay Mommy bago sumakay sa sasakyan nila Travis. Nadatnan ko naman
siya roong nakasandal sa upuan habang tulog na tulog. Nakanganga pa siya at
mahinang humihilik.
"Pagpasensyahan n'yo na 'yan, Ma'am. Madaling araw na ho kasi 'yang nakatulog.
Nakagalitan pa ho iyan ni Sir Trav kagabi at pulos pagbubulakbol ang ginagawa."
Sabi sa akin ni Kuya Erik, ang driver nina Travis. Tumingin naman ako kay Travis na
sarap na sarap pa rin sa pagtulog.

Nakasuot siya ng kulay puting 3-piece suit na bagay na bagay sa kanya. Sakto lang
ang sukat noon sa kanya at para talagang ipinagawa iyon sa kanya. May suot rin
siyang kulay puting sapatos at aaminin ko, ang gwapo niya ngayong gabi lalo na't
nakaayos pa ang kanyang buhok. Usually kasi, hindi siya nagaayos ng buhok at
natural lang iyong magulo na bagay naman sa kanya.

Bigla siyang naalimpungatan ng umandar ng muli ang sasakyan. Agad siyang napatingin
sa gawi ko at nakita kong napaawang ang mga labi niya habang nakatitig sa akin.

"What?" Masungit kong sabi sa kanya.

"Ang ganda mo ngayon." Mahina niyang sabi pero hindi pa rin iyon nakaligtas sa mga
tenga ko. Inirapan ko lamang siya.

"Itulog mo na lang 'yan, Montemayor. Kulang ka lang sa tulog." Sabi ko sa kanya.


Nagulat ako ng bigla siyang tumabi sa akin.

"Ang ganda mo nga." Sabi pa niya ulit.

"I know." Sagot ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin at naiilang na ako sa mga
titig niyang iyon.

"Ano ba!" Sabi ko sa kanya sabay tampal sa pisngi niya para mawala ang tingin niya
sa akin. Nakakailang kaya!

"Tinatayuan ako sa'yo, Jeorge." Nakangisi niyang sabi sa akin. Walang sabi-sabi ko
naman siyang kinurot sa tagiliran at napahiyaw naman siya sa sobrang sakit.

"Umayos ka nga! H'wag mong sirain ang prom night ko!" Inis kong sabi sa kanya.

"Joke lang, di ka na mabiro. Pero seryoso, ang ganda mo ngayon." Sabi niya sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya at bigla kong napansin ang sugat sa gilid ng labi
niya. Wala sa sariling hinawakan ko iyon.

"Ano'ng nangyari rito?" Tanong ko sa kanya. Hinawi naman niya ang kamay ko at tsaka
nag-iwas ng tingin.

"Huwag mong pansinin 'yan, wala lang 'yan." Sagot niya sa akin. Piningkitan ko siya
ng mga mata ko.
"May problema ka ba? Narinig kong pinagalitan ka raw ni Tito Trav kagabi?" Sabi ko.

"Wala 'yon, napagalitan lang niya ako kasi hindi ako kumain. Ayaw ni Daddy na hindi
ako kumakain." Ani niya pero duda ko na iyon ang rason. Alam kong matigas ang ulo
ni Travis at lagi siyang nakakagalitan ni Tito Trav.

"Iyon lang ba? Baka mamaya niyan may ginawa ka na namang kabalastugan!" Nagdududa
kong sabi sa kanya. Sumimangot naman siya sa sinabi ko.

"Tingin mo na lang ba sa akin barumbado?" Nakasimangot niyang tanong sa akin.

"At bakit? Hindi ba totoo?" Mataray kong sagot sa kanya.

"Halikan kita diyan eh." Banta niya.

"Di halikan mo, puro ka naman salita kulang ka sa gawa." Hamon ko sa kanya. Nagulat
naman ako ng bigla siyang umakbay sa akin. Nakadama ako ng kakaibang pakiramdam sa
pag-akbay niyang iyon. Tube style kasi ang suot kong gown kaya ramdam na ramdam ko
ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Alam mo ba na kapag prom sa ibang bansa, sex ang ibing sabihin n'on? That is the
time na nadedevirginize ang mga babae." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"So ano'ng gusto mong palabasin?" Tanong ko.

"Tinatanong mo ako kung ano ang gusto kong palabasin?" Nakangisi niyang sabi. Mas
lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Oo, ano ba?" Tanong ko ulit.

"Gusto mo bulong ko sa'yo?" Sabi niya at dahil gusto kong malaman kung ano ang
gusto niyang palabasin ay tumango ako. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang
mainit niyang hininga sa may tenga ko.

"Ang gusto kong palabasin ay..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil
bigla siyang tumawa. Napasimangot naman ako sa pagtawa niyang iyon. Ayaw niya
kasing tumigil sa pagtawa at kulang na lang ay maglupasay siya sa kakatawa.

"Ang inosente mo talaga, Jeorge. Kaya ako nawiwiling asarin ka eh." Natatawa niyang
sabi sa akin. Bahala siya sa buhay niya.

"Bwisit ka 'no?" Iritable kong sabi sa kanya.

"Tao kaya ako." Sagot naman niya.


"Whatever, Travis." Sagot ko sa kanya. Umakbay siya ulit sa akin at hindi ko na
pinansin pa 'yon. Sanay na naman ako sa unggoy na katabi ko ngayon. Kung papatulan
ko pa kasi siya, baka mas lalo lamang humaba ng humaba ang pagtatalo namin. Ayoko
pa namang masira ang prom night ko ngayong gabi.

"Basta Jeorge ah, sa akin ka lang dapat lalapit, makikipag-sayaw at makikipag-usap.


Dapat kasama mo ako kahit saan ka magpunta. Ayokong makikita kang may kasamang
ibang lalaki, dapat ako lang. Sa akin ka lang ngayong gabi, naiintindihan mo ba
'yon?" Paulit-ulit niyang sabi sa akin.

"Paano kung naccr ako?" Tanong ko sa kanya.

"Di sasama ako, kung pwede nga lang ako pa maghubad ng panty mo." Dirediretso
niyang sabi. Tinampal ko naman iyong bibig niya. Kahit kailan talaga.

"Gago!" Sabi ko sa kanya. Humalakhak lamang siya.

"Pero seryoso, akin ka lang ngayon gabi. Walang ibang lalaki, walang ibang babae.
Tayo lang dalawa." Seryoso at makahulugan niyang sabi. Nagkibit lamang ako ng
balikat. Bahala siya sa buhay niya.

NAKARATING kami sa venue ng prom namin at marami ng estudyante roon. Lahat ay halos
mga nakaayos at nagpapabonggahan ng mga gown. Bigla kong naramdaman ang pagpulupot
ng mga braso ni Travis sa bewang ko pagkapasok na pagkapasok namin sa loob.
Hinayaan ko lang 'yon dahil ngayong gabi lang naman ito. Napapansin ko rin ang mga
pares ng mga mata na tumitingin sa aming dalawa. Nakangiti lang si Travis sa mga
bumabati sa kanya at ganoon din ako. Nakita kong magkakasama sina Shaun, Din, at
Xander.

"Andoon sila." Sabi ko kay Travis. Tumango lamang siya at bumitiw sa pagkakahawak
sa bewang ko. Nang makita ko si Din ay lumapit ako sa kanya. Napakunot ang noo ko
ng makita kong hawak hawak ni Allen ang kamay ni Din.

"Kayo na?" Tanong ko sa kanila. Nag-iwas naman ng tingin si Din at si Allen ay


walang kibo sa sinabi ko.

"Sino kapartner mo, Jeorge?" Tanong ni Xander sa akin. Itinuro ko naman si Travis
na tahimik lamang sa gilid ko.

"Baka kayo magkatuluyan niyan." Pang-aasar ni Xander. Inirapan ko lang siya. Umupo
kami sa lamesa na pinareserve namin. Alas nuwebe na ng gabi at halos lahat ng
estudyante ay nagkakasiyahan. Napagpasyahan muna naming kumain bago makihalubilo sa
mga tao sa paligid.

"Tahimik mo ata?" Tanong ko kay Travis na nasa gilid ko. Pareho kaming kumukuha ng
pagkain.
"H'wag mo akong pansinin." Sagot lang niya sa akin.

"Dito ka nga sa tabi ko, hindi ako sanay na ganyan ka katahimik. Ano bang iniisip
mo? Sabihin mo, hindi naman kita pagtatawanan." Sabi ko sa kanya. Kinuha ko iyong
plato ko at iniabot sa kanya. Hindi naman kasi siya kumukuha ng pagkain at
sinusundan niya lang ako.

"Akin na 'yan, ako na maglalagay ng pagkain ko." Ani niya.

"H'wag kang makulit, Montemayor. Ako na kukuha ng pagkain ko, sa iyo na 'yan.
Mamaya, mag-uusap tayo. Okay?" Sabi ko sa kanya. Hindi naman siya nakaimik sa
sinabi ko at nakatitig lang siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at agad na kumuha
ng pagkain. Nang matapos ako ay bumalik na kami sa pwesto namin at nagsimulang
kumain.

Tahimik pa rin si Travis at pinaglalaruan lang niya ang pagkaing nasa plato niya.
Hindi ko naman mabasa kung ano ang nasa isip niya. May problema kaya sila ni Tito
Trav? Hanggang sa natapos kami kumain ay tahimik pa rin siya.

"Jeorge, hindi ka sasayaw?" Tanong ni Din sa akin. Umiling ako bilang sagot.

"Kayo na lang muna." Sagot ko sa kanila. Lumingon naman ako sa pwesto ni Travis at
tahimik pa rin siya at hindi na ako nakatiis at bigla akong tumayo at hinatak siya
papaalis sa lugar na 'yon. Nakarating kami sa may bandang likod kung saan walang
tao.

"Ano bang problema mo? Bakit hindi mo magawang sabihin sa akin?" Sabi ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sa akin at hindi siya nagsasalita. Ganoon din ang ginawa ko,
tinignan ko lang siya at pilit na iniintindi kung ano ba ang nangyayari sa kanya.

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid namin ngunit agad din iyong
nabasag ng magsalita siya.

"Pwede ba kitang yakapin, Jeorge? Kahit saglit lang?" Seryoso niyang sabi at tsaka
siya dahan-dahang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Fifteen
FIFTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Jeorge, nakabuntis ako." Bulong sa akin ni Travis habang yakap-yakap niya ako ng
mahigpit. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon at agad siyang
itinulak ng pagkalakas-lakas.

"Hoy! Anong nakabuntis ka?! Gago ka ba?! Bakit ka nakabuntis?! Ilang taon ka lang,
tapos nakabuntis ka na?! Sinong tangang babae ang nagpabuntis sa'yo?! Paano mo
bubuhayin 'yong magiging anak mo?! Travis naman, alam ko namang matagal ka ng tanga
pero sana naman gumagamit ka ng condom! Paano na lang ang kinabukasan mo?!" Galit
na galit kong sigaw sa kanya. Hiningal pa ako pagkasabi ko noon. Tinignan ko naman
siya at ang unggoy, ningitian lang ako ng nakakaloko.

"Ano'ng ningingiti-ngiti mo diyan?! Nakabuntis ka na nga lahat-lahat, may gana ka


pang ngumiti?!" Galit ko pa rin na sigaw sa kanya.

"Ang O.A mo naman masyado, Jeorge. Nag-jojoke lang naman ako." Nakangisi pa rin
niyang sabi. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko at walang sabi-
sabi siyang sinapak.

"Tang ina." Narinig kong mura niya ng bumagsak siya sa damuhan.

"Gago ka! H'wag na h'wag mo akong maloko-loko, Travis!" Inis na inis kong sabi sa
kanya. Agad naman siyang tumayo at tinignan ko siya ng matalim.

"Alam mo namang babae lang ako at nabibigla! Tapos sasabihin mo na lang sa akin na
nakabuntis ka?! Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Sabi ko habang pinaghahampas ang
dibdib niya. Hinayaan niya lang ako pero agad din niyang hinuli ang mga kamay ko.
Natigilan ako sa paghawak niyang iyon at tila ba bigla akong nakaramdam ng kuryente
na dumaloy sa buo kong sistema.

"Why are you crying?" Saad niya at may biglang hinawi sa pisngi ko. Agad akong
napaiwas ng tingin at tinabig ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. Tinalikuran
ko siya dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"H—Hindi ako umiiyak!" Mariin kong giit sa kanya.

"Hindi nga ba talaga?" Sabi niya sa may likuran ko.

"Oo!" Mariin ko pa rin na sagot.

"Humarap ka nga sa akin kung hindi ka umiiyak." Sabi niya. Marahas ko namang hinawi
ang tubig sa may pisngi ko at humarap sa kanya. Natigilan ako dahil nakangiti siya
sa akin na para bang natutuwa sa pag-iyak kong iyon.

"You cried, Jeorge." Sabi niya sa akin habang ang mga kamay niya ay nakahalukipkip
sa bulsa niya.

"I did not!" Sagot ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at hindi ako nakagalaw sa
kinatatayuan ko. Tila ba napako ang mga mata ko sa kanya at hindi ko magawang
maialis ang tingin ko sa mga mata niya. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa at
ramdam ko ang paghuhurementado ng puso ko.

"I always wanted to do this to you, Jeorge." Paos niyang sabi at walang sabi sabing
hinalikan ako. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon at dilat ang mga mata ko habang
patuloy niya akong hinahalikan. Ang mga kamay niya ay marahang humawak sa magkabila
kong pisngi. Hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa tumigil siya sa paghalik sa
akin pero hindi pa rin niya inilalayo ang mga labi niya sa labi ko.

"Kiss me back, Jeorge." Bulong niya sa mga labi ko na hindi naman nagkakalayo. Muli
niyang inangkin ang mga labi ko at sa pagkakataong ito, ginantihan ko ang bawat
halik niya. Ito ang unang beses na mahalikan ako ng isang lalaki at hindi ko alam
ang gagawin ko. Ginagaya ko lang kung ano ba ang ginagawa niya sa mga labi ko.
Hindi ko alam pero parang kusang gumalaw ang mga braso ko at iniyakap ko iyon sa
leeg niya. Nagugustuhan ko ang ginagawa niyang paghalik sa akin at para bang may
nagsasalita sa loob ko na h'wag siyang patigilin sa ginagawang pag-angkin sa mga
labi ko. Naramdaman kong bumaba ang mga kamay niya sa bewang ko at unti-unti akong
hinapit papalapit sa katawan niya.

Iniyakap niya ang mga braso niya sa bewang ko at idiniin ang katawan niya sa akin.
Mas lalo lamang akong yumakap sa kanya at dinama ang lambot ng kanyang mga labi.
Bigla niyang kinagat ang ibaba kong labi kaya napaawang ang mga labi ko. Nagkaroon
siya ng pagkakataon na mas lalo pang palalimin ang paghahalikan naming dalawa.
Naramdaman ko ang mga dila niya sa loob ng bibig ko at mas lalo ko lamang
naramdaman ang pag-iinit ng katawan ko at pati na rin ng sa kanya, para ba akong
nilalasing ng mga halik niya. Mas lalo namang nakapagpainit sa akin ang mga kamay
niyang patuloy na humahagod sa may likuran ko.

Nahihirapan na akong huminga ngunit ayoko siyang tumigil at ayoko rin tumigil sa
ginagawa namin. Gusto ko ito at patuloy ko itong nagugustuhan. Gusto kong mag-
protesta ng bigla siyang tumigil sa paghalik sa akin. Sinalubong ko ang mga tingin
niya at nakita kong unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Napayuko ako ng
mapagtanto ang ginawa naming dalawa. Akmang lalayo na ako sa kanya ng mas hapitin
pa niya ang katawan ko papalapit sa kanya.

"Don't protest, Jeorge. Akin ka na ngayon." Mahina niyang sabi sa akin. Iniangat ko
ang mukha ko upang matignan siya.

"I like the way you answered my kiss, Jeorge. I like the way how you respond to my
kisses." Mahina pa rin niyang sabi habang ang mga mata niya ay nakatitig sa mga
labi ko. Naramdaman kong napaawang ang mga labi ko sa sinabi niyang iyon.

"T—Travis." Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Nahihiya ako dahil
sa sinagot ko ang mga halik niya. Natatakot ako sa susunod na mangyayari.

"Dammit, Jeorge." Rinig kong bulong niya at hindi na ako nagulat pa ng muli niyang
angkinin ang mga labi ko.

Katulad kanina, walang pag-aalinlangan kong sinagot ang mga halik niya. Para bang
isang bisyo ang halik niya at hindi ko matigilan. Para akong naaadik sa halik niya,
he's good. He's really good at this.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil din kaming dalawa. Hiyang-hiya pa rin ako sa
kanya at hindi ko alam ang sasabihin ko.

"I ruined your lipstick." Basag niya sa katahimikang bumabalot sa pagitan naming
dalawa.

"Y—Yeah." Nahihiya kong sagot.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at tsaka tumayo. Wala akong ibang
nagawa kung hindi ang tignan siya. Pero kahit iyon, hindi ko magawang matagalan.

"Let's fix it." Sabi niya at tsaka niya ako hinatak papunta sa kung saan. Dinala
niya ako sa isang C.R na walang tao, pumasok kami sa girls room at inilock niya
iyon. Kumuha siya ng maraming tissue at tsaka humarap sa akin. Binasa niya iyon sa
sink at tsaka muling lumapit sa akin. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya at gusto
kong mairita roon.

"Why are you smilling?" Iritable kong tanong. Gusto kong magpasalamat sa sarili ko
dahil hindi ako nautal sa pagsasalita.

"Nothing, naiisip ko lang na ako ang dahilan kung bakit nagulo ang lipstick mo."
Nakangisi niyang sabi sa akin. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa mukha
ko at pakiramdam ko ay pulang-pula na iyon.

"I made you blush, Jeorge. Remember it, ako lang dapat ang nakakagawa noon sa'yo.
Maliwanag?" Mariin niyang sabi na para bang inaangkin na niya ako.

"We just make out, Travis. You don't own me." Mariin ko rin na sagot sa kanya.
Nakita kong namang nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi kong iyon.

"Someday, you will beg me to own you, Jeorge." Sagot niya sa akin. Nagawa kong
ngumisi sa sinabi niyang iyon.

"Try me, Montemayor." Nakangisi kong sabi sa kanya. Hindi na siya sumagot at
patuloy lang niyang dinadampi ang tissue sa labi ko.
"I like your lips naturally." Saad niya ng matapos siya. Inirapan ko lang siya sa
sinabi niyang iyon. Agad kaming lumabas doon at bumalik sa loob.

Nadatnan naman namin silang mga nakaupo roon at umiinom ng juice. Maingay pa rin sa
loob at marami pa rin ang tao.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Din sa amin. Nag-iwas naman ako ng tingin at agad na
kinuha ang purse ko para mag retouch.

"D'yan lang." Kaswal na sagot ni Travis. Nakita ko namang naningkit ang mga mata ni
Din sa aming dalawa. Hindi ko na lang iyon pinansin at agad na naglagay ng
lipstick. Ayokong makahalata sila.

"Hindi ba't sabi ko gusto ko ang mga labi mo ng walang lipstick?" Biglang bulong sa
akin ni Travis. Naramdaman ko naman ang pagwawala ng sistema ko sa sinabi niyang
iyon.

"Manahimik ka diyan, ayokong makahalata sila." Bulong ko rin pabalik sa kanya.

"Sige, ulitin na lang natin mamaya. Ha?" Bulong niya. Pasimple ko namang kinurot
ang tagiliran niya at mahina kong narinig ang pag-aray niya. Buti na lang at medyo
dark ang ilaw at para kaming nasa disco.

"In your face, Montemayor." Sagot ko sa kanya. Naramdaman kong bilga niyang
hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Pilit ko naman iyong binabawi pero
sadyang malakas ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Let go of my hands, Travis." Mariin kong bulong sa kanya pero siya, ngumisi lang
ng nakakaloko.

"I won't let go of you, Jeorge. Have you forgot what I have said a while ago?" Ani
niya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

"What?" Tanong ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanya.

"Akin ka lang, Jeorge."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================
Chapter Sixteen

SIXTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Ate, may bisita ka." Bigla akong napalingon sa may pinto ng kwarto ko ng marinig
ko ang boses ng kapatid ko.

"Sino na naman? Si Heena ba?" Tanong ko. Wala naman kasi kaming usapan ngayon ni
Heena o Din na pupunta sila rito sa bahay.

"Hindi, tignan mo na lang sa baba." Sabi ni Eugine at tsaka isinara ang pinto ng
kwarto ko. Ibinaba ko naman ang librong binabasa ko at tsaka tumayo. Itinali ko
lang saglit ang buhok ko at tsaka bumaba.

Agad na napakunot ang noo ko ng makilala ko kung sino ang taong naghahanap sa akin.
Bakit na naman ba siya naririto sa pamamahay ko?

"Ano na namang ginagawa mo rito, Travis?" Mataray kong tanong sa kanya pero kesa
sagutin niya ako ay ningitian niya lamang ako na parang tanga.

"Wala lang, dinadalaw ka. Masama?" Nakangisi niyang sabi. Tuluyan na akong nakababa
ng hagdan at dumiretso sa pwesto niya. Prente siyang nakaupo sa sofa namin habang
ang mga paa niya ay nakapatong sa maliit na lamesa. Mayroon pang orange juice at
isang slice ng chocolate cake sa harap niya.

"At bakit?" Iritable ko ng tanong.

"Gusto kita makita, namimiss na kita eh." Sabi pa niya. Napairap naman ako sa
hangin sa sinagot niya sa akin.

"Bakit ba ayaw mo akong tigilan?" Kunot noong tanong ko.

"I told you, Jeorge. Akin ka lang. Baka mamaya niyan pinagtataksilan mo na ako.
Siyempre dapat minomonitor ko pa rin ang ginagawa mo, mamaya niyang nanlalandi ka
na ng iba." Ani niya. Napaawang naman ang mga labi ko sa sinabi niya.

"Hoy! Ang kapal mo rin naman pala? Ako pa itong may ganang manloko sa ating
dalawa?!" Hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya. Nakita ko naman ang pagngiti niya.

"Di payag ka na pala?" Nakangiti niyang sabi. Inismiran ko naman siya agad.

"Ayoko nga! Tapatin mo nga ako, Montemayor. Bakit ba ayaw mo akong tantanan?!"
Naiinis ko ng sabi sa kanya.
"Gusto kita." Diretsa niyang sagot sa akin. Naramdaman ko naman ang paghurementado
ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niyang iyon.

"G—Gusto mo ako?" Hindi ko mapaniwalang sabi sa kanya. Tumayo naman siya at lumapit
sa pwesto ko.

"Oo, gusto kita." Diretso at walang pag-aalinlangan niyang sabi.

"Gusto mo ako? Di thank you." Sagot ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagsalubong ng
kilay niya.

"Anong thank you? Dapat ang itanong mo, bakit!" Sabi pa niya. Wow, scripted lang?

"Di bakit?" Sabi ko sa kanya.

"Ewan ko." Kaswal niyang sagot sa akin.

"Anong ewan ko?" Naiinis kong tanong sa kanya. Ang gulo kausap ng isang 'to!
Kainis.

"Basta gusto kita, bakit ba ang dami mong tanong? Hahalikan kita diyan." Nakangisi
niyang sabi at mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Hindi naman mawala ang ngiti sa
labi niya habang nakatitig sa akin.

"U—Umuwi ka na nga!" Nauutal kong sabi. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang
bewang ko at muli kong naramdaman ang pagdaloy ng kuryente sa sistema ko dahil sa
paghawak niyang iyon.

"Damn, why you look so perfect in my eyes. Jeorge? Tell me." Paos niyang sabi
habang nakatingin sa mga mata ko pababa sa labi ko. Kinabahan naman ako bigla dahil
baka madatnan kami ng mga magulang ko sa ganoong akto. Strict pa naman ang parents
ko, lalo na't maganda ang anak nila.

"A—Ano bang sinasabi mo?" Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sobrang lapit na ng
mukha niya sa akin.

"Ano nga ba?" Sabi niya habang nakatingin sa mga labi ko. Nakita kong unti-unting
bumababa ang mukha niya sa mukha ko at wala akong nagawa kung hindi ang ipikit ang
mga mata ko. Naghintay ako ng ilang segundo na maglapat ang mga labi namin pero
walang nangyari. Muli akong dumilat at nakita ko ang mukha niya na nagpipigil ng
tawa.

"Bwisit ka!" Sabi ko sa kanya at agad siyang itinulak. Padabog ko siyang


tinalikuran at tsaka nagmartsa papaakyat sa kwarto ko. Bwisit siya! Napakapaasa!
"Jeorge!" Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na pinansin iyon at agad
akong pumasok sa kwarto ko.

"Bakit mo naman ako iniwan doon? Kaya nga kita pinuntahan para makita ka tapos
hindi mo naman ako papansinin. Alam mo bang nakakasakit ka na sa puso?" Madrama pa
niyang sabi pagkapasok niya sa kwarto ko.

"Lumabas ka rito, Travis." Maawtoridad kong sabi.

"Ayoko."

"Lumabas ka rito sabi! Bakit ba ang kulit-kulit mo?!" Hindi ko na napigilan na


masigawan siya.

"Dito lang ako, magbebehave ako. Promise." Nakangiti niyang sagot sa akin. Napairap
naman ako sa hangin at tsaka huminga ng malalim. Wala na ata akong magagawa pa sa
kakulitan ng isang 'to.

Humiga ako sa kama ko at kinuha muli ang libro ko. Bahala siya diyan magsalita ng
magsalita.

"Ang hilig n'yo talagang mga babae sa pink, ano?" Sabi niya. Hindi ko siya sinagot
at itinuon ko lang ang pansin ko sa librong binabasa ko. Hindi na siya nagsalita at
bigla akong nagtaka kaya sinilip ko siya. Nakita kong binubuklat niya iyong photo
album ko noong bata.

"Ang cute mo rito, Jeorge. Naka-panty ka lang." Nakangisi niyang sabi. Naramdaman
ko naman ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko at agad na tumayo para kunin sa kanya
iyong photo album ko.

"Lumabas ka na nga rito! Wala ka namang mapapala sa akin kaya umalis ka na rito!"
Mariin kong sabi sa kanya.

"Ano ngayon kung wala akong mapala sa'yo?" Nanghahamon niyang sabi.

"Di tigilan mo na ako! Marami ka namang babae tsaka hindi ba't gusto mo 'yong
malalaki ang boobs?! So bakit ako ang nilalandi mo ngayon?!" Singhal ko sa kanya.

"Narealize ko kasing, hindi lang boobs ang gusto ko sa isang babae. Gusto ko rin
'yong malalambot ang labi at sumasagot agad sa halik ko." Pilyo niyang sabi.
Napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi niya. Sige lang, ipapalala pa niya at
babayagan ko siya ng wala sa oras!

Naramdaman ko na lumapit siya sa akin at wala pang ilang segundo ay nasa tabi ko na
siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko dahil sa presensya niya.
Hindi ako mapakali at para bang natatae ako.

"Liligawan kita kung gusto mo." Seryoso niyang sabi sa akin. Napalingon naman ako
sa kanya at nakita ko sa mga mata niya na hindi siya nagbibiro. Alam ko kung
nagloloko siya o hindi, kilala ko si Travis.

"B—Bakit mo ako liligawan?" Inosente kong tanong.

"Kasi gusto kita." Sagot niya.

"B—Bakit mo ako gusto?" Tanong ko sa kanya. Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa
tanong kong iyon.

"Alam mo ba kung ano ang ayaw ko sa babae?" Sabi niya at mas lalo siyang lumapit sa
akin. Seryoso lang siyang nakatitig sa mga mata ko at minsan ay lumilipat iyon sa
mga labi ko. Napapalunok naman ako sa mga ginagawa niya.

"A—Ano?"

"Ayoko sa babaeng maraming tanong. Kasi maikli lang ang pasensya ko at nanghahalik
agad ako." Sabi niya at tsaka niya marahang hinawi ang iilang takas na buhok sa
mukha ko. Nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa nararamdaman ko
na't naaamoy ang hininga niya sa mukha ko.

"T—Travis."

"Shhh. Hahalikan kita." Paos niyang sabi.

"B—Bakit ka nagpapaalam?" Wala sa sarili kong tanong. Nawawala na ata ako sa sarili
ko dahil sa lalaking 'to.

"Good boy ako. Ayokong magalit ka sa akin." Sagot niya sa akin. Naramdaman ko ang
kanan niyang kamay na marahang hinahaplos ang pisngi ko.

"M—Magagalit pa rin ako sa'yo kahit na magpaalam ka." Saad ko. Napapapikit ako sa
ginagawa niya sa akin at hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ng katawan ko ang
ginagawa niya.

"Masarap akong humalik, hindi ka magagalit. Promise." Nakangiti niyang sabi at


tsaka niya ako marahang siniil ng halik. Parang awtomatiko namang gumanti ako sa
halik niya at hindi ko na inalala kung mayroon bang biglang pumasok sa loob ng
kwarto ko. Basta ang mahalaga, gusto ko kung ano ba ang ginagawa ko.

"Baka hindi ako makapagpigil, Jeorge." Sabi niya ng bigla niyang itigil ang
ginagawa niya. Tinignan ko naman siya sa mga mata at nagtatanong kung ano ang ibig
niyang sabihin.

"Baka maaga kang mabuntis, gusto mo ba 'yon?" Nakangisi niyang sabi. Nanlaki naman
ang mga mata ko ng mapagtanto ang nais niyang sabihin.

"Lumabas ka na nga!" Nakasimangot kong sabi sa kanya. Gusto ko tuloy mainis sa


sarili ko kung bakit ko ba sinagot ang halik niya. Hindi ko alam pero parang laging
mayroong nagtutulak sa akin na halikan ko rin siya pabalik. Hindi ko alam, basta
ang alam ko. Nalulunod ako sa mga halik niya.

"Dito lang ako, panonoorin lang kita." Seryoso niyang sabi. Tinignan ko naman siya
at nakita kong nakatitig na naman siya sa akin.

"Bakit mo ba ako nagustuhan, Travis?" Seryoso kong tanong sa kanya. Pinakatitigan


naman niya ako sa mata sa tanong kong iyon.

"Hindi ko alam kung bakit o paano. Basta kapag nakikita kita at nakakausap, parang
nabilis iyong tibok ng puso ko. Iyong para bang may tambol? Alam mo 'yon? Basta ang
saya ko kapag nakakausap kita kahit na nakakainis 'yang mukha mo at ugali mo. Lagi
mo na lang kasi akong binabara at gusto mo ikaw lagi ang tama. Kahit na madalas mo
akong sabihang tanga at bobo, gusto pa rin kita. Hindi naman ako torpe para hindi
sabihin sa'yong hindi kita gusto. Mas maganda na 'yong inamin ko agad para walang
makaaligid sa'yong lalaki." Dirediretso niyang sabi. Napataas naman ang kilay ko sa
sinabi niyang iyon. Hindi ba dapat kapag may gusto ka sa lalaki dapat
nagpapaimpress ka? Bakit itong gagong 'to sinabihan pa akong nakakainis? Aba, aba.

"Iyon lang?" Sabi ko. Sunod-sunod naman ang ginawa niyang pagtango.

"Ako ba gusto mo?" Bigla niyang tanong. Tinignan ko naman siya sa mga mata at
walang pag-aalinlangan siyang sinagot ng isang salita at limang letra.

"Hindi."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Seventeen

SEVENTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


"Tang ina! Nagpapahalik ka sa akin tapos hindi mo pala ako gusto?! Ano 'yon?!
Nasarapan ka lang sa lips ko?!" Bigla niyang sigaw sa akin. Napataas naman ang
maganda kong kilay sa sinabi niya.

"At bakit? Kapag hinalikan mo na dapat gusto ka? Excuse me, ikaw? Magugustuhan ko?
Eh kaya nga ako walang tiwala sa mga lalaki ay dahil sa'yo!" Singhal ko sa kanya.
Napatayo naman siya sa sinabi ko at nakita kong napasabunot siya sa buhok niya.
Nababaliw na ata siya.

"Pambihira!" Hindi makapaniwala niyang sabi habang nagpapabalik-balik ng lakad.

"A—All this time, akala ko may gusto ka rin sa akin! Pinaniwala ko pa ang sarili
kong patay na patay ka sa akin at pinagpapantasyahan mo ang macho kong katawan.
Tapos malalaman kong hindi pala? Tang ina talaga." Ani niya sa sarili. Tinaasan ko
naman siya ng kilay.

"Nahihilo ako sa'yo, Travis! Umupo ka nga!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Bakit hindi mo ako gusto?! May mali ba sa akin? Gwapo naman ako ah! Macho rin ako
dahil lagi akong nagbabasketball. Magaling din ako humalik at kung hindi mo
tatanungin, magaling din ako sa kama! Ano pa bang hahanapin mo sa akin, Jeorge?"
Hindi pa rin niya makapaniwalang sabi.

"Hindi naman porket gwapo ka, dapat na kitang magustuhan. It takes time, Travis.
Hindi naman agad-agad, magugustuhan kita." Seryoso kong sabi sa kanya. Tumigil
naman siya at nakita kong huminga siya ng malalim. Mahina rin siyang nagmumura
kahit pa tumigil na siya.

"Hindi mo dapat minamadali ang lahat ng bagay dahil baka madali rin mawala."
Seryoso ko pang sabi sa kanya. Hindi siya sumagot sa sinabi ko at tahimik lang
akong tinignan. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid namin pero agad
din iyong nabasag ng magsalita siya.

"Yeah, you're right." Kalmado niyang sagot sa akin. Muli siyang huminga ng malalim
at seryoso akong tinignan sa mga mata.

"Aalis na ako." Mahina niyang sabi at tsaka niya pinihit ang seradura ng pinto.
Bago siya lumabas ay muli niya akong tinignan at nabasa ko sa mga mata niya na
malungkot siya.

Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng maisara na niya ang pinto.
Ngayon ko lang nakita si Travis na ganoon. Malungkot at parang hindi na maipinta
ang mukha. Hindi ako sanay na nakikita siyang malungkot o hindi naman kaya'y
tumaawa. Nasanay ako na lagi siyang masaya at lagi akong kinukulit.

I sighed, a deep one. I know he's just infatuated to me. Hindi kalaunan ay mawawala
rin ang pagkahumaling niya sa akin. He's a playboy, I knew about it. Nasasaksihan
ko kung paano siya makipaglandian sa mga babaeng natitipuhan niya at wala pang
tumatagal sa kanya. He is just a happy go luck jerk na kung ano ang magustuhan ay
ginagawa niya at alam ko sa ngayon ay ako ang gusto niya. Alam kong isa lang itong
laro sa kanya na kapag nahulog ako, uuwi akong talunan.

KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba. Agad akong


napalingon sa orasan sa may gilid ko at nakita kong alasais pa lang umaga. Wala
naman akong pasok ngayon dahil araw ng lingo at rest day ko. Wala naman akong
nagawa kung hindi ang bumangon na dahil naistorbo na ang pagtulog ko. Iritable
akong bumangon at dumiretso sa banyo ko para mag-ayos. Sisiguraduhin kong
magbabayad mamaya ang taong umistorbo sa pagtulog ko.

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang buo kong pamilya na masayang naguumagahan sa
harapan ng lamesa at kasama si Travis na hindi maalis ang ngiti sa mukha.

"Good morning, family." Bati ko sa kanila bago lumingon sa pwesto ni Travis na


nakangiting nakatingin sa akin.

"Ginagawa mo rito?" Masungit kong tanong sa kanya. Hindi ba dapat kapag na-basted
ka, nagmumokmok ka lang kwarto mo at nagpapaka-emo? Eh bakit ang unggoy na 'to ay
nandito pa at may gana pang magpakita sa akin? Aba.

"Nanliligaw, pormal akong nag-paalam sa mga magulang mo na manliligaw ako sa'yo.


Gusto kong maging legal sa mga magulang mo at sa mga magulang ko." Dirediretso
niyang sabi. Agad naman akong napatingin sa Mommy't Daddy ko.

"Pumayag kayo?!" Hindi ko napigilang maisigaw. Nakita kong nagkibit balikat lamang
si Mommy habang si Daddy naman ay napakunot ang noo.

"Why not? Travis is a good man, ayos na 'yong kilala namin ang magiging boyfriend
mo kesa naman sa iba na hindi namin kilala. Tsaka, pupwede ka na namang mag-
boyfriend. Ako nga, niligawan ko ang Mommy mo noong first year pa lang kami." Saad
ni Daddy.

"Good man?! Mukhang niyang?!" Naiinis kong sabi. Ano na naman ba ang ipinakain ni
Travis sa mga magulang ko para mauto silang ligawan ako?

"Umupo ka na, hija. Manliligaw pa lang naman, hindi mo pa naman sasagutin. Nasa sa
iyo pa rin kung sasagutin mo siya o hindi." Sabi pa ni Daddy. Wala naman akong
nagawa kung hindi ang umupo sa tabi ni Mommy. Tahimik lang na kumakain ang dalawa
kong kapatid at minsan ay kinakausap nila si Travis at naiinis ako dahil mukhang
magkasundong-magkasundo silang tatlo. Palibhasa ay pare-parehong tipo ang
pagbabasketball at paglalaro ng computer games.

Habang kumakain ay hindi ko matiis na hindi tignan si Travis. Halatang masaya ang
mokong batay sa mga ngiti sa labi niya na hindi maalis-alis.
Nilingon ko ang Mommy't Daddy ko at tahimik lang silang kumakain. Nilingon ko rin
ang dalawa kong kapatid at ganoon din sila. Umurong ako ng kaunti sa upuan ko at
pasimpleng sinipa si Travis ng malakas.

"Aray—" Nakita kong napangiwi si Travis at agad na napatingin sa akin. Umarte naman
akong parang walang alam sa nangyayari. Hah! Serves you right, arse!

"Are you okay, hijo?" Tanong ni Daddy sa kanya. Ngumiti naman si Travis at tsaka
tumango kay Daddy. Akmang sisipain ko ulit siya ng bigla niya akong sinipa ng mas
malakas.

"Ouch—" Hindi ko napigilang masabi. Napalingon naman silang lahat sa akin.

"Ayos ka lang, Jeorge?" Tanong ni Mommy.

"Mainit lang ang rice, My. I am okay." Nakangiti kong sagot. Binalingan ko naman si
Travis at tinignan siya ng masama. Nakita ko pang napapangiti siya at kulang na
lang ay humalakhak sa ganti niyang iyon. Mamaya ka sa aking unggoy ka.

Hindi na lang ako gumanti sa kanya at nang matapos ang pag-uumagahan namin ay
dumiretso ang mga magulang ko sa itaas habang ang dalawa kong kapatid ay sa may
half court pumunta para maglaro ng basketball. Agad kong nilapitan si Travis na
prenteng nakaupo sa may sofa namin at nagpapahinga.

"Bakit ka andito?!" Galit kong sabi sa kanya.

"Namamanhikan ako, masama?" Kaswal niyang sagot.

"Anong namamanhikan, hindi ba't binasted na kita?!" Saad ko.

"Nabasa ko kasi na talagang pakipot ang mga babae, sa una aayaw pero sa huli
bibigay rin naman." Ani niya. Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa sinabi niya.

"Ano'ng palagay mo sa akin? Pakipot? Hoy, Travis! Para sabihin ko sa'yo, ayoko
talaga sa'yo! Tsaka hindi naman ako pumayag na ligawan mo ako." Sabi ko sa kanya.

"Pumayag naman ang mga magulang mo." Agad niyang sagot.

"Sila ang pumayag at hindi ako kaya sila ang ligawan mo!" Mataray kong sagot sa
kanya.

"Tangna naman, ang arte. Siya na nga 'tong nililigawan siya pa 'tong nagiinarte."
Narinig ko siyang bumubulong-bulong pero hindi ko marinig ng maayos.
"Umuwi ka na, baka kung ano pa sabihin ni Tito Trav at ang aga-aga, wala ka sa
inyo." Pagtataboy ko sa kanya.

"Nagpaalam akong manliligaw ako at pinayagan ako ni Daddy. Tuwang-tuwa pa nga siya
ng malaman niyang ikaw ang liligawan ko kasi matino ka raw na babae. Sabi ko nga,
akala niya lang na matino ka pero minsan may sapak ka rin." Kaswal niyang sabi sa
akin.

"Gago ka!" Inis kong sabi sa kanya. May nanliligaw bang nang-iinis? Hindi ba't
wala? Bwisit!

"Gwapo ako? Alam ko na 'yon, ikaw naman pinaalala mo pa. Sige na, magbihis ka na at
idedate kita. Nabigyan na ako ng allowance ni Daddy." Nakangiti niyang sabi.

"Mag-date ka mag-isa! Bwisit! Panira ka ng umaga!" Inis kong sagot sa kanya at


akmang aalis na ako ng bigla niya akong hapitin papalapit sa kanya.

"Dito ka lang sa tabi ko. Kanina pa ako nagtitimpi sa'yo, Jeorge. Ayoko sa lahat
iyong inaartehan ako. Hindi mo pa ako lubos na kilala, Jeorge. Kapag nagalit ako
may isa pang nagagalit, gusto mo bang magalit ako? Sige ka, mabubuntis ka ng
maaga." Seryoso niyang sabi sa akin. Tinulak ko naman siya agad.

"Kung ikaw kaya ang ipabuntis ko?! Tsaka tigil-tigilan mo nga 'yang mga drama mo,
hindi bagay sa'yo!"

"Bakit? Ano bang bagay sa akin? Ikaw?" Bigla niyang sabi. Naramdaman ko naman ang
biglang pag-akyat ng dugo sa mukha ko at pakiramdam ko ay sobrang pula noon.
Kainis! Bakit ba ako nagpapaapekto sa mga pinagsasabi ng Montemayor na 'to? Kaasar!

"Natatakot ka ba na mahulog sa akin, Jeorge?" Malumanay niyang sabi.

"Natatakot ka ba na mahalin ako? Tell me, are you scared?" Sabi pa niya. Hindi agad
ako nakasagot sa sinabi niya.

Natatakot nga ba ako na mahalin ang isang tulad niya? Gusto kong malaman ang sagot
pero kahit sa sarili ko, hindi ko alam ang sagot sa katanungang iyon.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Eighteen
EIGHTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Ganito ba talaga manligaw?" Inis at hirap niyang tanong sa akin habang buhat-buhat
ang mga librong pinabubuhat ko sa kanya.

"Aba, ngayon ka lang ba nanligaw at hindi mo alam?" Nakataas ang mga kilay kong
tanong sa kanya. Ibinaba niya ang mga librong buhat niya sa may library, sa unang
palapag ng bahay. Nakatambak na ang mga libro ko sa kwarto ko kaya kailangan ko na
iyong linisin, malas niya nga lang at siya ang una kong nakita kaya siya ngayon
itong naghihirap na buhatin ang mga libro ko.

"Oo, ikaw pa lang." Sagot niya sa akin at tsaka niya pinadausdos ang likod ng palad
niya sa may noo niyang pawisan.

"You're so funny, Travis. Stop joking." Sarkastikong sabi ko sa kanya. Who knows?
Ever since we were a kid, he is a womanizer. Malay ko bang marami na siyang
niligawan at nagpapa-good shot lang siya sa akin.

"Kung ayaw mong maniwala, di 'wag! Ganyan naman kayong mga babae, nilalahat n'yo
kaming mga lalaki." Seryoso niyang sabi. Napataas naman ulit ang kilay ko sa sinabi
niya. Ang laki ata ng hugot ng lalaking 'to? Problema niya?

"I'm just stating what I've always seen, Travis. I'm a skeptic person, you know
that." Seryoso ko rin na sabi sa kanya.

"You are a skeptic person? You aren't a skeptic person, Jeorge. You are judging
me." He defensively said.

"Am I judging you? I am not, I'm just stating what is the fact, Travis! If you
think that I am judging you, go on! No one cares." Mataray kong sabi sa kanya.
Gagong 'to! Ako pa ngayon ang nagmumukhang masama? Sinasabi ko lang naman kung ano
ang nakikita at alam ko sa kanya.

"What would I expect from you? Ever since, your pride was high as a mountain. Ni
hindi mo nga nagawang ibaba 'yan simula pa noon! Tapos pati ba naman ngayon,
Jeorge? Bakit ba ayaw mo akong bigyan ng pagkakataon na patunayan sa sa'yo na iba
ako?"

"Di bakit mo ako nagustuhan kung mataas ang pride ko? At hindi pa ba kita
binibigyan ng pagkakataon ngayon? It's your chance, Travis."

"Because I want to care of you! Hindi pa ba malinaw 'yon?! Lagi na lang akong
masama sa paningin mo. You called me names and I don't mind it at all because I
know, one day. You'll fall in love with me and you'll call me names, but this time.
It's different because you love me." Seryoso niyang sabi habang nakatingin ng
direkta sa mga mata ko. Bigla naman akong natigilan sa sinabi niyang iyon, hindi ko
alam kung bakit pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na iyon
sa dibdib ko.

One day.

"I won't fall in love with you! I swear it to God!" Mariin kong sagot sa kanya.
Hindi siya nagsalita, lumapit lamang siya sa akin at wala akong nagawa kung hindi
umatras.

"You will not fall in love with me? So why your body is acting different every time
I am near? Why are you answering my kiss every time I kiss you? Why, Jeorge? Tell
me." Paos niyang sabi habang patuloy na lumalapit sa akin. Naramdaman kong tumama
ang mga hita ko sa isang lamesa at wala na akong maurungan pa.

"I—I just." Hindi ako alam ang isasagot ko dahil nadidistract ako sa katawan niya
na kumikinang dahil sa pawis, dahil sa mapupula niyang labi, dahil sa boses niya at
dahil sa kanya.

He is right, he really affects my body everytime he is near. Everytime he's looking


at me, everytime he is talking and everytime he smiles. What he was doing to me was
affecting me so much and I hate it. I hate it that one day, I will wake up deeply
in love with him.

"Don't speak, I already know the answer." Nakangiti niyang sabi at tsaka umalis sa
harapan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng bumalik siya sa pwesto niya kung saan
inaayos niya ang mga libro ko.

"Mayroon pa bang libro sa kwarto mo? Sabihin mo lang para makuha ko na." Pag-iiba
niya ng usapan. Tumango lamang ako sa sinabi niya at agad na lumabas ng library.

"I hate myself." Sabi ko sa sarili ko. Ayokong magpaapekto sa kanya pero hindi ko
maiwasan, hindi ko alam kung paano ko maiiwasan na hindi niya maapektuhan.

Umakyat ako sa kwarto ko at tinignan ang iba pang libro na naroroon. Bigla ay gusto
ko siyang iwasan dahil naiilang ako sa kanya.

"Konti na lang pala, akala ko marami pa." Nagulat ako ng magsalita siya sa may
likuran ko. Hindi ko alam na nakasunod na pala siya sa akin.

Agad ko siyang nilingon at akmang magsasalita nang matigilan ako. Nanlaki ang mga
mata ko at agad na nag-iwas ng tingin. "K—Kunin mo na lang diyan." Nauutal kong
sabi sa kanya. Gad, why he needs to be topless?! Nang-aakit ba siya?

"Saan ba rito?" Tanong niya at bigla siyang lumapit sa akin.


"S—Sa may kama ko, kuhanin mo." Nauutal ko pa rin na sagot sa kanya. Lumapit naman
siya sa may kama ko at isa-isang kinuha ang mga libro ko. Nagkaroon naman ako ng
pagkakataon na matitigan siya at sa bawat pag-galaw niya, nag-feflex ang mga
muscles niya sa braso at likuran. Dala siguro ng pagbabasketball niya kaya maganda
ang hubog ng katawan niya. Hindi siya payat tignan, macho ang mokong kung tutuusin.

Bigla ay lumingon siya sa pwesto ko at nahuli niya akong tinitignan siya. Ngumiti
siya ng nakakaloko sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang
pag-akyat ng dugo sa mukha ko at pakiramdam ko ay pulang-pula na ako. Nakakahiya!

"Why are you looking at me, Jeorge? Pwede ka namang lumapit para mas makita mo kung
ano ang gusto mong makita. Hindi naman bawal ang lumapit sa akin." Bigla niyang
sabi. Napalingon naman ako sa pwesto niya at sinamaan siya ng tingin.

"Ang kapal mo ha! Hindi ko naman tinitignan 'yang patpatin mong katawan!"

"So you're looking at my body, huh? Wala naman akong sinasabi na sa katawan ko ikaw
tumitingin pero ikaw na nagsabi." Nakangisi niyang sabi sa akin.

"B—Bwisit ka! Lumabas ka na nga ng kwarto ko at ibaba 'yan!" Iritable kong sabi sa
kanya at tsaka ako nag-iwas ng tingin. Narinig ko lamang ang paghalakhak niya ng
malakas.

TAHIMIK kaming kumakain ni Travis ng matapos kami sa pag-aayos ng kwarto ko. Wala
ang Mommy't Daddy ko dahil nasa office sila at parehong busy. Ang Kuya ko naman ay
pinuntahan iyong girlfriend niya samantalang si Eugine ay kanina pa nakikipaglaro
ng basketball sa labas kasama ang mga barkada niya.

"Nakakapagod pala manligaw." Ani niya habang nagmimeryenda kami sa sala. Nanonood
na lang kami ngayon ng palabas sa TV.

"Di tumigil ka na sa panliligaw mo." Saad ko naman.

"Ayoko nga." Nakasimangot niyang sabi sa akin. Nilalantakan niya ngayon ang isang
baso ng ice cream na nakuha niya sa refrigerator namin.

"Bakit ayaw mo tumigil? Hindi naman kita sasagutin." Sagot ko sa kanya. Gusto ko
tuloy matawa dahil nakasimangot na siya dahil sa mga sinasabi ko.

"Hindi ako naniniwala na hindi mo ako sasagutin. Maghihintay ako kahit na matagal
basta mapasakin ka lang." Kumpiyansa niyang sabi.

"Naks, lakas ng tiwala mo sa sarili ah? Bahala ka diyan umasa, basta sinabi ko na
sa'yo na hindi kita sasagutin." Diretso kong sabi sa kanya. Mas lalo lamang siyang
sumimangot sa sinabi kong iyon.
"Di mambababae ako para magselos ka! Oo, tama. Mambababae ako sa harap mo."
Nakangisi niyang sabi na para bang nanalo siya sa lotto sa ideyang iyon.

"Di mambabae ka. Ayos nga 'yon, para may makalapit na sa akin na ibang lalaki.
Tsaka para habang nambababae ka, may iba namang nanliligaw sa akin. Ang galing
talaga ng ideya mo, Travis." Natatawa kong sabi sa kanya. Ngumuso naman siya habang
nakasimangot na nakatingin sa akin. Why does he looks so cute in my eyes everytime
I tease him?

"Nakakainis ka na, Jeorge." Galit niyang sabi sa akin.

"Ako pa ngayon? Sino ba nakaisip ng ideyang 'yon? Hindi ba't ikaw? Tsaka ang luma
naman ng concept mo, masyadong gasgas at gamit na." Sabi ko sa kanya sabay subo sa
ice cream ko.

"Subukan mo lang magpaligaw, babasagin ko mukha ng lalaking lalapit sa'yo." Mariin


niyang sabi.

"At bakit mo babasagin? Kung mukha mo kaya ang basagin ko? At tsaka itigil mo nga
'yang pagiging possessive mo, akala mo naman lagi kang maaagawan. Tsaka tatandaan
mo rin na hindi mo ako pagmamay-ari, maliwanag ba?" Sabi ko habang itinututok ko sa
kanya ang kutsara ko.

"Paano ako hindi magiging possessive, ang dami kayang may gusto sa'yo! Buti na lang
mga napagbantaan ko na mga buhay nila." Sabi niya bigla sa akin. Nanlalaki naman
ang mga matang napalingon ako sa kanya.

"Ano?!" Gulat kong tanong sa kanya.

"Ang bingi mo. Bahala ka, hindi ko na uulitin ang sinabi ko." Ani niya.

"Hindi ako bingi at narinig ko ang sinabi mo. What I want to know is why? Bakit mo
pinagbabantaan ang buhay ng mga taong may gusto sa akin, aber?" Nakataas ang kilay
kong tanong sa kanya.

"Para hindi na sila makalapit sa'yo, 'yong isa nga sinabi kong susunugin ko ang
bahay nila at ipapagahasa ko siya sa mga bading kapag umamin sa'yo. Ayun, takot na
takot. Nagpalipat pa nga ata ng school 'yong payatot na 'yon, duwag ang unggoy."
Sabi niya sabay halakhak.

"Gago ka talaga 'no?! Kapag ikaw kinasuhan ng mga 'yon! Malalagot ka sa Daddy mo!"

"Di kasuhan nila, kesa naman 'yong lumapit sila sa'yo at ligawan ka." Kaswal niyang
sabi. Sinimangutan ko naman siya sa sinabi niyang iyon.
Kaya pala walang nanliligaw sa akin dahil sa pinagbabantaan niya ang buhay ng mga
lalaking may gusto sa akin. Kainis!

"I hate you, Travis!"

"I love you too, Jeorge."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Nineteen

NINETEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Are you sure you're okay? You really look pale, babe." Travis says simply. Concern
was written all over his face while looking at me. His face looks really soft and
if it's a normal day, I would laugh at him. Unfortunately, it's not.

"I'm okay, Travis. I just—ughh." I bit my lower lip again when I felt the pain in
my tummy. Damn this period!

"You don't look okay, Jeorge. Gusto mo bang iuwi na kita sa bahay ko? Tsaka bakit
pa kasi n'yo 'yan nararanasan? Pwede namang hindi." Iritable niyang sabi sa akin.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"And why would you take me to your home? I can manage myself, Travis. Tsaka buwan-
buwan namin itong nararanasan kaya h'wag kang magreklamo kung may problema kayong
mga lalaki!" Mariin kong saad sa kanya at tsaka ko siya inirapan. Kinalkal ko naman
agad ang bag ko para tignan kung mayroon pa akong dalang pad. Bakit ba kasi ngayon
pa ako dinatnan? At ang masama pa, kasama ko pa ang lalaking 'to!

Halos manlumo naman ako ng makita kong wala na akong extrang dala. Agad naman akong
nag-angat ng tingin kay Travis at kita ko namang concern na concern siya sa akin.

"You've said you'll do anything for me, right?" Ani ko sa kanya. Tumango naman siya
sa sinabi kong iyon.

"Oo, gagawin ko. Ano ba gusto mo? Sisipsipin ko ba 'yan para mawala? O hahalikan
kita?" Pilyo niyang sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin at agad siyang sinipa.
Mahina lamang siyang tumawa.

"Mandiri ka nga, Travis! Iyang mga naiisip mo, pang hindi normal na tao!"

"Normal naman ako, grabe ka. Ano ba gusto mo? Sabihin mo lang. Ako ba?" Nakangisi
niyang sabi.

"Bago ka pa mag-isip ng kung anu-ano, ibili mo na lang ako ng napkin diyan sa may
convenience store sa tapat ng school." Diretso kong sabi sa kanya. Nakita ko namang
nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi kong iyon.

"What?!" Matigas na ingles niyang sabi.

"You heard me right, Travis. Buy me some napkin." Muli kong sabi. Napangiti tuloy
ako bigla ng maisip kong bumibili siya ng napkin. Ano kaya itsura niya?

"M—Me?" Hindi makapaniwala niyang sabi.

"Sino pa ba? May katabi ka bang hindi ko nakikita para utusan ko? Bilisin mo na at
kanina pa nasakit ang puson ko!" Sabi ko sa kanya at umarte pa akong medyo
namimilipit sa sakit. Hindi naman nasakit ang puson ko kapag nagkakaroon ako,
ngayon lang at tyempo pang kasama ko ngayon ang unggoy na 'to.

"Okay, okay! Just wait me here, I'll buy you some napkin." Sabi niya at tsaka
tumalikod. Narinig ko pa ang iilang mura niya habang lumalakad siya palayo sa akin.

"So adorable." Bulong ko sa sarili ko habang nakangiting tinatanaw siya.

I felt again the sudden strike of pain in my tummy. I really want to go home right
now but I can't, we have still one class this afternoon and I don't want to mark as
an cutting to that subject. I am very grade conscious and everyone knows about
that.

Naghintay ako ng ilang minuto sa kanya at hindi naman siya nagtagal dahil agad din
siyang bumalik. May dala pa siyang dalawang gatorade nang bumalik siya.

"Ito na 'yong napkin mo tsaka ibinili na rin kita ng gamot sa may drug store diyan
sa tabi." Sabi niya sa akin. Napaangat naman ang kilay ko, nagpapaimpress ang
mokong. Agad ko namang kinuha ang pad na binili niya.

"Thanks, hintayin mo na lang ako sa rito sa labas. Okay?" Sabi ko sa kanya. Tumango
naman siya kaya agad akong pumasok sa loob.

Nang matapos ako ay nadatnan ko siyang umiinom sa gatorade niya habang


pinaglalaruan ng isang kamay niya ang cellphone niya. Agad siyang lumingon sa akin
at iniabot iyong isa pang gatorade.

"Uminom ka muna nang gamot, kakakain lang naman natin kanina pero kung gusto mong
kumain, sa labas na lang." Sabi niya. Kinuha ko naman iyong gatorade na iniabot
niya pati na rin ang isang tableta ng gamot na binili niya. Ininom ko iyon sa
harapan niya para wala siyang masabi.

"No, I'm fine. I'll attend our last subject." Nakita ko naman siyang natigilan.

"Umuwi ka na lang, ihahatid kita. Mamaya bigla pang sumakit 'yang puson mo habang
nagkaklase." Seryoso niyang sabi. Lumapit siya sa akin at akmang kukuhanin ang bag
ko ng ilayo ko iyon sa kanya.

"I'm fine, Travis. Masyado ka lang paranoid at akala mo ay mamamatay na ako." Sabi
ko sa kanya. Nagtagis naman bigla ang mga bagang niya.

"Hard headed." Saad niya sabay pitik sa noo ko. Sumimangot lamang ako sa sinabi
niya at sabay kaming bumalik sa loob ng classroom.

"Himala ata na hindi na kayo madalas mag-away ni Travis?" Sabi ni Mae sa akin ng
umupo ako sa upuan ko.

"Akala mo lang iyon, Mae. Lagi pa rin kaming nag-aaway, hindi lang namin
ipinapakita sa inyo."

"Parang may kakaiba sa inyo, iba kasi tumingin si Travis sa'yo. Parang kahit anong
oras, kakainin ka niya." Maang niya. I looked at her and I lifted my eyebrow.

"You're just seeing things, Mae. He isn't courting me and I won't allow him to
court me. I hate him, you know that." Kaswal kong sabi. Nagkibit balikat lamang
siya sa sinabi kong iyon.

Dumating na ang teacher namin at doon ko na lang itinuon ang pansin ko. Minsan,
napapalingon ako sa pwesto ni Travis at makikita ko siyang nakatingin sa akin
habang nakangiti. Iirapan ko lang siya kapag ganoon at pigilan ko man, hindi ko rin
maiwasan ang hindi mapangiti. Para kasi siyang adik, nakakainis lang.

"Tara na! Mag-dedate na tayo!" Sabi bigla ni Travis ng matapos ang klase namin.
Umakbay pa siya sa akin at hindi pinansin ang mga matang tumitingin sa aming
dalawa.

"Saan na naman tayo pupunta? Magagalit si Daddy kapag late akong umuwi."
Pagdadahilan ko. Totoo naman kasing magagalit ang Daddy ko kapag late akong umuwi.
Unless, nagpaalam ako.

"Hindi 'yan, tinawagan ko si Tito kanina sabi ko idedate ko ang dalaga niya.
Pumayag naman siya basta ba iuuwi agad kita. Gusto ko sanang sabihin na sa amin na
kita iuuwi at ibabahay na kita, kaso baka magalit." Sabi niya sabay tawa. I just
rolled my eyes. This jerk is really a jerk.

Bumaba ang kamay niya mula sa mga balikat ko patungo sa kamay ko at marahang
pinagsaklop ang mga kamay natin. Pilit ko namang binabawi ang kamay ko pero ang
higpit ng pagkakahawak niya roon.

"Travis ang kamay ko." Mariin kong bulong sa kanya habang naglalakad kami papuntang
parking lot.

"Hahawakan ko lang, baka mamaya may biglang umagaw sa'yo. Masapak ko pa." Sabi
niya.

"Hindi ako natutuwa, bitiwan mo sabi ang kamay ko." Galit ko ng sabi sa kanya.
Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at naiilang na ako.

"Lambot ng kamay mo, sarap hawakan." Sagot niya sa akin. Pilit kong binabawi ang
mga kamay ko hanggang sa makarating kami sa sasakyan nila. Doon niya lang nagawang
bitiwan ang kamay ko at hindi maalis ang ngisi sa labi niya.

"Kuya, kay Tito Levinn po tayo. Alam n'yo naman po papunta roon hindi ba?" Sabi ni
Travis sa driver nila.

"Sige po sir." Magalang na sagot ng driver nila at tsaka pinaandar ang sasakyan.

"Nakakainis ka na, Travis! Hindi pa nga kita sinasagot pero umaakto ka ng parang
boyfriend ko!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Doon din naman tayo papunta, Jeorge. Dami mo lang arte." Kaswal niyang sabi.
Inirapan ko naman siya.

"Tsaka bakit ba tayo pupunta kay na Axcel? Ano'ng gagawin natin doon?" Naiinis kong
tanong sa kanya.

"Gagawa bata, ayaw mo? Bubuntisin na kita para hindi ka na makatakas sa akin."
Nakangisi niyang sabi. Akmang sasapakin ko siya ng itaas niya ang dalawa niyang
kamay.

"Joke lang! Mag babarque party lang tayo sa kanila!" Nakangisi niyang sabi.

"Ayoko, hindi ako sasama."

"Sige na, sumama ka na. Nandoon naman si Heena, Rissa, Din at Felice. Hindi naman
kami puro lalaki lang." Pagpupumilit niya. Hindi ko siya sinagot, iritado ko lang
na ibinaling ang tingin ko sa labas. Hindi ko siya kinibo ng ilang minuto dahil
naiinis talaga ako sa kanya.

I suddenly heard him sighed.

"Sorry na, Jeorge. Hindi na ako uulit, magpapaalam na ako kapag hahawakan ko ang
mga kamay mo. Pansinin mo na ako." Mahina niyang sabi.

Nagmatigas naman ako at hindi pa rin siya pinansin. Nakakainis lang, ayoko naman sa
lahat ng lalaki iyong mabilis. Oo nga't gwapo siya at isa siyang Montemayor. Pero
hindi ibig sabihin noon ay pupwede na niyang gawin kung ano man ang gusto niyang
gawin. He still have limitations knowing he's not still my boyfriend.

"Sorry na, ano bang gusto mong gawin ko? Hindi ako magaling manuyo ng babae, pero
gagawin ko kung ano ba ang gusto mo." Parang bata niyang sabi. Madali lang pala
mapatino ang lalaking 'to kapag nagtatampo ako.

"Don't talk to me." Mariin kong sabi sa kanya.

"Jeorge naman, h'wag mo naman akong pahirapan ng ganito." Halos magmakaawa niyang
sabi. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko pero agad ko iyong hinawi.

"Don't touch me." Mariin ko pa rin na sabi at tsaka ko siya tinignan ng matalim.
Narinig ko naman ang mahina niyang mga mura.

"Tang ina, ang hirap talagang suyuin ng mga babae. Masyadong pababy." Narinig kong
bulong niya.

"Wala akong sinabing suyuin mo ako." Sagot ko naman sa kanya.

"Nag-sorry na naman ako ah? Ano pa bang gusto mo? Gusto mo bang lumabas na lang ako
ng sasakyang ito at maglakad na lang pauwi? Ano? Sabihin mo lang, gagawin ko!"

Nilingon ko naman siya at nakita kong nafufrustate na siya. Bigla namang nagkaroon
ng bumbilya sa itaas ng ulo ko.

"Talaga? Maglalakad ka pauwi kapag sinabi ko?" Tanong ko sa kanya.

"O—Oo, maglalakad ako pauwi kung g—gusto mo." Napipilitan niyang sabi. Hah! Lokohin
pa ako ng gagong 'to! Alam ko ang hilatsa ng bituka niya 'no!

"Sigurado ka?"

"O—Oo."
"Siguradong sigurado ka?"

"O—Oo nga, sigurado ako basta mapatawad mo lang ako." Sabi niya sabay iwas ng
tingin.

I narrowed my eyes on him as if reading what's on his mind. I know Travis very well
and when he can't look at me while saying something. I know he's lying, he's a good
liar but not to me.

"Kahit pa naka-brief ka lang habang naglalakad sa kalsada?" Sabi ko sa kanya. Nag-


angat naman siya ng tingin sa akin.

"Jeorge naman, grabe naman ata 'yon." Parang batang sabi niya.

"Di 'wag, wala namang pumipilit sa'yo." Sabi ko sabay iwas ulit ng tingin. Bahala
siya sa buhay n'ya.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo para mapatawad ako, gagawin ko." Sabi niya kaya agad
akong napatingin sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita kong hinubad
niya iyong polo niya at tsaka isinunod ang kulay puting t-shirt niyang panloob.

"A—Ano bang ginagawa mo?! B—Bakit ka naghuhubad?!" Gulat kong sabi sa kanya. Hindi
siya nagsalita at tinanggal na niya ang sinutron ng pantalon niya.

"Ito ang gusto mo hindi ba? Ang maghubad ako?"Sabi niya at tsaka ibinaba ang zipper
ng suot niyang slacks. Agad naman akong nag-iwas ng tingin ng makita ko ang boxer
shorts niya.

"I—Itigil mo 'yan! Nagjojoke lang ako tapos sineryoso mo naman?!"

"Akala ko ba gusto mong maglakad ako ng nakabrief lang?"

"Biro lang 'yon!" Sabi ko sa kanya at tsaka siya muling tinignan.

"Tapatin mo nga ako, gusto mo ba talaga akong makitang naglalakad ng nakabrief o


gusto mo lang talagang makita akong nakahubad?"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


=================

Chapter Twenty

TWENTY

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Jeorge! Buti nakasama ka? Akala ko hindi ka na isasama ng gunggong na 'to!" Bungad
sa amin ni Din pagkapasok namin sa loob ng malaking bahay ni na Axcel. Napalingon
naman ako kay Travis na nilagpasan ako at pumasok sa loob ng bahay.

"Teka, bakit parang badtrip ang isang 'yon?" Kunot noong tanong sa akin ni Din
habang sinusundan ng tingin si Travis.

"Hayaan mo lang, ganyan talaga siya magtampo at maglambing." Saad ko.

"Tara sa loob na tayo, nandoon na sila!" Nakangiti niyang sabi. Agad naman niya
akong hinila papasok sa loob at nadatnan kong naroroon ang mga matatandang
Montemayor. Nasa may sala sila at parang mayroon silang importanteng pinag-uusapan.
Dumaan naman kami roon kaya agad akong bumati.

"Magandang hapon po." Magalang kong bati habang nakangiti. Ngumiti naman sila sa
akin bilang sagot. Nakita kong naroroon si Tita L.A na buhat ang isang batang
lalaki at katabi ni Tito Gian. Naroroon din si Tita Celestine na katabi si Tito
Trav, si Tito Paul na katabi si Tita Jin at Tita Lilet, si Tito Arthur na nakaakbay
kay Tita Sindy at ang huli, si Tito Levinn na mahigpit na hawak ang kamay ni Tita
Freen. Kung titignan mo silang lahat, mamamahangha ka dahil halos lahat sila ay
parang nakakatakot. Lalo na si Tito Levinn, na akala mo laging galit sa mundo pero
kapag nagalit naman si Tita Freen, walang magawa.

Biglang napadako ang mga tingin ko sa pwesto ni Tito Trav at Tita Celestine.
Ngumiti siya sa akin ng maluwag. Agad na naghumerantado ang puso ko sa kaba.

Shit, alam kaya nilang nililigawan ako ng manyak nilang anak? Gosh!

"You are the only daughter of Mr. Gerry Rivas, right?" Matatas na ingles na tanong
sa akin ni Tito Arthur.

"Ako nga po." Nakangiti kong sagot habang tumatango. Ngumiti naman siya sa akin.

"You're beautiful, hija. You have grown up." Sabi naman ni Tita Celestine.
Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

Alam ko namang maganda ako pero kailangan pa bang sabihin 'yon sa harap ng iba?
Nakakahiya kaya!
"Salamat po." Nakangiti ko pa rin na sagot.

"Alright Din, doon na kayo sa may garden at mayroon lang kaming importanteng pag-
uusapan." Malumanay na sabi ni Tita Lilet. Tumango lamang si Din at tsaka kami
dumiretso roon.

"I miss you, Jeorge!" Ani Heena at tsaka lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa
pisngi at ganoon din ang ginawa ko.

"Ang tagal nating hindi nagkita, busy much?" Sabi ko sa kanya sabay lingon sa
pwesto ni Axcel na nakatingin sa likod niya.

"Sira!" Natatawa niyang sagot. Pumunta naman kami sa pwesto nila at nagsisimula ng
mag-barbeque sila Xander, Symon at Shaun. Si Travis naman ay prenteng nakahiga sa
isang mahabang upuan habang walang saplot sa damit.

"Bano naman maglaro 'yan si Ravis, pilingero naman 'yan!" Natatawang asar ni Xander
kay Travis. Mabilis naman na lumipad ang middle finger ni Travis sa ere pero
nakapikit pa rin siya.

"Nililigawan ka raw ni Ravis sabi ni Din." Saad ni Heena. Lumingon naman ako sa
paligid at halos lahat ay nagkakasiyahan.

"O—Oo." Nahihiya kong sagot.

"Bumigay ka naman agad? Naku, Jeorge. Sinasabi ko sa'yo! H'wag kang papauto sa mga
Montemayor." Sabi ni Heena habang umiiling. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Bakit? Nauto ka na ba ni Axcel mo?" Natatawa kong sabi.

"Hindi 'no! Asa pa siya!" Umiling na lamang ako bilang sagot.

"Swimming tayo!" Sigaw ni Shaun sa lahat.

"Wala akong dalang damit." Sabay namin na sabi ni Heena.

"Sige, kayo na lang mag barbeque. Kami maliligo!" Ani Shaun. Nagsihubaran naman
sila ng mga baro at tsaka nagsilanguyan sa swimming pool. Tinignan ko naman si
Travis na nakatulog na ata sa upuan.

"Tara Jeorge, magbarbeque na lang tayo." Anyaya sa akin ni Heena. Tumayo naman ako
at sumunod sa kanya. Paminsan-minsan, sinusulyapan ko si Travis na natutulog sa may
upuan. Mas lalo pa silang nag-ingay ng magpatugtog sila gamit ang isang speaker na
dala ni Aivan.

Maya-maya pa ay bigla silang umahon mula sa swimming pool. Nagtaka naman kami dahil
nagbubulungan sila habang papalapit kay Travis. Doon ako nagkaroon ng ideya kung
ano ang balak nilang gawin.

"This will be fun." Humahalakhak na saad ni Xander habang dahan-dahan silang


lumalapit kay Travis. Inilabas ni Din ang cellphone niya at kinukuhanan ng video
ang ginagawang kalokohan ng mga boys. Wala pang ilang saglit ay sabay-sabay nilang
binuhat si Travis at walang sabi-sabing inihagis siya sa pinakamalalim na bahagi ng
pool.

"Tang ina!" Sigaw ni Travis ng bumagsak siya sa tubig. Walang tigil na nagsitawanan
ang mga boys habang nakatingin kay Travis. Hindi ko magawang tumawa dahil pag-
aalala ang bumabalot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman
ko pero kinakabahan ako.

Agad na umahon si Travis sa tubig at nakasimangot na umupo sa upuan na medyo


malapit sa akin. Walang tigil ang mura niya sa mga pinsan niya habang siya naman ay
tinatawanan lamang ng mga ito.

Nakasimangot siyang nakaupo roon habang basang-basa kaya agad akong naghanap ng
isang tuyong towel. Agad naman akong lumapit sa kanya ng makahanap ako ng isang
tuyong twalya.

"Baka magkasakit ka kung hindi ka magpapatuyo." Kalmado kong sabi sa kanya habang
pinupunasan ang buhok niya. Nakasimangot lang siya habang pinapanood akong ginagawa
iyon.

"Gagantihan ko sila mamaya." Nakasimangot niyang sabi. Binatukan ko naman siya


agad.

"Papatulan pa eh, manahimik ka na lang diyan!" Sabi ko. Pinunasan ko na rin ang
likuran niya para matuyo. Isinukbit ko lang sa magkabila niyang balikat ang
twalyang ginamit ko pagkatapos ko siyang punasan.

"Ayaw mo bang gantihan ko sila? Siguro tuwang-tuwa ka rin noong hinagis nila ako sa
pool!"

"Hindi ako natuwa sa paghagis nila sa'yo sa pool, kaya nga nilapitan kita rito para
tignan kung ayos ka lang. Tsaka kumain ka na roon, baka maubusan ka pa ng pagkain
ng mga 'yon. Mag-iinom din kayo mamaya hindi ba? Pinayagan kayo ni Tito Levinn na
uminom dahil wala naman daw pasok bukas. Pero konti lang dapat at hindi sobra, baka
mamaya niyang lumaki na ang tiyan mo sa kakainom." Kaswal kong sabi sa kanya.
Minsan, dapat akong maging mabait kay Travis. Behave naman siya kanina at walang
ginawang kalokohan.

