Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Masusing Banghay- Aralin sa Filipino 6

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakasusunod sa panuto

II. Paksa:
Paksa: Pagsunod sa panuto
Sanggunihan:
Kagamitan:

III. Pamamaraan:
Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Maari bang magsitayo ang lahat para sa ating
panalangin.

(Panalangin)

2. Pampasigla
Bago natin simulan ang ating aralin, tayo muna Magandang umaga rin po Teacher Jewel
ay sasayaw ng Chicken dance. Ang lahat ay dapat
na sumabay sa pagsayaw.

2. Pagbati
Magandang umaga Grade 6

3. Pagsasaayos ng silid – aralan


Bago kayo maupo ay maarai lamang bang
pulutin ang mga kalat sa inyong paligid at ayusin
ang inyong mga upuan. Pagkatapos ay maaari na
kayong maupo.

B. Balik – Aral

Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa


Pagbibigay ng Kahulugan ng Di – Pamilyar at
Pamilyar na Salita.

Ano ulit ang ibig sabihin ng Pamilyar na Salita?


Ang Pamilyar na Salita ay ang mga salitang
ginagamit natin sa pang- araw araw.

Mahusay!
Magbigay nga kayo ng halimbawa ng Pamilyar na
Salita.
(Ang mga mag – aaral ay magbibigay ng
halimbawa ng Pamilyar na Salita)
Ano naman ang ibig sabihin ng Di Pamilyar na
Salita?
Ang Di – Pamilyar na Salita ay ang mga salitang
hindi natin madalas ginagamit.
Magbigay ng halimbawa ng mga Di- Pamilyar na
Salita.
(Ang mga mag – aaral ay magbibigay ng
halimbawa ng Di – Pamilyar na Salita.
Mahusay!

Ngayon dumako na tayo sa ating bagong aralin.

C. Panlinang ng Gawain

Bago tayo pumunta sa ating aralin, tayo muna ay


magkakaroon ng isang pagsasanay.

(Ang guro ay may inihandang mga panuto na


dapat gawin ng mga mag – aaral)
1. Tumayo ang lahat
2. Umikot ng tatlong beses
3. Itaas ang kanang kamay at ikaway
4. Umupo ng tuwid
5. Pumalakpak ng 5 limang beses.

(ang mga mag – aaral ay isasagawa ang mga


inihandang panuto ng guro)
Mahusay!

Nasundan niyo ba ang mga sinabi kong


direksyon? Nakasabay ba kayo?
Malinaw at kami ay nakasabay.
Dako naman tayo sa susunod nating pagsasanay.

(Ang guro ay magtatawag ng dalawang mag – aaral


at susundan ang ibinigay na panuto ng guro.)

Panuto: Gumuhit ng parisukat. Sa loob ng


parisukat isulat sa dakong itaas ang salitang
Filipino. Sa salitang ibaba ay isulat ang inyong
pangalan.
(Inaasahang sagot ng magaaral)

Filipino

Pangalan ng
magaaral

Mahusay!

Ano ang napansin niyo sa inyong ginawang


pagsasanay?

May sinusunod na direksyon.

Tama! Mayroon sinusunod na direksyon o


panuto.

May mga tanong tayo na dapat nating sagutin.

Malinaw ba ang pagkalahad ng mga panuto?


(Inaasahang sagot ng mag – aaral)

Malinaw po.
Ano ba ang panuto?
Ano ang inyong ideya pag sinabing panuto?
(Inaasahang sagot ng mag – aaral)
Direksyon na dapat na sundin.

Mahusay!
Ano – ano naman kaya ang dapat nating tandaan
sa pagsunod sa mga panuto?

(Ang mga mag – aaral ay magbibigay ng kanilang


sariling ideya at sagot tungkol sa tanong)
Mahusay!

Pero ano nga ba ang ibig sabihin panuto?

Ang panuto ay pagbibigay ng direksyon,


instruksyon at paliwanag sa isang gawain o
pangyayari na dapat sundin ninuman.

Ano- ano naman yung dapat tandaan nating


tandaan sa pagsunod sa mga panuto?
Ang pagsunod sa panuto ay tanda ng paggalang
at pagkamasunurin. Ugaliing magbasa, makinig,
umunawa at sumunod sa mga hakbang na dapat
sundin. Pagskaping makasunod sa tiyak, tama at
malinaw na panuto upang lubos na matuto. Ang
hindi pagsunod ay maaring magbunga ng
pagkakamali at kaguluhan.

D. Pagpapalawak ng kaalaman
Blg. 1

Panuto:
Ang guro ay magbibigay ng mga panuto na dapat
sundin ng mga mag – aaral.

1. Gumuhit ng parisukat. Gumuhit ng puso sa loob


nito isulat ang pangalan ng iyong matalik mong
kaibigan.

Kaibigan

Kaibigan

2. Gumawa ng isang kahon. Gumuhit ng bituin sa


loob nito.

