Farrah

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

I.

Pamagat
Kapitan Sino

Ang akda ay tungkol sa bayaning hindi kilala ng bayan ngunit ginagawa pa rin ang kanyang
kakayanan para tumulong. Ang pamagat ng akda ay Kapitan Sino dahil nang matapos iligtas ng
bayani ang estudyanteng babae ay saktong dumating ang mga barangay tanod na sila na rin ang
nagdala sa presinto ng mga kriminal matapos pasalamatan ang hindi kilalang
tagapagligtas.Dahil walang ideya kung sino ang bayani, may isa sa kanila ang nagtanong kung
sino ang tagapagligtas at may isa namang humiyaw ng “May makakapitan na tayo!”. Bilang
sagot kanina, may sumagot na “Hindi ba si Kapitan yon?” at may nagtanong ulit ng “Kapitan?
Sino?”. Mula noon, dahil hindi nga kilala ang bayani at walang binibigay na pangalan tuwing
nagliligtas, tinawag na ang bayani ng mga tao ng Kapitan Sino.

II.Author
Bob Ong

Ang ‘Bob Ong’ ay sagisag-panulat o palayaw o pen name sa Ingles, ng awtor na nagsusulat ng
nobelang nagpapakita ng buhay ng isang Pilipino at ang mga kaugalian din ng mga Pilipino
ngunit ang mga salitang ginagamit sa nobela niya ay impormal o mga salitang ginagamit ng mga
Pilipino sa pakikipag-usap sa araw-araw, hindi katulad sa mga dating akda na mga malalalim na
salitang Filipino ang gamit. Ang awtor ay mayroon ng sampung akda na nailimbag sa ilalim ng
Visual Print Enterprises at pangpito rito ang Kapitan Sino.Karamihan sa mga akda na
gawa ng awtor ay katatawanan ang dyanra.

Nanggaling ang palayaw na ‘Bob Ong’ noong gumawa ang awtor ng website na Bobong Pinoy at
nang may isang taong nakipag-konekta sa kanya na ang buong akala ay totoong pangalan niya
ang Bob Ong. Nanalo ang website ng People's Choice Philippine Web Award for Weird or
Humor noong 1998 ngunit nagsara ang website matapos patalsikin ang dating Pangulong
Joseph Estrada sa pwesto noong Second People Power Revolution.

Maraming tao na ang itinuturo na si ‘Bob Ong’ ngunit hindi pa rin kilala si Bob Ong hanggang
ngayon.Bagama’t hindi kilala, siya raw ay pinagnganak noong Pebrero 1975 sa lungsod ng
Quezon, Metro Manila, Philipppines at hindi raw niya apelyido ang ‘Ong’.

III.Mga Tauhan:
Rogelio Manglicmot
Binata na may 5’6 na taas, maikling buhok na umaalon pakaliwa at kayumanggi ang kulay. Isang
taong na lamang ang kulang para makaptos ng ECE sa kolehiyo ng magkasakit ang kanyang ama
kaya siya ay huminto. Simula nito, nagsimula siyang tumanggap ng mga aayusin na sirang gamit
upang kumita. Dahil siya ay magaling, hindi siya nababakantehan ng gagawin.Siya ay may taglay
na kalakasan. Kaya niyang buhatin ng isang kamay lamang ang dalawang aircon na
magkapatong at may tv sa ibabaw at sa ibabawa ng tv ay pusang natutulog. Siya rin ay nagbalak
pumasok sa Kyoto Electronics sa Japan ngunit hindi niya na ito pinagpatuloy dahil ayaw ng
kanyang ama Labinlimang taong gulang lamang siya nang matutong tumugtog ng mga kanta ni
James Taylor sa gitara at nang lumipas na ang sampung taon ay hindi na siya marunong
tumugtog dahil hindi na nasauli sa kanya ang gitara ngunit kahit hindi na marunong tumugtog,
alam pa rin niya kung nasa tono o wala. May taglay na kapangyarihan gaya ng lakas niya na
ibang sa lakas ng karaniwan na tao, ang talon na napakataas at ang kuryenteng nasa loob ng
kanyang katawan. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang tumulong sa mga taong
nangangailangan. Binigyan siya ng tao na tawag na “Kapitan Sino”. Dugo lang din niya ang
tumugma sa gamot na ginagawa ng mga doctor para sa kumakalat na sakit.

