Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panalangin para sa mga Magtatalakay ng Panayam

1. Panginoon, Hinihiling po namin sa inyo na bendisyunan at pagpalain ang


aming Kuya _________ at Ate _________ na narito ngayon upang
talakayin ang Panayam Bilang _____, “ Pamagat ng panayam”. Buong
tiwala nilang inihahandog ang kanilang mga sarili sa inyong mga kamay
Panginoon. Puspusin mo po sila ng Iyong Banal na Espiritu at gawing
daluyan ng Iyong pagmamahal at salita, upang mas mabuti nilang
maipahayag ang inyong mensahe sa aming mga bagong mga Ate at Kuya.
Nawa sa pamamagitan nila, mas matutunan namin at pagsumikapan na
matupad ang iyong una at dakilang utos na “ibigin Ka ng buong puso, ng
buong kaluluwa , at ng buong pag-iisip __ at ng aming kapwa tulad ng
aming sarili. Sa pamamagitan ni Kristo na aming modelo at huwaran. Amen.

2. Diyos Ama naming makapangyarihan sa lahat --- ang lahat ng mabuti ay


nangyayari sa inyong gabay at pahintulot. Narito ngayon ang aming Kuya
_________ at Ate _________ upang talakayin ang Panayam Bilang _____,
“ Pamagat ng panayam”. Dalangin namin na basbasan at lukuban ninyo sila
ng inyong Espiritu Santo, ng sa gayo’y mapawi ang anumang balakid, takot
at alinlangan na bumagabag sa kanila at sa halip ay mapuno sila ng
kapayapaan, tiwala at kababaan ng loob, ng buong katapatan nilang
maiparating sa aming mga bagong mga Ate at Kuya ang nais mong
maiparating, ayon sa iyong kalooban. Hinihingi namin ito sa ngalan ni
Hesukristo, Amen.

3. Dakilang Maylikha, ikaw ang simula at hanganan at hangarin ng lahat ng


banal at mabuti. Idinadalangin namin na punuin ninyo ng Inyong Banal na
Espiritu ang buong pagkatao ng aming Kuya _________ at Ate _________
upang sa pagtalakay nila ng ika- ___ na panayam, ang “ Pamagat ng
panayam”, ay buong katapatan at kahusayan nilang maihatid ang iyong
mensahe at pagmamahal sa aming mga bagong mga Ate at Kuya. Loobin
mo nawa, Paninoon, na sa kanilang pagtalakay at pagbabahagi ng kanilang
buhay ay mas lumago kami sa pagkakilala, pagmamahal at pagnanais na
makapaglingkod sa Iyo at sa aming kapwa para sa higit mong ikaluluwalhati.
Hinihiling namin ito sa ngalan ni Heukristong aming huwaran at ng Iyong
Espiritong nagpapabanal, Amen.
4. Ama, itinataas namin sa iyong mapagkalingang pag-aaruga ang aming Kuya
_________ at Ate _________. Buong kababaang-loob at tiwala kaming
humihiling at nananalig sa tulong at pagbabasbas ng iyong Banal na
Espiritu. Ikasiya mo nawa na sa pamamagitan ng kanilang pagtalakay sa
Panayam Bilang _____, “ Pamagat ng panayam”, mabigyang kaliwanagan
ang aming mga isipan ng iyong kaalaman, mapag-alab ang aming mga
puso sa Iyong pagmamahal at magsumikap na maganap at mapalaganap
ang iyong loob dito sa lupa katulad sa langit para sa Iyong higit na
karangalan. Dalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon, Amen.

5. Dakilang Diyos at Ama namin. Tunay nga pong bukal kayo ng kabanalan,
awa at pagpapatawad. Basbasan at lukuban ng Inyong makapangyarihan at
Banal na Espiritu, sina Kuya _________ at Ate _________. Loobin mo
nawa na sa pagtalakay nila ng ika- ___ na panayam, ang “ Pamagat ng
panayam”, mamulat kami sa aming mga kasalanan, sa aming mga kahinaan,
mga pagmamalabis at kakulangan. Ngunit higit pa rito, nawa matagpuan at
madama namin ang iyong pagmamahal, magsisi sa aming kasalanan, at
hingin ang iyong pagpapatawad at tulong. Sa Inyong dakilang awa; gawin
mo kaming mga bagong nilalang , upang sa aming pamumuhay , Ikaw ay
maparangalan. Dalangin namin ito, sa ngalan ni Kristo na aming
tagapagligtas at ng Espiritu Santo na aming katulong. Amen.

Gawin Nyo pong maging maayos, magaan, kaaya-aya, at puspos ng kaalaman at


pagmamahal ang kanilang panayam

You might also like