3. Gumuhit ng isang malaking bilog, gumuhit ng


maliit na bilog sa kaliwa nito.
4. Isulat ang pangalan ng iyong tatay sa loob ng
parihaba at ang pangalan ng iyong nanay sa loob
ng bilog, gumuhit ng linya patungo sa bilog upang
pagdikitin ito. nanay
Tatay

5. Isulat ang pangalan ng iyong guro ngayon at


gumuhit ng masayang mukha sa magkabilang dulo
nito.
Jewel

Mahusay!

Blg. 2

Pangkatang gawain

Pangkat 1
Panuto: Bilugan ang mga salitng nasa puzzle. Isulat Sagot:
ang mga ito s apatlang.
Mga Salita:
1. bulkan 6. ulan
2. bukal 7. aral
3. araw 8. suso
4. namin 9. alak
5. ulam

. Pangkat II
Basahin ang bahagi ng nilalaman ng isang sulat.
Sagutin ang mga tanong na isinaad.

B1 Lot 23 Sunrays Village,


Guyong, Santa Maria, Bulacan
Hunyo 25, 2910
Mahal kong kaibigan,
Magandang araw aking kaibigan! Kamusta ka na? Sana ay
nasa mabuti kang kalagayan. Nais ko lang ipaalala ang iyong
utang na 20, 000 na umabot ng ng 6 buwan na may multang
5% kada buwan. Sana ay ito ay iyong mabayaran sa lalog
madaling panahon, 15, 000 ang aking kelangan para sa aking
matrikulasyon sa loob ng anim na buwang pagaaral.
Maraming salamat sa iyong mabuting loob.

Nagmamahal,
Jonathan

A. Magkano ang utang ng kanyang kaibigan?


Sagot:
A.20, 000
B. Magkano ang porsento kada buwan?
B. 5%
C. Magkano ng babayaran sa kaniya ng kaniyang kaibigan
kasama na ng 5% na porsyento.
C. 26, 000
D. Magkano ang kelangan ni Jonathan para sa kanyang
matrikulasyon sa loob ng anim na buwan?
D. 15, 000

E. Magkano ang matrikulasyon ni Joanthan kung kada buwan


niya itong babayaran?

E.2,500

Pangkat III
Sundin ang mga sumusunod na panuto.
1. Isulat ang pangalan ng iyong inyong punong guro sa loob ng
isang bilohaba.
Punong- guro

2. Sa loob ng isang malaking puso, gumuhit ng isang bulaklak,


kulayan ito ng pula

3. Isulat ang pangalan ng inyong paboritong asignatura,


kulungin ng kahon ang bawat tititk nito.

M A T H
4. Sa loob ng isang parihaba isulat ang ECS, sa amgkabilang
gilid ay gumuuhit ng tig- isang masayahing mukha.

ECS
5. Isulat ang bilang ng inyong pangkat at pangalan ng bawat
miyembro.

(Pangalan ng Pangkat)
(Pangalan ng miyembro)
Mahusay!
G. Paglalahat

Tungkol saan ng tinalakay natin ngayong araw?

Sa panuto.
Ano ang panuto? Paano tayo makasusunod ng wasto sa
isang panuto?

Ang panuto ay direksyon, intruksyon o paliwanag


na kailagan malinaw, tiyak, buo at maikli lamang.
Kailagang basahin at unuwaing mabuti ang panuto
bago ito isagawa. Intindihing mabuti ang gamit ng
salita. Kalimitang pautos ang uri ng pangungusap
na ginamit sa panuto.
H. Pagpapahalaga

Bakit mahalagang sumunod tayo sa panuto?

Para hindi tayo magkamali sa ating gagawin,


ginagawa.
IV. Pagtataya
Isagawa ang mga sumusunod na panuto:
1. isulat ang buong pangalan sa kaliwa.
2. Gumuhit ng isang triyanggulo, sa bawat sulok ay gumuhit ng
isang bituwin, sa bandang gitna ay gumuhit ng isang araw na
may walong sinag.
3. Gumuhit ng isang palayok at kulayan ito ng itim.
4. Isulat ang iyong buong pangalan sa isang parihaba, bilangin
ang mga titik at isulat ang blang sa lialim nito.
5. Ikaw ba ay lalaki o babae, kung lalaki gumuhit ng bola at
ikahon ito, kung babae gumuhit ng manika.

Sagot:
2.

3.

4.
Jewel O. Ragudos
13

5.
Lalaki / Babae

v. Takdang Aralin

Panuto: Lagyan ng 1-5 upang mapagsunod – sunod ang paraan ng pagluluto ng pritong itlog.
__________ 1. Painitin ang itlog sa kawali.
__________2. Lagyan ng kaunting asin ang itlog.
__________3. Basagi ang itlog sa mainit na mantika.
__________4. Isalang ang itlog sa mainit na mantika.
__________5. Ilagay sa plato kapag luto na.

Inihanda ni:
Jewel o. Ragudos

You might also like