Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TFR 4-5:30

Fil 108 Panunuring Pampanitikan

Ukay-ukay
Ni: German Gervacio

Tagapag-ulat: Jonelyn S. Tara

Ipinasa kay: Prof.Carmela Ong


Ukay-ukay

Ni:German Gervacio

Ang pinakamahusay
Maghalukay
Ang siyang hari
Tari

Ang t(y)agang umiiwa


Sa balumbon ng oversized
Na polo`t pantalon, jacket
Baket

Pipigilang sumisid
Sa dagat ng damit ang kamay?
Sanay

Dapat ang mata sa tunay


Na perlas -- Nike
Fila
Tommy Hilfiger
Guess
Polo
Prada—sa etiketa
Makiketa
Nakagagaan ang nabingwit
Nang nakasalampay sa kabilang braso
Kapraso

Man lamang ay matikman


Ng katawan ang saplot
Ng mababangong tao
Oo

Nakaiigaya sa pakiramdam
Na kahit sandal
Ang mga sobra ng iba
Ay kapunuan sa kanila

Anila, dahil kapos ang bulsa at sanay


Namang magplantsa ng umurong
Na t-syirt, polo at bestida
At bihasang magsulsi ng gurlis
Sa dangal at bituka
Pagsusuri

1. Ano ang Tema ng tula?


Ang Tema ng Tula ay tungkol sa Ukay-ukay.

2. Angkop ba ang pamagat ng tula?

Angkop ang naging pamagat ng tula sa akda dahil ang laman ng


akda ay napapatungkol sa ukay-ukay o ang mas naging tinatangkilik ng
mamamayang Pilipino.At sa akdang ito inilalahad ang tunay na nangyayari
sa realidad na buhay at masasabi ko na ang akdang ito ay akma siya sa
panahon natin ngayon.

 Ano ang ipinahihiwatig nito?


Ang ipinahihiwatig ng akdang ito ay ang pagiging mahiligin ng mga
tao sa ukay-ukay at ang pagiging abilidad ng mga Pilipino pagdating sa
ukay-ukay.At sa ating kasalukuyang panahon nagging bahagi na rin ito
sa ating pagiging Pilipino.

 Mayroon bang implikasyon ang pamagat ng tula sa buhay ng


Pilipino?
Mayroon sapagkat sa ngayon kinakatawan ng salitang ukay-ukay
at lipunang Pilipino sa kontemporaryong panahon natin
ngayon.Nakapaloob ditto ang larawan ng isang mahirap na bansa na
nagging tambakan ng mga nakakataas na bansa.At tayo bilang Pilipino
nilalarawan tayo na mga maabilidad na Filipino sapagkat nakikita ang
kayamanan sa basura ng iba.

 Sa kabuhayan ng ating bansa?


Sa kabuhayan ng ating bansa mas lalong umunlad dahil mabibili
sa murang halaga at malaki ang pagkakakitaan sa ganitong negosyo.
3. Ano ang ipinahihiwatig ng mga etiketang Nike, Fila, Tommy Hilfiger,
Guess, Polo, at Prada?
Ang ipinahihiwatig nito ay iyong mga matataas na uri o mga
mayayaman na kayang bumili ng mga mamahaling damit na may tatak.

4. Sino lamang ang maaaring makabili ng bagong damit na may mga


gaanong tatak?
Hindi natin makakailang ang kadalasang makakabili ng mga bagong
damit o may mga tatak ay yaong mga nasa mataas na uri o estado sa
buhay yung mga mayayaman na kayang bilhin kahit gaano pa man ito
kamahal ang presyo.

Bakit tinatangkilik ito ng mga Pilipino?


Tinatangkilik pa din ito ng mga Pilipino sapagkat mura na at
karaniwang galing pa ito sa ibang bansa na pinaglumaan at ibinebenta
sa murang halaga depende sa kalidad at klase ng isang ibinebenta.At
ang mga damit na may mga kilalang may tatak o brand gaya Nike, Fila
ay ilan ito sa maaaring makikita mo sa ukay-ukay a depende na rin sa
tiyaga ng iyong paghahanap ng mga damit at mabibili mo pa ito sa
murang halaga kaya ganoon nalang ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa
ukay-ukay

5. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “matikman ng katawan ang saplot ng


mababangong tao.”
Ang ibig sabihin ng katagang “matikman ng katawan ang saplot ng
mababangong tao” ay kahit minsan ay maranasang makasuot ng
mamahalin o may mga tatak na damit.

6. Patunayang hindi pa rin nawawaglit sa mga Pilipino ang kolonyal na


pag-iisip.
Hindi natin nawawaglit sa ating isipan ang kolonyal na pag-iisip na
kapag galing sa ibang bansa ay mas pinagkakatiwalaan natin kaysa sa
ating sariling gawa.Mas gusto pa natin iyon dahil parang mas
pinaniniwalaan natin na parang nakasunod tayo sa ibang bansa na uso.
Pagdulog Humanismo
Nagbibigay ito ng malaking pagpapahalaga sa tao at sa paniniwalang ang
tao ang sentro ng daigdig.

Sapagkat sa akdang ito makikita na ang naging sentro ng may


akda ay ang kagustuhan ng mga tao at ang pagiging abilidad ng mga
Pilipino pagdating sa ukay-ukay.At talaga naming laganap na ang ukay-
ukay sa ating lipunang Pilipino at yung iba parang ginagawa na din itong
isa sa mga pinagkakakitaan.

You might also like