Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Polytechnic University of the Philippines


College of Business Administration
Department of Entrepreneurship

MAIKLING KWENTONG PILIPINO SA


PANAHON NG AMERIKANO

Walang Panginoon
Ni: Deogracias Rosario

Ipinasa kay:
G. Jhonley Cubacub

Ipinasa nila:
Bayawa, Mary Jane
Bernardo, Jamil
De Gula, Shiela Marie
De Guzman, Rae Angelie
Dionisio, Angelika
Novio, Mariah Cristel

Setyembre 2019
KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTONG PILIPINO SA PANAHON NG
AMERIKANO
DAGLI (Sketches)
Pinag-ugatan ng maikling kwento. Ito ay may mga sitwasyon at mga tauhan ngunit
ang galaw ay di umuunlad o kapapansinan ng pag-akyat ng kapanabikan ng
mambabasa o sa madaling sabi ay walang banghay. Ito ay may layuning manuligsa o
mangaral lamang.
PASINGAW
 Pinaunlad na dagli
 Hindi ganap ang banghay
 Naaayon sa dalawang-uri base sa nilalaman o kagagamitan; 1) Bilang handog sa
babaeng pinaparaluman. 2) mangaral ng diretsyahan
KAKULANGAN NG DAGLI AT PASINGAW
 Kakulangan ng sining sa pag-sulat
 Banghay
 Haba ng teksto
 Damdamin
PAG-UNLAD NG DAGLI AT PASINGAW AT ANG PAGSILANG NG MAIKLING
KWENTO
Nabigyan ng pansin ang pangangailangan ng mga maiikling kwento sa
pagkakaroon ng banghay. Nilagyan ng mga may-akda ang kanilang mga gawa ng pag-
uugnay-ugnay ng pangyayari na kinasangkutan ng tauhan o mga tauhan na may
suliraning kailangang malutas. Ito ang naging mitsa ng pagsilang ng maikling kwento.
TATLONG URI NG MANUNULAT SA PANAHON NG AMERIKANO
1. Gumagamit ng Wikang Kastila
2. Gumagamit ng Wikang Tagalog
3. Gumagamit ng Wikang Ingles
KARANIWANG PAKSA
 Sentimental o karanasan sa pag-ibig
 Buhay-lunsod
 Buhay-lalawigan
MAY AKDA
Deogracias A. Rosario
 Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo,
Maynila
 Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog
 Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex,
Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR,
Angelus, Dario at Rosalino
 Isa nang manunulat sa gulang na 13, una siyang
nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang
pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa
pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.
MGA ILANG AKDA
 Dahil sa Pag-ibig
 Ang Anak ng Kanyang Asawa
 Ang Manika ni Takeo
 Walang Panginoon
 Dalawang Larawan
 Ang Geisha
 Bulaklak ng Inyong Panahon
 Mga Rodolfo Valentino
 Gumawa rin siya ng mga salin tulad ng:
 Ang Puso ng Geisha
 Ang Mapaghimagsik
SYPNOSIS
Ang Walang Panginoon akda na isinulat ni Deogracias Rosario ay
tumatalakay sa mga isyung panlipunan sa panahon ng Amerikano. Tahasang ipinakita
ang hindi patas na oportunidad para sa mahihirap at mayayaman, partikular na ang
pang aabuso sa kahinaan ng mga magsasaka. Maipapakita din kung paano natutong
bumangon ang mga naaapi upang ipaglaban ang kanilang karapatan laban sa mapang
abusong naghahari harian.
BUOD
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang
galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay
ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama,
dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak
ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong.
Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong.
Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa
pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.
Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka
kahit na ito’y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang
ipagtanggal ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling
pag-aari iyang ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid.
Namatay silang punung-puno ng sama ngloob kay Don Teong na matagal nilang
pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman
niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don
Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga
nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang
animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit
niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na
sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at
pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit
upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon
sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong.
Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng
paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay
Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan
niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang
kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong.
Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na
sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong.
Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad
niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang
matapang na kalabaw.

ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO


 Mga Tauhan
 Marcos- Si Marcos ay isang mahirap na may matinding galit kay Don Teong na
Ama ng kanyang kasintahan na si Anita. Siya ay mapagmahal na anak sa Ina at
masunurin. Kahit mababa lamang ang kanyan pinag- aralan ay nasikap ito at
ginamit aang taglay na katalinuhan at katapangan upang makaahon sa
kahirapang kinagisnan
 Don Teong- Si Don Teong ang matandang mayaman na ama ni Anita. Siya ang
mortal na kaaway ni Marcos dahil sa pagsamsam ng kanilang lupa at sya rin ang
sinisisi nito sa pagkamatay ng kanyang ama, mga kapatid at ni Anita. Siya ay
makasarili at maimpluwensya sa ibang tao.
 Anita- Si Anita ay anak ng mayamang si Don Teong at kasintahan ni Marcos.
Siya ay maganda, mayaman at mabait. Umibig sya sa mahirap na katulad ni
Marcos.
 Ina ni Marcos- Ina ni Marcos ay mapagmahal sa anak, maalalahanin at
mapagmahal. Siya qng dahilan kung bakit patuloy na lumalaban si Marcos

 Tagpuan
 Pook
Ang kwento ay naganap sa isang bukid sa bayan nila Marcos at Don Teong.
 Panahon
Nangyari ito noong paanahong namumunga at malapit ng anihin ang tanim na palay
nila Marcos
 Perspektibo
Pangatlong tauhan dahil gumagamit ito ng panghaliling salitang sila at siya. Hindi ito
tumutukoy sa sariling kwento ng buhay bagamat kwento ito ng ibang tao.
 Simula
Ayaw marinig ni Marcos ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo
ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryong simbahan sa kanilang bayan
dahil naaalala niya ang mga taong mahal niya sa buhay na nawala dahil sa kalupitan at
kasakiman ni Don Teong.

 Saglit na Kasiglahan
Nakatanggap ang mag-ina ng kautusan na nagpapaalis sa kanilang lupang sinasaka at
tinitirhan kaya lalong nag- apoy sa galit si Marcos kay Don Teong.

 Suliaranin
Ang kanilang suliranin ay ang kalupitan at kasakiman ni Don Teong sa pagkamkam ng
lupa at pagsingil ng buwis sa mag-ina at ang pagkamatay ng mga mhal niya sa buhay
ang kanyang Ama, kapatid at ang pinakamamahal na si Anita.
 Tunggalian
 Tao laban sa tao
Sa simula pa lamang ng kwento ay alam na natin ang tunggalian ni Marcos at Don
Teong. Iniisip ni Marcos kung paano siya makakganti sa kasamaang ginawa ni Don
Teong ang kasakiman at kalupitan sa pamilya ni Marcos at sa sariling anak na si Anita

 Kasukdulan
Dahil sa kasamaan ni Don Teong hindi na nakapagpigil si Marcos gumawa siya ng
paraan upang hindi sila mapaalis sa lupang kanilang tinitirhan at sinasakahan. Gamit
ang kanyang kalabaw pinugal niya ito sa hangganan ng lupang sariling pagmamay- ari
ni Don Teong. Bumili ng gamit si Marcos ng kamukha ng kay Don Teong at pinahirapan
nito ang kalabaw hanggang sa umalingawngaw ang ungol nito sa kalagitnaan ng bayan.
Isang araw nakita ng kalabaw si Don Teong sinuwag niya ito sa pag-aakalang ito ang
nagpahirap sa kanya
 Kakalasan
Kumalat ang balitang si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw.Sinabi ng
mga tao at nillarawan ang nakita sa pagkamatay ni Don Teong, pagkakita pa lamang ng
kalabaw kay Don Teong ay tila may galit sapagkat bigla na lamang sinuwag ang
mayamang matanda at nasapol ng matutulis na sungay ang kalamnan ng sikmura nito.

 Wakas
Namatay si Don Teong sa pagkakasuwag ng kalabaw, simulla noon si Marcos naman
ay hindi na tinatakpanang tainga sa tuwing makakarinig ng animas sa kampanaryong
simbahan sa kanilang bayan sapagkat naipaghigante na nya ang pagkamatay ng mga
mahal niya sa buhay.