Bokbok
Matalik na kaibigan ni Rogelio simula noong bata pa. Siya ay naging ulila sa murang edad pa
lamang. Naging pamilya na ang turing sa kanya ng magulang ni Rogelio dahil sa mabait at
nauutusan din ng pamilya. “Kambal” nga raw ito ni Rogelio kahit na ang itsura ng dalawa ay
magkalayo. Medyo kalbo si Bokbok at mataba sa taas na 5’ ½”. Siya ang unang nakaalam ng
sikretong kapangyarihan ni Rogelio at siya rin ang naghikayat kay Rogelio na gamitin ang
kapangyarihang taglay sa pagtulong sa tao. Simula noon , lagi na siyang katulong ni Rogelio sa
pgliligtas. Naapektuhan rin siya ng misteryosong sakit na kumakalat sa buong mundo.

Tessa/Teng
Maliit na dalaga at kababata nila Rogelio at Bok-bok. Teng ang tawag nila sa dalaga. Siya ay
hindi nakakakita. Siya ang itinuturing sa pamilya nila na pinakamagaling na sastre. Siya ang
nagtahi ng costume ni Rogelio at sa kanya galling ang helmet na gamit din ni Rogelio. Siya ang
babaeng mahal ni Rogelio at ganoon rin ang nararamdaman niya kay Rogelio. Siya ang huling
biktima ng mabalbong halimaw.

Aling Hasmin
Nanay ni Rogelio at kapangalan rin ito ng katapat nila na may ari ng Hasmin’s Eatery na
nasunog. Nagsimulang pumasok na manlalaba ng magkasakit ang kanyang asawa at nalaman
din agad ito ni Rogelio. Siya ang taga-basag ng katahimikan sa bahay at gumagawa paraan para
magkaroon ng konting kwentuhan. Sinabi niya rin sa kwento nang pabiro na mas gusto niyang
nakikipag-away sa asawa dahil ibig sabihin raw noon ay malakas pa ang asawa. Naapektuhan rin
siya ng sakit na kumakalat.

Mang Ernesto
Tatay ni Rogelio na nagkasakit. Simula nang magkasakit, nagging mabigat ang loob niya sa
sariling anak. Sinabi niya sa kwento na hindi na babalik ang dati noong siya ay wala pang sakit.
Siya ay mayroon ding kapangyarihan ngunit hindi nya ito ginamit upang tumulong sa kapwa.
Kapatid din niya ang mayor ng Pelaez sa ama. Siya rin ay naapektuhan ng sakit na kumakalat.

Alkalde Solomon Suico/ Omeng


Ang alkalde ng Pelaez na mabait at laging tumutulong sa mga tao. Ang mga pagtulong na
ginawa niya ay paghatid kay Aling Baby sa bahay nito, pagbibigay ng suporta sa pamilyang
nasugod sa ospital ang anak at pagbigay ng makinang panahi sa asawa ng kanyang drayber.
Ayon sa kanya, ayaw niyang maturing na iba kaya gusto niyang tawagin na lang siya ng
“Omeng”.Ngunit lahat ng ito ay pakitang tao lamang dahil sa likod nito, siya ang mabalahibong
halimaw na kumukuha ng mga tao para sa kalusugan ng kanyang anak. Ayon sa kanya, ang mga
tao ng Pelaez ay salot na nag-aantay na maligtas at siya lamang raw ang nagbibigay ng pag-asa
sa bayan.

Michael
Anak ng Alkalde Solomon Suico na namana ang sakit ngunit mas malala. Nilabanan rin ni
Kapitan Sino ngunit namatay ng magasgas ang tagiliran sa yero.

Ging-ging
Makulit na batang bili ng bili pa rin sa tindahan ni Rogelio kahit ito ay Electronic Repair shop na.
Hindi niya tunay na pangalan ang Ging-ging, ito ay ibinigay na palayaw lamang ni Rogelio sa
kanya. Naging malungkutin ang batang ito ng mawala si Rogelio.

