Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

FIlipinolohiya at Intelektwalissasyon ng Filipino

Written Report

sa
Assignaturang
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
GEED 10123

Pangakat 3
Lagunzad, Lexter
Magallanes, Rhandel
Robregado, Jonathan

ABF 2-2

Prop. Glenda Salarzano

Agosto 15, 2019


Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya

Realidad ng Lipnang Pilipino

 Sa Panahon ng Kolonyalismong Kastila

Ang 333 taong pananakop ng mga kastila ay hindi biro lalo na at malaki ang

naging paghubog nito sa realidad ng lipunang ating kinabibilangan hanggang

ngayon. Masasbing sa panahon ng pananakop ng mga Katila ay nahubaran ang

pagkatao ng bansang Pilipinas ng mawalang saysay ang katagang bansa sa atin. Isa

sa pinaka rason ay ang pandarayukdok na inilapat sa atin ng relehiyon, kultura at

pamahalaan nila. Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila Gobyernong

Praylokrasya ang siyang namuno sa mga Indiyo. Ang lahat ng utos, simulain at

gawi ay nanggagaling sa utak ng mga prayle. Sa ganitong paraan nawalan ng laya

ang mga Indiyo na magdesisyon at pamunuan ang sariling tinatakbo isip. Hindi

lamang intelektwal bagkus sinaktan ng mga Gobyernong Praylokrasya ang mga

Indiyo sa paraang pisikal. Ito ay namutawi ng kanilang panindigan ang kanilang

pagtingin sa mga Indiyo bilang Alipin at taong pisikal lamang. Hindi nabigyan ng

pantay na karapatan ang mga Indiyo. Ngunit ang ganitong pagdurusa ay hindi

nagtagal ng matutong manindigan at pumalag ang mga Indiyo sa mga pang-

aalipusta na ginagawa sa knaila. Taong Agosto 23, 1896 ay sumiklab ang giyerang

makakapag pabago sa katayuan ng mga Indiyo. Sa puntong iyon ay nangyari ang

giyerang Pilipino-Espanyol na kinilala sa kasayayan bilang “Sigaw ng Pugad

Lawin”. Nagtagumpay ang mga Indiyo at naideklara ang kanilang kalayaan sa

Kawit, Kabite noong taong 1898. Hindi kalaunan ay naitatag ang Konstitusyong
Malolos na siyang naging simula ng pagkakaroon ng Pilipinas ng isang katagang

estado.

 Sa Panahong ng Kolonyalimong Amerika

Hindi nagatagal ang maliligayang araw ng mga Pilipino ng dumating ang

mga mananakop na Amerikano. Ang pinaka naging instrumento ng mga panankop,

ang wika at edukasyon. Sa pamamagitan ng Tratado ng Paris ay nabili ng Amerika

ang Pilipinas sa mga Kastila sa halagang dalawampung milyong dolyares.

Magaling ang naging estratehiya ng mga Amerikano ng pasukin nito ang wisyo na

mayroon ang mga Pilipino. Idinaan nila ang kanilang paghuhubad-bansa sa

Pilipinas sa pamamagitan ng sapilitang pagyakap sa kanilang kultura sa

pamamagitan ng edukasyong komersyal kung saan ang dunong ay nakapokus sa

mga katanungang ano ito? Paano ito? Hindi naging opsiyon sa edukasyong

pormalismo ang paglatag ng paraang pagbubusisi at pagsususri sa paraang malalim.

Pangalawa ang pagpatay sa ating sariling wika sa paraan ng pagpapamalas ng

kagalingan na mayroon ang Ingles. Sa panahon ng mga Amerikano ay naging

pamantayan ng dunong ang kagalingan a pagsasalita sa wikang Ingles. Ang hindi

matatas ay siyang may kakulangan at kung sinong may alam ay siyang nasa

pedestal. Sa pagyakap wikang Ingles at komersyalismong Edukasyon ng mga

Pilipino itinuring siklang “Intellectual Idiot” yaong mga nagkamit ng diploma a

tersyaryang lebel ng dunong na ang kaalaman ay limitado lamang sa antas

makadayuhan at hindi nakabatay sa realidad na mayroon ang ating bansa.

