Professional Documents
Culture Documents
Chapter 1
Chapter 1
Panimula
Ang pambansang wika ang nagbubuklod sa isang lipunan dahil ang kultura, kaugalian at
tradisyon ay higit na nakaugat sa mga salita at pagpapahayag na kasama ang wika at sa kabuuan.
Ang malawak na paggamit ng pambansang wika ay nagpapahintulot din sa mas epektibong
paghahatid ng impormasyon sa mas malaking bahagi ng populasyon. Ngunit kapansin pansin na
hindi lamang sa Wikang Filipino naiilathala ang mga pahayagan kundi maging sa Wikang Ingles.
At kung titingnan, tila ba pati ang mga pahayagang nakalathala dati sa purong tagalog ay
nahaluan na rin ng Wikang Ingles. Dahil sa mga nasabing ideya, ang napiling pag-aralan ng mga
mananaliksik ay patungkol sa kalagayan ng Wikang Filipino sa iba't ibang uri ng pahayagan.
Nais alamin ng mga mananaliksik kung gaano pinapahalagahan, tinatangkilik, at pinapalaganap
ang paggamit Wikang Filipino pagdating sa pahayagan.
Layunin ng Pag-aaral
Paglalahad ng Suliranin
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa Kalagayan ng Wikang Filipino sa Iba't Ibang Uri
ng Pahayagan sa Pilipinas. Ang pag-aaral ay nakatuon lamang sa walong uri ng tabloid (Abante,
Balita, Bulgar, Pilipino Mirror, Pilipino Star Ngayon, Remate, Saksi Ngayon, Tempo) at tatlong
uri ng broadsheet (Manila Bulletin, Philippine Daily Inquirer, at Phil Star). Ang mga
mananaliksik ay pumili lamang ng siyam (9) na bahagi ng pahayagan kabilang rito ang balitang
panlalawigan, pangmukhang pahina/pangunahing balita, balitang internasyonal,
editoryal/pangulong tudling, balitang pampalakasan, obitwaryo, anunsyo klasipikado, balitang
showbiz, at libangan. Sa pamamagitan ng obserbasyon, tutukuyin ng mga mananaliksik ang
kalagayan ng Wikang Filipino sa bawat bahagi ng pahayagan, pamagat ng bawat bahagi at ang
bilang ng pahina kung saan ang nilalaman ay nakasulat sa Wikang filipino.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Depinisyon ng Terminolohiya