Aling Precious
Si Aling Precious ay kapit-bahay ni Rogelio na masinop sa garbage segregation. Pinaghihiwalay
niya ang mga basura nila sa kung alin ang aakuin at alin ang ibibintang sa kapitbahay. Siya rin at
nagreklamo sa tae ng asong si ET na alaga ni Rogelio dahil sa ito ay palaging nagwawalis at
naglilinis sa kalye. Kapag ito ay nag rereklamo ay hinahayaan na lamang ni Rogelio matapos
makasagot dahil kailangan lamang ilabas ng ng Ale ang kanyang nais sabihin at kung may
sasagot man ay importante din na sya ang huling magsasalita sa usapan. Nakita rin ni Rogelio
ang Ale na ito na nangungulangot sa gitna ng kalsada. May karaoke ito na umagang umaga pa
lang ay ginagamit na. Kakompetensa niya si Aling Baby na lagi rin niyang ka-tsismisan at kausap
kahit ang pinaguusapan lamang ay ang kanilang yabangan.

Aling Chummy
May ari ng karaoke na pinagawa kay Rogelio at gagamitin sa sa Field day ng anak. Siya ang
tinuro ni Mang Berto napagtanungan ang tungkol sa kooperatiba na kahit siya ay walang alam.
Siya ang itinuturing na pinakamabait sa Pelaez ngunit ng malaman niya kung sino si Kapitan Sino
ay sinisi niya ito sa pagkamatay ng asawa dahil sa lung cancer.

Aling Baby
Kapit-bahay rin ni Rogelio na sa Saudi nagtatrabaho ang asawa kaya hindi ito nagpapatalo sa
mga kagamitan ng kapitbahay lalo na kay Aling Precious. Kung si Aling Precious ay may karaoke,
siya naman ay may component. Kakompetensiya si Aling Precious at ka-tsismisan rin.

Anghela
Ang tsismosang manikurista ng bayan ng Pelaez. Ang kanyang buhok ay laging naka-gel na may
glitters, may malaking pulseras ang kamay at may hikaw na iba’t ibang kulay ang tenga. Siya ang
laging ka-tsismisan ni Aling Precious habang nililinisan ang mga kuko. Maraming kakilala at
bumabati sa kanya ngunit laging may tsismis nadala tungkol sa mga kakilala niya.

Mang Berto
Barangay tanod na pinagtatanungan ng mga tao sa bayan ng Pelaez tungkol sa mga proyektong
gagawin para sa ikabubuti ng bayan gaya ng kooperatiba, Clean and Green Project at
sportsfest.

Bise-alkalde Virgilio Samonte


Ang pumalit sa pwesto ni Alkalde Suico na naghanda ng mga programa para kay Kapitan Sino
ngunit puro pagmamayabang lang sa nagawa talaga ang nababanggit dito. Ito raw ay
nandadaya at hindi kasundo ni Akalde Suico.

Dating Heneral
Kapatid ni Mang Jose na biktima ng Alkalde. Siya ang desperadong Kapitan Sino noon na may
dala ng granada noong unang pagbibigay pasalamat kay Kapitan Sino. Dahil lasing at wala sa
sarili ay hinagis ang granada ngunit hindi siya nakulong.

Jong
Siya ang Emilio Santiago ng Pelaez dahil sinasabing kamukha nito si Emilio Aguinalado na nasa
limang pisong buo kung pahahabain ang buhok, lalagyan ng shades at gagawing Randy
Santiago. Ginagawa ito mismo ni Jong sa mga limang pisong buo na nahahawakan niya gamit
ang ballpen. Iba din ang pagbikas ng “pare” nito sapagkat mabilis nawawala agad yung “a”
ngunit hindi eksaktong “pre” ang pagbigkas nito kundi ay “p’re”. Mahilig manghiram ng kariton
ni Rogelio na nilalagyan ng ng mga scrap metal na nakuha kung saang mang pabrika. Minsan ay
kulang ang gulong ng kariton pagbalik kay Rogelio.

ET
Aso ni Rogelio na ilang lingo pa lang sa kanya at laging pinagbibintangan ni Aling Precious na tae
ng asong ito ang malapit sa bahay niya, kahit nakatali naman ito.