"Talaga? Hindi ka natuwa? Di ibig sabihin nag-alala ka sa akin?" Parang bata niyang
sabi.

"Kumain ka na roon." Pag-iiba ko ng usapan.

"Sagutin mo muna ako." Ani niya.

"H'wag kang makulit, Travis. Kumain ka na roon! Mauubusan ka pa ng pagkain." Saad


ko.

"Sagutin mo muna nga kasi ako!"

"Oo na! Oo na! Happy?" Masungit kong sabi sa kanya sabay irap. Bwisit na lalaking
'to, gusto pang kinukulit ako.

"Okay!" Nakangiti niyang sabi at tsaka tumayo. Pumunta na kami sa may lamesa kung
saan naroroon ang mga pagkain na mukhang pinahanda pa talaga para sa amin.

"Aba, ngiting-ngiti ata ang baby Ravis namin ah?" Pang-aasar ni Xander kay Travis.

"Masama na bang ngumiti? May batas ba na nagbabawal na ngumiti?" Sagot naman ni


Travis kay Xander. Hindi na lang sumagot si Travis dahil tinignan siya ng masama ni
Din na para bang sinasabing huwag na niyang alaskahin pa si Travis.

Pulos tawanan at ingay ang bumabalot sa buong paligid. Para kaming mga walang
pakielam na nag-iingay dahil ngayon na lang kami ulit naging kumpleto. Walang tigil
ang pag-aasaran ng mga boys na umabot sa puntong nagpaliksahan sila kung sino ang
pinaka-sexy sa lahat. Wala kaming ginawa kung hindi ang tumawa ng maghubad silang
lahat at tanging boxers at brief lang ang mga itinira. Pumila sila na parang mga
modelo at nag pose ng kung anu-ano roon. Hindi naman naalis ang atesnyon ko kay
Travis na para sa akin, siya ang pinakagwapo sa lahat.

Din captured that moment and posted it on her social media accounts with a caption
of, 'Who is the hottest in Montemayor boys?'

"Gago 'yan si Ravis! Nakita kong kasama niyan si Andrea, 'yong kaklase ni Aivan na
dati kong pinopormahan!" Biglang sabi ni Xander.

"Kayo na ba?" Tanong naman ni Aivan. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil sa pinag-
uusapan nila. Hindi ko alam kung bakit pero agad na umakyat ang dugo sa ulo ko sa
sobrang inis at galit sa kanya.

"Mga gago kayo! Wala akong pinopormahang ibang babae ngayon!" Mariin na pagtanggi
ni Travis.

Bwisit na Travis 'to! May pasabi-sabi pa siyang loyal sa akin, 'yon naman pala
nambababae kapag nakatalikod ako!

"Ayos ka lang, Jeorge?" Tanong sa akin ni Heena. Ngumiti naman ako sa kanya at
tumango. Marahil ay iniisip niyang nagseselos ako.

"Oo naman, ayos lang ako."

"Wala raw, di sino pala 'yong babaeng kasama mo sa may SM? Nakita ka ni Symon,
h'wag kang magsinungaling!" Dagdag pa ni Xander. Nakita ko namang tumingin sa akin
ni Travis at parang sinasabing h'wag akong maniwala sa mga sinasabi nila.

"Gago ka Xander! Babalatan kita ng buhay kapag hindi ka tumigil sa pagsisinungaling


mo!" Inis na sigaw ni Travis kay Xander. Tumayo na ito at akmang sasapakin pa ito
pero pinigilan lamang ni Axcel si Travis.

"Chill dude, I'm just testing if it's real." Makahulugan na sabi ni Xander.

"Tang ina mo! Kahit pinsan pa kita, babasagin ko 'yang bungo mo kapag hindi ka
tumigil!" Galit na sigaw ni Travis.

"Boys." Suway naman ni Din sa kanila. Humalakhak lamang ang iba habang ako naman ay
walang pakielam sa mga pinag-uusapan nila.

Ano naman ngayon kung mambabae siya? Pakielam ko ba sa mga ginagawa niya? Hindi
naman niya ako girlfriend para magselos sa pambababae niya. Wala rin naman akong
balak na sagutin siya. Bahala siya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya.
Landiin niya pa lahat ng babae kung gusto niya! Bwisit!

I looked at my wrist watch and it's already nine in the evening. I already received
some texts from my Daddy. Sinabi ko na lamang na mga nine thirty ay nasa bahay na
ako. Malapit lang naman ang bahay namin mula dito.

Tumayo na ako at agad din na tumayo si Travis. Nakita ko naman ang paglipad ng mga
tingin nila sa aming dalawa.

"Hahatid na kita." Mahinang sabi ni Travis sa akin. Hindi ko siya pinansin at


kinuha ko lang saglit ang bag ko. Saglit akong nagpaalam kay na Din pati na rin kay
sa mga matatandang Montemayor. Malapit lang naman ang bahay namin dito at kaya ko
namang lakarin na lang.

"Jeorge, galit ka ba?" Rinig kong sabi ni Travis sa may likuran ko.

"Hindi." Kaswal kong sagot at tsaka ako lumabas mula sa malaking gate ng mga
Montemayor. Sinadya kong bilisan ang lakad dahil ayokong kausapin si Travis dahil
naiinis ako sa pagmumukha niya.
"Hintayin mo naman ako, Jeorge. Ang bilis mo masyado maglakad." Sabi niya sa may
likuran ko. Nagsusuot siya ng sando habang nagmamadaling sumasabay sa akin. Nang
nasa tabi ko na siya, hindi ko na siya kinibo pa.

"Babe, are you jealous?" Bigla niyang tanong sa akin.

"Hindi." Mariin kong sagot sa kanya. Bakit naman ako magseselos? Sino ba 'yong
babaeng 'yon para pagselosan ko? Sigurado namang mas maganda at mas matalino ako sa
babaeng 'yon!

"Babe, are you jealous?" Pag-uulit pa niya.

"Hindi." Mariin ko pa rin na sagot.

"Babe, are you jealous?"

"I am not jealous, Travis." I said defensively.

"Babe, you look like a jealous—"

"Oo na! Nagseselos na ako! Masaya ka na?! Ito naman ang gusto mo hindi ba? Ang
magselos ako sa mga babaeng nilalandi mo! Sa mga babaeng nakapalibot sa'yo at sa
mga babaeng may gusto sa'yo! Masaya ka na bang nagseselos ako? Ha?!"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Twenty One

TWENTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Talaga, Jeorge? Nagseselos ka?" Ani niya habang mayroong isang malaking ngisi sa
kanyang mga labi. Umirap lamang ako sa hangin at hindi pinansin ang sinabi niya.
Pinagpatuloy ko lamang ang paglalakad ko at iniwan siya roon.

Hindi ko alam kung bakit pero inis na inis ako sa pagmumukha niya. Wala namang mali
sa mukha niya. As a matter of fact, he looks so damn good but I really don't know
why I am always pissed everytime I'll see his face. Gusto ko ngang isipin na buntis
ako at siya ang pinaglilihian ako pero wala naman akong boyfriend at virgin pa ako!

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong akbayan at hinigit ang katawan ko papalapit
sa kanya. Pinilit ko namang pumiglas pero sadyang malakas siya.

"Bakit ka magseselos? Hindi ba sabi ko loyal ako magmahal?" Hindi pa rin nawawala
ang pagkakaakbay niya sa akin at pilitin ko man na kumawala. Hindi ko na nagawa pa
dahil sa pagod na rin ako at gusto ko ng makauwi upang makapagpahinga na.

"Tigilan mo ako sa mga drama mo, Travis. At lokohin mo pa akong loyal ka." Sagot ko
naman sa kanya. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya.

"Loyal naman talaga ako sa'yo."

"Lokohin mo na lahat, h'wag lang ako, Travis. Tsaka itigil mo na ang panliligaw sa
akin, wala ka namang mapapala sa akin at para na rin maituloy mo na ang pambababae
mo." Mariin kong sabi sa kanya. Naramdaman ko namang lalong humigpit ang
pagkakaakbay niya sa akin na para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Ayoko, hindi ako titigil, Jeorge. Liligawan kita kahit pa matagal pa bago mo ako
sagutin, kahit pahirapan mo pa ako. Tatanggapin ko at gagawin ko lahat, Jeorge.
H'wag mo lang akong patigilin sa panliligaw sa'yo." Seryoso niyang sabi.

"At bakit ayaw mong tumigil? Ayaw mo ba noon? Malalandi mo na lahat ng babaeng
gusto mo." Saad ko.

"Ikaw nga lang sabi, ang kulit mo naman! Hahalikan na kita diyan! Kung gusto mo, sa
inyo na ako titira. Mag papaalam ako sa mga magulang ko na sa inyo na ako titira
para alam mo lahat ng ginagawa ko, ano? Para na rin hindi ka magduda na loyal ako
sa'yo! Iyan ba ang gusto mo?" Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang
sa mga sinasabi niya.

"Ayoko nga!"

"Ayaw mo pero nagdududa kang nambababae ako. Aminado akong gwapo ako, pero hindi ko
ugali ang mambabae." Seryoso niyang sabi. Kinurot ko naman siya sa tagiliran.

"Minsan nga magpakahumble ka! Pulos pagyayabang at kalokohan na lang 'yang mga
sinasabi mo." Mahinahon kong sabi sa kanya. Sumilay naman ang ngiti sa mga labi
niya at mas inilapit ang katawan ko sa katawan niya.

"Opo, babes. Magbebehave na ako." Nakangiti niyang saad.

"H'wag mo akong tawaging babes. Ang dami-dami mo ng tinatawag sa akin na kung anu-
anong pangalan. Baby, babes, sweetheart, honey. Ano pa ba?" Sabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman, babes at baby pa lang ang tinatawag ko sa'yo. Ayaw mo ba ng
endearment? Pasalamat ka nga tinatawag pa kitang babes at baby ko. Iyong ibang
babae ko nga dati, hindi ko alam ang pangalan." Ani niya.

"Di inamin mo rin na may iba kang babae? Akala ko ba loyal ka?"

"Dati lang 'yon, sa ngayon may iba na akong priority." Seryoso pa rin niyang sabi.

"Ano naman 'yon?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Hindi ano, sino." Sabi niya at tsaka niya ako nilingon. Saglit akong natigilan ng
magtama ang mga mata namin. Doon ko naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng
dahil sa kanya.

Saglit kaming tumigil sa paglalakad at tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa


akin. Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mukha. Agad naman akong nag-iwas ng
tingin dahil naiilang ako sa mga tingin niya.

"Look at me, Jeorge." Mahina niyang sabi at tsaka niya marahang iniangat ang mukha
ko upang matignan siya. Nagsalubong ang mga mata namin at doon ay naramdaman ko na
naman ang kanina'y nararamdaman ko.

"You are now my priority, Jeorge. Okay? Kaya h'wag kang magseselos sa mga babaeng
lumalapit o nagkakagusto sa akin. Tandaan mo na ikaw lang ang importante para sa
akin. Hindi ko rin naman kasi kasalanan kung ipinanganak akong gwapo, ang dami
tuloy nagkakagusto sa akin." Ani niya at tsaka siya mahinang tumawa. Napasimangot
naman ako sa sinabi niya.

"Alam mo, maniniwala na sana ako sa mga pinagsasabi mo. Iyan lang talagang mukha mo
ang hindi kapani-paniwala." Sabi ko sabay irap. Humalakhak lamang siya sa sinabi
kong iyon at tsaka hinawakan ang kamay ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Basta lahat ng sinabi ko sa'yo totoo. Tsaka hindi ako titigil na suyuin ka, kasi
alam ko namang nag-iinarte ka lang at gusto mo pa 'yong binebaby ka." Sabi niya sa
akin.

"Gago ka!"

"Sus, itong tinatawag mong gago. Aalagaan ka nito at poprotektahan ka kapag may
nanakit sa'yo!"

"Baka ikaw ang manakit sa akin!" Agad kong sagot sa kanya. Sumimangot naman siya sa
sinabi kong iyon at narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura.
"Dapat may rule tayo." Sabi niya bigla.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niyang iyon. "Rule? Ano namang rule?" Tanong ko
sa kanya.

"Hahalikan kita kapag binara mo ako tapos hahalikan mo ako kapag binara mo pa rin
ako. Ano deal ka?" Ani niya. Sinimangutan ko naman siya.

"Bakit parang pabor ata sa'yo ang ginawa mong rule?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi
naman siya sa sinabi kong iyon.

"Ganoon talaga, lagi mo na lang akong binabara kaya dapat sa akin pabor ang rule.
Tsaka ako ang gumawa kaya ako dapat ang may mas magandang benefit." Pagdadahilan
niya.

"Ayoko nga, hindi naman ako tanga para magpauto sa'yo. At alam ko namang technique
mo lang 'yan para makascore sa akin. Iba na lang ang utakan mo, Travis. Dahil
hinding-hindi mo ako mauutakan." Sabi ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kung
hindi ang sumimangot lang.

Minsan pala, ang sarap din kausap nitong si Travis. Palagi kasing pulos mga
kababuyan ang mga sinasabi niya sa akin noon kaya ayaw ko siyang kakausapin. Tsaka
naiinis ako sa kanya kapag kinakausap ko siya, naaasar kasi ako sa mukha niya.
Ngayon ko lang napagtanto na masarap siyang kausapin kapag medyo matino siya,
tipong parang ayoko nang matapos pa ang oras at gusto ko na lang siyang kausapin ng
matagal.

Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng gate ng bahay namin kaya agad
ko siyang nilingon at nakita kong nakasimangot ang mukha niya na para bang hindi
niya gustong pumasok ako sa loob.

"Papasok na ako." Sabi ko sa kanya dahil ayaw niyang bitiwan ang kamay ko. Mahigpit
pa rin niya iyong hawak.

"Dito ka muna." Parang bata niyang sabi.

"Gabi na, mapapagalitan na ako ni Daddy." Sagot ko naman sa kanya. Ngumuso siya na
para bang ayaw akong pakawalan.

"Gusto pa kita makasama." Mahina niyang sabi.

"At bakit? Ilang oras mo na akong kasama kanina ah!" Sagot ko naman.

"Mamimiss kita agad." Nakasimangot niyang sabi. Hindi pa naman sila umiinom ah?
Bakit parang lasing na ang isang 'to?
"Magkikita pa rin naman tayo, masyado kang over acting. Tsaka tigilan mo nga 'yang
drama mo, hindi bagay sa'yo." Sabi ko at tsaka ko ginulo ang buhok niya. Namumula-
mula pa ang mukha niya habang nakatitig sa akin.

"Dito ka lang sa tabi ko." Seryoso niyang sabi sa akin. I suddenly swallowed the
lump formed in my throat. I suddenly feel my heart beats faster lalo na ng bigla
niya akong yakapin. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon pero hindi ko alam kung bakit
ganito ang nararamdaman ko at isinasagot ng katawan ko. Hindi ako nakakilos at
hinayaan ko lamang siyang yakapin ako ng mahigpit. Binalot ng nakabibinging
katahimikan ang paligid naming dalawa at wala ang isa sa amin ang nagsasalita.
Pumikit ako at dinama ang init ng katawan niya, ang higpit ng pagkakayakap niya.
Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso niya dahil magkadikit ang dibdib naming
dalawa. Ramdam ko iyon, pati na rin ang paghinga niya at para bang lahat ng
nararamdaman niya ay nararamdaman ko rin.

"K—Kailangan ko ng pumasok, Travis." Nagawa kong sabihin sa gitna ng mga yakap


niya. Agad naman siyang kumawala sa pagkakayakap sa akin at tsaka diretsong
tumingin sa akin.

"Sige na, pumasok ka na. Hintayin kitang makapasok bago ako umalis." Ani niya.
Ngumiti naman ako sa kanya at tsaka dahan-dahang lumapit. Walang pag-aalinlangan ko
siyang hinalikan sa pisngi at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Good night, panget." Sabi ko at tsaka ko siya binigyan ng isang ngiti. Tumalikod
na ako sa kanya para pumasok sa loob. Saglit ko siyang nilingon at naroroon pa rin
siya sa pwesto niya at nakangiting nakatitig sa akin.

Wala sa sariling napasandal ako sa gate namin ng makapasok na ako. Nararamdaman ko


kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Ayoko mang sabihin, pero parang
nagugustuhan ko na si Travis. Oo, hindi ko tipo ang mga tulad ni Travis pero bakit
ganito? Bakit parang unti-unti ko na siyang nagugustuhan?

Mariin akong pumikit at ilang ulit na umiling. Hindi ito maaari, ayokong mahulog sa
kanya pero hindi ko alam kung paano ko iyon pipigilan. Kung papaano ko mapipigilan
ang hindi mahulog sa kanya ng tuluyan.

Huminga ako ng malalim at tsaka pumasok sa loob ng bahay namin. Nadatnan kong
tahimik na sa loob ng bahay namin ng pumasok ako, marahil ay nagpapahinga na silang
lahat dahil alas nuwebe y media na ng gabi. Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na
nagpalit ng damit.

Humiga na ako sa kama ko ng matapos akong mag-ayos. Agad ko namang kinuha ang phone
ko para tignan kung sino ang nag-text. Nakasanayan ko na kasing gawin iyon bago
matulog. Mayroong iilang texts akong na-received at isa roon ay si Travis. Una ko
munang binuksan ang ibang texts na puro group message lang bago ang sa kanya.

Travis:
Matulog ka na, susunduin kita bukas.

Agad naman akong nagreply sa text niyang iyon.

Ako:

Hindi ako makatulog, nag-iinom na kayo? Bakit mo ako susunduin?

Naghintay lang ako saglit sa reply niya at wala pang ilang segundo ay nagreply agad
siya.

Travis:

Nag-iinom na kami, si Shaun sumuka agad. Bakit hindi ka makatulog? Namimiss mo agad
ako 'no? Mag dedate tayong dalawa bukas.

Ako:

Siraulo! H'wag kang mag-iinom ng marami ah? Lalaki tiyan mo. Saan mo na naman ako
dadalhin?

Travis:

Opo, babes. Matulog ka na, kailangan maganda ka sa date nating dalawa. Bukas mo
malalaman kung saan.

Ako:

Babes mo mukha mo. Anong oras ka ba pupunta?

Travis:

Kunwari ka pa, kinikilig ka naman. Basta, pupunta ako diyan. Matulog ka na, gusto
ko sobrang maganda ka sa date nating dalawa.

Ako:

Sira! Oo na, matutulog na ako. H'wag kang iinom ng marami. Okay? Goodnight.

Travis:
Goodnight babes:*

Inilapag ko na ang cellphone ko sa may gilid pagkatapos kong mabasa ang huling
reply ni Travis. Saglit akong napatitig ako sa puting kisame ng kwarto ko. Hindi
naman siguro masamang bigyan ng pagkakataon si Travis, hindi ba? Lahat naman tayo
dapat magkaroon ng pagkakataon at ayos lang siguro kung bibigyan ko si Travis ng
isang pagkakataon.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Twenty Two

TWENTY TWO

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Witwiw." Bungad sa akin ni Travis pagkababa ko mula sa itaas. Kulay puting tokong
shorts at itim na polo shirt ang suot niya samantalang isang kulay pink na dress
naman ang suot ko. Simple pero ang gwapo niya tignan lalo na't nakasuot pa siya ng
bonet at shades na may tatak na RayBan.

"Saan ba tayo pupunta?" Masungit kong tanong sa kanya habang pinapasadahan ko ng


tingin ang kabuuan niya.

"Basta malalaman mo mamaya!" Ani niya at tsaka siya lumapit sa akin. Hindi maalis
ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin. Nakita ko pang kinagat niya ang
ibabang labi niya ng dumako ang tingin niya sa mga labi ko. Agad naman akong nag-
iwas ng tingin.

"H—H'wag mo nga akong titigan!" Naiilang kong sabi sa kanya. Hindi ko kasi kayang
salubungin ang mga tingin niya lalo na't ang gwapo niya sa paningin ko ngayon. Alam
ko rin naman kasing minamanyak niya lang ako.

"Why not?" Matigas na ingles niyang tanong.

"B—Basta! H'wag mo akong titigan!" Saad ko. Naramdaman kong mas lumapit pa siya sa
akin. Nagulat ako ng bigla niyang iangat ang mukha ko upang matignan siya. Hindi
naman agad ako nagalaw sa ginawa niyang iyon.

"Tititigan kita kahit kailan ko gusto, maliwanag ba Jeorge?" Nakangisi niyang sabi
habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. Akmang magsasalita na ako ng makarinig
kami ng pagtikhim sa may likuran namin. Mabilis kaming naghiwalay ni Travis dahil
doon.

"Good day po, Tito." Bati ni Travis kay Daddy. Seryoso lamang itong nakatingin kay
Travis at sa akin.

"What are you doing here, young man?" Seryosong tanong ni Daddy kay Travis. His
face suddenly turned pale and I saw the movements of his adam's apple. I tried to
suppressed my laugh.

"S—Sir, I—I just want to invite your daughter for a date." He's stammering while
talking to my Dad.

"And she said yes?" Tanong pa ni Daddy.

"Y—Yes." Nauutal pa rin na sagot ni Travis.

"And you never ask for my permission?" Dagdag pa ni Daddy. I raised my eyebrow at
him, I know my Dad. He's just testing Travis. Sana nga lang ay makapasa si Travis
sa test ni Daddy.

"Is it necessary?" Rinig kong bulong ni Travis.

"Are you saying something, young man?" Magkasalubong na kilay na tanong ni Daddy.

"N—Nothing sir, I just want to ask if I could go with your daughter just for this
day? I promised I will take care of your daughter." May kumpiyansang sabi ni Travis
kay Daddy. Bilib naman pala talaga ako sa kumpiyansa sa sarili nitong si
Montemayor!

"Are you sure you can take care of my daughter?" Ani ni Daddy habang matalim na
nakatingin kay Travis.

"I assure it to you, sir." Agad na sagot ni Travis. I crossed my arms around my
chest while watching them talking. They are so cute how my Dad interrogate Travis.

"How sure you are, Mr. Montemayor?"

"I could bet my life to that, sir." May kumpiyansang sagot ni Travis. Hindi naman
nagsalita si Daddy at tumingin lamang siya sa akin bago muling ibaling ang tingin
kay Travis.

"Well, If that's sure you are. I'm allowing you to have my daughter just for this
day. But remember, she has a curfew and it's only eight in the evening. Am I
clear?"
"Ahh—sir, can I have some request?" Ani Travis. Napakunot naman ang noo ko sa
sinabi niyang iyon. Aba, ang unggoy humihirit pa!

"What is it?"

"C—Can you make it nine? I promise, I'll bring her home before nine. Please?" Saad
ni Travis habang nagpapacute pa kay Daddy. Duda naman akong umepekto iyon sa Daddy
ko, knowing how terror he is. Si Kuya nga na lalaki, may curfew na eight thirty,
ako pa kaya?

"Okay, just nine in the evening. I'll be waiting before nine. Okay?" Ngumiti naman
si Travis sa sinabing iyon ni Daddy. Bumaling naman ang tingin ni Daddy sa akin.

"You young lady, no bases okay?" Seryosong sabi ni Daddy. Nanlaki naman ang mga
mata ko sa sinabing iyon ni Daddy.

"No way, Dad!"

HINDI maalis ang ngiti sa mukha ni Travis kahit nakapasok na kami sa loob ng
sasakyan niya. Para bang nanalo siya sa isang argumento na matagal na niyang
inililalaban. Nasa loob na ang driver niya pagkapasok namin sa sasakyan niya.

"Kinabahan ko roon ah! Napa-english ako ng wala sa oras dahil sa Daddy mo. Ang
hirap talaga kapag graduate ng Political Science at Law ang kausap mo." Ani niya.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin, Travis?" Tanong ko sa kanya. Binuhay na ng driver


niya ang makina nang sasakyan ng senyasan ito ni Travis. Nagsimula na rin itong
magmaneho. Ala una pa lang naman ng tanghali kaya marami pa kaming oras para sa
date naming dalawa.

"Motel, aanakan na kita." Sagot niya sa akin. Agad ko namang tinampal ang bibig
niya sa sinagot niyang iyon. Minsan talaga, kahit seryoso ang usapan. Hindi mo
makausap ng matino ang mga Montemayor.

"Saan nga?!" Iritable ko ng tanong sa kanya.

"Mamaya, malalaman mo kung saan kita dadalhin. Basta pagkatiwalaan mo lang ako,
okay?" Tinaasan ko naman siya ng kilay sa sinabi niyang iyon. Siya pagkakatiwalaan
ko? Ha!

"Aba, Montemayor. Sa tingin mo ba mapagkakatiwalaan ko 'yang mukha mong 'yan?"


Sarkastikong sabi ko sa kanya. Sumimangot naman siya sa sinabi kong iyon.

"Bakit? Ang dami ngang nahuhumaling sa gwapo kong mukha, tapos ikaw hindi mo ako
magawang pagkatiwalaan?" Hindi makapaniwala niyang sabi. Tinaasan ko naman siya ng
kilay.

"Alam mo minsan, nakakagwapo ang pagiging humble. Try mo, baka umepekto sa'yo."
Sarkastikong sabi ko sa kanya. Ang taas ng tingin sa sarili, nakakainis!

"Hindi na kailangan, baka mamaya n'yan lahat ng babae ay mahumaling pa sa akin.


Siyempre kapag ganoon, mawawalan na ako ng atensyon sa'yo kasi marami nang babae
ang lalapit sa akin." Nakangisi niyang sabi.

"Aba, mas maganda nga iyon! Para naman wala ng kukulit sa akin at hindi ko na
makikita 'yang pagmumukha mong iyan. Sawang-sawa na rin kaya ako na makita ka."
Diretsa kong sabi sa kanya.

"You're so mean." Nakanguso niyang sabi. Napangiti naman ako sa itsura niyang iyon,
ang cute niya talaga kahit kailan.

"I am not mean, Montemayor. I'm just stating the fact. Mas maganda na iyong sabihin
ko sa'yo ang totoo kesa naman pinaplastic kita." Kaswal kong sabi sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi ko ang mga iyon.

"Napilitan ka lang ba sumama sa akin, Jeorge?" Seryoso niyang tanong. Napatingin


naman ako sa kanya sa sinabi niyang iyon.

"Sabihin mo lang kung napipilitan ka lang, iuuwi rin kita agad. Ayoko namang isipin
na nakipagdate ka lang sa akin dahil napilitan ka. Kung gusto mong umuwi, iuuwi
kita." Mahina at seryoso niyang sabi. Napataas naman ulit ang kilay ko, may talent
pala siya sa larangan ng drama?

"Oo, napipilitan lang akong sumama sa'yo." Diretso kong sagot sa kanya. Nakita ko
namang nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi kong iyon.

"Manong, itigil n'yo na lang po diyan sa may gilid ang sasakyan." Malamig niyang
sabi.

Agad namang tumigil ang sasakyan niya sa may gilid. Napakunot ang noo ko sa sinabi
niyang iyon.

"H—Hoy, nag jojoke lang ako."

"Ihahatid ka ng driver ko pauwi kung 'yan ang gusto mo." Ani niya at tsaka bumaba
ng sasakyan. Kumalabog naman ang dibdib ko sa pagbaba niyang iyon.

"Manong h'wag n'yong paandarin ang sasakyan. Susundan ko lang ho iyong matampuhin
n'yong amo." Sabi ko at tsaka ako nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Nakita ko
namang naglalakad ng mabilis si Travis kaya agad ko siyang tinawag.
"Travis!" Hindi siya lumingon kaya agad akong naglakad ng mabilis. Hindi ko naman
siya maabutan dahil malalaki ang hakbang niya. Ang tangkad niya kayang tao!

Tumakbo na ako ng malayo na ang agwat niya sa akin, buti na lang naisipan kong
magsuot ng flats ngayon.

Nang maabutan ko siya ay agad kong hinigit ang braso niya at tsaka ko siya
pinaharap sa akin. Magkasalubong ang makakapal niyang mga kilay at bakas sa mukha
niya ang inis at galit.

"Ano pa bang gusto mo?! Hindi ba't ayaw mo naman akong makasama?! Umuwi ka na
lang!" Iritable niyang saad sa akin. Pinilit niyang pumiglas sa pagkakahawak ko sa
kanya at nagawa naman niya iyon ng walang hirap.

"Ang arte-arte mo kamo! Kalalaki mong tao ang drama mo! Hindi ka na mabiro, kahit
kailan!" Sabi ko sa kanya. Pinisil ko iyong matangos niyang ilong pati na rin ang
namumula-mula niyang pisngi. Nakasimangot lang siya habang ginagawa ko iyon.

"Umalis ka na, ayaw mo naman pala sa akin tapos pinipilit mo pa ang sarili mong
pakisamahan ako!" Parang bata niyang sabi. Napangiti naman ako na abot tenga sa
sinabi niya.

"Ay, nagtatampo si Montemayor." Nakangisi kong sabi. Sinundot-sundot ko pa iyong


gilid niya para kilitiin siya.

"Tsk." Saad niya at tsaka siya nag-iwas ng tingin. Pinagpatuloy ko naman iyong
pang-aasar ko sa kanya at alam ko namang maya-maya lang ay bibigay na 'yan.

"Ang laki-laki mong tao, nagtatampo ka pa! Tara na, mag-date na tayo." Ani ko.

"Ayoko! Mag-date ka na lang mag-isa, tutal naman ayaw mo sa akin!" Nagtatampo


niyang sabi.

"Sigurado ka bang ayaw kong kasama ka mag-date? Paano kapag sinabi kong gusto naman
talaga kitang makasama? Tuloy pa ba ang date natin ha, Montemayor?"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================
Chapter Twenty Three

TWENTY THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"What we are doing here, Travis?" I asked why looking at him. He just showed me a
smile for an answer.

"I'm always here when I wanted to be alone." He said. I suddenly felt his hand
slowly intertwined with my right hand. I feel my heart beats really fast. He looks
at me and showed me his deadly grin.

"Pero ngayon, pupunta na ako rito kasi kasama kita." Nakangiti niyang saad sa akin.
Hindi naman agad ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung kinikilig
ba ako o hindi. Hindi ko pa naman kasi naranasan na kiligin kay Travis.

"M—Masyadong malayo rito."

"Ayos lang, kasama naman kita. Gusto mo itanan na kita rito?" Nakangisi niyang
sabi. Binatukan ko naman siya agad. Itanan niya ang mukha niya! Mag-aaral pa kaya
ako ng law!

"Itigil mo 'yang mga kalokohan mo, Montemayor. Hindi ako natutuwa."

"Sorry na, bebehave na ako." Sabi niya. Napatingin naman ako sa mga kamay naming
magkahawak. Ang higpit ng hawak niya roon na para bang ayaw niya akong mawala sa
kanya. Na para bang iyon na ang bagay na pinakagusto niyang gawin panghabang-buhay.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Malaki iyon at parang isang
bahay bakasyunan ang bahay na 'yon. Agad ko namang nilingon si Travis.

"Kaninong bahay ito?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, lumabas lang siya ng
sasakyan kaya lumabas na rin ako.

Agad kong naramdaman ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa paglabas kong
iyon. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na mas matignan ang kabuuan ng bahay. May
malaking MONTEMAYOR ang nakalagay sa itim na mataas na gate kaya nasisiguro kong sa
mga Montemayor iyon.

"Bahay bakasyunan ng mga Montemayor. Walang tao rito, iilang katiwala lang na
nagbabantay at nangangalaga rito. Hindi kami masyadong nagpupunta rito, malimit ay
sa Rancho sila pero ako gustong-gusto ko rito." Ani niya. Muli ko namang tinanaw
ang kabuuan ng buong bahay at masasabi kong maganda at mukhang nakakatakot ang may-
ari noon. Naramdaman ko namang muli ang kamay ni Travis sa mga kamay ko.
"Pumasok na tayo, malamig dito sa labas." Ani niya. Pumasok naman kasi sa mataas na
gate at mas lalo akong namangha nang makita ko ang loob ng bahay. Kulay itim at
puti lamang ang kulay ng bahay pero maganda ang pagkakadesenyo at nadadala ng
desensyo ang kulay ng bahay.

Pumasok kami sa loob at tama nga siya, wala ngang masyadong tao. May isang katiwala
ang sumalubong sa amin at agad kaming binati. Ngumiti lamang ako bilang tugon at si
Travis lang ang kumausap. Pagkatapos noon ay bigla niya akong inaya sa itaas, medyo
kinabahan ako kasi sa mga nababasa kong libro. May nangyayari sa mag-ganito. Aba,
subukan niya lang na tangkain akong gahasahin. Puputulin ko ang dapat maputol!

"Pwede mo naman kasi akong sa mall na lang dalhin, bakit dito pa?" Sabi ko sa
kanya. Papaakyat kami sa itaas at sa tingin ko ay sa rooftop.

"Ang dami mo namang sinasabi, sa gusto kitang dito dalhin, ano'ng magagawa mo?
Tsaka ikaw ba gagastos? Hindi naman hindi ba?" Diretso niyang sabi. Sinimangutan ko
naman siya sa sinabi niyang iyon. Unggoy na 'to!

"Ano ba kasi ang gusto mong ipakita at—" Bigla akong natigilan ng buksan niya ang
pinto ng rooftop. Naramdaman ko ang pag-awang ng mga labi ko sa nasaksihan ko.
Hindi ko naman inaakala ang surpresa niya at ngayon ko lang naranasan ang ganito.
Ang may magsurpresa sa akin.

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiti niyang tanong habang inaaya niya akong maglakad sa
isang lamesa na napapalibutan ng mga pulang rosas. I don't know what I am going to
feel, but right now. I feel so special because of him.

"Y—You did all of these?" I asked. Nakita ko namang napakamot siya sa likod ng ulo
niya habang nakangiti.

"Ako lang nagplano, pero hindi ako ang gumawa. Pasensya na? Hayaan mo next time,
ako na gagawa." Nakangiti niyang sabi habang kakamot-kamot sa likod ng ulo niya.
Wala sa sarili naman akong napangiti. I couldn't believe that he could do this.
Yes, I know that he did not do these, but he's the person behind these all.

"Umupo ka na." He whispered. Umupo naman ako at siya pa mismo ang nag-ayos ng upuan
ko.

"Saan ka naman kumuha ng pera para magawa ang lahat ng ito? Baka mamaya n'yan
kumupit ka lang sa Daddy mo. " I lifted a brow at him.

"Grabe ka naman, Jeorge! Kahit na maliit lang ang allowance ko, sa akin pa rin
galing ang lahat ng ito. Nag-ipon ako ng matagal para masurpresa ka ng ganito." He
said and I couldn't do nothing but to smile. If Travis could be this noble for all
the time. I might really fall for him.

"Talaga?" I said while narrowing my eyes at him.


"Oo nga! I even borrowed some money to Axcel just for these things, just to
surprise you!" He said pouting his lips.

Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Walang pag-aalinlangan ko siyang hinalikan sa


pisngi at tsaka ako tumingin ng direkta sa mga mata niya.

"Salamat, ikaw lang ang bukod tanging lalaking nakagawa nito sa akin." Nakangiti
kong sabi sa kanya bago ako bumalik sa kinauupuan ko. Nakita ko naman ang pamumula
ng mukha niya at ang pag-iwas niya ng tingin. Tumikhim pa siya at halatang hindi
makatingin sa akin.

"Y—You don't need to thank me for this." Saad niya ng hindi tumitingin sa akin.
Nakakainis, bakit ba nahihiya siya? Siya nga itong gumawa nitong surprise niya para
sa akin tapos nahihiya pa siya.

"I want to thank you, it's my choice. You are the first person who did these things
to me." I answered.

"G—Good, dapat ako lang." Sagot niya na hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Bakit ba ayaw mo akong tignan, Travis?" Naiinis kong sabi sa kanya. Tumingin naman
siya sa akin tapos nag-iwas ulit ng tingin.

"W—Wala." Nauutal niyang sagot.

"Tumingin ka nga sa akin, kapag hindi ka tumingin aalis ako." Diretso kong sabi sa
kanya. Wala naman sigurong mali sa akin? Ayos naman ako, hindi naman kita ang
cleavage ko o ano pa man. Pero bakit ba hindi siya makatingin sa akin ng maayos?

"Isa."

"Tsk."

"Dalawa."

"Shit."

"Tatlo."

"Oo na, ayan na! Nakatingin na ako sa'yo, masaya ka na? Bakit ba kasi ang ganda mo
ngayon, tangina." Mahina niyang sabi sa akin. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng
dugo sa mukha ko. Bwisit na lalaking 'to!
"Bakit mo naisipan mong surpresahin ako ng ganito, Montemayor?" Tanong ko sa kanya.
Tinitigan naman niya ako at aaminin ko, naiilang ako.

"Gusto ko lang kasing bumawi sa'yo, sa lahat ng mga pang-aasar ko at mga


katarantaduhang nagawa ko sa'yo. Oo, aaminin ko na hindi sapat ito para makabawi
sa'yo, pero hayaan mo. Kapag naging tayo na, paliligayahin kita araw man o gabi."
Nakangisi niyang sabi. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang huli niyang
sinabi. Para kasing dalawa ang ibig sabihin noon.

I was about to say something when he suddenly stood up. He walks towards the door
and I couldn't do nothing just to watch what he's doing. Naghintay ako ng ilang
minuto hanggang sa bumalik siya.

"Ano'ng ginawa mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at ningitian niya lang
ako.

"Pinadala ko na ang pagkain natin. Baka kasi nagugutom ka na, ayoko pa namang
nagugutom ka. Gusto ko bubusugin kita hanggang pati tiyan mo lumaki nang dahil sa
akin." Ani niya na may nakakalokong ngisi sa labi.

"So balak mo akong buntisin?"

"Hindi ah! Balak lang kitang anakan." Mabilis niyang sagot. Sinimangutan ko naman
siya.

Dumating ang pagkain dala ng isang katiwala. Hindi katulad sa isang date, mga
lutong ulam ang pinaluto niya. Sinigang, adobo, inihaw, prito at kung anu-ano pa.
Mas ayos na 'yon kesa sa mga pagkain sa restaurant na mahal na nga, hindi ka pa
mabubusog.

"Nagustuhan mo?" Tanong niya habang panay ang subo ko.

"Oo naman, ang sasarap ng luto." Sagot ko sa kanya. Buong pagkain ko ay wala siyang
ginawa kung hindi ang titigan ako. Kapag tinatanong ko naman siya kung bakit niya
ako tinititigan, sasagutin niya lang ako na maganda ako.

"Jeorge." Bigla akong nag-angat ng tingin ng magsalita siya.

"Why?"

"Gusto kita." Diretso at walang pag-aalinlangan niyang sabi. Naramdaman ko naman


ang paghuhumerentado ng puso ko sa sinabi niyang iyon at para bang may kung anong
bagay ang nagwawala sa sistema ko.

"T—Thank you." Nagawa kong isagot sa sinabi niya. Bigla siyang tumayo at inaya rin
niya akong tumayo.
"Akala ko 'gusto rin kita' ang isasagot mo. Na-thankyou zoned mo ako." Natatawa
niyang sabi.

"Alangan namang sabihan din kita ng ganoon eh hindi pa naman? May oras para diyan
h'wag ka lang magmadali." Sabi ko sa kanya. Tinignan ko ang buong lugar na tanaw
mula rito sa pwesto naming dalwa. Malamig ang simoy ng hangin at ang sarap sa
pakiramdam na makita ang buong syudad na unti-unting nabubuhay sa gabi. Nagulat na
lamang ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Hindi ko alam kung bakit
ganito ang naging reaksyon ng katawan ko pero gusto ko ito. Mahigpit niya akong
niyakap na tipong para ayaw na niya akong bitiwan pa.

"Kung iyan ang gusto mo, gagawin ko.Maghihintay ako hanggang sa dumating ang araw
na magustuhan mo rin ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko,
basta ang alam ko gusto kita. Gusto kita kahit na lagi mo akong binabara, lagi mo
akong sinisigawan at sinusungitan. Gusto kita kasi ikaw si Jeorge, kahit pa maliit
'yang boobs mo, gusto kita." Seryoso niyang sabi.

"Napaka mo, Montemayor!"

"Joke lang, pwede namang pagtyagaan na 'yan kahit maliit." Natatawa niyang sabi.
Ngumuso naman ako sa sinabi niya. Bwisit talaga ang lalaking 'to kahit kailan!

Bigla niya akong iniharap sa kanya at nasalubong ko ang mga mata niyang titig na
titig sa akin. Muli na naman bumilis ang tibok ng bwisit kong puso.

"Iba ako magmahal at ipaparanas ko sa'yo kung paano magmahal ang isang Montemayor."
Sabi niya at hindi na ako nagulat pa ng biglang maglapat ang labi naming dalawa.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Twenty Four

TWENTY FOUR

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Mag-iinom kayo?" Kunot noong tanong ko kay Travis. Birthday ngayon ni Shaun at
nandito kami sa bahay nila. Hindi naman malaki ang handaan at mga kamag-anak at
malalapit na kaibigan lang ang imbitado. Ayaw kasi ni Shaun ng malaking handaan,
hindi na naman daw siya bata para maghanda ng ganoon.
"Oo, valid naman daw na mag-inom kami ngayon sabi ni Tito Levinn." He answered. I
narrowed my eyes on him.

"Duda akong mag-iinom ka lang, baka mamaya n'yan manigarilyo ka na naman!" Inis
kong sabi sa kanya. Ayos lang naman kasi sa akin ang manigarilyo siya pero
dinadalasan kasi niya at baka mamaya n'yan maaga siyang mamamatay!

"Isa lang." Sagot niya.

"Isa lang, kapag ikaw namatay ng maaga d'yan! Makikita mo, Montemayor. Ako pa mismo
ang papatay sa'yo ng sobrang aga!" Naiinis kong sabi sa kanya. Isinumbong kasi siya
ni Shaun sa akin na naninigarilyo siya kapag wala ako, kaya nagalit ako sa kanya.
Oo nga, hindi pa naman kami pero ayoko namang mangitim ang labi niya sa
kakasigarilyo niya. Lips niya na nga lang ang pinakapaborito kong tignan sa kanya,
sisirain pa niya. Ang pula kaya ng labi niya kahit wala siyang lipstick.

"Oo na hindi na, pasok na tayo sa loob. Gusto ka raw makausap ni Mommy. Ipapakasal
na ata ako sa'yo, kasi sabi ko ikaw na lang ang iregalo niya sa birthday ko."
Nakangisi niyang sabi. Inirapan ko naman siya.

"Hindi mo ako madadaan sa pagpapacute mo, Montemayor. Tigil-tigilan mo 'yang bisyo


mo, ayos na 'yong alak lang h'wag lang ang sigarilyo." Sabi ko sa kanya.

Pumasok na kami sa loob at agad naman kaming sinalubong ng ingay na nagmumula sa


malaking speaker na nasa gilid. Naroroon na sila Din, Heena, Felice, Rissa, Axcel,
Aivan, Xander, Symon, Allen, Allen at ang birthday boy na si Shaun. Naramdaman ko
naman ang paghawak ni Travis sa kamay ko. Hindi ko na pinansin iyon dahil sanay na
naman ako sa kanya. Ilang buwan na rin kasi ang lumipas simula ng ligawan niya ako
at sanay na ako sa presensya niya.

"Buti naman nakarating ka! Babalatan ko na sana itong si Ravis kanina eh." Sabi ni
Din sa akin. Nagbeso lang kaming mga babae at tsaka ako umupo sa tabi ni Heena. Sa
kabila ko naman ay si Travis na kausap ni Xander.

"Ang dami rin pala nilang kamag-anak at kaibigan sa mother side, 'no?" Ani Heena.
Tumango naman ako at tsaka ko inilibot ang paningin ko sa mga bisita. Tama nga,
marami rin silang kamag-anak sa ibang side. Malaki rin naman kasi talaga ang angkan
ng mga Montemayor.

"Travis?!" Bigla akong napalingon sa babaeng nagsalita. Agad na napataas ang kilay
ko ng lumapit ang isang higad kay Travis at niyakap ito ng mahigpit. Aba, aba.

"Liana? Ikaw na ba 'yan?" Gulat na tanong ni Travis. Kinuha ko naman ang isang
basong juice na nasa harap ko at mabilis na nilagok iyon.

"Ahh, Jeorge. Alak ata ang ininom mo?" Mahinang sabi sa akin ni Heena. Hindi ko
naman siya pinansin dahil ang buong atensyon ko ay na kay Travis at sa higad na
nagngangalang Liana.

"Ang gwapo mo na, Travis! Parang dati magkaheight lang tayo, ngayon ang tangkad at
ang gwapo mo na!" Ngiting-ngiting sabi ni higad na kulang na lang mapunit ang mukha
niya sa kakangiti. Napatingin naman ako sa dibdib niya at walang dudang mas malaki
ang joga niya kesa sa akin. Ilang lalaki na kaya ang napasuso niya?

"Ikaw din, gumanda ka pa lalo. Ang tagal din nating hindi nagkita, mga tatlong taon
na rin." Nakangiting sabi ni Travis. Naningkit naman ang mga mata ko sa kamay ni
higad na nasa dibdib ni Travis. Kitang-kita ko kung paano niya marahang haplusin
ang dibdib ni Travis at kung paano niya tignan ng malagkit si Travis.

Hindi ako nagseselos dahil una sa lahat, wala akong karapatan. Hindi ko naman mahal
si Travis at hindi ko rin naman siya gusto. Pero attractive ako sa kanya at alam
kong kalaunan ay magugustuhan ko rin siya. Pero kung gusto niyang lumandi ng
lumandi. Aba, go lang! Hindi ko siya pipigilan!

"I remember it, you are my boyfriend that time." Nagpantig ang mga tenga ko sa
narinig kong iyon. Aba, ex pala ng Montemayor na 'to ang higad na 'to? Hindi na
naman ako nagulat, ang laki kaya ng joga niya! Iyon pa naman ang unang tipo ni
Travis sa mga babae. Iyong malapakwan ang laki ng dede.

"Yeah, it's in the past. I have already moved on. Ikaw ba? Kamusta ka na? Kasama mo
ba sina Tita Lorie?" Tanong ni Travis.

"Jeorge, kain muna tayo?" Bulong sa akin ni Heena. Tumango naman ako at tsaka kami
tumayo para kumuha ng pagkain. Bahala silang maglandian ng maglandian.

"Halatang nagseselos ka sa kausap ni Travis." Sabi sa akin ni Heena.

"Bakit naman ako magseselos?" Minsan hindi ko alam kung normal ba 'tong si Heena,
siya nga dapat itong dapat magselos dahil may girlfriend si Axcel tapos ako pa
'tong pinipilit niyang dapat magselos.

"Hindi ko alam, basta nakikita ko lang." Nakangiti niyang sabi. Nagkibit balikat na
lang ako at tsaka kumuha ng pagkain. Sinadya ko pa namang hindi kumain ng
tanghalian dahil alam kong mapaparami ako ng kain ngayong gabi. Buti na lang
masusulit ko ang gutom ko kanina.

Pagkabalik naming sa upuan naming kanina ay naroroon pa rin si Travis pati na rin
ang kalandian niya. Bigla naman silang napatigil ng muli akong umupo sa tabi ni
Travis.

"Liana, si Jeorge nga pala. Kaibigan namin." Pakilala niya sa akin. So, kaibigan
niya ako ngayon? Hindi nililigawan? Matinde.
"Nice to meet you." Higad. Nakangiti kong sabi sabay abot ng kamay ko. Mamaya na
ako mag-aalcohol. Nakakahiya naman na sa harap pa niya ako mag-alcohol.

"Nice to meet you too." Nakangiti rin niyang sagot. Pinagpatuloy ko naman ang
pagkain ko habang kinakausap ako ni Din, Heena, Rissa at Felice.

"Jeorge, type ka raw ni Xander." Biglang sabi ni Axcel sa amin. Nakita ko namang
natigilan si Travis at Liana sa pag-uusap nila.

"Oh? Nasaan ba si Xander?" Nakangiti kong tanong. Hindi naman ako tanga para hindi
maintindihan ang gusto nilang iparating.

"Wala, matagal na niyang gustong sabihin kaso mukhang naunahan siya ni Ravis, pero
mukha namang may iba ng prospect si Ravis kaya siguro pwede na. Hindi ba, Ravis?"
Nakangising sabi ni Axcel kay Travis. Nakita ko naman ang pagtagis ng panga at
pagyukom ng mga kamao niya.

"Ayos lang naman sa akin, hindi ko pa naman sinasagot si Travis. Ngayon ko lang
nalaman na ang torpe pala ni Xander." Natatawa kong sabi. Ramdam ko ang matalim na
pagtitig ni Travis sa may gilid ko.

Oh, may kalandian ka na diyan! Magagalit ka pa, ang tigas naman ata ng mukha mo!

"Ganoon talaga si Xander, torpe sa mga magagandang tulad mo. Matalino ka raw kasi
at totoo kang tao kaya ka niya nagustuhan. Hindi ba, bro?" Ani ni Shaun kay Axcel.
Tumango naman si Axcel.

"Kaya pala panay ang texts niya sa akin noong nakaraang araw? Sabi niya sa akin may
gusto siyang sabihin sa akin pero baka mayroong magalit. Sabi ko nga sa kanya, ayos
lang naman." Nakangisi kong sabi. Hah, ano ka ngayon Montemayor!

Narinig ko ang malakas na pagtikhim ni Travis sa may gilid ko. "Hindi mo sinabi sa
akin na nakakausap mo pala si Xander." Mariin na bulong sa akin ni Travis. Nakita
ko naman ang paglipad ng mga tingin nila sa aming dalawa.

"Bakit? Obligasyon ko bang sabihin sa'yo ang lahat ng ginagawa ko? Eh ikaw? Bakit
hindi mo man lang ako kinuwentuhan na mayroon ka palang naging ex na kabayo?"
Mahina kong sabi sa kanya.

"Nililigawan kita—"

"That's the point, nililigawan mo lang ako at hindi mo pa ako girlfriend." Mabilis
kong sagot sa kanya. Tang ina mo, Montemayor! Ganyan ka eh, malandi ka sa ibang
babae pero kapag ako nilalandi nagagalit ka! Pakyu ka rin eh 'no?!

"Oh ayan na pala si Xander eh." Biglang sabi ni Allen. Napalingon kaming lahat kay
Xander na may dalang mga pagkain. May subo-subo pa siyang kung ano sa bibig niya.

"Ano meron?" Inosenteng tanong ni Xander sa amin. Sinadya siyang paupuin sa tabi ko
para mas lalong mapuno si Travis. Hindi ko alam kung bakit pero gustong-gusto kong
nagagalit siya.

"Bagay pala kayo ni Jeorge, Xander." Nakangising sabi ni Alex. Sinegundahan naman
ito ng iba pa. Alam kong nagtitimpi lang si Travis sa may tabi ko.

"Bagay ba? Marami ngang nagsasabi." Natatawang saad ni Xander. Gusto ko tuloy
matawa, ugali kasi ni Xander ang ganito at nakakatuwang sumasang-ayon ang ugali
niya sa sitwasyon.

"Patikim naman ng dala mo." Sabi ko sa kanya. Iniabot naman niya sa akin ang
pagkaing dala niya.

"Masarap 'yan, luto 'yan ni Mommy tsaka ni Tita Freen." Ani niya.

"Kung nagugutom ka pala sana sinabi mo sa akin, pwede naman kitang kuhanan ng
pagkain." Bulong sa akin ni Travis. Gusto ko naman tuloy maawa sa kausap niya,
hindi na siya pinapansin.

"I'm okay, Travis. Kausapin mo na lang si Liana mo at mukhang miss ninyo ang isa't
isa. Hindi ba, Liana?" Higad. Gusto ko sanang idagdag pero buti na lang at may
kontrol ang maganda kong bibig.

"She's right, Travis. Hindi mo ba ako namiss?" Malanding sabi ni Liana. Higad
talaga, ang kati eh. Magkano na ba ngayon ang canesten? Mabilhan nga itong higad na
'to.

"Kitams? Sabi ko naman sa'yo, ayos lang ako. Xander could accompany me, right?"
Sabi ko sabay lingon kay Xander.

"H—Ha?" Nagtatakang tanong ni Xander na busy sa paglantak ng mga pagkaing dala


niya. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata.

"Ah—Oo, tama!" Sagot na lang ni Xander. Akmang magsasalita na ako ng bigla na


lamang tumayo si Travis.

"Putang ina, Jeorge! Si Xander na lang ba lagi?! Andito naman ako ah! Bakit hindi
ako 'yong kausapin mo?! Bakit hindi ako 'yong bigyan mo ng atensyon?! Hindi 'yang
gagong 'yan?!" Sigaw ni Travis. Wala na, game over na. Napuno na si baby
Montemayor.

"Teka, pare. Nandito lang ako at hindi ako gago." Bigla na ring tumayo si Xander.
Nilingon ko naman sina Axcel, Aivan, Allen, Alex, Symon at Shaun para awatin ang
dalawa. Pero ang mga unggoy, nagsitawanan lang.

"Pakielam mo ba, ha?!" Maangas na sabi ni Travis at tsaka itinulak sa dibdib si


Xander. Napatayo naman ako ng wala sa oras.

"Ano ba kayo? Mahiya nga kayong dalawa!" Suway ko sa kanila pero bigla na lang
akong hinatak ni Din paupo.

"Hayaan mo sila, papanonoorin natin sila magsuntukan." Bulong niya sa akin.


Nababaliw na ba sila?! At bakit nila vinivedeohan ang mga 'to?!

"Pakielam mo rin ba?" Maangas na sabi ni Xander. Pero hindi na sumagot si Travis
dahil bigla na lang niyang sinuntok sa mukha si Xander. Hindi naman nagpatalo si
Xander at agad din bumangon para sapakin si Travis, nagsuntukan sila ng nagsuntukan
hanggang sa matigil lang sila ng may maawtoridad na boses ang nagsalita sa may
likuran naming lahat.

"What is the meaning of this?!" Lahat kami ay napalingon sa nagsalita at halos


manlaki ang mga mata namin ng makilala kung sino iyon.

Tito Levinn!

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Twenty Five

TWENTY FIVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Tang ina n'yo!" Galit na sigaw ni Xander kina Axcel na walang tigil sa pagtawa
dahil sa nangyari kanina. Kadarating niya lang mula sa loob at wala pa rin hanggang
ngayon si Travis na malamang ay pinapagalitan pa rin hanggang ngayon. Marami kasi
ang nakakita nang suntukan nilang dalawa at karamihan ay mga kamag-anak nila.

"What did Tito Levinn told you? Sinapak ka ba?" Humahalakhak na saad ni Din.
Nagsitawanan din naman sila at walang nagawa si Xander kung hindi ang sumimangot.

"Nananahimik ako tapos pagtitripan n'yo ako! Mga gago kayo!" Naiinis na pa rin na
sabi niya.
"Kamusta na si Travis sa loob? Gago siya, lagot siya ngayon kay Tito Levinn tsaka
kay Tito Trav. Minsan, nagtataka ako kung pinsan ba natin talaga 'yon o hindi. Ang
bobo kasi!" Ani ni Din.

"Slow lang talaga siya." Sabat ko naman. Napalingon naman ako kay Heena na mukhang
naasar habang kausap si Axcel. Busy namang nag-uusap si Felice at Rissa pati na rin
si Alex.

"Pulos kasi babae't basketball ang laman ng utak! Hindi ko nga 'yon nakitang nag-
aral o nag-review man lang tuwing may exam. Takot nga ata 'yon si Kuya sa libro!"
Natatawang sabi ni Shaun. Nagsisimula na silang mag-inuman at nakakarami na rin
sila. Mga hard at smooth lang ang iniinom nila. Si Din, Heena at Felice ay nag-
iinom din, kaming dalawa lang ata ni Rissa ang hindi nag-iinom na busy naman sa
pagkakalikot ng cellphone niya.

"Kailan tayo dadalaw sa Rancho? Ano ba balita sa Rancho, Aivan? Taong bukid ka
naman hindi ba?" Sarkastikong sabi ni Xander kay Aivan na tahimik lang sa gilid.

"Fuck you, dude." Natatawang sagot ni Aivan. Minsan, napakamisteryo nitong si


Aivan. Mas gusto pa kasi niya sa Rancho kesa sa syudad. Balak atang sundan ang
yapak ng Daddy niya.

"O ayan na pala si Travis eh!" Biglang sigaw ni Allen. Napalingon naman kami kay
Axcel na hindi na maipinta ang mukha sa sobrang pagkasimangot. Umupo siya sa tabi
ko at hindi na naman nila napigilan ang hindi mapatawa.

"Ano ka ngayon? Di naisahan ka ni Tito Levinn!" Saad ni Din at tsaka niya tinawanan
si Travis.

"Ano ginawa sa'yo, Ravis?" Tanong ni Axcel. Sinamaan naman niya ng tingin si Axcel.

"Tang ina mo! Muntik na akong bugbugin ni Daddy dahil sa inyo! Kung hindi lang
umawat si Mommy at Tita Freen, di sana bugbog sarado na 'tong mukha ko!" Inis na
sigaw ni Travis sa kanila. Nilingon ko naman siya at tsaka ko biglang hinawakan ang
kamay niya.

"Pinapatulan mo pa kasi kaya ka inaasar!" Suway ko sa kanya tsaka ko piningot ang


tenga niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumimangot. Tinignan ko naman ang
mukha niya na puro galos.

"Tara, doon tayo sa kwarto mo at linisin natin 'yang sugat mo sa mukha." Sabi ko at
tsaka ko siya hinila patayo.

"Oy, saan kayo pupunta? Mag sosolo kayo ha!" Pang-aasar ni Xander. Mabilis namang
lumipad ang dirty finger ni Travis sa ere.
"Wala ka ng pakielam, gago!" Sigaw ni Travis. Binatukan ko naman siya agad.

"Sabing h'wag ng papatulan! Ang kulit!" Iritable kong sabi sa kanya. Hinila ko na
siya papasok sa loob at doon ay nadatnan namin ang mga matatandang Montemayor na
mga nag-uusap.

"Uhh, Tita. Aakyat lang po kami sa itaas, lilinisin ko lang po ang mga sugat nitong
makulit n'yong anak." Nakangiti kong sabi kay Tita Celestine. Dumako naman ang
tingin ko kay Tito Levinn na seryosong nakatingin sa amin. Agad akong nag-iwas ng
tingin, nakakatakot kasi siyang tignan. Baka mamaya, bigla na lang kaming kagatin.

"I already talked to you, Travis Kiel. Ayokong sa susunod ay malalaman kong nag-
aaway na naman kayong magpipinsan." Maawtoridad na sabi ni Tito Levinn.

Para namang tutang tumango si Travis sa sinabi ni Tito Levinn. "Opo, Tito."
Magalang niyang sagot.

"O siya sige, bumaba agad kayo hija pagkatapos n'yong linisin ang sugat ng makulit
na 'yan, ha? May medicine box siya sa kwarto niya." Ani ni Tita Celestine.
Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Teka, iniisip ba nilang may
gagawin kami nitong bakulaw na 'to? Aba, aba!

"Opo, bababa rin po kami." Nakangiti kong sagot. Umakyat na kami sa itaas at
dumiretso kami sa kwarto niya. Namangha naman ako ng makapasok ako sa loob ng
kwarto ni Travis. Ang laki kasi noon at mas malaki pa sa kwarto ko. Dalawa ang kama
roon at malamang ay kay Shaun ang isa.

"Iisa lang kwarto n'yo?" Tanong ko. Sinarado ni Travis ang pinto ng kwarto niya at
nakita ko pang nilock niya iyon.

"Oo, isa lang. Pareho naman kaming lalaki sabi ni Mommy. Hindi ko naman nakikitang
bading si Shaun. May kinama pa nga siya diyan habang natutulog ako." Dirediretso
niyang sabi. Agad ko namang tinampal ang bibig niya.

"Hindi mo na kailangang ikwento 'yon! Ang bastos talaga nang bibig mo kahit
kailan!" Nakasimangot kong sabi sa kanya. Sinenyasan ko naman siyang umupo sa kama
niya kaya umupo siya. Nagulat ako ng bigla niyang hubarin ang t-shirt niyang suot
kaya lumantad sa harapan ko ang hubad niyang katawan. Agad naman akong nag-iwas ng
tingin ng dumako ang tingin ko sa dibdib niya pababa sa abs niya at sa happy trail
niya na mayroong iilang buhok pababa sa kumpare niya.

Balbon kasi si Travis at bagay naman siya kanya ang balbon. Mestizo kasi siya at
hindi naman masagwa kung marami siyang buhok sa katawan. Ang sexy pa nga niyang
tignan kapag nakikita ko ang legs niyang balbon. Iyong sa iba kasi masagwa tignan,
pero kapag kay Travis ang sexy na ng dating.
"Nasaan ba 'yong medicine box mo rito?" Tanong ko sa kanya na matamang nakatitig
lang sa akin. Tinuro naman niya iyong box na malapit sa pinto nang kwarto nila.
Lumapit ako roon at kinuha ang alcohol, betadine, bulak at ilang band-aids.
Pagkatapos kong kuhanin ang mga kailangan ko ay umupo ako sa harap niya. Hindi
naman magkalayo ang kama nila ni Shaun kaya abot ko siya.

Tahimik lang siyang nagmamasid sa mga ginagawa ko habang ako naman ay naglalagay ng
alcohol sa bulak. Kesa umupo ako ay tumayo na lang ako sa harapan niya. Aaminin ko
kasing ang tangkad niya at mangangalay lang ako kung uupo ako habang ginagamot ko
ang sugat niya. At least kapag nakatayo ako, mas matangkad ako sa kanya. Hindi ba?

"Sa susuno kasi, h'wag mong paiiralin ang init ng ulo mo." Sabi ko sa kanya habang
marahan kong dinadampian ng bulak ang mga sugat niya.

"Pinagseselos n'yo ako." Mahina niyang sabi habang natingin siya sa akin.

"Hindi kita pinagseselos." Agad kong sagot sa kanya.

"Nagselos ako." Mabilis niyang sabi.

"Bakit ka nagseselos? Eh may kausap mo naman 'yong higad na Liana na 'yon." Sabi ko
sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti sa sinabi kong iyon.

"H'wag kang ngumiti, Travis! Ginagamot ko ang sugat mo!" Suway ko sa kanya.

"Nagseselos ka eh, paano ako hindi mapapangiti?" Sabi niya.

"Gusto mo namang nagseselos ako?"

"Oo naman. Kasi kapag nagseselos ka, ibig sabihin lang 'non, gusto mo ako."
Nakangisi niyang sabi. Diniinan ko naman ang bulak sa sugat niya kaya napaaray siya
sa sakit.

"Ang sadista mo." Nakanguso niyang sabi.

"Nagpapacute ka na naman, tigil-tigilan mo ako sa ganyan mo, Montemayor. Hindi


uubra sa akin ang pagpapacute mo." Sabi ko sa kanya.

"Hindi naman ako cute, gwapo ako."

"Ayan! Ang taas ng tingin sa sarili, kaya ka napapaaway ng wala sa oras! Pati
pinsan mo hindi mo na pinatawad, hindi mo man lang inisip na nandito ka sa sarili
mong bahay at nandito rin ang mga kamag-anak mo!" Iritable kong sabi sa kanya.
"Nagseselos nga kasi ako!" Mariin niyang giit. Bigla namang pumulupot ang mga braso
niya sa bewang ko na tipong niyayakap na niya ako.

"Selos mo mukha mo! Nag-eenjoy ka nga kausap si Liana tapos sasabihin mong
nagseselos ka." Sabi ko.

"Talaga naman ah! Kaya ko nga binugbog si Xander dahil sa nagseselos ako. Alam mo
bang muntik na akong sapakin ni Daddy kanina? Nagalit kasi si Tito Levinn, alam mo
naman 'yon. Mataas ang standards sa lahat ng bagay kaya konting pagkakamali lang,
sisitahin na niya." Sabi niya.

"Gago ka kasi."

"Gusto ka naman." Mabilis niyang sagot. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niyang
iyon. Naramdaman ko lang ang paghuhurementado ng bwisit kong puso. Mas lalo ko pang
naramdaman ang pagyakap niya sa bewang ko at mas naramdaman ko ang paglapit ng
katawan ko sa kanya.

"Sa akin ka lang dapat titingin, ayokong titingin ka sa ibang lalaki. Dapat ako
lang, dapat nasa akin lang ang atensyon mo. Kapag may lumandi sa'yo, papatayin ko.
Maliwanag?" Seryoso niyang sabi.

"Grabe ka naman, bakit mo naman papatayin?" Natatawa kong sabi. Ang cute niya lang
maging possessive.

"Para wala ng susunod!" Sagot niya.

"Nanliligaw ka pa lang, hindi pa kita sinasagot kaya h'wag kang feeling diyan!"
Nakataas kong kilay na sabi sa kanya.

"Okay lang, sa akin ka rin naman babagsak." May kumpiyansa niyang sabi. Aba, aba.
Ang taas ng tingin sa sarili ah. Hindi ko mareach!

"At paano ka naman nakakasiguro?" Tanong ko habang nilalagyan ko ng band-aid ang


sugat sa gilid ng labi niya pati na rin sa kanan niyang pisngi.

"Basta, sa akin ka lang." Sabi pa niya habang nakatitig sa akin. Pinisil ko naman
ang magkabila niyang pisngi.

"Ang cute mo talaga kahit kailan." Nakangiti kong sabi. Napatitig ako sa mga mata
niya at ganoon din siya. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid at wala
ni-isa sa amin ang nagtangkad magsalita. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya
sa bewang ko at ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi na ako nagulat pa ng
bigla niya akong siilin ng halik. Para namang awtomatikong yumakap ang mga braso ko
sa leeg niya.
Mabagal ang halik niya at tila ba ninanamnam ang bawat sandali. Hindi siya
nagmamadali, kalmado niya lang akong hinahalikan at aaminin ko. Naramdaman ko ang
pag-iinit ng katawan ko sa mga halik na ibinibigay niya sa akin. Unti-unti kong
nararamdaman ang pagpalit ng pwesto namin at nagulat na lang ako ng maihiga na niya
ako sa kama niya.

Mas lumalim pa ang mga halik niya at nararamdaman ko ang dila niya sa loob ng bibig
ko. Hindi ko napigilan ang hindi mabanggit ang pangalan niya sa sensasyong dulot ng
mga halik niya. Patuloy lang ang ginagawa niyang iyon hanggang sa pareho kaming
nawalan ng hininga. Pinagdikit niya ang mga noo namin at pareho kaming hingal na
hingal. Nakatitig lang ako sa mga mata niya at ganoon din siya.

"Base two na ako paano ba 'yan." Sabi niya sa akin at nanlaki na lang ang mga mata
ko ng bigla niyang pisilin ang kaliwang dibdib ko.

Travis!

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Twenty Six

TWENTY SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Travis, gusto kong itanong kung bakit ako? Bakit ako 'yong nagustuhan mo kahit
alam mo namang hindi tayo magkasundo simula pa noon?" Seryoso kong tanong sa kanya.
Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap mula sa may likuran ko. Ramdam na ramdam
ko ang pagtibok ng puso niya, ang dahan-dahan niyang paghinga at init ng buo niyang
katawan. Nararamdaman ko iyong lahat.

"Bakit hindi ikaw?" Mahina niyang sabi. Napatingin naman ako sa kalangitan na puno
nang mga kumikinang na bituwin. Nasa may terasa kami ng kwarto niya at tanaw na
tanaw naming dalawa ang kalangitan. Ayaw pa kasi niyang bumaba at ngayon lang daw
niya ako nasolo. Kaya siguro ay sinusulit niya lang ang oras.

"Maliit kaya ang boobs ko." Mahina kong sagot sa kanya. Narinig ko naman ang
pagtawa niya.

"Di palakihin natin." Natatawa niyang sagot. Siniko ko naman siya sa tiyan at para
namang walang talab dahil tinawanan niya lang ako.

"Nakakainis ka kamo. Akala mo natutuwa ako sa'yo? Baka nakakalimutan mo na


nanliligaw ka pa lang at hindi pa kita sinasagot." Nakasimangot kong sabi sa kanya
kahit na hindi niya nakikita ang mukha ko.

"Naka-base two naman ako." Natatawa pa rin niyang sabi at panigurado akong abot
tenga ang ngiti niya ngayon.

"Gago ka. Hindi talaga kita sasagutin, Travis. Akala mo ha!"

"Sus, baka nga bukas sagutin mo rin agad ako." May kumpiyansa niyang sabi.

"Ang kapal ha, feeling mo naman ang gwapo-gwapo mo!" Sagot ko sa kanya. Bigla naman
niyang hinalikan ang pisngi ko.

"Talaga naman." Sabi niya at inulit niya ang ginawa niya kanina.

"Montemayor baka may makakita sa atin dito." Saad ko. Hindi naman niya tinigil ang
ginagawa niya at pinagpatuloy niya lang iyon.

"Masarap gawin 'to, pakielam ba nila?" Nagawa niyang sabihin sa gitna ng ginagawa
niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at walang sabi-sabing hinampas siya sa braso
niya. Itim na sleeveless ang suot niya kaya kitang-kita ko ang macho niyang braso.

Dahan-dahan niya akong iniharap sa kanya at muling inangkin ang mga labi ko. I
don't have any reference but I know that Travis is really good at this thing.

Nawawala na naman ako sa sarili dahil sa ginagawa niya. Para ba siyang alak na
kapag napasobra, nalalasing ka na lang at nawawala ka na sa sarili mong ulirat
kahit na alam mong matino pa rin ang utak mo. Ganoon ang pakiramdam ko sa tuwing
hahalikan ako ni Travis. Sa tuwing aangkinin niya ang mga labi ko at titigil lang
siya kapag napagod na rin ang mga labi niya.

Parang awtomatikong ginantihan ko ang mga halik niya. Nalalasing ako sa ginagawa
niya at alam ko sa sarili kong hindi ko kayang hindi sagutin ang mga halik na
ibinibigay niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdam ang paligid naming
dalawa. Pakiramdam ko ay wala na akong pakielam kung mayroon bang makakita sa amin.
Basta ang mahalaga ay masaya kami kung ano ba ang ginagawa naming dalawa.

"Hoy Travis! Tangna mong gago ka! Kaya pala gusto mong solohin si Jeorge, gusto mo
pa lang makascore!" Bigla ko siyang tinulak ng malakas ng marinig ko ang boses ni
Xander. Agad kaming napatingin sa ibaba at nakita namin silang lahat na
nagtatawanan.

"Kayo ha! Nagsosolo kayo!" Natatawang sabi ni Din habang hawak-hawak ang cellphone
niya. Agad naman akong yumakap kay Travis at tinago ang mukha ko sa dibdib niya.
Wala na akong pakielam kung ano ang isipin nila dahil ngayon lang pumasok sa isipan
ko ang hiya. Nakakainis naman kasi 'tong lalaking 'to! Ang landi masyado.

"Fuckers!" Rinig kong sigaw ni Travis sa kanila.

"Bumaba na nga tayo!" Sabi ko at tsaka ko siya mabilis na hinatak papasok sa kwarto
niya.

"Istorbo masyado." Nakasimangot niyang bulong sa sarili.

"Tara na, bumaba na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Ayoko, dito muna tayo. Gusto pa kitang masolo." Sabi at akmang hahalikan na naman
ako pero mabilis kong sinapak ang mukha niya. Sobra na eh.

Napamura naman siya sa sakit sa ginawa kong iyon. "Nakakarami ka na, tama na 'yon!
Tara na, bumaba na tayo!" Sabi ko at hinatak ko na siya pababa mula sa kwarto niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang walang tao sa sala. Marahil ay nasa
labas silang lahat upang makipag-usap sa mga bisita.

"Grabe kayong dalawa, doon pa talaga kayo naghalikan!" Natatawang sabi ni Felice sa
amin ng umupo na kami ni Travis. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

"Ang lalandi n'yo! Siguro kung wala kami roon baka nagwrestling na kayo sa kama."
Saad naman ni Din.

"Ang hot ng halikan n'yo." Rinig kong sabi ni Allen habang nanonood sa isang
cellphone. Nanonood din si Alex, Axcel, Aivan at Shaun. Nanlalaki ang mga mata ko
na napatingin kay Travis.

"Burahin n'yo nga 'yan!" Inis kong sigaw sa kanila at tsaka ako tumayo. Pero
hinatak lang ulit ako ni Travis paupo.

"Hayaan mo na sila, lilipas din 'yan." Kampante niyang sabi.

"Anong lilipas! Baka ipakalat nila 'yon!" Reklamo ko sa kanya.

"Ano naman ngayon? Mas maganda nga na kumalat 'yan para malaman ng lahat na akin ka
na." Seryoso at diretso niyang sabi. Natigilan naman ako sa sinabi niyang iyon.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero parang may nagwawala sa
sistema ko at parang naiihi ako. Ganito ba 'yong pakiramdam ng kinikilig?

"Nakanang, binata na si Ravis baby! Pumipick-up line pa! Ikaw Xander? Kailan ka
magshoshota ng matino?" Ani ni Alex sabay tawa pero hindi ko na iyon nagawang
pansinin pa dahil ang buong atensyon ko ay na kay Travis. Wala sa sariling inagaw
ko ang bote ng beer na hawak niya at nilagok iyon.