 Paksang Diwa
Galit, awa at simpatya ang aming naramdaman matapos basahin ang kwento. Galit kay
Don Teong sa pagmamalupit kay Marcos at sa kanyang Nina. Awa kay Marcos dahil
wala silang sapat na pera para ipaglaban ang kanilang karapatan. Simpatya dahil sa
wakas nakalaya na sila kasaama ng Ina nito sa kalupitan ni Don Teong. Higit sa lahat
wag tayong maging gahaman sa kayamanan at anong meron tayo, huwag mangapak
ng tao mas mababa ang estado ng buhay sa sariling kasiyahan. Hindi ka uunlad kung
patuloy kang manghihitak ng tao pababa, makontento at matuwa sa kung anong meron
at sa mga darating pa.

 Paksang Kaisipan
Kalayaan ang hangad ng mga tao at hustisiya para sa mga yumaong mahal sa buhay.
Sa kwentong ito ang dalangin lamang ng mag-ina ay ang kanilang kalayang mula sa
mapagmalupit at sakim na si Don Teon ang hustisiya sa pagkamatay ng Ama, kapatid at
minamahal na si anita. Kahit gaanong kasama ang ginawa ng isang tao hindi sapat na
dahilan iyon upang ilagay sa kamay ang batas. Dumarating yung panahon na nagagalit
at naiinis ka sa mgaa karanasan mo sa mga taong walang ginawa kundi apakan ang
pagkatao, pahirapan at apihin dumadating sa punto na natututong lumaban ang api sa
sariling kaparaanan at sa huli mangingibabaw ang kabutihan laban sa kasamaan,
hustisiya ay makakamtan.
IV. Larawan
Mga Simbolismo
Malademonyong kamay - Kumamatawan ito sa mga mayayamang
mapangsamantala o mga taong umaabuso sa kapangyarihan.

Mababatid sa maikling kwentong nabasa sa katauhan ni asenderong si Don Teong


ang pagsamsam nito sa lupang sana ay pagmamay-ari ng pamilya ni Marcos.
Karagdagan pa dito ang pagpapataw ng buwis na sadyang naglugmok sa kanila sa
kahirapan dahilan upang unti-unting mamatay ang mga mahal sa buhay katulad na
lamang ng kanyang ama't kapatid na pumanaw na para lamang mabayaran ang
kinakailangang pera at ng kanyang pag-iibigan nila ni Anita na labis na hindi
pinahintulutang mangyari ni Don Teong na nagbuhat sa kanya uoang bugbugin
hanggang sa hindi na nakayanan ng katawan ng dalaga.
Magsasaka - Ayon sa aking nabasa sa mismong ulat ng nasa itaas na litrato, ang
mga magsasaka ay sumasalamin sa kasipagan at kahirapan.
Ito naman ay masasalamin sa karakter ng pamilya ni Marcos. Kasipagan sa paraan
na nagtiis ang kanilang pamilya lalong lalo na si Marcos at ang kanyang ina hanggang
sa yumao ang kanyang ama, kapatid at kasintahan sa malupit na kamay ni Don Teong
at sa pagkamit ng inaasam na hustisya sa pagkamatay ni Don Teong sa pamamagitan
ng kalabaw. Matatandaan din ang eksenang kinakamkam ni Don Teong ang kanilang
lupain ngunit dahil nga sa kahirapan at walang maipambayad sa manananggol ay hindi
nila naipaglaban ang kanilang karapatan at katwiran. Hindi rin sila naipagtanggol at
nasabi ngang kulang sa malasakit ang pamahalaan kung kaya't humantong na lamang
sa pagbabayad ng buwis sa lupang sinasakahan. Dito makikita ang kalakasan ng
kayamanan at kapangyarihan. Nakokontrol ng nasa itaas ang mga mababa.
Palay - nagsisilbing kayamanan ng mga magsasaka.
Naisaad sa maikling kwento ang pag-uusap ng mag-ina sa malaking kapalaran na
naghihintay sa oras na maani na ang kanilang mga palay. Dito rin sila umaasa para sa
pangaraw-araw nilang pangangailangan katulad na lamang ng pagkain,
pangedukasyon at iba pang gastusin sa kanilang tahanan. Ngunit dahil sa pagkamkam,
sila ay naghirap.
Kalabaw - katulong ng mga magsasaka sa pag-ani ng kanilang tanim.
Mahalagang karakter ang ginampanan ng hayop na ito sa maikling kwento. Naging
katulong ito hindi lamang sa pagsasaka pati na rin sa pagkamit ng hustisya. Bumuo ng
isang masamang plano si Marcos. Nasabi na bumili at nagbihis kapares ng anyo at
gayak ni Don Teong at hinampas ito ng pagkalakas-lakas na umabot pa ang ungol at
umaalingawngaw ito hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Nagulat na lamang ang lahat
sa balitang bigla-bigla na lamang sinuwag ng kalabaw gamit ang sungay si Don Teong
at halos magkalasug-lasog ang kanyang katawan na sanhi ng pagkamatay nito.
Naihalintulad pa ito na maswerte dahil sa wala itong kinikilalang panginoon o mas
nakakataas sa kanya na kailangan niyang sundin.

