Kabanata II CAD

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-Aaral

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglalaman ng mga pag-aaral

at mga artikulong may kaugnayan sa aming napiling paksa na

makatutulong upang mas lalong maunawaan an gaming ginagawang

pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay David Byrnes (2006) ang pagkilala sa AutoCAD ay isa

sa mga naaayon na karanasan sa pagigig ihinyero sa makabagong

panahon dahil sa pagsama g mga “basic skills” para sa kaswal at

propesyonal na paggamit ng kompyuter. Sa kanya ring karanasan,

makaluma ang manwal na pag-drawing o “blue printing” para sa mga

nagtatrabahong mga arkitekto at ihinyero dahil sa mas “accurate” na

pagtala ng mga sukat gamit ang AutoCAD, ngunit nakatutulong din

naman ang manwal nap ag-drawing sa pagtantiya sa mga gagawaing

guhit.

Mula sa aklat ng “Encyclopedia Mypedia” section CAD/AutoCad,

ito ay ang pag-gamit ng mga Sistema ng kompyuter upang makatulong

sa paglikha, pagbabago, pagtatasa, o pag optimize ng isang disenyo.

Ang CAD software ay ginagamit upang madagdaganang pagiging


produktibo ng taga disenyo, pagbutihin ang kalidad ng disenyo,

dokumentasyon at komunikasyon, at upang lumikha ng isa pang

database para sa pag mamanupaktura. Ang paggamit nito sa

pagdisenyo ng mga electronic system ay kilala bilang EDA. Sa mekanikal

na disenyo ito naman ay kilala bilang MDA na kasama ang proseso sa

paglikha ng isang teknikal na pagguhit gamit ang kompyuter. Maaari

ring magdisenyo sa CAD ng mga curve at mga numero sa dalawang

dimensional (2D), solids, curves, at tatlong dimensional (3D).

Sa kabila ng kahalagahan ng asignaturang CAD para sa mga

estudyangteng nag-aaral ng kursong pang ihinyero madami pa ding

nakakakuha ng mababang marka para sa asignaturang CAD. Ayon kay

Stephans (2005) ang pangunahing dahilan ng stress sa mga estudyante

ay sobrag presyur sap ag-aaral, mga isyu sa lipunan at time

management.

CAD educational program first started to appear American poot-

secondary educational systems during the early 1980’s. Throughout the

80’s and 90’s, most of the colleges and universities that offered drafting

and design programs were having problems keeping up with the

advancement of CAD technology. With this new technology, universities

had to adjust their education and curriculum to meet up with the

demands of this expanding sector, with the problems that universities

had with meeting up with the technology, trained employees coming


from these educational system were lacking the necessary skills to

interact productively with the CAD system. With CAD technology moving

at such an alarming force during this time period, educational systems

had to think outside the box when it came to gathering up-to-date data

for planning their curriculums, hiring qualified teachers, and acquiring

expensive equipment to run this program. (Abraham, Ashley, Hofman,

& Thompson, 2003)

Nakasaad naman sa libro ni Jensen (2009) ang estudyang may

kahirapan sa buhay ay mayroong mas malaking tyansa na magkaroon

ng mababang marka dahil sa kakulangan ng kagamitan dahil sa

problemang pampinansyal. Samantalang komunikasyon, mga

kagamitan sap ag-aaral, tamang patnubay, at stress sa pamilya ang

mga salik na nakakaapekto sa performans ng estudyante (Mustaq, I.,

2012)

Ayon kay Arthur (2013), ang paggawa sa AutoCAD mas mabilis kung

ikukumpara ito sa manwal na drawing, dahil ito sa mga functions na

may kanya kanyang mga gamit sa pagbuo ng isang drawing o object

kaya ito ay talagang mabilis at akyureyt

Ayon naman kay Soffar (2018), Dahil sa teknolohiyang ito mas

napapabilis nito ang paggawa ng mga proyekto o drawing na nais mong


gawin, matipid sa oras at mas produktibo ang paggawa at mas

napapaangat nito ang kalidad ng gawain dahil sa accuracy nito.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Sablan (2012), ang mga plano ng gusali, mga disenyo

ng mga gusali at iba pang ginagawa ng mga arkitekto at ihinyero na

hindi hinagamitan ng AutoCAd o paggawa sa manwal na drawing sa mga

ito ay hindi sigurado kung eksakto ang mga linyang nagagawa kasama

ang mga nagamit na anggulo. Ibig sabihin nito, dapat maingat sa

pagguhit para makasigurad ang tagaguhit na eksakto ang mga ginawa.

Sa larangan ng Arkitektura at Engineering, ang kaunting pagkakamali

sa ginagamit na sukat ay nangangahulugan ng pagbagsak ng iyong

Gawain kaya kailangan maging eksakto sa mga guhit.

Sa isang pag-aaral naman kung saan may apat na teyoryang

ginamit ang mananaliksik na sila Argertera (2012), natuklasang walang

makabuluhang relasyon ang nakaraang eskwelahan kung saan

nanggaling ang estudyante at ang academic performans nito. Nakita rin

sa resulta a walang epekto ang set-up ng classroom, at personal na

pagganyak o sosyo-ekonomik na istatus ng mga magulang sa isang pag-

aaral ng mga estudyate.


According to Brown (2008), the use of the program AutoCAD had

been a very big help in our generation today, the problem is that it cost

very big that is why many learners can’t afford it. In his research, he

found out that one of the major problems that learners ecounter is that

they lack experience it using it. When it comes to techniques, the

learners always have trouble making the projects because of their

inexperience.

Another research of Brown (2011), found out that because some

students are computer illiterate, they can’t use CAD which is very

important for engineers and architects. Because of these problems,

following the instructor’s instructions is very hard. One of the result of

this is they lose their interest in this subject.


Sintesis

Ang pag-aaral na may pamagat na “Mga Dahilan na Nakakaapekto

sa Pagkakaroon ng Mababang Marka sa Asignaturang AutoCAD ng

Engineering Students ng Rizal Tchnological University, Pasig Campus”

ay maglalayong sagutin ang mga katanungang namumuo sa mga

kaisipan ng mga mag-aaral sa Asignaturang AutoCad.

Ginawa ito upang maipakita o maipakilala ang mga kahalagahan

ng asignaturang kinukuha ng mga mag-aaral. Isinasagawa ang pag-

aaral na ito upang makatulong sa paglilinaw sa mga gumugulo sa mga

kaisipan ng mga nagtatanong tungkol sa suliraning sinusubukang

lutasin ng mga mananaliksik.

Layunin din nitong maatulong upang mailahad ang mga

kahalagahan ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran para sa mga

mag-aaral, particular sa mga mag-aaral ng paaralan ng Rizal

Technological University, Pasig Campus, ay upang makita nila ag

kahalagahan ng kanilang asignaturang AutoCAD at sa gayon, hindi nila

lagging kinukwestyon o binabalewala ito.

You might also like