WIKA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SITWASYONG PANG WIKA SA PANAHON NG AMERIKANO

 Ayon kay Senador Morgan ng Alabama, ang Pilipinas ay mahalaga bilang base militar at komersyal ng
Amerika sa silangan. Inaasahan din nilang mangangailangan sa Pilipinas ng mga kagamitang mabibili sa
kanilang bansa sapagkat mababago na ang sistema ng pamumuhay sa kanilang ipakikilalang edukasyon.
 Sa pagkakatatag ng pamahalaang sibil ng Pilipinas, ipinahayag ni Presidente McKinley sa Komisyon ng
Pilipinas sa pamumuno ni Hukom W. Howard Taft na bigyan ng espesyal na atensyon ang pagtuturo ng
Ingles sa Pilipinas bagamat sinabi niyang “kailangang ipagkaloob ang edukasyon sa wika ng mga tao”.
Naniniwala ang mga mananakop na dapat ibigay ang libreng edukasyon sa kanilang wika sapagkat wala
raw karapat-dapat na wikang katutubo dahil “mga barbaro” ang mga iyon.
 Hindi naging madali ang pagtuturo ng Ingles. Hindi maiwasan ang paggamit ng wikang bernakular sa
kanilang pagpapaliwanag sa mga bata. Noon 1900 ang Superintendente Heneral ng mga Paaralan ay
nagbigay ng rekomendasyon sa Kalihim ng gobernador Militar ng paggamit ng bernakular bilang pantulong
na wikang panturo. Pinagtibay naman ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa
pagpapalimbag ng mga librong pamprimarya sa Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya at Ingles-
Bikol.
 Noong 1906 pinagtibay ni Dr. David Barrows (direktor ng Kawanihan ng Pagtuturo) ang isang kurso sa
wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa Philippine Normal School sa panahon ng
bakasyon ng mga mag-aaral.
 Nagbago na naman ang pamamalakad nang ang nahalili bilang Direktor ay si Frank White dahil sa
pagreresayn ni Barrows. Ipinahayag ni White na Ingles lamang ang gagamiting wikang panturo at
ipinagbabawal ang bernakular.
 Ganito ang nakalagay sa Service Manual ng Kawanihan ng Edukasyon:
- Tanging Ingles ang dapat gamitin sa pag-aaral
- organisado at sentralisado ang sistema ng edukasyon (laging Amerikano ang direktor ng
Kawanihan)
- Sapilitan ang pagtuturo ng Ingles. Itinuro ang kasaysayan ng Amerika, ang literaturang Ingles at
Amerikano, ang mga ideyal at kaugaliang Ingles at Amerikano, istruktura ng gobyerno at iba pa.
Una pinasaulo ang Star Spangled Banner kaysa Land of the Morning.
 Ang naging resulta: ang pagwawalang-bahala ng mga nakapag-aral sa anumang bagay na Pilipino at
pagyakap at pagmamalaki sa anumang bagay na Amerikano.
 Mga Isinagawa ng Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo
 Ang padalus-dalos na desisyong Amerikano at ang kanilang pagsisikhay na mapalaganap ang Ingles bilang
wikang komon ay sinalungat at tinutulan ng mga Pilipino at maging mga Amerikano. Ayon kay Davi Doherty
“hindi mangyayaring maging wika ng buhay-tahanan at lansangan ang wikang ito. Kaya iminungkahi niyang
bumuo ng pambansang wika sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng pitong bernakular na wika.

 Paghahanap ng mga titser na Amerikano lamang


 Pagsasanay ng mga Pilipino na maaaring magturo ng Ingles
 Pagbibigay ng malaking emphasis sa asignaturang Ingles
 Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan
 Pagsasalin ng mga teksbuk sa wikang ito
 Paglalathala ng mga magasing lokal para magamit sa mga paaralan
 Pag-alis at pagbabawal ng wikang Kastila sa paaralan

 * Hindi nag-iisa ang Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo sa popularisasyon at pagtataguyod ng wikang


Ingles bilang wikang komon ng Pilipinas. Sa likod nito’y laging nakalaan ang lehislatura at ang iba’t ibang
departamento at ahensya ng pamahalaan. Ayon kay Kongresman Manuel Gallego “Upang matupad ang
layunin ng pamahalaan, na isulong ang patakarang Ingles, sa pamamagitan ng iba’t ibang probisyon,
pinagtibay ito ng Komisyon ng Pilipinas at Lehislatura ng Pilipinas bilang opisyal na wika ng Departamento
ng Katarungan ng pamahalaan mula sa Hukuman, sa Korte ng Tagapamayapa, sa Kataas-taasang
Hukuman, at sa mga Korte sa buong kapuluan.
 * Hindi nag-iisa ang Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo sa popularisasyon at pagtataguyod ng wikang
Ingles bilang wikang komon ng Pilipinas. Sa likod nito’y laging nakalaan ang lehislatura at ang iba’t ibang
departamento at ahensya ng pamahalaan. Ayon kay Kongresman Manuel Gallego “Upang matupad ang
layunin ng pamahalaan, na isulong ang patakarang Ingles, sa pamamagitan ng iba’t ibang probisyon,
pinagtibay ito ng Komisyon ng Pilipinas at Lehislatura ng Pilipinas bilang opisyal na wika ng Departamento
ng Katarungan ng pamahalaan mula sa Hukuman, sa Korte ng Tagapamayapa, sa Kataas-taasang
Hukuman, at sa mga Korte sa buong kapuluan

You might also like