Mang Boy
Asawa ni Aling Baby na nagtatrabaho sa Saudi. Siya ay isang masipag na padre de pamilya
ngunit kapag kumanta na ay mapagkakamalan mong criminal dahil sa boses nito.
Dr. Chua
Isang pathologist at nuclear medicine specialist na duktor ng mabuhok na binatang may sakit at
tanging siya lamang ang may alam sa sakit na ito ng binata. Bilang pagtanaw ng utang na loob
sa magulang ng binata na nagpa-aral sa kanya, inigatan niya ang sikreto ng binate hanggang sa
siya ay pumanaw. Ang binatang iyon ay si Michael.

Mercy
Ang drayber ni alklade Solomon Suico na tumatanaw ng utang na loob sa alkalde dahil
tinulungan siya nito

Mang Herkules
Asawa ni Aling Chummy na namatay dahil sa lung cancer.

Gizmo
Aso rin ni Rogelio na nilason ng mga tambay.

Mang Fred
Asawa ni aling sally at tatay ni Lyla, na pamilyang pinaglalabahan ni Aling Hasmin. Na kwento ni
Aling Hasmin sa pamilya niya ang pamilya ni Mang Fred.

Lyla
Panganay na anak ni Aling Sally at Mang Fred na isang taong gulang na. Nang nagdiwang ng
unang kaarawan ay maraming natuwa sa batang ito dahil may hawig kay Matet. Ibinidyo din
ang kaarwan nito at ito ang napanood sa Betamax ng pamilya.

Aling Sally
Asawa ni Mang Fred at nanay ni Lyla. Labandera ng pamilya niya si Aling Hasmin na nanay ni
Rogelio. Noong nagdiwang ng ikaunang kaarawan ang anak na si Lyla ay hindi niya muna
inutusan maglaba si Aling Hasmin. Ito ay pinakain niya ng mga handa.

Doktor
Doktor sa center na duktor ni Mang Ernesto.

James Taylor
Ang mga kanta ng singer na ito ang natutan na tugtugin ni Rogelio noong labinlimang taong
gulang lamang siya.

Jet
May ari ng Jet’s Video kung saan nag-rerenta sila Rogelio ng papanoorn na movie gaya ng
Superman IV

JC Bonnin
Artistang nabanggit lamang sa kwento at ayon kay Bokbok ay kahawig niya raw ang artistang
ito.

Carole King
Isang kanta nito ang pinatugog sa plaza at gusto ni Tessa. Ito rin daw ang tugtog noong prom,
ayon kay Rogelio.

Jograg de la Torre
Kahawig raw ni Rogelio ayon kay Bok-bok.

Dax, Zither, Thron,Mishqua, Vixia/Xorex


Mga anak ni Aling Baby na ayon nga sa sarling anak na si Mishqua ay para silang mga taga-
Jupiter dahil sa pangalan. Si Vixia/Xorex ay pangalan ng batang ipinagbubuntis ni Aling Baby.
Hindi pa alam kung ano ang kasarian ng bata kaya dalawa ang naisip ni Aling Baby. Kung babae
ay Vixia, Xorex naman kung lalaki.

Mang Dino
Siya ang pinaghiraman ng dyaryo ni Bok-bok at ang mahilig magsiga ng basura dahilan para
mahinto ang tsimisan nila Aling Baby at Aling Precious at dahilan na rin para mahinto ang
pagtatambay ng mga tao sa kalye.

RC, KC, JP, JB . TJ, Jonymay


Mga anak ni Aling Precious at may mga asawa na maliban sa bunsong si Jonymay.

Mhelamyn, Jaspe Von, Jennavee, Flordeliza, Lucibelle


Mga apo ni Aling Precious ngunit hindi nabanggit kung kaninong anak niya naging apo ang mga
ito. Si Jonymay ang taga-alaga ng mga batang ito.

Mang Jose
Siya, kasama ang anak at manugang ang unang nawala na sinasabing kinain raw ng halimaw.

Lola ni Tessa
Nabanggit lamang noong nag-uusap ang magkakaibigan tungkol sa helmet na akala ng lola ni
Tessa ay TV.

