Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GURO, SALUDO AKO

Gabi-gabi nagbabasa,nagsusulat ng mga aralin


Aralin na kanyang ibabahagi sa mga bata na kanyang kapiling
Mga batang walang alam, kapos sa karunungan
Subalit sila’y kanyang inalagaan,tinuruan.

Madalas na malipasan ng gutom sa di-pagkain


Kanyang kinakaya, maibigay lang niya
Ang lahat ng makakaya sa mga tinuturuan niya
Upang sila’y lumaking may alam, maging pag-asa ng bayan!

Subalit bakit sa kabila ng kanyang sakripisyo


Tila hindi sapat, mga kabata’y tila bulag at walang pakialam
Ganyan na ba ang mga kabataan ngayon?
Bulag, pipi at bingi, bakit sila nagkaganoon?

Paos na ang boses subalit patuloy parin sa pakikibaka


May sakit na nga pumapasok pa
Ganyan kahalaga ang mga tinuturuan niya
Tinuturuan niyang kung minsan ay pasaway sa kanya!

Sa kanyang malumanay na tinig at kamay na mapagkalinga


Kabataa’y nababago niya
Tila may mahika ang kanyang mga salita
Kabataang pasaway, sumusunod na kanya walang duda

Salamat mahal naming guro


Sa pagmamahal at pagtuturo
Salamat sa mga kaalamang ibinabahagi mo
Ito’y magagamit namin sa kinabukasan
Saludo kami sa iyo mahal naming guro
Natutuwa kung marinig ang papuring walang laman:
“Kung ikaw ma’y nagsasalat sa salapi’t karangyaan,
nasa iyo namang lahat ang papuri at parangal
pagka’t tapat kang maglingkod sa bayan mong minamahal.”

Nagagalak pag narinig ang pangakong di-natupad:


“Ang sahod mong kakarampot, may pag-asang magkadagdag
pag dumating ang panahon na ang kaban ay bumigat.”
O pag-asang naluluoy at sa hangi’y lumilipad!

You might also like