Pula at luntiang kulay sa likurang bahagi - pula para sa dugo at luntian para sa
kulay ng palay na kanilang sinasaka sa araw-araw.
Ang luntian na nagrerepresenta sa palay ang naging daan para maipaglaban ang
karapatan ng mahihirap. Hindi nagkasundo ang dalawang panig nina Don Teong at
pamilya ni Marcos dahil sa hindi makatwirang pagkamkam nito sa lupa. Ang pula para
sa dugo dahil sa pag-aalay ng lakas sa trabaho, pula para sa lahat ng namatay sa
maikling kwento at pula rin para sa madugong pagkamit ng hustisya. Tatlong minuto na
lang bago ang ganap na ika-8 ng gabi hanggang sa pagtunog ng animas. Sa halip na
isipin at ipagdasal ang mga yumao ay naisip ang kalabaw at nasabi pang maswerte ito
dahil wala itong kinikilalang panginoon.

KONTEKSTO NG MAIKLING KWENTO

Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon, ay umiikot sa isang


maralitang pami lya at sa kanilang pakikipagtunggali sa mga mayayamang
nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang
naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri na makikita sa
tauhang si Marcos. Dahil sa pangunahing temang ito, maaaring suriin ang kuwentong
ito ayon sa Marxismong kritisismo kung kayat Marxismo ang ginamit na teoryang
pampanitikan.

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula
sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa

Kung susuriing mabuti ang pangunahing suliranin tungkol sa pag-agaw,


pagbuwis at paglisan mula sa saka, makikita ang isyu ng class struggle kung saan ang
matataas na uri ay may kakayahang samsamin kung anuman ang mayroon ng mga
mahihirap. Hindi rin binigyang halaga ang karapatan o katwiran ng pamilya ni Marcos
ng sistemang judicial dahil sa pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi at
pagsasamantala ni Don Teong sa pamilyang hindi na aahon pa mula sa kahirapan,
habang patuloy na yumayaman si Don Teong. Ito rin ay pumapatungkol sa malaking
agwat ng mahihirap at mayayaman sa isang lipunan na siyang tinutuligsa ng Marxismo.
Mahalaga ring tingnan ang pag-iibigan nina Marcos at Anita na tila isang kasuklam-
suklam na kasalanan para kay Don Teong na naitulak pa ang sariling bugbugin ang
anak pagkatapos mabatid ang pag-iibigan ng dalawa. Dito pumapasok ang pagbubukod
ng mga mayayaman sa mga mabababang uri o alienation mula sa lipunan. Panghuli,
ang paghihiganting ginawa ni Marcos ay isang pagtugon sa teorya ng Marxismo sa
kamatayan ng kapitalistang uri dulot ng pag-aalsa ng mga manggagawa. Sa huling
talata ng kuwento ipinahayag ang pagbuwag ng isang kapangyarihang mapang-api at
ang paglaya ng isang mahirap sa mga kamay ng mataas na uri.