"Shit." Narinig kong mura ni Travis ng ibaba ko ang bote niya na wala ng laman.

"Bakit mo ininom?!" Galit niyang tanong sa akin.

"Bakit bawal?" Mataray kong tanong sa kanya. Hindi ko naman siya tatay para
pagbawalan akong uminom.

"Papagalitan ako ng Daddy mo kapag nalaman niyang uminom ka!" Giit niya.

"Hindi niya malalaman." Mabilis kong sagot at akmang kukuha pa ako ng alak ng
hawakan niya ang kamay ko. Pinagsaklop niya ang mga kamay namin at pinilit kong
bawiin 'yon pero sadyang ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ko
na nagawang bawiin pa 'yon.

"Hindi ka na iinom, tama na 'yon."

"Ako bawal tapos ikaw pwede." Nakasimangot kong sabi. Bakit ganoon? Ang unfair ng
buhay, kapag lalaki pwedeng umuwi ng late tapos kapag babae hindi. Kapag lalaki
pwede nang uminom kahit highschool lang pero kapag babae ang uminom, sasabihan ka
pa ng pariwara sa buhay. Nakakainis lang hindi ba? Dapat may gender equality sa
mundo!

Buong lakas kong binawi ang kamay ko at nagawa ko naman iyong bawiin. Nakunteto na
lang ako sa juice at pulutan nila. Hindi ko siya kinausap at si Din, Rissa at
Felice lang ang kausap ko. Minsan kakausapin ako ni Symon o Xander pero kapag
kakausapin na niya ako, hindi ko na siya pinapansin. Bahala siya sa buhay niya!
Minsan ko na nga lang sundin ang sarili ko, ayaw pa niya akong pagbigyan!

"Babe..." Narinig kong bulong niya sa akin. Medyo namumula na ang mukha niya na
marahil ay tinamaan na ng alak.

"H'wag mo akong tawaging babe." Masungit kong sagot sa kanya. Tinalikuran ko siya
at nakinig lang sa mga pinag-uusapan nila.

"Ano bang kinagagalit mo? Bakit bigla ka na lang nagagalit diyan?" Narinig kong
bulong niya sa may likuran ko.

"H'wag mo akong kausapin." Sagot ko sa kanya.

"May period ka ba? Ano? Ibibili ba ulit kita ng napkin?" Mahina at paos niyang sabi
sa akin.
Hinarap ko naman siya at sinamaan siya ng tingin. Gagong 'to, akalain pang may
period ako! Kapag ba nagtataray, dapat kapag may period lang? Bwisit.

"Wala akong period, ungas!" Sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Di bakit ka nagtataray? Nabitin ka ba sa halikan nating dalawa? Sabihin mo lang,


itutuloy natin." Sabi niya. Hindi ko naman alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Ang
seryoso kasi ng pagkakasabi niya pero 'yong mukha niya hindi kapanipaniwala.

"Hindi ako nabitin, naiinis lang talaga ako sa'yo." Masungit kong sabi.

"Bakit? Buntis ka na ba at ako ang napaglilihian mo? Wala pa namang nangyayari sa


atin ah, hindi pa naman tayo nag sese—" Tinampal ko na agad ang bibig niya bago pa
niya maituloy ang sasabihin niya. Minsan, nakakainis ang mga sinasabi niya. Hindi
man lang niya kasi magawang i-filter ang mga sasabihin niya at kung ano ang iniisip
niya, iyon talaga ang sasabihin niya. Nakapa-straightforward niyang tao! Kainis.

"Hindi ako buntis! Gago ka!"

"Eh ano? Bakit ang sungit-sungit mo? Kanina naman ayos tayo ah, tapos hindi lang
kita pinainom ulit ng alak nagsungit ka—" Bigla siyang natigilan. Marahil ay alam
na niya kung bakit hindi ko siya pinapansin.

"Jeorge naman." Nagsusumamo niyang sabi. Inirapan ko naman siya, bahala siya sa
buhay niya. Minsan ko na nga lang gugustuhin uminom ng alak, ayaw pa niya.

Ilang minuto siyang hindi nagsalita hanggang sa narinig ko ang malakas niyang
butong-hininga. "Ayaw lang naman kitang painumin dahil baka pagalitan ako ng Daddy
mo. Ayokong mangyari iyon dahil baka hindi na niya ako palapitin pa sa'yo. Hindi ko
naman ata kakayanin na mangyari iyon kaya ngayon pa lang pinipigilan na kitang
uminom. Ayokong dumating sa puntong Daddy mo mismo ang magpatigil sa akin na
ligawan ka at ayokong mangyari 'yon. Hindi ko alam pero sa tingin ko hindi ko
kakayanin na mangyari ang bagay na 'yon dahil alam kong unti-unti na akong
nahuhulog sa'yo, Jeorge" Seryoso niyang sabi kaya agad akong napaharap sa kanya.
Matama siyang nakatitig sa akin at alam kong hindi siya nagbibiro ng sabihin niya
iyon. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung ano ba
ang isasagot ko sa sinabi niya.

"Jeorge, alam ko sa sarili kong hindi ko na kayang pigilan 'tong nararamdaman ko


para sa'yo.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================
Chapter Twenty Seven

TWENTY SEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Pinagalitan ang mga boys noong nakaraang gabi." Sabi sa akin ni Din habang
kumakain kami ng macaroni sa cafeteria. Nandoon din si Rissa at Felice na pareho
ring kumakain.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko. Noong umuwi naman kasi ako, maayos silang lahat.
Nagkukwentuhan at nag-iinuman lang naman sila.

"Naglaro ang boys, nagtulakan sa pool, sumuka, at ang malala. Naghubad silang lahat
tapos naghabulan sa buong bahay. Ayon, nakita ni Tita Freen tapos pinagalitan
silang lahat. Sayang nga eh, hindi ko nakuhanan ng video. Nalowbat kasi ang phone
ko." Natatawang kwento ni Din. Hindi ko naman naimagine ang mga ginawa nila. Alam
kong mga loko-loko at mga pilyo silang lahat, pero hindi ko naman maisip na
maghubad silang lahat at maghabulan sa buong bahay.

"Mga isip bata talaga." Sagot ko.

"Oo, tawa nga ako ng tawa nang gabing 'yon. Biruin mo, panay mga nakabrief lang
silang lahat tapos naghahabulan. Nag-wrestling silang lahat at ang iingay pa. Buti
na lang talaga tulog na si Tito Levinn noon, lasing din kasi. Hindi ko nga
mapigilan ang tumawa nang pagilitan sila ni Tita Freen habang mga nakabrief lang.
Kung nandoon ka lang talaga, matatawa ka!" Natatawa pa rin niyang sabi.

"Kasali 'tong lalaking 'to?" Sabi ko sabay nguso sa katabi kong natutulog.

"Oo, si Ravis pa! Eh gago rin 'yang isang 'yan." Saad niya. Tinignan ko naman si
Travis na tulog na tulog sa tabi ko. Puyat ata siya kagabi dahil nag-aral daw siya
para sa long test namin kanina. Kailangan na raw niyang mag-aral para sa future
naming dalawa.

"Pinagalitan naman sila noong nag-umaga na?" Tanong ko. Lumingon naman ako sa
pwesto ni Rissa at Felice na nag-uusap sa kung ano. Marahil ay tungkol na naman sa
mga lalaki.

"Hindi na, alam mo naman 'yang mga 'yan. Malakas pag dating kay Tita Freen. Basta
sabi ni Tita Freen, h'wag na raw mauulit. Kung hindi, sa Rancho silang lahat
magbabakasyon." Sabi ni Din sabay subo ng kutsara niya. Tumango lamang ako at
sumubo na rin. Gusto ko sanang gisingin si Travis sa gilid ko pero hinayaan ko na
lang siyang matulog. Alam ko naman kasing firstime niya lang mag-aral at
achievement niya 'yon para sa sarili niya.
"Saan n'yo nga pala balak mag-aral? Graduating na kayo Felice, hindi ba?" Tanong ni
Din kay Felice. Kasing tanda lang ni Din sina Axcel pero late siyang nag-aral,
masyado kasing naging komplikado ang buhay nila noon sa states kaya nagkaganoon.

"Nag-entrance exam na kami sa mga schools sa Manila. Balak namin ni Heena na iisang
school na lang. Ikaw, Jeorge? Isang taon na lang, graduate ka na rin ah? Ano
kukuhanin mong course?" Tanong naman ni Felice.

"Political Science ang kukuhanin ko pero hindi ko pa alam kung saan akong school."
Sagot ko naman.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa umalis na rin silang tatlo.


Mayroon pa raw kasi silang klase.

Nilingon ko naman ang katabi ko na ang himbing pa rin ang tulog. Aba, ginagawa ata
niyang tulugan ang paaralan?

"Montemayor, gumising ka na." Sabi ko at marahan kong tinapik ang pisngi niya.
Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mata.

"Bakit?" Iritable niyang tanong. Napataas naman ang kilay ko ng wala sa oras. Aba,
may gana pa siyang magalit?

"Kumain ka na, binilhan kita ng lunch." Sabi ko sa kanya. Tuluyan naman siyang
nagising at tsaka tumingin sa pagkain na inilapag ko sa harapan niya.

"Ang sarap talagang matulog." Ani niya habang kinukuha ang kutsara't tinidor.

"Anong oras ka ba natulog kagabi?" Kunot noong tanong ko.

"Three in the morning." Sagot niya sabay subo ng kanin. I lifted a brow at him, it
seems he's really determined to pass the test a while ago. I've never heard to
anyone that he slept late because he studied. Gusto ko na tuloy maniwala na
'Miracle do exist'

"Hindi ka naman nagkalagnat dahil nag-review ka?" Natatawa kong sabi sa kanya.
Sumimangot naman siya sa sinabi kong iyon.

"You're so mean to me, babe." Nakasimangot niyang sabi.

"I am not, I'm just asking. Wala namang mali sa tanong ko ah?" Nakangiti kong sabi
sa kanya. Ang sarap talaga asarin ng lalaking 'to, nakakawala ng stress.

"Hindi mo naman ako tinatanong, inaasar mo ako. Pasalamat ka ikaw lang ang babaeng
gusto ko." Sabi niya sabay subo ulit ng kutsara niya.
Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya at pinanood ko lang siyang kumain. Ang
gwapo pala niya kapag nakain. Nagfeflex kasi ang muscles niya sa panga habang
ngumunguya siya tapos 'yong mga mata niya parang medyo inaantok pa at 'yong buhok
niya na magulo, bagay na bagay sa kanya. Alam n'yo 'yon? Iyong kahit ano ang ayos
ng buhok niya, ang gwapo pa rin niya tignan. Pero isa lang ang pinakagusto ko sa
kanya, ang mga labi niya. Manipis kasi iyon at sobrang pula na parang lagi siyang
naglilipstick. Minsan, gusto kong isipin na naiinggit lang ako sa mga labi niya
pero hindi. Gustong gusto ko ang mga labi niya dahil iyon ang nagpapagwapo lalo sa
kanya.

"Why are you staring?" Bigla niyang tanong habang ngumunguya.

"Wala, ang gwapo mo lang kumain." Sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang nag-iwas ng
tingin at kung hindi ako nagkakamali, namumula ang buo niyang mukha. Wala sa sarili
naman akong napangiti. Si Montemayor, nagbablush. Cute!

"Kinikilig ka 'no?" Nakangiti kong saad sa kanya. Lalo naman siyang nag-iwas ng
tingin.

"Hindi ako kinikilig!" Mariin niyang giit.

"Hindi raw siya kinikilig, pero bakit ka ngumingiti diyan? Ikaw ha!" Natawa na ako
ng tuluyan sa pang-aasar ko sa kanya. Ang sarap pisilin ng pisngi niyang namumula!

"Ewan ko sa'yo, baliw ka na." Sabi niya sabay subo ulit sa kutsara niya habang
nakangiti. Hindi na rin natanggal ang ngiti sa mukha ko. Kapag ganito sana siya
kabehave lagi, magkakasundo kaming dalawa.

"Matino pa naman ako, hindi pa naman ako baliw. Baka ikaw? Ngumingiti ka d'yan
tapos nagsusungit ka." Sabi ko sa kanya. Nilaro ko iyong ballpen na hawak ko habang
pinapanood siyang kumain.

"Nakain ako, h'wag mo akong kulitin." Masungit niyang sabi sa akin. Napanguso naman
ako. Nakakainis 'tong lalaking 'to!

"Hindi mo nga ako tinanong kung kumain na ako, akala ko ba gusto mo ako? Hindi ba
dapat tinatanong mo ako kung kumain na ako?" Ani ko sa kanya.

"Bakit boyfriend mo ba ako para tanungin kita kung kumain ka na?" Masungit naman
niyang sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Pagkatapos ko siyang bilhan ng
pagkain, susungitan ako! Nakakainis!

"H'wag mo akong kakausapin! Bwisit ka!" Sabi ko at tsaka ako tumayo at iniwan siya
roon. Bahala siya sa buhay niya! Hinding-hindi ko siya sasagutin kahit kailan!
Bwisit!

"Oh, parang badtrip ka ata?" Sabi sa akin ni Mae pagkapasok ko sa room.

"Bwisit na Travis 'yan, h'wag na h'wag mo siyang ihaharap sa akin ah!" Inis na
sigaw ko kay Mae. Ang kapal ng mukha nang gagong 'yon! Mabulunan sana siya sa
kinakain niya!

"Oh ayan na pala si Travis eh." Sabi ni Mae sabay nguso sa pinto ng classroom
namin. Sinulyapan ko naman siya ang mokong, ngiting-ngiti na para bang walang
nangyari kanina. Ang ganda ng araw ko, sinira ng hinayupak na 'to!

Umirap lang ako sa hangin at binaling ang atensyon ko sa notebook ko. Naramdaman ko
namang umupo siya sa upuan niya na katabi lang ng upuan ko. Hindi ko siya pinansin
at hinding-hindi ko na siya papansinin.

"Pare, nakita mo kanina si Alyna? Iyong patay na patay sa'yo sa kabilang section?"
Rinig kong sabi ni Romar kay Travis.

"Oo, binati nga ako kanina eh. Ningitian ko lang, ayon kilig na kilig." Sagot naman
ng impaktong si Travis. Bahala siyang landiin lahat ng babae dito sa school! Wala
akong pakielam sa kanya!

"Talaga? Tangna 'pre, jackpot ka kapag pinatulan mo 'yon. Ang ganda ng legs ng
babaeng 'yon, makinis! Tsaka nakita mo 'yong dibdib niya? Mapapamura ka pare sa
laki!" Eksaheradong sabi ni Romar.

"Talaga? May number ka ba niya?" Tanong pa ni Travis kay Romar. Sige lang,
ipagpatuloy niya lang ang ginagawa niya.

"Wala 'pre, pero si Jayson meron ata. Hingiin mo na lang mamaya." Ani Romar.

"Jeorge, ikaw na ba magrereport sa Trigo mamaya?" Tanong ni Mae. Tumango naman ako
bilang sagot.

"Sige, susubukan kong pormahan. Mukhang madali namang pormahan ang babaeng 'yon
kesa sa iba d'yan na pa-hard to get." Sabi niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya
kahit na alam kong ako ang pinapatamaan niya. Wala namang kaso sa akin kung itigil
na niya ang panliligaw niya. Kung gusto niyang sumuko di sumuko siya, sino ba ang
nawalan, ako ba? Kung gusto niya landiin lahat ng babaeng gustong niyang landiin,
okay fine. Walang kaso sa akin 'yon dahil una sa lahat, hindi niya ako girlfriend
at hindi ko siya boyfriend.

"Balitaan mo ako ah? Balita ko magaling 'yon magpaligaya sa kama." Sabi ni Romar.
Nagtawanan naman silang dalawa. Boys will be boys.
"Tignan nating kung magaling talaga siyang—" Hindi ko na narinig ang susunod na
sasabihin ni Travis ng sumigaw ang kaklase ko.

"Jeorge, may naghahanap sa'yo sa labas!" Sigaw ng isa kong kaklase. Kunot noong
napatingin ako kay Mae na nagkibit balikat lang. Tumayo ako at napansin kong
napatingin sa akin si Travis. Lumabas ako ng classroom at doon ko nakita si Liam na
abot tenga ang ngiti nang makita ako.

"Oh, Liam?" Nakangiti kong sabi.

"H—Hi, Jeorge. Ah, may ibibigay sana ako sa'yo." Nahihiya niyang sabi. Napataas
naman ang kilay ko. Liam's one of the genii here in our school. He's one of those
math wizard which I really envy. He's already in 12th grade.

"What is it?" Tanong ko naman sa kanya. Bigla namang siyang may kinuha sa may
likuran niya. Nanlaki ang mata ko at napatakip ako ng bibig ko. Iniabot niya sa
akin ang isang pulang rosas at isang necklace na nakalagay pa sa orihinal nitong
lalagyan.

"G—Gusto ko sanang manligaw sa'yo." Nahihiya niyang sabi. Hindi ko naman alam ang
isasagot ko. Ayoko namang sabihin sa kanyang, hindi ko siya gusto. Nakakaawa at
parang ang bastos ko naman kung sasabihin ko 'yon sa kanya.

Napansin niya atang hindi ko alam ang isasagot ko kaya nagsalita na siya. "Hindi
naman kita minamadali, ayos lang kung ayaw mo pa. Gusto ko lang talagang sabihin
sa'yong gusto kita bago pa mahuli ang lahat." Nakangiti niyang sabi sa akin. Akmang
magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng malakas na pagtikhim sa may likuran ko.

Napalingon ako at nakita kong si Travis iyon na magkasalubong ang kilay habang
kunot na kunot ang noo. Seryoso siyang tumingin sa akin pababa sa pulang rosas na
hawak ko.

"Ano'ng meron?" Mariin at seryoso niyang sabi. Hindi ko naman siya pinansin at
bumaling ako kay Liam.

"Sa susunod na lang tayo mag-usap, Liam. Okay? Or text mo na lang ako, may number
mo naman ako hindi ba?" Kaswal kong sabi kay Liam.

"Ah—Oo, sige itetext na lang kita. Una na rin ako kasi may klase pa ako." Nakangiti
pa rin niyang sabi. Tumalikod na siya at nagmadaling umalis doon. Hinarap ko naman
si Travis na seryoso pa rin ang tingin sa akin habang ang mga kamay niya ay
nakayukom na para bang kahit anong oras ay mananapak siya.

Serves you right, Montemayor!

****
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Twenty Eight

TWENTY EIGHT

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Babe..." Hindi ko pinansin ang panlalandi sa akin ni Travis. Pagkatapos niyang


inisin ako kanina at makipaglandian sa kung sinong babaeng may malaking dede. Aba,
magdusa siya!

"Hindi babe ang pangalan ko." Masungit kong sabi sa kanya. Inaayos ko na ang gamit
ko dahil tapos na ang klase naming dalawa. Dapat kasabay ko si Mae umuwi kaso ang
hinayupak na 'to, nauto ata si Mae at iniwan ako.

"Babe naman, sorry na nga eh. Tinetesting ko lang kung magseselos ka kanina."
Parang bata pa niyang sabi. Akala naman niya madadaan niya ako sa pagpapacute niya.
Ulul siya!

"Ano palagay mo sa akin, patay na patay sa'yo? Hoy, Montemayor. Para sabihin ko
sa'yo, kahit landiin mo pa lahat ng babae dito sa buong Pilipinas, hinding-hindi
ako magseselos!" Inis na bulyaw ko sa kanya. Gagong 'to, may test pa siyang
nalalaman! Kung laslasin ko kaya ang testes niya!

"Babe naman, kahit konti hindi ka magseselos?"

"Hindi!" Singhal ko sa kanya. Lumabas na ako ng classroom namin at nakasunod lang


siya sa akin.

"Weh? Hindi nga?" Sabi pa niya na parang ayaw maniwala sa akin.

"H'wag mo akong niloloko-loko, Travis! Makikita mo talaga ang hinahanap mo." Mariin
kong banta sa kanya. Ngumuso naman siya sa sinabi kong iyon. Nakasunod pa rin siya
sa akin habang papalabas ako ng school. Wala akong sundo ngayon dahil may lakad si
Mommy at hiniram na muna niya saglit ang driver ko. Ayos lang naman 'yon sa akin,
buti nga at may pagkakataon pa akong makapaggala.

"Sorry na babe oh, mapapagalitan ako ni Mommy kapag hindi kita naiuwi sa bahay
ngayong gabi." Mahina niyang sabi. Bigla naman akong natigilan at napalingon sa
kanya. Napahinto rin siya at kakamot kamot pa siya sa ulo niya.
"What did you say?!" Kunot noong tanong ko sa kanya. Hindi pa naman ako siguro
bingi para hindi maintindihan 'yong sinabi niyang iuuwi niya ako sa kanila ngayon
gabi. I just want to clarify what he has said.

"Mommy wants to have dinner with you, eh galit ka sa akin kaya paano kita isasama?"
Nakanguso niyang sabi. Napataas naman ang kilay ko sa impaktong nasa harapan ko.

"Siguro ka bang sinabi ni Tita Celestine 'yon?" I lifted a brow at him. Malay ko
bang inuuto niya lang ako.

"Oo nga, mukha ba akong nagsisinungaling?" Ani niya.

"Ayokong sagutin, baka masaktan ka lang." Sabi ko sa kanya sabay irap. Nagpatuloy
ulit ako sa paglalakad.

"Jeorge, gusto ka lang naman makausap ni Mommy. Bibihira naman kasing magkaroon ng
babae sa bahay at tsaka wala pa akong dinadalang babae sa bahay kaya gusto kitang
dalhin doon." Kaswal niyang sabi.

"Lokohin mo pa ako, ikaw? Wala kang dinadalang babae sa inyo? Maniwala!"

"Oo nga! Wala pa nga!" Parang bata niyang sabi. Pinaningkitan ko naman siya ng mga
mata na para bang hinuhuli ko kung nagsasabi nga ba siya ng totoo o hindi. Ang
hirap kayang maniwala sa taong alam mong sa simula pa lang, loko-loko na.

"Hindi ako naniniwala." Saad ko sabay iling ng ilang ulit.

"Di h'wag! Pinipilit ba kitang maniwala?" Pasigaw niyang sabi.

"Sinisigawan mo ako?" Mataray kong sabi sa kanya.

"Hindi ah, alam mo namang hindi kita kayang sigawan. Tara nga dito, pa-hug." Ani
niya at tsaka niya ako biglang inakbayan. Siniko ko naman agad ang tiyan niya at
napabitiw siya sa pagkaka-akbay sa akin.

"Nasaan ang sasakyan mo?" Tanong ko. Magtetext na lang ako kay Mommy na sa mga
Montemayor ako magdidinner. Papayag naman sila basta ba nagpaalam ako at hindi
naman kalayuan ang bahay namin sa bahay nila Travis.

"Sasama ka na?" Abot tenga ang ngiti niya habang tinatanong niya ako.

"May magagawa pa ba ako?" Umirap ako sa kawalan pagkasabi ko sa kanya noon. Siya
naman ay ngiting ngiti na akala mo ay nanalo sa lotto.
Tinawagan niya lang saglit ang driver niya at wala pang ilang saglit ay dumating
din iyon. Sumakay na kami at ang mokong, hindi man lang ako pinagbuksan. Siya pa
nga 'yong pinagbuksan ko dahil sabi niya sasakay ako sa sasakyan niya kaya
kailangan ko siyang pagsilbihan. Gago lang, hindi ba?

Wala siyang ibang ginawa kung hindi magsalita nang magsalita at magkwento nang kung
anu-ano. Ngayon ko lang nalaman na madaldal din pala ang mga lalaki pero siguro sa
mga taong madalas lang nilang makasama at makausap. Usually kasi, hindi naman sila
palasalita o palakausap, siguro kung makikipag-usap sila. Sa mga kapwa nila lalaki
rin dahil sila-sila lang din naman ang nagkakaintindihan. You know, boys will be
boys.

Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa bahay nila. Agad siyang bumaba kaya
bumaba na rin ako. Malaki ang bahay nina Travis parang sa amin, pero mas maganda
siyempre ang bahay namin. Ilalaglag ko pa ba ang bahay namin? Siyempre, hindi.
Neknek niya!

"I'm home!" Masiglang bati ni Travis pagkapasok namin sa malaking entrada ng bahay
nila.

"Bro." Si Shaun ang bumungad sa amin na walang saplot pang-itaas habang naglalaro
ng NBA2K15 sa malaking flatscreen TV sa may sala nila.

"Hi, Ate Jeorge!" Bati niya rin sa akin. Ningitian ko naman siya. Dumiretso naman
si Travis sa may lamesa para uminom ng tubig.

"Nasaan si Mommy, brother?" Tanong ni Travis sa kapatid niya. Umupo naman ako sa
mahaba nilang sofa at pinanood ang nilalaro ni Shaun. Marunong din ako ng nilalaro
niya kasi madalas din iyon laruin ng mga kapatid kong lalaki. Hindi naman ako
gaanong mahilig sa barbie doll noon kaya nakikipaglaro ako lagi sa mga kapatid ko.

"Kasama si Daddy, pumunta ata silang mall. Buntis ba si Mommy, Kuya?" Napakunot
naman ang noo ko sa sinabi ni Shaun.

"Ha? Bakit mo natanong?" Sabi ni Travis sa may tabi ko. May dala siyang isang baso
ng tubig at pinapanood din niya ang nilalaro ni Shaun.

"Eh nagpapabili siya ng mangga tapos gusto niya nang bagoong. Hindi ba ganoon kapag
buntis? You know." Sabi ni Shaun.

"Gago, paborito lang talaga 'yon ni Mommy. Siraulo ka talaga, anong oras ba raw
sila makakau-uwi?" Ani ni Travis. Ang cute pala mag-usap ng magkapatid na 'to.

"Hindi ko lang alam, malamang na magdedate pa sila. Matagal na kaya silang walang
date, busy kasi si Daddy sa farm sa Baguio." Sabi ni Shaun na hindi inaalis ang
tingin sa nilalaro.
"Hintayin mo na lang sila, Kuya. Mamaya naman nandito na sila. Kung gusto mo, doon
muna kayo sa kwarto, hindi ko naman kayo iistorbohin doon." Nakangising sabi ni
Shaun sabay kindat sa Kuya niya. Ngumisi rin ng nakakaloko si Travis sa kapatid
niya at nag-high five pa silang dalawa.

Boys.

"Tara, sa kwarto muna tayo. Sosolohin muna kita." Nakangising sabi ni Travis sabay
akbay sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Gago 'tong dalawang 'to ah!
Pinagkaisahan ako.

Hindi na lang ako sumagot at pareho kaming umakyat sa kwarto niya. Inilapag niya
lang ang bag niya sa isang lamesa na parang study table nilang magkapatid. Umupo
naman ako sa kama niya at inilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto nila.

"Ano bang gusto mong gawin?" Tanong niya sa akin habang hinuhubad niya iyong polo
niya.

"Kahit ano." Kaswal kong sagot. Tumayo ako at lumapit sa mga pictures na
nakadisplay sa isang lamesa. Puro mga pictures nila iyon at karamihan ay silang
dalawa ni Shaun. Simula pagkabata nila ay mayroon na silang mga pictures doon.

"Laro na lang tayo sa baba. Marunog ka bang mag XBOX?" Tanong niya. Lumingon naman
ako sa kanya at tsaka tumango.

"Sige ba!" May kumpiyansa kong sabi. Nakapagpalit na siya ng isang jersey shorts at
isang itim na sleeveless. Pogi ni baby Montemayor ah!

"Pero kung gusto mo, ako na lang laruin mo." Pilyo niyang sabi.

"Gago." Sabi ko sa kanya. Humalakhak lamang siya. Bumaba na kami ulit at naabutan
naman namin si Shaun na kumakain ng kung ano.

"Oh? Binigyan ko na nga kayo ng time para makapagsolo, ayaw n'yo pa?" Ani Shaun.
Nag dirty finger naman si Travis sa kapatid niya kaya agad ko siyang binatukan.

"Kami naman diyan!" Sabi ni Travis sabay tulak sa kapatid niya. Sumimangot naman si
Shaun.

"Kuya naman, kakaumpisa ko lang dito!" Angal niya sa kapatid. Pero wala siyang
nagawa dahil inagaw na ni Travis ang controller sa kanya. Umupo naman ako sa tabi
ni Travis at iniabot niya sa akin ang isa pang controller. Si Shaun naman ay
nagmartsa papuntang kusina, marahil ay kakain.
"Tekken tayo." Sabi niya. Napataas naman ang kilay ko. Mukhang minamaliit ata ako
ng isang 'to ah.

"Sige ba, pero dapat may consequence kapag natalo." Nakangisi kong sabi.

"Sige ba!" Ani niya.

"Kapag natalo, manlilibre nang isang lingo. Deal?" Sabi ko sa kanya. Humanda ka sa
akin, Montemayor. Bubutasin ko 'yang bulsa mo!

"Sige, payag ako kapag ikaw nanalo ililibre kita nang one week. Pero kapag ako
naman nanalo, isang lingo akong may halik sa'yo. Ano, deal?" Nakangisi niyang sabi.

"Deal!" Saad ko. Akala n'ya ha!

Tahimik kaming naglaro at mukhang wala ni-isa sa amin ang gustong magpatalo. Kung
tutuusin, madali lang naman ang hinihingi niyang kapalit. Ang mahirap lang, si
Travis Kiel Montemayor Jr. siya, at kapag siya ang nagsabi. Hindi mo malalaman kung
ano ba ang iniisip niya.

"Shit." Bigla akong napamura nang makita kong mukhang dehado ako sa character na
pinili niya pero may tiwala naman ako sa sarili kong kaya ko siyang talunin.

"Scared?" Nakangisi niyang sabi. Hindi na ako sumagot dahil nagsimula na ang laban,
sa una pareho kaming nangangapa pero ng lumaon ay nagsagupaan na. Marami siyang
alam na code at hindi naman ako papatalo roon.

"Pano ba 'yan, 1-0." Abot tengang ngiti kong sabi sa kanya. Ngumisi lang siya ng
nakakaloko.

Nagsimula na ang game 2 at sa umpisa ay ganoon ulit pero nagulat ako ng bigla
siyang mag-combo at hindi na nakagalaw ang kaawa-awa kong character.

"1-1" Nakangisi pa rin niyang sabi. Shit, last life na lang!

Huminga ako ng malalim ng magsimula na ang game three. Pareho kaming seryoso sa
laban at wala talaga siyang balak magpatalo. Hindi 'to pwede! Sigurado akong kapag
nanalo siya, mamamaga ang mga labi ko ng isang lingo! Shit, shit!

"Too feisty, babe." Nakangising sabi ni Travis. Napalingon naman ako sa kanya at sa
paglingon kong iyon ay bigla niyang kinombo ang character ko.
"You lose." Nakangising sabi ni Travis. Nanlaki naman ang mga mata ko. Dammit!
Hindi ito pwede!

"Maduga ka!" Singhal ko sa kanya.

"Babe, admit it. I am really better than you and don't play a game with someone who
knows the game better." Proud niyang sabi sa akin.

"Dinaya mo ako!"

"I didn't, paano ba 'yan? Isang lingo ko ngayong aangkinin ang mga labi mo." Saad
niya habang nakatingin sa mga labi ko.

I'll be doomed!

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Twenty Nine

TWENTY NINE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Pumasok naman talaga ako ah! Hindi naman ako nagcutting classes, itanong mo pa kay
Ramesis!" Mariing giit ni Shaun sa Daddy niya. Nasa hapagkainan kami at kasalakuyan
kaming kumakain ng hapunan.

"Tinatanong pa lang kita, wala pa akong sinasabi na hindi ka pumasok." Kalmado


namang sabi ni Tito Trav habang umiiling. Gusto ko tuloy matawa sa kanila, ang
close lang nila sa isa't-isa.

"Ikaw, Travis?" Baling ni Tito Trav kay Travis na kanina pa kain ng kain.

"Good boy pa rin, Daddy." Sagot niya. Napataas naman ang kilay ko, kailan pa siya
naging good boy?

"Ikaw, hija? Kamusta naman si Travis sa'yo? Lagi ka bang ginugulo?" Ani Tita
Celestine. Ngumiti naman ako at tsaka ako tumingin kay Travis na parang walang
pakielam sa mundo at panay lang ang subo ng kanin.

"Ayos naman po, hindi naman po ako ginugulo nang anak n'yo. Mabait naman po siya,
hindi nangangagat." Natatawa kong sabi. Tumawa rin si Tita Celestine at si Tito
Trav. Jusko, bakit ang babait ng mga magulang ni Travis samantalang siya, may sa
demonyo ang ugali?

"Mabuti naman, akala ko ginugulo ka nitong makulit na 'to. Alam mo naman ang ugali
niyan, pagpasensyahan mo na lang minsan." Sabi pa ni Tita Celestine. Si Tito Trav
naman ay tahimik lang na nakikinig sa amin habang kumakain.

"Sanay na naman po ako sa ugali ni Travis, Tita." Nakangiti kong sagot. Pakiramdam
ko, ang bait bait ko kapag kausap ko si Tita Celestine. Ang bait kasi niya, ang
hinhin tapos si Tito Trav medyo bad boy look tapos masungit pa.

"Buti nga nasanay ka na sa ugali niya, may iba kasi na hindi talaga niya makasundo
at malalaman ko na lang na ipapatawag ako sa school nila at may reklamo na para sa
kanya." Natatawang kwento ni Tita Celestine. Nag-angat naman ng tingin si Travis.

"Mommy, you shouldn't tell her that!" Reklamo niya. Sinipa ko naman siya sa ilalim
ng lamesa. Gago 'tong lalaking 'to! Sigawan ba naman ang Mommy niya!

"Sorry, Mommy." Parang batang sabi niya.

"Bakit nahihiya ka? Ang laki-laki mo na, nahihiya ka pa rin. Eh dati naman naliligo
kayo sa pool na nakabrief ka lang." Ani Tita Celestine. Hindi ko naman napigilan
ang hindi mapatawa.

"That was very embarrassing, Kuya." Natatawang sabi ni Shaun. Sinamaan naman ni
Travis ng tingin si Shaun. Napangiti lang ako sa kawalan.

Ganito ang gusto kong pamilya kung sakaling magkakaroon ako ng asawa't anak. Iyong
tipong malapit ang mga magiging anak ko sa akin pati na rin sa magiging Daddy nila.
Wala sa sariling napatingin ako kay Travis na nakangiting nakatingin sa Mommy niya.

If ever he's the one that God sent for me. I will be willing to take a risk no
matter what happen. I know Travis, he is a totally jerk but I have seen him how
serious he was when it comes about important matters. He doesn't care about his
surroundings, he only cares about himself, about the matters he's involve at, but I
know that one day, someone will make him realize how beautiful the world is.

Natapos kaming kumain at umakyat na sina Tita Celestine at Tito Trav sa itaas para
magpahinga. Si Shaun naman ay may kausap sa telepeno kaya naiwan kami ni Travis sa
may sala.

"Do you want to see our garden? It's my favorite place here." He said while
smilling really wide. I nod for an answer.

Tahimik kaming pumunta roon at namangha ako sa ganda ng garden nila, dati naman
kasi hindi ganoon kaganda iyon pero ngayon. Puno ito ng mga bulaklak na mayroong
iba't-ibang kulay. Ang ganda!

"This is beautiful." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"I really want to take you here, you know. It's the time where flowers bloom."
Nakangiti niyang sabi habang tinitignan ang mga bulaklak sa paligid. Lumapit ako
roon at tinignan ng mas malapitan ang mga bulaklak.

Bata pa lang ako, gusto ko na ng mga bulaklak. I don't know why, but I feel so
relaxed everytime my mother give me a flower and put it on my ear. I was about to
say something when I suddenly felt his arms snaked around my waist. I felt the warm
of his body and it send shivers to my spine.

I swallowed hard. Damn, sparks!

"T—Travis."

"Shhh, I really wanted to do this to you. Now that I have a chance, I'll grab it."
He whispered to my ears. I don't know why but I suddenly felt so relax,
comfortable, and so safe.

No one dared to talk, I even don't know what will I say. I suddenly lost my tongue.
Damn this feelings!

"Babe." He huskily said. I closed my eyes hearing his sexy voice.

"Hmmn?"

"I never pictured myself doing this thing with you. You know, we were enemies back
then." He laughed.

"Gago ka kasi." I answered while my eyes are still close.

"That was before, but now I'm badly attach to you and I know that I am in danger."
He seriously said. I frowned.

"Bakit naman?"

"Will you be scared if I say that I am already falling in love with you?" He simply
says. My lips slowly parted and I feel my heart beats faster.
"A—Ano bang sinasabi mo?" Kunwari kong tanong.

"I said, I'm falling in love. Bingi mo." Humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin.

"You are just joking, right?" Bulong ko.

"You didn't laugh so it wasn't a joke." He answers. I didn't speak. I don't know
what will I say, should I say that he needs to wait because I am not yet falling in
love with him? I know it will hurt his ego if I say that to him, I know Travis very
well.

"T—Travis."

"Shh, hindi naman ako humihingi nang sagot. Basta ang mahalaga, nasasabi ko sa'yo
lahat ng nararamdaman ko." Kalmado niyang sabi. Hindi na lang ako nagsalita pero
ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Paano ba 'to? Nakakainis naman kasi
'tong lalaking 'to eh!

"Nakakainis ka." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Ano na naman ginawa ko sa'yo? Niyayakap lang naman kita ngayon ah!" Sagot niya.

"Basta, naiinis ako sa'yo." Sabi ko pa sa kanya. Bigla naman siyang bumitiw sa
pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kanya. Sinimangutan ko lang siya.
Nakakainis, bakit kahit gabi ang pogi pa rin niya?

"Kulang ka lang ata sa halik eh." Nakangisi niyang sabi habang ang mga kamay niya
ay nasa bewang ko.

"Siraulo." Sagot ko naman.

"Pahalik nga sa maganda kong babe!" Sabi niya at akmang hahalikan ako ng tinampal
ko ang bibig niya.

"Hindi pwede, nanliligaw ka pa lang. Dapat ang nanliligaw behave lang, okay?"

"Tangna, ano 'yon tuta?" Reklamo niya. Binatukan ko naman siya. Nakakawili talagang
kausap ang Montemayor na 'to.

"Dapat lagi mo akong binibigyan ng chocolates at flowers, eh simula nga ata nang
manligaw ka. Hindi mo ako nagawang bigyan ng bulaklak o chocolate man lang!" I
pouted my lips saying that to him.
Napakamot naman siya sa likod ng ulo niya. "Sorry na, hayaan mo isang araw
magugulat ka na lang may flower shop na sa bahay n'yo." Natatawa niyang sabi.
Kinurot ko naman siya sa tiyan.

"Gago!"

"Gago raw, chansing ka lang kamo! Kunwari ka pang kinurot ako, gusto mo lang makita
'yong abs ko. Sasabihin mo lang naman kung gusto mong makita, ipapakita ko naman."
Sabi niya sabay hubad ng sleeveless niya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.

"Isuot mo nga 'yan!" Iritable kong sigaw sa kanya pero ang unggoy, tinawanan lang
ako. Bwisit talaga ang lalaking 'to eh!

"Ayoko nga, kunwari ka pang naiinis pero gusto mo naman talagang makita 'tong sexy
kong katawan." Sabi niya at tsaka siya mas lalong lumapit sa akin. Bigla niyang
kinuha ang kamay ko at nilagay iyon sa dibdib niya.

"Travis!" Naiinis kong sabi.

"Habulin mo nga ako!" Humahalakhak niyang sabi. Hinubad niya 'yong tsinelas niyang
suot at parang batang nagpapahabol sa akin.

"Ayoko." Kunwaring mataray kong sabi sa kanya. I even crossed my arms around my
chest.

"Sige na! Kapag hindi mo ako nahabol, mataba ka!" Pang-aasar niya. Tinaasan ko
naman siya ng kilay.

"For your information, I'm not fat!" Sabi ko. Tumawa naman siya. Nagulat ako ng
bigla siyang lumapit sa akin at halikan ako bigla. Nanlaki ang mga mata ko sa
ginawa niyang iyon. Tarantado 'to ah!

"Travis!" Sigaw ko sa kanya ng tumakbo siya. Hinabol ko naman siya at hinding-hindi


ko siya titigilan hanggat hindi ko siya napapatay!

"Ang bagal!" Tumatawa niyang sabi habang hinahabol ko siya. Para kaming mga batang
tuwang-tuwa na naghabulan sa buong garden nila.

"Kapag nahuli lang talaga kitang unggoy ka!"

"Kung mahuhuli mo ako! Hindi mo nga ako magawang mahabol tapos huhulihin mo pa ako?
Uso kasi ang magpapayat!" Tumatawa pa rin niyang sabi. Sinimangutan ko lang siya at
tsaka ako umupo sa may Bermuda grass ng garden nila. Mapapagod lang ako kung
patuloy lang ko lang siyang hahabulin.
"Oh, bakit ka tumigil?" Tanong niya at tsaka siya umupo sa tabi ko.

"Pagod na ako." Kaswal kong sagot. Bigla niya akong inakbayan at inilapit ang
sarili niya sa akin.

"Ako hindin-hindi ako mapapagod na habulin ka, susundan kita kahit saan ka pa
magpunta." Seryoso niyang sabi sa akin. Hindi na ako nagsalita at inihilig ko ang
ulo ko sa balikat niya.

Konti na lang, Travis at mahuhulog na rin ako sa'yo.

Matagal kaming nasa ganoong pwesto at nakatitig lang kaming dalawa sa kawalan.
Bakit ganoon? Kahit hindi kami nag-uusap pakiramdam ko masaya na ako. Pakiramdam ko
ang gaan-gaan ng pakiramdam ko para sa kanya.

I sighed.

"Tara na ihahatid na kita." Sabi niya ng mapansin niyang medyo gumagabi na. Tumayo
na kaming dalawa at pumasok sa loob. Kinuha ko lang saglit ang gamit ko sa may
sala. Umakyat din kami sa taas at saglit na nagpaalam sa mga magulang niya.

"Tara na." Sabi niya. Akmang lalabas na kami ng bigla namang magsalita si Shaun sa
may likuran naming dalawa.

"Kuya, nakauwi na raw si Liana galing states." Sabi ni Shaun. Napatingin naman ako
kay Travis at napansin kong biglang naging seryoso ang mukha niya. Parang bigla
akong kinabahan sa itsura niyang iyon dahil biglang bumilis ulit ang tibok ng puso
ko. Para bang sa pangalang iyon, ang laki na ng epekto noon sa kanya.

"Sino si Liana?" Hindi ko napigilang itanong pero kesa sagutin niya ako ay nauna
lang siyang maglakad papalabas ng bahay nila.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Thirty

THIRTY

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


"Bakit parang ang tahimik mo ata ngayon, Jeorge?" Puna sa akin ni Din. Napatingin
naman ako sa kanya at tsaka ako ulit tumitig sa kawalan. Nagpakawala ako ng isang
mahabang buntong hininga bago magsalita.

"Isang lingo nang hindi nagpapakita sa akin si Travis." Pag-amin ko sa kanya.


Napatigil naman siya sa pag-inom ng frappe niya. Mababaliw na ata ako kapag wala
akong napagsabihan tungkol dito.

"Baka naman busy sa basketball o may sakit lang." Saad niya.

"Gusto ko nga rin sanang isipin 'yon pero hindi eh, wala naman daw siyang sakit
sabi ni Shaun. Kung nagbabasketball naman siya, nagtetext naman siya. Pero Din,
wala eh. Kahit miss call o ano, wala!" Hindi ko mapigilang masabi. Tang ina talaga
nang mga lalaki! Pagkatapos kang landiin, iiwan ka na lang. Ano 'yon, mahilig lang
sila sa chase?!

"Kayo na ba?" Biglang tanong niya sa akin. Natigilan naman ako.

"H-Hindi pa." Nagawa kong isagot. Hindi pa naman kami pero ngayon pa lang
nagkakalabuan na kami. Ano pa kaya kapag naging boyfriend ko na siya? Di mas lalong
malala?

Pasakit lang talaga sa ulo ang mga lalaki!

"Hayaan mo siya kung ano ang gusto niyang gawin. Mas maganda nga iyon dahil
hanggang mas maaga, alam mo na ang mga pinaggagagawa niya." Sabi ni Din.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Din. She's right, I shouldn't act this way knowing
he's not yet my boyfriend. He's just courting me and he's free to do what ever he
wants to do. But I can't help myself to be scared. Natatakot ako sa naiisip ko na
baka gusto ko na rin siya.

"If I were you, I won't think of that stupid jerk. Aba, kahit pinsan ko siya alam
ko naman ang hilatsa ng bituka niya. Hayaan mo na siya, magsaya tayo ngayon! Nasaan
na ba si Heena?" Ani niya.

I sighed.

Pigilan ko man ang hindi siya isipin, patuloy lang siya pumapasok sa isipan ko.
Hindi ko alam pero parang namimiss ko ang kakulitan niya at ang bastos niyang
bibig. Hindi kasi ako sanay na hindi niya ako ginugulo. Isang lingo na rin kasi
siyang hindi pumapasok sa school at wala akong balita ni isa sa kanya.

"Nasa loob na raw siya ng mall. Puntahan na lang natin." Sabi ko. Tumayo na kami at
tsaka lumabas sa Starbucks. Buti na lang kasama ko 'tong babaeng ito. Kung hindi,
kanina pa ako nabaliw kakaisip sa unggoy na 'yon.

Pumasok kami sa loob ng mall at nadatnan namin doon si Heena na kasama si Axcel.
Nagkatinginan kami ni Din at parehong napataas ang kilay naming dalawa.

"So, why are you with this jerk?" Mataray na tanong ni Din. Nakita ko naman ang
pagsimangot ni Axcel. Sa pagkakaalam ko, kakabreak lang ng lalaking 'to kay Thalia
ah? Aba, lumalandi agad.

"Ayaw niya akong tantanan kaya isinama ko na lang, saan ba tayo ngayon?" Saad ni
Heena.

"I am hungry." Rinig kong bulong ni Axcel kay Heena.

"Kumain na muna tayo, kanina pa rin ako nagugutom. Hindi naman sapat ang kape
lang." Sabi ni Din. Tumango lamang ako sa kanila. Pumasok kami sa isang restaurant
para kumain. Napansin ko rin na panay ang pag-uusap nina Axcel at Heena. Kami naman
ni Din ay busy sa kung anu-ano, usually girls stuff.

"Travis' here." Natigilan ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Axcel. Lahat kami ay
napatingin sa kanya.

"He's here?" Tanong ni Din.

"I told him I'm here, eating. He says he'll go here." Kaswal na sabi ni Axcel.

"Why are you so stupid, Axcel?" Inis na sabi ni Din. Kumunot naman ang noo ni Heena
na para bang nagtataka sa nangyayari.

"May problema ba, Din?" Tanong ni Heena kay Din. Sumimangot naman si Din at tsaka
tumingin sa akin. Nagkibit balikat lang ako.

"He's here." Ani ni Axcel sabay tingin sa may likuran ko. Naramdaman ko naman ang
paghuhurementado nang puso ko.

"Bro." Nakipag bro fist si Axcel kay Travis. Tahimik naman kaming tatlo at hindi ko
alam ang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sa plato ko at hindi ko pa masyadong
nagagalaw ang pagkain ko.

"Liana?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pangalang iyon. Napatingin ako
sa babaeng matangkad sa may likuran ni Travis. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay
nilang magkahawak. Bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko ang pag-akyat ng
dugo sa ulo ko. What a great scenario!

So, the girl who has a Liana's name is this bitch? Sa pagkakatanda ko, siya ang ex
ni Travis ah? Ngayon ko lang nalaman na pwede mo pala ulit isubo ang bagay na
iniluwa mo na.

"Uhmm, hi." Magalang niyang bati sa amin habang abot tenga ang ngiti niya. Ang
galing umarte! Akala mo kung sinong mabait.

"Umupo muna kayo." Sabi ni Din. Umupo naman sila sa tabi ni Din. Buti naman at
hindi nila naisipang umupo sa tabi ko.

Napatingin ako kay higad at napansin kong humaba ang buhok niya. Napakunot ang noo
ko, parang ang bilis naman atang humaba nang buhok niya?Ang ikli lang ng buhok niya
nang huli ko siyang makita ah?

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko at hindi ko pinansin ang presensya nilang


dalawa. Galit ang nararamdaman ko pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil una sa
lahat, wala naman akong karapatan kay Travis. Hindi ko siya boyfriend o ano man.

"Excuse me, rest room lang ako." Paalam ko saglit sa kanila. Napansin ko ang
pagtingin sa akin ni Travis pati na rin ni Axcel at Heena.

"Sama na ako." Ani Din at tsaka siya tumayo.

Pareho kaming pumunta sa rest room. Dumiretso siya sa isang cubicle habang ako
naman ay nag-retouch saglit. Gusto ko lang talagang umalis doon dahil baka hindi ko
mapigilan ang init ng ulo ko. Lalo na ngayon na time of the month ko pa.

"Ngayon ko lang nalaman na bumalik na pala siya galing states." Saad ni Din.
Nagtatakang napatingin naman ako sa kanya.

"Umalis ba siya? Hindi ba't siya 'yong ex ni Travis na pumunta rin sa birthday
party ni Shaun?"

"Ha? Hindi ah. Kakambal niya 'yon. Si Liana Jane ang ex-girlfriend ni Travis and
the girl I am talking about is Liana Marie. She was Travis' firstlove.
Unfortunately, hindi sila nakatadhana sa isa't-isa. Nagulat nga ako na magkasama
sila ngayon eh." Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Din. Hindi siya ang ex ni
Travis? What the hell is this? Bakit ngayon ko lang 'to nalaman? Marami pa ba akong
hindi alam kay Travis?

"You mean, minahal siya ni Travis?" Gulat kong tanong.

"Exactly!" Sagot niya habang nagreretouch siya sa salamin. I suddenly swallowed


hard.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bigla na lang akong kinabahan at bakit kung
anu-ano na lang ang naiisip ko? Oo, hindi pa naman kami pero bakit nakakaramdam ako
ng selos? Kung matatawag ko nga itong selos. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga
at harap-harapan akong niloloko nang lalaking mahalaga sa buhay ko.

"Let's go." Lumabas na si Din at wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.

Nadatnan naming kumakain na rin si Travis at Liana. Nakangiti si Travis habang


kausap niya si Liana at parang masaya siya na kausap niya si Liana, ang unang
babaeng minahal niya. Damn this, I hate this feeling! I hate being jealous without
any reason.

Agad akong nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang makita si


Travis na masaya sa ibang babae. Oo, aminin ko man o hindi pero nagseselos ako.
Nagseselos ako dahil gusto ko na rin siya. Gusto ko na rin si Travis. Sabihin ko
mang hindi ko siya gusto, itinatanggi naman iyon ng buo kong katawan. I act very
different.

Pero bakit nang dumating lang si Liana, hindi na siya nagparamdam sa akin. Ano
iyon? Pampalipas oras niya lang ako? Dahil wala lang siyang magawa kaya ako ang
ginugulo niya? Ako ang naging prospect niya? Dammit.

"We'll watch a movie, gusto n'yo bang sumama?" Nakangiting tanong ni Liana nang
matapos kaming kumain. Tinignan ko naman si Din at Heena bago ko balingan ng tingin
si Liana.

"I am sorry but if you wouldn't mind, we have some plans today and both of you are
not included to those plans. Besides, ayaw naman naming makaistorbo sa date n'yong
dalawa kaya sigurong mas maganda na lang na hindi kami sumamang manood ng movie sa
inyo. Sa tingin ko naman ngayon na lang ulit kayo nagkita, so you guys should enjoy
each other's accompany, hindi ba?" Diretso kong sabi sa kanilang dalawa. I don't
care if I will look bitch to them, wala akong oras makipagplastikan sa kanila lalo
na sa Montemayor na nasa harapan ko. May nalalaman pa siyang gusto niya ako't
nahuhulog na siya sa akin. Putang ina niya!

"Ganoon ba? Sige, sorry—"

"You don't need to say sorry to her, Liana." Mariing sabi ni Travis at tsaka niya
hinawakan ang kamay nito. Nakaramdam ako ng pagpakahiya pero kailangan kong
magmukhang malakas, matapang at hindi kaawa-awa sa harap nilang lahat. Kahit na
naramdaman kong nasasaktan ako sa pagtatanggol niya kay Liana.

"Pwede mo namang sabihing ayaw mo. Hindi 'yong marami ka pang sinasabi." Saad ni
Travis habang walang emosyon sa mukha na nakatingin sa akin.

What now? Ako pa ngayon ang nagmukhang masama? Wow. Great, really great!

"Wala kang pakielam kung ano ang gusto kong sabihin. Sino ka ba para pigilan ako?"
Mataray kong tanong sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak ni Din sa braso ko pero
marahas kong tinanggal iyon.
"What the hell is your problem?! Bakit bigla ka na lang magagalit ng walang
dahilan?! Inaano ka ba naming dalawa?!" Iritableng sigaw ni Travis sa akin.
Napansin ko naman ang pagtingin sa amin ng ilang mga tao na kumakain din sa loob ng
restaurant.

"You are actually asking me that question?" Sarkastiko kong sabi sa kanya. How dare
him to ask me that question! Pagkatapos niyang hindi magparamdam sa akin ng isang
lingo tapos makikita ko na lang siyang may ibang kasamang babae? Wow! Ang gwapo
niya masyado ha!

"Are you jealous?" Walang pag-aalinlangan niyang tanong. Natigilan naman ako sa
tanong niyang iyon. Do I look obvious to him?

"Why would I? Boyfriend ba kita para magselos ako?" Diretsa kong sabi sa kanya.
Hindi naman siya nakasagot sa sinabi kong iyon. Pareho kaming natigilan at wala sa
sariling napatitig sa isa't isa.

Gusto ko siyang murahin, gusto ko siyang pagsalitaan ng kung anu-ano pero hindi ko
magawa dahil una sa lahat wala akong karapatan. He's just courting me, hanggang
doon lang 'yon pero bakit ako nasasaktan? Bakit ako nasasaktan na makita siyang may
kasamang iba? I hate this feeling and I know I'll be broken in no time.

"Let's go." Mariin kong sabi at tsaka ako tumayo. Nauna na akong lumabas sa kanila
at marahas kong hinawi ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Thirty One

THIRTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"What the hell is your problem?!" Nabigla ako nang may biglang humigit sa braso ko
at marahas akong iniharap ako sa kanya. Nasalubong ko ang matatalim niyang tingin
at hindi naman ako basta nagpatalo roon. I am confident of myself and no one can
ever turn me down.

"Don't touch me!" Sigaw ko sa kanya at tsaka ko marahas na binawi ang braso kong
hawak niya. I don't care if we were making a scene in the middle of this mall.
Nangingibabaw ngayon ang galit at pagkamuhi ko sa kanya.

"Putang ina naman, Jeorge! Bakit ba bigla ka na lang magagalit sa akin nang hindi
ko alam ang dahilan?! Nagseselos ka ba?!" Sigaw niya. Napaawang naman ang mga labi
ko sa sinabi niya hindi dahil sa pagkagulat, kung hindi dahil sa galit na
nananalaytay sa buo kong sistema. He's so stupid asking me that question.

"Oo, nagseselos ako, masaya ka na?! Pagkatapos mong hindi magpakita sa akin ng
isang lingo may gana kang tanungin ako ng ganyang mga tanong?! Putang ina mo pala
eh!" Hindi ko na kaya pang pigilan ang galit ko sa gagong nasa harapan ko ngayon.
Napansin kong marami na ang nanonood sa eksena naming dalawa pero wala akong
pakielam! Galit ako at walang pwedeng pumigil sa akin!

"Nasa bakasyon ako at wala ako sa syudad! Hindi naman ako laging nasa tabi mo at
hindi naman kita girlfriend para sabihin ko sa'yo lahat ng ginagawa at pinupuntahan
ko! You are acting like you are my girlfriend which in fact you are not!"
Naramdaman ko ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Nasaktan
ako at patuloy akong nasasaktan.

He's right. I am not his fucking girlfriend so I don't have any rights to be
jealous of him and his girl. Wala akong karapatan ni isa, dahil sa mismong bibig na
niya nanggaling na hindi niya ako girlfriend.

He's really right.

"Sorry ha? Hindi ko alam na sumobra nap ala ako, akala ko normal pa 'tong ginagawa
ko." Sarkastikong sabi ko sa kanya kahit na nasasaktan ako. Naramdaman ko ang
pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko. I hate being sarcastic in the middle
of this thing.

Muli ko siyang tinalikuran pero katulad kanina ay muli niya lang akong hinigit
papaharap sa kanya.

"Jeorge, I am sorry, I didn't mean to say those words to-" Hindi ko na pinatapos pa
ang sasabihin niya dahil agad na lumapat ang kanang palad ko sa mukha niya. Ramdam
ko ang galit ko sa mga palad kong iyon ng sinampal ko siya.

"I am not your girlfriend and you are not my boyfriend. Isinampal ko na sa mukha mo
ang katotohanan para naman damang-dama mo." Matapang kong sabi sa kanya. Naramdaman
ko ang pagtakas ng mga luha sa mga mata ko pero marahas ko iyong hinawi sa harapan
niya. Hindi siya nakapagsalita sa sinabi kong iyon, tahimik lang siyang nakatitig
sa akin.

"Para sabihin ko sa'yo, Montemayor. For the seventeen years of my existence in this
world, nabuhay ako ng wala ka. Kaya hinding-hindi ka magiging kawalan sa akin.
Sa'yo na mismo nanggaling, I am not your girlfriend kaya ibig sabihin lang noon na
wala ka ring karapatan sa akin." Mariin kong sabi sa kanya. Hindi naman siya
nakapagsalita sa sinabi kong iyon. I just saw him clenched his jaw and his
knuckles.
"Ano bang nagawa ko?" Mahina niyang sabi habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.
Gusto kong matawa sa tanong niyang iyon.

"Ask yourself." I said then I turned my back at him and walked away. Nakakailang
hakbang pa lang ako ng bigla akong tumigil. Alam kong nasa likuran ko pa rin siya
at alam kong kapag nagsalita ako ay maririnig niya iyon.

"By the way, salamat sa pagpapaasa sa akin." I manage to say. Agad akong umalis
doon at dumiretso sa parking lot. Doon ko hindi kinaya ang mga luhang kanina ko pa
pinipigilan.

Ngayon ko lang naranasan ang masaktan ng ganito at ang malala, ay dahil sa isang
Montemayor kaya ako ngayon umiiyak. Tangina naman kasi, bakit napakapaasa ng mga
lalaki sa mundo? Kung kailan ka na nahuhulog, doon ka naman iiwan sa ere. Magsama-
sama sila!

"Jeorge, are you okay?" Naramdaman ko ang presensya nila Din, Heena at Axcel sa may
likuran ko. Inabutan ako ni Heena ng panyo at tinanggap ko naman 'yon.

"Nakakainis! Bakit ba ako umiiyak dahil sa gagong 'yon?!" Inis kong sabi sa sarili
ko. Natawa naman si Din at Heena sa inasal ko.

"Mahal mo kasi." Sagot naman ni Heena. Inirapan ko naman siya ng bongga.

"Gaga! Hindi ko siya mahal, minsan talaga, kailangan din umiiyak ng mga dyosa."
Nakangisi kong sabi. Siguro, mukha na akong tanga ngayon. Saan ka ba naman kasi
nakakita nang babaeng umiiyak sabay nagjojoke?

"Tara nga dito, huhug ka nga namin!' Sabi nila at tsaka nila ako sabay na niyakap.
Gosh! Buti na lang talaga nandito ang mga lokaret na 'to, kung wala sila baka
kanina pa ako ngawa ng ngawa dito.

"Drama ng mga babae, tss." Napalingon kami sa nagsalita na walang iba kung hindi si
Axcel. Nakasimangot siyang nakatingin sa amin.

"Manahimik ka nga diyan!" Sabi ni Heena at tsaka siya inirapan nito.

I just smiled. At least, I could smile in the middle of this pain.

DUMIRETSO agad ako sa kwarto ko ng makauwi ako sa bahay. Wala pa sina Mommy at
Daddy at tanging mga kapatid ko lang ang nadatnan ko na parehong naglalaro lang ng
XBOX. Hindi pa agad kami umuwi at inilibot pa nila ako. Dapat daw ay magcelebrate
kami sa una kong heartbreak. Tinawanan ko lang sila at pinagsasabunutan. Mga baliw
talaga sila kapag kami ang magkakasama.
I sighed.

Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap ay naging ganito ang lahat. Nawala ang
tiwala ko para sa kanya at alam kong mahirap ng ibalik iyon. Kung bakit naman kasi
napakalandi nang lalaking 'yon! Kairita!

Kung sabagay, sa kanya na mismo nanggaling na hindi niya ako girlfriend. Ano pa
bang magagawa ko? Parang ipinamukha na niya sa akin na wala akong karapatan na
magselos at lalong wala akong karapatan sa kanya.

He's just courting me and he could stop anytime he wants to stop and I think this
is it. Ito na 'yon, senyales na ito na tumitigil na siya sa panliligaw sa akin.
Sumuko agad siya, siguro dahil naiinip siya sa akin. Hindi naman kasi ako 'yong
tipo ng babae na magugustuhan niya. I am a grade conscious student and I'm a pro-
woman. Sa tulad niyang mataas ang pride, hindi kami pwedeng magsama. Para bang
anghel ako, demonyo siya ang tema nang love story naming dalawa.

Okay lang, hindi naman ako ang nawalan at hindi naman siya kawalan. Kinapangit ko
ba kung sumuko agad siya? Ang dami-daming lalaki diyan, mas matino pa sa kanya at
mas gwapo pa sa kanya! Hmpf.

Nagpalit ako ng damit at nag-ayos saglit, masyado akong napagod kanina sa drama
namin ni Travis kaya kailangan kong magpahinga. Hindi naman ako tulad ng ibang
babae na buong gabi mag-aatungol na parang aso dahil pinaasa ng lalaking crush nila
o kuno. Mas pipiliin ko na lang ang matulog buong gabi at mag-beauty rest.
Kinaganda ko pa!

Nagising ako sa katok na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan akong


nagmulat ng mga mata at naaninag kong madilim na sa labas. Sinipat ko ang orasan sa
gilid ng kama ko at nakita kong alas siyete na pala ng gabi. Dahan dahan akong
bumangon at tsaka tumungo sa pinto ng kwarto ko. Pinihit ko ang seradura nang pinto
at nakita kong si Mommy ang kumakatok.

"What is it, Mommy?" Paos kong tanong. Humihikab pa ako habang nakatingin kay
Mommy. Babawi na lang ako ng tulog mamaya.

"Anak, nag-away ba kayo ni Travis?" Biglang tanong ni Mommy. Natigilan naman ako sa
paghikab.

"Po?" Kunot noong tanong ko. Paano nalaman ni Mommy? Sinabi ba ni Din o Heena?

"Nasa ibaba kasi si Travis, kanina pa siya nandiyan at hinihintay kang magising.
Sabi niya nag-away raw kayong dalawa kaya gusto ka niyang makausap." Ani Mommy. Ang
kapal naman pala talaga ng mukha niyang pumunta pa rito sa pamamahay ko?

"Mommy, I don't want to talk about it. Okay? Pauwiin n'yo na lang siya. Masyado
akong pagod para makipag-usap sa taong manhid at makitid ang utak." Mahinahon kong
sabi kay Mommy.

"Anak, concern lang naman ako kay Travis. Pulos sugat at pasa ang mukha niya
ngayon, binugbog mo ba siya, anak?" Saad ni Mommy. Napataas naman ang kilay ko.

"Ma! Kung ako lang din naman pala ang gumawa noon sa kanya, hindi ko na siya
hahayahang huminga pa." Nagawa kong isagot. Gagamitin pa niya ang bugbog saradong
mukha niya para makausap ko siya. Ano ako tanga? Magdusa siya!

"Anak naman."

"Basta, Mommy. Pauwiin mo na lang siya. Wala siyang mapapala sa akin, tapos na ang
nasa pagitan naming dalawa. He could do now whatever he wants to do now." Kaswal
kong sabi. Ngumiti lang ng pilit si Mommy sa akin.

"O siya, kung iyan ang gusto at sasabihin ko sa kanya. Basta ayokong patagalin n'yo
'tong away n'yo ha?" Sabi ni Mommy, tumango lamang ako bilang sagot sa sinabi niya.

Humiga lang ulit ako sa kama ko ng makababa na si Mommy. Bigla naman akong
napaisip. Pagkatapos niyang ipamukha sa akin kanina na wala akong karapatan sa
kanya? Aba, kapal naman pala ng mukha nang mukha niyang humarap pa sa akin. Bilib
din talaga ako sa Montemayor na 'yon, ang tibay! Ano bang akala niya? Pagbibigyan
ko pa siya? Tanga na lang ang magpapauto pa sa kanya. Hindi ako ipinanganak kahapon
para magpauto sa kanya at para hayaan siyang saktan pa ulit ako. It is enough that
he had hurt me once, I won't allow him to do it again. I can be bitch wherever I
wanted to be.

All I need to do is to make him realize that no one should hurt me and how to deal
with Jeorge Rivas. You'll see it very soon, Travis Kiel Montemayor Jr.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Thirty Two

THIRTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


Nakataas ang noo ko ng pumasok ako sa loob ng classroom namin. Halos lahat sila ay
napatigil sa kanilang ginagawa nang pumasok ako. Sino ba namang hindi mapapatigil
kung makakita sila ng dyosang tulad ko, hindi ba?

"Ang aga mo ata?" Puna ni Mae ng makaupo ako sa tabi niya. I lifted a brow at her
before I speak.

"Maaga talagang pumapasok ang mga dyosa, hindi mo alam? How sad to your part." I
sarcastically said. She just rolled her eyes.

"Whatever, Rivas." Ani niya at tsaka muling itinutok ang atensyon sa librong
binabasa niya. Ito ang gusto ko kay Mae, nasasakyan niya ang ugali ko. Hindi
katulad ng iba na makikipagplastikan na nga lang sa akin, halata pa.

Gumala naman ang mga mata ko sa buong classroom at doon ko lang napagtanto na wala
pa si Travis. Mabuti naman, ayokong masira ang araw ko dahil lang sa pagmumukha
niya.

"Hindi mo ata kasabay si Travis?" Tanong sa akin ni Mae. Inilabas ko naman ang
libro ko sa Physics para pag-aralan ang lesson namin mamaya.

"Don't say bad words, please." I said not looking at her.

"L.Q?" Napatingin naman ako sa kanya.

"L.Q? Bakit kami ba?" Kaswal kong sabi sa kanya at tsaka ko muling ibinaling ang
mga mata ko sa librong hawak ko.

"Why are you look so mad? It seems he did something really wrong." Saad niya.

"Alam mo, Mae. Ngayon ko lang nalaman na may pagkatsismosa ka rin. Pwede ba?
Ayokong pag-usapan si Travis ngayon dahil umiinit lang ang ulo ko." Iritable kong
sabi sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya sa sinabi kong iyon. "May ginawa nga sa'yo si
Montemayor. Usually, hindi ka naman ganyan magalit. Pero hindi na ako magtatanong,
mamaya sabunutan mo na lang ako bigla." Saad niya, inirapan ko lang siya.

Dumating ang teacher namin na hindi pa rin pumapasok si Travis. Mas maganda na
ngang hindi siya pumasok, maglandi na lang siya at sigurado naman akong wala rin
siyang future. Hindi na nga ako magtataka kung malaman kong nakabuntis na pala
siya. Knowing how manyak he is.

"Jeorge, nakita mo ba si Travis?" Tanong sa akin ni Romar.


"Hanapan ba ako ng nawawalang aso?" Masungit kong tanong sa kanya.

"Sungit ah, meron ka?" Sagot niya sa akin. Mabilis naman na lumipad sa hangin ang
middle finger ko. Wala akong panahon na makipagbiruan sa mga alagad ni Travis na
mukha rin namang aso tulad niya.

Pumasok na ang pangalawa naming teacher at nasa kalagitnaan siya ng pagtuturo ng


biglang pumasok si Travis. Nakuha naman niya ang atensyon ng lahat lalo na't pulos
band-aid ang mukha niya. May pasa pa siya sa gilid ng labi niya at parang sumabak
siya sa giyera. Salamat sa taong bumugbog sa kanya. I muttered to myself.

Hindi siya pinansin ng teacher namin at nagtuloy-tuloy lang ito magturo. Siya naman
ay dumiretso sa upuan niya. Bigla siyang lumingon sa pwesto ko at nagtama ang mga
mata naming dalawa. Agad ko siyang inirapan ng bongga. Sino siya para bigyan ko ng
atensyon?

Itinuon ko ang pansin ko sa itinuturo ng teacher namin sa unahan. Alam kong panaka-
naka niya akong nililingon pero hindi ko siya pinapansin. Wala ng rason pa para
bigyan ko ng atensyon ang mga tulad niyang paasa.

Tatlong subjects ang natapos ng umagang iyon. Break time namin kaya agad kong inaya
si Mae para kumain sa cafeteria. Naunang lumabas si Travis at mukhang nakakaramdam
naman siya na ayaw ko na siyang pansinin pa. Aba, akala ko magtatanga-tangahan na
naman siya.

"Tara na, Mae." Aya ko sa kanya. Tumayo na siya at sabay kaming lumabas ng
classroom pero nagulat ako ng kapiraso nang tumambad sa harap ko si Travis na may
hawak na isang boquet ng flowers. Seryoso ang mukha niya at walang bakas ng ngiti
akong nakita hindi tulad dati na panay ang ngiti niya.

"Para sa'yo, Jeorge." Mahina at seryoso niyang sabi habang inaabot sa akin ang
hawak niya.

I scanned him from his head to his feet. I lifted a brow at him and smirked like a
bitch looking at his prospect fiercely. My eyes stopped at his face and I met his
stares. "I don't like roses if you don't know and I can buy that ugly flowers
twelve times than you thought." Mataray kong sabi sa kanya. I heard some gasps from
people around us. Napayuko naman siya na para bang pahiyang-pahiya siya sa sinabi
kong iyon.

"Sorry." I heard him said.

"Kung hindi mo rin alam, hinaharangan mo ang daraanan ko kaya kung pwede lang,
tumabi-tabi ka." Mataray ko pa rin na sabi sa kanya. Tumabi naman siya kaya taas
noo akong lumakad papalayo roon. Pinagtitinginan pa ako ng ilang tsismosa sa
paligid habang naglalakad ako. Nang makalayo ako roon ay nilingon ko siya at nakita
kong naroroon pa rin siya sa kinatatayuan niya at tahimik na nakatitig lang sa
bulaklak na hawak niya na para bang nahihiya siya sa pagtanggi kong iyon.
Your chance has been already wasted, Travis.

Nakarating kami sa cafeteria na iyon pa rin ang usap-usapan. I know a lot of


students looking at me intensely but I just ignored them. Sino ba sila?

"Grabe ka naman kay Travis kanina." Sabi ni Mae sa akin habang umoorder kami ng
pagkain.

"It's not enough, Mae. Nag-uumpisa pa lang ako, paano kapag nasa kalagitnaan na?"
Nakangisi kong sabi sa kanya. Wala akong awa na nararamdaman ngayon sa kanya. Sino
ba ang may kasalanan kung bakit niya ngayon iyon nararanasan? Ako ba? Hindi naman,
hindi ba?

"Ewan ko sa inyong dalawa, ang gulo n'yo." Sabi niya. Pareho kaming umorder ng
carbonara at nang makuha namin ang order naming dalawa ay agad kaming naghanap ng
pwesto.

"Hindi ako ang magulo, siya itong magulo." Sagot ko naman. Magsasalita sana siya ng
bigla naman sumulpot sa gilid ko si Din, Xander, Heena at Axcel.

"Hi Mae!" Bati nila kay Mae. Ngumiti lang si Mae bilang sagot sa kanila.

"Grabe ka, Jeorge! Nabalitaan ko 'yong ginawa mo kanina kay Ravis!" Ani Din at
tsaka ito tumabi sa akin. Inagaw niya sa akin ang tinidor kong hawak at sumubo sa
pagkain ko.

"Ang bilis naman ata makarating ng balita sa inyo?" Nakataas kong kilay na sabi.

"Montemayor kaya siya." Saad ni Din habang ngumunguya.

"Hindi naman kayo naawa sa pinsan n'yo! Bakit n'yo ba kasi binugbog?!" Biglang
nagsalita si Heena habang nakatingin kay Axcel. Nakapakunot naman ang noo ko sa
narinig kong iyon.

"Binugbog nino?" Kunot noong tanong ko.

"Present!" Nakangising sabi ni Xander sa harap ko.

"Kayo ang bumugbog kay Travis?" Tanong ko. Tumango naman si Xander at tsaka inagaw
kay Din ang tinidor ko. Siya naman ngayon ang kumakain ng pagkain ko. Patay gutom
talaga 'tong lalaking 'to!

"Silang dalawa ni Axcel ang bumugbog. Parang mga sira, hindi na naawa na pinsan
nila. Buti nga hindi nagsumbong 'yon sa Daddy niya kung hindi malalagot 'tong
dalawang 'to." Iritableng sabi ni Heena at tsaka niya piningot ang tenga ni Axcel.
Sumimangot lang ito katulad ng nakagawian niya.

