Papa's House, Mama's House

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Polytechnic University of the Philippines

College of Business Administration

Department of Entrepreneurship

Papa's House, Mama's House


Ni: Jean Lee C. Patindol

Pagsusuri: Teknikal at Konteksto

Ipinasa kay:

G. Jhonley Cubacub

Ipinasa nina:

Bernardo, Jamil C

Caballes, Lawrence

Setyembre 2019
IMPORMASYON SA AKLAT

PAMAGAT: Papa's House, Mama's House

MAY AKDA: Jean Lee C. Patindol

IGINUHIT NI: Mark Ramsel N. Salvatus

PUBLISHER: Adarna Book Services Incorporated

TAON NG PAGLIMBAG: 2004

MGA PARANGAL: PBBY-SALANGALA PRIZE/PBBY-ALCALA PRIZE 2004 Grand Prize

Winner

MAY AKDA (AWTOR)

Ayon sa pag-aaral upang mas maintindihan o madama mo ang isang akda, kilalanin mo

muna ang nagsulat nito.

Si Jean Lee C. Patindol ay isang ina sa tatlong batang babae at hiwalay sa asawa.

Kasalukuyan siyang natatrabaho bilang isang maestra o guro sa University of St. Lasalle

sa Bacolod.
Nagsimulang magsulat ng mga maikling kwento sa murang edad pa lamang at kumuha

ng kursong "Creative Fiction and Poetry" sa edad na 32.

Taong 2004 at 2007 nang magwagi ang kanyang mga akda na "Papa's House, Mama's

House" at "Tight Times" sa taunang PBBY-SALANGA PRIZE.

PAGSUSURI SA TEKNIKAL NA ASPETO

Sinasabing ang teknikal na aspeto ng isang libro o aklat ay mas nakapupukaw ng interes

ng isang mambabasa. Ito ay malimit na maoobserba sa mga librong pambata.

KULAY

Pula ang namumutawing kulay mula pabalat hanggang sa huling pahina ng libro.

Sinasabing ang kulay Pula ay sumisimbolo ng kasiglahan, pag-ibig, kilos, ambisyon at

determinasyon. Ayon rin sa pag-aaral ang kulay Pula ang isa sa pangunahing kulay na

pumupukaw sa mata o interes ng mga bata. Naging mahusay sa pagpili ng kulay ang

mga taong sangkot sa libro.

SUKAT AT BIGAT NG LIBRO

Ang sukat at timbang ng libro ay tama lamang para sa usang batang babasa nito.

Gumamit ng karaniwang sukat ang naglimbag. Madali ring dal'hin ang libro at hindi ito

kumakain ng malaking espasyo.


PABALAT

Gaya ng nabanggit, kulay Pula ang dominanteng kulay na ginamit kung kaya't mas

nakakapukaw ito ng atensyon. Mahusay rin ang naging paglalarawan. Ginawang mas

makapal ang papel na ginamit dito upang protektahan ang iba pang pahina ng libro.

FONT STYLE

Gumamit ng dalawang magka-ibang font style sa akdang ito upang hindi malito ang

mambabasa sa dalawang magka-ibang lenggwahe. Nasa anyong italic rin ang isang

lenggwahe (Filipino). Mahusay ang pagpili sa font style na ginamit dahil hindi ito

masyadong komplikado at madaling mabasa o maintindihan ang bawat letra.

FONT SIZE

Sapat lang ang laki ng bawat letra upang mabasa at maintindihan ng mga mambabasa

lalo na ng mga bata.

PAGLALARAWAN O ILUSTRASYON

Gumamit ng mga payak, simple at literal na simbolismo ang ilustrador. Marahil sa

pangunahing target na mambabasa ay mga kabataan. Ginawang makulay at kaakit-akit

ang bawat guhit upang mapukaw ang atensyon at mas maintindihan ito ng mambabasa.

ISTRUKTURA NG MGA PANGUNGUSAP

Ginawang payak ay hindi kumplikado ang pagbuo ng pangungusap upang hindi malito

ang babasa.
PANGKABUUANG PAGSUSURI SA TEKNIKAL NA ASPETO

Masasabing mahusay ang pagkakalimbag sa aklat mula sa kulay, paglalarawan at iba

pang teknikal na aspeto. Nabigyan din ng hustisya ang halaga nito at siguradong

pupukaw ng atensyon ng mambabasa lalo na ng mga bata.

TEKSTO

SYPNOSIS/BUOD

Si Ana, si Bianca at ako ay may dalawang bahay. Nariyan ang bahay ni Papa. Nariyan

din ang bahay ni Mama.