Isang kasangkapan ang pamagat sa pagpapatingkad ng pangkalahatang tema


ng kuwento-ang pagpatay sa isang sistemang walang katarungan at isang kalakarang
tagilid at pabor lamang sa mayayaman. Ang pagbanggit ng ’walang panginoon ’ sa
hulihan ng kuwento ay isang pag-asam ng isang lipunang walang mataas at walang
mababa, isang lipunang komunismo. Ang panginoon ay kumakatawan sa mga tao o
bagay na pinagmumulan ng kapangyarihan na nagbubunga sa isang mapang-aping
sistema na sanhi naman ng pagdurusa ng mga mahihirap. Sa pagpatay kay Don Teong
sa hulihan ng kuwento ay isang paraan ng pagpapahayag ng mensahe na ang patuloy
na pang-aabuso ng isang tao sa mga mabababa sa kanya ang siyang maghahatid sa
kanya sa ilalim ng lupa. Mangyayari lamang ito kapag may mga nakatataas at may
naaapi kung kaya’t ang pamagat ng kuwento ay ang pagnanais na walang panginoon.

Bokabularyo:

 Animas – pagtunog ng kampana sa simbahan


 Batingaw – church bell
 Sinisiputan – dinadatnan
 Ningas – alab, apoy
 Pagkuyom – pananakit
 Kakirot – kasakit
 Sinamsam – kinukuha
 Nakapagpalubag – nakapagpakalma
 Takipan at talinduwa – pagsasabwatan
 Nagsimpan – umamin, naghayag
 Takipsilim – sunset
 Napapalatak – natanim, hindi maalis
 Kabalintunaan – absurdity
KAUGNAYAN NG AKDA SA MODERNONG PANAHON

Sa pag lipas ng panahon, ang Pilipinas ay isang bansang nagsasarili at hindi


na sakop o pinamumunuan ng mga malalaking bansa tulad ng America at Japan, ganon
paman, tunay nga bang maituturing na malaya na ang bansa mula sa mga dayuhang
mananakop? Malaya na nga ba ang mga Pilipino? Malaya na nga bang naibibigay ang
mga karapatan ng bawat isa?
Narito ang ilang artikulo at babasahin na nagpapatunay na hanggang sa
kasalukuyan ay patuloy paring nararanasan ng mga magsasaka ang kawalan ng sapat
na suporta mula sa gobyerno at pang aabuso ng mga kapitalistang may ari ng lupang
sakahan. Tunay na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy padin sa pakikibaka ang mga
masisipag na magsasaka para sa karapatan at proteksyog hinahangad simula pa
noong una.

 Artikulo 1. "Ayuda sa mga magsasaka inihirit dahil sa 'bagsak-presyong' bilihan


ng palay"

MAYNILA — Humihingi ng cash assistance sa pamahalaan ang mga


magsasaka sa gitna ng pagsadsad ng presyo ng palay dahil umano sa rice
tariffication law. Sa ilalim ng batas, wala nang limit ang pag-aangkat ng bigas dahilan
para magbagsak-presyo ang mga imported rice. Bunsod nito, napipilitang magbaba ng
presyo ang mga retailer ng bigas sa bansa.

Ayon sa grupong National Movement for Food Sovereignty, nasa P1 hanggang P2


lang ang binaba ng presyo ng bigas sa mga palengke. Mas kaunti pa ito sa P7 bawas
na ipinangako ng mga mambabatas. Hiling ng group na magkaroon ng P20,000
ayuda kada magsasaka para mayroon silang patawid-gutom. "Napakataas po ng
cost of production namin tapos malulugi lang kami dahil sa presyo ng palay," ani
Arze Gilpo, convenor ng National Movement for Food Sovereignty. Mababang
bentahan ng palay idinaing ng mga magsasaka. Ayon kay Department of Agriculture
(DA) spokesperson Noel Reyes, sisiguruhin nilang mabibigay sa mga magsasaka ang
ipinangakong P10 bilyong pondo na tulong sa kanila. Nakiusap din ang DA sa mga
magsasaka at mga konsumer na bigyan ng pagkakataon ang rice tariffication law, lalo't
para naman umano ito sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa bansa.
-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

 Artikulo 2. "Subsidiya, di pautang, ang kailangan ng mga magsasaka"

Ipinagmalaki ng Department of Agriculture (DA) ang ipinagkaloob na pautang sa


mga magsasaka bilang ayuda kasunod ng pagbagsak ng presyo ng palay. Pero iginiit
ng mga magsasaka na hindi nila ito ramdam. Ayon din sa kanila: subsidiya, hindi
pautang, ang solusyong kailangan nila. Sa isang press conference, ibinida ng DA at
Landbank of the Philippines ang pagpapautang sa mga provincial government ng pondo
para bilhin ang palay ng mga magsasaka sa halagang P15 kada kilo.