"Tangna, subukan niya lang magsumbong at babangasan ko ulit siya." Sabi ni Xander
habang ngumunguya. Napangiti naman ako sa inasal niya.

"Ano bang gusto n'yong dalawa? Libre ko." Nakangisi kong sabi. Bigla naman akong
sinabunutan ni Heena.

"Siraulo ka! Kinukunsinti mo pa! Hindi mo ba nakita ang mukha ni Ravis? Pulos galos
at pasa ang mukha! Nagulat nga ako ng marinig kong pumasok pa 'yon." Sabi niya.

"Kulang pa nga 'yon sa ginawa niya sa akin." Sabi ko naman sa kanya. Si Mae ay
tahimik lang na nakikinig sa mga pinag-uusapan namin.

"Ang hard mo talaga girl." Sabi naman ni Din. May dala na siya ngayong pagkain at
sinimulan na niyang lantakan ang carbonara niya.

"Bitin naman, tangna." Ani Xander nang maubos niya ang pagkain ko. Inabutan ko
naman siya ng one hundred peso bill.

"Bumili ka pa, pasalamat ko na lang sa'yo dahil sa ginawa mo." Sabi ko sa kanya.
Bigla naman siyang ngumiti ng pagkaluwag-luwag.

"Ayos!" Ani niya at tsaka siya tumayo para bumili ng pagkain. Hay nako, Xander.
Kahit kailan napakamukha mong pagkain.

"Wala ka talagang balak patawarin si Ravis?" Tanong ni Heena sa akin. Huminga naman
ako ng malalim.

"I don't know." Nagawa kong isagot sa kanila. Buong oras namin iyong pinag-usapan
at nagpasalamat ako ng tumigil din sila sa kakatanong sa akin tungkol sa kung ano
ba ang gagawin ko. Bumalik kami ni Mae sa classroom namin ng matapos ang break.

Napataas muli ang kilay ko ng makita kong naroroon si Travis sa upuan niya at
nakatungo. Wala siyang kasama at mag-isa lang siya, nasa may gilid pa niya ang
boquet ng flowers na hawak niya kanina. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy
ako sa upuan ko.

Pumasok ang teacher namin at nakatungo pa rin siya kaya agad siyang napansin ng
mag-check ng attendance ang teacher namin.

"Are you okay, Mr. Montemayor?" Tanong sa kanya ng teacher namin. Nag-angat naman
siya ng tingin sa teacher namin.
"I am not okay, sir." Sabi niya sabay tingin sa akin, hindi ko naman siya pinansin.
Hinayaan na lang siya ng teacher namin na matulog at itinuon ko na lang ang pansin
ko sa buong klase.

Natapos ang klase na hindi ko siya pinapansin at aaminin ko, hindi ako sanay na
sobrang tahimik niya. Lagi kasi siyang nag-iingay kapag nagkaklase at kalimitan ay
napapatayo pa siya sa sobrang ingay niya. Hindi katulad ngayon, sobrang tahimik
niya at parang hindi siya si Travis.

Natapos ang klase namin at nauna siyang lumabas bitbit ang bulaklak na dapat ay
ibibigay niya sa akin. Bakit ba hindi na lang niya ibigay sa kung sinong babae ang
bulaklak na 'yon? Tutal naman marami siyang babae! I whispered to myself.

"Jeorge, una na ako." Paalam sa akin ni Mae. Tinanguan ko lang siya at tsaka kami
naghiwalay. Dumiretso ako sa parking lot at nagtaka ako kung bakit wala roon si
Mang Bert.

Inilabas ko ang cellphone ko at doon ko lang nabasa ang text ni Mang Bert sa akin.

Manong Bert:

Ma'am Jeorge, nagkaemergency po ang Mommy niyo at nasiraan siya. Hindi ko po kayo
ngayon maihahatid. Mag taxi na lang daw po kayo sabi ng Mommy niyo.

Ako:

Sige po, Manong Bert.

Ipinasok ko na lang ulit sa bulsa ko ang cellphone ko, akmang aalis na ako roon ng
marinig ko ang pamilyar niyang boses sa may likuran ko.

"Jeorge..." Napalingon ako sa nagsalita at hindi ako nagkamali ng makita kong si


Travis iyon. Seryoso akong tumingin sa kanya.

"Sorry na, pansinin mo na ako. Alam kong mali ako at handa ko namang tanggapin ang
pagkakamali ko, h'wag lang 'yong ganito. Ayoko ng ganito, iyong hindi mo ako
pinapansin." Seryoso niyang sabi sa akin.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya at pinakatitigan ko lang siya. Hinahanap ko kung
nasaan ba ang pake ko sa kanya. Kahit ano kasing sorry niya, pilit na pumapasok sa
isipan ko ang mga sinabi niya sa akin kahapon. Oo, aaminin ko. Nasaktan ako ng
sobra sa mga sinabi niyang iyon at hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang mga
sakit na dulot ng mga sinabi niya.

"Jeorge, patawarin mo na ako." Seryoso pa rin niyang sabi sa akin. Biglang nahagip
ng mata ko si Liam sa may likuran niya. Agad ko siyang tinawag at kunot noo naman
siyang lumapit sa akin.

"Bakit, Jeorge?" Tanong sa akin ni Liam pagkalapit niya. Nakita ko namang biglang
nagtagis ang mga bagang ni Travis habang nakatitig kay Liam.

"Hindi kasi ako masusundo ni Mang Bert, pwede ba akong sumabay sa'yo?" Nakangiti
kong sabi sa kanya. Lumiwanag naman ang mukha ni Liam sa sinabi kong iyon.

"Sure." Nakangiti niyang sagot. Lumakad na kami papunta sa sasakyan niya at


nilagpasan lang namin si Travis.

"Jeorge..." Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Travis sa may likuran ko pero hindi
ko na siya pinansin pa.

It's already over, Travis.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Thirty Three

THIRTY THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Naaawa na ako kay Travis, Jeorge." Ani Din habang umiinom ng juice sa may harapan
ko. Nasa bahay siya ngayon at wala raw siyang magawa kaya naririto siya sa bahay
para guluhin ako. Sabado naman at wala naman akong masyadong assignments kaya ayos
lang sa akin.

"At bakit ka maaawa sa gagong 'yon, aber?" Mataray kong sabi sa kanya.

"Hindi na namin siya makausap ng ayos, dati naman lagi siyang sumasama sa amin.
Ngayon, lagi na lang siyang nasa kwarto niya at sabi nga ni Shaun narinig niya raw
na umiiyak si Travis pero duda naman ako sa sinabi niya. Knowing Shaun is an
asshole too." Saad niya. Ipinatong ko naman ang paa ko sa may lamesang nasa harapan
namin.
"Nagpapaloko ka naman? Drama niya lang 'yon dahil natapakan ang ego niya bilang
lalaki. Akala naman kasi niya patay na patay ako sa kanya, kung gusto niyang
landiin lahat ng babae sa Pilipinas. Go! Suportahan ko pa siya ng financial support
kung gusto niya." Sabi ko sabay kuha ng baso sa may harapan ko. Ayoko pa namang
mastress ang dyosa kong kagandahan ngayong araw.

"Haynako, Jeorge. Minsan nga buksan mo rin 'yang mga mata mo. Never pa kayang
naging ganoon si Travis. Dati naman kapag may nakipagbreak sa kanyang babae, parang
wala lang sa kanya at malalaman mo na lang na mayroon na siyang bago. Ngayon hindi,
ibang-iba siya ngayon hindi katulad ng dati. Tahimik lang siya at wala siyang
pinapansin sa amin, miski nga Mommy't Daddy niya tinatanong kami kung mayroon bang
nangyari. Ang nasasagot lang namin ay dahil sa'yo." Diretso niyang sabi.
Napasimangot naman ako sa sinabi ni Din. So ako pa ata ang may kasalanan kung bakit
siya nagkakaganoon? Aba, sisihin niya ang sarili niya!

"It's his fault, not mine. He should blame himself and he should take the
consequences of his actions." I said. Napatulala naman si Din sa sinabi ko.

"Dalawang lingo mo na kaya siyang pinapahirapan." Sabi pa ni Din sa akin. Umirap


lang ako sa hangin. Pumunta lang ata ang babaeng 'to rito para sermonan ako.

"Excuse me, he's the one who made things really difficult. Kung nag-isip sana siya,
hindi niya sana mararanasan ang nararanasan niya ngayon." Mataray ko pa rin na
sabi.

"Okay fine, suko na ako sa katigasan mo. Wala naman akong magagawa, buhay mo 'yan
at labas na ako roon." She said finally dropping our conversation. Binigyan ko lang
siya ng isang dyosang ngiti.

"Kaya rin pala kita pinuntahan para sabihing may party sa bahay namin mamaya." Ani
niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Sino may birthday?" Tanong ko.

"Gaga! Kapag may party may birthday agad?" Singhal niya. Napasimangot naman ako,
malay ko ba!

"E ano?"

"Magcecelebrate si Mommy, naging successful kasi ang opening ng bakeshop niya."


Sabi niya. Ang taray naman pala ni Tita Lilet, nagtatrabaho na nga siya sa
Montemayor Empire tapos may bakeshop pa?

"Sure, anong oras ba?" Tanong ko.

"Mga six ng gabi. Punta ka ha? Kumpleto ang tropa mamaya." Sabi niya. Tumango naman
ako sa sinabi niya.
"Papayagan naman ako ni Mommy, wala namang pasok bukas." Sabi ko.

"Alright, I have to go. Tutulong ako sa pagluluto ni Mommy. Tawagan mo na lang ako
kapag pupunta ka na, ha?" Saad ni Din at tsaka siya tumayo. Tumayo rin ako para
ihatid siya sa labas.

"Sige." Inihatid ko siya hanggang sa labas ng gate. Malapit lang naman ang bahay
nila Din sa amin kaya pwede na niyang lakarin. Akmang papasok na ako sa loob ng
bahay namin ng may biglang magsalita sa may likuran ko.

"Hi." Napalingon ako sa babaeng nagsalita at awtomatikong napataas ang kilay ko ng


makilala ko kung sino iyon. Liana the second higad. Ngayon ko lang napagtanto na
mahilig palang tumuhog si Travis ng kambal, ang cute lang.

I crossed my arms around my chest and lifted a brow at her. I don't want to be rude
at her but I really can't help it. How would I stop myself from being a bitch if I
always remember how they made me look fool in front of them.

"What brought you here, higad the second?" Sinadya kong hinaan ang huli kong sinabi
at buti na lang ay may pagkabingi siya dahil hindi niya narinig.

"You are Jeorge, right?" She said while smilling broadly. She walks towards me and
I calm myself not to hit her face. Makasuhan pa ako ng animal abuse!

"I am, why?" I asked.

"Gusto sana kitang makausap tungkol kay Travis." Ani niya. Pakiramdam ko ay mas
lalo pang tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Bakit? May balak na ba silang
magpakasal dahil nabuntis siya ni Travis na katulad sa mga nababasa kong libro?

"I'll give you minutes to talk with me. Masyado kasing mahal ang oras ko and I
think you can't afford it." I don't care if I look bitch to her. Paninindigan ko na
ang ganito, wala rin naman akong balak makipagplastikan pa sa kanya. Ningitian
naman niya ako kahit na ganoon ang isinagot ko sa kanya.

"Nalaman ko ang nangyari sa inyo ni Travis. Alam kong galit ka sa kanya at ako na
mismo ang humihingi ng tawad para roon. Gusto ko lang linawin na walang namamagitan
sa amin ni Travis, he's just my bestfriend since our elementary days and we are
really closed to each other. Nawala lang iyon ng mag migrate kami sa ibang bansa—"
I cut the bullshit.

"Can you please straight to your point? Masyado kasi akong naiinip at naiirita sa
kwento at mga pinagsasabi mo." Iritable kong sabi sa kanya. Wala akong panahon para
makinig pa sa nakaraan nilang dalawa. Kung gusto niya, magsulat siya sa MMK at
ipabasa niya kay Ma'am Charo.
She murmured her sorry to me. I was about to say something when she suddenly
speaks.

"Travis' in love with you." Hindi ko alam pero biglang naghurementado ang puso ko
sa sinabi niyang iyon. I suddenly lost my words. I don't know what to say and I
even don't know if I'll believe what she have said.

"He's already in love with you. Simula nang magkita kami ay wala na siyang bukang
bibig kung hindi ikaw. He talks about you a lot. Kinuwento niya sa akin kung ano
ang mga nagustuhan niya sa'yo, kung gaano ka katapang at kung paano mo panindigan
ang isang bagay. Lahat ng iyon, Jeorge. Kaya nandito ako sa harap mo para humingi
nang tawad at para linawin ang lahat sa'yo. Alam ko kapag nagmamahal na si Travis
at nasasaksihan ko ngayon iyon. Alam kong kapag nasasaktan siya at mahal niya ang
taong dahilan kung bakit siya nasasaktan." Seryoso niyang sabi. Pakiramdam ko ay
umurong ang dila ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa mga sinabi
niya.

Travis is in love with me. Ganoon na ba ako kamanhid para hindi iyon maramdaman?
Oo, wala naman siyang sinasabi sa akin at hindi ko rin alam kung totoo nga ba iyon
but I wanted to know if it's real. I want to find out about it by myself.

"Iyon lang ang gusto kong sabihin sa'yo, Jeorge. Salamat dahil binigyan mo ako ng
pagkakataon na makausap ka. Sana pagkatapos nito, mag-usap kayo ni Travis. Make
everything clears between the both of you." She says then she turned her back at
me. Hindi pa siya nakakalayo ng muli siyang humarap sa akin at magsalita.

"By the way, I already have a fiancé so you don't need to be jealous." She said and
left me thinking about Travis.

Bakit pakiramdam ko ngayon ako pa ang mali sa aming dalawa? Hindi ko naman pwedeng
basta na lang patawarin si Travis, it takes time to forgive someone. Hindi ganoong
kadaling patawarin siya dahil nasaktan ako. Nasaktan ako sa mga sinabi niya sa akin
dahil aminin ko man o hindi, gusto ko na siya. It's easy to like Travis, maybe he's
an asshole but there's something inside of him that I really like.

He is true to himself.

Hindi siya natatakot sa kahit anong posibilidad na mangyari sa kanya. He's ready to
face all the consequences in this world no matter what. Mayroon siyang tiwala sa
sarili niya kaya bilib ako sa kanya, at kaya ko siya nagustuhan.

Pumasok ako sa loob ng bahay namin na iyon pa rin ang laman ng isip ko. Nawala lang
iyon ng kausapin ako ni Mommy tungkol sa kung anong bagay. Pagkatapos ng pag-uusap
namin ni Mommy ay umakyat ako sa kwarto ko at doon ay nakatulog ako. Nagising ako
ng ala singko ng hapon. Agad akong dumiretso sa banyo para maligo at para makapag-
ayos. Nakapagpaalam na rin naman ako kay Mommy na pupunta ako sa bahay nila Din at
baka roon na rin ako matulog. Pumayag siya dahil malapit lang naman ang bahal nila
sa amin. 5:45 ng matapos ako sa pag-aayos, nag-suot lang ako ng bonet at tsaka ako
nagpaalam sa kanila na aalis na ako.
Ilang minuto lang ay nakarating din ako sa kanila. Walang masyadong tao at pulos
mga Montemayor ang naroroon. Sinalubong ako ni Din sa gate nila at agad na inaya
papunta sa may garden nila kung saan naroroon na sila at mga nagkakasayahan na.

"Hi Jeorge!" Nakangiting bati sa akin ni Xander. Agad na lumipad ang mga mata ko sa
katabi ni Aivan. Si Travis na tahimik lang na umiinom ng beer sa baso niya. Walang
kumakausap sa kanya at ng marinig niya ang pagtawag sa akin ni Xander ay agad niya
akong tinignan. Nag-iwas lang ako ng tingin. Mamaya tayo magtutuos, Montemayor.

Umupo ako sa tabi ni Heena na kausap naman ni Axcel. Naroroon din si Felice, Rissa,
Allen, Alex, Shaun, at Symon.

"Kumuha ka na ng pagkain, Jeorge. Kanina pa kasi sila rito kaya mga nauna na silang
lumamon." Sabi ni Din sa akin. Tumango lang ako at tsaka tumayo para kumuha ng
pagkain. Pagkabalik ko ay nagtatawanan silang lahat habang nakatingin kay Travis.
Siya naman ay parang nagpipigil ng sarili niya.

"Sorry na, kung nagalit ka. Hindi naman sinasadya." Kumakantang sabi ni Xander.
Lalo silang nagtawanan at nangungunang tumawa si Xander sa kanila. Nakuha ko naman
ang gusto nilang iparating.

"Magpakalalaki ka nga pare! Patunayan mong Montemayor ka!" Sabi ni Alex kay Travis.
Hindi naman sumagot si Travis at kumain lang ako.

"Si Jeorge lang pala makakapagpatino sa'yo." Sabi ni Axcel. Tinampal naman ni Heena
ang bibig niya.

"H'wag mo ng gatungan!" Saad ni Heena.

"Mag-usap nga kayong dalawa, hindi 'yong para kayong mga elementary na nahihiya sa
isa't isa." Sabi ni Shaun. Napatingin naman ako kay Travis at ganoon din siya.
Lumagok siya sa baso niya ng hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Sino ba ang dapat mahiya? Ako ba?" Tanong ko sa kanila. Para naman silang mga
tanga na nagsabay-sabay sa pagsabi ng mahabang, "Ohhhhh"

Sinaway lang silang lahat ni Din at nagpatuloy ako sa pagkain. Laking pasalamat ko
ng mag-iba ang usapan nila at puro mga sasakyan at basketball ang usapan ng mga
boys. Kami namang mga babae ay kung anu-ano lang. Tumagal ang pag-uusap hanggang sa
lahat ay umiinom na ng beer, miski ako. Nagkukwentuhan kami nina Heena ng bigla na
lamang tumayo si Travis at sapakin si Xander. Agad kaming napatayo sa eksenang
iyon.

"Tang ina mo! Kahit sapakin mo ako, hindi pa rin maaalis ang katotohang sinaktan mo
si Jeorge!" Sigaw ni Xander ng bumagsak siya sa bermuda grass ng garden nila Din.
Akmang sasapakin pa ulit siya ni Xander ng magsalita ako.
"Ikaw, pasok sa loob at magtutuos tayong dalawa." Mataray kong sabi sa kanya at
tsaka ko siya tinalikuran at naglakad papasok sa loob ng bahay nila Din.

Maghanda ka ngayon, Montemayor.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Thirty Four

THIRTY FOUR

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Nakatungo lang si Travis sa may harapan ko habang nakaupo siya sa dulo ng kama sa
may guest room. Doon ko piniling mag-usap kami para walang umistorbo sa aming
dalawa at para na rin makapag-usap kami ng matino. Ito na ang tamang oras para
makapag-usap kaming dalawa at para na rin matigil ang kadramahan niyang ito.

"Bakit mo sinapak si Xander?" Seryoso at maawtoridad kong sabi sa kanya. Hindi


naman siya nagsalita at tahimik pa rin siya. Kung titignan mo siya, para siyang
batang pinapagalitan dahil mayroon siyang nagawang kasalanan.

"I got pissed that's why I punched him." Kaswal niyang sagot na hindi man lang
tumitingin sa akin. Bakit ba parang takot na takot siyang tignan ako?

"Ano ba ang sinabi niya sa'yo at napikon ka?" Seryoso ko pa rin na sabi.

"Ayaw mo na raw sa akin." Sagot niya sa akin. Ayaw niya pa lang kamuhian ko siya
pero siya 'tong gumagawa ng dahilan para mainis ako sa kanya. Gago talaga 'tong
lalaking 'to.

"Nagpatuo ka naman?" Masungit kong tanong sa kanya. Jusko, minsan naman paganahin
naman niya ang utak niya! Hindi 'yong basta na lang siyang nagpapauto sa mga pinsan
niyang maloko!
"Oo." Mahina niyang sagot habang nakatungo pa rin. Huminga naman ako ng malalim
dahil miski ako ay kinakabahan sa pag-uusap naming ito. Ilang lingo ko rin siyang
hindi nakausap at aaminin ko, namiss ko si Travis.

"Let's talk." Nagawa kong sabihin. Napaangat naman siya ng tingin sa akin at bakas
sa mukha niya ang pagtataka. Hindi siya sumagot sa sinabi ko, para lang siyang
tangang nakatitig sa mukha kong maganda.

"Oh? Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Magpaliwanag ka na!" Mariin kong giit. Doon
lang siya bumalik sa katinuan niya at agad na tumayo at humarap sa akin. Seryoso
ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Buti na lang at medyo matangkad ako at
hindi ako nalulula sa height niya.

"I—I don't know what to say, alam kong mali ako at aminado ako na nagkamali nga
ako. Pinagsisihan ko kung bakit ko nagawa at nasabi sa'yo ang mga bagay na 'yon."
Seryoso niyang sabi habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

"Buti naman at aminado ka sa nagawa mong kasalanan." Mataray kong sabi sa kanya.

"Alam kong minsan may pagkatanga ako kaya ko nagagawa ang mga bagay na 'yon,
nakalimutan ko lang na mayroon na akong nililigawan—"

"Anong minsan? Lagi kaya." Hindi ko na nagawang patapusin pa ang sasabihin niya.
Nag-iwas naman siya ng tingin at may kung anong binulong sa hangin.

"Patawarin mo sana ako kung nasabi ko sa'yo 'yon, kaibigan ko lang si Liana at
nagkamustahan lang kami at hindi ko naman alam na naroroon din kayo—"

"Kaibigan? Holding hands tapos kaibigan? Aba, ibang klase rin naman pala ang
kalandiang taglay mo, Montemayor." Giit ko sa kanya.

"Tangna, barado na naman ako." Bumulong ulit siya pero hindi ko narinig kung ano ba
iyon.

"May sinasabi ka?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"W—Wala. Ang sinasabi ko lang, matagal din kaming naging magkaibigan kaya malapit
kami sa isa't isa. Aaminin ko, siya ang first love ko pero dati pa 'yon, tapos na.
Ngayon iba na ang nagmamay-ari ng puso ko, hindi na siya. Ikaw na, Jeorge." Hindi
naman ako nakasagot sa sinabi niya. Nag-iwas lang ako ng tingin at tumalikod sa
kanya. Ewan ko ba kung ito na 'yong tinatawag nilang 'kilig factor'. Pakiramdam ko
kasi may mga nagrarambulam na kung anong bagay sa sistema ko.

"Hindi na ako uulit—" Muli akong humarap sa kanya.


"At bakit? May balak ka pa bang ulitin iyon?" Masungit ko pa rin na sabi sa kanya.
Mabilis naman siyang umiling sa sinabi kong iyon.

"Hindi na, pinagsisihan ko na lahat ng iyon, hindi na ako uulit. Patawarin mo na


sana ako, Jeorge sa mga nagawa ko. Handa kong gawin ang lahat para lang mapatawad
mo ako." Seryoso niyang sabi. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niyang iyon at
parang mayroong bumbilyang umilaw sa itaas ng ulo ko. Sigurado siyang handa niyang
gawin ang lahat? Aba, h'wag na h'wag siyang magsasalita nang tapos dahil hindi pa
niya ako lubos na kilala.

Matagal siyang nakatitig sa akin na para bang hinihintay niya ang magiging
kasagutan ko. Huminga lang ako ng malalim at tsaka tumingin sa kanya.

"Okay, papatawarin kita ngayon pero sa oras na inulit mo pa ang ginawa mo. Hinding-
hindi ko na 'yon palalampasin pa. Maliwanag ba?" Maawtoridad kong sabi sa kanya.
Bigla namang lumiwanag ang mukha niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi
niya. Walang sabi-sabi niya akong niyakap at binuhat paikot. Napatili naman ako ng
wala sa oras dahil sa ginawa niyang iyon.

"Travis, ibaba mo ako!" Natatawa kong suway sa kanya. Pakiramdam ko ay biglang


lumundag ang puso ko ng makita ko siyang ganitong kasaya. Ibinaba niya ako at ang
mga braso niya ay patuloy na nakapulupot sa bewang ko. Ang lapit namin sa isa't isa
at konti na lang ay magkakalapit na ang mga labi naming dalawa.

"Bati na tayo? Pinapatawad mo na ako?" Abot tengang ngiting sabi niya. Mahina ko
namang hinampas ang dibdib niya.

"Oo nga sabi, kulit nito!" Nakanguso kong sabi sa kanya. Hindi naman maalis ang
ngiti sa labi niya.

"Damn, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong feeling. Ang sarap sa pakiramdam,
tangna." Nakangiting niyang sabi. Pinitik ko naman ang labi niya.

"Nakadalawang mura ka agad, ang bad ng bibig mo." Sabi ko.

"Bad? Oo nga bad nga 'tong bibig ko kasi bigla na lang nanghahalik." Ani niya at
hindi na ako nagulat ng bigla niya akong siilin ng halik. Napapikit naman ako sa
ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay ilang taon akong nangulila sa mga halik niya.
Aaminin ko, noong mga nakaraang araw ay lagi ko siyang naiisip. Lagi kong naiisip
ang mga kakulitan niya, ang lagi niyang nakasimangot na mukha sa tuwing babarahin
ko siya, ang mga bastos niyang paandar at kung anu-ano pa na tungkol sa kanya.
Hindi ko naman maitatanggi na hindi ko siya namiss si Travis.

"You have something to pay, babe." Naramdaman ko ang paghuhurementado ng puso ko sa


pagtawag niya sa akin ng babe. God! I really miss this jerk!
"Ano na naman 'yon?" Kunot noong tanong ko.

"One week kong aangkinin ang labi mo, hindi ba? Natalo kita sa laro natin."
Nakangisi niyang sabi. Miski ang pagngisi niya, namiss ko rin.

"Hindi na pwedeng i-claim, lagpas na sa due date." Sagot ko naman sa kanya. Natawa
naman siya sa isinagot ko sa kanya.

"Alam mo bang nasa kwarto ko pa 'yong bulaklak na dapat na ibibigay ko sa'yo?" Sabi
niya.

"Dapat tinapon mo na." Sabi ko naman sa kanya.

"Ayokong itapon, iyon kasi ang unang pagkakataon na bumili ako ng bulaklak para sa
babaeng nagpapatibok ng puso ko." Seryoso niyang sabi. Hindi ko alam kung kikiligin
ba ako sa sinabi niya o hindi, basta ang alam ko ay napapasaya ako ng unggoy na 'to
ngayon.

"Balik na tayo sa labas." Sabi ko sa kanya pero para naman siyang walang narinig at
mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa akin.

"Dito na muna tayo, ngayon na nga lang ulit kita nasolo tapos hindi mo pa ako
pagbibigyan. Na-miss kaya kita." Sabi niya.

"H'wag mo na akong bolahin, Montemayor. Alam ko na 'yang hilatsa ng bituka mo."


Sabi ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot, umupo siya sa kama at pinaupo niya ako
sa mga hita niya. Wala namang pag-aalinlangan akong umupo roon at muli niya akong
niyakap.

"Shit, I am so stupid to miss this thing." He said while looking at me. Napangiti
naman ako sa sinabi niya.

"Magpakatino ka na kasi." Sagot ko. Muli niya lang akong hinalikan at sa


pagkakataong ito ay sinagot ko ng walang pag-aalinlangan ang mga halik niya.
Minsan, kailangan mo munang masaktan bago ka matauhan. Oo, pareho kaming nasaktan
ni Travis at pareho rin kaming natauhan. Hindi naman siguro masama ang pagbigyan
siya sa pangalawang pagkakataon, tao lang din naman tayo at pareho-parehong
nagkakamali. Walang perpekto at lahat ay pwedeng makagawa ng kasalanan.

Naramdaman ko ang paglapat ng likuran ko sa kama na inuupuan ni Travis. Pareho


kaming nadadala sa mga ginagawa namin at pakiramdam ko ay hindi ko na kayang
pigilan pa. My arms snaked around his neck and I moaned when I felt his tongue
inside of my mouth. Hindi na alintana sa amin kung may pumasok ba sa loob o wala.
Pinipilit ng utak ko na dapat na akong tumigil pero ang katawan ko ay pilit na
tinatraydor ang isipan ko.
Girls must be in control of their bodies because boys are not. Bigla ko siyang
naitulak ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Ate Raisse. Nasalubong ko ang mga mata
niya at bakas sa mukha niya ang sobrang kasiyahan.

"Hindi libre ang second chance ko kaya umayos ka, Montemayor!" Sabi ko sa kanya ng
magsawa siya sa mga labi ko.

"Opo, hindi na ako uulit. Promise!" Sabi pa niya. Tumayo na ako at tumayo na rin
siya. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko habang ngiting-ngiti.

Lumabas kami na hawak pa rin niya ang kamay ko at ng makarating kami sa garden ay
agad na lumipad ang mga mata nila sa amin, lalo na sa mga kamay namin na
magkahawak.

"Ehem, mukhang may nagkabati na ah." Sabi ni Din. Umupo ulit kami pero sa
pagkakataong ito ay magkatabi na kaming dalawa. Ayaw na ata niya akong pakawalan
pa, parang sira lang.

"Ang lapad ng ngiti natin, Ravis ah?" Pang-aasar ni Allen. Hindi naman sila
pinansin ni Travis at nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.

"H'wag mo nga akong titigan." Suway ko sa kanya. Nacoconscious kasi ako sa mga
tingin niya. Feeling ko ang ganda-ganda ko kaya niya ako tinititigan.

"Why?" Nakangiti pa rin niyang sabi.

"Basta, h'wag mo akong titigan! Naiilang ako." Nakanguso kong sabi. Pinaglalaruan
niya ang kamay ko habang nakatitig sa akin.

"Gusto kitang titigan lang ng ganito, miss na miss na kita. Baliw na baliw ako sa
mga araw na sinusundan lang kita at sa malayo lang ako nakatingin. Hindi ko
magawang makalapit sa'yo dahil nahihiya ako sa ginawa ko. Hindi ko na hahayaan
maulit pa 'yon, Jeorge. Kasi baka sa susunod, ikamatay ko na." Seryoso niyang sabi
sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapangiti. Mahina kong hinampas ang braso niya.

"Nakakainis ka kamo, ang sweet-sweet mo masyado!" Nakangiti kong sabi sa kanya.


Tumawa lang siya at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa harap nilang lahat.
Sinagot ko naman iyon pero agad din iyong naputol ng biglang sumigaw si Xander.

"My innocent eyes!"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


=================

Chapter Thirty Five

THIRTY FIVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Nagising ako ng may maramdaman akong mabigat na bagay na nakapatong sa mga hita ko.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko sa tabi ko si Travis na
mahimbing na natutulog. Nakaawang ng kaunti ang mga labi niya at mahina rin siyang
humihilik. Tinitigan ko lang ang mukha niya at wala sa sarili akong napangiti. Ang
gwapo ng mokong kahit natutulog lang. I muttered to myself.

Aminado naman ako sa sarili kong gwapo si Travis, sa tingin ko nga ay siya ang
pinakagwapo sa kanilang magpipinsan. Dati kay Kuya Greg ako nagagwapuhan pero ng
tumagal kay Travis na. Hindi ko alam pero habang tumatagal, mas lalo lamang
gumugwapo sa paningin ko si Travis. Lagi ko naman siyang kasama pero iba talaga eh,
ang pogi-pogi niya sa paningin ko.

Biglang kumunot ang noo niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Pati na rin
ang mga binti niya na nakapulupot sa mga binti ko ay humigpit din. Kung nandito
lang si Daddy, siguradong lagot 'tong lalaking 'to. Paano ba naman, boxer shorts
lang ang tanging suot niya tapos kung makapulupot pa sa akin akala mo sawa.
Palibhasa, lasing na lasing na kagabi kaya hindi na nagawang makapag-suot ng
pantulog.

Wala sa sariling tinitigan ko muli ang mukha niya. Nahiya ata ang mga pimples at
blackheads na tumubo sa mukha niya? Ang kinis-kinis, wala ata siyang pores sa
mukha. Samantalang ako, gabi-gabi na lang ata nagkakapimples. Buti na lang at
nawawala rin agad. Nilaro ng mga daliri ko ang ilong niya pababa sa labi niya. Ang
pula-pula kasi ng mga labi niya. Minsan nga, naiinggit ako sa kanya dahil kailangan
ko pang mag lipstick para lang maging mapula ang labi ko samantalang siya wala
namang ginagawa pero ang pula ng labi.

Nagulat ako ng biglang hulihin ng kamay niya ang kamay ko. Nagmulat siya ng mata at
tsaka niya ako ningitian.

"Good morning, babe." He huskily said. Bakit parang nang-aakit ata itong unggoy na
'to?

"Good morning, ang ganda ata ng gising mo?" Sagot ko. Binitiwan niya ang kamay ko
at muling pumulupot sa tiyan ko. Siguro kaya maganda ang gising nito, maganda ang
katabing matulog.
"Katabi kita eh. Sana ganito lagi 'no? Sa tuwing magigising ako sa umaga, ikaw lagi
ang makikita ko tapos wala ka pang suot na kahit ano kasi nagbaby making tayo."
Pilyo niyang sabi. Tinampal ko naman iyong bibig niya.

"Umagang-umaga, Travis. Umayos ka nga!" Suway ko sa kanya. Buti na lang talaga


dalawa lang kami dito sa guest room. Tatlong kwarto kasi ang guest room at hindi
pumayag si Travis na hindi kami magtabi, lalo na't lasing na lasing siya kagabi at
muntik pang magwala ang mokong ng hindi ako pumayag.

"Bakit? Gagawin naman talaga natin 'yon kasi ginagawa talaga 'yon ng mag-asawa.
Baka nga kapag nagawa na natin 'yon, ikaw pa mag-insist sa akin at araw-arawin mo
ako. Kawawa pala ako kapag nagkataon." Ani niya habang may pilyong ngiti sa mukha.
Kinurot ko naman iyong tagiliran niya para matigil na siya pero ang mokong,
tinawanan lang ako.

"Sure ka na ba na ako ang babaeng papakasalan mo? Eh hindi pa nga kita sinasagot
tapos kung makapagsabi ka na papakasalan mo ako, parang planado mo na ang lahat."
Sabi ko sa kanya.

"Sus, kunwari ka pa. Nahihiya ka lang naman na sagutin ako, pero para sa akin
girlfriend na kita. Kaya hindi ka pwedeng sumama lang sa kung sinong lalaki. Dapat
ako lang, kasi loyal ako sa'yo."

"Loyal mo mukha mo, ikaw nga 'tong malandi sa ating dalawa. Ang dami-dami mo kayang
babae." Sabi ko.

"Hindi ah, ikaw na lang babae ko. Ikaw na lang lalandiin ko tapos mamanyakin ko.
Naaadik nga ako sa lips mo, kung pwede nga lang, aanakan na kita agad." Sabi niya.

"Ang bastos mo!"

"Ano'ng bastos doon? Ang sarap kayang gumawa nang bata lalo na kapag 'yong babaeng
mahal mo pa ang kasama mo. Urong-sulong tapos—" Hindi ko na pinatapos pa ang
kababuyang sinasabi niya.

"Bakit, mahal mo na ba ako?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan naman niya ako sa mukha
at pinag-dikit niya ang mga noo namin. Shocks! Sana lang wala akong bad breath!

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong, oo?" Seryoso niyang sabi sa akin.

"O—Oo." Nauutal kong sagot sa kanya. Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa
mukha ko kaya hindi ko na magawang huminga. Baka kasi mamaya, mabaho ang hininga ko
samantalang sa kanya wala namang amoy at ang init pa.
"Talaga?" Sabi niya na halos magkadikit na ang mga labi namin.

"T—Talaga." Sabi ko at bigla na lang niya akong hinalikan. Parang instinct naman na
sinagot ko ang halik niya. Wala na akong pakielam kung bad breath ako o hindi,
basta ang mahalaga. Masarap siyang humalik.

Dahan-dahan siyang pumatong sa akin at kung saan-saan na gumagala ang mga kamay
niya. Hindi ko naman magawang matanggihan ang ginagawa niya dahil miski sarili kong
katawan, gusto ang ginagawa niya. Nasa kalagitnaan kami ng paghahalikan ng bigla ko
siyang itulak ng malakas.

Kunot noo niya akong tinitigan at nagtataka siya kung bakit ko siya tinulak. "M—May
naramdaman akong tumutusok sa hita ko." Nauutal kong sabi sa kanya. Bigla naman
siyang tumawa sa sinabi kong iyon at tsaka siya may ibinulong sa akin na siyang mas
ikinagulat ko.

"Kumpare ko 'yon, size 7 1/2."

HAPON na ng makauwi ako sa bahay namin. Inihatid ako ni Travis kahit na ang lapit-
lapit lang naman ng bahay namin. Alam na rin nina Mommy at Daddy na nagkaayos na
ulit kaming dalawa. Sinabi pa ni Travis na girlfriend na niya ako at ang mga
magulang ko ay paniwalang-paniwala sa sinabi niya. Konti na lang naman at sasagutin
ko na rin si Travis dahil alam kong doon din naman papunta ang landian naming ito.

Umakyat na ako sa kwarto ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng pagkabukas


ko ng kwarto ko ay tumambad sa akin ang mga bulaklak na nagkalat sa sahig. May
tatlong boquet din ng tulips sa ibabaw ng kama ko at isang napakalaking bear.
Napatakip ako ng kamay sa bibig at pinipigilan ko ang sarili kong sumigaw.

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ko at punong-puno ng bulaklak ang buo kong


kwarto. Alam ko kung sino ang may kagagawan nito at hindi ko ineexpect na kaya niya
itong gawin kahit na buong araw kaming magkasama. Napansin kong may puting papel sa
ibabaw ng kama ko at agad ko iyong kinuha.

Hi babe ko.

I know that these things are not enough para bumalik ang tiwala mo sa akin. Alam
kong hindi sapat 'yung sorry ko sa'yo kasi alam kong nasaktan kita. Handa akong
gawin ang lahat para mapatawad mo ako ng buo, hindi ko alam kung effective ba 'to o
hindi kasi ngayon ko lang 'to ginawa sa isang babae, at sa'yo lang 'yun babe ko. I
also asked your mom kung ano ba ang paborito mong bulaklak at sinabi niyang tulips
kaya 'yan ang binigay ko para sa'yo. Hindi na ulit ako bibili ng rose at 'yan na
lang lagi. Binilhan din kita ng bear tapos pinaliguan ko ng pabango ko para kung
sakaling mamiss mo ang gwapo kong mukha, 'yan muna ang baby mo. Basta, andito lang
ako kahit ano'ng mangyari. Ikaw lang ang babe ko at ikaw lang ang babae ko. Sige
na, masyado nang madrama 'tong sulat ko, basta ha. Ako lang dapat ang baby mo.
PS: Sa susunod, tunay na baby na ang ireregalo ko sa'yo.

Your only baby,

Travis Pogi.

Napangiti ako sa sulat niyang iyon at pakiramdam ko ay lumundag ang puso ko dahil
sa kanya. Bwisit na lalaking 'yon! Kaya pala ayaw niya akong pauwiin kanina dahil
may ganito pa siyang drama! Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya.
Wala namang ilang segundo ay sinagot niya rin iyon.

"Nakakainis ka, bakit napaka ano mo! Nakakainis ka talaga!" Sunod-sunod kong sabi
sa kanya. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o hindi. Kasi naman, siya lang ang
bukod tanging lalaki na gumawa sa akin ng ganito. Siya lang, wala ng iba.

"Nagustuhan mo?" Tanong niya at sigurado akong abot tenga ang ngiti niya ngayon.

"Kanino mo na naman ba inutang ang pambili ng bulaklak tsaka ng dambuhalang bear na


'to?! Mamaya niyan mapagalitan ka na naman ng Daddy mo kasi ang laki na ng bill mo
sa credit card!" Singhal ko sa kanya. Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang
linya.

"Hindi 'yan ang ineexpect kong sasabihin mo, akala ko kasi mag-aaylabyu ka na sa
akin." Saad niya at narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

"Bwisit! Ang hilig-hilig mong magpakilig! Gago ka talaga kahit kailan!" Dirediretso
ko pa rin na sabi sa kanya. Niyakap ko ang bear na bigay niya at naamoy ko nga ang
pabango niya.

"Basta para sa'yo, handa akong gawin ang lahat. Ganyan ako kabaliw sa'yo, Jeorge
Rivas-Montemayor. Alam kong kulang pa 'yan para maitama ko ang mali ko. Handa akong
magbago kung gugustuhin mo, Jeorge." Seryoso niyang sabi. Naramdaman ko ang
pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko. Kung dati pa sana siya naging ganito,
edi sana matagal ko na siyang nagustuhan.

"Oo na! Ang kulit-kulit mo kahit kailan, sabing pinatawad na kita pero gumagawa ka
pa rin ng paraan para maipakita mong sincere ka sa sorry mo. Basta, maghintay ka
lang ah? Tsaka behave ka lang lagi, okay? Kapag hindi, kokonyatan talaga kita,
Montemayor!" Sagot ko sa kanya.

"Opo, babe." Sagot naman niya.

"Salamat, Travis. Pinasaya mo ang araw ko." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Iyon naman talaga ang dapat kong gawin, ang pasayahin ang taong nagpapasaya sa
akin." Sabi niya.

"Tama na, masyado ka ng cheesy!" Natatawa kong sabi sa kanya. Hindi siya sumagot sa
sinabi ko at tahimik lang siya sa kabilang linya. Akmang magsasalita na ako ng
bigla siyang magsalita na siyang nagpabilis lalo sa pagtibok ng puso ko.

"Jeorge, mahal na kita."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Thirty Six

THIRTY SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Jeorge, mahal na kita." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niyang iyon.


Nararamdaman ko ang paghuhurementado nang puso ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako
ng napakalamig na tubig at hindi ako makagalaw ng dahil sa sinabi niya. Pilit kong
ipinapasok sa isipan ko ang sinabi niya kanina.

Mahal ako ni Travis.

"Alam kong baka hindi mo ako paniwalaan, kasi kilala mo ako. Halos sabay na tayong
lumaki at alam mo ang ugali ko pero nagsasabi ako ng totoo. Mahal na kita kaya ko
nagagawa ang mga bagay na 'to na hindi ko naman dati ginagawa sa mga dati kong
babae, sa'yo lang. Alam kong alam mo na hindi ako mahilig magseryoso sa isang
relasyon pero handa akong maging seryoso kung bibigyan mo ako ng pagkakataon na
mahalin ka. Hindi ko kayang hindi magpanggap na hindi kita mahal dahil sa tuwing
hindi mo ako pinapansin, nasasaktan ako. Nasasaktan ako lalo na kapag may ibang
lalaking umaagaw ng atensyon mo, nasasaktan ako kapag hindi mo ako kinakausap o
binibigyan man lang kahit na kaunting atensyon. Nasasaktan din ako lalo na kapag
nasasaktan ka. Tang ina naman, ang hirap mainlove." Seryoso niyang sabi at narinig
ko rin ang huli niyang sinabi kahit sobrang hina ng pagkakasabi niya. Hindi ko alam
pero ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay unti-unting napalitan ng saya. Mas
niyakap ko ang bear na ibinigay niya at hindi na ata maaalis ang ngiti sa mga labi
ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ang maging sobrang saya ng dahil sa isang
lalaki at hindi ko maisip na si Travis ang dahilan noon.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kanya. Pinipigilan kong tarayan siya, baka kasi magalit
kapag tinarayan ko. Mukhang nasa mood pa naman siya.

"Oo." Mahina niyang sabi. Ang ikli naman ng speech niya tsaka bakit siya sa phone
nag-confess? Ang korny ha!

"I want to see you, punta ka rito." Sabi ko sa kanya. Tignan natin kung hanggang
saan ang lakas ng loob mo, Montemayor.

"H—Ha? Gusto mo ako makita? Sige wait lang, hintayin mo ako diyan. Mga six
minutes." Ani niya at tsaka naputol ang linya. Humiga lang ako sa kama ko na puno
pa rin ng bulaklak na galing sa kanya. Tinignan ko ang mukha ng puting bear na
yakap ko at agad kong naisip si Travis.

"Alam mo baby Montemayor, minsan ang cute ng amo mo sa paningin ko. May pagkatanga
lang talaga siya pero okay lang, nagagamot naman ang katangahan." Sabi ko. Gusto
kong matawa sa sarili ko dahil pati ba naman bear pinatulan ko na? Baliw na ata
ako.

"Tapos minsan, ang kulit pa niya pero ngayon ko lang nalaman na ang sweet pala ng
amo mo 'no? Siya kaya nagbigay sa'yo sa akin tsaka nitong mga bulaklak. Ang cute-
cute niya nga kapag namumula 'yong mukha niya kapag kinikilig siya. Halatang ayaw
ipakita sa akin, ganoon ba talaga ang mga boys?" Sabi ko pa. Inamoy ko ulit si baby
Montemayor at naamoy ko ang pabango ni Travis. Gustong-gusto ko talaga ang amoy
niya dahil hindi iyon matapang hindi tulad ng ibang pabango ng lalaki na sobrang
tapang. Kapag nga katabi ko siya, inaamoy ko siya miski kili-kili niya ay inaamoy
ko rin kasi nga ang bango bango niya. Ayos lang naman daw 'yon sa kanya, kasi
nasasarapan daw siya kapag inaamoy ko ang katawan niya.

Nakarinig ako ng pagkatok sa labas ng kwarto ko kaya tumayo ako. Binuksan ko iyon
at nakita ko si Eugine iyon na nakasimangot ang mukha.

"Ate 'yong boyfriend mo nasa labas, hinahanap ka." Mahina niyang sabi. Sino'ng
nagsabing boyfriend ko siya? Iyong unggoy na ba 'yon?

"Paakyatin mo, sabihin mo bilisin niya." Saad ko. Hindi na sumagot ang kapatid ko
at bumaba na ulit. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng katok at sigurado akong si
Travis na iyon.

Sinabi ko lang na pumasok siya at tsaka siya pumasok. Napataas naman ang kilay ko
ng makita kong sando at boxer shorts lang ang tanging suot niya.
"At bakit ganyan lang ang suot mo, aber?" Mataray kong sabi sa kanya. Napakamot
naman sila sa likod ng ulo niya.

"Baka kasi magalit ka kapag hindi agad ako nakarating kaya nagmadali ako at hindi
na ako nakapagsuot ng matinong damit." Sagot niya sa akin. I lay my back at the
headboard of my bed. I narrowed my eyes at him and crossed my arms around my chest.
I scanned him from his head to his feet, I saw him frowned and he checked himself.
He even smelled his underarm.

"May mali ba sa akin?" He asked while frowning. I shook my head.

"Gusto kong sabihin mo sa akin ang mga sinabi mo kanina." Sabi ko sa kanya. Gusto
kong malaman kung mahal ba talaga niya ako o hindi.

"Jeorge naman..." He hissed. I lifted a brow at him.

"Ang lakas ng loob mong sabihin ang nararamdaman mo sa telepono pero sa harap ko
hindi mo kayang sabihin? Paano kita paniniwalaan kung hindi mo maamin sa akin
ngayon?" Sabi ko sa kanya. Hindi naman siya nakasagot sa sinabi ko at parang nag-
iisip pa ng isasagot sa akin.

"Mahal kita." Iyon lang ang nagawa niyang sabihin. Bigla ko namang naramdaman ang
kaninang naramdaman ko ng sabihin niya ang dalawang salitang iyon sa akin.

Lumapit siya sa akin at umupo sa kama ko. He caught my hands and intertwined it
with his. Bigla akong kinabahan.

"Hindi ko na uulitin ang mga sinabi ko sa'yo kanina. Mahal kita, Jeorge. Maniwala
ka man o hindi, mahal kita. Noong mga araw na galit ka sa akin, wala akong ibang
ginawa kung hindi isipin kung bakit ako nakakaramdam ng kakaiba noon, tipong
nalulungkot ako kasi wala ka. Dati naman, kapag may natitipuhan akong babae, wala
lang sa akin kung makipaghiwalay ako sa kanila. Pero sa'yo iba, dahil pakiramdam ko
hindi kumpleto ang araw ko kung hindi kita nakakausap, nakikita o ano pa man. Kahit
na lagi mo akong tinatarayan o binabara. Kahit na mas dominante ka pa sa ating
dalawa, mahal kita. Wala akong pakielam kung ano ang sabihin ng iba, pero ngayon ko
lang 'to naramdaman. Ngayon ko lang naranasan ang magmahal." Seryoso niyang sabi.
Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. Bwisit na lalaking
'to! Pinapaiyak ako ng wala sa oras!

"Kaya kong maghintay kung hindi ka pa handang mahalin ako. Kaya kong magtiis, basta
hindi ka aalis sa tabi ko. Gagawin ko lahat ng gusto mo, hindi na ako mambababae o
ano pa man. Ikaw lang ang lalandiin ko at wala ng iba, kung gusto mo mag-live in na
rin tayo para alam mo lahat ng ginagawa ko. Ano?" Saad niya sabay ngisi ng
nakakaloko. Hinampas ko naman iyong dibdib niya at kinurot siya sa tagiliran.

"Siraulo ka!" Natatawa kong sabi sa kanya. Niyakap naman niya ako bigla at wala
akong nagawa kung hindi ang magpayakap din sa kanya.
Ngayon lang mayroong nagsabi sa akin ng ganito. Lahat ng lalaking nagkakagusto sa
akin ay sinusukuan ako kapag nalalaman nilang ma-pride ako at mataray ako. Pero si
Travis hindi, kahit na lagi kaming nag-aaway at nagbabangayan, nagawa pa rin niya
akong mahalin at tanggapin ng buo.

Naramdaman kong hinalikan niya ng ilang ulit ang pisngi ko. Humiwalay ako sa
pagkakayakap sa kanya at tinignan siya sa mga mata niya. Moment of truth, Travis.

"Sinasagot na kita." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nakita kong biglang napaawang
ang mga labi niya at nanlaki ang mga mata niya sa sinabi kong iyon.

"W—What did you say?" Tanong niya. Umirap naman ako sa hangin. Bingi na siya
ngayon? Ang linaw ng pagkakasabi ko tapos hindi naman pala niya narinig. Bwisit
lang.

"Sabi ko tayo na." Saad ko. Bigla naman siyang tumayo habang nakatitig pa rin sa
akin. Bakas sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa sinabi kong iyon.

"Sigurado ka ba sa sinabi mo? Hindi ka ba nagdadrugs o kung ano?" Tanong niya.


Binato ko naman siya ng unan ko. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to!

"Gago! Palagay mo sa akin adik? Sinasagot na nga kita, ang kulit mo!" Sigaw ko sa
kanya. Parnag doon lang pumasok sa isipan niya ang sinabi ko at biglang
nagtatatalon sa tuwa. Lumapit naman ako sa kanya pero laking gulat ko ng buhatin
niya ako at paikutin sa ere.

"Travis, ibaba mo ako!" Natatawa kong sigaw habang iniikot niya ako. Hindi maalis
sa mukha niya ang ngiti.

"Shit, hindi ako makapaniwala na girlfriend na kita!" Ani niya habang nakangiti.
Ibinaba niya ako mula sa pagkakabuhat niya sa akin at tinitigan ako sa mukha.

"Wala ng bawian 'yon ah! Boyfriend mo na ako tapos girlfriend na kita!" Saad niya.
Pinisil ko lang ang pisngi niya at tsaka tumango. Handa akong sumugal at handa
akong masaktan. Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan ko ang sarili kong
sumaya rin, hindi ba? Lahat tayo may mga karapatang sumaya, nasa sa'yo na lang kung
gugustuhin mo ba o hindi.

"I love you, babe." He said while smilling. He cupped my face and kissed me.
Sinagot ko ang mga halik niya ng walang pag-aalinlangan. Parang awtomatiko namang
pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya para mas lumalim pa ang mga halik niya.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Nagulat ako ng bigla niya akong
buhatin at tsaka niya ipinulupot ang mga binti ko sa bewang niya. He's carrying me
while kissing me.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapaungol sa ginagawa niya. He's invading my mouth by
his tongue. He's really expert when it comes about this. Akala ko dati wala lang
ang kiss, ngayon ko lang nalaman na may kakaiba pala talaga itong dulot sa katawan
ng isang tao.

Naramdaman ko ang unti-unting paglapat ng likod ko sa kama ko habang hindi pa rin


niya pinuputol ang paghahalikan naming dalawa. Nawawalan na ako ng hangin sa
katawan pero ayaw kong tumigil at sa tingin ko ay ganoon din siya.

Kung saan-saan na dumadapo ang mga kamay niya at wala na akong pakielam pa roon. Sa
tuwing hahalikan ako ni Travis, ipinaparamdam niya sa akin na espesyal ako sa
kanya. Na hindi lang ako basta si Jeorge Rivas at espesyal ako para sa kanya.
Ganoong ang nararamdaman ko dahil iyon ang ipinaparamdam niya.

Gusto kong magprotesta ng bigla siyang tumigil sa ginagawa niya. Nagtatakang


napatitig ako sa mga mata niya at nagtatanong kung bakit.

"Why?"

"Hindi ko na kaya, Jeorge. Tinitigasan na ako sa'yo." Sabi at tsaka niya biglang
idiniin ang ibabang katawan niya sa akin. Agad na nanlaki ang mga mata ko.

"Travis!"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Thirty Seven

THIRTY SEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Saan ba tayo pupunta, Travis?" Tanong ko sa kanya habang nakasakay kami sa bago
niyang sasakyan. Binilhan kasi siya ng Daddy niya ng sasakyan para raw hindi na
siya ihahatid ng family driver nila. Nasa tamang edad na naman siya at mayroon na
rin siyang driver's license kaya klaro na ang lahat. Nasabi rin sa akin ni Daddy na
bibigyan niya rin ako ng sasakyan sa debut ko next year.

"Itatanan na kita, gusto ko na magkaroon ng baby kaya gagawa tayo." Kaswal niyang
sagot habang nagmamaneho. Kinurot ko naman iyong tagiliran niya at hindi man lang
siya nasaktan at tinawanan niya lang ako.

"Saan nga kasi!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Mag-dedate tayo, icecelebrate natin ang kasal nating dalawa." Ani niya. Umirap
lang ako sa kawalan. Wala kasi siyang ginawa kanina kung hindi sabihin sa lahat ng
girlfriend na niya ako at malapit na raw ang kasal naming dalawa. Hinayaan ko lang
siya, ang saya-saya niya kasi kanina at ayokong sirain ang araw niya.

"Gago ka talaga, Montemayor. Para ka kamong sira kanina, ano 'yong pinagkakalat
mong ikakasal na tayong dalawa?" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Sinabi ko 'yon para wala ng pumorma sa'yo. Tsaka para malaman ng lahat na babae na
kita. Ayaw mo ba na malaman ng lahat na boyfriend mo na ako?" Ani niya.

"Ayoko." Mataray kong sagot sa kanya.

"Kinakahiya mong maging boyfriend ako?" Tanong pa niya.

"Oo." Kaswal kong sagot. Nakatingin lang ako sa kanya at tinitignan ko kung ano ba
ang magiging reaksyon niya. Nakita kong nawala ang saya na kanina ay nasa mukha
niya. Hindi siya sumagot sa sinabi ko at sa tingin ko ay nagtatampo si Travis.
Napangiti naman ako ng wala sa oras, ang cute lang niya magtampo.

"Travis." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nililingon. Seryoso lang ang tingin
niya sa kalsada habang nagmamaneho.

"Montemayor." Tawag ko ulit pero wala pa rin, ayaw talaga niya akong pansinin.

"Niloloko lang naman kita kanina, Travis." Sabi ko sa kanya pero ayaw pa rin niya
talaga akong pansinin. Ganito pala magtampo si Travis, tahimik lang.

"Uy." Sabi ko pa sabay sundot sa tagiliran niya, pero hindi man lang siya nakiliti
kahit konti.

"Babe." Tawag ko sa kanya. Nakita ko namang sumimangot siya sa pagtawag ko sa kanya


sa endearment niyang iyon sa akin. Napangiti ako ng wala sa oras, nahuli ko rin ang
kiliti ni baby Montemayor.

"Tsk." Masungit niyang sabi. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko, mahal talaga
ako ng gagong 'to.

"Bati na tayo?" Nakangiti kong sabi sa kanya.


"H'wag mo akong kausapin." Masungit niyang sagot sa akin, napasimangot naman ako.
Ako na nga 'tong sumusuyo sa kanya, siya pa 'tong masungit.

"Di h'wag! Akala mo naman ang gwapo mo!" Inis kong sabi sa kanya. Hindi ko siya
pinansin hanggang sa makarating kami sa mall. Agad akong bumaba nang makagpark
siya.

Nauna siyang maglakad papasok sa mall at wala akong nagawa kung hindi ang sundan
siya. Tinitignan ko lang ang likod niya habang nakasimangot. Bakit ang sexy pa rin
niya tignan kahit nakatalikod lang siya? Kainis.

Nagulat ako ng bigla siyang tumigil kaya muntik na akong bumangga sa may likuran
niya. "Bakit ba ang bagal mo maglakad?! Tara nga dito!" Sabi niya sa akin at bigla
na lang siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko na nagawang
bawiin pa ang kamay ko kasi baka mamaya mas lalo pa siyang magalit.

"Tangna, ako ang nagtatampo pero ako pa rin ang kailangang sumusuyo." Narinig ko
siyang bumubulong pero hindi ko narinig kung ano ba iyon.

"May sinasabi ka?" Mataray kong sabi sa kanya.

"Wala!" Sagot naman niya.

"Saan mo ba gustong kumain? Sabi mo sa akin kanina nagugutom ka." Mahina kong
tanong sa kanya.

"Ikaw, saan mo ba gusto?" Tanong naman niya.

"Sa Kenny Rogers na lang." Sagot ko. Tumango naman siya at tsaka kami pumunta roon.

Pinaupo niya lang ako sa isang bakanteng pwesto at tsaka siya umorder ng kakainin
naming dalawa. Wala sa sariling napangiti ako habang tinatanaw ko siya sa malayo.
Seryoso ang mukha niya at aakalain mong isa siyang seryosong tao pero sa likod ng
maamo niyang mukha, may Travis na makulit, pilyo, bastos at masayahin. Lumaki akong
kasama siya at nakilala ko na kung sino si Travis. Maraming babae ang nahuhumaling
sa kanya pero ni minsan, hindi niya pinatulan ang mga 'yon. Kung mayroon man siyang
pinapatulan, pili lang. I never thought that I will be fell in love with him. We
grew up hating each other's presence and I really hate the fact that he really
exists in this world. He's the most annoying person I've ever met, he's rude, he's
not gentleman, he's a jerk, he's very self-proclaimed, and he's an asshole! Who
would fall to him if he's that?

Lahat na ata ng sinabi ko noon na hindi ako maiinlove sa kanya ay nilunok ko na.
Hindi ko naman kasi akalain na mahuhulog ako sa gagong 'to. Kapag kasama ko kasi si
Travis, iba ang paligid ko. Hindi ko kailangang magpanggap kung sino ba ako, I just
act normal when I am with him.
Bumalik siya dala ang mga pagkain namin at agad naman na kumunot ang noo ko ng
makita kong halos pang apat na tao ang inorder niya.

"Bakit ang dami?" Tanong ko.

"Gutom ako, inaway mo ako kanina eh." Sagot niya. Hindi ko na lang pinansin ang
sinabi niya dahil mukhang gutom talaga siya, nagbasketball kasi sila kanina kaya
siguro'y gutom na gutom na siya.

"Hinay-hinay lang sa pagkain, hindi naman tayo nagmamadali." Suway ko sa kanya.


Panay kasi ang subo niya at akala mo'y mauubusan siya ng pagkain. Kinuha ko ang
tissue sa may lamesa at tsaka lumapit sa kanya. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya
na may ketchup pa.

"Ang kalat mong kumain, para kang bata." Sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot at
bigla niya lang akong siniil ng halik. I felt his tongue licked my lips.

"Wala akong tissue, may ketchup din sa labi mo." Sabi niya sabay ngiti ng
nakakaloko. Kinurot ko lang ang tagiliran niya at tsaka kami nagpatuloy sa pagkain.
Kasalukuyan kumakain kami ng may biglang babae ang lumapit sa amin.

"Travis?" Nakangiti nitong saad habang nakatingin kay Travis.

"Michelle?" Ani ni Travis.

"Ikaw nga! Ang gwapo mo na!" Sabi ng babaeng may pangalang Michelle. Lumapit siya
kay Travis at tsaka humalik sa pisngi nito. Nakaramdam ako ng selos sa sistema ko
at bigla ay gusto kong ibigti ng patiwarik ang babaeng nasa harapan ko ngayon at
nilalandi ang boyfriend ko.

"Gosh, it's been a long time. How are you na?"

"I'm good, I'm with my girlfriend." Nakangiting sabi ni Travis sabay akbay sa akin.
Hindi ko naman siya ningitian dahil ayokong mag-effort na makipagplastikan pa sa
kanya.

"I see, bago mo? May tentative date ka na ba kung kailan kayo magbebreak?"
Nakangisi nitong sabi sabay tawa. Napataas ang kilay ko ng wala sa oras.
Pinagsasabi ng asong 'to?

"You are really—" Hindi ko na pinagsalita pa si Travis.

"Bakit? Balak mong landiin siya?" Kalmado kong tanong. I even smiled at her.
"Oo sana, you know. I already missed Travis' lips. Remember, baby? We always make
out in the comfort room way back then." Malandi niyang sabi kay Travis.

"Michelle, please. We are having our time so please get out." Ani ni Travis.

"Why? Alam ko namang panandalian mo lang 'tong babaeng 'to. Hindi naman siya
kagandahan and her breasts are really flat. Kung hindi ko nga lang napansin na
mahaba ang buhok niya, aakalain kong lalaki siya." Sabi niya sabay tawa. Nagpantig
na ang tenga ko at umakyat na ang dugo sa ulo ko sa sinabi niyang iyon. Aba,
hinahamon ata talaga ako nitong babaeng 'to.

"Wala pang tentative date ang break-up namin pero ang kamatayan mo, meron na ba?
Kung wala, magpapabook na ako sa impyerno para ma-schedule na ni Satanas ang
kamatayan mo. Don't worry my dear, I'm going to support your family about the
financial for your burial." Mataray kong sabi sa kanya.

"Excuse me? What did you say?" Mataray rin nitong sabi.

"Bingi ka? Ang linaw na ng sinabi ko sa'yo tapos hindi mo pa rin naintindihan?
Tsaka magkano na ba ang damit ngayon? Nagmahal na ba? You really have the courage
to go here while you are wearing that basahan? Show some decency, please."

"You are such a—" She was about to say something when I suddenly spoke.

"Let me remind you, Michelle or whatever your name is. You don't have any rights to
ruin our date. Ikaw na nagsabi kanina, you were his past. Ang pagkaing inuluwa mo
na, hindi na kinakain pa ulit. Ganoon lang kasimple, tinagalog ko na para naman
maintindihan mo. Tsaka kung nandito ka lang para sirain ang date naming dalawa,
h'wag ka ng umasa. Dahil baka mukha mo pa ang masira ko." Matapang kong sabi sa
kanya. Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat at pagkahiya. Ano'ng inaakala niya
sa akin? Babaeng mahinhin?

"Ang tapang mo, akala mo naman siseryosohin ka ni Travis. Walang babae ang
tumatagal sa kanya at umasa ka na magtagal kayong dalawa dahil ngayon pa lang,
nakikita ko ng hindi kayo aabot hanggang sa huli." Sabi niya.

"Do you know him, Travis?"

"Him? Ang bobo mo naman masyado, simpleng pronoun lang hindi mo pa alam." Natatawa
niyang sabi.

"Sorry ha, hindi ko kasi akalain na may babae pala na mukhang lalaki tulad mo.
Ngayon lang ako na-inform na may nageexist na tulad mo sa mundong ito. Buti na lang
nasabi mong babae ka, una kasi nagdududa ako kung babae ka ba talaga. Ngayon,
nagdududa naman ako kung anong klaseng hayop ka. Maybe aso, ano'ng lahi mo?
Bulldog?" Saad ko sabay tawa. Sino ngayon ang napahiya sa aming dalawa? Ayoko pa
naman sa lahat ay 'yong iniinis ako kapag may period ako. Wala namang sabi-sabing
siyang umalis sa harap naming dalawa. Nilingon ko si Travis na ngayon ay ngiting-
ngiti na nakatingin sa akin.

"That's my girl." Ani niya sabay halik sa akin.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Thirty Eight

THIRTY EIGHT

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"I couldn't believe that I was actually gave my thirteen minutes talking to that
bulldog!" I exclaimed. Travis' holding my right hand while he was smilling like an
idiot. I don't know why he's smilling like that. Simula ng lumabas kami ng mall ay
wala na siyang ginawa kung hindi ang ngumiti at naiirita na ako sa pagngiti niyang
iyon.

"Chill, babe." He says while his arm snaked around my waist. Bigla ko naman siyang
binatukan ng malakas.

"Aray ko naman, babe! Grabe ka naman sa akin, hinaharass mo na lang ako lagi. Hindi
ka ba marunong maawa sa akin?" Reklamo niya habang nakanguso. I glared at him.

"Ikaw! Pipili ka na lang ng ikakama mo, mukha pang aso! Palibhasa pulos dede na
lang 'yang laman ng utak mo! Basta malaki dede, sisisirin mo agad! Kung isubsob ko
kaya 'yang mukha mo sa dagat ng dede?! Ha?!" I said glaring at him. Ang lakas ng
loob ng babaeng 'yon na bwisitin ako sa araw na 'to. She doesn't even have any idea
who's Jeorge Rivas yet she has a courage to flirt with my boyfriend in front of me!
Kapal naman talaga ng pagmumukha ng asong 'yon!

"Nagparaos lang naman ako sa kanya." He whispered to me. I lifted a brow at him.

"Diyan! Diyan kayo magagaling! Ang magparaos sa butas ng babae! Naku talaga, kapag
nalaman ko lang talaga na may nabuntis kang bulldog, hihiwalayan kita! Kung saan-
saang butas ka na lang pumapasok, gago ka!" I said glowering at him. I don't know
why but I really want to punch his face for countless time para lamang mawala itong
inis na nararamdaman ko dito sa sistema ko dahil sa bwisit na babaeng 'yon.
"Babe naman, wala naman akong nabuntis at sigurado ako roon. Lagi naman akong may
suot na kapote kapag papasok ako sa butas ng babae, pero kapag sa'yo na ako
papasok, hindi na ako magkakapote." Nakangisi niyang sabi. I glared at him again,
iniinis talaga ako ng Montemayor na 'to.

Binatukan ko ulit siya at sinabunutan ng mahina. Nanggigigil talaga ako sa kacute-


an nitong lalaking 'to at sa sobrang gigil ko, gusto ko na siyang gitilan sa leeg!
"H'wag mo akong niloloko-loko, Travis. Baka gusto mong ikaw isunod ko roon sa babae
mo! Sinasabi ko talaga sa'yo, Montemayor. H'wag na h'wag mo akong susubukan dahil
kapag nagalit talaga ako, singit mo lang ang walang latay!" Naiinis kong banta sa
kanya. I heard his sharp breathe.

"Tangnang buhay 'to oh, hindi ko pa nga asawa pero kawawa na agad ako. Paano kapag
naging misis ko na 'to? Tangna talaga." He muttered to himself.

"May sinasabi ka?" I snap.

"Wala!"

NAKARATING kami sa bahay nila ilang minuto lang ang nakalipas. Hindi naman ganoong
ka-traffic at mukhang alam na naman ni Travis ang pasikut-sikot sa daan. Maaga pa
naman at gusto pa raw niya akong makasama kaya sabi kong manood na lang kami ng
movie sa kanila. Ayoko namang manood sa sinehan dahil bukod sa marami na ngang mag
syota ang naglalampungan doon, sayang lang ang perang gagastusin namin.

"Parents mo?" I asked him.

"Nasa farm si Daddy sa Baguio tapos si Mommy pumunta ata sa bakeshop ni Tita Lilet.
Si Shaun naman nagbabasketball lang, kalaro si Symon at Xander." Sabi niya. Inaya
niya akong umakyat kami sa kwarto nila ng kapatid niya at sumunod naman ako. I sat
at his bed while he walks towards their closet. I gaze at him while he was
undressing himself, I've seen him this before and I think I am immune to see him
half-naked. Araw-arawin ba naman niya ang paghuhubad sa harapan ko, sino'ng hindi
magsasawa roon? Pinakatitigan ko si Travis. Flat lang ang tiyan niya at parang wala
siyang kataba-taba sa katawan. Hindi siya payat at hindi rin siya mataba. Kumbaga,
sakto lang ang katawan niya sa height niya. May built ang katawan niya na marahil
ay dahil sa regular niyang pagbabasketball. Konti na lang siguro at macho na talaga
siya at mas magmumukha na siyang yummy sa paningin ko.

"Tara sa baba tayo, luto muna tayo ng pagkain natin bago tayo manood." Ani niya.
Nakabihis na siya ng sando at shorts. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming
bumaba.

Dumiretso kami sa kusina nila at naghanap ng pwedeng lutuin. We found some flour
and eggs so we decided to make pancakes. Pareho naman kaming mahilig sa ganoon kaya
ayos lang.

"Marunong kang gumawa niyan?" He asks while I'm mixing the flour with eggs.
"Oo naman, palibhasa puro ka lang kain kaya hindi mo alam kung paano gawin 'to.
Baka nga mamaya n'yan, lason na kinakain mo hindi mo pa rin alam." Sagot ko sa
kanya. He just gazes at me.

"What?" I ask. I suddenly felt conscious because of his gaze. Gandang-ganda na


naman sa akin ang mokong. Iba talaga kapag dyosa.

"Nothing." He says while smilling, broadly. He suddenly hugged me from behind and I
felt the sudden prickly on my skin because of him.

"Ano bang iniisip mo?" I ask while I stared down to the bowl I am holding.

"I'm just thinking of you, wala akong ibang babaeng iniisip kung hindi ikaw.
Kanina, I'm looking at you because I'm thinking if you'll be my wife in the future.
If I am going to spend the rest of my life with you, with our children. I am
thinking about that, babe and I'll be happy if those things happen." His hug
tighten when he said those things. Wala sa sariling napangiti ako.

"Bakit, gusto mo na ba agad akong asawahin?" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Oo, pwede ba? Mag bebaby making tayo araw-araw." Natatawa rin niyang sagot. Siniko
ko naman ang tiyan niya.

"Siraulo ka, magiging abogado pa ako bago ako magpakasal." Sabi ko.

"Maghihintay ako." Seryoso niyan saad. Bigla akong natigilan sa sinabi niyang iyon.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Kilala ko si Travis, alam ko ang ugali niya
dahil simula pagkabata nakilala ko na siya. Mainipin siyang tao, madali siyang
mapaniwala nang iba kaya lagi siyang inuuto ng mga pinsan niya, mainitin ang ulo
niya at madali siyang mapikon. Pero ngayon, handa siyang maghintay para sa akin.

Handa niya akong hintayin kahit gaano pa katagal.

I never had this kind of feeling before but I am actually feeling very happy
because of him. I never thought that someone's willing to wait just for me. Buong
buhay ko, iniisip ko na walang lalaki ang makakatagal sa akin dahil sa ugali ko.
Dahil sa masungit ako, mataas ang pride ko at perfectionist ako.
Lahat ng iyon ay inaayawan sa akin ng mga lalaking nagkakagusto sa akin kaya
nagduda ako ng sabihin sa akin ni Travis na gusto niya ako. Hindi agad ako naniwala
dahil kilala ko ang ugali niya at alam kong hindi niya ako kayang tagalan. I gave
him a chance because I know in the end, he'll give up. But I was actually wrong,
because he proved to me that he won't give up on me. He showed to me that he's
really serious about his feelings for me.

Nakangiting humarap ako sa kanya at bigla kong pinahiran ng harina ang pisngi niya.
Ngumisi naman siya at bigla niya rin akong pinahiran sa ilong ko. I stare at him
and he did the same thing.

"I love you." He whispers to me. Ngumiti ako sa kanya at sa pagngiti kong iyon alam
ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Mahal din kita." Mahina kong sabi sa kanya. I saw how his eyes widen because of
what I've said.

"A—Ano'ng sinabi mo?" Hindi makapaniwala niyang sabi.

"Sabi ko aylabyu." Mahina kong sabi sa kanya.

"Hindi ko marinig, ano ulit?" He grins.

"Sabi ko nga aylabyu! Ang kulit mo naman eh." Hinampas ko iyong dibdib niya.

"Hindi ko marinig, isa na lang." Nakangisi pa rin niyang sabi.

"Nakakainis ka na, Montemayor! Sabi ko nga I love you!" I shout at him.

"I love you too." He snap. I lost my words when he suddenly claimed my lips. I felt
the adrenaline rush to my veins as his lips touch mine. My arms automatically
snaked around his neck and he deepen the kiss. He brushed his lips against mine and
I moaned in his mouth because of the pleasure he is giving to me. His tongue was
playing with mine and I really enjoy doing this thing with him. I don't have any
reference but I am certain that Travis is really good at this thing. Saan ba siya
nagpapractice humalik?

He suddenly stopped and I groaned in protest.

"Babe, if we won't going to end this. I might make love to you in my room for
countless time. Do you want that? Because that idea makes my baby more hard." He
said grinning at me. Kinurot ko naman iyong tagiliran niya.

