Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Malayang Taludturan Short Bond Paper, Font Style: Arial (Justified) Font size: 12

Buhay Estudyante

Lunes ng umaga papuntang eskwela

habang nabibingi sa ingay ng mga busina

sa gitna ng kalye habang bumabyahe

sakto lang ang pera pangkain at pamasahe

tipikal, na buhay ng estudyante araw-araw

kailangan ko itong gawin, di pweding ayaw-ayaw

dahil ang utak ko ay di pa napapaapaw

ng mga kaalaman na mag-aahon sakin balang araw

pursigidong umangat kaya inuunti-unti ko

matipid na iniipon ang mga kaalaman para matuto

kaya tuloy sa paglayag, tuloy sa pagsagwan

para ang sarili at pamilya ay maiahon sa kahirapan.

Hindi madali ang daan na tatahakin ng isang estudyante

Dahil unang-una, wala namang short cut sa buhay

At sa bawat anggulo ng buhay, d man maisplika

Ang larawan ng kinabukasan, mas lalong nainspira

Na ibalanse ang aral at leksyong nakatago

Sa mga naranasan kong masama’t mabuti nagkahalo-halo na


Malayang Taludturan Short Bond Paper, Font Style: Arial (Justified) Font size: 12

Pero kahit ilang beses matisod, matapilok o madapa

Pipilitin kong makatungtong sa entablado nang walang tinatapakan na iba!

Dahil lagging nasa puso’t isipan ko ang laging sinasabi sakin ng aking ama’t ina

Na edukasyon lamang ang kanilang maipapamana

Sapagkat ito ang tanging bagay na di mananakaw ng iba

kaya naman pahahalagahan ko ang sakripisyo nila

para kapag naabot kona ang aking diploma ay may maisusukli na ako sa kanila.
Malayang Taludturan Short Bond Paper, Font Style: Arial (Justified) Font size: 12

Ralph Mervin S. Canlas

III-A

HIRAP

O kay hirap nang walang minamahal

Kay sakit na walang ikaw sa buhay

Bakit ba hindi ka mapa saakin?

Ang lahat ng hiray ay mapapalitan

Ng sarap pag ika’y napasaakin.

II

Sa bawat hirap ay may kaakibat na sarap

Sa lambot nang iyong labi mapapawi ang lahat

Napakasakit lang dahil ika’y hindi akin

Tunay nga na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal.

III

Pano maiiwasang ibigin ka

Kung katumbas nito ang hindi ko paghinga

Hanggang akala nalang ba na tayo’y magiging isa?

O sa panahong ito ika’y magiging akin na.

IV

Pag ika’y napasaakin, tiyak ika’y sasaya

Sa ating pagsasama abot langit ang ligaya

Ang bawat sakit ay may kapalit na sarap

Ang sakit ng mag isa ay mapapalitan ng sarap pag ikay nakapiling na.
Malayang Taludturan Short Bond Paper, Font Style: Arial (Justified) Font size: 12

FRANCIA, EZEKIEL L.
BSAMT 3A

Sarap

Natatandaan mo pa ba?
Na pinapangarap pa lamang kita?
Na ikaw ang pangarap na gusto kong makamit
Ang bituwing nais masungkit
Ang bundok na nais akyatin
At ang isla na gustong malibot at makasama

Ang sarap sa pakiramdam


O kay sarap na ikaw ang minamahal
O bakit kay sarap mong titigan
Sa tuwing ika'y nakikita
Puso ko'y sumasaya

Alam mo? Nararamdaman ko ang pag ibig na iyong pinadadama


Sa salita mong "ikaw lang sapat na lodi!"
Puso ko'y tumitibok tibok
Parang isang matamis na tibok tibok

Nais kang makatabi sa bawat pagtulog


Ang mayakap ka sa bawat gabi
Ngunit bago pa may mangyari
Dadalhin muna kita sa altar
Para magsumpaan
Malayang Taludturan Short Bond Paper, Font Style: Arial (Justified) Font size: 12

Nagbago't Nasaan

Ni: John Mar L. Ostan BSAMT 3-A

Nagbago na nga ba't nasaan

Mga kabataang dating inakalang susi ng kinabukasan

Nagbago na nga ba't nasaan

Mga kabataang dating inakalang pag asa ng bayan

Respeto, Respeto nga ba ng kabataan ngayon nasaan

Gagamitan ka ng katarantaduhan at Pagtatawanan hanggang sa sumakit ang tiyan

Dapat may kapalit, bigyan ng pera bago ka nila maisipang tulungan

Ang laking pagbabago ng kabataan pati nakakatanda ngayo'y hindi na ginagalang

Nasaan na nga ba ang respeto sa sarili ng kabataan

Social media, social media ginawang tindahan ng kalaswaan

Nagbago na nga ba't binebenta ang katawan

Para dumami ang likes, ang mga followers. Para sumikat, pag papapalit ang puri para
sa kapurihan

Edukasyon edukasyon ang siyang susi ng kinabukasan

Ngunit nasaan, nasaan ang magiging susi ng kabataan

Kung mismo kabataan kinain ng sistema ng teknolohiya at pag-iibigan

Na mas importante pa ang paglalaro ng mga online games at inuuna pa ang


paglalandian
Malayang Taludturan Short Bond Paper, Font Style: Arial (Justified) Font size: 12

Hindi ko ma intindihan mga kabataan ngayon

Na imbes tumulong sa magulang sa droga nalululong

Mas inuuna pa ang mga kalokohang bisyo

Para maging astig tingnan, maging cool, sumabay sa uso imbes sa magulang
tumutulong

Nasaan na nga ba, nasaan na nga ba

Mga kabataang kinilala nating pag asa

Nagbago na't parang nawalan ng halaga

Nagbago na't di na muling maiibalik pa

Pag-asa pa ba ang turing sa kabataan

Kung ang ginagawa nila ngayo'y puro kahihiyan

Nasaan na nga ba't ambilis magbago

Mga kabataan iniidolo ng buong mundo

You might also like