May mga loan assistance din umanong ayuda para sa mga apektado ng rice
tariffication law. "'Tong production loan po is ang interest po nito is 6 percent per annum,
up to P15,000 per farmer, no collateral. Mayroon din po kami for working capital, P5
million per association or cooperative," ani Agricultural Credit Policy Council Executive
Director Jocelyn Badiola. "We will make sure na andiyan pa rin ang mga credit
programs na mas mababa na ang interest kaysa dati," ani acting Agriculture Secretary
William Dar. Pero hindi naman ramdam ng mga magsasaka, tulad ni Narcing Manalad,
ang mga programa ng gobyerno. "Saan sasapat 'yang P15,000 na 'yan? Samantalang
'yong puhunan mo lang sa pagsasaka ay dito pa lang sa mga input, halos P10,000 plus
na," ani Manalad.

Nauna nang idinaing ng mga magsasaka na lumagapak sa P7 hanggang P11 ang


presyo ng kada kilo ng palay mula P17 hanggang P20 noong 2018. Ipinangako rin ng
gobyerno na sa huling 3 buwan ng taon mararamdaman ng mga magsasaka ang
kalahati ng rice competitive enhancement fund (RCEF) na manggagaling sa
koleksiyon ng taripa ng mga inangkat na bigas.Pero ayon sa grupong Kilusang
Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang mga miyembro ng mga rehistradong kooperatiba
ng gobyerno lang ang matutulungan nito. "Out of 2.7 million na rice farmers, 150 lang
ang registered," ani KMP chairman Danilo Ramos. "Hindi po ganoon kadali ang
sumama at magbuo ng kooperatiba," dagdag ni Ramos. Sa kabila ng bagsak-presyong
palay, nanatiling P30 ang presyo ng kada kilo ng pinakamurang inangkat na bigas
habang P33 kada kilo sa lokal na bigas sa ilang pamilihan.
-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

Realisasyon
Nakakatuwang isipin na gumagawa ng paraan ang gobyerno upang matulungan
ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng mga programang makakatulong
pinansyal sa mga ito. Kaakibat ng mga pangako ng gobyerno, patuloy ding umaasa ang
mga mag sasaka sa suportang nabanggit. Makikita natin na unti unti nabibigyang
pansin ang kinakaharap na suliranin ng ating mga magsasaka, sa ganoong paraan ay
unti unti ding napagbibigyan ang kanilang kahilingan. Hindi man sapat pero
nakakatuwang isipin na sinisikap ng pamahalaan gawin ang kanilang ipinangako. Sa
ngayon makikita natin na ang usapin tinatalakay sa akdang Walang Panginoon ni
Deogracias Rosario ay patuloy pading makikita sa kasalukuyan at patuloy ding
binibigyan ng solusyon.