Reporter, Newscaster, Estudyante, Tinera, Jeepney driver, Tindera ng pakwan


Taong kasama sa unang misyon ni Kapitan Sino

Bakla, Sindikato, Kidnaper, Carnapper, Dambuhalang Gorilya


Nakalaban ni Kapitan Sino

Dalagita na esudyante, Batang lalake, Pusa


Mga nailigtas ni Kapitan Sino
Pulis, Barangay tanod, Payat at bunging fishbal vendor, Nagtitinda ng sigarilyo, Bumbero, Balut
vendor
Habanggit na mga taong nasa eksena noong nagligtas si Kapitan Sino

Heneroso
Nasa tren na napahinto ni Kapitan Sino ngunit nahuli ng isang babae na dahilan na naman ng
bagong gulo

Mga iba pang tauhan: doktor ng iba-ibang bansa, lalaking sumaksak kay Rogelio dahil sa
inakalang mapapagling ang bata sa dugo lang ni Rogelio, mga pulis na nag-aresto kay Rogelio at
Bokbok, mga bata ng Pelaez na ginagaya ang mga laban ni Kapitan Sino, ang babaeng konsehal
na gusto sa kanya mapunta ang perang 30,000 pesos kaya pinagpanggap ang asawa na maging
si Kapitan Sino, at ang buong komunidad ng Pelaez

IV.Tagpuan:
Dekada ‘80
Hindi direktang sinabi ng awtor na dekada’80 ito naganap ngunit may mga patunay na ito ay
panahong dekada ’80. Una, binanggit sa unang kabanata ng nobela na hindi pa nababaril si
Ninoy Aquino sa MIA nang manahin ni Rogelio ang tindahan ni Aling Hasmin na naging repair
shop niya at binarili si Ninoy Aquino na noong Agosta 21, 1983. Pangalawa, ay ang tungkol
kung kalian namatay ang unang aso ni Rogelio na si Gizmo at sinabing nilason ito ng mga
tambay ng mga panahon na kakaupo pa lang ni dating President Cory Aquino at ito ay taong
1986. Wala mang eksaktong taon ngunit ang panahon sa nobela ay dekada ’80.

Bayan ng Pelaez
Ito ang bayan ni Rogelio at dito siya nakatira. Ang bayan na ito ay maraming proyektong
pinaplano ngunit hindi matuloy-tuloy dahil walang nagkukusang loob nasimulan kundi puro
salita lamang. Maraming nakatambay sa kalye nito at doon nakikipag-tsismisan ang mga tao.
May pamahalaan na hindi rin matapat. Ilan sa mga lugar sa Pelaez ang nabanggit Kwento:

Rogelio’s Elctronic Repair Shop (Hasmin’s Eatery)/ Bahay ni Rogelio


Madalas si Rogelio sa repair shop dahil dito siya nagtratrabho at nag-aayos ng mga gamit na
pinapaayos sa kanya. Dati itong tindahan ni Aling Hasmn. Dito rin nakasanayan ng mga tao
tumambay kapag may pinapanood.

Presinto
Dito nakulong sina Rogelio at Bok-bok at dito rin sila huling nagkahiwalay.

Simabhan ng Sto. Domingo


Sa may kampana nito nakatambay sina Rogelio at Tessa noong selebrasyon ng bayan habang
iniintay si Bok-bok. Dito nasabi ni Rogelio ang nararamdaman kay Tessa. Sa loob naman nito
kinuhanan ng dugo si Rogelio. At dito nangyari ang unang misyon ni Kapitan Sino.

Plaza
Dito ginanap ang mga programa para kay Kapitan Sino.

Jet’s Video
Dito nanghihiram sina Rogelio at Bok-bok ng mga palabas na panonoorin.

Banco Suico
Ang ninakawan na banko ng mga sindikato na inakala ni Kapitan Sino na gumagawa lamang ng
pelikula dahil sa pag-aarte ng bakla.

Munisipyo
Kung saan nagpunta ang Alkalde matapos ihatid si Aling Baby sa bahay.

Palengke
Laging matao ayon kay Aling Baby na kahit 6:00 ng umaga na umalis ay ang dami pa ring tao na
naabutan. Dito siya nag-aantay para sa traysikel nang dumating ang sasakyan ng kanyang
kakilala na ang Alkalde.

Lunas Ospital
Dito naglaban si Kapitan sino at ang mabalbong halimaw na si Alkalde Suico dahil dito dinadala
ni Alkalde Suico ang mga tao na kinukuha niya para ipakain lamang sa anak ang dugo ng mga
taong ito.