MGA TAUHAN

Ana, Bianca at Nagsasalaysay - Mga Anak

Tatay

Nanay

TAGPUAN

Bahay ng Tatay (Papa's House)

Bahay ng Nanay (Mama's House)

BANGHAY

Hindi ganap ang banghay sa kwentong ito. Hindi nakitaan ng kasukdulan, tunggalian,

kakalasanat kung anu-ano pang bahagi ng banghay.


PERSPEKTIBO

Unang tauhan dahil gumamit ng mga panghalip na ako at kami.

LARAWAN

TIMBANGAN (SCALE)

Napili namin ang larawan o bagay na ito bilang simbolo o sumisimbolo sa akda. Ang isang

timbangan o scales. Ang isang pamilya ay katulad ng timbangan na ito na may dalawang

salop o lalagyan kung saan balanse ang magkabilang panig. Kung ihahalintulad sa isang

pamilya na magkahiwalay ang ilaw at haligi ng tahanan, hangga't pantay ang suporta at

pagmamahal na naibibigay nila sa kanilang mga anak, mananatiling balanse ang

timbangan.
KONTEKSTO

I. Tungkol saan ang akda?

Ang akdang "Papa's House, Mama's House" ay tungkol sa isang batang ibinabahagi ang

kaniyang kuwento patungkol sa dalawang bahay na tinitirhan nilang magkakapatid; ang

bahay ng kanilang ama at ang bahay ng kanilang ina.

II. Bakit naisulat?

Ang "Papa's House, Mama's House" ay hango sa tunay na buhay ng awtor. Nagsimula

ito matapos silang maghiwalay ng kan'yang asawa at magsimula ng magtanong ang

kanyang anak kung ano ba ang isang "broken home" o "broken family".

Gaya ng mababasa sa likod na pabalat ng libro, marami sa atin ang nag-iisip na may mga

bagay o usapin tulad ng paghihiway ang hindi angkod o dapat pinapaalam sa isang paslit

dahil hindi rin naman niya ito maiintindihan ngunit dahil likas sa isang paslit ang maging

matanong at mapag-obserba, nararapat lang na sa murang gulang pa lamang ay

maibukas na ang kanilang mga isip sa mga usaping pampamilya.

Bilang isang Kristiyanong bansa, napakasensitibo ng usaping "divorce" o paghihiwalay

ng mag-asawa. Isa sa mga dahilan kung kaya't naisulat ito ng awtor ay sa kadahilanang
nais niyang inukas ang isipan ng mambabasa hangga't bata pa sa mga maling kaisipan

patungkol sa usapin ng paghihiwalay.

III. Ano ang nais ipabatid na mensahe ng akda?

"Hindi lahat ng naghihiwalay ay malungkot at hindi lahat ng nagsasama ay masaya"

Nais ipabatid ng akda na ang paghihiwalay ng mag-asawa ay hindi isang pagkakamali,

may mali sa pagsasama kung kaya't naghihiwalay. Sang-ayon sa teorya ng "ACT

UTILITARIANISM", ang isang aksyon ay matatawag na moral o tama kung ito ay

makapagbibigay ng higit na kasiyahan sa mga taong sangkot. Tulad ng pamilya sa

kwento, oo't hiwalay ang mga magulang ng nagsasalaysay ngunit ni kailanman ay hindi

siya nakaramdam ng pagkukulang mula sa kaniyang mga magulang.

Nais lang ding ipabatid ng may akda na ang mag-asawang nasa iisang bahay ay walang

pinag-kaiba sa mag-asawang magkahiwalay hangga't naipadadama ng mga ito ang

suporta, pagmamahal at pangagailangan ng kanilang mga anak.

VI. Repleksyon

Matapos mabasa ang akda, nabago ang aming pananaw sa usapin ng paghihiwalay o

divorce. Bilang isang Kristiyanong bansa, pilit nating tinututulan ang paghihiwalay dahil

ito ay labag sa batas ng Diyos. Ngunit kung ilalagay natin ang ating mga sarili sa kanilang
sitwasyon? May mga bagay na sadyang 'di para sa isa't-isa at may mga taong sinadyang

makilala mo upang matuto ka. Sabi nga sa akda, "may mga kulay na hindi maganda pag

pinaghalo".

Ano nga ba ang konsepto ng isang tahanan? Nanay, tatay at anak? Hindi ba matatawag

na tahanan ang isang tahanang walang tatay? Walang nanay? Walang anak? Ano nga

ba ang isang tahanan? Simple lang;

"A home is a place where one belongs".

SANGGUNIAN

 www.adarna.com.ph

You might also like