PANGKALAHATANG REPLEKSYON PATUNGKOL SA MAIKLING KWENTO


 Maaari ring sabihin na niloloko lamang natin ang ating mga sarili kung patuloy
nating paniniwalaang pantay ang opurtunidad para sa lahat sa kasalukuyan. Ang
'Walang Panginoon’ ni Deogracias Rosario ay isang maikling kwento na
tumatalakay sa realidad at nagpapakita sa buhay, mga paghihirap at problemang
dinadanas ng mga magsasaka. Umiikot ang kwento sa pagkamkam ng lupang
sinasakahan na kanilang pinaghihirapang anihin sa araw-araw. Kung kaya`t
importante na maipakita ang mga ganitong klaseng kwento para maipadala ang
mensahe sa lahat na ang bawat butil ng palay ay mahalaga. Literal na dugo at
pawis ang puhunan nila para maararo ang ekta-ektaryang mga bukirin. Ngunit
nakakalungkot isipin na totoong nangyayari ito sa realidad lalo na sa bansang
Pilipinas. Ito ay karaniwang pumapabor sa nakaaangat sa lipunan habang
patuloy na inilulugmok sa putikan ang mga nasa laylayan. Pinapayaman lalo ang
mga mayayaman habang nilalason ang isipan ng mga mahihirap gamit ang
karampot na halagang ipinamumudmod pamalit sa ninakaw na karapatan at
prinsipyo ng hindi makataong trato at hindi makatarungang pasweldo,
sinamantala ang takot na nanirahan sa kanilang pagkatao. Nakakalungkot isipin
na ang kasaganahan ng iilan ay sanhi ng pagkamatay at paghihirap ng
karamihan. Kapitalista, iyan ang unang salitang pumasok sa aming isipan
matapos basahin ang maikling kuwento na "Walang Panginoon", mga
kapitalistang higit na nakikita ang kanilang mga trabahador bilang isang
kagamitan o kasangkapan sa pagpuno ng kanilang bulsa kaysa bilang isang
kaagapay sa pagkamit ng karangyaan. Mga manggagawa na tila biktima lamang
ng isang makabagong mundo, isang Mundong dati'y paraiso na ngayo'y
pinaghaharian ng iilang tao. Habang binabasaang teksto, lalo pang lumilinaw sa
aming isip ang nakalulungkot na katotohanan na sa likod ng bawat nagtataasang
gusali, sa likod ng mga dambuhalang negosyo at nagtatabaang mga tiyan ay ang
kaawa-awang mga nilalang na tila naging tuta, alipin at gatasan ng mga hayok
sa yaman at karangyaan. Tunay ngang masakit tanggapin ang katotohanang ito
ngunit patuloy na umaasa ang aming grupo na dadating ang panahong uusbong
ang pagpapahalaga at pagtrato sa mga Pilipino at mga manggagawa ng iba't
ibang sektor ng lipunan. Ang bawat karapatan ay tunay na maisakatuparan at
mabigyang pansin ang mga mas mangangailangan.

 Ang kwentong “Walang Panginoon” ni Deogracias Rosario ay isang kwento na


nagpapakita ng mga pagmamalupit ng mga taong may kaya sa mga taong nasa
mababa. Usong-uso pa rin hanggang ngayon ang hindi pagkakaroon ng
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga tao. Kapag wala kang pera, hindi
mo kayang ipagtanggol ang sarili mo sa mga karapatan mo. Sa kwento, makikita
natin ang pagkakaroon ng antas ng buhay. Kahit na pagmamay-ari mo ang isang
bagay kung wala pang pera na ipangbabayad upang makuha mo ang bagay at
mapatunayan na sayo talaga iyon hindi yun mapapasayo. Makikita rin sa kwento
ang pagiging kapitalista ni Don Teong dahil ayon nga sa kwento sa mga ninuno
ng ama ni Marcos pa ang lupang kanilang sinasaka ngunit dahil sa mayaman at
may pera si Don Teong kinamkam niya ito at pinagbabayad ng buwis kada taon
ang pamila nila Marcos. Kada taon din ay dumadagdag o tumataas ang buwis
nila. Masasabi lang ng aming grupo na marami ang nagagawa ng pera sa ating
lipunan. May kasabihan nga na “Money is the root of all evil”. Aminin na natin na
mababa ang tingin ng lipunan sa mga taong mahirap. Kapag mahirap ka halos
hindi ka “priority” pero pagmayaman ka “VIP” ka.

MGA SANGGUNIAN:
 Viuda, M.C., (2019). Rappler. "Ang magsasaka: Salamin ng kasipagan – at ng
kahirapan". Retrieved from https://www.rappler.com/move-ph/ispeak/239405-
magsasaka-kasipagan-kahirapan
 http://reviewersandfiles.blogspot.com/2016/11/pagsusuri-ng-maikling-kuwento-buod-
ng.html?m=1
 https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Deogracias_Rosario?
fbclid=IwAR2lHSc4M4vUemwvQcEOc5tMIc2ktu1qjAdTRFfyAGVyrD2O1fj4l-A8K1E
 https://www.scribd.com/presentation/353476402/Ang-Maikling-Kwento-Sa-Panahon-Ng-
Mga-Amerikano?
fbclid=IwAR0o0uknPMYkpzq_X38eP9T1963rLNPK7yxo52d2ul9TN9HiRp-EYJiMbyU

You might also like