V.Buod:

Nangulit na naman ang bata sa kakabili ng kung ano-anong pagkain sa Hasmin’s sari-sari store
na ngayon ay electronic repair shop na ni Rogelio.Dahil wala ngang tinda ay binigay niya na
lamang sa bata ang bubble gum na meron siya. Nagpasalamat ang bata at tumakbo papalayo.
Maya-maya ay bumalik na naman ito para bumili. Pinaliwanag ni Rogelio sa bata na matagal na
silang walang tinda.Binigyan pa nga niya ng palayaw ang batang babae na ‘Ging-ging”. Dahil
roon ay masayang tumakbo ang bata na nakapang-ibon ang mga braso nito. Marahil repair
shop na ni rogelio ang dating Hasmin’s sari sari store ngayon ang karatula pa rin ng shop ay
“Hasmin’s Eatery” dahil hiningi lamang ito sa kainan na nasunog sa harap nila Rogelio, tutal ay
kapangalan rin ng nanay na si Aling Hasmin ang may-ari nito. Tatakpan sana ang salitang eatery
ng tatay niya na si Mang Ernesto ngunit hindi ito nangyari dahil nagkasakit ang tatay niya.
Simula noon ay huminto siya sa pag-aaral ng ECE na isang taon na lang ang kulang para
makatapos. Naging mabigat na rin ang pakikitungo ng tatay niya. Doon nagsimula na gumawa si
Rogelio ng mga sirang gamit at nalaman rin niya na pumasok bilang labandera ang nanay niya
para rin pampagamot sa tatay niya.
Alam ni Rogelio sa sarili niya na may kakaiba siyang abilidad na hindi nagagawa ng karaniwan na
tao. Nang mawalan ng kuryente sa bayan ng Pelaez, nalaman ng matalik na kaibigan niya na si
Bok-bok ang tinatagong kakayanan ni Rogelio dahil sa ilaw na nasa tapat ni Rogelio na nakasindi
pa rin kahit wala ng kuryente. Nang malaman ay sinabi sa kanya ng kaibigan niya na gamitin ang
kapangyarihan sa pagligtas ng mga taong nangangailangan. Unang misyon na ginawa ay nang
huliin ang lalaking nagnakaw ng pakwan at wala pa siyang costume nito kaya pinangtakip
lamang niya ang damit sa mukha dahil rito ay binansagan siya na “ninja” ng mga tao. Naging
katulong na ni Rogelio si Bok-bok kasama si Tessa/Teng na kababata nila na pinagkwentuhan ni
Bok-bok tungkol sa kakayahan ni Rogelio upang makahingi ng tulong sa costume ni Rogelio. Si
Tessa ang gumawa ng costume ni Rogelio na kulay silver kasama na rin na gamit din ni Tessa na
galing sa tita niya, ang helmet na kulay silver rin na kapag nagsalita ang may gamit ng helmet ay
boses robot ang tunog. Palpak ang pangalawang misyon ni Rogelio sa paglitas ng bangko na
nanakawan dahil nakumbinse siya ng mga sindikato na shooting ng pelikula ang nangyayari.
Dahil rito bumawi ang bayani sa pagliligtas. Nahuli niya ang carnapper, nailigtas niya ang babae
laban sa mga lalaking sindikato, nilabanan niya ang gorilya, niligtas niya ang mga taong naiwan
sa building na nasusunog. Inilalayan ang mga building na guguho dahil sa lindol hanggang
makalabas ang mga tao at inihinto niya ang tren na nawalan ng preno sa paghinto at
mahuhulog na.

