Bakit Kailangan Aralin Ang Panitikan?

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Iba-iba ang nagiging paglalarawan ng mga tao pag narinig nila ang salitang

Panitikan, may mga nagsasabi na ito ay walang halaga para sa atin at mayroon din
naman nagsasabi na ito mahalaga sa atin at malaki ang naitutulong nito sa ating pag
katao at sa ating bansa. Nguti bago ang lahat ano nga ba ang panitikan, ang panitikan
ay ang lahat ng uri ng pahayag, tula, maikling kwento, dula, nobela at sanaysay na
maaring nakasulat, binibigkas o ipinahihiwatig ng isang aksyon na may takdang anyo at
porma. Ang panitikan din ang nagpapakita ng mga damdamin, kaisipan, hangarin at diwa
ng isang tao.

Ang panitikan sa ating bansa o ang Panitikang Pilipino ay tumutukoy sa mga


pahayag at sulatin ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, paniniwala at
pananampalatayang kanilang kinagisnan. Marami sa ating mga kababayan na ang tingin
sa panitikan ay walang halaga at hindi na dapat pang pag-aralan pa ngunit para sa akin
ang panitikan ay mahalaga at may saysay kaya’t dapat itong patuloy na pag-aralan. Ang
unang dahilan o ang pinaka pangunahing dahilan kung bakit ko nasabi na dapat pag-
aralan ang panitikan ay ito ay tumutulong sa atin upang linangin at pagyamanin ang ating
pag-iisip, binubuksan nito ang ating diwa at ginagawa tayong malikhain. Sa tulong din ng
mga panitikang ating nababasa ang ating kaalaman tungkol sa ating nakaraan ay
nadaragdagan at minumulat din nito ang ating isipan upang ating makita ang
kasalukuyan. Ang mga panitikan ay isa rin sa mga tumutulong sa atin upang mapadali
ang ating buhay, maraming impormasyon at solusyon na maari nating makuha sa mga
panitikan na maari nating magamit upang makaiwas sa ano mang problemang maari
nating kaharapin. Minsan sa ating buhay tayo rin ay kinakailangan magsulat o gumawa
ng ating sariling panitikan kaya napaka halaga kung tayo ay mayroong sapat na
kaalaman tungkol sa panitikan

Ang isa pang dahilan na aking nakikita kung bakit kailangan aralin ang panitikan
dahil sa tulong din nito, nakikilala natin maigi ang ating sarili bilang isang Pilipino at
nakikilala din ang ating lahi sa labas ng bansa. Dahil sa mga panitikang ginawa ng ating
mga ninuno nabubuo ang ating pag katao at ang ating pagka Pilipino dahil nabibigyan
kasagutan nito ang ating mga katanungan tungkol sa ating pinagmulan. Ang mga
panitikan ay sumasalamin din sa ating mga kaugalian, tradisyon at kultura kaya’t
nararapat lamang na ito ay ating aralin at mahalin. Nakikilala din ang ating lahi sa mga
ibang bansa dahil umaabot din sa iba’t-ibang bansa ang mga panitikang ginawa ng ating
mga ninuno kagaya na lamang ng mga panitikan na ginawa ng ating mga bayani at dahil
dito nakikita ng iba’t-ibang bansa ang husay at talino ng mga Pilipino

Bilang konklusyon, masasabi ko na dapat talagang pag-aralan ang panitikang


Pilipino at talagang malaki ang naitutulong nito para sa atin kaya dapat natin itong mahalin
at pagka-ingatan. Walang ibang magmamahal at mag iingat ng ating panitikang Pilipino
kungdi tayo lamang mga Pilipino. Kung patuloy nating pagyayamanin ang ating
Panitikang Pilipino madaming mabubuting mangyayari hindi lamang sa ating sarili kungdi
sa ating buong bansa.

You might also like