"Pulos ka kalokohan, Montemayor!" Sabi ko sa kanya. Muli niya lang akong hinalikan
pero agad ko siyan naitulak ng bigla ay makarainig kami ng malakas na pagtikhim.
We both looked at the same direction and we found his father leaning against the
door while Tito Trav's arms crossed around his chest. He lifted his brows and I
think my face suddenly turns red. Napakapit ako bigla sa kamay ni Travis dahil sa
kahihiyan.

"Both of you, in my office now." Kalmado at maawtoridad na sabi ni Tito Trav.

Shit.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Thirty Nine

THIRTY NINE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Hindi n'yo ba naisip na pwedeng mayroong makakita ng ginagawa n'yo roon sa


kusina?" Kalmadong sabi ni Tito Trav sa amin. Napakapit naman ako sa laylayan ng
sando ni Travis. Kahit kasi na dyosa ako at maganda ako, marunong pa rin akong
mahiya.

"We know about that, Daddy." Travis whispers to his Dad. Napataas naman ang kilay
ko sa sinabi niyang iyon. Sigurado kang alam mo? Kung makahalik ka nga sa akin
parang wala ka ng pakielam kung may tao ba sa paligid mo! Pasok ka lang ng pasok,
'yan tayo eh!

"Alam mo n'yo naman pala pero ginagawa n'yo pa rin? Travis, I am not against about
your relationship with Jeorge. I am actually supporting your relationship with her
and I am really proud of you, son. You are a grown-up man, Travis. You are already
eighteen years old so I know you know about your boundaries. If ever na gawin n'yo
man ang naiisip ko ngayon, sana naman gumamit kayo ng protection, okay? Ayokong
masira ang kinabukasan n'yo dahil lang doon." Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo
sa mukha ko sa sinabing iyon ni Tito Trav. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang
mukha ko.

"Dad! Hindi pa namin iyon ginagawa!" Giit ni Travis sa Daddy niya.


"Hindi pa, so ibig sabihin, gagawin n'yo?" Tito Trav says then he laughs. Napanguso
lang si Travis sa sinabing iyon ng Daddy niya.

"Basta, ang sinabi ko sa iyo, Travis. I trust you, I really do. Alam kong alam n'yo
kung ano ang tama o mali, malalaki na kayong dalawa at alam kong matatalino kayo.
Makaaasa ba ako na susundin n'yo ako?" Ani Tito Travis. Tumango naman kaming dalawa
ni Travis.

"Opo, Dad." Magalang na sagot ni Travis.

"Alright, I badly need to go. Susunduin ko pa ang Mommy mo, I'll see you later.
Tawagan mo na rin si Shaun at pauwiin mo na." Tumayo na si Tito Travis pero bago pa
kami lumabas ay yumakap pa si Travis sa Daddy niya. Napangiti naman ako ng wala sa
oras.

"I love you, Dad." Sabi ni Travis sa Daddy niya habang nakayakap.

"I love you too, son." Sagot ng Daddy niya.

Lumabas na kami sa office ni Tito Trav. Dumiretso kami ulit ni Travis sa kusina at
pinagpatuloy ang ginagawa naming dalawa.

"O, narinig mo naman siguro ang sinabi ng Daddy mo, hindi ba? Bawal ang maharot."
Sabi ko kay Travis. Ngumisi lang siya sa akin.

"Alam ko naman 'yon, pero hindi ko talaga mapigilan ang hindi ka landiin.
Nakakagigil ka kaya." Ani niya. Kinurot ko naman iyong tagiliran niya. Kahit kailan
talaga, ang landi ng lalaking 'to!

"Heh! Manahimik ka lang diyan!" Nakangiti kong sabi. Hindi ko kasi mapigilang
mapangiti kahit na gusto ko siyang sungitan, nakakainis lang.

"Opo." Saad niya pero bago iyon ay hinalikan muna niya ako sa pisngi. Tahimik niya
lang akong tinulungan magluto at minsan ay kinakausap niya ako tungkol sa kung anu-
ano.

Wala sa sariling napatitig ako sa kanya, nagsasalita siya pero parang walang
nalabas na boses sa bibig niya. Mabagal ang takbo ng paligid ko at ramdam ko ang
bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya, at para bang siya lang ang
nakikita ko. Na para bang nasa kanya lang ang buo kong atensyon, na sa kanya lang
tumitibok itong puso ko. Na tipong siya at ako, iisa.

"Babe, kanina pa ako nagsasalita pero hindi ka naman sumasagot." Nawala lang ang
pag-iisip ko ng magsalita siya. Lumapit ako sa kanya at walang sabi-sabing
hinalikan siya.
"Mahal na mahal kita kahit ano ang mangyari." Seryoso kong sabi sa kanya. Minsan,
ako naman dapat ang gumawa nito sa kanya. Lagi na lang siya ang nagpapasaya sa
akin, dapat siguro pasayahin ko rin siya, kahit ngayon lang.

"Mahal na mahal din kita." Sagot naman niya at bigla niya akong hinapit papalapit
sa kanya. Muli niya akong dinampian ng halik, sa una, patudyo-tudyo lang iyon pero
kalaunan ay hinalikan niya rin ako. Sinagot ko naman iyon at hindi ko na naisip ang
kaninang sermon sa amin ni Tito Travis.

Nagulat ako ng bigla siyang tumigil at tumalikod kaya napakunot ang noo ko.
"Tangna, kinikilig ako." Narinig kong bulong niya. Wala sa sarili naman akong
napangiti at hinampas siya.

"Siraulo ka talaga." Bulong ko na lang.

Kahit papaano ay natapos kami sa pagluluto at nanood kaming dalawa sa kwarto nila
ng movie. Ayaw niyang sa sala kami dahil baka raw istorbohin kami ng mga katulong
nila. Buong palabas ay nakayakap lang siya at sa akin at palagi niyang inaamoy ang
buhok at leeg ko. Minsan naman ay bigla niya akong hahalikan at mauuwi sa matagal
na paghalik, kung hindi lang dahil sa pagtulak ko sa kanya ay baka kung saan na
nakarating ang paghahalikan naming iyon.

"Babe, alam mo bang minsan iniisip ko kung bakit kita pinatulan?" Ani niya habang
nanonood kami ng Never Back Down. Ang gwapo lang ni Sean Faris pero mas gwapo pa
rin syempre ang boyfriend ko.

"Bakit naman?" Tanong ko sabay subo ng clover sa bibig ko. Nasandal ako sa kanya
habang mahigpit naman niya akong yakap mula sa likuran. Nararamdaman ko nga iyong
kumpare niya sa likuran ko na nanunusok eh.

"Kasi, flat iyong boobs mo, mataray ka masyado, hindi tayo magkasundo tapos lahat
na ata ng sa'yo hindi ko type sa isang babae." Sabi niya. Napasimangot naman ako sa
sinabi niya. So ano ang gusto niyang palabasin? Napilitan lang siya?

"Pero alam mo iyong nagustuhan ko sa'yo?" Bigla niyang sabi. Nakatutok pa rin ang
mga mata ko sa TV na nasa harap namin.

"Ano?"

"Iyong pagiging matapang mo, kasi kahit na nasasaktan ka na. Pinapakita mo pa rin
na matapang ka, na ikaw si Jeorge Rivas ang babaeng mahal ni Travis Pogi Montemayor
Jr. Hindi ka tulad noong ibang babae na iiyak na lang kapag nasasaktan, iba ka babe
ko. Kasi kapag nasasaktan ka, hindi mo ipinapakita sa iba. Pero tatandaan mo 'tong
sasabihin ko sa'yo, babe ko. Kapag nasasaktan ka ng dahil sa akin, sasabihin mo ha?
I love you." Seryoso niyang sabi sa akin at tsaka niya ako hinalikan sa pisngi.

"Ang sweet mo, gago ka!" Nakangiti kong sagot sa kanya. Tinapos lang namin ang
movie na pinapanood namin bago kami bumaba. Naabutan namin si Shaun na kakauwi lang
at basa pa ng pawis.

"Hi Ate Jeorge!" Bati niya sa akin. Ningitian ko lang siya.

"Wala pa sila Mommy?" Tanong ni Shaun sa Kuya niya.

"Wala pa, kanina ko pa nga hinihintay eh." Sagot naman ni Travis. Umupo muna kami
sa sofa nila at ganoon din si Shaun.

"Ang bobo kahit kailan ni Xander maglaro, bano ampota. Hindi marunong magpasa sa
kakampe." Reklamo ni Shaun sa Kuya niya, pinapanood ko lang sila mag-usap.

"Sino ba kalaro n'yo?" Tanong ni Travis.

"Mga tropa ni Logan."

"Uuwi ka na ba? Gusto mo bang dito na mag-dinner?" Bulong ni Travis sa akin habang
nakaakbay siya. Umiling naman ako, nakapagpaalam na kasi ako sa Mommy ko na uuwi na
ako.

"Hindi na, sa bahay na lang." Sagot ko.

"Akyat lang ako, hindi ko kayo masikmura na maglampungan." Saad ni Shaun sabay
tayo. Minura lang siya ni Travis.

"Dito ka muna, h'wag ka muna umuwi. Mamimiss kita agad." Bulong sa akin ni Travis.

"Mamimiss, mag-dodota ka lang naman mamaya! Hindi mo na naman ako itetext kapag
matutulog ka na dahil busy ka kakalaro mo ng dota." Sabi ko sa kanya.

"Hindi na ako maglalaro, si Shaun gagamit mamaya ng computer namin. Gusto mo


tawagan pa kita mamaya eh." Ani niya.

"Sus, lokohin mo pa ako. Bahala ka diyan, kapag hindi mo ako tinawagan mamaya,
hindi na kita kakausapin."

"Nagtampo agad, meron ka ba? Hindi na nga sabi ako maglalaro mamaya." Sabi niya.
Siniko ko naman siya.

"Bastos ng bibig mo."

"Gusto mo namang binabastos ka nitong bibig ko. Alam mo bang itong bastos na bibig
na tinatawag mo, maraming babae ang napapaligaya nito, alam mo ba 'yon?" Nakangisi
niyang sabi.

"Sige! Sabihin mo pa 'yang mga sexcapades mo!" Inis kong sabi sa kanya.

"Joke lang ito naman, hindi na mabiro. Pa-kiss nga sa girlfriend ko." Sabi niya,
inirapan ko lang siya.

"Hindi mo ako madadaan sa mga paganyan-ganyan mo. Uuwi na ako!" Sabi ko sabay tayo.
Narinig ko lang siyang bumubulong ng kung anu-ano habang nakasimangot. Tumayo na
rin siya at hinawakan ang kamay ko at tsaka kami sabay na lumabas.

Unti-unti ng binabalot ng dilim ang buong kapaligiran ng lumabas kami. Nakaakbay


siya sa akin habang ang isang kamay ko naman ay nakapulupot sa bewang niya. Mabagal
kaming naglalakad na para bang sinusulit namin ang mga oras na magkasama kaming
dalawa.

"Travis, masaya ka ba ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, masayang-masaya ako ngayon. Lalo na ngayon na tayo na." Sagot niya.

"Talaga? Baka naman binobola mo lang ako." Sabi ko sa kanya. Narinig ko naman ang
pagtawa niya.

"Bakit naman kita bobolahin? Tayo na nga eh." Natatawa niyang sabi. Magsasalita na
sana ako ng biglang tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya iyon pero pinatay
niya rin agad.

"Sino 'yon?" Tanong ko.

"Wala si Shaun lang, baka magpapabili lang." Sagot naman niya.

"Seryoso ako Travis, kapag ako talaga niloko mo. Hinding-hindi na kita papansinin
kahit kailan." Sabi ko sa kanya.

"Ang sakit naman noon pero alam ko naman na hindi 'yon mangyayari. Mahal na mahal
kita, babe ko." Sabi niya. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami nang gate
ng bahay namin.

"Mahal din—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng tumunog na naman ang


cellphone niya.

"Sagutin mo na, baka importante." Sabi ko. Inis niya iyong sinagot.

"Hello?!" Inis niyang sagot sa taong tumatawag sa kanya. Pinagmamasdan ko lang siya
at biglang kumunot ang noo ko ng biglang nag-iba ang mukha niya. I saw how his lips
parted and it seems something happened. Bigla akong kinabahan.

"T—Travis, ano iyon?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Nakita ko lang
bigla ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. Hindi ako nakagalaw, nakatitig
lamang ako sa kanya at pilit na iniisip kung ano ba ang nangyari.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Forty

FORTY

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Travis, h'wag kang magmadali. Baka mabangga tayo!" Kinakabahan kong sabi sa kanya
pero parang wala siyang narinig at mabilis pa rin ang pagmamaneho niya, at kahit na
naka red light ay tinahak pa rin niya ang intersection na nadaanan naming dalawa.
Mas lalo akong kinabahan lalo na't patuloy siya sa pag-iyak kahit na tahimik siya.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Alam kong kailangan niya ako ngayon kaya
hindi ako aalis sa tabi niya.

"Travis, I'm just here, okay? Don't be afraid." Mahinahon kong sabi sa kanya. Nasa
kalsada lang ang atensyon niya at mabilis pa rin ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.
Tinawagan ko na sina Mommy na pupunta kami sa ospital para tignan ang lagay ng mga
magulang niya. Alam kong mayroong masamang nangyari at tahimik akong nagdarasal na
sana, nasa maayos silang kalagayan.

Ilang minuto lang din ang nakalipas ay nakarating din kami agad sa ospital na
sinabi sa amin ni Tito Arthur. Mabilis kaming lumabas ng sasakyan at patakbong
pumasok sa loob. Agad kaming dumiretso sa nurse station at tinanong ang pangalan ng
mga magulang niya. Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko at para bang mayroong
masamang mangyayari.

"Sir, may isinugod po rito na mag-asawa fifty minutes ago. Nasa ER po sila ngayon—"
Hindi na pinatos ni Travis ang sinasabi nang nurse at agad kaming umakyat papunta
sa emergency room. Nadatnan namin sa labas si Tito Arthur kasama si Tita Sindy na
nakayakap sa kanya. Mugto ang mga mata ni Tita Sindy habang impassive naman ang
mukha ni Tito Arthur.

"Nasaan sila?" Mahinahon ngunit mayroong laman na tanong ni Travis. Hinawakan kong
muli ang kamay niya, mahigpit na mahigpit.
"Travis, we still don't have any news about them. Just stay calm, okay?" Ani Tito
Arthur.

"Stay calm?! How would I stay calm if my parents are in that fucking room?!" Sigaw
niya. Lumapit naman agad si Tita Sindy sa kanya upang pakalmahin siya.

"Travis..." Pinapakalma niya ito pero wala rin itong nagawa sa pagwawala ni Travis.
I could see tears streaming down to his face. Naiiyak na rin ako pero pinipilit
kong maging matapang. Ayokong maging mahina ngayong alam kong walang pagkukuhanan
ng lakas si Travis. Alam kong mahal na mahal ni Travis ang mga magulang niya lalong
lalo na ang Mommy niya at sana, maayos ang lagay nilang pareho.

"What happened?" Napalingon kami sa may likuran namin. Naroroon si Tito Levinn
kasama si Tita Freen at Axcel. Kasunod niya si Tita Lilet, Din at Shaun na ngayon
ay hingal na hingal na lumapit sa Kuya niya. Dumating din si Tito Gian kasama si
Tita L.A at Rissa.

"They met an accident, Levinn. Nabangga ng isang truck ang sinasakyan nila pauwi."
Mahinahong sabi ni Tito Arthur.

"How are they?" Nag-aalalang tanong ni Tita Freen. Hindi naman nakasagot si Tito
Arthur at Tita Sindy. Napaupo si Travis sa isang upuan at agad ko siyang dinaluhan.
Niyakap ko siya ng mahigpit at doon ko naramdaman ang pag-iyak niya. Narinig ko rin
na umiiyak na si Din at Rissa.

"I'm just here, I love you." Paulit-ulit kong bulong kay Travis habang umiiyak
siya. Ayokong umiyak dahil dapat matatag ako. Dapat ako ang magsilbing lakas ni
Travis ngayong mahina siya. Alam ko kung gaano niya kamahal ang mga magulang niya
at alam kong sobrang sakit na nasa ganitong sitwasyong ang dawalang
pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

Walang siyang sinasabi, umiiyak lang siya habang yakap-yakap ko siya. Lumapit din
si Tita Freen at Tita L.A sa amin ni Travis para pakalmahin siya. Si Shaun naman ay
tahimik lang sa isang sulok habang nakatitig sa kawalan, at alam kong tulad ng Kuya
niya ay nasasaktan din siya.

Naghintay kami roon ng ilang oras at wala pa ring balita. Lumabas muna ang iba at
kami naman ay naiwan doon. Nakatulala na lang din si Travis habang hinihintay namin
lumabas ang Doctor at kung ano ba ang lagay ng mga magulang niya.

Ilang oras pa ang lumipas at may dalawang Doctor ang lumabas, agad kaming napatayo
at lumapit sa kanila. Lahat ay kinakabahan sa sasabihin ng Doctor.

"Kayo ho ba ang pamilya ng mga naaksidente?" Magalang na tanong ng Doctor. Lumapit


si Tito Levinn sa kanila para makipag-usap.

"Ano po ang lagay nila, Doc?" Tanong ni Tito Levinn. I swallowed the lump in my
throat because I think, I need to brace myself. Alam kong kailangan kong ihanda ang
sarili ko sa sasabihin ng Doctor.

"Nasa kritikal na kondisyon ang lagay ni Mr. Montemayor at nasa piligro ang buhay
niya ngayon. Pilit naming ginagawa ang lahat upang maisalba ang buhay niya ngayon,
pero h'wag kayong umasa na magagawa namin ang lahat dahil kahit anong oras ay
maaaring bawian ng buhay ang pasyente." Mahinahon na sabi ng Doctor.

"Ang Mommy ko?" Mahinang tanong ni Travis. Humigpit ang hawak ko sa kamay
niya. Kailangan mong tatagan ang sarili mo, Travis.

"I'm so sorry to say, pero wala na si Mrs. Montemayor. Hindi niya kinaya ang impact
ng pagbangga ng ulo niya kaya nagkaroon ng blood clot sa utak ng pasyente.
Nagkaroon din siya ng fracture sa ribs at natamaan ang lungs niya na naging dahilan
ng pagkamatay niya." Malungkot na sabi ng Doctor. Hindi na sila nakapagsalita at
nagsi-iyakan na sila. Gusto kong umiyak pero ayokong magmukhang mahina, gusto ko
silang damayan pero mas kailangan ako ni Travis. Kailangan niya ako at dapat
malakas ako kung kailangan niya ako ngayon. Napatingin ako sa kanya at bakas sa
mukha niya na pilit niyang itinatanggi ang sinabi ng Doctor sa kanya.

"Pakiulit nga ho ang sinabi n'yo." Matigas na sabi ni Travis. Lumapit siya sa
Doctor at kinuwelyuhan ito.

"Pakiulit ang sinabi n'yo! Hindi pa patay ang Mommy ko! Buhay siya!" Sigaw niya sa
Doctor. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa may likuran.

"Travis." Inawat siya nina Tito Levinn at Tito Arthur. Patuloy na umiiyak sina Tita
Freen, Tita Sindy, Tita L.A, Din at Rissa. Si Shaun ay napasandal sa gilid at
napaupo sa sahig. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa Doctor.

"Putang ina, sabing buhay pa ang Mommy ko eh! Sinungaling 'yang Doctor na 'yan!"
Dinuduro niya ang Doctor ang nagsisisigaw.

"Travis, kumalma ka." Maawtoridad na sabi ni Tito Levinn. Umiiyak na silang lahat
pero ako, pinipilit ko pa rin na maging matatag.

"H—Hindi 'yan totoo, hindi 'to totoo. Panaginip lang ito, panaginip lang ito."
Paulit-ulit na sabi ni Travis. Mabilis na tumatakas ang mga luha sa mga mata niya
at nanghihina ako sa nakikita ko ngayon. Ayokong makitang ganito si Travis, ayokong
masaksihan siya sa ganitong sitwasyon.

"Travis..." Tawag ko sa kanya pero nagulat na lang ako ng bigla siyang tumakbo.

"Travis!" Tawag nila sa kanya. Agad ko siyang sinundan at kahit na mabilis ang
takbo niya ay nahabol ko siya. Nadatnan ko siya sa rooftop ng ospital at rinig na
rinig ko ang pag-iyak niya.
"Travis..." Tawag ko mula sa likuran niya.

"I want to be alone, iwan mo muna ako." Mariin niyang sabi pero lumapit pa rin ako
sa kanya. Tinanaw ko ang syudad na tinatanaw niya rin. Tahimik lang kaming dalawa
at tanging paghikbi niya lang ang bumabasag sa nakabibinging katahimikan.

"May nagawa ba akong mali para parusahan ako ng Diyos ng ganito?" Bigla siyang
nagsalita. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at kung may alam lang akong paraan para
matigil siya sa pag-iyak ay ginawa ko na, pero wala. He needs to face this reality,
he needs to accept the fact that his mother was already gone.

"Travis..." Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa sinabi niya.

"May nagawa ba akong mali para kuhanin niya sa akin ang pinakaimportanteng babae sa
buhay ko? May nagawa ba ako?" Humarap siya sa akin. Basang-basa ang mukha niya ng
mga luha niya at ngayon ko lang siya nakitang ganito, ganitong kamiserable.

"Oo, alam ko namang gago ako. Alam ko namang mahilig akong maglaro ng mga babae
noon, mahilig akong manakit ng mga nararamdaman nila pero bakit naman ganito, bakit
naman 'yong babaeng pinakamamahal ko pa. Putang inang buhay 'to, ang sakit! Sobrang
sakit!" Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon at wala akong nagawa
kung hindi ang yakapin siya ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi
siya nag-iisa. Na kasama niya ako at handa akong samahan siya sa lahat ng oras na
malungkot at mahina siya.

Handa akong maging lakas niya sa mga oras at araw na wala siyang pagkuhanan ng
lakas. Hinding-hindi ko siya iiwan at lagi lang akong nasa tabi niya.

"Wala naman akong nagawang mali ah, kung meron man sana ako na lang 'yong kinuha
niya. Hindi 'yong mommy ko pa, hindi 'yong babaeng nandyan lagi sa tabi ko kahit na
ano ang gawin ko. Sana ako na lang, sana hindi na siya..." Patuloy siya sa pag-iyak
habang sinasabi niya iyon.

"Mahal kita." Paulit-ulit kong sabi sa kanya. Hinayaan ko siyang umiyak sa balikat
ko habang nakayakap siya sa akin, hinayaan kong ilabas niya lahat ng nararamdaman
niya dahil alam ko na walang nilalang sa mundong ito na hindi kayang umiyak kapag
nasasaktan sila ng sobra.

"Jeorge, dito ka lang sa tabi ko. H'wag mo akong iiwan. Dito ka lang, h'wag kang
aalis." Mahina niyang sabi habang humihikbi siya.

"Hindi kita iiwan, andito lang ako sa tabi mo. Mahal na mahal kita." Sagot ko sa
kanya. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon, walang kumikibo sa aming dalawa.
Magkayakap lang kami na para bang sa isa't-isa kami kumukuha ng lakas. Alam kong
umpisa pa lang ito ng mga pagsubok sa buhay ni Travis dahil marami pa siyang
pagdaraanan at sana, pareho namin iyong malagpasan. Dahil sa ngayon, kung ano ang
problema niya ay problema ko na rin. Mahal ko si Travis at iyon ang panghahawakan
ko.
Hinding-hindi ako aalis sa tabi niya hangga't hindi siya gumagawa ng dahilan para
umalis ako at iwan siya.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Forty One

FORTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Travis, kumain ka muna. Kanina ka pa hindi kumakain." Mahinahon kong sabi sa


kanya, pero parang wala siyang narinig at malungkot lamang siyang nakatitig sa
puting kabaong ng Mommy niya. Bakas sa mukha niya ang pagod na marahil ay sa
kawalan ng tulog, nangangayayat na rin ang katawan niya dahil sa hindi pagkain.
Simula kasi ng iburol ang Mommy niya ay kakaunti lang ang kinakain niya at lagi
lamang siyang nakabantay sa Mommy niya.

"Travis, kumain ka muna kahit konti lang. Magkakasakit ka na niyan sa ginagawa mo."
Pagpupumilit ko sa kanya. Huminga lamang ako ng malalim ng hindi pa rin siya
kumibo. Tumayo muna ako at lumabas. Mas maganda siguro ang iwan ko muna siya para
makapag-isip siya. Alam kong hindi madali ang lahat ng ito para sa kanya lalo na't
biglaan ang nangyari at hindi niya inaasahan.

"Hindi pa rin ba siya kumakain?" Napalingon ako sa nagsalita, si Tita Freen.


Ngumiti ako at tsaka umiling.

"He really loves his mom. Ngayon ko lang nakita si Travis na ganyan." Ani Tita
Freen. Muli akong huminga ng malalim bago sumagot sa sinabi ni Tita Freen.

"Mahirap man po, pero kailangan niyang tanggapin ang katotohanan. He needs to be
strong for Shaun and Tito Trav." Saad ko.

"Hindi ko talaga maisip na mangyayari ang ganitong bagay, ang hirap tanggapin pero
kailangan. Mayroon talagang mga bagay na hindi natin inaasahan pero kusang
dumarating." Saad ni Tita Freen at tsaka ito nagpahid ng luha. Hindi na ako
nakasagot dahil hindi ko na alam ang dapat kong sabihin. Tama si Tita Freen,
mayroong mga bagay na hindi naman natin inaasahan pero kusang dumarating dahil
mayroong dahilan. Hindi naman pupwedeng mangyayari ang isang bagay kung wala itong
dahilan at alam kong mayroong dahilan kung bakit ito nangyayari ang mga bagay na
'to kay Travis.

"Mommy." Napalingon kami sa maliit na boses na nagsalita. Nakita kong si Francisco


iyon at lumapit sa Mommy niya. Batid sa mukha nito na inaantok na ito, alas diyes
na rin kasi ng gabi. Miski ako ay inaantok na rin pero pinipilit kong maging mulat
para kay Travis.

"Hindi pa ba tayo uuwi, Mommy? Inaantok na ako." Sabi nito habang kinukusot ang mga
mata.

"Doon ka muna sa kwarto nang Kuya Travis mo, nandoon ang Kuya Axcel mo at
natutulog." Sabi ni Tita Freen kay Francisco. Pinagmamasdan ko lang sila mag-usap
at napapangiti ako kapag sumisimangot si Francisco.

"Mommy, natatakot akong umakyat." Mahinang sabi ni Francisco pero narinig ko pa


rin. Hindi ko mapigilang hindi mapatawa, he's so adorable saying that.

"Maiwan na muna kita, Jeorge. Patutulugin ko lang 'tong baby damulag ko." Ani Tita
Freen. Ngumiti lamang ako at tsaka tumango. Narinig ko pang nagrereklamo si
Francisco na hindi na siya baby habang papasok sila sa loob.

Muli akong huminga ng malalim bago pumasok sa loob. Naroroon pa rin si Travis sa
unahan habang nakatitig sa kawalan. Mag-isa pa rin siya at tila ba malalim siyang
nag-iisip. Lumapit ako sa kanya at muli siyang tinabihan. Mahigpit kong hinawakan
ang kamay niya.

"Doon muna tayo sa may kusina n'yo, kumain ka muna kahit konti lang. Ayokong makita
kang ganyan, Travis. Hindi matutuwa ang Mommy mo sa inaasal mo ngayon."
Pagpupumilit ko sa kanya. Lumapit sa amin si Tita Sindy at Tita Jin.

"Sige na, Travis. Kumain ka muna at kanina ka pa walang kain." Mahinahong saad ni
Tita Sindy. Hindi siya nagsalita pero tumayo na siya kaya inaya ko siya papunta sa
kusina. Umupo siya sa may kitchen counter habang kumuha naman ako ng plato para
kuhaan siya ng pagkain. Tahimik pa rin siya at walang kibo na nakaupo.

"Kumain ka na." Sabi ko sa kanya sabay lapag sa harap niya ng pagkain. Hindi siya
kumibo at katulad kanina ay tulala pa rin siya.

"Travis..." Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Sa tingin mo ba gusto ng Mommy mo na makita ka niya ng ganito? Kung ako ang Mommy
mo magagalit ako sa'yo dahil hindi ka kumakain. Alam mo na alam ko na ayaw ng Mommy
mo na hindi kayo kumakain ng kapatid mo, Travis. Maging malakas ka para sa kapatid
mo, para sa Daddy mo at para sa sarili mo." Seryoso at mahinahon kong sabi sa
kanya. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at bigla siyang napatitig. Matagal
lamang siyang nakatitig sa akin na para bang naghihintay siya na may sabihin ako.
"Kumain ka na." Ulit ko pa.

"Subuan mo ako." Mahina niyang sabi. Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon.
Agad kong kinuha ang kutsara at sinubuan siya. Pinagmamasdan ko lang siya habang
kumakain. Napansin kong nagkakaroon na siya ng stubbles at malago na rin ang bigote
niya. Malaki na rin ang itim sa ilalim ng mga mata niya pero kahit na ganoon ay
hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan niya. He looks matured and I admit, his
stubbles make him more look hot.

Nang matapos siyang kumain ay inaya ko siyang umakyat sa kwarto niya. Sumunod naman
siya at nadatnan namin roon na natutulog si Axcel katabi si Francisco. Dalawa naman
ang kama roon kaya pinatulog ko muna siya. Sa una, ayaw niyang matulog dahil gusto
raw niyang bantayan ang Mommy niya pero hindi ako pumayag. Kailangan niya ng
pahinga at baka hindi na kayanin ng katawan niya at bigla na lamang siyang bumigay.

"Tabihan mo akong matulog." Sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim bago siya
sagutin.

"Sige na, tatabi na ako sa'yo. Mahiga ka na d'yan." Sabi ko. Humiga naman siya at
tsaka ako tumabi sa kanya.

Hindi na ako nagulat pa ng bigla siyang yumakap sa akin. Nakapikit ang mga mata
niya at ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya. Pinapakiramdaman ko lang ang
paghinga niya at marahan kong hinahawi ang buhok niya. Maya-maya lang ay naramdaman
kong nakatulog na siya. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya habang natutulog siya.

Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon dahil mahirap ang mawalan ng
ina at lalong mahirap kung pati ama mo ay mawala. Alam ko iyon dahil nakita ko kung
paano umiyak si Heena gabi-gabi nang iwan sila ng Mommy niya. Ayokong makita si
Travis na nagdurusa lalo na kapag pati Daddy niya ay nawala.

I kissed his temple and closed my eyes. This will be a long journey ahead and I
need to prepare myself. I need to be strong because I know, we will be both broken
in no time.

NAGISING ako na maliwanag na sa labas batid na rin sa liwanag na tumatakas sa


binatana papasok sa kwarto nila ni Shaun. Napalingon ako sa tabi ko at mahimbing pa
rin ang tulog ni Travis sa tabi ko. Marahil ay bumabawi siya ng tulog sa mga araw
na puyat siya. Marahan kong tinanggal ang braso niyang nakayakap sa akin at tsaka
ako bumaba sa kama. Inayos ko lang saglit ang buhok ko bago ako lumabas. Nadatnan
ko sa ibaba sila Tita Freen at Tita L.A na nag-uusap. Nagpaalam lamang ako sa
kanila na uuwi muna ako sa amin para makapagpalit ng damit at babalik na lamang ako
maya-maya. Sabado pa lang naman ngayon at wala pang pasok kinabukasan kaya ayos
lamang na bumalik ako mamaya.

"Kamusta ang mga Montemayor?" Agad na tanong ni Mommy. Humalik muna ako sa kanya
pati na rin kay Daddy bago ako umupo sa tabi ni Eugine para kumain.
"They are still mourning because of Tita Celestine's death." Kaswal kong sagot.
Naglagay ako ng ham at hotdog sa plato ko.

"And Travis?" Agad na tanong ni Daddy. Ngumiti ako ng pilit kay Daddy. Alam niyang
boyfriend ko na si Travis dahil siya mismo ang nagsabi sa Daddy ko na kami na.

"He's still not okay, Dad. You know, he really loves his mom and it's not that easy
to accept the fact that his Mom was already gone while his Dad was in a critical
condition. If I were in his condition, I might suicide." Kaswal kong sagot sa
kanila. Hindi na sila nagsalita pa at nagpatuloy lang kami sa pagkain. Wala rin
naman akong panahon na sagutin pa ang mga tanong nila.

Saglit akong nagpaalam sa kanila pagkatapos kong kumain. Umakyat ako sa kwarto ko
para makapagpahinga. Ngayon ko lang naisip na hindi pala ako nakapagpaalam kay
Travis. Sigurado akong hahanapin ako noon pagkagising niya. Muli kong ipinikit ang
mga mata ko.

Why I have this kind of feeling? I really can't explain myself. Nakakaramdam ako na
para bang mayroong mangyayari at kailangan kong ihanda ang sarili ko. Ngayon lang
ako naramdam ng ganito at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. I am
feeling something different and I really don't know where it came from. Pilit ko
mang iwasan ang mga iniisip, hindi ko magawa. Kahit na sa panaginip ay dinadalaw
ako ng takot ko and I know, I should face this fear. Kailangan ko 'tong harapin
para malaman ko kung ano ba talaga ito.

I shook my head, I must be paranoid. Pagod lang siguro ako kaya kung anu-ano ang
mga naiisip kong bagay.

Hindi ko dapat isipin na aalis si Travis at iiwan ako.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Forty Two

FORTY TWO

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Din, hindi mo ba talaga nakita si Travis?" Tanong ko kay Din ng makasalubong ko


ito sa cafeteria. Kanina ko pa hinahanap si Travis pero hindi ko siya makita.
Kanina naman pumasok siya pero sa isang subject lang namin pagkatapos noon ay wala
na. Hindi ko na siya nakita pa.

"Hindi talaga, Jeroge. Madalas ko rin siyang hindi makita. Kapag nga pupunta kami
sa kanila, lagi naman siyang wala at si Shaun lang ang naabutan namin doon." Sagot
sa akin ni Din. Huminga naman ako ng malalim.

"Sige salamat, i-text mo na lang ako kapag nakita mo siya, okay?" Sabi ko. Ngumiti
ako ng pilit sa kanya para hindi niya mahalatang hindi ako masaya.

"O sige, itetext na lang kita." Ngumiti rin siya at tsaka umalis. Naglakad-lakad
lang ako hanggang sa napaupo ako sa isang bakanteng upuan ng mapagod ang mga paa
ko.

I sighed.

Isang buwan na ang lumipas ng mailibing ang Mommy ni Travis at hanggang ngayon ay
comatose pa rin ang Daddy niya. Isang buwan na rin ang lumipas simula ng makausap
ko ng matino si Travis. Hindi na siya madalas lumabas ng bahay at kapag pumupunta
ako sa kanila ay lagi naman siyang wala. Malimit na rin niya akong tawagan o itext
man lang. Kapag nasa klase naman kami ay palagi siyang tulog at minsan ay wala
siya. He's being cold towards me and I really don't what is his reason why he's
being so cold to everyone.

He has been changed.

Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya at andito naman ako para intindihin
siya. Pero wala, it seems that he doesn't want me to mess with his life. He doesn't
want me to help him, to be with him in the middle of his agony. He wants me to stay
by his side pero ano ngayon? It looks like he doesn't.

Muli akong huminga ng malalim at bigla ay naalala ko ang pinag-usapan namin ng mga
magulang ko kaninang umaga.

"Nahihirapan na ako." Mahina kong bulong sa hangin. Inihilamos ko ang mga palad ko
sa mukha ko at sa pag-angat ko ng tingin ay tumambad sa akin ang mukha ni Xander.
Napakunot ang noo ko ng makita ko siyang nakasimangot.

"Bakit ba ang aarte n'yong mga babae? Kayo na nga 'yong sinusuyo kayo pa 'yong
maarte. Tapos 'yong bestfriend pa niya, napakaepal. Tang ina lang." Naiinis niyang
sabi at tsaka siya tumabi sa akin.

"Problema mo? Pumoporma ka na naman?" Tanong ko sa kanya. Ngumuso lang siya sa


sinabi kong iyon.

"Paano ba manuyo ng babae? Hindi ba bibigyan mo lang naman ng bulaklak, chocolates


tapos konting sweet words?" Saad niya. Bigla naman akong napatawa. Tinamaan ang
mokong.

"Sino naman ang malas na babae ang nilalandi mo ngayon?" Natatawa kong tanong.

"Si Maria Manuela." Sabi niya. Hindi ko napigilan ang hindi mapatawa ng sobra dahil
sa sinabi niya.

"Sure ka bang buhay pa 'yan? Baka naman mamaya patay na 'yan ha!" Sabi ko. Mas lalo
lamang siyang sumimangot sa sinabi ko.

"Nasaan si Ravis? Bakit hindi mo ata kasama?" Bigla niyang tanong. Natigilan naman
ako, bigla kong nakalimutan na hinahanap ko nga pala siya.

"Nakita mo ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, kanina. Hindi ba't kasama ka niya kanina? Nakita ko kayo sa may likod ng
lumang building ah? Tinawag ko nga kayo pero hindi naman kayo lumingon kaya hindi
ko na kayo hinabol." Kaswal niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko siya
kasama kanina at hindi pa kami nag-uusap simula kanina.

Bigla akong kinabahan, sino ang kasama niya kanina?

"Ah—oo, kasama ko pala siya kanina pero naghiwalay din kami. Kaya hinahanap ko siya
ngayon." Ngumiti ako ng pilit kay Xander at sana hindi niya nahalata na
nagsisinungaling ako sa kanya.

"Wala eh, hindi ko na nakita. Andyan lang 'yon sa tabi-tabi, alam mo naman 'yong
gagong 'yon. Pakalat-kalat lang." Tumawa siya pagkasabi niya noon pero ako, hindi
ko alam ang magiging reaksyon ko.

Kinakabahan ako sa naiisip ko.

"Sige, Jeorge. Una na ako, manunuyo pa ako ng babae. Kita na lang tayo mamaya."
Sabi niya at tsaka umalis. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tinawagan
siya. Naghintay ako ng ilang ring at sinagot niya rin ang tawag ko.

"Hello, Travis? Nasaan ka?" Agad kong tanong. Hindi siya nagsalita at naghintay ako
ng ilang segundo hanggang sa binabaan niya ako. Muli ko siyang tinawagan pero hindi
ko na macontact ang cellphone niya.

Marahas kong pinahid ang luha ko ng maramdaman ko iyon sa pisngi ko. Hindi dapat
ako umiyak, ako si Jeorge Rivas at matapang akong babae.

Tumayo na ako at akmang aalis na ng bigla akong harangan ni Madonna. Travis' ex. I
lifted my brow at her and raised my chin.

"What?" Mataray kong tanong sa kanya. She did not speak, she just grins at me. My
brows furrowed. What's wrong with this bitch?

"I own him, again." She says while grinning. Hindi ko agad nakuha ang gusto niyang
iparating pero nakuha ko rin ang ibig niyang sabihin. Umilang hakbang ako papunta
sa kanya.

"Who? My boyfriend?" I emphasize the word boyfriend to her. Gusto kong ipamukha sa
kanya na boyfriend ko si Travis at para na rin matauhan siya sa katotohanang
inuluwa na siya ni Travis. Hindi na ako nagulat sa naging reaksyon niya. Ngumiti
siya, iyong ngiti na para bang hindi siya naaapektuhan sa katarayan at presensya
ko.

"Boyfriend mo na pumapatong sa iba?" Tumawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon.


Gusto ko siyang sampalin ng malakas pero ayokong pumatol sa mga hindi ko ka-brain
wave.

"At nagpapapatong ka naman? Ano ka? Aso sa kalye na pupwedeng patungan na lang ng
kung sinu-sino? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" Ngumiti ako katulad ng ngiting
ibinibigay niya sa akin.

"Ikaw dapat ang tanungin ko n'yan, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Niloloko ka na
lahat-lahat, nagpapakatanga ka pa rin. Akala ko ba matalino ka? Nasaan ngayon iyang
talinong ipinagmamalaki mo?" Sabi niya, hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

"Wake up, Jeorge. Oo nga't matalino ka, pero tatandaan mong hindi sa lahat ng
aspeto, matalino ka. Minsan, nagiging tanga tayo sa mga bagay na pinahahalagahan
natin." Sabi niya sa akin at tsaka niya ako tinalikuran.

Naiwan lang ako roon na nakatayo at nasasaktan. Hindi ko alam kung dapat ko bang
paniwalaan ang sinabi niya. Gusto kong maniwala pero gusto ko, ako mismo ang
makakita. Hindi ako basta-basta nagpapaloko sa mga sinasabi ng iba. Siya na mismo
ang nagsabi, matalino ako at dapat ko iyong gamitin.

Agad akong umalis sa school at umuwi ng bahay. Nadatnan ko ang mga magulang ko na
nag-uusap sala at sa palagay ko ay pinag-uusapan na naman nila ang napag-usapan
namin kaninang umaga.

"Jeorge, napag-isipan—"

"Mom, I'm tired. I don't want to talk about it." Mabilis kong sagot at tsaka ako
nagmadaling umakyat sa kwarto ko. Nagpalit lang ako saglit ng damit at muli akong
bumaba.

"Where are you going?" Matigas na tanong ni Daddy.


"Babalik din po ako mamaya, mayroon lang po akong pupuntahan." Magalang kong sagot
at tsaka ako lumabas ng bahay. Kahit na nagtatampo ako sa kanila, ginagalang ko pa
rin sila. Iyon ang itinuro nila sa aming magkakapatid, ang gumalang sa lahat ng
aspeto ng bagay.

Nakarating ako sa bahay nila Travis at walang ibang tao roon kung hindi si Shaun at
ang mga katulong nila.

"Umuwi na ba ang Kuya mo?" Tanong ko kay Shaun. Ngumiti naman siya sa akin at tsaka
umiling. Katulad ni Travis, mayroon din nagbago kay Shaun. Madalas itong tahimik na
lang at gusto laging mapag-isa.

Tinignan ko ang oras sa relo ko at eksaktong ala-sais na ng gabi. Pinili ko na


lamang na hintayin siya roon dahil alam ko namang uuwi rin siya. Aaminin ko, hindi
ko pinapansin ang mga ganitong bagay noon at sana pwede ko ulit iyong gawin ngayon
dahil nakakaramdam ako ng sakit. Pakiramdam ko ay unti-unti niya akong sinasaktan
sa pamamagitan ng ganito. Gusto kong isipin na nagbabago lang siya dahil sa
pagkawala ng Mommy niya at kalagayan ng Daddy niya, pero bakit ganito? Bakit pati
ang relasyon naming dalawa ay kailangang madamay? Bakit pati ako nasasaktan sa mga
ginagawa niya?

Hindi naman siguro dapat na maapektuhan ang relasyon namin at dapat ganoon pa rin.
Pwede naman niya akong kausapin hindi iyong ganito. Pinagmumukha na niya akong
tanga.

Sumapit ang alas-diyes ng gabi ay wala pa rin siya. Nagugutom na ako pero tinitiis
ko lang ang gutom ko dahil gusto ko siyang makausap, gusto kong maliwanagan. Gusto
kong malaman kung dapat pa ba naming ituloy ang relasyon naming ito.

Naghintay pa ako ng isang oras hanggang sa dumating ang sasakyan ni Travis. Bumaba
siya at akala ko ay didiretso na siya papasok sa loob ng umikot pa siya at binuksan
ang kabilang pinto ng sasakyan niya. Mula roon ay lumabas ang babaeng kanina ay
kausap ko lamang, si Madonna. They were laughing and it seems that they are really
fond with each other to the point that they didn't notice about my existence.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at ngayon ko lang naramdaman ang ganitong
sakit.

Akmang papasok na sila sa loob ng tawagin ko ang pangalan ni Travis. Mabilis ang
pintig ng puso ko habang nakatitig sa kanila, at sa magkahawak nilang kamay. Nawala
ang ngiti sa mukha nila ng makita nila ako.

"Jeorge." His voice his calm and his face is impassive. Para bang wala siyang
pakielam kung makita ko sila ng ganito, at kung makita niya akong nasasaktan.

"T—Travis, ano 'to?" Nauutal kong tanong. Walang luhang lumalabas sa mga mata ko,
walang kahit anong sakit akong ipinapakita sa kanilang dalawa. Ang tanging alam ko
lang, kumikirot ang puso ko sa nakikita ko ngayon.
"I told you, Jeorge." Sagot ni Madonna. Nakatitig lang ako kay Travis habang siya
ay ganoon din, ang pinagkaiba lang, walang kaemosyon-emosyon sa mukha niya.

Ilang segundong walang nagsalita sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam ang
sasabihin ko dahil nasa harap ko na mismo ang sagot. Nasa harap ko na mismo ang
sagot sa kaninang katanungan ko.

Akmang magsasalita na ako ng bigla siyang magsalita na siyang bumasag sa puso ko.
"Ayoko na, Jeorge." Walang emosyong sabi niya sa akin habang direktang nakatingin
sa mga mata ko.

Dalawang salita, pero sapat na para wasakin niya ang puso ko. Sapat na para saktan
niya ako, at para impamukha niya sa akin na kaya niya akong palitan kahit anong
oras. Na kaya niya akong saktan kung kailan niya gusto.

Dalawang salita, pero punong-puno ng kahulugan, ayoko na.

Hindi na ako nagsalita sa sinabi niya, at gusto kong matawa sa sarili ko dahil
hindi man lang ako naiyak. Hindi man lang ako natinag, basta ang alam ko. Sobra
akong nasasaktan ngayon ng dahil sa kanya. Sobra ang sakit na narararmdaman ko
ngayon at hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito. Kung kakayanin ko ba na tanggapin
na nasasaktan ako ngayon ng dahil sa kanya.

Unti-unti akong tumalikod sa kanila at sa pagtalikod kong iyon, doon lang bumagsak
ang mga luhang kanina ay pinipigilan ko ng dahil sa sakit na nararamdaman ko ng
dahil sa lalaking mahal na mahal ko.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Forty Three

FORTY THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Umiyak ako ng umiyak ng gabing iyon. Halos hindi na ako nakatulog dahil sa
kakaiyak. Pilit kong hinahanap kung ano ba ang nagawa kong mali para gawin niya sa
akin ito, para saktan niya ako ng ganito.
Hindi ko alam kung nagkulang ba ako o hindi lang talaga sapat 'yong pagmamahal na
ibinigay at ipinaramdam ko para sa kanya. Hindi ko alam kung ako ba ang nagkulang
sa relasyong naming ito, kung ako ba iyong may mali, o kung kasalanan ko ba ang
lahat ng ito.

Akala ko dati, babae lang ang mahirap intindihin. Hindi ko alam na mas mahirap
palang intindihin ang mga lalaki.

Ang sakit-sakit kasi akala ko naibigay ko na ang lahat, na akala ko naiparamdam ko


na sa kanya 'yong tunay kong nararamdaman sa kanya. Akala ko sapat na 'yong
pagmamahal na ipinaparamdam ko sa kanya para mahalin niya rin ako pabalik. Hindi ko
alam na kulang pa pala, na hindi pa pala sapat. Siguro nga, hindi ako ang tamang
babae sa kanya dahil hinding-hindi babagay ang mga lalaking tulad niya sa babaeng
kagaya ko.

Oo, nasaktan ako. Sino ba naman ako para hindi masaktan? Tao lang din naman ako at
nakakaramdam ng sakit. Ang masama lang, sobra akong nasasaktan.

Matapang akong babae, hindi ako 'yong tipo na umiiyak sa mga lalaking manloloko. I
curse them to hell and I hate those men who were cheating to their girlfriends.
Galit na galit ako sa mga lalaking paasa, manloloko at akala mo kung sinong gwapo
para manakit ng babae.

Galit na galit ako at iyon ang nararamdaman ko ngayon kay Travis. Kinamumuhian ko
siya dahil akala ko, iba siya sa mga lalaking kinamumuhian ko noon. Nagkamali ako,
hindi pala siya naiba sa mga lalaking kilala ko noon.

Marahas kong pinahid ang mga luhang patuloy na bumabagsak mula sa mga mata ko ng
makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Bukas 'yan." Pinilit kong maging normal ang boses ko kahit na alam kong garalgal
iyon. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ko.

"Anak..." Boses iyon ng Daddy ko. Lalo akong naiyak dahil doon ko lang narealize na
mayroon pa palang lalaki na mamahalin ako ng sobra at hinding-hindi ako sasaktan,
ang Daddy ko.

Umupo siya sa gilid ng kama ko at hindi ko napigilan ang pag-iyak ko. Pilitin ko
man pero pilit na kumakawala ang mga hikbi ko tanda na nasasaktan ako.

"Jeorge, anak. Andito si Daddy." Mahina niyang sabi. Tinanggal ko ang kumot na
tumatalukbong sa akin at agad na niyakap ang Daddy ko. Doon ay mas ibinuhos ko ang
sakit na nararamdaman ko, ang sakit na dulot ng unang lalaking minahal ko.

"Daddy ang sakit, sobrang sakit." Mahina kong sabi habang mahigpit akong nakayakap
sa Daddy ko.
Mahigpit lamang akong niyakap ng Daddy ko at hinayaan niya lang akong umiyak ng
umiyak sa bisig niya. Pakiramdam ko, protektadong protektado ako sa mga yakap niya.

"Daddy, I'm sorry." Paulit-ulit kong sabi sa Daddy ko. Gusto kong mag-sorry sa
kanya dahil sa mga kasalanan na nagawa ko.

"Shhh, ayokong makitang umiyak ang baby girl ko. Ang pangit mo na nga, pumapangit
ka pa lalo." Natatawa niyang sabi sa akin. Humiwalay ako sa Daddy ko at sumimangot
sa kanya.

"Nakakainis ka naman, Daddy eh. Kita mong nag-eemote ako rito tapos pinapatawa mo
ako!" Hindi ko na napigilan ang mapangiti.

"O kitams? Ang ganda ng baby girl ko kapag ngumingiti!" Sabi pa ni Daddy. Lalo
naman akong napangiti.

"Salamat, Daddy." Sabi ko sabay yakap ulit sa kanya.

"Ayokong makita kang umiiyak, okay? Dumaan din kami ng Mommy mo sa ganyan at
nalagpasan namin ang ganyan kaya alam ko ang nararamdaman mo. Pinaiyak din kasi ako
ng Mommy mo dati eh, pinagselos niya ako sa first love niya." Natatawa niyang sabi.

"Kaya ko 'to, Daddy. Lalaki lang siya, marami pang iba diyan. Mas deserving sa
dyosa kong kagandahan." Tumawa si Daddy sa sinabi kong iyon.

"I love you, anak." Sabi niya.

"Mahal na mahal na mahal ko rin kayo, Daddy." Sagot ko sa Daddy ko. Kinausap niya
lang ulit ako at tsaka siya lumabas ng kwarto ko. Medyo gumaan ang loob ko dahil
kay Daddy at dahil na rin sa mga sinabi niya sa akin.

I gave him his last chance and he just wasted it and now, I will never let him to
hurt me again because no one should hurt any girl in this world, we are fragile and
men should know about it.

I will say this once again, I can be bitch whenever I wanted to be.

MAAGA akong nagising kinabukasan. Medyo magaan na ang pakiramdam ko pero mayroon pa
rin na konting kirot sa dibdib ko. Hindi naman siguro madali ang mag move on, it
takes time para makalimot.

"Good morning, family!" Masigla kong bati sa kanila. Lahat sila ay nakaupo na sa
harap ng lamesa at lahat sila ay nakatulala sa akin. Humalik muna ako sa Mommy at
Daddy ko bago ako umupo sa upuan ko.
Napataas ang kilay ko sa kanila ng hindi pa rin sila nagsasalita. "Alam kong
maganda ako pero hindi n'yo naman ako kailangang titigan pa. Kumain na tayo at
kanina pa ako nagugutom." Nakangiti kong sabi sa kanila. Hindi rin kasi ako
nakakain kagabi at dinaan ko lang sa iyak ang punyemas na pananakit sa akin ng
Montemayor na 'yon.

"Ayos ka lang ba, anak? Parang kagabi lang todo ngawa ka ah?" Sabi ni Mommy. Tumawa
naman si Daddy sa sinabi nang Mommy ko. Ngumiti lang ako sa kanila at huminga ako
ng malalim. This is it.

"Ma, napag-isipan kong sumama na sa inyo sa America." Bigla naman silang natigilan.
Miski ang dalawa kong kapatid ay natigilan sa sinabi ko.

"Kayo ang pamilya ko kaya sa inyo ako sasama. Sigurado na ako sa desisyon kong ito
at kayo na rin ang nagsabi sa akin na makakabuti ito para sa akin." Nakangiti at
seryoso kong sabi sa kanila.

"Sigurado ka na ba anak, hindi mo naman kailangang sumama sa amin dahil lang sa


relasyon n'yo—"

"Ma, hindi siya involve dito. Kayo ang pamilya ko at kayo ang pinipili ko. Sino ba
naman siya para magdalawang isip pa akong sumama sa inyo? Aaminin ko na nabigla ako
ng una n'yong sabihin iyon sa akin, pero nakapag-isip na ako at kayo ang pinipili
ko." Mabilis kong sabi. Ngumiti naman si Daddy sa akin at niyakap ako ni Mommy.
Masaya kaming nag-usap ng umagang iyon at kahit ang dalawa kong kapatid ay matino
kong nakausap.

Pumasok ako ng umagang iyon kahit na medyo mugto pa ang mata ko dahil sa magdamag
kong kakaiyak. Inihatid kami ni Daddy sa school at humalik lang ako sa pisngi ng
dalawa kong kapatid bago kami naghiwalay.

Napapansin ko ang mga tingin na ibinibigay nila sa akin. Marahil ay alam na nila na
naloko ako ng pinakamamahal nilang Montemayor. Siguro ang iba sa kanila ay naaawa
pero karamihan sa kanila ay tuwang-tuwa dahil nasasaktan ako ngayon. Sinimulan ng
iayos ni Daddy ang mga papeles namin at aalis din kami sa oras na matapos ang lahat
ng kailangan namin at hiniling ko kay Daddy na sana, makaalis kami sa lalong
madaling panahon.

I want to move on.

Pumasok ako sa classroom namin at hindi ko pinansin ang mga tingin na ibinibigay sa
akin ng mga kaklase ko.

"Ayos ka lang ba, Jeorge?" Agad na tanong sa akin ni Mae. Ngumiti naman ako sa
kanya ng pilit.
"Oo naman, ayos lang ako." Kaswal kong sagot. Inilabas ko ang libro ko para mag-
review sa Trigonometry.

Kinakausap ako ni Mae pero hindi ko na nagawa pa siyang kausapin. Nawawalan ako ng
lakas at pakiramdam ko ay unti-unti na namang bumabalik ang sakit na naramdaman ko
kagabi.

Biglang tumahimik ang buong klase ng biglang pumasok ang dalawang tao na
kinamumuhian ko ngayon. Si Travis kasama si Madonna na nakalingkis sa kanya.

"Jeorge, gusto ko sanang sabihin sa'yo na nagpalipat ng section si Madonna sa atin.


Hindi ko nga alam kung paano 'yon nangyari pero—"

"Gusto kong hanapin ang pake ko sa sinabi mo pero hindi ko alam kung saan ako
magsisimula." Mabilis kong sabi kay Mae. Hindi na naman siya nagsalita at tumahimik
na lang. Nakuha naman niya siguro ang gusto kong sabihin.

Umupo sila sa pwesto kung saan naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila. Itinuon ko
lang ang pansin ko sa librong binabasa ko. Mas mahalaga ang future ko kesa sa mga
bagay na hindi naman makakatulong sa akin para umunlad.

"Baby ko, sa condo ko ulit ba tayo mamaya?" Rinig kong tanong ni Madonna sa kanya.
Hindi ko naman narinig ang sinagot ni Travis o sadyang hindi talaga siya sumagot.
Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang tingin ni Madonna sa akin.

She grins at me like a bitch, hindi ko siya pinansin. Wala na akong pakielam sa
kanilang dalawa dahil una sa lahat, hindi naman ako ang nawalan.

Nag-umpisa ang klase namin at matiwasay na tumakbo ang oras ko. Hindi ko na lang
sila pinapansin kahit na gustong-gusto ko ng matapos ang oras dahil nasasaktan pa
rin ako kapag nakikita ko sila.

Mabilis akong lumabas ng classroom namin ng magbreak time. Kahit na matatag akong
babae, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi masaktan sa tuwing makikita ko silang
magkasama. Hindi ko maisip na ganoon niya lang ako kabilis na ipagpalit, na para
bang wala akong naging halaga sa kanya. Na para bang hindi niya ako minahal at puro
kasinungalingan lang ang mga ipinakita at sinabi niya sa akin.

I aggressively wiped my tears away. This pain is not interminable and I know it
will be faded in no time and weeping isn't my passion.

"Jeorge!" Bigla akong napalingon sa boses na tumawag sa akin. Nakita kong patakbong
lumapit sa akin si Din, Heena, Felice at Rissa.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba naglaslas? May bali ka ba? May balak ka bang
magbigti?" Sunod-sunod na sabi ni Din sa akin.
"Ayos lang ako, ano ba kayo." Sabi ko sa kanila. Huminga naman sila ng malalim sa
sinabi kong iyon.

"Narinig namin kay Shaun ang nangyari kagabi. Alam na ng lahat ang nangyari sa inyo
ni Travis." Mahinahon na sabi ni Heena.

Ngumit ako ng pilit sa kanila. Pilit kong itinatago na nasasaktan pa rin ako
hanggang ngayon ng dahil sa nangyari kagabi.

"Okay na okay ako, medyo may konting kirot lang." Nakangiti kong sabi sa kanila,
pero sa likod ng ngiting iyon. Gusto kong umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod
akong mahalin siya.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, h'wag kang maiinlove sa mga lalaki eh!" Sabi ni Din sa
akin.

"Hayaan mo, babawian ka namin sa kanya. Ipapabugbog ko ulit siya kay Xander at
Axcel." Sabi naman ni Heena. Mahina lamang akong tumawa sa sinabi nila.

"We will be leaving the country soon." Mabilis kong sabi sa kanila. Natigilan naman
silang apat sa sinabi ko.

"J—Jeorge, hindi mo naman kailangang umalis dahil nasaktan ka." Ani Heena.

"Hindi naman siya ang rason kung bakit ako aalis. Matagal na iyong plano ng mga
magulang ko, bago pa maging kami ni Travis. Ngayon lang natuloy at siguro, it's a
great opportunity for me. I'll study PolSci there at kung pwede, doon na rin ako
mag-aaral ng law." Nakangiti kong sabi sa kanila. Bigla naman nila akong niyakap ng
sabay-sabay.

"Mamimiss ka namin." Sabay-sabay nilang sabi.

"Mga gaga! Hindi pa ako aalis!" Naluluha kong sabi sa kanila.

Good-byes make you think. They make you realize what you've had, what you've lost
and what you've taken for granted.

Natigilan lang kaming apat sa pagdadrama ng may biglang magsalita sa may likuran
namin.

"You are leaving?"

It's Travis.
****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Forty Four

FORTY FOUR

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"You are leaving?"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa may likuran namin. Agad na nawala ang ngiti
ko ng makita ko siya. Galit at pagkamuhi ang nangingibabaw ngayon sa sistema ko ng
dahil sa kanya. Pilit kong hinahanap kung nasaan na ba iyong dati kong nararamdaman
para sa kanya, kung nasaan na ba iyong pagmamahal na nararamdaman ko noon sa tuwing
magkasama kaming dalawa. Pero kahit ano'ng gawin ko, hindi ko mahanap-hanap dahil
ngayon, galit ang nangingibabaw sa buo kong sistema.

"Well, kung ako rin naman siya, mas pipiliin ko na lang din ang umalis kesa naman
'yong maghabol pa ako kahit na alam kong hindi na babalik sa akin 'yong lalaking
mahal ko, hindi ba? Nakakahiya rin kaya na basta ka na lang ipinagpalit ng akala
mong lalaking mahal ka." Umakyat ang dugo sa ulo ko sa sinabi ni Madonna sa akin na
ngayon ay nakalingkis sa braso ni Travis. Ngumiti pa siya ng abot tenga na para
bang mas lalo niya akong ginagalit.

Pilit kong itinago ang galit ko kahit na alam kong kahit anong oras ay sasabog na
ako. Tinuran ako ng mga magulang ko na h'wag pumatol sa mga mababang klase ng tao
at hinding-hindi ko ibaba ang lebel ko sa kanila.

"Jeorge, let's go. Hindi natin dapat pinapatulan ang mga aso, dahil baka mamaya ay
bigla na lang 'yan mangagat at mukha pa namang walang turok 'yan." Sabi ni Din sa
akin at alam kong sinadya niyang iparinig iyon kay Madonna. Tumalikod na kami pero
napatigil ako ng biglang magsalita si Madonna.

"Bakit? Natatakot ka bang tanggapin ang katotohanan na ginamit ka lang niya? Isipin
mo nga, Jeorge. Kung mahal ka talaga ni Travis, hindi ka niya iiwan. Pero ano?
Iniwan ka niya kasi hindi ka naman niya mahal at hindi ka niya minahal. Sadyang
tanga ka lang at naniwala ka agad sa mga sinabi niya. Nakakaawa ka nga eh, siguro
nag-iiyak ka lang sa sulok habang nag-assume na babalikan ka pa ng lalaking kahit
kailan ay hindi ka naman minahal." Hindi na ako nakapagpigil sa sinabi niya sa
akin. Tila ba umakyat lahat ng dugo sa ulo ko sa sobrang galit na nararamdaman ko
ngayon.

Oo, nagpakatanga ako sa kanya pero wala siyang karapatan na ipamukha sa akin ang
pagiging tanga ko.

I turned around to face them wearing an impassive face. I am going to say it once
again, I can be bitch whenever I wanted to be. Hindi ako ipinanganak sa mundong ito
para tapakan lang ng kung sinong tao na hindi ko alam kung tao nga ba. Pinalaki
akong matapang kaya lalaban ako hangga't alam kong kaya ko.

"Madonna, stop it." Mariing wika ni Travis pero mukhang ayaw magpaawat ni Madonna
sa kakainsulto sa akin dahil nakipagtitigan pa siya sa akin.

Hinding-hindi ko siya aatrasan at ipapakita ko sa kanya kung sino ba si Jeorge


Rivas.

"Alam mo bang hindi ako napatol sa mga hayop dahil natatakot ako na makasuhan ako
ng animal abuse?" I lifted a brow and smirks at her. Nakita ko namang nagsalubong
ang mga kilay niya.

"Sinasabi mo bang hayop ako?" Gigil niyang tanong sa akin. I step forward to them
looking at her, fiercely. I saw her swallowed hard. She's scared? Dapat lang. I
muttred to myself.

"Hindi ba?" Nakangisi kong sabi. Akmang sasampalin niya ako ng mahawakan ko ang
pulso niya at inunahan ko siya.

I slapped her, hard.

Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ko at gusto kong akalain na nasa
isa akong teleserye at ako ang bida na pilit na inaapi nang kontrabidang babae. Ang
mali nga lang, hindi marunong magpaapi ang bidang babae sa storya ko.

"Jeorge, stop—" Hindi ko na rin siya pinagsalita dahil mabilis na lumapat ang palad
ko sa pagmumukha niya. Marami nang tao ang nakapalibot sa amin at wala man lang ang
nagtangkang umawat sa amin.

"Para 'yan sa panloloko mo sa akin."Giit ko at tsaka muling dumampi ang palad ko sa


mukha niya.

"Para 'yan sa pagpapaasa mo sa akin." Mariin kong sabi sa kanya at tsaka ko ulit
siya sinampal. Hindi niya ako pinipigilang sampalin siya at para bang gusto niya
lang akong hayaang saktan siya at ilabas ang galit ko sa kanya.
"Para sa pang-iiwan mo sa akin." I slapped him again. Wala na akong pakielam kung
ma-office pa ako pagkatapos nito. Nasasaktan ako at ito na ang pagkakataon ko para
makaganti sa kanya. Gusto kong maramdaman niya ang galit ko sa kanya, ang pagkamuhi
ko sa kanya. Hindi ako tulad ng ibang babae na iiyak na lang sa isang tabi at
magngangangawa dahil sa iniwan at niloko ako ng boyfriend ko. Tinuran akong lumaban
at lalaban ako kapag alam kong ako ang dehado. Hindi ako makakapayag na basta na
lang kaming saktan ng mga lalaki. Hangga't nabubuhay ako, ipamumukha ko sa mga
lalaking makakasalamuha ko na ang babae minamahal at hindi sinasaktan. Wala ni
isang lalaki sa mundong ito ang may karapatang manakit ng babae at dapat alam iyon
ng lahat ng lalaking nabubuhay rito sa mundong ito.

Muli ko siyang sinampal pero sa pagkakataong ito, ibinuhos ko na ang lahat ng galit
ko sa kanya. Lahat ng poot at galit na nanalaytay sa buo kong sistema. Lahat ng
iyon, ibinuhos ko na sa sampal na iyon.

"Para 'yan sa pagpapakatanga ko sa'yo, dahil minahal ko ang isang tulad mo." Sabi
ko sa kanya at kasabay noon ay ang pagtulo ng luha ko. Marahas ko iyong pinahid sa
harap niya. Titig na titig lamang siya sa mga mata ko at tila ba binabasa niya kung
ano ang nasa isip ko. Pulang pula na ang mukha niya at wala akong pakielam kung
nasasaktan siya. Kulang pa ang lahat ng iyon sa mga ginawa niya sa akin pagkatapos
kong damayan siya sa oras na mahina siya. Kulang pa iyon dahil handa akong iparanas
sa kanya ang sakit na nararamdaman ko para sa kanya.

"Marahil na nasaktan mo ako ngayon pero sinisigurado kong hinding-hindi mo na ulit


ako masasaktan pa, Travis. Hindi na ako magpapakatanga sa lalaking kagaya mo na
walang inisip kung hindi ang sarili niya. Kaya ka rin siguro iniwan ng Mommy mo
dahil na rin diyan sa ugali mo. Kabayaran na rin siguro sa mga babaeng niloko mo at
lolokohin mo pa. Pinagsisisihan ko na nagmahal ako ng isang tulad mo, Travis.
Pinagsisihan ko na nakilala kita, na pinilit kong tanggapin ka at mahalin ka. Lahat
ng bagay na kasama ka, pinagsisihan ko, Travis. Alam ko na alam mong hindi ako
nagkulang sa'yo pero mas pinili mo ang ganito. Wala na akong pakielam kung masaktan
ka pa o mamatay ka pa ngayon sa harapan ko. Wala na akong pakielam sa'yo, Travis
dahil ngayon pa lang, gusto ko ng mabura ang isang mantsang tulad mo sa mundo ko."
Mariin kong sabi sa kanya. Wala na akong pakielam kung nadamay pati ang Mommy niya.
Gusto kong ipamukha sa kanya na nasasaktan ako at kung masaktan man siya, sana
maisip niya na siya rin ang may kagagawan ng lahat ng ito.

"At isa pa, Travis." Muli akong tumitig sa kanya at nakita kong lumuluha na rin
ngayon ang mga mata niya. Pilit kong hinanap ang awa sa sistema ko pero kahit isa
ay wala akong nahanap. Pinakatitigan ko siya sa mga mata niya bago ko sabihin ang
pinakagusto kong sabihin sa kanya.

"Darating ang araw na masasaktan ka rin at sinisugurado kong ako ang magiging
dahilan noon. Ipaparanas ko sa'yo kung ano ang sakit na ngayon ay nararamdaman ko.
Sisiguraduhin ko na sobra pa ang mararamdaman mo sa oras na iparanas ko na sa'yo
ang nararamdaman ko ngayon." Mariin at seryoso kong giit sa kanya bago ko siya
talikuran.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng muli ko silang harapin at sampalin si Madonna ng


pagkalakas-lakas.
"Pinantay ko lang ang sampal ko sa'yo, pangit na kasi ang mukha mo at mas pangit
naman kung hindi pa pantay ang sampal ko." Mataray kong sabi sa kanya at tsaka ko
sila tinalikuran. Mabilis akong umalis doon at agad na dumiretso sa sasakyan namin.
Hinabol ako nina Din pero sinabi ko sa kanilang gusto ko munang mapag-isa.
Naintindihan naman nila ako at hinayaan muna nila akong mapag-isa.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng sasakyan namin ay doon bumuhos ang mga


emosyong kanina ko pa pinipigilan. Kahit na nasabi at nasaktan ko na siya, hindi pa
rin maalis sa dibdib ko iyong sakit na naramdaman ko dahil sa panloloko niya. Pilit
na bumabalik ang sakit na nararamdaman ko ng dahil sa kanya. Umiyak ako ng umiyak
dahil babae lang din naman ako, mahina at nasasaktan.

Akala ko, mawawala na iyong sakit na nararamdaman ko sa oras na masabi ko sa kanya


lahat ng gusto kong sabihin. Sa oras na maipaalam ko sa kanya na nasasaktan din ako
ng dahil sa kanya. Akala ko lang pala dahil hanggang ngayon, naririto pa rin iyong
sakit na dulot niya. Ang sakit lang dahil wala man lang siyang ginawa kanina para
ipagtanggol ako kay Madonna. Na para bang isa lang akong bato na sisipain niya sa
oras na harangan ko ang dinaraan niya.

Ang sakit, sobra.

Ang sakit na kahit anong tapang ko, hindi ko pa rin maalis ang katotohanang
nasasaktan ako.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ang mga mata ko sa kakaluha.

"Hindi dapat ako umiiyak. Lalaki lang siya at ang mga lalaki, hindi dapat
iniiyakan." Mahina kong sabi sa sarili ko at tsaka ko marahas na pinahid ang mga
luha ko.

Sinisigurado kong ito na ang huling beses na iiyak ako ng dahil sa kanya.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Forty Five

FORTY FIVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


"Excuse me, Miss?" Nagising ako sa isang boses ng flight stewardes na gumigising sa
akin. Marahan kong tinanggal ang sleep mask ko at agad siyang tinignan. Hindi ko
alam na nakatulog na pala ako sa gitna ng biyahe papuntang Pilipinas. Yes, I'm
coming back.

"What is it?" Mahina kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin bago
magsalita.

"I just want to remind that we will arrive at NAIA in ten minutes, please be ready
for our arriving." Nakangiti niyang sagot sa akin.

"Okay, thank you." Nakangiti ko rin na tugon sa kanya at tsaka ako umayos ng
pagkakaupo.

Ilang taon na rin ang lumipas simula nang huli kong makita ang Pilipinas. Aaminin
kong kahit papaano ay namiss ko ang Pilipinas simula ng umalis kami. Hindi naman
kasi madali ang tumira sa ibang bansa at ibang-iba ang buhay roon. Buti na lamang
at nandyan ang pamilya ko para pasayahin ako at kaya rin madali akong nakapag-
adjust sa buhay abroad. I enjoyed living in states, and I made friends there. I
even had boyfriends there and they were actually all hot. I pursue my college there
taking Political Science. Ilang buwan na lang din naman at gagraduate na ako.
Masyado rin kasing advance ang studies sa abroad at madali naman akong nakapag-
adjust.

I have already moved on about him, madali ko lamang nakalimutan si Travis dahil
hindi naman siya ganoong ka-gwapo para kabaliwan ko. Hindi naman ako 'yong tipo ng
babae na magmamahal ng lalaking hindi naman ako kayang mahalin. Sa loob ng ilang
taon, mabilis ko lang siyang nakalimutan dahil na rin sa tulong ng mga magulang ko
at mga kaibigan ko. Hindi pa rin ako nawalan ng communication kay Din, Heena, Rissa
at Felice. Lagi ko pa rin silang kausap lalo na si Din at Heena. Alam ko pa rin ang
nangyayari sa Pilipinas kahit pa nasa ibang bansa ako.

Iba na rin ang dating Jeorge, mas tumangkad at lumaki na ang boobs ko. Akala ko
dati, hindi tatalab sa akin ang genes ni Daddy pero ng mas tumagal. Halos kasing
tangkad ko na rin ang mga kapatid kong lalaki. Isa na rin akong freelance model sa
iba't ibang company sa ibang bansa. Noong una, hindi ko naisip ang sarili ko sa
ganoong bagay pero nahanap ko ang sarili ko, nahanap ko kung ano at sino nga ba
ako.

I closed my eyes and muttered something to myself. I've waited for few more minutes
until our plane finally landed. Everyone has their smile on their faces as a sign
that they were excited to see their families or friends. I just made a face, I am
excited but I don't need to smile like that. I want to see their faces if they saw
the new Jeorge.

A grin flashed on my face, this will be a great vacation.

Kinuha ko lang ang bag ko at tsaka ako lumabas ng eroplano. Kung hindi lang talaga
ako pinilit ng mga magulang ko na sumama sa kanila ay hindi ako uuwi. Nauna na
silang umuwi ng Pilipinas at sinabi ko na lamang na susunod ako sa kanila
pagkatapos kong tapusin ang midterm exams ko. Pumayag naman sila basta't susunod
ako sa kanila sa lalong madaling panahon.

Kinuha ko lang ang bag ko at tsaka ako tumungo sa gate ng airport. Agad kong
isinuot ang Ray Ban kong salamin at nilanghap ang hangin ng Pilipinas.