Pagkatapos ng mga paglitas ni Rogelio, tinawag siya ng mga tao na Kapitan Sino at nagkaroon
pa ng selebrasyon kasabay ang pyesta ng bayan. Dito niya nasabi ang nararamdamang
pagmamahal sa kababata na si Tessa. Samantala, maraming tao na ang nawawala sa bayan at
hindi na nahanap at sinasabing kinuha ng halimaw na maraming buhok.Noong gabi na iyon ay
bigla naglakasan ang mga tahol ng aso at usapan ng mga tao na may kinuha raw na bata ang
halimaw. Sinundan ito ni Rogelio hanggang makarating sa ospital na luma na at hindi na
ginagamit. Dito niya nilabanan ang mabalbong halimaw na si Solomon Suico na kilala bilang
matulungin at mabait na Alkalde ng Pelaez. Nangunguha siya ng mga tao upang ibigay sa anak
na si Michael dahil sa sakit nito na katulad kay Alkalde Suico ngunit ito ay mas malala. Namatay
si Alkalde Suico sa laban at pati si Michael na nilabanan niya rin ngunit namatay dahil nakayod
ang tagiliran sa kalawanggin at punit na yero ng lababo. Pagkatapos ay hinanap ni Rogelio ang
bata ngunit nang makita niya ay hindi pala ito bata, kundi ay isang dalaga. Si Tessa ang biktima
na may pulso pa ngunit duguan at walang saplot. Dinila niya si Tessa sa ospital bilang Kapitan
Sino at agad na bumalik bilang Rogelio. Sa pagbalik, nalaman niya ang balitang patay na si
Tessa.

Nang mamatay si Tessa, wala nang ibang ginawa si Rogelio kundi ang pagtatrabaho bilang
Kapitan Sino. Buong araw ay pagliligtas ng mga tao ang ginagawa niya. Hindi niya na nakikita si
Bok-bok o nakakausap ang mga magulang. Hindi niya na nilalaro ang asong si ET o ang
basketball. Hindi niya na rin hinahawakan ang mga gamit sa shop at ang pagbububunting dito.
Hindi na rin siya nagsusulat ng mga tula. Huminto na ang buhay niya bilang Rogelio. Dahil sa
ganoong estado ni Rogleio, kinausap siya ni Mang Enresto. Sinabi ng matanda na kahit may
kapangyarihan siya ay hindi niya pa rin hawak ang buhay ng isang tao. Sinabi rin ng matanda na
hindi siya katulad ni Rogelio na nagkaroon ng tapang na harapin ang landas ng paggamit ng
kapangyarihan. Dito rin nasabi ng matanda na kapatid niya si Alkalde Suico sa ama. Ayon sa
matanda, pinili ni Alkalde Suico na maging bayani ng sariling anak at pinili niya naman maging
siya lang at dahil sa hindi paggamit na kapangyarihan ng pagligtas sa mga taong
nangangailangan ay hindi niya alalm na may kabayaran pala at ito ay ang kanyang sakit. Sinabi
niya sa anak na tungkulin niya na tumulong dahil may kakayahan siyang tumulong ngunit
pinaalala din niya na hindi niya kayang baguhin ang mundo at hindi niya kayang maligtas ang
lahat ng tao. Huling sinabi ni Mang Enresto sa anak bago umalis ng kwarto ay ang pagtulong sa
kapwa ay hindi kaylangang nang rekognasyon ngunit gawin lamang niya ang sa tingin niyang
nararapat.

Dahil namatay si Alkalde Suico, pinalitan ito ng Bise-alkalde Virgilio Samonte na nag-utos na
gumawa ng programa para sa kabayanihang ginawa ni Kapitan Sino. Sa pagdaos ng programang
ito ay nasayang lamang ang pondo sana na pampaggawa ng mga ospital dahil sa mga
inimbintahan na mga aristang dumalo sa programa. Tumagal ng tatlong oras ang unang parte
ng programa bago simulan ang pagbibigay parangal kay Kapitan Sino na bibigyan ng 30 000
pesos na nakalagay sa sobre na dating 50 000 pesos ang halaga na galing sa mga donasyon ng
ilang organisasyon. Marami ang nagpanggap na Kapitan Sino gamit ang kung ano-anong damit
at helmet na pang-motorsiklo. Kasama na rin sa nagpanggap ang asawa ng isang babaeng
konsehal.Nagkagulo ang lahat dahil lamang sa halaga ng pera ngunit sa gitna ng kaguluhan ay
walang nakapansin sa desperadong kapitan sino na lasing at may hawak na granada. Inihagis ng
lasing ang granada sa entablado ngunit natabig ito ni Bok-bok at nalaglag ng ilang dipa ang layo
sa entablado. Nagsigawan ang mga tao at umalis papalayo sa granada. Si Rogelio naman na
nakasuot ng pang- Kapitan Sino niya ay pinigilan ang granada at sa kanya sumabog ito na
dahilan para masira ang kanyang suot pati na ang helmet niya. Nakilala siya agad ni Aling
Precious at hanggang magsigawan na ang mga tao tungkol sa pagligtas na naman sa kanila ni
Kapitan Sino. Hinila ni Bok-bok si Rogelio para umalis na sa plaza ngunit lumapit si Aling
Chummy na sinampal si Rogelio at sinasabing pinatay raw ni Rogelio ang asawa niya na si Mang
Herkules dahil hindi piniglan sa paninigarilyo ang asawa niya kaya ito ay nagka-lung cancer.
Dahil doon ay hinuli ng mga pulis si Rogelio at Bok-bok at iniwan ang naghagis ng Granada dahil
lasing lamang daw ito ayon sa pulis.