 Sa Panahon ng Kolonyalismong Hapon


Sa panahon naman ng Hapon ay umiral ang Gobyernong Puppet sa pangunguna ng

noo’y pangulong Jose P. Laurel. Sa panahon na ito ay nawalan ng silbi ang pangil

ng konstitusyon dahlia ng tanging nasusunod ay ang kautusan ng mga Hapones. Sa

panahon ng pananakop ng Hapon ay nakinabang ang wika dahil itinuring itong

Golden Age ng WIka ng Pilipinas. Dito ay nagkaroon ng hubog ang wikang ating

ginagamit ngayon. Ngunit kabaliktaran ng nangyari sa ating lipunan. Kung aan

sinasabing mayroong leukemia. Dahil malaki ang naging kapakinabangan ng

dayuhang kapatalista sa likas yaman na ang naging tulay pa ay ang mga

namamahala sa ating gobyerno noon. Dahil na rin sa krisi sa ekonomiya, naigng

sentro ng kasiyahan para sa mga Pilipino ang kaisipang pera-pera. Nawala ang

diwang bayanihan at damayan. Hindi pa natapos ddiyan, napinta sa pedestal yaong

mga tinatawag na Anak ng Diyos, mga taong kayang bilhin lahat gamit ang pera at

ang pagusbong ng diwang anarkismo kung saan pinaniniwalaang nakasasama sa

lahat ng aspeto sa pamahalaan.

Ang tatlong panghuhubad-bansa sa Pilipinas ay naging salamin ng realidad na

mayroon hanggang sa nayon ang bansa. Ang mga naitanim na kababuyan ay pilit

paring nakikipagpingkian sa wisyo na mayroon ang bawat inbidwal. Namulat man

ang indibidwal sa tooong estado ng bansa ay bulag parin ang pamahalaan na siya

namang nagiging kakuntsaba ng matinding pandarayukdok sa ating isipan. Kaya

kung iispin naideklara man ang Pilipinas bilang demokaratikong bansa ang realidad

ay nakakulong parin tayo sa pang-aalipin ng Kastila, pang babansot ng Amerika at

pang bubusabos ng Hapon.

Ang Bait/Katinuan sa Kamalayang Panlipunan


Isa na siguro ng mahahalagang component ng isang bansang nagbabayanihan ay ang

wastong kamalayan. Ang kamalayan na magdadala ng pagkapantay-pantay ng bawat isa. Walang

lamangan dahil alama mo at alam niya ang tama sa mali. Sa Pilipinas kakikitaan ng wastong

kamalayan ang mga Pilipino. Hindi lamang dahil sila ay nagabbayanihan bagkus alam ng bawat

indibidwl ang limitasyon ng tama sa mali. Kaya lamang dahil sa diwang pingkian ng bawat

inbidwal sa kagustuhang maibsan ang isang araw ng paghihirap ay nababsag ang bait katinuan na

mayroon ang isang lipunan, tulad ng Pilipinas.

Isa ring importante sa isang lipunang mayroong wisyo ay ang kalinangan ng bayan na

magiging salamin ng pagkakakilanlan ng isang bansa. Isang halimbawa na ibinigay ni Abadilla ay

ang Wikang Filipino. Sinabi niya na ang “Filipino ang pangunahing sumasalamin sa pagkataong

Pilipino. Sa wika ng bayan sumisibol at nalilinang ang talino ng sambayanang nakabigkis sa

pambansang patrimonya”. Sa pahayag na ito ni Abadilla ay mariing kakikitaan na mahalaga ang

domain na wika sa kamalayang panlipunan dahil nagsisilbi itong tulay sa wastong pagkatuto at

pagkamulat sa totoong nangyayari sa ating bansa. Sinasabi pa na, “Ang talinong bayan ang

nagtatakda sa kapalaran ng Lipunan”. Mahihinuha dito ang talagang kahalagahan ng edukasyong

mulat sa tunay na Sistema ng lipunang Pilipino. Hindi yaong eduksyong binihisan ng

makadayuhang hangarin at pangarap. Isang resulta ng makadayuhanang hangarin ay ang

pagwawatak sa mga Pilipino. Ito ay makikita sa kasabihan na “Bago iba ako muna” Kung saan

nagmula sa totong kamalayang “Walang taong isang pulo”. Makikita na mariing naitanim ng

dayuhang mananakop ang kanilang kulturang mapangwatak ng isang lipunang dikit at

nagtutulongan. Bukod pa riyan ang usapang salapi na siyang pina sumisentro sa komprontasyon

ng pagpipingkian ng bawt inbidwal sa lipunang Pilipino. Hindi na mawawala siguro ang

komprontasyon ng pagpipingkian sa lipunang Pilipino lalo na at nahati ng dayuhang mananakop


hindi lkamang ang bait/katinuan ng mga Pilipino kundi maging ang katayun sa lipunan. Una ay

yaong mga taong diawng burgis na siyang mga taong nahahanay sa pedestal. Ang pangalaa naman