Welcome to the Philippines, Jeorge. I whispered to myself.

Hinanap ko lang saglit ang kapatid ko at ng makita ko siya ay agad ko siyang


nilapitan.

"Hoy." Sabi ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran niya. Nilingon naman niya ako at
napasimangot siya ng makita ako.

"Miss me?" Nakangisi kong sabi kay Eugine at tsaka ako humalik sa pisngi niya. He's
already on second year college and he's a playboy. Kung sinu-sino na lang ang mga
babaeng ikinakama niya kaya lagi siyang napapagalitan ni Daddy. Isang beses kasi,
nahuli siya ni Daddy na nakikipagsex sa anak ng katrabaho ni Mommy sa mismong
kwarto niya kaya napagalitan siya ng wala sa oras.

Sinimangutan lamang niya ako at tsaka kinuha ang bag kong dala. Ipinasok na muna
niya iyon sa likod ng sasakyan bago siya sumakay.

"Kamusta ang Pilipinas? Already fucked some women?" Tanong ko sa kanya at tsaka ako
mahinang tumawa.

"Yeah." He grins. My brothers are good looking and they have this trademark grin
they used to bed women. But not my Kuya Jake who has a wife and son, and take note,
his wife is pregnant again.

"Tatawanan na lang talaga kita kapag nakabuntis ka." Tumatawa kong sabi sa kanya.
Nakangising umiling lamang siya sa akin. Ilang minuto lang ay nakarating na rin
kami sa bahay namin at laking gulat ko kung bakit maraming sasakyan sa labas na
akala mo'y mayroong piyesta.

"May party?" Kunot noong tanong ko sa kapatid ko. Hindi siya sumagot at nagkibit-
balikat lamang siya. Agad akong bumaba nang makapagparada siya. Hinayaan ko na lang
na siya ang magbitbit ng bag ko at tsaka ako pumasok sa loob.

"Welcome back, Jeorge!" Iyon ang bumungad sa akin pagkapasok ko. Awtomatikong
napangiti naman ako. Naroroon ang pamilya ko, mga kaibigan at iilang kakilala.
Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang niyakap.

"Girl! Gaga ka, miss na kita!" Ani Din sabay takbo sa akin at yakap.
"Miss na rin kitang babae ka!" Sagot ko sa kanya habang yakap-yakap ko siya.
Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at napatitig sa dyosa kong mukha.

"Jeorge, ang ganda mo na! Ang tangkad mo na tapos ang laki na ng dede mo!"
Histerikal na sabi sa akin ni Din. Sinabunutan ko naman siya sa sinabi niya.

"Iyong bunganga mo!" Natatawa kong sabi sa kanya. Nagyakapan pa kami at halos ayaw
na naming bitiwan ang isa't-isa.

"Nasaan si Heena?" Bigla kong tanong sa kanya. Nakita ko namanag napairap siya sa
hangin.

"Ayon, busy sa Axcel niya." Ani niya. Bigla namang napataas ang kilay ko.

"Sila na?"

"Hindi pa, naglalandian lang. Gaga rin kasi 'yong si Heena at napakamartir." Sabi
niya. Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya at tsaka kami nagkwentuhan. Kahit
na pagod ako sa biyahe, pinilit ko ang katawan ko na makipagkamustahan sa mga
kakilala ko.

Nang matapos ang party ay agad akong umakyat sa kwarto ko para magpahinga. Hindi ko
na nagawang maligo pa dahil sa sobrang pagod. Hinubad ko lang ang lahat ng damit ko
at tanging bra at underwear lang ang itinira ko. Sanay na naman akong matulog na
bra at underwear lang ang suot-suot.

"Sa wakas, makakapagpahinga na rin!" Bulong ko sa sarili ko at tsaka ako humiga sa


kama ko. Ilang minuto pa lang akong nakahiga nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Sa una, hindi ko iyon pinansin dahil alam ko namang titigil din iyon pero lumipas
ang ilang minuto at ayaw pa rin tumigil ng taong tumatawag sa akin.

Iritable kong kinuha ang cellphone ko sa may gilid ng kama ko at agad na sinagot
iyon kahit na hindi ko alam kung sino bang gago ang tumatawag sa akin.

"Sino 'to?!" Inis kong sigaw sa tumawag sa akin. Naghintay ako ng magsasalita sa
kabilang linya pero wala namang nagsalita. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita
kong unknown number ang tumatawag.

"Hoy! Kung sino ka mang kupal ka na tumatawag sa akin, sinasabi ko sa'yong


papataying kita kapag—"

"Jeorge." Bigla akong natigilan. Hindi ko inaasahan na siya ang taong tumatawag sa
akin. Hindi ko inaasahan na maririnig kong muli ang boses niya sa loob ng ilang
taon na hindi namin pag-uusap at pagkikita.
"Putang ina mo, Travis." Mabilis kong sabi sa kanya at tsaka ko pinatay ang
cellphone ko at nahiga sa kama.

Walang pupwedeng mang-istorbo sa pagtulog ko lalong-lalo na kapag pagod na pagod


ako.

NAGISING ako kinabukasan sa ingay na nagmumula sa baba. Agad akong napatingin sa


orasan sa gilid ng kama ko at nakita kong alas dos na pala ng hapon. Bumangon na
ako at tsaka dumiretso sa banyo para maligo. Ilang minuto lang din ang itinagal ko
sa banyo at lumabas din ako para magbihis.

"Good day, family!" Bati ko sa kanila. Lumapit ako sa Kuya ko at kinarga si Johann,
panganay niyang anak.

"Did you miss, Tita Dyosa?" Nakangiti kong tanong sa pamangkin ko at tsaka ko siya
hinalikan sa pisngi. Tumawa naman siya at alam kong oo ang sagot niya.

"Kumain ka na, Jeorge. Kanina ka pa namin ginigising at tulog mantika ka pa rin


kahit kailan." Kaswal na sabi sa akin ng Mommy ko habang nag-aayos ng gamit sa may
sala. Hinayaan ko namang laruin ni Johann ang mahaba kong buhok na kulay blonde na.
Dati kasi ay itim iyon pero dahil sa mestiza naman ako, nagpakulay ako ng buhok.

"Mamaya na, Mommy." Sabi ko at tsaka ako tumabi kay Eugine na mukhang may ka-text
na kung sino.

Bigla ko namang naaalala ang nangyari kagabi at wala sa sariling napangisi ako. Ang
sarap din palang murahin ni Travis paminsan-minsan. Agad ko namang kinuha ang
cellphone ko at tinawagan si Din. They should know that the Queen is back.

"Tell them that Jeorge Rivas is back."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Forty Six

FORTY SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)


"You look stupid, Ate." Nakasimangot na sabi sa akin ni Eugine habang tinitignan
niya ako.

"Why?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Masama na ba ngayon ang ngumiti? Sa


pagkakaalam ko, wala pa naman akong batas na napag-aaralan tungkol sa pagbabawal
ngumiti.

"Tss, are you excited to see your stupid ex?" He asks. Inayos ko naman iyong bag ko
sa may harapan niya.

"Why would I be excited to see him? Ikaw na nagsabi na ex ko na siya at hindi na


dapat isinusubo ang bagay na inuluwa mo na." Nakangisi kong sabi sa kanya. Nakita
ko namang nagtaas siya ng kilay at ngumisi rin siya sa akin.

"Not in my part, Ate. You know, they really love sucking mine." He laughs. Agad ko
naman siyang binato ng unan na nasa tabi ko.

"Watch your mouth, Eugine!" Nanlalaking mata kong sabi sa kanya. He just grins at
me and I just rolled my eyes. Kahit kailan talaga, wala ng mas babastos pa sa
kapatid ko.

I looked at my wrist and it's already six thirty in the evening. I silently
muttered something in myself before I stood up. This is my night and no one could
ever stop me. I'll let them see who is now the new Jeorge Rivas.

Kinuha ko lamang saglit ang mga gamit ko at tsaka nagpaalam sa mga magulang ko na
mayroon lamang akong pupuntahan na party. Pumayag naman sila dahil nasa legal age
na ako at alam nila na alam ko na ang ginagawa ko. Sa states kasi, puro rin ako
gala at nasanay na rin ang mga magulang ko na makipagsocialize kami sa ibang tao
roon.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at mahinang ibinagsak ang pinto noon. Binuhay ko na


ang makina ng sasakyan ko at agad na pinaandar iyon. Mayroon kami ngayong night
swimming at sinadya ko iyon dahil gusto ko silang makita na mapanganga kapag nakita
na nila ako.

Aaminin ko, noong mga panahong nasa ibang bansa ako ay pilit akong kinakausap ni
Travis. Naroroon na iyong tumatawag siya sa mga kapatid ko para kausapin ako at
gagamit ng ibang accounts sa social media para i-stalk ako. Alam ko ang lahat ng
iyon pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makausap ako. Gusto kong magdusa
siya sa mga kagaguhan niya dahil galit na galit ako sa kanya noon pero ngayon ay
hindi na.

Nabali lamang ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman
iyong kinuha sa may bag ko at sinagot iyon, niloud-speak ko iyon para hindi maging
abala sa pagmamaneho ko.
"Hoy, babae! Nasaan ka na? Kumpleto na kami rito at ikaw na lang ang wala!" Sigaw
ni Din at mahina akong nagpasalamat na hindi ko iyon itinapat sa tenga ko dahil
baka nabasag na ang eardrums ko sa pagsigaw niya.

"I'm near, Din. Are you sure they are all there?" Tanong ko.

"Oo, tsaka si Travis kasama iyong haliparot niyang babae. Wala lang si Heena at
Axcel dahil mayroong pinuntahan, hindi pa nga ata noon alam na umuwi ka na eh."
Sabi niya sa akin. Napangisi naman ako ng wala sa oras. Aba't mayroon pa siyang
kasamang aso? Mukhang magiging maganda ngayon ang gabi ko ah.

"Alright, I'll text you later." Sabi ko at tsaka pinutol ang linya. Nagpatuloy ako
sa pagmamaneho habang mayroong ngisi sa labi. I am so excited to your stupid face,
Travis.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na rin ako sa resort na sinabi sa akin ni
Din. Nakangising bumaba ako sa sasakyan ko at nakita ko ang paglipad ng tingin ng
mga lalaking naninigarilyo sa may gilid sa akin. Binigyan ko lamang sila ng isang
matamis na ngiti at tsaka pumasok sa loob.

Agad naman akong sinalubong ni Din pagkapasok ko, she's wearing her sexy black two-
piece which makes her more attractive. "Bakit ang tagal mo?!" Inis niyang sabi sa
akin. Hindi muna kami dumiretso sa may pool at nagmamadaling hinatak niya ako
papunta sa isang bakanteng kwarto.

"Naliligo na sila sa pool kaya magpalit ka na." Sabi niya sa akin.

"Grabe, nagmamadali?" Natatawa kong sabi sa kanya habang kinukuha ko ang puti kong
two-piece.

"Dami mo namang sinasabi, pumasok ka na sa loob at magpalit!" Sabi niya sabay tulak
sa akin papasok sa loob ng banyo.

Agad naman akong nagpalit ng suot ko at pagkatapos ay lumabas din ako. Mainit ang
ulo ni Din at ayoko ng dagdagan pa iyon.

"I'm done, Ate Din!" Sarkastikong sabi ko sa kanya pagkalabas ko ng banyo.


Napalingon naman siya sa pwesto ko at nakita kong natigilan siya.

"You have really grown up, Jeorge. Ang laki na talaga ng pinagbago mo." Umiiling
niyang sabi.

"I know." Nakangisi kong sabi sa kanya. Lumabas na kami roon at huminga muna ako ng
malalim bago tuluyang magpakita sa kanila.
This is it Jeorge! Mahina kong bulong sa sarili ko. Lumakad na kami papunta sa may
pool area at natatanaw ko na silang lahat doon.

"Guys." Malakas na sabi ni Din at halos lahat ng atensyon nila ay biglang bumaling
sa aming dalawa. Nakita kong lahat sila ay natigilan ng makita nila ako, lalong
lalo na siya.

"Hi." Nakangiti kong bati sa kanila.

"Jeorge!" Halos lahat sila ay hindi makapaniwala na nasa harapan na nila ako
ngayon. Agad silang lumapit sa akin ng makabawi sila sa pagkagulat. Naroroon si
Xander, Shaun, Symon, Rissa, Felice, Allen, Alex, Travis at ang iba pa naming mga
kaibigan. Lahat sila ay tuwang-tuwa dahil muli nila akong nakita sa loob ng
mahabang panahon.

"Gosh, ang ganda mo!" Histerikal na sabi ni Rissa at Felice sa akin. Si Xander
naman ay nakatulala lamang sa akin at gusto kong matawa sa naging reaksyon niya.
Lumapit ako sa kanya at isinara ang bibig niya.

"Baka pasukan ng langaw." Nakangisi kong sabi sa kanya at tsaka ko siya hinalikan
sa pisngi.

"Y—You look gorgeous!" He stammered. Binigyan ko lang siya ng isang matamis na


ngiti.

"Ibang-iba ka na, Jeorge! Ang tangkad mo na at ang lusog na nila!" Humahalakhak na


sabi ni Alex. Tumatawang hinampas ko naman siya. Lahat sila ay binati ko hanggang
si Travis na lang ang hindi ko binabati.

Napalingon ako sa pwesto niya at nagtama ang mga mata namin. Dahan-dahan akong
lumapit sa kanya na hindi inaalis ang mga tingin ko. Nakita kong napalunok siya ng
tuluyan na akong makalapit sa kanya. Hindi siya makapagsalita at tanging titig
lamang ang nagawa niyang ibigay sa akin.

"I miss you." Nakangisi kong sabi sa kanya at tsaka ko siya biglang hinalikan sa
labi, sa harap ng girlfriend niya. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid
namin at gusto kong matawa sa naging reaksyon niya. Pinutol ko ang halik at
napansin kong humahabol ang mga labi niya sa akin.

"W—Why did you do that?!" Napalingon ako sa babaeng nagwawala sa may gilid ko at
akmang susugurin na niya ako ng pigilan siya ni Travis.

"I just missed him. Masama na bang halikan ang dati mong ex-boyfriend?" Nakangisi
kong tanong sa kanya. Nakita kong mas lalong namula ang mukha niya na marahil ay sa
galit.

Nabasa ko lang naman noon sa isang site sa internet na isa sa best way to greet
your ex-boyfriend who cheated on you is to kiss him while you are just wearing a
bra and underwear. Binonggahan ko nga lang dahil two-piece ang isinuot ko.

Bumalik kami sa may cottege namin at halos lahat sila ay puro pangangamusta ang
itinatanong sa akin. Puro rin papuri ang mga sinasabi nila sa akin at lagi nilang
sinasabi na malaki raw ang itinangkad ko at pinagbago ko. I just smiled at them
while in the corner of my eyes, I'm carefully watching him who I found staring at
me since I got here.

"Travis, how do you find Jeorge, right now?" Nakangising tanong ni Xander sa kanya.
Lahat kami ay napabaling ang tingin kay Travis na kanina pa tahimik habang ang
girlfriend niyang mukhang unggoy ay kanina pa siya nilalandi.

"Don't know." Bored niyang sagot at tsaka ibinaling ang tingin sa akin. I just
winked at him and he just made a face. I laughed.

"Sus, sabihin mo ay speechless ka kasi ang ganda na niya lalo!" Nang-aasar na sabi
ni Xander. Mabilis lamang na lumipad ang middle finger ni Travis sa ere at napuno
ng halakhakan ang loob ng cottege.

Sa gitna ng kasiyahan namin ay nakita kong tumayo si Travis at lumabas ng cottege.


Wala namang nakapansin sa kanya dahil halos lahat ay busy sa kanya-kanyang
ginagawa.

"CR lang ako." Paalam ko kay Din at tsaka ako tumayo. Agad ko siyang sinundan ng
makita kong pumunta siya sa may dulo ng resort kung saan walang masyadong tao.
Tumigil siya sa may isang bakanteng cottege at nakita kong nagsindi siya ng
sigarilyo.

He smokes? I asked to myself. Hindi ko alam na naninigarilyo na pala siya ngayon.

Huminga ako ng malalim at tsaka ako nagpakita sa kanya. Nakita kong ang gulat sa
mukha niya ng makita niya ako. I smiled.

"How are you?" Tanong ko at tsaka ko siya tinabihan. Naka two-piece parin ako at
medyo mahangin kaya nilalamig ako. Malaki rin ang pinagbago ni Travis. Tumangkad
din siya at mas lumaki pa ang katawan niya. Halatang nag g-gym siya batay na rin sa
ganda ng katawan niya. Matipuno ang dibdib niya at napakaganda ng cut ng v-line
niya. He has abs and I bit my lower lip when my eyes landed there. He is topless,
you know.

"What are you doing here?" Ani niya sa matigas na ingles. Hindi naman nawala ang
ngiti sa labi ko.

"I just want to talk with you, is it okay?" Sabi ko sa kanya. Bumuga siya ng usok
at tsaka muling humithit sa sigarilyo niya.
"Why do you want to talk to me? You hate me right?" He said.

"I have already moved on, Travis. I don't hate you now." Mabilis kong sagot sa
kanya. Nakita ko namang bigla siyang natigilan at napatitig sa akin. Ganoon din ang
ginawa ko, nakipagtitigan ako sa kanya na para bang nag-uusap kami gamit ang mga
mata. Walang nagsasalita sa amin at pinapakiramdaman lamang namin ang isa't isa,
hanggang sa bigla na lamang siyang lumapit sa akin at agad na angkinin ang mga labi
ko.

Walang pag-aalinlangan ko namang sinagot ang mga halik niya at tila ba uhaw na uhaw
kami sa labi ng isa't isa. Hindi siya tumitigil at ayaw ko ring tumigil. The kisses
he is giving to me are really passionate and I can't help not to moan in his mouth.

Bigla siyang tumigil ng kapusin na kami sa hangin. Mabilis ang paghinga naming
dalawa habang magkadikit ang mga noo namin. Magkalapit pa rin ang mga labi namin at
konting galaw na lang ay muli ulit iyong magkakalapit. I looked at his eyes and I
grin.

"I hate kissing smokers." I whispered to him. He didn't not speak, he just claimed
my lips again for one more time.

You just step in my trap, Travis.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Forty Seven

FORTY SEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"You step in my trap, Travis." I whispered between our kisses, I suddenly felt him
stiffened because of what I've said.

"What?" Lumayo siya ng kaunti sa akin at nakita kong kunot na kunot ang noo niya.

"I said, you step in my trap." I whispered again. Mas lalo lamang nagsalubong ang
makakapal niyang kilay ng dahil sa sinabi ko.

"Are you doing this because you want to revenge on me?" He asks. Ako naman ngayon
ang nagkunot ng noo sa kanya.

"Ano palagay mo sa akin, sira? That's one of the childish act which I won't do in
my entire life! Ang ibig kong sabihin, nahulog ka sa pangseseduce ko sa'yo."
Natatawa kong sabi sa kanya. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at muling umupo sa
inupuan ko kanina. Naglabas naman siya ulit ng isang stick ng sigarilyo at muli
iyong sinindihan. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko at kinuha iyon sa bibig
niya. Walang pag-aalinlangan kong itinapon iyon sa kung saan.

"What the hell did you do that?!" He asks, irritably. I lifted a brow at him.

"I still want to live longer in this world, Travis." Maang ko sa kanya. Huminga
naman siya ng malalim at tumabi rin sa akin. Binalot ng nakabibinging katahimikan
ang paligid naming dalawa at tanging paghinga lang namin ang naririnig ko.

"Sorry." Mahina niyang sabi. Marahil ay hindi niya nakayanan ang katahimikan kaya
siya na ang bumasag noon.

"Sorry for being a jerk back then, I never meant to hurt you but I did and I don't
have any chance to say sorry to you. I know sorry isn't enough for all the things
I've caused to you. Kung gusto mo, pwede mo akong sipain, sapakin, at sabunutan
ngayon para kahit papaano mabawasan ang hinanakit mo sa akin." Seryoso niyang sabi
sa akin.

Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti sa sinabi niya. "Para ka kamong sira,
Travis. You've never changed." Umiiling kong sabi habang nakangiti. Mahina ko rin
siyang sinuntok sa braso niya at kung iisipin, para bang hindi niya ako sinaktan
noon. Na para bang walang namagitan sa pagitan naming dalawa. I smiled bitterly.

Bigla ko siyang inakbayan at naramdaman ko ang pag-tikhin niya ng ilang ulit.


Tumingin ako sa kanya at nag-iwas naman siya ng tingin. So, may epekto pa pala ako
sa kanya hanggang ngayon?

"Pictures are like our pasts, we can look back but we can never go back." Kaswal
kong sabi sa kanya.

"Hindi na natin pupwedeng ibalik ang nakaraan at baguhin pa 'yon. The damage has
been already done and all we can have to do is to learn about the historical
consciousness of those things so we can avoid those things to happen again. Kahit
pa sabihin mo sa akin kung ano ang rason mo noon, wala na akong pakielam pa dahil
nasaktan mo na ako at hindi mo na maaalis ang katotohanang iyon." Mapait akong
ngumiti sa kanya.

He is just gazing at me for the whole time and I suddenly felt conscious because of
it. "H'wag mo nga akong titigan!" Sabi ko sa kanya at tsaka ko siya mahinang
sinampal.
Mahina naman siyang tumawa at hindi ko alam pero biglang bumilis ang pintig ng puso
ko sa pagtawa niyang iyon.

"L—Let's go back, baka hinahanap na nila tayo." Sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at
agad na naglakad pabalik sa cottege namin.

"Saan ka nanggaling bakit ang tagal mo?" Agad na tanong sa akin ni Din pagkaupo ko
sa tabi niya.

"Nagpahangin lang diyan sa labas." Nakangiti kong sabi sa kanya. Bakas sa mukha
niya ang pagdududa sa sinabi kong iyon.

Maya-maya pa ay bumalik din agad si Travis at tumabi sa girlfriend niya. Napansin


kong panay ang sulyap niya sa akin at kapag nagtatama ang mga mata namin ay hindi
ko mapigilang hindi mapangiti. Pakiramdam ko tuloy para akong isang teenager na
nakikipaglandian sa crush niya.

"Truth or dare!" Biglang sumigaw si Xander. Agad naman kaming bumuo ng bilog. Kahit
na ayaw kong sumali sa kanila ay sumali na rin ako. Ayoko namang maging KJ at
namiss ko rin sila kahit papaano.

Noong una, panay si Xander, Shaun at Symon ang natataya at wala akong ginawa kung
hindi ang tumawa ng tumawa. Ngayon lamang ulit ako nakatawa ng ganito at ang sarap
sa pakiramdam ng wala kang dinadala na kahit anong problema. Noong nasa states kasi
ako, ginugol ko ang mga oras ko sa pag-aaral at sa pag momove on. Nakalimutan ko na
ang maging isang teenager at mag-enjoy sa buhay.

"It's finally your turn, Jeorge!" Nabali lamang ang pag-iisip ko ng bigla silang
maghiyawan. Sa akin na pala nakatapat ang bote at hindi ko na namalayan iyon dahil
sa pag-iisip ko ng kung anong bagay.

"Truth or dare?" Nakangising tanong sa akin ni Xander.

"Dare." Walang pag-aalinlangan kong sagot at bigla ulit silang naghiyawan na parang
mga sira.

"Alright, give Travis a lap dance." Kaswal niyang sabi habang mayroon pa rin na
malaking ngisi sa labi.

"Hey, hey! Hindi ata fair iyan." Reklamo ni Din pero hindi ko iyon pinansin at
bigla na lang akong tumayo.

"Okay." Nakangisi at may kumpiyansa kong sabi sa kanila. Akala naman niya uurungan
ko ang hamon niya? Kung tutuusin, walang-wala iyon sa ibang-bansa dahil ang truth
or dare doon ay laging sex. Kaya nga nag-aalangan akong sumali sa kanila kanina.
Lumingon ako sa pwesto ni Travis at impassive lang ang mukha niya. Para bang wala
siyang pakielam sa paligid niya. Kumuha si Xander ng isang monoblock at nagpatugtog
ng sensual na kanta sa speaker nilang dala pero agad din nila iyong pinatay dahil
hindi pa rin tumatayo si Travis.

"Ang tanong, ayos lang ba kay Travis?" Biglang sabi ni Felice. Lahat ng mata ay
biglang lumipad kay Travis. Tila ba hinihintay nila ang magiging sagot ni Travis.
Naghintay ako ng ilang segundo at hindi naman ako nabigo ng bigla siyang tumayo at
umupo sa monoblock na kinuha ni Xander.

"Videohan n'yo dali!" Narinig kong sigaw ni Din. Diretso ko namang tinignan si
Travis sa mga mata niya at napangisi ako ng magsimula na ang tunog.

Nakatitig lang si Travis sa akin at walang kaemosyon-emosyon ang mukha niya. Dahan-
dahan akong lumapit sa kanya at tumigil ako saglit ng makalapit na ako sa kanya. I
scanned his face down to his chest, to his flat stomach, and to his bulge. I smirk.

I slowly sit on his lap and I could even heard their gasps even though the music
was too loud. I leaned to him and whispered something in his ear.

"You won't forget this, I swear." I seductively said to him. I intensionally caught
his hands and put it on my waist. I put my arms around his neck and started to
move. At first, it was slow and very seductive but later on, I moved faster. I
smiled when I felt his bulge getting bigger and bigger under his shorts. He's just
looking at my eyes and I do the same. I kept moving and I know, I'm making his
member harder and harder.

"Damn." I heard him cursed and I grin. It's big, his member is damn big. I bit my
lower lip and looked at his eyes, his eyes filled with lust. I leaned to him and
whispered seven words which will makes him more insane.

"Dump your girlfriend and be mine again."

NAGISING ako na masakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong oras na kami natapos
kagabi at ang huli ko na lamang natatandaan ay ang pag-hatid sa akin ni Travis sa
condominium ko. Tumayo na ako sapo-sapo ang ulo ko na sumasakit, agad akong
dumiretso sa banyo ko at saktong pagkabukas ko noon ay si Travis ang tumambad sa
akin at wala siyang saplot kahit isa sa katawan. Agad na nanlaki ang mga mata ko
lalo na ng bumaba ang tingin ko sa baby niya.

"Shit!" Napasigaw siya at agad na tinakpan ang baby niya.

"What the hell are you doing here?!" Inis kong sigaw sa kanya. Agad naman niyang
kinuha ang isang twalya sa gilid niya at ibinalot iyon sa bewang niya.

"Hindi ba uso sa'yo ang kumatok?!" Inis niyang sagot sa akin.


"At bakit ako kakatok?! Condominium ko ito, hindi ito sa'yo!" Giit ko sa kanya.
Pilit ko siyang tinitignan sa mukha dahil nadidistract ako sa katawan niya.

"How sure you are that this is your unit?!" Inis niyang tanong sa akin. Agad ko
namang inilibot ang paningin ko at nanlaki ang mata ko ng makumpirma kong hindi ito
ang condominium ko.

"Shit." I muttered to myself. Agad kong isinarado ang pinto ng banyo niya at muling
dumiretso sa kama niya. Wala akong suot kung hindi isang white oversized na v-neck
shirt na abot hanggang sa tuhod ko, marahil ay sa kanya iyon. Agad kong hinalungkat
ang bag ko at nag-suot ng short shorts. Alam kong walang nangyari sa amin dahil
hindi naman masakit ang pempem ko. Alam ko iyon dahil iyong kaibigan ko sa states
ay nadevirginize ng boyfriend niyang manyak at kinaumagahan ay iiyak dahil daw sa
masakit.

Maya-maya pa ay lumabas din siya sa kwarto niya at ang tanging suot niya lang ay
spongebob na boxer shorts. Nakangisi siyang nakatingin sa akin at hindi ko
mapigilan ang hindi mairita sa pagtingin niya.

"You've seen my kumpare." He smirks. Agad ko namang ibinato sa kanya ang unan na
nasa tabi ko.

"Gago!" Iritable kong sabi sa kanya at biglang bumalik sa isipan ko ang nakita ko
kanina. He's damn big!

Humalakhak lamang siya habang nag-susuot ng puting sando at brown na board shorts.
Inirapan ko lamang siya at agad na kinuha ang cellphone ko. Agad kong tinignan ang
inbox ko at nakita kong may text doon si Mommy na siyang ikinagulat ko.

Make sure you'll text me when you're already here, okay? Napakunot ang noo ko at
agad na tinignan ang sent items ko.

Mom, I'll be in my soon-to-be-husband's place tonight. I'll go home tomorrow, see


you.

Napanganga ako sa text na 'yon. Agad akong lumingon kay Travis na nakangisi pa rin
na nakatingin sa akin.

"You texted my Mom?! How did you know my password?!" Iritable kong sigaw sa kanya.
Kahit kailan talaga, wala ng ginawa ang lalaking ito kung hindi ang bwisitin ako!

"I just know, I know your password was just one-two-three-four-five-six. You're
really lazy changing your password." Humahalakhak niyang sabi. Inirapan ko lamang
siya ulit.
"I want to go home." Sabi ko at tsaka ko mabilis na kinuha ang mga gamit ko.

"Okay." Sabi niya at tsaka kinuha ang susi sa ibabaw ng drawer niya. Hindi ko siya
pinapansin hanggang sa makalabas kami ng building ng unit niya.

Sumakay ako sa sasakyan niya ng pagbuksan niya ako. Wala rin naman kasi akong
panahon pa para maghanap ng taxi. I still feel exhausted.

"You're quiet." He says.

Umirap ako sa hangin at bumaling sa kanya ng tingin. "H'wag mo akong kausapin


bwisit ka!" Naiinis kong sabi sa kanya.

Humalakhak lamang siya at wala siyang ginawa kung hindi ang bwisitin ako sa buong
biyahe. Nang nasa tapat na kami ng bahay ko ay agad akong bumaba pero hindi pa ako
nakakalayo ng bigla siyang magsalita.

"Hindi mo man lang ba bibigyan ang boyfriend mo ng goodbye kiss?"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Forty Eight

FORTY EIGHT

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Bigla akong napahinto nang dahil sa sinabi niya. Agad akong napalingon sa pwesto
niya habang nakataas ang isa kong kilay.

"What did you say?" Magkasalubong na kilay kong tanong sa kanya. Narinig ko naman
ang sinabi niya kanina pero gusto ko ulit iyong marinig.

"Which part of it you want me to repeat? Kiss and boyfried?" He shrugged his
shoulders while grinning up at me. Muli akong lumapit sa kanya at tsaka mabilis na
lumipad ang middle finger ko sa mukha niya. Ano'ng palagay niya sa akin? Gwapong-
gwapo sa kanya? Hah!
"In your dreams, asshole." Mataray kong sabi sa kanya at tsaka ko siya tinalikuran,
and I even flip my hair. Narinig ko lamang ang paghalakhak niya habang papasok ako
sa loob ng bahay.

Nadatnan ko naman na nakahiga si Eugine sa sofa habang walang saplot na pang-itaas.


Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at mabilis na nagpipipindot. Kumunot ang noo
ko at agad na binalot ng kursinidad kung ano ba ang ginagawa niya.

"Another asshole." I muttered to myself and walks towards him.

"Where's Mom?" I ask.

"Shit." Gulat niyang sabi at tsaka mabilis na itinago ang cellphone niya. Napataas
namang muli ang kilay ko dahil sa kanya. Tanghaling tapat, porn ang pinapanood?

"Dunno." Bored niyang sagot at tsaka muling humiga sa sofa. Inirapan ko lang siya
at tsaka umakyat sa itaas. Wala talaga akong mapapala sa mga lalaking nasa paligid
ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako pinapaligiran ng mga lalaking puro kabastusan
na lang ang alam sa buhay.

Pasalampak akong humiga sa kama ko ng makapasok ako sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng
pagod at sakit ng katawan dahil na rin sa pagsuswimming kagabi. Gusto ko pang
magpahinga pero parang hindi naman ako makakatulog sa lagay kong ito. Pilit kasing
bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung bakit ko ba nagawa ang mga bagay na 'yon sa kanya, dahil kahit
kailan ay walang akong sinayawan na sinumang lalaki. I should be feeling
embarrassed right now but I really felt nothing. I have already moved on and
revenge is not an option. Hindi naman ako iyong tipo ng babae na magtatanim ng
galit sa lalaki dahil lamang sa niloko ako nito. Kung lahat ng babae ay gagawin
iyon, patuloy lamang na magkakaroon ng rason ang mga lalaki para saktan ang isang
babae.

Girls must be in control of their bodies because boys are not, and all girls should
know about this so we have a weapon to use in case of an emergency.

Nabali lamang ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong
kinuha at nakita kong unknown number iyon pero kilala ko kung sino. Sinave ko ang
number niya sa cellphone ko.

Travis:

I already missed you, babe.

Napataas ang kilay ko ng wala sa oras sa text niyang iyon. At talagang kinareer
niya ang pagiging boyfriend ko? Aba, napakapilingero naman niya!

Ako:

I was just kidding last night, you know.

Travis:

Really? Well, I'll make it real.

Pakiramdam ko ay ababot na sa kisame ang kilay ko dahil sa taas noon. Aba, ang
kapal naman pala talaga ng pagmumukha niya? Lumipas na nga ang ilang taon pero wala
man lang siyang pinagbago kahit konti. Maliban na lang sa yummy niyang katawan at
mas gumwapo niya pang pagmumukha.

Ako:

Try harder, asshole. You won't fool me again.

Naghintay lamang ako ng ilang segundo at agad din siyang nag-reply. Mukha atang
ginaganahan ang mokong na landiin ako.

Travis:

I regret everything about it for years. I wanna talk to you right now. Can I go
there?

Ako:

At bakit? Hihipuan mo na naman ako? You stupid arse. You are not my boyfriend so
you are not allowed to go here.

Parang gusto ko tuloy makita ang mukha niya na paniguradong namumula na ngayon.
Akala naman niya hindi ko naramdaman ang mga panghihipo niya kagabi.

Travis:

I didn't touch you! I just watched you sleeping for the whole time. Mas narealize
ko kagabi na napakagago ko pala para lamang lokohin at saktan ka. I was a fool,
really fool because I lost you.

Ako:
Stop the drama, Travis. It won't works on me.

Travis:

I'm sorry, please.

Ako:

I've already given your chances back then but you just wasted it. Alam mo bang
gusto kong malaman ang rason mo noon? Kung bakit mo ako iniwan? Gustong-gusto kong
malaman iyon pero ngayon? Hindi na, kasi wala na akong kahit anong nararamdaman pa
para sa'yo. It's already in the past at matagal ko ng ibinaon sa limot ang nakaraan
ko, kasama ka.

Agad kong pinatay ang cellphone ko pagkasend ko sa kanya noon. Tumayo ako at
dumiretso sa banyo ng kwarto ko. I took off my clothes and turn on the shower.
Hinayaan ko lamang na lumandas ang tubig sa buo kong katawan.

Mabilis ang pintig ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Totoo naman iyong sinabi
ko sa kanya. Matagal ko ng ibinaon sa limot ang nakaraan at kasama na siya roon.
Hindi na ako tanga para hayaan ulit siyang pumasok sa buhay ko.

Sino bang matinong babae ang babalikan ang lalaking nanakit na sa kanya noon?

"I shouldn't feel guilty for turning him down." I silently whispered to myself as
the cold water runs to my body.

Hinayaan ko lamang na balutin ang katawan ko ng malamig na tubig. Pilit ko mang


alisin si Travis sa isipan ko ay hindi ko na nagawa pa. Hinayaan ko lamang na
dalawin ang isipan ko ng presensya niya hanggang sa matapos akong maligo. Kinuha ko
lamang ang isang puting twalya sa may gilid ko at ibinalot iyon sa katawan ko.

Pagkabukas ko ng pinto ng banyo ko ay agad na tumambad sa harapan ko si Travis.


Nanlaki ang mga mata ko at akmang titili na ako ng takpan niya ang bibig ko.

"No, no, no. Don't shout, I won't rape you even if I want. We'll just talk calmly,
okay?" He says simply. Wala sa sariling napatango naman ako sa sinabi niya. Unti-
unti niyang tinaggal ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.

"What the hell are you doing here in my room?!" Sigaw ko sa kanya at tsaka ko siya
binatukan ng malakas.

"I just came here straight when you sent me that fucking message." Maang niya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ano naman ngayon?!" Iritable kong sigaw sa kanya.

"Don't shout, baka isipin ng mga tao dito na nirerape kita kahit mamaya pa." Mahina
niyang sabi pero hindi pa rin nakaligtas sa mga tenga ko.

"H'wag mo akong sinusubukan ngayon, Montemayor. Sino ba ang nagpapasok sa'yo


dito?!" Inis ko pa rin na sabi sa kanya.

"The gate was open, your brother was talking with someone so I got easily here. I
just want to talk with you about us, about—" He suddenly paused and that made my
brows furrow especially when he suddenly turned his back towards me.

"Pwede bang mag-suot ka muna ng damit? Dammit, I'm having a boner here!" He hissed.
Agad naman akong napatingin sa sarili ko at doon ko lang narealize na tanging isang
puting twalya lang ang tumatakip sa hubad kong katawan.

"Gago!" I yelled before I took my clothes and went to the bathroom.

Ilang minuto lang din ang itinagal ko roon at agad din akong lumabas. Hindi ata ako
mapapakali kung nasa labas lang si Travis at baka kung anong gawin noon sa kwarto
ko. Nadatnan ko naman siyang nakahiga sa kama ko habang ang mga braso niya ay nasa
likod ng ulo niya.

Pinakatitigan ko naman siya at hindi ko mapigilan ang hindi siya taasan ng kilay.
Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang kakapalan ng mukha niya na humarap pa sa
akin kahit na alam niyang sinaktan niya ako noon ng sobra. Mayroon ba talagang mga
ganoong lalaki? Iyong akala mong parang walang nangyaring hindi magandang bagay sa
pagitan niyong dalawa at kung umasta ay akala mo hindi nanggago.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya sa kama at humarap sa akin. Biglang sumeryoso
ang mukha niya at tumitig sa mga mata ko.

"Hindi ko alam kung paano ko mapagbabayaran ang ginawa ko sa'yo pero handa akong
gawin ang lahat para lang mapatawad mo ako. Oo, alam kong hindi madali ang
patawarin ako pero, Jeorge. I'll do everything, I'll do what you want me to do just
to forgive me and give me another chance." Hindi ko alam kung namamalikta lang ba
ako pero nakita kong naluluha ang mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Hindi
ako sumagot at pinakatitigan ko lamang siya.

Seryoso ang mukha niya at walang mababakas na pagbibiro o kahit ano pa man doon.
Kilala ko si Travis kapag nagsasabi siya ng totoo at alam kong nagsasabi siya
ngayon ng totoo. Muli siyang nagsalita at wala akong nagawa kung hindi ang
panoorin lamang siya.

"Pinagsisihan ko na iyong mga araw na pinakawalan kita, na sinayang kita. Lahat ng


iyon, pinagsisihan ko na. Walang araw na hindi kita inisip at palagi kong
tinitignan ang mga pictures nating dalawa. Kung gusto mo, itanong mo pa kay Shaun
at Daddy kung nagsasabi ba ako ng totoo sa'yo o hindi. Basta ang alam ko lang
ngayon, Jeorge. Hindi ko na ata kakayanin kung mawala ka ulit sa akin." Seryoso
niyang sabi.

Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko sa mga sinasabi niya sa akin.
Pinipigilan ko ang tumawa pero hindi ko talaga mapigilan ang mapatawa ng dahil sa
kanya.

"Uhhhh, Travis. Pwede bang isara mo muna 'yang zipper mo bago mo ituloy ang speech
mo?"

***

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Forty Nine

FORTY NINE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Tangna, bad timing pa." Rinig kong bulong niya sa sarili niya habang isinasara
niya ang zipper ng shorts niya sa harapan ko.

Umupo naman ako sa kama ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Para
siyang tanga na nagpapabalik-balik sa harapan ko at hindi mo malaman kung natatae
ba siya o hindi. Pinapanood ko lamang ang bawat paggalaw niya.

"Pumirmi ka nga!" Naiirita kong sabi sa kanya. Tumigil naman siya bigla at saglit
na tumitig sa akin.

"Dammit." He turned his back towards me and I frowned again. Ano bang problema ng
lalaking 'to?!

"Kung wala ka ng gagawin sa kwarto ko, pwede ka ng lumabas dahil kanina ko pa


gustong matulog. H'wag mo ng sayangin ang oras mo sa akin, Travis dahil hinding-
hindi na kita bibigyan ng pake kahit kailan." Mariin kong sabi sa kanya at tsaka
ako humiga sa kama ko. Hindi naman siya kumilos at nanatili pa rin siya sa
kinatatayuan niya. Nakakatitig lamang siya sa akin na para bang binabasa niya kung
ano ang nasa isip ko. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapaiwas ng tingin.
Pakiramdam ko kasi ay nag-iinit ang katawan ko sa mga titig na ibinibigay niya.
Ibang-iba kasi iyon hindi katulad dati. He really changed a lot. He looks so
matured and a real man with his masculine body and boyish grin. Mas nadepina ang
katawan niya at mas lumaki iyon hindi katulad dati na medyo payat pa siya. Malaki
rin ang itinangkad niya at ang mas nakapagdagdag sa pagkalalaki niya ay ang kanyang
balbas na parang kaka-ahit pa lang.

"Jeorge." He says in a very low voice. He's now calm and his face is really
serious. I don't know what's going on his mind.

"Leave, Travis." Mariin at seryoso kong sabi sa kanya. Umuwi ako ng Pilipinas para
magsaya at hindi para magpakatanga ulit sa kanya. Hindi ako ipinanganak kahapon
para bigyan ng isa pang pagkakataon si Travis na muli akong saktan. Yes, I moved on
but it doesn't mean, I won't forget what's in the past.

"Jeorge, I still love you." Seryoso niyang sabi sa akin habang hindi inaalis ang
titig sa mga mata ko. Bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi niya at pakiramdam ko
ay sasabog ang sistema ko ng dahil doon.

Mahal niya pa rin ako pero nagawa niya akong lokohin at iwan noon? Mahina akong
tumawa habang umiiling.

"And I don't." Seryoso ko rin na sagot sa kanya. Nakita ko naman ang biglang
pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Halatang naapektuhan siya sa sinabi ko sa
kanya dahil agad siyang natigilan. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko at nakatitig
lamang siya sa akin habang bagsak ang mga balikat niya.

"I see." Mapaiit siyang ngumiti sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit bigla
akong nanghina sa pagngiti niyang iyon. Dahan-dahan siyang tumalikod sa akin at
walang salitang lumabas ng kwarto ko.

Mas lalo akong nanghina ng lumabas na siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang
nararamdaman ko pero para bang hindi ko dapat ginawa iyon sa kanya. Ayoko namang
paasahin siya at hindi ako ganoong klase ng babae. Mas maganda na iyong sinabi ko
sa kanya ang totoo kesa naman guluhin pa niya ako. Tama na iyong maraming beses
akong nasaktan ng dahil sa kanya dahil sapat na 'yong maging rason para hindi ko na
siya muling balikan pa. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinayaan ang
sarili kong dalawin ng antok. Nakatulog ako na siya ang laman ng isipan ko.

NAALIMPUNGATAN ako sa ingay ng nanggagaling sa may ibaba. Marahan akong bumaba sa


kama ko at dumiretso sa banyo. Saglit lamang ang itinagal ko roon at agad din akong
bumaba. Madilim na sa labas at ng tignan ko ang malaking orasan namin sa may sala
ay alas otso na ng gabi. Nadatnan ko si Eugine na nilalaro ang anak ni Kuya. Wala
sa sariling napangiti naman ako.

"Bagay sa'yo maging Daddy, you know." Nang-aasar kong sabi sa kanya. Napalingon
naman si Eugine sa akin at tsaka ngumiti.
"Hell, I'm still enjoying being a bachelor. Let us say that this kid is really
cute, right baby?" Sabi niya sabay halik sa pisngi ni Johann. Humagikgik naman si
Johann sa ginagawa ni Eugine sa kanya. Natatawang umiling na lamang ako sa kanya at
tsaka dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Bumalik din agad ako sa sala at
naroroon pa rin sila.

"Wala ka bang balak lumabas ng bahay? Ang tagal mo ng tambay ah?" Mahina kong sabi
sa kapatid ko habang umiinom ng tubig sa basong hawak ko. Nilalaro naman ni Johann
ang buhok at mukha ng kapatid ko.

"Nah, I missed L.A. Kailan ba tayo babalik doon? I'm bored here." Sagot niya sa
akin. Nagkibit balikat naman ako sa sinabi niya. Mahaba-haba pa naman ang bakasyon
namin at hindi pa naman namin kailangang bumalik sa America.

"Baby, your uncle is pogi, right?" Nakangisi niyang sabi kay Johann at tsaka niya
pinagdikit ang ilong nilang dalawa. Muli namang humagikgik ng tawa si Johann.

"I don't know, I'll ask Dad. Mukha naman kasing nag-eenjoy si Daddy dito sa
Pilipinas at balak ata nilang mag Palawan ni Mommy. Alam mo na, time alone." Sabi
ko. Inilapag ko naman ang baso ko sa lamesang nasa harapan ko.

"Why he was here a while ago?" Bigla akong natigilan sa tanong ni Eugine.

"Who?" I ask.

"Your stupid ex." He says.

"That's not your business, Eugine." Mariin kong sagot sa kanya. Ngumisi naman siya
sa akin.

"I had a great exercise punching his stupid face a while ago, did you know that?"
He says grinning up at me. Umirap lamang ako sa hangin dahil sa sinabi niyang iyon.

Simula ng malaman nila ni Kuya Jake na sinaktan at niloko ako ni Travis ay ganoon
na lamang katindi ang galit nila sa kanya. Mahal na mahal nila ako at handa silang
protektahan ako sa mga lalaking nakapaligid sa akin. Miski si Eugine, kahit na siya
ang bunso namin ay handa pa rin niya akong protektahan sa abot ng makakaya niya.
Perks of having a brothers.

"Where's Kuya Jake?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Alone time with his wife, mukhang iiscore ata." Natatawa niyang sabi. Hinampas ko
naman iyong bibig niya at pinanlakihan siya ng mata.

"What? I'm just stating what is obvious!" Natatawa niyang sabi.


"Jerk." Sabi ko sa kanya at tsaka ako tumayo at dumiretso sa kwarto ko. Nagbihis
lamang ako saglit at nag-ayos bago bumaba.

"I'll just go outside, I'll be back." Paalam ko sa kapatid ko at tsaka ako lumabas.
Tinawagan ko si Din para ayain siyang mag-bar pero mayroon daw siyang gagawin. Si
Heena naman ay hindi ko pa rin nakakausap hanggang ngayon. Mukhang busy ata siyang
makipaglandian kay Axcel. Si Felice naman busy sa studies niya at hindi naman
mahilig mag bar si Rissa. Kaya wala akong ibang choice kung hindi lumakad mag-isa.

Usok at ingay ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa isang bar. Agad kong napansin
ang paglingon sa akin ng ilang mga lalaki roon. Nakasuot lamang ako ng isang tight
black dress at humuhulma ang hubog ng katawan ko sa suot kong iyon.

Umupo ako sa isang stool sa harap ng bartender. Um-order lamang ako ng drinks at
tsaka pinanood ang mga taong nagsasayaw sa gitna ng bar. Wala sa sariling napangiti
ako pero agad din iyong napawi ng biglang may lalaking bumagsak sa harapan ko.

Napatili ako ng daluhan iyon ng isang lalaki at pagsasapakin. Hindi ko masyadong


makita ang mga nagsasapakan dahil napapalibutan sila ng ilang kalalakihan.

"Dammit!" Inis kong sabi ng biglang tumalsik sa damit ko ang isang baso. Natapon sa
akin ang laman noon at agad na umakyat ang dugo sa ulo ko.

Agad akong tumayo at lumapit sa nagsasapakan. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ng


mamukahaan ko ang isa sa mga lalaki na nakikipagsuntukan.

"Travis?" Bulong ko sa sarili ko. Lumapit ako sa kanila para makumpira ang hinala
ko at hindi naman ako nagkamali. Napataas ang kilay ko habang patuloy na sinasapak
ni Travis ang kaaway niyang lalaki. Walang nagtatangkang umawat sa kanilang dalawa
dahil talaga namang matatamaan ka kapag lumapit ka sa kanila.

Nang wala pa ring nagtangkang umawat sa kanila ay napilitan akong lumapit sa


kanila. Walang sabi-sabi kong sinipa si Travis at narinig ko ang pagsinghap ng mga
tao sa paligid ko.

"Putang ina—" Napalingon si Travis sa akin at akmang sasapakin ako ng bigla siyang
matigilan. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako.

"J—Jeorge?" Nauutal niyang sabi. Lumapit ako sa kanya at piningot ang tenga niya.
Hinatak ko siya hanggang sa makalabas kami sa bar na iyon. Binitiwan ko lamang siya
ng nasa parking lot na kami.

"Jeorge, I'm sorry—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil agad na lumapat ang
kamao ko sa mukha niya.

Nakita kong dumugo ang gilid ng labi niya sa ginawa kong iyon.
"What the—" Hindi ko ulit siya pinagsalita at muli ko siyang sinapak.

"Gusto mong makipag-away, hindi ba? Give me a try." Hamon ko sa kanya. Akmang
sasapakin ko ulit siya ng bigla niyang mahuli ang mga kamay ko at hapitin ako
papalapit sa kanya.

Bumilis ang pintig ng puso ko sa pagkakalapit ng katawan namin. Ramdam na ramdam ko


ang init ng katawan niya at ang mabilis niyang paghinga. Nakatitig lamang siya sa
mga mata ko at ganoon din ako. Hindi ko magawang magsalita dahil pakiramdam ko
kapag nagsalita ako, bigla na lamang niya ako hahalikan.

"Mahal na mahal pa rin kita, Jeorge." Seryoso at makahulugan niyang sabi sa akin.
Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa sinabi niya. Mabilis lamang ang tibok ng
puso ko at hindi ako makagalaw ng dahil sa kanya. Akmang magsasalita na ako ng
ilapit niya ang mga labi niya sa mga labi ko. Magkalapit na magkalapit ang mga labi
namin na konting galaw na lang ay maglalapat iyon. Ramdam ko ang bilis ng pintig ng
puso ko at mas lalo iyong bumilis ng dahil sa sinabi niya.

"I want you back in my life, I really want..."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Fifty

FIFTY

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"H'wag mo nga akong dramahan ng kung anu-ano! Sino bang tanga ang sinaktan ako?!
Sino ba ang nagloko sa ating dalawa?! Sinong gago ang pinaasa at pinagmukha akong
tanga, sino?! Hindi ba't ikaw?! Kaya h'wag kang umasta na akala mo ikaw ang mas
nasaktan!" Inis kong sabi sa kanya at tsaka ko siya malakas na itinulak. Hindi ko
alam kung bakit bigla akong napuno ng dahil sa kanya. Kung bakit hindi ko napigilan
ang emosyon ko.

Ang kapal ng mukha niya! Ang kapal niyang sabihin na gusto niya akong bumalik sa
buhay niya gayong siya naman ang may kagagawan kung bakit ako nawala sa kanya. Tila
ba bumalik iyong dating galit ko sa kanya na matagal ko ng kinalimutan.

"Ang kapal ng mukha mo, Travis. Pagkatapos mo akong saktan, ganyan lang ang
sasabihin mo? Ang kapal ng mukha mo!" Mariin kong sabi sa kanya habang dinuduro ko
iyong dibdib niya. Punong-puno ng galit ang buo kong sistema at tila ba unti-unting
bumabalik iyong sakit na naramdaman ko noon sa kanya.

Hindi siya nagsasalita at tahimik lamang siyang nakatitig sa akin. Bagsak ang mga
balikat niya habang ang mukha niya ay puno ng galos na marahil ay natamo niya sa
pakikipag-away kanina at sa pambubugbog sa kanya ni Eugine.

"Sorry." Mahina niyang sabi habang nakayuko.

"Sorry? Sa lahat ng ginawa mong pananakit sa akin, sorry lang ang kaya mong
sabihin?" Sarkastikong sabi ko sa kanya. Mahina akong tumawa kahit na alam kong
nangingilid na ang luha sa gilid ng mga mata ko. I hate this, I hate being
sarcastic in the middle of this situation.

Hindi siya nakasagot.

"Wow! Sorry, sorry, sorry!" Tumatawa kong sabi sa kanya. Naramdaman ko ang
pagbagsak ng luha sa pisngi ko pero marahas ko rin iyong hinawi.

"Putang ina mo, Travis. Putang ina mo!" Hindi ko napigilan ang mga kamay ko na
pagsasampalin siya. Nararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang patuloy ko siyang
sinasampal. Hindi siya kumikilos, hinahayaan niya lamang akong gawin kung ano ba
ang gusto kong gawin sa kanya.

Sinampal ko lamang siya ng sinampal hanggang sa mapagod ako, hanggang sa tumigil


ako. Niyakap niya ako ng mahigpit habang patuloy akong umiiyak. Nagpaubaya lamang
ako sa pagyakap niya sa akin at hinayaan ko ang sarili kong umiyak sa kanya. Ngayon
na lamang ulit ako umiyak ng ganito at ang huling pag-iyak ko ng ganito ay siya rin
ang dahilan.

Gustong kong matawa dahil siya pa ngayon ang kasama ko at sa kanya pa ako umiiyak
kahit na siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon.

"Sorry, sorry." Paulit-ulit niyang bulong sa akin habang mahigpit niya akong yakap.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Basta ang alam ko,
mahigpit lamang niya akong yakap. Aminin ko man o hindi, pakiramdam ko ay ligtas
ako sa mga yakap niya. Na para bang handa niya akong protektahan sa kahit ano mang
bagay. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko gusto iyon. Ayoko ng masaktan
pa at gusto kong maging masaya naman.

Gusto kong maranasan magmahal at mahalin pabalik.

At alam kong hindi ko mararanasan iyon kung patuloy siyang nasa tabi ko. Kung
patuloy niyang guguluhin ang buhay ko at patuloy siyang magiging parte nito.

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya ng mahimasmasan na ako. Nakita kong kinuha


niya ang panyo niya at marahan niyang idinampi iyon sa pisngi ko. Nakatitig lamang
ako sa kanya at ganoon din siya. Walang gustong magsalita sa aming dalawa at hindi
ko rin naman alam ang dapat kong sasabihin sa kanya.

"Ihahatid na kita." Mahina niyang sabi. Agad naman akong umiling sa sinabi niya.

"I'm good, I can take care of myself." Sagot ko sa kanya at tsaka ko siya mabilis
na tinalikuran. Tinungo ko ang sasakyan ko at agad na sumakay roon. Huminga muna
ako ng malalim bago muling lingunin ang pwesto niya. Naroroon pa rin siya at
nakatanaw sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at agad na pinaandar ang sasakyan
ko.

Napakunot ang noo ko ng hindi nag-iistart ang sasakyan ko. Paulit-ulit ko iyong
pinaandar pero wala pa ring nangyayari. Bumaba ako ng sasakyan ko at binuksan ang
harapan pero tanging usok lang ang sumalubong sa akin. Mahina akong napamura sa
sarili ko dahil doon.

I tried to fix what's wrong with my car but I really can't find what's wrong. Hindi
naman ako mahilig sa sasakyan at kakaunti lamang ang alam ko pagdating sa ganitong
bagay.

"Something's wrong?" Bigla akong napalingon sa lalaking nagsalita sa may likuran


ko. Gusto kong umirap pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa ba obvious na
mayroong mali sa sasakyan kong umuusok?

"Nothing, just my car." Sagot ko at tsaka ko muling ibinaling ang atensyon ko sa


may sasakyan ko.

"I can help." He offers. Hindi ko siya pinansin at patuloy lamang ako sa ginagawa
ko. Naramdaman kong lumapit siya sa akin at tinignan kung ano ba ang tinitignan ko.

"I think there's something wrong with your car's machine." He says. Napakunot naman
ang noo ko. Paano naman niya nalaman 'yon eh umuusok lang naman 'tong lintik kong
sasakyan?

"Let me check it—"

"She doesn't need your help, dude." Halos mapatalon ako sa gulat sa lalaking
nagsalita sa may gilid ko. Nang lingunin ko iyon ay si Travis iyon at madilim ang
mukha niya habang ang mga labi niya ay magkalapat na magkalapat. Bumaling ang
tingin niya sa lalaki at tinignan niya iyon ng masama.

"Travis." Suway ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay kahit anong oras ay sasapakin na


lang niya iyon.

"She does, she needs my help. I can fix her car." Mariing sagot sa kanya ng lalaki.
Lumapit naman si Travis sa kanya at agad naman akong humarang sa pagitan nila.
"It's okay, I'm fine." Ngumiti ako sa lalaki pagkasabi ko noon. Mukhang
naintindihan naman niya ang sinabi ko at umalis na rin siya. Nilingon ko naman si
Travis sa tabi ko at madilim pa rin ang mukha niya. Para siyang galit na galit at
hindi ko alam kung bakit.

"What?!" Iritado kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot at ibinaling niya lamang
ang kanyang atensyon sa sasakyan ko. Tinignan niya iyon at kinalikot ang makina ng
sasakyan ko. Pinapanood ko lamang siya habang seryoso niyang iniinspeksyon ang
iba't ibang wire na hawak niya.

Men are naturally good at this.

"Dapat ng dalhin ito sa talyer, nag-overheated and sasakyan mo at nasunog ang ilang
wire. Sa sasakyan ko na lang ikaw sumakay." Diretso niyang sabi sa akin. So wala
man lang akong choice na magtaxi? Kailangang sa sasakyan niya agad ako sumakay?
Ganoon?

"Kunin mo na 'yong gamit mo. Ako na lang magdadala bukas niyan sa talyer." Seryoso
niyang sabi at tsaka niya ibinaba ang bumper ng sasakyan ko. Umirap lamang ako sa
hangin at tsaka kinuha ang bag ko sa loob ng sasakyan. Nauna na siyang pumasok sa
sasakyan niya at hindi man lang talaga niya ako pinagbuksan!

Inis akong pumasok sa may passenger seat at padabog kong isinara ang pinto ng
sasakyan niya. Kung iisipin nga, parang walang drama ang nangyari sa amin kanina at
kung umakto kami sa isa't isa ay napakanormal lang.

Nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang katawan niya sa akin. Agad kong pinigilan
ang paghinga ko dahil sobrang lapit ng mukha namin. Akala ko ay hahalikan niya ako
pero nakaramdaman ako ng pagkadismaya ng isinuot niya lang pala ang seatbelt sa
akin.

"You need to be safe." He says in a very low voice. Binuhay na niya ang makina ng
sasakyan at tsaka iyon pinaandar.

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan at wala ang isa sa amin
ang nagtangkang magsalita. Tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ang kalsadang
tinatahak namin. Isinandal ko lamang ang katawan ko sa upuan at tsaka ko ipinikit
ang mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

NAALIMPUNGATAN ako sa mainit na bagay na nakayakap sa akin. Hindi ako tanga para
hindi ko malamang mahigpit na nayakap sa akin si Travis mula sa may likuran ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na pumasok sa isipan ko na wala
ako sa sarili kong kwarto.
Definitely, it's his room.

Nilingon ko si Travis sa may gilid ko na mahimbing na natutulog. Nakaawang ng


kaunti ang mga labi niya at mahina rin siyang humihilik. Hindi ko mapigilang hindi
mamangha sa kanya. Matagal ko ng naamin sa sarili ko na gwapo talaga siya pero sa
paglipas ng panahon, mas lalong lumabas ang pagkalalaki niya. Marahan kong hinaplos
ang mukha niya at naramdaman ko ang biglang pagbilis ng pintig ng puso ko.

Bigla ay nagmulat siya ng mga mata at agad na hinuli ang kamay ko. Mas lalong
bumilis ang pintig ng puso ko sa ginawa niya.

Matagal siyang nakatitig sa akin hanggang sa ako na ang nag-iwas ng tingin. Mabilis
akong bumaba sa kama niya at tumungo sa banyo niya. Napasandal ako sa pinto ng
banyo niya pagkasara ko noon. Mabilis ang pintig ng puso ko at hinahabol ko ang
paghinga ko.

He still has the same effect on me.

Naghilamos lamang ako at nag-ayos ng sarili. Ilang ulit ko pang tinignan ang itsura
ko sa salamin hanggang sa nagdesisyon akong lumabas na.

Suot ko pa rin ang dress na suot ko kagabi kaya medyo hindi ako makakilos ng ayos.
Wala na siya sa kwarto niya pagkalabas ko ng banyo. Dumiretso ako sa closet niya at
kumuha ng isang plain-white v neck shirt at isang boxer shorts. Nagpalit lamang ako
saglit at tsaka lumabas ng kwarto niya. Nadatnan ko siya sa kusina niya na
nagluluto habang boxer shorts lang ang suot-suot niya.

Not on his chest and abs, Jeorge! Suway ko sa sarili ko. Tumikhim ako at napalingon
naman siya sa akin, pero mabilis niya rin na ibinalik ang atensyon niya sa niluluto
niya.

"You should eat, you are too skinny." Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa
sinabi niya o hindi.

Umupo ako sa harap ng lamesa at pinanood ang bawat galaw niya. Nag-feflex ang mga
muscles niya sa tuwing kikilos siya at hindi ko mapigilan ang hindi mapamangha.

I wish he's my breakfast. I shook my head, what was that? Pinagnanasaan ko na ba


siya? No, no. That's impossible!

That's not impossible! He's hot, he looks yummy! Muling sigaw ng kabilang bahagi ng
isip ko. Umiling na lamang ako sa kawalan.

"Eat." Ani niya habang inilalagay ang niluto niyang tapa sa harap ko. Napataas ang
kilay ko ng wala sa oras.
Pwede mo ng jowa-in 'yan, Jeorge! Marunong ng magluto ang mokong! Umiling ako sa
naiisip ko.

"Join me." Mahina kong sabi sa kanya. Tumalima naman siya at umupo sa harap ko.
Napansin kong walang kape sa lamesa kaya tumayo ako. Naghanap ako ng kape sa mga
cabinet niya at hindi naman ako nabigo. If there's one thing I am good at, it's
making coffee.

Nagtimpla ako ng dalawang baso ng kape at ng matapos ako ay inilapag ko sa harap


niya ang isa. Napatingin naman siya sa akin na para bang binabasa niya ang nasa
isipan ko.

Tahimik kaming kumain at siguro'y mayroong ilangan sa pagitan naming dalawa.


Paminsan-minsan ay pinagmamasdan niya akong kumain at gusto kong takpan ang mukha
ko sa tuwing tititig siya sa akin.

Huminga ako ng malalim at bumwelo sa sasabihin ko sa kanya. Pinag-isipan kong


mabuti ang desisyon kong ito kahit na alam kong pwede ulit mangyari ang nangyari
noon. Kahit na alam kong maaari ulit akong masaktan ng dahil sa kanya.

"I'll give you your last chance, Travis." Mahina kong sabi pero sapat na para
marinig niya. Ito na ang huling beses na bibigyan ko siya ng isa pang pagkakataon
pero ngayon, sisiguraduhin kong hinding-hindi na niya ako masasaktan.

Sisiguraduhin kong kung mayroon mang masasaktan sa aming dalawa, hindi na ako 'yon.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Fifty One

FIFTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Nagulat naman ako ng bigla siyang mabulunan ng dahil sa sinabi ko. Sunod-sunod ang
pag-ubo niya at namumula na rin ang buo niyang mukha habang patuloy siya sa pag-
ubo. Inabutan ko naman siya ng tubig para mahimasmasan siya. Baka kasi mamatay na
lang siya sa harapan ko at maging konsensya ko pa.
"Papatayin mo ba ako?!" Singhal niya ng medyo mahimasmasan na siya. Sinamaan ko
naman siya ng tingin. Mukhang hindi tatagal itong gagong 'to sa binigay kong chance
sa kanya. Aba, bibihira na lang ang isang babae na magbigay ng third chance at ang
swerte naman niya masyado! Nagmistula na nga akong genie sa ginawa ko!

"At bakit mo ako sinisisi, aber? Kung mamatay ka man sa harap ko, hindi ko na
kasalanan 'yon!" Kaswal kong sabi sa kanya. Marahan akong humigop sa kape ko at
tsaka sumubo ng kanin. Ngayon ko lang nalaman na masarap na pala siyang magluto
ngayon. Dati kasi, puro lamon lang siya at wala siyang alam sa pagluluto.

"Ibig bang sabihin nito, tayo na ulit?" Nakangiti na niyang tanong sa akin.

"Ibang klase rin naman pala ang kakapalan ng mukha mo, ano? Hindi ko na mareach!"
Sarkastikong sabi ko sa kanya habang kumakain.

"Sabi mo you'll give me another chance. So it means, tayo na ulit?" Sabi pa niya.

"Ligawan mo muna ako! Ang kapal mo ha. Babae pa rin naman ako kahit papaano! Ano
'yon, easy-easy lang? Wala man lang paghihirap? Aba, kailangan mo munang maranasan
ang mga pagpapahirap ko sa'yo bago mo muling matikman ang kagandahan ko!"

"Hindi ba pwedeng ituloy na lang natin 'yong nasimulan natin? Naligawan na naman
kita dati ah? Ang pangit naman kung babalik tayo sa umpisa." Hirit pa niya.

"Ano'ng palagay mo sa akin, computer shop na pwedeng magpapause time at babalikan


mo na lang kung kailan mo gusto? Aba, kung ayaw mo naman ayos lang sa akin. Hindi
naman kita pinipilit sa bagay na ikaw mismo ang may gusto." Diretso kong sabi sa
kanya.

Agad naman siyang umalma sa sinabi ko. "Nagbibiro lang naman ako! Sinusubukan ko
lang kung gagana." Ani niya at tsaka siya lumipat ng pwesto at tumabi sa akin.
Nakangiti siya at hindi ko alam kung matatakot ba ako sa ngiting ipinapakita niya.
Ang creepy kasi tapos ang cute niya tignan.

"Wala ng bawian 'yon ah!" Ngiting-ngiti niyang sabi sa akin. Umirap lamang ako sa
hangin at nagpatuloy sa pagkain.

Buong umaga ay wala siyang ginawa kung hindi ang ipaalala ng ipaalala sa akin ang
sinabi ko kanina sa kanya. Hindi na mawala ang ngiti sa labi niya at pakiramdam ko
kahit umiihi siya, nakangiti pa rin siya.

"Marunong ka ba talagang mag-grocery?" Iritable kong tanong sa kanya. Puro na lang


kasi beer ang laman ng refrigerator niya.

"Sige, hayaan mo. Pag-aaralan ko para kapag mag-asawa na tayo pwedeng ako na lang
ang mag-grocery kapag may emergency o buntis ka sa anak natin." Nakangisi niyang
sabi. Binato ko lamang siya ng lapis na nasa itaas ng ref niya.

"In your dreams, asshole." Sabi ko sa kanya. Humalakhak lamang siya habang
inililigpit niya ang mga pinagkaininan namin. Ngayon ko lang din nalaman na ang
sexy pala tignan ng lalaki kapag may suot na pink na strawberry apron. Pinicturan
ko nga siya kanina eh tapos ipopost ko mamaya sa instagram tapos iingitin ko 'yong
mga kaklase ko sa states.

"Magbihis ka, we'll go somewhere." Sabi ko sa kanya at tsaka ako pumasok sa kwarto
niya. Dumiretso ako sa closet niya at naghanap ng pwedeng suotin.

Pinili ko na lamang na magsuot ulit ng plain v-neck shirt niya. Nakakita rin ako ng
pulang checkered na long sleeves na pwede kong itali sa bewang ko. May dala naman
akong short shorts at sigurado akong bagay iyon sa outfit ko.

Nasa aktong nagsusuot ako ng damit ng bigla namang pumasok si Travis. Napalingon
ako sa kanya at nakita kong nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang itim na bra
lang ang suot ko. Agad siyang tumalikod at sigurado akong namumula ang buo niyang
mukha.

"Feeling virgin!" Natatawa kong sabi sa kanya sabay bato ng unan sa may likuran
niya. Humarap din naman siya ng maisuot ko na ang damit niya. Itinali ko lamang
paitaas ang buhok ko at nagsuot ng shades na nakuha ko rin sa may closet niya.

Nilingon ko naman siya at katulad ko, nagbibihis na rin siya. Plain white v-neck
shirt lang din ang suot niya at tsaka soldier shorts. Kumuha rin siya ng itim na
Ray Ban sa closet niya at isang cap na isinuot niya pabaligtad. Simple lang ng suot
niya pero napakagwapo pa rin niyang tignan.

"Let's go." Ani niya at tsaka niya hinawakan ang kamay ko. Hindi niya iyon
binitiwan hanggang sa makalabas kami sa building na tinutuluyan niya. Dumiretso
kami sa parking lot at siya pa mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan niya para sa
akin.

One point for that, Montemayor.

"Where are we going?" Tanong niya sa akin habang pinapaandar ang sasakyan niya.

"Supermarket, mamimili tayo ng supplies mo. Nakakahiya naman na ang laki ng unit
mo, pero wala namang laman. Parang utak mo, mayroon ka nga hindi naman gumagana."
Diretso kong sabi sa kanya. Napasimangot naman siya sa sinabi kong iyon.

Nagsimula na siyang magmaneho at katulad dati, laging nasa kalsada ang atensyon
niya. Alam ko naman iyon dahil dati na niyang sinabi sa akin na ayaw niyang siya
ang maging rason para mapahamak ako.
Ilang minuto lang din ang lumipas ng makarating kami sa malapit na mall. Hindi
naman kalayuan ang mall sa condominium niya kaya hindi kami ganoong nahirapan na
pumunta roon.

Nang makababa kami sa sasakyan niya at agad niya akong inakbayan. Hindi ko na lang
iyon pinansin at nagtuloy kami sa loob. Kumuha siya ng isang cart at siya ang
nagtutulak noon habang ako naman ang namimili ng dapat niyang bilhin. Baka kasi
kung anu-ano na lang ang bilhin niya.

"You should drink milk everynight, hindi iyong beer lang ang laman ng sikmura mo.
Baka magka-ulcer ka at ikamatay mo pa. Sayang din ang luhang iluluha ng mga kamag-
anak mo kapag namatay ka 'no." Sabi ko sa kanya habang nilalagyan ng ilang box ng
gatas ang cart niya.

"Opo Nanay." Mahina naman niyang sagot sa akin. Inirapan ko lamang siya at
nagpatuloy sa paghahanap ng mga kailangan sa unit niya.

Nalaman ko sa kanyang nagsimula siyang umalis sa bahay nila ng grumaduate siya ng


highschool. Nakarecover din agad si Tito Trav at sinabi niya sa aking hindi naging
madali ang lahat para sa kanila. Sa una, hindi matanggap ni Tito Trav na wala na si
Tita Celestine pero sa huli, tinanggap niya ang lahat para kay Travis at Shaun.
He's now fully recovered and he's working at Montemayor Empire.

"Back together?" Nabali lamang ang pag-iisip ko ng may magsalita sa likuran namin
ni Travis.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko ng makilala ko kung sino iyon. Nakangisi siya
habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Travis. Naramdaman ko ang mahigpit
na pagpulupot ng braso ni Travis sa bewang ko.

"Madonna." Mahina kong sabi. Mas lalo lamang siyang ngumisi sa akin at sinuklian ko
naman iyon ng isang matamis na ngiti.

"So, nagkabalikan na pala kayo? Ang dali mo namang bumigay, Jeorge. Akala ko
matalino ka?" She said in a mocking tone.

"Madonna." Mariing suway ni Travis sa kanya.

"What? I'm stating the fact!"Tumatawang sabi ni Madonna.

"Let's go, Jeorge." Bulong sa akin ni Travis at akmang aalis na kami ng pigilan ko
siya.

Bakit ako magpapatalo sa babaeng hindi ko naman ka-brain wave? Ako si Jeroge Rivas
at nasa sinapupunan pa lamang ako ng Mommy ko, marunong na akong makipagbasag-ulo
lalo na sa mga babaeng walang inatupag kung hindi ang pakielam ang buhay ng may
buhay.

"Ano naman ngayon ang pakielam mo? Bakit? Nag-iisip ka na naman na magpapatong ulit
sa kanya katulad ng ginawa mo dati?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Bakit? Natatakot ka na gawin ko ulit iyon at maagaw ko siya sa'yo? Alam mo,
Jeorge. Akala ko dati natuto ka na, akala ko papasok na diyan sa isip mo na hindi
mo dapat mahalin si Travis dahil hindi ka naman niya deserve at hindi mo rin siya
deserve. Masasaktan ka lang, Jeorge."

"At sino sa tingin mo ang deserve niya? Ikaw? Alam mo, Madonna. Akala ko natauhan
ka na rin sa sampal ko sa'yo noon, kulang pa ba? Kung gusto mong magpapatong sa
lalaking 'to, go! Hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin! Pero tatandaan mong
hinding-hindi kita hahayaan na tapakan lang ng katulad mong basura ang pagkatao ko.
Minsan ka ng naging dahilan para masaktan ako noon at sinisugurado kong sa oras na
mangielam ka pa sa buhay ko, walang pag-aalinlangan kong babalatan ka ng buhay."
Mariin kong sabi sa kanya.