Nakakulong na si Rogelo at Bok-bok at narinig nila ang balitang may sakit na kumukalat sa
buong mundo at wala pa itong gamot. Nakarating ito sa Piliinas at inabot ang bayan ng Pelaez.
Ang lahat ng doktor ay nangunguha ng mga dugo para sa gamot na ginagawa nila. Lahat ng tao
ay kinuhanan pati na rin si Rogelio at Bok-bok. Ang dugo ni Rogelio ang tumugma sa gamot at
dahil rito ay dinala siya sa simbahan at kinuhanan ng mga doktor ng dugo. Nakalabas ng
simabahan na hilong-hilo si Rogelio at hinahanap ang kanyang magulang. May lumapit na lalaki
sa kanya na may kargang batang walang malay. Nagtanong sa kanya ang lalake kung
nakakagaling ang dugo niya at sinagot niya ito ng oo at dahil roon ay sinaksak siya ng lalake.
Pinahid ng lalake ang dugo ni Rogelio sa walang malay na bata. Namatay si Rogelio dahil sa
kulang na rin sa dugo at sa pagsaksak ng lalake sa kanya. Patay na rin ang magulang niya dahil
sa sakit na nagkalat. Si Bok-bok na naiwan sa kulungan ay nahawa na rin ng sakit na kumalat.

Matapos ang isang buwan ay masigla na ulit ang bayan ng pelaez at nag karoon na naman ng
programa para sa kabayanihan hindi lamang ni Kapitan sino, kundi ni Rogelio Manglicmot.
Dinaluhan ito ni Bok-bok na gumaling din sa sakit. Napansin niya na wala ng mga taong may
suot na kapitan sino na damit, wala ng chichirya na kapitan sino at mga batang ginagaya si
kapitan sino. Wala ng nakakaalala kay kapitan sino. Ang programa ay pinanngunahan na naman
ni bise-alkalde Samonte na imbis na kabayanihan ni Rogelio ang sinasabi sa ay puro mga
nagawa niya at ng pamahalaan niya ang sinasabi niya. Dahil dito, umakyat si Bok-bok sa
entablado at sinuntok ang bise-alkalde. Nang makilalang kaibian ni Rogelio ay hindi na
ipinakulong at dahil rin ay imbitado din si Bok-bok sa programang iyon.Dahil sa ginawa na yon
ni Bok-bok, isang bata na naging malungkutin nang mamatay si Rogelio ay muling ngumiti. Ang
batang ito ay ang batang binigyan ng palayaw ni Rogelio na ‘Ging-gng. Lumapit ang bata kay
Bok-bok dahil nakilala niyang kaibigan ito ni Rogelio. Tinanong ng bata kung mag-aayos rin ba
ng sira si Bok-bok at sinagot naman ito ni Bok-bok ng kung ano ang kayang niyang gawin ay
gagawin niya. Ngumiti ang batang si Ging-ging at tumakbo na parang ibon sa iba pang mga bata.

VIII.Recomendasyon
Ang kapitan sino nga ay tunay na isang magandang libro. Aking inirerekomenda ito sa lahat ng
mga mahilig sa mga superheroes dahil ako ay sigurado na sila ay matutuwa at maaaliw sa aklat
na ito. Maraming mga bagay na mapagtatanto sa aklat na ito. Puno ng aral, katatawanan, at
kaaliwan ang aklat. Siguradong sulit ang inyung pera sa pag bili ng aklat na ito.

You might also like