Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong.

Nais ng pagong na
makipagkaibigan sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at
pakutyang sinabi na, “hindi ang isang tulad mo ang nais kong kaibigan.

Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko. Hindi tulad mong lampa na’t
maliit ay sobra pa Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw.
“Sobra kang mapang-api. Minamaliit mo ang aking kakayahan. Dapat mong
malaman na ang maliit ay nakakapuwing.”

Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan


nito ang kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni
kalabaw.

“Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang


panahon.”

“Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?”


Pakutyang sambit ng kalabaw.
Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay nagpunta sa
kapitbahay ang kambing.

Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais.


Kumain ka ng kumain ng sariwang damo, kakain naman ako ng kakain ng mga
murang mais,” ang sabi ng kambing sa kalabaw.

“Oo, tayo na,” ang sabi ng kalabaw.

“Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa likod mo,” ang wika
ng kambing.

Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa ilog


hanggang sa kabilang ibayo. Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang
kambing. Ang kalabaw naman ay hihinay-hinay kumain.

Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa nabubusog.


Nainip na ang kambing. Kaya nagyaya nang umuwi.

“Kapitbahay, gusto ko nang umuwi. Busog na ako,” ang sabi ng kambing.


“Mabuti ka pa busog na,” ang sagot ng kalabaw. “Maghintay ka na muna.”

Nayamot na ang kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil sa pagkain ang
kalabaw. Mayroon siyang naisip. Naglulundag ang kambing. Gumawa ito ng
malaking ingay.

Dahil sa ingay na iyon ay narinig sila ng mga tao. Nagdatingan ang mga tao.
Nakita nilang kumakain ang kalabaw. Hinambalos nila nang hinambalos ang
kalabaw.

“Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi?” Ang tanong ng kambing sa


kalabaw.

“Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko,” ang sabi ng kalabaw. At
lumakad nang papunta sa ilog.

Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang kalabaw. Tinanong niya kung
bakit nag-ingay ang kambing.

“Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na ang kumanta at


magsayaw,” ang sagot ng kambing.

Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang anu-ano ay narating nila ang
malalim na bahagi ng ilog. Muling huminto ang kalabaw.

“O, bakit kahuminto? ang tanong ng kambing.

“Alam mo kapag ako ay nasa tubig, ay siyempre gusto kong gumulong-


gulong sa tubig,” ang sabi ng kalabaw.

“Aba, huwag! Paano ako, mahuhulog ako sa tubig. Hindi naman ako
marunong lumangoy,” ang sigaw ng kambing.

“E alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang gumulong-gulong sa tubig,”


at sinabayan nga ng gulong sa tubig.
Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si
Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni
Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang
pansit”, nag-aayang sabi ni Pagong“Naku baka panis na yan” sabi ni Matsing.

“Ang mabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin
na walang lason ang pagkain,” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis
na pagkain si Aling Muning,” sabi ni Pagong.

“Kahit na, ako muna ang kakain,” pagmamatigas ni Matsing.

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na


kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng


natira. Sa susunod ka na lang kumain,” paliwanag ng tusong matsing.
May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.

Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.Sa dulo ng sanga ng isang puno ay
sinimulan niyang kainin ang karn.Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng
isang aso na nagsabing, “sa lahat

ng ibon, aNatuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang
nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa
kung saan kaagad sinunggaban ng aso.Walang nagawa si uwak kundi tingnan
ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.

Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.

ng uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”


Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising
na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya
nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya.
Pinasan niya ito at dinal“Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni
Tipaklong. “Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi
maghanap at mag-ipon ng pagkain?”

“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni
Langgam.

“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Habang


maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay
kumanta.”

“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko


sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y
aking iipunin para ako ay may makain pagsumama ang panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan
sa hapon at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat,
kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na
ulan.
Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong.

Ngingisi-ngising inaglahi ng Kuneho ang Pagong.

“Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at


pagkabagal-bagal mong lumakad.”

Hindi ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang patunayang may


maipagmamalaki din naman ay sinagot niya ang mayabang na kalaban.

“Aba, Kuneho, maaaring mabagal nga akong maglakad pero nakasisiguro


akong matatalo kita sa palakasan. Baka gusto mong pabilisan tayong
makaakyat sa tuktok ng bundok pagsikat ng araw bukas. Tinatanggap mo ba
ang hamon ko?”

Tuwang-tuwa ang Kuneho sa hamon ng Pagong. Nakasisiguro siyang sa bagal


ng Pagong ay tiyak na mananalo siya. Upang mapahiya ang Pagong ay
pinagtatawag ng Kuneho ang lahat ng kamag-anak niya.
Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke.
Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa
palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas


at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay
nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig.
Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang
pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa.

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke


at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo. Nang
mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

“Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,” ang
sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng
kanyang kaibigan. Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang
gorilya), tinanong siya nito. “Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang
ilaw?” Suma“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.

“Hindi ako duwag!” ang nagagalit na sagot ng alitaptap.“Kung hindi ka duwag,


e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-aasar ni
Amomongo.“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok
at kakagatin ay makikita ko sila kaagad at nang sa gayo’y maipagtanggol ko
ang aking sarili”, ang tugon ni Iput-Iput.

Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising at


ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-
Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna
ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari
ng taniman at sinabing, “panahon na upang anihin ko ang aking maisan!
KailanNarinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina,
“kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang!
Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin
upang patayin!”

“Huwag kayong mabahala mga anak,” ang wika ng inahing manok. “Kung mga
kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga
iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito.”

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga’y walang
mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
“Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-
anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-

gan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-
ani bukas! “Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling
iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok
at sinabing, “kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipag-
sunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at
tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga
anak!”

Kinabukasan nga’y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak
na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing,
“bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim.
Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!”

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at


sinabing, “kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat
tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi
ang kanyang sarili!”

You might also like