Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LESSON PLAN

FILIPINO 7
I. Layunin: Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang
1. Maihahayag ang nakikitang mensahe ng napanuod na alamat.
2. Mahihikayat na pahalagahan ang aral na nakapaloob sa binasang alamat.
3. Magagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-gasino, at iba pa).

II. Nilalaman:
A. PAKSA: Alamat at Paghahambing
B. SANGGUNIAN: Filipino Learners Material 7
C. KAGAMITAN: Projector, Laptop

III. Pamamaraan:
A. Pangunahing Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Balik Aral
4. Pagganyak
B. Analisis
Matapos mapanood ang Alamat ng “Aso at Pusa” Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong
1. Sino-sino ang mga tauhan sa alamat?
2. Bakit at Paano naging isang aso at pusa ang magkapatid?
3. Ano ang aral na natutunan mo sa alamat na iyong natunghayan?

Bumuo ng apat (4)na grupo at sa bawat grupo ang guro ay magbibigay ng Manila paper upang
Ihambing si Puring at si Ador gamit ang Pahambing na Magkatulad, Palamang at Pasahol.

C. Abstraksyon
Gumawa ng 5 pangungusap gamit ang pahambing na Magkatulad, Pasahol at Palamang.

IV. Aplikasyon
Salungguhitan ang salitang pahambing na ginamit sa pangungusap at Isulat kung ito ay Pahambing
na Magkatulad, Palamang at Pasahol
______1. Ang kanyang ngiti ay tulad ng isang rosas na napakaganda.
______2. Di-hamak na mas maganda ang ginawa kong proyekto kesa sa iyo.
______3. Ako ay madaming kaalaman higit kay Ben.
______4. Maganda ang nabili kong bag ngunit di gaanong mahal.
______5. Ang aking nanay ay kamuka ng artista.
______6. Pareho kami ni Anna ng resulta sa pagsusulit sa Matematika.
______7. Di-masyadong masarap ang nabili kong ulam sa kanto.
______8. Mas maganda ang nabili kong sapatos kesa sayo lalo na at mas mahal ito.
______9. Ang bago kong aklat ay kapareho ng kanyang aklat.
_____10. Di gasinong malinis ang kanilang bahay na tinitirahan.

V. Takdang Aralin
Mula sa napanood na alamat isa isahin ang isa-isahin ang mga kapani-paniwala at di-kapani-
paniwalang mga pangyayari sa napanood na akda.

KAPANI-PANIWALA DI-KAPANI-PANIWALA

Inihanda ni:

Antoni, Bea Mae

You might also like