Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TALUMPATI PARA SA ATING MGA KABATAAN

Sabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal " KABATAAN ANG PAG ASA
NG ATING BAYAN" kung makikita niya kaya tayo ngayon matutuwa siya? Masasabi
parin kaya niyang tayo ang pag asa? Sa mga pangyayari at ganap natin sa buhay
ngayon, mukhang malabo na, hindi ba?

Tayong mga kabataan ngayon napakaraming ganap sa buhay. Kung ikukumpara natin
ang mga kabataan noon sa ating mga kabataan ngayon malayong malayo, ibang-iba.
Nakakaligtaan na nating gumamit ng po at opo, pati ang nakagawiang pagmamano ay
nakakalimutan na rin natin. Para sa iba ang pag aaral wala nang saysay,
pagbubulakbol ang nasa isipan

Ml dito, Ml diyan, naglalaro sa cellphone kahit nasa paaralan, kahit nagtuturo ang
guro sa harapan. Panulat at libro sana ang hinahawakan ngunit inuuna pa ang
Facebook, Twitter at Instagram. Hindi na inisip si Nanay at Tatay na nagkukumahog
sa paghahanap buhay para lang tayo ay makapag aral. Edukasyon lang ang
maibibigay nila satin, bakit hindi pa natin ito bigyan ng pansin.

Bisyo? Hay , isa pa ito, pangmatanda lang ito ito kaso nakakacurious kaya ngayon
sinubukan na ng iba. Inom dito, inom diyan, inom kung saan saan, sa umaga, sa
tanghali, o sa abi man, kahit chichirya ang pulutan ,hangga't hindi nalalasing sige
lang. Yosi kung saan saang tindahan basta hindi mahuli ng guro at magulang.
Nakakaawa naman ang ating mga magulang napakarami na nilang sakripisyo sa
buhay, pwro ito tayo't nilulustay ang perang para sana sa ating pag aaral.

Tayong mg kabataan mahilig sa paggawa ng isyu at pamumuna sa mga nakapaligid sa


atin. Iyong tipo na dibdib na nga ng iba pinapakialaman pa, pati tangkad pinupuna. Ito
pa may makita lang na magkasama, magjowa na? Baka naman magkaibigan lang
diba? Kung ano ano na lang ang napupuna may nagawa lang na mali ang isa
kinabukasan pinag uusapan na.

Hindi rin bago sa ating paningin ang mga kapwa natin kabataan na gumagamit ng
kung ano ano para sa mukha. Umaawra pa kung saan saan para lang mapansin ng iba.
Nakalimutan ng may assignment pang sasagutan, hindi pa nakakapag rebyo para sa
nalalapit na quiz at exam. May mga proyekto pang ipapasa na sa katapusan ngunit
hindi pa nasisimulan. Yung oras sana na ginugol sa pgalalaro, pagbibisyo at
pagpapaganada ay inilaan nalang natin sa paggawa ng mga gawain natin, mga oras ma
para sana sa pag aaral natin. Ganyan tayong mga kabataan ngayon aminin man natin o
hindi, yan na yung nakagawian nating sistema ng buhay natin sa araw araw.

Bata pa tayo, marami pa tayong magagawa para magbago. Kaya pa nating maging
pag asa ng bayan. Makakaya pa nating mabago ang nakagawian nating sistema sa
ating buhay. Naway maging pag-asa tayo ng ating bayan gaya ng inaasahan ni Dr.
Jose Rizal. Tayo ang kinabukasan.
Kung mapapariwara tayo, paano na ang susunod na henerasyon? Mahalin natin ang
ating buhay, ang ating mga magulang at ang bayan. Manalig at magpasalamat tayo sa
Diyos sa mga biyayang binibigay niya kahit di naman natin hinihingi. Magpasalamat
din tayo sa mga pagsubok na nagpapatatag satin . Ibigin ntin ang kapaligiran at ang
inang bayan. Kung hindi man ito kaibig-ibig gumawa tayo ng sarili nating paraan.
Mag aral tayo ng mabuti para sa ating mga magulang at para sa ikauunlad ng ating
bayan. Nawa'y naimulat ko ang mga isipan niyong sarado at ang mga mata niyong
bulag sa katotohanan. Salamat sa pakikinig.

You might also like