"Gumising ka nga, Jeorge! Imulat mo nga 'yang mga mata mo! Hindi ka ba nagsasawang
masaktan na lang ng paulit-ulit? Matalino kang babae pero pagdating diyan sa puso
mo, nagiging tanga ka! Alam mo ba kung bakit nakipaghiwalay sa'yo si Travis? Hindi
diba? Wala kang kahit anong ideya! Masasaktan ka lang ulit sa kanya, alam mo ba
'yon?" Sarkastikong tumawa siya pagkasabi niya noon.

Natigilan naman ako at tsaka ako saglit na sumulyap kay Travis pero agad ko ring
ibinalik ang atensyon ko kay Madonna. "Hindi ko na kailangang malaman pa 'yon,
Madonna. Kung may balak kang sirain ulit ang relasyon namin, huwag mo ng subukan
dahil baka buhay mo lang ang masira ko. I'm being nice here, Madonna kaya umalis ka
na sa harapan ko bago ko pa mabasag 'yang pangit mong pagmumukha." Seryoso at
mataray kong sabi sa kanya. Naintindihan naman niya siguro ang sinabi ko at agad
siyang umalis sa harapan ko.

Binalingan ko ng atensyon si Travis. "Marunong din naman palang sumunod ang aso mo
kahit papaano." Nakataas ang kilay kong sabi sa kanya at tsaka ko siya tinalikuran
at pinagpatuloy ang paghahanap ng supplies niya.

"That's why I love you, Jeorge. You are too strong to handle everything around you.
I love you, babe." Ani niya at batid kong nakangiti siya habang sinasabi niya 'yon.

"Don't expect me to say 'I love you too', Travis. Lalo na't sinira ng dati mong
kalaguyo ang araw ko. Gosh, ang pangit niya lalo!" Masungit ko pa rin na sabi sa
kanya.

"Hayaan mo, bubuuin ko ulit ang araw mo mamaya." Ani niya sa nakakalokong tono.

"At paano?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya at tsaka lumapit sa akin.
Itinapat niya ang bibig niya sa tenga ko at may kung anong ibinulong.
"We will make a baby, Jeorge."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Fifty Two

FIFTY TWO

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Oh? Ano na naman ang ginagawa mo rito?" Mataray kong tanong kay Din ng mamataan ko
ito sa may sala namin. Kausap niya si Eugine at agad na napataas ang kilay ko dahil
ngayon ko lamang silang nakitang nag-usap.

"Sinusundo ka! Dalawang buwan ka rin nawala at hindi mo man lang sinabi na babalik
ka na roon! Alam mo bang nagwawala na si Travis kakahanap sa'yong babae ka?" Inis
niya namang sagot sa akin. Napangiti naman ako ng wala sa oras. Buti nga sa kanya!

Kababalik ko lamang galing America para tapusin ang finals ko. Mukha kasing gusto
na ulit ni Daddy na dito na ulit kami manirahan sa Pilipinas. Narinig ko nga sila
noong isang gabi na nagtatalo sila ni Mommy tungkol doon. Normal na naman 'yon sa
kanila pero kahit na ganoon ay kinakabahan pa rin ako.

"Oh? Nagbigti na ba siya?" Tanong ko kay Din habang kumukuha ng isang mansanas sa
lamesa. Nagsalubong naman ang mga kilay ko ng hindi siya sumagot at ng tignan ko
ang pwesto nila ay nakangiting nag-uusap sila ni Eugine.

Kumuha naman ako ng isang piraso ng ubas at binato iyon sa kanila. "Ang lalandi
n'yo!" Natatawa kong sabi sa kanila. Sinimangutan lamang ako ni Eugine habang
inirapan naman ako ni Din.

"So, see you then?" Nakangising tanong ng kapatid ko kay Din. Ngumiti naman si Din
at tsaka sumagot sa kanya.

"Sure, anytime." Ngiting-ngiting sagot niya sa kapatid ko.

Wala akong nagawa kung hindi panoorin lamang ang paglalandian nilang dalawa.
Tinignan ko na lamang ang cellphone ko at napasin kong puro tawag iyon ni Travis.
Hindi kasi ako nagparamdam sa kanya ng isang buwan at sinadya ko iyon para magdusa
siya.

"Tara na, Din. Bubulabugin pa natin si Heena at baka mamaya ay nabuntis na iyon ni
Axcel." Sabi ko sa kanya sabay hila sa buhok niya. Umirap lamang siya ulit sa
hangin at tsaka malanding nagpaalam sa kapatid ko.

"Ba naman 'yan, Jeorge! Nag-eenjoy na akong kausapin ang kapatid mo eh." Inis
niyang sabi sa akin. Binatukan ko naman siya.

"Malandi iyon, h'wag 'yon." Sabi ko sa kanya. Lumabas na kami ng bahay namin at
dumiretso sa sasakyan niya. Tinatamad kasi akong magdrive ngayon.

"Ayos lang, malandi rin naman ako." Nakangising sagot ni Din at tsaka siya pumasok
sa may driver's seat. Umirap lamang ako at pumasok na rin sa sasakyan.

Nakarating kami sa bahay nila Heena at wala akong ginawa kung hindi ang sabunutan
siya ng sabunutan. Ang tagal niyang hindi nagpakita sa akin!

"Gaga ka! Ano virgin ka pa ba?! Baka mamaya niyan kung saan-saan n'yo na lang
ginagawa ni Axcel ang mga kahalayan n'yo sa buhay! Naku talaga, Heena. Kapag
nalaman ko lang na minomolestya ka ng gagong 'yon, walang pag-aalinlangan kong
babalatan siya ng buhay!" Diretso kong sabi sa kanya. Namula naman ang mukha niya
at mas lalong lumabas ang ganda niya dahil doon.

"Iyong bibig mo, Jeorge!" Namumula naman niyang sabi.

"At bakit, aber? Baka mamaya niyan alam n'yo na ang iba't ibang posisyon at magulat
na lang ako najuntis ka na ng kumag na 'yon! Sinasabi ko talaga sa'yo, Heena. Hindi
ka pa umaabot ng thirty ay lumba-lumba ka na! Aanakan ka lang ng aanakan niyan!"
Histerikal na sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman, Jeorge!" Tumatawang sabi ni Din sa akin.

"Bakit? Totoo naman ah! Tsaka ikaw ring babae ka, baka magulat na lang ako na
buntis ka na at hindi mo pa malaman kung si Allen o kapatid ko ba ang ama! Isa ka
rin eh!"

"Jeorge! Magtigil ka na nga sa mga pinagsasabi mo! Para ka kamong sira."


Humahalakhak na sabi ni Din at ganoon din si Heena. Wala naman na akong nagawa kung
hindi ang makitawa rin sa kanila. Namiss ko ang mga babaeng 'to.

Sabay-sabay kaming pumunta sa malapit na Starbucks para magkwentuhan. Si Travis


naman ay walang ginawa kung hindi ang tawagan ako ng tawagan. Ayoko namang sagutin
siya dahil pakipot din akong babae. Kung gusto ko siyang pahirapan, papahirapan ko
siya. Aba, bibihira ang third chance sa mundong ito at susulitin kong pahirapan
siya bago niya ako makuha.

"Sasabunutan ko talaga 'yong Ravis na 'yon! Kadarating mo pa nga lang galing


America, inaaway ka na naman?!" Inis na inis na sabi ni Din sa akin. Nabasa niya
kasi kanina iyong mga texts ni Travis sa akin.

"It's normal for him, hindi rin naman kasi ako nagsabi na uuwi ako kaya nagalit."
Kaswal kong sabi sabay inom sa frappe ko.

"Hayaan n'yo na lang sila, may araw din sa atin 'yang mga lalaking 'yan." Saad
naman ni Felice. Tumango-tango naman si Din.

"Kamusta naman doon? Did you find some attractive guys there?" Nakangiting tanong
ni Din sa akin.

"Wala." Kaswal ko pa rin na sagot. Marami namang mga gwapong lalaki roon pero wala
akong panahon na makipaglandian doon. Priority ko pa rin kasi ang pag-aaral ko at
gusto kong tuparin ang pangarap kong maging Presidente ng Pilipinas. Papalitan ko
ang panglan ng Pilipinas at gagawin kong Kapuluan ni Jeorge Dyosa! Bongga diba?

"Tinanong mo pa 'yan, eh loyal 'yan kay Ravis. Kahit aso't pusa 'yang dalawang
'yan, mahal pa rin nila ang isa't isa." Sabi naman bigla ni Felice. Nag-init lamang
ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Eh ikaw? Kamusta na kayo ni Allen?" Tanong ni Heena kay Din. Hindi naman nakasagot
si Din at tumahimik lang din ito.

"Di natahimik kayong dalawa?" Ani Heena at tsaka tumawa. Napakunot naman ang noo ko
dahil sa tawa ni Heena. Parang mayroong mali sa tawa niya, parang hindi siya si
Heena. Iyong tawa niya kasi tunay at mahahalata mo kung pinipilit niya lang o
hindi.

"Ano bang gusto n'yong gawin ngayon?" Basag ni Felice sa katahimikan. Nagkibit
balikat na lamang ako at iwinaksi sa isipan ko ang naiisip ko.

"Bakit hindi tayo maghanap ng gift para sa kambal? This weekend na ang birthday ng
mga 'yon." Sabi ni Din. Sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi niya. Minsan pala,
hindi lang puro kalandian ang mga iniisip ni Din. Mayroon din pala siyang talento
na mag-isip ng may mga kwentang bagay.

"Oo nga, aattend ka ba? Sa Rancho ang celebration ng birthday nila." Tanong sa akin
ni Din.

"Malamang, di nagalit na naman iyong Ravis na 'yon. Kaya nga kami nag-away dahil
din sa sinabi ko sa kanya na baka hindi ako makakapunta sa birthday ng kambal.
Ayon, nagalit at inaway ako." Kaswal kong sabi. Akala ko nga magwawala na siya noon
eh. Ang cute din palang inisin ng mga lalaki, ano? Kahit ikaw ang nang-iinis hindi
ka nila matiis at lalapitan ka pa rin nila.

"Nililigawan ka ba ni Ravis?" Tanong ni Heena.

"Hindi." Hindi ka nagkakamali. Kaswal kong sagot.

"Sus, doon na rin naman ang punta n'yong dalawa. Sa ating lima ata, si Heena lang
ang mayroong magandang lovelife." Ani Din.

Hoy, ako rin kaya! Gusto ko sanang isagot sa kanila kaso baka gerahin nila si
Travis at pagsasapakin kapag nalaman nilang binigyan ko na naman siya ng panibagong
chance. Ano bang mali sa pagbibigay ng chance? As long as masaya ako, gagawin ko
kung ano ang gusto ko. Wala na akong pakiealm sa iisipin ng iba dahil buhay ko
naman ito at hindi sa kanila. Kung inggit sila na mayroon akong gwapong manliligaw,
aba maghanap sila!

Bigla namang tumunog ang cellphone ko at awtomatikong napairap ako sa hangin ng


magrehistro ang pangalan ni Travis sa screen ng cellphone ko. Wala akong nagawa
kung hindi ang sagutin na iyon. Baka kasi mamaya magpakamatay na siya ng wala sa
oras kapag hindi pa niya ako nakausap. Pinindot ko ang loudspeak para marinig nila
ang pag-uusap namin.

"Nasaan ka?" Mariin nyiang tanong sa akin. Bakas sa boses niya na galit siya.

"Mall, why?" Kaswal kong sagot.

"Sino'ng kasama mo?" Mariin pa rin niyang tanong. Ano ba naman 'yan! Imbestigador
na ba siya ngayon at ang dami niyang masyadong tanong?!

"Mapagpanggap din 'yang Ravis na 'yan. Kunwari pang galit pero hindi ka rin pala
matitiis." Mahinang sabi ni Din na sinabayan naman nila ng pagtawa. Sinenyasan ko
naman silang tumahimik.

"Boyfriend ko." Nakangisi kong sagot sa kanya. Tignan lang natin kung hindi ka pa
magwala ngayon.

"Alam mo kung paano ako magalit, Jeorge! Sino ang kasama mo?!" Ayan na, galit na
siya.

"Pakielam ko kung magalit ka?" Sino ka ba? Si Travis ka lang naman! Gusto ko na
tuloy tumawa ng malakas.

"Where the hell are you?! Tell me!" Sigaw niya. Nagtawanan sila lalo sa inasal ni
Travis. Okay, behave ka na Jeorge.

"Dasmariñas, Strabucks." Kaswal na sagot ko. Bigla namang naputol ang linya at
kunot noo lamang akong tumingin sa phone ko.

"Problema noon?" Mahina kong bulong sa sarili ko.

Napagpasyahan naming pumunta na lamang sa mall para maghanap ng pupwedeng iregalo


sa kambal. Hindi naman ako nahirapang maghanap ng ireregalo sa kanila. Madali lang
naman kasing regaluhan ang mga lalaki kasi wala silang arte sa katawan. Hindi tulad
naming mga babae na kahit split ends ay pinapansin.

Kasama na rin namin sila Travis at iba pa. Madilim ang tingin sa akin ni Travis ng
dumating siya kanina. Aaminin ko, namiss ko ang kakulitan niya kahit papaano. Kapag
nga wala akong magawa tinigtignan ko ang mga picture niya sa phone ko habang
nagpapatugtog ako ng Hindi Kita Malilimutan na kanta.

"I miss you." Bulong niya sa akin habang abala ang iba sa kanya-kanya nilang buhay.
Mahigpit siyang nakaakbay sa akin na akala mo'y mawawala ako ng wala sa oras.

"Di kita namiss, ang pangit mo kasi." Sagot ko sa kanya. Ngumuso lamang siya at mas
lalo pang humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Okay." Kunwaring nagtatampong sabi niya. Napangiti naman ako ng wala sa oras. He
looks so damn cute!

"Joke lang, namiss kita ng kapiraso." Sabi ko sa kanya sabay kurot sa tagiliran
niya. Nakita ko namang pinipigilan niya ang ngumiti.

"Wala, sabi mo di mo ko namiss!" Pag-iinarte pa niya.

"Namiss nga kita, niloloko lang naman kita." Natatawa kong sabi sa kanya.

Buong araw kaming nagkulitan ni Travis at hindi niya ako tinigilan sa panlalandi
niya. Sinusulit niya ang mga oras na kasama niya ako at aaminin kong napasaya niya
ako.

I sighed.

Why am I doing these things? Bakit ba parang wala siyang ginwa sa akin at madali ko
lamang siyang tinanggap? Aaminin ko na masakit ang ginawa niya sa akin noon at
talagang kinamumuhian ko siya. Pero bakit ganito? Bakit parang ang dali ko lamang
siyang tinanggap sa buhay ko?

Mahal ko pa rin ba siya? Shit, no.


"Wala ba akong goodbye kiss?" Nabali lamang ang pag-iisip ko ng magsalita si
Travis. Nasa tapat na kami ng bahay ko at hindi na muna niya ako pinababa dahil
nilalandi pa rin niya ako.

"Oo na, ito na." Sabi ko sabay flying kiss sa kanya. Sumimangot naman siya at
tinawanan ko lamang siya.

"Iyong totoong kiss kasi." Parang batang sabi niya habang ngumunguso-nguso pa siya.

"Bakit? Peke ba iyon?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Tsk, bilis na!" Naiinis niyang sabi. Tumawa lang ako at tsaka ko siya hinalikan sa
labi pero hindi iyon agad naputol dahil lumalim pa ang paghahalikan naming dalawa.
He cupped my face and kissed me gently. Mabagal iyon at parang inuudyukan niya
akong gayahin kung ano ba ang ginagawa niya.

I couldn't help not to moan on his mouth when his tongue play with mine. His good,
no he's really great at this. Marahan ko siyang itinulak ng ayaw pa rin niyang
tumigil sa ginagawa niya.

"T—Tama na, sobra ka na!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin
at tsaka ako pinakatitigan sa mga mata.

"I love you." Diretso at walang pag-aalinlangan niyang sabi. Naramdaman ko naman
ang biglang pagbilis ng pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang
isasagot ko sa kanya dahil ayoko siyang paasahin at ayokong lokohin ang sarili ko.

"Sige na pumasok ka na sa loob." Kaswal niyang sabi. Pilit lamang akong ngumiti sa
kanya at tsaka lumabas ng sasakyan niya. Pinanood ko lamang na umalis ang sasakyan
niya hanggang sa hindi na iyon matanaw ng mga mata ko. Pumasok na ako sa loob at
agad akong nagtaka kung bakit parang wala tao roon. Tahimik akong umakyat sa taas
para magpahinga pero natigilan ako ng mapadaan ako sa kwarto ng mga magulang ko.

"We should leave the country, Gerry!" Napakunot ang boses ko ng marinig ko ang
boses ni Mommy. Mukhang nagtatalo na naman silang dalawa. Hindi ko alam kung bakit
pero parang gusto kong marinig ang pinagtatalunan nilang dalawa. Kung bakit simula
ng umuwi kami rito sa Pilipinas ay lagi na lamang silang nagtatalo. Minsan na akong
dinalaw ng kursinidad pero ngayon, malalaman ko na kung bakit ba pilit na gusto ni
Mommy na manirahan sa ibang bansa.

"We are not leaving the country, okay?!" Mataas na ang boses ni Daddy at alam kong
galit na rin siya.

"Gerry! Ayaw kong mawala ka sa amin ng mga anak natin! Please, Gerry. Bumalik na
lang tayo sa America!" Nabasag ang boses ni Mommy at mas lalong napakunot ang noo
ko.
Mawala? Bakit naman mawawala si Daddy sa amin?

"Kung malaman man nila, tatanggapin ko kung ano ang ihahatol nila. Gabi-gabi na
lang akong nakukunsensya at hindi na ako matahimik. Gusto ko ng sumuko pero kayo
ang iniisip ko! Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako!" Basag na rin ang boses
ni Daddy habang sinasabi niya iyon. Bumilis ang pintig ng puso ko at pakiramdam ko
ay sasabog iyon sa kaba.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kabang nararamdaman ko pero parang
may dapat akong malaman.

"Hindi mo ginusto ang nangyari, hindi mo ginustong mapatay si Celestine. Hindi mo


ginusto ang aksidente at walang may gusto noon! Please, Gerry. Bumalik na tayo sa
America!"

Napaawang ang mga labi ko at dahan-dahan kong naramdaman ang pagtulo ng mga luha
mula sa mga mata ko ng dahil sa narinig ko. Agad na napatakip ang kamay ko sa bibig
ko upang pigilan ang pag-iyak ko. Nanghihina ako, nanghihina ako sa narinig ko at
gusto kong isipin na panaginip lamang ito at hindi ito totoo. Na nagsisinungaling
lamang si Mommy at mali ang narinig ko.

Hindi ito totoo.

Hindi.

"Gerry, please. Ayokong mawala ka sa amin. Please, Gerry. We need to come back in
America. Pinaimbestigahan ulit ni Arthur ang nangyari dahil mayroon siyang nakitang
mali sa mga dokumento ni Celestine. Please, Gerry." Umiiyak na sabi ni Mommy.

Agad akong tumakbo sa kwarto ko at doon ay pinakawalan ko ang mga hikbi na kanina
ko pa pinipigilan. Ayokong maniwala sa narinig ko at gusto kong isipin na mali iyon
at hindi iyon totoo.

Tama, panaginip lamang ito. Isa lamang itong bangungot at hindi ito totoo. Daddy
did not kill Tita Celestine, he did not.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================
Chapter Fifty Three

FIFTY THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Ilang minuto akong naghintay sa labas ng bahay nila Travis. Hindi na alintana sa
akin kung malamig ba o hindi, ang mahalaga ay makita ko siya ngayon. Marahan kong
pinahid ang mga luhang kanina pa patuloy na tumatakas sa mga mata ko. Gusto kong
magwala, gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Nanghihina ako sa nalaman ko at
para bang gusto ko na lang biglang maglaho sa mundong ito.

Ang sakit, sobra.

Ang sakit na malaman na ang sarili mong ama ang may kagagawan kung bakit naging
magulo ang lahat. Kung bakit naging komplikado ang mga simpleng bagay sa paligid
mo. Isipin ko mang panaginip lamang ang lahat ng ito, pilit namang pumapasok sa
isipan ko na totoo ito. Na hindi mali ang narinig ko at dapat kong tanggapin ang
katotohanang ito.

Pero hindi ko kaya, hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng ito. Mas gugustuhin ko
na lamang ang mamatay kesa sa ganito. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay
Travis ang nalaman ko. Hindi ko alam, wala akong ideya dahil sa ngayon, gulong-gulo
ang isipan ko. Ang mahirap mamili sa dalawa at ito ang pilit kong iniiwasan, ang
mamili sa dalawan napakaimportanteng bagay sa iyo. Ang pamilya ko o si Travis?

"Jeorge?" Agad akong napalingon sa lalaking nagsalita sa may likuran ko. Walang
sabi-sabi ko siyang niyakap ng mahigpit ng makita ko siya. Ibinaon ko ang mukha ko
sa dibdib niya at doon ay umiyak.

"What happened, Jeorge?" Mahina niyang sabi. Bakas sa tono ng boses niya ang pag-
aalala. Hindi naman ako sumagot at mahigpit ko lamang siyang niyakap. Alam kong
hindi pa niya alam ang lahat ng ito, dahil kung alam na niya. Sigurado akong
kamumuhian niya ako, sigurado akong magagalit siya sa akin. At iyon ang kinatatakot
ko, ayoko mang aminin sa sarili ko pero alam kong mayroon pa akong nararamdaman
para sa kanya.

Siya lamang ang lalaking minahal ko ng ganito at hindi mahirap ang mahalin ang
isang tulad niya.

"Jeorge, tell me. What happened? Ayokong makita kang umiiyak." Nag-aalala niyang
sabi. Inihiwalay niya ako sa kanya at tsaka pinakatitigan sa mga mata. He cupped my
face and gently wiped my tears away.

"What's wrong? Tell me." He says in a very low voice. Pilit naman akong ngumiti sa
kanya at tsaka umiling.
"I know there's something wrong, tell me. What is it?" Ani niya habang patuloy pa
rin niyang pinapahid ang mga luha ko.

"Pwede ba ulit kitang yakapin?" Nagawa kong sabihin sa kanya. Nakagat ko naman ang
ibabang labi ko ng maramdaman ko ang muling pagtakas ng mga luha ko mula sa mga
mata ko.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka pero kahit na ganoon ay niyakap niya pa rin ako
ng mahigpit. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap, basta ang alam ko
ay gusto ko lamang na nasa tabi ko siya. Na malapit lamang siya sa akin, na nandito
lang siya at hindi siya aalis sa tabi ko.

Inaya niya akong pumasok sa loob ng bahay nila at doon ay pinatahan niya ako. Pilit
niya akong tinatanong kung ano ba ang problema at kung bakit ako umiiyak. Tanging
pilit na ngiti lamang ang nagagawa kong isagot sa kanya. Hindi na rin niya ako
pinilit pang sabihin sa kanya kung ano ba ang problema ko. Inaya niya akong umakyat
sa kwarto nila ni Shaun at tumango lamang ako.

"Nasaan si Shaun?" Mahina kong tanong sa kanya. Mag-isa lamang kasi siya roon at
mukhang natutulog siya ng puntahan ko siya. Batay na rin sa suot niyang sando at
boxer shorts at sa magulo niyang buhok.

"Mayroon silang camping ng mga barkada niya, three days and two nights." Sagot
naman niya habang inaayos niya ang kama niya na medyo magulo.

"Pasensya na kung medyo magulo ang kwarto namin." Natatawa niyang sabi. Ngumiti
naman ako sa kanya.

"Sanay na ako, burara ka kaya." Sagot ko sa kanya. Ngumuso naman siya at tsaka
sumimangot na siyang ikinangiti ko.

"Tara nga dito, yayakapin kita ng mahigpit." Nakangiti niyang sabi at tsaka niya
ako dinala sa kama niya. Hinayaan ko lamang siyang yakapin ako mula sa may likuran
ko. Pinaulanan niya ng maliliit na halik ang balikat ko lalo na't nakasando lamang
ako ng pumunta ako rito sa bahay nila.

"Ang bango naman ng babe ko." Mahina niyang sabi habang nilalandi pa rin ako.
Siniko ko naman siya at narinig ko lamang ang paghalakhak niya.

"H'wag mo akong landiin, baka mahulog ka." Sabi ko sa kanya.

"Matagal na akong nahulog sa'yo, Jeorge." Sagot naman niya sa akin. Bigla ay
bumilis ang pintig ng puso ko at pakiramdam ko ay sasabog na naman ang sistema ko
ng dahil sa kanya. Kinikilig ka, Jeorge!

"E—Ewan ko sa'yo." Nauutal kong sabi sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla siyang
umalis sa pagkakayakap sa akin at tsaka tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"May ipapakita pala ako sa'yo." Sabi niya at tsaka pumunta sa may drawer na malapit
sa closet nila. Nakakunot lamang ang noo ko habang pinagmamasdan ko ang mga galaw
niya. Mayroon siyang kinuha na tatlong makakapal na photo albums at tsaka siya
bumalik sa pwesto niya kanina. Niyakap niya muli ako at tsaka iniabot sa akin ang
mga photo albums na kinuha niya.

"Tignan mo 'yang mga 'yan." Sabi niya sa akin. Binuklat ko naman iyong unang photo
albums na ibinigay niya. Mayroong nakalagay roon na, Travis and Shaun, 1996. Sa
tingin ko ay apat na taon na noon si Travis samantalang two years old pa lamang si
Shaun.

Sa unang pahina ay naroroon ang mga baby pictures ni Shaun na katabi si Travis. Mga
pictures na nakangiti sila habang nasa ibabaw sila ng kama.

"Ang cute n'yong dalawa ni Shaun." Sabi ko sa kanya.

"Gwapo na ngayon." Tumatawa niyang sabi. Mahigpit na nakapulupot ang mga braso niya
sa bewang ko habang nakapatong naman ang ulo niya sa kaliwang balikat ko.

Binuklat ko pa iyon at naroroon ang mga pictures nila na nagbabike silang dalawa,
na naglalaro sila sa swimming pool habang pareho silang buhat ni Tito Trav, habang
umiiyak si Shaun at nakangiti si Travis at mga pictures na kasama nila si Tita
Celestine.

"I miss Mommy." I heard him said. Nakagat ko na naman ang ibabang labi ko ng dahil
sa sinabi niya.

"Sorry, Travis." Mahina kong sabi sa kanya.

"Bakit ka naman nagsosorry?" Agad na tanong niya.

"Basta, sorry. Sorry sa lahat." Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko habang


sinasabi ko sa kanya iyon.

"Ako dapat ang magsorry. Dahil sinaktan kita, pinaiyak at dahil na rin naging gago
ako. H'wag kang magsorry kung wala ka namang nagawang kasalanan. Okay? Mahal na
mahal kita, tatandaan mo 'yan." Seryoso niyang sabi sa akin at tsaka niya dinampian
ng halik ang pisngi ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.

I'm sorry, Travis.


"I love you, forever." He whispers in my ear.

"Nakakainis ka naman, Travis!" Sabi ko sa kanya.

Narinig ko naman ang paghalakhak niya. "Bakit na naman? Nagsabi lang ng I love you,
nakakainis na. Ang gulo niyo talagang mga babae." Tumatawa niyang sabi. Muli ko
namang itinuon ang pansin ko sa photo album nila at saktong pagbuklat ko noon ay
picture ni Travis ang bumungad sa akin. Wala siyang saplot na kahit ano sa katawan
at kitang-kita ko ang dapat na hindi ko makita.

"Tangina." Narinig kong bulong ni Travis. Hindi ko naman napigilan ang hindi matawa
sa picture niyang iyon. Nakataas pa ang dalawa niyang kamay habang ngiting-ngiti na
nakatingin sa kamera.

"Ang liit naman pala." Natatawa kong sabi sa kanya habang nakatingin sa picture
niyang iyon.

"Malaki na 'yan ngayon! That was seventeen years ago!" Mariing giit niya.

"Weh? Baka nga ganito pa rin kaliiit 'yang kumpare mo eh." Natatawa ko pa rin na
sabi sa kanya. Nilingon ko siya at nakabusangot ang mukha niya. He looks cute!

"Ang liit talaga." Dagdag ko pa.

"Hindi na nga 'yan maliit! Kahit hawakan mo pa!" Ani niya. Nagulat naman ako ng
bigla niyang kinuha ang kamay ko at ipinatong iyon sa boxers niyang suot. Nanlaki
ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kumpare niya na buhay na buhay sa loob ng suot
niyang boxers.

"Travis!" Suway ko sa kanya sabay hampas sa braso niya.

"Ano? Maliit pa?" Parang nanghahamong niyang sabi.

"Oo na, hindi na!" Kunwaring naiinis kong sabi sa kanya. Sino ba naman kasing
matinong lalaki ang ipapahawak ang ano niya, hindi ba?! Kaasar lang.

"Sa susunod na sabihan mo ulit akong maliit, gagahasain na kita." Seryoso niyang
sabi sa akin.

"Di kakasuhan kita, mag-aaral na ako ng law!" Sagot ko naman sa kanya.

"Di kasuhan mo, atleast nagahasa kita." Tumawa siya pagkasabi niya noon.
"Ewan ko sa'yo! Ang bastos ng bibig mo kahit kailan, dapat diyan tinatahi para wala
ng lumabas na bastos sa bibig mo." Saad ko.

"Paano kita mapapaligaya kung tatahiin mo bibig ko? Aba, mapapasigaw ka sa sarap
kapag itong bibig ko nilandi ka." Ani niya at batid kong abot tenga ang ngiti niya
ngayon.

Kinurot ko naman iyong braso niyang nakayakap sa akin. "Siraulo ka talaga, kahit
kailan! Hindi pa ulit kita, sinasagot ha!" Naiinis kong sabi sa kanya. Para kasing
kung umasta na siya, akala mo kami na ulit. Sadyang malandi lang talaga siya,
Jeorge!

"Sus, doon din naman tayo papunta. Tapos papakasalan kita, tapos bubuntisin kita,
tapos magkakaroon tayo ng maraming anak. Tatanda tayo na magkasama at mamamatay
tayo na mahal natin ang isa't isa." Kaswal niyang sabi sa akin.

"Wow ha, planadong-planado!" Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Dapat lang, aba! Sasapakin ko ang pipigil sa pagmamahalan nating dalawa."

"Bakit? May sinabi na ba akong mahal na ulit kita?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala pa, pero ramdam ko naman iyon. Mahal mo ako at mahal din kita." Seryoso
niyang sagot sa akin. Pilit lamang akong ngumiti sa kanya at tsaka ko siya
seryosong pinakatitigan sa mga mata niya.

Kung sakali mang dumating ang panahon na malaman mo ang lahat, h'wag mo sana akong
kamuhian at sana, ganoon pa rin ang nararamdaman mo para sa akin dahil pakiramdam
ko ay mahal pa rin kita hanggang ngayon.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Fifty Four

FIFTY FOUR
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Bitiwan mo nga 'yan!" Iritable kong sigaw kay Travis ng makita kong hawak niya ang
bra at underwear ko. Nandirito kami ngayon sa unit ko at pupunta kami mamaya sa
Rancho para umattend sa birthday ng kambal. Simula kasi ng gabing iyon, naging
malayo na ako sa mga magulang ko. Gusto ko munang umiwas at makapag-isip ng maayos
kaya mas pinili ko muna na dito sa unit ko tumuloy. Hindi naman kasi madali para sa
akin na malaman ang ganoong kabigat na bagay. Naging komplikado ang lahat ng nasa
paligid ko at naiipit ako sa sitwasyong ito.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo o hindi, dahil kapag
sinabi ko ang totoo. Ang pamilya ko ang magdurusa at ayokong mangyari iyon.
Naguguluhan ako at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dapat kong gawin.
Ayokong dumating ako sa sitwasyon na kung saan, papipiliin ako sa dalawang bagay na
napakaimportante sa akin dahil hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila.

"Nice size." Nakangisi niyang sabi. Binatukan ko naman siya ng pagkalakas-lakas.

"Gago! Doon ka sa may sala at pumirmi ka lamang doon at maliligo ako!" Singhal ko
sa kanya.

"Bawal sumabay?" Nakangisi pa rin niyang sabi. Mas lalo naman akong nainis at
binato ko siya ng kung anong makuha ko sa gilid ko.

"Siraulo! Labas!" Muli kong singhal sa kanya. Tumatawang lumabas lamang siya ng
kwarto ko habang naririnig ko pa ang mga pang-aasar niya. Tumalima naman ako at
agad na kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo ko para maligo.

Binilisan ko lamang ang pagliligo ko dahil hindi ako kumportable na nasa labas
lamang ng kwarto ko si Travis. Simpleng white cocktail dress ang napili kong isuot
na mismong si Travis ang may regalo sa akin. Kasalukuyang nagbihis ako ng biglang
bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Travis.

Parang awtomatikong napairap naman ako sa hangin ng dahil sa pagpasok niya. Paano
kung wala pa akong suot tapos bigla siyang pumasok? Ang gago niya lang hindi ba?

Lumapit naman siya sa akin at siya mismo ang nagsara ng zipper sa may likuran ko. I
just muttered my thanks to him.

"You look hot, I wanna eat you." He whispers in my ear. Siniko ko naman iyong
sikmura niya ng dahil sa sinabi niya.

"Kung ikaw kaya ipakain ko sa mga bading?" Kaswal kong sabi sa kanya. Natahimik
naman ang loko sa sinabi ko at umupo lamang sa dulo ng kama ko at pinanood ang
galaw ko. Kinuha ko iyong makeup-kit ko at umupo sa harap ng salamin.
"Just put light make-up. I will remove that later, anyway." He says. I just rolled
my eyes.

"Opo, Mister." Sarkastikong sabi ko sa kanya. Hindi naman talaga ako mahilig mag
make-up. Kapag mayroong okasyon lamang ako nagmamake-up at mas gusto rin ni Travis
na light make-up lang dahil maganda na naman daw ako kahit ganoon lang ang ayos ko.

Pinatuyo ko ang buhok ko at hinayaan ko lamang na bumagsak iyon, mahaba na kasi ang
buhok ko at kulay blonde pa iyon kaya bagay lamang sa akin ang suot ko.

"Babe, ang hot mo tignan." Bulong ni Travis sa may likuran ko. Nakahiga siya sa
kama ko habang ang mga braso niya ay nasa likod ng ulo niya. Hinubad muna niya ang
coat niyang suot at nakaputing longslevees lamang siya ngayon.

"Tigilan mo ako sa panlalandi mo." Umiirap na sabi ko sa kanya at tsaka ko kinuha


ang bag ko. Nagvibrate ang cellphone ko at ng tignan ko iyon ay texts iyon ng mga
magulang ko. Pinatay ko lamang ang cellphone ko at inilagay iyon sa bag ko.

"Bakit? Nagpapalandi ka naman?" Nakangisi niyang sabi. Lumabas na kami ng kwarto ko


at dumiretso sa sala. Kinuha ko ang coat niya at ako mismo ang nagsuot sa kanya
noon.

"At bakit naman ako magpapalandi sa'yo, aber?" Nakataas ang kilay kong tanong sa
kanya. Sumimangot lamang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Minsan, ang sarap mong halikan para hindi na ako mabara." Nakanguso niyang sabi sa
akin. Lumabas na kami ng unit ko at tsaka dumiretso sa parking lot. Alas kwatro pa
lang naman ng hapon at mamaya pang gabi ang party nila kaya ayos lamang kung hindi
kami magmadali.

"Minsan, ang sarap namang tahiin iyang bibig mo para magtigil sa kakasabi ng mga
bastos na bagay." Mabilis kong sagot sa kanya. Binuksan niya ang sasakyan niya para
sa akin kaya pumasok na ako. Pinanood ko lamang siyang umikot at sumakay sa may
driver's seat.

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho. Katulad ng


dati pinapanood ko lamang siya habang seryoso siyang nagmamaneho.

"Travis." Mahina kong tawag sa pangalan niya.

"Hmmn?" Ani niya na hindi inaalis ang atensyon sa kalsada.

"Sa tingin ko mahal pa rin kita hanggang ngayon." Diretso at walang pag-aalinlangan
kong sabi sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla siyang magpreno at muntikan na
kaming bumangga sa sasakyang nasa may harapan namin.
"Ano ba, Travis! May balak ka bang magpakamatay?!" Hindi ko mapigilang masigawan
siya ng dahil doon. Mabilis ang pintig ng puso ko at pakiramdam ko kanina ay
katapusan ko na.

Narinig ko naman ang mahihina niyang mura habang nakatigil ang sasakyan sa gilid ng
kalsada. Mabilis pa rin ang pintig ng puso ko at gusto ko siyang sakalin ngayon din
hanggang sa mamatay siya! Bwisit!

"Kung may balak kang magpakamatay, h'wag mo akong idamay!" Inis kong bulyaw sa
kanya.

"What did you say?" Seryoso niyang sabi sa akin.

"Sabi ko, kung may balak—"

"No, the thing you said a while ago while I'm driving." Mabilis niyang sabi.
Natigilan naman ako bigla sa sinabi niyang iyon.

"Hindi ko na kasalanan kung bingi ka. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa'yo at
hindi ko na muling uulitin pa." Mataray kong sabi sa kanya. Gagong 'to! Muntik na
kaya akong mamatay kanina!

"Jeorge." Mahina ang boses niya na para bang nagmamakaawa siyang sabihin ko ulit
ang sinabi ko na kanina.

"Ano? Ayoko ngang—"

"Mahal kita." Mabilis niyang sabi na siyang nagpatigil sa akin. Naghumerentado ang
puso ko sa bilis ng tibok noon ng dahil sa sinabi niya.

Mabilis niya lamang akong hinalikan at tsaka muling binuhay ang makina ng sasakyan.
Sa buong biyahe ay hindi ko na nagawang magsalita dahil pakiramdam ko ay sasabog
ang sistema ko sa tuwing magsasalubong ang mga mata namin.

Nakarating kami sa Rancho De Montemayor ilang oras lamang ang lumipas. Wala pa rin
ang nagsasalita sa pagitan naming dalawa at aminin ko man o hindi, bigla akong
tinamaan ng hiya sa kanya.

"Let's go, they are all here." Ani niya ng maiparada na niya ang sasakyan sa labas
ng mansyon ng mga Montemayor. Bumaba na ako ng sasakyan niya at hindi ko mapigilan
ang hindi mamangha ng muli ko na namang masilayan ang mansyon ng mga Montemayor.

Napasinghap ako ng wala sa oras ng maramdaman ko ang braso ni Travis na mabilis na


pumulupot sa bewang ko.
"Let's go inside, it's cold here." Bulong niya sa tenga ko.

"O—Okay." Nauutal kong sagot sa kanya. Pumasok na kami at agad kaming sinalubong ng
ingay na nanggagaling sa loob.

Marami ng tao sa loob dahil magsisimula na rin ang party. Nang matamaan ko ang
grupo nila Din ay agad kaming lumapit sa kanila. Naroroon na silang lahat kaya
naman agad ko silang binati.

"Bro, pasok ka muna sa loob. Nandoon sila Tita at magpakita ka muna." Ani Shaun kay
Travis.

Lumingon muna siya sa akin at tsaka nagpaalam na babalik din siya agad. Baka raw
kasi mamiss ko siya agad kapag hindi ko siya nakita kahit ilang minuto lamang.

"Shit, Jeorge! Ang ganda mo." Ani Xander sabay halik sa pisngi ko.

"Isa ka pa, babaero!" Natatawa kong sabi sa kanya. Nagsimula na ang party kaya
napatayo kaming lahat dahil ipapakilala na ang mga birthday celebrants.

"So let us call the birthday celebrants." Sabi ni Felice na mukhang emcee sa party
ni Axcel at Aivan.

"Let us call for Axcel Montemayor and Aivan Montemayor!" Masiglang sabi ni Felice
at lahat ay nagpalakpakan ng umakyat na sa stage silang dalawa. Napangiti ako at
sumabay din sa mga taong pumapalakpak.

"Ang gwapo ng mga mokong." Sabi ni Din sa gilid ko. Nang maipakilala sila ay
nagspecch lamang sila saglit at nagsimula na nga ang party. Bumalik kami sa pwesto
namin at nagsimula ng kumain. Dumating si Axcel kasama si Thalia kaya agad akong
napatingin kay Heena na tahimik lamang na kumakain. Maya-maya pa ay naroroon na rin
si Aivan kaya binati namin silang dalawa ng 'Happy Birthday'

"Sorry kung natagalan." Biglang sabi ni Travis sa gilid ko. Umupo siya sa tabi ko
at nagsimula na ring kumain. Masaya kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan doon. Si
Travis naman ay humirit na manigarilyo kaya pinagbgiyan ko. Hindi naman siguro
masama na pabigyan siya paminsan-minsan.

"CR lang ako." Bulong ko kay Travis.

"Samahan na kita." Ani niya at akmang tatayo na ng pigilan ko.

"I can handle myself, babalik din agad ako." Sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at
pumunta sa pinakamalapit na comfort room. Saglit lamang ang itinagal ko roon at
lumabas din agad ako pero hindi pa ako nakakalayo roon ng may biglang humablot sa
akin at hapitin ako papalapit sa kanya.

"I already miss you." He says while looking directly at me. I could even smell his
breath on my face, it was a mixture of alcohol and cigarette but it still smells
good for me.

I was about to say something when he gently kissed my lips. I automatically


answered his kisses without any doubts. I clung my arms around his neck and he
pressed his body against mine. I couldn't help not to moan because of the pleasure
he is giving to me.

"T—Travis." I felt his lips traveled down my neck. I moaned again.

"I can't stop." He says between his kisses. I closed my eyes and feel the foreign
pleasure I am feeling right now. Maybe the effects of alcohol added fuel to our
kisses and right now, I think I can't stop too.

"We can't." I whispered to his ear and I let him carried me away.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Fifty Five

FIFTY FIVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Naramdaman ko ang paglapat ng likuran ko sa malambot na kutson ng kama. Wala akong


ideya kung paano kami nakarating dito, basta ang alam ko lamang ay gusto ko ang
nangyayari ngayon. Na gusto ko ang ginagawa niya sa akin.

"Hmmn." Ungol niya ng muli na naman niyang angkinin ang mga labi ko. Bumaba ang mga
labi niya sa gilid ng mukha ko pababa sa leeg ko. Nakapikit lamang ang mga mata ko
habang ginagawa niya iyon. Sa buong buhay ko, ngayon ko lamang iyon naranasan at
aaminin ko, gusto ko iyon.

Naramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko at napakagat ako sa ibabang


labi ko ng bigla niya iyong pisilin. Mas lalo pang humigpit ang braso ko na
nakayakap sa leeg niya at nasasabunutan ko na ang buhok niya dahil sa mga ginagawa
niya.

Muling bumalik ang mga labi niya sa mga labi ko at inangkin niya iyon ng walang
pag-aalinlangan. Sinagot ko naman iyon katulad ng paghalik niya sa akin. Pakiramdam
ko ay nakaespesyal kong babae dahil sa mga ginagawa at ipinaparamdam niya sa akin.

I feel safe.

I feel loved.

Hindi ko alam kung ilang minutong magkalapat ang mga labi namin, basta ang
pakiramdam ko ay ayaw kong tumigil at ayokong tumigil ang nangyayari sa aming
dalawa pero hindi, bigla siyang tumigil na siyang ikinagulat ko. Gusto kong
magprotesta sa pagtigil niya pero ng tignan ko ang mga mata niya ay punong-puno
iyon ng kahulugan.

"We shouldn't doing this, Jeorge." Seryoso niyang sabi sa akin at tsaka umalis sa
ibabaw ko at umupo sa gilid ng kama. Naririnig ko ang paghinga niya ng malalim at
bakas doon na kahit gusto niya ay pinipigilan niya ang kanyang sarili niya.

"I respect you, I don't want to take advantage of your weakness. Mahal kita."
Mahina niyang sabi. Naramdaman ko naman ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga
mata ko ng dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam na mayroon pa lang ganitong ugali si Travis. Kung ibang lalaki siya,
they will take advantage of me. Pero siya hindi, he respects me and he loves me.
Hindi ko napigilan ang hindi siya yakapin mula sa likuran niya.

"Susubukan kong pigilan ang sarili ko sa susunod kahit na alam kong hindi madali.
Okay? Sorry na." He says in a very low voice. Humarap siya sa akin at niyakap din
ako ng mahigpit.

"Nakakainis ka naman eh." Parang batang sabi ko sa kanya. Naramdaman kong hinalikan
niya ang tuktok ng ulo ko.

"Hindi na nga mauulit, pipigilan ko na ang sarili ko. Maghihintay ako kung kailan
mo gusto." Mahina niyang sabi sa akin.

Mahina ko namang hinampas iyong dibdib niya. "Kakayanin mo ba?" Sabi ko sa kanya.

"Kakayanin ko para sa'yo. Mahal na mahal kita." Sabi pa niya sa akin. Lihim akong
napangiti dahil doon. Kung lahat lang sana ng mga gagong lalaki ay mayroong
ganitong ugali, di sana maraming babae ngayon ang hindi nasasaktan at masasaktan.
"Tara na, hangga't nakakapagpigil pa ako. Baka mamaya niyan buntis ka na sa susunod
na araw." Humahalakhak niyang sabi. Kinurot ko naman iyong tagiliran niya.

"Gago!" Nakasimangot pero medyo nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi ko kasi
mapigilan ang hindi kiligin kapag nilalandi niya ako.

Ang landi kasi ng Montemayor na 'to.

Bumaba kami mula sa itaas at nasalubong namin ang iilang bisita. Saglit lamang
silang binati ni Travis at tsaka kami dumiretso sa garden kung saan naroroon sila.

"Ehem, ano pong ginawa niyo?" Puna ni Din sa amin. Lumipad ang mga tingin nila sa
kamay namin ni Travis na magkahawak.

"Wala naman, nagmomol lang." Kaswal na sagot ni Travis. Nanlaki naman ang mga mata
ko at mahina ko siyang hinampas sa braso niya.

"Nice bro." Ani Xander sabay apir kay Travis. Umirap lamang ako sa hangin at muling
umupo sa upuan ko.

"Ang gulo ng lipstick mo girl." Sabi ni Heena sa akin. Nanlaki naman ulit ang mata
ko at nakalimutan kong mag-ayos! Shit, ano na lang ang sinabi ng mga bisitang
nakasalubong namin kanina? Dammit.

"Bakit hindi mo sinabi kanina na magulo ang itsura ko?!" Inis kong sabi kay Travis.
Ningisian naman niya ako sa sinabi ko.

"Magugulo rin naman 'yan." Sabi niya sa akin at tsaka ako mabilis na hinalikan.
Muli na namang napapikit ang mga mata ko at parang awtomatikong sinagot ang mga
halik niya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing hahalikan niya ako ay nadadala ako.
Pakiramdam ko ay parang isang drugs ang mga labi niya at naadik na ata ako.

"Get a fucking room, dude!" Rinig kong sigaw ni Xander. Pinutol naman ni Travis ang
paghahalikan namin at ningisian lang sila. Pakiramdam ko naman ay pulang-pula na
ang mukha ko ng dahil sa ginawa namin.

Wala na Jeorge, bumigay ka na ulit!

Muli siyang humarap sa akin at pinahid ang gilid ng labi ko. "I like your lips
without lipstick." Ani niya habang nakangiti ng maluwag.

"Sabihin mo, gusto mo lang akong halikan." Umiirap na sagot ko sa kanya. Humalakhak
lamang siya sa naging sagot ko sa kanya. Umakbay lamang siya sa akin habang
nakikipag-inuman sa mga pinsan niya. Sa una ay naiilang ako pero ng lumaon ay
nasanay na rin ako. Minsan ay hahawakan niya ang kamay ko at paglalaruan ang mga
daliri ko habang busy naman siyang makipagkwentuhan sa mga pinsan niya.

"Kayo na ba ulit?" Tanong ni Din sa akin. Natigilan naman ako sa tanong niyang
iyon. Kami na nga ba? O malanding ugnayan lang?

"Oo kami na ulit." Napalingon naman ako kay Travis na siyang sumagot sa tanong ni
Din. Anong kami na? Sino ang may sabi?

"Ayy, taray naman pala." Ani Din sabay irap sa aming dalawa. Binalingan niya si
Heena na kanina pa tahimik. Doon ko lamang napansin na kausap pala ni Axcel si
Thalia na dati niyang girlfriend.

"Bubugbugin ko 'to mamaya si Axcel." Bulong ko sa sarili ko. Humigpit naman ang
akbay sa akin ni Travis kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit? Nagseselos ka sa kanya?" Nakasimangot niyang sabi sa akin. Tinaasan ko


naman siya ng kilay.

"At bakit naman ako magseselos sa kanya? Boyfriend ko ba siya? Kaya ko nasabing
bubugbugin ko siya kasi lumalandi siya sa harap ni Heena!" Diretso kong sabi sa
kanya pero hindi pa rin naaalis ang pagkalukot ng mukha niya.

"Hayaan mo siya, tuli na 'yan at hindi na bata 'yan." Nakasimangot pa rin niyang
sabi. Binatukan ko naman siya.

"Para ka kamong sira, nagseselos ka ano?" Nakangisi kong sabi.

"Oo, nagseselos ako." Diretso naman niyang sagot. Pinisil ko naman iyong ilong niya
habang nakangiti ako. Ngumuso lamang siya habang nakasimangot pa rin.

"H'wag ka ngang magpacute!" Sabi ko sa kanya habang pinipigil ko ang ngiti ko.
Kainis, kinikilig ako!

"Di naman ako cute, gwapo ako." Sabi niya pa sa akin habang ngumingiti. Natawa
naman ako sa itsura niyang iyon. Ang gwapo ni Travis!

"Oo na!" Sabi ko na lang sa kanya.

"Hoy, lumayas-layas nga kayo sa harapan namin!" Biglang sigaw sa amin ni Xander.
Mabilis namang lumipad ang middle finger ni Travis sa ere. Humalakhak lamang sila
at binato kami ng ilang chips ng junk foods.
"Mga inggetero!" Ganting sigaw ni Travis sa kanila. Ngumiti lamang ako habang
pinapanood ko siyang makipagkulitan sa mga pinsan niya. Hinayaan ko lamang na
lumipas ang mga oras na kasama ko siya. Wala siyang ibang ginawa kung hindi
patawanin, pasayahin at kulitin ako. Naroroon iyong bigla niyang akong hahalikan
tapos tatakbo na parang bata at magpapahabol sa akin. O kaya naman bigla na lang
siyang tatayo tapos sasayawan ako habang tinataas niya iyong suot niya at
ipinapakita iyong abs niya at v-line niya.

"Matulog ka na nga, lasing ka na." Bulong ko kay Travis ng mapansing kong pulang-
pula na iyong mukha niya.

"Ayoko pa, hindi pa ako lasing." Mabilis niyang sagot sabay tungga sa bote ng beer
niya.

"Matulog ka na sa taas, tignan mo nga iyong iba natutulog na sa loob. Tsaka anong
oras na!" Sabi ko pa sa kanya.

"Sige, matutulog na ako pero dapat tabi tayo." Nakangisi niyang sabi. Umirap naman
ako sa hangin.

"Oo na, oo na!" Sagot ko na lamang sa kanya. Inalalayan ko siyang pumasok sa Rancho
habang kumakantakanta pa siya ng It Will Rain ni Bruno Mars.

"H'wag ka ng maingay diyan! Baka may makarinig pa sa'yo!" Natatawa kong sabi sa
kanya habang kumakanta-kanta pa siya.

"At bakit?! Bahay ko rin naman 'to ah! Mag-iingay ako kung kailan ko gusto!" Sagot
niya. Tinakpan ko na lang iyong bibig niya para hindi na siya makapag-ingay. Laking
pasalamat ko ng makarating kami sa kwarto niya ng maayos. Mayroon kasi silang
kanya-kanyang mga kwarto rito sa mansyon na siyang ipinasadya ng kanilang Lolo
Gabriel. Para kahit anong oras ay maaari silang pumunta sa Rancho.

"If you ever leave me baby!" Pasigaw niyang kanta ng maihiga ko na siya sa kama
niya.

"Tumigil ka na nga sabi, ang kulit!" Inis kong sabi sa kanya habang tinatanggal ko
ang sapatos niya. Sinunod ko namang tanggalin ang coat niyang suot.

"Babe, manyak ka ha! Hinuhubaran mo ako!" Tumatawa niyang sabi habang nakapikit na.
Ang hirap naman palang malasing ang gagong 'to.

"Ang kapal ng mukha mo, Montemayor." Sabi ko sa kanya. Hinubad ko na iyong suot
niyang longsleeves at buti na lamang ay nakasando siya kaya ayos lang.

"Hubarin mo na 'yang pantalon mo para makatulog ka na. Ang baho-baho mo! Amoy alak
ka!" Sabi ko pa sa kanya. Sinunod naman niya ako at hinubad niya ang pantalon niya.

"Ang init, ang init!" Sabi niya habang lukot ang mukha niya.

"Buhusan kita ng tubig, gusto mo?" Sabi ko sa kanya.

"Basta ang init!" Iyon lang ang sinasabi niya habang parang bulate siyang hindi
mapakali sa ibabaw ng kama. Umirap lamang ako sa hangin at tsaka dumiretso sa banyo
niya. Kinuha ko lamang saglit ang pamalit kong damit at tsaka nagpalit. Hindi naman
ako uminom at juice lang ang ininom namin ni Heena. Si Din kasi nakipagsabayan sa
mga pinsan niya kaya siya ang unang tumumba.

Bumalik ako sa kama niya at nakita kong tulog na tulog na siya. Mahina pa siyang
humihilik kaya sigurado akong tulog na tulog na siya. Tumingin ako sa wall clock na
nakasabit sa may gilid at alas dos na rin ng madaling araw. Tumabi na lamang ako sa
kanya at hinayaan ko na lamang na dalawin ako ng antok hanggang sa makatulog na
ako.

NAGISING ako kinabukasan sa silaw ng araw ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti-
unti akong nagmulat ng mata at agad na nilingon si Travis na nakayakap sa akin at
mahimbing pa rin ang tulog. Napangiti ako ng wala sa oras ng makita ko ang maamo
niyang mukha na tulog na tulog.

Dahan-dahan akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto ni Travis. Nadatnan ko sila


sa baba na mga gising na. Iyong iba ay hawak pa ang kanilang ulo na marahil ay
sumasakit dahil sa kakainom kagabi.

Nagbreakfast lamang kami saglit at pagkatapos ay nag-aya silang libutin ang Rancho.
Tumango lamang ako dahil tiyak ko namang mamaya pa magigising si Travis. Naglibot-
libot lang kami sa buong Rancho at ng mapagod ay bumalik din kami agad.

Huminga ako ng malalim.

Pakiramdam ko ay mayroong hindi magandang mangyayari ngayon araw. Hindi ko alam


kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero simula ng gumising ako ay ang bigat-
bigat na ng dibdib ko.

You're just paranoid, Jeorge. Stop overthinking!

"Wala ka sa tabi ko ng gumising ako." Nabali lamang ang pag-iisip ko ng makita ko


si Travis na pababa na ng hagdan. Ganoon pa rin ang suot niya at ang aga-aga ay
nakabusangot ang mukha niya.

Nilapitan ko naman siya agad. "H'wag ka ng sumimangot, hindi na kita ginising dahil
alam kong lasing ka kagabi." Sabi ko sa kanya.
"Smile na, kikiss kita." Dagdag ko pa sabay halik sa pisngi niya. Nag-iwas naman
siya ng tingin at sa palagay ko ay namumula ang mukha niya.

"Sa susunod gigisingin mo na ako, ha?" Sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya at
tsaka tumango.

"Oo na, sige na kumain ka na."

"Samahan mo ako." Ani niya. Hindi na lang ako sumagot at sinamahan ko na lamang
siyang kumain. Tahimik ko lamang siyang pinapanood habang kinakausap niya ako.
Minsan ay tango lamang ang isinasagot ko sa kanya at minsan ay wala.

"You're quiet." Puna niya.

"Gusto ko ng umuwi." Diretso kong sabi sa kanya. Dapat ay bukas pa kami uuwi pero
napagpasyahan kong umuwi na lang ngayon. Ilang araw ko na rin na hindi nakikita ang
mga magulang ko.

"Alright, I will just finish this then we'll go home." Ani niya. Tumango lamang ako
sa sinabi niya.

Pagkatapos niyang kumain ay nag-ayos lamang kami saglit para umuwi na rin. Tahimik
pa rin ako at wala akong imik sa biyahe naming dalawa.

"May problema ba?" Tanong niya sa akin. Saglit ko siyang sinulyapan at tsaka
umiling.

"Kanina ka pa tahimik, ano bang iniisip mo?" Saad niya at tsaka niya marahang
hinawakan ang kamay ko.

"Wala, iniisip ko lang ang mga susunod na mangyayari." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Hindi pa naman kita bubuntisin, h'wag ka mag-alala." Nakangisi naman niyang sabi
sa akin.

"Para ka namang sira." Sagot ko sa kanya at tumawa lamang siya sa sinabi ko. Laking
pasalamat ko at kasama ko ang lalaking ito, kung hindi baka nabaliw na ako sa
sobrang pag-iisip.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil lagi niya akong kinakausap at pilit niyang
inaalis ang iniisip ko kanina.

"Malapit na tayo." Sabi niya ng pumasok na kami sa pribadong village namin. Itinuon
ko lamang ang atensyon ko sa daang tinatahak namin hanggang sa matanaw ko na ang
labas ng bahay namin.
"Bakit maraming sasakyan?" Napakunot ang noo ko ng matanaw ko ang maraming sasakyan
sa may labas ng bahay namin. Bigla akong kinabahan ng dahil doon at agad kong
naramdaman ang pagbilis ng pintig ng puso ko.

"Ano'ng meron sa inyo? Bakit may media?" Tanong sa akin ni Travis. Hindi ko na
nagawang masagot ang tanong niya dahil pinangunahan na ng kaba ang dibdib ko. Dali-
dali akong bumaba ng maiparada na ni Travis ang sasakyan sa may harapan ng bahay
namin.

Agad na nagsilapitan ang mga reporters sa akin at hindi ko alam kung ano ang
gagawin ko. "Kayo po ba ang anak ni Mr. Gerry Rivas? Ano pong masasabi n'yo sa pag-
amin ng ama niyo sa nagawa niyang kasalanan?" Mabilis na sabi ng reporter. Doon ako
natigilan at doon ay para akong nawalan bigla ng lakas. Dumating na iyong
kinatatakutan kong bagay.

"Jeorge?" Narinig ko ang boses ni Travis sa may likuran ko at agad siyang dinumog
ng mga reporters.

"Mr. Montemayor, ngayong alam n'yo na po kung sino ang may dahilan sa pagkamatay ni
Mrs. Celestine Montemayor na inyong ina, ano po ang reaksyon n'yo?" Tanong sa kanya
ng mga reporters. Doon ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko mula sa mga mata ko.

It's over, wala na.

"Wait, ano po bang mga pinagsasabi niyo?" Naguguluhan niyang tanong sa mga
reporters. Pinilit niyang makawala sa kumpol ng mga reporters para makalapit sa
akin. Wala akong magawa kung hindi ang tumayo lamang roon at umiyak dahil
pakiramdam ko ay wala na akong lakas pa. Pakiramdam ko ay bigla na lamang akong
bibigay dahil sa biglaang nangyayari ngayon.

"Jeorge, ano bang mga sinasabi nila? Bakit involve dito ang Mommy ko?" Sunod-sunod
niyang tanong sa akin. Hindi ko magawang sagutin ang mga tanong niya, hindi ko
magawang sabihin na ang Daddy ko ang dahilan ng pagkamatay ng Mommy niya. Hindi ko
kayang sabihin dahil wala akong lakas para sabihin iyon at tanging pag-iyak lamang
ang nagawa kong isagot sa kanya.

"T—Travis."

"Jeorge, ano bang nangyayari? Naguguluhan ako." Sabi pa niya.

"Travis, my Daddy is—" Hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin ko ng lumabas


na si Daddy mula sa bahay namin. Mas lalo akong napa-iyak ng makita kong nakaposas
ang mga kamay niya at mayroong tatlong pulis sa magkabila niyang gilid. Nakita ko
na rin si Mommy na umiiyak habang pilit na pinipigilan ang mga pulis na dakpin si
Daddy.
"W—What's the meaning of this, Jeorge?" Tanong niya sa akin. Bakas sa mukha niya
ang gulat at pagtataka pero kitang-kita ko rin na mayroon na siyang ideya sa mga
nangyayari.

"Travis, I'm sorry." Iyon lamang ang nagawa kong isagot sa kanya.

"Sorry, sorry, sorry." Paulit-ulit kong sabi habang patuloy ang pag-bagsak ng luha
mula sa mga mata ko.

"Y—Your Dad? Siya ang may kagagawan kung bakit namatay ang Mommy ko?" Tanong niya
sa akin. Tinignan ko ang mga mata niya at mayroon na ring namumuong luha roon.

"Travis, I'm sorry. Patawarin mo ako." Umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Alam mo ang lahat ng ito, Jeorge?" Ani niya sa mahina ngunit mariin na tono. Bakas
sa pananalita niya ang galit at pagkasuklam. Mariin niyang hinawakan ang magkabila
kong balikat at alam kong galit siya. Hindi ako sumagot at tanging pag-iyak lamang
ang nagawa ko.

"Putang ina, Jeorge! Sumagot ka! Alam mo ba ang lahat ng ito?! Alam mo ba na ang
Daddy mo ang may kagagawan kung bakit namatay ang Mommy ko?!" Galit na galit niyang
sigaw sa akin. Umiiyak na tumango ako sa sinabi niya at alam kong sa puntong iyon,
unti-unti ng nawawala ang mga bagay sa pagitan naming dalawa ni Travis.

"Travis—I'm sorry." Iyon lamang ang nagawa kong sabihin. Bumitiw siya sa
pagkakahawak sa magkabila kong balikat at nakita ko ang mariing pagpikit ng mga
mata niya na para bang pilit niyang ipinapasok sa isipan niya ang mga sinabi ko.

"I hate you, Jeorge." Iyon lamang ang sinabi niya at tsaka niya ako mabilis na
tinalikuran.

"Travis!" Hinabol ko siya pero agad siyang nakasakay sa sasakyan niya at mabilis
iyong pinaandar palayo sa pwesto ko.

Everything between the both of us is now over.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================
Chapter Fifty Six

FIFTY SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Jeorge, sigurado ka bang ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Din habang
malungkot siyang nakatingin sa akin. Marahan ko namang pinahid ang luha ko at tsaka
pilit na ngumiti sa kanya.

"Ayos lang ako, Din." Sagot ko sa kanya. Nang malaman kasi niya ang nangyari ay
agad siyang pumunta sa bahay kasama si Heena, Felice at Rissa. Nabigla sila sa
nalaman nila at muling nagkaroon ng preliminary investigation tungkol sa
aksidenteng nangyari kay Tita Celestine. Hindi naman nagbago ang tingin nila sa
akin at ako pa rin naman iyong kaibigan nila. Lagi nilang sinasabi sa akin na wala
akong kasalanan at hindi ko rin naman ginusto ang nangyaring aksidente.

"Uuwi na kami, sigurado kang ayos ka lang? Bukas naman pupuntahan ka namin ulit
dito." Mahinang sabi ni Heena.

"Ano ba kayo, ayos lang ako! Salamat sa pag-aalala n'yo sa akin, kahit papaano ay
gumaan ang loob ko sa mga pagpapatawa niyo sa akin kanina." Pinilit kong magmukhang
masaya sa harap nila. Ayokong pati sila ay maapektuhan sa nangyayari ngayon. Tamang
ako na lang ang magdusa, h'wag na sila.

"Oo, girl. Kahit mas feeling dyosa ka sa amin, mahal ka pa rin namin!" Nakangiting
sabi ni Din sa akin. Niyakap nila ako ng sabay at pagkatapos noon ay hinatid ko na
sila sa may labas.

"Tawagan mo na lang kami kung kailangan mo ng karamay, ha? Andito lang kami para
sa'yo." Ani Heena. Niyakap ko naman silang apat bago sila umuwi. Hindi muna agad
ako pumasok sa loob at hinintay kong mawala sa paningin ko ang sasakyan nila.

Nang masiguro kong wala na sila ay pumasok na ako sa loob. Nakakabibinging


katahimikan ang sumalubong sa akin ng pumasok ako sa loob. Wala si Mommy at nasa
bahay siya ngayon ni Kuya Jake. Panay kasi ang iyak niya dahil nakakulong na ngayon
si Daddy. Si Kuya Jake ang nag-aasikaso ng kaso ni Daddy habang si Eugine naman ay
hindi ko alam kung nasaan. Mag-isa lamang ako ngayon sa bahay at hindi ko alam kung
ano ba ang dapat kong gawin.

Pilit na bumabalik sa isipan ko ang mukha ni Travis ng umalis ito kanina. Bakas sa
mukha niya ang galit at pagkamuhi. Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon ang
magiging reaksyon niya.

My dad was the reason why his mom died.

Hindi ko mapigilan ang muling mapaiyak dahil sa sitwasyon kong ito.


Napakakumplekado ng lahat at naiipit ako sa sitwasyong ito.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, hindi ko alam dahil naguguluhan na
ako. Gulong-gulo at gusto ko na lamang mapatanong kung bakit sa dami ng tao ay ako
pa ang nabigyan ng ganitong sitwasyon.

"I need you now, Travis." Bulong ko sa hangin kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.
I badly need him right now, pero alam kong hindi pwede.

Galit siya sa akin at marahil ay sa pamilya ko.

Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ay nagpatuloy ang pag-iyak ko. Kinuha ko ang
cellphone ko at nagbabakasakali akong mayroon siyang kahit isang text o tawag man
lang pero kahit isa ay wala. Napatitig ako sa wallpaper ko kung saan pareho kaming
nakangiti roon. Siya mismo ang nagpalit noon at hindi ko na iyon nagawang palitan
pa dahil miski ako ay nagustuhan iyon.

Ilang oras akong nasa ganoong sitwasyon ng magdesisyon akong puntahan siya sa unit
niya. Sigurado naman akong wala siya ngayon sa bahay nila at kapag nasa ganito
siyang sitwasyon ay mas pinipili niyang mapag-isa.

Nagsuot lamang ako ng itim na sweater at dali-daling lumabas ng bahay. Tinawagan ko


ang cellphone niya pero nakapatay iyon. Sumakay ako sa sasakyan ko at mabilis iyong
pinaandar papunta sa unit niya.

Buong biyahe ay siya lang ang laman ng isip ko. Pilit kong ipinapasok sa isipan ko
na magiging maayos ang lahat.

Na matatapos din ito at hindi ito magtatagal. Makakalimutan din ito ng lahat at
gigising din ako sa bangungot kong ito.

Wala pang isang oras ay nakarating din ako sa unit niya. Ipinarada ko lamang ang
sasakyan ko sa may gilid at hindi ko na inisip kung sitahin pa ako ng guard o
hindi. Pumasok ako sa loob ng walang nakakapansin sa akin dahil wala namang guard
sa may entrance ng building nila. Dumiretso ako sa may elevator at agad na pinindot
ang floor ng unit niya.

Bigla akong kinabahan ng makarating ako sa floor ng unit niya. Mabilis ang pintig
ng puso ko lalo na ng nasa tapat na ako ng condominium niya. Huminga muna ako ng
malalim bago ko pindutin ang doorbell. Tatlong beses ko iyong pinindot bago iyon
magbukas.

Nagulat ako ng hindi si Travis ang nagbukas noon, kung hindi isang babae na may
balot ng kumot sa katawan. Biglang naghumerentado ang puso ko ng dahil doon pero
pinilit ko pa rin na maging normal sa harap ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

"S—Si Travis?" Nauutal kong tanong at pakiramdam ko ay naluluha na naman ako. Ang
bilis naman niya atang makahanap ng iba?

"Wala siya dito, umalis siya. Broken hearted ata, magpapakamatay." Mabilis na sagot
sa akin noong babae. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi siya pwedeng
mamatay!

"Baby ko, sino 'yan?" Doon ko lamang napansin ang isang lalaki na walang saplot sa
katawan na nagsalita sa may likuran noong babae. Agad kong nakilala kung sino iyon
at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi si Travis ang kasama ng babaeng nasa may
harapan ko ngayon.

"Oy, Jeorge! Ikaw pala? Kamusta ka na? Hinahanap mo ba si Travis?" Nakangising


tanong sa akin ni Xander. Binigyan ko naman siya ng masamang tingin.

"Ay sorry." Ani niya ng mapagtanto niyang boxers lang ang suot niya. Kinuha niya
iyong unan sa may gilid at tinakpan ang kanyang pagkalalaki.

"Nasaan siya, Xander? Kailangan ko siyang makausap." Seryoso kong tanong kay
Xander.

"Wala na, patay na 'yon. H'wag mo ng hanapin pa 'yong lalaking 'yon, baog naman
'yon eh." Sagot sa akin ni Xander. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapairap sa
hangin.

"Seryoso ako, Xander."

"De joke lang, naglayas siya. Binigay na lang niya sa akin itong susi ng unit niya
kaya ginamit ko na rin. Mahal din kasing magbayad sa mga hotel-hotel." Seryoso
niyang sagot sa akin pero hindi ko alam kung seryoso rin ba ang sinabi niya.

"Kailan pa siya wala?" Mahina kong tanong sa kanya. Umalis naman iyong babae sa
harapan ko at pumasok ulit sa loob.

"Kanina lang naman, mga four hours ago. Alam ko na rin kung ano ba ang nangyari
kanina dahil ipinalabas iyon sa TV. Wala namang may gusto ng nangyari at hindi mo
rin naman kasalanan ang lahat. Intindihin mo na lang din si Travis dahil kahit ako,
masasaktan ako kapag nalaman ko na ang dahilan kung bakit namatay ang Mommy ko ay
iyong magulang ng babaeng mahal na mahal ko." Ani niya. Huminga naman ako ng
malalim sa sinabi niyang iyon sa akin.

"Sige, balitaan mo na lang ako kapag bumalik na siya." Sabi ko kay Xander at tsaka
ako pilit na ngumiti sa kanya.

"Sige, Jeorge. Ingat ka sa pag-uwi ha? Tsaka h'wag kang mag-alala kung baog si
Travis, uso naman ngayon ang insemination." Sabi niya. Hindi ko na lamang pinansin
ang sinabi niya sa akin at umalis na ako roon. Lumabas na ako ng building niya at
hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala kung nasaan na ba siya. Napaupo ako sa may
gilid ng kalsada na malapit lamang sa sasakyan ko.

Nakausap ko na si Daddy kanina at humingi rin siya ng tawad sa akin. Wala namang
rason para hindi ko siya patawarin dahil kahit baliktarin ko man ang mundo, siya pa
rin ang Daddy ko. Wala akong nagawa kanina kung hindi ang umiyak lamang ng umiyak.

Ganoon naman kasi talaga kaming mga babae, dinadaan na lamang sa iyak ang sakit na
nararamdaman namin.

Muli akong nagpakawala ng mahabang buntong hininga.

"Ms, mag-isa ka lang ba?" Bigla akong napalingon sa lalaking nagsalita sa may
likuran ko. Napatayo ako ng makita ko ang dalawang lalaki na papalapit sa akin.
Amoy na amoy ko ang alak kahit hindi pa sila gaanong nakakalapit sa akin.

"Mukha kasing mag-isa ka lang, sasamahan ka sana namin. Hindi ba pare?" Ani ng
lalaki sa akin. Bigla akong kinabahan dahil alam ko na mayroon silang binabalak na
gawin sa akin. Luminga-linga ako at halos wala akong makitang tao na dumaraan sa
pwesto ko.

Dali-dali kong kinuha ang susi sa bulsa ko at akmang papasok na ako sa loob ng
sasakyan ko ng hablutin ng lalaki ang susi sa kamay ko.

"Sisigaw ka? Sige, subukan mo para matuluyan ka na namin." Sabi sa akin ng lalaking
humablot ng susi ko. Naglabas siya ng isang balisong at doon na ako napaluha dahil
alam kong kahit anong oras ay maaari akong mapahamak.

Umiiyak na ako at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kahit tumakbo ako, kaya pa
rin nila akong habulin at kung magsisisigaw man ako. Papatayin lang din nila ako at
wala rin masyasdong tao sa pwesto ko. Kung ito na 'yong katapusan ko, sana dumating
iyong araw na mapatawad ako ni Travis pati na rin ang Daddy ko. Sabi ko sa sarili
ko kasabay ng patuloy na pagtulo ng mga luha ko.

"Tang ina, wala pa kaming ginagawa sa'yo pero umiiyak ka na?" Humahalakhak na sabi
ng lalaking may hawak ng balisong. Lumapit sila sa akin at pilit akong umatras.
Hindi ako nagsasalita dahil punong-puno ng takot ang dibdib ko.

Lumingon ako sa paligid at biglang nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na sasakyan
ni Travis na daraan sa pwesto ko. Nagkaroon ako ng pag-asa lalo na ng makita niya
ako, sigurado ako roon dahil nakita kong tumitig siya sa akin. Hindi niya rin
pwedeng hindi ako makita dahil madadaan niya ako, siguradong-sigurado ako roon.

