Pangkalahatang Patnubay sa Paggamit ng mga Biswal na Elemento
1. Maglalagay lamang ng mga elementong biswal sa teknikal na sulatin kung
may dahilan kung bakit kailangan ang mga ito. Kung hindi tiyak kung bakit kailangan ito sa isang papel. Huwag na itong isama.
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng lahat ng ginamit na elementong biswal.
Kailangan ding isama ang interpretasyon ng datos na inilahad. 3. Tiyaking may numero at pamagat ang lahat ng biswal.
4. Tiyaking ding lahat ng biswal ay tuwirang naglilinaw at nagpapaunlad sa
diskusyon sa teksto. Kailangang itahi ang paliwanag sa mga ito sa diskusyon, hindi basta lamang inilalagay ang mga ito. Ang mga pamagat ng mga elementong biswal ay nararapat na akma sa tinatalakay sa diskusyon.
5. Gawan ng tamang dokumentasyon ang mga elementong biswal na may
copyright o iyong mga nagtataglay ng mga ideyang hiniram. Iligay ang source line sa tabi ng numero at pamagat ng biswal. Mga Uri ng Elementong Biswal 1. Dayagram 2. Grap
a) Linyang Grap b) Bar o Kolumn Grap c) Pie Tsart 3. Iskematiks