ay ang yaong mga masa. Mga taong isang kahig isang tuka. Mga Pilipinong inuugit ng kahirapan

at patuloy na ginagawang kasangkapan ng mga kapitalista. Isang paraan upang mawala ng

bait/katinuan sa lipunang Pilipino ay ang pagbibigay ng mas malalang dagok upang maibsan ang

kanilang kahirapan. Isa na rito ay ang krisis sa lipunan na maka-elite. Ang krisis na para sa

kapitalista ay oatunay nap ag-angat ng ekonomiya pero para sa mga masa ay pabigat dahil lalong

tataas ang mga pangunahing pangangailangan. Makikita lamang sa dibesyong sosyal na walang

konsepto ng pagkapantaypanatay. Walang yaong parehas aangat o kaya naman yung parehas na

mangangailangan dahil ang totoo nababansot parin ang lipunang Pilipino sa pandarayukdok sa atin

ng mga dayuhang mananakop.

Masasabi na maaari lamang malampasan ng isang lipunan ang pagkawala ng kanilang

talinong bayan at bait/katinuan kung magigising sila na nasa kanilang mga wisyo. Ang elemento

ng wastong kamalayan ang siyang magiging pinaka matibay na sandata upang mabalik ang

bait/katinuaan na mayroon lipunang Pilipino. Sa isang lipunang matino at may bait mawawala ang

komprontasyon ng pingkian. Walang antas na burgis-masa, bagkus ang wisyo ang magiging sentro

ng kaipan kung ano dapat ang mayroon ang bawat isa. Ang maging mulat ang siyang dapat yakapin

ng lipunang pinagdurusahan ang pingkian na kahingian ng bansang binihisan ng makadayuhang

ideolohiya.
Ang Filipinolohiya at Intelektwalisasyon ng Filipino

Ang Filipinolohiya at Intelektwalisasyon ay magkaibang larang. Ang isa ay kurso ang isa

namany ay proseso. Kung ganoon paano magiging komponrnt ng Intelektwalisasyon ang

Filipinolohiya sa pagiintilektwalisa ng Wikang Filipino?

Kung babalikan, sinabi ni Bayani Abadilla na ang “Filipinolohiya ay isang karunungan ng

sambayanan na hango sa malawak na karanasan ng sambayanan na sinisinop sa mga teorya,

prinispyo at mga likhahuwaran ng mga piling talino”. Mapapansin sa pagpapakahulugan ni

Abadilla na hindi isang simpleng larang ang Filipinolohiya ito ay hinabi sa talinong bayan na

dinalaumat ng maigi sa pamamagitan ng teorya at prinsipyo. Na isa itong larang na kinakailangan

ng talino. Aniya “Tanging Filipiolohiya lamang maitatampok ang pambansang kalinangan na


tunay na Pilipino sa diwa at gawa”. Makikita dito na hindi lamang tumutulay sa talino ang sentro

ng kaispiang Filipinolohiya bagkus ginigyayis din nito ang kaisipang panglahat/makatao. Sa

kabilang banda, nariyan ang proseso ng Intelektwalisasyon kung saan isang mahalagang

component ng bawat wika sa mundo. Sinasabi ni Pamela Constantino na dapat ang proseso ng

intelektwalisasyon ay yaong mapupunan ang paglapat ng Filipino sa ibat-ibang domain ng

pagkatuto.

Sa ganitong pagpapakahulugan ni Constantino, makikita na mipapasok ang kaisipang

Filipinolohiya sa pag iintelektwalisa ng Filipino dahil ang pedagohiya ng Filipinolohiya ay kakabit

ng isang wikang Intelektwalisado yaong sininop sa malalim na teorya at kalinangan. Yaong

wikang kaikitaan ng karunungan hindi lamang sa larang pang-akademya bagkus isang talinong

makabayan. Talinong makakaambag sa pagbabago ng lipunang Pilipino. Iyan ang dapat maging

component sa pagsusulong ng jsang intelektwalisadong Filipino. Isang domain ng pag-aaral na

hindi lamang sasagot sa ano ito? o paano ito? Bagkus nangyari ang isang bagay dahil sinusuri ng

mabuti at hinihimas ng mga teorya na malaki ang maitutulong pagpapaunlad. Sa ganitong paraan

maipapamalas ang Filipino sa pinaka magandang bihis nito. Isang wikang nagagamit hindi lamang

sa isang simpleng pakikipagkomunika bagkus nagagamit ang wikang Filipino sa ibat-ibang

domain ng dunong at kahusayan ng bawat indibidwal. Ganyaan ang isang intelektwalisadong

Filipino.

You might also like