"Travis..." Mahina kong bulong sa hangin dahil nagkaroon ako ng pag-asa na


ililigtas niya ako at makakausap ko siya. Na handa siyang ipagtanggol ako sa
dalawang lalaking ito, pero hindi.

Dahil lahat ng pag-asa ko ay nabaliwala ng lagpasan lamang niya lamang ako ng para
bang wala akong halaga sa kanya.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Fifty Seven

FIFTY SEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak na lamang kahit na gusto kong lumaban
at ipagtanggol ang sarili ko. Kahit na nanghihina ako at nawalan na ng pag-asa,
gusto ko pa rin lumaban at ipagtanggol ang sarili ko kahit sa huling pagkakataon.

"Tang ina, h'wag ka ng lumaban!" Mariing giit nila sa akin kasaabay ng pagsuntok ng
lalaking may hawak ng balisong sa sikmura ko. Naramdaman ko ang pagguhit ng sakit
sa buong sistema ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa akin. Naramdaman ko rin ang
tulis ng balisong sa may tagiliran ko at mas lalo akong napaiyak ng dahil doon.
Mahina akong nanalangin na sana ay walang masamang mangyari sa akin pero habang
tumatagal ay mas lalo lamang akong nawawalan ng pag-asa. Lalo na ng bigla nilang
tanggalin ang suot kong sweater at punitin ang damit ko. Pilit kong ipinapasok sa
isipan ko na isa lamang itong bangungot at hindi ito totoong nangyayari.

"Travis..." Mahina kong bulong sa hangin habang unti-unti nilang binababoy ang
sarili ko, at habang ang mga luha ko ay patuloy na tumatakas mula sa mga mata ko.

"Putang ina—" Natigilan sila ng may biglang sumipa sa kanilang dalawa. Malabo na
ang paningin ko at hindi ko kaagad naaninag kung sino ang sumipa sa kanila. Tumayo
agad ako at tinakpan ang sarili kong katawan. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at
tahimik akong nagpasalamat sa itaas dahil mayroong dumating para iligtas ako.

Tinignan ko maigi kung sino ba iyon at bumilis ang pintig ng puso ko ng makilala ko
siya. Pakiramdam ko ay lumundag ang puso ko at muling nagkaroon ng pag-asa ang
sistema ko dahil sa kanya.

"Get in the car!" Sigaw niya sa akin habang hawak niya iyong damit ng lalaki at
walang sabi-sabi itong sinuntok. Tumalima naman ako sa sinabi niya at dali-daling
pumasok sa sasakyan niya. Nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa rin mawala ang
takot sa dibdib ko. Muntik na ako kanina at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko
kung sakaling natuloy ang masama nilang binabalak sa akin.
Nilingon ko siya sa may labas at nakita kong patuloy pa rin siya sa pambubugbog sa
dalawang lalaking nagtangka sa akin. Para bang galit na galit siya at lahat ng
hinanakit niya sa buhay ay inilalabas niya roon. Kahit na nanginginig pa rin ang
buo kong katawan ay nagawa kong bumaba ng sasakyan niya at awatin siya sa ginagawa
niya.

Ayokong ako ang maging dahilan para siya naman ngayon ang mapahamak. Hindi
kakayanin ng kunsensya ko kung mayroong mangyaring masama sa kanya.

"Travis..." Mahina kong tawag sa kanya. Hindi siya lumingon sa akin at patuloy pa
rin siya sa pambubugbog doon sa lalaki. Bagsak na iyong isang lalaki at kahit na
wala ng malay ay patuloy pa rin niyang pinauulanan ng suntok ang isa.

"Travis, stop it." Umiiyak kong sabi sa kanya. Doon lamang siya tumigil sa kanyang
ginagawa at tsaka bumaling ng tingin sa akin. Hindi katulad kanina ay mas kalmado
na ang itsura niya ngayon. Lumapit siya sa akin at mahigpit niya akong niyakap.
Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon ay umiyak. Pakiramdam ko ay ligtas
na ako sa mga yakap niya at hindi na ako mapapahamak pa.

Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon ng isakay na niya ako sa sasakyan
niya. Kumalma na rin ako kahit papaano at medyo nahimasmasan na rin ako. Tahimik
lamang kami habang nasa loob kami ng sasakyan. Walang nagsasaltia sa amin kahit na
gusto kong kausapin siya.

Lumingon ako sa pwesto niya at nakita kong hinubad niya ang sweater niyang suot at
iabot iyon sa akin. "Wear it." Tipid niyang sabi sa akin habang iniaabot ang
sweater niya. Tinanggap ko naman iyon at katulad ng sinabi niya ay sinuot ko iyon.
Binuhay na niya ang makina ng sasakyan at pinaandar iyon papunta sa may bulding ng
unit niya. Saglit din siyang nagpark sa may gilid at nauna siyang bumaba.
Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at bumaba naman ako.

Nauna siyang maglakad papasok sa loob at kinausap muna niya saglit ang dalawang
guard na naroroon. Marahil ay pinapareport niya ang dalawang lalaki na nakahandusay
sa labas. Nang makausap na niya ang dalawang guard ay walang sabi-sabi siyang
naglakad patungo sa elevator. Hindi ko naman alam kung susunod ba ako sa kanya o
hindi, pero kahit na wala siyang sinasabi ay sumunod ako sa kanya hanggang sa
makarating kami sa unit niya.

Nauna siyang pumasok kaya pumasok na rin ako, medyo nagtaka rin ako dahil wala na
roon si Xander at iyong babaeng kasama niya. Dumiretso siya sa may kusina niya at
naglagay ng tubig sa isang baso at tsaka muling tumungo sa pwesto ko. Iniabot niya
sa akin ang baso ng hindi tumitingin sa akin.

"S—Salamat." Nahihiya kong sabi sa kanya ng tinanggap ko ang tubig na iniabot niya.
Mayroon din siyang iniabot na t-shirt sa akin at tinanggap ko rin iyon. Hinubad ko
ang sweater niya at isinuot ang ibinigay niyang shirt ng umalis siya at muling
pumunta sa may kusina. Nakita kong kumuha siya ng bulak, betadine at alcohol.
Kumuha rin siya ng isang upuan at muling lumapit sa pwesto ko. Walang emosyon ang
mukha niya at wala pa ring nagsasalita sa pagitan naming dalawa. Ang lamig ng
paligid ko at mas lumamig pa iyon dahil sa malamig niyang pagtrato sa akin.

Marahan niyang kinuha ang braso ko at dinampian iyon ng bulak na may alcohol.
Napatitig ako sa mukha niya at doon ko napansin na mayroon siyang malaking sugat sa
kaliwang pisngi niya.

"May sugat ka." Mahina kong sabi sa kanya. Hindi ko napigilan ang hindi hawakan ang
pisngi niyang mayroong sugat.

"Tsk." Iniiwas niya lamang ang kanyang mukha sa akin at para bang ayaw niya akong
mapadikit sa kanya.

"Sorry." Mahina kong sabi sa kanya. Pinagpatuloy niya ang ginagawa niyang paggamot
sa mga sugat ko. Hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso dahil naiilang ako.
Gusto ko siyang kausapin pero wala akong lakas ng loob na kausapin siya. Tila ba
umurong ang dila ko na kausapin siya dahil sa nangyari sa akin ngayon.

Tahimik at seryoso lamang siya habang patuloy na ginagamot ang mga sugat ko.
Tahimik ko lamang na pinapanood ang bawat galaw niya. Aaminin ko, hindi ako sanay
na tahimik kaming pareho. Hindi ako sanay na ganito siya sa akin, na hindi niya ako
kinakausap at para bang napilitan lamang siya sa ginagawa niya. Hindi ako sanay na
ganito si Travis sa akin, na para bang ang lapit-lapit niya lamang sa akin pero
parang ang layo-layo naman niya.

Naramdaman ko ang muling pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko. Naiiyak ako
dahil sa nangyayari, naiiyak ako dahil pakiramdam ko ay wala akong halaga sa kanya.

"Travis..." Mahina kong tawag sa pangalan niya pero hindi niya ako nililingon. Para
siyang walang naririnig at hindi niya ako pinapansin.

Nilagyan niya ng band-aid ang mga sugat ko at tsaka tumayo. "Kumain ka muna, may
pagkain ako sa fridge." Malamig niyang tugon sa akin at tsaka siya dumireto sa
kwarto niya. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko at tahimik akong umiyak
doon.

Marahan kong pinahid ang mga luha ko at tumayo para kumuha ng tubig. Ang bigat-
bigat ng dibdib ko at hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba 'to.

"Magpasalamat ka na lang Jeorge at niligtas ka niya." Sabi ko sa sarili ko habang


marahan kong pinapahid ang luha ko. Uminom ako ng tubig at pilit na pinakalma ang
sarili ko.

Ayos lang naman sa akin kung napilitan siyang iligtas ako, dahil ang mahalaga ay
walang nangyaring masama sa akin. Inayos ko ang sarili ko at nakapagdesisyon akong
umuwi na lang. Ayos na naman ako at siguro ay nadakip na rin ng pulis ang dalawang
lalaking nagtangka sa buhay ko.
Kumuha lamang ako ng papel sa may itaas ng fridge niya at buti na lang ay mayroon
ding ballpen doon. Naglagay lang ako saglit ng note at inilagay iyon sa may lamesa.
Ayoko ng istorbohin pa siya at sapat nang iniligtas niya ako.

Tahimik akong lumabas sa unit niya at dumiretso sa elevator. Naiiyak na naman ako
pero dapat akong maging matatag. Siguro kailangan ko muna siyang bigyan ng time
para makapag-isip siya. Hindi ko na dapat siguro pilitin pa ang isang bagay kung
alam ko namang wala rin itong kakahantungan pa.

Tinignan ko ang wrist watch ko at alas-onse na rin ng gabi. Mayroon naman akong
sasakyan at magpapasama na lang siguro ako sa guard hanggang sa makasakay ako.
Papalabas na sana ako ng building na iyon ng biglang may humablot sa braso ko at ng
mapalingon ako ay nakita kong si Travis iyon.

Mabilis ang paghinga niya at bakas sa mukha niya ang galit. "Hindi ka ba talaga
nag-iisip, Jeorge?!" Galit niyang sigaw sa akin. Bumilis ang pintig ng puso ko sa
pagsigaw niyang iyon. Napalingon din ako sa paligid at tahimik akong nagpasalamat
ng walang masyadong tao.

"U—Uuwi na ako, Travis. Hindi na ako nagpaalam dahil baka maistorbo pa kita."
Mahina kong sabi sa kanya.

"Tang ina, pagkatapos ng mga nangyari sa'yo?! Paano kung mayroon na namang mangyari
sa'yong masama?! Sa tingin mo ba kakayanin ko pang matulog kung mayroong mangyari
ulit sa'yo?!" Sunod-sunod niyang sabi sa akin.

"A—Ayos lang naman ako, Travis. Hindi—"

"Ayos?! Tignan mo nga 'yang itsura mo at sabihin mo sa akin kung ayos ka! Halos
mapatay ko na 'yong mga lalaking nagtangka sa'yo kanina tapos sasabihin mo lang sa
akin na ayos ka lang?! Ano ba talagang gusto mong mangyari, ha?!" Galit na galit
niyang sigaw sa akin. Narinig ko rin ang mahina niyang pagmumura at para bang hindi
siya mapakali. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya dahil lahat naman ng sinabi
niya ay tama. Pinakalma ko ang sarili ko pero katulad kanina ay parang sasabog ang
sistema ko ng dahil sa kanya.

Akmang magsasalita ako ng walang sabi-sabi niyang hinawakan ang kamay ko at mabilis
na naglakad pabalik sa unit niya.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================
Chapter Fifty Eight

FIFTY EIGHT

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Mabilis niyang iniwas ang mukha niya ng tangkain kong gamutin ang sugat niya sa
mukha. Nakita ko kasi iyong dumudugo at may kalakihan ang sugat niya kaya hindi ko
dapat iyon balewalain.

"K—Kanina pa nagdudugo ang sugat mo, gagamutin ko lang." Mahina kong sabi sa kanya
at muli kong sinubukan na linisin ang sugat niya. Akmang iiwas siya ng hindi ko
mapigilan ang hawakan ang mukha niya at iharap iyon sa akin.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa buo kong sistema ng magdikit ang mga
balat namin. Bumilis ang pintig ng puso ko at wala sa sariling napatitig ako sa mga
mata niya. Nakatitig lamang kami sa mata ng isa't-isa at pakiramdam ko ay bigla na
lamang akong hihimatayin kung makikipagtitigan pa ako sa kanya.

Nag-iwas ako ng tingin at kinuha na lamang ang bulak na mayroong betadine. Marahan
ko iyong idinampi sa pisngi niya at dahan-dahang nilinis ang sugat niya. Walang
emosyon ang mukha niya at diretso lamang siyang nakatingin sa akin habang ang mga
mata ko naman ay nakatuon sa sugat niya.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa mga
tingin na ibinibigay niya sa akin. Hindi rin ako mapakali dahil sobrang tahimik ng
paligid namin at wala man lang ang isa sa amin ang nagsasalita. Gusto ko siyang
kausapin pero hindi ko alam kung ano ba ang una kong sasabihin sa kanya. Hanggang
ngayon ay alam kong galit pa rin siya sa akin. Alam ko iyon dahil iyon ang
ipinapakita niya sa akin.

He's being cold towards me and I am weeping inside because of it. Hindi ako sanay
na ganoon ang pakikitungo niya sa akin at hindi ko alam kung kailan ba ako
masasanay sa ganito. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil ayokong ipakita sa kanya
na nasasaktan ako dahil natatakot akong mabalewala. Natatakot ako na malaman na
wala na siyang pakielam pa kung masaktan man ako o hindi.

"O—Okay na." Sabi ko sa kanya ng malagyan ko na ng band-aid ang sugat niya. Agad
naman siyang tumayo pagkasabi ko noon. Tumalikod siya sa akin at akmang papasok na
siya sa loob ng bigla siyang tumigil.

"Sleep in my room, I'll wait." Nakatalikod niyang sabi sa akin at tsaka siya
dumiretso sa kwarto niya. Napasinghap naman ako sa sinabi niyang iyon. Bakit
gugustuhin niyang matulog ako sa kwarto niya kung pwede naman akong matulog na lang
dito sa sofa niya?

Pakiramdam ko ay lumukso ang puso ko sa pag-iisip na mayroon pa rin siyang pakielam


sa akin. Hindi ko mahulaan kung ano ba ang takbo ng isip niya, I couldn't precdict
what's on his mind because his actions are just limited.

I sighed.

I made a mental note to talk to him tomorrow. Papalipasin ko muna ngayon ang gabi
para pareho kaming handa kinabukasan kapag nakapag-usap na kami. Agad akong tumayo
sa kinauupuan ko at dumiretso sa may sink upang maghilamos. Ilang beses din akong
humarap sa salamin at pilit na pinakalma ang sarili ko.

"You'll just sleep with him, Jeorge. Nothing else." Sabi ko sa sarili ko habang
nakaharap ako sa salamin.

Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa kwarto niya. Nadatnan ko siyang
nakahiga na sa kama niya at nagulat din ako ng makita kong wala siyang saplot na
pang-itaas.

He's still the same, Jeorge. He always sleeps wearing nothing but just a pice of
cloth covering his private area! Umiling ako dahil sa mahinang boses sa isipan ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama at humiga sa tabi niya. Nasa kabilang bahagi siya
ng kama at sa tingin ko ay natutulog na siya. Naririnig ko ang mumunti niyang
paghilik habang nakatalikod siya sa akin. Nagkumot ako at tumalikod din sa kanya.

Matagal akong nasa ganoong posisyon pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Muli
kong ipinikit ang mga mata ko pero mukha pa rin niya ang nakikita ko. Huminga ako
ng malalim at dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakatalikod pa rin siya sa akin
at mahinang humihilik.

Napangiti ako ng biglang pumasok sa isipan ko ang mga kakulitan niya noon. Kung
paano kami mag-ayaw, magbangayan at halos magpatayan. Hinding-hindi ko
makakalimutan iyong mga panahon na wala kaming ginawa kung hindi ang mag-away lang
nang mag-away. Ma-pride siyang tao pero ibinababa niya iyon sa akin, lalo na't
kapag ako ang may kasalanan at ako ang unang magsosorry. Minsan nga, ako ang may
kasalanan pero siya pa itong humihingi ng sorry sa akin. We always say sorry to
each other back then, pero pagkatapos ng sorry'ng iyon ay mag-aaway lang kami ulit.

Para kaming mga baliw noon at dahil sa sobrang kabaliwan namin, hindi ko naisip na
pwede pala kaming humantong sa ganito. Kailan man, hindi ko naisip ang sarili ko na
mamahalin ang isang tulad niya. Sino bang babae ang maiinlove sa lalaking walang
ginawa sa'yo kung hindi ang pagtripan ka araw-araw, wala hindi ba? Pero siguro,
mapaglaro lang talaga ang tadhana dahil pati kami napagtripan ni kupido. Minahal ko
siya at sa tingin ko ay mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.

Hindi siya madaling mahalin pero mahirap siyang alagaan. Akala mo'y isa siyang bata
na dapat lagi mong babantayan dahil baka mayroon siyang gawing kalokohan. Ganoon si
Travis, makulit, sobrang kulit.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Wala na akong


pakielam kung magising pa siya, basta ang mahalaga ay mayakap ko siya ngayon, kahit
sa huling pagkakataon. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili ko na
makatulog.

Everything around me is now perfect because of him.

NAGISING ako kinabukasan na tulog pa rin siya tabi ko. Mahigpit pa rin akong
nakayakap sa kanya kaya dahan-dahan kong inalis ang braso ko at tsaka umalis sa
ibabaw ng kama. Saglit akong nag-ayos at tsaka lumabas ng kwarto niya.

Dumiretso ako sa kusina niya para ipagluto siya ng agahan. Mamaya ko na siya
kakausapin at dapat na maging maayos ang pag-uusap naming dalawa. Sasabihin ko sa
kanya mamaya ang lahat ng gusto kong sabihin at bahala na kung ano ang maging
reaksyon niya.

Pinagluto ko siya ng tapa na paborito niya. Iyon kasi ang gustong-gusto niyang
pagkain kapag gigising siya sa umaga. Marunong na naman akong magluto dahil noong
nasa states ako ay dapat matuto kang mabuhay mag-isa. Habang nagluluto ako ng tapa
ay nagsaing na rin ako sa rice cooker niya. Buti na lamang at may coffee maker siya
kaya hindi na rin ako nahirapan sa pagtitimpla ng kape.

Kasalukuyang inaayos ko ang pagkain sa lamesa ng lumabas siya ng kwarto niya.


Natigilan ako at napasinghap ng makita ko ang ayos niya. Gulo-gulo ang buhok niya
at wala siyang suot na pang-itaas. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko ng
wala sa oras.

"G—Good morning." Mahina kong bati sa kanya. Hindi naman siya sumagot sa sinabi
kong iyon at wala ring emosyon ang mukha niya ng tignan ko.

"I cooked for you." Sabi ko pa sa kanya. Dumiretso naman siya saglit sa sink niya
at naghilamos saglit. Akala ko'y babalewalain niya lang ang niluto ko dahil
pagkatapos niyang maghilamos ay dumiretso naman siya sa may sala niya.

"T—Travis." Kinagat ko ang ibabang labi ko sa pang-iignora niya sa akin. Kung


normal na araw lang 'to para sa amin. Lalandiin niya pa ako at aasarin nang aasarin
hanggang sa mainis ako sa kanya. Tapos mag-sosorry siya at lalambingin naman ako
kapag nainis na ako sa kanya. Pero ngayon? Hindi na.

He's really being cold towards me, and I hate it.

Nilakasan ko ang loob ko at muling nagsalita. "Travis, please." Mahina kong sabi sa
kanya. Nakita ko namang natigilan siya at napalingon sa pwesto ko. Matagal niya
akong tinitigan at ganoon din ang ginawa ko. "Fine." Pilit niyang sabi at tsaka
lumapit sa may pwesto ko.

Umupo na siya kaya umupo na rin ako. Ako mismo ang naglagay ng kanin sa plato niya
pati na rin ng ulam. Gusto kong kahit na itong bagay na ito ay maibaon ko para
kahit papano ay mayroon akong maalalang magandang bagay sa tuwing maiisip ko siya.
Tahimik kaming kumakain at katulad kagabi, wala ulit ang nagsasalita sa pagitan
namin. Natapos kaming kumain ng hindi kami nag-uusap. Dumiretso siya sa sala at
nanood ng NBA habang ako naman ay iniligpit ang mga pinag-kainan namin.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay pinakalma ko ang sarili ko. Kailangan ko na


siyang kausapin dahil walang mangyayari kung ganito lamang kami nang ganito.
Huminga ako ng malalim at tsaka ako lumapit sa kanya.

"Travis." Tawag ko sa pangalan niya. Lumingon naman siya sa akin at wala pa ring
emosyon ang mukha niya.

"P—Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya. Umupo ako malapit sa kanya at


nararamdaman ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Wala siyang sinabi kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko. "Alam kong galit ka sa
akin at sa pamilya ko dahil ang Daddy ko mismo ang dahilan kung bakit namatay ang
Mommy mo. Oo, tama ka. Alam ko lahat pero kailan ko lang nalaman iyon at gusto ko
mang sabihin sa'yo ang nalaman ko, pinangunahan naman ako ng takot." Naramdaman ko
ang pangingilid ng luha sa gilid ng mata ko pero pilit kong pinakalma ang sarili
ko.

"Natatakot ako na baka kamuhian mo ako dahil sa nagawa ng pamilya ko. Natatakot ako
na magbago ang lahat sa pagitan natin, Natatakot ako na alisin mo ako sa buhay mo
at natatakot ako na mawala ka sa akin." Hindi ko na napigilan ang sarili kong
emosyon at tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Natatakot akong mawala ka dahil mahal pa rin kita hanggang ngayon, Travis."
Seryoso kong sabi sa kanya habang nakatitig ako sa mga mata niya. Wala siyang
sinabi at wala pa ring emosyon ang mukha niya. Matamang nakatitig lamang siya sa
akin at hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya.

"I'm sorry, Travis." Mahina kong sabi sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pag-
iyak. Ilang minuto akong umiiyak sa harapan niya hanggang sa tumayo na siya.
Tumalikod na siya sa akin at bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kwarto niya ay
tumigil siya.

"Pakisara na lang ng pinto kapag aalis ka na." Iyon lang ang sinabi niya at tsaka
siya tuluyang pumasok sa loob ng kwarto niya at iwan ako roong umiiyak.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================
Chapter Fifty Nine

FIFTY NINE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Baog nga kasi 'yon!" Mariing giit ni Xander habang subo-subo niya ang kutsara sa
bibig niya. Binatukan naman siya ni Din dahil doon.

"Ikaw, wala ka ng ginawang matino kahit kailan! Mahiya ka naman sa Daddy mo! Puro
kabalastugan na lang ang inaatupad mo at kaliwa't kanan ang pambababae mo! Kapag
ikaw talaga, nakadisgrasya. Sinasabi ko sa'yo!" Inis na sabi ni Din kay Xander.
Pilit lamang akong ngumiti sa pag-aaway nilang iyon. Sumimangot naman si Xander
habang pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream niya.

"He needs space." Saad naman ni Heena na katabi ni Din.

"Aba, space pala ang kailangan niya di sana nag-astronaut siya! Gago pala siya eh!"
Giit naman ni Din.

"Tsaka, baog talaga si Travis. Hindi siya makakabuntis." Muling sabi ni Xander.
Inirapan lamang siyang muli ni Din.

I sighed

Hindi muna ako agad umuwi pagkaalis ko sa unit ni Travis. Ayokong makita ako ng
pamilya ko sa ganitong sitwasyon. Alam kong hindi na madali ang pinagdadaan nila at
mas maganda ng sarilihin ko na lamang itong sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.
Buti na lamang at nandito silang tatlo para kahit papano ay damayan ako.

"Ang arte naman ng lalaking 'yon, sabi ko na nga ba bading 'yon eh." Sabi ni
Xander.

"Gago, bading ka rin naman." Pambabara ni Din kay Xander. Tahimik ko lamang silang
pinapanood. Wala sa kanila ang isip ko dahil hanggang ngayon ay si Travis pa rin
ang nasa isip ko. Tumingin ako sa kalangitan na tila ba nagbabadya ang malakas na
pag-ulan.

I smiled, painfully.

Mayroong mga bagay na pinagtago pero hindi itinakda para sa isa't-isa. Marahil ay
ganoon kami ni Travis. Naranasan namin ang magmahal, mahalin ang isa't isa at
masaktan, pero sa kabila ng mga bagay na iyon. Hindi pa rin kami ang itinakda para
sa isa't isa.

Dapat ko na lamang sigurong tanggapin na ang mga bagay sa pagitan naming dalawa ay
hindi na namin pwedeng ibalik pa. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha mula sa mga
mata ko. Siguro kung hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko, hindi sana ako ngayon
umiiyak at hindi sana ako ngayon nasasaktan.

"Jeorge, kaya mo 'yan." Ani Din sa akin.

"Ako na lang kasi Jeorge ang gawin mong boyfriend. Mas gwapo naman ako tsaka hindi
ako baog." Saad ni Xander. Napatawa naman niya ako sa sinabi niyang iyon. Para
tuloy akong sira, tumatawa at umiiyak. Patunay lamang na hindi lahat ng tumatawa ay
masaya.

"Isa pa, Xander! Gigilitan talaga kita ng leeg! Kita mong nag-eemote si Jeorge
ngayon eh, kung anu-anong katangahan na lang ang pinapairal mo!" Iritableng sabi ni
Din kay Xander.

"Bah, totoo naman ah! Baog 'yon." Humahalakhak niyang sabi.

"I should go, naistorbo ko pa kayong tatlo. Salamat sa oras niyo ha? Kahit papaano
gumaan ang loob ko." Pilit akong ngumiti sa kanilang tatlo. Tumayo na ako at tumayo
na rin sila.

"Sigurado ka bang ayos ka lang, Jeorge?" Tanong pa sa akin ni Din. Ngumiti naman
ako sa kanya at tsaka tumango.

"Ayos lang ako." Sagot ko sa kanya.

"Mag-iingat ka pauwi ha? Text mo ako or tawagan kapag nasa bahay ka na." Sabi ni
Din. Ngumiti ako sa kanya at walang sabi-sabi siyang niyakap.

"Salamat dahil naging kaibigan ko kayo, salamat dahil hindi n'yo ako iniwan.
Salamat dahil naging parte kayo ng buhay ko." Mahinahon kong sabi kasabay ng
pagbagsak ng luha ko.

"Ano ka ba! Bakit ganyan ka magsalita, umayos ka nga!" Naiiyak na rin na sabi ni
Din sa akin. Yumakap na rin sa amin si Heena at tatlo kaming nag-iyakan. Para
kaming mga sirang nag-iiyakan habang mahigpit na yakap namin ang isa't isa.

"Mahal na mahal ko kayo." Seryoso ko pang sabi sa kanila.

"Psh, aarte n'yo." Narinig naming bulong ni Xander sa isang sulok. Naghiwalay naman
kaming tatlo at tsaka siya tinignan ng masama.

"Lumayas ka nga ditong bakulaw ka!" Inis na bulyaw ni Din sa kanya. Inirapan lang
siya ni Xander at tsaka parang batang binelatan si Din.
"Mag-iingat kayo, okay?"

"Ikaw din, mag-iingat ka." Sagot ni Din. Muli ko silang niyakap bago ako tuluyang
pumasok sa loob ng sasakyan ko. Binuhay ko na ang makina at nagsimula ng magmaneho.

Hindi ko alam kung mayroon ba akong nagawang kasalanan para parusahan ako ng
Panginoon ng ganito. Para bigyan niya ako ng ganitong pagsubok. Hindi ko alam kung
kakayanin ko pa bang harapin ang mga pagsubok na 'to dahil sobra na akong
nahihirapan.

Minsan, gusto ko ng sumuko.

Pero lagi kong pinapaalala sa sarili ko na mayroong mga taong nagmamahal at


naghihintay para sa akin. Na nandyan ang pamilya ko at mga kaibigan ko na
nagmamahal sa akin, at si Travis. Nandyan siya at alam kong mahal niya ako, at
handa niyan gawin ang lahat para sa akin. Alam ko iyon, dahil nakikitata ko iyon sa
mga mata niya.

Isang oras ang lumipas ay nakauwi rin ako sa bahay namin. Nagulat pa ako ng
maraming sasakyan sa may labas ng bumaba ako. Nagmadali akong pumasok sa loob at
doon na lamang ang pagkagulat ko ng naroroon ang Daddy ko. Nakangiti siya habang
nakakandong si Johann sa kandungan niya. Bumilis ang pintig ng puso ko ng makita ko
siya sa ganoong lagay. Natigilan siya at napalingon sa pwesto ko. Lumawak ang ngiti
niya at walang sabi-sabi akong tumakbo sa pwesto niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Daddy..." Naluluha kong sabi habang mahigpit akong nakayakap sa kanya.

"Na-miss mo ba ako?" Narinig kong sabi niya. Humigpit lalo ang yakap ko at tsaka
dahan-dahang tumango. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at nakangiting
sumulyap sa kanya.

"Why?" Naguguluhan kong tanong. Muli siyang ngumiti sa akin at hinalikan ako sa
noo.

"Hindi nagsampa ng kaso ang mga Montemayor, they forgave me. Sila mismo ang nagsabi
na aksidente ang lahat at walang may gusto ng nangyari. Walang kasong isasampa sa
akin at makakasama ko pa rin kayo." Masayang sabi ni Daddy. Muli ko siyang niyakap
ng mahigpit at hindi ko alam kung anong tuwa na lamang ang nararamdaman ko ngayon.
Pakiramdam ko ay ako na ang isa sa pinakamasayang tao na nabubuhay ngayon sa mundo.

Nang araw na iyon ay wala kaming ginawa kung hindi ang magsaya. Sama-sama kaming
kumain ng tanghalian at masaya kaming nagkwentuhan. Buong oras ay nakangiti ako at
hindi mawala ang saya sa dibdib ko. Ito na siguro ang isa sa pinakamasayang bagay
na nangyari sa buhay ko. Ang makita ang pamilya ko na nakangiti at masaya.

Natapos kaming kumain at nagpahinga muna ang ilan sa amin, habang ako naman ay
dumiretso sa may garden para magpahangin.
"Jeorge." Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Dad." Ngumiti ako sa kanya. Tumabi siya sa akin at tinanaw din ang tinitignan ko.

"I know what you're thinking." Ani niya na para bang alam nga niya ang iniisip ko.

"I am just happy, Dad." Sagot ko sa kanya.

"I know, Jeorge. You are my daughter." He says. Hindi ako nagsalita, huminga lamang
ako ng malalim at tumitig sa kawalan.

"I know you still love him, Jeorge. I know you love Travis and you never stopped
loving him." Ani Dad. Napasulyap naman ako sa kanya at pilit kong iniisip kung ano
ba ang laman ng isipan niya.

"Dad..."

"You should talk to him, Jeorge. He's the reason why I am here right now." Seryoso
pero nakangiting sabi ni Dad sa akin.

"You mean..."

"Yes, he told his father to forget what's in the past and to let us move on from
what happened." Ani Dad. Nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi ko napigilan ang
hindi yakapin si Dad.

"Go, sweetheart. Talk to him and say that you love him." Saad ni Daddy. Nakangiting
tumango naman ako at nagmadaling umalis ng bahay. Dad's right, I should talk to him
and fight for my own feelings. Ako naman siguro ang dapat gumawa ng aksyon para sa
kanya.

Bumuhos ang malakas na ulan at napangiti ako ng wala sa oras. Ito na siguro ang isa
sa pinakamagandang araw na nangyari sa buhay ko. Ang maging buo ulit kami at ang
masabi ko kay Travis na mahal na mahal ko siya.

Hindi man kami ang itinakda nang Diyos para sa isa't-isa, pinagtagpo naman kami
para iparamdam ang salitang pagmamahal sa bawat isa.

Sa kanya ko natutunan ang magmahal, ang masaktan at kung paano umiyak. Sa kanya ko
naranasan ang mga bagay na kailan man ay hindi ko naranasan. Siya ang kasama ko sa
mga bagay na ngayon ko lang nagawa at kung bibigyan ako ng isang kahilingan.
Hihilingin ko na makasama ko siya hanggang sa huli.

They say nothing lasts forever and I want to be his nothing.


Mapaiit akong ngumiti sa kawalan. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang
number niya. Nagriring lamang iyon at walang sumasagot pero hindi pa rin ako
tumigil. I keep calling him.

Hindi ako titigil dahil walang mangyayari kung titigil ako, walang mangyayari kung
patuloy akong iiyak. Dapat akong kumilos at dapat kong patunayan ang sinabi ko sa
kanya.

Mahal ko siya, iyon ang pinanghahawakan ko ngayon para sa kanya. Mahal na mahal ko
siya at siya lang ang lalaking mamahalin ko ng ganito.

Madilim na ang paligid at malakas na ang buhos ng ulan. Marahil ay nakikiramay sila
dahil nasasaktan ako. Minsan, gusto kong makalimot para ikaw naman iyong maalala.

Tinatahak ko ang mahabang daan ng sinubukan kong magpreno pero hindi kumapit ang
preno ng sasakyan. Muli kong inapakan iyon at ganoon pa rin ang nangyari.
Naghumerentado ang puso ko sa kaba at kasabay noon ay ang pagbagsak ng luha ko.
Tumingin ako sa cellphone ko at doon ay lumundag ang puso ko ng sagutin niya ang
tawag ko pero huli na ang lahat para roon. Mapait akong ngumiti at pinigilan ko ang
paghikbi ko. Itinapat ko ang cellphone ko sa tenga ko at sinabi sa kanya ang bagay
na gusto kong sabihin sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Travis..." Mahina kong sabi kasabay ng pagbagsak ng sasakyan
ko sa tubig. Kung ito man ang maging katapusan ng lahat, masaya ako dahil nasabi ko
sa kanya ang mga bagay na gusto kong sabihin. Masaya ako dahil kahit sa huling
pagkakataon na makausap ko siya ay nasabi ko para sa kanya ang nararamdaman ko.

I know I will be happy.

And he will.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

Chapter Sixty

FINAL CHAPTER
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Hoy, namboboso ka na naman diyan!" Sigaw ko kay Travis na nakatambay na naman sa


may harapan ng basketball court nang subdivision namin. Nakatambay kasi siya lagi
roon at naiinis ako kapag nakikita ko ang pagmumukha niya.

Lagi kasi siyang naroroon para mamboso ng mga babaeng dumadaan sa may harapan niya.
Akala niya kasi sa sarili niya ay guwapo siya kahit hindi naman talaga, masyado
lang talaga siyang pilingero at akala niya ay lahat ng babae sa lugar namin ay
mayroong gusto sa kanya.

Mas lalo pa akong nainis sa kanya nang malaman kong pinsan siya ng bestfriend kong
si Din. Lagi ko siyang nakikita at kapag nakikita niya ako, walang araw siyang
pinalagpas na hindi ako asarin. Gustong-gusto niya raw na inaasar ako dahil
sinusungitan ko siya kahit daw na pangit ako. Sabi niya kasi, magaganda lang dapat
ang nagsusungit. Kaya sa sobrang inis ko sa kanya, sinipa ko ang junior niya.

Mas lalo pang dumalas ang pagkikita namin ng magbakasyon. Wala kasi akong kalarong
babae sa bahay dahil puro lalaki ang mga kapatid ko kaya lagi akong pumupunta kay
na Din at Heena. Madalas kaming na kay na Din dahil gusto lagi ni Tita Lilet na
doon kami maglalaro. Kaya sa tuwing maglalaro kami sa bahay nila, kasama na sila
Travis. Inis na inis ako sa kanya lalo na ng baliin niya ang ulo ng barbie doll ko.
Hindi ako umiyak, tumayo ako at sinabunutan siya nang malakas hanggang sa
magmakaawa siyang tigilan ko na siya.

Sino ba ako para umiyak? Ako si Jeorge Rivas at wala siyang karapatan na paiyakin
ang isang diyosang tulad ko. Sinabi sa akin ni Mommy na ang mga babae, hindi dapat
sinasaktan ng mga lalaki. Kaya lalaban ako hangga't alam kong tama ako at hanggang
sa tumigil siya sa pang-aasar sa akin.

Mas lalo pang gumulo ang buhay ko nang malaman kong kaklase ko si Travis. Inis na
inis ako at kahit na gusto ko magpalipat ng school ay hindi ko na nagawa pa.
Mahirap makapasok sa school ko dahil mataas ang standards nila at gusto kong
mapatanong kung paanong nakapasok si Travis dito.
Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, walang araw na hindi lumandi si Travis. Kaliwa't
kanan ang pambababae niya at hindi rin niya pinalagpas na hindi ako bwisitin sa
klase. Walang araw na hindi kami nag-away at kinasanayan ko na iyon. Ugali na kasi
niya ang pagiging alaskador at makulit. Wala rin naman akong mapapala kung
papatulan ko ang mga pang-aasar niya kaya hinayaan ko na lamang siya sa gusto
niyang gawin.

Hanggang lumipas ang mga taon at dumating prom night. Wala akong kapartner at wala
pang nag-aaya sa akin. Gusto kong mapatanong dahil hindi naman ako pangit at
maganda naman ako para walang mag-aya sa akin. Kahit na nakangiti ako, hindi pa rin
mawala sa isipan ko na baka walang lalaki ang gusto akong maka-date dahil sa
pagiging masungit at perfectionist ko. Nang araw ding iyon, sinira ni Travis ang
umaga ko dahil sa kalandian niya.

Inis na inis ako sa kanya hanggang sa makauwi ako sa bahay. Ewan ko ba kung bakit
ganoon na lang ang pagka-inis ko sa kanya. Makita ko pa lang kasi ang mukha niya,
nabubwisit na ako. Lalo na kapag ngumingisi siya at akala mo hinuhubaran ako sa mga
titig niya. Basta, sobra na lang ang pagkainis ko sa kanya.

Noong gabing din iyon, pumunta siya sa bahay. Akala ko makikipaglaro lang siya sa
mga kapatid ko, pero nagulat ako ng sabihin niya sa mga magulang ko na siya ang ka-
date ko sa prom namin. Tumutol man ako, hindi ko na nagawa pa dahil kung tutusin ay
wala rin akong ka-date kaya hinayaan ko na lang.

Sa araw ng prom, sinundo niya ako at inis na inis ako sa kanya dahil akala ko kahit
sa araw na iyon ay magpapakatino siya pero hind dahil tinulugan at minanyak niya pa
ako! Sino bang babae ang hindi maiinis doon, hindi ba? Minsan na nga lang maranasan
ang prom, hindi pa naging maganda! Bwisit na bwisit ako nang gabing iyon pero
nagbago iyon ng makita ko siyang tahimik lang. Kinausap ko siya kung may problema
ba pero hindi siya nagsalita. Katulad ng nakagawian niya, pinilosopo niya ako pero
sa gitna noon ay hinalikan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil
iyon ang unang beses na mahalikan ako ng ganoon. Sinagot ko ang mga halik niya at
akala ko ay doon na magtatapos ang lahat.

Everything changes after that night. Pumupunta siya sa bahay namin para kulitin at
asarin ako. Sabi niya, liligawan niya raw ako. Hindi ko iyon pinansin pero sadya
atang ipinanganak siyang makulit at hindi niya ako tinigilan. Gusto niyang bigyan
ko siya ng chance kaya para matigil na ang pangungulit niya, I gave him his chance.
Alam ko naman kasing hindi niya iyon seseryosohin.

Hinayaan ko lang siyang manligaw at wala siyang ginawa kung hindi ang magreklamo
nang magreklamo. Kesyo raw, ganito ba ang manligaw. Puro utos si babae at sunod
naman si lalaki, ang hirap hirap na raw. Paano pa raw kung mag-asawa na kami? Ang
dami niyang alam, hindi ba?

Dahil din sa panliligaw niya, marami akong nalaman na mga hindi ko pa alam tungkol
sa kanya. Nalaman kong seryoso rin pala siya sa pag-aaral niya, na hindi lang puro
basketball at pambababae ang inaatupag niya. Na mahilig din pala siya sa mga
pagkaing matatamis, magsuot ng beanie at nagbabasa rin pala siya nang mga romance
novels. Madami akong nalaman sa kanya at nalaman ko na Mommy niya ang
pinakaimportanteng tao sa kanya.

Maraming araw pa ang lumipas at lagi ko lang siyang kasama. Minsan ko siyang
tinanong kung bakit ako ang nagustuhan niya at sinagot niya lang ako ng, "Bakit
hindi ikaw?"Hindi ko alam kung bakit bumilis ang pintig ng puso ko nang sinabi niya
iyon sa akin at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noon.

Sa kanya ko rin naranasan ang masaktan, lalo na ng balewalain niya ako dahil kasama
niya ang unang babaeng minahal niya. Gusto kong umiyak noon, pero matapang ako at
hindi dapat ako umiiyak ng dahil sa kanya. Siya na mismo ang nagsabi noon na hindi
naman niya ako girlfriend para sabihin niya sa akin ang mga bagay na ginagawa niya.
Galit ako sa kanya kasi ipinamukha niya sa aking kaya niya akong palitan kahit
anong oras. Kaya hindi ko siya pinansin at ipinamukha ko rin sa kanya kung ano ang
ipinamukha niya sa akin.

He said his sorry to me pero hindi ako ganoong katangang babae para patawarin siya
agad. Kung seryoso nga siya sa akin, gusto kong patunayan niya iyon. Hindi ko siya
agad pinatawad at ipinaalam ko sa kanya ang pagkakamali niya. Akala ko, susuko na
siya sa akin pero nagkamali ako. Pinatunayan niya sa akin na seryoso siya sa sorry
niya.

I gave him his second chance.


Nagpatuloy ulit siya sa panliligaw niya at sinagot ko rin siya. Nakita ko sa mukha
niya kung gaano siya kasaya noong sinagot ko siya. Parang siyang nanalo sa lotto at
hindi ko maipaliwanag kung ganoo siya kasaya at ganoon din ako. Masaya ako dahil
sinagot ko siya dahil sa tingin ko ay deserve niya iyon. Pero sadya atang mapaglaro
ang tadhana at nagkaroon ng aksidente. Namatay ang Mommy niya at comatose naman ang
Daddy niya. He was devastated that time and I never leave his side. Hindi ako
umalis sa tabi niya dahil alam ko na kailangan niya ng taong magpaparamdam sa kanya
na mayroong nagmamahal sa kanya at hindi siya iiwan.

Ginawa ko ang lahat para maramdaman niya na nasa tabi niya lang ako at hindi ko
siya iiwan, pero mukhang hindi sapat iyon. He cheated on me, he wrecked me. Parang
isang bula na ipinagpalit niya ako sa kung sinong babae. Sa unang pagkakataon,
umiyak ako nang sobra ng dahil sa kanya.

Umiyak ako dahil nasasaktan ako dahil sa lalaking una kong minahal.

Umalis ako ng bansa hindi dahil sa kanya. I chose my family over him because I
think it's the right thing. I tried to move on and I did. Nagawa ko siyang
kalimutan at alisin sa sistema ko kahit na alam kong hindi madali at kahit na alam
kong mahirap.

Ginawa ko ang lahat para makalimutan siya, pero nang bumalik ako sa Pilipinas.
Pakiramdam ko ay nabalewala ang mga oras, araw, lingo, buwan at taon na ginugol ko
para kalimutan siya. Pakiramdam ko, bumalik iyong dating nararamdaman ko para sa
kanya.

Muli kaming pinagtago ng tadhana sa pangalawang pagkakataon.

Sa una, gusto kong maranasan niya ang sakit na ipinaramdam niya sa akin noon. But
revenge is not an option. Mali iyon, at kung sakali mang magkatotoo ang sinabi kong
masasaktan siya na ako rin ang dahilan. Gusto ko sa hindi ganoong paraan, gusto ko
sa paraang alam kong Diyos lang ang may alam.

Muli kong hinayaan ang sarili kong mahalin siya, pero tila ba ayaw talaga sa amin
ng tadhana dahil bumalik ang nakaraan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang
malaman kong ang sarili ko pa lang ama ang dahilan kung bakit namatay ang
pinakaimportanteng tao sa buhay ni Travis. Pakiramdam ko, mayroon akong nagawang
mali kaya ako pinaparusahan ako ng ganito nang Panginoon.

Pilit kong iniisip kung ano ba ang nagawa kong mali para iparanas sa akin ang mga
ganitong bagay.

Ang sakit, sobra.

Pero kahit na ganoon, ipinaglaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Ipinaglaban


ko kung ano ba sa tingin ko ang tama at ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya.

Dahil mahal ko siya.

Imulat ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang unti-unting paglubog ng sasakyan ko


sa tubig. Nanlalabo ang mga paningin ko at wala akong maramdaman na kahit ano. Wala
rin akong marinig at para bang wala ng buhay ang sarili kong katawan dahil hindi ko
iyon maigalaw. Para bang wala ng saysay pa ang buhay ko ngayon dahil alam kong
kahit anong oras, maaari na akong mawala.

Mapait akong ngumiti sa kawalan habang nararamdaman ko ang tuluyang pagpasok ng


tubig sa loob ng sasakyan ko. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at sa pagpikit
kong iyon, nakangiting mukha ni Travis ang nakita ko.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa pisngi ko habang unti-unting umaangat ang


tubig sa katawan ko. Nanghihina ang buong katawan ko at hindi ko na alam ang
gagawin ko. Ang tanging naiisip ko lamang ngayon ay ang pamilya ko at si Travis.
Para bang isang palabas na bumalik sa isipan ko ang mga alaalang magkasama kaming
dalawa. Siguro nga, may mga bagay na pinagtagpo lamang pero sadyang hindi itinakda
para sa isa't-isa.

May mga bagay rin sa mundong ito na kahit naiintindihan mo na ang dahilan, hindi mo
pa rin maiwasan ang masaktan.

"Travis..." Mahina kong sabi hanggang sa tuluyan ng pinasok ng tubig ang loob ng
sasakyan ko. Nawawalan na ako ng hininga at nanghihina na rin ang buo kong katawan.

Para bang unti-unting kinukuha ang lakas ko at ang buhay ko. Ganoon ang
nararamdaman ko ngayon habang unti-unti ring nawawalan ng hangin ang buo kong
katawan.

Iminulat ko ang mga mata ko at para bang namamalikmata ako dahil mukha ni Travis
ang nakita ko. Pilit niyang binubuksan ang pinto nang sasakyan ko at bakas sa mukha
niya ang sobrang paghihirap. Nagtama ang mga mata namin at nakita kong umiling siya
na para bang sinasabi niyang h'wag akong susuko. Na h'wag akong bibitiw dahil
nandyan na siya at ililigtas niya ako.

Pilit niyang binubuksan ang pinto ng sasakyan ko pero hindi niya iyon mabuksan.
Muling nagtama ang mga mata namin pero sa pagkakataong ito, hindi ko na pinalagpas
pa na sabihin sa kanya ang bagay na nararamdaman ko para sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Travis..." Nakangiti kong sabi sa kanya kasabay ng paglabas
ng hangin mula sa bibig ko at kasabay rin ng unti-unting pagpikit ng mga mata ko
hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

=================

EPILOGUE

EPILOGUE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"You are just infatuated to my daughter, Travis. You can't call it love, young
man." Tito Gerry says while looking intensely at me. I stay calm and impassive, I
should be aware of my words.
"I am serious, Tito. Alam ko pong nakilala niyo akong gago at tarantado, pero
seryoso po ako kay Jeorge." May kumpiyansa kong sagot kay Tito Gerry. Seryoso at
diretso lamang itong nakatingin sa akin na para bang isa akong bagay na kanyang
iniinspeksyon.

He wants me to talk with him, and this is it. We are talking about Jeorge and I
guess, he's just want to protect her daughter. Alam kong matalino si Jeorge at
matapang na babae, pero siguro ay instinct na ng mga magulang na protektahan ang
kanilang mga anak. Kaya siguro ako ngayon kinakausap ni Tito Gerry, para mabalaan
ako sa anak niya.

"I will give your chance, Travis. Pero sa oras na malaman ko na sinaktan mo ang
anak ko, hinding-hindi na kita palalapitin pa sa kanya. Naiintindihan mo ba ako?"
Seryoso nitong sabi sa akin. Huminga naman ako ng malalim at tsaka tumango.

"Opo, Tito Gerry." Sagot ko. Tumango lamang siya sa akin at tsaka pumasok sa loob
ng bahay nila.

I sighed, a deep one.

Mukhang napasabak ata ako ng giyera sa panliligaw kay Jeorge ah? Si Jeorge pa nga
lang, mukhang isang batalyon na ng sundalo tapos may back-up pa siya. Tangna,
dehadong-dehado ako nito kapag pinaiyak ko si Jeorge.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila at nakita ko si Uge na naglalaro ng XBOX.


Inakbayan ko siya at pinanood ko ang nilalaro niya.
"Ang galing mo na diyan ah? Parang kailan lang ang weak mo pa." Pang-uuto ko sa
kanya. Madali lang naman kasing utuin si Eugine at konting puri lang sa kanya ay
tuwang-tuwa na siya.

"Salamat, Kuya Travis." Sagot naman niya. Ginulo ko naman ang buhok niya at
kuwanring nanonood sa kanya.

"Tawagin mo naman ang ate mo oh, sabihin mo nandito ang boyfriend niya sa baba."
Mahinahon kong sabi sa kanya.

"O sige, Kuya Travis." Sabi niya sabay tayo at dali-daling umakyat sa itaas.
Napangisi naman ako, sigurado akong matutuwa si Uge kapag ako ang naging boyfriend
ng ate niya. Aba, sino ba naman ang aayaw sa akin? Magaling akong magbasketball,
magaling ako sa school, at pwede ko rin siyang turuan ng mga kung anu-anong bagay.
Bonus pa na magaling din akong humalik at sa kama.

Wala pang ilang minuto ay nakita ko na rin siyang pababa ng hagdan. Wala sa
sariling napakagat ako sa ibabang labi ko ng makita kong maikling shorts at sando
lang ang suot niya. Shit, mukhang magmamaryang palad na naman ata ako mamaya.

"Ano na namang ginagawa mo rito, Travis?" Mataray niyang sabi sa akin. Alam ko
naman ang mga ugali ng babae eh, kunwaring mataray pero ang totoo type ka talaga.
Nagpapakipot lang naman talaga si Jeorge kasi ang totoo, gustong-gusto niya ako.
Nahihiya lang siyang aminin kasi nga matalino siya at gwapo ako.

Dumalas ang pagpunta ko sa bahay nila Jeorge at aminin ko man o hindi, nag-eenjoy
ako kapag kasama ko siya. Iba kasi ang pakiramdam ko kapag sinusungitan at
pinapansin niya ako. Pakiramdam ko, mayroon siyang pakielam sa akin kapag ganoon.
Kasi sino ba namang babae ang bibigyan ka ng atensyon kung wala naman silang
pakielam sa'yo, hindi ba? Kaya lagi ko siyang kinukulit, inaasar at minsan
minamanyak.
Minsan, isinama ko siya sa party kina Din. Nagkataon naman na nandoon si Liana,
iyong ex ko. Kahit papaano naman, napaligaya rin ako ni Liana kaya kinausap ko siya
at nakipaglandian din sa kanya. Pero natigil iyon nung narinig kong type raw siya
ni Xander. Uminit ang ulo ko at bigla ay gusto kong sapakin si Xander dahil sa
narinig ko.

Sinubukan kong agawin ang atensyon ni Jeorge pero hindi mawala kay Xander ang
atensyon niya kaya hindi ako nakapagpigil at sinapak ko si Xander. Nahuli kami ni
Tito Levinn at pinagalitan kaming dalawa.

Jeorge is only mine, just mine.

Dumaan pa ang mga araw at naamin ko sa sarili kong lumalalim na ang pagtingin ko
kay Jeorge. Pakiramdam ko mayroong mali sa akin dahil kapag manlalandi ako ng ibang
babae, mukha niya ang naiisip ko. At pakiramdam ko, pinagtataksilan ko siya at
nagagalit siya sa akin kahit hindi naman niya alam na marami akong babaeng
nilalandi.

Dinala ko siya sa bahay namin at inamin ko sa kanya na baka mahal ko na siya, wala
siyang reaksyon at inasahan ko na iyon. Sino bang babae ang maniniwala agad sa
lalaki kapag sinabi na nitong mahal ka niya? Hindi ganoong babae si Jeorge dahil
matalino siya.

Dumating si Liana, ang unang babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Akala ko,
bumalik na naman iyong dating pagtingin ko sa kanya kaya siya ang pinagtuunan ko ng
pansin. Hindi ko alam na masasaktan ko pala si Jeorge sa ginawa kong iyon.

Ang gago ko lang dahil nung tinalikuran niya ako, doon ko nalaman ang pagkakamali
ko. Hindi ako mapakali nang araw na iyon at pinuntahan ko siya sa bahay nila.
Pinilit ko ang mga magulang niya na makausap ko siya pero si Jeorge na mismo ang
nagsabi na ayaw na niya akong makausap. Hindi ako mapakali kaya dumiretso ako sa
isang bar para uminom. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil napakagago ko.
Nakipagsapakan ako sa kung sino kahit wala akong rason.
Kinabukasan, late akong pumasok dahil bumili pa ako ng bulaklak para sa kanya.
Umupo ako sa upuan ko at pasimple ko siyang tinitignan pero para bang hindi ako
nag-eexist sa mundo niya dahil kahit isang sulyap ay wala akong natanggap. Agad
akong lumabas pagkatapos ng klase namin. Kinuha ko ang binili kong bulaklak para sa
kanya at agad siyang hinintay sa labas. Wala pang ilang saglit ay lumabas din siya
kaya agad ko siyang hinarang at inabot sa kanya ang bulaklak na binili ko.

"Para sa'yo, Jeorge." Mahina kong sabi sa kanya. Hindi naman niya iyon kinuha at
pinakatitigan niya lang ako. Nagtama ang mga mata namin at matalim siyang
nakatingin sa akin.

"I don't like roses if you don't know and I can buy that ugly flowers twelve times
than you thought." Mataray niyang sabi sa akin kaya napayuko ako sa pagkapahiya ko.

"Sorry." Mahina kong sabi sa kanya. Pakiramdam ko ay itinakwil ako ng sarili kong
ina dahil sa pagpapahiya niyang iyon sa akin. Ang gago ko lang dahil ako rin naman
ang may kasalanan kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin.

"Kung hindi mo rin alam, hinaharangan mo ang daraanan ko kaya kung pwede lang,
tumabi-tabi ka." Mabilis niyang sabi sa akin. Tumabi naman ako sa gilid at umalis
na siya sa harapan ko na para bang wala lang ako sa kanya.

Ginawa ko ang lahat para mapatawad niya ako. Hindi ako sumuko kahit na nawawalan na
ako nang pag-asa. Lagi kong iniisip ang mga ngiti niya sa tuwing may ginagawa akong
bagay na para sa kanya.

Hindi ako sumuko hanggang sa pinatawad niya ako. Hindi ko maipaliwanag ang
nararamdaman ko noon nang pinatawad niya ako. Akala mo nanalo ako sa lotto dahil sa
sobrang saya ko. Doon ko lang din naamin sa sarili ko na mahal ko na si Jeorge. Na
kaya ako nagkakaganito ay dahil sa kanya, dahil mahal ko na siya.

Sa bawat araw na lumipas, walang araw na hindi ako masaya. Naroroon iyong lagi ko
siyang kinukulit at susungitan naman niya ako. Walang araw din na hindi ko siya
hinalikan at minanyak dahil sa tingin ko naman ay normal lang na manyakin ng
boyfriend ang girlfriend niya, hindi ba?

Sa mga araw na kasama ko siya, hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya. Basta
kapag nakikita ko lang siya at malapit lang siya sa akin, pakiramdam ko ang saya-
saya ko na. Kahit na madalas niya akong sinusungitan at binabara, masaya pa rin
ako. Handa kong gawin ang lahat para lang mapasaya si Jeorge.

She matters to me, right now.

Days have passed, maraming nangyari at ganoon pa rin ang takbo ng relasyon namin.
Hanggang sa dumating ang pinakamasamang bangungot sa buhay ko. My parents had an
accident and I don't know what to do. Gusto kong patayin ang taong may kagagawan
kung bakit nalagay sa peligro ang buhay ng mga magulang ko. I don't know what to do
anymore when my mother died. She's my safety zone, she's the only person who could
understand me, tapos ano? Kinuha pa siya sa akin? Galit na galit ako, pero kahit na
ganoon ay hindi ako iniwan ni Jeorge. She was always there when I need her, when I
am alone and when I am crying. Kailan man, hindi siya umalis sa tabi ko.

Nang minsan siyang matulog sa bahay, wala akong ginawa kung hindi ang pagmasdan
lamang siyang matulog. She's beautiful, but that is not the reason why I love her.
I love everything about her.

"I love you, Jeorge." I whispered to her as I gently kissed her forehead.

Kinaumagahan ay hinatid ko siya sa bahay nila. Inaya niya akong pumasok sa loob
kaya sumunod naman ako sa kanya.
"Mamaya na lang ulit ako pupunta sa inyo, okay?" Nakangiti niyang sabi sa akin.
Pilit naman akong ngumiti sa kanya at tsaka tumango. Hinalikan pa niya ako bago ako
lumabas.

I was about to leave when I suddenly heard her father's voice. Kumunot ang noo ko
dahil sa tingin ko ay nag-aaway sila. Hindi ko mapigilan ang bumalik sa pinto at
nakita kong si Jeorge ang kausap ng Daddy niya.

"Don't be hard on this, Jeorge! We already planned for this, we will leave the
country! It's for the sake of your studies, hindi mo ba ako maintindihan?!" Her
father yelled at her, angrily.

"Dad, I don't want to leave the country! Mas gusto ko nang dito na lang sa
Pilipinas mag-aral!" Mariin niyang giit sa Daddy niya. Pakiramdam ko ay mas lalo
akong nanghina sa narinig kong iyon.

Umuwi ako na iyon ang nasa isipan ko. Hindi ako mapakali at hindi ko alam ang dapat
kong gawin. Hindi ako makasariling tao at handa akong gawin ang lahat para kay
Jeorge. Marami na siyang nagawa para sa akin at sa tingin ko, ako naman dapat
ngayon ang magsakripisyo para sa kanya.

So I did what a stupid man could ever do to his girl. Sinaktan ko siya kahit na
ayoko at mahirap. She doesn't deserve this and she doesn't deserve me for this.
Hindi ako nagparamdam sa kanya at hindi ko sinasagot ang mga texts at calls niya.
Pinipigilan ko ang sarili ko at kahit nasa malayo, pinapanood ko pa rin ang bawat
galaw niya.

Until one time, she went to my house and by that time I am with Madonna. I just
used her and she knows about it. Kitang-kita ko sa mga mata ni Jeorge ang mga
tanong na kung bakit ko ito ginawa sa kanya sa kabila ng ginawa at ipinakita niya
sa akin. Kitang-kita ko kung gaano niya ako kinamumuhian at kitang-kita ko kung
paano siya nasasaktan. Diretsahan kong sinabi sa kanya na ayoko na, kahit na
totoong ayokong pakawalan siya dahil sa tingin ko siya na ang babaeng para sa akin.
Pero hindi, dahil lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya.

Wala siyang sinabi, tumalikod lamang siya at tsaka umalis. Doon, umiyak ako.
Sabihan n'yo na akong tanga o kung ano pa man pero umiyak ako. Mas gugustuhin ko
pang saktan niya ako at murahin kesa sa ganito, iyong tatalikod lamang siya sa akin
at walang sasabihin. Ang sakit dahil dalawang babae na sa buhay ko ang nawala.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagpakalunod ako sa alak.

Gusto kong tanungin ang nasa itaas kung mayroon ba akong nagawang mali para
parusahan niya ako ng ganito, para iparamdam sa akin ang ganitong kasakit na bagay.

Pilit kong iniisip kung ano nga ba ang nagawa kong mali pero sabi nga nila, may
rason ang lahat ng bagay.

Kinabukasan, pumasok ako at ganoon pa rin siya. Tahimik at walang sinasabi pero
kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Madonna provocked her and by
that time, lumabas ang pagiging matapang niya.

Pero sa kabila noon, hindi niya napigilan ang hindi umiyak sa harapan ko.
Ipinamukha niya sa akin ang mga bagay na ginawa ko sa kanya at ipinamukha niya sa
akin na kahit kailan, hinding-hindi ako babagay sa kanya. Umalis siya at kahit sa
pag-alis niya ay hindi ko pinalagpas. Nasa malayo ako, tinanataw siya habang
papaalis siya ng bansa.

Pumasok ako sa kotse ko at doon inilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Umiyak ako,
dahil sino ba naman ako para hindi umiyak? Tao lang din naman ako at kahit lalaki
ako, nasasataktan at umiiyak din kami.
Years have passed, specifically four years. Tiniis ko ang hindi siya makita at
makausap sa loob ng mahabang panahon. I flirt with a lot of women pero siya pa rin
ang laman ng puso ko. I heard from Din that she's in the country already, tinawagan
ko siya pero isang mura lamang ang natanggap ko sa kanya. Pero kahit na ganoon,
hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. At least, I heard her soft voice after so
many years.

Nang makita ko siya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para ba akong isang
highschool student na nakita ang crush niya ng malapitan. Malaki ang ipinagbago
niya pero mayroon akong isang bagay na siguradong hindi nawala sa kanya, ang
pagiging matapang niya.

Sinubukan kong muling mapalapit ang loob ko sa kanya at hindi naman ako nahirapan.
She gave me another chance and I was very thankful. Hindi ko maipaliwanag ang
sayang nararamdaman ko. I did my best for her because right now, she's the only one
who matters to me. I still love her and that will never change.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nalaman kong ang sarili pala niyang ama
ang naging dahilan kung bakit namatay ang Mommy ko. Muli akong napatanong kung
bakit? Kung bakit nangyayari ito sa akin? Kung bakit dapat akong parusahan ng
ganito? Kung bakit sa dami ng tao sa mundong ito, ako pa dapat ang makaranas ng
ganito.

Lumayo muna ako at nag-isip, Jeorge didn't tell me about this because maybe, she's
just protecting his Dad. Hindi siya dapat damay dito dahil wala naman siyang
kasalanan. Umuwi ako ng condo ko at natanaw ko siya. Nakita kong mayroong mga
lalaking nakapalibot sa kanya at hindi ko iyon pinansin. Nilagpasan ko siya pero
hindi ako mapakali kaya binalikan ko siya at ganoon na lamang ang galit ko ng
makita kong pinagsasamantalahan siya.

Wala sa sariling binugbog ko ang mga lalaking nananamantala sa kanya. Walang tigil
kong ibinuhos ang galit ko sa kanila dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung
sakaling may mangyaring masama sa babaeng mahal ko. Tumigil lamang ako ng magsalita
si Jeorge sa may likuran ko. Bakas sa mukha niya ang takot kaya walang pag-
aalinlangan ko siyang niyakap ng mahigpit. Ibinaon ko ang mukha niya sa dibdib ko
at hinayaan ko siyang umiyak.
Dinala ko siya sa condo ko at doon ko siya pinag-ayos. Pumasok ako sa loob ng
kwarto ko dahil hindi ko kayang makita siya sa ganoong lagay. Nanghihina ako kapag
nakikita ko siya at alam ko sa sarili ko na siya ang kahinaan ko. Lumabas ako ng
kwarto ko at hindi ko siya nakita. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko para
habulin siya dahil sigurado akong uuwi iyon. Ganoon na lang ang panibugho ko dahil
hindi niya man lang naisip na baka may mangyari na naman sa kanyang masama.

Nagalit ako at kahit na galit ako, nagawa ko siyang pabalikin sa condo ko. Ginamot
niya ang sugat ko at hindi kami nag-uusap. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko
pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko. Hinintay ko siyang pumasok sa loob ng
kwarto ko at hindi naman nagtagal ay tumabi rin siya sa akin. Pinilit kong
makatulog pero lolokohin ko lang ang sarili ko dahil alam kong hindi ako
makakatulog dahil sa presensya niya.

Nilingon ko ang pwesto niya nang masigurado kong tulog na siya. Hindi ko napigilan
ang hindi siya pagmasdan at hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na yakapin
siya. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili ko na makatulog yakap-
yakap siya.

Nagising ako kinabukasan na wala na siya sa tabi ko. Lumabas ako sa kwarto ko at
nadatnan ko siyang nag-hahanda ng pagkain sa lamesa. Binati niya ako pero hindi ko
siya pinansin at dumiretso ako sa sink para maghilamos. Pagkatapos noon ay
dumiretso ako sa sala para manood ng T.V.

Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko pa rin siya pinansin.
Pilit ko lamang siya iniignora pero nang muli siyang magsalita ay hindi na iyon
kinaya ng sistema ko. I can't resist her, I still love her. Kahit na anong laban
ang ginagawa ko sa nararamdaman ko para sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang
pagmamahal ko sa kanya.

Sabay kaming kumain at walang nagkikibuan sa aming dalawa. Dumiretso ako sa sala
pagkatapos kong kumain. Gusto niya akong makausap kaya pinagbigyan ko siya. Hindi
ako nagsasalita at hinayaan ko lamang siyang magsalita.
"Natatakot akong mawala ka dahil mahal pa rin kita hanggang ngayon, Travis."
Umiiyak niyang sabi sa akin. Bumilis ang pintig ng puso ko at bigla ay gusto ko
siyang yakapin ng mahigpit. Pero nangibabaw ang galit sa puso ko at hindi ko
pinansin ang sinabi niya.

"Pakisara na lang ng pinto kapag aalis ka na." Walang emosyong sabi ko sa kanya at
tsaka ko siya tinalikuran. Pumasok ako sa kwarto ko at hindi ko napigilan ang
sarili ko na hindi mapaiyak. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil binalewala ko
siya. Matagal akong nakaupo lamang doon at nag-iisip ng mabuti. Tinawagan ko ang
Daddy ko para kausapin siya tungkol sa nangyari. Kagaya ko, gusto na rin niyang
matapos ang lahat kaya napag-usapan namin na hindi na lamang magsampa ng kaso at
kalimutan na lang ang nangyari.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at sinundan siya. Dumiretso siya sa isang


restaurant kasama si Din at Xander. Nakatanaw lamang ako sa kanya sa malayo at
pinagmamasdan ang bawat paggalaw niya. She's crying pero wala man lang akong magawa
para pawiin ang mga luha niya. Sinundan ko siya hanggang sa bahay nila. Nasa loob
lamang ako ng sasakyan ko at tahimik na nag-iisip. Bumuhos ang malakas na ulan at
para bang nakikidalamhati rin sa akin ang panahon.

Akmang aalis na ako ng bigla kong makita ang paglabas ng sasakyan ni Jeorge.
Sinundan ko siya at sa tingin ko ay pupuntahan niya ako. Tumunog ang cellphone ko
at pangalan niya ang rumehistro sa screen. Hindi ko iyon sinagot dahil nakita ko
ang sasakyan niya na mabilis pa rin ang pagtakbo kahit na mayroong slow down na
nakalagay. Kumunot ang noo ko at agad na sinagot ang tawag niya.

"Mahal na mahal kita, Travis..." At kasabay noon ay ang pagtilapon ng sasakyan niya
sa tubig. Nanlaki ang mga mata ko at agad na pinatigil ang sasakyan ko.

"Jeorge!" Mabilis ang pintig ng puso ko at walang sabi-sabing tumalon ako sa tubig
kung saan bumagsak ang sasakyan niya. Hindi siya pwedeng mawala, hindi siya pwedeng
mawala sa akin. Hindi ko kayang mapatawad ang sarili ko kapag nawala siya.
Nakita ko ang sasakyan at mabilis akong lumangoy. Wala na akong pakielam kung
nauubusan na ako ng hininga, wala na akong pakielam kung mamatay ako basta ang
mahalaga ay mailigtas ko lamang siya.

Nakita ko siya sa loob ng sasakyan niya at batid kong nahihirapan na siya. Pilit
kong binabasag ang salamin ng sasakyan niya dahil nakalock iyon. Muli akong
tumingin sa kanya at doon ay nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang pagbuka ng
mga bibig niya at alam ko kung ano ang sinabi niya. Tuluyan ng pinasok ng tubig ang
loob ng sasakyan niya at nakita ko na nawalan na rin siya ng malay.

Hindi pwedeng mangyari ito, hindi pwedeng mamatay siya. Ikamamatay ko kapag nawala
siya sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kung pati siya mawala sa akin. Kaya kahit
ikamatay ko, handa kong ibuwis ang buhay ko para lamang sa kanya.

I couldn't help not to cry as I watch the love of my life walking down the aisle of
this big church. I can't explain the happiness I am feeling right now because this
day, I will own her. Dammit Travis, this is it! Wala ng urungan ito!

"Pare, ang swerte mo rin pala kahit may pagkademonyo ka. Biruin mo, napikot mo si
Jeorge." Xander whispered beside me. Siya kasi ang napili kong bestman para sa
kasal kong ito.

"Shut up your dirty mouth if you don't want me to kill you." Sagot ko sa kanya ng
hindi inaalis ang tingin ko kay Jeorge. She's smilling widely while directly
looking at me. Kahit pa natatakpan ng belo nag mukha niya ay kitang-kita ko kung
gaano siya kasaya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak ng tuluyan na
siyang makalapit sa akin.

"You should take care of my daughter, Montemayor. Mark my words." Nakangiti pero
seryosong sabi sa akin ni Tito Gerry. Tumango naman ako sa sinabi niya at tsaka
tumingin kay Jeorge.

"I will." Nakangiti kong sagot. Iniabot niya sa akin ang kamay ng babaeng
pinakamamahal ko at malugod ko iyong tinanggap.

"I love you." Nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumuso naman siya at bigla ay gusto ko
na siyang halikan ngayon.

"Mamaya pa ang honeymoon, Montemayor." Sagot niya sa akin. Napakamot naman ako sa
likod ng ulo ko sa sinabi niyang iyon. She pinched my nose and smiles at me
sweetly.
"I love you too, kulet." Nakangiti niyang sabi sa akin. Humarap na kami sa pari at
nagsimula na ang seremonya. I couldn't help not to watch her for the whole time.
Hindi ko inakala na darating ako sa puntong papakasalan ko na ang babaeng mahal na
mahal ko.

"Travis Kiel Montemayor Jr, do you take Jeorge Rivas for your lawful wedded wife,
to live in the holy estate of matrimony? Will you love, honour, comfort, and
cherish her from this day forward, forsaking all others, keeping only unto her for
as long as you both shall live?" Tanong sa akin ng pari. I looked at her before
answering the question.

"I do, father." Nakita ko ang pag-iyak ni Jeorge ng sumagot ako sa pari.

"Hush, baby. I don't want you to see crying." I whispered to her as I gently wiped
her tears.

Pinagpatuloy naman ng pari ang sinasabi niya. "Jeorge Rivas, do you take Travis
Kiel Montemayor Jr, for your lawful wedded husband, to live in the holy estate of
matrimony? Will you love, honour, comfort, and cherish her from this day forward,
forsaking all others, keeping only unto her for as long as you both shall live?"

Jeorge looked at me while saying those two words that will change everything
between the both of us. "I do, father." Umiiyak niyang sagot sa pari pero ang mga
mata niya ay nasa akin.

We say our vows to each other and we promised that we will be faithful to each
other until death do us part.

"You may now seal the promises you have made with each other with a kiss."
Nakangiting sabi sa amin ng pari.

"Paano ba iyan, Mrs. Montemayor. Pwede na raw kitang halikan." Nakangisi kong sabi
sa kanya. Pasimple naman niyang kinurot iyong tagiliran ko.

"Oo na, sige na!" Nakangiti rin niyang sabi sa akin. Mas lalo namang lumawak ang
ngiti ko at itinaas ko na ang belo na humaharang sa mukha niya.

"I love you so much, babe." I muttred before I kissed her lips.

Maybe we experienced a lot of trials in this world, a lot of circumstances that


will test our faithfulness with each other. We don't feel pain for no reason,
because pain teaches us a lesson. You have to feel pain in order to practice being
strong. It was just only a trial, and that thing will never be the reason to
surrender.

Maybe this time, Jeorge and I will have our forever.

THE END

=================

Author's Note

Author's Note

Okay, teka. Kalma lang! Pero tangina talaga, tapos na ang Maybe This Time!
Nakatapos na naman ako ng isang storya! #BSS4. So, maraming-maraming salamat po sa
inyo na patuloy pong sumusuporta kay Marco Jose. Wala po si Marco Jose kung wala
kayo, dahil po sa inyo. Pinagpapatuloy ko ang pagsusulat ko. Kung wala kayo, wala
akong magiging inspirasyon para magpatuloy sa larangang ito na kahit kailan ay
hindi ko naisip na mahahalin ko ang pagsusulat. DOTA, LOL player lang ako dati
tapos ngayon naging writer? Who would have thought? Haha. So again, maraming
salamat sa pagbabasa ng Maybe This Time! Mahal na mahal ko kayo. Aasahan ko kayo
hanggang sa kahuli-hulihang magiging storya ko. Maraming salamaaaat! :)

PS: Aivan's story is BSS5 which is now published. See you there! :)

You might also like